You are on page 1of 25

MASUSING

BANGHAY
ARALIN
SA FILIPINO 8

Inihanda ni: BB. HANIFA A. ISA

BSED-IV B
I. LAYUNIN

Pagkatapos ng animnapung (60) minutong talakayan, walumpu't limang bahagdan


(85%) ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. natukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa kwento;


b. naiugnay sa tunay na buhay ang mga mahalagang pangyayari sa kwento; at
c. nakabuo ng isang awit batay sa mga mahalagang pangyayari sa kwento.

II. PAKSANG ARALIN

 Paksa: Aralin 14: Trahedya sa Buhay ni Florante


 Sanggunian: Pluma II, pahina 605-615
 Kagamitang pampagtuturo:
Laptop/TV/Cartolina/Marker/Pandikit/Plaskard/chalkboard
 Pagpapahalaga:

Sa pagharap sa trahedya ng buhay, huwag hayaang igupo tayo


III. PAMAMARAAN ng lumbay, bagkus pag-asa at pananampalataya ay
panghawakan, dahil ang lahat ng ito ay sadyang malalampasan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang gawain

 Panalangin

Estratehiya: Praise the Lord


Teknik: Sasalubungin ang umaga nang
may galak at pasasalamat sa Diyos na
Lumikha.

Mga mag-aaral, tumayo muna tayong


lahat at tinatawagan kita ng pansin
upang pangunahan tayo ng panalangin
sa araw na ito.
Panginoon,
Ikaw ang bukal ng liwanag at karunungan,
tanglawan mo ng iyong liwanag ang gaming
isipan upang maunawaan naming ang aming
mga aralin. Bigyan mo kami ng talas ng isip
upang maisaulo namin ang mga dapat
naming tandaan. Pagkalooban mo kami ng
tiyaga at sipag upang patuloy kaming
magsikap sa aming pag-aaral. Pag-alabin mo
ang aming pagnanais na makamit ang
karunungang kinakailangan naming sa
buhay na ito.
Amen .
 Pagbati

Estratehiya: Palakpakan day!

Teknik: Sasabihin ko ang salitang


Palakpakan bago bumati ang mga mag-
aaral
(Lalaki) Magandang araw mga Binibini!
Magandang araw sa inyong lahat! (Babae) Magandang araw mga Ginoo!
(Lahat) Magandang araw mga Guro, kami ay
nagagalak na Makita kayong lahat!

Palakpakan!

Palakpakan!

Palakpakan!

Bigyan ng isang bagsak!


Bigyan ng isang bagsak!
Labing isa, labing isa, labing isang bagsak!

 Pagtatala ng liban sa loob ng


klase

Estratehiya: Hep-hep, hooray!

Teknik: Mayroong apat na hanay at


grupo sa apat na sulok ng silid aralan.
Sa bawat grupo mayroon akong
inatasang tapat na mag-aaral upang
ilahad sa akin ang mga lumiban sa
kani-kanilang pangkat.

Unang grupo Hep-hep, hooray! Walang lumiban!

Pangalawang grupo Hep-hep, hooray! Walang lumiban!

Pangatlong grupo Hep-hep, hooray! Walang lumiban!

Pang-apat grupo Hep-hep, hooray! Walang lumiban!

Ako'y nagagalak na nandito ang lahat


at walang lumiban sa inyo,
nangangahulugan lamang ito na kayong
lahat ay nais matuto at madagdagan
ang inyong kaalaman.

Bigyan niyo ng fireworks


clap ang inyong mga
sarili!

 Paglatad ng mga alituntunin

Estratehiya: Hand rules with friends

Teknik: Mayroon
tayong mga
kamay na ginagamit
sa ating pagtatrabaho. Maraming
pweding gawin ang ating mga kamay.
Kaya bilang kaayusan ng pagtatalakay,
nais kong isaulo ninyo ang ilan sa
aking mga alituntunin sa klase gamit
ang aking kamay kasama ang aking
mga kaibigan.

Ang unang paalala ng ating kaibigan na


si MAKI ay MAKINIG!!

Kaya kapag nakita niyo na itinaas ko


ang aking hintuturo ito ay
nangangahulugan na?

Ang pangalawang paalala ng ating


kaibigan na si ITA ay ITAGO ANG ITAGO ANG LAHAT NA
NAKASASAGABAL!
LAHAT NA NAKASASAGABAL!

Kaya kapag nakita niyo na itinaas ko RESPETO!


ang aking hintuturo at Opo.
hinlalato, ito ay
nangangahulugan
na?

Ang Pangatlong pinakamahalagang


paalala ng ating mga kaibigan na sina
R.E.S ay RESPETO.

Ano ang pangatlo?

Naunawaan ba ang ating mga


alituntunin?

 Pagsasanay

Estratehiya: Flashback wika

Teknik: ipapakita sa TV ang mga


salitang nabigyan nang kahulugan at
babasahin nila ng sabay-sabay

5
Mahusay!

 Balik-aral

Estratehiya: Flashback aral

Teknik: May kahon ako na naglalaman


ng mga tanong at
may mga larawan din
sa TV na may
kaugnayan din sa
mga tanong.

Bubunot ako ng numero sa "Pick me"


kung sino ang sasagot.

Bilang __,mag kaano-ano si Florante at


Adolfo?

Bilang__, sa paanong paraan lumabas o


nakita ang totoong kulay ni Adolfo?

Bilang__, bakit nakauwe agad sa


Albanya si Adolfo?

Mahusay!

Lubos niyo ngang naunawaan ang ating


nakaraang talakayan.

Bigyan niyo ng labing isang bagsak ang


inyong mga sarili.

 Paghawan ng sagabal

Estratehiya: 'Linawika

Teknik: may mga salita ako sa puno


ng higera na kung saan ilalagay nila sa
pocket chart katapat ng
kasingkahulugan nito, babasahin nila
ang mga ito tapos bibigyan nila nang
makabuluhang pangungusap.

Napakahusay!

Bigyan ng fireworks clap ang inyong


mga sarili.

 Pagganyak

Estratehiya: Talk show

Teknik: Hahatiin sa dalawang pangkat


ang mga mag-aaral,ang unang pangkat
ay makapagatatanghal ng isang Talk
show na mag tatampok sa mga taong
dumaan sa matitinding pagsubok at
dumanas ng mga trahedya ngunit
napagtagumpayan nila ang mga ito.
Samantala ang pangalawang pangkat
ay patungkol sa pagkakaroon
KALATAS
KILABOT ng tibay
ng loob sa pagtanggap sa isang
responsibilidad na ipinagkatiwala sa
iyo.
LINAMNAM
Unang pangkat, umisip ng isang
BASALYO

malungkot na pangyayari sa buhay


mong maituturing na isang trahedya.
Paano mo ito hinarap? Naging daan ba
ito upang madagdagan ang iyong
kakayahang harapin ang
mapaghamong buhay? Isulat ang mga
sagot at ipaliwanag sa graphic
organizer.

Kung babalikan mo ang pangyayaring


ito at ang paraan kung paano mo ito
hinarap masasabi mo bang tama ang
iyong ginawa? Kung maibabalik mo
lamang ang kamay ng panahon, sa
ganoong paraan mo pa rin ba ito
haharapin? Ipaliwanag.

Pangalawang pangkat, naatasan ka na


ba ng isang responsibilidad na sa tingin
mo ay hindi ka pa handa? Ano ang
ginawa mo rito? Isipin ang mga
ibinunga ng pagtanggap sa
responsibilidad na ito. Isulat sa tree
organizer

Suriin kung alin sa mga ibinunga ng


pagtanggap mo ng responsibilidad ang
nakabuti para sa iyo,sa nakararami at
alin ang mga epektong hindi nakabuti.
Alin ang mas nakabuti o ang hindi?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

Mayroon ka bang pinagsisihan sa


pagtanggap mo ng responsibilidad?
Ipaliwanag.

B. Paglinang ng gawain

1. Paglalahad ng aralin

Estratehiya: Tanong mo, Sagot ko.

Teknik: magtatanong sa mga


estudyante patungkol sa kanilang
ginawang Talk show at ano ang
kaugnayan nito sa bagong aralin.

Ano ang napansin niyo sa ginawa


niyong talk show?
Mahusay!

Yan ang bago nating tatalakayin


ngayon araw, patungkol sa "Trahedya
sa buhay ni Florante"

2. Pagtalakay sa Aralin

Estratehiya: Watch me and Learn

Teknik: May video akong inihanda


patungkol sa bagong aralin

Bago natin tunghayan ang video na


ating tatalakayin, narito ang mga
gabay na tanong:

1. Ano ang laman ng unang liham na


tinanggap ni Florante?

2. Ano ang naging epekto ng liham na


ito kay Florante?

3. Sino ang dumamay sa kanya sa


panahong ito?

4. Sino ang dumating na may dalang


sulat habang magkayakap ang mag
ama?

5. Ano ang nilalaman ng sulat?

Nais kong manood kayo ng mabuti


dahil maya-maya ay bigla-bigla akong
magtatanong.

Nakatulong ba ang pag damay upang


maibsan ang sakit na kanyang
nararamdaman? Ipaliwanag

Mahusay!

Ano ang nilalaman ng ikalawang liham?

Magaling!
Ano ang tagubilin ng maestro ni
Florante sa kanya?

Mahusay!

Batay sa mga sinabi ng iba, paano


inilarawan ang gererong Moro?

Magaling!

Ano naman ang mararamdaman mo


kung bigla kang naatasan ng isang
malaking responsibilidad?

Napakahusay!

Atin ng balikan ang mga gabay na


tanong. Bubunot ako ng numero kung
sino ang nabunot ay siyang napalad na
sasagot.

Basahin ang tanong bago sumagot.

Napakahusay! Bigyan ng labing isang


bagsak ang inyong mga sarili.

3. Paglalahat
Estratehiya: Tumpak ganern

Teknik: Magtatanong sa mga mag-aaral


kung tunay nilang naunawaan at
sasagot sila.

Kung tunay ngang inyong naunawaan


ang ating talakayan, sino ang dumamay
kay Florante sa panahong siya ay
malungkot?

Bakit tumindi ang sakit ng damdamin ni


Florante nang magkita muli sila ng
kanyang ama?

Ano ang naramdaman ni Aladin nang


bigyang papuri ni Florante?

Mahusay!

Mahusay! Tunay nga na kayo ay nakinig


sa ating talakayan.

4. Paglalapat

Estratehiya: Campaign Manager

Teknik: Bumuo ng isang kathang-isip


na karakter na magiging kandidatong i-
eendorso mo sa isang eleksiyon.

Narito ang mga sumusunod na gabay.

Goal: Makapangumbinsi para piliin ng


sambayanan ang isang mabuting lider

Role: Ikaw ay isang campaign manager


na masugid na nag-eendorso ng isang
kandidatong.

Audience: Sambayanang Pilipino

Situation: Sa gitna ng mainit na


labanan bilang lider ng bayan ay
malaking bentahe ang magagandang
katangian ng isang kandidato. Panahon
na upang imulat ang mata ng mga
Pilipino na mamili ng isang huwarang
lider.

Product, Performance, and Purpose: Sa


miting de avance ng ini-eendorso mong
kandidato ay binigyan ka ng
pagkakataong magtalumpati sa loob ng
dalawang minuto (2minutes). Ang
talumpating bibigkasin mo ay
maglalarawan ng magagandang
katangian ng iyong kandidato.
Kukumbinsihin mo ang sambayanang
Pilipino na iboto siya dahil siya ay
tunay na huwarang kandidato.
Ipararating mo sa iyong mga
tagapakinig na napakahalaga ang
pagkakaroon ng magandang ugali sa
pagtanggap at pagganap sa
responsibilidad ng isang pinuno.

Standard and criteria: Ang iyong


gagawing talumpati ay dapat
makasunod sa pamantayan

Rubriks sa Pananalumpati

Pamantayan Marka

Ang talumpati ay
nabibigkas nang
malinaw at may
damdamin

Ito ay naglalahad
ng mga katangian
ng ini-endorso
kandidato

Tunay na
makahihikayat ng
mga botateng
piliin ang
kandidatong ini-
endorso

Gumagamit ito ng
mga salitang
madaling
maunawaan at
hindi maligoy

Kabuuang Puntos

Pamantayan sa pagmamarka:

10- Napakahusay

7- Mahusay

5- Katamtaman

Bibigyan ko lamang kayo ng limang


minuto upang pag-usapan ninyo at
makabuo kayo ng inyong talumpati.

5. Pagpapahalaga

Estratehiya: I believe!
teknik: magbibigay ng kani-kaniyang
natutunang aral ang bawat mag-aaral
na mabubunot sa kahon ng mga
pangalan. Sasabihin ang katagang"I
believe" at kasunod ang kanilang sagot

Ano ang mabisang paraan upang


mapagtagumpayan ang mga trahedya
ng buhay?

Mahusay!

Paano nakatutulong ang ang


pagkakaroon ng tibay ng loob sa
pagtanggap at pagganap sa isang
responsibilidad na ipinagkatiwala sa
iyo?
Panginoon, ikaw ang bukas ng liwanag
at karunungan. Tanglawan mo ng iyong
liwanag ang aming isipan upang
maunawaan namin ang aming aralin.
Bigyan mo kami ng lakas at talas ng
isip upang maisaulo namin ang mga
dapat tandaan. Pagkalooban mo kami
ng tiyaga at sipag upang patuloy
kaming magsikap sa aming pag-aaral.
Pag-alabin mo kami ng tiyagang pag-
nanais na makamit ang karunungan
namin sa buhay na ito.

Amen.

Magandang araw mga guro, kami ay


nagagalak na makita kayong muli!

Unang grupo- Hip-hip, hooray! Wala


pong lumiban sa amin

Pangalawang grupo-Hip-hip, hooray!


Wala pong lumiban sa amin

Pangatlong grupo-Hip-hip, hooray! Wala


pong lumiban sa amin

Pang-apat na grupo- Hip-hip, hooray!


Wala pong lumiban sa amin

TUMAHIMIK!
ITAGO ANG LAHAT NA
NAKASASAGABAL!

Opo, Ma'am Hanifa!

KABAGUNTAUHAN

IPINOPOON

NAKATALASTAS

BINALATKAYO

MINUNAKALA

Ma'am si Florante at Adolfo ay


magkababayan

Lumabas ang totoong kulay ni Adolfo


dahil sa inggit Kay Florante nang ito ay
makahigit sa kanya.

Nakauwe agad sa Albanya si Adolfo


dahil muntik na niyang mapaslang si
Florante ng sila'y nagtatanghal.

Sagot:

LINAMNAM-SARAP

KALATAS-LIHAM

KABAKA- KALAYAAN

KILABOT- KINATATAKUTAN

BASALYO- KAKAMPI

1. Kay LINAMNAM sa pakiramdam na


nasa mabuting kalagayan ang iyong
pamilya.

2. May KALATAS akong natanggap


nung Valentine's

3. KABAKA ni Florante si Adolfo Kay


Laura
4. Si Heneral Osmalic ay KILABOT sa
buong Persya

5. May BASALYO na si Florante para


masugpo ang kasamaan ni Adolfo.

Magsisimula na ang mga mag-aaral na


magkaroon ng bagyuhang utak.
Napansin ko na patungkol ito sa
trahedya.
Manood ang mga mag-aaral

Oo, sapagkat mararamdaman mo na


may isang taong nandiyan para
damayan ka sa iyong kalungkutan

Ang nilalaman ng ikalawang liham ay


Kailangan nang umuwe ni Florante sa
Albanya.

Ang tagubilin ng maestro ni Florante sa


kanya ay pagka-ingatan si Adolfo dahil
tiyak na maghihigante ito sa kanya.

Siya ay bantog at mahusay na gererong


kinakatakutan.

Isang malaking karangalan na


makatanggap ng isang malaking
responsibilidad, nangangahulugan
lamang ito na malaki ang tiwala sa
akin ang nagbigay nito at naniniwala
siya sa kakayahan ko.

1. Ano ang laman ng unang liham na


tinanggap ni Florante? Pumanaw na
ang kanyang ina na si Reyna Floresca

2. Ano ang naging epekto ng liham na


ito kay Florante? Naging napakasakit
ito sa kanya at dalawang buwan halos
ikamatay niya ang kalungkutan.

3. Sino ang dumamay sa kanya sa


panahong ito? Si Menandro na kaibigan
niya

4. Sino ang dumating na may dalang


sulat habang magkayakap ang mag
ama? Si Haring Linceo

5. Ano ang nilalaman ng sulat?


Humihingi ng tulong ang Kaharian ng
Krotona dahil nilusob ito ng mga Moro
sa hukbo ni Heneral Osmalic

Si Menandro po.

Dahil naalala ni Florante ang kanyang


Ina.

Siya ay nagpababang loob, dahil sa


halip na ipagmalaking siya ang
tinutukoy na bantog ay nagpakumbaba
na lang siya.
(Maghahanda ang mga mag-aaral)
Kailangan lang natin ay tangapin at
manalig sa Diyos,huwag natin
kalimutan na walang problema na hindi
nasusulosyunan at kaya natin itong
harapin. Ang ganitong hamon ang
nagpapatatag sa atin at
nakapaghahanda sa mas komplikado at
masalimuot na buhay.

Sa panahon ngayon bibihira ang mga


taong maituturing na huwaran ng
bayan. Sa pagkakaroon ng tibay ng
loob sa pagtanggap sa responsibilidad
na ipinagkatiwala sa iyo,ito ay isang
malaking hamon para sa katapatan at
katatagan. Maging makatao,
mapagmalasakit sa kapwa at kababaan
ng loob.

IV. PAGTATAYA

Para sa inyong gawaing pang-upuan, maglabas kayo ng kalahating papel at nais


kong sagutan ninyo ang mga sumusunod:

1. Kung iisipin mo at susuriin ang mga trahedya ni Florante, mayroon ka bang


gagawing hindi niya ginawa upang maibsan ang epekto ng trahedyang dinanas
niya?

2. Kung alam mo na ang responsibilidad na ibibigay sayo ay hindi mo


kakayanin,tatanggapin mo pa rin ba ito? Ipaliwanag.

V. TAKDANG ARALIN
1. Bakit hindi kailangang magmadali sa pagpapahayag at pagtanggap ng pag-ibig?

You might also like