You are on page 1of 5

MODYUL1.

2 FILIPINO 9
TOPIKO: PANITIKAN-TIMAWA KABANATA I (NOBELA)
GRAMATIKA- PAHAYAG NA GINAGAMIT SA
PAGBIBIGAY NG OPINYON

ALAMIN

Isang malugod na araw sa iyo. Nais kong ikaw ay nasa maayos na kalagayan sa
puntong ito.
Ang modyul na ito ay naglalaman ng isang kabanata ng isang nobela. Alamin natin
kung ano ang nakapaloob sa dito. Naglalaman din ito ng mga pahayag na ginagamit sa
pagbibigay ng opinyon. Sa modyul na ito, malalaman natin kung paano ang wastong
paggamit ng mga pahayag na ito.
MGA LAYUNIN

Pagkatapos na mapag-aralan at gawin ang nilalaman ng modyul, inaasahang


magagawa mo ang mga sumusunod:
1. Nauuri ang mga tiyak na bahagi sa akda na nagpapakita ng katotohanan,
kabutihan at kagandahan batay sa napakinggang bahagi ng nobela
2. Nasusuri ang tunggaliang tao vs. sarili sa binasang nobela
3. Nabibigyan ng sariling interpretasyon ang mga pahiwatig na ginamit sa akda
4. Nasusuri ang pinanood na teleseryeng Asyano batay sa itinakdang pamantayan
5. Naisusulat ang isang pangyayari na nagpapakita ng tunggaliang tao vs. sarili
6. Nagagamit ang mga pahayag na ginagagamit sa pagbibigay-opinyon (sa tingin /
akala / pahayag / ko, iba pa)

SUBUKIN
Alamin natin ngayon kung may kaalaman ka sa araling tatalakayin sa pamamagitan
ng pagsagot ng panimulang pagtataya.
Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa iyong pagkakaintindi. Isulat ang tinutukoy ng bawat
pahayag.
_____ 1. Ito ay isang mahabang likhang pampanitikan na may makasining na pagsasalaysay
ng maraming pangyayaring magkasunod-sunod at magkakaugnay
_____ 2. Ang tawag sa tunggalian ng tao laban sa kanyang sarili.
_____ 3. Ito ay tumutukoy sa tao laban sa mga elemento at puwersa sa kalikasan.
_____ 4. Ito ay tunggalian ng tao laban sa kanyang sarili.
_____ 5. “Sa tingin ko…”- Ang pahayag na ito ay ginagamit sa pagbibigay ng anong uri ng
opinion?

TUKLASIN
Ang nobelang iyong mababasa ay itinuturing na malapit sa puso ni Fabian, ang
manunulat ng nobelang ito, dahil gaya ng pangunahing tauhan ay nagtapos din siya ng pag-
aaral sa Estados Unidos. Sarili niyang karanasan ang naging inspirasyon sa akdang ito.

1
SURIIN

Sa puntong ito, iyo nang basahin ang unang kabanata ng nobelang Timawa sa iyong
teksbuk pahina 38-43. Alamin kung ano-ano ang mga napagdaanan ni Andres Talon bago
siya nakarating sa Amerika. Maligayang pagbabasa!

Ang nobela ay isang mahabang likhang pampanitikan. Ito ay makasining na


pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod-sunod at magkakaugnay. Ang bawat
bahagi nito ay may mahalagang ginagampanan sa kabuuan ng nobela. Ang mga pangyayaring
ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-
wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.

*Alamin ang kahulugan at mga tunggalian sa nobela sa iyong teksbuk pahina 51.
Ang pagbibigay ng opinyon ay hindi na bago sa atin. Sa ating pangaraw-araw na
pamumuhay, tayo ay nagbibigay ng opinyon sa mga bagay bagay sa ating mga nararanasan,
nakikita o naririnig. Pag-aralan ang mga pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon
(Isaisip Natin pahina 55).

PAGYAMANIN

Ipakita mo sa gawaing ito ang pagkakaunawa sa aralin sa pamamagitan ng pagsagawa ng


bawat pagsasanay.

Pagsasanay 1
Panuto: Hanapin at sipiin sa nobelang binasa ang bahaging nagpapakita ng pinakamataas na
katotohanan, kabutihan, at kagandahang nangyari sa akda. Isulat ang iyong sagot sa
talahanayan at saka ipaliwanag kung bakit ito ang iyogn sagot.

Sumangguni sa iyong aklat Buon Natin pahina 46.

Pagsasanay 2

Panuto: Basahin ang ilang pagpapahalagang Pilipinong makikita sa iyong teksbuk Subukin
Pa Natin pahina 54-55. Sumulat ng iyong opinyon kung ito ba ay iyong namamalas pa sa
kasalukuyan at kung paano ito makakatulong upang mapalaki kang isang mabuting tao at
mabuting Pilipino.

2
ISAISIP
Ang nobela ay isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring
magkasunod at magkaugnay. Ang katuturan nito ay ayon sa karanasan ng tao sa kaniyang
sarili at sa kaniyang buhay.Sa isang nobela, may mga tunggaliang nagaganap upang mas
kapana-panabik ang bawat tagpo nito. Ang mga ito ay ang mga sumusunod: pisikal,
panlipunan, at panloob o sikolohikal.
Sa ating pang-araw-araw na buhay, hindi natin maiiwasan ang pagbibigay opinyon
sa mga bagay-bagay sa ating kapaligiran. May mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng
opinyon gaya ng “Kumbinsido akong…” at “Lubos kong pinaniniwalaan…” (pagbibigay ng
matatag na opinyon) at “Sa aking palagay…” at “Sa totoo lang…”

ISAGAWA

Sa puntong ito, alam kong kayang-kaya mo nang gawin ang pagsasanay na ito.
Pagsasanay 3
Sa pagsasanay na itom sumangguni sa iyong teksbuk Isulat Natin pahina 51.

References
Julian, Aileen G., del Rosario,Mary Grace G., Pinagyamang Pluma 9 pahina 34-58, Phoenix Publishing House,
201

3
4
5

You might also like