You are on page 1of 2

Pagbibigay ng Sariling Bayas o Pagkiling

Ang bayas ay isang inklinasyon predisposisyon o pagkakagusto na nagiging balakid upang


maging kapani-paniwala ang isang pinagmumulan ng impormasyon. Minsan, pinoprotektahan ng
isang pinanggagalingan ng impormasyon ang opinyon niya na nagiging sanhi ng pagkawala ng
kaniyang pokus sa katotohanan. Kapag nangyari ito, may bayas o pagkiling na ang taong iyon.
Maraming mga bayas o pagkiling ang nasa porma ng propaganda techniques.

Mga Gabay para sa Paggawa ng Suring Pelikula

Kailangang ipakilala sa unang talata ang paksa ng pelikula. Maaaring magsimula ang may-
akda sa mga simpleng detalye tulad ng pamagat ng pelikula, mga aktor at aktres na nagsiganap, at pati
na rin sa pook at panahon kung saan nangyari ang kuwento.

Isalaysay ang daloy ng pelikula. Kailangang masakop ng manunulat ang kabuoan ng istorya
liban na lang sa pagwawakas nito upang naisin pa rin ng mambabasa na panoorin ang pelikula.
Maaaring magbigay ng mga halimbawang eksenang mahalaga at pati na rin ang mga eksenang tatatak
sa isipan ng manonood.

Maaaring magbigay ng kritisismo sa ikatlong talata sa isang particular na aspekto ng pelikula.


Maaaring pagpilian ang mga aktor at aktres na gumanap, ang pagkahabi ng kuwento, ang hitsura ng
mga eksena, ang kalidad ng tunog at musika, at pati na rin ang mga tema, simbolismo, at mensaheng
gustong ipahayag ng pelikula.

1. Tauhan – Malinaw ba ang karakterisasyon ng mga tauhan? Lumutang ba ang mga katangian
ng tauhan upang makilala ang bida at ang kontrabida?
2. Tema o paksa – Mayroon bang “puso” ang pelikula? May taglay ba itong kaisipan at diwang
titimo sa isip at damdamin ng mga manonood na kaugnay ng kanilang mga karanasan sa
buhay?
3. Gamit ng Salita – ay ang tanyag na mga linya o kataga na may kaugnayan sa tema o
ipinapahayag ng tauhan sa pangyayari.
4. Layon – ay ang intensiyon ng sumulat kung ano ang nais niyang ipahayag o ipaalam.

Mga Salitang Ginagamit sa Mundo ng Pelikula

1. Pinilakang Tabing – (Silver Screen) o sinehan


2. Sine – lugar panooran ng mga pelikulang naka-anunsiyong panoorin.
3. Cut – salitang ginagamit ng direktor kung hindi nasisiyahan sa pag-arte o may eksenang hindi
maaayos ang pagkakagawa.
4. Lights, camera, action – hudyat na magsisimula na ang pag-arte o ang pagkuha ng eksena.
5. Take two – tumutukoy sa kung ilang ulit kinukuhanan ang eksena.
6. Direk – tawag sa taong nagmamaneho sa artista, lugar, iba pang gagalaw sa pelikula.
7. Bida – tawag sa taong pinakatampok sa pelikula.
8. Kontrabida – katunggali ng bida na nagbibigay intense sa isang pelikula.
9. Okey, taping na! – pormal na hudyat na ang taping ay magsisimula na.
10. Break! Break! – saglit na pamamahinga o pagtigil sa pagkuha ng eksena.
11. Anggulo – tumutukoy sa ganda ng kuha sa lugar eksena at pag-arte.
12. Artista – mga taong gumaganap ng bawat papel na hinihingi ng istorya
13. Musika – dapat naaangkop sa kuwento o eksena at galaw ng bawat tauhan.
14. Iskrip – kasaysayan ng pelikula, teksto o nasusulat na paglalahad sa pelikula kasama ang
detalye ng aksyon at mga patnubay na teknikal na kailangan sa produksyon.

Panuto: Basahin at unawain ang pahayag sa bawat bilang. Isulat ang ang tamang sagot sa
hiwalay na papel.
1. Ito ay salitang karaniwang ginagamit sa mga pelikulang Pilipino.
2. Karaniwang salitang ginagamit sa mga pelikulang drama, komedya, romansa at pag-ibig.
3. Ano ang isang inklinasyon o pagkagusto na pumigil sa isang pinagmulan ng impormasyon na
maging wasto?
4. Mahalagang may kaalaman sa bayas o pagkiling sa impormasyon sa isang pelikula upang
hindi ka madaling ______.
5. Sino ang katunggali ng bida na nagbibigay intense sa isang pelikula?
6. Ito ang saglit na pamamahinga o pagtigil sa pagkuha ng eksena.
7. Ito ang tawag sa kasaysayan ng pelikula, teksto o nasusulat na paglalahad sa pelikula kasama
ang detalye ng aksyon at mga patnubay na teknikal na kailangan sa produksyon.
8. Ano ang udyat na magsisimula na ang pag-arte o ang pagkuha ng eksena?
9. Saan ang lugar panooran ng mga pelikulang naka-anunsiyong panoorin?
10. Ano ang tawag sa taong nagmamaneho sa artista, lugar, iba pang gagalaw sa pelikula?

You might also like