You are on page 1of 12

KABANATA 4

Ang Pang-Akademyang Varayti


ng Wika sa Pilipinas

POKUS
 Natutukoy na may kalinawan ang pang-akademyang varayti ng wika sa
pagpapaunlad ng Filipino bilang isang wikang pang-akademya,
 Naipaliliwanag ang paggamit ng akademyang barayti sa usaping literasi
at development ng bansa.

Simulan Natin……
ANG VARAYTI NG WIKA?

Natural na bahagi ng buhay ng tao ang paggamit ng wika. Kung minsan


dahil nga sa pagiging natural nang bahagi nito, hindi na namamalayang nag
iibaiba ito sa bawat paggamit, indibidwal man o grupo, pasulat man o pasalita.
Ang pag-iiba-ibang tiyak na register ng wika sa domain na kanyang saklaw.

Ayon kay Ferguson (1971), naipapakahulugan ang varayti na kalipunan


ng mga speech pattern na kapag sinuri ay halos homogenous ang anyo at mga
alituntunin. Kya, ayon sa kanya may isa o higit pang varayting gumagamit ng
isang superposed na varayti ng (wikang itinakdang mangibabaw sa iba pang
sosyal o rehiyunal na varayti) sa loob ng isang wika.

Karaniwan itong ginagamit upang ilarawan ang baryasyon ng


linggwistikang padron sa level ng komunidad (Penolasa, 1981). Ayon kay
Fishman (1972), tinutukoy ng domain ang konseptong habitwal na paggamit sa
wika sa multilinggwal na sitwasyon sa tiyak na konteksto sa loob ng institusyon.
Naisasaalang-alang sa domain ang mga sosyal na sitwastib sa level ng personal
na interaksyon na kaya’t pumipili ang tao ng akmang wika ayon sa lugar,
relasyon, paksa.
Sa mga multilinggwal na lipunan ang mahahalagang domain ay ang
pamilya, relihiyon, edukasyon, gobyerno, pagawaan. Samakatwid, may varayti
ng wika sa domain ng edukasyon, may varayti ng wika para sa domain ng
relihiyon at iba pa.

Naniniwala ang mga linggwista na lahat ng varayti ng wika ay pantay-


pantay sapagkat maaari itong mag expand o mag-contract habang nagbabago
ag gamit nito; at lahat ay maaaring makaimpluwensya at magpasok ng
impluwensya ng iba pang varayti. Nananatili ang mga varayti ng wika dahil sa
iba-iba nitong tungkulin, samantalang ang istatus nito ay hinahango mula sa
ginampanan nitong tungkulin. May mga varayting simbolohikal na kahalagahan
na nagmula sa konsepto ng consensus ng lipunan sapagkat kinakatawan nito
ang interes ng isang etnikong grupo kaya’t mabibigyan it ng higit na rekognisyon
kompara sa ibang varayti.

Pag-usapan Natin
ANO ANG KAUGNAYAN NG WIKA SA EDUKASYON AT LITERASI?

Nakaatang sa edukasyon ang responsibilidad ng literasi ng mga


mamamayan ng isang lipunan. Ayon kay Conseulo Paz (1996), ang literasi ay
tumutukoy sa kakayahang maisulat ng isang tao ang lahat ng kanyang
nasasaisip at saloobin; at sa kaniyang kakayahang bumasa ng tila sinabi lamang
sa kaniya ang kaniyang binasa. Sinasabi nito na ang kakayahang sumulat at
bumasa ay hindi tuwirang nangangahukugan ng pagiging litereyt ng isang tao
lalo’t hindi ito nakaambag sa pag-unlad ng kaniyang isipan, katalinuhan at
karunungan.

Ipinahihiwatig nito na upang maabot ang literasi, kailangang epektibong


magamit ng isang indibidwal o mag-aaral ang midyum o wika na kaniyang gamit
sa pagbasa’t pagsulat. Mas madaling kumilala, umunawa, magproseso at
lumikha ang idea’t kaisipan sa isang wika na higit na alam o bihasa ang isang
tao.

ANG SULIRANIN SA VARAYTI NG WIKA

Natural sa phenomenon ang multilingwalismo. Sa katunayan, maraming


multilinggwal na bansa. Ibig sabihin, maraming wika’t wikain na ginagamit sa
pagitan at loob ng mga bansa kaysa makakatagpo ng mga taong gumagamit o
nagsasalita ng higit sa isang wika. Kung hindi sasagkaan ang kanilang
engkuwentrong pangwika magiging natural na phenomenon ang paglinaw ng
varayti ng/sa wika sa bansa. Isa itong hindi maiiwasang kondisyon at walang
masama sa kondisyong ito.

Tulad ng nabanggit na ng mga lingwista, pantay-pantay lahat ng wika,


anuman ang mga ito o varayti nito. Sa isang multilingguwal na lipunan ang
pagpili ng isang wika mula sa karamihan ay maaaring mangahukugan ng
pagsasantabi sa iba. May implikasyong ipinahihiwatig ito. Sinabi ni Kellman
(1971), kapag ang isang particular na wika ay pinili’t itinakdang maging bahagi
sistemang nasyonal ng isang multilinguwal na lipunan hindi lagging positibo ang
ibubunga ng pag-aangat sa isang wika. Maari itong magbunga ng dalawang labis
na magkahidwang posisyon. Maaari , aniya, itong magkaroon ng nfying o ma
paghiganting tunguhin, depende sa sentimental o instrumental na motibo para
ditto.

ANG WIKA SA/NG EDUKASYON SA PILIPINAS

Lubhang problematiko ang sitwasyon ng edukasyon sa Pilipinas. Sa simula pa


lamang nang itatag ang pormal na Sistema ng edukasyon sa bansa, nagging sagabal na
ang wika sa edukasyon upang tunay na turuan ang mga mag-aaral na pilipinong
pumapasok sa paaralan ng nga kaalamang magiging armas nila sa pakikibaka sa buhay
at palinang pa rin ng buhay na ito. Sa halip maging behikulo ang edukasyon upang
puspusang maitaguyod o mapataas ang lebel ng literasi sa bansa, ito mismo ang
nagiging daan upang ito’y bumaba.

Sa halip na maging kaagapay ang wika ng edukasyon, ito pa ang nagiging sanhi
ng paurong na at tila pabansot na pagsulong nito. Hindi madaling isantabi ang usapang
ito ng edukasyon sapagkat napakataas ng pagpapahalaga ng mga Pilipino ditto. Isang
paradox na habang tinitignan nila ang edukasyon bilang susi sa kaalwanan at
kaginhawaan ng buhay, edukasyon rin ang nagiging daan upang manatiling mababa
ang kanilang kabuhayan.

ANONG ANG MGA WIKANG NAGGING BAHAGI NG EDUKASYON SA


PILIPINAS?

Mahahati sa dalawang kategorya ang mga wikang nagging bahagi


at ginamit sa edukasyon sa Pilipinas. May wikang itinakdang maging asignatura
at may itinakdang wikang panturo. Makikita ang mga ito sa iba’t ibang yugto ng
kasaysayan na nagging mahahalagang bahagi sa pag-unlad ng wikang
pambansa bilang wika sa akademya. Ang mga wikang nagging asignatura ay
ang Espanyol, Ingles, Tagalog at sa kalauna’y nagging Pilipino na nagging
Filipino. Samantala, ang mga nagging wikang panturo nama’y ang wikang
katutubo, wikang Espanyol, wikang Ingles, wikang Pilipino ay wikang Filipino.

Ayon kay Bonifacio Sibayan (1999), mahalaga ang oagtaya sa domain at


sa kategorya nito, sa pagharap ng usapan sa wika sa edukasyon, particular ang
wikang panturo at pagpapaunlad ng Filipino bilang wikang panturo.

ANG WIKA BILANG ASIGNATURA

Wikang Espanyol at Ingles ang mga wikang unang pinag-aralan ng mga


Filipino. Sapagkat nagsimula ang pormal na Sistema ng edukasyon ng mga
Pilipino sa pamamahala ng mga dayuhang mananakop, naitakda nila ang wikang
dapat gamitin sa paaralan- ang kanilang wika. Naitakda maging susi ng
katarungan ang Espanyol at Ingles kaya’t mahalagang ito’y matutuhan.

Unang naisalang-alang ang pagpasok ng isang katutubong wika biglang


asignatura sa panahon ng Komonwelt. Bunga ito ng prbisyon sa wika ng
Konstitusyon ng 1935. Isinaad ng konstitusyong ito ang pagkakaroon ng wikang
pambansa batay sa isa sa mga wikang pambansa, na ginawa ng Surian ng
Wikang Pambansa noong 1938, ipinag-utos ang pagtuturo sa Tagalog bilang
asignatura sa mga paaralan. Noong Hunyo 9, 1940 sa tagubilin ng Kautusang
Pangkagawaran Blg. 1 na ipinalabas ng Kalihim ng Edukasyon, ipinatutro ang
batayan ang wikang pambnsa sa lahat ng paaralan sa ikaapat na taon ng
mataas na paaralan at mga paaralang normal o kolehiyong pangguro.

Itinagubilin din na sa taong 1943, ituturo ang wikang pambansa sa lahat


ng pribado’t pampublikong paaralan at kolehiyo. Sa taong 1946, ipatuturo bilang
asignatura mula unang baitang ng mababang paaralan hanggang ikaapat na
taon sa mataas na paaralan. Noong 1978, sa bias ang Kautusang
Pangkagawaran Blg 22 na ipinalabas ng MEK, ipinatupad ang anim na yunit na
pagtutro ng Pilipino sa lahat ng programang kurikular sa pribado’t pampublikong
kolehiyo’y unibersidad. Sa kasalukuyan, simuka, 1997, itinakda ng GE Program
ng CHED ang pagkuha ng siyam na yunit ng Filipino sa mga pribadong kolehiyo’t
unibersidad.

ANG WIKANG PANTURO

Ang wikang katutubo at ang impormal na Sistema ng edukasyon.


Pangkat-pangkat at hiwa-hiwalay na grupo ng tao na marunong
bumasa’t sumulat ang dinatban ng mga espanyol sa pagdaong nila sa pilipinas
noong 1565. Sinasabi ng mga historador na halos lahat ng mamamayan, babae
man o lalaki ay marunong bumasa’t sumulat. Pinatotohanan ito ng pagkakaroon
nila ng alpaabeto na tinatawag nilang baybayin (dating misnomer ng alibata), na
mayroong 15 letra- tatlong patinig at labindalawang katinig. Pinaniniwalaan din
na kahit maraming wiakng umiiral sa panahong iyon, halos magkakapareho ang
Sistema ng kanilang pagsulat (Bernabe, 1987).

Ang pagkakaroon ng sistema ng pagsulat ay nagpapahiwatig sa


pagkakaroon ng isang anyo ng edukasyon sa katutubong lipunan. Ayon kay
Duka (1997) ang edukasyon ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagtuturo ng
mga magulang sa kanilang anak ng mga pamamaraan sa paggawa sa pang-
araw-araw na pamumuhay. Isinasalin ang mga kaalaman sa pamamagitan ng
personal na paggabay sa mga kabataan ng nakatatanda sa komunidad. Sa
kasamaang palad, ang mga materyal na patunay na nakatalang kaalaman ng
mga katutubo ay hindi na nakita dahil sa pagsira dito ng mga misyonerong
Espanyol (Malcolm, 1982; Bernabe, 1987).

Hindi pormal ang sistemang ito ng pagtuturo at nakadikit ito sa


domestikong kaalaman, kaya't ang wika ng tahanan o ng pamayanan ang siyang
gamit sa pagtuturo. Pangkat-pangkat at hiwalay ang paggugrupo ng mga
komunidad, kaya't hindi rin naging sentralisado't organisado ang pagtuturo sa
mga kabataan. Walang isang wikang ginamit sa pagtuturo sa buong kapuluan.

Hindi nagtagal, binago ng mga Espanyol ang sistema ng pagsulat


ng mga katutubo. Ipinakilala nila ang alpabetong Romano na nagbigay ng
bagong direksiyon sa buhay-lipunan, lalo na sa edukasyon ng mga susunod na
henerasyon ng mga Pilipino. Dala ng mga pagbabagong ito ang mataas na antas
ng kaalaman sa pagbasa't ng mga katutubo sa katutubong wika ay unti-unting
nawala at pinalitan ng edukasyong hindi na napanghawakan ng mga katutubo.

Ang monolingguwal na pagtuturo sa dayuhang wika ng mga kolonisador

Ang lingguwistikong sitwasyon sa Pilipinas ang unang


pinakialaman ng mga dayuhang kolonisador--una ng mga Espanyol at sumunod,
ng mga Amerikano. Naglatag sila ng mga patakarang pangwika na instrumental
sa pagsasakatuparan ng kanilang layunin bilang mga mananakop.

Ang wikang Espanyol sa mga beateryo't kolehiyo

Hudyat sa pagbabago ng edukasyon sa Pilipinas ang pagdaong ni


Adelentado Miguel de Legazpi noong 1565, ang pagsisimula ng kolonyal na
karanasan ng bansa. Alinsunod sa layuning tatlong G's (god, gold, glory),
nagkaroon ng bagong karakter ang pamumuhay ng mga katutubo dala ng
pagmamaniobra at pagtatakda ng mga bagong sistemang panlipunan ng mga
Espanyol, i.e., nagkaroon ng resettlement ng mga tribo (reduccion); nagpakilala
ng bagong relihiyon, bagong wika, at bagong sistema ng pagsulat; nagbukas ng
mga paaralan; naging sentralisado ang paraan ng pamamahala; at marami pang
iba.

Patakarang ipinatupad ang pagbabawal ng pagtuturo ng Espanyol


sa katutubo. Sa halip ang mga Espanyol ang siyang mag-aaral ng wika ng mga
katutubo. Bagama't nagkaroon ng pagtatangka na baligtarin ang patakarang ito,
hindi ito naisakatuparan dala ng lakas ng kapangyarihan ng mga fraile.

Relihiyon ang pangunahing konsern na ipinahayag ng mga


Espanyol, higit lalo ng mga fraileng Espanyol. Ngunit ang paaralan ang
institusyong sususog sa pagpapatatag ng hangaring ito. Sa panahong ito may
dalawang uri ng paaralang umiiral. Ito'y ang paaralang parokyal na nasa ilalim ng
mga misyonerong fraile; at ng mga beateryo't kolehiyo na nasa ilalim ng mga
ordeng relihiyoso. Sa kabuuan, ang simbahan ang siyang may hawak at
namamahala ng edukasyon sa bansa.

Ang edukasyon ng paaralang parokyal ang abot-kaya ng mga


katutubo. Bilang pagtugon sa tagubiling ibigay sa wika ng katutubo ang relihiyon
at edukasyon, ang lokal na wika at diyalekto ang ginamit sa pagtuturo at pag-
aaral ng mga katutubo. Samantala, kakaiba ang sistemang ginamit sa mas
pormal na pag-aaral ng mga kumbento't kolehiyo. Dito, wikang Espanyol lamang
ang gamit bilang wikang panturo. Isinasagawa ito sa mas pormal na paraan.
Hindi ito napanghawakan ng karamihan sa mga katutubo sapagkat may
kamahalan ang pag-aaral sa ganitong mga paaralan. Nakuha lamang ito ng mga
Espanyol at Filipinong may kakayahang magbayad ng ganitong uri ng
edukasyon.

Lumikha ng paghahati sa lipunan ang edukasyong umiral sa


panahong ito. Natiwalag ang mga mamamayang hindi nakapag-aral sa wikang
Espanyol sa kapwa nilang Pilipinong nakapag-aral sa mga kolehiyo. Sapagkat
wika ng simbahan at pamahalaan ang wikang Espanyol, iilan lamang ang
nagkaroon ng pagkakataon na magkaroon ng akses sa larangang ito. Nagkaroon
ng malinaw na paghahati ng kapangyarihan dala ng wika.
Ang pampublikong sistema ng edukasyon at monolingguwal na pag-

aaral sa wikang Ingles

Dikta ng layunin ng kolonyalismong Amerikano ang paggamit sa


edukasyon bilang pangunahing instrumento ng pagsupil sa mga Pilipino. Isang
libreng edukasyon ang ibinigay nila sa mga Pilipino. Lamang, isang
monolingguwal na edukasyon ito sa wikang Ingles. Kabaligtaran ito sa tagubiling
inibigay ni Pres. William Mackinley na ibigay ang edukasyon sa wika ng mga tao.
Hindi nagkaroon ng puwang sa ganitong sistema na maipasok man lamang sa
pag-aaral ng mga Pilipino ang kanilang wika.

Bahagi ng benebolenteng asimilasyon, ipinangalandakan ng mga


Amerikano layuning ituro ang demokrasya at tamang pamamahala sa inga
Pilipino. Bagama't pinatunayan ng kasaysayan na ang layunin ng programa ng
pagtuturo ng hukbo ng mga sundalo ay hindi ang edukasyon ng mga Pilipino
kundi ang pagpapayapa sa kanila sa pamamagitan ng pagkumbinse sa kanila na
mabuti ang hangarin ng Amerika Pilipinas. Sa ganitong hangarin, napakahalaga
ang pagpapagamit sa Ingles bilang tanging wika ng edukasyon. Ingles ang
naging instrumento ng panunupil sa mga Pilipino. Isang tusong estratehiya ang
patakarang ito sa wika, sapagkat naibigay nila sa mga Pilipino ang isang bagay
na ipinagkait ng mga Espanyol, nagawa pa nilang ipayakap sa mga Pilipino ang
kanilang kultura. Maging karamihan sa mga Pilipino nanalig sa ganitong
pagpapahalaga. Hindi tuloy lubusang napagtuunan ng pansin na sa bawat tunog,
salita, pangungusap, at paglalarawan sa buhay at kulturang Amerikano na
nakapaloob sa pag-aaral sa wikang Ingles ng mga Pilipino, unti-unting nilalamon
ng isang mapagkunwaring edukasyon ang kanilang pagkatao na sinasabing
makatao ngunit hindi maka-Pilipino.

Matapos ang higit sa tatlong dekada ng pag-aaral at pagtuturo sa


mga Pilipino sa wikang Ingles, nagkaroon ng pagbabago sa sistema, bunsod ng
probisyon sa wika na iniatas sa Konstitusyon 1935 sa panahong Komonwelt

Tulad ng nabanggit na, itinakda ng 1935 Konstitusyon ang


pagkakaroon ng wikang pambansa ng Pilipinas matapos matiyak ang batayan
nito. Sa pagkapiling Surian ng Wikang Pambansa (ang ahensiyang nalikha sa
bisa ng Commonwealth Act 184 noong Nobyembre 13, 1936, na siyang
namahala sa pagpili, propagasyon, at development ng wikang pambasa) sa
Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa, naitadhana ang pagpasok ng isa
na namang wika, ngunit katutubo sa sistema ng edukasyon sa bansa.
Ang wikang Tagalog at Nihonggo bilang tanging wikang panturo

Mga Hapon ang unang nagtangka na ibigay ang edukasyon ng


mga Pilipino sa wikang katutubo. Sa pamamagitan ng Ordinansa Militar Blg. 13,
ipinag-utos ng imperyong Hapon na ang pag-aaral ng mga Pilipino ay gagawin
sa Tagalog, ang Wikang pambansa ng Pilipinas na kanilang itinalaga sa
Konstitusyon ng 1943. Bahagi 3 kanilang layunin imulat ang mga Pilipino sa
posisyon nila bilang kasapi sa Asya, pilit nilang ipinatanggal ang konseptong
kanluranin sa kamalayan ng mga Pilipino, upang higit na maisakatuparan ito,
pinalitan nila ang Ingles bilang midyum ng pagtuturo.

Ito ang kauna-unahang pagtatangka sa kasaysayan ng Pilipinas na


magkaroon ng suporta mula sa estado ang paggamit ng isang wikang katutubo
sa edukasyon ng mga Pilipino. Mayroon nang pumuna noong dekada 30 na mga
Amerikano rin, ngunit hindi nagkaroon ng puwang ang pagsasakatuparan sa
pagpunang ito.

Isang magandang hakbang ang pagtatangkang ito ng mga Hapon


ngunit dahil sa ikli ng panahon ng kanilang pananatili, dahil sa malupit na
sistema ng pananakop o kalupitan ng mga Hapon, at dahil sa labis na
pagkahumaling ng mga Pilipino sa kulturang Amerikano, hindi naging
matagumpay ang patakarang ito sa wika ng mga Нароп.

Ang Patakarang Bilingguwal sa Edukasyon

Matapos ang ilang dekadang pag-iral ng edukasyong kinilalang


magtataguyod sa kagalingan ng Pilipinas, patuloy pa ring bumubulusok pababa
ang kalidad ng edukasyon sa bansa. Nagsimula ang pagtayang ito noon pa
mang dekada 30 batay sa mga language survey at eksperimento sa mga
paaralan na pinasimulan pa mismo ng mga Amerikano. Batay sa mga ito,
lumabas ang ilang mungkahi upang mapabuti ang kalagayan ng kalidad ng
edukasyon sa bansa. Pangunahin dito ang paggamit sa katutubong wika bilang
wikang panturo.

Pinatunayan ng mga nasabing pag-aaral at eksperimento na


nagiging sagabal ang Ingles sa pag-aaral ng mga Pilipino. Sa halip na matuto,
nagiging sagabal sa kanilang pagkatuto ang wikang ito.

Nagkaroon na ng pagtatangka na gamitin ang mga katutubong


wika sa pag- aaral ng mga Pilipino. Tinangka na ito ni David Barrows, Direktor ng
Edukasyon noong 1903-1909 at ni Bise Gobernador-General Butte na siya ring
Sekretarya ng Pampublikong Instruksiyon noong 1931. Nang matapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagkaroon din ng mga pagkilos para sa
bernakularisasyon ng edukasyon sa bansa. May mga sarbey, mga
kumperensiya, at mga eksperimentong isinagawa sa pagpapagamit ng
bernakular sa pagtuturo sa paaralan. Ilan dito ang Iloilo Experiment (1948-1954),
Joint Congressional Committee on Education (1949), UNESCO Consultative
Mission (1951), Swanson Survey (1957), Rizal Experiment (1960-1966), at iba
pa.

Bukod sa mga ito, may ilang batas na lumabas upang gamitin ang
wikang pambansa na wikang panturo. Noong 1969, sa pamamagitan ng
Resolusyon blg. 45 na ipinalabas ng Lupon ng Pambansang Edukasyon,
pinagtibay nito ang paggamit ng Pilipino bilang wikang panturo sa una hanggang
ikaapat na baitang ng mababang paaralan sa buong bansa. Ngunit dala ng
tuwinang problema sa pondo, materyales at guro, hindi naisakatuparan ang
patakarang ito.

Lahat ng ito ay mga pagtatangka lainang, bagama't may malinaw


na nakikita sa mungkahi na gamitin ang bernakular at wikang Filipino sa pag-
aaral ng mga Pilipino hindi lumampas sa nabanggit na mga gawain at patakaran
ang pagtatangka. Dala na rin marahil sa pangamba ng ilan, kundi may
pagprotekta, na mawala ang Ingles sa sistema ng edukasyon sa bansa.

Sapagkat hindi maabandona ang nosyon sa pangangailangan ng


katutubong wika sa pag-aaral ng mga Pilipino, ang Patakarang Bilingguwal sa
edukasyon ang nagbigay ng puwang sa pagtatakda na ng paggamit ng
katutubong wika sa edukasyon.

Batay sa iniaatas ng Konstitusyon ng 1973, dalawa ang opisyal na


wika ng Pilipinas, Ingles at Filipino. Bagama't nawala ang pagiging pambansang
wika, ang Filipino ay naitakda na maging wika ng opisyal na komunikasyon ng
pamahalaan at midyum sa pagtuturo sa paaralan. Noong 1974, ipinalabas ang
patakarang bilingguwal sa edukasyon.

Ang Patakarang Bilingguwal, ayon sa mga guideline ay tumtukoy


sa hiwalay na paggamit ng Ingles at Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga
tiyak na asignatura ng pag-aaral. Ang Filipino ay gagamitin sa sumusunod na
sabjek: social studies/ social sciences, character education, work education,
health and physical education, music, and art. Ang Ingles ay gagamitin naman sa
sabjek na science, mathematics, at technology.

Hindi pa man lubusang naipapatupad ang patakarang ito ay


napalitan na ito ng panibagong patakaran, ang 1987 Bilingual Policy. Tinatawag
din itong Malayang Bilingguwalismo. Dito'y pinahihintulutan na gamitin ang
Filipino at Ingles bilang mga wikang panturo sa lahat ng sabjek. Lamang
kailangang tiyakin ang kahandaan ng inga guro at ng materyales sa
pagpapagamit na ito ng wika.

Ang hiwalay na bilingguwalismong ito ay malinaw ding nagpapakita


sa hiwalay na pagpapahalaga sa dalawang wika at sa kaaalamang dapat ibigay
ng mga ito. Kung susundan ang lohika ng patakaran, nananatiling malayo sa
mga mag-aaral na Pilipino ang kaalaman sa siyensiya, matematika, at
teknolohiya sapagkat makukuha lamang Ito kung matuto muna sila ng wikang
Ingles. Lubha pa namang napakahaga ng mga sabjek na ito para sa usapin ng
development ng isang bansa.

Lagom at Konklusyon
Malalim ang sugat na iniwan ng karanasang kolonyal ng Pilipinas. Isang
napakalaki't mapanghamong gawain ang anumang pagtatangka na ibsan ang
suliranin sa wika ng edukasyon sa bansa. Sa mahabang panahon, nag-aral at
tinuruan ang mga Pilipino sa wikang hindi kanila. Ang mga kaalamang kanilang
natuklasan at tinutuklas, ang kanilang mga pagpapahalaga, ang kanilang
kaisipan, ay pinanday sa wikang dayuhan. Una itong ginawa ng wikang Espanyol
at sinundan ng wikang Ingles. Itong huli, hanggang sa kasalukuyan ay nanatiling
dominante sa sistema ng edukasyon sa bansa.

Nang simulan ang sistema ng pormal na edukasyon sa Pilipinas,


sinimulan din ang pundasyon ng pagpapalaganap ng kaalamang maaari lamang
makuha sa wikang dayuhan ng mga Pilipino. Kung mayroon mang wikang
nalinang para sa pagpapaunlad ng kaalaman sa bansa, ito ay sa wikang
dayuhan, una sa Espanyol at sumunod sa Ingles. Nang pumasok ang wikang
katutubo at kalaunan ang wikang pambansa, nanatili itong
nakikipagkompetensiya sa wikang Ingles. Dahil nagkaroon ng paghahati at
paghihiwalay sa gamit ng wika sa loob ng sistema ng edukasyon dala ng
patakarang bilingguwal, naitakda din ang hanggahan ng paglinang sa wikang
uunlad para sa paaralan. Nanatiling mailap at malayo sa katutubong wika/wikang
pambansa ang mga kaaalamang pansiyensiya, matematika, at teknolohiya na
makatutulong nang malaki sa kaunlaran ng bansa sapagkat sa Ingles lamang ito
ibinigay. Binuksan man ng wikang Ingles ang napakaraming kaalaman sa mga
Pilipino, hindi rin ito naabot at napanghawakan dahil ang karamihan ay hindi
nagkaroon ng pagkakataong makapasok sa paaralan. Ang mga nakapasok
nama'y nahirapan sa pagkuha ng mga kaalaman sapagkat ang wikang kailangan
nilang gamitin ay isang wikang hindi nila lubusang nalaman kaya hindi nagamit
na instrumento sa patuklas ng kaalaman.
Ipinakita ng mga karanasang ito na ginamit ng mga kolonisador ang
wikang dayuhan upang manatili ang kanilang kontrol at kapangyarihan. Tunay
ngang nagging epektibo ang paggamit na ito sapagkat magpahanggang ngayon
nananalig pa rin ang maraming Pilipino at ang pamahalaan sa kolonyal na wika.
Nasasalamin nito ang mababa at mababaw na pagtingin sa katutubo o lokal na
wika. Marami ang hindi naniniwala sa potensiyal para sa intelektuwalisasyon ng
mga wikang ito maging ang wikang pambansa upang maging instrumento sa
pagpapalaganap ng karunungan. Sa panahong kolonyal at maging sa panahong
post-kolonyal ibinabatay pa rin ang katalinuhan ng mga Pilipino sa wikang
kolonyal at ang kahinaan dito ay ginagawang kamangmangan at mababang
katayuan sa lipunan. Ito ang realidad na ng wikang Espanyol at wikang Ingles.
Hinihingi na ng pagkakataon na ang lokasyon ng mga Pilipino ay ibigay sa
wikang magbibigay sa kanilang ng pagkakataong tuklasin, makuha't magamit
ang mga kaalamang kanilang pinag-aaralan upang maiangat ang kanilang sarili't
kabuhayan. Walang ibang wikang makapagbibigay nito kundi ang wika ng bayan,
ang kanilang wikang pambansa, ang Filipino.

GAWAIN!

1. SAG ( Sketch Appropriate Graphic) Making

Sa tulong ng kasanayang pampag-isip iguhit ang

ugnayan ng wika sa edukasyon at literasi.


2. HANAP SALITA

Hanapin ang mga salita na nakatalakay sa ibaba.

G E D U K K I P A T M B E S

E L D N G E N S S O U I D A

D I I U T P G G L G L L U K

U T U P K M L O A S T I Y N

K E K S G A E N O Y I N L O

A R A F G R S R G L L G S O

S A L V A R A Y T I I G P U

Y S I E D I W O O W N U U W

O O T F I S H M A N G W G G

M O N O L I N G G U W A L W

Y R E M O L A O W U A L M A

T E R O N I S D L A L E A N

I D R E L A Y B A I I E N A

N I H O N G G O O O S R P Z

I R W W I K K A B A M R O C

N O F E R Q U S O N O R N U

I F L I T E R A S I U R S E

You might also like