You are on page 1of 90

Republic of the Philippines

State Universities and Colleges


GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Filipino 303 – Istruktura ng Wikang Filipino


(Tutorial Class)

Genalyn L. Moscaya, Ph.D. Tessahnie S. Serdeña


Propesora MA. Ed (Filipino)

Ponolohiya (Palatunugan)

a. Wika bilang masistemang ponolohiya

Ang wika ay binubuo ng mga tunog ngunit hindi lahat ng tunog na


nariririnig natin ay maituturing na wika. Ang pagtukoy ng mga
sinsalitang tunog mula sa mga hindi makabuluhan ay pinag-aaralan sa
Ponolohiya.

b. Kahulugan ng Ponolohiya

Ang ponolohiya ay sangay ng linggwistika na tumutukoy sa


maagham na pag-aaral sa mga tunog ng isang wika. Dito rin pinag-
aaralan ang wastong pagbigkas ng mga tunog na tinatawag na ponema.
Ang ponema ay pinakamaliit nay unit ng tunog.
May isa – isang tumbasan ang ponema at titik na kumakatawan
dito dahil sa konsistent ang palabaybayang Filipino. Lahat ng simbolo para
sa bawat ponema ay siya ring titik maliban sa /ʔ/ para sa tunog na glottal
at /ῃ/ para sa ng.

c. Mga salik ng ponema upang makapagsalita ang tao

Magiging maayos ang pagbigkas ng mga nabanggit na tunog kung


batid ang mahahalagang instrumento sa pagbigkas at maisaalang-alang
ang mga sumusunod na salik na kailangan upang makapagsalita:
1. Ang pinanggalingan ng lakas o enerhiya
2. Ang artikulador o mga kumakatal na bagay
3. Ang resonador o patunugan

d. Mga bahaging kailangan sa pagbigkas ng tunog

Karamihan ng mga salita sa Filipino ay nalilikha sa pamamagitan ng


palabas na hangin. Ito ang lumilikha ng presyon na nagpapakatal sa mga
bagtingang pantinig (vocal chords). Ang tunog ay namomodipika ng ilong
at bahagi ng bibig tulad ng dila at panga, ngipin at labi, matigas na
ngalangala at malambot na ngalangala.

e. Punto at paraan ng artikulasyon

Nagkaroon ng pagkakaiba ang mga tunog na ito ayon sa paraan at


punto ng artikulasyon.

f. Ponema

Ang Ponemang Segmental

Ang ponemang segmental ay tumutukoy sa makabuluhang


tunog na nangangahulugang ang bawat ponema ay maaaring
makapagpabago ng kahulugan ng isang salita ng isang wika.

Sa wikang Filipino, may dalawampu’t isang (21) ponema, limang


(5) ponemang patinig at labing – anim (16) na ponemang katinig.

Ang pagbigakas ng ponemang patinig ay makikita sa posisyon ng


dila na may tatlong bahagi: harap, sentral, at likod. Makikita sa ibaba ang
tsart ng ponemang katinig.

Mga Ponemang patinig


Harap Sentral Likod
Mataas i o
Gitna e u
Mababa a

Ang ponemang katinig ay binubuo


lamang ng labing anim (16) na ponema at ang tinutukoy na ika-6 ay may
simbolong tandang pananong na walang tuldok /ʔ/ na kumakatawan sa
impit na tunog o glottal. Mailalarawan ang pagbigkas ng mga tunog na ito
sa pamamagitan ng punto at paraan ng artikulasyon na makikita sa tsart
ng ponemang katinig.

Mga Ponemang Katinig


Paraan ng Punto ng Artikulasyon
Artikulasyon Panlabi Pangngiipin Panggilagid Pangngalangala Glottal
Palatal Velar/
Panglalamunan
Pasara w.t. p t k ʔ
m.t. b d g
Pailong m.t. m n
Pasutsot w.t. s h
m.t. z
Pagilid m.t. l
Pakatal m.t. r
Mala- m.t. y w
patinig
Frikatib w.t. f j
m.t. v

Ang /ῃ/ ay katumbas ng ng sa ating alpabeto na binibigyan lamang ng isang


simbolo na sumasagisag sa isang makahulugang tunog. Samantalang ang glottal o impit
na tunog ay sinsagisag naman ng tandang pananong na walang tuldok /ʔ/. Ng

Ang mga ponemang katinig ng Filipino na nasa talahanayan ay ginagamit sa mga


karaniwang salita na matatagpuan sa wikang Filipino. Sa kasalukuyan, may mga letrang
idinagdag sa makabagong alpabeto at apat sa mga ito ay may tiyak na ponemikong
kalagayan sa palatuntunang Ingles. Ang mga letrang ito ay /f/, /j/, /v/, at /z/ na
may iisang kinakatawang tunog at ang mga letrang ito ang gagamitin kapag binaybay
sa Filipino ang mga salitang hiram.

Ang pagdaragdag na ito ay bunga ng mga pagbabagong nagaganap sa ating


wika. Isa itong paraan sa pagpapaunlad ng wikang Filipino.

Ipinaliwanag nina Santiago at Tiangco (2003) ang punto ng artikulasyon ng


mga ponemang katinig gaya ng mga sumusunod:

1. Palabi – ang ibabang labi ay dumidikit sa labing itaas.


/p, b, m/

2. Pangngipin – ang dulo ng dila ay dumidikit sa loob ng mga ngiping itaas.


/t, d, n/
3. Panggilagid – ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o dumidikit sa punong
galagid.
/s, l, r/

4. Pangngalangala (Velar) – ang ibabaw ng punong dila ay dumidikit sa velum


o malambot na bahagi ng ngalangala.

/k, g, n/

5. Glottal – ang mga babagtingang pantinig ay nagdidiit o naglalapit at


hinaharang ang presyon ng papalabas na hininga upang lumikha ng paimpit o
pasutsot na tunog /ʔ, h/. Kung ang /ʔ/ ay nasa pusisyong pinal na nag-iisang
salita o kaya’y ng pangungusap, ang presyon ng papalabas na hangin ay biglang
pinipigil upang lumikha ng paimpit na tunog.

Sa paraan ng artikulasyon naman inilalarawan kung paanong gumagana ang


ginagamit na mga sangkap sa pagsasalita at kung paanong ang hininga ay lumalabas
sa bibig o sa ilong sa pagbigkas ng alinman sa mga ponemang katinig. Ang paraan ng
artikulasyon sa Filipino ay mapapangkat sa anim, gaya ng mga sumusunod (Santiago at
Tiangco, 2003):

1. Pasara – ang daanan ng hangin ay harang na harang.

/p, t, k, ʔ, b, d, g/
2. Pailong – ang hangin ay sa ilong lumalabas at hindi sa bibig dahil ito’y
nahaharang dahil sa pagtikom ng mga labi, pagtukod ng dulong dila sa itaas ng
mga ngipin, o kaya’y dahil sa pagbaba ng velum o malambot na ngalangala.

/m, n, ῃ/
3. Pasutsot – ang hanging lumalabas ay nagdaraan sa makipot na pagitan ng
dila at ng ngalangala o kaya’y ng mga babagtingang pantinig.

/s, h/
4. Pagilid – ang hangin ay lumalabas sa mga gilid ng dila spagkat ang dulong
dila ay nakadikit sa puno ng gilagid.

/l/
5. Pakatal – ang hangin ay ilang ulit na hinaharang at pinababayaang lumabas
sa pamamagitan ng ilang beses na pagpalag ng dulo ng nakaarkong dila.

/r/
6. Malapatinig – kaiba sa mga katinig, dito’y nagkakaroon ng galaw mula sa
isang pusisyon ng labi o dila patungo sa ibang pusisyon /w,y/. Sa /w/ nagkaroon
ng glayd o pagkambyo mula sa puntong panlabi – papasok; samantala, ang /y/
ay ang kabaligtaran nito – palabas. Ito ang dahilan kung bakit hindi isinama ang
mga ito sa paglalarawan ng punto ng artikulasyon ng mga katinig.

Ang Ponemang Suprasegmental

Ang ponemang suprasegmental ay binubuo ng tono, haba,


diin, at tigil o paghinto.

1. Tono – tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng tinig. Nakapagpapabago


rin ito ng kahulugan. Nakukuha natin ang mensahe ng ating kausap sa
pamamagitan ng kanyang boses kung siya ay nangangaral, naiinis, nang-iinsulto,
nagtatanong, nakikiusap o nag-uutos. Hindi lamang ditto nakikita ang
kahalagahan ng tono kundi sa wastong pagbigkas ng salita. Tumataas ang tinig
sa bahagi ng pantig ng salita na kailangang bigyang-diin.

Halimbawa:

a. N a n d i t o s i y a k a n i n a? N a n d i t o s i y a k a n i n a?

b. Ikaw I kaw?

2. Haba at Diin – Ang haba ay tumutukoy sa haba o ikli ng bigkas sa


pantig ng salita na may patinig o katinig. Ang diin o stress naman ay
tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig na kailangang bigyang – diin.
Mapapansin na kung nasaan ang pantig na may diin ay naroon din
matatagpuan ang haba nito.

Halimbawa:

aso = /’a.soʱ/ = ‘dog’


galling = /ga.liῃ / = ‘from’
pito = /pi.toʱ/ = ‘whistle’

3. Hinto o Antala - Ang hinto o pagtigil ay tumutukoy sa saglit na


paghinto sa pagsasalita na maaaring panandalian na matatagpuan sa gitna
ng pangungusap o sa gitna ng isang taludtod ng tula o kaya naman ay sa
hulihan o katapusan ng pangungusap. Ang mga karaniwang palatandaan na
ginagamit sa saglit na paghinto sa pagbasa ng isang akda ay kuwit, tuldok,
semi-kolon at kolon. Sa iba naming pagkakataon lalo na sa mga
panliteraturang akda, makikita natin ang paggamit ng isang bar (/) sa saglit
na paghinto at dobleng bar (//) sa katapusan ng pahayag.

Halimbawa:

Attorney, ang tatay ko. (Attorney/ ang tatay ko //)


Attorney ang tatay ko. (Attorney ang tatay ko //)

Ang unang pangungusap ay nangangahulugan na ipinapakilala ng


nagpapahayag ang kanyang tatay sa abogado. Sa ikalawang pangungusap naman
ay nagmamalaki ang nagpapahayag na abogado ang tatay niya.

Narito pa ang ilang halimbawa (Badayos, et al.2007):

Doktor Juan Miguel Manuel ang buo Ang doktor na siya ring tagapagsalita ay
kong pangalan. nagngangalang Juan Miguel Manuel.

Doktor, Juan Miguel Manuel ang buo Ang tagapagsalita ay nagpapakilala sa


kong pangalan doktor na siya ay si Juan Miguel Manuel.

Doktor Juan, Miguel Manuel ang buo Ang tagapagsalita na nagngangalang


kong pangangalan. Miguel Manuel ay nagpapakilala kay
Doktor Juan.

Gawain:

Panuto: Suriin ang sumusunod na salita at lagyan ng angkop na


diin batay sa kahulugang ibinigay.

baba (chin) tala (notes)

baba (go down) tala (stars)

tubo (sprout) saya (skirt)

tubo (sugarcane) saya (happy)


Mga Pares Minimal sa Filipino

Ayon kina Santiago at Tiangco (2003) ang mga pares minimal ay pares
ng mga salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad sa bigkas
maliban sa isang ponema sa magkatulad na pusisyon.

Halimbawa, sa pares ng salitang pala at bala, ang mga ito ay magkatulad ng


bigkas maliban sa mga ponemang /p/ at /b/ bagama’t ang mga ito ay
parehong nasa inisyal na pusisyon ng salita. Ang pagkakaiba ng tunog ng
/p/ at /b/ ay nagdulot sa pagkakaiba ng kahulugan ng mga salitang pala at
bala kaya’t ang mga ito ay matatawag na mga pares minimal. Ang mga
salitang pala at alab ay hindi matatawag na pares minimal sapagkat ang
tunog na /p/ at /b/ ay magkaiba ng pusisyon – ang /p/ ay nasa pusisyong
inisyal ng salita habang ang /b/ ay nasa pusisyong pinal.

Narito ang mga iba pang halimbawa ng pares minimal. Pansinin ang mga
ponemang magkaiba sa bawat pares ng

Halimbawa:
mesa – misa butas – botas
paso – baso tela – tila
mora – mura sarap – harap

Mga Ponemang Malayang Nagpapalitan

May mga ponema sa Filipino na malayang nagpapalitan. Ang mga


ponemang ito ay magkaiba na matatagpuan sa magkatulad na pusisyon ngunit
hindi nakapagpapabago sa kahulugan ng mga salita. Sumakatuwid, magkaiba
man ng dalawang ponema sa dalawang salita, magkatulad pa rin ang taglay
nilang kahulugan.

Narito ang ilang halimbawa. Ang mga ponemang may mga salungguhit ay
malayang nagpapalitan ngunit hindi nila naaapektuhan ang kahulugan ng mga
salita.

Halimbawa:

lalaki – lalake totoo – tutoo


babai – babae nuon – noon
bibe – bibi kape – kafe
daw – raw rin – din

Batay sa ipinakitang halimbawa, mapapansin na malayang nagpapalitan


ang /i/ at /e/, gayundin naman ang /o/ at /u/. Kaakibat nito, hindi
nakaaapekto ang pagpapalitang ito sa pagbabago ng kahulugan ng mga salita.
Subalit hindi lahat ng pagkakataon ay malayang nakapagpapalitan ang mga
nabanggit na ponema. Maaari rin naming maging pares minimal ang mga ito
tulad ng mga sumusunod:

bos = /bos/ = ‘boss’ mesa = /me.saʱ/ = ‘table’


bus = /bus/ = ‘bus’ misa = /mi.saʱ/ = ‘mass’
parte = /pa.rteʱ/ = ‘part’ parti = /pa.rtiʱ/ = ‘party’

Gawain:

Sabihin kung ang pares ng mga salita ay pares minimal o may ponemang
malayang nagpapalitan.

1. bantay-pantay
2. dulot-tulot
3. mane-mani
4. kasuotan-kasuutan
5. kompanya-kumpanya
6. mumo-momo
7. nuon-noon
8. sabat- sapat
9. tekas-tikas
10. bumbilya-bombilya

Ang Diptonggo

Sa talakay nina Santiago at Tiangco (2003). Ang diptonggo


(dipthongs) ay tumutukoy sa alinmang patinig na sinusundan ng malapatinig
na /w/ at /y/ sa loob ng isang pantig.
Ang mga diptonggo ay maaaring maiayos at mailarawan sa
pamamagitan ng isang tsart.

Mga Diptonggo ng Filipino

Harap Sentral Likod


Mataas Iw, iy uy
Gitna ey oy
Mababa aw, ay

Samantala, tiniyak nina Paz, et al. (2003), binanggit sa aklat nina


Badayos, et al. (2007) na magkaiba ang monoptong sa diptong sapagkat
ang monoptong ay isang payak o simpleng patinig lamang habang ang
diptong ay sikwens o sunuran ng patinig at malapatinig o glayd. Sa pagbuo
ng diptonngo, may mapapansing pagbabago sa kalidad ng mga ito sa loob ng
isang pantig. Binigyang – diin lamang nito na ang pagbabagong binanggit ay
nagaganap dahil sa paglipat ng dila mula sa artikulasyon ng patinig mula sa
posisyon ng malapatinig gaya ng maririnig sa mga sumusunod na halimbawa.

sisiw sabi’y (sabi at ay)


baliw /iw/ kami’y (kami at ay) /iy/
agiw

ley bahay
reyna /ey/ suklay /ay/
bleyd kalaykay

uhaw kasoy
bahaw /aw/ daloy /oy/
galawgaw langoy

Batay sa mga halimbawang ipinakita, mapapansin na maaaring


matagpuan ang diptonggo sa midyal at pinal na pusisyon. Subalit hindi lahat ng
makikita nating sunuran ng patinig at malapatinig ay maituturing na diptonggo.
Halimbawa ang salitang agiw. Mapapansin sa salitang ito na ang diptonggo ay
nasa pinal na pusisyon – iw. Subalit kapag ito’y nilagyan pa natin ng hulaping -
an at naging agiwan. ang sunurang patinig at malapatinig ay hindi na
masasabing diptonggo sapagkat ang mga ito ay nasa magkahiwalay na pantig,
a-gi-wan. Sumakatuwid, hindi na maituturing na diptonggo ang isang salitang
nagtataglay ng sunurang patinig at malapatinig kung ang malapatinig na /w/ at
/y/ ay napagitan na sa dalawang patinig.

Ang mga Klaster

Sa talakay nina Otanes at Schachter (1972, binanggit sa aklat nina


Badayos et al. 2007), ang consonant cluster ay tumutukoy sa uri ng syllable
pattern. Ito ay sunuran ng dalawa o higit pang katinig na matatagpuan sa loob
ng isang pantig na maaaring sa inisyal o pinal na pusisyon.

Ayon naman kina Aganan, et al. (1999), ang klaster o kambal


katinig ay tumutukoy sa magkasunod-sunod na tunog katinig.

Makikita natin batay sa mga binanggit ng mga dalubwika na


nagkakasundo sila na ang klaster o kambal-katinig ay sunuran ng dalawa o higit
pang katinig na matatagpuan sa loob ng isang pantig.

Binigyang-diin naman nina Santiago at Tiangco (2003) sa kanilang


talakay na ang pagdami ng bilang ng mga salitang may klaster o kambal-katinig
sa Filipino ay bunga ng impluwensiya ng wikang Ingles.

Si Santiago at Tiangco ay may ipinakitang tsart na maaaring


kumbinasyon ng mga ponemang katinig na maituturing na klaster sa pusisyong
inisyal:

/w/ /y/ /r/ /l/ /s/ Halimbawa


/p/ / / / / pwesto, pyesta, promo,
plantsa
/t/ / / / / twalya, tyangge, tropeyo,
Tsino
/k/ / / / / kwarto, kyosk, krema, klima
/b/ / / / / bwenas, byahero, bra, bleyd
/d/ / / / dwelo, dyaryo, drama
/g/ / / / / gwantes, gyera, grado,
glandula
/m/ / / mwebles, myembro
/n/ / / nwebe, nyog
/l/ / / lwalhati, lyabe
/r/ / / rweda, patrya
/s/ / / sweldo, syaho
/h/ / / hweteng

Mula sa tsart, mapapansin sa mga halimbawang salita na hindi


lamang makikita ang mga klister sa inisyal na pusisyon sapagkat may ilan din
ditto na matatagpuan sa midyal o gitnang pusisyon. Kapansin-pansin din na
karamihan sa mga salitang ito ay hiram sa Kastila.
Sa kabilang dako, may isinaayos din sa tsart sina Santiago at
Tiangco para naman sa mga sapilitang pagtanggap ng klaster sa pusisyong pinal
dahil sa mga salitang hinihiram sa Ingles:

/p/ /t/ /k/ /b/ /d/ /m/ /n/ /l/ /s/ Halimbawa
/w/ / / / iskawt, dawntawn, pawl
/y/ / / / / / / / / / istrayp, plaslayt, keyk, drayb,
bleyd, sayn, seyl, beys
/r/ / / / / / apartment, park, kard, patern
/l/ / / balb, dimpols
/s/ / desk
/n/ / absent
/k/ / relaks

Gawain:

Tukuyin ang mga salita sa pangungusap na may diptonggo o


klaster.

1. Ang industriyalisasyon ay nagbigay ng pagbabago sa lahat ng


bahagi ng buhay sa daigdig.

2. Maraming imbensyon ang dulot ng umuunlad na syensya.

3. Kaya nga ang sistema ng edukasyon ay umaagapay rito.

4. Ang mga transaksyong pang-ekonomiya ay mabilis na


dumadaloy dahil sa makabagong paraan ng komunikasyon.

5. Lahat na yata ng mga kumpanya ay gumagamit ng mga


kompyuter.
Palabaybayan

Ang palabaybayan (orthography sa Wikang Ingles) ng isang wika ay


tumutukoy sa tamang paraan ng paggamit ng isang tiyak na sistema sa pagsulat
ng isang wika.

Ang Baybayin (alam sa Unicode bilang Tagalog script o panitik na


Tagalog) ay isang lumang paraan ng pagsulat ng mga kayumangging Pilipino
(mga salitang katutubo sa kapuluan ng Pilipinas) bago pa nakarating sa kapuluan
ang mga dayong Kastila.

Ito ay supling sa panulat Kavi (gaya ng sa LCI 822 A.D.) na paraan ng


pagsulat ng mga taga-Java at iba pang bahagi ng Timog Silangang Asya. Ito ay
bahagi ng sistema o pamamaraang Brahmic (na nagsimula sa eskrito o sagisag
na Sanskrit) at pinaniniwalaang ginagamit noong ika-8 siglo sa pulo ng Luzon.
Ito ay nasaksihan na ginagamit sa mga kapuluan ng Pilipinas ng mga Kastila
nuong ika 16 na siglo. Ang ibang kahalintulad na mga paraan ng pagsulat ay ang
mga Hanunóo, Buhid, at Tagbanwa na nanatili paring gamit sa kasalukuyan sa
nasabing pangkat. Ang salitang baybayín sa kasalukuyang wikang Tagalog ay
katunayang nangangahulugan ng pagsulat ng mga titik ng isang salita, o "to
spell" sa wikang Ingles.

Mga deribatibo at paggamit

Ang sistema ng pagsulat ay ayon sa sistemang abugida na


gumagamit ng pagpaparis ng katinig at patinig. Bawat titik, kung isulat sa payak
na anyo, ay isang katinig na nagtatapos sa patinig na "A". Upang isulat ang isang
katinig na nagtatapos sa ibang patinig, maaaring maglagay ng kudlit sa ibabaw
(kung nais isama sa patinig na "E" o "I") o sa ilalim (kung nais isama sa patinig
na "O" o "U"). Ang paglagay ng kudlit ay naaangkop lamang sa mga Patinig, at
hindi maaaring gawin sa mga Katinig. May sariling mga marka ang mga patinig.
Gayon pa man, may isang simbolo lamang para sa D o R dahil ang mga ito ay
tinatawag na "allophones", na kung saan ang D ay maaaring may "initial", "final",
"pre-consonantal" o "post-consonatal" na posisyon, at ang R naman ay may
"intervocalic" na mga posisyon.

Palapantigan

Ang pantig ay binubuo ng isang salita o bahagi ng isang salita na


binibigikas sa pamamagitan ng isang walang antalang bugso ng tinig. Bawat
patinig sa Filipino ay may patinign a kalimitan ay may kakabit na katinig o mga
katinig sa unahan, sa hulihan o sa magkabila.

1. Mga Pormasyon ng Pantig

Sa matandang balarila ay apat lamang ang kinikilalang

pormasyon ng pantig:

a. P – pantig na binubuo ng patinig lamang, kaya’t tinatawag na payak.

Halimbawa: o-o, a-a-sa, ma-a-a-ri

b. KP – pantig na binubuo ng patinig na may tambal na katinig sa


unahan, kaya’t tinatawag

na tambal-una.

Halimbawa: ba-ba-e, ta-o, gi-ta-ra

c. PK – pantig na binubuo ng pantinig na may tambal na katinig sa hulihanm


kaya’t tinatawag na tamabla-huli.

Halimbawa: ak-lat, su-lat, bun-dok.

d. KPK – pantig na binubuo ng pantiinig na may tambal na katinig sa unahan


at sa hulihan, kaya’t tinatawag na kabilaan.

Halimbawa: ak-lat, su-lat, bun-dok.

Ngunit sa ngayon, dahil sa ang Pilipino ay patuloy na umuunlad at samaktwid ay


patuloy ring magbabago, ang apat na pormasyon ng mga pantig na tinatalakay sa itaas
ay naragdagan na ng mga sumusunod:

e. KKP – pantig na binubuo ng patinig na may tamal na klaster sa unahan.

Halimbawa: tse-ke, dra-ku-la

f. PKK – pantig na binubuo ng patinig na may tambal na klaster sa hulihan.


Halimbawa: bloawt, art

g. KKPK- pantig na binubuo ng patinig na may tambal na klister sa unahan


at katinigsahulihan.

Hal.plan-tsa. trum-pe-ta.

h. KPKK—pantig na binubuo ng patinig na may tambal na katinig sa unahan at


klaster sa hulihan.

Hal.nars, kard.

i. KKPKK—pantig na binubuo ng patinig na may tambal na klister sa unahan at sa


hulihan.

Hal.trans-por-tas-yon, tsart.

Gawain:

Pantigin ang sumusunod na mga salita.

1. lobo 11. transkripsyon


2. palaro 12. nars
3. pansit 13. trambya
4. embutido 14. tren
5. handog 15. kidlat
6. kutsarita
7. atsara
8. alimasag
9. mag-iimbita
10. eksperto

PANTIG - walang antalang bugso ng tinig sa pag bigkas.

Ang pantig o silaba ay isang yunit ng tunog na binubuo ng isang


patinig o kambal-patinig at isa o mahigit pang katinig.
KAYARIAN NG PANTIG

Ang pagtukoy sa pantig, gayundin sa kayarian nito ay


sapamamagitan ng paggamit ng K(katinig) at P(patinig).

a. KATINIG

Ang Katinig ay mas kilala natin sa English na Consonants. Ito ay


binubuo ng mga letrang B, C, D, F,G,H,J,K,L,M,N,P,Q,R,S,T,V,W,
X,Y,Z

b. PATINIG

Ito ay mas kilala natin sa English na Vowels. ito ay binubuo ng


mga letrang A, E, I, O, U

Mga Tuntunin sa Pagpapantig

Simple lamang ang mga tuntunin ng pagpapantig sa Pilipino.


Narito ang ilang tuntuning dapat sundin sa pagapapantig:

A. Hindi maaaring magkaroon ngdalawa o higit pang patinig sa


isang pantig. bawat isa sa nagkakasunod na patinig, Halimbawa magkatulad man
o hindi, ay dapat ibilang na isang pantig

halimbawa: i-i-yak, i-a-alis, ba-o.

B. Kung nagkakasunod ang dalawang katinig, ang una’y


ipinapantig sa patinig na sinusundan at ang ikalawa’y sob-re. Ngunit laging
tandaan na ang digrapong ng ay ibinibilang na isang letra lamang o isang katinig
at hindi dalawa.

C.Hindi maaaring magkaroon ng higit sa dalawang katinig sa


unahan o sa hulihan ng pantig. Sa ibang salita, maaari ang wala. maaari ang isa
o dalawa, ngunit hindi maaari ang tatlo o higit pa. Hal: trans- por-mas-yon at
hindi*transp-or-mas-yon.

Tandaan na ang pinag-uusapan natin ay mga ponema o


makahulugang tunog na ipinakikita sa pamamagitan ng transkripsyong ponemiko
at hindi ang ispelling o baybay ng isang salita.
Gawain:

Tukuyin ang uri ng kayarian o pormasyon ng mga pantig


na italisado.

1. report 6. iskawt
2. kontes 7. kwentuhan
3. tsinelas 8. transpormer
4. teksto 9. elektrisidad
5. ekis 10. plaslayt

Palagitlingan

Bukod sa pang karaniwang gamit sa gitling sa paghahati ng


salita sa mag kasunod na taludtud, mayroon pang ilang sadyang gamit ito
sa palabaybayang Pilipino, tulad ng mga sumusunod:

A. Kapag ang salita ay inuulit.

Halimbawa:

gabi-gabi
paa-paano
matamis-tamis
malayung-malayu
dala-dalawa
babaing-babae

Sa dalawang huling halimbawa, mapapansingang/o/ ng


malayung-malayo ay naging /u/ nang ulitin, at ang /e/ naman ay naging
/i/.

Tandaan na ang mga salitang alaala, paruparo,


gunamgunam ay hindi gingitlingan sapagkat ang mga ito’y hindi mga
salita o morpema.

B. Kapag ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang-


ugat ang nilalapian ay nagsisimula sa patinig
Halimbawa:

mag-alis pang-ulo
Pang-ako may-aro
Mang-una pang-aral

May mga salita namang hindi nag-iiba ang kahulugan


gitlingan man o hindi.

Halimbawa: Pag-ibig o pagibig


pag-asa o pagasa

C. Kapag may katagang nawawala sa pagitan ng dalawang


salitang pinagsasama.

Halimbawa:
bahay na kubo = bahay-kubo

Bulaklak sa paran = bulaklak-parang

Kahoy sa bundok = kahoy bundok

D. kapag ang isang panlapi ay inilalapi sa unahan ng


isang nag ala ng pantangi.

Halimbawa:

Maka-Quezon, aga-Nueva Ecija,


Pang-mahal na araw, mag-Aba Ginoong Maria

E. Kapag ang panlaping ma- ay inuuna sa mga pang-


uri, lalo na sa nagsisimula sa m at nagbibigay ng kahulugang maging.

Halimbawa:

ma-mayaman ma-mahirap
ma-malaki ma-maliit

F. Kapag isinusulat ang patitik ang yunit ng praksyon


Halimbawa:
Ika-10 mag-iika-5

Ngunit hindi na ginagamitan ng gitling kapag isinatitik ang bilang

Ikasampu mag-iikalima

G. Kapag isinusulat na ng patitik ang yunit ng praksyon

Halimbawa:
Isang-katlo (1/3)
tatlong- kapat (3/4)

H. Kapag nananatili ang kahulugan ng dalawang salitang


pinagtatambal.

Halimbawa:

Tawang-aso dalagang-bukid
Barong-intsik punong-kahoy

Kudlit

Ginagamit ang kudlit kung may nawawalang letra o


mga letra sa dalawang salitang pinag-uugnay.

Halimbawa:

ako at ikaw = ako’tikaw


iba at iba = iba’tiba

Palabigkasan at Palatuldikan

Tuldik

Ito ay isang hudyat na dinadagdag sa isang titik upang


mapalitan ang pagbigkas o malaman ang pagkakaiba nito sa pagitan ng
magkakatulad ng mga salita.

1. Mga salitang Malumay- Binibigkas ito nang may diin sa pantig na


penultima o ikalawang pantig mula sa huli.

2. Mga salitang Malumi- Tulad ng malumay, binibigkas ito nang may diin
sa pantig na penultima.
3. Mga salitang Mabilis- Binibigkas ito ng tuloy-tuloy
na ang diin ay nasa huling pantig.

4. Mga salitang Maragsa- Tulad ng mabilis, binibigkas ang mga ito nang
tuloy-tuloy na ang diin ay nasa huling pantig.

Diin

1. Kapag ang diin ay nasa pusisyong di-pinal ng salita, ang patinig ng


pantig na may diin ay binibigkas nang higit na mahaba sa ibang
patinig, at ang pagbigkas sa nasabing pantig ay nagiging higit na
malakas at mataas na rin kaysa ibang pantig.
2. Kapag ang diin ay nasa pusisyong pinal, katulad halimbawa sa mga
salitang mabilis at maragsa.

Transkripsyon

Ito ay ay katulad ng palatuldikan. Ito ay ginagamit bilang giya


o patnubay kung paano bibigkasin nang wasto ang mga salita sa isang
wika.

Dalawang klase ng Transkripsyon:

1. Ponemikong Transkripsyon

Sa ponemikong transkripsyon, ang lahat ng


makabuluhang tunog o kinikilalang ponema sa isang wika
ay binibigyan ng kaukulang simbolo.
Ito ang ginagamit na pangulong sa mga salita ay mga pahilis na
guhit o virgules//.

Ang tuldik na paiwa /’/ ay nagrereprisinta sa impit na tunog na


matatagpuan sa mga pusisyong midyal at pinal na isinusulat nang
nakahanay sa ibang ponema.

Ang /һ/ ay nagpapahag ng impit na pahinga na salita o glottal


na pasutsot. Kadalasan itong nilalagay sa hulihan ng salitang
nagtatapos sa patinig.

Ang /ŋ/ ay katumbas ng “ng”. Ang “ng” ay isang digrapo o


dalawang simbolo na kumakatawan sa isang ponema.

Ang tuldok /·/ ay kumakatawan sa pagpapahaba ng patinig na


palaging inilalagay pagkatapos ng mahabang patinig.

Halimbawa:

Buhay- /bu·hay/ -life Alagad- /alagad/

-/buhay/ -alive Mabuti- / mabu·ti/

Basa- /ba·saһ/ -read Langoy- /laŋoy/

-/basa’/ -wet

2. Ponetikong Transkripsyon

Sa transkripsyong ponetiko, lahat ng tunog na


marinig ng nagsusuring linggwist, makahulugan man o hindi,
ay kanyang itinatala. Kaya nga’t sa transkripsyong ito, hindi
lahat ng tunog na binigyan ng kaukulang simbolo ng isang
nagsusuri ay makahulugan o ponemiko. Ang ginagamit na
pangulong sa mga salita ay braket [….].

Sa mga mag-aaral at guro ng wika, hindi ito pinag-


uukulan ng masusing talakay sapagkat ang mga linggwist
lamang ang gumagamit at nag-aaral sa ponetikong
transkripsyon.

Sa transkripsyon, mahalaga na malaman ang mga


sumusunod:

 Kung nagsasagawa ng transkripsyon, de letra o script


ang dapat na gamitin at hindi “patakbo” o cursive.
 Ang salita, parirala o pangungusap na itinatranskribe
ay dapat kulungan ng dalawang guhit na pahilis.
 Himdi gumagamit ng malaking titik sa transkripsyon.

Halimbawa:

Palatuntunan - /pala·tuntu·nan/

Magpapakamatay- /magpa·pakamatay/

Nagsasalita - /nagsa·salita’/

Isang basket - /isaŋ bas·ket/

Bagong kain - /ba·goŋ ka·in/

Iniibig ko ang Pilipinas. Aking Lupang Sinilangan

/ini·i·big koһ aŋ pilipi·nas/

/a·kiŋ lu·paŋ sini·la·ŋan


Gawain:

I. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod ng mga


transkripsyong ponemiko. Isulat sa patlang sa kaliwa ang sagot. Isulat
naman sa patlang sa gawing kanan ang transkripsyong ponemiko ng
isinasaad na kahulugan. Makikita sa unang bilang ang halimbawa:

_____skirt_____1. /sa:yah/ _____/sayah/__1. be happy


______________2. /si:kat/ _______________2. known
______________3. /bu:sog/ _______________3. full
______________4. /ba:ta?/ _______________4. bathrobe
______________5. /li:gaw/ _______________5. stranger

Morpolohiya (Palabuuan)

a. Kahulugan ng Morpolohiya

Ito ay makaagham nap ag-aaral ng mga morpema ng isang wika at


ang pagsasama ng mga ito upang makabuo ng mga salita.

Ayon kina Paz, et al. (2003) nasa Badayos (2007), ang


morpolohiya ay pag-aaral ng istruktura ng mga salta at ng relasyon nito
sa iba pang salita sa wika.

b. Morpema

Ang morpema ay siyang tuon o paksa sa pag-aaral ng


morpolohiya. Ito ay pinakamaliit nay unit ng isang salita na nagtataglay
ng kahulugan. Ang pinakamaliit na yunit ng isang salita ay
nangangahulugang hindi na maaari pang mahati sa mas maliit na anyo
nang hindi masisira ang kahulugan nito. Ang morpema, samakatuwid, ay
maaaring isang ponema, salitang-ugat, o isang panlapi.
Mga Uri ng Morpema

May dalawang pangkalahatang uri ang morpema ayon sa


kahulugan:

1. morpemang may kahulugang leksikal


2. morpemang may kahulugang pangkayarian

Ang mga morpemang may kahulugang leksikal ay tumutukoy sa


salitang pangnilalaman kaya may taglay na itong kahulugan sa ganang
sarili. May tiyak ding kahulugan ang mga morpemang ito gayundin
nagpapalinaw ng kahulugan ng isang pahayag o buong pangungusap
(Santiago at Tiangco, 2003) nasa Badayos, et al. (2009).

Mga Halimbawa:

1. pangngalan (pasyalan, mukha, dahon, bukid)


2. pang-uri (mapayapa, kalmante, kahali-halina)
3. pandiwa (mag-aral, tinamnan, yakapin)
4. pang-abay (kahapon, sa labas, tunay)

Sa kabilang dako, ang morpemang may kahulugang pangkayarian


ay tumutukoy sa mga salitang walang tiyak na kahulugan sa kanyang sarili at
kailangan pang Makita sa isang kayarian o konteksto upang maging
makahulugan (Aganan, 1999 nasa Badayos, et al., 2009). Kaugnay nito,
iniuugnay ng mga morpemang ito ang mga sangkap na dapat pag-ugnayin o di
kaya’y nagpapakilala ng gamit sa pangungusap ng isang salita (Santiago at
Tiangco, 2003) nasa Badayos, et al. (2009).

Mga Halimbawa:

1. pang-angkop - na, - ng

2. pangatnig - at, ngunit, upang, sapagkat, kung,


kapag, kaysa, palibhasa, samakatuwid

3. pang-ukol - ayon sa/kay, alinsunod sa/kay, para


sa/kay, ukol sa/kay, tungkol sa/kay,
hinggil sa/kay
4. pananda -ang/ ang mga, si/sina, kay/kina, ng/ng
mga

Anyo ng Morpolohiya

1. Morpemang binubuo ng isang ponema o tunog

Halimbawa:

doktor + a = doktora
Robert + a = Roberta
Eduard + o = Eduardo

Makikita sa mga halimbawa na ang mga salitang doktora, Roberto


at Edauardo ay nabuo sa pamamagitan ng pagsasama ng salitang-ugat at
ponema. Mapapansin din na ang mga poneang /a/ at /o/ ay
nagpapahayag ng kasarian; /a/para sa pambabae at ang /o/ ay panlalaki.

2. Morpemang binubuo ng isang salitang-ugat

Ang salitang-ugat ay pinakapayak na anyo ng salita. Samakatuwid,


ito ay hindi nilalapian, inuulit, o itinatambal sa iba pang salita.

Halimbawa:

araw tanghali ligaya


kahoy mamaya sayaw

3. Morpemang maylapi

Ang mga panlapi gaya ng [mag-], [-um] at [-han] ay isinasama sa


mga salitang-ugat upang makabuo ng bagong kahulugan. Mapapansin din
na ang mga panlapi ay makikita sa unahan ng salitang-ugat gaya ng
[mag-] sa mag-aaral, sa gitna tulad ng [-um] sa kumain, at sa hulihan
gaya ng [-han] sa basahan.
MGA GAWAIN:

A. PAGGAWA NG TSART

Panuto: Basahin at suriin ang mga salita sa loob ng kahon.


Pagpangkat-pangkatin ang mga salita na ito ayon sa uri ng morpemang
kinabibilangan ng mga ito. Ilagay sa talahanayan ang mga salitang
isinaayos at iulat sa klase.

pintuan tuwa Magkaibigan alaala panggatong


kalayaan

lumangoy masaya Pamantasan Gregoriakinamayan


dalaga

pakpak salat ka-text

Malaya Di-malaya
PAGTATAYA: (Morpema)

Panuto: Suriin ang sumusunod na salita at tukuyin kung anong pagbabagong


morpoponemiko ang naganap.

1. pantali 6.tinakpan

2. yinari 7. sarhan

3. pangamot 8. nilibot

4. pamukaw 9. asnan

5. labhan 10. lika

Pagbabagong Morpoponemiko

May pagbabagong nagaganap sa anyo ng morpema o


salita dahil sa impluwensya ng kaligiran nito at kapag ito’y
nilalapian.

Ang iba’t ibang pagbabagong morpoponemiko ay:

asimilasyon, pagpapalitang ng morpema, metatesis,


pagkakaltas ng ponema, paglilipat-diin, reduksyon o pag-
aangkop, pagsusudlong, at may pungos.

1. Asimilasyon

May pagbabagong nagaganap sa /ῃ/ at /ng/ sa


pusisyong pinal dahil sa impluwensiya ng kasunod na tunog o ponema.
Ang /ῃ/ ay nagiging /ῃ/ o /m/ o mananatiling /ῃ/ ng dahil sa kasunod
na tunog.
May dalawang uri ng pagbabagong asimilasyon:
asimilasyong parsyal o di-ganap at asimilasyong ganap.

a. Asimilasyong Parsyal o di-ganap

Sa asimilasyong ito, wala nang iba pang pagbabagong


mamalas o naganap sa anyo ng salita, maliban na lamang sa
transportasyon ng ponemang /ῃ/ sa pinal na pusisyon ng panlapi at
nagiging /ῃ/ o /m/ o di kaya ay mananatiling /ῃ/.

Halimbawa:

[pang] + [dampot] = pandampot


[pang] + [dikit] = pandikit

b. Asimilasyong Ganap

Ganap naman ang asimilasyon kung bukod sa pagbabagong


nagaganap sa ponemang /ῃ/ ayon sa punto ng artikulasyon ng kasunod
na tunog, ay nawawala rin ang unang ponema ng nilalapiang salita dahil
sa ito’y naaasimila o napapaloob sa sinundang ponema.

Halimbawa:

[pang] + [takip] = pantakip = panakip


[mang] + [tahi] = mantahi = manahi

2. Pagpapalit ng ponema

May mga ponemang nagkakapalitan sa pagbuo ng salita


karaniwan na tuwing ikinakabit ang panlapi sa salitang-ugat. Madalas na
nasasabayan ang pagbabagong ito ng paglilipat ng diin. Kadalasang
nagkakapalitan ang mga ponemang /d/ at /r/ at ang /h/ at /n/.

Halimbawa:
[ma-] + [dami] = madami = marami
[lipad] + [-an] = lipadan = liparan
3. Metatesis

Ang pagbabago ay metatesis kapag ang salitang-ugat na


nagsisimula sa ponemang /l/ o /y/ ay ginigitlapian ng [-in]. Bunga nito
nagkakapalit ng posisyon ang mga ponemang /i/ at /n/ at nagiging [ni].
Maliban dito, ang ponemang /l/ o /y/ na nasa inisyal sa pusisyon ay
nakipagpalit din ng pusisyon sa panlaping [ni-].

Halimbawa:

l+ [-in] + aba = linaba > [- in] > [ni-] = l[ni-] aba = nilaba

4. Pagkakaltas ng Ponema

Ang pagkakaltas ng ponema ay nagaganap kapag ang


ponemang patinig sa huling pantig ng salitang-ugat ay nawawala sa
sandaling ito’y hinuhulapian sa mga sumusunod na halimbawa:

Halimba wa:

[takip] + [-an] = takipan = takpan

5. Pagkakaltas ng Ponema

Ito ang pagbabagong nagaganap sa diin ng salitang-


ugat kapag nilalapian. Maaaring malipat ang diin ng isa o dalawang pantig
patungong huling pantig o unahan ng salita. Tingnan ang mga sumusunod
na halimbawa:

Halimba wa:

[huli] + [-hin] = hulihin

6. Reduksyon o Pag-aangkop

Sa pagbabagong ito, ipinagsasama ang dalawang salita


upang makabuo ng bagong salita. Nagkakaroon din ditto ng bahagyang
pagkakaltas upang mapaikli ang anyo ng bagong salita (Agasan, 1999
nasa Badayos, 2009).

Halimba wa:

[wika] + [mo] = kamo


[hintay] + [ka] = teka (teyka/tayka)

7. Pagsusudlong

May pagdaragdag ng isa pang hulapi sa isang salita


gayong mayroon na ito, tulad ng matutunghayan sa mga sumusunod na
halimbawa:

[alala] + [-han] + [-in] = alalahanin

8. May Pungos

Ang pagbabago ay nagaganap kung may pagbabawas


ng unlapi sa salita.

Halimba wa:

[bunot] + [-magpa] = magpabunot = pabunot

Gawain:

Tukuyin ang morpema at uriin ang pagbabagongmorpoponemiko ng mga


salita. Hal. panitikanpang- + titik + -anpangtitikan (WPM)pantitikan
(AP)panitikan (AG)

1. pamaypay
2.pandikdik
3.takpan
4.putlan
5.mamitas
6.suhulan
7.karimlan
8.tablan
9.kasarinlan
10.manguha
11.karunungan
12.pamayanan
13.dakpin
14.niyakap
15.nilamon

Kayarian ng Salita

Payak

Ito ay binubuo ng salitang-ugat lamang, walang panlapi,


hindi inuulit at walang katambal na salita.

Halimbawa:

Alay Dasal Bango


Lakad Kahoy Dahon

Maylapi

Ito ay mga salitang binubuo ng salitang-ugat na may


kasamang isa o higit pang panlapi.

Halimbawa:

Usigin Katapangan

pagsumikapan sumpa-sumpaan

Paglalapi

Tumutukoy sa pagbuo ng salita sa papapagitan ng


pagsasama ng panlapi at salitang-ugat.

Nagkakaroon ng iba’t ibang anyo at kahulugan sa


pamamagitan ng paglalagay ng iba’t ibang panlapi.

Halimbawa:

Panlapi + s.u à salitang maylapi

um- + ikot à umikot

-um- + sama à sumama

-hin + sabi à sabihin

a. Mga uri ng panlapi

Unlapi
- ikinakabit sa unahan ng salitang ugat

Halimbawa:

Um + awit = umawit Mag + sama = magsama i- + sukat = isukat

Gitlapi

- isinisingit (unahang katinig at kasunod na patinig)


- nagagamit lamang ito kung ang salitang-ugat ay nagsisimula sa
katinig

Halimbawa:

-um- + dalaw = dumalaw

-in- + sabi = sinabi


Hulapi

- ikinakabit sa hulihan ng salitang ugat

Halimbawa:

-in + gamot = gamotin

-an + kamay = kamayan

-in at -an hinuhulapi sa mga salitang nagtatapos sa katinig at impit


na tunog o tunog glottal na itinuturing din na isang pomenang katinig.

-hin + sabi = sabihin

-han + sama = samahan

-hin at -han hinuhulapi sa mga salitang nagtatapos sa patinig

Mga Paraan ng Paglalapi

Halimbawa:

1.) Pag-uulapi

Um- + alis = umalis


Ipa- + hakot = ipahakot

2.) Paggigitlapi

-um- + talikod = tumalikod


-in- + bati = binati

3.) Paghuhulapi

-in + walis = walisin


-hin + samba = sambahin
4.) Pag-uunlapi at paggigitlapi

Mag + um + sikap = magsumikap


Nag + um + mamo = nagsumamo

5.) Pag-uunlapi at paggigitlapi

Pag + tibay + -an = pagtibayan


In + awit + an = inawitan

6.) Paggigitlapi at paghuhulapi

-in + taas + -an = tinaasan


-in + wika + -an = winikaan

7.) Pag-uunlapi, paggigitlapi, at paghuhulapi

Pag- + -um- + sikap + -an = pagsumikapan


Ipag- + -um- +sumpa + -an = ipagsumpaan

Inuulit

Ang buong salita ay inuulit o kaya naman, ang isa, o higit


pang patinig ay inuulit.

Mayroong dalawang uri:


a.) Pag-uulit na ganap

- Inuulit ang buong salitang-ugat


- May nababago ang diin kapag inuulit mayroon
namang nananatili ang diin.

Salitang Ugat Pag-uulit


gabi gabi – gabi

araw araw - araw


b.) Pag-uulit na di-ganap

- Bahagi lamang ng salita ang inuulit

Halimbawa:

Salitang Ugat
inom Pag-uulit
sulat iinom
usok susulat
takbo uusok
tatakbo

Halimbawa ng patinig na may kayariang Katinig Patinig Katinig


(KPK), ang inuulit ay unang katinig at kasunod na patinig ng pantig.

Salitang Ugat Pag-uulit

lukso lulukso
benta bebenta
sipsip sisipsip

Tambalan

Tawag sa pagsasama ng dalawang salita.

May dalawang uri:

a.) Mga tambalang ganap

Nagkakaroon ng iba sa isinasaad ng mga salitang


pinagsama.

Ang dalawang salitang pinagtambal ay nagkakaroon


ng ikatlong kahulungang iba kaysa isinasaad ng mga salitang
pinagsama:
Halimbawa:

Bahag + hari = bahaghari

Patay + gutom = patay-gutom

b.) Mga tambalang di-ganap

Pinagsamang dalawang salita na nananatili ang


kahulugan.

Halimbawa:

Bahay-kubo

(ang ‘bahay’ ay tirahan ng tao at ang ‘kubo’ ay maliit na bahay)

May iba’t ibang uri ng tambalang salita batay sa kahulugang


idinaragdag ng ikalawang salita.

Halimbawa:

1. Naglalarawan

Burdang-Batangas

2. Pagtitimbangan

Bantay-salakay
Hatid-sundo
Araw-gabi

Gawain:
Sabihin kung ang mga salitang may salungguhit
ay payak, maylapi, inuuit o tambalan .
1. Si Petra ay marunong gumawa ng pamaypay na gawa sa papel. _________
2. Ang pambansang damit pambabae ng Pilipinas as baro’t saya. ________
3. Pangarap ko ang maging isang doctor balang araw. _______
4.Bughaw ang kulay ng langit. ________
5. Si Josephine ay narito kani-kanina lamang. ________
6. Magaling lumangoy si Roberta. ________
7. Maaga kung pumasok sa paaralan si Romina. ________
8. Tungkulin natin ang tumulong sa mga kapus-palad. ________
9. Ako ay inilibre ni Maria sa pamasahe sa jeep. ________
10.Tilaok ng manok ang nagsisilbi kong alarm clock sa umaga. _____

Mga Bahagi ng Pananalita

1. Mga Salitang Pangnilalaman (Content Words)

a. Mga Nominal

 Pangngalan

Ito ay pasalitang simbolong ang tinutukoy ay


ngalan ng hayop, bagay, pook, at pangyayari.

Dalawang Klasipikasyon Ng Pangngalan


1. Batay sa kung ang pangngalan ay may diwang
panlahat o hindi panlahat.

2. Batay sa kung ang pangngalan ay tumutukoy sa isang


bagay na tahas o hindi tahas

Pantangi
- tumutukoy sa isang tanging tao, hayop, bagay, pook at
pangyayari

Halimbawa:

1.Pangngalang Tanging Ngalan ng Tao


Pedrito Marilou
Melissa Rita

2. Pangngalang Tanging Ngalan ng Hayop

Brownie Blacky

3.Pangngalang Tanging Ngalan ng Bagay

Mongol
Magasing liwayway
Bic Ballpen

4. Pangngalang Tanging Ngalan ng Pook

Bundok Apo
Talon Maria Cristina Davao City

5. Pangngalang Tanging Ngalan ng Panyayari

Paligsahan ng Bb. Pilipinas


Buwan Ng Wika

Pambalana

- tumutukoy sa pangkalahatang diwa ng tao, hayop,


bagay, pook, at pangyayari.

1.Pangngalang Pangkalahatang ngalan ng Tao

bata lalaki
guro abogado

2.Pangngalang Pangkalahatang ngalan ng Hayop

aso pusa
baka kalabaw

3. Pangngalang pangkalahatang ngalan ng Bagay


laptop bahay
radyo relo

4. Pangngalang pangkalahatang ngalan ng Pook

ilog bulubundukin kapatagan

5. Pangngalang Pangkalahatang Ngalan ng Pangyayari

sayawan banggan
gulo digmaan

Tahas

- tumutukoy sa bagay na materyal

Dalawang Uri:

1. palansak- tumutukoy sa pangkat ng iisang

uri ng tao o bagay.

halimbawa: buwig hukbo tumpok

2. di-palansak - tumutukoy lamang sa mga bagay


naisinasaalang-alang ng isa-isa.

Halimbawa: saging sundalo Kamatis

Di-tahas o basal

- basal ang pangngalan kung ang tinutukoy ay


hindi materyal kundi diwa o kaisipan.

Halimbawa: Buti sama pag-asa


Kasarian ng Pangngalan

Panlalaki

• Bicolano, lolo, bayaw, G. Cruz

Pambabae

• Ilokana, Ilongga, ate, inday, Gng. Chan

Di-tiyak

• guro, bata, anak, nars

Walang Kasarian

• bundok, ilog, halaman, buwan

Pagtataya:

Ang pagsusulit na ito ay susubok sa kakayahan ng mga


estudyante sa pagtukoy ng gamit ng pangngalan.

1. Ano ang kaganapang pangsimuno sa pangungusap? Si Brownie ay paboritong


aso ni Lea.
A. Brownie
B. Aso
C. Lea

2. Ano ang gamit ng pangngalang may salungguhit sa pangungusap? Ang aking


ama ay isang abogado.
A. Simuno
B. Kaganapang pansimuno
3. Kailan malalaman kung ang pangngalan ay ginamit bilang kaganapang
pansimuno?
A. Kung ito ay walang pandiwa
B. Kung ang simuno ay tumutukoy sa panaguri
C. Lahat ng mga ito

4. Kumalat ang sakit sa buong Maynila.Ano ang gamit ng pangngalan bilang


simuno?
A. Sakit
B. Kumalat
C. Maynila

5. Ang aking kapatid ay si Elsa.Ano ang gamit ng salitang may salungguhti?


A. Simuno
B. Kaganapang pangsimuno

Tatlong panauhan:

1. Unang Panauhan

-tumutukoy sa taong nagsasalita


(ako, ko, kami, tayo)

2. Ikalawang panauhan

-tumutukoy sa taong kausap sa pangungusap.


(ikaw, ka, kayo, inyo)

3. Ikatlong panauhan

-inihalili sa taong tinutukoy sa pangungusap.


(siya, sila, nila, kanya, kanila)

 Panghalip

Ang PANGHALIP ay bahagi ng pananalita na inihahali


o ipinapalit sa pangngalan upang mabawasan ang paulit-ulit na pagbanggit sa
pangngalan na hindi magandang pakinggan.
Halimbawa:

Si Manuel L. Quezon ang kinilalang “Ama ng


Wikang Pambansa”.

Siya ang kinilalang “Ama ng Wikang Pambansa”

Uri at Halimbawa:

Panghalip na Panao - ay ipinapalit sa ngalan ng taong


nagsasalita, sa taong kausap at sa taong pinag-uusapan. May kailanan ang
panghalip na panao. Ito ay maaaring isahan, dalawahan at maramihan, tulad
ng - ako, ko, akin, amin, kami, kayo, atin, inyo, kita, kata, mo, siya, kanila, siya,
kanya

Halimbawa:
Taong Nagsasalita

(Isahan: Ako, akin, ko)


a. Ako ay pupunta sa Maynila.
b. Akin ang laruang hawak mo.
c. Ibigay ko ito sa aking ina.

(Dalawahan: kita, kata)


a. Kita nang maligo sa ulan. (Maligo tayong dalawa sa
ulan.)
b. Kata nang manood ng sine. (Manood tayong dalawa ng
sine.)

(Maramihan: Tayo, kami, natin, naming, atin, amin)


a. Tayo nang pumunta sa Antipolo.
b. Kami ay kakain sa JoliMc.
c. Bisitahin natin si Lola.
d. Atin ang pulang kotse.

e. Amin ang bahay na kulay bughaw.


Taong Kausap:
(Isahan: Ikaw, ka)
a. Ikaw ang iniibig ko.
b. Pumunta ka sa opisina ng punong-guro.

(Dalawahan: kita, kata)


a. Magkikita kita sa tapat ng monumento ni Gat. Jose Rizal.
b. Maghuhulog kata ng pera sa bangko.

(Maramihan: Kayo, inyo, ninyo)


a. Kayo ang kanyang mga magulang.
b. Sa inyo ang asong nasagasaan.
c. Nasusunog ang bahay ninyo!

Taong Pinag-uusapan:
(Isahan: Siya, niya, kanya)
a. Siya ang sumuntok sa akin.
b. Binigyan niya ako ng kendi.
c. Ibibigay ko ang damit na ito sa kanya.

(Dalawahan: kita, kata)

a. Ayaw nila kata sa atin. (Ayaw nila sa ating dalawa.)


b. Kita ay pinayagan nilang magpakasal sa huwes.

(Maramihan: Sila, kanila, nila)


a. Nagbigay sila ng donasyon sa simbahan.
b. Kanila ang ospital na iyon.
c. Bibigyan nila tayo ng mga pasalubong.
Panghalip na Pamatlig (Demonstrative Pronoun) – ay inihalili sa
pangngalang nagtuturo ng lugar na kinalalagyan ng pangngalan. Iinihalili rin ito
sa pangngalan na malapit o malayo sa nagsasalita, kinakausap o nag-uusap.

1. Malapit sa Nagsasalita
-ito/ ire ( Ito ay masarap na prutas. Ire ay ibinigay sa akin
ng aking butihing ina.)
-heto ( Heto na ang pasalubong ko sa inyo.)
-dito ( Dito ka maghiwa ng mga gulay.)

Malapit sa Kausap
-iyan ( Iyan ang libro ko.)
-hayan/ ayan (Hayan/Ayan na sa likod mo ang asong
ulol!)
-diyan (Diyan mo ilapag ang mga bayong.)

Malayo sa Nag-uusap
-iyon (Iyon ang bahay nila Paulo.)
-hayun/ ayun (Hayun/Ayun ang magnanakaw!)
-doon (Doon tayo kumain.)

Panghalip na Panaklaw (Indefinite Pronoun)- ay mga panghalip na


sumasaklaw sa kaisahan at dami o kalahatan ng kinatawang pangngalan, tulad
ng - lahat, madla, sinuman, alinman, anuman, pawang

Nagsasaad ng Kaisahan
a. Isa (Isa tayo sa pinagpala ng Diyos.)
b. Isapa (Isapa ang pagpuputol ng kahoy sa gubat.)
c. Iba (Iba ang bahay sa tahanan.)
d. bawat isa (Bawa't isa ay mayroon tungkulin sa bayan.)

Nagsasaad ng dami o kalahatan


a. Lahat (Lipulin ang lahat ng peste!)
b. Madla (Mananagot siya sa madla dahil sa kanyang
kabuktutan.)
c. Pulos (Pulos kalokohan ang pinagsasabi niya.)
d. Balana ( Iniisip nila na walang ginawa si Pangulong
Marcos para sa kabutihan ng balana.)
e. Pawang (Ang iginanti niya ay pawang kabutihan.)

Panghalip na Patulad – ay inihalili sa itinutulad na bagay.

Ganito/Ganire - Malapit sa nagsasalita

Ganito/Ganire ang paggawa niyan.


Ganito/Ganire kung umarte si Nora Aunor.

Ganyan - Malapit sa kausap


Ganyan nga kung umiyak si Momay.

Ganoon - Malayo sa nag-uusap


Ganoon ang tamang pagtatapas ng niyog

Panghalip na Pananong (Interrogative Pronoun) - inihahalili sa


pangngalan kung nagtatanong.

Halimbawa:
ano, anu-ano, sino, sinu-sino, nino, alin, alin-alin

a. pangtao (sino, kanino)

Sino ang umutot?


Sino ang kumuha ng bolpen ko?
Kanino ang kalamay na ito?
Kanino kaya ang mapupunta ang gantimpala?
b. bagay, hayop, lugar (ano, alin)

Ano ang laman ng kahon?


Alin dito ang sa iyo?

c. bagay, hayop, lugar, tao (ilan)

Ilan sa inyo ang sasali sa paligsahan?


Ilang halaman ang ating dadalhin?

Panghalip na Pamanggit (Relative Pronoun) - Ito ay kataga o parirala


ng tagapag -ugnay ng dalawang kaisipan o pananalita. Ginagamit ang
daw,raw,umano,diumano,ani,sa ganang akin/iyo.

Halimbawa:
Ang pagpapatawad daw ang pinakamatamis na paghihiganti.

Gawain:

A. Panuto: Isulat sa patlang ang angkop na panghalip


na pananong.

1. ________________ang pangalan ng guro mo sa Filipino?

2. ________________ang matalik mong kaibigan?

3.________________ ang aklat na isasauli mo sa kaibigan mo?

4. _________________kayo pupunta sa bakasyon?

5._________________ sila darating galing Lucena?


B. Panuto: Salungguhitan ang panghalip na pamatlig na
bubuo sa pangungusap. Pumili sa tatlong panghalip sa loob ng panaklong.

1. Ang haba na ng buhok mo? Kailan mo ipapagupit (ito, iyan, iyon)?

2. Pudpod na ang tsinelas na suot ko. Kailangan palitan ko na ang mga


(ito, iyan, iyon).

3. Tingnan mo ang aso ng kapitbahay natin. Mukhang matapang (ito,


iyan, iyon).

4. Halika (rito, riyan, roon). May sasabihin akong sikreto sa iyo.

5. Huwag kang dumaan (dito, diyan, doon) dahil basa ang sahig na iyan.

b. Pandiwa

Ang pandiwa, pangwatas, berbo, o berb ay bahagi ng


pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw. Ito ay tinatawag na Verb sa
wikang Ingles.

Halimbawa:

Binili ko ang tinapay para ibenta sa bangketa


nang may pambili ako ng rugby.

Aspekto ng Pandiwa

PERPEKTIBO

- ang kilos ay nasimulan na at natapos na.


Binubuo ng panlapi at ng salitang ugat.

Halimbawa:

Nagluto ako ng adobong manok para sa aming


pananghalian.
IMPERPEKTIBO

- ang kilos ay hindi pa tapos at kasalukuyang


isinasagawa. Binubuo ng panlapi, pag-uulit ng unang pantig
at ng salitang ugat.

Halimbawa:

Nagluluto ako ng adobong manok para sa


aming pananghalian.

KONTEMPLATIBO

- kung ang kilos ay pinaplano pa lamang gawin.


Binubuo ng panlapi (ma/mag), pag-uulit ng unang pantig at
ng salitang ugat.

Halimbawa:

Magluluto ako ng adobong manok para sa


aming pananghalian.

KATATAPOS

- kapag ang kilos sa pangungusap ay bago


palang naganap o naisagawa. Binubuo ng ka- at ng salitang
ugat.

Halimbawa:

Kaluluto ko lamang ng adobong manok para sa aming


pananghalian.
POKUS, TUON NG PANDIWA

TAGAGANAP O AKTOR

- kapag ang paksa ng pangungusap ang tagaganap ng kilos na


isinasaad sa pandiwa.

Halimbawa:
Ipinagdiwang ng mga kabataan ang unang anibersaryo
ng kanilang samahang pansibiko.

LAYON O GOL

- kung ang layon ay ang paksa o ang binibigyang-diin sa


pangungusap.

Halimbawa:

Ginawa ni Mr. Fat-Guy ang espadang ito para sa ikaliligaya


ni Bang-bang.

PAWATAS PERPEKTIBO IMPERPEKTIBO KONTEMPLATIBO KATATAPOS

Na + Unang Ka + Unang
Panlapi na Na + Salitang Ma + Unang Pantig
Pantig + Salitang Pantig +
Ma- Ugat + Salitang Ugat
Ugat Salitang Ugat

Magluto Nagluto Nagluluto Magluluto Kaluluto

Pumatay Pumatay Pumapatay Papatay Kapapatay


GANAPAN O LOKATIB

- kung ang paksa ay ang lugar o ganapan ng kilos.

Halimbawa:

Pinagdarausan ng buwang-buwang eksibit ang Intramuros, Manila.

TAGATANGGAP O BENEPAKTIBO

- tumutuon sa tao o bagay na nakikinabang sa resulta o kilos na


isinasaad ng pandiwa.

Halimbawa:

Ipinaghanda ni Map ng masarap na kakanin si Boots.

GAMIT O INSTRUMENTAL

- tumutukoy sa kasangkapan o bagay na nakikinabang sa resulta


ng kilos o pandiwa na siyang paksa ng pangungusap.

Halimbawa:

Ibinato niya ang yeso kay Nico.

SANHI O KOSATIB
- kung ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng kilos.

Halimbawa:

Ikinagagalak niya ang pagtanggap sa kanyang pag-ibig.

DIREKSYUNAL

- nagsasaad ng direksyon ng kilos na taglay ng pandiwa.

Halimbawa:
Nagtungo sila sa Espanya para sa kanilang tour.

URI NG PANDIWANG DI-KARANIWAN

MAYKALTAS

- kapag may titik o pantig na kulang sa salita.

Halimbawa:

Kunin (kuhanin), damhin (damahin), bathin (bati-hin)

MAYLIPAT

- may titik na nag-iiba ng lunan sa loob ng salita.

Halimbawa:

Tupdin (tuparin), tamnan (taniman) , sidlan (siliran)

MAYPALIT

- kapag mayroong isa o dalawang titik na napalitan ng iba.

Halimbawa:

Hagkan (halikan), datnan (datingan), tawanan (tawahan)

METATESIS
- (pagkakaltas + paglipat)

Halimbawa: mangtahi = mananahi; mambato = mamato

PAGSASANAY

Alamin kung ano ang pokus ng pandiwa.

1. Ang basura ay ipinatapon niya sa basurahan.

2. Ang bakanteng lote ay tinataniman nila ng gulay.


3. Ang abaka ay ipantatali niya sa duyan.

4. Nagsayaw ng limbo rock ang mga kalahok sa paligsahan sa


programang Eat Bulaga.

5. Ipagsasalok mo ng suka ang bisita para inumin nila.

Sabihin kung nasa anong aspekto.

1. Binigay

2. Hinahawakan

3. Kalalabas

4. Tutuloy

5. Pinigilan

c. Mga Panuring

Pang-uri

Ito ay salitang naglalarawan o nagbibigay-turing sa


pangngalan o panghalip upang mabigyang- diin ang kakaibang katangian
sa iba.

KAYARIAN NG PANG-URI

a) Payak

Ito ay mga likas na salita at walang panlapi.

Halimbawa:

Buhay payat pula itim


b) Maylapi

Ito ay binubuo ng mga salitang ginagamitan ng mga panlaping


magkauri.

Halimbawa:

kasama maginoo mabuhangin iyakin

k) Inuulit

Ito ay maaaring payak na inuulit at may unlaping ka-, ma-, o


may-.

Halimbawa:

makintab-kintab sunud-sunod kaaya-aya


karapat-dapat baku-bako gabi-gabi

d) Tambalan

Ito ay binubuo ng pinagtambal na dalawang payak na


pang-uri.

Halimbawa:

agaw-buhay ngising-aso taus-puso

KAURIAN NG PANG-URI

1) PANG-URING PANLARAWAN

Ang pang-uring nagsasaad ng anyo, hugis at katangian


ng pangngalan o panghalip.

Halimbawa:

Malinis ang kanyang budhi.


Si Manny Pacquiao ay bantog na boksingero.

Mabait si Angelo.

KAANTASAN NG PANG-URING PANLARAWAN

a) Lantay

Walang tinutukoy kundi ang katangian ng


pangngalang nilalarawan. Walang hambingang nangyayari dito.

b) Pahambing

Ito ay pang-uring nagtutulad ng dalawang


pangngalan o panghalip.

URI NG PANG-URING PAHAMBING

• Magkatulad o Patas na Paghahambing

Ang dalawang bagay o tao na inuuri ay


nagtataglay ng magkatulad na katangian. Ito ay gumagamit ng mga
panlaping sing-, kasing-, magsing-, magkasing-, tulad, gaya, kahawig,
kawangis at kamukha.

Halimbawa:

Magkasimputi sina Cynthia at Julissa.

Simbait ng kanyang lolo si Fidel.

Kamukha ni Renz si Aj.

• Di-magkatulad

Ang pinaghahambing ay hindi magkapatas ng


katangian. Gumagamit ito ng salitang lalo, higit, kaysa, di-gaano, di-
gasino, di-lubha, di-totoo, mas at kaysa.

Halimbawa:
Mas pandak si Dagul kay Mahal.

Higit na madaldal ang mga guro kaysa sa mga abogado.

Si Pao ay di-gasinong matalino tulad ni Arkin.

k) Pasukdol

Naghahambing ng isang pangngalan o panghalip


sa dalawa o higit pang pangngalan o panghalip. Ginagamit dito ang
mga panlaping pinaka-, pagka-, napaka- at kasama ang inuulit na
salitang-ugat; kay at salitang-ugat na inuulit; ka-an at kasama ang
salitang-ugat na inuulit at ilang pariralang gaya ng ubod ng, sukdulan
ng, hari ng, ulo ng at iba pa.

Halimbawa:

Pinakamalinis ang paaralan namin.

Ubod ng lawak ang lupain nila sa aming barangay.

Pagkabait-bait ng guro namin.

2) PANG-URING PAMILANG

Ang pang-uri na naglalahad ng dami o bilang ng pangngalan


at panghalip. Ito ay tiyak o di-tiyak na bilang.

URI NG PANG-URING PAMILANG

a) Patakaran o Kardinal

Ginagamit ito sa pagbilang o pagsasabi ng dami.

Halimbawa:

isa, dalawa, labingwalo, sandaan, sanlibo, sanglaksa


(10,000), sangyuta (100,000), sang-angaw (1,000,000)
b) Panunuran o Ordinal

Ito ay ginagamit sa pagpapahayag ng


pagkakasunud-sunod ng mga pangngalan. Ito ay ginagamitan ng
panlaping pang- at ika-.

Halimbawa:

una ikalawa ikasampu pang-una

k) Pamahagi (Fraction)

Ginagamit ito sa pagbabahagi o pagbubukod ng


ilang hati ng isang kabuuan. Ginagamit dito ang panlaping ika- at
katambal ang salitang bahagi at panlaping ka na buhat sa ika.

Halimbawa:

ikatlong bahagi kalahati

katlo (1/3) ikaapat na bahagi limang-kanim (5/6)

d) Palansak (Collective)

Nagsasabi ito ng bukod na pagsasama-samang


anumang bilang ng tao, bagay, at iba pa.

Halimbawa:

isa-isa tig-isa isahan apatan iisa sanda-


sandaan tigtatlo tig-isang daan tig-iisa

e) Pahalaga (Unitary)

Ginagamit ito para isaad ang halaga ng bagay o


mga bagay. Ginagamit dito ang mga panlaping mang at tig-.

Halimbawa:
mamera(mang-pera)
mamiso(mang-piso)

f) Patakda

Ito ay nagsasaad ng tiyak na bilang at walang iba


kundi iyon o hanggang doon na lamang.

Halimbawa:

iisa lalabintatlo lilimahin

Gawain:

Suriin ang mga salitang may salungguhit. Tukuyin kung


anong uri ng pang-uri ang mga ito.

1. Natatakam ang lahat sa pasalubong niyang suhang davao sapagkat


ito ay ubod ng tamis.

2. Ang malawak na palayan ay pagmamay-ari ng pamilya Isidro.

3. Naghahabulan ang tatlong magkaibigan habang naliligo sa dagat.

4. Ang maamo niyang mukha ang dahilan kung bakit siya ay


kinagigiliwan ng lahat.

5. Si Lea ay isang masunuring anak kaya siya ay mahal ng kanyang


mga magulan.

Pang-abay

Ang Pang-abay ay bahagi ng pananalitang


nagbbibigay turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay.
Ang mga pang-abay ay nagsasabi ng kung
paano, kalian, saan at gaano.

Uri ng Pang-abay

1. Pang-abay na Pamaraan – tumutukoy ito sa


paraan kung paano ginawa ang isinasaad na aksyon ng pandiwa.

Halimbawa:
Taimtim na pinakinggan ang kanyang awitin hanggang sa
huling nota.

2. Pang-abay na Pamanahon – tumutukoy ito sa


panahon kung kalian naganap ang isinasaad na aksyon ng
pandiwa.

Halimbawa:
Agad napalalambot ng musika ang isang matigas na
kalooban.

3. Pang-abay na Panlunan – tumutukoy ito sa pook


na pinagganapan ng aksyong isinasaad ng pandiwa. Sumasagot
ito sa tanong na saan.

Halimbawa:
Umawit si Nelsa sa isang amateur singng contest sa radyo.

4. Pang-abay na Pang-agam - nagsasaad ito ng pag-


aalinlangan at walang katiyakan.

Halimbawa:
Tila uulan mamaya.

5. Pang-abay na Panggaano – tumutukoy ito sa bilang


o dami ng isinasaad ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na
gaano o ilan.

Halimbawa:
Kaunti ang sumali sa paligsahan ng pagtakbo.
6. Pang-abay na Panang-ayon – ito ay nagsasaad ng
pagpapatotoo o pagsang-ayon.

Halimbawa:
Opo, mahusay sumayaw si Gabby.

7. Pang-abay na Pananggi – nagsasaad ito ng


pagtutol o di pagsang-ayon.

Halimbawa:
Ayaw siyang tantanan ng palakpak ng mga tao.

8. Pang-abay na Panulad – ito ay ginagamit sa


pagtutulad ng dalawang bagay.

Halimbawa:
Higit na magaling sumayaw si Anna kaysa kay Nena.

Gawain:

A. Bilugan ang pang-abay sa pangungusap

1. Si nanay ay nagluto ng masarap almusal kanina.


2. Umiinom ako ng gatas araw-araw.
3. Mabilis kinain ng daga ang maliit na keso na kanyang Nakita.
4. Bukas kami mag-uusap ng aking matalik na kaibigan.
5. Kami ay magsisimba sa Maynila.

2. Mga Salitang Pangkayarian (Function Words)

a. Mga Pang-ugnay

Pangatnig
Ang PANGATNIG ay ang mga salita o lipon ng
mga salita at kataga na ginagamit sa pag-uugnay ng isang salita sa
kapwa salita, ng isang parirala sa kapwa parirala, o ng isang
pangungusap sa kapwa pangungusap.

Uri ng Pangatnig at halimbawa:

1. Paninsay. Ito ay ginagamit sa pangungusap na ang dalawang


isipan ay nagkakasalungatan.

Halimbawa: Namatay si Mang Isko ngunit ang kanyang prinsipyo


ay mananatiling buhay.

2. Pananhi. Ito ay ginagamit upang makatugon sa mga tanong


na bakit o upang maipakilala ang mga kadahilanan ng isang
pangyayari at ng anumang iniisip o niloloob.

Halimbawa: Ang kanyang prinsipyo ay mananatiling buhay


sapagkat nariyan si Jun na magpapatuloy ng kanyang naudlot na
gawain.

3. Pamukod. Ito ay ginagamit upang ihiwalay, itangi, o itakwil


ang isa sa ilang bagay o isipan.

Halimbawa: Maging ang mga kasamahan niya’y nagpupuyos ang


kalooban.

4. Panlinaw. Ito ay ginagamit upang dagdagan o susugan ang


kalinawan ng mga nasabi na.

5. Panubali. Nagsasaad ito ng pagkukurong di-ganap at


nangangailangan ng ibang diwa o pangungusap upang mabuo
ang kahulugan.

Halimbawa: Sakaling hindi ibigay, magpapatuloy ang welga.

6. Panapos. Nagsasaad ito ng wakas ng pagsasalita.

Halimbawa: At sa wakas naibigay rin ang kanilang sahod.

7. Panulad. Nagpapahayag ito ng paghahambing ng mga gawa o


pangyayari.
Halimbawa: Kung ano ang utang, siya ring kabayaran.

Gawain:

Isulat ang nararapat na pangatnig ayon sa


nilalaman ng pangungusap. Piliin ang mga pangatnig mula sa
kahon.

pati subalit sapagkat upang


kaya kapag habang

1. Kumain ako ng popcorn _______nanonood ng sine.

2. kumakain ako ng popcorn tila mas masaya ang sine


na pinapanood ko.

3. Manonood ako dapat ng sine ________hindi ako natuloy


______ kailangan ko pala tapusin ang aking proyekto.

4. Kailangan kong tapusin ang aking proyekto _______maibigay ko


sa aking guro bukas.

5. Pinaghusayan ko ang aking proyekto ___________mataas ang


marka na nakuha ko.

6. Binigyan ako ni Gng. Santos ng mataas na grado______ pinakita sa


buong Grade 4 ang aking proyekto.

Pang-angkop

Ang PANG-ANGKOP ay mga katagang nag-


uugnay sa magkakasunod na salita sa pangungusap upang maging
madulas o magaan ang pagbigkas ng mga ito. Ginagamit din ang
pang angkop upang pag-ugnayin ang mga panuring at ang mga
salitang binibigyang turing nito.
Uri ng PANG-ANGKOP

1. Pang-angkop na na - Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita na


kung saan ang naunang salita ay nagtatapos sa mga katinig
maliban sa titik n. Isinusulat ito nang kahiwalay sa mga salitang
pinag-uugnay.

Halimbawa:
Ang malinis na hangin ay ating kailangan.
Ang nauunang salita ay malinis na nagtatapos sa titik s na isang
katinig.

2. Pang-angkop ng ng - Ito ay isinusulat karugtong ng mga salitang


nagtatapos sa mga patinig (a, e, i, o u).

Halimbawa:
Pinipigil ng malalaking ugat ng mga puno ang baha.
Ang pang-angkop na ng ay idinugtong sa salitang malalaki na
nagtatapos sa titik i na isang patinig.

Ang pang-angkop na -ng ay nag-uugnay rin sa mga salitang


magkakasunod na kung saan ang naunang salita ay nagtatapos sa
katinig na n.
Ngunit hindi ito isinusulat sa ganitong anyo. Ang titik na n sa
hulihan ng salita ay kinakaltas na lamang. Kaya ang pang-angkop
na -ng at
hindi g ang ginamit.

Halimbawa:
luntian ng halaman - luntiang halaman
Maraming banging matatarik sa ating bansa.

3. Pang-angkop na g - ginagamit kung ang salitang durugtungan


ay nagtatapos sa titik na n.

Gawain:

Panuto: Punan ng nararapat na pang-angkop ang mga sumusunod.

1. kaugalian - Filipino
2. katangian - lilinangin
3. malinis - hangin
4. dakila - bayani
5. luntian - dahon
6. mababango - bulaklak
7. likas - yaman
8. makapangyarihan - Diyos
9. tao - matulungin
10. ugali - dayuhan

Pang-ukol

Ang PANG-UKOL ay bahagi ng pananalitang nag-


uugnay sa pangngalan, panghalip, pandiwa at pang-abay na pinag-
uukulan ng kilos, gawa, ari, balak o layon.

Dalawang pangkat ng Pang-ukol

1. Ginagamit na pangngalang pambalana: ukol sa, laban sa, hinggil sa,


ayon sa, tungkol sa, para sa.

Mga Halimbawa:

1. Ukol sa pilipino ang paksa ng usapin.

2. Ang mga piling manggagawa ay binigyan ng bonus

3. Laban sa manggagawa ang kanilang pinapanukala.

4. Ang mga aklat na ito ay para sa mahihirap.

2. Ginagamit sa ngalan ng tanging tao - ang gawa, ari, layon, at kilos ay


para lamang sa ngalan ng tao tulad ng: ukol kay, laban kay, para kay,
tungkol kay, ayon kay, hinggil kay.

Mga Halimbawa:

1. Ang gantimpalang pera ay ukol kay Maria.

2. Para kay Juan ang pagkaing ito.

3. Hinggil kay Enrico ang kanilang problema.

4. Ang kanyang nilutong adobo ay para sa lahat.


5. Ayon kay Rizal, ang pananaliksik ay nagdaragdag sa ating kaalaman.

Gawain:

Pagpili ng Tamang Pang-ukol

Salungguhitan ang tamang pang-ukol sa loob ng


panaklong upang mabuo ang pangungusap.

1. Ang mga opisyal ng PHIVOLCS ay may ulat (laban sa, para sa, tungkol sa)
pag-aalboroto ng Bulkang Mayon.

2. (Alinsunod sa, Ayon sa, Labag sa) PHIVOLCS, may posibilidad na pumutok
ang Bulkang Mayon anumang oras.

3. Ipinaalis ang mga residente (sa mga, para sa, nang may) lugar na
mapapanganib kung sakaling pumutok ang bulkan.

4. Ang paglikas ng mga mamamayan ay (laban sa, hinggil sa, alinsunod sa)
utos ng lokal na pamahalaan.

5. Ginawang pansamantalang tirahan (ng mga, nina, sa mga) evacuees ang


mga pampublikong paaralan.

6. (Tungkol sa, Ayon sa, Para sa) kanilang kaligtasan ang pagpapaalis sa
mga residente ng Albay.

7. Lumipad ang helicopter (tungo sa, mula sa, sa mga) bunganga ng bulkan
upang maobserbahan ang nangyayari roon.

8. Ang bahay (ng, ni, nina) Mang Tonio at Manang Linda ay matatagpuan sa
paanan (sa, ng, ni) bulkan.

9. Kararating lang ng mga sundalo (mula sa, tungo sa, ayon sa) mga lugar
sa Permanent Danger Zone ng bulkan.

10. May mga mamamayan na tumitira (nang walang, sa mga, ng mga) takot
sa mga lugar na malapit sa bulkan.
b. Mga Pananda

Pantukoy

Ang PANTUKOY ay katagang ginagamit sa


pagtukoy sa tao, bagay, lunan o pangyayari. Ito'y nahahati sa
dalawang uri.

1. Pantukoy na Pambalana - tumutukoy sa mga pangngalang


pambalana
ang, ang mga, mga

• ang (isahan)

Halimbawa: Ang pinuno ay palaging naglilingkod sa kanyang mga


nasasakupan.

• ang mga (maramihan)

Halimbawa: Nagtulung-tulong ang mga mag-aaral sa paggawa ng


collage.

• mga (maramihan)

Halimbawa: Ang pinuno ay tinulungan ng kanyang mga tagasunod.

2. Pantukoy na Pantangi - tumutukoy sa pangngalang pantangi


(tiyak na tao)

si, sina, ni, nina, kay, kina

si (isahan)

Halimbawa: Si Gng. Roa ay isang mabuting guro.

sina (maramihan)

Halimbawa: Nanguna sa paglilinis ng baranggay sina G. at Gng.


dela Cruz.
ni (isahan)

Halimbawa: Napagalitan ni Coach Gab ang mga manlalaro dahil


hindi sila dumating sa oras.

nina (maramihan)

Halimbawa: Hindi ikinatuwa ng guro ang pag-aaway nina Elsa at


Luis.

kay (isahan)

Halimbawa: Ibinahagi ni Sofia ang kanyang panghimagas kay Sam.

kina (maramihan)

Halimbawa: Nakipagkasundo na si Elai kina Juan at Pedro.

Gawain:

Punan ng tamang pantukoy upang mabuo ang diwa ng


pangngusap.

Si Sina Ni Nina Kay Kina Ang


Ang mga

1. bituin ay nagkalat sa langit.

2. Dala lolo at lola ang laruan para kay Lance.

3. Sasakay Luis at Luisa sa kotse.

4. Gng. Altares ang aming guro sa Filipino.

5. Nilabhan Ate Joy ang aking sapatos.

6. Nikki ang bag na iyan.


7. Joash at Jaron ang kotseng nakaparada sa labas.

8. Kaibigan Mark si Enrique at Brian.

9. Bibisita kami _______________Mark at Ralph ngayong Linggo.

10. Masipag mag-aral _____Lance.

Pangawing na ‘ay’

Ang PANGAWING ay nagpapakilala ng ayos ng


mga bahagi ng pangungusap.

Ang AY aypalatandaan ng ayos ng pangungusap.


Ibinabadya nito ang karaniwang ayos pangungusap. Ang una ang
panag-uri sa paksa ay nilalagyan ng pagbabago. Palataandaan ito na
inilipat ng posisyon ang bahaging paksa ng pangungusap. Ito ay pang-
dugtong sa mga pangungusap na di-karaniwang ayos

Halimabawa:

Ako ay galing sa banyo.

Sintaksis (Palaugnayan)

a. Kahulugan ng Sintaksis

Ito ay tumutukoy sa estruktura ng mga pangungusap at ng mga


tuntuning nagsisilbing patnubay sa pagsasabi ng kawastuhan ng isang
pangungusap. May mga tuntunin sa gramatika na nagtatakda kung paano
pagsasamahin ang mga morpema at ang mga salita para makapagpahayag
ng isang tiyak na pagpapakahulugan. Ito ang tinatawag na mga tuntuning
sintaksis ng wika.

Isa sa mga elemento ng wika na nakatuon sa masistemang


pagsasama-sama o pag-uugnay ng mga salita upang bumuo ng pangungusap
(Santiago at Tiangco, 2003 nasa Badayos, 2007). Tinatawag ding sintaksis
ang isang kaalamang pangwika na may kinalaman sa gramatikal na
panuntunan at / o sistema ng tamang kombinasyon ng mga salita sa pagbuo
ng mga parirala at pangungusap upang maipahayag ang ating iniisip,
nadarama at nararanasan (Paz, et al., 2003).

Nauukol din sa pag-aaral ng pakikipag-ugnayan ng mga salita


na bumubuo sa pangungusap. Ang pagsasaayos ng mga salita upang
makabuo ng parirala, sugnay at pangungusap ang pokus ng sintaks.

Magiging magulo ang pangungusap kung ang pagkakahanay ng


salita sa loob ng pangungusap ay ganito:

Halimbawa:

Kinagat ng matanda ang aso na dapat sana


ay, Kinagat ng aso ang matanda.

Kung sintaksis ang pag-uusapan, ang balangkas o istruktura ng


pangungusap sa Ingles ay nauuna ang simuno sa panaguri. Sa Filipino
naman, ay nauuna ang panaguri maliban lamang kung ang pangungusap ay
nasa baligtad na ayos.

Halimbawa:

Palaging masaya si Mario.


Si Mario ay palaging masaya.

Dahil sa fleksibilidad ng estruktura ng wikang Filipino ay


maaaring maging ganito ang pagkakaayos ng pangungusap:

Masaya palagi si Mario o Masaya si Mario palagi.

Parirala

Ito ay lipon ng mga salitang walang buong diwa.

Halimbawa:
nagtanim ng puno
mabuting tao

Uri ng Parirala

1. Pariralang Pang-ukol
Parirala na pinangungunahan ng pang-ukol at
panuring nito.

Halimbawa:
Ang pagkain ay para sa mga bata.
Bumili ng bagong bahay sina Jose.

2. Pariralang Pawatas

Ito ay pariralang binubuo ng pawatas at panuring


nito.

Halimbawa:
Ang maglingkod sa kapwa ay kabutihan.
Mahilig manood ng telebisyon ang nanay.

3. Pariralang Pandiwa
Ito ay binubuo ng pandiwa at ng panuring nito.

Halimbawa:
Ang mga mag-aaral ay nag-aaral ng kanilang leksyon.
Si Mang Jose ay nag-aararo ng kanilang bukid.
Gawain:

Basahin ang talata at tukuyin kung anong uri ng parirala


ang may salungguhit.

Si Inay

Ang ating ina ay sinasabing ilaw ng tahanan. Siya ang nag-aaruga at nag-
aalaga sa atin mula pagsilang hanggang sa ating paglaki. Malaki ang naging kaugnayan
niya sa atin. Siya ang humuhubog sa ating pagkatao upang lumaking isang mabuting
bata. Sinisikap ibigay ang lahat ng ating pangangailangan. Pinag- aral niya tayo upang
maging maganda ang ating kinabukasan. Bilang ganti naman dapat nating suklian ng
kabutihan at pagmamahal, pagsunod sa kanyang utos, maging mabuting anak sa ating
paglaki para siya ay maging masaya. Sa kanyang pagtanda tayo naman sana ay maging
gabay na kalinga sa kanya.

Sugnay

Ito ay pangkat ng mga salita na may simuno at panaguri. Ito


ay maaring makapag-iisa at maaring di- makapag-iisa. Madaling matukoy
kung nasa panguggusap.

URI NG SUGNAY

 Sugnay na makapag-iisa

Makapag-iisa ang sugnay kung sa loob ng


pangungusap ay nabuo itong may simuno at panaguri at buo
ang diwa.

Maari itong gawing buong pangungusap kung


alisin sa pangungusap at lalagyan ng bantas.

Halimbawa:
• Binubuhay nilang muli ang kagubatan dahil kailangan nila
ito.

• Kung iisipin lang ng tao ang kapwa nila ay maiiwasan


ang pagiging sakim.

 Sugnay na makapag-iisa

Hindi makapag-iisa ang sugnay kung ito


ay pinangungunahan ng pangatnig.
May paksa at panaguri ngunit hindi buo
ang kaisipang ipinahayag.

Halimbawa:

• kung iisipin lang ng tao ang kapwa nila


• dahil kailangan nila ito kaya hindi ako nakapasok

Gawain:

Sabihin kung anong uri ng sugnay ang pangkat ng salitang


may salungguhit at ang pangkat ng salitang nakahalang.

1. Patuloy na magbibigay ng kailangan ang kalikasan kung marunong


ang tao na gumamit nito.

2. Dahil marunong at wastong gumamit ang mga tao, hindi nauubos


ang mga kailangan natin sa gubat.

3. Pinipili lang ng tao ang mga punong maaring putulin at gamitin


kaya hindi nagkaroon ng matinding pagbaha.

4. Sarili lang nila ang kanilang inintindi sapagkat silay sakim.

5. Kung itutuloy nating maging marunong sa pagkuha ng kailangan sa


bundok, maraming buhay at ari-arian ang di masisira.
Pangungusap

Salita o lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa.

Halimbawa:

Ang bahay nila ay masyadong maluwag.


Maluwag ang bahay nila.

Bahagi ng Pangungusap

Paksa o Simuno

Bahagi o sangkap na binibigyang pansin sa loob ng


pangungusap. Ito ay tinatwag na Matandang Balarila

Panaguri

Sangkap o bahagi na nagbibigay kaalaman o


impormasyon tungkol sa paksa.

Halimbawa:

Nagsasaing ang nanay.

nagsasaing Ang nanay

(Panaguri) (Paksa)

Anyo ng Pangungusap

Maaaring uriin ang pangungusap batay sa anyo at


ito ay kinabibilangan ng payak, tambalan, hugnayan o langkapan.

1. Payak ang pangungusap kung ito ay nagpapahayag ng isang


kaisipan lamang. Ito ay binubuo ng isang paksa at isang panaguri
na may iisang diwa.
May apat na uri ito ayon sa pagkakabuo. Sa mga sumusunod
na halimbawa, initiman ang mga salita na tumutukoy sa panaguri
at ang mga salitang nasa karaniwang tipo ay tumutukoy sa paksa.

a. May payak na paksa at payak na panaguri

Halimbawa:

Hinahanap ko ang bahay ni Atty. Santos.

b. May tamalang paksa at payak na panaguri

Halimbawa:

Nagsusulat ng komposisyon ang guro at ang mga


mag-aaral.

c. May payak na paksa at tambalang panaguri

Halimbawa:

Ang mga bata ay nagsasayaw at umaawit.

d. May tambalang panaguri at tambalang paksa

Halimbawa:

Namimili ng paninda sa ibang bansa at


nagbebenta sa Pilipinas sina Aling Nena at Menchie.

2. Tambalan naman ito kung nagpapahayag ng dalawang magkaugnay na


kaisipan. Dapat magkaugnay ang mga ito at nagkakaisa sa kahulugan.
Bawat pangu ngusap ay masasabing buo ang diwa.

Ang dalawang pngungusap ay pinagdurugtong ng alinman sa mga


sumusunod na pangatnig: at, o, pero, ngunit, subalit, o datapwat at
maaari rin naming bantasan ng semi-kolon (;).

Halimbawa:

Nagtatanim ang binata at nagluluto ang dalaga.


3. Hugnayang pangungusap naman ang nagpapahayag ng isang punong
kaisipan at isang pantulong na kaisipan. Ang ikinaiba nito sa tambalan ay
buo ang diwa ng isang sugnay, habang ang isang sugnay ay hindi. Kaya
naman tinawag na hugnayang pangungusap ang kombinasyon ng mga ito
na sugnay na makapag-iisa at sugnay na di-makapg-iisa.

Halimbawa:

Inihanda ng guro ang mga gawain upang maging bahagi ng


proseso ng pagtuturo at pagkatuto.

4. Langkapan ang pangungusap kung binubuo ng dalawang malayang


sugnay at isa o maigit pang di-makayang sugnay.

Halimbawa:

Magiting na ipinagtanggol ng mga gerilya ang kanilang


baryo nang lumusob ang mga dayuhan kaya’t nagsimula ang umaaktibong
labanan.

Uri ng Pangungusap

1. PASALAYSAY

• Pangungusap na naglalahad ng isang katotohanang bagay.

• Nagtatapos ito sa tuldok.

MGA HALIMBAWA:

Nakatulog si Abby habang nagbabasa ng aklat.

Nagising siyang parang iba ang paligid.

2. PAUTOS

• Pangungusap na nag-uutos at nagtatapos din ito sa tuldok.


MGA HALIMBAWA:

Hanapin ang mga nars.

Huwag pabayaanang reyna.

3. PATANONG

• Ito ay pangungusap na patanong kung nagtatanong. Nagta


tapos ito sa tandang pananong.

MGA HALIMBAWA:

1. Saan kaya ako naroroon?

2. Kumusta ang mga inaalagaan ninyo? Punong Nars?

4. PADAMDAM

• nagsasaad ng matinding damdamin. Nagtatapos ito sa


tandang padamdam.

MGA HALIMBAWA:

1. Aba, parang may prusisyon!

2. Hala, tawagin ang mga sundalo!

Gawain:

SABIHIN KUNG ANONG URI NG PANGUNGUSAP ANG MGA


SUMUSUNOD:

1. Maraming tao ang nagsisimba sa araw ng pista.

2. May palaro ba sa plasa?

3. Papasukin mo ang mga bisita natin.

4. Naku! dumulas ang bata sa palosebo.


5. Masakit ang tiyan ko!

Ayos ng Pangungusap

Karaniwang ayos - Nauna ang panaguri sa paksa

Halimbawa:

Naglalaro ang mga bata sa plaza.

Masipag na anak ni Aling Linda si Anabelle.

Di -karaniwang ayos - Nauna ang paksa sa panaguri.

Halimbawa:

Ang mga bata ay naglalaro.

Si Anabelle ay masipag na anak ni Aling


Linda.

GAWAIN 1: Basahin at suriin ang mga pangungusap. Isulat ang paksa at panaguri ng
pangungusap.

Pangungusap Panaguri Paksa

1. Malaki na ang mga


puno ng lansones sa
bakuran.
2. Si Aling Bekay ang
may-ari ng bagong
bukas ba tindahan sa
tabi ng ating paaralan.

3. Malubha ang sakit ni


Romeo.

4. Hindi niya nakita ang


nawawala niyang
cellphone.

5. Ako ang nakakuha ng


mataas na marka sa
klase.

Panaguri at Paksa

Paksa o Simuno

Bahagi o sangkap na binibigyang pansin sa loob ng


pangungusap. Ito ay tinatwag na Matandang Balarila

Panaguri

Sangkap o bahagi na nagbibigay kaalaman o

impormasyon tungkol sa paksa.


Mga Uri ng Panaguri

1. Panaguring Pangngalan

Halimbawa:

Lalaki ang gumagawa sa bukid.

2. Panaguring Panghalip

Halimbawa:

Sila ang dadalo sa kaarawan ni Rommel

3. Panaguring Pang-uri

Halimbawa:

Masarap ang pagkain.

4. Panaguring Pandiwa

Halimbawa:

Tumatakbo ang bata.

5. Panaguring Pang-abay

Halimbawa:

Masyadong maikli ang palda ni Mikee.

6. Panaguring Pawatas

Halimbawa:

Magsayaw ang pinagkakaabalahan ngayon ni


Risalie.
Mga Uri ng Paksa

1. Paksang Pangngalan

Ang pangungusap ay mayroong paksang pangngalan kung ang


paksa ay nagtataglay ng pangngalan na pinangungunahan ng panandang
ang at si. Ito ay maaaring lagumin sa:
ang/ang mga + di-markadong pangngalan
si/ sina + personal na pangngalan

Halimbawa:

Nagpasa ng proyekto ang mga mag-aaral

2. Paksang Panghalip

Ang pangungusap ay mayroong paksang


panghalip kung ang paksa nito ay nagtataglay ng panghalip panao
tulad ng ako, siya, kami, sila, kita.

Halimbawa:

Magwawalis ako ng bakuran mamamayang


hapon.

3. Paksang Pang-uri

Masasabing may paksang pang-uri ang


pangungusap kung ang paksa ay nagtataglay ng pang-uri o mga
salitang nagsasaad ng paglalarawan na kadalasang
pinangungunahan ng panandang ang.

ang + pang-uri

Halimbawa:

Masarap kasama ang malalambing.


4. Paksang Pandiwa

Ang pangungusap ay masasabing may paksang


pandiwa kung ang paksa nito ay nagtataglay ng pandiwa o yaong
mga salitang nagsasaad ng kilos na kadalasang pinangungunahan
ng panandang ang/ang mga.

ang / ang mga + pandiwa

Halimbawa:

Pamangkin ko ang nagtatalumpati.


5. Paksang Pang-abay

Ang pangungusap ay masasabing may paksang


pang-abay kung ang paksa nito ay nagtataglay ng pang-abay o
yaong mga salitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri o
kapwa pang -abay na kadalasang pinangungunahan ng panandang
ang.

ang + pang-abay

Halimbawa:

Pinupuri ko ang mahusay mangatwiran.

6. Paksang Pawatas o Batayan ng Pandiwa

Nagtataglay ng paksang pawatas ang


pangungusap kung ang paksa nito ay nagtataglay ng pandiwang
nasa pawatas na anyo o yaong batayan ng pandiwa na kadalasang
pinangungunahan ng panandang ang.

Halimbawa:

Gusto ng pamangkin ko ang maglaro.


Kayarian ng Panaguri

Ang panaguri ay maaring buuin ng isang salita, isang parirala, o


isang sugnay.

Panaguring Salita

Ito ay isang salita lamang ay maaaring pangngalan,


panghalip, pang-uri, pang- abay, pandiwa, o pawatas. Sa sinasabing
isang salita ay hindi isinasama ang mga pananda.

Panaguring Parirala
Ito ay maaaring pariralang pang-ukol o pariralang
pawatas na gumaganap ng tungkulin ng pangngalan, pang- uri o pang-
abay.

Halimbawa ng pariralang paang- ukol:

1.Hinggil sa pagpapabahay sa mahihirap ang


kumprehensya kahapon.

Halimbawa ng pariralang pawatas:

1. Mag-aaral magmaneho ng awto ang aasikasuhin niya


ngayong bakasyon.

Maari ring gamiting panaguri ang sugnay. Gumaganap


ang sugnay ng tungkulin ng pangngalan.

Panaguring Sugnay:

1. Ang sinasabi niya ay ipapadala raw kami sa Malaysia.


Ang mga uri ng panaguri ay mga payak na panaguri.

Payak sapagkat may iisa lamang salita, parirala o sugnay.


Kapag may dalawa o higit pang salita, parirala, o sugnay na pinag-uugnay
ng pangatnig, ang panaguri ay sanasabing tambalan.

Halimbawa ng panaguring tambalang


pangngalan:

1. Ang inutusan ko ay si Bong at si Mike.

Halimbawa ng panaguring tambalang parirala:

1. Hinggil sa kalusugan at tungkol sa wastong pagkain ang nilalaman ng


mga artikulo.

Halimbawa ng panaguring tambalang sugnay:

1. Ang iniutos niya ay samahan mo kami sa sine at ipasyal mo kami sa


Rizal Park.

Kayarian ng Paksa

Ang paksa ay maaari ring buuin ng isang salita, isang


parirala, o isang sugnay. Tulad sa panaguri, ang paksang iisahing
salita ay ginagamitan ng isang pangngalan, panghalip, pang-uri,
pang-abay, pandiwa, o pawatas.

Halimbawa ng paksang iisahing salita:

1. Sila ay bibigyan ng seminar tungkol sa pagpaplano ng pamilya.

Maaari ring buuin ng pariralang pang-ukol o pawatas


ang paksa.
Halimabawa ng paksang pariralang pang-ukol:

Ang para sa amin ay sa inyo na.

Halimbawa ng paksang pariralang pawatas:

Nakawiwili ang paghuni ng ibon sa parang.

Halimabawa ng paksang sugnay:

Na mayaman sa likas na kayamanan ang Pilipinas ay hindi


mapasusubalian.

Payak na mga simuno ang mga uri ng simuno ng


mga nasa halimbawa. Kapag ang simuno ay may dalawa o higit
pang salita, parirala, o sugnay, ang simuno ay tinatawag ng
TAMBALAN.

Halimbawa ng tambalang salita:

Si Balagatas at si Husing Sisiw ay mga makat ang


Pilipino.

Kahanga-hanga ang mabait, matalino, at masipag.

Halimbawa ng simunong tambalang parirala:

1. Ang hinggil sa linggwistika at sa kasaysayan ay hindi


pa tinatalakay sa pulong.

2. Libangan ng kanyang may bahay ang magbasa ng


mga magasing Tagalog at manood ng pelikulang
Tagalog.
Halimbawa ng simunong tambalang sugnay:

1. Kung ikaw ay mag-aaral o ikaw ay magbabakasyon


ngayong tag-init ay pasyalan mo na.

2. Natitiyak ni danilo na may tao sa bahay ngunit walang


tao sa bakuran.

Pagpapalawak ng Pangungusap

Panlahat na bahagi ng pangungusap ang paksa at


panaguri. Ang bawat isa ay maaaring buuin ng mga maliit na bahagi. Sa
maliliit na bahaging ito ng pangungusap maaaring magawa ang
pagpapahaba rito.
Napapahaba ang iang payak na pangungusap sa
pamamagitan ng mga sumusunod: paggamit ng mga paningit o
ingklitik, paggamit ng mga panuring o mga pang-uri at pang-
abay, pamuno at ang paggamit ng kaganapan ng pandiwa.
Mga Paningit o Ingklitik Bilang Pagpapalawak

Mga paningit o ingklitik ang tawag natin sa mga


katagang isinasama sa pangungusap upang higit na maging
malinaw ang kahulugan nito.

Narito ang talaan ng ating mga paningit.

ba na ho po
kasi naman lamang/lang sana
kaya nga man tuloy
daw/raw pa muna yata
din/rin

Ang paningit ay may tiyak na pusisyon sa loob ng


pangungusap. Karaniwang ang paningit ay kasunod ng unang
salitang may diin sa loob ng pangungusap. Ang mga katagang ka,
ko at mo ay maaaring manguna sa mga paningit. Mga paningit na
panghalip ang tawag sa mga ito.

Narito, samakatuwid ang tuntunin sa wastong gamit ng mga


paningit.

1. Unang salitang may diin + paningit


Halimbawa:

a. Hindi man kayo matuloy ay dapat kang maghanda.

2. Unang salitang may diin + ka/ko/mo + paningit

a. Bakit ka nga ba hindi dumating?

Sa ating talaan ng mga paningit ay mapapansing


may mga paningit na malayang nagkakapalitan, tulad ng daw-raw
at din-rin.

Sa kolokyal na gamit, ang daw at raw, din at rin


ay malayang nagkakapalitan kahit na sa anong kaligirang
ponemiko. Sa mga pormal na okasyon, may mga taong nagbibigay
ng pagkakaiba sa gamit ng daw-raw at din-rin. Ang daw at din
ay ginagamit kapag ang sinundang salita ay nagtatapos sa katinig,
maliban sa mga malapatinig na /w/ at /y/. Samantala ang raw at
rin ay ginagamit naman kapag ang sinundang salita ay nagtatapos
sa katinig, maliban sa mga malapatinig na /w/ at /y/.

Halimbawa:

1. Malaki naman daw ang hinihingi mo kaya hindi ka niya


napagbigyan.
2. Malaki raw ang hinihingi mo kaya hindi ka napagbigyan.

Ang lamang ay pormal na anyo ng kolokyal na


anyo ng lang. Narito ang mga halimbawa:

1. Isasanguni po lamang namin sa tagapangulong komite ang


hinggil sa suliranin ng mga kasapi.
2. Iabot mo lang sa akin ang peryodiko bago ka umalis.

Mga Panuring Bilang Pagpapalawak

Dalawang kategorya ng mga salita ang magagamit na


panuring, ang pang-uri na panuring sa pangngalan o
panghalip at ang pang-abay na panuring sa pandiwa, pang-
uri o kapwa pang-abay.
Narito ang ilang pangungusap na nagpapakita ng
pagpapalawak sa pamamagitan ng mga pang-uri.

Batayang pangungusap: Ang mag-aaral ay iskolar.

1. Pagpapalawak sa pamamagitan ng karaniwang pang-uri

Ang matalinong mag-aaral ay iskolar.

2. Pagpapalawak sa pamamagitan ng pariralang panuring.

Ang matalinong mag-aaral sa klase ko ay iskolar.

3. Pagpapalawak sa pamamagitan ng ibang bahagi ng pananalita


na gumaganap ng tungkulin ng pang-uri

Pangngalang ginagamit na panuring

Ang mag-aaral na babae ay iskolar.

4. Pagpapalawak sa pamamagitan ng
ang-abay

Batayang pangungusap: Umalis ang mag-anak

Pagpapalawak sa pamamagitan ng pang-abay na pamanahon

Umalis agad ang mag-anak.

Mga Kaganapan ng Pandiwa Bilang Pampalawak

Ang iba’t ibang uri ng kaganapan ng pandiwa ay mga


pampalawak din ng pangungusap. Ang mga kaganapang ito ang
gumagamit na rin ng tungkulin ng pang-abay. Ang mga itoay:

1. kaganapang ganapan ng kilos ng pandiwa


2. kaganapang kagamitan sa kilos ng pandiwa
3. kaganapang sanhi
4. kaganapang direksyunal
5. kaganapang tagaganap at
6. kaganapang layon
Halimbawa:

1. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang ganapan ng kilos


ng pandiwa.

Batayang pangungusap: Nagpiknik ang mag-anak.

Nagpiknik ang mag-anak sa tabing- dagat.

2. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kganapang kagamitan sa


kilos ng pandiwa.

Batayang pangungusap: Sinugpo niya ang mga kulisap.

Sinugpo niya ang mga kulisap sa kanyang mga pananim sa


pamamagitan ng bagong gamut na ito.

3. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang sanhi

Batayang pangungusap: Yumaman siya.

Yumaman siya dahil sa sipag at tiyaga.

4. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang direksyunal

Batayang pangungusap: Tumatakbo ang criminal.

Tumatakbo ang kriminal patungo sa liblib na pook na


iyon.

5. Pakaganapang tagaganap ng kilos ng pandiwa

Batayang pangungusap: Pinagalitan ang kanyang anak.

Kinagalitan ni Aling Victoria ang kanyang anak.

6. Pagpapalwak sa pamamagitan ng kaganapang layon

Batayang pangungusap: Namili si Julie.

Namili ng mga alahas si Julie.


7. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang tagatanggap

Batayang pangungusap: Nagluto si Rizalie.

Nagluto si Rizalie para sa mga bata.

Gawain:

D. PHOTO DIALOGUE

Panuto: Gumawa ng isang photo dialogue mula sa


mga larawang ginupit mula sa mga magasin at dyaryo. Pagdugtung-
dugtungin para makabuo ng isang makabuluhang salaysay o kwento.

PAGTATAYA (Sintaksis)

Panuto: Basahin ang mga pangungusap, tukuyin kung sa anong


uri ng pangungusap na walang paksa napabilang ang sumusunod:

1. Fiesta! may handaan. 6. Magandang umaga.

2. Nakakabilib ka talaga! 7. May mga tao.

3. Ang lamig! 8. Aray!

4. Huwag! 9. Ang sarap naman.

5. Mayroon dito kanina. 10. Walang anuman.


Pagtataya

MARAMING PAMIMILIAN

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa hinihiling ng mga pahayag. Sa inyong


sagutang papel. Isulat ang titik ng tamang kasagutan.

1. Alin ang may tamang pagkakabuo ng pangungusap?

a. Pinasok ni Inay ang pagkain sa refregirator.

b. Si inay ay ipinasok ang pagkain sa refregirator na niluto ng ate.

c. Ang pagkain na iniluto ng ate ay ipinasok ni Inay sa rerigerator.

d. Walang tamang sagot.

2. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang angkop na kasagutan sa pahayag na


“Ikaw ba ang tumawag?”

a. Hindi siya c. Siya ang tumawag

b. Hindi ako. Siya d. Hindi. Ako ang tumawag.

3. Anong pagbabagong morpoponemiko ang matutunghayan sa salitang “anila”

a. asimilasyon c. pasudlong

b. metatesis d. reduksyon

4. Ano ang gamit ng ng sa pangungusap na “bumuo tayo ng komite upang maisagawa


ang iba’t ibang gawaing binalak natin.”

a. pang-angkop c. pangatnig

b. pang-ukol d. pantukoy

5. Ang mga sumusunod ay pares minimal MALIBAN SA

a. taun-taon c. kabibi- kabibe

b. tutuo-totoo d. walang tamang sagot


6. Ang mga sumusunod ay pangungusap MALIBAN SA

a. Talaga c. Naku, nabasag ang baso!

b. Umaambon na d. Dahil malakas ang bagyo

7. Alin sa mga sumusunod na pangkat ng ponema ang pangngipin batay sa punto ng


artikulasyon.

a. /b/ : /p/ c. /h/:/g/

b. /t/ : /s/ d. walang tamang sagot

8. Alin sa mga sumusunod na ponema ay pasara ang paraan ng artikulasyon

a. /k/ c. / h/

b. /l/ d. walang tamang sagot.

9. Alin sa mga sumusunod ang pangungusap na eksistensyal?

a. walang sumasagot

b. makisuyo po sana.

c. Alas dose na ng tanghali

d. Kagagawa ko lang ng aking takdang-aralin

10. Pansinin ang mga halimbawang pangungusap.

Aray!

Alas dose na.

Magandang umaga.

Mayroon.

Anong konklusyon ang inyong mabubuo batay sa mga nabanggit na halimbawa?

a. Ang pangungusap ay may simuno at panaguri.

b. Palaging nauuna ang simuno at panaguri.

c. May mga pangungusap na walang simuno.

d. Walang tamang sagot.

You might also like