You are on page 1of 3

Activity Sheet in FILIPINO 10 for Quarter 3, Week 3

Topic: Pagsusuri ng Tula (Panitikan)/ Pagkiklino (Gramatika)


Learning Competencies: 1.Nasusuri ang kasiningan at bisa ng tula batay sa napakinggan.(F10PN-IIIc-78)
2.Nabibigyang-kahulugan ang iba’t ibang simbolismo at matatalinghagang pahayag sa tula.(F10PB-IIIc-82)
3. Naiaantas ang mga salita ayon sa antas ng damdaming ipinahahayag ng bawat isa.(F10PT-IIIc-78)
Note: Basahin at pag-aralang mabuti ang nilalaman at mga halimbawa upang maging gabay sa pagsasagot ng mga gawain at Assessment Tool.
Ano ang tula?
Ang tula ay isang akdang pampanitikang binubuo ng mga saknong. Bawat saknong naman ay binubuo ng mga taludtod o linya at ang bawat taludtod ay nahahati
sa mga pantig. Ito ay naglalaman ng mga salitang piling-pili, may mga tayutay o matatalinghagang salita at simbolismo, at masining bukod sa pagiging
madamdamin at maindayog kung bigkasin kaya’t maaari itong lapatan ng himig.
Ang kasiningan ng isang tula ay makikita sa paggamit ng mga salitang ginamit ng may-akda. Tinataglay din nito ang mga elemento ng tula na maingat na pinili at
ginamit sa pagsulat nito.
Gumagamit din ito ng mga simbolismo ng isang bagay, isang kulay, isang tao o kahit na isang sitwasyon upang magbigay ng mas malalim na kahulugan kaysa sa
literal na kahulugan ng teksto.
Halimbawa ng simbolismo:
• Pusang itim - malas, may mangyayaring masama o hindi maganda Kulay puti - kalinisan o kadalisayan Kulay pula -kaguluhan,o katapangan
Ang matatalinghagang pahayag o salita ay may malalim o hindi tiyak na kahulugan na ginagamit din upang maging mas kaakit-akit ang akdang isinusulat at
sumasalamin sa kagandahan ng wikang Filipino. Ilan sa mga paraan ng paggamit nito ay ang mga tayutay at idyoma.
Halimbawa ng talinghaga: magsunog ng kilay – mag-aral nang mabuti bugtong na anak – kaisa-isang anak
Mga elemento ng tula
1. Sukat- ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.
Halimbawa:
Ako ay isang tao. = A/ko /ay /i/sang /ta/o = pitong pantig
2. Tugma- ito ay tumutukoy sa magkakatulad na tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod.
Halimbawa: Tugmaang Ganap Tugmaang Di ganap
Mahirap sumaya May isang lupain sa Silangan
Ang taong may-sala Na nag-aalaga ay sikat ng araw
3. Kariktan- ang pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sa tula at ang kabuuan nito.
Halimbawa: Ito ba ang mundong hinila kung saan,
Ng gulong ng inyong /hidwang kaunlaran?
Ang kariktan nito ay : Kariktan – lalabindalawahing pantig, tugmaang ganap at nagtataglay ng tayutay.
4. Talinghaga- tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinghagang salita at tayutay; ito ang pinakapuso ng tula sapagkat ito ang kahulugan ng tula o ang
ipinahihiwatig ng may-akda.
Halimbawa: "Rosas ma’y mukhang maamo, tinik sa loob nito'y namumuo."
Kahulugan: Mukha mang maamo ang pisikal na itsura ng isang tao o bagay, may itinatago pa rin itong kasamaan.
“Bakit kaya rito sa mundong ibabaw,
Marami sa tao’y sa salapi silaw?”
Kahulugan: Ito ay nagpapahiwatig na may mga tao sa ating lipunan na sa salapi umiikot ang pamumuhay.
Basahin at unawaing mabuti ang tulang ito mula sa Uganda, Africa upang masagot ang sumusunod na mga katanungan:
“Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay” At ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga mata,
A song of a Mother to Her Firstborn salin sa Ingles ni Jack H. Driberg Maging sa iyong halakhak.
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora Paano ka pangangalanan, aking inakay?
Ikaw ba’y lahi na iyong lahi o naiibang nilalang?
I. Mangusap ka, aking sanggol na sinisinta.
Mangusap ka sa iyong namimilog at nagniningning na mga mata, V. Munting mandirigma, sinong anito sa iyo’y nananahan?
Wangis ng mata ng bisirong-toro ni Lupeyo. Kaninong mapagpalang kamay ang sa aking dibdib dumadantay?
Sinong yumuyungyong sa iyo’t nagpapasigla ng buhay?
II. Mangusap ka, aking musmos na supling. Ikaw ba’y kanlong ng kapayapaan?
Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin. Ngunit ika’y tila leopardong nasa palumpong at tumatanaw.
Na puno ng tibay at tatag bagaman yari’y munsik. Hayaan, sa araw na yao’y iyong ibubuyangyang.
Magiging kamay ito ng mandirigma, aking anak. Aking supling, ngayon ako’y nasa kaluwalhatian.
Kamay na magpapasaya sa iyong ama. Ngayon, ako’y ganap na asawa.
Tingnan mo’t nananabik na ako’y sapulin: Hindi na isang nobya, kundi isang ina.
Nagbabalak nang humawak ng panulag na matalim. Maging maringal, aking supling na ninanasa.
Aking giliw, ngalan ng mandirigma sa ‘yo ilalaan, at mamumuno sa Maging mapagmalaki kaparis ng aking pagmamalaki.
kalalakihan. Ika’y magbunyi kaparis ng aking pagbubunyi.
At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapo-apohan, Ika’y irugin kaparis ng pagliyag na aking nadarama.
Kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan. Anak, na ibinunga ng pag-ibig ng matipunong kabiyak.
Ngunit lagi kong maaalala ang pagkapit mo sa akin, Sa wakas, ako’y kahati ng kanyang puso, ina ng kanyang unang anak.
Maging ang paghimlay mo sa aking dibdib, Ang kaniyang kaluluwa’y ligtas sa iyong pag-iingat,
At ang pagsulyap-sulyap sa akin. Aking supling, ako, ako na sadyang sa iyo’y humulma.
Kapag ika’y itinanghal na gererong marangal,
Ako’y malulunod sa luha ng paggunita. VI. Samakatuwid, ako’y minahal.
III. Munting mandirigma, paano ka namin pangangalanan? Samakatuwid, ako’y lumigaya.
Masdan ang pagbubuskala sa pagkakakilanlan. Samakatuwid, ako’y kapilas ng buhay.
Hindi hamak na ngalan sa iyo’y ibibigay, Samakatuwid, ako’y nagtamasa ng dangal.
Hindi ka rin ipapangangalan sa iyong amang si Nawal sapagkat ika’y
panganay. VII .Iingatan mo ang kaniyang libingan kung siya’y nahimlay.
Higit kang pagpapalain ng poon at iyong kawan. Tuwinang gugunitain yaring kanyang palayaw.
Ikaw ba’y tatawaging “Hibang” o “Kapusugan?” Aking supling, mananatili siya sa iyong panambitan,
Ikaw ba’y tatawaging waring dumi ng baka na “anak ng kamalasan?” Walang wakas sa kaniya’y daratal mula sa pagsibol ng ‘yong kabataan.
IV. Ang poo’y di marapat na pagnakawan, Ikaw ang kanyang kalasag at sibat, pag-asa’t kaligtasan sa hukay.
Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan. Sa iyo, siya’y muling mabubuhay tulad ng suwi sa kalupaan.
Ika’y kanilang pinaliguan at dinamitan ng kagandahan. At ako ang ina ng kanyang panganay.
Ika’y biniyayaan ng mga matang naglalagablab. Ika’y mahimbing, supling ng leon, nyongeza’t nyumba.
At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay Ika’y mahimbing,
Ay hindi ba palatandaan na ika’y maingat nilang pinanday? Ako’y wala ng mahihiling
Yaman ni Zeus at Aphrodite sa iyo’y kanilang inalay.
GAWAIN SA PAGKATUTO 1 : Isulat ang LETRA ng iyong sagot sa sagutang papel.
1. Nagpapakita ba ng KASININGAN ang iyong tulang nabasa?
A. Oo sapagkat mayroon itong napakalalim na mga salita at nagpapakita ito ng kultura ng Africa.
B. Oo sapagkat mahusay ang mga salitang pinili , may elemento ng tula, may simbolismo at matatalinhagang pahayag.
C. Hindi, sapagkat masyadong masalimuot ang kahulugan ng tula na maaaring magbigay kalituhan sa mambabasa.
D. Hindi sapagkat iba ang pamamaraan ng pagsulat ng tula ng mga taga-Africa
2. Ano ang BISANG PANGKAISIPAN o epekto ng tula sa iyong isip?
A. Nalaman ko na ang mga ina sa Afica ay mapagmahal at mapagmalaki sa kanilang mga panganay na anak.
B. Nalaman ko na ang mga ina sa Africa ay nakikita ang kanilang mga anak bilang salamin ng kanilang sarili.
C. Nalaman ko na ang mga panganay na anak sa Africa ay matatapang sapagkat nag-aalab ang kanilang mga mata.
D. Nalaman ko na ang mga panganay na anak sa Africa ay itinuturing na dakila dahil taglay nila ang dangal ng kanilang ama.
3. Ano ang BISANG PANDAMDAMIN o epekto ng tula sa iyong damdamin?
A. Naramdaman ko ang dakilang pagmamahal ng isang ina habang binabasa ko ang tula.
B. Naramdaman ko ang kasayahan ng mga ina habang hawak nila ang sanggol sa kanilang bisig.
C. Naramdaman ko ang pagiging proud o pagmamalaki ng isang ina sa kanyang anak.
D. Naramdaman ko ang pagmamahal ng ina sa kanyang asawa na mas higit pa sa pagmamahal sa anak.
4. Mula sa tulang iyong nabasa, anong SIMBOLISMO ang ginamit upang ipahayag ang kagitingan ng mga panganay na anak sa Africa?
A. Bisirong Toro B. Munting Mandirigma C. Supling na Leon D. Matang Naglalagablab
5. Ano ang kahulugan ng MATALINGHAGANG PAHAYAG na “ sinong anito ang sa iyo’y nananahan”?
A. Sinasaniban ng masamang espiritu ang sanggol C. Ginagabayan ng kanilang poon ang sanggol
B. May kakambal na diyos ang sanggol D. Ang sanggol ay itinuturing na poon

Paano maiaantas ang mga salita ayon sa damdaming ipinahahayag?


Hindi lahat ng salitang magkakasingkahulugan ay pareho ang ibig sabihin. Hindi maaaring pagpalitin ang gamit ng mga ito. Bagama’t iisa ang malawak na
kahulugan, magkakaiba naman ang tindi ng ipinahahayag nito at ang pag-aantas nito ay tinatawag na pagkliklino. Kaya’t maingat din ang mga manunulat sa
paggamit ng mga salita sa pagsulat.
Hindi maaaring sabihing ikaw ay napopoot kung naiinis ka lamang. Kung iaantas natin ang sumusunod na salitang magkakatulad ng kahulugan na
magkaiba naman sa tindi o digri ng nais ipahayag, ganito ang magiging ayos ng mga ito.
Halimbawa 1
galit →poot → muhi →inis ( Ang inis ang pinakamababaw na damdamin, mas matindi ang galit na pinatindi pa ng muhi at ang pinakamasidhi ay poot.)
kaya narito ang TAMANG SAGOT: inis→galit → muhi →poot
Halimbawa 2
pagkawala → pagkaubos→pagkasaid ( Mauuna muna ang pagkasaid bago maubos at tuluyang mawala kaya narito ang tamang pag-aantas.
TAMANG SAGOT:pagkasaid → pagkaubos→pagkawala )
Halimbawa 3
iyak →hagulgol →hikbi →nguyngoy ( Hihikbi ka muna bago ang pag-iyak, dahil naiyak ka na ay may tunog ito na nguyngoy, kapag tumindi ito ay magiging hagulgol
kaya narito ang TAMANG SAGOT: hikbi→iyak→ nguyngoy →hagulgol.

Note: Basahin at pag-aralang mabuti ang nilalaman at mga halimbawa upang maging gabay sa pagsasagot ng mga gawain at Assessment Tool.
GAWAIN SA PAGKATUTO 2 : Kopyahin ang dalawang TSART na ito sa inyong sagutang papel. Ang nasa gitna ng 2 tsart ay halimbawa lamang at di
kokopyahin.
Ayos ng mga Salita Batay sa Sidhi ng Batayang mga Salita Ayos ng mga Salita Batay sa Sidhi ng
Batayang mga
Damdamin ( 1 ang pinakamababaw at Damdamin ( 1 ang pinakamababaw at 5
Salita (TSART 1)
5 ang pinakamatindi ang kahulugan) (TSART 2) ang pinakamatindi ang kahulugan)

5. 5.

4. 4.
Kagalakan Lungkot
Katuwaan Lumbay
3. 3.
Kaluwalhatian Dalamhati
Kaligayahan Pighati
Kasiyahan 2. 2.
Pagdurusa
1. 1.

HALIMBAWA:
SALITA:paghanga, pagibig,pagkagusto,
pagpansin,malasakit

5.Pag-ibig

4, Pagmamalasakit

3. Pagkagusto

2. Paghanga

1.Pagpansin

ASSESSMENT #1
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag o katanungan. Piliin ang LETRA ng tamang sagot at isulat ito sa inyong papel.
1. Alin sa sumusunod na salita ang nagpapakita ng pinakamasidhing damdamin? A. kagalakan B. kaligayahan C. kaluwalhatian D. kasiyahan
2. Alin sa sumusunod na salita ang nagpapakita ng pinakamababang antas ng damdamin? A. damot B. ganid C. imbot D. sakim
3. Alin sa sumusunod na elemento ng tula ang tumutukoy sa pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sa tula?
A. kariktan B. simbolismo C. tayutay D. tugma
4. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa mga salitang may malalalim o hindi lantad na kahulugan?
A. eupemistikong pahayag B. idyomatikong pahayag C. malarawang pahayag D. matalinghangang pahayag
5. “Kapag ika’y itinanghal na gererong marangal, ako’y malulunod sa luha sa paggunita.” Anong damdamin ang mahihinuha sa pahayag na nabanggit?
A. pag-asam B. pagkamuhi C. pagmamahal D. pagmamalasakit
6. Alin sa sumusunod na elemento ng tula ang pinakapuso ng tula sapagkat ito ang ipinahihiwatig ng may-akda? A. kariktan B. simbolismo C. talinghaga D.
tugma
7. Munting mandirigma, sinong anito sa iyo’y nanahan? Kaninong mapagpalang kamay ang sa aking dibdib dumadantay?” Batay sa pahayag, saan
inihahalintulad ng ina ang kaniyang supling? A. sa isang poon B. sa isang kayamanan C. sa isang bisiro D. sa kaniyang ama
8. Paano nakakatulong ang mga tula sa pagpapanatili ng pagkakakilanlan ng kultura mula sa lugar na pinanggalingan nito?
A. Naipakikita nito ang imahinasyon ng may-akda. C. Tumutulong itong buksan ang isip ng mga mambabasa.
B. Nasusukat nito ang katalinuhan ng may-akda. D. Nagiging midyum ito upang maipakita ang kulturang inihabi sa pagiging malikhain ng may-akda.
9. Alin sa mga salitang may salungguhit sa sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pinakamasidhi o pinakamatinding damdamin sa kahulugan
nito?
A. Dinig ko ang hikbi ng bata sa harap nang hindi siya bilhan ng laruang gusto niya
B. Ang iyak ng aking ina nang mawala ang aming aso ay tunay na nakalulungkot.
C. Ang nguyngoy ni Janna ay kakikitaan ng sakit sapagkat siya ay nahiwa ng kutsilyo.
D. Hindi mapigilan ng pamilya ang paghagulgol nang pumanaw ang haligi ng kanilang tahanan.
10. “Ang poo’y di marapat pagnakawan, sa iyo’y wala siyang masamang panagimpan. Ika’y pinaliguan at dinamitan ng kagandahan.” Ano ang
ipinapahiwatig sa pahayag?
A. Huwag magnanakaw kahit kanino C. Alagaan ang mga taong nagbibigay ng pagmamalasakit sa kaniya
B. Magpasalamat sa Maykapal sapagkat siya’y pinagpala D. Magpasalamat sa ina sapagkat siya ang nagluwal sa kaniya sa mundong ito

You might also like