You are on page 1of 28

Government Property

NOT FOR SALE

NOT
9
Filipino
Ikalawang Markahan - Modyul 27
Paghambing ng mga Napanood na Dula
Batay sa mga Katangian at Elemento Nito

Department of Education ● Republic of the Philippines


Filipino- Grade 9
Alternative Delivery Mode
Quarter 2, Wk.7-8 - Module 27: Paghahambing ng ma Napanood na
Dula Batay sa Katangian at Elemento Nito
First Edition, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things,
impose as a condition the payment of royalty.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand


names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective
copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to
use these materials from their respective copyright owners. The publisher and
authors do not represent nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education – Division of Cagayan de Oro


Schools Division Superintendent: Roy Angelo L. Gazo, PhD., CESO V

Development Team of the Module

Author: Dina Joy D. Andeza


Evaluators/Editors: Ruth B. Tomarong, Virgie B. Baoc
Illustrator and Layout Artist: Irish S. Habagat

Management Team
Chairperson: Roy Angelo E. Gazo, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Nimfa R. Lago, PhD, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Members: Henry B. Abueva, OIC-CID Chief


Levi M. Coronel, PhD., EPS-Filipino
Sherlita L. Daguisonan, EPS-LRMS
Meriam S. Otarra, PDO II
Charlotte D. Quidlat, Librarian II
Printed in the Philippines by
Department of Education – Division of Iligan City
Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City

9
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph

ii
Filipino
Ikalawang Markahan - Modyul 27
Paghahambing ang mga Napanood na Dula
Batay sa mga Katangian at Elemento Nito

This instructional material was collaboratively developed and reviewed


by select teachers, school heads, Education Program Supervisor in Filipino of
the Department of Education - Division of Iligan City. We encourage teachers
and other education stakeholders to email their feedback, comments, and
recommendations to the Department of Education-Iligan City Division at
iligan.city@deped.gov.ph or Telefax: (063)221-6069.

We value your feedback and recommendations.

Department of Education ● Republic of the Philippines

iii
This page is intentionally blank
Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya ……………………………… 1


Nilalaman ng Modyul ………………………………
Alamin ………………………………
Pangkalahatang Panuto ……………………………… 2
Subukin ……………………………… 3
Aralin 1 ………………………………
Balikan ……………………………… 4
Tuklasin ……………………………… 5
Suriin ……………………………… 6
Pagyamanin ……………………………… 11
Isaisip ………………………………
Isagawa ……………………………… 14
Buod ……………………………… 15
Tayahin ……………………………… 16
Karagdagang Gawain ……………………………… 18
Susi ng Pagwawasto ……………………………… 19
Sanggunian ……………………………… 20

iv
This page is intentionally blank
Modyul 27
Paghahambing ng mga Napanood na
Dula Batay sa mga Katangian at
Elemento Nito

Pangkalahatang Ideya

Sinikap ng awtor na makabuo ng isang modyul na magsisilbing gabay ng mga


mag-aaral sa pag-aaral ng panitikan at ng asignaturang Filipino. Mababasa ang
pagtalakay ng isang natatanging panitikan na dulang pantanghalan at ang mga
katangian at elemento nito. Matutunghayan din ang isang dula na mula sa bansang
Japan na kapupulutan ng aral.
Sadyang pinag-isipan ang mga gawain at pagsasanay na maaaring
makatugon sa mas mabilis na pagkatututo sa paksang-aralin. Ginamitan ng iba’t
ibang graphic organizer ang mga gawain at pagsasanay na isasagawa ng mga mag-
aaral nang sa gayun ay maging kawili-wili at kalugud-lugod ang pag-aaral ng dulang
pantanghalan.
Nawa’y magsilbing instrumento sa mga mag-aaral ang modyul na ito upang
mas pahalagahan ang natatanging panitikan ng Pilipinas.

Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito ay may isang aralin:
 Aralin 1: Nahahambing ang mga Napanood na Dula batay sa mga
Katangian at Elemento ng Bawat isa

Alamin

Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay:

 Napaghahambing ang mga napanood na dula batay sa mga katangian


at elemento ng bawat isa (F9PD-IIg-h-48)

 Nakapagbibigay impormasyon tungkol sa isang lugar.


 Nasusuri ang dulang tinalakay.
 Napaghahambing ang mga tauhan sa dulang binasa.
 Nalalaman ang katangian at elemento ng dula.
 Naibibigay ang pangyayari sa bawat bahagi ng dulang binasa.
1
Pangkalahatang Panuto
Paano mo Matututunan?
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:
 Basahin at unawain nang mabuti ang mga konseptong pangwika.
 Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.
 Sagutin ang lahat ng mga ibinigay na gawain at pagsasanay.

Icons na Ginagamit sa Modyul

Alamin Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o


mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa
modyul na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa


Subukin tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito
masususuri kung ano na ang iyong natutunan
kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa


Balikan pamamagitan ng pagtatalakay sa mga
mahahalaga mong natutunan sa nagdaang aralin
na may koneksiyon sa tatalakaying bagong aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa


Tuklasin pamamagitan ng iba’t ibang gawain

Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at


Suriin nararapat mong matutunan upang malinang ang
pokus na kompetensi.

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa


Pagyamanin iyong natutunan at magbibigay pagkakataong
mahasa ang kasanayang nililinang.

Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


Isaisip mahahalagang natutunan sa aralin.

Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang


Isagawa mailapat ang iyong mahahalagang natutunan sa
mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.
Subukin

Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang


titik ng tamang sagot sa patlang.

____1. Ito ay isang uri ng sining na may layuning magbigay ng makabuluhang


mensahe sa manonood sa pamamagitan ng kilos ng katawan, dayalogo at iba
pang aspekto nito.
a. maikling kwento b. dula c. sanaysay d. alamat

____ 2. Ito ang pinakakaluluwa ng isang dulang pantanghalan.


a. iskrip b. manonood c. actor d. wakas

____ 3. Ang nagsisilbing tauhan ng dula at nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip.


a. direktor b. tanghalan c. tauhan d. hayop

____ 4. Ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita at
maipadama ang emosyon ng dulang pantanghalan.
a. iskrip b. tauhan c. dayalogo d. wakas

____ 5. Ano mang lugar o pook na pinagpasyahang pagdarausan ng isang dulang


pantanghalan.
a. tanghalan b. skwelahan c. kwarto d. telebisyon

____ 6. Siya ang namamahala at nagpapakahulugan sa isang iskrip ng dula.


a. artista b. direktor c. editor d. tauhan

____ 7. Sa kanila inilalaan ang isang dulang pantanghalan.


a. mamamayan b. estudyante c. manonood d. tauhan

____ 8. Nagpapakita ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot


sa problema.
a. saglit na kasiglahan b. tunggalian c. kasukdulan d. wakas

____ 9. Nagpapakita ng labanan o pakikibaka ng tanging tauhan.


a. wakas b. tunggalian c. kasukdulan d. simula

____ 10. Pinakamadulang bahagi ng dula kung saan iikot ang kahihinatnan ng
tanging tauhan, kung ito ay kasawian o tagumpay.
a. wakas b. tunggalian c. kasukdulan d. simula

____ 11. Suriin kung ano ang nais ng pahayag, “Kaya nga ako naririto para
pagsilbihan kayo. Hayaan ninyong buhatin ko kayo.”
a. Gusto niyang ipagtanggol ang kanyang kasama.
b. Gusto niyang tulungan ang kanyang kasama.
c. Nais niyang pagsilbihan ang kanyang kasama sa abot ng kanyang
makakaya.
d. Nais niyang pabayaan na lamang ang kanyang kasama.

3
____ 12. “Pero ang pagbibiyahe sa bagong lugar ang nakapagpapagaan ng
pakiramdam bukod pa sa kasayahang nalalasap mo.”, Ano ang nais
ipahiwatig ng pahayag?
a. nakakabawas ng sakit ng katawan
b. nakapag-aalis ng sama ng loob
c. nakapagpapaligaya ng kalooban
d. nakapagpapaluwag ng pakiramdam

____ 13. Ang bahaging ito ng akda ay maituturing na di kapani-paniwala.


a. pagtawid sa kalye
b. pagpanhik sa mataas na gusali
c. pagtawid sa dagat
d. pag-inom ng sake

____ 14. Bahagi ito ng akda na tumutukoy sa di pagtanggap sa katotohanan.


a. pagsali sa dula-dulaan
b. pagsisikap na gawing normal ang buhay
c. pagpapaakay sa pamamasyal
d. pagkain nang nag-iisa

____ 15. Pillin sa pahayag ang gawaing pagkamaunawain.


a. “Mabuti at nakadalo ka sa pagtitipong ito.”
b. “Huwag kang mag-alala, nauunawaan ko ang lahat.”
c. “Bakit ngayon ka lang?”
d. “Dapat mong gawin ay magsikap ka!”

Pamagat ng Aralin
Paghahambing ng mga
Napanood na Dula batay sa
mga Katangian at Elemento
Aralin at Elemento Nito
1
Balikan

Napag-aralan mo na ang dula mula sa iba pang modyul. Gaano na kalawak


ang iyong kaalaman tungkol sa panitikang ito? Punan ang graphic organizer ng mga
bagay na nalalaman mo tungkol sa dula.

4
DULA

Tuklasin

GAWAIN 1: Concept Cluster


Panuto: Gamit ang graphic organizer sa ibaba, ibigay ang iyong naiisip o nalalaman
tungkol sa bansang nasa bilog.

Japan

5
GAWAIN 2:
Panuto: Sa pamamagitan ng graphic organizer sa ibaba, ibigay ang mga lement at
katangian ng isang dula.

DULA

Elemento ng Dula Katangian ng Dula

Pokus na Tanong:
 Paano mo natukoy ang mga elemento at katangian ng isang dula?
____________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

Suriin

 Basahin Mo

Malapit sa puso ng mga Pilipino ang bansang Hapon. Kahit hindi naging
maganda ang nakaraan sa pagitan ng dalawang bansa, nanatiling malapit ang
dalawang bansa sa isa’t isa hanggang sa kasalukuyan. Patuloy na tinatangkilik ng
mga Pilpino ang mga produktong Hapon tulad ng mga Anime, mga pagkain tulad ng
sushi at ang mga palabasa na naglalarawan ng kanilang kultura.
Kitang-kita ang kagalingan ng mga Hapon sa sining at ang kanilang
pagkamalikhain sa pamamagitan ng kanilang panitikan. Ilan sa mga tanyag na
panitkan ng mga Hapon ay nasa anyong tula, dula at kwento.
Basahin sa ibaba ang isang dula mula sa mga Hapon na kapupulutan ng aral.

6
PLOP! CLICK!
ni Dobu Kacchiri

Mga Tauhan:
Koto
Kikuichi
Taong nagdaraan

Buod:
Si Koto ay amo ni Kikuichi. Sila ay parehong bulag, isang araw naisipan ni
Koto na mamasyal at iinum din siya ng sake. Ang sak ay isang inumin o alak ng mga
Hapon na gawa sa bigas. Naghanda sa pamamasyal sila Koto at Kikuichi. Nais ni
Koto na pumunta sa kapatagan sapagkat lumalawak daw ang kanyang puso at
nakakapagpapagaan daw ito ng kanyang loob. Habang naglalakad, nag-usap sila
tungkol sa Heiki na isang pampanitikang epiko ng mga Hapon. Sabi ni Koto kay
Kikuichi, kapag natalaga ra siya bilang isang kengyo ay gagawin niyang koto si
Kikuichi.
Maya-maya ay nakarinig sila ng rumaragasang tubig at nanghulang siguro ito
ay isang dagat. Kailangan nilang tumawid sa kabilang pangpang. Naghagis sila ng
bato. Ang unang hagis ay tumunog ng plop! Ibig sabihin ay malalim ito. Sa kabilang
banda naman ay click! Ibig sabihin ay mababaw lang doon. May nagdaan at nakita
ang dalawang bulag. Pinagkatuwaan niya ang dalawang bulag. Sabi ni Kikuichi ay
bubuhatin niya lang daw si Koto upang makatawid sila sa kabilang pangpang.
Noong una ay hindi pumayag si Koto pero noong huli ay pumayag na rin ito.
Nang papasanin na ni Kikuichi si Koto ay ang taong nagdaraan ang siyang sumakay
at siya ang napasan ni Kikuichi. Nang makarating na sila sa pangpang at hinahanap
ni Koto si Kikuichi at tinanong kung bakit hindi pa niya pinapasan ito. Sabi naman ni
Kikuichi ay napasan na daw niya ito. Nagalit si Koto, kaya naman bumalik si Kikuichi
para pasanin si Koto ngunit sila ay natalisod kaya’t sila’y nabasa.

Nang nasa pangpang na sila ay naisip ni Koto na uminom na lamang sila ng


sake. Sa unang tagay ay ang taong nagdaraan ang uminom ng sake. At maging sa
pangalawang tagay. Nagalit si Koto kay Kikuichi dahil naubos ang sake na hindi man
lamang siya nakainom. Pinag-away ng taong nagdaraan ang dalawang bulag at
sinaktan upang makagalit sila. Sa huli ay nag-away nga ang dalawa na walang
kamalay-malay na pinaglalaruan lamang sila ng taong nagdaraan.

Halaw: Kalipunan ng mga Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino

GAWAIN 3: Sino Sila, Ano Sila, Nasaan Sila


Panuto: Paghambingin ang tatlong tauhan ng dula sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga sumusunod na tanong at paglipat ng inyong kasagutan sa tsart sa ibaba:

Koto Kikuichi Taong Nagdaraan


A. Ano ang kanilang
kalagayan (sino sila, ano
sila, nasaan sila) sa simula
ng dula?
B. Ano ang layunin o n ais
nilang mangyari mula sa
kanilang kalagayan sa
simula ng dula?
C. Ano ang motibasyon o
bagay na nagtulak sa
kanilang gawin ang
kanilang layunin?
D. Ano ang nagging
hadlang kung mayroon
man sa kanilang layunin?
E. Ano ang naging
kalagayan ng mga tauhan
sa wakas ng dula?

 Tunghayan Mo

MGA ELEMENTO AT KATANGIAN NG DULANG PANTANGHALAN

Sa panahon ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas, napakahalaga ang


dula na nagsilbing libangan ng libo-libung mamamayan.
Upang malimutan ang mga pangamba, pag-aalala sa iba’t ibang emosyon sa
kanilang katauhan, nangangailangan sila ng paglilibangan. Kinakailangang may
mapagpapalipasan sila ng oras upang maibsan ang kanilang sama ng loob sa mga
hindi magagandang pangyayari sa kanilang buhay.
Ang dulang pantanghalan ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang
yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang
tanghalan o entablado. Ayon kay Sauco, ito ay isang uri ng sining na may layuning
magbigay ng makabuluhang mensahe sa manonood sa pamamagitan ng kilos ng
katawan, dayalogo at iba pang aspekto nito. Gaya ng ibang panitikan, karamihan sa
mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay.
Mayroong mga elementong bumubuo sa isang dulang pantanghalan, ito ay
ang mga sumusunod:

 Iskrip - ito ang pinakakaluluwa ng isang dulang pantanghalan. Lahat ng


bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip. Sa iskrip
nakikita ang banghay ng isang dulang pantanghalan.

9
 Aktor - Ang nagsisilbing tauhan ng dula at nagsasabuhay sa mga tauhan
sa iskrip. Sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin at pinapanood na
mga tauhan sa dula.

 Dayalogo - Ang mga bitaw na linya ng mga leme na siyang sandata


upang maipakita at maipadama ang emosyon ng dulang pantanghalan.

 Tanghalan - Ano mang lugar o pook na pinagpasyahang pagdarausan ng


isang dulang pantanghalan.

 Direktor - Siya ang namamahala at nagpapakahulugan sa isang iskrip ng


dula. Siya ang nagpapasya sa kaayusan ng tagpuan, ang damit ng mga
tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan.

 Manonood - Sa kanila inilalaan ang isang dulang pantanghalan. Hindi


maituturing na dulang pantanghalan kung hindi ito napapanood ng mga
tao.

Hindi lamang mga elemento mayroon ang isang dula, ito ay mayroong tatlong
katangian na mababasa sa ibaba:

A. Saglit na Kasiglahan - magpapakita ng pamandaliang pagtatagpo ng mga


tauhang masasangkot sa problema

B. Tunggalian - tahasan nang magpapakita ng labanan o pakikibaka ng


tanging tauhang inilahad at ito ay maaaring ang kanyang pakikipagtunggali sa
sarili, sa kapwa, sa kalikasan

C. Kasukdulan - pinakamadulang bahagi ng dula kung saan iikot ang


kahihinatnan ng tanging tauhan, kung ito ay kasawian o tagumpay.

10
Pagyamanin

GAWAIN 4: Hatiin Mo
Panuto: Hatiin natin sa apat na bahagi ang dula. Isalaysay nang pabuod ang mga
nangyari sa bawat bahagi ng dula:

Pag-aaway ng mag-amo

Pagkaubos ng Sake

Pagtawid sa Dagat

Pamamasyal

Isaisip

GAWAIN 5: Paghambingin Mo!


Panuto: Gamit ang graphic organizer sa ibaba, paghambingin at suriin ang unang
dulang nabasa at ang dulang mababasa sa pagsasanay na ito. Maaari ring
mapapanood sa youtube link na https://youtu.be/tmg5knoDHFw ang dulang
mababasa sa ibaba.

Sa Pula, Sa Puti
ni Francisco Soc Rodrigo

Mga Tauhan:
Kulas
Celing
Teban
Castor

Buod:
Si Kulas at Celing ay ang mag-asawang laging nag-aaway sa pagkalulung sa
bisyong pagsasabong ni Kulas. Namomroblema itong si Celing sa asawa sapagkat
lagi na lang talo kung umuwi ang asawang si Kulas galing sa sabong. Kung kaya ay
umisip siya ng paraan para hindi tuluyang mabaon sa kahirapan. Palihim niyang
pinupusta ang engot na kasambahay na si Teban sa manok ng kalaban upang kahit
manalo o matalo si Kulas sa sabong ay wala pa ring talo.
Nagpatuloy ang ganoong gawain hanggang sa isang araw ay para yatang
nawalan nan g pag-asa itong si Kulas sapagkat hindi naman daw pabor sa kanya
ang suwerte kaya nakapagdesisyon siyang iwan na ang pagsasabong. Ngunit
nagbago ang kanyang isip ng siya ay mapagpayuhan ni Castor, kasamahan niya sa
sabongan, sa mga sandaling ito ay tinuruan ni Castor si Kulas sa mga nararapat
nitong gawing estratehiya upang manalo si Kulas. Muli na namang nabuhayan itong
si Kulas na mananalo siya sa sabong sa pagkatataong ito. Muli ay nanghingi siya ng
perang pamusta sa sabong kay Celing sabay nangakong kung matatalo pa siya sa
pagkakataong iyon ay Malaya na si Celing na ihawin ang lahat ng kanyang tinali at
nangakong rin siyang kakalimutan na niya ang sabong.
Sumapit na nga ang oras ng pagsasabong at pumusta ng palihim si Kulas sa
manok ng kalaban gaya ng itinuro ni Castor sa kanya. Pinapusta rin ni Celing si
Teban sa manok ng kalaban. Ngunit sa di inaasahang pangyayari ang manok ni
Kulas na sadyang tinusok ng karayom ang paa upang sadyang humina at tuluyang
matalo ay siya palang mananalo sa labanan ng mga tinali.
Sa pagkakataong iyon, kapwa natalo sa sugal ang mag-asawang Kulas at
Celing. Ngunit naging masaya si Celing dahil kahit pa sila ay natalo sa sabong,
maghahanda sila sapagkat natupad ang kasunduan nila ng asawa na iihawin ang
lahat ng tinali at magbabago na si Kulas sa kanyang bisyong pagsusugal.

Halaw mula sa https://youtu.be/tmg5knoDHFw

12
Katangian at Elemento Plop! Click! Sa Pula, Sa Puti

Mga tauhan

Tagpuan

Mahahalagang
Pangyayari

Kulturang Ipinakita

BAHAGI NG DULA

Simula

Saglit na Kasiglahan

Tunggalian

Kasukdulan

Wakas

Paano winakasan ang


dula?

Pagkakatulad ng dalawang dula

Pagkakaiba ng dalawang dula

Konklusyon Batay sa Paghahambing

13
Rubrik sa Paghahambing ng Dula
Pamantayan 10 9-8 7-5 4-1
Napunan ang Napunan ang Napunan ang Naisulat ang
Paglalahad ng lahat ng mga karamihan sa ilang kahon ng isa o
mga pangyayari kahon ng mga kahon ng ilan sa mga dalawang
sa bawat bahagi pangunahing pangunahing pangunahing pangunahing
bahagi ng bahagi ng dula. bahagi ng bahagi ng
dula. dula. dula.
Naipaliwanag Naipaliwanag Naipaliwanag Malabo at
nang nang mahusay nang medyo hindi angkop
napakahusay at mabisa ang mahusay at ang mga
at napakabisa sagot sa mga medyo mabisa sagot sa
Pagpapaliwanag ang sagot sa tanong kaya’t ang sagot sa mga tanong
at mga tanong masasabing mga tanong kaya’t hindi
paghahambing kaya’t sistematiko ang kaya’t hindi naging
masasabing naging gaanong sistematiko
sistematiko pagsusuri sa sistematiko ang naging
ang naging dula. ang naging pagsusuri sa
pagsusuri sa pagsusuri sa dula.
dula. dula.
Kabuuang
Puntos
Isagawa

GAWAIN 6: Magbasa, Manood at Makinig


Panuto: Magbasa ng pahayagan. Manood sa telebisyon. Makinig sa radyo. Pansinin
ang palatandaan ng impluwensya ng mga Hapon sa atin maliban sa pagdala ng
dulang pantanghalan sa Pilipinas. Gamitin ang graphic organizer na nasa ibaba.

Impluwensya ng mga Hapon sa Pilipinas

Nabasa sa Pahayagan Napanood sa Narinig sa Radyo


Telebisyon

14
Buod
 Ang dulang pantanghalan ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang
yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa
isang tanghalan o entablado. Ayon kay Sauco, ito ay isang uri ng sining na
may layuning magbigay ng makabuluhang mensahe sa manonood sa
pamamagitan ng kilos ng katawan, dayalogo at iba pang aspekto nito. Gaya
ng ibang panitikan, karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa
totoong buhay.

 Iskrip - ito ang pinakakaluluwa ng isang dulang pantanghalan. Lahat ng


bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip. Sa iskrip
nakikita ang banghay ng isang dulang pantanghalan.

 Aktor - Ang nagsisilbing tauhan ng dula at nagsasabuhay sa mga tauhan sa


iskrip. Sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin at pinapanood na mga
tauhan sa dula.

 Dayalogo - Ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang
maipakita at maipadama ang emosyon ng dulang pantanghalan.

 Tanghalan - Ano mang lugar o pook na pinagpasyahang pagdarausan ng


isang dulang pantanghalan.

 Direktor - Siya ang namamahala at nagpapakahulugan sa isang iskrip ng


dula. Siya ang nagpapasya sa kaayusan ng tagpuan, ang damit ng mga
tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan.

 Manonood - Sa kanila inilalaan ang isang dulang pantanghalan. Hindi


maituturing na dulang pantanghalan kung hindi ito napapanood ng mga tao.

Hindi lamang mga elemento mayroon ang isang dula, ito ay mayroong tatlong
katangian na mababasa sa ibaba:

A. Saglit na Kasiglahan - magpapakita ng pamandaliang pagtatagpo ng mga


tauhang masasangkot sa problema

B. Tunggalian - tahasan nang magpapakita ng labanan o pakikibaka ng


tanging tauhang inilahad at ito ay maaaring ang kanyang pakikipagtunggali sa
sarili, sa kapwa, sa kalikasan

C. Kasukdulan - pinakamadulang bahagi ng dula kung saan iikot ang


kahihinatnan ng tanging tauhan, kung ito ay kasawian o tagumpay.

15
Tayahin

Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang


titik ng tamang sagot sa patlang.

____1. Ito ay isang uri ng sining na may layuning magbigay ng makabuluhang


mensahe sa manonood sa pamamagitan ng kilos ng katawan, dayalogo at iba
pang aspekto nito.
a. maikling kwento b. dula c. sanaysay d. alamat

____ 2. Ito ang pinakakaluluwa ng isang dulang pantanghalan.


a. iskrip b. manonood c. actor d. wakas

____ 3. Ang nagsisilbing tauhan ng dula at nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip.


a. direktor b. tanghalan c. tauhan d. hayop

____ 4. Ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita at
maipadama ang emosyon ng dulang pantanghalan.
a. iskrip b. tauhan c. dayalogo d. wakas

____ 5. Ano mang lugar o pook na pinagpasyahang pagdarausan ng isang dulang


pantanghalan.
a. tanghalan b. skwelahan c. kwarto d. telebisyon

____ 6. Siya ang namamahala at nagpapakahulugan sa isang iskrip ng dula.


a. artista b. direktor c. editor d. tauhan

____ 7. Sa kanila inilalaan ang isang dulang pantanghalan.


a. mamamayan b. estudyante c. manonood d. tauhan

____ 8. Nagpapakita ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot


sa problema.
a. saglit na kasiglahan b. tunggalian c. kasukdulan d. wakas

____ 9. Nagpapakita ng labanan o pakikibaka ng tanging tauhan.


a. wakas b. tunggalian c. kasukdulan d. simula

____ 10. Pinakamadulang bahagi ng dula kung saan iikot ang kahihinatnan ng
tanging tauhan, kung ito ay kasawian o tagumpay.
a. wakas b. tunggalian c. kasukdulan d. simula

____ 11. Suriin kung ano ang nais ng pahayag, “Kaya nga ako naririto para
pagsilbihan kayo. Hayaan ninyong buhatin ko kayo.”
a. Gusto niyang ipagtanggol ang kanyang kasama.
b. Gusto niyang tulungan ang kanyang kasama.
c. Nais niyang pagsilbihan ang kanyang kasama sa abot ng kanyang
makakaya.
d. Nais niyang pabayaan na lamang ang kanyang kasama.

16
____ 12. “Pero ang pagbibiyahe sa bagong lugar ang nakapagpapagaan ng
pakiramdam bukod pa sa kasayahang nalalasap mo.”, Ano ang nais
ipahiwatig ng pahayag?
a. nakakabawas ng sakit ng katawan
b. nakapag-aalis ng sama ng loob
c. nakapagpapaligaya ng kalooban
d. nakapagpapaluwag ng pakiramdam

____ 13. Ang bahaging ito ng akda ay maituturing na di kapani-paniwala.


a. pagtawid sa kalye
b. pagpanhik sa mataas na gusali
c. pagtawid sa dagat
d. pag-inom ng sake

____ 14. Bahagi ito ng akda na tumutukoy sa di pagtanggap sa katotohanan.


a. pagsali sa dula-dulaan
b. pagsisikap na gawing normal ang buhay
c. pagpapaakay sa pamamasyal
d. pagkain nang nag-iisa

____ 15. Pillin sa pahayag ang gawaing pagkamaunawain.


a. “Mabuti at nakadalo ka sa pagtitipong ito.”
b. “Huwag kang mag-alala, nauunawaan ko ang lahat.”
c. “Bakit ngayon ka lang?”
d. “Dapat mong gawin ay magsikap ka!”

17
Karagdagang Gawain

Panuto: Magsaliksik ng iba pang dula sa alinmang bansa sa Asya at itala ang
pagkakatulad at pagkakaiba nito sa binasang dula mula sa Pilipinas na nasa Gawain
5 gamit ang Venn diagram sa ibaba.

Pagkakaiba Pagkakaiba
ng dula sa ng dula sa
Asya Pilipinas
Pagkakatulad
ng dalawang
dula

18
Susi sa Pagwawasto
(Panimula at Panapos na Pagtatasa)

1. B
2. A
3. C
4. C
5. A
6. B
7. C
8. A
9. B
10. C
11. C
12. D
13. C
14. B
15. B

19
Mga Sanggunian

Mga Aklat

 Dayag, A., Del Rosario, M. and Baisa-Julian, A., 2018. Pinagyamang Pluma 9.
2nd ed. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.,p.ii.

 Peralta, R., Lajarca, D., Cariño, E., Lugtu, M., Tabora, M., Trinidad, J.,
Molina, S., Carpio, L., Rivera, J., and Ambat, V., 2014. Panitikang Asyano 9.
1st ed. Pasig City: Sunshine Interlinks Publishing House, Inc.

 Glinofria, M., Marasigan, E., Linao, T., Dulay, M., 2000. Kalipunan ng mga
Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino 2. 1st ed. Pasig City: BSE Kagawaran
ng Edukasyon.

Internet

 https://youtu.be/tmg5knoDHFw

 https://www.youtube.com/watch?v=67-bgSFJiKc&feature=share

 https://rexinteractive.com

20
For inquiries and feedback, please write or call:

DepEd Division of Iligan City


Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph

You might also like