You are on page 1of 24

10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 6:
Kahalagahan ng Isip at Kilos-loob
Sa Moral Na Pagpapasiya
Edukasyon sa Pagpapakatao- Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 6: Kahalagahan ng Isip at Kilos-Loob sa Moral Na
Pagpapasiya, Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

BUMUO SA PAGSULAT NG MODYUL SA JUNIOR HS


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Awtor : Sheree Anne P. Bautista


Ko-Awtor - Editor : Christine A. Naragdao
Ko-Awtor - Tagasuri : Winnie B. Victoriano
Ko-Awtor - Tagaguhit : Ruth Ann M. Verdera
Ko-Awtor - Tagalapat : Ruth Ann M. Verdera
Ko-Awtor - Tagapangasiwa : Christine A. Naragdao

MGA TAGAPAMAHALA SA DIBISYON:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, ESP : Jacquelyn C. Tuazon
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-210
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
10
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 6:
Kahalagahan ng Isip at Kilos-loob
Sa Moral Na Pagpapasiya
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Yugto Ng
Makataong Kilos At Mga Hakbang Sa Moral Na Pagpapasiya.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa mga yugto ng makataong kilos at mga
hakbang sa moral na pagpapasiya. Ang kamay ay madalas gamiting simbolo
ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan 4itto44g mga kamay
tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang
kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-
aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na
kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


4itto4 ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Iii
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Iv
Alamin

Ang modyul na ito ay isinulat para matugunan ang iba’t ibang paraan
ng pagkatuto ng bawat mag-aaral. Hangad ng modyul na ito na maunawaan
mong lubos ang mga yugto ng makataong kilos at mga hakbang sa moral na
pagpapasiya. Ang saklaw ng araling napapaloob sa modyul na ito ay
gagabay sa iyo upang makilala ang iyong mga kahinaan sa pagpapasiya at
makagawa ng kongkretong hakbang upang malagpasan ang mga kahinaang
ito.

Ang modyul na ito ay may dalawang Kasanayang Pampagkatuto:


1. Naipaliliwanag na ang bawat yugto ng makataong kilos ay kakikitaan ng
kahalagahan ng deliberasyon ng isip at kilos-loob sa paggawa ng moral na
pasya at kilos. EsP10MK-Iif-7.4

2. Nakapagsusuri ng sariling kilos at pasya batay sa mga yugto ng makataong


kilos at nakagagawa ng plano upang maitama ang kilos o pasya. EsP10MK-
Iig-8.1

1
Subukin

A. PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at piliin ang titik ng
tamang sagot. Isulat sa kuwaderno.

1. Naglalakad pauwi si Ben nang balitaan siya ng kaniyang kaklase na


magtutungo sila sa ilog sa Sabado. Gusto niyang sumama sa mga ito. Nasa
anong yugto nang makataong kilos si Ben?
a. Intension ng layunin
b. Nais ng layunin
c. Pagkaunawa sa layunin
d. Praktikal na paghuhusga sa pagpili

2. Gamit ang halimbawa sa Bilang 1, malayo ang ilog na nais puntahan nila
Ben. Kailangan niyang magkaroon ng pamasahe. Umisip siya ng paraan.
Una, manghihingi siya sa kanyang magulang; pangalawa, bubuksan niya
ang kanyang alkansya; pangatlo, mangungupit sa tindahan. Nasa anong
yugto naman ng makataong kilos si Ben 8itto?
a. Intension ng layunin
b. Pagkaunawa sa layunin
c. Paghuhusga sa nais makamtan
d. Masusing pagsusuri ng paraan

3. Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang maidudulot


ng pasiya?
a. Dahil ito ay magsisilbing gabay sa pang-araw-araw na buhay.
b. Dahil ito ay makatutulong sa tao upang magkaroon ng mabuting kilos.
c. Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan.
d. Dahil nagdudulot sa tao ng kasiguraduhan sa kanyang pagpili.

4. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao?


a. Upang magsilbing gabay sa buhay.
b. Upang magsilbing paalala sa mga gagawin.
c. Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin.
d. Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili.

5. Bago ka dumaan sa proseso ng pagpapasiya, ano ang dapat gamitin upang


magkaroon ng mas malalim na pagkakaunawa?
a. Tamang konsensiya
b. Malinaw na isipan
c. Handang sarili
d. Kaayusan sa pagkilos

2
6. Bakit mahalagang isaisip ang mga posibilidad sa ating pagpapasiya?
a. Upang malaman ang magiging epekto nito maging sa sarili kundi sa
ibang tao.
b. Upang malaman kung ikaw ba ay tunay na sasaya sa iyong pasiya.
c. Upang mabigyan ng kalayaan ang sarili sa pagkilos.
d. Upang magakaroon ng ideya sa mga susunod na gagawin.

7. Sa anong sitwasyon nakikita ang pagkakaroon ng makataong kilos?


a. Niyaya si Omar ng kanyang kaklaseng mag-inuman at sumama siya.
b. Si Monica ay hindi nakapag aral ng kanilang leksyon sa Filipino, inalok
siyang mangopya ng kaniyang kaklase ngunit tinanggihan niya ito.
c. Nakita ni Fatima na kinuha ng kanyang kaklase ang cellphone ng
kanilang guro ngunit nanahimik lamang siya dahil ayaw niyang
madamay.
d. Nagplano si Ella at ang kanyang nobyo na magsama na kahit sila’y
labinlimang taong gulang pa lamang.

8. Ano ang pinakamahalagang yugto sa makataong kilos?


a. Intensiyon ng layunin
b. Masusing pagsusuri ng paraan
c. Paghuhusga sa paraan
d. Lahat ng nabanggit

9. Bukod sa pagbibigay ng sapat na panahon, ano pa ang mahalagang dapat


nating isaalang-alang sa malayang pagpapasiya?
a. Pakikinig sa proseso
b. Kalooban ng Diyos
c. Materyales na gagamitin
d. Kakayahan sa paggawa

10. Alin ang HINDI nabibilang sa mga hakbang sa moral na pagpapasiya?


a. Magkalap ng patunay
b. Maghanap ng ibang kaalaman
c. Umasa sa sarili
d. Magsagawa ng pasiya

3
B. Ipaliwanag ang pahayag. Ano sa palagay mo ang mga ibig sabihin nito
batay sa iyong sariling pagkaunawa at pagkaintindi?

“Ang bawat kilos ng isang tao ay may dahilan, batayan, at


pananagutan.”

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
______________________________.

4
Aralin
Moral na Pagpapasiya
2

Balikan

Sa nakaraang aralin ay natuklasan mo na ang iba’t-ibang yugto ng makataong


pagkilos at mga hakbang sa moral na pagpapasiya. Alamin natin kung ito ba ay iyong
natatandaan.

Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga yugto ng makataong pagkilos ayon sa iyong napag-
aralan.

Bunga Pagpili
Praktikal na paghuhusga sa pinili Paggamit
Masusing pagsusuri ng paraan Intensiyon ng layunin
Utos Pagkaunawa sa layunin
Nais ng layunin Paghuhusga sa nakamtan
Intensiyon ng layunin Pangkaisipang kakayahan ng layunin

Isip Kilos-loob
1. 2.
3. 4.
5. 6.
7. 8.
9. 10.
11. 12.

5
Tuklasin

Gawain 1:

PANUTO: Pag-aralan ang bawat sitwasyon. Kung ikaw ang nasa sitwasyon, isulat kung
ano ang iyong magiging pasiya at dahilan kung bakit mo ito gagawin. Isulat ang iyong
sagot sa iyong kwaderno.

1. Pasiya_____________________________
Nais i-post ni May sa social ___________________________________
media ang tungkol sa away __________________________________
nilang magkakaklase.
Dahilan____________________________
___________________________________
___________________________________

2. Pasiya_____________________________
Hinihimok ni Celso ang
___________________________________
kanyang barkadang __________________________________
makipagsuntukan dahil masama
ang tingin nito. Dahilan____________________________
___________________________________
___________________________________

Pasiya_____________________________
___________________________________
Nakita ni Hilda ang lihim na __________________________________
3. pagkuha ng lalaki sa wallet ng
isang matandang babae. Dahilan____________________________
___________________________________
___________________________________

Pasiya_____________________________
4. Nagpapatuloy sa pag-aaral si ___________________________________
Fredie kahit sila ay hirap sa __________________________________
buhay. Nagtatrabaho siya sa Dahilan____________________________
araw at nag-aaral sa gabi. ___________________________________
___________________________________

6
Pasiya_____________________________
Gumagala kahit hatinggabi si ___________________________________
5.
Monica kasama ng kanyang __________________________________
mga barkada.
Dahilan____________________________
___________________________________
___________________________________

Mula sa iyong mga kasagutan sa itaas, sagutin ang mga sumusunod:

1. Anu-ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagpapasiya?


2. Ano ang iyong pagkakaunawa tungkol sa pagkakaroon ng isang makataong kilos?
Ipaliwanag.
3. Bakit kailangang pag-isipan ang mga sitwasyong iyong pinagdaraan bago magpasiya?
Ipaliwanag.

Gawain 2:

PANUTO: Balikan ang iyong mga naging karanasan sa pagpapasiya. Maglahad ng


limang sitwasyon at isulat kung ano ang iyong naging desisyon upang masolusyunan
ang iyong kinakaharap.

Sitwasyon Desisyon

1.

2.

3.

4.

5.

Karagdagang katanungan:
Naging maganda ba ang kinahantungan ng iyong mga pasya? Ipaliwanag .

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________.

7
Suriin

Mahalaga ang iyong bawat pasiya.

Kailangan ng pagtitimbang sa kung ano ang dapat piliin at kung anong kilos ang
dapat gawin. Mahalaga na makita mo kung ang pipiliin mo ay nakabatay sa makataong
pagkilos.
Sa Modyul 5, nalaman mo na may pagkakasunod-sunod ang pagsasagawa ng
makataong pagkilos. Para kay Sto. Tomas de Aquino, may 12 yugto ito na nahahati sa
dalawang kategorya : ang isip at kilos-loob.

Isip Kilos-loob
1. Pagkaunawa sa layunin 2. Nais ng layunin
3. Paghuhusga sa nais makamtan 4. Intensiyon ng layunin
5. Masusing pagsusuri ng paraan 6. Paghuhusga sa paraan
7. Praktikal na paghuhusga 8. Pagpili
9. Utos 10. Paggamit
11. Pangkaisipang kakayahan ng 12. Bunga
layunin

Kung ang isang tao ay nagsasagawa ng madaliang pagpapasiya, hindi siya


nagiging mapanagutan; bagkus nagiging pabaya siya sa anumang kalalabasan ng
kanyang isasagawang kilos.
Kailangan ng masusing pagninilay bago isagawa ang pagpili. Hindi ito madali
dahil kailangan itong pag-aralang mabuti at timbangin ang bawat panig ng mga bagay-
bagay upang Makita kung alin ang mas makabubuti dahil dito nakasalalay ang
anumang maaaring kahinatnan nito.

Moral na Pagpapasiya

Ang mabuting pagpapasiya ay isang proseso na kung saan malinaw na


nakikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay. Ito ay
mahalaga sapagkat dito nakasalalay ang ating pagpili.
May kalayaan ang bawat isa sa anumang gustuhin niyang gawin sa kaniyang
buhay. Sabi nga ni Fr. Neil Sevilla na isang pari sa isang parokya sa Bulacan, simula
nang magkaroon ng isip ang tao hanggang sa kaniyang kamatayan, nagsasagawa siya
araw-araw ng pagpapasiya. Ngunit ang malaking tanong ayon sa kaniya, naayon ba
ang pagpapasiyang ito sa kalooban ng Diyos?

8
Mga Hakbang sa Moral na Pagpapasiya

1. Magkalap ng patunay (Look for the facts). Tanungin ang iyong sarili kung ano o
sino ang mga kasangkot sa gagawin mong pagpapasiya.
2. Isaisip ang posibilidad (Imagine possibilities). Tingnan ang mga posibilidad na
mga pagpipiliang magagawa para sa sitwasyon. Ano ang maaaring maging
epekto ng iyong pasiya hindi lamang sa iyong sarili kundi para sa ibang tao?
3. Maghanap ng ibang kaalaman (Seek insight beyond your own). Hindi sa lahat ng
oras o pagkakataon ay alam mo ang mabuti. Kailangan mo pa ring maghanap ng
mga magagandang kaalaman na maaaring makapagbigay sa iyo ng inspirasyong
makagawa ng tamang pagpapasiya.

4. Tingnan ang kalooban (Turn inward). Ano ang sinasabi sa iyo ng iyong kalooban
tungkol sa sitwasyon? Ano ang sinasabi ng iyong konsensiya? Ano ang personal
mong nararamdaman? Ang lahat ng katanungan ay kailangan mong sagutin
sapagkat sa anumang pasiya na iyong gagawin, kailangan na ikaw ay magiging
masaya.
5. Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos (Expect and trust in God’s help). Ito ang
pinakamabisang paraan upang malaman kung ano ang magandang plano Niya
para sa atin.
6. Magsagawa ng pasiya (Name your decision). Tanungin ang sarili kung bakit ito
ang iyong napili. Ikaw ba ay masaya rito? Makatutulong ang mga tanong na ito
upang kung mayroon ka pang agam-agam o pagkalito sa iyong pipiliin ay
mapagnilayan mo itong mabuti.

Sa magulong mundo, makatutulong para sa iyo na kung ikaw ay


magpapasiya, ikaw ay manahimik. Damhin mo ang presensiya ng Diyos upang ikaw
ay makapag-isip nang mabuti at matimbang ang mga bagay-bagay. Makatutulong
sa iyo upang lubusan mong malaman at mapagnilayan kung ano ang makabubuti
para sa iyo, sa kapuwa at sa lipunan.

9
Pagyamanin

Gawin 3: Pagwasto ng desisyon.

Panuto: Isipin ang mga maling pasiyang na naisagawa sa sumusunod: pamilya,


kaibigan, pag-aaral, barangay, at simbahan. Isulat ito sa unang hanay. Isulat naman
sa pangalawang hanay kung paano mo ito maiwawasto. Kopyahin ang pormat at
sagutan ito sa kuwaderno.

Maling pasiyang naisagawa Paano ito iwawasto

1. Pamilya-

2. Kaibigan-

3. Pag-aaral-

4. Barangay-

5. Simbahan-

10-GOMBORZA.xl
sx

10
Isaisip

GAWAIN 4:

PANUTO: Sumulat ng isang tula na may tatlong (3) saknong at apat na


taludtod tungkol sa kahalagahan ng pagdaan sa proseso ng pagpapasiya.

Rubric sa Pagsulat ng Tula

Nangangailang
Katamtama
Napakagaling (10) Magaling (8) an ng
n (6)
pagsasanay (4)
Bahagyang Mababaw at
Napakalalim at Malalim at
may lalim literal ang
makahulugan ang makahulugan ang
ang kabuuan kabuuan ng
kabuuan ng tula. kabuuan ng tula.
ng tula. tula.
Gumamit ng
Gumamit ng
Gumamit ng ilang 1-2
simbolismo/pahiwa
simbolismo/pahiwa simbolismo Wala ni isang
tig na
tig na bahagyang na nakalito pagtatangkang
nakapagpaisip sa
nagpaisip sa mga sa mga ginawa upang
mga mambabasa.
mambabasa. May mambabasa. makagamit ng
Piling-pili ang mga
ilang piling salita at Ang mga simbolismo.
salita at pariralang
pariralang ginamit. salita ay di-
ginamit.
gaanong pili.
May
pagtatangka
Gumamit ng May mga sukat at ng gumamit Walang sukat at
napakahusay at tugma ngunit may ng sukat at tugma kung
angkop na sukat at bahagyang tugma may naisulat
tugma. inkonsistensi. ngunit halos man.
inconsistent
lahat.

11
Isagawa

GAWAIN 5: REPLEKSYON

PANUTO: Balikang muli ang isang karanasan sa iyong buhay na labis mong
pinagsisihan dahil sa maling pasiya. Isulat kung ano ang iyong natutuhan mula
rito.

Ang aking karanasan na hindi ko


malilimutan ay…

Ang aking natutunan mula rito ay …

Ang Aking Panunumpa: Bigkasin ang panunumpa nang may paninindigan.

Ako si _______________________ (ang iyong pangalan) ay nangangakong idadaan sa


proseso ang anumang aking pagpapasiyahan. Isasaisip ko ang lahat ng maaring maging
posibilidad ng aking desisyon hindi lamang para sa aking sarili kundi para din sa ibang
tao.

Paglalaanan ko ng tamang panahon ang aking pagpapasiya at pagninilayan ang


bawat panig ng isasagawang pagpili. Ang lahat ng katanungan sa aking isip ay aking
sasagutin upang malaman ko kung ito ay aking ikakasiya. Pagbabatayan ko ang moral na
pagkilos upang masiguro ang aking magiging desisyon. At higit sa lahat, hihingin ko ang
patnubay at gabay ng Panginoon dahil naniniwala akong may magandang plano Siya para
sa akin.

Kasiyahan ako ng Panginoon.

12
Tayahin

GAWAIN 6: TAYAHIN ANG IYONG PAG-UNAWA

PANUTO: Isulat ang TAMA kung nagsasaad ng tamang pagpapasiya at MALI kung hindi.

__________ 1. Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos.


__________ 2. Sa iyong naging desisyon, ikaw ay dapat na maging masaya.
__________ 3. Tanungin ang sarili kung bakit mo ito napili.
__________ 4. Paglaanan ng sapat na panahon ang anumang pagpapasiya.
__________ 5. Tingnang mabuti ang mga posibilidad na mga pagpipiliang magawa para sa
sitwasyon.
__________ 6. Malaki ang maitutulong ng padalos-dalos na pagdedesisyon.
__________ 7. Makinig lamang sa sarili sa pagbuo ng desisyon.
__________ 8. Timbangin ang bawat panig ng mga bagay-bagay upang Makita kung alin
ang mas makakabuti.
__________ 9. Sang-ayunan ang lahat ng payo ng iyong kaibigan.
__________ 10. Magsagawa ng madaliang pagpapasiya.
__________ 11. Gamitin ang iyong konsensiya upang maunawaan ang bawat panig.
__________ 12. Isaisip at timbangin ang masamang dulot ng iyong magiging desisyon.
__________ 13. Suriin kung naaayon sa kalooban ng Diyos ang iyong pasiya.
__________ 14. Magdudulot ng kabiguan ang anumang pasiyang pinag-isipan.
__________ 15. Pagpahingahin ang isipan kung masyadong naguguluhan sa isang
sitwasyon.

13
Karagdagang Gawain

GAWAIN 7:

PANUTO: Gumawa ng sariling konsepto tungkol sa pagpapasiya. Gamiting gabay


ang salitang nasa ibaba.

M–

O–

R–

A–

L-

14
15
SUBUKIN BALIKAN
TAYAHIN
1. C ISIP KILOS-LOOB
2. A
1. Pagka-unawa sa layunin 2. nais ng layunin
layunin
3. C ng kakayahan
4. D 12. Bunga 3. Paghuhusga sa nais
11. Pangkaisipang 4. intension ng layunin
5. A10. Paggamit makamtan
9. Utos
6. paghuhusga sa paraan
10. c
6. A paghuhusga
5. Masusing pagsusuri ng
9. b
7. B
paraan 8. pagpili
8. Pagpili 7. Praktikal na 8. d
8. Dparaan ng paraan 7. b
sa 9. B
6. Paghuhusga 7. Praktikal na paghuhusga
5. Masusing pagsusuri 10. paggamit
6. a
10. C
layunin makamtan 5. a
ng 4. Intensiyon 9. Utos
3. Paghuhusga sa nais 12. bunga
4. d
3. c
layunin
2. Nais ng layunin 11. Pangkaisipang kakayahan
1. Pagkaunawa sa
2. a
ng layunin 1. c
Kilos-loob Isip
BALIKAN SUBUKIN
TAYAHIN
1. TAMA
2. TAMA
3. TAMA
4. TAMA
5. TAMA
6. MALI
7. MALI
8. TAMA
9. MALI
10. MALI
11. TAMA
12. TAMA
13. TAMA
14. MALI
15. TAMA
Susi sa Pagwawasto
Rubric para sa pagsulat ng Pagninilay (Subukin)

Kraytirya 5 4 3 2
Komprehensibo Gumamit ng May 1-2 salita May 3-4 na May 5 o
ang ginawang simple ngunit na hindi salita na hindi higit pang
pagninilay malinaw na maunawaan maunawaan salita na
mga salita. ang tunay na ang tunay na hindi
kahulugan. kahulugan. maunawaa
Maiksi ngunit n ang tunay
sapat ang Masyadong May na
ginawang mahaba at kakulangan sa kahulugan.
pagninilay. maligoy ang ginawang
ginawang pagninilay. Hindi
Bumanggit ng pagninilay. malinaw
mga natutuhan ang
at mga mensahe o
reyalisasyon nilalaman
mula sa mga ng
gawing pagninilay.
naranasan sa
klase upang
mapagtibay
ang ginawang
pagninilay.
Tugma ang Lahat ng May isang May dalawang May 3 o
mga ginamit na halimbawang halimbawa na halimbawa na mahigit
halimbawa sa ginamit ay hindi tugma sa hindi tugma sa pang
pagninilay. tugma sa pagninilay. pagninilay. halimbawa
pagninilay. na hindi
tugma sa
pagninilay.
Naipakita ang Nakita ang Nakita ang Hindi nakita Hindi
pagkamalikhai pagkamalikhai pagkamalikhai ang nakagawa
n sa pagsulat. n sa kabuuan n ngunit hindi pagkamalikhai ng
ng sulatin at gaanong n sa sulatin. malikhaing
tunay na nakapupukaw sulatin.
nakapupukaw ng pansin.
ng pansin ang
kabuuan nito.

16
Sanggunian
Mga Aklat

Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral 2015, FEP Printing


Corporation Department of Education- Instructional Materials Council
Secretariat, DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Brizuela, et.al, Edukasyon sa Pagpapakatao – Gabay sa Pagtuturo, FEP Printing


Corporation, Pasig City, 2015.

Mula sa Internet

https:www.scribd.com/rubrics

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like