You are on page 1of 8

Filipino 10

Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay


Tula mula sa Uganda
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora mula
sa Salin sa Ingles ni Jack H. Driberg ng
A Song of a Mother to Her Firstborn
Ang hele o oyayi ay isang uri
ng tula o awiting pampapawi na
para sa mga bata.
Elemento ng Tula
1. Sukat- Ang bilang ng pantig sa bawat
taludtod.
Hal: Mula sa tanaga ni Ildefonso Santos
A/li/pa/tong/lu/ma/pag
Sa/lu/pa/ -- nag/ka/bi/tak
Sukat- Pipituhing Pantig
2. Tugma- Ang tunog ng mga huling pantig
sa bawat taludtod.
Hal: Mula sa tulang Kundiman ni Jose Rizal

Tunay ngayong umid yaring dila’t puso


Sinta’y umiilag, tuwa’y lumalayo
Tumang- Ganap
3. Kariktan- ang pagpili at pagsasaayos ng mga
salitang ilalapat sa tula at ang kabuuan nito.
Hal.: Mula sa tulang Tinig na Darating ni Teo S.
Baylen
Ito ba ang mundong hinila kung saan
Ng gulong ng inyong/ Hidwang Kaunlaran?
Kariktan- lalabindalawahing Pantig, Tugmang
Ganap at Tayutay
4. Talinghaga- ito ang pinakapuso ng tula sapagkat ito
ang kahulugan ng tula o ang ipinahihiwatig ng may-
akda.
Hal.: Mula sa tulang Tinapay ni Amado V. Hernandez
Putol na tinapay
At santabong sabaw
Sa nabiksang pinto’y iniwan ng bantay
Halos ay sinaklot ng maruming kamay
Talinghaga- Nararanasang gutom ng isang mahirap.

You might also like