You are on page 1of 21

9

10

Filipino 10
Ikatlong Markahan – Modyul 2
PAGSUSURI NG BINASANG ANEKDOTA
BATAY SA MGA ELEMENTO NITO
Sub-aralin: Gramatikal, Diskursal at Estratidyek sa
Pagsasalaysay ng Orihinal na Anekdota

NegOr_Q3_Filipino10_Module2_v2
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Pagsusuri ng Binasang Anekdota Batay sa mga
Elemento Nito
Sub-aralin: Gramatikal, Diskursal at Estratidyek sa Pagsasalaysay ng Orihinal na
Anekdota
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Letecia A. Gadinggan


Editor: Gelyn I. Inoy
Tagasuri: Christoper D. Montecino, Dustin Kieth P. Jagunos, Corazon N. Ras,
Freddie E. Ibañez, Rico C. Tañesa, Gelyn I. Inoy
Tagalapat: Wendell Calingacion
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis JD, EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, EdD
Renante A. Juanillo, EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay
sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng


mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit
pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung


sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa


kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

i
ALAMIN

Natitiyak kong naunawaan mo ang mga aralin sa nakaraang modyul dahil


napagtagumpayan mo ito.

Sa modyul na ito malalaman mo kung ano ang anekdota. Masusuri mo rin ang
mga elemento nito, damdaming nangingibabaw dito.

Sa aralin na ito, ikaw ay inaasahan na makapagbibigay ng sariling opinyon at


makasusulat ng isang orihinal na komiks strip batay sa mensahe ng isang nabasa o
napakinggang anekdota.

Halina’t galugarin mo na ang mundo ng anekdota…


Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na:

1. Nahihinuha ang damdamin ng sumulat ng napakinggang anekdota.


F10PN-lllb-77
2. Nasusuri ang binasang anekdota batay sa: paksa, tauhan, tagpuan, motibo
ng awtor, paraan ng pagsulat at iba pa. F10PB-lll-81
3. Nabibigyang kahulugan ang salita batay sa ginamit na panlapi. F10PT-lll-77
4. Naibibigay ang sariling opinyon tungkol sa anekdotang napanood sa
youtube. F10PD-lllb-75
5. Naisusulat ang isang orihinal na komik strip batay sa isang anekdota.
F10PU-lllb-79
6. Nagagamit ang kahusayang gramatikal, diskorsal at strategic sa pagsulat at
pagsasalaysay ng orihinal na anekdota. F10PU-lllb-79

MGA TIYAK NA LAYUNIN

Sa aralin na ito, inaasahan na ikaw ay:


1. Nakasusuri ng binasang anekdota batay sa elemento nito (paksa, tauhan,
tagpuan, motibo ng awtor, paraan ng pagsulat at iba pa);

2. Nakasusulat ng isang orihinal na komik strip batay sa mensahe ng isang


anekdotang nabasa o napakinggan gamit ang kahusayang gramatikal,
diskorsal at strategic sa pagsulat at pagsasalaysay ng orihinal na
anekdota at;

3. Naipagpapatuloy ang kawilihan sa pagsulat ng isang anekdota gamit ang


kahusayang gramatikal, diskorsal at strategic sa pagsulat.

1 NegOr_Q3_Filipino10_Module2_v2
SUBUKIN

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat ito sa iyong kuwaderno o sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa isang kuwento ng isang nakawiwili at nakakatuwang


pangyayari sa buhay ng isang tao?
A. Maikling Kuwento B. Anekdota C. Mitolohiya D. Sanaysay

2. Ang mga sumusunod ay katangian ng isang anekdota maliban sa ____.


A. May isang paksang tinatalakay.
B. Nagpapabatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral.
C. Dapat na ang bawat pangugusap ay kukuha ng interes ng mambabasa.
D. Nahati sa mga kabanata at punong-puno ng mga masalimuot na
pangyayari.

3. Alin sa mga uri ng pagsasalaysay ang nagdudulot ng isang kakintalan sa isip


ng mga mambabasa sa pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang
pangyayari sa buhay ng tao?
A. Maikling Kuwento C. Mitolohiya
B. Anekdota D. Sanaysay

4. Ano ang tawag sa isang morpema na ikinakabit sa isang salitang-ugat upang


makabuo ng isang bagong salita o mga salita?
A. panghalip B. pandiwa C. pang-abay D. panlapi

5. “Hindi alam ni Rudy na mali ang pinasok niyang trabaho.” Anong salita sa
pangungusap ang may panlapi?
A. alam B. mali C. pinasok D. trabaho

6. Anong panlapi ang ginamit sa salitang pinasok?


A. –in- B. -an- C. um- D. na-

7. Ano ang tawag sa isang diskurso na naglalatag ng mga karanasang


magkaugnay?
A. Talumpati B. Sanaysay C. Anekdota D. Pagsasalaysay

Para sa bilang 8-9

8. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita na magtatagumpay ka sa


tatahaking landas?
A. Humingi ng payo sa mga kaibigan
B. Dapat maging maingat sa mga gagawing pasya
C. Hayaan ang kapalaran kung anong mangyari sa hinaharap
D. Hayaan ang mga magulang na silang magdedesisyon para sa iyo

2 NegOr_Q3_Filipino10_Module2_v2
9. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang nagpapakita ng tamang pagdedesisyon
bilang paghahanda ng magandang kinabukasan?
A. “Ibig kunin niya ang maikli-ikling kurso nang makatapos kaagad”
B. Mabuti na nga na kunin niya nang buo ang kurso at saka siya kumarera
C. Bahala na ang aking anak kung ano ang gusto niya maging sa hinaharap
D. “Higit na magiging mayabong ang kanyang kinabukasan kung dito lamang
siya sa bukid”

10. Nagtampisaw ang mga bata sa tubig. Ano ang salitang-ugat ng nagtampisaw?
A. Nagtampisaw C. pisaw
B. tampisaw D. nagtampi

11. Ano ang kasingkahulugan ng salitang nagtampisaw?


A. naglaro sa tubig na mababaw
B. naglakad sa tubig
C. nag-igib ng tubig
D. naligo sa balon

12. Ito’y isa sa mga mapagkukunan ng paksa na mula sa imahinasyon,


katotohanan man o ilusyon ay makalilikha ng isang salaysay.
A. nabasa C. narinig
B. napanood D. likhang-isip

13. Ano ang tawag sa uri ng pagsasalaysay tungkol sa pinagmulan ng isang


bagay o anuman sa paligid?
A. Alamat C. kasaysayan
B. Talambuhay D. nobela

14. Alin sa sumusunod ang uri ng pagsasalaysay na nagdudulot ng isang


kakintalan sa isip ng mga mambabasaa sa pamamagitan ng paglalahad
ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng tauhan.
A. Maikling Kuwento C. Tulang Pasalaysay
B. Alamat D. Nobela

15. Siya’y tinaguriang isa sa pinakadakila, hinahangaan, iginagalang at minamahal


na lider sa buong mundo. Kilala rin siya dahil sa kanyang nagawa at sa
pagtataguyod niya ng pagkakapantay-pantay ng mga tao sa bansang
pinamumunuan.
A. Nelson Mandela C. Mullah
B. Dilma Rousseff D. Saadi

3 NegOr_Q3_Filipino10_Module2_v2
TUKLASIN

Panuto: Basahin mo ang isang anekdota na “Akasya at Kalabasa” ni Consolacion


P. Conde at suriin ang mga pangyayari sa akdang binasa na may
kaugnayan sa kahalagahan ng pagdedesisyon sa tatahakin mong landas
ng buhay at kung paano ang mga desisyon mo ngayon ay makaaapekto sa
iyong kinabukasan.

Akasya o Kalabasa
Consolacion P. Conde

(Basahin ang Akasya o Kalabasa sa aklat na Panitikang Pandaigdig Filipino 10


Modyul para sa mga mag-aaral sa pahina 254-255.)

Walang ibang tao o sitwasyon ang maaari mong sisisihin kung ano ang
mararating mo sa hinaharap. Nakasalalay sa iyong mabuting pagpipili o
pagdedesisyon ngayon kung ano ka pagdating ng araw. Kaya maging maingat sa
pagdedesisyon sa tatahaking landas.

SURIIN

Ngayon, basahin mo ang isang halimbawang anekdota. Pagkatapos, suriin


mo ito batay sa mga elemento ng anekdota (paksa, tauhan, tagpuan, motibo ng
awtor, paraan ng pagsulat at mensahe/aral)

4 NegOr_Q3_Filipino10_Module2_v2
Mga Anekdota sa Buhay ni Nelson Mandela

A winner is a dreamer who never gives up


Nelson Mandela

Imahe mula sa:


https://bit.ly/3f4VxZT

Si Nelson Mandela ay isa sa pinakadakila, hinahangaan, iginagalang at


minamahal na lider sa buong mundo. Kinilala siya dahil sa kanyang naging aktibong
papel sa pagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng tao sa kanyang bansang South
Africa na noo'y pinamumunuan ng isang pamahalaang racist o nag-uuri ng mga tao
batay sa kanilang kulay. Sa loob ng mahigit dalawampung taon siya'y nanguna sa
kampanyapara sa mapayapang pakikipaglaban sa ganitong kalakaran sa kanilang
pamahalaan kahit pa nangahulugan ito ng pagkakabilanggo niya ng dalawampu't
pitong taon. Naging daan ito upang magawaran siya ng Nobel Peace Prize noong
1993 para sa kanyang mga nagawa upang maibagsak ang sistemang apartheid sa
kanilang bansa nang walang karahasang nangyari. Noong 1994, si Nelson Mandela
ay marangal, masayahin, at isang tunay na maginoo. Makikita ang mga katangiang ito
sa sumusunod na anekdotang nagpapamalas kung bakit iginagalang at minamahal
ngmundo si Nelson Mandela. ay nahalal bilang kauna-unahang Itim na Pangulo ng
South AfricSubalit maliban sa kanyang makulay na búhay politika, ang labis na
hinangaan ng mga taong nakakilala at nakasalamuha niya ay ang kanyang pagiging
mabuting tao at mapagpakumbaba.

5 NegOr_Q3_Filipino10_Module2_v2
Ayon kay John Carlin
Ayon sa pagsasalaysay ni John
Carlin, isang tanyag na manunulat at
dating Bureau Chief ng London
Independent sa South Africa mula 1989
hanggang 1995, kinakapanayam niya
noon si Nelson Mandela isang buwan
pagkatapos nitong manalo bilang pangulo
ng South Africa nang makarinig silá ng
katok sa pinto. Isang puting babae ang
pumasok sa opisina ng Pangulo na may
dalang tray na may tsaa at tubig. Nang
makita ni Nelson ang babae ay ni hindi Imahe mula sa: https://bit.ly/31DKovY
nito tinapos arng sinasabi, agad tumayo at
nakangiting kinumusta ang babae, saka ipinakilala si John Carlin. Nagpasalamat si
Nelson sa tubig at tsaa at umupo lang muli nang makaalis na ang babae.
Ang labis na nagpahanga kay John Carlin ay hindi lang ang naging mabuti at
mainit na pagtrato ni Nelson Mandela sa babae kundi ang katotohanang ang babaeng
ito na pinakitaan niya ng paggalang at pagpapahalaga ay dating empleado ng mga
pangulong naging malupit at nag-diskrimina sa mga itim na tulad niya. Katunayan,
walang pinaalis ni 1sa man si Mandela sa mga dating empleado ng nagdaang
administrasyon. Nanatili silàng lahat at nang makilala nila ang likás na kabutihan ng
bago nilang pangulo ay minahal at hinangaan nila ito nang labis pa kaysa sinuman sa
mga puting naging pangulo ng kanilang bansa. Katunayan, ang kanyang chief of
protocol na isang malaking laláki at naglingkod sa mga nagdaang pangulo nang
mahigit labintatlong taon ay napaluha habang ginugunita ang mga kabutihan at
kagandahang loob na ginawa ni Mandela para sa kanya.

Ayon kay Jessie Duarte


Ayon naman sa kuwento ni Deputy
Secretary-General Jessie Duarte na naging
personal assistant ni Mandela mula 1990
hanggang 1994, nakasanayan na raw ni
Mandela ang pagtiklop at pag-aayos ng
kanyang mga pinagtulugan. Minsan daw,
nang silá ay nása Shanghal, China ay tumuloy
sila sa isang napakalaki at napakagandang
hotel.
Imahe mula sa: https://bit.ly/3f7JDOO

Sinabinan ni Duarte ang pangulo na huwag tiklupin ang kanyang pinagtulugan dahil
ayon daw sa kultura ng nasabing bansa, ang mga tagapagligpit ang dapat magligpit
at maaaring maka-insulto sa kanila kung ang bisita ang mag-aayos ng kanyang
tinulugan.

6 NegOr_Q3_Filipino10_Module2_v2
Dahil dito'y ipinatawag ni Mandela sa kanilang manager ng hotel ang mga
babaeng tagapagigpit sa silid upang kausapin at paliwanagan kung bakit siya ang
nagtitiklop at nag-aayos ng kamang kanyang tinulugan. Ayaw niyang mainsulto o
masaktan ang damdamin ng mga ito nang dahil lang sa paggawa niya sa
nakasanayan. Ayon pa kay Duarte, hindi niya pansin kung ang matataas na tao ay
masaktan o masagasaan sa kanyang mga ginagawa o ipinaglalaban subalit ayaw
niyang may "malilit" na taong sumama ang loob o masaktan nang dahil sa kanya.

Ayon kay John Simpson


Ayon naman sa kuwento ni John Simpson,
isang mamamahayag at World Affairs
Editor ng BBC News, ang isang hindi niya
malilimutang karanasan kaugnay ni
Mandela ay nang magtungo ito sa dating
paaralan ni Simpson sa Cambridge upang
maging tagapagsalita. Kilalá si Mandela
bilang isang mahusay na tagapagsalita. At
sa pagkakataong iyon, sinabi raw niya ang
sumusunod: "Ako ay labis na kinakabahan
sa pagsasalita rito dahil sa tatlong dahilan. Imahe mula sa: https://bit.ly/3zFY3iL
Una, dahil akó ay isang matandang
pensionado." Mahinang tawanan ang naging sagot ng tagapakinig. Hindi nila
malaman kung nagbibiro o sadyang ibinababa lang ni Mandela ang sarili. “Pangalawa,
dahil ako'y walang trabaho." Ngayo'y mas malakas ang naging tawanan dahil alam ng
lahat na hindi pa katagalan nang bumaba sdya bilang Pangulo. "At pangatlo, dahil
mayroon akong napakasamang criminal record.” Anglakas ng hagalpakan ng mga tao
pagkarinig sa sinabi ng Pangulo ay halos bumasag sa mga bintanang salamin ng
bulwagan.

Ayon kay Matt Damon


lpinakita naman ng karanasan ni Matt
Damon, isang kilaláng artista sa Amerika ang halina ni
Mandela hindi lang sa matatanda kundi maging sa
mga batà. Kasáma si Damon sa mga artistang
gumanap sa pelikula tungkol sa búhay ni Mandela,
ang Invictus. Nang magpunta raw sila sa South Africa
para magshooting ng pelikula ay sinabihan siláng
makikilala na nila si Mandela at puwede nilang dalhin
ang mga anak nila. Dinala niya ang mga anak na si
Gia, na noon ay walong buwang gulang at si Isabella,
na noo’y dalawarng taong gulang naman. Habang
Imahe mula sa: https://bit.ly/3q6XueA naghihintay silâng makapasok ay nagtanong si

7 NegOr_Q3_Filipino10_Module2_v2
Isabella nang ganito: “Daddy, sino po ang nasa loob ng pinto?" Hawak daw ni Damon
ang kamay ng anak noon at marahil ay nadama nito ang mabilis na pagtibok ng
kanyang puso na puno ng pananabik sa marngyayari. Sinagot niya ang anak at
sinabing: “Si Ginoong Mandela, isang napaka-espesyal na tao. Makikilala natin siya
at maghe- hello táyo sa kanya.” Nang makapasok silá ay magiliw siláng sinalubong ni
Ginoong Mandela habang hindi mapaknit ang paningin ng dalawang batà sa kanya.
May taglay siyang halina kaya't maging mga batà ay batid na isang hindi
pangkaraniwang tao ang nasa harap nila.

Ayon kay Rick Stengel


Si Rick Stengel ay nakasama ni Mandela nang
halos dalawang taon habang isinusulat niya
ang talambuhay nitong “Long Walk to
Freedom”. Heto ang kanyang naging
pagsasalaysay: “Noong 1994 nang
mangangampanya si Mandela para sa
pagkapangulo ay sumakay siya sa isang maliit
na eroplano papuntang Natal para magbigay
ng talumpati sa mga tagasuporta niyang Zulu.
Nagkasundo kaming magkita na lang sa
Imahe mula sa: https://bit.ly/3JSSy4O airport para ituloy ang aming trabaho
pagkatapos ng talumpati. Nang may mga
dalawampung minuto na lang at lalapag na ang eroplano ay biglang nagkaaberya sa
isa sa mga makina nito. Nag-panic ang marami sa mga nakasakay subalit ang
nakapagpakalma sa kanila ay nang makita si Mandela na tahimik lang na nagbabasa
ng diyaryo na para bang isa lang itong ordinaryong biyahe papuntang opisina.
Naghanda agad ang airport ng emergency landing at nailapag naman nang ligtas ng
piloto ang eroplano. Nang kami ni Mandela ay nakasakay na sa likurang bahagi ng
kanyang bulletproof na BMW na magdadala sa amin sa rally, lumingon siya sa akin at
nagsabing "Pare, natakot ako sa nangyarisa itaas kanina!”

Marami pang anekdota ang nailahad ng iba't ibang tao, tanyag man o hindi
tungkol kay Nelson Mandela. Patunay lâmang ito na ang isang dakilang tao, tulad ng
isang diyamante ay patuloy na magniningning at walang anumang bilangguan,
diskriminasyon, pasakit, o hadlang sa kanyang daraanan ang hindi niya kakayaning
mapagtagumpayan.

8 NegOr_Q3_Filipino10_Module2_v2
Basahin ang sumusunod na punto ng pagkatuto:

Alam mo ba na ang…

Anekdota
- Isang kuwento ng isang nakawiwili at nakakatuwang pangyayari sa buhay
ng isang tao. Layon nito ay makapagbabatid ng isang magandang
karanasan na kapupulutan ng aral.
- Isang malikhaing akda ang anekdota. Dapat na ang bawat pangungusap
ay kukuha ng interes ng mambabasa.

Pagsasalaysay
- Isang diskurso na naglalatag ng mga karanasang magkakaugnay.
Pagkukuwento ito ng mga kawili-wiling pangyayari, pasulat man o pasalita.
- Ang pagpili ng paksa ang unang mahalagang hakbang sa pagsulat ng
pagsasalaysay.

Ilan sa Dapat Isaalang-alang sa Pagpili ng Paksa, Ang mga Mapagkukunan ng


Paksa at Mga Uri ng Pagsasalaysay

(Basahin ang mga Dapat Isaalang-alang sa Pagpili ng Paksa, Ang mga


Mapagkukunan ng Paksa at Mga Uri ng Pagsasalaysay sa pahina 260 sa aklat na
PANITIKANG PANDAIGDIG Filipino 10 Modyul para sa mga mag-aaral.)

Panlapi - Ito ay mga salitang ginagamit na magkadugtong sa salitang ugat.

Mga uri

1. Unlapi
Ito ay ginagamit sa unahan ng salitang ugat. Ang mga madalas ginagamit na
mga unlapi ay ma-, mag-, na-, nag-, pag-, pala-, atbp.

Halimbawa: Magtanim, mahusay, pagkabigat,


makatao, nahulog, palabiro

2. Gitlapi
Ito ay ginagamit sa gitna ng salitang ugat. Ang mga madalas ginagamit na
mga gitlapi ay -um-, at -in-

Halimbawa: pinasok, pinalitan, gumagamit, tumakbo, sumayaw

9 NegOr_Q3_Filipino10_Module2_v2
3. Hulapi
Ito ay nasa huli ng salitang ugat. Ang karaniwang ginagamit na hulapi ay -an,
-han, -in, -hin.

Halimbawa: kaligayahan, palitan, basahin, pinagsabihan, sabihin

Mula sa: https://bit.ly/3jxW5ch

Pamprosesong Tanong
1. Batay sa mga anekdotang inilahad ng iba’t ibang personalidad, anong mga
katangian ang masasalamin sa buhay ni Nelson Mandela?

2. Alin sa mga katangian ni Mandela ang gusto mo rin sanang maging katangian ng
mga pinuno o lider sa ating bayan lalo na sa panahon ngayon? Bakit?
3. Ano ang masasabi mo sa pananaw niyang hindi siya apektado kung ang
“matataas” na tao ay masaktan o masagasaan sa kanyang mga ginagawa o
ipinaglalaban subalit ayaw niyang may “maliliit” na taong sumama ang loob o
masaktan nang dahil sa kanya? Sa paanong pamamaraan naiiba ang pananaw na
ito sa ginagawa ng mga lider o pinunong kilala mo? Ipaliwanag.
4. Kung ikaw ang nasa kalagayan niya, sisikapin mo rin bang maging mabuti sa mga
taong kabilang sa lahing nagdiskrimina, nagpahirap, at hindi gumawa nang tama
sa iyo at sa mga kalahi mo? Bakit?

PAGYAMANIN

Panuto: Suriin ang elemento ng mga anekdotang nabasa. Gayahin ang kasunod na
pormat sa sagutang papel at isulat ang iyong sagot.

Pamagat Elemento ng Anekdota


ng Motibo ng Paraan ng Mensahe/
Anekdota Paksa Tauhan Tagpuan
Awtor Pagsulat aral

Akasya at
Kalabasa

Anekdota
sa Buhay ni
Nelson
Mandela

10 NegOr_Q3_Filipino10_Module2_v2
ISAISIP

Ang paksang tinalakay sa akda ay isang


isyu na hindi lamang nangyayari noon, pati na rin
ngayon. Dahil dito, binigyan tayo ng mas
malawak na pag-unawa hinggil sa pagrespeto sa
mga karapatan ng bawat tao sa mundo. Ang isyu
ay hindi lamang nangyayari sa lugar na
pinanggalingan ni Mandela, bagkus sa buong
mundo.
Mas palawakin pa natin ang ating pag-
unawa sa modyul na ito, gamit ang gramatika na
makikita sa ibaba na dapat nating isaisip.
pagsasaling wika ay ang paglilipat sa

ISAGAWA

Panuto: Sumulat ng isang orihinal na komik strip batay sa mensahe ng anekdotang


nabasa o napakinggan gamit ang kahusayang gramatikal, diskorsal at strategic sa
pagsulat at pagsasalaysay ng orihinal na anekdota. Isagawa ang komik istrip sa mga
kahong inilaan. Tingnan din ang rubriks sa pagmamarka na makikita sa ibaba.

Rubrik sa Pagmamarka ng Buod


Bahagyang Hindi nakamit
Lagpas sa Nakamit ang
Nakamit ang ang mga
Pamantayan Inaasahan mga Inaasahan
mga Inaasahan Inaasahan
(4 na puntos) (3 puntos)
(2 puntos) (1 puntos)
Kawastuhan ng Kumpletongkumpleto Kumpleto ang Bahagyang Kulang ang
Anekdota ang mga detalye na mga detalye na kumpleto ang mga mga detalye
inilahad sa komik inilahad sa komik detalye na inilahad na inilahad sa
batay sa anekdota. batay sa sa komik batay sa komik batay sa
anekdota. anekdota. anekdota.
Paglagay ng Perpekto ang Naipamalas ang May 1-3 kamalian May 4
mga Diyalogo pagsagawa ng mga pagsagawa ng sa pagsagawa ng hanggang 7
diyalogo batay sa mga diyalogo mga diyalogo. kamalian sa
mga 12omponent ng batay sa mga pagsagawa ng
komunikasyon. 12omponent ng mga diyalogo.
komunikasyon.

11 NegOr_Q3_Filipino10_Module2_v2
TAYAHIN

Komik Istrip

Pamagat:

Panuto: Basahin nang may pag-unawa ang mga pahayag o sitwasyon sa ibaba at
sagutin ito. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod ang unang mahalagang hakbang sa pagsulat ng


pagsasalaysay?
A. pagpili ng paksa C. sapat na kagandahan
B. kawilihan sa paksa D. tiyak na panahon

2. Siya ay kilala bilang pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa


bansang Persia. Libo-libong kuwento ng katatawanan ang naiambag niya sa
kanilang lipunan.
A. Saadi B. Liongo C. Sundiata D. Mullah Nassreddin

3. Ito’y isang diskurso na naglalatag ng mga karanasang magkakaugnay at


pagkukuwento ito ng mga kawili-wiling pangyayari, pasulat man o pasalita.
A. Pagsasalaysay C. talambuhay
B. Talumpati D. maikling kuwento

4. Ang mga salitang lumisan, nalito, sayangin at naimbitahan ay mga salitang


nababasa natin sa anekdotang Mullah Nassreddin. Alin sa palagay mo sa
mga salitang nabanggit ang may panlaping -um-?
A. Lumisan B. Nalito C. sayangin D. naimbitahan

12 NegOr_Q3_Filipino10_Module2_v2
5. Anong uri ng pagsasalaysay ang nagdudulot ng isang kakintalan sa isip ng
mga mambabasa sa pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang
pangyayayari sa buhay ng tauhan?
A. Maikling kuwento B. Anekdota C. Alamat D. Kasaysayan

Alanganing Dalaw
Minsan kadudulog pa lamang ni Lieblings, isang tanyag na musikero, sa
hapag kainan nang may isang panauhing dumating.
“Naririto si Ginoong X, na inyong kaibigan,” pagbabalita ng utusan. Gayon na
lamang ang pagkayamot ng naabalang musikero at padarag na sinabi,
“Napakaalanganin naman ng oras ng dalaw na iyan. Dalhin mo siya sa sala upang
di mainip.”
Matapos ang isang masaganang hapunan, tinungo ni Lieblings ang
kinaroroonan ng kaibigan.
“Naku, dinaramdam kong napaghintay kita, pero laging eksaktong alas siyete
ang aming hapunan.”
“Alam ko,” ang tuyot na pakli ni Ginoong X, “katunayan, iyan ang sinabi mo
sa akin nang anyayahan mo akong maghapunan dito sa inyo ngayong gabi.”

Halaw sa Little Book of Music Anecdote ni Helen Kauffman

6. Batay sa binasang anekdota, tama ba ang naging pasiya ng musikero na


ipagpatuloy ang kaniyang hapunan bago harapin ang panauhin?
A. Oo, sapagkat hindi siya dapat malipasan ng gutom.
B. Hindi, sapagkat hindi mainam na paghintayin ang panauhin.
C. Hindi, sapagkat baka maaaring mahalaga ang sadya ng panauhin.
D. Oo, sapagkat ang pagkain ng hapunan sa ganap na alas siyete ng gabi ay
kaniyang nakagawian.

7. Anong aral ang iyong natutuhan sa anekdotang binasa?


A. Tanggapin nang maayos ang mga panauhin.
B. Iwasan ang pagbabalat-kayo, ito’y hindi mabuting gawa.
C. Hindi mabuting unahin ang pansariling pangangailangan.
D. Tulungan nang taos-puso ang nangangailangan.

8. Ito’y isang pagpapahayag ng sariling opinyon, kaisipan, at ideyang binibigkas sa


harap ng maraming tao.
A. tula B. sanaysay C. talumpati D. maikling kuwento

9. Si Mullah ay kilala bilang pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa


Persia. Ano ang pangalan ng bansang Persia ngayon?
A. Iran B. Iraq C. Saudi Arabia D. Jordan

13 NegOr_Q3_Filipino10_Module2_v2
“Naalala ko pa noong kasalukuyan kaming nakasakay sa bangka nang
humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay gamit namin sa pagpasok at
pagpunta sa mga lakaran, kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi
nararapat. Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot
ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking
tsinelas. Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang
tsinelas at dali-dali kong itinapon sa dagat kasama ang dasal na mahabol nito
ang kapares na tsinelas.
Hango sa “Ang Tsinelas” ni Jose Rizal

10. Kung susuriin ang binasa, anong katangian ng isang mahusay na


pagsasalaysay ang taglay nito?
A. Ito ay napapanahon.
B. Mahusay ang sumulat.
C. Kawili-wili ang paraan ng pagkakasulat.
D. Pangyayari ng mga karanasang magkakaugnay sa pinakamasining na
paraan ng pagpapahayag.

11. Sa bahagi ng kuwentong binasa, anong aral ang nais iparating nito?
A. katapatan sa bayan
B. pagpapahalaga sa kapwa
C. pagpaparaya para sa kapakanan ng iba
D. mahusay na pakikitungo sa kapwa kabataan

12. Ang mga taong nakikinig kay Mullah Nassreddin ay nagulumihanan.


Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap?
A. natakot B. nabigla C. nalito D. nakita

13. Ito’y uri ng pagsasalaysay na nahati sa kabanata at punong-puno ng masalimuot


na pangyayari.
A. Alamat C. Talambuhay
B. Nobela D. Tulang Pasalaysay

14. Alin sa sumusunod ang tinatawag na pagsasalaysay ng isang


pakikipagsapalaran, pagbibiyahe o paglalakbay sa isang lugar?
A. Kasaysayan C. Dulang Pandulaan
B. Tulang Pasalaysay D. Tala ng Paglalakbay

15. Ang akdang Mullah Nassreddin ay anekdotang mula sa _________.


A. Persia C. Iraq
B. Saudi Arabia D. Kenya

14 NegOr_Q3_Filipino10_Module2_v2
KARAGDAGANG
GAWAIN

Panuto: Sumulat ng isang anekdota batay sa iyong sariling karanasan o pangyayaring


nasaksihan mo sa iba.
Mamarkahan ang iyong anekdota batay sa rubrik na nasa ibaba. Mainam ito
para sa iyo bilang gabay sa pagmamarka ng iyong ginawang pagsulat.

RUBRIK

Kraytirya Napakahusay Mahusay Nangangailangan


pa ng Kasanayan

Nilalaman Napakahusay ng Mahusay ng Maligoy ang


(5 na puntos) pagkakabuo ng pagkakabuo ng anekdota. Hindi
anekdota. Malinaw anekdota. Medyo malinaw ang mga
ang paksa o diwa, malinaw ang paksa impormasyon.
kapana-panabik, at o diwa, kapana-
napapanahon panabik, at
napapanahon.
Pagkamalikhain Orihinal ang ideya sa May ilang ideyang Hindi orihinal ang
(5 na puntos) pagsulat ng orihihal at medyo ideya sa pagsulat
anekdota. May may kaaki-akit na ng anekdota. Hindi
kaakit-akit na simula simula at kaaki-akit at
at kasiyasiyang kasiyasiyang kasiyasiya ang
wakas. wakas. wakas.

Organisasyon Naipakita ng Medyo maayos at di- Maligoy ang


(Kohirens, anekdota ang gaanong maligoy anekdota.
Kohisyon, maayos at dimaligoy ang Makalilto ang mga
kaisahan) na pagkakasunodsunod pangyayari.
(5 na puntos) pagkakasunodsunod ng mga pangyayari
ng mga pangyayari. ng anekdota.

Presentasyon Isinulat para sa tiyak Hindi gaanong Hindi matukoy ang


(5 na puntos) na mambabasa. matukoy kung para target na
kanino ang mambabasa.
anekdota.

15 NegOr_Q3_Filipino10_Module2_v2
NegOr_Q3_Filipino10_Module2_v2 16
SUBUKIN
1. B 6. C 11. B
2. D 7. A 12. A
3. A 8. B 13. D
4. A 9. B 14. A
5. D 10. A 15. A
TAYAHIN
1. A 6. B 11. D
2. D 7. B 12. C
3. A 8. C 13. B
4. A 9. A 14. D
5. A 10. D 15. A
SUSI SA PAGWAWASTO
MGA SANGGUNIAN

Ambat, Vilma C. et al. Panitikang Pandaigdig 10. Pasig City. Vibal Group Inc 2015.
pp. 256-259.

Fabila, Shem Don C. Suplemental na Modyul sa Pagkatuto para sa mga Mag- aaral
ng Senior High School. Department of Education Dibisyon ng Negros
Oriental.2020.

Adriatico, Valerie May V., Inoy, Gelyn I., Selarta, Senen Joy T., David, Crispina
P., Ege, Yolanda A., Lumagas, Champberlyn F., Tañesa, Rico C., Ras,
Corazon N., Pinadaling Paraan sa Pagtuturo ng Filipino: Sanayang Aklat.
Dumaguete City: DepEd Negros Oriental Division. 2017.

https://bit.ly/3jxW5ch

https://bit.ly/2YZS6vB

https://bit.ly/3tTF550

17 NegOr_Q3_Filipino10_Module2_v2

You might also like