You are on page 1of 9

Mga Uri ng Maikling Kwento

 SALAYSAY
Ang uring ito’y walang katangiang nangingibabaw, timbang na timbang ang mga bahagi, hindi
nagmamalabis bagamat masaklaw, maluwag ang pagsasalaysay at hindi apurahan.
 KWENTO NG PAG-IBIG
Ang diwa ng kuwento ay ukol sa pag-iibigan ng pangunahing tauhan at ng kanyang katambal na
tauhan.

 KWENTO NG KATUTUBONG KULAY


Ang binibigyang-diin sa uring ito’y ang kapaligiran ng isang pook. Ang tagpuan ang higit na
binibigyangpansin. Inilalarawan ang mga tao sa isang pook, ang kanilang pamumuhay, mga gawi, mga
kaugalian at mga paniniwala.
 KWENTO NG KABABALAGHAN
Binibigyang kasiyahan sa uring ito ang atingpananabik sa mga bagay na kataka-taka at salungat
sa wastong bait at kaisipan. Karaniwang likha lamang ng mayamang guniguni ng may-akda ang
ganitong uri ng kwento.
 KWENTO NG KATATAKUTAN
Ang damdamin, sa halip na ang kilos ang binibigyang-diin sa uring ito. Pinupukaw ang
damdamin ng mambabasa at ang mahalaga ay ang bisa at kaisahan.
 KWENTO NG KATATAWANAN
May kabagalan at ilang paglihis sa balangkas ang galaw ng mga pangyayari sa kwentong ito.

 KWENTO NG TAUHAN
Ang tauhan o mga tauhan sa kwento ang binibigyang-diin. Inilalarawan dito ang mga kaugalian,
katangian, paniniwala sa buhay, at prinsipyo ng mga tauhang gumaganap sa kuwento.
 KWENTO NG PAKIKIPAGSAPALARAN
Ang kawilihan sa ganitong uri ng kwento ay nasa balangkas sa halip na sa mga tauhan at
kwento. Ang kawilihan ay nababatay sa pagsubaybay sa mga pangyayari sa buhay ng pangunahing
tauhan sa kwento.
 KWENTO NG MADULANG PANGYAYARI
Kapansin-pansin ang pangyayari sa ganitong uri ng kwento. Ang pangyayari ay lubhang
mahalaga at nagbubunga ng isang bigla at kakaibang pagbabago sa mga kapalaran ng mga tauhan sa
kwento.
 KWENTO NG TALINO
Ang may-akda ay lumilikha ng masuliraning kalagayan sa simula upang mag-alinlangan ang
mambabasa hanggang sa sumapit ang takdang oras ng paglalahad.
 KWENTO NG SIKOLOHIKO
Inilalarawan ang mga tauhan sa isipan ng mambabasa.
Panunuring Pampanitikan

Kahulugan ng Panunuring Pampanitikan

 Ito ay isang malalim na paghihimay sa mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng


iba’t ibang dulog ng kritisismo parasa mabisang pag-unawa sa malikhaing manunulat at katha.
 Ang pagsusuring pampanitikan ay isang pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at pagpapaliwanag ng
panitikan.
 Ito ay matalinong pagsusuri sa akda, pagbibigay pakahulugan sa mga simbolong nakapaloob at mga
talinghaga.
 Bahagi rin ng panunuri ang pamumuna. Babanggitin ang kagandahan o positibong bagay na nakita
o nabasa sa akda,gayundin ang pangit o negatibo sa akda.
Pagkakaiba Ng Panunuri At Kritisismo

Panunuri Kritisismo

 ∙ Naghahanap ng estruktura  ∙ Naghahanap ng mali


 ∙ Naghahanap ng kung ano ang pwede  ∙ Naghahanap ng kulang
 ∙ Nagtatanong upang maliwanagan  Nagbibigay agad ng hatol sa hindi niya
 ∙ Nakalahad sa mabuti, matapat, at  maunawaan
 obhetibong tinig  ∙ Nakalahad sa malupit at
 ∙ Positibo mapanuyang
 ∙ Kongkreto at tiyak  tinig
 ∙ Nagpapatawa rin  ∙ Negatibo
 ∙ Tumitingin lamang sa kung ano ang  ∙ Malabo at malawak
 nasa pahina  ∙ Seryoso at hindi marunong
magpatawa
 ∙ Naghahanap ng pagkukulang sa
 manunulat at sa akda

I. Sipi ng Akda

II. Sanligan
a. Pamagat at Kahulugan ng Akda
b. Kaligirang Kasaysayan ng Akda
c. May-akda at maikling pagkilala
d. Mga Sanggunian
III. Lagom ng Katha

IV. Pagsusuri
a. Anyo ng Panitikan
b. Uri ng Akdang Pampanitikan
c. Estilo ng Paglalahad
d. Pananalig
e. Panahong Kinabibilangan
f. Galaw ng Pangyayari
g. Pansin at Puna sa mga Tauhan
h. Bisa ng panitikan sa isip, damdamin at asal

V. Mga Simbolong Ginamit

Mga Teoryang
Pampanitikan

• Teoryang Klasismo
- Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa
buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng
mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.
• Teoryang Humanismo
- Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang
kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.
• Teoryang Imahismo
- Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin,
kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-akda na higit na madaling maunawaan kaysa
gumamit lamang ng karaniwang salita.
PANAMBITAN
ni Myrna Prado
(salin ni Ma. Lilia F. Realubit)
Bakit kaya rito sa mundong ibabaw
Marami sa tao’y sa salapi silaw?
Kaya kung isa kang kapus-kapalaran
Wala kang pag-asang umakyat sa lipunan.
Mga mahirap lalong nasasadlak
Mga mayayaman lalong umuunlad
Maykapangyarihan, hindi sumusulyap
Mga utnag na loob mula sa mahirap.
Kung may mga taong sadyang nadarapa
Sa halip tulungan, tinutulak pa nga;
Buong lakas silang dinudusta-dusta
Upang itong hapdi’y lalong managana.
Nasaan, Diyos ko, ang sinasabi Mo
Tao’y pantay-pantay sa batas ng mundo?
Kaming mga api ngayo’y naririto
Dinggin Mo, Poon ko, panambitang ito.

• Teoryang Realismo
- Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang
lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo
sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaefektibo ng kanyang sinulat.
• Teoryang Feminismo
- Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang
pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo
sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at
magagandang katangian ng tauhan.
• Teoryang Arkitaypal
- Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga
simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa akda. Pinakamainam na alamin
muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa
akda ay magkaugnay sa isa’t isa.
• Teoryang Formalismo/Formalistiko
- Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang
tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan ang
siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa.
• Teoryang Sikolohikal
- Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig (factor) sa
pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang
akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may
nag-udyok na mabago o mabuo ito.
• Teoryang Eksistensyalismo
- Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa
kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence).
• Teoryang Romantisismo
- Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-
aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na
gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa
tao o bayang napupusuan.
Babang-luksa
Salin ni Olivia P. Dantes
“Pabanua”
Ni Diosdado Macapagal
Isang taon ngayon ng iyong pagpanaw
Tila kahapon lang nang ika’y lumisan;
Subalit sa akin ang tanging naiwan,
Mga alaalang di – malilimutan.
Kung ako’y nasa pook na limit dalawin
Naaalala ko ang ating paggiliw;
Tuwa’y dumadalaw sa aking paningin
Kung nagunita kong tayo’y magkapiling.
Kung minsan sadya kong dalawin ang bahay
Na kung saan unang tayo’y nag-ibigan ;
Sa bakura’t bahay , sa lahat ng lugar ,
Itong kaluluwa’y hinahanap ikaw.
Sa matandang bahay napuno ng saya
Sa araw na iyo’y pinagsaluhan ta;
Ang biyayang saglit , kung nababalik pa
Ang ipapalit ko’y ang aking hininga.
Bakit ba, mahal ko, kay- agang lumisan
At iniwan akong sawing – kapalaran
Hindi mo ba talos , kab'yak ka ng buhay
At sa pagyaon mo’y para ring namatay ?
Marahil tinubos ka ni bathala
Upang sa isipa’y hindi ka tumanda ;
At ang larawan mo sa puso ko’t diwa
Ay manatiling maganda at bata.
Sa paraang ito kung nagkaedad na
Ang puting buok ko’y di mo makikita
At ang larawan kong tandang tanda mo pa
Yaong kabataan taglay na tuwina
At dahil nga rito, ang pagmamahalan
Ay hanggang matapos ang kabataan,
Itong alaala ay lalaging buhay,
Lalaging sariwa sa kawalang-hanggan.
Kaya, aking , mahal , sa iyong pagpanaw
Tayo’y nagtagumpay sa dupok ng buhay,
Ang ating pagsintang masidhi’t marangal
Hindi mamamatay, walang katapusan
Ang kaugalian ng ninuno natin
Isang taon akong nagluluksa mandin;
Ngunit ang puso ko’y sadyang maninimdim;
Hanggang kalangitan tayo’y magkapiling.
• Teoryang Markismo
- Ang teoryang ito ay nagpapakita ng tunggalian sa pagitan ng mayaman at mahirap o mahina at
malakas. Ang pangunahing tauhan ay may kakayahang umangat sa kinalulugmukang sitwasyon.
• Teoryang Sosyolohikal
- Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang
kinabibilangan ng may-akda. Mahihinuha ang kalagayang panlipunan nang panahong kinatha ang
panitikan.
• Teoryang Moralistiko
- Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang
tao – ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong
nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng
lipunan.
• Teoryang Bayograpikal
- Ang panitikan ay nagpapamalas ng karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ipinahihiwatig
sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya,
pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng
mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.
Kay Selya
Kung pagsaulan kong basahin sa isip
ang nangakaraang araw ng pag-ibig,
may mahahagilap kayang natititik
liban na kay Selyang namugad sa dibdib?
Yaong Selyang laging pinanganganiban,
baka makalimot sa pag-iibigan;
ang ikinalubog niring kapalaran
sa lubhang malalim na karalitaan.
Makaligtaan ko kayang ‘di basahin,
nagdaang panahon ng suyuan namin?
kaniyang pagsintang ginugol sa akin
at pinuhunan kong pagod at hilahil?
Lumipas ang araw na lubhang matamis
at walang natira kundi ang pag-ibig,
tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib
hanggang sa libingan bangkay ko’y maidlip.
Ngayong namamanglaw sa pangungulila,
ang ginagawa kong pang-aliw sa dusa,
nagdaang panaho’y inaalaala,
sa iyong larawa’y ninitang ginhawa.
Sa larawang guhit ng sintang pinsel,
kusang inilimbag sa puso’t panimdim
nag-iisang sanlang naiwan sa akin,
at ‘di mananakaw magpahanggang libing.
Ang kaluluwa ko’y kusang dumadalaw
sa lansanga’t ngayong iyong niyapakan;
sa Ilog Beata’t Hilom na mababaw,
yaring aking puso’y laging lumiligaw.
Di mamakailang mupo ng panimdim
sa puno ng manggang naraanan natin;
sa nagbiting bungang ibig mong pitasin,
ang ulilang sinta’y aking inaaliw.
Ang katauhan ko’y kusang nagtatalik
sa buntung-hininga nang ika’y may sakit,
himutok ko noo’y inaaring-Langit,
Paraiso naman ang may tulong-silid.
Liniligawan ko ang iyong larawan
sa Makating ilog na kinalagian;
binabakas ko rin sa masayang do’ngan,
yapak ng paa mo sa batong tuntungan.
Nagbabalik mandi’t parang hinahanap,
dito ang panahong masayang lumipas;
na kung maliligo’y sa tubig aagap,
nang hindi abutin ng tabsing sa dagat.
• Teoryang Queer
- Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga homosexual. Kung
ang mga babae ay may feminismo ang mga homosexual naman ay queer.

• Teoryang Historikal
- Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa
kasaysayan ay bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi
ng buhay ng tao at ng mundo.
• Teoryang Kultural
- Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi nakakaalam.
Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon minana at ipasa sa mga sunod
na salinlahi. Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi.
• Teoryang Feminismo-Markismo
- Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t ibang paraan ng kababaihan sa pagtugon sa suliraning
kanyang kinakaharap. Isang halimbawa nito ay ang pagkilala sa prostitusyon bilang tuwirang tugon
sa suliraning dinaranas sa halip na ito’y kasamaan at suliranin ng lipunan.
• Teoryang Dekonstruksyon
- Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo.
Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang nag-udyok
sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan
ng pagkatao at mundo.

You might also like