You are on page 1of 30

Mga Pamamaraan sa

Pagsusuri ng Akdang
Pampanitikan
Ang maikling kuwento ay isang maigsing
salaysay hinggil sa isang mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng isa o
ilang tauhan at may iisang kakintalan o
impresyon lamang. Isa itong masining na
anyo ng panitikan.
Tulad ng nobela at dula, isa rin itong
makakatotohanang salaysay ng realidad,
ngunit ito ay isang madulang
pangyayaring naganap sa buhay ng
pangunahing tauhan.
Ayon kay Edgar Allan Poe, ang
tinaguriang Ama ng Maikling Kuwento ay
isang akdang pampanitikang likha ng
guni-guni at bungang-isip na hango sa
isang tunay na pangyayari sa buhay. 
Ito ay nababasa sa isang tagpuan,
nakakapukaw ng damdamin at mabisang
nakakakintal ng diwa o damdaming may
kasiyahan.
Bahagi ng Maikling Kuwento

Simula- mahalaga ang bahaging ito sapagkat


dito nakasalalay ang kawilihan ng mga
mambabasa. 

a.Pagpapakilala sa tauhan
b.Pagpapahiwatig sa suliranin na kakaharapin
ng tauhan
c.Pagkikintal sa isipan ng mga mambabasa ng
damdaming palilitawin sa kuwento
d.Paglalarawan sa tagpuan
Saglit na kasiglahan- naglalahad ng
panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang
masasangkot sa suliranin.

Suliranin- problemang haharapin ng tauhan.

Tunggalian
Ang tunggalian ay may apat na uri:
• Tao laban sa tao
• Tao laban sa sarili
• Tao laban sa lipunan
• Tao laban sa kapaligiran o kalikasan
Kasukdulan- Sa kasukdulan nakakamtan ng
pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian
ng kanyang ipinaglalaban.

Kakalasan- Ito ang tulay sa wakas ng kwento.

Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan


ng kwento.
Sangkap ng Maikling Kuwento

Tauhan- nagbibigay buhay sa kuwento,


makikilala sila sa kanilang panlabas na
kaanyuan, pisikal, pananamit at kilos na
nagpapahiwatig ng kanilang diyalogo. 

Tagpuan- tumutukoy sa pook o lugar na


pinangyarihan ng kuwento. 

Paksang Diwa- pinakakaluluwa ng maikling


kuwento.
Kaisipan- mensahe ng kuwento. 

Banghay- ito ang pagkakasunod-sunod ng mga


pangyayari sa kuwento.

Bahagi ng Banghay
• Simula
• Saglit na kasiglahan
• Suliranin
• Kasukdulan
• Kakalasan
• Wakas
Tema o Paksa- ito ang sentral na ideya sa
loob ng kuwento o mahalagang pangkaisipan
ng akda. 
Mga Uri ng Maikling Kuwento

Kuwento ng Katutubong Kulay


-Binibigyang diin ang kapaligiran, pananamit
ng mga tauhan, uri ng pamumuhay at hanapbuhay
ng mga tao sa nasabing pook.

Kuwento ng Pakikipagsapalaran
-nasa balangkas na pangyayari ang kawilihan o
interes ng sa kuwentong ito.
Kuwentong Kababalaghan
-mga di-kapani-paniwalang kuwento tungkol sa
katatakutan.

Kuwento ng Tauhan
-ang interes ng diin ay nasa pangunahing
tauhan.

 Kuwentong Katatawanan
-ang diin ng kuwentong ito magpatawa o
mabigyang aliw ang mambabasa.
Kuwento ng Pag-ibig
-tungkol sa pag-iibigan ng pangunahing tauhan
at katambal niyang tauhan. 

Kuwento ng Kapaligiran
- pangyayring mahalaga sa lipunan, kadalasan
tungkol sa kalikasan.
Kuwento ng Madulang Pangyayari
-Binibigyang pansin ang mahahalagang
pangyayari na nakakapagpabago sa tauhan.
Teoryang Pampanitikan
Teoryang Markismo

• paglalabanan ng malakas at mahina na kung


saan nagtatagumpay ang mahina.

• inilalahad din sa teoryang ito kung bakit


nagaganap ang pang-aapi.

• nakapaloob ang mga tauhang bida at


kontrabida, may suliranin ang bida at
gumagawa nito ay ang kontrabida.
Teoryang Bayograpikal

• ito ay nakatuon sa lantad na pagbubunyag ng


ilang bahagi ng buhay ng manunulat na
nakadaragdag sa kagandahan at kaisipan nito.

• sinasalamanin ng akda ang katauhan ng


manunulat.
Teoryang Historikal

• Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang


karanasan ng isang lipi ng tao na siyang
masasalamin sa kasaysayan ay bahagi ng
kanyang pagkahubog.

• Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay


bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.
Teoryang Historikal

• ang layunin ng panitikan ay ipakita ang


karanasan ng isang lipi ng tao na siyang
masasalamin sa kasaysayan ay bahagi ng
kanyang pagkahubog.

• nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay


bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.
Teoryang Klasismo

• ito ay ang mga sinulat ng mga dakilang


manunulat.

• pinapahalagahan ang kaisipan kaysa damdamin.

• ipinahahayag ng teoryang ito na ang isang


akda ay hindi naluluma o nalalaos.
Teoryang Humanismo

• ipinapakita na ang tao ang sentro ng mundo.

• binibigyang tuon dito ang kalakasan at


mabuting katangian ng isang tao.
Teoryang Romantisismo

• pinapahalagahan ang damdamin at guni-guni.

• higit na mahalaga ang damdamin kaysa isipan.

• pagbibigay halaga sa bisa ng pagkakagamit ng


kalikasan at kapaligiran sa pagiging
masining ng akda.
Teoryang Realismo

• nagpapahayag ito ng pagtanggap sa


katotohanan o realidad ng buhay.

• tumatalagay sa katotohanan sa lipunang


ginagalawan.
Teoryang Pormalistiko

• nakatuon sa nilalaman, kaanyuan, kaayusan at


paraan ng pagkakasulat ng may akda.

• may sinusundan na panuntunan sa pagsulat ng


akda.
Teoryang Siko-analitiko

• nakatuon sa kalagayan ng isang tao, maaring


pag-iisip o ang kanyang pag-uugali.

• pag-aaral sa kilos o gawi ng mga tauhan at


pananalitang ginagamit ng mga tauhan.
Teoryang Sosylohikal

• nagpapakita ng mga paksang nagbibigay ng


kaapihang dinanas ng tauhan sa kuwento, ang
akda rin ang nagiging salamin sa tunay na
nagyayari sa lipunan.
Teoryang Feminismo

• tumutukoy sa kalakasan at sa kakayahan ng


tauhang babae sa isang kuwento o akda.

Teoryang Eksistensyalismo

• layuning ipakita ang kalayaan ng mga tao na


pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili
na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili
sa mundo.
Teoryang Imahinasyon

• ginagamit ang wika upang epektibong maihatid


ang wastong imahe na nagbibigay daan sa
wastong mensahe.
Teoryang Dekonstruksyon

• layuning ipakita ang iba’t ibang aspekto na


bumubuo sa tao at mundo, pinaniniwalaan ng
isang manunulat na walang isang pananaw ang
nag-uudyok sa may-akda na sumulat kundi
pinaghalu-halong pananaw na nais iparating
ay ang kabuuan ng pagkatao at mundo.
Bisang Pampanitikan

1.BISANG PANG-KAISIPAN- Nagbubunsod sa mga


mambabasa na mag-isip upangumunlad ang diwa
at kaisipan.

2.BISANG PANG-KAASALAN- Nilikha upang magbigay


dunong magbigay-aral athumubog ng katauhan.

3.BISANG PANDAMDAMIN- Tumutukoy sa naging


epekto o pagbabagong naganap sa damdamin ng
mambabasa.

You might also like