You are on page 1of 22

10

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 3:
Kabanata 6-10
(Ang El Filibusterismo sa Nagbabagong Panahon)

Inihanda ni:

RUBELINE JOY C. MARARAC


Dalubguro I, Pangasinan National High School

Sinuri nina:

VIRGINIA O. ESTRADA
Ulongguro VI, Kagawarang Filipino

CATHERINE B. OPERANA, EdD


Tagamasid Pampurok

MELCHORA N. VIDUYA
Edukasyong Tagamasid I, Filipino

Pinagtibay ni :

CARMINA C. GUTIERREZ, EdD


Hepe Edukasyong Tagamasid, CID

ii
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul para sa araling El Filibusterismo

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, gurong tagapagdaloy at
upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum
ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong
hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay inaasahang maiuugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang hinihingi ng ika-21
siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mga mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-
aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa El


Filibusterismo

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksiyon at layunin. Sa pamamagitan


ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha at magsakatuparan ng gawain.
Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may
angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong
pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid- aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang
sagot (100%) maaari mo nang
laktawan ang modyul na ito.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo
sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

3
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain
panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Narito ang mga mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang marka o sulat
ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat
ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa
iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sinoman sa iyong mga kasama sa
bahay na maaaring makatulong sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na
mga kompetensi. Kaya mo ito!

4
Alamin

Ang El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal ay isang akdang pampanitikan na bunga ng


kanyang pagpupunyagi na gisingin ang damdaming Makabayan ng mga Pilipino sa pamamagitan
ng panulat. Nauukol ang mga kabanata sa kalagayang political at panlipunang panyayari na
maiuugnay sa kasalukuyang kalagayan ng ating bayan. Nakatutulong ang nobelang ito upang
malinaw na maunawaan ang ating kasaysayan maging kung paano harapin ang mga suliraning
panlipunan at bigyang solusyon.

Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang mga


sumusunod:

Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELCs)

1. Naisusulat ang buod ng binasang mga kabanata F10PU-IVb-c-86


2. Nagagamit sa pagbubuod ang tamang mekaniks sa pagsulat (baybay, bantas, at iba pa)
gayundina ng wastong pag-uugnay ng mga pangungusap/talata.
3. Naipapahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng mga kaisipang
namayani sa akda. F10PN-IVd-e-85

5
Subukin

PAUNANG PAGTATAYA:
A. Panuto: Piliin ang tamang sagot.
1. Ano ang sadya ni Basilio sa kagubatan sa bisperas ng Pasko?
a. mangahoy b. maghanap ng pagkain c. dalawin ang puntod ng ina d.
mamamasyal
2. Bakit pumayag si Kapitan Tiyago na medisina ang kursong kunin ni Basilio gayong
mas nais nito ang abogasya?
a. nakumbinsi ni Basilio c. para magamot ang kaniyang sakit
b. mas mababa ang babayarin d. upang makahanap ng lason para sa tari ng
kaniyang manok
3. Ang kumupkop at nagpaaral kay Basilio?
a. Kapitan Tiyago b. Kabesa ng Tales c. Isagani d. Padre Florentino
4. Ang tawag sa pinakamahusay na markang nakuha nni Basilio
a. sobreliente b. soberente c. sobresaliente d. soltesaliente
5. Sino taong nakita ni Basilio sa kagubatan?
a. Tata Selo b. Simoun c. Kabesang Tales d. mga tulisan
6. Ang tawag sa kagubatang pinuntahan ni Basilio.
a. Gubat ng Tiani b. gubat ng San Diego c. gubat ng mga Ibarra d. wala sa nabanggit
7. Ilang taon an ang nakalipas mula ng tinulungan ng lalaki si Basilio upang sunugin ang
bangkay ng ina.
a. Labingtatlong taon c. labingsiyam na taon
b. Labing dalawang taon d. labingpitong taon
8. Ang lugar na maaaring puntahan ni Basilio kungmay kailangan kay Simoun.
a. Maynila b. Escolta c. Batangas d. Tiani
9. Ang hinihiling ni Huli sa Birhen.
a. Dalawang daan piso c. dalawandaa’t limampung piso
b. Dalawampong piso d. dalawamput limang piso
10. Ang araw ng mga bata ayon sa mga matatanda ngunit araw na kinatatakutan ng mga
bata.
a. Bagong Taon b. Mahal na araw c. Araw ng mga patay d. Pasko
11. Ang nangyari kay Tata Selo dahil sa labis na kalungkutan.
a. namatay b. nagkasakit c. napipi d. naatake sa puso
12. Ang amo ni Huli at nagsabing sila ay “makasalanang mag-anak”.
a. Hermana Bali b. Sinang c. Hermana Penchang d. Kapitana Tika
13. Ang taong nakituloy sa bahay ni Kabesang Tales.
a. Simoun c. Kapitan Basilio
b. Basilio d. Kapitan Tiago
14. Ayon kay Simoun hindi lamang alahas ang dala niya kundi pati na rin mga_________.
a. pera at ginto b. pagkain c. pilak d. gamot at lason
15. Ang kinuha ni Kabesang Tales kay Simoun.
a. alahas b. rebolber c. ginto d. laket

B. Alin sa mga pahayag ang nagsasaad ng katotohanan. Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. a. Nakituloy si Simoun sa bahay ni Kabesang Tales dahil ito ang pinakamalaking bahay
sa buong nayon.
b. Nagtungo si Simoun sa bahay ni Kabesang Tales upang makita ang hitsura ng
bahay nito.
c. Ibig makilala nang husto ni Simoun ang pagkatao ni Kabesang Tales kaya napili
niyang puntahan ang bahay nito.

6
d. Naawa si Simoun kay Kabesang Tales kaya nais niya itong bigyan ng salapi.
2. a. Ipinakita ni Simoun ang kahinaan niya sa pag-asinta ng bunga.
b. Ipinamalas ni Simoun kay Kabesang Tales ang kahusayan niya sa pagbabaril.
c. Hinikayat ni Simoun si Kabesang Tales na mag-aral sa paggamit ng baril.
d. Tinuruan ni Simoun si Kabesang Tales na mag-aral sa paggamit ng baril.
3. a. Ibig niHermana Penchang na bumili ng ng singsing para sa Birhen ng Antipolo.
c. Ibibili ni Hermana Penchang ng alahas si Huli.
d. Ayaw magpatalo ni Hermana Penchang kay Kapitan Basilio sa pagbili ng alahas.
e. Natuklasan ni Hermana Penchang na huwad ang mga ipinagbibili ni Simoun.
4. a. hindi kaakit-akit ang mga alahas na ibinebenta ni Simoun.
b. hangang-hanga ang mga mamimili sa alahas ni Simoun.
c. Masyadong mataas ang halaga ng mga alahas ni Simoun kaya ilan lamang ang
bumili.
d. Marami ang nakabili ng aladhas dahil sa mababang halaga ng mga ito.
5. a. Binili ni Simoun ang relikaryo ni Huli kaya nalutas ang problema ni Kabesang Tales.
b. Hinikayat ni Sinang si Kabesang Tales na ipagbili na kay Simoun ang relikaryo ni
Huli.
c. Nasilaw si Kabesang Tales sa mga alahas ni Simoun kaya ninakaw niya ang mga
ito.
d. Hinadlanagan ni Hermana Penchang ang pagbebenta ng relikaryo ni Huli upang
matubos si Huli.
6. a. Nanlumo si Kabesang Tales nang malamang may iba nang nagmamay-ari ng lupa
niya.
b. Nagtungo si KAbeang Tale sa kaniyang bukirin upang maghiganti.
c. Hindi makausap ni Kabesang Tales ang mga taong kumuha ng kaniyang lupain.
d. Nakipagkasundo si Kabesang Tales sa prayle upang mabawi ang kaniyang lupain.
7. a. Pumayag si Huli sa hiling ng ama na ibenta ang relikaryo upang matubos siya.
b. Ipinagpalit ni Kabesang Tales ang relikaryo ni Huli sa baril ni Simoun.
c. Nagalit si Simoun kay Kabesang Tales dahil pinagnakawan siya nito.
d. Ipinahuli ni Simoun sa mga guwardiya sibil si Kabesang Tales.
8. a. Nasabi ni Simoun na duwag si Kabesang Tales.
b. Nabanggit ni Simoun na natagpuan na niya ang kaniyang tauhan.
c. Nagkamali si Simoun nang tumuloy sa bahay si Kabesang Tales.
d. Iniwan ni Kabesang Tales si Simou upang upang tingnan ang lupang sinasaka niya.
9. a. Limang katao ang napatay ng gabing iyon.
b. Nahuli si Kabesang Tales nang gabing iyon.
c. Tatlong katao ang pinatay nang gabing iyon kasama na ang prayle at mga taong
nag- aasikaso sa lupain ni Kabesang Tales.
d. Marami ang nahuli nang gabing iyon kaya nagkagulo ang mga tao.
10. a. Pumayag si Huli na ibenta ang laket na ibinigay ni Basilio upang matubos ang
Kaniyang ama.
b. Ipinagpalit ni Kabesang Tales kay Simoun ang laket ni Huli sa isang rebolber.
c. Ninakaw ni Kabesang Tales ang laket ni Huli kaya naibalik ito sa may-ari.
d. Natuwa si Simoun dahil nabili niya ang laket na naggaling kay Maria Clara.

7
Aralin 3 Mga kabanata ng El Filibusterismo
(Kabanata 6-10)

Balikan

Tatalakayin sa araling ito ang mga kabanata 6,7,8,9,10.. Bahagi rin ng pagtatalakay sa
mga piling kabanata ng El Filibusterismo ang mahahalagang tanong tungkol sa akda na susukat
sa iyong dunong na umunawa at magpahalaga sa kulturang umiiral sa isang tiyak na panahon.

Gawain I: Tumula tayo


Basahing Mabuti ang tula at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Gawa, gawa, gawa, sige lang .. gawa


Kayod, kayod, kayod huwag kang mapagod
Oras ay ginto, araw ay kay bilis tumakbo
Sige lang magtiyaga ka’t magsikap
Hirap ay huwag indahin, paghamon ay tanggapin

Iyuko ang ulo,


Mga kamay ay igalaw
Mga paa’y mabilis ihakbang
Buong Katawa’y pasiglahin sa paggawa

Huwag kang mainip


Lahat ay may kagampanan
Pangarap ay matutupad
Manalig ka lang at magsipag.

Sagutin:
1. Sino ang pinatutungkulan ng tula?
2. Ano ang mensahe ng tula?
3. Isa-isahin nag mga tayutay na nakapaloob sat ula at uriin ito.
4. Ano ang angkop na pamagat ng tula?

8
Tuklasin

Ang pangarap sa buhay ay maaaring magkaroon ng katuparan kung patuloy nating


haharapin ang anumang pagsubok sa buhay nang buong tapang.Mapananatili ang
tagumpay sa buhay kung ito ay may kalakip na pagpapakumbaba at patuloy na
pagtulong sa kapwa.

Kabanata 6: Si Basilio

Hatinggabi nang palihim na tumungo si Basilio sa kagubatan na pagmamay-ari ni Ibarra na


nabili naman ni Kapitan Tiago. Tumigil si Basilio sa bunton ng mga batong malapit sa
kinalalagyan ng punong balite, kung saan nakalibing ang kanyang ina.

Sa tuwinang umuuwi si Basilio sa bayan na iyon ay una niyang dinadalaw ang yumaong ina ng
palihim. Muli nitong naalala ang pagkamatay ng ina at ng lalaking sugatan na si Elias
labingtatlong taon na ang nakaraan.

Sa pamamagitan ng perang ibinigay ng lalaking noon lamang niya nakita ay lumisan si Basilio sa
bayan na iyon at nagtungo sa Maynila. Walang sinuman ang tumanggap dito dahil sa ito ay may
sakit, marumi, at gula-gulanit na kasuotan.

Nagtangka siyang magpasagasa sa dumadaang sasakyan mabuti’t nakita siya ni Kapitan Tiago.
Dito ay pumasok siya bilang alila nang hindi binabayaran. Pinahintulutan ni Kapitan Tiago na
mag-aral si Basilio sa San Juan de Letran.

Mula ng pumasok si Maria Clara sa kumbento ay kinamuhian na ni Kapitan Tiago ang mga pari.
Matiyaga siyang nag-aral ng kaniyang mga leksyon, lahat ay kinakabisa niya kahit ang iba ay
hindi nauunawaan. Hindi isya napapansin ng kaniyang mga guro. Dumating ang pagkakataong
nakilala si Basilio nang sumapit siya sa ikaapat na taon. Nanalo siya sa paligsahanng sable at
baston. Mula noon ay nakilala siya at kinagiliwanpatuloy siyang nagtiyaga sap ag-aaral at
nakamit ang sobresaliente o pinakamahusay na marka.

Pinalipat ito sa Ateneo Municipal at mas lalo pang nagpakadalubhasa sa pag-aaral.Naibigan ni


Basilio ang paran ng pagtuturo at pagmamalasakit ng mga guro sa nilipatang paaralan kaya
nagsikap pa siya ng husto. Natapos sa batsiler si Basilio. Dahil sa sariling hilig, Medisina ang
napiling kurso ni Basilio bagama’t mas nais san ani Kapitan Tiyago na mag-abogasya siya upang
magkaroon siya ng kakilalang abogadong hindi naniya kailangang bayaran. Ngunit dahil
mahirap noon ang maging abogad at sa pagnanais na makahanap ng lason para sa tari ng
kanyang sasabungin ay pumayag na rin si Kapitan Tiyago

Ngayon ay nasa huling taon na siya sa Medisina. Dalawang buwan pa at magiging isang ganap na
doktor na si Basilio. Pagkatapos ay muling babalik sa bayan at papakasalan si Huli

9
Kabanata 7: Si Simoun

Pabalik na si Basilio ng bayan nang may nabanaag na liwanag sa gubat at may narinig na mga
yabag. Pumunta ang anino sa kanyang kinaroroonan. Nagtago ito at nakitang nandoon si Simoun
na mag-aalahas. Inalis nito ang kanyang salamin at nag-umpisa sa paghuhukay.

Habang pinapanood ni Basilio si Simoun ay may nagbalik na ala-ala sa kanya labing tatlong taon
na ang nakalipas. Siya ang tumulong sa paglilibing sa kaniyang ina na si Sisa at kay Elias.

Nagulintang si Basilio sa kanyang natuklasan ngunit ito ay lumapit upang tumulong nang makita
niyang pagod at patigil-tigil na si Simoun sa paghuhukay. Nagpakikila si Basilio at sinabing
tinulungan siya nito na ilibing ang bangkay ng kanyang ina at ni Elias kaya’t siya naman ang
nagbigay ng tulong kay Simoun.

Binalak ni Simoun na patayin si Basilio upang manatili ang kanyang lihim ngunit alam niyang
parehas lang sila ni Basilio na nais makapaghiganti. Ipinagtapat ni Simoun kay Basilio ang
kaniyang ginawa sa loob ng paaralan ng wikang Kastila.

Hiningi niyang gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas at bigyan ng pantay na pantay na
karapatan ang mga Pilipino at Kastila. Ayon kay Simoun ang mga hiling na ito ay ang pagpawi sa
kanilang pagkamamamayan at pagkapanalo ng mga naniniil.

Dagdag pa niya, ang pagdadagdag ng isa pang wika ay hahantong sa di pagkakaunawaan.


Taliwas naman ang paniniwala ni Basilio. Aniya ang Kastila ang siyang magbubuklod sa mga
pulo at makakapagpalapit sa mga Pilipino sa pamahalaan.

Hindi sinang-ayunan ni Simoun ang sinabing ito ni Basilio. Ani Simoun ang wikang Kastila ay
kailanma’y hindi magiging wika ng pangkalahatan dahil bawat bayan ay may sariling wika na
kaugnay sa damdamin at kaugalian nito.

Sa huli ay hinikayat ni Simoun si Basilio na makisali sa kanyang planong paghihimagsik laban sa


pamahalaan ng Kastila. Ngunit hindi pinaunlakan ni Basilio ang panghihikayat ni Simoun dahil
naniniwala ito na walang katapusan ang karunungan. Ang galing ng tao ang siyang magiging
paraan upang maging malaya ang lahat ng tao.

Kabanata 8: Maligayang Pasko

Madilim pa ay gising na si Huli. Naisip niya na baka gumawa ng himala ang Birhen kaya hindi
sumisikat ang araw. Ngunit mali siya dahil sumikat ang araw.

Sunod naman niyang tinignan ang ilalim ng imahen ng Birhen upang silipin kung may salapi
ngunit nanatili itong bigo. Hindi niya natagpuan ang hinihiling niyang dalawandaa’t limampung
piso. Dahil sa magkasunod na pagkabigo ay inaliw na lang ni Huli ang kanyang sarili.

Malapit lang ang kanyang paglilingkuran na tahanan at balak nitong umuwi tuwing makalawa
upang dalawin ang kaniyang lolo. Iniayos ni Huli ang kanyang tampipi at agad na lumapit sa
kanyang lolo na si Tandang Selo upang halikan ang kamay nito.

1
0
Ibinilin ni Huli kay Selo na sabihin sa kanyang ama na siya ay napasok sa pinakamurang
kolehiyo. Dali-daling umalis si Huli ang makita nitong natitigmak na sa luha ang kaniyang lolo.

Araw ng Pasko, ayon sa mga matatanda ito ay araw ng mga bata, ngunit para sa mga bata ito ang
araw na kinatatakutan nila. Gigising ng maaga, pinagsusuot ng magagrang damit, nagtitiis sa
sari-saring amoy ng mga taong pawisan habang nakikinig sa misa mayor. Marami ang dumalaw
na kamag-anak ni Selo. Ngunit marami ang nagtaka dahil hindi makapagsalita si Selo kahit isang
kataga. Ito’y napipi.

Kabanata 9: Ang mga Pilato

Mabilis na kumalat ang balitang pagkapipi ni Tandang Selo. Nang marinig ni Hermana Penchang,
amo ni Huli ay sinabing iyon ay parusa ng langit dahil hindi marunong magdasal ang dalaga.

Ang tinyente ng guwardiya sibil na tunmanggap ng utos na samsamina ng lahat ng sandata’y


tumupad nang buong-buo kaya hindi siya nababahala. Namuno siya sa paglusob at nang
bumalik sa baya’y anim o limang magbubukid na walang kinalaman ang kanyang Nakita at
dinakip.

Si Padre Clemente na tagapangasiwa ng mga pari ay nagkibit-balikat. Wala daw siyang


kinalaman dahil tumutupad lamang siya sa kanyang tungkulin. Ang mga tulisan daw ang may
kagagawan noon.

“Madalas ipadala sa atin n gDiyos ang gayon gparusa pagkat tay’y makasalana o may kamag-
anak tayong nagkasalang dapat sanang turuan natin ng kabanalan, ngunit hindi natin gingawa.”
Ang sabi ng amo ni Huli na si Hermana Penchang habang nag-aantanda.Sina Huli ang tinutukoy
niyang “makasalanang mag-anak”.

Nang mabalitaan din nito ang pagluwas ni Basilio upang kumuha ng perang pantubos kay Huli
ay higit itong nangamba sa kaligtasan ng dalaga. Ipinagpalagay ng matandang manang na ang
kaniyang alilang babae ay tuluyan nang mabubulid sa bangin ng kasalanan sapagkat siya’y
kukunin ng demonyong nagbabalat-kayong estudyante. Si Hermana Penchang ay may
paniniwalang ang mga kabataan na nag-aaral sa Maynila ay nasasawi at nagsasama pa ng iba.

Iniutos ni Hermana Penchang kay Huli na basahin ng paulit-ulit ang aklat na may pamagat na
“Tandang Basiong Makunat” at ibinilin na makipagkita lagi sa pari upang maligtas nag kaluluwa
nito.

Sa kabilang dako ay nagdidiwang ang mga pari dahil sa pagkapanalo sa usapin. Nang dumating
si Tales buhat sa pagkabihag ng mga tulisan ay naipamigay na sa iba ang kaniyang lupain.

Nakatanggap din siya ng kautusan na lisanin ang kanilang tirahan sa loob ng tatlong araw.
Walang ginawa si Tales kundi tahimik na nakaupo sa tabi ni Selo maghapon.

Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan

Si Simoun ay nagtungo sa bahay ni Kabesang Tales upang magbili at makipagpalitan ng alahas.


Nsa pagitan ito ng dalawang bayan at ang bahay ni Kabesang Tales ang pinakamalaki sa lahat.
Kabilang sa mga mamimili sina Kapitan Basilio, ang kanyang asawa at anak na si Sinang, at si

1
1
Hermana Penchang.Ang Kapitan ay handing gumugul ng tatlong libong piso. At si Hermana
Penchang na bibili ng singsing para sa Birhen ng Antipolo.

Naglabas si Simoun ng limang sisidlan ng mga alahas at , mamahaling bato, relikya at iba pa. ang
Ang pinakahuling sisidlan na kaniyang inilabas ayon sa kaniya ay naglalaman ng buhay at
kamatayan, ng lunas at lason, at sa isang dakot nito’y ang mga mamamayan ng Pilipinas ay kaya
niyang paluhain. Marami ang humanga nang ilabas ni Simoun ang mamahaling hiyas. Marami
ang nagsibili.

Inalok ni Simoun na bilihin ang agnos ni Maria Clara na napunta kay Huli, ngunit kailangan
munang puntahan ni Kabesang Tales si Huli upang isangguni ang tungkol dito.

Nangakong babalik ito bago mag takipsilim ngunit hating gabi na ay di parin bumabalik si Tales.
Nakatulog si Simoun sa kakaintay.

Nang magising kinaumagahan ay wala na ang dala niyang rebolber ngunit may isang liham na
mula kay Tales.

Ayon sa sulat, kinuha ni Tales ang rebolber dahil kailangan niya ito sa panunulisan sa halip
iniwang kapalit ni Tales ang agnos ni Maria Clara.”Sa wakas ay natagpuan ko rin ang aking
tauhan, may pagkaimainuhin nga lamang ngunit may isang salita,” sabi ni Simoun sa sarili.

Para sa iba pang karagdagang impormasyon maaari mong buksan ang sumusunod na
websites tungkol sa Buod ng Bawat Kabanata ng El Filibusterismo.
https://noypi.com.ph/el-filibusterismo-buod/
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-1-sa-ibabaw-ng-kubyerta-el-
filibusterismo-buod

Gawain II: Hanapin mo ako!

Panuto: Hanapin sa ibabanag mga salitang angkop upang mabuo ang diwa ng pahayag at
tukuyin ang bahagi ng pangyayaring pinagmulan nito.

katatawanan dambana pangungulila labingtatlong taon


karugtong ningning loro pagmamahal
kinupkop panalangin pag-asa pugad
matalinong nalulunkot maawa’t dilag
tanggulan sisiw alilang kainin masisilungan

1. Taon-taon ay naririto siya, hindi nakalilimot at kailanma’y di makalilimot.


________________________ at ______________________ ng kanyang buhay ang naroroon at habang
taimtim na umuusal ng tila isang ________________’di maiwasng manumbalik sa kanya ang
lahat-lahat sa nakalipas na _________________.
2. Tila siya’y isang basang ___________________ na walang _________________ na ____________________,
handang maghandong ng _______________.
3. Ang _________________ ni Kapitan Tiyago sa anak na pumasok sa loob ng beateryo ang
ngumiting _______________ kay Basilio sapagkat _______________ siya nito’t pinag-aral kapalit
ng pagiging______________.

1
2
4. Nagitla ang lahat, ang inaasahang ____________ ay hindi naganap dahil daig pa niya ang
____________sa husay magpaliwanag kaya’t ang prayleng guro ay ___________ at di na siya
tinawag pang muli sa halip na malugod at nakilala ng ____________ mag-aaral.
5. Unti-unti lumiliwanag ang ___________________ ng bituing kaniyang minamatyagan at ilang
buwan na lamang _____________________ na siya ito at namumuhay ng masaya’t payaa sa
piling ___________nais niyang iharap sa _____________.

Gawain III: Sa iyong pag-unawa!


Panuto: Sagutin nag mga sumusunod na tanong:
1. Paano ipinakit sa kabanata ang kahalagahan ng edukasyon bilang salik sa pagbabago at
pag-unlad ng isang tao? Patunayan.
2. Ano-ano ang dahilan ni Simoun sa hindi niya pagpatay kay Basilio gayong maaari siyang
mapahamak sa natuklasan nito?
3. Ano-ano ang mga tradisyon ng mga Pilipino noon sa pagdiriwang ng Pasko?
4. Bakit napipi si Tandang Selo? Suportahan ang sagot ng mga kaalamang medical at
sikolohikal.
5. Ano ang resulta ng ipinaglalaban ni Kabesang Tales? Makatarungan ba para sa kanya
ang nangyayari?
6. Anong pangyayari ang nag-udyok kay Kabesang Tales na ipagpalit ang locket sab aril
kaysa anupamang alahas ni Simoun nang walang pahintulot ng anak na siyang
nagmamay-ari nito?Ikinagalit bai to ni Simoun? Bakit?

Suriin

Alam mo bang….
Buod ang tawag sa siksik at pinaikling bersiyon ng teksto. Ang teksto ay maaaring
nakasulat, pinanood o pinakinggan. Pinipili rito ang pinakamahalagang ideya at sumusuportang
ideya o datos. Mahalaga ang pagtutok sa lohikal at kronolohikal na daloy ng mga ideya ng
binuod na teksto.

Pangunahing Katangian ng Pagbubuod


 Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto kaugnay ng paksa.
 Hindi inuulit ang mga salita ng may akda; bagkus ay gumagamit ng sariling pananalita
 May 1/3 ng teksto o mas maikli pa dito ang buod.

Mga hakbang sa pagbubuod


1. Basahin, panoorin o pakinggan muna nang pahapyaw ang teksto.
2. Sa mga nakasulat o episodyo ng isang pinanood o pinakinggan. Tukuyin ang paksang
pangungusap o pinakatema. Tukuyin ang key words.
3. Pag-ugnay-ugnayin ang mga ideyang ito upang mabuo ang pinakapunto o tesis.
4. Sulatin ang buod. Tiyakin ang organisasyon ng teksto.
5. Huwag maglagay ng detalye, halimbawa at ebidensiya.
6. Makakatulong ang signal word o mga salitang nagbibigay-transisyon sa mga ideya gaya
ng
-gayunpaman
- kung gayon
-bilang pangwakas
7. Huwag magsingit ng mga opinion.
8. Suriin ang dayagram sa ibaba.

1
3
Buod

Pangunahing ideya
Paksang Pangungusap
Paksang Pangugnusap
Paksang Pangungsap
Konklusyon

Sa pagbubuod ng mga piksyon, tula, kanta at iba pa, maaaring gumawa muna ng story
map o graphic organizer upang malinawan ang daloy ng pangyayari. Pagkatapos isulat ang buod
sa isang talata kung saan ilalahad ang pangungahing karakter, ang tunggalian at ang resolusyon
ng tunggalian.

Banghay

Tagpuan Istorya Tauhan

Problema Kalutasan ng Problema

Gitna
Mga tauhan, problema,
Banghay at pangyayari

Simula Wakas
Kinalabasan/
Solusyon/Resolusyon

Pamagat

Gawain IV: Isang Kabanata-Isang Talata


Punan ang mga patlang ng impormasyon upang makabuo ng buod ng bawat kabanata.
Tiyaking mailalahad ang angkop na impormasyon sa pagkilala sa tauhan at maibigay ang
mahalagang pangyayari ayon s apagkakasunod-sunod batay sa mga iinigay na pantulong na
pananalita o pahayag.

1
4
Pagkilala sa Tauhan Buod ng Kabanata
Kabanata 6: Si Basilio Patungkol ito sa ____________________________________________
Si Basilio ay isang _______________________________________________________________.
_______________________ dahil Nagsimula ang kabanata sa ______________________________
______________________________. ______________________________________________________________
Nirerepresenta niya sa _______________________________________________________________ kung
lipunan ang ________________ saan___________________________________________________
______________________________. _______________________________________________________________.
Layunin ng may-akda sa Naging suliranin dito ang __________________________________
kabanatang ito na ___________ _______________________________. Nagkaroon ng ______________
_______________________________ _______________________________________________________________.
_______________________________ _______________________________________________________________
_______________________________ Sumunod dito ang __________________________________________
_______________________________ ________________________________________________________________.
Naging pinakamaigting na naganap ang __________________
________________________________________________________________

Kabanata 6: Si Simoun Patungkol ito sa ____________________________________________


Si Simoun ay isang _______________________________________________________________.
_______________________ dahil Nagsi,ula ang kabanata sa __________________________________
______________________________. _______________________________________________________________ kung
Nirerepresenta niya sa saan___________________________________________________
lipunan ang ________________ _______________________________________________________________.
______________________________. Naging suliranin dito ang __________________________________
Layunin ng may-akda sa _______________________________. Nagkaroon ng ______________
kabanatang ito na ___________ _______________________________________________________________.
_______________________________ _______________________________________________________________.
_______________________________ Sumunod dito ang __________________________________________
_______________________________ ________________________________________________________________.
_______________________________ Naging pinakamaigting na naganap ang __________________
________________________________________________________________
Kabanata 7: Maligayang Patungkol ito sa ____________________________________________
Pasko _______________________________________________________________.
Si Basilio ay isang Nagsimula ang kabanata sa ______________________________
_______________________ dahil ______________________________________________________________
______________________________. _______________________________________________________________ kung
Nirerepresenta niya sa saan___________________________________________________
lipunan ang ________________ _______________________________________________________________.
______________________________. Naging suliranin dito ang __________________________________
Layunin ng may-akda sa _______________________________. Nagkaroon ng ______________
kabanatang ito na ___________ _______________________________________________________________.
_______________________________ _______________________________________________________________
_______________________________ Sumunod dito ang __________________________________________
_______________________________ ________________________________________________________________.
_______________________________ Naging pinakamaigting na naganap ang __________________
________________________________________________________________

Kabanata 9: Ang mga Pilato Patungkol ito sa ____________________________________________


Si Basilio ay isang _______________________________________________________________.
_______________________ dahil Nagsimula ang kabanata sa ______________________________
______________________________. ______________________________________________________________
Nirerepresenta niya sa _______________________________________________________________ kung

1
5
lipunan ang ________________ saan___________________________________________________
______________________________. _______________________________________________________________.
Layunin ng may-akda sa Naging suliranin dito ang __________________________________
kabanatang ito na ___________ _______________________________. Nagkaroon ng ______________
_______________________________ _______________________________________________________________.
_______________________________ _______________________________________________________________
_______________________________ Sumunod dito ang __________________________________________
_______________________________ ________________________________________________________________.
Naging pinakamaigting na naganap ang __________________
________________________________________________________________

Kabanata 10: Kayamanan at Patungkol ito sa ____________________________________________


Karalitaan _______________________________________________________________.
Si Basilio ay isang Nagsimula ang kabanata sa ______________________________
_______________________ dahil ______________________________________________________________
______________________________. _______________________________________________________________ kung
Nirerepresenta niya sa saan___________________________________________________
lipunan ang ________________ _______________________________________________________________.
______________________________. Naging suliranin dito ang __________________________________
Layunin ng may-akda sa _______________________________. Nagkaroon ng ______________
kabanatang ito na ___________ _______________________________________________________________.
_______________________________ _______________________________________________________________
_______________________________ Sumunod dito ang __________________________________________
________________________________________________________________.
Naging pinakamaigting na naganap ang __________________
________________________________________________________________

Gawain V: Ibuod mo!


Panuto: Gamit ang tamang mekaniks sa pagsulat gayundin ang wastong pang-ugnay ng mga
pangungusap at talata, Ibuod ang kabanata 6-10.

1
6
Pagyamanin

Gawain VI: Kilalanin mo!


Panuto: Isulat sa ibaba ng bawat pahayag kung sino ang tinutukoy nito.
1. “ Siya ang dakilang makasalanan”
2. “Ang pangyayari sa kanya ay kaparusahan ng langit sa pakikipaglaban niya sa
korporasyon.
3. Nag-aalala siya para sa alila sapagkat siya’y kukunin ng ‘demonyong nagbabalatkayong
estudyante”.
4. Madalas ipadala sa atin ng Diyos ang gayong parusa sapagkat tayo’y makasalanan o may
kamag-anak na nagkakasalang dapat turuan ng kabanalan ngunit hindi natin nagawa.
5. Nagkibit-balikat lamang sapagkat bahagi ng pagpapatupad ng tungkulin ang ginawa.

Isaisip

Gawain VII: Pahalagahan mo!


A. Panuto: Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na mga pahayag.

1. Ang karunungan ay hindi hantungan ng tao.


2. Bawat bayan ay may sarili niyang wika at sarili niyang kaugalian at damdamin.
3. Walang mag-aalipin kung walang paaalipin.
4. Ang kabataa’y sadyang mapangarapin, hilaw sa karanasan, tila mga paruparong sunod-
sunuran sa mahahalimuyak na bulaklak.
5. Walang kabuluhan ang buhay na hindi iniukol sa dakilang layunin.

B. Panuto: Anong damdamin ang namamayani sa mga sumusunod na pahayag?

1. Kahit ang pinakamaliit na brilyante ay maaari nang matubos ang aking anak, manatili
ang bahay sa kanya at makapagbukid.
2. At sa isang dakoy ng alahas na ito ay magagawa kong paluhain ang lahat ng mga
mamamayan sa Pilipinas!
3. Kapalit ng rebolber ang laket nan ais ninyo.

Isagawa

1
7
Gawain VIII: Magsaliksik ka!

Magsaliksik ng isang pag-aaral na medical at sikolohikal ukol sa mga ibinubunga ng matinding


depresyon sa isang tao. Paano ito nalalapatan ng lunas? Isulat ang nasaliksik sa ibaba.

Tayahin

Tiyak marami kang natutuhan sa iba’t ibang mga aralin sa Modyul na ito. Ngayon,
ating tatayahin ang iyong kaalaman sa nakalipas na aralin.

Pangwakas na Pagtataya:
A. Panuto: Isulat ang Oo kung may kaugnayan ang pangungusap sa kabanata at Hindi kung
walang kaugnayan sa aralin. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Pinagtawanan si Basilio ng mga guro at kamag-aral dahil sira-sira ang kaniyang


isinusuot.
2. Naisip ni Basilio na mamasukan bilang katulong upang makapag-aral.
3. Lagi pa ring bumabalik sa isipan ni Basilio ang nagyari sa kaniyang ina kahit
labingtatlong taon na ang nalipas.
4. Si Basilio ay huminto sa tapat ng simbahan at inalis ang kaniyang sombrero at nagdasal.
5. Nangagising ang mga tao dahil sa paghuhukay na ginawa ni Basilio.
6. Kaagad na nakabili si Basilio ng sapatos at sombrerong piyeltro nang siya ay binayaran
ng Malaki sa pagtitistis.
7. Nagbago ang kapalaran ni Basilio nang magsimula siya sa ikatlong taon sa pag-aaral.
8. Dahil sa kasipagan sa pag-aaral ni Basilio ay hinimok siya ng mga guro na lumipat sa
Ateneo.
9. Sa simula pa lamang ay nais na ni Kapitan Tiyago na pag-aralin si Basilio ng Medisina
para makakuha ng lason para sa tari ng manok.
10. Naatasan si Basilio ng magtatalumpati sa araw ng kanilang pagtatapos.

B. Panuto: Salungguhitan ang angkop na salita upang mabuo ang diwa ng bawat
pangungusap.

1
8
1. (Magbubukang-liwayway, Magtatakip-silim) nang umalis sa
kagubatan si Simoun.
2. Hindi sinasadya’y natuklasan ni Basilio ang (hiwaga, mahika) ng
mag-aalahas.
3. Sa pagkabigla ni Simoun, (namutla, namula) ito pagkakita kay Basilio.
4. Isang kasangkapan ang wika upang (mapalaya, malupig) ang isang bansa.
5. (Nagsasalungatan, magkatugon) ang saloobin nina Simoun at Basilio ukol sa
Akademya ng Wikang Espanyol.
6. (Hinikayat, itinalaga) ni Simoun na mamuno si Basilio sa ,mga kabataan sa kanyang
mga balak.
7. Ayon kay Simoun, sa pagpapatupad ng Akademya ng Wikang Espanyol, higit na
(mapapalaganap, malilimutan) ang sariling wika.
8. (pinalaya, pinatay) ni Simoun si Basilio nang matuklasan ang tunay niyang pagkatao.
9. Pinili ni Basilio ang (maghiganti, manahimik) at harapin ang bagong buhay.
10. (Nagtaksil, Tumatanaw ng utang na loob)si Basilio kay Kapitan Tiyago na siyang
nagkandili sa kanya nang siya’y maulila.

Karagdagang Gawain

Panuto: Hanapin sa hanay B kung sino o ano ang tinutukoy sa hanay A. Isulat ang titik ng
tamang sagot.

1. Tampipi a. ang inaasahan ni Huli pagkagising niya


2. Napipi b. ang hinihingi ng mga tulisan
3. Misa Mayor c. ang tanging naihanda ni Huli kay Tata Selo
4. Regalo d. takot na halikan ni Huli baka mahawa sa
5. Laket ketongin na nagbigay nito.
6. Himala e. ang matututuhan ni Huli sa kanyang
7. Salabat pupuntahan
8. Pasko f. ang tawag sa pinaglagyan ni Huli ng damit
9. Mangastila g. ang araw na kinatatakutan ng mga bata.
10. Pantubos h. uri ng misa na dadaluhan ng mga bata na hindi
nila gusto
i. Hindi naibigay ni Tata Selo sa mga dumalaw
sa kanya
j. ang nagyari kay Tata Selo
k. pinakuluang luya

Susi ng Pagwawasto
PAUNANG PAGTATAYA

1
9
A.
1. C 6. C 11. C
2. D 7. A 12. C
3. A 8. B 13. A
4. C 9. C 14. D
5. B 10. A 15. B

B. 1. A 6. A
2. B 7. B
3. A 8. B
4. B 9. C
5.B 10. B

Gawain I
Iba-iba ang sagot

Gawain II
1. Tanggulan, karugtong, panalangin, labingtatlong taon
2. Sisiw, masisilungan, pud,maawa’t, pagmamahal
3. Pangungulila, pag-asa, kinupkop, alilang kanin
4. Katatawanan, loro, nalulungkot, matalinong
5. Ningning, ,dilag,dambana

Gawain III
Iba-iba ang sagot

Gawain IV
Iba-iba ang sagot
Gawain V
Iba-iba ang sagot
Gawain VI

1. Huli
2. Kabesang Tales
3. Hermana Penchang
4. Tata Selo
5. Padre Clemente
Gawain VII:
Iba-iba ang sagot
Gawain VII
Iba-iba ang sagot
Karagdagang Gawain

1. F 6. A
2. J 7. K
3. H 8. G
4. I 9. E
5. D 10. B

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

A.

2
0
1. Oo 6. Hindi
2. Hindi 7. Oo
3. Oo 8. Hindi
4. Hindi 9. Hindi
5. Hindi 10. Oo

B.
1. Magbubukang -liwayway
2. hiwaga
3. namutla
4. mapalaya
5. nagsalungatan
6. hinikayat
7. malilimutan
8. pinalaya
9. manahimik
10. Tumatanaw ng utang na loob

Sanggunian

2
1
Mga Aklat

Bucu, et. Al (2014). Obra Maestra IV, El Filibusterismo, Sampaloc, Manila: Rex Book Store, Inc.
pa. 15-16, 20,

Mendoza N.C. (2012). Ilaw Pinagsanib na wika at Panitikan, Sta. Ana Manila: Innovative
Educational Materials, Inc. pa. 236-272

PEAC

Mungkahing website links patungkol sa Buod ng El Filibusterismo

https://noypi.com.ph/el-filibusterismo-buod/
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-1-sa-ibabaw-ng-kubyerta-el-filibusterismo-
buod

Para sa mga larawan

https://www.emaze.com/@AWIRRWQ
https://www.slideshare.net/ghiemaritana/el-filibusterismo-86690166
https://www.youtube.com/watch?v=r5acnRUdso8- C&E Publishing, Inc.

2
2

You might also like