You are on page 1of 6

MGA SIKAT NA MANUNULAT:

-
DEOGRACIAS A. ROSARIO
Manunulat ng Maikling Kwento – Panahon ng Amerikano

Deogracias A. Rosario ay ang Amang Maiikling Kwentong Tagalog sa bansa.Isa nang


manunulatsa gulang na 13, una siyang nagsulat para sa “Ang Mithi”, isa sa tatlong naunang
pahayagan sabansa na nakatulong nang husto sa pag-unlad ng maikling kwentong Tagalog.
Ayon sa mga kritiko, siya ang nagbigay ng tiyak na anyo sa maikling katha bilang isang uri
ng kathang pampanitikan. Nakita sa kanyang mga akda ang palatandaan ng paghihimagsik
sa kinamulatang tradisyon ng maikling kuwento.
Noong 1917 naman niyang umpisahang isulat ang Taliba.Naging Pangulo siya ng
Samahang Ilaw at Panitik, Kalipunan ng mga Kuwentista at Kalipunan ng mga Dalubhasa ng
Akademya ng Wikang Tagalog.

Si Deogracias A. Rosario ay isinilang sa Tondo, Maynila noong Oktubre 17, 1894.


Nagsimulang magsulat noong 1915 sa Ang Demokrasya. Taong 1917 naman ng magsimula
siyang sumulat sa Taliba. Si Deogracias A. Rosario ay ang Ama ng Maiikling Kwentong
Tagalog sa bansa. Sumulat din siya sa ilalim ng mga alyas na Rex, Delio, Dante A. Rosetti,
Delfin A. Roxas, DAR, Angelus, Dario at Rosalino. Isa nang manunulat sa gulang na 13, una
siyang nagsulat para sa Ang Mithi, isa sa tatlong naunang pahayagan sa bansa na
nkatulong nang husto sa pag-unlad ng maikling kwentong Tagalog.
Nagging manunulat siya ng Ang Democracia noong 1915 nang kinalaunan ay
nagsulat din siya para sa Taliba, na naglulunsad ng buwanang patimpalak para sa tula at
maikling kwento. Sa Taliba tumaas ang kanyang posisyon bilang katulong ng patnugot at sa
huli, ay naging patnugot. Nagsulat din siya para sa Photo News, Sampaguita at Lipang
Kalabaw.
Kasama sina Cirio H. Panganiban, Amado V. Hernandez, Arsenio R. Afan at iba
pa, si Rosario ay isa sa mga pangunahing taga-ambag sa Liwayway.
Naging myembro rin si Rosario ng iba’t ibang asosasyon ng mga manunulat.
Kabilang dito ay ang Kalipunan ng mga Kuwentista, Aklatang Bayan, Katipunan ng mga
Dalubhasa at ang Akademya ng Wikang Tagalong. Naging Pangulo siya ng Samahang Ilaw
at Panitikan, Kalipunan ng mga Kuwentista at Kalipunan ng mga Dalubhasa ng Akademya
ng Wikang Tagalog na may mga prominenteng kasapi tulad nina T.E Gener, Circio H.
Panganiban, at Jose Corazon de Jesus.
Sa ginawang pagsusuri ni Dr. Genoveva Edroza Matute, guro at kwentista sa mga
akda ni Deogracias A. Rosario ay ganito ang kanyang sinabi:
“Kadaladang ginagamit niya (Deogracias A. Rosario) bilang pangunahing tauhan
ang mga alagad ng sining, bohemyo at kabilang sa mataas na lipunan; maliban sa ilan,
iniiwasan niyang gumamit ng mga tauhang galling sa masa; at paulit-ulit na lumitaw sa
kanyang mga akda ang mga tauhang galling sa ibang bansa, ngunit sa pagbabalik sa
tinubuang lupa ay naging makawika at makabayan.”
Ang ilan sa kanyang mga akda ay Ako’y Mayroong Isang Ibon, Ang Dalagang
Matanda, Manika ni Tadeo, Aloha, Bulaklak ng Bagong Panahon, Dahil sa Pag-ibig, Ang
Anak ng Kaniyang Asawa, Dalawang Larawan, Ang Geisha, Mga Rodolfo Valentino at iba
pa. Ang pinaka-obra mawstra ni Rosario ay ang Aloha na kasama sa Katipunang 50
Kwentong Ginto ng 50 Batikang Kwentista. Nakita sa kanyang mga akda ang palatandaan
ng paghihimagsik sa kinalimutang tradisyon ng maikling kuwento.
Gumawa rin siya ng mga salin Tulad ng “Ang Puso ng Geisha” at “Ang
Mapaghimagsik”.
Nagsulat din si Rosario ng mga titik sa Tagalog ng ilang mga awit na binuo nina
Nicanor Abelardo at Francisco Santiago. Kabilang sa mga kanta na ito ay ang “Mutya ng
Pasig”, “Dignity of Labor”(tagalong bersyon), Cancio Filipino”, “Sakali Man”, “Alma Mater
Commencement Exercise” at “The Piece of Night”.
Pinagaralan ni Teodoro A. Agoncillo ang kanyang akda na, “Mayroon Akong Isang Ibon”,
bilang isa sa pitong pinakamagandang maikling kwento na naisulat sa panahon ng
Amerikano, noong 1932. Isang taon matapos nito, siya ang idineklarang pinakamagaling na
manunulat ng maikling kwento para sa akda niyang “Aloha”.
Binawian ng buhay si Deogracias A. Rosario sa gulang na 42 noong Nobyambre
26, 1936.

Mga Nagwaging Akda :

Ang ilan sa kanyang mga akda ay Ako'y Mayroong Isang Ibon, Ang Dalagang Matanda,
Manika ni Tadeo, Aloha, Bulaklak ng Bagong Panahon at iba pa. Ang pinaka-obra maestra
ni Rosario ay ang Aloha na kasama sa katipunang 50 Kwentong Ginto ng 50 Batikang
Kwentista.

Genoveve matute
.Sino si Genoveva Edroza-Matute?
Kilala sa tawag na "Aling Bebang," ipinanganak si Genoveva Edroza Matute noong Enero
13, 1915. Nagtapos ng Batsilyer sa Sekondaryang Edukasyon, Medyor sa Ingles at
Doktorado sa Unibersidad ng Santo Tomas. Naging guro ng apatnapu't anim na taon sa
Pamantasang Normal ng Pilipinas.
Nagkamit siya ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature mula sa kanyang mga
akdang Parusa (1961), Paglalayag ng Puso ng Isang Bata (1995) at kwento ni Mabuti (1950)
na nagbibigay sa kanya ng titulo bilang kauna-unahang babaeng nakapag-uwi ng parangal
sa larangan ng maikling kwento.
Nakamit din niya ang Republic Literature Awards ng National Commission for Culture and
the Arts.
Nagkamit din siya ng Kalinangan Award ng Maynila 1967, Gawad Pambansang Alagad ni
Balagtas ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas 1988 at Gawad CCP para sa Sining,
1992 at ginawaran din siya ng Lifetime Achievement Award for Literature.
Nagsilbi siyang Tagapayo ng Pilipino Section ng The Torch Newsette.
Bagama't pumanaw noong Marso 21, 2009, patuloy pa rin ang kanyang pakikihamok sa
pag-alab ng pagmamahal sa panitikan ng kanyang mga akda.
Sa kasalukuyan, taunang inilulunsad ng The Torch ang Gawad Genoveva Edroza-Matute
bilang parangal sa mga natatanging iskolar-manunulat sa loob ng Pamantasang Normal ng
Pilipinas - Maynila.

ay isang premyadong kuwentistang Pilipino. Siya ay isa ring guro at may-akda ng aklat sa
Balarilang Tagalog, na nagturo ng mga asignaturang Filipino at mga asignaturang
pang-edukasyon. Maraming ulit siyang nagkamit ng Gawad Palanca, tulad ng kilalang
Kuwento ni Mabuti, na nanalo ng kauna-unahang Gawad Palanca para sa Maikling Kuwento
sa Filipino

Ilan sa kanyang mga akda tulad ng


Kuwento ni Mabuti
,
Paglalayag sa Puso ng
Isang Bata
,
Parusa
,
Maganda Ang Ninang Ko
at
Pagbabalik
ang laging
itinatampok sa mga textbook at iba pang publikasyon.Si Aling
Bebang ay maybahay ng manunulat na si Epifanio Matute. Pumanaw si Aling
Bebang noong 21 Marso 2009 sa edad na 94

Lualhati Bautista

Si Lualhati Bautista ay isang bantog na babaeng Filipinong manunulat. Kadalasan, ang mga
akda niya ay nasa anyong nobela o maikling kwento, pero nakalikha na rin siya ng ilang
akdang-pampelikula.

Pinanganak si Lualhati Bautista sa Tondo, Manila noong Disyembre 2, 1945. Nagtapos siya
sa Emilio Jacinto Elementary School noong 1958, at sa Torres High School noong 1962.
Naging journalism major siya sa Lyceum of the Philippines, ngunit nag-drop out bago man
niya matapos ang kanyang unang taon.

Ilan sa mga nobela niya ang: Gapo, Dekada '70, at Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa? na
nakapagpanalo sa kanya ng Palanca Award ng tatlong beses: noong 1980, 1983, at 1984.
Nakatanggap din siya ng dalawang Palanca Award para sa dalawa sa kanyang mga
maikling kwento: Tatlong Kuwento ng Buhay ni Juan Candelabra (unang gantimpala, 1982)
at Buwan, Buwan, Hulugan mo Ako ng Sundang (pangatlong gantimpala, 1983). Noong
1984, ang kanyang script para sa Bulaklak ng City Jail ay nagwagi bilang Best Story-Best
Screenplay sa Metro Manila Film Festival, Film Academy Awards, at Star Awards.

Amado V. Hernandez

Si Amado Vera Hernández (13 Setyembre 1903 – 24 Marso 1970) ay isang makata at
manunulat sa wikang Tagalog. Kilala rin siya bilang "Manunulat ng mga Manggagawa",
sapagkat isa siyang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at
pagsusuri sa mga kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong kaniyang
kapanahunan. Nakulong siya dahil sa pakikipagugnayan niya sa mga kilusang
makakomunista. Siya ang punong tauhan sa isang bukod-tanging kasong panghukuman na
tumagal ng 13 taon bago nagwkas.

Noong kaniyang kabinataan, nagsimula na siyang magsulat sa wikang Tagalog para sa


pahayagang Watawat (Flag). Nang lumaon ay nagsulat siya ng para sa mga Pagkakaisa at
naging patnugot ng Mabuhay. Napukaw ng kaniyang mga sulatin ang pansin ng mga
dalubhasa sa wikang Tagalog at ilan sa kaniyang mga salaysayin at tula ay napabilang sa
mga antolohiya, katulad ng Parolang Ginto ni Clodualdo del Mundo at ng Talaang Bughaw ni
Alejandro Abadilla. Noong 1922, sa gulang na 19, naging kabahagi si Hernandez ng
samahan pampanitikan na Aklatang Bayan na kinabibilang ng mga kilalang manunulat sa
Tagalog na sina Lope K. Santos at Jose Corazon de Jesus.
Sinalaysay ni Hernandez sa kanyang mga akda ang pakikipagsapalaran at pakikibaka ng
mga manggagawang Pilipino. Minsan siyang napiit dahil sa salang sedisyon, at habang
nasa loob ng kulungan, naisulat niya ang "Isang Dipang Langit", ang isa sa mga
mahahalaga niyang tula.
Nakilala rin si Hernandez sa kanyang mga nobelang gaya ng "Ang Ibong Mandaragit", at
"Luha ng Buwaya". Ang ilan sa kanyang maikling kuwento ay natipon sa isang tomo na
pinamagatang "Langaw sa Isang Basong Tubig at Ibang Kuwento". Nagturo din siya sa
Pamantasan ng Pilipinas. Kakikitaan ng diwang makabayan ang marami niyang tula at
nobela: lantad sa mga ito ang makatarungang poot sa pagiging tila isang kolonya ng
Estados Unidos ang kaniyang bansang Pilipinas. Naipakulong siya ni Elpidio Quirino dahil
sa bintang na pagiging mapanghimagsik.
PARANGAL:
Noong 1973, limang taon mula nang sumakabilang buhay si Hernandez, ginawaran si “Ka
Amado” ng titulong Pambansang Alagad ng Sining. Bagama’t matagal-tagal na rin mula
nang pumanaw ang manunulat, patuloy na umaalingawngaw sa mga paaralan at sa mga rali
sa lansangan ang kanyang matulaing pagkamakabayan, lalo na ang mga salita ng tulang
"Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan."

Macario Pineda
Ipinanganak si Pineda sa Malolos, Bulacan noong Abril 10, 1912 sa mag-asawang Nicanor
Pineda at Felisa de Guzman. Bata pa lang siya nang yumao ang kanyang ina, at
pinakasalan ng kanyang ama si Marcelina Alcaraz noong siya'y 13 taong gulang.
Isang batikang mangangatha sa wikang Tagalog si Macario Pineda

Unang nagsulat si Pineda sa wikang Ingles. Ang kaniyang unang kuwento, ang “Five
Minutes” ay nailathala sa Graphic. Nagpatuloy man siya sa pagsulat sa Ingles, higit na
nakilala ang kaniyang mga kuwento sa Tagalog. Noong1937, ang kaniyang
kuwentong“Walang Maliw ang mga Bituin” na nailathala sa Mabuhay ay napiling isa sa
sampung pinakamahuhusay na kuwento ng taón. Nakapaglathala rin siya ng mga akda sa
Liwayway, Malaya, Bulaklak, Ilang-ilang, Daigdig, at Sinag-tala.

Ang kaniyang mga kuwento ay kakikitahan ng maingat na karakterisasyon at mahusay na


paraan ng pagsasalaysay. Hinahangaan siya sa paggamit ng katutubong kulay at mahusay
na kaalaman sa idyoma at tradisyonal na kostumbre ng mga Filipino. Laging napapabilang
ang kaniyang mga akda sa antolohiya ng pinakamahuhusay tulad ng Ang 25 Pinakambuting
Maikling Kathang Pilipino ng 1943 (1944) at ng Maikling Kuwentong Tagalog, 1886-1948
(1949) na pinamatnugutan ni Teodoro A. Agoncillo.

Sumulat din si Pineda ng mga nobela, bilang aklat o bilang de-serye. Kabilang sa mga
nobelang ito ang Halina sa Ating Bukas (1946), Ginto sa Makiling (1947), Mutyang Tagailog
(1947-1948), Langit ng Isang Pag- ibig (1948), at Isang Milyong Piso (1950). Nagsulat din
siya ng mga kolum para sa mga magasing Daigdig at Liwayway.

Ipinanganak si Macario Pineda noong 10 Abril 1912 sa Malolos, Bulacan sa mag-asawang


sina Felisa de Guzman at Nicanor Pineda, na kilalang mambabalagtas. Napangasawa niya
si Avelina Reyes at nagkaroon sila ng pitong supling. Nagtapos siya ng sekundarya sa
Bulacan High School, at pagkaraan, nagtrabaho bilang klerk sa munisipyo. Naging
ingat-yaman din siya ng mga bayan ng Meycauayan, Pandi at Bigaa. Namatay siya noong 2
Agosto1950. (GSZ)

Si
Gilda Cordero-Fernando
sumulat ng kanyang maikling talambuhay
“early

housewife " panahon, mula 1952-1970, at pagkatapos ay ilagay ito sa likod sa


kanya upang pumunta sa non-fiction at pag-publish. Ang kanyang mga kuwento
ay nanalo sa Free Press at Palanca. Ang ilan ay napabilang sa kursong Ingles sa
kolehiyo at lubos na kinikilala.
Sa larangan paglilimbag, Ang Libro ni Ms. Fernando na GCF Books ay matagal
na namayagpag nakilala sa pagsasalarawan ng Filipiniana volume tulad ng
Turn of the Century, Culinary Culture of the Philippines and History of the Burgis.
Siya ay naging Patnubay ng Sining Awardee para sa panitikan noong
1993 Araw ng Maynila, at ang CCP ni Gawad awardee para sa panitikan at pag-
lathala noong 1994.

Wilfrido D. Nolledo

Ang mandudula at fiction writer na si Wilfrido D. Nolledo


ay ipinanganak
noong Enero 19, 1933 sa Manila. Siya natapos high school sa National
University at pagkatapos ay nagtapos sa kursong BA sa Literatura sa
Unibersidad ng Santo Tomas. Nagtrabaho siya bilang isang manunulat sa
This
Week, Sunday Times Magazine,
at sa Ministry of Health, at pagkatapos ay bilang kawaning miyembro ng Pilipinas sa Free
Press. Siya ay nag-aambag din
sa editorial para Focus Philippines at ang asiste para sa Observer And Newstime
.
Siya nagkamit ng maraming mga parangal para sa kanyang mga maikling
kwento at isa ay sa pag arte sa Ingles. Isa sa mga ito ang unang premyo nya sa
Marian Year Literary Contest sa UST, iba't-ibang mga premyo sa Free Press pampanitikan
contest, at ang Palanca awards. Isa rin sya sa mga
tagasunod sa University of Iowa.

Ang ilan sa kanyang maikling kuwento ay kinabibilangan ng “In Caress of Beloved Faces,”
“Adios, Ossimandias,” and “Rice Wine”.Island of theHeart , Legend of the Filipino Guitar
,Amour Impossible , Turn Red the Sea ,Flores para los muertos (Flowers for the Dead), and
Dulce estranjero ay ilan sa kanyang mga one-act play Ang kanyang mga nobelang ay :But
for the Lovers (1970), Sangria Tomorrow (1981), aT Via con Virgo (1984).

You might also like