You are on page 1of 8

Ang Banghay-aralin sa Panitikan at ang mga

Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan


________________________________________________________

Ano ang Banghay-aralin?


Ang banghay na pagtuturo ay isang balangkas ng mga layunin, paksang-aralin, kagamitan at mga hakbang
na sunod-sunod na isinasagawa upang matamo ang inaasahang bunga.

Karaniwang uri ng Banghay ng Pagtuturo


1. MASUSI

Dito nakatala ang tiyak na tanong ng guro at ang wastong isagot ng mga mag-aaral. Sa
pamamaraan, may dalawang kulom o hati kung saan isusulat ang gawaing-guro at gawaing mag-aaral.

2. MALA-MASUSI

Ito ay higit na maikli kaysa sa masusi, sapagkat sa halip na may gawaing-guro at gawaing mag-
aaral, binabanggit lamang ang sunod-sunod na gawain at ng kilos.

3. MAIKLI

Naiiba ang anyo ng banghay na ito sa bahaging pamamaraan. Dito sapat nang banggitin kung
anong paraan ang gagamitin ng guro o kaya’y babaguhin sa sumusunod na gawain sa maikling
pangungusap o parirala.

Mga Bahagi ng Banghay na Pagtuturo

1. LAYUNIN

Dito ipinapahayag ang tiyak na pananalita ng mga pagkatuto o gawain na inaasahang maipakita ng
mga mag-aaral. Makikita rin ditto ang mga estratehiya na nararapat gamitin at ilalapat ng mga guro sa
pagtuturo.
Ang mga layunin ay dapat na nakatuon sa tatlong aspeto: Ang kognitibong layunin- sumusukat ito sa
pag-iisip ng mag-aaral. Ang apektibo para sa damdamin at ang saykomotor para sa pagsasagawa ng mga
natutuhan.
HALIMBAWA:
I. LAYUNIN
Sa loob ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Natutukoy ang dinaramdam o mensaheng ibig ipaalam ng mga hayop;


b. Naibibigay ang iba’t ibang huni o ingay na nagagawa ng hayop;
c. Nabibigyang halaga at nauunawaan ang anumang uri ng huni ng mga hayop.
2. PAKSANG ARALIN
Sa paksang-aralin naman nakalagay ang pamagat ng aralin na tatalakayin, ang mga sanggunian
o referens at ang mga kagamitan upang hagit na matuto ang mga mag-aaral.

HALIMBAWA:
II. PAKSANG ARALIN
A. PAKSA: Si Usman ang Alipin
B. SANGGUNIAN: Pinagyamang Pluma 6, pahina 37-43
C. MGA KAGAMITAN: plaskard, mga larawan at libro

3. PAMAMARAAN

Ang pamamaraan ay naglalaman ng mga gawain ng guro at ng kanyang mga estudyante mula sa
panimulang gawain, motibasyon, paglalahad ng aralin, malayang talakayan, paglalahat, paglalapat
hanggang sa pagsasagawa at pangwakas na gawain.

4. EBALWASYON

Upang masukat ang natutunan ng mga mag-aaral ay magbibigay ang guro ng ebalwasyon na
binubuo ng mga tanong tungkol sa nagpag-aralan.

5. TAKDANG-ARALIN

Ang huling bahagi naman ay ang pagbibigay ng kasunduan o takdang-aralin para sa susunod na
aralin

Pormat ng Banghay-aralin sa Filipino

I. LAYUNIN
II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA:
B. SANGGUNIAN:
C. KAGAMITAN:

III. PAMAMARAN
A. PANIMULANG GAWAIN
a. Pagbati
b. Panalangin
c. Pagtala ng lumiban
d. Balik-aral

B. PANLINANG NA GAWAIN
a. Pagganyak o Motibasyon
b. Paglalahad
c. Pag-alis ng sagabal
d. Pagtalakay
e. Pangkatang-gawain
f. Pagpapahalaga o Pagpapalawak
IV. EBALWASYON
V. TAKDANG-ARALIN
Mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan

1. Dugtungang Pagkukuwento

Ang pagkukuwento ay maaaring simulan ng guro o ng isang magaaral. Limang mag-aaral ang
magsasagawa nito hanggang sa matapos at mabuo ang kuwento. Pagkatapos masabi ng isa ang kanyang
bahagi, hahawakan niya ang kamay ng katabi at tatantanin ito bilang tanda na siya ay tapos na.
2. Picture Frame
a. Pagsusunud-sunurin ng mag-aaral ang mga larawan. Ito ay iaayon sa pagkaganap ng mga
pangyayari. Pagkatapos, ito ay igagawa ng buod.
b. Bibigyan ng sitwasyon at ito ay isasagawa ng mga mag-aaral.

3. Pakwadrong Pagsasalaysay

Paglalahad ng isang kuwento na may tugtugin habang binabasa ang kuwento, magpatugtog ng
mga awiting instrumental.

4. Aklat-Ulat
Pamagat ng aklat

a. May-akda ng aklat
b. Pamagat ng kuwento o napiling kabanata ng nobela
c. May-akda ng kuwento o nobela
d. Mga tauhan
e. pangunahing tauhan (kailangang ilarawan at ipakilala)
f. mga sumusuportang tauhan (kailangan ding ilarawan at ipakilala
g. pinakapaboritong tauhan at ipaliwanag kung bakit
h. Pagbibigay ng kahulugan batay sa pagkakagamit ng mga salita sa konteksto at maaaring
komunsulta sa diksyunaryo.
i. Pagtukoy sa tagpuan
j. Paglalahad ng tema o pinapaksa
k. Pagbibigay ng buod ng kuwento o buod ng napiling kabanata ng nobela
l. Tumukoy ng paboritong bahagi ng kuwento at isalarawan ang napiling tagpo sa pamamagitan ng
pagguhit.
m. Pagbibigay ng magandang aral na napulot
n. Karagdagang mungkahi, reaksyon at ilang puna

5. Pagababalita

Gumamit ng mga gamit-biswal sa pagbabalita.


6. Editorial Cartoon
a. Batay sa cartoon, anong isyu o pangyayari ang ipinahayag?
b. Ano ang nakukuhang kaisipan na naipahayag ng cartoon?
c. Sang-ayon ka ba sa opinyon ng lumikha ng cartoon?

7. Concert Writing
Habang nagsusulat may background music na naririnig. Tiyakin lamang na hindi nakaistorbo ang
musikang pinili sa pag-iisip at pagsusulat ng mga mag-aaral.

Sumulat ng kathang naglalarawan. Pumili ng isang paksang susulatin sa bawat kategorya.


a. Tao
b. Pook
c. Pangyayari
d. isyu / konsepto / kaisipan

8. Inside — Outside Circle

a. Sa isang may 40 mag-aaral, pangkatin ang mga mag-aaral sa apat na pangkat na may 10 mag-aaral.
b. Hayaan ang 2 pangkat na bumuo ng dalawang bilog, isang "inside circle" at ang isa ay outside circle.
c. Hayaan ang pangkat ng "outside circle" na humarap sa pangkat ng "inside circle. Hayaan din na ang
pangkat ng "inside circle ay magbigay ng impormasyon, presentasyon o kaya magbigay ng iba pang
palabas habang ang pangkat ng "outside circle" ay magbigay puri sa pangkat at handang tumulong.
d. Magpalitan sila ng gawain.

9. Kuwadro

Ang guro ay maghahanda ng mga larawang nagpapakita ng mahahalagang pangyayari sa kuwento.


Hindi wasto ang pagkakasunud-sunod ng mga larawan pag ipinakita sa klase. Ang mag-aaral ang siyang
magsaayos nito. Isalaysay ng mga mag-aaral ang kuwento pag naayos na ang pagkakasunud-sunod ng mga
larawan. Sa pamamagitan din ng mga larawang ito, matututo ang mga mag-aaral na makuha ang
nangingibabaw na kaisipan ng akda.

10. Mock Trial


Mainam na gawain ito kung may tauhan sa akda na kunwari ay ihahabla sa isang hukuman upang
hatulan sa mga ginawa niyang kasalanan sa kuwento.

Hal. Dapat bang patawarin o lapatan ng parusa si Nyora Memay dahil sa di-makataong pagtrato sa
mga katulong?
Papangkatin ang klase ayon sa mga sumusunod:
a. Hukom
b. taga-usig
c. tagapagtanggol
d. naghahabla
e. mga saksi

11. Panel Discussion

Maaaring gamitin ito sa istilong panradyo o pantelebisyon. May mga mag-aaral na uupo sa harapan at
tatalakayin ang akda. Ang klase ay magbibigay ng tanong o reaksyon sa talakayan ng mga nasa harap.

12. Comprehensive Court Evidence Sheet


Mabibigyang-buhay ang mga sagot sa tanong sa pamamagitan ng pagsulat sa pahina, talata, at
pangungusap ng aklat na kung saan matatagpuan ang sagot sa tanong:

Hal. Ano ang pangunahing katangian ng matandang si Nyora Memay?

Tanong Blg. ___________________________ Pahina Blg. ________________________


Talata Blg. _____________________________ Patunay: __________________________
13. Anticipation Guide

Para sa Pagbasa at Panitikan


Direksyon: Lagyan ng tsek ( ̸ ) ang pangungusap na sinasangayunan mo.

14. Analogy Graphic Organizer

Alam ng mga mag-aaral bago pa matalakay ang paksa. Hal. Ano ang alam ninyo sa revolution noon?
Bagong Konsepto Familyar na Konsepto

Pagkakatulad Pagkakaiba

Pag-unawa
15. Elaborative Interrogation

Para sa Sanhi at Bunga


Bakit?

16. Inquiry Chart

Para sa tunguhin, kilos at kinalabasan.


17. Role -play at Simulasyon

Sa istratehiyang ito, inilalagay ang mag-aaral sa isang sitwasyong maaaring sa tunay na buhay.
Binibigyan sila ng papel na gagampanan o di kaya'y umaakto sila bilang kanilang sarili.
Mapalawak ang istratehiyang ito kung:
a. Ang pokus ng mga mag-aaral ay nasa paghahatid ng mensahe at di sa pagsasanay sa wika.
b. Higit na dinidibdib ng mag-aaral ang papel na kanyang ginagampanan sapagkat higit na
makatotohanan ang sitwasyon.
c. Ang mag-aaral ang kailangang lumikha ng interaksyon batay sa papel at mensaheng naiisip at di
ang guro.

Ang paggamit ng cued dialog ay isang uri ng gawaing pangkomunikatibo. Kontrolado ng guro ang
sitwasyon, subalit ang pagpili ng wikang gagamitin ay nasa mag-aaral. Naipapakita ng mag-aaral ang
pagiging malikhain niya sa ganitong pagsasanay.

18. Guide -O-Rama


Pagpapasagot ng mga tanong na may kaugnayan sa teksto.

Takda / Tanong Tugon ng mga Mag-aaral

Anu-ano ang mga palatandaan na malapit


na ang PASKO?

Bakit nagdiriwang tayo ng PASKO?

19. Numbered Head Together


Hatiin sa 5 pangkat ang klase. Dito'y may inihandang tanong para sagutin ng mga kasapi.
a. Bawat mag-aaral ay kukuha ng bilang 1,2,3,4 & 5
b. Magbibigay ng katanungan ang guro at ang mga mag-aaral ay magiisip ng mga kasagutan at
pagpapaliwanag sa mga sagot nila.
c. Tatawag ng bilang ang guro. Ang natawagan na bilang ang siyang magbibigay ng mga
kasagutan at pagpapaliwanag ng pangkat.

20. Three — Step Interview

Hakbang 1— Interbyuhin ng A ang B; C ang D


Hakbang 2 — Interbyuhin ng B ang A; D ang C
Hakbang 3 — Sinasabihan ng A ang C at D tungkol kay B
Sinasabihan ng C ang A at B tunkol kay D
Sinasabihan ng B ang C at D tungkol kay A
Sinasabihan ng D ang A at B tunkol kay C
21. One Stay — 2 Strays
Sa bawat pangkat, 3 kasapi.
Ang paggamit ng wikang Filipino ay paraan para magkaunawaan ang mga Pilipino
Bakit kailangang gamitin ang wikang Filipino? (Isulat sa Manila Paper ng bawat pangkat) (Ilarawan sa
pamamagitan ng "drawing".

a. Ang bawat pangkat ay may gawain.


b. Ang isang kasapi ay maiwan samantalang ang dalawang strayer ay pupunta sa ibang pangkat at
obserbahan ang ibang pangkat.
c. Ang 2 strayers ay babalik sa orihinal na pangkat at sabihin sa kanilang pangkat kung anu ang
naobserbahan nila.

22. Round Robin

23. Pictomorps

24. Pagpaparinig ng Tape

a. Iparinig ang tape ng atungal ng leon at ingit ng daga o iba pang hayop.
b. Pabayaang hulaan ng mga mag-aaral kung anong hayop ang mga iyon.
c. Pag-usapan ang kaibahan ng leon, daga at iba pang hayop.

31. Pagkukuwento na may Himig

Sasabihin ng gurong ipikit ang mga mata habang binbasa niya ang kuwento.

a. Manatiling nakapikit habang di pa tapos ang pagkukuwento.


b. Pagkatapos basahin ang kuwento, ibuka ang mga mata.
c. Tanungin ang mga mag-aaral hinggil sa kuwento.

You might also like