You are on page 1of 13

Ang kahalagahan ng wika

Ang wika ay behikulo ng kaisipan.


Ang wika ay tagapagbigkas ng lipunan.
Ang wika ay nagbibigay ng mga kautusan .
Ang wika ay kabuhol ng kultura ng isang lahi
Ang wika ay daan tungo sa puso ng isang tao.
Ang wika ay pagkakakilanlan ng bawat pangkat.
Ang wika ay kasangkapan sa pag-aaral ng
kultura ng ibang lahi.
Ang wika ay luklukan ng panitikan sa kanyang
artistikong gamit.

Mga Kilalang Pilipino


Translation Tools
(I-click ang link sa itaas at may separate window na lilitaw kung saan makikita ang listahan ng lahat ng translation tools na maaring magamit
para sa dokumentong ito.)

Mga Kilalang Pilipino


sa Sining at
Panitikan

Ilang
Pangunahing
Manunulat na
Pilipino

Mga Natatanging
Pilipino sa
Palakasan

Maikling
Pagsasanay

Mayaman ang kutura ng bansang Pilipinas. Matatagpuan ang mga ito sa sining, musika, sayaw,
panitikan, at palakasan.
Mga Kilalang Pilipino sa Sining at Panitikan
May malaking kahalagahan ang sinig at kultura sa buhay ng bawat Pilipino. Kinagigiliwan nilang
umawit, sumayaw, tumugtog, sumulat, at gumuhit. Dahil dito, marami silang mga bantayog na mangaawit, manunulat, manunugtog, kompositor, at pintor.
Kilala si Julian Felipe sa kanyang tugtugin o kompositiong "Himno Nacional Filipino."
Ipinalikha sa kanya ni Heneral Emilio Aguinaldo ang makabayang musikang ito para sa
kalayaan ng bansa. Unang ipinarinig ang tugtuging ito noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite.
Iyan ang pinagbatayan ng kasalukuyang pambansang awit.
Bukod sa pagiging kompositor, si Julian Felipe ay tumutugtog din ng organ sa simbahan ng
Cavite.
Isa pang kilalang Pilipino sa larangan ng musika si Nicanor Abelardo. Magaling siyang
tumugtog ng mga instrumento gaya ng guitara, biyulin, cello, at piyano. Isa rin siyang
kompositor tulad ni Julian Felipe. "Nasaan Ka, Irog?" ang isa sa kanyang tanyag na mga
komposisyon. Ang iba pang mga kinatha niya ay ang mga sumusunod: My Native Land,"
"Motherland," "Bituing Marikit," at "National Heroes Day."
Mayroon din kilalang biyulinista. Siya si Gilopez Kabayao. Natutuo siya ng biyulin mula sa kanyang
ama nang siya ay pitong taong gulang pa lamang. Marami na siyang pinagwagihang paligsanhan sa

pagtugtog ng biyulin sa ibang bansa. Nagbibigay pa siya ng walang bayad na konsiyerto para sa mga
batang mag-aaral.

Si Cecile Licad naman ay isang tanyag na piyanista sa buong


mundo. Maaga siyang natutong tumugtog ng piyano. Isa siya
sa magagaling na Pilipinong iskolar sa musika na pinag-aral sa
Estados Unidos. Nanalo na siya sa ilang paligsahang pandaigdig sa
pagtugtog ng piyano.

Hindi lamang sa Pilipinas tanyag ang mga awitin ni Freddie Aguilar at Apo Hiking Society. Kilala
rin sila sa ibang bansa. Kanilang itinaguyod at pinaunlad ang mga musikang Pilipino sa pamamagitan ng
pag-awit sa mga konsiyerto sa ibang bansa. Nanalo na rin sila sa mga paligsahang pang-internasyonal sa
musika. Sila ang tinatawag na makabansang mang-aawit. Matapang din silang sumanib sa mapayapang
rebolusyon sa EDSA noong Pebrero, 1986.

Sa larangan naman ng sayaw, si Francisca Reyes Aquino na


isang guro ang nangunguna sa paksang ito. Malawak ang ginawa
niyang pag-aaral sa mmga katutubong sayaw. Masusi niyang pinagaralan ang mga katutubong sayaw. Masusi niyang pinag-aralan ang mga katutubong
sayaw ng iba't ibang lugar ng bansa nang may dalang kamera at tape recorder upang
magsaliksik ng mga sayaw. Sinulat niya ang lahat ng hakbang ng sayaw na kanyang
namamasid na hindi niya binago ang orihinal na galaw nito.

Tiyaga dedikasyon ang kinailangan niya sa kanyang gawain. Natapos niyang sulatin ang
kanyang mga aklat sa sayaw kasama ang musika at kaukulang hakbang nito. Dapat siyang
maipagmalaki. Natatangi ang mga ginawa niya.
May iba pang mga tanyag na Pilipino sa sining. Si Fernando Amorsolo ang isa sa kanila.
Mahilig siyang gumuhit ng larawan noong bata pa siya na ginagamit lamang ang lapis at papel.
Karamihan sa mga iginuhit niyang larawan ay nagpapakita ng mga pangyayari sa kasaysayan
ng bansa, mga tanawin, at larawan ng mga tao. Ipinahayag siyang kauna-unahang National Artist o
Pambansang Alagad ng Sining.

Tinaguriang isa sa magagaling na eskultor ng bansa si Guillermo Tolentino. Kilala


ang mga ginawa niyang sagisag ng Republika ng Pilipinas tulad ng monumento ni Andres
Bonifacio sa Grace Park, Kalookan, ang Oblation sa Pamantasan ng Pilipinas, at ang estatwa ni Bonifacio
sa Liwasang Bonifacio.
Balik sa Simula

Ilang Pangunahing Manunulat na Pilipino

Dr. Jose Rizal

Isang magaling at matalinong manunulat si Rizal. Sumulat siya ng dalawang nobela tungkol sa
lipunang Pilipino noong Panahon ng Kastila. Ang mga nobelang ito ay ang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo. Sumulat din siya ng mga tula. Tungkol sa kanyang ina, mga kapatid, at kaibigna ang paksa
ng mga ito. Sumulat siya ng isang tula nang siya'y walong taong gulang pa lamang na napabantog sa
buong bansa. Ito ay tungkol sa pagmamahal sa sariling wika. Ang tulang ito ay may pamagat na "Sa Aking
mga Kabata."

Francisco Baltazar

Isang tanyag na makata at mandudula si Francisco Balagtas. Florante at Laura ang tanyag na
nobelang patulang kanyang isinulat. Isa ring awitin ito. Maraming dakilang Pilipino, kabilang na si Rizal,
ang naimpluwensyahan ng nasabing tula. Kinikilalang Ama ng Panulaang Tagalog si Balagtas.

Graciano Lopez Jaena

Si Graciano Lopez Jaena ang nagtatag ng pahayagang La Solidaridad noong 1889 at siya ang naging
unang patnugot nito. Bukod sa pagiging patnugot ay nagsulat siya ng mga lathalaing mapanuligsa sa
nasabing pahayagan. Sa pahayagang ito nagsulat ang mga propagandistang Pilipino para sa mga reporma
sa Pilipinas. Isa sa mga kilalang sinulat niya ay ang sanaysay na "Fray Botod" na nangangahulugang
bundat na prayle.

Marcelo H. del Pilar

Si Del Pilar, na nakilala sa tawag na Plaridel, ang natatag ng Diariong Tagalog noong 1882. Isa itong
pahayagang makabayan. Siya ang pumalit kay Lopez Jaena sa pagiging patnugot at may ari ng La
Solidaridad. Si Del Pilar ang awtor ng "Dasalan at Tocsohan," isang tulang tumutuligsa sa mga maling
ginagawa ng mga prayle.

Jose Palma
Isang makatang kawal si Jose Palma. Siya ang sumulat ng tula sa Espaol na may titulong "Filipinas"
bilang mga titik ng "Himno Nacional Filipino" na nilikha ni Julian Felipe. Ang kasalukuyang mga titik sa
Pilipino ng ating pambansang awit ay batay sa tula ni Palma. Dito siya nakilala bilang isang manunulat.

Lope K. Santos

Hindi lamang isang magaling na makata at nobelista si Lope K. Santos. Maituturing siyang isang
dalubwika dahil sa kanyang mga naiambag na akda hinggil sa balarila ng wikang pambansa. Dahil dito,
tinagurian siyang Ama ng Balarila ng Wikang Pambansa.

Jose Corazon de Jesus


Isa pang pangalan ni Jose Corazon de Jesus ay Huseng Batute. Tulad nina Balagtas at Rizal, marami
siyang sinulat na mga tula. Naging isang kolumnista siya sa pang-araw-araw na pahayagang Taliba. Nasa
anyong patula ang kanyang kolum. Dalawa sa kanyang mga kilalang tula ang "Manok Kong Bulik" at "Isang
Punongkahoy."

Amando V. Hernandez
Si Amado V. Hernandez ang makata ng mga mangagawa. Siya ay naging patnugot ng pahayagang
Pakakaisa at Mabuhay. Sumulat din siya ng mga nobela, kuwento, at dula. Siya ang kauna-unahang
manunulat sa wikang pambansa na kinilalang National Artist. Kabilang sa kanyang mga popular na tula
ang "Isang Dipang Langit," "Bayani," at "Bayang Malay."

Severino Reyes

Isinulat ni Severino Reyes ang "Mga Kuwento ni Lola Basyang" sa magasing Liwayway. Kinilala rin
siyang Ama ng Dulang Pilipino. Pinakakilalal sa kanyang mga dula ang sarsuwelang "Walang Sugat" ma
pumapaksa sa kagitingan ng mga Katipunero.

Nick Joaquin

Mandudula rin si Nick Joaquin. Ngunit higit siyang kilala bilang kuwentista at nobelista. Ang The
Woman Who Had Two Navels ang kanyang pinakamahalagang nobelang nagtatampok sa mga gawi at paguugali ng mga Pilipino. Ang isa pang tanyag na isinulat niya ay ang Portrait of the Artist as Filipino.

Jose Garcia Villa

Si Jose Garcia Villa ay isang makata at kuwentista sa Ingles na nagkamit ng Republic Cultural
Heritage Award at National Artist Award. Kinilala ang kanyang koleksyon ng mga tula na
pinamagatang Doveglion at Jose Garcia Villa's Many Voices.

N.V.M. Gonzales

Isa ring nobelista sa Ingles is N.V.M. Gonzales tulad ni Nick Joaquin. Ang The Bamboo Dancers ang
pangunahing nobelang kanyang isinulat. Kinikilalang kabilang siya sa may pinakamaraming naisulat na
maiikling kuwento sa bansa at sa pinakamagagaling sa panitikan sa bansa.
Balik sa Simula

Mga Natatanging Pilipino sa Palakasan


Lydia de Vega-Mercado
Kilalang atleta sa track and field sa buong Asya si Lydia de Vega. Marami na siyang natamong mga
medalyang ginto sa pabilisan ng pagtakbo. Sinanay siya ng kanyang ama na maging isang magaling na
atleta. Masunuring anak at disiplinado si De Vega.
Akiko Thomson
Isa naman si Akiko Thomson sa mga natatanging manlalaro sa paglangoy. Marami na siyang
nakuhang medalyang ginto sa larangang ito. kabilang sa mga medalyang ito ang napanalunan niya sa
Asian Games na ginanap sa Pilipinas noong 1991.
Felix Barrientos
Sa larong t ennis, si Felix Barrientos ang isa sa nangungunang manlalaro sa Asya. Sa isa sa
nakaraang SEA Games, nagawad sa kanya ang tatlong medalayang ginto.

Rafael "Paeng" Nepomuceno

Isang tanyag na manlalaro ng bowling sa Pilipinas at ibang bansa si Paeng Nepomuceno. Marami na
siyang napanalunang World Cup. Ang disiplinado niyang pagsasanay ay nagbubunga ng pagwawagi niya
sa Pilipinas at sa ibang bansa. Naging isa sa mga Ten Outstanding Young Men (TOYM) si Paeng nang siya'y
20 taong gulang pa lamang. Siya ang pinakabatang binigyan ng ganitong karangalan. Pinarangalan din
siya noong 1976 at 1980 bilang Sportsman of the Year.

Gabriel "Flash" Elorde


Isa sa mga batikang boksingero ng Pilipinas si Flash Elorde. Marami siyang napanalunang medalya sa
larangan ng boksing na internasyonal. Matulungin tao siya. Nagpatayo siya sa isang gusali sa Paraaque
na pinagdarausan ng mga paligsahan sa boksing sa kasalukuyan. Tinatawag itong Elorde Sports Compex.

Eugene Torre
Hindi lamang sa boksing, track and field, at bowling kilala ang mga Pilipino kundi pato na sa paglalaro
ng chess. Si Eugene Torre ang magaling na Pilipinong manlalaro sa chess. Kilala siya sa ibang bansa tulad
nina Nepomuceno, Elorde, at De Vega.

Robert Jaworski at Ramon Fernandez

Sina Jaworski at Fernandez ang mga tanyag at magagaling na manlalaro sa basketbol. Marami na
silang nasalihang mga kompetisyong internasyonal.

Mga Pilipino sa Olympics Games


May mga Pilipino ring nanalo sa Olympic Games sa Seoul, Korea noong 1988. Ito'y sina Leopoldo
Serrantes sa boksing at Arianne Cerdea sa bowling. Nagbigay sila ng karanganlan sa Pilipinas na dapat
ipagmalaki ng mga Pilipino.
Balik sa Simula
Source of Images:
Jose Felipe: Cavite City Library. (nd). Retrieved October 13, 2005 from
http://www.cavitecitylibrary.home.ph/photo.html
Nicanor Abelardo. No author. No Date. Retriev ed March 18, 2005 from
http://www.geocities.com/philippinemusic/abelardo.html
Gilopez Kabayao. No Author. No Date. Retrieved March 22, 2005 from
http://claudet.club.fr/Bloch/Disques/Bookmark.html
Cecile Licad: Flushing Council on Culture and the Arts. 2005. Retrieved October 13, 2005 from
http://www.flushingtownhall.org/classical.html
Freddie Aguilar: Tatak Pilipino. Freddie Aguilar Albums. Retrieved March 15, 2005 from
http://www.tatakrp.com/default2.asp

Apo Hiking Society: Apo Hiking Society. 2004. Centennial Costume. Retrieved October 13, 2005 from
http://www.apohikingsociety.org/scrapbook_group_14.shtml
Francisca Reyes Aquino. nd. The 1962 Ramon Magsaysay Award for Government Service, Response of
Francisca Reyes Aquino, Ramon Magsaysay Award Presentation Ceremonies. Retrieved March 20, 2005
from http://www.rmaf.org.ph/Awardees/Response/ResponseAquinoFra.htm
Fernando Amorsolo : Reflections of Asia. (n.d.). Retrieved March 20, 2005 from
http://www.reflectionsofasia.com/images/fernando.jpg
Guillermo Tolentino: National Commission for Culture and the Arts. 2004. National Artists of the Philippines:
Guillermo Estrella Tolentino. Retrieved on March 20, 2005 from
http://www.ncca.gov.ph/culture&arts/profile/natlartists/visual-arts/tolentino.htm
Dr. Jose Rizal: Blogsite entitled slow.fan.chen. 2004. Lashed. Retrieved on March 20, 2005 from
http://www.slowfanchen.net/archives/2004/06/
Francisco Baltazar: The Internet 1996 World Exposition. (n.d.). Philippine National Heros. Retrieved March
20, 2005 from http://park.org/Philippines/centennial/heroes12.htm
Graciano Lopez Jaena: National Commission for Culture and the Arts. 2002. Centennial Traveling Exhibit.
Retrieved on March 20, 2005 from
http://www.ncca.gov.ph/culture&arts/profile/sining/centennial/centennial-5.htm
Marcelo H. del Pilar: Colegio de San Juan de Letran. (n.d.). Letran Hall of Fame. Retrieved on October 20,
2005 from http://www.letran.edu/about/heroes.php
Lope K. Santos: Kabayancentral.com. (n.d.). Ang Diwa Ng Mga Salawikain. Retrieved March 20, 2005 from
http://www.kabayancentral.com/book/bookmark/mb5690429.html
Severino Reyes: Divisoria.com. (n.d.). The Best of Lola Basyang. Retrieved on March 20, 2005 from
http://www.divisoria.net/besoflolbass.html
Nick Joaquin: Tinig.com. (n.d.). Nick Joaquin. Retrieved March 20, 2005 from http://www.tinig.com/v37/
Jose Garcia Villa: Kaya. (n.d.) The Anchored Angel: Selected Writings by Jos Garcia Villa. Retrieved October
20, 2005 from http://www.kaya.com/aa.html

N.V.M. Gonzales: Divisoria.com. (n.d.). The Bamboo Dance. Retrieved March 20, 2005 from
http://www.divisoria.net/9715690572.html
Rafael "Paeng" Nepomuceno: Asian Athlete. 2003. Nepomuceno Rafael "Paeng"
Robert Jaworski Cruz, Agnes R. (n.d.). Jaworski lifts Toyota past archrival Crispa. Retrieved October 20,
2005 from http://www.philippinestoday.net/2003/June/sports3_603.htm
Ramon Fernandez: Crispa-Toyota Rivalry. Ramon Fernandez. Retrieved October 20, 2005 from
http://www.toyotacrispa.homestead.com/Fernandez.html

Text source:
Dizon, Priscila B. 1995. Bayanihan 2. Quezon City: KASAPI: Philippine Educational Publishers Association
Maikling Pagsasanay:
A. Sabihin kung Tama o Mali ang pangungusap:
(i-click ang "judge button" para malaman kung tama o mali ang iyong sagot.
Any ibig sabihin ng letra/marka:
"S" - mali ang sagot, palitan ng ibang sagot
"*" - tama ang sagot
"D" - tanggalin ang sagot na ito
"I" - may kulang na sagot)

B. Pagtumbasin ang pangalan ng kilalang Pilipino at kung sa anong larangan siya nakilala:

You might also like