You are on page 1of 31

CENTRAL PHILIPPINES STATE UNIVERSITY

KURSO: FILIPINO 209

DESKRIPSYON NG KURSO: PANIMULANG LINGGWISTIKA

SAKLAW NG KURSO: Ang kursong ito ay magbibigay-pokus sa linggwistika bilang kasangkapan sa


pagkatuto at wastong paggamit ng wikang Filipino. Ituturo sa kursong ito ang katuturan, kahalagahan at
kasaysayan ng linggwistika dito at sa daigdig. Lilinangin sa kursong ito ang kasanayan sa pagsulat at
kritikal na pag-unawa ng iba’t-ibang konsepto at pagbabago kaugnay sa pag-aaral ng wikang Filipino at
ng Linggwistika. Bahagi rin ng pag-aaral ang pagtalakay sa pinagmulan, kasaysayan, antas at varyasyon
ng Wikang Filipino. Tatalakayin din ang mga katuturan, anyo, simulain at proseso kaugnay sa
ponolohiya, palabigkasan, at palabaybayan ng wikang ito.

BALANGKAS NG KURSO

YUNIT 1: LINGGWISTIKA

I. MGA LAYUNIN:
1. Maipaliwanag ang kahulugan ng linggwistika
2. Matukoy ang kahalagahan ng linggwistika sa guro ng wika
3. Maisalaysay ang pinagmulan ng linggwistika sa mundo at sa Pilipinas.

II. SAKLAW NG PAG-AARAL:


A. Depinisyon ng Linggwistika
B. Kahalagahan ng Linggwistika sa Guro ng Wika
C. Kasaysayan ng Linggwistika
1. Sa Daigdig
2. Sa Pilipinas

YUNIT 2: Ang WIKA: Kahulugan, Kakanyahan at Pinagmulan

I. MGA LAYUNIN:
1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng Wikang Filipino bilang wikang pambansa, lingua
franca, at wikang opisyal sa pagtuturo.
2. Naipaghahambing ang mga katawagang: Tagalog, Pilipino at Filipino
3. Nailalarawan ang mga kakayahan at katangian ng Wikang Filipino.
4. Naisasalaysay ang pinagmulan ng Wikang Filipino at mga salitang hiram.
5. Nakagagawa ng isang tsart na nagpapakita ng kaugnayan ng mga wika sa mundo at sa
Pilipinas.
6. Nagagamit nang wasto ang iba’t ibang antas ng wika sa loob ng pahayag.
7. Nakikilala ang iba’t ibang pinaghanguan ng mga teorya ng wika.
8. Nailalahad ang mga kalakaran at pagbabago sa konsepto ng wikang Filipino.
9. Nasusuri ang mga varyasyon at varyedad sa wika.

1|Page
II. SAKLAW NG PAG-AARAL:
1. Kahulugan ng Wika, at Wikang Filipino
2. Mga kakayahan ng Wika at mga katangian ng Wikang Filipino
3. Teorya ng Wika
 Hango sa mga Bagay sa Kapaligiran
 Hango sa Kilos o Gawi ng Tao
 Hango sa Pananampalataya
4. Pagkakaiba ng Tagalog, Pilipino at Filipino
5. Pinagmulan ng Wikang Filipino
6. Mga Prinsipal Na Angkan Ng Wika Sa Mundo
7. Ang Angkang Malayo-Polinesyo At Ang Mga Wika sa Pilipinas
8. Kasaysayan ng gma Salitang Hiram
9. Antas ng Wika
a. Pormal: Pambansa, Pampanitikan/ Panretorikal
b. Di-Pormal: Lalawiganin, Kolokyal, Balbal
Mga Proseso sa Pagkakabuo ng mga Salitang Balbal
10. Varyasyon at Varayti ng Wika
1. Kaibahan ng Varyasyon at Varayti
2. Mga Uri ng Anyo ng Varyasyon ng Wika
3. Mga Halimbawa ng Varayti
11. Kartilya ng Wikang Filipino
1. Bilang Wikang Pambansa
2. Bilang Lungua Franca
3. Bilang Opisyal na Wikang Panturo
4. Mga Paraan sa Pagpapaunlad ng Wikang Filipino

YUNIT 3: PONOLOHIYA (PALATUNUGAN)

I. MGA LAYUNIN:
1. Maiguhit at maileybel ang iba’t – ibang sangkap ng tao sa pagsasalita
2. Makilala ang kaibahan ng mga ponemang segmental at ponemang suprasegmental.
3. Magamit sa wastong pahayag ang mga ponema, klaster katinig, diptonggo, glottal na
pasara, tono, haba, diin at antala.

II. SAKLAW NG PAG-AARAL:

A. Mga Sangkap Ng Pananalita


B. Mga PONEMANG-SEGMENTAL
1. Mga Ponemang Katinig
2. Mga Ponemang Patinig
3. Diptonggo
4. Klaster-Katinig
5. Pares Minimal
6. Ponemang Malayang Nagpapalitan
7. Glottal ng Pasara

III. Mga PONEMANG SUPRASEGMENTAL


1. Tono

2|Page
2. Haba at Diin
3. Antala

2. Paglalapi
3. Pag-uulit
4. Pagtatambal

D. Mga Pagbabagong Morpoponemiko


1. Asimilasyon: Parsyal at Ganap
2. Pagpapalit
3. Paglilipat
4. Pagkakaltas
5. Pagdaragdag
6. Pag-aangkop

Yunit IV: Semantiks/ Semantika


Yunit V: Sintaks

TALASANGGUNIAN

“Evolution and Language.” http//www.arts.uwaberloo.ca/-mjmcnult/212/evolution-and-language.htm.


April 14, 2006.

Cromie, William. “Researchers Debabe Origin of Language: Do Monkeys Have Anything Interesting To
Say?” http://www.news.Harvard.ed/gazette/2002/12.12/ 01-language.htm. April 14, 2006.

Peregrine, Jovy M. et. al. (2005) MINANGA: Mga Babasahin sa Varayti at Varyasyon ng Filipino, UP
Diliman, Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino.
Antonio, Lilia F. (2005) Komunikasyon sa Akademikong Filipino (Batayang Aklat sa Filipino1) Quezon
City: C & E Publishing Inc.

Pagkalinawan, Leticia C. (2004). FILIPINO 1: Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Valenzuela


City: Mutya Publishing House Inc.

Bernales, Rolando A. (2003). Iskolarling Pagpapahayag sa Wikang Filipino, Valenzuela City: Mutya
Publishing House Inc.

Babasoro, Pobenciana et. al. (2003). Sining ng Komunikasyon. Valenzuela City: Mutya Publishing House
Inc.

Absin, Almira (2002). Theories About The Origins of Language. Australia: Cambridge CELTA Center.

Bernales, Rolando A. (2002). Komunikasyon sa Makabagong Panahon. Valenzuela City: Mutya


Publishing House Inc.

3|Page
Rubin, Ligaya T. et. al. (2002) Kasaysayan At Pag-unlad ng Wikang Pambansa ng Pilipinas. Quezon
City; Rex Book Store.

Miclat, Mario I. et. al. (2000). Sangguniang Gramatika Ng Wikang Filipino. Quezon City; Sentro Ng
Wikang Filipino Sistemang Unibersidad ng Pilipinas.

Tumangan, Alcomtiser P. et. al. (2000). Sining Ng Pakikipagtalastasan Pandalubhasa). Valenzuela City:
Mutya Publishing House Inc.

Garcia, Lydia Gonzales (1999). Makabagong Gramar ng Filipino (Binagong Edisyon). Quezon City: Rex
Book Store

De los Santos Carmen et. al. (1997) Ang Filipino At Mga Katutubong Wika Sa Akademya. Iloilo City:
Sentro Ng Wikang Filipino UP.

Almario, Virgilio S. (1993) Makabagong Gramatika Ng Filipino, Manila: Rex Book Store.

Santiago, Alfonso O. at Norma G. Tiangco (1991). Makabagong Balarilang Filipino (Binagong Edisyon).
Manila: Rex Book Store.

English, Leo James. (1986) Tagalog-English Dictionary. Manila: National Bookstore.

English, Leo James. (1986) English-Tagalog Dictionary. Manila: National Bookstore.

Santiago, Alfonso O. (1985) Linggwistika At Panitikan. Manila: Rex Book Store.

Santiago, Alfonso O. (1985) Panimulang Linggwistika sa Pilipino. Quezon City: Rex Book Store.

Constantino Pamela C. et. al (1985) Wika, Linggwistika at Bilinggwalismo Sa Pilipinas. Quezon City:
Rex Book Store.

Sebastian, Federico B. (1979) Balarila ng Wikang Pilipino. Quezon City: Bede’s Publishing House.

MGA PANGANGAILANGAN NG KURSO:

 Pananaliksik hinggil sa wika, gramatika at linggwistika.


 Pag-uulat ng mga nasaliksik na paksa.
 Paggawa ng mga pagsusulit o pagsasanay ukol sa wika, gramatika at linggwistika.

Inihanda ni:

MERFE C. HUCALINAS, Ph.D.

4|Page
YUNIT 1: LINGGWISTIKA

1. Ayon kay Santiago (1985), ang linggwistika (applied linguistics) ay ang maagham na pag-aaral
ng wika: Ang isang taong nagsasagawa ng maagham na pag-aaral ng wika ay tinatawag na
linggwista.
2. Ang isang linggwista ay hindi laging nangangahulugang maraming alam sa wika. Iba ang
linggwista sa tinatawag nating polygot, na isang taong maalam o nakapagsasalita ng iba’t ibang
wika.
3. Ang isang linggwista ay mahusay magsagawa ng maagham na pagsusuri sa mga wika.
4. Ang linggwista, ay isang maagham na paraan sa pagtuklas ng impormasyon at kaalaman tungkol
sa wika. Ang maagham na paraan ay nagdaraan sa limang proseso.
 Proseso ng pagmamasid – pagtitipon ng obhektibo at walang kinikilingang datos.
pagmamasid tungkol sa katangian ng wika mismo… o sa nagiging epekto ng wika sa tao.
 Proseso ng pagtatanong – ang mga tanong o suliranin na tinatangka lamang itanong ng
isang lingwista ay yaong masasagot niya sa pamamagitan ng maagham na paraan…
Gumagamit siya ng mga katawagan o berminolohiya na may tiyak at malinaw na
kahulugan upang siya’y maunawaan ng mga taong maaaring makinabang sa resulta ng
kanyang pag-aaral.
 Proseso ng pagkaklasipika-isinasaayos niya ang bunga ng kanyang pananaliksik o
pagsusuri sa isang sistematikong paraan.
 Proseso ng paglalahat – ito’y pagbubuo ng mga hipotesis, mga teorya at prinsipyo, ng
mga tuntunin o “bata”. Dapat na humantong sa pagbuo ng nasabing mga abstraksyon,
ayon sa naging resulta o kinalabasan ng obserbasyon at pagsusuring isinasagawa sa mga
datos.
 Proseso ng pagberipika at pagrebisa – ang anumang paglalahat na nabuo ay kailangang
patuloy na mapailalim sa pagsubok upang modipika o marebisa kung kailangan.
5. Ang linggwistika ay nakatuon sa pantaong lenggwahe o wika bilang unibersal o mapagkikilalang
bahagi ng makataong pagkilos at kakayanang pantao na may pinakamalaking impluwensya sa
mga Gawain at tagumpay ng tao. Ang lenggwahe sa lahat ng kanyang anyo at gamit ang
bumubuo sa daigdig ng linggwista. Pakay ng linggwista ang maagham na pag-unawa sa katayuan
ng wika sa buhay ng tao at ang mga paraan kung paano ito nabuo upang tumugon sa
pangangailangan at gampanan ang tungkuling nakapaloob dito.

6. Sa linggwistika, kung gayon, pinag-aaralan at sinusuro ang istruktura, katangian, pag-unlad at iba
pang bagay na may kaugnay sa isang wika at ang relasyon nito sa iba pang wika.

KAHALAGAHAN NG LINGGISTIKA SA GURO NG WIKA AT SA PAGLINANG NG WIKA

1. Ang linggwistika, bilang isang agham ay naglalayong malinang ang mga paraan sa mabisang
paglalarawan sa wika. Ang mga data sa linggwistika ay maaaring magamit ng guro ng wika ayon
sa kanyang pangangailangan bilang guro.

2. Hindi nilalayon ng linggwistika na tumuklas ng mabibisang paraan o hakbang sa pagtuturo ng


wika. Ang mga data sa linggwistika ay maaaring magamit ng guro ng wika ngunit ang mga iyon
ay dapat din niyang ayusin o modipikahin ayon sa kanyang pangangailangan bilang guro. Ganito
ang winika ni Dir. Pineda ng SWP “…ang mga beknika at pamamaraan ng linguistics ay
makatutulong sa pagpapaunlad sa Gawain ng guro ng wika.”

5|Page
3. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng linggwistika sa pagsulat ng mga aklat pambalarila,
gayon din na mahalagang mag-angkin ang guro ng wika ng kaalaman sa linggwistika upang
magkaroon siya ng kakayahang magpasok ng kinakailangang mga pagbabago sa mga aklat na
ginagamit niya sa pagtuturo.

4. Malaki ang naiambag ng linggwistika sa pagpapaunlad ng wikang Filipino, tulad ng pagpaplano


ng mga palatuntunan at patakarang pangwika, at sa paghahanda ng mga kagamitang panturo na
hango sa mga pananaliksik na isinagawa ng mga linggwistika.

KASAYSAYAN NG LINGGWISTIKA

I. SA DAIGDIG

1. Ano ang paliwanag ng relihiyon tungkol sa pinagmulan ng wika?


Ayon sa mga geologo, ang pagkakaroon ng iba’t ibang wila sa daigdig ay parusa ng Diyos sa
pagmamalabis ng tao. … Nang mga panahong yaon naniniwala ang tao na ang wika ng Diyos ang
ginamit sa matatandang banal na himno ng Ebreo, kaya’t mahabang panahon, ding hindi nila
ginalaw ang istilo ng lenggwahe ng himno sa paniniwalang ito’y mangahulugan ng
paglapastangan sa gawa ng Diyos.

2. Aling pangkat ang kinikilalang kauna-unahan sa larangan ng linggwistika?


Ang kauna-unahang pangkat na kinilala sa larangan ng linggwistika ay ang mga mambabalarilang
Hindu. Sinuri nila ang matandang wikang ginait sa nasabing himno – sa palatunugan, palabuuan,
palaugnayan – sa layuning makatulong sa pagpapaliwanag ng diwa nito.

3. Sa aling dalawang wika unang nalinang ang linggwistika?


Sa mga wikang Griyego at Latin unang nagkaanyo ang kauna-unahang maagham na pagsusuri ng
mga wika sa pamamagitan nina Aristotle at ang pangkat na “Stoics” na tinuturing na siyang
nagsipanguna sa larangan ng agham-wika. Ang mga pag-aaral sa mga wikang Griyego at Latin ay
nakaimpluwensya sa iba’t ibang wika sa Europe.

4. Bakit inaakala ng unang panahon na ang mga wika sa daigdig ay nag-ugat lahat sa wikang Ebreo?
Ang wikang Ebreo na siyang orihinal na wikang kinasusulatan ng Matandang Tipan ay
pinaniniwalaang siyang wikang sinasalita sa Paraiso, kaya’t inaakalang lahat ng wika sa daigdig
ay dito nag-ugat.

5. Sinu-sino ang tatlong linggwistang kinilalang tungkul-kalan sa linggwistika noong ika-19 ng


siglo?
Sa pagpasok ng ika-19 ng siglo ay nagkaroon ng malaganap na pag-unlad ang angham-wika. Sa
panahong ito’y nakilala ang tungkung-kalan sa linggwistika:
 Bopp (Sanskrito)
 Grimm (Aleman)
 Rask (Icelandic)

6|Page
6. Alin ang itinuturing na kauna-unahang disiplina sa linggwistika na naging palasak halos sa buong
daigdig? Ano ang pinakaunang layunin ng mga linggwistang lumilinang ng disiplinang ito?
Itinuturing na kauna-unahang disiplina sa linggwistika ay ang linggwistikang historikal
na naglalayong pagpatotoo na ang mga wika sa daigdig ay nagmula sa iba’t ibang wika. Ang
isang pinakaraniwang paraan ay ang pag-alam sa mga salitang magkakaugat (cognates) sa mga
wika. Ang mga wikang katatagpuan ng sapat na dami ng mga salitang magkakaugat, bukod sa
malaking pagkakahawig sa palatunugan, palabuuan at palaugnayan ay pinapangkat sa isang
angkan.

7. Sino ang nagpasimula ng pag-aaral ng mga wika sa angkang Malayo Polinesyo?


Blumentritt – nagpasimula ng pag-aaral sa angkang Malayo-Polinesyo na pinagmulan ng
iba’t ibang wika sa Pilipinas.

8. Ano-anong mga disiplina sa linggwistika ang sumunod na lumitaw?

 Linggwistikang Istruktural – nagbibigay-diin naman sa pagsusuri sa distribusyon ng mga


ponema at morpena sa isang salita o pangungusap. Sa pagsusuri’y ginamit ang ponema sa
paglalarawan sa palatunugan ng isang wika. Ang ponema ang tinuturing na panulukang-
bato ng linggwistikang istruktural. Gumamit din ang mga istruturalista ng katawagang
morpena sa pagsusuri sa palabuuan ng mga salita ng isang wika.
 Psycho-linguistics o linggwistikang sikolohikal – ay bunga ng “generative grammar”
upang lalong matugunan ang pangangailangan sa larangan ng sikolohiya. Dito’y
naglalarawan. Ang ganito ay nangangailangan nang mahigpit pa sa paglalarawan ng
balangkas ng pangungusap o sa mga tunog at salitang nabibigkas ng tao.
 Logical syntax – pagtarok sa “sinasabi at di sinasabi” ng nagsasalita sa kanyang sariling
wika.
 Transformational generative – nagbibigay diin sa anyo o porma ng wika.
 Generative semantics – nagbibigay diin naman sa meaning o kahulugan.
 Mathematical o computer linguistics – paggamit ng computer sa makaagham na pag-aaral
ng wika.

II. SA PILIPINAS

1. Ano ang layunin ng misyunersong Kastila sa pag-aaral ng iba’t ibang pangunahing wika sa
Pilipinas?
Ang pag-aaral sa mga wika sa Pilipinas ay isinagawa ng mga misyunerong Kastila na
karamihan ay mga paring Heswita at Domikano sa layuning mapabilis ang pagpapalaganap ng
Krsitiyanismo sa dakong ito ng daigdig.

2. Ano ang masasabi mo sa pag-aaral sa mga wika na isinagawa noong Panahon ng Kastila.

Ang itinuturing na pinakadahilan din kung bakit napabilis ang pag-aaral sa mga wikang
katutubo ay ang paghahati-hati ng kapuluan sa apat na Orden noong 1594, bilang pasunod sa
kautusan ni Haring Felipe II. Ang kabisayaan ay hinati sa mga Augustinian at Jesuits. Ibinigay
din sa mga Augustinian ang Ilokos at Pampanga. Ang mga Intsik at ang mga lalawigan ng
Pangasinan at Cagayan ay ibinigay sa mga Dominican. Ang mga Franciscan naman ang
pinangasiwa sa kabikulan. Ang katagalugan ay hinati sa apat na Orden.

7|Page
Ngunit kapansin-pansing ang napakaraming naisagawang pag-aaral ay sa Tagalog. Ang
dahilan marahil ay sapagkat Tagalog ang wikang ginagamit sa Maynila na siyang pinakasentro ng
pamahalaan.

3. Bumanggit ng mga tatlong pag-aaral na isinagawa ng mga prayle noong Panahon ng Kastila
tungkol sa gramatika? Tungkol sa talasalitaan?

Mga pag-aaral na isinagawa sa


A. Sa Gramatika:
1. “Arbe y Vocabulario de la Lengua Tagala” (1581) ni P. Juan de Quiñones.
2. “Arbe Y Reglas de la Lengua Tagala” (1610) ni P. Francisco Blancas de San Jose, OP. at
nilimbag ni Tomas Pinpin (Ama ng Limbagang Pilipino)
3. “Arbe de la Lengua Tagala” (1703) ni P. Gaspar de San Agustin
4. “Nueva Gramatika Tagalog” (1872) ni P. Juan Coria
5. “Ensayo de Gramtica Hispano-Tagala” (1878) ni P. Toribio Minguella
6. Pari Juan de plasencia, sumulat ng isang gramatika sa Tagalog, isang diksyunaryo sa
Tagalog, at isang kabesismo sa Tagalog na pinagtibay ng Ecclesiastical Junta, 1582.

B. Sa Talasalitaan:
1. “Vade-Mecum o Manual de Conversation Familiar Espanyol-Tagalog, Seguido de un
Curioso Vocabulario de Modismo Manilenos” ni T.M. Abella,.
2. “Vocabulario de la Lengua Tagala” ni P. de San Buenaventura (1613) – kauna-unahang
talasalitaan sa Tagalog.
3. “Vocabulario de la Lengua TagalaZ” (1754) nina P. San Juan de Noceda at P. Pedo de
San Lucar – pinakamakapal sa mga nasulat.
4. “Nuevo Diccionario Manual Espanyol Tagala” ni Rosalio Serrano.
5. “Diccionario de Terminos Communes Tagalo – Castellano” ni P. Juan Coria
6. “Diccionario Hispano-Tagalog” ni P. Serrano Laktaw (1889)

4. Ano ang layunin ng mga Amerikanong sundalo sa pag-aaral ng iba’t ibang pangunahing wika sa
Pilipinas?

Ang pangunahing layunin naman ng mga sundalong Amerikano ay para maihasik sa


sambayanang Pilipino ang ideolohiyang demokratiko.

Tulad ng mga prayleng Kastila, ang naging suliranin ng mga sundalong Amerikano ay
ang kawalan ng isang wikang magiging daluyan ng komunikasyon upang maisakatuparan ang
kanilang layunin. Tulad ng mga Kastila, iniisip ng mga Amerikanong higit na madali ang sila ang
mag-aral ng mga pangunahing wika sa kapuluan kaysa kanilang hintaying matuto ng Ingles ang
nakararaming Pilipino. Noon nagsimula an pagsusuri sa mga pangunahing wika sa kapuluan, lalo
na sa Tagalog:

a. Handbook and Grammar In Tagalog – MacKinlay (1909)


b. Grammar of Ilokano – Henry Swift (1909)
c. Primer & Vocabulary of Magindanao – R.S. Porter (1903)

5. Sinu-sino ang itinuturing na mga pangunahing linggwista noong panahon ng Amerikano?

8|Page
Ayon kay Constantino, ang tatlong pangunahing linggwista noong Panahon ng mga
Amerikano ay ang mga sumusunod: Cecilio Lopez (isang Pilipino) Otto Scheener at H.
Costenoble (mga Aleman), Carlos Everett Conant, Frank Blake at Leonard Bloomfield
(mga Amerikano). Karamihan sa mga pagsusuring wikang isinagawa noon ay mauuring historical
at deskriptiba.

Conant, Carlos Everett. Sa larangan ng linggwistikang historical, ang higit na nakilala ay


si Conant. Isa rin siya sa mga unang nagsagawa ng pag-aaral sa pagpapangkat-pangkat ng mga
wika sa kapuluan batay sa pagsusuri sa ponolohiya ng mga wikang ito.

Maraming isinagawang pag-aaral si Conant tungkol sa mga wika sa Pilipinas, ngunit ang
pinakakilala sa kanyang mga pananaliksik ay ang kanyang “The RGH Law in the Phil.
Languages” (1910) at “The Pepet Law In Phil. Languages” (1912) na tumatalakay sa nagaganap
na pagbabago sa mga tunog ng iba’t ibang wika sa kapuluan.

Ayon kay Conant ang karamihan sa mga wika sa Pilipinas ay maaaring pangkatin sa
tatlo, ayon sa “g” sa RGH na katinig, na ang ibig sabihin ay nagiging “g” sa karamihan ng mga
wika sa Pilipinas ang PMP*R, bagama’t ang ilan ay nagiging “r”, “l” o kaya’y “y”.

Sa pagsusuri ni Conant ay lumabas na ang Tagalog Bikol, at mga wikang Bisaya, tulad
ng Cebuano, Hiligaynon, Waray, Linaray-a at Romblonon ay mga wikang “g”, gayundin ang
Ibanag, Magindanaw, Tausog, Sulu at Bagobo. Ang Ilokano ay wikang “r” gayundin ang Tirurai.
Ang Pangasinan ay wikang “l”, gayundin ang Kankanai, Ibaloi, Bontoc at Calamian. Ang
Pampango ay wikang “y” gayundin ang Ivatan at Sambai. Halimbawa:

Wikang ‘G’ Tagalog - gamut ugat


Bisaya - gamut ugat

Wikang “R” Iloko - ramut urat


Tirurai - ramut urat

Wikang “L” Pangasinan- lamot ulat


Inibaloi - damot ulat

Wikang “y” Pampango yamut uyat


Ivatan yamot uyat

Samantala, batay sa kanyang “Peppet Law” pinangkat naman ni Conant ang mga wika
ayon sa kinauwian ng patinig na “peppet”. Lumabas sa kanyang pagsusuri na ang Tagalog ay
wikang “I”, Ilokano at Pangasinan ay _____, ang Kapampangan ay a, at ang mga wikang Bisaya
at Bikol ay “u” Halimbawa:

Tagalot – atip Kap. – atap


Ilokano/Pangasinan – at_p Bisaya – atup

Sa mga palarawan (deskriptivo) naming pag-aaral ay nangibabaw ang dalawang


linggwistang Amerikano (Blake at Bloomfield sa kabila ng katotohanang ni hindi sila nagkaroon

9|Page
ng pagkakataong magtungo rito sa Pilipinas kahit minsan) at isang linggwistang Pilipino (Cecilio
Lopez)

Blake, Frank. Ayon kay Constantino, sa pagitan ng 1902-1950 ay nakasulat si Blake ng


hindi kukulangin sa 27 artikulo tungkiol sa iba’t ibang wika sa Pilipinas. Ang ilang halimbawa ay
ang mga sumusunod:

1. Pagkakatulad at pagkakaiba ng mga wikang Bisaya.


2. Pagkakatulad at pagkakaiba ng mga wikang Bisaya at Tagalog
3. Ang mga salitang hiram ng Tagalog sa Sanskrito,
4. Pagtitipon ng mga pagsusuring isinagawa sa mga wika sa Pilipinas
5. Isang aklat tungkol sa gramatika ng Tagalog.

Pinangkat din ni Blake sa 3 ang mga wika sa Pilipinas: Pangkat Timog na


kinasasamahan ng Tagalog, Bicol, at mga wikang Bisaya. Ang kapampangan ay nasa pagitan ng
2 pangkat na ito. Sa Pangkat-Hilaga ay kasama ang Magindanaw at Maranaw.

Ngunit ang itinuturing na pinakamahalagang ambag ni Blake sa linggwistika sa Pilipinas


ay ang kanyang aklat tungkol sa gramatika ng Tagalog (1925). Sa paraan ng paglalahad ni Blake
sa gramatika ng Tagalog ay malinaw na makikita ang impluwensya ng mga pinakamahusay na
mambabalarilang Kastila.

Sa pagsusuri ni Blake sa Tagalog at iba pang wika sa Pilipinas ay labis niyang napag-
ukulan ng pansin ang 3 magkakaugnay na mga yunit sa gramatika: verb, voice at case. Sinabi
niya bilang alituntuning pangkalahatan, masasabing ang lahat ng salitang Tagalog, maging
anumang uri, ay maaaring gawing pandiwa. Sinabi niyang “the verbalizing power of Tagalog and
generally speaking of other Philippine languages…” ang kakayahan sa berbalisasyon ng Tagalog
at iba pang wika sa Pilipinas at malinaw na natatanging kakanyahan ng mga wika sa Pilipinas; na
ang kakanyahang ito ang isa sa ikinaiiba ng mga wika sa Pilipinas sa ibang kaangkang wika ng
Austronesya.

Bloomfield, Leonard. Ang pagsusuri sa gramatikang Tagalog ni Bloomfield ay lumikha


ng rebolusyon sa pagsusuri ng mga wika sa Pilipinas sa 2 kadahilanan:

1. Ang sapilitang paggamit ng mga impormante sa pagtitipon ng mga datos at


2. Paggamit ng mga bagong katawagang panggramatika na kapalit ng mga katawagang
3. tradisyunal upang bigyang diin ang pagkakaiba sa ibang wika ng wikang sinusuri.
Ang pagsusuri ni Bloomfield sa gramatikang Tagalog ay higit na maagham kaysa kay
Blake. Hinati ni Bloomfield sa 3 bahagi ang kanyang pagsusuri sa Tagalog:
Bahagi 1 – kinapapalooban ng mga salitang Tagalog na nasusulat sa
transkripsyong pamponemika, kasunod ang katumbas sa Ingles;
Bahagi II – pagsusuri sa Tagalog an hinati niya sa phonetics, Syntax, at
Morphology.
Bahagi III – Talaan ng mga pormasyon at ng glossary.

Lopez, Si Cecilio Lopez ang kinikilalang “unang linggwistang Pilipino” at “Ama ng


Linggwistikang Pilipino”. Ang itinuturing na pinakamahalagang ambag ni Lopez sa larangan ng
linggwistikang Pilipino ay ang kanyang ipinalimbag na manwal na nauukol sa gramatika ng

10 | P a g e
wikang pambansa (1941). Nang sulatin ang nasabing manwal ay kapoproklama pa lamang sa
Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa ng Tagalog na angkop gamitin ng mga guro sa
pagtuturo ng wikang pambansa.
Hinati ni Lopez ang kanyang manwal sa apat na bahagi: isang sa ponetika, dalawa sa
morpolohiya, at isa sa sintaksis. Ang talakay ni Lopez, ay may impluwensya ng pagsusuri ni
Bloomfield at higit na makabago at masusi kaysa sa ginawang talakay ni Bloomfield.

Nilagom ni Constantino ang mahahalagang pananaliksik – wika na gaya ng mga


sumusunod:

1. Panimulang pahambing na pagsusuri sa ponolohiya ng mga wika sa Pilipinas sa pangunguna


ni Conant.
2. Panimulang pahambing na pagsusuri sa mga karaniwang bahagi ng mga wika sa Pilipinas na
isinagawa ni Blake.
3. Tatlong maagham na gramatika ng Tagalog na sinulat nina Bloomfield (1917), Blake (1925)
at Lopez (1941). Ang una ay isinalig sa mga datos na ibinigay ng mga importante o katutubo
sa wikang sinusuri. Ang pangalawa ay ibinatay sa mga datos na kinuha sa mga inilimbag na
mga babasahin; ang ikatlo ay sinulat ng isang taal na Tagalog.

6. Magbigay ng tatlong salik o pangyayari na nakaimpluwensya sa pag-unlad ng linggwistika sa


Pilipinas pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ang pag-unlad ng aghamwika sa Pilipinas pagkatapos ng Ikalawang digmaang


Pandaigdig ay naimpluwensyahan ng tatlong mahahalagang pangyayari:

1. Ang pagtatatag sa Pilipinas ng “Summer Institute of Linguistics” (1953) – dumami ang mga
linggwistiang misyunerong kasapi sa nasabing organisasyon ang nagtungo rito sa Pilipinas at
nagsagawa ng mga pagsusuri sa iba’t ibang wika at wikain sa kapuluan.
2. Ang paggamit ng makalinggwistikang pamaraan sa pagtuturo ng Ingles sa mga Pilipino na
lumikha ng malaganap na pagnanais upang suriin ang mga wika sa kapuluan.
3. Ang gradwal na pagdami ng mga linggwistang Pilipino.

Tatlong pambansang samahang pangwika ang nakatutulong nang malaki sa pagpapaunlad ng


disiplinang ito:

1. Linguistic Society of the Philippines.


2. Pambansang Samahan sa Linggwistikang Pilipino
3. Philippine Association for Language Teaching

Ang tatlong samahang ito ay patuloy sa pagdaraos ng mga seminar pangwika at


pagpapalathala ng kani-kanilang jornal na nagiging daluyan ng mga pag-aaral at pananaliksik na
isinasagawa sa larangan ng wika. Marami sa mga paraan ng pagsusuring-wikang ginamit ng mga
mananaliksik ay lubhang naimpluwensyahan ng mga kalakaran sa linggwistika sa Estados
Unidos. Sa dalawang kadahilanan:
1. Halos kalahati sa mga nagsasagawa ng pagsusuring wika ay mga Amerikano.
2. At ang mga Pilipinong linggwista ay nangagsipag-aral sa mga unibersidad sa
Amerika o sa Pilipinas sa ilalim ng mga Amerikanong propesor.

11 | P a g e
Karamihan sa mga pag-aaral ay palarawan o deskritivo. Ang modelo ni Bloomfield sa
pagsusuring-wika ay labis ding nakaimpluwensya sa mga isinagawang pag-aaral. Karamihan sa
mga pagsusuring wika ay isinagawa ng mga mag-aaral sa paaralang gradwado, Pilipino at
Amerikano, bilang disertasyon sa Ph.D. o besis sa M.A.

Sa kasalukuyan, ang mga karunungang natutuhan ng mga Pilipino sa iba’t ibang wika sa
Pilipinas at pagkatapos ay inihahambing sa Ingles upang makatulong sa pagtuturo ng Ingles
bilang pangalawang wika ay nagagamit din nila sa paghahambing ng alinmang wika sa Pilipinas
at ng Pilipino. Ang ganitong pag-aaral ay may malaking tulong sa pagpapaunlad at
pagpapalaganap ng Pilipino.

YUNIT 2 : DEPINISYON AT KALIKASAN NG WIKA

1. Dr. Jose Panganiban: Ang wika ay paraan ng pagpapahayag ng pagkukuru-kuro at damdamin sa


pamamagitan ng mga salita upang ipakipag-unawaan sa kapwa tao. Ito ay binubuo ng mga salita,
parirala at pangungusap na may kahulugan. Nalilikha ang mga salita at isinisilang sa
pangangailangan ng sambayanan at nagtataglay ng mga kahulugang itinatatag ng mga kaugalian.
2. Lachica Veranda: Ang anumang paraan ng pakikipagtalastasan at pagpapahayag ng kaisipan at
damdamin sa pamamagitan ng mga salita upang maunawaan ng kapwa ay tinatawag na wika.
Ito’y binubuo ng
3. mga salita, parirala at pangungusap na nagtataglay ng kahulugan at kabuluhan.
4. Edward Sapir: Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga
kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kusang-loob na kaparaanan na
lumilikha ng tunog.
5. Dr. Roderick Hemphill: Ang wika ay isang masistemang kabuuan ng mga sagisag na sinasalita o
binibigkas na pinagkaisahan o kinaugalian ng isang pulutong ng mga tao at sa pamamagitan nito’t
nagkakaugnay, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib.
6. Gleason: Ang wika ay sistematikong balangkas ng isinatinig na mga tunog na pinili at isinaayos
sa pamaraang arbitraryo upang magamit sa pakikipagtalastasan ng mga taong nabibilang sa isang
kultura. Arbitraryo, samakatuwid hindi pinagtatalunan ngunit pinagkasunduang gamitin.

Batay sa katuturang ibinigay ni Gleason, masasabi na ang wika ay may tiyak na


katangian at kalikasan gaya ng mga sumusunod:

1. Ang wika ay tunog na pinili at isinaayos sa pamamaraang pinagkasunduan ng mga taong


gumagamit nito.
2. Ang wika ay paraan ng pakikipagtalastasan. Ginagamit din ang wika upang ipahayag ng mga tao
ang kanilang kaisipan, damdamin at kanilang pangangailangan.
3. Ang wika ay mga isinatinig na mga tunog. Maraming tunog sa paligid ngunit hindi lahat ng mga
tunog ay maituturing na wika. Ang mga tunog na maituturing na wika ay mga tunog na isinatinig
sa tulong ng iba-ibang sangkap na pagsasalita gaya ng dila, ngalangala, babagtingang-tinig atb.
4. Ang wika ay pantao. May mga tunog ding isinatinig ang mga hayop gaya ng kahol ng aso, unga
ng kalabaw o bilaok ng manok at iba pa ngunit ang mga ito ay hindi wika. Ang wika ay pantao at
nagagamit ito sa pagsasalin ng kultura, bukod pa roon, ito ay may sistemang tunog at kahulugan.
5. Ang wika ay hindi maihihiwalay sa kultura. Nakabatay ang wika sa kultura ng taong gumagamit
ng wika. Sa pamamagitan ng wika nagkakaugnayan sa tradisyon, kaugalian, mga mithiin,
paniniwala ang mga tao.
6. Walang wikang superior at wikang imperyor kaysa sa ibang wika. Bawat wika ay may kanya-
kanyang katangian at kalikasan.

12 | P a g e
Samantala sinabi naman ni Harold Allen ang iba pang katangian ng wika gaya ng:

1. Ang wika ay isang sistema o kaparaanan. May katangiang pagnkayarian, may kaanyuan at may
maayos na pagkakasunud-sunod.
2. Ang wika ay pabigkas. Ang tunay na wika ay wikang sinasalita; ang wikang pasulat ay
paglalarawan lamang ng wikang sinasalita.
3. Ang wika ay binubuo ng mga piling sagisag. Bawat salita ay may sariling ispeling o baybay.
4. Ang wika ay binubuo ng mga kaugalian kaya kailangan ang pagsasanay sa pagkatuto nito. Bawat
wika’y may sariling gramatikal istraktyur (ponolohiya, sintaks, semantics atbp.) at sistemang
oral-aural.
5. Ang wika ay para sa pagkakaunawaan kay kailangan ang kakayahan sa pakikinig at pagsusuri ng
nakikinig.
6. Ang wika ay dinamiko. Dahil sa buhay at dinamiko ang wika, ito ay patuloy na dumarami,
nadaragdagan at umuunlad.
7. Bawat wika ay may katangiang pansarili. Walang dalawang wikang magkatulad.
8. Ang wika ay malikhain. Taglay ng wika ang set ng mga tuntunin na makapagbubuo ng walang
hanggang pangungusap.
9. Ang wika ay patuloy nagbabago. Patuloy na lumalawak ang talasalitaan ng wika kaya kailangang
mabago rin ang alpabeto at ang sistema ng palabaybayan.
10. Ang wika ay natatangi. Ang bawat wika ay may kanyang sariling set ng mga tunog, mag yunit
panggramatika at kanyang sistema ng palaugnayan.
11. Ang wika ay hindi maihihiwalay sa kultura ng mga taong gumagamit nito.
12. Ang wika ay komunikasyon. Ang tunay na wika ay wikang sinasalita. Ang wikang pasulat ay
paglalarawan lamang ng wikang sinasalita.
13. Ang wika ay may lebel o antas: pormal o di-pormal, lingua franca, kolokyal, balbal,
edukado/malalim.
14. Ang wika ay buhay at dinamiko. Dahil sa buhay at dinamiko ang wika, ito ay patuloy na
dumarami, nararagdagan at umuunlad.
15. Ang wika ay may kapangyarihan. Taglay ng wika ang kapangyarihang lingunin ang kahapon,
itaguyod ang kasalukuyan, tanawin at planuhin ang kinabukasan. Maaari nitong baguhin ang
saloobin at pananaw ng isang indibidwal at kasunod na nito ang inaasahang pagkilos at
pagbabago.

MGA TEORYA SA PINAGMULAN NG WIKA

Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa maraming tao ang pinagmulan ng wika sa daigdig. Kung
kaya’t maraming haka-haka at paniniwala ang nabuo tungkol dito at ilan sa mga teoryang ito ay hango sa
mga bagay, sa kilos o gawi ng tao, at sa pananampalataya.

Mga Teoryang Hango sag ma Bagay sa Kapaligiran

1. TEORYANG DINGDONG – Ayon kay Max Muller, ang bawat bagay sa mundo ay may kasama
o kaugnay na tunog. Tulad ng sa kampanang “ding-dong”. Ang tunog na ito’y siyang kahulugan
ng nasabing bagay. Ngunit may kahinaan ang teoryang ito, dahil sa maraming bagay ang walang
tunog at maraming tunog ang walang katumbas na bagay.

13 | P a g e
2. TEORYANG BOW-WOW – Ayon sa palagay na ito, ginagad nga ng tao ang mga tunog na likha
ng kalikasan. Halimbawa sa hayop, ang tahol ng aso ay “bow-wow” o “kaw-kaw”. Pinag-
aalinlangan din ang teoryang ito dahil sa pagkakaiba ng dinig ng iba’t-ibang tao sa isang likas na
tunog. Halimbawa ang tak-talaok ng manok sa Tagalog ay cock-a-doodle-doo sa Ingles.

Mga Teoryang Hango sa Kilos o Gawi ng Tao

3. TEORYANG YO-HE-HO – Ayon kay D.S. Diamond, isang linggwista, ang tao ay natututong
magsalita bunga ng puwersang pisikal. Halimbawa, pangangarate-yah-yah”

4. TEORYANG POOH-POOH – Nagsasaad ito na ang tao’y lumilikha ng mga likas na tunog at
pakahulugan sa mga tunog na ito. Sinasabing ito’y magsisimula sa silakbo ng damdamin o sa
pagbulalas ng pagtataka, takot, galak, sakit at iba pa. ito’y kalimitang katambal ng teoryang
“sing-song” na nagpapalagay na ang wika’y buhat sa di-mawatasang pag-awit ng mga kauna-
unahang tao.

5. TEORYANG YUM-YUM – Ito’y nagsasaad na ang tao ay tutugon sa pamamagitan ng


pagkumpas sa alinmang bagay na nangangailangan ng aksyon. Ang bahagi ng pagtugong ito ay
ginagawa sa pamamagitan ng bibig ayon sa pagkakaprusisyon ng dila sa guwang ng bibig. Ang
mga ito’y pagbabawas ng mga orihinal na pagkumpas ng tao na ginagamitan ng iba’t ibang
bahagi ng katawan.

6. TEORYANG TA-TA – Ayon kay Richard Piaget, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na
kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginagawa ng dila at nagiging sanhi ng
pagkatubo ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y magsalita. Halimbawa, galing sa salitang
Pranses na nangangahulugang “paalam o goodbye” na katulad na pagbaba nat pagtaas ng kamay,
gayundin ang nangyayari sa dila kapag binibigkas ang salitang ta-ta.

7. TEORYANG MUWESTRA – naniniwala na ang pagsasalita ay nauuna sa pamumuwesto at ang


sentro ng utak na kumokontrol sa paggalaw at pagsasalita ay magkalapit at magkakaugnay kaya’t
magkasabay na nagmumuwesto at nagsasalita ang tao.

8. TEORYANG TA-RA-RA-BOOM-D-AY – pinaniniwalaang ang wika ng tao ay nag-ugat sa mga


tunog na nililikha sa mga ritwal at sa kalauna’y nagpabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang
kahulugan. Sinasabing kaakibat ng ritwal na ito ay ang pagsasayaw, pagsigaw at incantation o
mga bulong. Halimbawa, pagsamba sa mga anito – “Aham! Aham!

9. TEORYANG SING-SONG – Ayon sa Danish na linggwistang si Jesperson, ang wika ay buhat sa


di-mawatasang pag-awit ng gma kauna-unahang tao. Karaniwang may melodiya at tono ang pag-
usal ng unang mga tao sa mundo. Halimbawa paghimno o paghimig.

10. TEORYANG PAKIKISALAMUHA – Ayon sa linggwistang si Revesz, ang wika ay nanggaling


sa likas na pangangailangan ng tao na makisalamuha sa kanyang kapwa. Ang wika ay
nagmumula sa mga tunog na tumutukoy sa pagkakaroon ng pagkakakilanlan. Halimbawa,
“Nandito ako!” (Here I am!) with you!) Maari ring lumikha ng wika kung natatakot, nagagalit, at
humihingi ng tulong (Help me!). Mas kilala ang teoryang ito na TEORYANG KONTAK.

Teoryang Hango sa Pananampalataya


14 | P a g e
11. TEORYANG BIBLIKAL – sa BANAL NA AKLAT (Genesis 11:1-9) isinasaad kung paano
lumaganap ang wika:

“Pagkatapos ng delubyo ang mga angkang nagmula kay Noah ay dumami nang dumami
at lumaganap pagawing silangan. Noong panahong iyon ay iisang wika lamang ang sinasalita ng
lahat ng tao. Sa patuloy na paghahanap ng tao ng mabuting pook na mapanirahan ay natuklasan
nila ang lupain ng Babilonya. Doon sila nagsimulang magtatag ng isang lunsod. Nagsimula rin
silang magtayo ng isang napakataas na templong-bone na halos umabot sa langit, wika nga. Ang
nasabing templong-tore ay isang bantayog na sumasagisag sa kanilang palalo at walang hanggang
paghahangad.
Nang bumaba sa kalupaan ang Diyos ay nakita Niya ang templong-boreng itinayo ng
mga tao. Inisip niya na kung patuloy na magkakaroon ng isang wika ang mga tao, sila ay
mananatiling magkakaisa at maaaring dumating ang panahon na wala nang maging katapusan ang
kanilang pagiging labis na mapaghangad. Ang nasabing bone ay palatandaan ng palalong
paghahangad ng mga tao an mapalapit sa Diyos, at sa dakong huli’y mapantayan at malampasan
ang Kanyang Kapangyarihan.

Kaya, ang ginawa ng Diyos ay binigyan Niya ang mga tao ng iba’t ibang wika upang
sila’y hindi magkaunawaan. Nang hindi na magkakaunawaan ang mga tao ay nagsimula na silang
magkawatak-watak at kumalat sa buong daigdig. Ang lunsod at templong bone na kanilang
itinayo, mula noon ay nakilala sa tawag na Tore ng Babel, na ang ibig sabihin ay Tower of
Confusion.”

Teoryang Hango sa Alamat

12. KUWENTO sa MATANDANG KAHARIAN NG EHIPTO – Ayon sa hari ng Ehipto noong


unang panahon, si Psamitichus: ang wika ay sadyang natutuhan kahit walang nagtuturo o
naririnig. Upang mapatunayan niya ito, nagpakuha siya ng dalawang sanggol at pinaalagaan ang
mga ito sa malayong pook na walang maririnig na salita ng tao. Layunin ng hari na malaman
kung anong wika ang matutuhan ng mga bata. Ang unang nabigkas diumano ng dalawang bata ay
ang salitang “bekos”, isang salita sa wikang Phyrgian (isa na ngayong patay na matandang
wikang Indo-Europeo) na ang ibig sabihin ay tinapay.

Hango sa palagay ng mga paham at pilosopo

1. Sa sariling pag-aaral na isinagawa ni Charles Darwin na nasaad sa aklat ni Lioberman (1975) na


may pamagat na “On The Origin Of Language”, sinabi niyang ang pakikipagsapalaran ng tao
para mabuhay ang nagturo sa kanya upang makalikha ng iba’t ibang wika.

2. Ayon naman kay Plato, isang Greek philosopher, ang wika ay nabuo ayon sa batas ng
pangangailangan at may mahiwagang kaugnayan at kalikasan ang mga bagay at ang mga
kinakatawan nito. Idinagdag niyang ang wika’y tulad ng iba’t ibang saling angkan na maaaring

15 | P a g e
magsimula sa simple hangglang maging malawak ito. Sa pagdaan ng panahon, ito’y nagdaraan sa
maraming pagbabago hanggang sa mapalago at maliwanag na naiintindihan.

3. Para kay Rene Descartes, isang pilosopong Pranses at matematisyan, ang wika ang nagpapatunay
na ang tao ay kakaiba. Ang mga hayop ay maaaring nakaiintindi ngunit di-katulad ng kalawakan
ng isip at pang-unawa ng tao. Sa kanyang pagmamasid, maaaring kausapin ng tao ang hayop
subalit kailanman hindi maaaring kausapin ng hayop ang tao. Patunay pa rin ito na nakahihigit
ang tao sa alinmang hayop.

4. May paniniwala ring ang kauna-unahang wikang ginagamit sa daigdig ay ang lenggwahe ng mga
Aramean. Sila ang mga sinaunang taong nanirahan sa Syria (Aram) at Mesopotamia. Tinatawag
na Aramaic ang kanilang wika.

5. Ang wikang Aramaic na nabibilang sa angkan ng pamilya ng Afro-Asiatic – timog ng Africa at


hilaga-kanluran ng Asya at kasama sa pangkat ng Semitic – ang lenggwahe na ginamit ni
Hesukristo at ng kanyang mga desipulo. Sa wikang ito isinulat ang unang bibliya.

6. Hanggang sa dumating ang kahalatian ng ika-8 ng siglo, ipinalagay na ang lahat ng lenggwahe’y
nagmula sa Hebrew, ang orihinal na wika ng Bibliya. Noong 1767, isang paring Heswitang
Pranses, si Padre Gaston Laurent Coeurdoux, ang nagpahayag ng pagkakatulad ng Sanskrito at
ang lenggwaheng Europeo.

YUNIT 4: WIKANG FILIPINO: KAHUL


UGAN AT KAKANYAHAN

KAHULUGAN NG WIKANG FILIPINO

1. Ang WIkang Filipino ay tumutukoy sa wikang pambansa na may bukas na pinto sa pagpasok ng
lahat ng mga salita at pariralang maaaring manggaling sa mga kapatid na katutubong wika sa
Pilipinas at sa mga ibang wikang banyagang may impluho sa kaugalian at kabuhayang bansa ng
mga Pilipino.

2. Ang Filipino ay katutubong wika na ginagamit ng buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon
ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay ang Filipino ay dumaraan sa proseso
ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram ng mga wika sa Pilipinas at sa mga katutubong
wika para sa iba’t ibang saligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at iskolaring
pagpapahayag. (Resolusyon 1-96 ng Komisyon sa Wikang Filipino).

3. Ang wika ay kaluluwa ng bayan… samantalang ang isang baya’y nag-iingat ng kanyang wika, ay
angking niya ang sagisag ng kanyang kalayaan, katulad din naman ng pag-aangkin ng tao ng
kanyang pagsasarili habang iniingatan ang sariling pagkukuru-kuro. Ang wika ay siyang diwa ng
bayan. (Gat Jose Rizal).

PAGKAKAIBA NG TAGALOG, PILIPINO AT FILIPINO

16 | P a g e
1. Ang Tagalog ay wikang ginagamit sa Katagalugan: Bulacan, Laguna, Nueva Ecija, Quezon at
kalakhang Manila. Ito ang pinagbatayan n gating wikang pambansa na tinawag na Pilipino.
2. Ang Pilipino ay nagsisilbing nukleo ng ating bagong Wikang Pambansa na tinagurian ngayong
Filipino, ang binanggit sa ating Konstitusyon.
3. Ang Filipino ay isang wikang pinakapalasak na may likas na katangiang nakahandang manghiram
tumanggap at umangkat ng mga salita at pahayag buhat sa mga banyagang wika tulad ng Kastila,
Ingles, Latin, Italyano at marami pang iba, gayon din ang mga likas na wika ng bansa.

Sa ibaba ay mga halimbawa ng mga salitang Tagalog na hindi na karaniwang nagagamit at sa


halip ay natumbasan na sa Filipino:

Tagalog Filipino
Durungawan……………………bintana
Kabatas ………………………….Pulis
Sapin sa paa……………………tsinelas
Hapag ……………………………mesa
Pinuno……………………………lider
Patnugot ……………………….Editor
Yeso ………………………………tsok

ANG KATANGIAN NG WIKANG FILIPINO

1. Katutubo ang wikang Filipino, atin ito at hindi hiram. Ito ang midyum ng komunikasyon na
ginagamit ng mga Pilipinong may kani-kaniyang katutubong wika upang magkaintindihan.
2. Buhay at dinamiko ang wikang Filipino. Nabuo at patuloy ito nabubuo sa tulong ng mga
katutubong wika ng mga Pilipinong gumagamit nito, gayundin ng mga banyagang wikang naka-
impluwensya rito sa pagdaan ng panahon.
3. Pagkat katutubo nakabase ito sa mga magkakatulad na katangian ng mga wika ng iba’t ibang
etnolinggwistikong grupo ng bansa na nagkaroon ng aktibong interaksyon. Napatunayan ng
napakaraming pag-aaral ang pagkakatulad ng mga interaksyon. Napatunayan ng napakaraming
pag-aaral ang pagkakatulad ng mga wikang ito sa lebel ng ponolohiya, morpolohya, at sintaks.
4. Pagkat buhay at dinamiko, patuloy itong umuunlad at nagbabago lalo na sa lebel ng leksikon
(bokabularyo). Bunga nito’y nagkaroon ng iba’t ibang barayti at rehistro sa Filipino: rehiyunal,
impormal, pang-akademiko, atbp.

PINAGMULAN NG WIKANG FILIPINO

1. Ang Filipino ay isang wikang batay sa Tagalog, na pinasukan ng mga karanasang pambansa ng
mga Filipino, at ng impluhong pandaigdig.
1.1
1.2 Ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban ang posibleng pakahulugan sa Pilipino ay binubuo ng
dalawang salita: pili (Malay) at pino (Kastila) ang dati’y phylos at hippo.
1.3 Ang karanasang pambansa ay nag-aambag ng ma salitang mula sa mga kaugaliang sosyal
(panlipunan), ekonomiya (pangkabuhayan) pulitika at anumang kaugnayan sa loob ng
bansa.
1.4 Ang mga salitang sa impluhong pandaigdig ay nagdaraan sa mga telebisyon, radio,
pahayagan, magasin, at anumang komunikasyong pang-internasyunal an kinasasangkutan
ng mga Pilipino.

17 | P a g e
2. Ang mga wikang Bicol, Kapampangan, Ibanag, Hiligaynon, Ilokano, Ibatan, Maguindanao,
Sebwano, Tausug atbp. Ay pawing mga salitang nasa Tagalog, kundi man magkatulad ay
kasingkahulugan at kaanyo at kahambing. (May ilang kaanyo subalit magkaiba ng kahulugan).

2.1 Ayon sa mga mananaliksik may dalawang libong Bicolano, limang libong Kapampangan,
tatlong libo at walong daang Hiligaynon, isang libo at walong daang Ilokano, tatlong libo at
limang daang Sebuwano, dalawang libo at limang daang Sebuwano, dalawang libo at
limang daang Samar-Leyte ang anpuna at napansing gamit ng Tagalog. Mahirap matunton
kung Tagalog ang nanghiram o pinaghiraman. Ang masasabing kongklusyon ay ang
pagkamagkakapatid ng mga wikang ito,
2.2 Bagamat sinasabing ang Pilipino ay batay sa Tagalog, maaaring sabihing may mga salitang
Tagalog na hindi na kakailanganing gamitin ng Pilipino, tulad ng mga salitang balbal
(slang) at lalawiganin.

3. Ang impluwensya ng Intsik sa lahat ng mga wikang Pilipino ay totoong mabigat mula sa mga
Kantones at Makaw sa larangan ng opisyo, paghahalaman, kalakal, pagkain atbp. Kakaunti ang
galing sa Mandarin na pinakawikang pambansa ng Tsina.
4. Ang impluho ng wikang Kastila at Ingles ay nasasapian ng mga salitang mula sa wikang Indo-
Europeo. Ang Kastila, Pranses at Italyano, ay mga wikang mula sa Latino-Romano. Ang Ingles
naman ay inuring Anglo-Sahon, katutubo sa Inglatera.
5. Maraming salitang Indones na nasa wikang katutubo sa Pilipino ay sinasabing mula sa Kawi at
Santokristo na nasasapian ng Arabe at Presyano.
5.1 Maraming salitang Arabe at Persyano na tuwirang sumapi sa mga pulo ng Pilipinas sa
pamamagitan ng komersyo at ng mga misyong pananampalataya.

ANG PAGKAKAHAWIG NG MGA WIKA SA PILIPINAS

Ang pagkakahawig ng mga wika sa Pilipinas ay matagal nang napatunayan. Makikita ito sa mga
salitang tumutukoy sa pinaka-basic na bahagi ng pamumuhay tulad halimbawa ng pagbibilang.
Sa pagbibilang halimbawa ng 1-10 pansinin ang malaking pagkakahawig ng mga pagbilang sa
Cebuano at sa Tagalog: isa, duha, tulo, upat, lima, unum, pito, walo, siyam, kapulo.
Ang dalaga ay may ganitong anyo sa ibang mga wika sa Pilipinas: daga, raga, dayaga. Maraming
salitang ang kadalasang nababago lamang ang mga o at i: tanim, tanom, kain, kaon; tindig, tindog, buwan,
bulan.
Halimbawa ng mga salitang magkakatulad, magkakahawig at magkakasingkahulugan sa
maraming wika sa Pilipinas: abo, anay, anting-anting, alipin, apoy, araw, babae, basa, bato, buhok,
kalabaw, dalaga, dila, gunting, gulang, halaga, ina, inom, mata, niyog atbp.
Mula sa artikulong “Bearing The Gift Of Tongues” ni Constantino Terejo na nalathala sa Sunday
Inquirer Magazine Sept. 9, 1990 vol. 5 No. 28 p. 14 ang mga sumusunod na impormasyon:

Batay sa isang libong salitang Tagalog na pinili sa dahilan sad alas ng gamit at kaugnayan sa
pinakamalapit na katumbas sa limang iba pang malalaking wika sa Pilipinas:

Ang Tagalog ay 60% kogneyt ng Pampango; 48% kogneyt ng Cebuano, 47% kogneyt ng
Hiligaynon, 40% kogneyt ng Ilokano.

Ang hiligaynbon ay 76% kogneyt ng Cebuano, 55% kogneyt ng Bicolano; 27% kogneyt sa
Pampango at 17% kogneyt ng Ilokano.

18 | P a g e
Ang Ilokano ay 20% kogneyt ng Bicolano, 25% kogneyt ng Pampango. Ang Pampango ay 45%
kogneyt ng Bicolano.

Resulta ng Pag-aaral ni Dr. Ernesto Constantino

Batay sa pananaliksik (100 wika at 400 dayalik) na ginawa ni Dr. E. Constantino, inilarawan niya
ang mga katangian ng mga wikang ito at ang mga gamit nila sa pakikipagtalastasan ng mga Pilipino sa
isa’t isa. Sang-ayon sa kanya, magkakatulad ang mga wikang ito sa morpolohya at sintatika kaya’t
maaaring magkaroon gn isang unibersal na grammar at isang unibersal na diksyunari para sa lahat ng
wikang ito.

Sang-ayon pa rin sa kanya, may mga karakteristik ang ating mga wika at ang mga gamit nila sa
pakikipagkomunikasyon ng Pilipino sa isa’t isa.Maraming pagkakaiba sa tunog, salita, pangungusap at
ispeling. May mga wikang gumagamit ng “ay” sa pagitan ng subject at predicate, may mga wikang
gumagamit ng partikel at may mga wikang gumagamit ng letrang o, q, j at x sa ispeling ng mga
ordinaryong salita at may mga wikang hindi gumagamit ng mga letrang ito.

Subalit ayon na rin kay Dr. Constantino, sa morpoloji, lahat ng mga wika natin ay gumagamit ng
panlapi at isang salitang-ugat o stem, pag-uulit ng buong ugat o istem o ng unang parte nito; at ang
pagsasama-sama ng dalawang ugat o istem. Ang lahat ng mga wika natin ay may mga panlaping
ginagamit sa pagbuo ng mga verb, adjective, at noun. Maliban sa Chavacano, ang bawat verb ay binubuo
ng isang salitang-ugat o istem na may panlaping verbal. At lahat ng mga wika ay may salitang katumbas
ng salitang kwan o ano ng Tagalog na maaaring ipalit sa anumang salitang tumutukoy ng tao, hayop,
bagay, lugar, pangalan, aksyon, panahon, katangian atbp. Na hindi masabi o ayaw sabihin nang lantaran.

Batay sa resulta ng kanilang pag-aaral sinabi ni Dr. Constantino na nakita nilang maaaring
gumawa ng isang unibersal na grammar at unibersal na diksyunari para sa pagdebelop ng wikang
Filipino.

Pinatunayan sa pag-aaral na ito ang pagkakaugat ng isandaang wika sa Pilipinas mula sa pinag-
ugatang wika nit: ang Malayo Polinesyo.

Katulad ng magkakapatid na nahiwa-hiwalay nang magkaroon ng sari-sariling pamilya at


tumahak sa kani-kanilang pamumuhay, ang mga wika at wikain sa Pilipinas ay nagkaroon ng kani-
kanilang sariling anyo at hugis bagamat hawig pa rin.

KASAYSAYAN NG MGA SALITANG HIRAM

1. Ayon sa pananaliksik ni Dr. Jose Villa Panganiban, ang Filipino, wikang pambansang batay sa
Tagalog, ay binubuo ng humigit-kumulang ng palibut-libot sa 50,000 salitang-ugat (kasama pati
ang hiram) at 700 panlapi. Kaya kung tatayahing mga 100 panlapi ang promedyong bilang na
magagamit sa bawat ugat, ang talasalitaan ng wikang Filipino ay maaaring makaabot sa
3,000,000 salita. Ang 3,200 nito ay galing sa wikang Malayo-Indonesia, 1,500 sa Intsik, 5,000 sa
Kastila, 2,000 sa Ingles mga 500 pasok sa kasalukuyan ng mga ibang wikain sa Pilipinas at mga
500 din mula sa ibang wika sa daigdig, dala ng mga magasin, pahayagan, telebisyon, radio,
propaganda at anumang komunikasyon internasyunal na kinasasangkutan ng mga Pilipino.

19 | P a g e
2. Ang mga salitang Malay ay gaya ng: agad, agimat, apat, apaw, asin, awa, babad, balse, bulok,
bumbon, laot, laya, mahal, manok, mangga, mata, nuno, nakaw, niyog, pait, pako, pilak, pipit,
pusa, pukol, talong, tangan, utang, utos, wika, atbp.

3. Ang mga salitang Arabe ay tulad ng: alam, asal, bakas, bibig, kalan, dalamhati, ingat, ginawa,
hamak, hukom, lagnat, paham, salamat, atbp.

4. Mga salitang Sanskrito ang alak, anyaya, araw, bahagya, balaraw, budhi, kalapit, daya, diwata,
tala, gadya (elepante), halaga, hiwaga, lakan, lahi, lambitin, luhod, mithi, mukha, paksa, pata,
atbp.

5. Nakarating sa ating kapuluan ang wikang Amoy ng lalawigang Fookien at wikang Kantones ng
lalawigang Makaw, sa pakikipagkalakalan sa mga Intsik. Tulad ng mga salitang ate, aso, bakya,
bulanglang (bu ‘wala’, langlang ‘rekado’ without spice), bayaw, bataw, banga, kampit, katig,
kilig, kimbot, dinig, diko, kapi, ginto, gusi, hakab, hamon, hapay, hibo, hili, himlay, hingalo,
hingal, hipon, impo, impok, laglag, lagpak, lampa, lansa, liham, lugi, lura, madyong, nanay,
pakyaw, pakpak, patlang, ubo, suka, sisi, sitaw, suksok, suklay, tampok, tatay, udyok, upo, walay,
wili, atbp.
6. Ang impluwensya ng Intsik ay totoong mabigat mula sa mga Kantones at Makaw sa larangan ng
kalakal, pagkain atbp. Halimbawa: siopao, mami, pansit canton, siomai, lumpia, (shanghai), ate,
ditse, kuya, diko, gusi, bakya, madyong, susi, atbp.
7. Nagkaroon ng malaking impluwensya ang wikang Kastila sa larangan ng edukasyon, relihiyon,
hanapbuhay, paggawa, atbp. Noong ika-16 ng dantaon nang sapitin nila ang ating kapuluan. Sa
mga salitang hiram sa Kastila ay karaniwan na ang katawagan sa kasuutan, kagamitan sa tahanan,
sa bakuran, salitang pampaaralan at pansimbahan. Gaya ng pantaloon, kamiseta, terno, bestida,
medyas, sombrero, tuwalya, baso, kaldero, kutsara, kubo, kariton, araro, kampo, asarol, kolehiyo,
unibersidad, maestro, klase, kwaderno, lapis, katedral, dasal, santo, misa, kasal, krus, bibliya,
kumunyon, sermon, ostiya, altar, rosaryo, nobela, atbp.
8. Nakaabot din sa ating kapuluan ang mga salitang Latin sa pamamagitan ng Kastila. Tulad ng
tonsil, apidabit, beto, bakterya, auditorium, tumor, dogma, atbp. Gayundin ang mga salitang
Mehikano na yaya, adobo, Bangka, kita (earnings), kamote, pantalan, peso, panutsa, pera, piseta,
cacao, atsuwete, sayote, papaya, palengke, atbp.
9. Sa mga salitang hiram sa wikang Ingles ay pinakapalasak ang salitang basket, rises, iskor, badyet,
report, record, seks, basketbol, beisbol, elebeytor, Kodak, komiks, ispiker, dyanitor, miting, atbp.
10. May malaking impluwensya na rin sa ating wika ang mga salitang internasyunal at tinatanggap sa
pambansang talasalitaan ng wikang Pilipino. Gaya ng astronaut at radar ng Amerika, apartheid
(segne-gation) ng Aprika; bodka, isputnik, lunik, kosmonaut ng Rusya: geisha, harakini,
kamikaze, karate, katakana, suriyaki (Japanese dish of noodles, chicken and beaten fresh eggs)
sayonara, haiku, Toyota, komatsu ng Hapones. Sa Italyano naman galing ang salitang spaghetti,
papa pikolino, macaroni, opera, piyano, groto.
11. Narito ang iba pang halimbawa ng mga salitang hiniram natin sa mga wikang dayuhan: Griyego:
telepono, helicopter, diploma
Ebreo: Sabado, satanas, rabi (rabbi)
Indiyan: semester, seminar, hamburger
Hindustani: guro, bandana, padyama, shampoo, sari-sari
Pranses: cabaret, tsalet, prinsipe, prinsesa, tsalet
Arabic: alcohol, kendi, magasin, algebra

PRINSIPAL NA ANGKAN NG WIKA SA PILIPINAS


20 | P a g e
In

LA GRI AL PR

KASTI INGLE

Bi Lu As A

PILIPIN B
L B O

Min A Eur

MALAYO -

Ka H

Sa Ar

Kan In

21 | P a g e
PINAGMULANG WIKA NG WIKANG FILIPINO

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa daigdig na binubuo ng napakaraming pulo (7,107 pulo) at
mga kabundukan kung kayat napakaraming wika at wikaing matatagpuan dito. Ayon kay Dr. Ernesto
Constantino, isang dalubwikang Pilipino na nanaliksik sa larangang ito, may mahigit sa 100 wika at 400
wikaing matatagpuan sa Pilipinas. Ang kalagayang kapuluan ng Pilipinas ang masasabing siyang pisikal
na sagabal sa pagkakaroon ng iisang wika. Sa pagkakaroon ng iba’t ibang wikain natural ding maging
magkakaiba ang mga naninirahan dito.

 Ang Pilipinas ay nabibilang sa pamilyang wikang Indonesyo -Polinesyo.


 Walo ang pangunahing wika sa Pilipinas (batay sa dami ng mga nagsasalita nito): Ilokano,
Pangasinan, Kapampangan, Tagalog, Cebuano, Bicol, Samar-Leyte (Waray) at Hiligaynon.
 Ang mga hindi pangunahing wika ay maaaring hatiin sa wikang Muslim (tulad ng Maranao,
Tausug, Magindanao) at di-Muslim (tulad ng Igorot, Manobo)
 Sa kabila ng pagkakahawig ng mga wika sa Pilipinas, malaki pa rin ang problema kaugnay ng
wika. Hindi lamang linggwistika ang problema, kundi higit na sosyolohikal at sikolohikal. Ito ang
problema ng pagtanggap ng isang katutubong wika bilang wikang pambansa at wikang panturo.

PANAHON NG KATUTUBO

Marunong sumulat at bumasa ang mga katutubo. May sinusunod silang pamamaraan ng pagsulat
na tinatawag na Alibata at Sanskrito na kahawig ng sulat-Arabico.

PANAHON NG KASTILA

Ang mga prayle ang siyang nag-aral ng iba’t ibang wika sa Pilipinas upang makausap nila at
maturuan ng relihiyong Kristiyano ang mga tao. Sa pangyayaring ito ay nakaambag nang malaki ang mga
unang kolonisador na Kastila sa panitikan ng Pilipinas. Ito ay ang:

 Romanisasyon ng Alibata o Baybayin


 Pagkakasulat ng aklat gramatika ng iba’t ibang wika sa Pilipinas, halimbawa:
 “Arbe Y Vocabulario de la Lengua Tagala” ni P. Juan de Quinones (1951)
 “Arbe Y Reglas de la Lengua Tagala” ni P. Francisco Blancas de San Jose O.P. Nilimbag
ni Tomas Pinpin (1610) – Ama ng Lumbagang Pilipino.
 “Arbe de la Lengua Tagala” ni P. Gaspar de San Agustin (1703)
 Nauukol sa talasalitaan:
 “Vocabulario de la Lengua Tagala” ni P. San Buenaventura (1613)
 “Vocabulario de la Lengua Tagala” nina P. Juan de Noceda at P. Pedro de San Lucar
(1754)
 “Nuevo Diccionario Manual Espanol-Tagala” ni Rosalio Serrano

Ang pananakop sa pamamagitan ng paghihiwa-hiwalay at pagbubukud-bukod sa mga Pilipino ay


isinakatuparan ng mga prayle sa pamamagitan ng pag-aaral nila ng mga wikang katutubo sa halip na ituro
ang wikang wikang kastila. Narito ang iba pang dahilan kung bakit nais ng mga prayle na pag-aralan ang
wikang katutubo at gamitin ito sa pagpapalaganap ng relihiyon:
22 | P a g e
o Gusto ng mga prayle na manatili sa kanila ang pamahalaan. Ang mga prayle ang mga
inspektor at superbisor ng mga paaralan sapagkat sila ang nakaalam ng wika ng mga
katutubo.
o Dahil sa lumalakas ang kilusang liberal sa Espanya, nasuri ng mga prayle na higit na
makabubuti para sa kanila kung hindi matuto ng wikang Kastila ang mga Pilipino at hindi
makapagpahayag ang mga ito sa pamahalaan.
o Ang kaalaman sa wikang Kastila ay makahihikayat ng pag-aalsa sa panig ng mamamayan
sapagkat mauunawaan nila ang mga batas ng pamahalaan.
o Malakas ang paniniwala ng mga prayle sa kanilang sarili na sila’y superior sa mga
Pilipino kung kayat kapag natuto ang mga Pilipino ng wikang Kastila ay mapapantayan
na sila ng mga ito. Iyon ang hindi nila matatanggap.

PANAHON NG KILUSANG PROPAGANDA:


Ang Pagpukaw sa Pagkakaroon ng Wikang Komon
Sa loob ng panahon ng pagsakop ng mga Kastila sa Pilipinas, walang anumang pagkilos na
ginawa o pagtatangka man lamang na mapalaganap ang isang wikang katutubong magiging wikang
komon sa pakikipagtalastasan. Higit na pinili ng mga Pilipino noon ang gumawa ng hakbang upang ituro
sa kanila ang wikang Kastila na hindi naman isinakatuparan ng mga Kastila. Pinuri pa ni Rizal ang mga
kababaihang taga-Malolos sa pagnanais nilang maipaturo ang wikang Kastila.

Mga Kadahilahan:

o Walang isang katutubong wikang maaaring maging midyum ng komunikasyon ng mga


mamamayan sa kalahatan.
o Ang wikang Kastila ay inaasahang itataguyod ng mga mamamayan sapagkat ito ang wika
ng mga nakarating sa mataas na pag-aaral at siyang wika ng pamahalaan.
o Karamihan sa mga nagtataguyod nito ay ang mga propagandistang tulad nina Rizal at ng
mga ilustradong nakapag-aral sa Espanya.
o Ang mga karaniwang mamamayan ay walang naisip tungkol sa pagkakaroon ng wikang
komon sapagkat nagkakaunawaan sila sa pamayanang kinaroroonan nila at ang mga
prayle ay nagsisipag-aral ng kanilang wika at ipinagbabawal ang pagpapalipat-lipat ng
pook dahil sa patakaran ng enkomyenda.

PANAHON NG KIMAGSIKAN:
Mga Unang Hakbang sa Pagtataguyod ng Wikang TAGALOG

o Ginamit ni Andres Bonifacio ang wikang Tagalog sa kanilang mga kautusan at


pahayagan sa KATIPUNAN. Naging mabisa ang wikang ito sa pamamahayag ng mga
Katipunero.
o Noong pagtibayin ang Konstitusyon ng Biak Na Bato (1899) ang ginawang wikang
opisyal ng Republika ay ang Tagalog.

23 | P a g e
PANAHON NG AMERIKANO

Ang interes sa wikang Ingles ng mga Amerikano sa Pilipinas ay dapat iugnay sa kanilang interes
sa Pilipinas bilang kolonya. Ang Pilipinas ay mahalaga bilang base military at komersyal ng Amerika.

Makikita sa Act 74 ng Philippine Commission (1901) ang ganitong patakaran: “Ang wikang
Ingles ay magiging batayan ng pagtuturo sa lahat ng paaralang pampubliko at ang mga sundalo ang siya
munang magiging mga instructor…”

Kasabay ng paggamit ng Wikang Ingles bilang wikang panturo, itinuro naman ang kasaysayan ng
Amerika, ang literaturang Ingles, mga ideyal at kaugaliang Americano, ang istruktura at prinsipyo ng
pamahalaang Americano at ang mga kaalaman sa heograpiya ng America.

Mga Dahilan ng paggamit ng Ingles:

 Pagkakaroon ng maraming bernakular ng wika at ang kawalan ng isang komon na wikang


maaaring gamitin ng mga Pilipino.
 Magiging magastos kung maraming wika ang gagamitin na wikang panturo.
 Sa panig ng mga Pilipino, makikita rin ang kanilang kagustuhan na matuto ng wikang Ingles.

Mga kinalabasan ng pagtuturo sa wikang Ingles ayon sa mga isinagawang sarbey nina Saleeby
(1924) at Monroe (1924) ng Educational Survey Commission:

 Ang edukasyon ng mga Pilipino sa lahat ng antas ay nahahadlangan sapagkat ang mga estudyante
ay hindi makabasa at makapagsalitang mabuti.
 Napatunayan din sa isang pagsusulit na hindi ginagamit ng Ingles na nakahihigit na ang mga
mag-aaral na Pilipino sa mga mag-aaral na Amerikano.

Kaya ang mga nagtataguyod ng bernakular ay ganito ang mga ipinahayag:

 Walumpung porsyento ng mag-aaral ang nakaabot ng hanggang ikaapat na grado… kaya isang
pagsasayang lamang ng panahon at pera ang pagtuturo sa kanila ng Ingles na walang kinalaman
sa kanilang sosyal at praktikal na pamumuhay.
 Kailangang maging malaman ang pagtuturo sa primary at ito’y maibibigay lamang kung
bernakular ang gagamiting wikang panturo.
 Kung talagang kailangan ang paglinangin ng wikang komon sa Pilipinas higit na medaling
linangin ang Tagalog kaysa sa Ingles.
 Hindi nagkakatugma ang paglinang ng Ingles bilang wikang Pambansa ng Pilipinas sa
nasyonalismong Pilipino.

MGA BATAS, KAUTUSAN, MEMORNADUM AT SIRKULAR


NA MAY KINALAMAN SA WIKANG PAMBANSA

24 | P a g e
 Artikulo 14, Pangkat 3 ng Konstitusyon (1935) – “…ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang
tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa na ibabatay sa isa sa umiiral na katutubong
wika.”

 Batas ng Komonwelt Blg. 184 (1936) – Lumikha ng isang lupon (Surian Ng Wikang Pambansa)
at itinakda ang mga kapangyarihan nito kabilang sa pagpili isang katutubong wika na siyang
pagbabatayan ng wikang pambansa.

 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (1937) – Ipinahahayag na ang Tagalog ay siyang magiging
batayan ng wikang pambansa ng Pilipinas.

 Batas Komonwelt Blg. 570 (1946) – Pinagtibay na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay maging
isa sa mga wikang opisyal ng Pilipinas.

 Proklama Blg. 186 (1955) – Pagdiriwang ng Linggo ng Wika simula ika-13 hanggang ika – 19 ng
Agosto taun-taon.

 Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 s. 1959 – kailanma’t tinutukoy ang wikang pambansa, ang
salitang Pilipino ay siyang itatawag.

 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60 s. 1963 – Awitin ang Pambansang Awit sa titik nitong
Filipino.

 Kautusang Pangpagawaran Blg. 25 s. 1974 – Nagtatakda ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng


patakarang Edukasyong Bilingwal.

 Memorandum Pangkagawaran Blg. 194 s. 1976 – Mga bagong tuntunin sa ortograpiyang


Filipino.

 Kautusang pangkagawaran Blg. 22, s. 1987 – Paggamit ng “Filipino” sa pagtukoy sa wikang


pambansa ng Pilipinas.

 Kautusang Pangkagawaran Blg. 81, s. 1987 – Ang Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang
Filipino.

 Kautusang Pangkagawaran Blg. 21 (1990) – Iniutos ni kalihim Isidro Carino na gamitin ang
wikang Filipino sa pagbigkas ng panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas at sa bayan natin.

 Proklama Blg. 1041 (1997) – Nilagdaan at ipinalalabas ng Pangulong Fidel V. Ramos na


ipagdiwang ang Buwan ng Wikang Filipino taun-taon sa iba’t ibang sangay at tanggapan ng

 pamahalaan at sa mga paaralan.

 Primer Sa Revision ng Orotgrafiyang Filipino (2001) – Inilabas ng Komisyon ng Wikang Filipino


ang Revisyon sa mga Tuntunin ng Orotgrafiyang Filipino tungo sa istandardisasyon at
intelektwalisasyon ng wikang pambansa.
25 | P a g e
KARTILYA PARA SA WIKANG FILIPINO

ANG PATAKARANG EDUKASYONG BILINGGWAL

 Ang edukasyong bilinggwal ay paggamit ng dalawang wika sa pagtuturo ng mga asignatura sa


paaralan. Sa Pilipinas ang ating edukasyong bilinggwal ay ang magkahiwalay na gamit ng
Filipino at Ingles bilang mga wikang panturo sa mga tiyak na asignatura sa paaralan sa
kapantayang elementarya, sekundarya at tersyarya.
 Filipino ang gagamiting wikang panturo sa mga asignaturang Araling Panlipinan, Edukasyong
Panggawain, Edukasyong Pangkalusugan,

1. Ano ang wikang Filipino?

 Ayon sa Sek. 2.2.1 ng Patakaran sa Wika ng Unibersidad ng Pilipinas:


“Ang filipino ay siyang pambansang lingua franca, ang wikang nabuo sa pag-
uugnayan ng mga Filipino na nagsasalita ng iba’t ibang wikang panrehiyon.

“Ang pambansang lingua franca na ito ay naglalarawan ng magkakaibang


katutubong kalinangan at n gating mayamang pangkasaysayang karanasan bilang lahi.”
“Bilang isang mithiin, ang Filipino ay matatag sumusulong bilang tagapagsalita n
gating pambansang kaluluwa.”

 Ayon naman sa Resolusyon Bilang 1-92 na pinagtibay ng Komisyon sa Wikang Filipino


(Mayo 13, 1992): Ito ay katutubong wika, pasalita at pasulat sa Metro Manila at sa iba
pang sentrong urban na archipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga
etnikong grupo. Katulad ng alinmang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso
ng paglinang sa pamamagitan ng ma panghihiram sa ma wika ng Pilipinas at mga di-
katutubong wika at sa ebolusyon ng iba’t ibang baryedad ng wika para sa iba-ibang
sitwasyong sosyal at para sa mga paksa ng talakayan at matalisik na pagpapahayag.

2. Ano ang ibig sabihin na ang Filipino ang pambansang lingua franca?

Sinasabing pambansang lingua franca ang Filipino dahil ito ang ginagamit ng mga tao mula sa
iba’t ibang grupong etnolinggwistiko upang magkaunawaan at makipag-ugnayan.

3. Ano ang ibig sabihin na ang Filipino ay ang wikang pambansa?

Filipino ang wikang gagamitin at ginagamit sa mga usaping pambansa at pangangailangang


pambansa ng sambayanang Pilipino.

4. Ang Filipino ay wika ng opisyal na komunikasyon

Dahil ito ang ginagamit at nararapat na gamitin sa lahat ng opisyal na kumunikasyon ng mga
sangay at ahensya ng gobyerno tulad sa
 Pagsulat ng batas
 Pagpapahayag ng dekreto at kautusang exekutibo
 Pormulasyon ng pambansang patakaran
26 | P a g e
 Impormasyong pampubliko
 Paglilitis at pagpapasya ng hukuman
 Pagsulat ng memorandum atbp.

Sa paggamit ng Filipino sa opisyal na komunikasyon ng Gobyerno, nabibigyan ng kaalaman ang


karaniwang mamamayan para lumahok at magpasya sa mga pambansang usapin.

5. Ang Filipino ay opisyal na wikang panturo.

Kinikilala ang Filipino bilang mabisang wika ng pagtuturo at pagkatubo. Bilang wikang panturo,
ginagamit na ang Filipino sa pagtuturo at pag-aaral sa iba’t ibang disiplina ng kaalaman at sa lahat ng
antas ng edukasyon. Layunin nito mapabilis ang pagkatuto ng mga estudyante, maiangat ang antas
literasi ng taong-bayan at malinang ang kaisipang siyentipiko at halagang Filipino.

6. Paano nakakatulong ang iba’t ibang wika sa Pilipinas sa pagpapayaman ng Filipino?

Pangunahing batayan ng pagyabong at pagyaman ng Filipino ang mga wikang katutubo sa


Pilipinas

 Maraming mga salita sa mga wika ng Pilipinas na magkakapareho.


 May mga magkakahawig din tulad ng balaybay, balay, bale, bahay, bigas, tubig.

Mapapabilis pa ang proseso ng pagpapaunlad ng Filipino sa pamamagitan ng pagsasalita,


pagsusulat at patuloy na pagsasalin tungo dito.

Lalong lalawak ang bokabularyong Filipino sa pagdaragdag ng mga salitang:

 May katangi-tanging kahulugan sa wikang katutubo tulad ng


o Bodong (Ifugao) – kasunduan sa kapayapaan ng 2 pangkat
o Mingaw (Hili) di matumbasang lungkot
o Banhaw (Ceb.) bagong buhay o resureksyon
o Bana (Hili.) lalaking asawa
o Murmuray (Ilokano) pagtampuhan ng pagkain

 Magagamit na pantapat sa pagsasalin ng terminong teknikal at pang-akademiya:


o Gahum (Ceb.) hegemony
o Lunggati (Tag.) desire ng sikolohiya
o Danggay (Ilokano) chorus ng musika

 May tiyak na kahulugan at gamit sa kulturang katutubo:


o Vugi (Ibanag) itlog ng isda
o Pay-yo (Tausug) hagdan-hagdang palayan
o Masjid (Tausug) mosque
o Malong (Maranao/Tausug/Maguindanao) tapis sa katawan na may maraming
gamit
o Tipay (Waray) scallop, isang lamang dagat
o Takut (Hili), coral reef

27 | P a g e
7. Bakit nanghiram ang Filipino ng mga salita at iba pang linggwistikang elemento sa mga banyagang
wika?

Natural ang panghihiram. Ginagawa ito ng lahat ng wikang buhay. Nangyayari ito dahil sa
pakikipag-ugnayan ng iba’t ibang kultura sa isa’t isa lalo na sa mga banyagang wikang nagkaroon na
ng impluwensya o naging bahagi ng kasaysayan ng isang bayan.
Karaniwan nang nangyayari ang panghihiram dahil pangangailangan, kaangkupan at katiyakan.
Bukod dito, maaari pang isaalang-alang ang mga sumusunod:

 Popularidad at pangingibabaw ng isang wikang banyaga sa ating lipunan.


 Dalas ng gamit
 Dami ng gumagamit at kapangyarihan ng gumagamit
 Dating pagtanggap
 Unibersal na gamit

 Paggamit ng mga salitang dayalketal


o Nakain (kumakain)
o Kalamunding (kalamansi)
o Sinturis (dalanghita)
o Bakin ga (Bakit ba)
o Kita na, tara na (halika na)

 Paggamit ng mga salitang balbal


o Yosi (sigarilyo)
o Atik, datung (pera)
o Lespu (pulis)
o Tipar (party)
o Erap (kumpare)

KONSEPTO AT MGA PAGBABAGO NG WIKANG FILIPINO


Vivencia Terrado-Baguio
Modern Teacher: Agosto, 2000

Dahil sa inaaasahang malawakang paggamit ng Filipino sa antas tersyarya dala ng patakarang


bilingwal at dahil sa proliperasyon ng iba’t ibang grupong etniko sa iba’t ibang bahagi ng bansa lalo na sa
mga siyudad, inaasahan ang paglitaw ng iba’t ibang uri ng Filipino sa iba’t ibang rehiyon.

Ano ang wikang Filipino? Filipino ang pambasang lingua franca, ang wikang nabuo sa
interaksyon ng mga Pilipinong gumagamit ng iba’t ibang katutubong wika ng Pilipinas.

28 | P a g e
Ano naman ang ibig sabihin na ang Filipino ang pambansang lingua franca? Sa Pilipinas,
sinasabing pambasang lingua franca ang Filipino dahil ito ang ginagamit ng mga taong may iba’t ibang
katutubong wika upang makapag-ugnayan sa isa’t isa at magkaunawaan.

Ano naman ang ibig sabihin na ang Filipino ang Wikang Pambansa? Ito’y nangangahulugang
Filipino ang wikang ginagamit sa mga usapang pambansa at pangangailangang pambansa ng
sambayanang Pilipino.

VARAYTI AT VARYASYON NG FILIPINO

Ang varyasyon ay ang iba’t ibang manipestasyon ng wika. Dahil dito ang Filipino o alinmang
wika sa Pilipinas ay matatawag ng iba’t ibang baryasyon ng wika.

Ang varayti ng wika ay masasabing isang set ng mga lingwistik aytem na may magkahalong
distribusyon. Ito ay isang maliit na grupo ng pormal o makabuluhang katangian na nag-uugnay sa
particular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyunal.

Dahil dito ang alinmang wika sa Pilipinas ay matatawag na iba’t ibang baryasyon ng wika. Ang
wikang ginagamit ng mga estudyante, ng mga bakla, ng mga istambay sa kanto, ng mga tindera sa
palengke ay masasabi namang iba’t ibang varayti ng wika.

MGA URI NG VARYASYON

May tatlong uri ng baryasyon: (a) wika, (b) diyalekto, at (c) registrer.

WIKA. Ang Wika ay maituturing na mas malaki kaysa sa diyalekto. Kaya masasabing, ang
wika, bilang isang varyasyon, ay mayroong mas maraming aytem lingwistik, kaysa diyalekto.

DIYALEKTO. Mga salik na nagpapaiba sa mga dyalekto:

1. Ang pinakamalaking boundary ng diyalekto ay heograpiya. Dito nagsisimula ang tawag na


rehiyunal na diyalekto, tulad halimbawa ng Ilokano, Cebuano, Tagalog, Hiligaynon atbp. Ngunit
sa loob ng isang rehiyunal na diyalekto, mayroon ding mga diyalektong matutukoy. Halimbawa,
iba ang Tagalog na ginagamit ng mga taga-Metro Manila (NCR) kaysa sa Tagalog na ginagamit
ng taga-Bulakan (Rehiyon 3), o kaya’y sa Tagalog ng Quezon (Rehiyon 4).
2. Paraan ng pagbigkas ng mga salita. Ang paraan ng pagbigkas sa iba’t ibang uri ng Tagalog na
nabanggit ay magkakaiba rin. Kaya mayroong sinasabing puntong Bulakan, puntong Rizal o
puntong Quezon. Ang punto o paraan ng pagbikas ay maaaring malumanay, mabilis o ‘yung
tinatawag na matigas.
3. Paraan ng pagsasalita. Halimbawa, sa maraming mananalitang tagalong, ganito ang paraan ng
pagsasalita: “Kumain ka na ba?” Sa ibang mananalitang Tagalog ito’y nagiging “Nakain ka na
b a?”
4. Paglilipat ng isa
5.
ng tao. Ang mga ito ay ang social class o grupong kinaaaniban ng isang tao, sosyal na dayalekto ang
ginagamit nila. Halimbawa, grupo ng mga manggagawa, grupo ng mga bakla, grupo ng mga estudyante
sa hayskul atbp.

29 | P a g e
REGISTER. Ang register ay baryasyon batay sa gamit samantala ang diyalekto ay baryasyon
batay sa taong gumagamit. Kung minsan ang register ay tinatawag ding istilo (style) sa pananalita. Ang
pagkakaiba sa register ay batay sa kung ano ang ginagawa ng isang tao, samantalang ang pagkakaiba sa
diyalekto ay makikita kung sino o ano ang isang tao. Halimbawa, ibang register ang ginagamit ng isang
ina kapag kausap niya sa loob ng kanilang kuwarto ang kanyang asawa at personal na bagay ang kanilang
pinag-uusapan. Iba namang register ang gagamitin niya kapag kausap niya ang kanyang kapitbahay kahit
sabihin pang iisang bagay o paksa pa rin ang kanilang pag-uusapan.

Sa Pagtuturo ng Varayti ng Filipino

Sa pag-aaral natin ng Filipino, ang kaalaman ukol sa varayti ng Filipino ay mahalaga para
maitanim sa isipan ng mga estudyante na:

1. Ang Filipino na kanilang ginagamit ay hindi baluktot na Filipino kundi isang varayti nito –
walang tama o mali na varayti, lahat ay pantay-pantay at may sari-sariling distinktibong
katangian.
2. Na bawat linggwistika o kaya’y o okupasyonal na grupo ay may maibabahagi sa pagpapayaman
ng wikang pambansa.
3. Na para masabi na batay sa iba’t ibang wika sa Pilipinas ang Filipino ay gamitin nila ito sa
pagsasalita at pagsulat.

Ang batayan o konsepto ng bagong Wikang Pambansa ay dapat umaayon sa istandard na varayti
ng Wikang Filipino. Kung gayon ang konsepto ng varayti ng Filipino ay hindi hadlang kundi
nakatutulong pa nang malaki sa wikang pambansa.

1. Magkakaroon ng realisasyon na hindi talaga batay sa iisang wika ang Wikang Filipino.
2. Ang wikang Filipino ng mga taga-Bisaya ay kapantay ng Filipino ng isang taga-Batangas.
Walang tama o maling bigkas at gamit ng salita.
3. Ang pagyaman at pagpapalaganap ng wikan Filipino ay tungkulin ng lahat etnikong grupo sa
Pilipinas.
4. Ang pag-aaral ng varayti ay hindi maghahati bagkus ay mag-iisa sa mga Pilipino.

ANTAS NG WIKA

Ang pagkakaroon ng antas ng wika ay isa pang mahalagang katangian nito. Tulad ng tao, ang
wika ay nahahati rin sa iba’t ibang kategorya ayon sa kaantasan nito. Kung tutuusin, ang antas ng wikang
madalas na ginagamit ng isang tao ay isang mabisang palantandaan kung anong uri ng tao siya at kung sa
aling antas panlipunan siya nabibilang. Mahahati ang antas ng wika sa kategoryang Pormal at Impormal.
Sa bawat kategorya napapaloob ang gma antas ng wika.

1. Pormal. Ito ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na
nakararami lalo na ng mga nakapag-aaral ng wika.
1. Pambansa. Ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/pambalarila sa
lahat ng paaralan. Ito rin ang wikang kadalasang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga
paaralan.

30 | P a g e
2. Pampanitikan. Ito naman ang mga salitang gamitin ng gma manunulat sa kanilang akdang
pampanitikan. Ito ang mga salitang karaniwang matatayog, malalalim, makulay at masining.

2. Impormal. Ito ang mga salitang karaniwan, palasak at pang-araw-araw na madalas nating gamitin
sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.
1. Lalawiganin. Ito ang mga bokabularyong pandayalekto. Gamitin ang mga ito sa mga
partikular na pook o lalawigan lamang. Makikilala ito sa pagkakaroon ng kakaibang tono, o
punto.
2. Kolokyal. Ito’y mga pang-araw-araw na salita na ginagamit sa mga pagkakataong impormal.
Maaaring may kagaspangan nang kaunti ang mga salitang ito ngunit maaari rin itong maging
repinado ayon sa kung sino ang nagsasalita nito,ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang
salita ay mauuri rin sa antas nito. Halimbawa: nasa’n (nasaan) pa’no (paano) sa ‘yo (sa iyo)
kelan (kalian) meron (mayroon).
3. Balbal. Ito ang tinatawag sa Ingles na slang. Sa mga pangkat-pangkat nagmumula ang mga
ito upang ang mga pangkat ay magkaroon ng codes. Mababang antas ng wika ito, bagama’t
may mga dalubwikang nagmumungkahi ng higit pang mababang antas; ang antas bulgar
(halimbawa nito’y mura at mga salitang may kabastusan).

Sa lahat ng antas, ang balbal ang pinakadinamiko. Maaari kasing ang usong salitang balbal
ngayon ay laos na bukas. Sa bahaging ito, tinukoy sa ibaba ang ilang karaniwang paraan o proseso ng
pagbuo ng salitang balbal at ilang mga halimbawa:

1. Paghahango sa mga Salitang Katutubo/Lalawiganin


Gurang (Bisaya) sibat (Ceb.)
Bayot (Ceb.) dako (Bisaya)
Buang (Bisaya)

2. Paghihiram sa Wikang Banyaga


Dedbol (Eng.) salvage (Eng.)
Wheels (Eng.) tong (Chi.)
Indian (Eng.) dorobo (Jap.)
Chicks (Eng.) basted (Eng.)

31 | P a g e

You might also like