You are on page 1of 21

9

10

Filipino 10
Ikaapat na Markahan – Modyul 5

ANG MGA KAISIPANG LUTANG


SA AKDA
(Sa Ilalim ng Kubyerta, Sa Bahay ng mga Estudyante,
Ginoong Pasta, Ang Palabas, Ang Prayle at Ang mga
Pilipino, Ang Piging at Ang Hiwaga)

NegOr_Q4_Filipino10_Module5_v2
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 5: Ang mga Kaisipang Lutang sa Akda
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban samodyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Gelyn I. Inoy
Editor: Gelyn I. Inoy, Rico C. Tañesa
Tagasuri: Christopher D. Montecino, Dustin Kieth P. Jagunos, Corazon N. Ras,
Freddie E. Ebañez, Rico C. Tañesa, Gelyn I. Inoy
Tagalapat: Wendell Calingacion
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis JD, EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay EdD
Renante A. Juanillo EdD
Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng
mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit
pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung
sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa
kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

iii
ALAMIN

Binabati kita dahil maluwalhati mong natapos ang mga naunang


modyul ng El Filibusterismo. Natiyak kong, nakilala mo nang lubusan ang
karamihan sa mga tauhang nilikha ni Dr. Jose Rizal pati na ang ilan sa
kanyang mga paniniwala.
Sa pagkakataong ito, isa na namang modyul ng El Filibusterismo ang
pag-aaralan mo. Bukod ni Dr. Jose Rizal, makikilala mo rito ang iba pang mga
tauhan at kung paano ipinakita ng ating pambansang bayani angkanyang galit
laban sa mga mapaniil at mapang- abusong kastila. Malalaman mo rin dito
ang mga kahayupang ginawa ng mga kastila at iba pang sakit ng lipunan na
nais ipamulat sa atin ni Dr. Jose Rizal. Malalamanmo ang lahat ng ito, kung
uunawain mo ang mga kabanatang nakapaloob sa modyul na ito tulad ng
Kabanata II – Sa Ilalim ng Kubyerta, Kabanata XIV – Sa Bahay ng mga
Estudyante, XV – Si Ginoong Pasta, Kabanata XXII –Ang Palabas, Kabanata
XXVII- Ang mga Prayle at Ang Pilipino at Kabanata XXXVII – Ang Hiwaga.
Tiyak na magugustuhan mo ang mga kabanatang ito dahil mamumulat
ka sa tunay na kalagayan ng mga Pilipino noong Panahon ngKastila at bukod
pa riyan may mga gawaing sadyang ginawa para sa iyo, mga gawaing
tutulungan kang malinang ang iyong kakayahan. Kasabay nito, maaari mong
maiugnay ang mga dati mo nang alam, pati angiyong karanasan sa bagong
kaalamang makukuha mo rito.
Huwag kang mabahala. Madali lamang ang mga gawain sa modyul na
ito. Maniwala ka, kaya mo ito. Magsimula ka na.

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

• Nasusuri ang mga kaisipang lutang sa akda (Diyos, bayan, kapwa-tao,


magulang)
F10PB-IVd-e-88
• Natatalakay ang mga kaisipang ito: kabuluhan ng edukasyon,
pamamalakad sa pamahalaan, pagmamahal sa Diyos,bayan, pamilya,
kapwa-tao, kabayanihan, karuwagan, paggamit ng
kapangyarihan,kapangyarihan ng salapi,kalupitan at pagsasamantala
sa kapwa, karapatang-pantao, paglilibang, kawanggawa,
paninindigan sa sariling prinsipyo at iba pa.
F10PB-IVd-e-89

1 NegOr_Q4_Filipino10_Module5_v2
MGA TIYAK NA LAYUNIN

Sa araling ito, inaasahan na ikaw ay:

1. Nakapagpaliliwanag sa mga kaisipang nakapaloob sa akda;


2. Nakasusulat ng isang tula hinggil sa mga mahahalagang kaisipan o
mensaheng nakapaloob sa akda;
3. Nakabubuo ng paglalarawan ng buhay ng mga Pilipino sa panahon
ngpananakop ng mga Kastila; at
4. Napalalakas ang pagmamahal sa Diyos, bayan, kapwa-tao at sa
magulang.

SUBUKIN

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na katanungan at


pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong kuwaderno o
sagutang papel.

1. Ang tanging nag-iisip sa Pilipinas.


A. Simoun B. Isagani C. Basilio D. Benzayb

2. Ang mga nasa ibaba ng kubyerta ay nangakaupo lamang sa _.


A. bangko B. papag C. silya D. kama

3. Bakit umalis agad si Mr. Leeds sa kabila ng kanyang pagtatanghal?


A. natakot kay Padre Salvi C. natapos na ang palabas
B. luluwas siya sa hongkong D. natuklasan ang kanyang lihim

4. Ayon kay Isagani, ang taong pinagkakaitan ng katotohanan ay tinuturuan ng


.
A. katarungan B. kabutihan C. kasinungalingan D. katatagan

5. Sinabi ni Padre Fernandez na ang karunungan ay para lamang sa mga _ .


A. Kastila C. masunurin
B. karapat-dapat magtamo nito D. matalino

2 NegOr_Q4_Filipino10_Module5_v2
Para sa bilang 6-8

Sa itaas ng kubyerta ay naroroon ang mga Europeo, mga prayle at matataas


na tao at sa ilalim ng kubyerta ay makikita ang mga Pilipino, mga kalakal at ang
mainit na makina

6. Batay sa binasang pahayag, ang dalawang pangkat ng mga manlalakbay ay


sumisimbolo sa .
A. pagkakaiba-iba sa lipunan C. pakikipaglaban ng mga Pilipino
B. kahirapan ng buhay ng mga mamamayan D. pagmamalupit ng mga kastila

7. Ano ang tawag sa mga taong nasa ilalim ng Kubyerta?


A. maharlika B. indiyo C. kastila D. makapangyarihan

8. Sa tingin mo, ano ang masasalalim natin sa Pilipinas noon sa panahon ng mga
Kastila?
A. makapangyarihan ang mga prayle
B. mababa ang tingin ng mga Pilipino sa sarili
C. magkaiba ang katayuan ng mga tao sa lipunan
D. nakahihigit ang mga taong may kapangyarihan

9. Ang Bapor Tabo ay sumasagisag sa .


A. uri ng sasakyan noon
B. tiwaling pamamahala noon
C. pananaw ng kastila sa mga Pilipino
D. pagwawalang-bahala ng pamahalaan

Para sa Bilang 10-11


Ang tubig ay matabang at maiinom, ngunit lumulunod sa alak at serbesa
at pumapatay ng apoy, na kapag pinainit ay sumusulak, nagiging malawak na
dagat at gumugunaw ng santinakpan.

10. Batay sa binasang pahayag, anong kaisipan ang nais iparating ni Isagani
ukol dito?
A. tunay na nakamamatay ng apoy ang tubig
B. maaaring maghimagsik ang mga Pilipino lalo na’t silay magkaisa
C. tubig ang maaaring magamit upang matighaw ang uhaw ng mga tao
D. bawat damdamin ay maaaring pagalitin upang magkaroon ng paglalaban

11. Ano ang sinisimbolo ng salitang tubig sa pahayag?


A. inumin B. damdamin C. kapangyarihan D. kalinisan

12. Nangingilag ang mga prayle at sina Don Custodio kay Simoun dahil sa .
A. ito ay mayaman C. kaibigan nito ang Kapitan Heneral
B. ayaw nila ng alahas nito D. tutol ito sa kanilang panukala
3 NegOr_Q4_Filipino10_Module5_v2
13. Naniniwala si Simoun na .
A. ang tubig ay pumapatay ng apoy
B. ang mga Pilipino ay mahilig sa alahas
C. ang bapor Tabo ay daong ng pamahalaan
D. kaya niyang lutasin ang problema ng Ilog Pasig

14. Sinabi ni Simoun na ang “sama ay nasa mga tulisan sa loob ng bayan at lungsod.”
ipinahihiwatig niya na
A. masasama ang mga Prayle C. dapat mag-ingat sa lungsod
B. may mga tulisan sa lungsod D. dapat mag-ingat ang mga Prayle

“Kapag may mga uban na ako na tulad ng sa inyo at ginugunita ang


nakaraan at makita kong gumawa ako alang- alang sa sarili lamang, hindi
ginhawa at ang nararapat gawin ukol sa bayang nagbigay sa akin ng
lahat, ukol sa mga mamamayang tumutulong sa aking mabuhay, kapag
nagkagayon po, magiging tinik sa akin ang bawat uban at sa halip na
ikaluwalhati ko’y dapat kong ikahiya”, ‘ani Isagani.

15. Paano ginamit ng nagsasalita ang uban upang ipahayag ang kanyang
saloobin?
A. ipahiya si G. Pasta C. natakot na magkaroon ng uban
B. paghahambing nito sa tinik D. paggamit upang imulat ang kausap

TUKLASIN

Panuto: Buoin ang mga ginulong salita na nasa loob ng kahon upang makilala mo
ang mga tauhan at malalaman mo ang papel na kanilang ginagampanan
sa akdangiyong pag-aaralan.

Unismo Gemakara seledrm oibasly

Ganisia gnoiong atsap inotaju ealzep

1. Anong mga salita ang iyong nabuo? Kilala mo ba sila?

2. Ano ba ang papel na kanilang ginagampanan sa akda? Mahalaga ba ito?


Bakit?

4 NegOr_Q4_Filipino10_Module5_v2
SURIIN

Handa ka na ba? Basahin mo at alamin ang paksa.

Kabanata 2: Sa ilalim ng Kubyerta

Sa ilalim ng Kubyerta ay naroon naman sina Isagani, Basilio, Kapitan Basilio


na kasama ang mga maleta, bagahe, mga alagang manok at iba pang mga kalakal.

Pinag-uusapan naman dito ang tungkol sa binabalak nilang pagtatayo ng


Akademya ng Wikang Kastila na ang magtuturo’y kalahating Pilipino at kalahating
Kastila at ang bahay na gagamitin ay kay Makaraig, hanggang sa madako ang
usapan kay Paulita Gomez at Donya Victorina, hanggang sa dumating si Simoun
na nagsabing di makabibili ng alahas at hindi pa niya nararating ang bayan nina
Basilio sapagkat ang lalawigang ito ay mahirap at di makabibili ng alahas. Waring
dinaramdam ito ni Isagani kaya nagwikang hindi nila kailangan ang hiyas.

Habang nag-uusap, inanyayahan ni Simoun na uminom ng serbisa ang


dalawang estudyante ngunit tumanggi ang dalawa. Nawika tuloy ni Simoun ang
sinabi ni Padre Camorra na kaya tamad ang mga Pilipino ay dahil palainom ito ng
tubig at hindi serbesa. Kaagad itong sinagot ni Basilio na kung siya ay iinom ng
tubig, sa halip na serbesa, sila ay magtatagumpay at walang maririnig na
alingasngas at dinagdag pa ni Isagani na ang tubig ay matabang at naiinom, ngunit
nakapapawi ng alak at serbesa at pumapatay ng apoy, kapag pinainit ay nagiging
singaw, kapag pinagalit ay nagiging dagat na malawak at minsang nagwasak ng
sangkatauhan at nagpayanig sa buong daigdig.

Lihim na humanga si Simoun at natigil ang usapan nang dumating ang isang
utusan upang tawagin si Isagani. Siya ay pinatawag ni Padre Florentino. Di umano,
ang paring ito ay anak ng mayamang angkan na nagpari dahil sa pangako sa
kanyang ina, kahit na siya ay may kasintahan. Si Isagani ay inaruga niya na ayon
sa ibang matatabil ang dila ay anak niya sa dating katipan nang ito’y mabalo at ayon
sa iba ay anak ng isang pinsan babae sa Maynila.

Kabanata 14: Isang Tahanan ng mga Mag-aaral

Ang bahay ni Makaraeg ay malaki at mayroong dalawang palapag. Tahimik


dito tuwing umaga at magulo pagsapit ng hapon.

Unti-unting napawi ang ingay nang magsidatingan ang mga kamag-aral na


inanyayahan ni Makaraeg upang ibalita ang nilalakad nilang akademya ng wikang
Kastila.
5 NegOr_Q4_Filipino10_Module5_v2
Unang dumating si Isagani at Sandoval. Sumunod sina Pecson at Pelaez.
Dumating si Makaraeg dala-dala ang magandang balita.

Sinabi niya ang pakikipag-usap ni Padre Irene sa Kapitan Heneral. Ibinalita


din niya ang pagsalungat ni Don Custodio sa planong akademya ng wikang Kastila.
Nakaisip sila ng dalawang paraan kung paano nila mapapapayag si Don Custodio.

Una ay paki-usapan si Ginoong Pasta, isang manananggol na


pinangangayupapaan ng Don, ikalawa ay si Pepay na isang mananayaw.
Napagkaisahan ng lahat na unang kausapin si Ginoong Pasta dahil ayon kay
Isagani kailangang maging marangal ang kapamaraanang gagawin nila.

Kabanata 15: Ginoong Pasta

Nagtungo si Isagani sa bahay ni Ginoong Pasta upang ito ay hikayatin na


sumang-ayon sakaling sumangguni si Don Custodio dito. Ngunit ito ay nabigo dahil
napagpasyahan na ng ginoo na huwang makialam sa panukala.

Ayon sa kaniya ay kailangan niyang maging maingat dahil siya ay maraming


pagmamay-ari kung kaya’t kailangan niyang kumilos ng ayon sa batas.

Pag-alis ni Isagani ay naiwang nag-iisip si Ginoong Pasta. Siya ay humanga


sa katalinuhan at estado ng pag-iisip ni Isagani ngunit para sa ginoo ito ay kaawa-
awa.

Kabanata 22: Ang Palabas

Punong-puno ng tao ang dulaan. Huli na ng labinlimang minuto bago


nagsimula ang palabas dahilan bakit di na napigilang mag-ingay ng mga tao.

Ang mga mag-aaral ay nakapuwesto sa palkong katapat ng kinalalagyan ni


Pepay. Ipinuwesto din malapit dito si Don Custodio upang mapasang-ayon ito.

Nang hapon ding iyon ay sumulat si Pepay at tinipan si Don Custodio, kaya
hindi naiwasan nitong di dumalo sa dulaan.

Masaya ang lahat maliban kay Isagani sapagkat nakita niya si Paulita na
kasama si Juanito Pelaez.

Habang nagpapatuloy ang palabas ay patuloy ding sinasalin ni Tadeo sa


Kastila ang mga salitang Pranses. Ganun din si Pelaez sa magtiyahing kasama niya.

6 NegOr_Q4_Filipino10_Module5_v2
Sinang-ayunan na ni Padre Irene ang kahilingan ng mga mag-aaral na
magtayo ng akademya ngunit sasailalim pa ito sa isang korporasyon kung sakaling
hindi iibigin ng mga Dominikanong masama ang akademya sa Unibersidad.

Kakasimula palang ng ikalawang bahagi ng palabas nang nagtayuan at


lumabas ang mga mag-aaral.

Kabanata 27: Ang Prayle at ang Pilipino

Kasalukuyang nagsasalita sa mga kaibigan nito si Isagani nang siya ay


ipatawag ni Padre Fernandez. Dinatnan niyang malungkot at nakakunot ang noo ng
pari nang ito’y pumasok sa silid.

Agad naman itong tumindig nang makapasok si Isagani. Ayon sa pari, narinig
niya itong nagsasalita. Itinanong ng pari kung kasama ba si Isagani sa nangyaring
hapunan, hindi naman itinatwa ito ng binata.

Pinuri ng prayle ang binata dahil sa pagkakaraon ng sariling panghulo. At sa


lahat ng mag-aaral na kaniyang nakasalamuha ay isa si Isagani sa mga kakaunting
mag-aaral na nakakapagsalita ng tapat o harapan kung sila ay pinupulaan.

Ayon kay Isagani, hindi ang mga mag-aaral ang may kasalanan kundi ang
mga gurong nagtuturo sa kanila ng pagbabalatkayong ugali. Sinabi ng pari na
malayang makapaglahad ng anuman si Isagani nang walang pag-uusig, bagkus ay
itinatangi pa niya ito.

Dahil sa mga sinabi ng pari ay napangiti si Isagani. Nagpasalamat ito at


sinabing natatangi din ang pari. Sa kadahilanang ang pag-uusap ay di lamang
tungkol sa kanilang sarili, minabuti nilang ibahin na ang usapan.
Tinanggap ni Padre Fernandez ang paraan ng pakikipag-usap ni Isagani. Sinabi
nitong kausapin siya bilang isang guro at hindi prayle, habang kakausapin din si
Isagani ng pari bilang isang mag-aaral.

Dahil dun, tinanong ng pari si Isagani kung ano ang nasa sa kanila ng mga
mag-aaral na Pilipino. Nabigla ang binata sa tanong ng pari kaya pabigla din itong
sumagot.

Ninanasa nilang magsitupad ang mga prayle sa kanilang mga kautangan.


Dahil aniya tungkulin ng mga prayle na pabutihin ang mga bata at mabigyan ang
mga ito ng maayos na bayan.

Muling nangahas na magtanong si Isagani sa pari kung tinutupad nga ba ng


mga prayle ang gayong tungkulin. Agad namang sumagot ang prayle at sinabing
siya’y tumutupad, ngunit hinadlangan naman ito ng binata. Ani Isagani maaaring
tinutupag nga ni Padre Fernandez ang kaniyang tungkulin ngunit ang kalipunang
prayle ay hindi.
7 NegOr_Q4_Filipino10_Module5_v2
Dagdag ni Isagani, nagkakaisa ang mga prayle at ang pamahalaan upang
mapanatiling mangmang ang mga Pilipino. Sinabi pa niya na kung ano ang mga
Pilipino ay dahil iyon sa kagagawan ng mga prayle. Ramdam ni Padre Fernandez
ang lahat ng mga tugon ni Isagani.

Noon lamang niya naranasan na talunin ng isang mag-aaral na Pilipino. Dahil


sa kagipitan, sinabi ng pari na ang pamahalaan ang taga-utos at sila’y tagasunod
lang. Upang mapaikli at malusutan ng pari ang usapan, nagtanong ito kung ano ang
ibig ng mga mag-aaral na gawin ng mga prayle para sa kanila.

Ang sagot ni Isagani ay tumulong at huwag tumutol sa kalayaan ng mga ito.


Ani Padre Fernandez ang hinihiling ng binata ay katumbas ng kanilang
pagpapatiwakal.

Nagpatuloy pa sa pag-uusap ang dalawa hanggang sa nangako itong


sasabihin sa mga kaparian ang mga sinabi ng binata.

Kabanata 35: Ang Pista

Mag-iikapito na ng gabi nang magsimulang magsidatingan ang mga


panauhin. Nandoon ang ibanag panauhin nang dumating ang bagong kasal kasama
si Donya Victorina. Huling dumating ang Kapitan Heneral kasama ang asawa nito.

Habang nagsasaya ang lahat, si Basilio naman ay nasa harap ng tahanang


iyon at pinapanood ang mga panauhin.
Nakaramdam ng awa si Basilio sa mga taong walang sala, ngunit nang makita nito
si Padre Salvi at Padre Irene ay muling nagsiklab ang kaniyang kalooban.

Maya-maya pa’y dumating ang karuwaheng sinasakyan ni Simoun. Bumaba


ito dala-dala ang lampara at pumanhik ng bahay. Marami ang pumalibot kay Simoun
upang bumati at marami din ang humanga sa dala nitong lampara.

Muli na namang umiral ang kabaitan ni Basilio. Naisip niyang iligtas ang mga
walang kasalanan kung kaya’t sinubukan nitong pumasok sa bahay ngunit hinarang
naman ito ng mga bantay dahil sa karumihan ng kaniyang damit.

Ilang sandali pa ay bumaba na si Simoun sa bahay. Nakita ni Basilio na ito’y


paalis na kaya’t nangatal ito sa takot at lumayo sa tahanang iyon.

Nang papalayo na ay nakita nito si Isagani. Nakiusap si Basilio na sumama


ito sa kanya ngunit hindi ito pinansin. Walang magawa si Basilio kundi sabihin ang
totoo kay Isagani.

Hindi naman sumama si Isagani kaya mag-isa nalang itong lumayo. Nang
mapansin ni Isagani na totoong takot si Basilio ay mabilis itong nagpasiyang
lumabas ng bahay dahil sa pag-aakalang totoo nga ang magaganap na pagsabog.
8 NegOr_Q4_Filipino10_Module5_v2
Samantala, sa lansangan ay may isang papel na may titik na tintang pula ang
nagpalipat-lipat sa kamay ng mga mataas na panauhin.

Nang itanong ng Kapitan Heneral kung sino iyon ay sumagot si Don Custodio.
Aniya’y iyon ay napakasamang biro, sapagkat ang nakalagda sa papel ay ang sulat
kamay na pangalan ni Juan Crisostomo Ibarra, ang pilibusterong mahigit sampung
taon nang namatay.

Marami ang natakot. Kahit iniutos ng Kapitan Heneral na ipagpatuloy ang


pagkain ay walang nangahas dahil sa takot na baka malason. Nangungulimlim na
ang ilaw sa lampara. Ipinataas ng heneral ang mitsa kay Padre Irene.

Ngunit ng mga sandaling iyon, sa isang kisap-mata ay may pumasok na


anino at dali-daling sinunggaban ang lampara sabay tapon nito sa ilog. Maliksi ang
anino. Bago pa man magkailaw muli ay nakalundag na ito sa ilog.

Kabanata 37: Ang Hiwaga

Kumalat ang balita sa madla bagaman ito ay pilit na nililihim. Ang lahat ay
nakikinig sa mga kuwento ni Chichoy.

Aniya, nung siya’y maghatid ng hikaw kay Don Timoteo para sa bagong kasal
ay napansin niyang ginigiba ang kiosko at nakita din nito ang mga bayong ng
pulburang nasa ilalim ng lamesa, sa bubong, at sa mga suluk-sulok. Mamutla-mutla
si Chichoy habang ibinabalita niya ang nakita.

Si Momoy na ilan din sa mga dumalo ay natakot sa mga narinig. Ayon kay
Ginoong Pasta maaaring ang may gawa noon ay taong may galit kay Don Timoteo
o di kaya’y kaagaw ni Juanito kay Paulita.

Napatingin ang mga dalaga kay Isagani dahil batid ng lahat na siya ang
dating kasintahan ni Paulita.

Pinayuhan ni Kapitan Loleng na magtago si Isagani dahil baka raw ito


pagbintangan. Ang binata ay di sumagot, sa halip ay ngumiti lang.

Hindi malaman ni Don Custodio kung sino ang may gawa noon gayong sila
lang ni Simoun ang namamahala sa piging.

Ayon kay Kapitan Toringgoy, maaaring ang mga prayle, o si Quiroga o si


Makaraeg ay may kagagawan nun.

Nagulat ang lahat nang umiling Chichoy at sinabing si Simoun ang naglagay
ng bayong na puno ng pulbura.
9 NegOr_Q4_Filipino10_Module5_v2
Naalala din ni Chichoy ang di-kilalang nagnakaw sa lampara. Anito mabilis
na tumalon sa ilog at walang makakapagsabi kung iyon ba ay isang Kastila, Intsik,
o Indio.

Noon lamang nagsalita si Isagani. Aniya hindi mabuti ang kumuha ng hindi
kaniya. Kung nalaman lang sana ng magnanakaw ang pakay ay hindi niya
kukuhanin ang lampara.

Pamprosesong Tanong:

1. Anong mga kaisipan ang tumatak sa iyong puso’t isipan mula sa mga akdang
nabasa?
2. Bakit mahalaga ang mga kaisipang napulot mo mula sa akda?
3. Paano mo isasabuhay ang mga kaisipang ito?

PAGYAMANIN

Panuto: Gamit ang iyong imahinasyon, hayaan mong maglakbay ang iyong isipan
at bumuo ka ng isang senaryo o larawan ng Pilipinas noong ito ay nasa
ilalim pa ng mga mapaniil na mananakop. Maaaring ito ay isang larawang-
guhit o simbolo hinggilsa mga kaisipang nakapaloob sa akda.

10 NegOr_Q4_Filipino10_Module5_v2
ISAISIP

Ang nagaganap sa bawat kabanata ng El


Filibusterismo ay masasalamin sa mga
kasalukuyang nangyayari sa bansang
kinabibilangan natin tulad na lamang ng
diskriminasyon na hanggang ngayon ay patuloy pa
ring namamayagpag na ang mga mahihirap ay
lalong naghihirap at naaapakan ngunit, nais ng May-
akda na hindi dapat nating hahayaan ang mga
mapang-api na tayo ay aapihin at tatapak-tapakan.
Dapat kikilos tayo ng sabay-sabay at iisa upang
tagumpay at kaunlaran ay makamtam. Higit sa lahat,
iwasan ang maghiganti dahil hindi ito ang lunas sa
sakit ng kahapon.

ISAGAWA

Panuto: Sumulat ng 1-3 saknong na tula hinggil sa mga kaisipang lutang o


mensaheng nakapaloob sa akdang tinalakay. Maaaring ang paksa ay
tungkol sa pag-ibig sa kapwa, bayan, Diyos, pamamalakad ng
pamahalaan o kabuluhan ng edukasyon o iba pa.

Pamantayan sa Pagsulat at Pagwawasto ng Tula


Kompleto ang Kulang ang mga Hindi nakitaan ng
Nilalaman mga impormasyong mga impormasyong
impormasyong inilahad. inilahad.
inilahad.
Napakahusay ng Mahusay Hindi malinaw ang
pagkakasunod- pagkakasunod- pagkakasunod-
Organisasyon sunod ng mga sunod ng mga sunod ng mga
detalyenginilahad. detalyenginilahad. detalyeng inilahad.
Walang mali sa May ilang mali sa Halos lahat ng salita
pagkagamit ng pagkagamit ng mga ay mali sa paggamit
mga salita at sa salita at sa at pagbaybay. Hindi
Wastong gamit pagbaybay nito. pagbaybay nito. nakitaan ng
ng mga salita at Gumamit ng mga Hindi masyado paggamit ng mga
pagbaybay pang-ugnay sa gumamit ng mga pang-ugnay sa
pagbuo ng mga pang-ugnay sa pagbuo ng mga
pangungusap. pagbuo ng mga pangungusap.
pangungusap.
Kabuuan
11 NegOr_Q4_Filipino10_Module5_v2
TAYAHIN

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong at pahayag.


Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno o sagutang papel.

Para sa bilang 1-3

“Kapag may mga uban na ako na tulad ng sa inyo at ginugunita ang nakaraan
at makita kong gumawa ako alang- alang sa sarili lamang, hindi ginhawa at ang
nararapat gawin ukol sa bayang nagbigay sa akin ng lahat, ukol sa mga
mamamayang tumutulong sa aking mabuhay, kapag nagkagayon po, magiging
tinik sa akin ang bawat uban at sa halip na ikaluwalhati ko’y dapat kong ikahiya”,
‘ani Isagani.

1. Ano ang sinisimbolo ng uban ayon sa binasang pahayag?


A. puting buhok ng abogado
B. pamamahala ni G. Pasta bilang isang pinuno
C. gawaing ginawa ni G. Pasta bilang mamamayan
D. tungkulin ni G. Pasta bilang mamamayan sa bansa

2. Batay sa pahayag, bakit kaya ito nasabi ni Isagani kay G. Pasta?


A. dahil sa pagiging makasarili ni G. Pasta
B. dahil hindi sila tinulungan sa kanilang kahilingan
C. dahil takot si G. Pasta para sa kanyang sarili at ari-arian
D. lahat ng nabanggit

3. Paano ginamit ng nagsasalita ang uban upang ipahayag ang kanyangsaloobin?


A. ipahiya si G. Pasta C. pagkatakot na magkaroon ng uban
B. paghahambing nito sa tinik D. paggamit upang imulat ang kausap

Para sa bilang 4-5

Ikawalo’t kalahati ang takdang pagsisimula ng palabas ngunit kulang lamang ng


labinlimang minuto sa ikasiyam ay hindi pa itinataas ang tabing dahil hindi pa
dumarating ang Kapitan Heneral.

4. Anong kaispan ang angkop sa pahayag na nabanggit?


A. dapat simulan kaagad ang mga bagay-bagay
B. agahan ang anumang gawain para matapos kaagad
C. dapat na hindi mahuhuli ang mga panauhing pandangal
D. ginto ang oras na hindi dapat sayangin kaya disiplina ang kailangan sa anumang
galaw o gawain
12 NegOr_Q4_Filipino10_Module5_v2
5. Anong katangian mayroon ang Kapitan Heneral?
A. responable C. mabait
B. mapagsawalang-bahala D. mabuting heneral

Para sa bilang 6

“Hubugin at palusugin ang mga binhi, palakihin sila sa buhay na maligaya…

6. Ano ang kaisipang nakapaloob sa pahayag?


A. Tuturuan ng mabubuting -asal ang mga kabataan nang sa gayon lumakisila
na mga mabubuting tao
B. Magiging malusog ang mga kabataan kung aalagaan nang maayos ng
kanilang mga magulang
C. Huhubugin ang mga kabataan upang paglaki nila, sila’y magiging maligaya
D. Dapat ang mga kabataan ay lumaking masaya

Para sa bilang 7-9

Nang malaman ni Isagani ang planong paghihiganti ni Simoun hindi siya nag
atubiling pigilan ang planong ito upang walang masasaktan.

Lumabo ang ilawan at iminungkahi ng Heneral na itaas ang mitsa ngunit may
mabilis na pumasok at itinapon ang lampara sa ilog.

7. Anong mensahe ang mapupulot mo mula sa pahayag?


A. hindi kailanman huli upang maging mabuti at gumawa ng tama
B. mananaig ang kabutihan kaysa kasamaan
C. ang paghihiganti ay hindi paraan upang sakit ay maibsan
D. lahat ng nabanggit

8. Ano ang sinisimbolo ng salitang lampara na ginamit sa akda?


A. ilawan B. galit C. bomba D. pulbura

9. Bakit kaya naisipan ni Isagani na itapon ang lampara sa ilog?


A. dahil nais niyang magiging bayani
B. dahil nais niyang maisalba ang buhay ni Paulita
C. dahil gusto lang niyang itapon ang lampara sa ilog
D. dahil di siya payag sa masamang plano ni Simoun

13 NegOr_Q4_Filipino10_Module5_v2
Para sa bilang 10-11

Pinaplano nila ang pagsali sa kanilang panig nina Don Custodio, G. Pasta
at Pepay, isang mananayaw na kaibigan ni Don Custodio sa pagpapatayo ng
Akademya ng Wikang Kastila.

10. Ano ang layunin ng mga mag-aaral sa pagpapasali nila kina Don Custodio,
G. Pasta at Pepay sa planong pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila?
A. para makuha ang kanilang gusto
B. para may tutugon sa kanilang pangangailangan
C. upang matulungan silang maitayo ang Akademya ng Wikang Kastila
D. para may magbabayad sa gastusin sa pagpapatayo ng Akademya ng
Wikang Kastila
11. Ano ang magagawa o maitutulong ni Pepay sa planong pagpapatayo ng
Akademya ng Wikang Kastila?
A. siya ang kakausap ni Don Custodio para maipatayo ang Akademya ng
Wikang Kastila
B. siya ang maghahandog ng sayaw para sa pagbubukas ng Akademya
C. siya ang magbibigay- aliw kina G. Pasta at Don Custodio
D. siya ang magbibigay ng pundo para sa Akademya

Para sa Bilang 12-14

Nag-usap ang mga dumalo sa piging. Nagturo kung sino ang may sala o kung
sino man ang may galit kay Don Timoteo o kay Juanito. Naisip nilang si Simoun
ang may sala sapagkat siya’y kaagad na umalis bago pa magsimula ang hapunan.
Hindi nga mabuting kumuha ng di kanya, ani Isagani na mahiwang nakangiti.
Nagpaalam si Isagani at umalis.

12. Ano ang nais iparating ni Isagani sa pahayag na” Hindi nga mabuting kumuha
ng di kanya” patungkol sa di nagtagumpay na plano ni Simoun?
A. hindi mo dapat angkinin ang mga bagay na hindi para sa iyo
B. hindi kailanman na magtatagumpay ang masamang balak
C. walang karapatan ang sinuman na kumitil ng buhay
D. hindi dapat magnakaw

13. Sa iyong palagay, bakit si Simoun ang itinuro nilang utak sa pagpapasabog
ng lampara?
A. dahil siya ang umalis agad bago pa magsimula ang hapunan
B. dahil sa matinding galit niya sa bagong kasal
C. dahi sa naging kalaban niya si Don Timoteo
D. dahil sa kanyang balak na paghihiganti

14 NegOr_Q4_Filipino10_Module5_v2
14. Paano ipinakita ni Isagani ang pagmamalasakit niya bilang isang mabuting
mamamayan?
A. sa pamamagitan ng pagpaparaya sa kanyang pag-ibig kay Paulita
B. sa pamamagitan ng pagpigil niya sa masamang balak ni Simoun
C. sa pamamagitan ng pagtatapos sa kanyang pag-aaral
D. sa pamamagitan ng pagtulong niya kay Basilo

15. Sa tulang binigkas ni Basilio na “Pagtutulungan ng tubig at ng apoy sa isang


makina. Pagtulungan ng mga Pilipino at Kastila sa mahusay na sistema ng
pamamahala” ay nangangahulugang .
A. Ang magkaaway ay hindi maaaring magkasundo
B. hindi maaaring tutulong ang mga kastila sa mga Pilipino
C. Walang pag-asa na magkasundo ang mga Pilipino at Kastila
D. hanggang pangarap lamang daw na magkasundo ang mga Pilipino at
kastila

15 NegOr_Q4_Filipino10_Module5_v2
NegOr_Q4_Filipino10_Module5_v2 16
SUBUKIN TAYAHIN
1. A 1. B
2. B 2. D
3. D 3. B
4. C 4. D
5. D 5. B
6. A 6. A
7. B 7. D
8. A 8. B
9. B 9. D
10. B 10. C
11. B 11. A
12. D 12. C
13. D 13. A
14. A 14. B
15. B 15. C
SUSI SA AGWAWASTO
MGA SANGGUNIAN

Adriatico, Valerie May V, Inoy, Gelyn I., Selarta, Senen Joy T., David, Crispina P, Ege,
Yolanda A, Lumagas, Champberlyn F., Tañesa, Rico C., Ras, Corazon N.
Pinadaling Paraan sa Pagtuturo ng Filipino: Sanayang Aklat. Dumaguete City:
DepEd Negros Oriental Division. 2017.

17 NegOr_Q4_Filipino10_Module5_v2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like