You are on page 1of 21

Rehiyon I

SANGAY NA PANGLUNGSOD
LUNGSOD NG SAN CARLOS, PANGASINAN

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Kwarter: 2 | Modyul: 8

Pag-unawa sa Layunin, Paraan


at mga Sirkumstansya ng
Makataong Kilos
Edukasyon sa Pagpapakatao – Baitang 10
Alternative Delivery Mode
Kwarter 2 – Modyul 8: Pag-unawa sa Layunin, Paraan at mga Sirkumstansya ng
Makataong Kilos
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon ng San Carlos City Division


Schools Division Superintendent: Lourdes D. Servito, CESO VI
Assistant Schools Division Superintendent: Diosdado I. Cayabyab, CESO VI

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Joana May Ramos Sanchez


Editor: Valentina M. Roman
Tagasuri: Minerva A. Munoz
Tagalapat: Marygrace S. Caranto Sharon F. Boguiren
Tagapamahala: Lourdes D. Servito Diosdado I. Cayabyab
Editha R. Pridas Arlene B. Casipit

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Kagawaran ng Edukasyon – Sangay na Panglungsod ng Lungsod ng San Carlos

Office Address: Roxas Blvd., San Carlos City, Pangasinan


Telefax: (075) 632-3293 (OSDS)
Trunk Line Nos. (075) 633-5691 to 93
Email Address: sdosancarloscity@gmail.com or sancarlos.city1@deped.gov.ph
10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Kwarter 2 – Modyul 8:
Pag-unawa sa Layunin, Paraan at
mga Sirkumstansya ng
Makataong Kilos
PAUNANG SALITA

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan:

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Subukin Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

ii
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
Balikan matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay upang
Pagyamanin mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi
sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


Isaisip ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula
sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
Isagawa
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.

Susi ng Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


Pagwawasto ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

iii
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang kabutihan o kasamaan sa iyong pagpapasiya ay masusuri sa isasagawang


pagkilos. Sa pamamagitan nito matutulongan kang lubos na mapagnilayan kung
paano ka nakakapagsagawa ng makataong kilos at mula rito ay masasagot mo ang
mahalagang tanong na: Bakit mahalagang maunawaan na ang layunin, paraan,
sirkumtansiya, at kahihinatnan ng kilos ay nagtatakda ng pagkamabuti o
pagkamasama ng kilos ng tao?

Halika na! Simulan mong tuklasin ang kahalagahan ng iyong pagkilos bilang isang
tao.

Sa modyul na ito inaasahang maipamamalas mo ay sumususnod na kaalaman,


kakayahan, at pag-unawa:
a. Napatutunayan na ang layunin, paraan at sirkumstansya ay nagtatakda
ng pagkamabuti o pagkamasama ng kilos ng tao. (MELC-Week8-
EsP10MK-IIh-8.3)

b. Nakapagtataya ng kabutihan o kasamaan ng pasiya o kilos sa isang


sitwasyong may dilemma batay sa layunin, paraan at sirkumstansya
nito.
(MELC-Week8-EsP10MK-IIh-8.4)

Subukin

I. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang


tanong. Isulat ang letra ng pinakaangkop na sagot sa patlang.

________1. Ang sumusunod ay dahilan kung bakit hindi maituturing na isang


paninindigan ang pangongopya tuwing may exam maliban sa: .
a. Nabibigyan ng pagkakataon ang mag-aaral na pumasa at makakuha ng marking
mataas.
b. Hindi ito patas sa mga kaklaseng nag-aral nang mabuti.
c. Nawawalan ng saysay ang pag- aaral, pagsusulit at paglikha ng orihinal na bagay.
d. Hindi ito katanggap-tanggap sa mga guro na gumaganap sa tungkulin.

1
________2. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng sirkumstansiya?
a. Tumutukoy sa panloonb na kilos na nakabantay kung saan nakatuon ang
kilos-loob
b. Tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan kung saan ang kilos na ginagawa
ay nakaaapekto sa kabutihan
c. Nakapagpapabawas sa kabutihan ng isang kilos.
d. Nakapagpapabago sa halaga ng isang kilos.

________3. Bakit kailangan isaisp at timbangin ang mabuti at masamang naidulot ng


pasiya?
a. Dahil ito ay makakatulong sa tao upang magkaroon siya ng mabuting kilos.
b. Dahil ito ay magsisilbing gabay sa pang araw-araw na buhay.
c. Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan at pananagutan
d. Dahil ito ay nagdudulot sa tao ng kasiguraduhan ng kanyang pagpili.

________4. Anong paninindigan ang hindi ipinakikita kung tama ang isang tao na
mag-aral?
a. Ang pag- aaral ay malaking tulong sa pagtuklas ng katotohanan
b. Ang pag-aaral ay sagot sa kahirapan.
c. Ang pag-aaral ay para sa mga nais yumaman.
d. Ang pag-aaral ay para sa mga matatalino at masipag pumasok sa paaralan.

________5. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao?


a. Upang magsilbing gabay sa buhay.
b. Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin.
c. Upang magsilbing paalala sa mga Gawain.
d. Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili…

________6. Ang tao ay inaasahang na dapat palaging gumagawa ng mabuting kilos.


Anuman ang mabuti ay dapat isinasakatuparan niya. Ang mabuting gawa ba ay
dapat gawin sa lahat ng pagkakataon?
a. Hindi, dahil walang obligasyon ang tao na gawin ito.
b. Oo, dahil ito ang dapat para sa kabutihan ng lahat.
c. Oo, dahil ang hindi nito pagsakatuparan ay isang maling gawain.
d. Hindi, dahil ang mabuting kilos ay kailangan lamang gawin kung ang hindi
pagsakatuparan nito ay magdadala ng isang maling bunga.

________7. May babaeng nagustuhan si Alex ngunit ang babae ay mayroon ng asawa.
Sa kabila nito, ipinagpatuloy pa rin ni Alex ang pagmamahal hanggang silayý
nagkarelasyon. Ano ang prinsipyong sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang
makikita sa sitwasyon?
a. Ang sirkumstansiya ay hindi maaaring gawing mabuti ang masama.
b. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o
masama.
c. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawin ang mabuting kilos na masama.
d. Ang sirkumstansiya ay maaring lumikha ng mabuti o masamang kilos.

2
________8. Kung ikaw ay nagsasagawa ng pasiya, Ano kaya ang pinakahuling
hakbang na iyong gagawin?
a. Tingnan ang kalooban
b. Isaisip ang mga posibilidad.
c. Umasa at magtiwala sa Diyos
d. Maghanap ng ibang kaalaman

________9. Kaarawan ni Robert nagpunta sila ng kanyang mga kaibigan sa bahay ng


isang kaibigan. Gumamit sila ng videoke at sila’y nagkantahan hanggang umabot ng
madaling araw. Nainis ang mga kapitbahay dahil sa ingay. Anong prinsipyo ang
sumsakop sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita rito?
a. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawin ang mabuting kilos na masama.
b. Ang sirkumstansiya ay lumikha ng mabuti o masamang kilos.
c. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawing mabuti ang masama.
d. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o
masama

________10. Si Ramil ay isang espesyalistang doctor sa puso. Maingat siya sa


pagbibigay ng gamut na nararapat sa pasyente at alam ni Ramil na hindi lahat ng
gamut ay maganda ang dulot sa pasyente. Alins a mga salik ang nag-uugnay sa
makataong kilos ang ipinapakita ni Ramil?
a. Layunin
b. Kahihinatnan
c. Sirkumstansiya
d. Kilos

II. Panuto WordsearchOERsanCarlosdivision:


Hanapin ang mga salita na patungkoL sa pagtatakda ng pagkamabuti
o pagkamasama ng kilos.

3
III. Panuto: Isa-isahin ang mga sumusunod.
Itala ang mga iba’t –ibang sirkumstansiya.
1.
2.
3.
4.
5.

Susi ng Pagwawasto sa pahina 13

Kumusta ang pretest? Ilan ang iyong nakuha? Kung nakuha mo ang tamang
sagot sa bawat katanungan ay maari mo nang laktawan ang modyul na ito. Subalit,
kapag may isa o higit pang hindi wasto sa iyong kasagutan, marapat lamang na ikaw
ay magpatuloy sa modyul na ito.

Pag-unawa sa Layunin,
Aralin
Paraan, at mga
1 Sirkumstansya ng
Makataong Kilos

Balikan

Gawain 1:
Napag-aralan mo noon ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa mga yugtong
makataong kilos, kung saan ang kilos ay mahalaga sa paggawa ng kabutihan sa
kapwa tao. Sa pamamagitan rin nito mayroong dalawang uri ang kilos ang Kilos ng
Tao (Acts of Man) at Makataong Kilos (Human Act). Tingnan ang mga larawan at
tukuyin kung ito ay Kilos ng tao o Makataong Kilos

1. ______________________

4
2. _____________________

3. _____________________

4. _____________________

Tuklasin

Gawain 2: Paglinang ng bagong Kaalaman


Panuto: Suriin ang bawat sitwasyon sa ibaba at tignan kung mabuti o masama
ang ginawang pasiya o kilos ng tauhan. Lagyan ng tsek ang kolum ng mabuting
pagkilos kung ikaw ay naniniwala na ito ay mabuti at lagyan ng ekis ang kolum ng
masamang kilos kung naniniwala kag ito ay masama. Isulat sa susunod na kolum
ang iyong paliwanag sa iyong napili. 20 puntos
Mga Sitwasyon Mabuting Masamang Paliwanag
Kilos Kilos
1. Nanalo si Mang Philip
bilang barangay captain
sa kanilang lugar. Wala
siyang inaksayang oras
upang ibigay ang sarili sa
kaniyang paglilingkod
nang buong katapatan
2. Nais ni Jaymee na
matulongan ang kaniyang
kamag-aral na pumasa
kaya’t pinakopya niya ito
sa kanilang pagsusulit.
3. Habang nasa loob ng
simbahan si Pol at
Andrew ay pinag –

5
uusapan nila ang
kanilang kamag-aral na
di umao’y
nakikipagrelasyon sa
kanilang guro.
4. Si Mang Gerry ay
matulongin sa kaniyang
mga kapitbahay. Ngunit
lingid sa kaalaman ng
kaniyang mga
tinutulongan na ang
perang binibigay niya sa
mga ito ay galing sa
pgabebenta niya ng
pinagbabawal na gamot.

Mga Tanong:
a. Sino-sino sa tauhan ang nagpapakita ng mabuting kilos? Sino-sino ang
hindi?
b. Ano ang masasabi mo sa bawat tauhan? Pangatwiranan.
c. Paano mo nahusgahan kung mabuti o masama ang pagpasiya o kilos na
ginawaa nga mga tauhan sa bawat sitawasyon?

Suriin

Paksa: Pag-unawa sa Layunin, Paraan, at mga Sirkumstansya ng Makataong Kilos

Layunin, Paraan, Sirkumstansiya, at Kahinatnan ng Makataong Kilos:

Natuklasan ko na ang layunin, paraan, at sirkumstansiya ay ang mga bumubuo sa


panloob at panlabas na kilos – loob. Ang mga bagay na ito ang binibigyang –
konsiderasyon upang masabi kung ang kilos ay mabuti o masama.

Pagbibigay – Kahulugan:

Layunin:
Ang layunin ay tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos –
loob. Ito rin ay tumutukoy sa taong nagsasagawa ng kilos. Hindi ito nakikita o
nalalaman ng ibang tao dahil ito ay personal sa taong gumagawa ng kilos. Ito ang
nagsisilbing pinatutunguhan ng kilos. Sa pamamagitan nito, mahuhusgahan ang

6
kilos kung ito ba ay mabuti o masama. Ang pamantayan ng mabuting layunin ay
kung ang nagsasagawa ng kilos ba ay gumagalang sa dignidad ng kanyang kapwa.

Halimbawa:

1. Binigyan ni Sylvia ng baon ang kanyang kaklase na walang baon sapagkat


naisip niyang kumopya ng sagot dito sa pagsusulit sa Filipino.
Layunin: Makakopya ng sagot sa pagsusulit sa Filipino.

2. Ang pandaraya sa pamamagitan ng paggamit ng kodigo upang maipasa ang


pagsusulit.
Layunin: Maipasa ang pagsusulit.

Paraan:
Ang paraan ay tumutukoy sa panlabas na kilos na nagsisilbing kasangkapan o
paraan upang makamit ang layunin. Kalakip nito, kinakailangan na obheto ang
bawat kilos. Ang paraan ng kilos ay ang nararapat na kilos dahil ang kabutihan ng
panlabas na kilos ay ang nararapat na obheto nito.

Halimbawa:

1. Binigyan ni Sylvia ng baon ang kanyang kaklase na walang baon sapagkat


naisip niyang kumopya ng sagot dito sa pagsusulit sa Filipino.
Paraan: Pagbibigay ng baon sa kanyang kaklase.

2. Ang pandaraya sa pamamagitan ng paggamit ng kodigo upang maipasa ang


pagsusulit.
Paraan: Pandaraya sa pamamgitan ng paggamit ng kodigo.

Sirkumstansiya:
Ang sirkumstansiya ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan ng kilos na
maaring makabawas o makadagdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos.

Iba’t – Ibang Sirkumstansiya:


sino
ano
saan
paano
kailan
Ang sino ay tumutukoy sa tao na nagsasagawa ng kilos o sa taong maaaring
maapektuhan ng kilos.

Ang ano ay tumutukoy sa mismong kilos, gaano ito labigat o kalaki.

Ang saan ay tumutukoy sa lugar kung saan ginawa ang kilos.

7
Ang paano ay tumutukoy sa paraan kung paano isinagawa ang kilos.

Ang kailan ay tumutukoy sa kung kailan isinagawa ang kilos.

Halimbawa:

Si Bonnie ay nagtungo sa bahay ng kanyang lola Amanda. Natuklasan niya kung


saan madalas magtago ng pera ang kanyang lola Amanda. Isang pagkakataon,
pinuntahan niya ang bahay ni lola Amanda at kinuha ang pera nito sa taguan.
Samantala, naubusan ng gamut si lola Amanda para sa kanyang hika. Kailangan
niya ang kanyang pera upang makabili ng gamot ngunit wala na ito sa kanyang
pinaglagyan.

Sino:

Bonnie at lola Amanda

Ano:

Dahil kinuha ni Bonnie ang perang itinago ni lola Amanda, hindi ito makabili ng
gamot para sa kanyang hika tuloy ay nahihirapan siyang huminga.

Saan:

sa bahay ni lola Amanda

Paano:

nagpunta siya sa bahay ni lola Amanda at kinuha ang pera sa taguan nito

Kailan:

isang pagkakataon

Kahihinatnan:
Ang kahihinatnan ay tumutukoy sa magiging bunga ng isinagawang kilos.
Mahalagang na masusing pag-isipan at pagplanuhang mabuti ang anumang
isasagawang kilos dahil mayroon itong katumbas na pananagutan na dapat
isaalang-alang.

Mabuting Kilos
Ang Mabuting kilos ay dapat palaging mabuti hindi lamang sa kalikasan nito
kundi sa motibo at sirkumstansiya kung paano mo ito ginagawa. Kaya’t mula sa
layunin, paraan, at sirkumstansiya ng kilos ay madaling makikita o masusuri ang
kabutihan at kasamaan nito.

8
Makataong Kilos:
Ang makataong kilos ay tumutukoy sa kilos na isinasagawa ng tao ng may
kaalaman, kusa, at malaya. Ang makataong kilos ay bunga ng kaalaman, nilapatan
ng isip at kilos – loob kaya naman may kapanagutan sa pagsasagawa nito.
Karaniwang tinatawag na kilos na kinusa, niloob, o sinadya dahil isinasagawa ito
ng tao sa panahon na siya ay mapanagutan o responsable.

Tayahin ang iyong Pag-unawa:


Ano ang naunawaan mo sa iyong nabasa? Upang masubok ang lalim ng iyog
naunawaan, sagutin mo ang mga sumusunod na tanong.
1. Ibigay ang iba’t – ibang bahagi ng sirkumstansiya at magbigay ng halimbawa
sa bawat isa.
2. Paano nahuhusgahan kung ang layunin ng kilos ay mabuti o masama?
Magbigay ng halimbawa.
3. Sa iyong palagay, upang ang gawain ay mabuti, saan ba ito dapat nakabatay?
Ipaliwanag.

Pagyamanin

Gawain 3: Tukuyin Natin!


PANUTO: Ang mga pangungusap ay patungkol sa sirkumstansiya. Tukuyin kung ito
ang salitang naayon sa bawat uri ng sirkumstansiya.
Halimbawa:
S – Sino A - Ano
SN – Saan P – Paano K- Kailan

SN I. Nagtawanan ng malakas ang ilang kabataan dahil pinag uusapan nila ang
isang kamag-aral na biglang naghirap dahil nalulong sa sugal ang ama nito. Ginawa
nila ito sa simbahan.

________1. Si Arjay ay nagtungo sa eskwelahan.


________2. Ang inutusan si Ralph para bumili ng gamot para sa sakit ng ulo,
subalit nawala ang pera napambili nito.
________3. Nagpunta sa salad-aklatan sila Ester at Lory upang magbasa ng
ESP.
________4. Nasunugan ang isang pamilya sa lugar nila Chris noong nakaraang
lingo, dahil dito dagsa ang tulong na ipinaabot ng kanilang barangay.
________5. Plano mag-outing ng mga kaibigan ni Abby subalit nagkaroon ng
lockwdown sa kanilang lugar kung kaya’t minabuti nalamang nila huwag
ituloy at sumunod sa batas na ipinatupad sa kanilang lugar.

9
_______6. Ang pagsuot ng Facemask at Facesheild ay pinapatupad na gawing
mandatory ang IATF dahil sa nangyayaring pandemic sa bansa.
________7. Nagkaroon ng panibagong pagtuturo at pag-aaral sa mga paaralan
dahil sa COVID.
_______8. Ang mga kabataan edad 7-21 ay hinid pinapayagan na lumabas
dahil sa pandemic.
_______9. Pinaghandaan ni Kyla ng mabuti ang magaganap na interview para
sa papausukan niyang trabaho.
______10. Maaring bumalik ang normal na pamumuhay ng mga tao sa
susunod pang taon.

Isaisip

GAWAIN 4 : Pagnilayan Mo!


Panuto : Ngayon ay inaanyayahan kitang magnilay. Balikan mo ang iyong
isinagawang kilos noong nakaraang lingo. Batay sa iyong mga natutuhan sa
modyul na ito tukuyin mo ang iyong naging reyaisasyon.

A. : Ang mga bagong natutuhan mo sa aralin.


B. : Ang napulot kong aral mula sa aking mga isinagawang
kilos.
C. : Ang aking reyalisasyon.

A. ___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
________________________________________________.

B. ___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
________________________________________________.

C. ___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
________________________________________________.

10
Ngayon ay alam ko nang handing-handa ka na sa pagsasabuhay ng iyong mga
natutuhan. Ang kailangan mo lamang ay maingat na pagsusuri sa kabutihan o
kasamaan ng iyong isinasagawang mga kilos upang makita mo ang kabutihan o
kasamaan na dulot ng mga ito.

Isagawa

GAWAIN 5 : Gagawin Natin!


Panuto: Mag-isip ng isang sitwasyon mula sa iyong karanasan na may suliranin
(dilemma). Tayahin ang kabutihan o kasamaan nito batay sa layunin, paraan,
sirkumstansiya at kahihinatnan nito. Ipakita ito sa iyong magulang. Anyayahan
sila na magbigay ng komento o payo sa iyong ginawa. Palagyan ito sa kanila ng
lagda bilang katibayan na kanilang nabasa ang iyong nagawa.
(10 puntos)
Suliranin Layunin Paraan Sirkumstansiya Kahihinatnan Komento,
Paghuhusga: payo, at
Mabuti o Lagda ng
Masama magulang

11
Tayahin

GAWAIN 6: Marahil sa pagkakataong ito ay tunay mo nang nataya at


naunawaan ang Layunin, Paraan, at mga Sirkumstansya ng Makataong Kilos

Panuto: Basahin at tukuyin mabuti ang pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang.

______1. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang


kilos – loob.
______2. Tumutukoy sa panlabas na kilos na nagsisilbing kasangkapan o
paraan upang makamit ang layunin.
______3. Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan ng kilos na
maaring makabawas o makadagdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos.
Sirkumstansiya
______4. Ito ay tumutukoy sa magiging bunga ng isinagawang kilos.
Mahalagang na masusing pag-isipan at pagplanuhang mabuti ang anumang
isasagawang kilos dahil mayroon itong katumbas na pananagutan na dapat
isaalang-alang.
______5. Dapat palaging mabuti hindi lamang sa kalikasan nito kundi sa motibo at
sirkumstansiya kung paano mo ito ginagawa.
______6. Tumutukoy sa kilos na isinasagawa ng tao ng may kaalaman, kusa, at
Malaya.
______7. Ilan ang uri nga sirkumstansiya.
______8. Ilan ang salik na nakakapekto sa kilos ng tao kung saan maari itong maging
resulta sa mabuti o masama.
______9. Isa sa mga uri ng sirkumstansiya na tumutukoy sa lugar kung saan
ginagawa ang kilos.
______10. Uri ng sirkumstansiya na tumutukoy sa tao na nagsasagawa ng kilos na
maaaring ikabuti ito o ikasama.

Susi ng Pagwawasto sa pahina 13

12
13
1. Layunin 6. Makataong Kilos
2. Paraan 7. 5
3. Kahihinatnan 8. 3
4. Sirkumstansiya 9. Saan
5. Mabuting Kilos 10. Sino
Tayahin
Rubriks 1. S 6. A
Nilalaman/Pagpapaliwanag-5pts 2. A 7. SN
Organisasyon-3pts. 3. P 8. S
Kalinisan-2pts 4. P 9. P
Kabuuang Puntos-10pts 5. K 10. K
Isaisip/Isagawa
Pagyamanin
Rubriks 1. Makatao na Kilos I.
Nilalaman/Pagpapaliwanag 2. Kilos ng Tao 1. C 6. B
-5pts 3. Kilos ng Tao 2. B 7. A
Organisasyon-3pts. 4. Makatao na Kilo 3. A 8. B
Kalinisan-2pts 4. D 9. D
Kabuuang Puntos-10pts 5. D 10. B
II.In any order: III.
1. Layunin 1. Sino
2. Paraan 2. Ano
3. Sirkumstasiya 3. Saan
4. Kahihinatnan 4. Paano
5. Mabuting Kilos 5. Kailan
6. Makataong Kilos
Tuklasin Balikan Subukin
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
https://brainly.ph/question/871652

https://app.quizalize.com/view/quiz/esp-2nd-periodical-test-f3137d34-ad36-
4489-8583-0062b5b7ba6f

https://www.google.com/search?q=dalawang+uri+ng+kilos+ng+tao&sxsrf=ALeKk0
0GfNghITD7I9WWpJzMFapb1yX4fQ:1596006239613&source=lnms&tbm=is
ch&sa=X&ved=2ahUKEwilsOLH8vHqAhXSBKYKHY94CpgQ_AUoAXoECAsQA
w&biw=1366&bih=625#imgrc=ILjMbBR53q4nAM

ESP 10 Modyul para sa mag-aaral

https://brainly.ph/question/2378242?source=aid1313376

https://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk038MoUmcJzNimq6yXpMfoH1ar1H2
A%3A1596718722824&source=hp&ei=gv4rX-uFL4Th-
AaBjZUg&q=iba%27t+ibang+sirkumstansiya+quiz&oq=&gs_lcp=CgZwc3ktY
WIQARgAMgcIIxDqAhAnMgcIIxDqAhAnMgcIIxDqAhAnMgcIIxDqAhAnMgcIIx
DqAhAnMgcIIxDqAhAnMgcILhDqAhAnMgcIIxDqAhAnMgcILhDqAhAnMgcIIx
DqAhAnUABYAGDLKWgBcAB4AIABAIgBAJIBAJgBAKoBB2d3cy13aXqwAQo
&sclient=psy-ab

14
For inquiries or feedback, please write or call:

Schools Division Office of San Carlos City


Roxas Blvd., San Carlos City, Pangasinan 2420
Tel. No./Fax No. (075) 632-3293 (OSDS)
Trunk Line Nos. (075) 633-5691 to 93
Email Address: sdosancarloscity@gmail.com;
sancarlos.city1@deped.gov.ph

You might also like