You are on page 1of 3

KAPIHAN 2018

Bilang kahingian sa gawain ng


KADIPAN - PNU MANILA
Inihanda nina:
Agustin, Zairah
Bastes, Eddie
Bulacsao, John Dexter
Dorado, Jeffrey
Florendo, Angeline
Natividad, Rodney
Ramirez, Johanna
Rey, Kheiana
Ros, Rico

10/20/18
TWEETULAKAY
Pagsasanib ng Wika at Panitikan

MAIKLING PAGLALARAWAN:
Gamit ang limitadong bilang ng mga salita, pagsasanibin ang wika at panitikan gamit ang twitter
bilang lunsaran ng pagbuo ng tula at pagtalakay ng tayutay

LAYUNIN:
1. Matukoy ang iba’t ibang uri ng tayutay.
2. Maiugnay sa sarili ang mga mensahe sa mga tula na nakatago sa anyo ng tayutay.
3. Makabuo ng sariling tula na naglalaman ng tayutay.

ANGKOP NA ANTAS:
Baitang 7-10 (Sekondarya)

KASANAYANG LILINANGIN:
1. Kakayahan ng mag-aaral sa pagsulat ng tula at makabuo ng tayutay.
2. Malikhaing pag-iisip sa pagbuo ng tula na may tayutay.
3. Kritikal na pag-iisip sa pagbuo ng tula na may limitadong bilang ng karakter.
4. Makrong kasanayan sa pasulat ng tula.

HAKBANG SA PAGSASAKATUPARAN
1. Bibigyan ang mga mag-aaral ng mga papel na susulatan ng kanilang mabubuong tula.
2. Limang minuto lamang ang ibibigay sa pag-iisip ng tula.
3. Ang tula ay binubuo lamang ng isang saknong at naglalaman ng tayutay.
4. Dapat ay mayroong orihinalidad ang tulang mabubuo.

PAMANTAYAN/RUBRIKS
Nakabubuo ng isang tula na kakikitaan ng tayutay 50
Naipahahayag ang mensahe sa limitadong bilang ng karakter 20
Orihinalidad at pagkamalikhain ng nabuong saknong 15
Hikayat sa madla 15
Kabuuan 100

You might also like