You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
Schools Division Office I Pangasinan
BAYAMBANG NATIONAL HIGH SCHOOL
Magsaysay St., Bayambang Pangasinan

MASUSING BANGHAY ARALIN


SA FILIPINO 10
(Classroom Observation 1)
October 18, 2023

I. LAYUNIN:
Pagkatapos ng aralin, 75% sa mga mag-aaral ay inaasahang makatamo ng mga sumusunod:
Pangkalahatang Layunin
• Nagagamit ang angkop na mga panghalip bilang panuring sa mga tauhan. (F10WG-If-g-61)

Tiyak na Layunin
• Nakikilala ang anapora at katapora bilang kohesiyong gramatikal.
• Nakabubuo ng sariling pangungusap gamit ang kohesiyong gramatikal na anapora at
katapora.

II. NILALAMAN:
a. Paksang – Aralin:
Gramatika at Retorika 1.4
Wika: “Panghalip bilang Panuring sa mga Tauhan”

b. Sanggunian
Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral pahina 68-69

c. Kagamitan:
Laptop, Powerpoint, LED TV, tarpapel,

GAWAING GURO GAWAING MAG –AARAL

III. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain:
1. Panalangin
Tayong lahat ay tumayo upang Mananalangin
manalangin.

2. Pagbati Magandang hapon din po.


Magandang Hapon!
3. Pagtatala ng lumiban sa klase Ikinagagalak ko pong sabihin na wala pong
Maaari bang iulat ng bawat lider ang mga lumiban sa aming grupo.
lumiban sa araw na ito.
Ang mensahe ng kuwento ay maging
4. Balik – Aral makuntento po tayo sa buhay natin.
Ano ang mensahe ng kuwentong ating
pinag-aralan kahapon?

B. Pagganyak:
Pagpapakita ng mga hugot lines at
pansinin ang mga salitang nakasulat sa
malaking titik?

1. Kapag pinagsama ba ang panghalip na


IKAW at AKO, magiging TAYO?

2. Parati mo na lang akong sinasabihan ng


“IKAW NA!”, Puwede bang sa susunod
“TAYO NA?”

3. Hindi man TAYO pwede sa ngayon…


Sana sabay NATING mahintay ang
takdang panahon.

C. Pagtalakay: Ang panghalip ay salitang pamalit o panghalili sa


Ano panghalip? pangngalan.

ikaw, ako, niya, doon, ito, kami, siya


Magbigay pa ng iba pang halimbawa ng
panghalip.
Kohesiyong gramatikal ay mga salitang
Ano ang ibig sabihin ng kohesiyong gramatikal? nagsisilbing pananda upang hindi paulit – ulit ang
mga salita.

May dalawang uri ng Kohesiyong Gramatikal

Ang anapora ay mga reperensiya na kalimitan ay


panghalip na tumutukoy sa mga nabanggit na sa
unahan ng teksto o pangungusap.

Halimbawa: Si Mathilde ay naiinggit dahil wala


siyang damit na isusuot sa party.
Siya
Ano ang ginamit na panghalip sa pangungusap?
Mathilde
Anong pangngalan ang tinukoy sa unahan ng
teksto

Tama, Magaling.
Maraming mag-aaral ang nahihirapan daw sa dami
ng sinasagutang modyul dahil hindi na sila halos
nakatutulog nang maaga sa gabi.

Ano ang ginamit na panghalip sa pangungusap?


Sila
Anong pangngalan ang tinukoy sa unahan ng
teksto Mag-aaral

Tama, Mahusay

Ipinahiram ni Madame Forestier ang kuwintas kay


Mathilde. Ngunit hindi akalain ng huli na mawawala
niya ito.

Panghalip na tinutukoy kay Mathilde na nasa


unahan ng teksto Niya, ito

Anong pangngalan ang tinukoy sa unahan ng


teksto Madame Forestier

Bumuo ng sariling pangungusap na nasa


Kohesiyong Gramatikal na anapora.

Katapora ay mga reperensiya na bumabanggit, at


tumutukoy sa mga bagay na nasa hulihan pa ng
teksto o pangungusap.

Halimbawa:

Sila ay nawiwiling manood ng Maria Clara at Ibarra


sapagkat ang mga kabataan ay may mga
natutunan sa palabas.

Anong panghalip na ginamit sa pangungusap?


sila
Ano ang tinukoy sa hulihan ng teksto o pangngalan
sa pangngusap? kabataan

Tayong lahat ay biktima ng pandemya ngunit hindi


ito naging hadlang upang ang mga tao ay
bumangon at magsimula muli.

Anong panghalip na ginamit sa pangungusap?


Tayo
Ano ang tinukoy sa hulihan ng teksto o pangngalan
sa pangngusap? ang mga tao

Tama, Magaling.
Tunay nga na sa kanyang linya na “Matira ang
matibay” ipinakita ni Herbert Spencer na ang tao ay
gagawin ang lahat para mabuhay.
Anong panghalip na ginamit sa pangungusap?

Ano ang tinukoy sa hulihan ng teksto o pangngalan


sa pangngusap? kanya

Bumuo ng sariling pangungusap na nasa Herbert Spencer


Kohesiyong Gramatikal na katapora.

Mahusay

D. Paglalapat/Aplikasyon:
Pangkatang Gawain
Punan ng angkop na panghalip ang mga patlang
upang mabuo ang diwa ng pangungusap at tukuyin
ito’y nasa reperensiya ng anapora o katapora.
1. Ang mga kababaihan sa Pilipinas ay
kilala bilang malambing at matapang
ipinaglalaban ang kanilang karapatan.
Sila – anapora
____________ ay hinahangaan ng mundo
dahil sa mga katangiang ito.
2. _ay isa sa mga
dayuhang turista na patuloy na pumupunta
sa Boracay. Paboritong pasyalan ni Joan.
3. Ang pagmamahal sa bayan ay di Siya – katapora
mapapasubalian.
ay taglay niya hanggang kamatayan.
4. Si Jungkook ay sikat at kilala sa buong Ito – anapora
mundo sa larangan ng pagkanta at
pagsayaw. Hinahangaan
ng lahat. Siya - anapora
5. ay isa
mga social media na kinahihiligan ng mga
kabataan ngayon. Tiktok ang kanilang
Ito – katapora
ginagawang libangan sa pamamagitan ng
pagsayaw at pagkanta.

E. Paglalahat:
Bakit mahalagang pag-aralan ang mga
kohesiyong gramatikal?

Mahalagang pag-aralan ang mga kohesiyong


gramatikal para maiwasan ang pag-uulit ng mga
salita at mapili ang tama o angkop na panghalip na
gagamitin upang maging mabisa ang
IV. PAGTATAYA: pagpasasalaysay.
Piliin ang ginamit na panghalip at tukuyin kung ito’y
nasa kohesiyong anapora o katapora.
1. Si Zhane ay nag- aaral sa Pambansang
Mataas na Paaralan ng Bayambang. Doon
nakikilala bilang Math Genius.
2. Dahil sa maganda niyang tinig, napili si
Leah para umawit sa programa sa Lunes.
3. Ang kultura ay nagbibigay sa atin ng
pagkakakilanlan. Ito ay maituturing na
kayamanan ng isang bansa.
4. Ito ang pinakamasarap na pagkain sa
lahat. Kung kaya’t araw-araw bumibili si
Jen ng burger.
5. Nagustuhan nila ang masasarap na
pagkain at alak. Ang mga taga-France
ay masayahin at mahilig dumalo sa mga
kasayahan.

V. KASUNDUAN:
Sagutan sa libro ang pagsasanay 2 sa
pahina 70-71 sa inyong libro. Ilagay ito sa malinis
na papel.

Inihanda ni: Iniwasto ni:

ROWENA M. DE GUZMAN EVELYN V. AQUINO


Guro III Dalubguro I

Pinagtibay ni:

VILMA C. COLLADO
Ulongguro VI

Nabatid ni:

OLIVIA P. TERRADO,DA
Punong-Guro IV

Document Code:
Address: Magsaysay St. Bayambang, Pangasinan
Revision No.: 00
Telephone No.: (075)-636-1469
Page No.: Page 5
Email: bayambangnationalhighschool@yahoo.com
Effectivity Date: 01-23-2020

You might also like