You are on page 1of 10

KOMUNIKASYONG DI-VERBAL AT MGA SISTEMA NG PAGSULAT

Bagama’t ang pagsasalita ang tanging anyo ng komunikasyong kinikilala bilang wika ng
karamihan ng mga linggwista, di maitatanggi na may iba pang mga paraan ng komunikasyon na
ginagamit kasama ng pagsasalita tulad ng pag-iling at pagtango. Dinadagdagan ng mga paraang ito ang
kahulugan ng pagsasalita at ginagawang posible ang komunikasyon sa pagdaan ng panahon, malayo man
o malapit. Nakagawa ang mga tao ng mga paraan para makipag-communicate sa isa’t isa sa malayong
lugar sa pamamagitan ng pagsusulat at ng kodigo tulad ng mors code, o sa mga elektronik na paraan tulad
ng telepono, telegrapo, vidyo, fax, e-mail, atbp. Gawa ng mga ito, naging posible para sa atin ang
makipag-communicate sa nakaraan at gayon din sa hinaharap, Malapit man o malayo. Dahil sa mga
pagbabago ng paraan ng pag-communicate, nadevelop sa disiplina ng linggwistiks nitong nakaraang 20
siglo, ang mga subdibisyon at mga area ng pag-aaral nito. Tatalakayin ang dalawang magkaibang paksa
na parehong nakatawag ng pansin ng mga linggwista: ang komunikasyong di-verbal o di sinasalitang
wika, at mga sistema ng pagsulat.
DI-SINASALITANG WIKA
Kapag wika ang pinag-uusapan, karaniwang mga salitang binibigkas o sinusulat ang pumapasok
sa isipan, sa madaling salita, mga bagay na sakop ng ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantics, at
pragmatiks. Pero kung titingnan ang wika sa ganitong paraan lamang, hindi mapapansin ang mahalagang
papel ng ginagampanan ng komunikasyong di-verbal na, ayon kay E. Sapir, isang elaboreyt at sekretong
kodigo na hindi nakasulat kahit saan, hindi alam ninuman, at naiintindihan ng lahat.
Magkaiba ang mga di-verbal na signal ng mga kultura tulad ng pagkakaiba ng mga wika sa isa’t
isa. Dahil sa kahalagahan sa komunikasyon ng mga palatandaang di-sinasabi, hindi maitatanggi na kulang
ang kaalaman sa isang wika kung hindi kabilang ang sistemang di-verbal ng kultura ng wikang ito.
Sa katunayan kompleks ang pag-aaral ng di-verbal na komunikasyon. Kung babalikan natin ang
sinabi ni Sapir na “naiintindihan ng lahat,” ang “lahat” dito’y tumutukoy sa mga miyembro ng isang
kultura. Aamin ang sinumang nakikipag-ugnayan sa mga taong may ibang wika’t kultura na madalas
hindi sila nagkakaintindihan dala ng pagkakaiba ng kanilang mga sistemang di-verbal.
HALIMBAWA
Magkakaiba ang mga tinatanggap na tindig, kilos, kumpas, mga ekspresyon ng mukha, paggalaw
ng mga mata, paggamit ng distansya sa pakikipag-usap sa kapwa o sa hindi kilala. Tulad ng wika,
karamihan sa di-verbal na komunikasyon ay tanging-tangi sa isang kultura. Sa madaling salita, arbitraryo
din at nababatay sa kaugalian ang mga simbolong di-verbal ng mga tunog at mga salita ng wika.
Kadalasan sinisingitan natin ng mga pagtigil, ungol o ingit, sagitsit/sutsot, palatak, buntong
hininga, at iba pang ganitong mga tunog ang ating pananalita o pakikipag-usap sa iba. O di kaya’y
nilalakasan natin ang ating mga boses, bumubulong-bulong, pinalalabis ang pagtaas at pagbaba ng boses.

1
Nakakadagdag sa mensaheng gusto nating ipahatid ang lahat ng mga ito at nabubunyag ang ating
mga iniisip. Tinatawag na PARALANGUAGE itong mga di-linggwistik na tunog na kaugnay sa
pagsasalita. Hindi maipagkakaila na ang paraan ng pagsabi natin ng isang bagay ay kasing importante ng
aktuwal na sinasabi natin, at higit na mahalaga sa pagpapabatid ng ating tunay na intensyon.
Ang parehong-parehong mga salita ay makapagpaparating ng magkakasalungat na mensahe
depende sa kung paano ito sinabi. Halimbawa, pwede nating sabihing “Ang galing-galing mo!” sa
paraang masigla, pahanga, at papuri. Pero kung sasabihin natin ito sa paraang matamlay, sarkastik o
pakutya, alam ng ating kausap na kabaligtaran ang ipinararating sa kanya.
Gumagamit din tayo ng iba’t ibang kilos ng mukha at katawan sa pagpaparating ng ating
mensahe. Kinesiks ang terminong ginagamit para sa pag-aaral ng ganitong kilos ng katawan. Habang
nagsasalita, tumatango tayo, kinikiling ang ulo, itinataas ang kilay, kumukunot ang noo, kinukumpas ang
mga kamay, o nanduduro bilang dagdag-kahulugan sa bagay na ibig ipahayag.
Katulad ng idyom hindi palaging pareho ang ibig sabihin ng mga pagkilos na ito sa iba’t ibang
komunidad, pero malinaw ang pagpapakahulugan ng mga ito. Halimbawa, tumatango tayo kapag sang-
ayon tayo sa sinasabi ng iba, at umiiling naman kapag hindi tayo sang-ayon. Salungat dito, umiiling
(bagamat mas mabagal) ang mga taga-India kapag sang-ayon sila sa sinasabi. Dito sa Pilipinas itinataas
natin nang mabilis ang ating mga kilay sa pagbati ng mga nakakasalubong natin. Lalo pa nating itinataas
ang mga kilay kasama ang pagdilat ng mga mata kung nagugulat o hindi tayo naniniwala.
Para sa mga Hapon naman, kapag yuyuko sila sa isa’t isa, ang anggulo ng yuko ay, ang pusisyon
o kinalalagyan ng kanilang mga kamay at ang bilang ng pagyuko ay nagpapabatid ng kanilang pagkilala
ng kaanyuan sa lipunan ng kaharap at paggalang nila dito.
Kabilang din sa paralanguage ang mga
1. tunog na gamit natin sa pagtawag ng mga hayop.
2. Ang mga sinasabi natin habang nakikipaglaro sa sanggol.
3. Mga pito at mga ungol at mga ingit.
Madalas hindi nito sinusunod ang mga regular na pattern ng wika. Halimbawa, may mga
espisipik na kahulugan ang tsk tsk, umhmmm, uh, er, huh? Sa ingles at ay, aha, a…ha? Sa Tagalog.
May sinasabi rin ang pagsasawalang-kibo. Minsan nagsasawalang-kibo ang isang nagtatampo,
nagmamaktol o naaapi para ipabatid ang kanyang dinaramdam. Nangangahulugan din ng pakikidalamhati
ang kawalang-kibo sa isang lamay o libing, o ng kasiyahan pagkatapos ng nakabubusog na pagkain, ng
katiwasayan kapag kasama ang mahal sa buhay. Ang kawalang kibo ng isang kilala at tinitingalang
miyembro ng lipunan ay maaaring nangangahulugan ng pagkaunawa ng katalinuhan sa isang talakayan,
pero kamangmangan ang pinararating nito kung walang-kibo ang isang taong hindi ganito ang
reputasyon.

2
Karaniwang magkatulad ang mga pattern ng pagsasalita at mga pattern ng distansya na
pinapanatili at tinutupad ng mga nagsasalita sa kanilang kausap.
Malapit tayo at impormal ang usapan kung itinuturing natin silang matatalik na kaibigan o mga
mahal sa buhay.
Malayo-layo at mas pormal ang pananalita kung ang kausap natin ay mga nakatataas sa atin o
mga hindi natin kilala. Tumatayo o di kaya’y nasa entablado ang sinumang gustong tumawag ng pansin
sa sarili o gustong mapakinggan ng mga nakikinig habang nagtatalumpati ito.
Sinasabing malaking desk ang ginagamit ng mga executive para panatilihin ang distansya nila sa
kanilang empleyado at patunayan kung sino ang boss. Batay sa ilang pag-aaral, mas malayo ang distansya
sa pagitan ng mga nag-uusap sa ilang kultura.
Mas malayo ang pagitan ng mga Amerikano at mga Hapon sa mga kausap nila kesa sa ibang
kultura tulad ng Latino. Sa katunayan, kapag hindi nasusunod ang mga norm kaugnay sa distansya
habang nag-uusap, hindi komportable o di mapalagay ang mga miyembro ng mga nasabing kultura at
kung minsan, tinitingnan pa na bastos o walang pinag-aralan. Para sa maayos na proseso ng
komunikasyon, napakaraming iba’t ibang uri ng mga signal na magpapatibay o magpapabulaan sa verbal
na mensahe. Unang hakbang lamang tungo sa mas malawak na pagkaintindi ng komunikasyon bilang
isang prosesong saykolohikal ang pagkilala sa iba’t ibang paraan ng komunikasyon. Hindi lang dapat
nating pag-aralan kung ano ang sinasabi ng isang tao at kung paano n’ya ito sinasabi, kundi dapat din
nating subukang intindihin kung bakit n’ya ito sinasabi. Kung ang higit na tututukan natin ay ang mga
salita na binibigkas ng tao, marahil iisipin natin na ang tanging layunin ng wika ay ang magpalitan ng
impormasyon.

MGA SISTEMA NG PAGSULAT


PAGSULAT, isang sekundaryong anyo ng wika. Ang ibig nating sabihin ay samantalang natututo
tayong lahat na magsalita ng ating native language nang walang pormal na instraksyon, kailangan tayong
turuang magbasa at magsulat. Mas bagong kultural na development ang pagsulat kaysa sa wikang
sinasalita. Ito ang simbolikong representasyon ng wika na pwedeng iimbak, na ayon kina O’grady,
Dobrovolsky, at Aronoff (1993) ay naganap lang sa loob ng nakaraang 5,000 taon at sa iilang bahagi lang
ng mundo. Hanggang sa kasalukuyan meron pang mga taong hindi marunong sumulat. Habang natural sa
tao ang wikang sinasalita, hindi ganito ang kaso ng pagsulat. Para sa mga linggwista, ang wika ay
tumutukoy lamang sa anyo ng komunikasyon ng sinasalita. Itinuturing nilang ekstralinggwistik ang lahat
ng ibang klaseng komunikasyon. Bagamat nirerekord lamang ng pagsulat ang pagsasalita, hindi ibig
sabihin na hindi ito mahalaga. Bukod sa naging posible ang komunikasyon sa pagdaan ng panahon at sa

3
malayong lugar sa pamamagitan ng pagsulat, napangalagaan din nito ang kaalaman ng tao para sa mga
darating pang henerasyon.
MGA URI NG PAGSULAT
1. LOGOGRAFIK (Greek logos ‘salita’) tumutukoy sa uri ng pagsulat na ang mga simbolo,
tinatawag na logogram, ay nagrerepresent ng mga morfim o mga buong salita. Tinuturing na
pinakamatandang uri ito ng pagsulat at sinasabing nadevelop ang mga kasalukuyang sistema mula sa
logografik na pagsulat. Mababasa ang logografik na pagsulat nang independent sa wikang pinanggalingan
ng mga ito. Halimbawa, mababasa sa kahit anong wika ang mga numerong arabik na 1, 2, 3, 4, 5, etc.
walang sistema ng pagsulat na ganap na logografik dahil masyadong mahirap gumamit ng hiwalay na
simbolo para isulat ang bawat salita sa isang wika.

4
2. FONOGRAFIK (Greek phone ‘tunog’) ang mga symbol ay nagrerepresent ng mga silabol o ng
mga segment nito. Meron itong dalawang uri: ang silabik at alfabetik
Gumagamit ang silabik na pagsulat ng mga sign na nagrerepresent ng mga silabol. Ang
tawag sa isang set ng mga ganitong sign ay silabari.
HALIMBAWA:
Sa Hapon--- kaiteiru
‘sumusulat’
書 ka, い i, て te, い I, る ru
(書いている)
Silabik din ang Sistema ng pagsulat ng mga etnolinggwistik na grupo sa Pilipinas bago dumating
ang mga Kastila dito. Tinawag na Alibata ang Sistema ng pagsulat ng mga unang tagalog. Bagay sa
ganitong uri ng pagsulat ang mga wikang simple ang silabol-istraktyur dahil limitado ang bilang ng mga
uri ng silabol. Mga consonant at vowel segment naman ang nirerepresent ng alfabetik na pagsulat gaya ng
ginagamit sa Ingles. Pinaniniwalaan na nanggaling ang sistemang alfabetik sa mga logogram. Dating
ginamit para kumatawan sa mga bagay, iniuugnay ang mga nasabing logogram sa mga tunog ng wikang
sinasalita hanggang naging representasyon ng unang tunog ng mga salitang kinakatawan ng mga ito. Ang
ganitong uri ng pagsulat ay gumagamit ng mga simbolo o kombinasyon ng mga symbol na nagrerepresent
ng halos lahat ng mga tunog ng pagsasalita ng wika.
Ang lahat ng mga wika ay may limitadong bilang ng mga tunog, kaya kung ikukumpara sa ibang
sistema ng pagsulat, kokonting symbol o letra lamang ang kailangan ng mga wikang gumagamit ng
alphabet.
Bagamat ang huwarang alphabet ay may isang symbol para sa bawat tunog, hindi ganito ang kaso
ng karamihang mga alphabet.

5
Halimbawa:
Ang pagitnang pasentrong vowel [Ə] at ang voice-interdental-fricative [ȭ] ay dalawang
tunog na walang letrang symbol sa ingles.
Ibig sabihin na may mga letra na kumakatawan sa higit sa isang tunog, kaya ang letrang e ay
nagrerepresent ng mga pagitnang paharap na vowel [e] at [Ɛ] at ng pagitang pasentrong [Ə] samantalang
ang kombinasyong th ay kumakatawan sa voice at voiceless-interdental-fricative [ȭ] at [Ɵ]. Sa Tagalog
ang lahat ng tunog ay nirerepresent ng isang letra maliban sa ilan, tulad ng velar-nasal [ƞ] at glottal-stap
[?].
mas akma ang mga symbol at tunog ng mga wikang katulad ng Tagalog kaysa sa mga
wikang tulad ng Ingles kung saan napakaraming mga letrang hindi binibigkas sa spelling ng maraming
salita, Halimbawa, ang Ingles receive ‘tanggap’, whole ‘buo’. Sa mas unang yugto ng kasaysayan ng
wikang ito, may naganap na pagbabago sa pagbigkas ng mga tunog hanggang hindi na ina-articulate ng
mga ispiker ang mga tunog na dumanas ng pagbabago pero isinusulat pa rin. Sa madaling salita, hindi
nakasabay ang mga anyong nakasulat sa mga pagbabago sa wika na nagresulta sa mga letrang di-
binibigkas.
May dalawang uri ng alfabet:
Alfabet na ang mga consonant lamang ang may simbolo tulad ng Hebrew at Arabik, at
Alfabet na may mga simbolo pareho ang mga consonant at vowel tulad ng Ingles. Hindi katulad
ng Ingles, sinusulat ang Hebrew mula sa kanan patungong kaliwa.

KASAYSAYAN NG PAGSULAT
Ang development ng pagsulat ay isa sa mga mahalagang imbensyon ng tao. Sinasabi na
kasindami ng mga alamat kuwento tungkol sa pinagmulan ng wika ang mga alamat tungkol sa imbensyon
ng pagsulat.
MGA ALAMAT AT KUWENTO TUNGKOL SA IMBENSYON NG PAGSULAT
Ayon sa alamat ng mga Greek, inimbento ni Cadmus na Prinsipe ng Phoenicia na nagtatag ng
lungsod ng Thebes ang alphabet at dinala niya ito sa Greece.
Sa Isang alamat naman ng mga intsik, ang dragon-god na Cangjie na may apat na mata ang
umimbento ng pagsulat, pero sa ibang alamat, unang lumitaw ang pagsulat bilang mga marka sa bahay ng
pagong.
Sa isang alamat sa Iceland, si Odin ang imbentor ng pagsulat.
Sa iba namang alamat, ang diyos Nebo ng Babylonia at ang diyos Thoth ng Egypt ang nagbigay
ng pagsulat at pati na rin ng pagsasalita sa tao.

6
Pinaniniwalaan ng Talmudik na iskolar na si Rabbi Akiba na may alfabet na bago pa man nalikha
ang sangkatauhan.
Ayon naman sa turong Islam, nilikha mismo ni Allah ang alfabet na kanyang binigay sa tao at
hindi sa mga anghel. (Fromkin at Rodman 1988)
Kalugod-lugod man man ang mga kuwentong ito maliwanag na bago pa man naisulat ang isang
salita, bilyun-bilyon na ang mga nasabi na.
Malamang ang mga naunang paraan ng pagsulat ay ang mga pigura at mga eksenang nakaguhit sa
pader ng mga kuweba at sa mga bato sa Amerika, Afrika, at Europa, mahigit 12,000 taon na ang
nakalilipas.
Posibleng ang ilan sa mga eksenang nakalarawan sa bato o mga Petroglif ay nagrerepresent ng
isang uri ng yugto na hindi tumuloy sa isang ganap na sistema ng pagsulat. Dapat ding banggitin, kahit
hindi tiyak ang panahon ng pagkakasulat, na may mga petroglif sa kuweba sa Angono, Rizal, na iniukit
noong unang panahon bago pa man dumating ang mga kastila.

Ang mga drawing na ito na kung tawagin ay PIKTOGRAM ay naglalarawan ng mga paniniwala
at iba’t ibang mga nangyari sa tao at hayop noong unang panahon. Hindi talaga natin matitiyak kung bakit

7
ginawa ang mga ito. Maaaring ito’y ekspresyong estetik, isang paraan ng komunikasyon, o di kaya’y
isang anyo ng pagrerekord ng mga aktibidad ng ating mga ninuno.
Hindi maituturing na pagsulat ang unang anyong ito sapagkat hindi iniuugnay o nilalarawan ng
mga simbolo ang wika ng mga taong gumamit ng mga ito.
Kapag pinalawak ang kahulugan ng pictogram sa isang kaugnay na Kahulugan, tinatawag itong
logogram o idyogram. Masasabing nadevelop ang kasalukuyang sistema ng pagsulat mula sa logografik o
idyografik na pagsulat kung saan ang bawat simbol ay nagrerepresent ng isang salita.
PARA SA MGA INTSIK
Nangangailangan ng maraming mga karakter para irepresent ang mga salita ng wikang
gumagamit ng ganitong sistema, halimbawa, sinasabing kailangang matutong mula 5,000 hanggang
10,000 karakter sa intsik depende sa babasahin. kahit hindi malalaman kung paano ang pagbigkas ng mga
salita para maintindihan ang mga nakasulat na karakter sa ganitong sitema, mababasa ito ng sinumang
gumagamit nito kahit magkaiba sila ng wika. Ito ang dahilan kung bakit nakababasa at nagkakaintindihan
ang mga intsik bagama’t iba’t iba ang kanilang mga etnolinggwistikong grupo na may mga iba’t ibang
wika. Hindi nagtagal nagsimulang lumitaw ang silabik na pagsulat, ang Sistema kung saan nagrerepresent
ng mga silabol o karakter. Ang bawat silabol ay nagrerepresent ng isang simbol o karakter, kaya pwedeng
magrepresent ng isang vowel o kombinasyon ng consonant at vowel ang bawat karakter depende sa
silabol-istraktyur ng wika.
Tulad ng mga alfabeto, limitado ang karakter ng isang silabari kung ikukumpara sa logografik na
pagsulat. Pinagsasama-sama ang mga simbolo na ito para bumuo ng mga salita. Ang Sanskrit at Hapon ay
dalawang kilalang wika na gumagamit ng silabari.
Nasusulat ang hapon sa dalawang silabari, KATANA at HIRAGANA, na nadevelop sa
pamamagitan ng pagmomodify ng mga karakter na intsik o kanji na dati’y ginamit sa pagsulat ng Hapon
dahil sa fonetik-valyu nito.

8
Mula sa Hayroglif tungo sa Alfabet
Habang nadedevelop ang piktografik na pagsulat ng Sumeria, gumagamit ng katulad na Sistema
ang mga Egyptian na tinawag ng mga Greek na mga Hayroglif. Katulad ng mga piktogram ng mga

9
Sumerian, nagsimulang maging representasyon ng mga tunog ng mga salitang sinisimbolays ng mga ito at
ginawang sistemang pagsulat ng hayroglifiks.
Hiniram ng marami ang hayroglifiks sa ganitong advans na yugto ng silabik. Kabilang na dito ang
Phoenicians, mga semitk na nakatira sa silangang tabing-dagat ng Meditierranean na ngayon ay Lebanon.

Hiniram ng mga Greek nung unang panahon ang sistema ng pagsulat ng Phoenicia bagama’t
hindi naging sapat ang silabik-system na ito para sa kanila dahil sa kompleks na silabik-istaktyur ng
kanilang wika.

Ginamit nila ang mga simbol para magrepresent ng mga individual na vowel at consonant ng
kanilang wika sa halip na simbol

Ang mga Phoenician ang gumawa ng unang hakbang sa direksyong ito sa pamamagitan ng
paggamit ng ilang simbol para magrepresent ng mga consonant lamang.

Pero mas marami ang mga consonant sa wika ng mga Phoenician kaysa sa Greek, kaya noong
hiniram ito ng mga Greek, gumamit sila ng mga eksaktong simbol para irepresent ang mga tunog ng
vowel.

Resulta nito ang isang alfabetik-system ng pagsulat. Ang salitang alphabet ay galing sa alpha at
beta, ang unang dalawang letra sa Greek alphabet.

Maraming iskolar ang naniniwala na lahat ng mga alfabetik-system na gamit sa kasalukuyan ay


galing sa sistemang Greek

Namodify na naman ang Greek/Entruscan na alfabet sa ilalim ng mga Romano. At patuloy na


may nagawang mga pagbabago nang inadap ito ng iba’t ibang mga grupong sakop ng imperyong
Romano.

Dahil sa Imperyong Romano ang nagkalat nito sa buong mundo, tinagurian itong Roman-alfabet.

10

You might also like