You are on page 1of 4

Ang Kahulugan ng Awit at Korido at Mga Manunulat nito.

Agripa, Noreen V. 1 - 02

Ang Awit at ang Korido ay inuuring mga tulang romansa (metrical romance). Nagkakaiba ang Awit Korido
sa paksa, sukat at musika.

Ang Awit

• Ang awit ay tulang pasalaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ngunit ang mga tauhan
ay walang sangkap na kababalaghan.

• Ito ay tulang pasalaysay na may sukat na labindalawang pantig. Ito ay binabasa nang paawit, ang
kumpas o musika ay mabanayad o andante.

Mga halimbawa ng awit:


Florante at Laura ni francisco balagtas, buhay ni segismundo ni eulogio juan de tandiona, doce
pares na kaharian ng francia ni jose de la cruz, salita at buhay ni mariang alimango, prinsipe igmidio at
prinsesa clariana.

Ang Korido

 Ang Korido ay salaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ng isang tauhang


malabayani na punung-puno ng kababalaghan.

 Ito ay tulang pasalaysay na may sukat na walong pantig bawat taludtod at may apat na taludtod
sa isang saknong. Ito ay binabasa ng paawit, ang kumpas o musika ay masigla o alegro.

 Ang korido ay karaniwang ay karaniwang nagsisimula saisang imbukasyon na parangal sa Diyos,


sa Mahal na Birhen o mga Santo.

Halimbawa: Panimula ng Ibong Adarna

Oh, Birheng kaibig-ibig

Ina naming nasa-langit

liwangan yaring isip

nang sa mpayo’y di malihis.

Ako’y iang hamak lamang

taong lupa ang katawan

mahina ang kaisipan

at maulap ang pananaw.

Kaya, Inang matangkakal

ako’y iyong patnubayan,

nang mawasto sa pagbanghay

nitong kakathaing buhay.

Mga halimbawa ng korido:


Ibong Adarna, don juan tiñoso, don juan teñoso, mariang kalabasa, ang haring patay, mariang
alimango, bernardo carpio ni jose de la cruz, rodrigo de villas ni jose de la cruz, prinsipe florennio ni
ananias zorilla, buhay na pinagdaanan ni donya maria sa ahas.

Mga Manunulat ng Awit at Korido

Jose de la Cruz (1740-1829)

Si Jose de la Cruz, na lalong kilala sa sagisag na Huseng Sisiw, ay isinilang sa Tundo noong ika-20
ng Disyembre, 1740. Siya ang kauna-unahang mag-aayos ng tula. Hindi na kapagtapos ng mataas na
karunungan ngunit nag-aral ng katon, kartilya at Doctrina Christiana. Binigyan siya ng karangalang Hari
ng mga Makata sa katagalugan.

Si Jose de la Cruz ang kumatha ng ng historia Famosa ni Bwenardo Carpio, Doce Pares de
Francia, Rodrigo de Villas, Adela, Florante at Laura, at Clavela.

Ananias Zorilla

Ananias Zorilla ay isa sa mga pangalang nakakabit ng korido sa Kasaysayan ng panitikan sa


Pilipinas.

Ang kanyang akda ay Dama Ines at Prinsipe Florinio

Francisco “Balagtas” Baltazar (1788-1862)

Si Francisco Balagtas Baltazar na may palayaw na Kikong Balagtas o Kiko ay ipinanganak noong
02 Abril 1788 sa Panginay, Bigaa (ngayon ay Balagtas), Bulacan.

Si Francisco Balagtas, ay isang kilalang Pilipinong makata at may-akda. Siya ay kinikilala bilang
"Prinsipe ng Manunulang Tagalog" at itinuturing na William Shakespeare ng Pilipinas para sa kanyang
kontribusyon at impluwensya sa panitikang Pilipino. Ang sikat na romantikong pag-iibigan ng ika-19 na
siglo, ang Florante at Laura, ay ang kanyang pinamainam na likha.

Ang Florante at Laura ay hinandog niya kay Maria Asuncion Rivera (M.A.R.), na tinawag niya ring
“Celia” nang ihandog niya rito.

Pagkakaiba Ng Awit Sa Korido:

Ang kaibahan ng awit at korido ay maaaring nasa sukat at anyo:


1. Mabilis ang bigkas ng korido, may kabagalan naman ang awit

2. Ang korido ay may walong pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa “allegro”, samantala ang awit ay
may labindalawang pantig at inaawit na mabagal sa saliw ng gitara o bandurya “allegro”

3. Ang ikinaganda ng awit ay sa mga aral na ipinahihiwatig samantala sa korido ang ikinawiwili ng mga
mambabasa ay ang kuwento o kasaysayang napapaloob dito

Mga Halimbawa ng Korido: Ibong Adarna, Don Juan Tiñoso, Don Juan Teñoso, Mariang Kalabasa, Ang
Haring Patay, Mariang Alimango, Bernardo Carpio ni Jose de la Cruz, Rodrigo de Villas ni Jose de la Cruz,
Prinsipe Florennio ni Ananias Zorilla, Buhay na Pinagdaanan ni Donya Maria sa Ahas

Mga Halimbawa ng Awit:

Florante at Laura ni Francisco Balagtas, Buhay ni Segismundo ni Eulogio Juan de Tandiona, Doce Pares na
Kaharian ng Francia ni Jose de la Cruz, Salita at Buhay ni Mariang Alimango, Prinsipe Igmidio at Prinsesa
Clariana

Awit at Korido
Nang dumating ang mga Kastila sa ating bayan, panitikan ang nagsilbing paraan upang
madalingmapalaganap at maipamulat ang Kristiyanismo sa mga katutubo. Upang matugunan naman angkanilang hilig na
mas maaliw. Pumasok ang mga anyong panitikan na tinatawag na awit at Korido. Naging kilala ang mga ito, at naging
mainam natagapag-ugnay sa mga manunulat at mambabasa.Dahil dito, ipinalagay ng mga dayuhan na ang mga ito
ay ligtas at nakakatuwang libangan.Ang awit at korido ay mga akdang nasa anyong patula. Ang sa saknong ng mga ito ay
maynatatanging bilang o sukat at may magkakasintunog o magkakatugmang mga pantig. Ang Korido aysalaysay sa
pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ng isang tauhang malabayani na punung-puno ngkababalaghan.
Ang awit namaíy salaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ngunit ang mgatauhan at walang sangkap
na kababalaghan.Sa kapanahunang ito seguro walang hihigit pa sa gawain ni Francisco "Balagtas" Baltazar.
Siyamarahil ang mga unang makata na nag-expose laban sa mga koloniyalistang kultura. Ang
kaniyangsubversive work ay sa anyong Florante at Laura. Ang Florante at Laura ay isang mahabang pasalaysay na tula na
naglalaman ng mga mensahe laban sa mga Kastila. Nakatakas ito sa mgascensura dahil nagbalat-kayo na
ang mga unang panauhin ay ang mga Kastila. Ngunit sa mga totoongmambabasa ito'y may maraming tema una
laban sa Kristiyanismo at pangalawa ang laban sa imespanya.Isa sa mga halimbawa ng korido ay ang Ibong Adarna. Binubuo
ito ng 1,172 na saknong. Ito aytumatalakay sa mga pangyayaring hindi kapani-paniwala ngunit napapalooban
ng mga aral satotoong buhay. Isinasaad din sa akdang ito kung sa papaanong paraan malalagpasan ang
mga pagsubok na kalimita'y dumadaig sa tao. Bagamat kilala ang akda, hindi tiyak ang taong sumulatnito.
Sinasabing ito ay nagpasalin-salin na lamang mula sa maraming taong nagsalaysay. Dahil dito,ang Ibong
Adarna ay tinawag na sanaysaying-bayan.
Pagkakaiba Ng Awit Sa Korido
Ang kaibahan ng awit at korido ay maaaring nasa sukat at anyo:1. Mabilis ang bigkas ng korido, may
kabagalan naman ang awit
2. Ang korido ay may walong pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa “allegro”, samantala ang
awit ay may labindalawang pantig at inaawit
na mabagal sa saliw ng gitara o bandurya “allegro”
3. Ang ikinaganda ng awit ay sa mga aral na ipinahihiwatig samantala sa korido ang ikinawiwili ngmga mambabasa ay ang
kuwento o kasaysayang napapaloob ditto
Kategorya ng Awit at Korido
Nakapaloob sa kategoryang ito ang iba't ibang uri ng awit at korido na nalathala sa Pilipinas.Karaniwang
nakasaad ang lagom [summary] ng akda, ang halaga niyon sa panitikan, at ang mgakritikang lumabas hinggil sa naturan.
Halina't makiisa sa pagbubuo ng nilalaman nito.
Katangian ng awit at korido
Ang korido ay isang tulang panrelihiyon. Ang awit ay isang tulang nagsasaad ng kabayanihan.

1. 1. VILLAHERMOSA INTEGRATED SCHOOL Villahermosa, Pagsanghan Samar Ikaapat na Markahang


Pagsusulit sa FILIPINO VIII Pangalan: Puntos: __________ Taon at Seksyon:
_______________________________________ Test I. Multiple Choice Panuto: Basahin ng
mabuti ang bawat katanungan. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot. 1. Sinong makata ang
nagsabi ng ganitong kaisipan “ tayo mismo ang humuhulma sa ating daigdig” kaninong pahayag
ito? a. Francisco Balagtas c. Jose Dela Cruz b. Winston Churchill d. Juan Miguel 2. Kailan
ipinanganak si Francisco Balagtas? a. Abril 2, 1786 c. Abril 2, 1788 b. Abril 2, 1787 d. Abril 2, 1789
3. Ano ang trabaho/hanapbuhay ng ama ni Francisco Balagtas? a. Panadero c. Panday b.
Carpentiro d. Manunulat 4. Ano ang layunin ni Francisco Balagtas kung bakit pumunta siya sa
Maynila ? a. Makapagtrabaho c. Makapag-aral b. Makahanap ng magiging kabiyak d. Makadalaw
5. Anu ang kursong nakuha at natapos ni Francisco Balagtas? a. Guro c. Geograpiya at Teolohiya
b. Teolohiya at Pilosopiya d. Abogasya 6. Sinong pari ang naging guro ni Francisco Balagtas ? a.
Padre Gomez c. Padre Pilapil b. Padre Zamora d. Padre Burgos 7. Ano ang bansag kay Jose dela
Cruz, Siya ay kilala sa tawag na _________? a. MAR c. Huseng sisiw b. FB d. Dakilang manunulat 8.
Kanino una namagneto si Francicsco Balagtas,dahil sa kanya nagbigay ito ng ibayong inspirasyon
para makasulat ng mga tula. a. Maria Asuncion Rivera c. Juana dela Cruz b. Juana Tiambeng d.
Wala sa nabanggit 9. Sino ang naging karibal ni Francisco Balagtas sa panunuyo kay Maria
Asuncion Rivera? a. Mariano Pilapil c. Florante b. Mariano Kapuli d. Victor Figueroa 10. Sino ang
naging asawa o kabiyak ni Francisco Balagtas? a. Juan Tiambeng c. Juana dela Cruz
2. 2. b. Maria Asuncion Rivera d. Juana Tiambeng 11. Anong taon ikinasal si Francisco Balagtas at
ang kanyang kabiyak ? a. 1841 c. 1843 b. 1842 d. 1844 12. Ilang taon si Francisco Balagtas nang
ikasal sila ni Juana Tiambeng? a. 52 c. 54 b. 53 d. 55 13. Ilan ang naging supling nina Francisco
Balagtas at Juana Tiambeng? a. 10 c. 12 b. 11 d. 13 14. Ilan ang edad o taon ni Juana Tiambeng
nang ikasal sila ni Francisco Balagtas? a. 30 c. 32 b. 31 d. 33 15. Sa mga naging anak ni Francisco
Balagtas, Sino lamang ang nakapagmana sa masining na pagsususulat ni Balagtas? a. Miguel c.
Victor b. Juan d. Ceferino 16. Anong taon, nagtungo si Balagtas sa Balanga , Bataan na kung saan
namasukan siya rito bilang kawani ng Jues de Resedencia? a. 1840 c. 1842 b. 1841 d. 1843 17.
Saang lugar namuhay ng matiwasay ang mag-asawang Francisco Balagtas at Juana Tiambeng? a.
Balanga, Bataan c. Udyong ( Orion) b. Tondo, Manila d. Pandacan, Manila 18. Sa mga anak ni
Francisco Balagtas at Juana Tiambeng, ilan lamang ang nabuhay niyang mga anak? a. 3 c. 5 b. 4 d.
6 19. Ilang taon si Francisco Balagtas nang siya ay palayain sa piitan, sa kanyang huling
pagkakakulong? a. 70 c. 72 b. 71 d. 73 20. Ilang taon si Francisco Balagtas ng Sumakabilang buhay
na siya. a. 74 c. 76 b. 75 d. 77 21. Saan isinulat ang Florante at Laura? a. Bahay c. Manila b. Piitan
d. Tabing dagat 22. Anu ang pagkakaiba ng awit at korido? a. Bilang ng sukat c. Bilang ng taludtod
b. Bilang ng pantig d. Bilang ng salita 23. Ilang pantig mayroon ang korido sa bawat taludtod?
3. 3. a. 6 c. 10 b. 8 d.12 24. Ilang pantig mayroon ang awit sa bawat taludtod? a. 6 c. 10 b. 8 d.12 25.
Anong taon inilimbag ni Fernando Monleon ang kanyang edisyon ng Florante at Laura? a. 1967 c.
1969 b. 1968 d. 1970

You might also like