You are on page 1of 18

May malaking kahalagahan ang sining

at kultura sa buhay ng bawat Pilipino.


Kinagigiliwan nilang umawit, sumayaw,
tumugtog, sumulat, at gumuhit. Dahil
dito, marami silang mga bantayog na
mang-aawit, manunulat, manunugtog,
kompositor, at pintor.

Sa kanyang tugtugin "Himno Nacional


Filipino." Ipinalikha sa kanya ni Heneral
Emilio Aguinaldo ang makabayang
musikang ito para sa kalayaan. Unang
ipinarinig ang tugtugin noong Hunyo 12,
1898 sa Kawit, Cavite. Pinagtibayan ng
pambansang awit.

Bukod sa pagiging kompositor, siya ay


tumutugtog din ng organ sa simbahan ng
Cavite.

Magaling siyang tumugtog ng


mga instrumento gaya ng guitara,
biyulin, at piyano.
Isa rin siyang kompositor. "Nasaan Ka,
Irog?" ang isa sa kanyang tanyag na mga
komposisyon.
Ang iba pang mga katha niya: My Native
Land," "Motherland," "Bituing Marikit," at
"National Heroes Day."

Natutuo siya ng biyulin mula sa


kanyang ama nang siya ay pitong
taong gulang pa lamang. Marami na
siyang pinagwagihang paligsahan sa
pagtugtog ng biyulin sa ibang bansa.
Nagbibigay pa siya ng walang bayad na
konsiyerto para sa mga batang magaaral.

Isang tanyag na piyanista sa buong


mundo. Maaga siyang natutong
tumugtog ng piyano. Isa siya
samagagaling na Pilipinong iskolar sa
musika na pinag-aral sa Estados
Unidos. Nanalo na siya sa ilang
paligsahang pandaigdig sa pagtugtog
ng piyano.

Kanilang itinaguyod atpinaunlad ang mga


musikang Pilipino sa pamamagitan ng
pag-awit sa mga konsiyerto sa ibang
bansa. Nanalo na rin sila sa mga
paligsahang pang-internasyonal sa
musika. Sila ang tinatawag na
makabansang mang-aawit. Matapang din
silang sumanib sa mapayapang
rebolusyon sa EDSA noong Pebrero, 1986.

Jose Rizal --- Sumulat siya ng dalawang


nobela. Ang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo. Sumulat din siya ng mga
tula. Tungkol sa kanyang ina, mga kapatid,
at kaibigan. Sumulat siya ng isang tula
nang siya'y walong taong gulang pa lamang
na napabantog sa buong bansa. Ito ay
tungkol sa pagmamahal sa sariling wika.
"Sa Aking mga Kabata."

Isang tanyag na makata at mandudula.


Florante at Laura ang tanyag na
nobelang patulang kanyang isinulat. Isa
ring awitin ito.
Kinikilalang Ama ng Panulaang Tagalog
si Balagtas.

Nagtatag ng pahayagang La
Solidaridad noong 1889 at siya ang
naging unang patnugot nito. Sa
pahayagang ito nagsulat ang mga
propagandistang Pilipino para sa mga
reporma sa Pilipinas.
Isa sa mga kilalang sinulat niya ay ang
sanaysay na "Fray Botod" na

Nakilala sa tawag na Plaridel, ang


natatag ng Diariong Tagalog noong
1882. Isa itong pahayagang
makabayan. Siya ang pumalit kay
Lopez Jaena sa pagiging patnugot at
may ari ng La Solidaridad.
Siya ang awtor ng "Dasalan at
Tocsohan," isang tulang tumutuligsa sa
mga maling ginagawa ng mga prayle.

Isang makatang kawal si Jose Palma.


Siya ang sumulat ng tula sa Espaol na
may titulong "Filipinas" bilang mga titik
ng "Himno Nacional Filipino" na nilikha
ni Julian Felipe.
Ang kasalukuyang mga titik sa Pilipino
ng ating pambansang awit ay batay sa
tula ni Palma. Dito siya nakilala bilang
isang manunulat.

Hindi lamang isang magaling na


makata at nobelista si Lope K. Santos.
Maituturing siyang isang dalubwika
dahil sa kanyang mga naiambag na
akda hinggil sa balarila ng wikang
pambansa. Dahil dito, tinagurian siyang
Ama ng Balarila ng Wikang Pambansa.

Isa pang pangalan ni Jose Corazon de


Jesus ay Huseng Batute. Tulad nina
Balagtas at Rizal, marami siyang
sinulat na mga tula. Naging isang
kolumnista siya sa pang-araw-araw na
pahayagang Taliba.
Dalawa sa kanyang mga kilalang tula
ang "Manok Kong Bulik" at "Isang
Punongkahoy."

Ang makata ng mga mangagawa. Siya


ay naging patnugot ng pahayagang
Pakakaisa at Mabuhay. Sumulat din siya
ng mga nobela, kuwento, at dula.
Siya ang kauna-unahang manunulat sa
wikang pambansa na kinilalang
National Artist. Kabilang sa kanyang
mga popular na tula ang "Isang Dipang
Langit," "Bayani," at "Bayang Malay."

Isinulat niya ang "Mga Kuwento ni Lola


Basyang" sa magasing Liwayway.
Kinilala rin siyang Ama ng Dulang
Pilipino. Pinakakilalal sa kanyang mga
dula ang sarsuwelang "Walang Sugat"
ma pumapaksa sa kagitingan ng mga
Katipunero.

Mandudula rin si Nick Joaquin. Ngunit


higit siyang kilala bilang kuwentista at
nobelista. AngThe Woman Who Had Two
Navelsang kanyang pinakamahalagang
nobelang nagtatampok sa mga gawi at
pag-uugali ng mga Pilipino. Ang isa pang
tanyag na isinulat niya ay angPortrait of
the Artist as Filipino.

Isang makata at kuwentista sa Ingles


na nagkamit ng Republic Cultural
Heritage Award at National Artist
Award. Kinilala ang kanyang koleksyon
ng mga tula na
pinamagatangDoveglionatJose Garcia
Villa's Many Voices.

Isa ring nobelista sa Ingles is N.V.M.


Gonzales tulad ni Nick Joaquin. AngThe
Bamboo Dancersang pangunahing
nobelang kanyang isinulat. Kinikilalang
kabilang siya sa may pinakamaraming
naisulat na maiikling kuwento sa bansa
at sa pinakamagagaling sa panitikan sa
bansa.

You might also like