You are on page 1of 1

Pampanga Colleges Inc.

Pangalan:_____________________________ Asignatura: Introduksyon sa Pagsasalin


Kurso at Antas /Pangkat: BSED II- A at B Guro: G. Ronald Francis S. Viray

Final Examination
(Part 1)
Date of Exam: December 18-19, 2020

I. Panuto : Kilalanin ang mga sumusunod.Isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
_______________1. Ito ay isang proseso kung saan ang isang pahayag, pasalita man o pasulat, ay
nagaganap sa isang wika at ipinapalagay na may katulad ding kahulugan sa isang dati nang umiiral na
pahayag sa ibang wika.”
_______________2. Ang pagsasaling-wika ay paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na
_______________3. katumbas sa _____ at _____ na nasa wikang isinasalin.
_______________4. Isa sa mga katangian na dapat isa-alang alang ng tagasalin ay sapat na kaalaman
sa _____ wikang kasangkot sa pagsasalin.
_______________5. Isa sa simulain sa pagsasalin ay Bawat wika ay nakaugat sa ______ ng mga taong likas
na gumagamit nito.
_______________6. Bawat _____ ay may kanya-kanyang natatanging kakanyahan.
_______________7. Ang isang salin upang maituring na mabuting salin ay kailangang _____ ng
pinaguukulang pangkat na gagamit nito.
_______________8. Bigyan ng ______ ang uri ng Filipino na angkop na gamitin sa pagsasalin.
_______________9. Laging isaisip ang _____ ng mga salita.
_______________10. Nagkakaroon lamang ng tiyak na kahulugan ang isang salita kapag ito’y nagiging
_______________11. bahagi ng _____ o ______.
_______________12. Isaalang-alang ang _____ ng mga magkakaugnay na salitang hiram sa Ingles.
_______________13. Mahalaga ang diksyunaryo sa pagsasaling-wika ngunit huwag _____ dito.
_______________14. _____ lamang kung kinakailangan. Hindi tayo dapat salin ng salin kung ang kailangan
_______________15. naman ay ang ______ ng isang orihinal na akda.

II. Panuto: Isulat sa patlang bago ang bilang ang salitang Tama kung ang isinasaad ng pangungusap ay
tama at Mali naman kung mali ang isinasaad nito.(Bawat burang kasagutan ay magsisilbing mali)
____________1. Ang pagsasalin ay madaling Gawain para sa isang manunulat
____________2. Dapat bigyang pansin ng magsasalin ang paraan ng pagsasaayos dahil maaaring naiiba
ang nakasanayan sa orihinal na wika sa pinagsalinang wika.
____________3. Sa pagsasalin, ang salita at hindi ang kahulugan o mensahe ang isasalin.
____________4. Ang pagsasaling-wika ay isang proseso kung saan ang isang pahayag, pasalita man o
pasulat ay nagaganap sa isang wika at ipinapalagay na may katulad ding kahulugan sa isang dati nang
umiiral na pahayag sa ibang bansa.
____________5. Piliin ang mga salita at pariralang madaling maunawaan ng mambabasa.
____________6. Ang kultura at wika ay maaaring mapaghiwalay.
____________7. Ang wika ay ang nagbibigay anyo sa diwa at saloobin ng isang kultura.
____________8. Ang pagsasaling wika ay ang pagsasalin o paglilipat sa pinakamalayong katumbas na
mensahe ng tekstong isinalin sa wika o diyalektong pinagsasalinan.
____________9. Sa pagsasalin, tiyaking naunawaan ang nilalaman ng teksto upang makayanan ng
ipaliwanag o isalaysay kahit wala ang orihinal sa iyong harapan.
____________10.Ipabasa ang isinalin sa isang eksperto upang mabigyang-puna ang paraan ng pagkasalin
at masabi kung naaangkop na sa konstekto ng isang taong likas na gumagamit ng wika.

III. Panuto: Sagutin ang sumusunod na pahayag.


1. Ano ang dapat taglayin ng isang tagapagsalin?
2. Anu-ano ang mga dapat isa-alang alang sa pagsasalin?

1|Pampanga Colleges Inc.

You might also like