You are on page 1of 3

Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Quarter 3 Week 5

Pangalan: Kurt Andrei S. Delasa Baitang at Pangkat: G10-ODL-29

PAKSA: PAGMAMAHAL SA BAYAN


LAYUNIN:
1. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal sa bayan (Patriyotismo)
2. Natutukoy ang mga paglabag sa pagmamahal sa bayan (Patriyotismo) na umiiral sa lipunan
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1.
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na titik ng
iyong napiling sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang kahulugan ng “pater” na pinagmulan ng salitang patriyotismo?
a. Katatagan at kasipagan c. Pinagkopyahan o pinagbasehan
b. Kabayanihan at katapangan d. Pinagmulan o pinanggalingan
2. Alin ang hindi angkop na kilos ng nagmamahal sa bayan?
a. Pagiging tapat sa sarili, sa kapuwa, sa gawain, at sa lahat ng pagkakataon.
b. Pag-awit sa Pambansang Awit ng may paggalang at dignidad.
c. Pagsisikap makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sariling pamilya.
d. Paggawa ng paraan upang makatulong sa mga suliranin ng bansa.
3. Alin ang hindi kabilang sa mga pagpapahalagang dapat linangin upang tuwirang
maisabuhay ang pagmamahal sa bayan?
a. Paggalang at pagmamahal c. Katahimikan at kapayapaan
b. Katotohanan at pananampalataya d. Katarungan at pagkakaisa
4. Paano pinalawak ng pagmamahal sa bayan ang pakikipagkapwa?
a. Nagmumulat ng kamalayan sa mga tao sa mga isyu at problema ng bayan.
b. Gumagamit ang midya at teknolohiya sa pagpapalawak ng kawilihan at
kaalaman.
c. Nagbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan na magkaisa, magtulungan,
at magdamayan.
d. Nagtataguyod ng reporma ng pamahalaan para sa mas mabuting pamumuno.
5. Paano nakahahadlang ang pandaraya at pagkamakasarili sa pag-unlad ng isang
bayan gayundin sa pagka-Pilipino natin?
a. Hindi ito nagpapahayag ng pagmamahal sa bayan. c. Nawawala ang kapayapaan sa bayang sinilangan.
b. Masamang matutuhan ng mga batang Pilipino. d. Nakaaapekto sa mabuting pakikipagkapuwa.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2.


Panuto: Suriin kung angkop sa iyo ang mga katangian o gawain na nakatala sa ibaba. Lagyan ng tsek ( ✔) ang
angkop na kolum ayon sa mga katangian na iyong isinasabuhay.
Mga tanong na kailangang sagutin. Isulat sa iyong sagutang papel ang iyong mga sagot.
1. Naging madali ba ang paggawa ng gawain? Ipaliwanag.
Sa pagpili ng angkop na katangian para sa akin ako ay hindi gaanong nahihirapan dahil sa mga katangiang
naibanggit at ilan sa mga katangiang iyon ay aking naisasabuhay at nagagawa halos araw-araw bilang isang
mamamayan at estudyante.
2. Ano ang iyong naramdaman pagkatapos mong isagawa ang gawain? Ipaliwanag.
Ako ay nakaramdam ng pagkakaroon ng responsibilidad na ating kailangang gampanan bilang isang
mamamayan at estudyante sa ating lipunan at bansa.
3. Ano ang pwedeng maging papel ng isang indibidwal upang maipamalas ang pagmamahal sa bayan?
Ipaliwanag.
Para sa akin, kahit ano man maging papel mo sa ating lipunan maaarin mong ipakita ang iyong pagmamahal sa
bayan sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa nating kababayan na nangangailangan, dahil hindi lahat ng may
papel na ginagampanan ay may naitutulong sa ating bayan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3.


Panuto: Basahin at unawain ang liriko ng awiting pinasikat ni Noel Cabangon na may pamagat na “Ako ay Isang
Mabuting Pilipino.” Maaari mo itong pakinggat mula sa internet.
Sagutin ang mga tanong sa ibaba at ilagay sa sagutang papel ang iyong mga sagot.
1. Anu-anong mensahe ang gustong ipabatid ng awit?
Para sa akin, ang mensahe na gustong ipabatid o ihatid ng awitin sa itaas ay ang pagiging mabuting Pilipino ay
maaaring makamit sa maraming paraan gaya ng pagsunod sa mga patakaran at batas na ipinapatupad ng ating
gobyerno at hindi lamang sa pagsunod ng batas ay magiging mabuting Pilipino na tayo kundi gawin din natin
ang ating responsibilidad bilang mag-aaral at magaral ng mabuti para sa magandang kinabukasan. At hindi
lamang yan maaari ding ipahatid ng kantang yan ang tungkol sa pagmamahal sa ating bayan dahil kung mahal
natin ang ating bayan ay gagawa tayo ng kabutihan para sa ating sarili, sa kapwa at lalo na sa ating Inang
Bayan.
2. Napapanahon ba ang awiting ito?
A. Oo, bakit? Ipaliwanag.
Oo, dahil sa sitwasyon na mayroon ang ating bansa ngayon na nahaharap sa pandemya iilang Pilipino na
lamang ang nasunod sa tama o sa mga batas at protokol na ipinatutupad ng ating mga kapulisan at gobyerno
kung kaya ang kantang ito ay bagay sa ating sitwasyon upang ipaalala sa atin na kailangan nating maging isang
mabuting Pilipino upang magkaroon ng magandang kinabukasan ang ating susunod na henerasyon.
B. Hindi, bakit? Ipaliwanag.
3. Mahirap bang isabuhay ang mensaheng gustong iparating ng awitin? Ipaliwanag.
Para sa akin, ay hindi dahil para sa akin ang pagiging mabuting Pilipino ay makakatulong ng malaki sa aking
kinabukasan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng disiplinadong sarili at sumusunod sa batas. Sa pagsasabuhay
ng mensaheng ipinararating ng awiting binanggit ay mahalaga upang magkaroon tayo ng malawak na kaisipan
at magkaroon at makaramdam ng responsibilidad.
4. Makatutulong ba ang awiting sa pagsasabuhay ng pagmamahal sa bayan? Pangatwiranan ang iyong sagot.
Oo, dahil sa mensaheng mayroon ang kanta, maaari tayong makaramdam ng pagkakaroon ng responsibilidad
para sa ating bayan sa pagtanggap ng responsibilidad na iyon ay makakatulong tayo sa ating bayan sa
pamamagitan ng pagsunod sa mga batas at protokol na kanilang ipinatupad at dahil diyan pinapakita natin na
mahal natin ang ating bayan at ginagawa natin ang tama upang magkaroon ng kaayusan at kapayapaan sa
ating lipunan.

You might also like