You are on page 1of 10

Mga Pangunahing

Elemento sa Pagsusuri ng
Pelikulang Panlipunan
SINESOSYEDAD/PELIKULANG PANLIPUNAN (SINESOS)
Mga Pangunahing Elemento sa Pagsusuri ng
Pelikulang Panlipunan
Pagkatapos natin pag-aralan ang apat na dulog o teorya sa pagsusuri ng pelikula at sinikap
din natin masuri ang iba’t ibang pelikulang naayon sa pagsipat ng bawat teorya.

 Karakter/Tauhan- malinaw baa ng karakterisasyon ng mga tauhan. Lumutang ba ang


mga katangian ng tauhan upang makilala ang bida (protagonist) at ang Kontrabida
(antagonist)
 Istorya o Kwento – may kaibahan ba ang istorya sa mga dating napanood mo na o
ito’y isang gasgas na kwento lamang? Malinaw bang ihanay ang mga pangyayari sa
pelikula upang lubos na maunawaan ng mga manonood?
 Dayalogo- Matino ba o bulgar ang mga salitang ginamit sa kabuuan ng pelikula.
Angkop baa ng lenggwahe sa takbo ng mga pangyayari?
 Titulo o Pamagat – mayroon ba itong panghatak o impact?
Nakikita ba kaagad at nauunawaan ng mga manonood ang mga
simbolo na ginamit sa Pamagat.
 Sinematograpiya - mapupusyaw ba o matingkad ang kabuuang
kulay ng pelikula? Nakatulong ba ang pag-gamit ng visual effects
sa paglutang ng mga pangya-yari sa kwento?
 Tema o Paksa – mayroon bang “puso” ang pelikula? May taglay ba
itong kaisipan at diwang titimo sa isip at damdamin ng mga
manonood na kaugnay ng kanilang karanasan sa buhay?
Ano ang panunuring pampelikula?
Ang panunuring pampelikula o panunuri ng pelikula (sa Ingles, Movie Criticism) ay ang ebal-wasyon ng isang
pelikula. Ito ay tumutukoy sa isang masining na pagpuna at pagmamasid sa mahahala-gang detalye at sangkap ng
pagkakabuo at sangkap ng pagkakabuo ng isang pelikula.

Tema- nagsasaad ito ng paksa, layunin, mensahe ng pelikula.


 Anong ugali ng tauhan ang masasalamin ng totoong tao sa ating sariling lipunan?
 Sino ang kinatawan ng pangunahing tauhan?
 Anong mensahe ng nais ipahatid ng pelikula?

Mga Tauhan-mga taong gumaganap.


 Makatotohanan ba at mahusay ang kanilang Pagganap?
 Ang mga tauhan ba ay nababagay sa panahon at tema ng pelikula?
 Editing ng pelikula – angkop na pagkakasunud-sunod ng mga eksena o kuha.
 Paglalapat ng musika at tunog- musikang tumutugtog at nagbibigay ng higit na kabu-luhan sa bawat eksena.
Pagkuha ng Kamera Shots- ang kamera shot ay ang mga kilos o aksyong nakunan ng
kamera mula sa pag-andar hanggang sa paghinto nito.
 Long shot- ipinakikita ng kuhang ito ang pangunahing lugar o tauhan na
malayong agwat sa kamera.
 Medium shot- ang kuha ng pangunahing bagay o tauhan ay pantay sa itaas nito o
mula sa baywang pataas.
 Close-Up shot- ang kuha kung saan ang distansya sa pagitan ng tauhan at ng
kamera ay maliit lamang. Ito ang paraan ng direktor sa mga manonod ang mga
detalyeng nais niyang pagtuunan ng pansin.
 Ang Editing- masasabing ang pagkakaedit ng pelikula kung angkop ang
pagkakasunud- sunod ng mga eksena o kuha, kapag pinagsama-sama ang ito. Sa
mahusay na editing,ang mga eksena ay kailangang mahalaga ang tinitimbang
nang hindi isinasakripisyo ang kabuluhang estetiko.
 Ang Sinematograpiya- ang pokus ng elemento na ito sa paggawa ng pelikula ay tunay na
nag-bibigay pakinabang sa karanasang hatid ng mga mata. Kailangang maging tiyak at
mas-ining ang bawat anggulo ng kamera,ang bawat mahalagang galaw ay dapat na
magagawang ikwadrado,18dapat na maabot ang layo at lapit na nais marating, maipinta
ang mga hugis, anino at kulay.
 Musika at Sound Effect – ito ang musikang maririnig habang may eksena, ang musika
ay maaaring nagmumula sa mismong eksena o sa labas ng eksena. Ito rin ang mahalagang
tunog na nagbibigay nang higit na kabuluhan sa bawat eksena.
 Direksyon- ito ang tumutukoy sa paraan kung paano ipahahatid ng direktor ang mensahe
ng kwento sa pamamagitan ng lenggwahe ng pelikula. Ang direktor ay itinuturing na
kapitan ng bapor na responsible sa pagtatamo ng kaisahan ng bawat tagpo o eksena sa
sistemang audio-visual. Pananagutan din ng direktor na tumugon sa hamon ng sining.
(Ayon kay Jefferson Austria, Kasaysayan ng Wikang Pambansa at Pelikula).
Pormat ng Panunuring Pampelikula:

I: Pamagat:
II: Mga Tauhan:
III: Buod ng Pelikula:
IV: Banghay ng mga Pangyayari(Story Grammar):
A. Tagpuan(Setting):
B. Protagonista(Bida):
C. Antagonista(Kontrabida):
D. Mga Suliranin:
E. Mga Kaugnay na Pangyayari o mga Pagsubok
Sa Paglutas ng Suliranin
F. Mga Ibinunga(Resulta)
V: Paksa/Tema ng Pelikula:
VI: Mga Aspektong Teknikal:
G. Sinematograpiya:
H. Musika:
I. Visual Effects:
J. Set Designs:
VII. Kabuuang Mensahe at mga Aral:
A.BISA SA ISIP
B.BISA SA PUSO
C.BISA SA DAMDAMIN
D.BISA SA LIPUNAN
GAWAIN:

Panuto: Pumili ng isang Pelikulang Pilipino na sumikat sa


taong 90’s sumulat ng isang reaksyong papel tungkol sa
mga ginamit na elemento sa pelikula.

You might also like