You are on page 1of 10

Ang PAMANA ay isang pansariling pagkatutong modyul na nilikom at binuo upang mabigyang

kasagutan at matugunan ang patuloy na pagkatutong proseso sa kabila ng hamong kinakaharap ng


ating bansa sa ngayong panuruan. Angmodule na ito ay nakapukos sa pagpapaunlad ng kakayahan sa
pagbabasa at kritikal na pag-unawa sa mga kaisipan at diwa na nakapaloob sa mga maikling kuwento
na magagamit ng mga mag-aaral sa pagpapalawak ng kanilang kaalaman sa mga kuwento na tampok
sa Rehiyon. Kasabay nito ang pagsasanay sa pagbabasa upang lubos na mahasa ang pag-unawa at
makabuo ng mga panibagong kaisipan. Naglalaman ito ng mga akda na matatagpuan sa Rehiyon
Dose (12) o SOCCSKSARGEN, na natataglay ng Kaisipan, Kultura, at Karanasang Pilipino upang
mapalawak at mapalalim ang kamalayan ng mga mag-aaral sa pagsusuri sa mga hiwaga sa SOX at ng
mga napapanahong isyung panlipunan.

Ang bawat seksiyong na makikita sa aklat na ito ay nakabatay sa K to 12 Basic Curriculum


Education (BEC). Sapagkat magsisilbing giya rin ito sa mga guro sa Filipino sa kanilang pagtuturo sa
paaralan. Inaasahan naman na ang mga guro ay may malalim na pag-unawa sa bawat sesyon na
makakasalamuha upang ganap ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang nilalaman ng module na ito ay
gabay lamang sa mga guro sa kanilang pagtuturo, nasa kanila pa rin ang desisyon sa paggamit nito at
sa pagdaragdag ng mga panibagong ideya o paraan para sa agarang pagkatuto ng mga mag-aaral.

Layunin ng aklat na ito na mapalalim pa ang pag-unawa at mapalawak pa ang kaalaman ng mga
mag-aaral sa kanilang sariling bayan, higit lalo sa pagpapaunlad at pagpapayaman ng kanilang
kasanayan sa Filipino. Ang lahat ng matutuhan ng mga mag-aaral sa module na ito ay inaasahang
magagamit nila sa pagpapatibay ng kanilang kaalaman sa iba pang asignatura. Kasabay ang
pananasang maging kasangkapan ng mga mag-aaral ang lahat ng kaalaman at kasanayang nakuha
nila sa pagpapalago ng lipunanng kanilang kinabibilangan.

Hinahangad na ang module na ito ay makatutulong sa mga mag-aaral na lubusang matuto at


maunawaan ang kanilang lipunang kinalakihan. Kasama nito ang pagnanais na matulungan ang mga
guro sa Filipino upang mapagaan ang kanilang mga trabaho at sa mabalisang pagtuturo’t pagkatuto.

Nahati sa 11 bahagi ang bawat aralin na ito.


LAYUNING PAMPAGKATUTO: ang bahaging ito ay pinalolooban ng mga layuningpampagkatuto na
halaw sa Gabay Pangkurikulum sa Filipino ng DepED. Ang mga ito ayisinasaad upang malaman ang
nais matamo ng mga mag-aaral sa araling ito.

i
Ang bahaging ito ay babalikang muli ng mga mag-aaral
BALIKAN ang naging talakayan sa nakaraang aralin sa
pamamagitan ng pagsagot sa maikling pagsusulit.

Ito naman ang magbibigay ng pangkabuoan o maliit na


ALAMIN panimula ng aralin.

SUBUKIN Sa bahaging ito ng modyul ibinibigay ang paunang


pagsubok sa nalalaman ng mag-aaral patungkol sa araling
tatalakayin.

TUKLASIN Dito ay tutuklasin ng mga mag-aaral ng iba't ibang


konseptong pananitikan gaya ng kahulugan, elemento,
katangian at mga halimbawang mga akda. Makatutulong
ito sa pagkakaroon ng paunang kaalamantungkol sa
tatalakaying paksa.

Dito naman makikita ang paksang tatalakayin.


LINANGIN Magkakaroon muna ng pag- aalisng sagabal sa
pamamagitan ng pagbibigay ng kahulugan at kasalungat
ng mga salitang nakapaloob sa babasahing akda. Kasunod
ang talakayan sa akda.

Pinapalooban naman ito ng mga konseptong pangwika


TANDAAN (balarila, bahagi ng pananalita, retorika,bahagi ng
pangungusap). Ito ay maglilinang sa kakayahang
komunikatibo, kakayahang lingguwistika, kakayahang
pandiskursoat kakayahag istratejik ng mag-aaral.

Sa bahaging ito naman, susubukin naman ang pag-unawa


PALALIMIN sa pamamagitan ng pagsagot ng mga gawaingmay
kaugnyan sa paksang tinalakay. Makatutulong din ito
upang mapalawak ang pag-unawa sa epekto at kaugnayan
nito sa lipunan.Nakapaglalapat ng sariling pananaw ang
mag-aaral batay sa binasang akda.
Ang bahaging ito ay naglalaman ng isang gawaingbubuo
ILIPAT sa kabuoangtunguhin ng aralin.Dito naililipat ng mga
mag-aaralang kaniyang mga natutuhan sa kabuoang
aralin.Sa tulong nito, nakalilikha ang mga mag- aaral ng
karanasan sa pamamagitan ng pagbuo ng isang awtput
bilang kahingianng aralin.

PAGTATAYA Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas


ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhan kompetensi.

SUSI SA Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa modyul na ito.

PAGWAWASTO

PAMPROSESONG
Sa bahaging ito naibabahagi ng mag- aaralang
TANONG kaniyang pag-unawaat palagay batay sa
gawaingsinasagutan.

MGA SANGGUNIAN: Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o


paglinangng modyul na ito

PAUNANG SALITA i

TALAAN NG NILALAMAN ii

PANIMULA iii

PANIMULANG PAGTATAYA iv

ARALIN 1: Mga maikling Kuwento: Kasaysayan, Kahulugan, Elemento at Halimbawa 1

ARALIN 2: Buod at Banghay ng Maikling Kuwento 20

ARALIN 3: Paksa, Suliranin at Tunggalian ng Maikling Kuwento 39

ARALIN 4 : Simbolismo at Kulturang SOX Sa Maikling kuwento 62

PANGWAKASNA PAGTATAYA 87

MGA SANGGUNIAN 91

SUSI SA PAGWAWASTO 96

TUNGKOL SA MAY-AKDA 99

ii
PANIMULA

Sa modyul na ito ikaw ay inaasahang mapagnilayan ang sumusunod na hamong tanong:

1.Bakit mo kailangang basahinat kilalanin ang mga akdang maikling kuwentong sumasalamin sa
mayamangkultura ng SOCCSKSARGENsa kabila ng ating nararanasang pagbabago sa sistemang p
amumuhay o tinatawag nating bagong normal?

2.Sa paanongparaan mo maipapakita ang pagpapahalaga sa mga sinasalamin ng mga akdang


pampanitikan pagkatapos mong pagnilayan ang mga ito?

iii
PANIMULANG PAGTATAYA
Panuto: Sagutin mo ang bahaging paunang pagtataya na ito upang masukat kung ano na ang
nalalaman mo tungkol sa mga paksang iyong pag-aaralan sa modyu na ito. Piliin at isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

1. Isang aparato sa panitikan na ginagamit upang makalikha ng palaisipan sa mambabasa.


a. Maikling kwento
b. Kabayo
c. Simbolismo
d. Karwahe
2. Kung ito ay bibigyang simbolo sa kwento, ang ______ ay sumisimbolo sa kamatayan.
a. Pagkain
b. Ina
c. Patalim
d. Sandok
3.Sa kwento, ang _______ ay sumisimbolo sa pagkakaroon ng pag-asa.
a. Ibong kalapati
b. Kusina
c. Sala
d. Ikatlong Palapag
4. Ito ay ginagamit ng awtor upang makalikha ang mga mambabasa ng kaisipang maliban sa
kanilang literal na pagpapakahulugan.
a. Tauhan
b. Simbolismo
c. Kalabasa
d. Pangalan
5. Ang _________ ay ginagamit ng awtor upang pandagdag sa palaisipan sa akdang babasahin.
a. Kwento
b. Suliranin
c. Maikling Kwento

d. Simbolismo
6. Ito ay ang mensahe ng maikling kwento sa mambabasa.
a. Suliranin
b. Himig
c. Kaisipan
d. Paksang Diwa
7. Ito ay tumutukoy kung saan naganap ang kwento.
a. Tunggalian
b. Kaisipan
c. Tagpuan
d. Banghay

iv
8. Dito na nangyayari ang problema sa kwento.
a. Banghay
b. Wakas
c. Tunggalian
d. Kasukdulan
9. Ito ay tumutukoy sa mga panauhin sa kwento.
a. Tauhan
b. Wakas
c. Tunggalian
d. Paksang diwa

10.Isang anyo ng panitikan na may layunin magsalaysay ng mga pangayayri sa buhay ng


pangunahing tauhan.
a. Banghay
b. Maikling kwento
c. Tagpuan
d. Maiklin kwento
11. Nagamit bilang pagpapadaloy ng mga pangyayari, hanggang sa pagwawakas ng pagsasalaysay.
a. Panggalan
b. Pangatnig
c. Pang-ugnay
d. Pambalana
12. Kataga, salita, o pariralang nag-uugnay ng isang pangngalan sa iba pang salita sa
pangungusap.
a. Pang-ugnay
b. Pang-ukol
c. Pangatnig
d. Pang-akop
13. Mga kataga, salita, o pariralang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, sugnay o payak na
pangungusap.
a. Pangatnig
b. Pang-akop
c. Pang-ugnay
d. Pang-ukol
14. Tagapag-ugnay ng dalawang salita na karaniwan ay panuring at salitang tinuturingan.
a. Pangatnig
b. Pang-ukol
c. Pang-ugnay
d. Pang-akop
15. Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok na darating sa
buhay ng mga tauhan.
a. Wakas
b. Saglit na kasiglahan
c. Tunngalian
d. Kasukdulan
16. Ito ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito agad sa kasukdulan.
a. Kakalasan
b. Tunggalian
c. Wakas
d. Tagpuan
17. Ang nagsisilbing dugo ng bawat kuwento. Ito ang nagpapadaloy at nagbibigay ng interes sa
istorya.
a. Suliranin
b. Kaisipan
c. Banghay
d. Paksang diwa

18. Dito nagaganap ang paglalahad sa suliranin. Isinasaad ang mga nagiging reaksiyon o hakbang
ng mga tauhan sa inilahad na suliranin.
a. Suliranin
b. Banghay
c. Papataas na Aksiyon
d. Pababang Aksiyon

19. Dito makikita ang kakalasan. Sa kakalasan, sa mga kumbensyunal o tradisyonal na kuwento,
madalas maglagay ng ganito ang mga manunulat.
a. Suliranin
b. Banghay
c. Papataas na Aksiyon
d. Pababang Aksiyon
20. Maaaring ang wakas ay masaya, malungkot, o nagbubukas sa iba pang ideya o tinatawag na
open-ended.
a. Simula
b. Kasukdulan
c. Wakas
d. Suliranin

You might also like