You are on page 1of 2

MODYUL 1

PAMPANGA COLLEGES
Macabebe,Pampanga

Kolehiyo/Departmento ng Filipino
FIL 27: Panunuring Pampanitikan
Semester of A.Y. 2020-2021

INTRODUKSYON
LAYUNIN
1. Naipaliliwanag ang kahulugan at kahalagahan, panitikan, at panunuring pampanitikan.
2. Nakapagbabahagi ng sariling pananaw ukol sa panunuring pampanitikan, sa mga katangian na dapat
taglayin ng isang mahusay o mabuting kritiko at mga ilang sitwasyon sa buhay kung saan ito maaaring
ilapat.

NILALAMAN
Panunuring Pampanitikan
Ito ay isang malalim na paghihimay sa mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng iba’t
ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa malikhaing manunulat at katha.
Ang pagsusuring pampanitikan ay isang pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at pagpapaliwanag ng
panitikan. Ito ay may dalawang sangay. Ang unang sangay ay ang Pagdulog. Ang mga uri nito ay pormalistiko
o pang-anyo. Ang pangalawa ay ang moralistiko. Ang pangatlo ay ang sikolohikal. at ang huling uri ay
sosyolohikal-panlipunan. Ang pangalawang sangay ay ang Pananalig. Binubuo ito ng maraming uri. Ang mga
uri nito ay klasisismo, romantisismo, realismo, naturalismo, impresyunalismo, ekspresyunalismo,simbolismo,
eksistensiyalismo, at peminismo.

Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan


1. Ang pagsusuri sa akda ay dapat may uri at katangian ng katalinuhan, seryoso at marubdob na
damdamin at ng tapat na mithi sa kalayaan.
2. Sa pagsusuri ng anumang akda ay kailangang mahusay ang organisasyon o balangkas ng lahok.
Bahagi ito ng disiplina ng pagsusuri.
Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan
3. Sa pagsusuri ng anumang akda ay dapat maging maganda ang paksa, may kalinisan ang wika at
organisado ang paglalahad.
4. Sa pagsusuri ay mahalagang mahagap ng may-akda ang kanyang piniling paksa, mahusay ang
pagtatalakay at organisasyon ng material, malinaw ang balangkas na kinapapalooban ng malinaw na tesis o
argumento na sinundan ng buong sanaysay, may naidagdag sa kasalukuyang kaalaman tungkol sa panitikan at
mahusay at makinis ang pagkakasulat. Ang pahayag sa itaas ay nagmula kina Dr. Soledad S. Reyes, Dr. Loline
M. Antillon at Prop. Tomas O. Ongoco na naging lupong inampalan sa Timpalak sa Pagsulat ng Sanaysay-
Panunuring Pampanitikan sa Panitikang Nasusulat sa Katutubong Wika sa Pilipinas.
5. Sa pagsusuri ng tula, ang pananarili sa pananagisag sa tula ay hindi dapat panaigin. Ang katangian ng
makasining na tula ay ang sikad na damdamin at lawak ng pangitain nito. Ang simulaing ito ay ayon kay Ruben
Vega na siya ring nagsabing ang mahalaga sa tula ay ang lasa at hipo nito at hindi ang balat ng prutas. Ayon pa
6. Ang pamimili ng paksang tutulain ay hindi siyang mabisang sukatan ng kakayahan ng ng makata. Sa
halip, ang higit na kailangang pahalagahan at sukatin upang makagawa ng makatarungang pagahatol ay kung
papaano ang pagkatula. Ayon kay Pedro L. Ricarte, kung papaanong buhat sa paksang kinuha sa pagtutulong-
tulong ng sensibilidad, kadalubhasaan, institusyong ang tunay na tula ay kailangang matigib ng damdamin,
kinakailangang managana sa kabuuan nito, sapagkat kung hindi mapupuno sa damdamin, kailanma’y hindi
maaaring matibag sa mga taludtod nito ang isang kagandahan.
7. Ang susuriing akda ay kailangang napapanahon, may matibay na kaisahan, makapangyarihan ang
paggamit ng wika at may malalim na kaalaman sa teoryang pampanitikan.
8. Ang susuriing akda ay kailangang nagpapamalas ng masinop na pag-uugnay ng mga sangkap ng
pagsulat.

Critique o Criticism (Panunuri o Kritisismo)

Kritisism Panunuri
 Naghahanap ng mali  Naghahanap ng estruktura
 Naghahanap ng kulang  Naghahanap ng kung ano ang pwede
 Nagbibigay agad ng hatol sa hindi niya  Nagtatanong upang maliwanagan
maunawaan  Nakalahad sa mabuti, matapat, at
 Nakalahad sa malupit at mapanuyang tinig obhetibong tinig
 Negatibo  Positibo
 Malabo at malawak  Kongkreto at tiyak
 Seryoso at hindi marunong magpatawa  Nagpapatawa rin
 Naghahanap ng pagkukulang sa manunulat  Tumitingin lamang sa kung ano ang nasa
at sa akda pahina

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng isang Kritiko

• Ang kritiko ay matapat sa sariling itinuturing ang panunuri ng mga akdang pampanitikan bilang isang sining.
• Ang kritiko ay handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng akdang pampanitikan at hindi manunuri ng
lipunan, manunulat, mambabasa o ideolohiya.
• Ang kritiko ay laging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong nagaganap sa panitikan.
• Ang kritiko ay iginagalang ang desisyon ng ibang mga kritiko na patuloy na sumasandig sa ibang disiplina
gaya ng linggwistika, kasaysayan, sikolohiya, atbp.
• Ang kritiko ay matapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang sumasailalim sa paraan ng pagbuo o
konstruksyon batay sa sinusunod na alituntunin at batas.
• Ayon kay Alejandro G. Abadilla, kailangan ng isang kritiko ang tigas ng damdaming naninindigan upang
maging tiyak na kapakinabangan ng panitikan ang kanyang pagmamalasakit, ay ipinakilala ng mga pangyayari
nang mga unang taon ng kanyang pamimili.

GAWAIN
Bumuo ng isang “panunumpa” na nakapaloob ang mga katangiang dapat taglayin ng isang kritiko/manunuri.

ASSESSMENT
Sanaysay

1. Bakit mahalaga ang panunuring pampanitikan?


2. Sa iyong sariling pananaw, bakit dapat pang magsuri ng isang akda?
3. Ano ano ang mga katangiang taglayin ng isang kritiko?

SANGGUNIAN

Mabait, M. (2014, July 09). Teoryang Pampanitikan. Retrieved September 13, 2020, from
https://www.slideshare.net/GinoongGood/teoryang-pampanitikan-36790003

You might also like