You are on page 1of 11

Mga Kilalang Pilipino

Translation Tools
(I-click ang link sa itaas at may separate window na lilitaw kung saan makikita ang listahan ng lahat ng
translation tools na maaring magamit para sa dokumentong ito.)

Ilang Pangunahing
Mga Kilalang Pilipino Mga Natatanging Maikling
Manunulat na
sa Sining at Panitikan Pilipino sa Palakasan Pagsasanay
Pilipino

Mayaman ang kutura ng bansang Pilipinas. Matatagpuan ang mga ito sa


sining, musika, sayaw, panitikan, at palakasan.

Mga Kilalang Pilipino sa Sining at Panitikan

May malaking kahalagahan ang sinig at kultura sa buhay ng bawat Pilipino.


Kinagigiliwan nilang umawit, sumayaw, tumugtog, sumulat, at gumuhit.
Dahil dito, marami silang mga bantayog na mang-aawit, manunulat,
manunugtog, kompositor, at pintor.

Kilala si Julian Felipe sa kanyang tugtugin o kompositiong


"Himno Nacional Filipino." Ipinalikha sa kanya ni Heneral
Emilio Aguinaldo ang makabayang musikang ito para sa
kalayaan ng bansa. Unang ipinarinig ang tugtuging ito noong
Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite. Iyan ang pinagbatayan ng
kasalukuyang pambansang awit.

Bukod sa pagiging kompositor, si Julian Felipe ay tumutugtog din ng organ


sa simbahan ng Cavite.

Isa pang kilalang Pilipino sa larangan ng musika si Nicanor


Abelardo. Magaling siyang tumugtog ng mga instrumento gaya
ng guitara, biyulin, cello, at piyano. Isa rin siyang kompositor
tulad ni Julian Felipe. "Nasaan Ka, Irog?" ang isa sa kanyang
tanyag na mga komposisyon. Ang iba pang mga kinatha niya ay
ang mga sumusunod: My Native Land," "Motherland," "Bituing
Marikit," at "National Heroes Day."

Mayroon din kilalang biyulinista. Siya si Gilopez


Kabayao. Natutuo siya ng biyulin mula sa
kanyang ama nang siya ay pitong taong gulang pa lamang. Marami na siyang
pinagwagihang paligsanhan sa pagtugtog ng biyulin sa ibang bansa.
Nagbibigay pa siya ng walang bayad na konsiyerto para sa mga batang mag-
aaral.

Si Cecile Licad naman ay isang tanyag na piyanista sa


buong mundo. Maaga siyang natutong tumugtog ng
piyano. Isa siya sa magagaling na Pilipinong iskolar sa
musika na pinag-aral sa Estados Unidos. Nanalo na siya
sa ilang paligsahang pandaigdig sa pagtugtog ng piyano.

Hindi lamang sa Pilipinas tanyag ang mga awitin


ni Freddie Aguilar at Apo Hiking Society. Kilala rin
sila sa ibang bansa. Kanilang
itinaguyod at pinaunlad ang mga
musikang Pilipino sa pamamagitan
ng pag-awit sa mga konsiyerto sa
ibang bansa. Nanalo na rin sila sa
mga paligsahang pang-
internasyonal sa musika. Sila ang tinatawag na
makabansang mang-aawit. Matapang din silang sumanib
sa mapayapang rebolusyon sa EDSA noong Pebrero, 1986.

Sa larangan naman ng sayaw, si Francisca Reyes Aquino na


isang guro ang nangunguna sa paksang ito. Malawak ang
ginawa niyang pag-aaral sa mmga katutubong sayaw. Masusi
niyang pinag-aralan ang mga katutubong sayaw. Masusi niyang
pinag-aralan ang mga katutubong sayaw ng iba't ibang lugar ng
bansa nang may dalang kamera at tape recorder upang magsaliksik ng mga
sayaw. Sinulat niya ang lahat ng hakbang ng sayaw na kanyang namamasid
na hindi niya binago ang orihinal na galaw nito.

Tiyaga dedikasyon ang kinailangan niya sa kanyang gawain. Natapos niyang


sulatin ang kanyang mga aklat sa sayaw kasama ang musika at kaukulang
hakbang nito. Dapat siyang maipagmalaki. Natatangi ang mga
ginawa niya.

May iba pang mga tanyag na Pilipino sa sining. Si Fernando


Amorsolo ang isa sa kanila. Mahilig siyang gumuhit ng
larawan noong bata pa siya na ginagamit lamang ang lapis at
papel. Karamihan sa mga iginuhit niyang larawan ay
nagpapakita ng mga pangyayari sa kasaysayan ng bansa, mga
tanawin, at larawan ng mga tao. Ipinahayag siyang kauna-
unahang National Artist o Pambansang Alagad ng Sining.

Tinaguriang isa sa magagaling na eskultor ng bansa si Guillermo


Tolentino. Kilala ang mga ginawa niyang sagisag ng Republika ng
Pilipinas tulad ng monumento ni Andres Bonifacio sa Grace Park,
Kalookan, ang Oblation sa Pamantasan ng Pilipinas, at ang estatwa
ni Bonifacio sa Liwasang Bonifacio.

Balik sa Simula

Ilang Pangunahing Manunulat na Pilipino

Dr. Jose Rizal


Isang magaling at matalinong manunulat si Rizal. Sumulat siya ng dalawang
nobela tungkol sa lipunang Pilipino noong Panahon ng Kastila. Ang mga
nobelang ito ay ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Sumulat din siya ng
mga tula. Tungkol sa kanyang ina, mga kapatid, at kaibigna ang paksa ng
mga ito. Sumulat siya ng isang tula nang siya'y walong taong gulang pa
lamang na napabantog sa buong bansa. Ito ay tungkol sa pagmamahal sa
sariling wika. Ang tulang ito ay may pamagat na "Sa Aking mga Kabata."

Francisco Baltazar

Isang tanyag na makata at mandudula si Francisco Balagtas. Florante at Laura


ang tanyag na nobelang patulang kanyang isinulat. Isa ring awitin ito.
Maraming dakilang Pilipino, kabilang na si Rizal, ang naimpluwensyahan ng
nasabing tula. Kinikilalang Ama ng Panulaang Tagalog si Balagtas.

Graciano Lopez Jaena


Si Graciano Lopez Jaena ang nagtatag ng pahayagang La Solidaridad noong
1889 at siya ang naging unang patnugot nito. Bukod sa pagiging patnugot ay
nagsulat siya ng mga lathalaing mapanuligsa sa nasabing pahayagan. Sa
pahayagang ito nagsulat ang mga propagandistang Pilipino para sa mga
reporma sa Pilipinas. Isa sa mga kilalang sinulat niya ay ang sanaysay na
"Fray Botod" na nangangahulugang bundat na prayle.

Marcelo H. del Pilar

Si Del Pilar, na nakilala sa tawag na Plaridel, ang natatag ng Diariong Tagalog


noong 1882. Isa itong pahayagang makabayan. Siya ang pumalit kay Lopez
Jaena sa pagiging patnugot at may ari ng La Solidaridad. Si Del Pilar ang
awtor ng "Dasalan at Tocsohan," isang tulang tumutuligsa sa mga maling
ginagawa ng mga prayle.

Jose Palma

Isang makatang kawal si Jose Palma. Siya ang sumulat ng tula sa Español na
may titulong "Filipinas" bilang mga titik ng "Himno Nacional Filipino" na
nilikha ni Julian Felipe. Ang kasalukuyang mga titik sa Pilipino ng ating
pambansang awit ay batay sa tula ni Palma. Dito siya nakilala bilang isang
manunulat.

Lope K. Santos

Hindi lamang isang magaling na makata at nobelista si Lope K. Santos.


Maituturing siyang isang dalubwika dahil sa kanyang mga naiambag na akda
hinggil sa balarila ng wikang pambansa. Dahil dito, tinagurian siyang Ama
ng Balarila ng Wikang Pambansa.

Jose Corazon de Jesus

Isa pang pangalan ni Jose Corazon de Jesus ay Huseng Batute. Tulad nina
Balagtas at Rizal, marami siyang sinulat na mga tula. Naging isang
kolumnista siya sa pang-araw-araw na pahayagang Taliba. Nasa anyong
patula ang kanyang kolum. Dalawa sa kanyang mga kilalang tula ang
"Manok Kong Bulik" at "Isang Punongkahoy."

Amando V. Hernandez

Si Amado V. Hernandez ang makata ng mga mangagawa. Siya ay naging


patnugot ng pahayagang Pakakaisa at Mabuhay. Sumulat din siya ng mga
nobela, kuwento, at dula. Siya ang kauna-unahang manunulat sa wikang
pambansa na kinilalang National Artist. Kabilang sa kanyang mga popular na
tula ang "Isang Dipang Langit," "Bayani," at "Bayang Malay."
Severino Reyes

Isinulat ni Severino Reyes ang "Mga Kuwento ni Lola Basyang" sa magasing


Liwayway. Kinilala rin siyang Ama ng Dulang Pilipino. Pinakakilalal sa
kanyang mga dula ang sarsuwelang "Walang Sugat" ma pumapaksa sa
kagitingan ng mga Katipunero.

Nick Joaquin

Mandudula rin si Nick Joaquin. Ngunit higit siyang kilala bilang kuwentista
at nobelista. Ang The Woman Who Had Two Navels ang kanyang
pinakamahalagang nobelang nagtatampok sa mga gawi at pag-uugali ng mga
Pilipino. Ang isa pang tanyag na isinulat niya ay ang Portrait of the Artist as
Filipino.

Jose Garcia Villa


Si Jose Garcia Villa ay isang makata at kuwentista sa Ingles na nagkamit ng
Republic Cultural Heritage Award at National Artist Award. Kinilala ang
kanyang koleksyon ng mga tula na pinamagatang Doveglion at Jose Garcia
Villa's Many Voices.

N.V.M. Gonzales

Isa ring nobelista sa Ingles is N.V.M. Gonzales tulad ni Nick Joaquin. Ang The
Bamboo Dancers ang pangunahing nobelang kanyang isinulat. Kinikilalang
kabilang siya sa may pinakamaraming naisulat na maiikling kuwento sa
bansa at sa pinakamagagaling sa panitikan sa bansa.

Balik sa Simula

Mga Natatanging Pilipino sa Palakasan


Lydia de Vega-Mercado

Kilalang atleta sa track and field sa buong Asya si Lydia de Vega. Marami na
siyang natamong mga medalyang ginto sa pabilisan ng pagtakbo. Sinanay
siya ng kanyang ama na maging isang magaling na atleta. Masunuring anak
at disiplinado si De Vega.

Akiko Thomson

Isa naman si Akiko Thomson sa mga natatanging manlalaro sa paglangoy.


Marami na siyang nakuhang medalyang ginto sa larangang ito. kabilang sa
mga medalyang ito ang napanalunan niya sa Asian Games na ginanap sa
Pilipinas noong 1991.

Felix Barrientos

Sa larong t ennis, si Felix Barrientos ang isa sa nangungunang manlalaro sa


Asya. Sa isa sa nakaraang SEA Games, nagawad sa kanya ang tatlong
medalayang ginto.

Rafael "Paeng" Nepomuceno

Isang tanyag na manlalaro ng bowling sa Pilipinas at ibang bansa si Paeng


Nepomuceno. Marami na siyang napanalunang World Cup. Ang disiplinado
niyang pagsasanay ay nagbubunga ng pagwawagi niya sa Pilipinas at sa
ibang bansa. Naging isa sa mga Ten Outstanding Young Men (TOYM) si
Paeng nang siya'y 20 taong gulang pa lamang. Siya ang pinakabatang
binigyan ng ganitong karangalan. Pinarangalan din siya noong 1976 at 1980
bilang Sportsman of the Year.

Gabriel "Flash" Elorde

Isa sa mga batikang boksingero ng Pilipinas si Flash Elorde. Marami siyang


napanalunang medalya sa larangan ng boksing na internasyonal. Matulungin
tao siya. Nagpatayo siya sa isang gusali sa Parañaque na pinagdarausan ng
mga paligsahan sa boksing sa kasalukuyan. Tinatawag itong Elorde Sports
Compex.

Eugene Torre

Hindi lamang sa boksing, track and field, at bowling kilala ang mga Pilipino
kundi pato na sa paglalaro ng chess. Si Eugene Torre ang magaling na
Pilipinong manlalaro sa chess. Kilala siya sa ibang bansa tulad nina
Nepomuceno, Elorde, at De Vega.

Robert Jaworski at Ramon Fernandez

Sina Jaworski at Fernandez ang mga tanyag at magagaling na manlalaro sa


basketbol. Marami na silang nasalihang mga kompetisyong internasyonal.
Mga Pilipino sa Olympics Games

May mga Pilipino ring nanalo sa Olympic Games sa Seoul, Korea noong 1988.
Ito'y sina Leopoldo Serrantes sa boksing at Arianne Cerdeña sa bowling.
Nagbigay sila ng karanganlan sa Pilipinas na dapat ipagmalaki ng mga
Pilipino.

You might also like