You are on page 1of 29

AMOY SAMPAGUITA

NGALAN PUTING ANG

BULAKLAK KAY BANGO


Hila mo’y tabak
Ang bulaklak; nanginig!
Sa paglapit mo
Nabon sa bundok
ang mga dahong lagas.
Ang naghalong kabiyak
Ay naligaw.
Ang Hapon ang isa sa mga kilala at
nangunguna sa larangan ng ekonomiya at
teknolohiya hindi lamang sa Asya kundi
maging sa buong daigdig. Bagama’t
makabago na ang paraan ng pamumuhay ng
mga tao roon, napananatili pa rin nila ang
kanilang sinaunang kultura at pagpapahalaga
sa panitikan. Patuloy nila itong ginagamit at
pinagyayaman tulad na lamangng TANKA at
HAIKU.
LAYUNIN:
Pagsama-samahin ang
mga ideya at imahe sa
pamamagitan ng
kakaunting salita lamang.
KALIGIRANG
PANGKASAYSAYAN
NG TANKA AT HAIKU
Ang tanka at haiku ay
ilang anyo ng tula na
pinahahalagahan ng
panitikang Hapon. Ginawa
ang tanka noong ikawalong
siglo at ang haiku noong ika-
15 siglo.
MANYOSHU O COLLECTION OF
TEN THOUSAND LEAVES

- kalipunan ng mga tula


- dito unang naisama ang
tanka
- nagpasimula ng panitikang
nakasulat
KANA
- ponemikong karakter
na ang ibig sabihin ay
“hiram na mga pangalan.”
TANKA
- tulang liriko ng mga Hapones

- kilala rin sa tawag na WAKA

- karaniwang kinakanta

- maikling awitin
Noong ika-15 siglo,
isinilang ang bagong
anyo ng pagbuo ng tula
ng mga Hapon. Ang
bagong anyo ng tula ay
tinawag na haiku.
HAIKU
- isang maikling anyo ng tula ng mga
Hapones
- pinaikling anyo ng tanka
- Masaoka Shiki ang kilalang nagbigay
pangalan
- Matsuho Basho pinakatanyag sa
larangan ng pagsulat
TANKA HAIKU
maikling awitin na
  pagbigkas ng talutod
puno ng damdamin na may wastong antala
kagandahan,
 at paghinto
pagbabago,  karanasan sa kalikasan
pagkasawi at pag-ibig
17 na pantig
 31 na pantig
 3 taludtod
 5 taludtod
 575
 77755/75757
WIKA
• mabisang kasangkapan ng tao sa pakikipag-unawaan sa
kanyang kapwa

• ito ay biyayang galing sa Diyos upang ipaabot ng tao ang


kanyang iniisip, nadarama, nakikita at nararanasan sa
kanyang kapaligirang ginagalawan

• isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng


pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o
makipagtalastasan ang isang grupo ng
mga tao.

• ito ay binubuo ng mga tunog


PONEMA
 ay pinakamaliit na yunit ng tunog na nagtataglay ng kahulugan.

 katinig at patinig

 ponolohiya
Ponemang Suprasegmental
• ay tumutukoy sa mga makahulugang yunit ng tunog
na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa
pagsulat. Sa halip, sinisimbulo ito ng mga notasyong
ponemiko upang matukoy ang paraan ng pagbigkas

• paraan ng pagbigkas ng salita tulad ng wastong tono,


diin, at antalang maghahatid ng kalinawan sa
pagpapahayag ng nais ipahayag

• diin, intonasyon at hinto


BASAHIN ANG MGA SUMUSUNOD BATAY SA BANTAS NA GINAMIT.

1. Totoo? Maganda siya?


Totoo! Maganda siya!

2. Mahal ka niya.
Mahal ka niya?
MAGBASA KA.
/mag.basa ͪ/
/magbasa’/

PASO
/pa.so’/
/paso’/

PAMIMILI
/pa.mimili ͪ/
/pamimili’/
TONO
• ang pagbaba at pagtaas sa pagbigkas o
intonasyon ng pantig

• ang tono ng isang salita ay naiiba ang


gamit depende sa pagbigkas
HALIMBAWA:

Pupunta ka sa silid-aralan.
Pupunta ka sa silid-aralan?
Pupunta ka sa silid-aralan!

Mamaya?
Mamaya!
Mamaya.
DIIN
• lakas o bigat ng bigkas ng isang salita o
pantig
HALIMBAWA:

Kilalá /ki.lala/ - alam ang pangalan


Kilalà /kilala/ - tanyag

Tubó /tu.bo/ - interes


Tubò /tubo ͪ/ - isang uri ng halamang
ginagawang asukal
ANTALA
• patungkol sa haba at hinto ng pagkakabigkas
ng salita
HALIMBAWA:

Hindi / bu.kas - No, tomorrow


Hindi bu.kas - Not tomorrow

Hindi / bukas. - No it’s open


Hindi bukas. - Not open

Hindi, ako si Joshua.


Hindi ako, si Joshua.
Hindi ako si Joshua.
Pagsasanay 1: Diin
Bigkasin at isulat ang kahulugan ng mga pares ng salita na
pareho ang baybay subalit magkaiba ang bigkas.

1. ha.pon - _________________
hapon - _________________
2. tayo - _________________
ta.yo - ________________
3. pi.to - ___________________
pito - __________________
4. mang.gagamot - ___________________
manggagamot - _________________
5. la.bi - ___________________
labi - __________________
Pagsasanay 2: Tono

Lagyan ng bantas ang mga sumusunod.

1. Kanina _______, pag-aalinlangan


Kanina _______, pagpapatibay
2. Mayaman sila _______, pagtatanong
Mayaman sila _______, pagpapahayag
3. Magaling ka talaga _______, pagpupuri
Magaling ka talaga _______, pangangatwiran
4. Kumusta ka na _______, pag-uungkat
Kumusta ka na _______, pag-aalala
5. Ayaw mo _______, paghamon
Ayaw mo _______, pag-uusisa
Pagsasanay 3: Hinto / Antala
Basahin ang sumusunod na pahayag. Bigyan ng dalawang kahulugan ang
mga ito sa pamamagitan ng paggamit ng hinto. Gamitin ang ( / ) sa paghinto.

1. Hindi si Arvyl ang sumulat sa akin.

2. Wrenyl Matthew Mark ang tatay ko.

3. Hindi siya ang kaibigan ko.


Ipaliwanag ang mensahe ng sumusunod na pahayag ayon
sa taglay nitong hinto.

1. Kuya Paul Jake / palabas na ang teleserye.


Kuya Paul / Jake / palabas na ang teleserye.

2. Hindi si Rolly / ang kampeon.


Hindi / si Rolly ang kampeon
Pagsasanay 4:

Ipwesto ang / batay sa hinihingi sa bawat pahayag.

Tito Juan Anton ang pangalan niya


(Sinasabi ang buong pangalan ng ipinakikilala.)

Tito Juan Anton ang pangalan niya


(Kinakausap si Tito, o kaya’y isang tiyo, at ipinakikilala Si Juan Anton)

Tito Juan Anton ang pangalan niya


(Kausap ang isang tiyo na Juan ang pangalan. Ipinakikilala si Anton)

Tito Juan Anton ang pangalan niya


(Ipinakikilala sina Tito at Juan kay Anton)

You might also like