You are on page 1of 11

9

Filipino
Ikaapat na Markahan
Modyul 3 para sa Sariling Pagkatuto
Mga Ekspresyon sa Paglalarawan

1
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 9 ng Modyul 3 para sa
Aralin 4.1 Mga Ekspresyon sa Paglalarawan

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod,
Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

2
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 9 Modyul 3 ukol sa Aralin 4.1 Mga


Ekspresyon sa Paglalarawan

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat
mo pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa
mga naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa
kasanayang pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang
pagsasanay na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na
dapat bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong
mga pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

3
MGA INAASAHAN
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang ikaw ay:
Nailalahad ang sariling pananaw, kongklusyon, at bisa ng akda
sa sarili at sa nakararami.

A. Natutukoy ang kontekstwal na pahiwatig ng mga salita


sa pagbibigay ng kahulugan.
B. Nagagamit ang mga angkop na salita/ekspresyon sa paglalarawan.
C. Nakasusulat ng isang sanaysay na naglalarawan sa kasalukuyang
kondisyon ng ating lipunan batay sa sarili nilang pananaw.

BALIK-ARAL
Panuto: Bilugan ang bilang ng pahayag na naglalarawan sa
mga kaganapan noong panahon ng pananakop ng Kastila.
_____1.Pagsilang ng Katolisismo sa bansa.
_____2.Pagbibigay sa lahat ng mga mamamayan ng kalidad na
edukasyon.
_____3.Paglaganap ng mga pamahiin at paniniwala tungkol sa
relihiyon.
_____4.Pagmamalupit at pangangamkam ng mga lupain.
_____5.Pagkakaroon ng pantay na karapatan at katarungang
panlipunan.

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin at unawain ang talata.

Parang bariles ang katawan ni Lolo Aboy at halos kasintaas siya ng


puno ng saging. Kalbo at makintab ang kanyang ulo, kaya lagi siyang
nakasombrero. Lagi siyang may dalang baston kapag lumalakad, parang
laging handang mamalo sa mga batang kanyang madaraanan.

1.Ang tekstong binasa sa itaas ay isang halimbawa ng tekstong_______


A. naglalahad C. nagsasalaysay
B. naglalarawan D. nangangatwiran
2.Ang “parang bariles ang katawan ni Lolo Aboy” ay isang halimbawa
ng tayutay na______.
A. pagtawag C. pagwawangis
B. pagtutulad D. personipikasyon

4
3.Batay sa detalye ng teksto, si Lolo Aboy ay isang lalaking________.
A. mabait at masipag C. matapang at mabagsik
B. mataba at matangkad D. mayaman at kagalang-galang
4.Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa epektibong paglalarawan?
A. lohikal na pagsasalaysay
B. maayos na pagpapaliwanag
C. nakahihikayat na pagsasalita
D. pagbuo ng maliwanag na imahe
5.Alin sa sumusunod ang paraan ng epektibong
paglalarawan? A. paggamit ng limang pandama
B. paggamit ng mga kongkretong detalye
C. paggamit ng mga tayutay
D. lahat ng ito

ARALIN

Pagmasdang mabuti ang apat na larawan sa itaas.


Matutukoy mo ba ang mga imaheng inilalarawan sa itaas?
Isa-isahin natin…

Ang unang larawan ay nagsasabi ng imahe ng


bayanihan.

Ang ikalawang larawan naman ay


nagpapahayag ng imahe ng pagkakaisa..

At ang panghuli naman ay kagandahan.

5
Bayanihan, pagkakaisa, pag-asa at kagandahan, bagama’t hindi
mga pang-uri ay ilan lamang sa mga salita maaaring gamitin sa
paglalarawan. Gaya ng bulaklak na maaaring maglarawan sa kagandahan,
ngunit maaari ring gamitin sa pagpapahayag ang salitang mayumi,
mabango at isang babae. Tunghayan natin at basahin ang pagpapalawak sa
ating aralin ngayon….

Mga Ekspresyon sa Paglalarawan

Ang paglalarawan ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong


bumuo sa isip ng mga mambabasa o tagapakinig ng isang maliwanag na
larawan o imahe ng isang bagay, tao, lugar, pangyayari o ideya.
Sa pangkalahatan, ang paglalarawan ay gumagamit ng mga pang-uri.
Halimbawa, ang isang tao ay maaaring ilarawang matangkad, payat, bata,
matanda, mataba,pandak, maputi, o maitim. Ang isang hayop ay maaaring
ilarawang mabangis, maamo, mailap, mabilis, malaki, at maliit. Ang isang
lugar ay maaaring ilarawang malapit, malayo at mapanganib.
Bukod sa paggamit ng mga pang-uri, may mga paraang magagamit sa
epektibong paglalarawan. Ilan dito ang sumusunod:
1.Paggamit ng mga pandamdam. Gumagamit ng mga salita na
makatutulong sa mga mambabasa o tagapakinig na makita, maamoy,
marinig, malasahan, at maramdaman ng mga mambabasa ang ano
mang inilalarawan.
Halimbawa:
Kulay pula ang suot niyang damit
Masangsang ang amoy ng bulaklak
Napaso ako sa mainit na kaldero
2.Paggamit ng tiyak at kongkretong detalye. Halimabawa, sa halip
na sabihin mong “maliit at payat ang babae,” sabihin mong “mga
4’10” lamang ang taas at mga 85 libra lamang ang kanyang timbang.
3.Paggamit ng mga tiyak na pangangalan at pandiwa. Halimbawa
sa halip na “manok,” gamitin ang “tandang” o “inahin.”
Sa halip na “tumakas,” isulat ang tumalilis.
4.Paggamit ng mga tayutay, tulad ng pagwawangis (metaphor) at
pagtutulad(simile).
Halimbawa, sa halip na sabihin mong “maputi ang babae,”
maaari mong isulat na “kasimputi ng labanos ang babae.”

6
Sa halip na sabihin mong “matapang si Pedro,” banggitin mong “isang
tigre si Pedro.”

Sa paggamit ng pagtutulad at pagwawangis na ganito, nakabubuo ang


mambabasa ng mas maliwanag na imahe.

5.Paggamit ng mga idyoma.


Halimbawa:
Butas ang bulsa- walang pera ikrus sa kamay- tandaan
Ilaw ng tahanan- ina bukas ang palad - matulungin
Alog na ang baba- matanda na kapilas ng buhay- asawa basag
Alimuom- baho ang pula- luko-luko
Bahag ang buntot- duwag nagbibilang ng poste- walang
trabaho

6.Paglalarawan sa espasyo at oras nang sunod-sunod. Halimbawa,


maaari mong ilarawan ang biyahe mo sa bus mula sa simula hanggang sa
iyong destinasyon. Maaari mo ring ilarawan ang sapa mula
sa pinanggalingan niyon hanggang sa mapasama iyon sa ilog.

Makakatulong sa iyo ang mga paraan na ito sa paglikha ng


mas maliwanag ng imahe sa isipan ng iyong mambabasa.

MGA PAGSASANAY
Pagsasanay Blg. 1
Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap sa bawat bilang.

Tukuyin ang wastong ekspresyon ng paglalarawan.


Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Tukuyin ang salitang “bahay.” Sa tiyak na pangngalan at pandiwa.


A.bakasyunan B. kubo C.pahingahan D.tahanan
2. Wow! Parang di- madapuang langaw si Leroy sa suot nitong tuxedo.
A. Bagong laba ang damit.
B. Bagong plantsa ang damit.
C. Mabaho at marumi ang damit.
D. Maganda ang bihis
3. Tukuyin ang idyomang naglalarawan sa salitang “nagkasakit.”
A. Nagpatingin sa manggagamot.
B. nasa banig ng karamdaman
C. Nilalagnat siya.
D. Siya ay nakahiga sa kama.

7
4.Ilarawan ang “mabilis na kotse” sa tulong ng isang kongkretong detalye.
A. 100 Square Meters C. 80 Kph
B. isang pulgada D.10 cubic meters
5.Ang anak ni Aling Agnes ay tila maamong kordero kaya laging pinupuri
ng kanyang guro.
A.mabait na bata C.masunuring bata
B.magalang na bata D.matulunging bata

Pagsasanay Blg. 2

Panuto: Lagyan ng (tsek) ang patlang sa bawat pahayag kung angkop
ang salitang may salungguhit sa loob ng pangungusap.
_____ 1. Walang kahulilip ang kasiyahan ng mga Pilipino sa gitna
ng tinatamasa nilang biyaya ng lupang kanilang sinasaka.
_____ 2. Si Dr. Jose Rizal ay namumuhay nang maligaya sa
tahanang punong-puno ng pagmamahal.
_____ 3. Ang matatabang lupain ay tila ginto na umaakit sa mga prayle
upang kamkamin.
_____ 4. Ang mga pandak na punongkahoy ay pinapapatay ng mga prayle.
Wala raw pakinabang ang mga ito.
_____ 5. Nakakasilaw ang kislap ng araw.

Pagsasanay Blg. 3
Basahin ang talata.

Kasamang dumating ni Kapitan Tiyago ang binatang si Crisostomo


Ibarra na nakadamit na panluksa. Masayang binati ng Kapitan ang mga
panauhin at humalik sa kamay ng pari ngunit hindi man lang siya
binendisyunan dahil sa pagkagulat. Si Padre Damaso ay hindi nakaimik
at nawalan ng kulay ang mukha sa pagkakita kay Ibarra. Si Ibarra ay
ipinakilala ni Kapitan Tiyago na anak ng kanyang kaibigang
sumakabilang buhay . Kararating pa lamang nito sa Europa kung saan
ang binata ay tumira nang pitong taon upang magsunog ng kilay. Si
Crisostomo Ibarra ay kayumanggi kahit na ito ay may dugong Espanyol.
Tumangging makipagkamay si Padre Damaso kay Ibarra at itinatwa nito
na kaibigan niya ang yumaong ama ng binata.

8 8
Panuto: Kilalanin ang tamang kahulugan ng mga salita na ginamit sa
binasang talata. Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. nakadamit na panluksa
A. kulay itim na suot C. marangyang suot
B. madilim sa mata D. nakasuot ng katutubong damit
2.nawalan ng kulay ang mukha
A. ayaw magmake-up C. nakakita ng multo
B. nagtanggal ng make-up D. namutla
3.kanyang kaibigang sumakabilang- buhay
A. namahinga C. nawalan ng hininga
B. namatay D. pumunta sa ibang lugar
4. magsunog ng kilay
A. mag-aral na mabuti C. naglakbay sa ibang bansa
B. nagkilay is life D. sinunog ang kilay
5. itinatwa
A. ginawan ng istatwa C. hindi pinansin
B. hindi pinakinggan D. ipinagkaila

PAGLALAHAT
Panuto: Basahin ang pahayag na nasa kahon. Ipaliwang ang pahayag
ayon sa naunawaan mo sa tinalakay na aralin

Magiging mabisa at malinaw ang imahe at mensaheng nais ihatid


kung gagamit ng wastong ekspresyon sa paglalarawan .

--------------------------------------------------------------------------------------
----------------------------------------------------------------------------------------------
----------------------------------------------------------------------------------------------
----------------------------------------------------------------------------------------------
------------

9
PAGPAPAHALAGA
Panuto: Sumulat ng isang maikling sanaysay na naglalarawan batay sa
kasalukuyang kalagayang hinaharap ngayon sa ating
lipunan. Sundin ang rubric na nasa ibaba.

Pamantayan sa Pagsulat ng Sanaysay- PUNTOS


Paglalarawan
Napapanahon ang paksa 5
Nakabuo ng dalawa hanggang tatlong talata 5
Nakagamit ng mga ekspresyon sa 5
paglalarawan sa pagbuo ng imahe at
paghahatid ng mensahe.
KABUOANG PUNTOS 15

10
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang mga katangian ni Kapitan Tiyago ay itinuturing na hulog ng langit.
Ano ang pinakaangkop na kahulugan ng pariralang “hulog ng langit”?
A. kapalarang hindi inaasahan C. kayamanang bigay ng Diyos
B. kapuri-puring pag-uugali D. mga likas na katangian
2. Siya ay pandak, di kaputian at may bilugang mukha.
A. 5’9” ang taas C. 5’11” ang taas
B. 4’ 9” ang taas D. 5 metro ang sukat
3. Si Kapitang Tiyago ay nasa kalagitnaan na ng kanyang edad.
A. 35 taong gulang C. 21 taong gulang B. 18 taong
gulang D. 80 taong gulang
4. Pinakamayaman siya sa Binudok, at mga karatig- probinsiya
ng Pampanga at Laguna. Hindi kataka-taka na para siyang lobong
hinipan sa pagpintog ng kanyang kayamanan. Anong tayutay ang
makikita sa huling pangungusap ng teksto.
A. pagmamalabis C.pagwawangis
B. pagtutulad D.personipikasyon
5. “Mamamatay akong hindi nakikita ang ningning ng bukang-liwayway
sa aking bayan”! Ano ang tinutukoy ng nagsasalita?

A. kalayaan C. paglago B. pagbabago D.


umaga

You might also like