You are on page 1of 11

10

ARALING PANLIPUNAN
QUARTER 1 – MODULE 2

MGA ISYUNG PANGKAPALIGIRAN


ALAMIN
Sa bahaging ito ng aralin, maunawaan mo ang kasalukuyang kalagayan ng ating kapaligiran, ang mga
suliraning kinakaharap ng bansa. Ang kaalaman mo sa mga sanhi at epekto ng mga suliraning pangkapaligiran
ay mabisang hakbang upang ikaw ay kumilos tungo sa pangangalaga ng kalikasan.

MELC ( Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto)

● Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung pangkapaligiran ng Pilipinas. Pagkatapos mapag-
aralan ang modyul, inaasahang iyong:
a. natatalakay ang kasalukuyang kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas;
b. nasusuri ang mga dahilan at epekto ng mga suliraning pangkapaligiran ng Pilipinas;
c. nakapagmumungkahi ng mga hakbang na dapat isagawa upang matugunan
ang mga suliraning pangkapaligiran.

TUKLASIN AT SURIIN

Ang mga Suliranin at Hamong Pangkapaligiran


1. Suliranin sa Solid Waste
Tumutukoy ang solid waste sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersyal na establisimyento, mga
basura na nakikita sa paligid, mga basura na nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang hindi
nakakalason (Official Gazette, 2000). Ayon sa pag-aaral ni Oliveira at mga kasama (2013), ang Pilipinas ay nakalikha
ng 39,422 tonelada ng basura kada araw noong taong 2015. Halos 25% ng mga basura ng Pilipinas ay nanggagaling sa
Metro Manila kung saan ang isang tao ay nakalilikha ng 0.7 kilong basura araw-araw. Mas mataas ito ng 130% kaysa sa
world average (National Solid Waste Management, 2016). Ang malaking bahagdan ng itinatapong basura ng mga
Pilipino ay mula sa mga tahanan na mayroong 56.7%. Samantalang pinakamalaki naman sa uri ng tinatapong basura
ay iyong tinatawag na bio-degradable na may 52.31% (National Solid Waste Management Status Report, 2015)

Pigura 1. Mga Solid Waste na itinatapon araw-araw


(https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2018/news/11/02/2018101-basura.jpg)

Mayroong iba’t ibang dahilan kung bakit may problema ang Pilipinas sa solid waste. Isa na rito ang kawalan
ng disiplina sa pagtatapon ng basura. Tinatayang 1500 tonelada ng basura ang itinatapon sa mga ilog, estero, kalsada,
bakanteng lote, at sa Manila Bay na lalong nagpapalala sa pagbaha at paglaganap ng mga insekto na nagdudulot naman
ng iba’t ibang sakit. Bagama’t ipinagbabawal, madami pa rin ang nagsusunog ng basura na nakadaragdag sa polusyon
sa hangin. Nadaragdagan din ang trabaho ng mga waste collector dahil kailangan nilang magsagawa ng waste
segregation bago dalhin ang mga nakolektang basura sa dumpsite,

2
problemang maaari sanang maiwasan kung mahigpit na ipinatutupad sa mga kabahayan at mga pampublikong lugar
ang waste segregation. Samantala, ang mga dumpsite sa Pilipinas, partikular sa Metro Manila, ay nagdudulot din ng
panganib sa mga naninirahan dito. Sa ulat na pinamagatang The Garbage Book (Asian Development Bank, 2004) ang
leachate o katas ng basura mula sa Rodriguez at Payatas dumpsite na dumadaloy patungo sa ilog ng Marikina at Ilog
Pasig hanggang sa Manila Bay ay nagtataglay ng lead at arsenic na mapanganib sa kalusugan ng tao. Panganib din
ang dulot ng pamumulot ng basura sa kalusugan at buhay ng halos 4,300 na waste pickers sa mga dumpsite sa Metro
Manila at sa maraming iba pa na pakalat-kalat at nagkakalakal sa mga tambak ng basura. Apektado din ang pag-aaral
ng mga kabataang waste pickers bukod pa sa posibilidad na sila ay magkasakit, maimpluwensiyahan na gumawa ng
ilegal na gawain, o kaya ay mamatay. Matatandaan na ipinasara ang Payatas dumpsite matapos ang trahedya na
naganap noong Hulyo 2000 kung saan maraming bahay ang natabunan nang gumuho ang bundok ng basura dahil sa
walang tigil na ulan.
Nasundan pa ito ng sunog na ikinamatay ng 205 katao. Isa pang lumalaking suliranin ng Pilipinas ay ang
tamang pagtatapon ng electronic waste o e-waste tulad ng computer, cellphone, at tv. Lumabas sa pagsusuri na
ginawa ng Global Information Society (2010), na humigit 58 kumulang sa anim na toneladang e-waste ang tinatapon
sa landfill na siyang kinukuha ng mga waste pickers upang ipagbili ang anomang bahagi nito na mapapakinabangan.
Subalit ang mga ginagawang pamamaraan tulad ng pagsunog upang makuha ang tanso, at pagbabaklas ng e- waste ay
nagdudulot ng panganib dahil pinagmumulan ito ng mga delikadong kemikal tulad ng lead, cadmium, barium,
mercury, at polyvinyl chloride na nakalalason ng lupa at maging ng tubig (Mooney, Knox, & Schacht, 2011).
Pigura 2. Mga Waste Pickers sa Pilipinas na ikinabubuhay ang pagpupulot ng basura (3.bp.blogspot.com/-
cxg- dkRpdY/Tyfvmgfrz/AAAAAAAAGql/txcAWAzLTwE/s320/smokey%2Bmountain%2Bdumpsite.jpg)

2. Pagkasira ng mga Likas na Yaman


Ang Pilipinas ay isa mga bansa na biniyayaan ng maraming likas na yaman. Tinatayang 15% ng kabuuang
kita ng Pilipinas noong 2010 ay kita mula sa direktang paggamit ng mga likas na yaman, halimbawa nito ay ang
pagtatanim at pangingisda. Mahalaga din ang likas na yaman bilang sangkap sa paggawa ng produkto na ginagamit sa
iba’t ibang sektor tulad ng industriya at paglilingkod, halimbawa, ang mga computer, sasakyan, makina, at pagkain
ay nagawa mula sa mga likas na yaman. Tunay na napakahalaga ng likas na yaman sa ekonomiya ng isang bansa. Sa
kasalukuyan, patuloy na nasisira at nauubos ang likas na yaman ng Pilipinas dahil sa mapang-abusong paggamit nito,
tumataas na demand ng lumalaking populasyon, hindi epektibong pagpapatupad ng mga programa at batas para sa
pangangalaga sa kalikasan, at mga natural na kalamidad. Matutunghayan sa susunod na bahagi ng aralin ang mga
kalagayan ng ilan sa mga likas na yaman ng ating bansa. (Draft- Mga Kontemporaryong Isyu, pahina 61-62)

3
2.1 Suliranin sa Yamang Gubat
Maraming benepisyo ang nakukuha natin mula sa kagubatan. Ito ang tahanan ng iba’t ibang mga
nilalang na nagpapanatili ng balanse ng kalikasan, mahalagang mapanatili ang balanseng ito dahil kung patuloy na
masisira ito ay maapektuhan din ang pamumuhay ng tao. Nagmumula din sa kagubatan ang iba’t ibang produkto tulad
ng tubig, gamot, damit, at iba pang pangunahing pangangailangan ng tao. Mayroon ding mga industriya na nagbibigay
ng trabaho sa mga mamamayan na nakasalalay sa yamang nakukuha mula sa kagubatan (Philipine Tropical Forest
Conservation Foundation, 2013). Sa kabila ng kahalagahan, pinangangambahan na maubos o masira ang kagubatan
ng Pilipinas kung magpapatuloy ang deforestation.
Ayon sa Food and Agriculture Organization ng United Nations, ang deforestation ay tumutukoy sa
matagalan o permanenteng pagkasira ng kagubatan dulot ng iba’t ibang gawain ng tao o ng mga natural na kalamidad
(FAO, 2010). Nagsimula ang deforestation sa Pilipinas noon pang 1500s kung saan ang noo’y 27 milyong ektarya ng
kagubatan ay naging 7.2 milyong ektarya na lamang ngayong 2013 (Philippine Climate Change Commission, 2010).
Sa katunayan sa ulat ni dating DENR officer-in-charge Demetrio Ignacio, lumabas na ang 24% kagubatan ng Pilipinas
ay pangalawa sa pinakamaliit sa mga bansa sa Timog silangang Asya (Andrade, 2013). Higit na mababa ang ulat na
inilabas ng European Union Joint Research Centre kung saan gamit ang satellite-based image, nasabi nila na mayroon
na lamang 19% ang kagubatan ng Pilipinas (Country delegate to the European Commission, 2009).

Sa ulat na pinamagatang Status of Philippine Forests (2013) ay inisa-isa nito ang mga dahilan at
epekto ng deforestation sa Pilipinas. Ito ay ang sumusunod:

Gawain Epekto
Illegal logging - Ilegal na pagputol sa mga puno sa Ang walang habas na pagputol ng puno ay nagdudulot
kagubatan. Ang kawalan ng ngipin sa ng iba’t ibang suliranin tulad ng pagbaha, soil
pagpapatupad ng mga batas sa illegal logging sa erosion, at pagkasira ng tahanan ng mga ibon at
Pilipinas ang nagpapalubha sa suliraning ito. hayop. Sa katunayan noong 2008 ay mayroong 221
species ng fauna at 526 species ng flora ang naitala sa
threatened list (National Economic Development
Authority, 2011)

Migration – paglipat ng pook panirahan Nagsasagawa ng kaingin (slash-and-burn farming)


ang mga lumilipat sa kagubatan at kabundukan na
nagiging sanhi ng pagkakalbo ng kagubatan at
pagkawala ng sustansya ng lupain dito.

Mabilis na pagtaas ng populasyon Ang mabilis na pagtaas ng populasyon ng Pilipinas ay


nangangahulugan ng mataas na demand sa mga
pangunahing produkto kung kaya’t ang mga dating
kagubatan ay ginawang plantasyon, subdivision,
paaralan, at iba pang imprastruktura.

Fuel wood harvesting - paggamit ng puno bilang Ayon sa Department of Natural Resources na lumabas
panggatong. Isang halimbawa ay ang paggawa ng sa ulat ng National Economic Development Authority
uling mula sa puno. (2011), tinatayang mayroong 8.14 milyong kabahayan
at industriya ang gumagamit ng uling at kahoy sa
kanilang pagluluto at paggawa ng produkto, ang
mataas na demand sa uling at kahoy ay nagiging
dahilan ng pagputol ng mga puno sa kagubatan.

4
Ilegal na Pagmimina Apektado ang kagubatan sa pagmimina dahil
kadalasang dito natatagpuan ang deposito ng mga
mineral tulad ng limestone, nickel, copper, at gold.
Kinakailangang putulin ang mga puno upang maging
maayos ang operasyon ng pagmimina. Nagdudulot din
ng panganib sa kalusugan ng tao at ng iba pang
nilalang sa kagubatan ang mga kemikal na ginagamit
sa pagpoproseso ng mga nahukay na mineral. Ayon sa
DENR, mayroong 23 proyekto ng pagmimina ang
matatagpuan sa kabundukan ng Sierra Madre,
Palawan, at Mindoro.

(Draft- Mga Kontemporaryong Isyu, pahina 63-65)

3. Climate Change
Ang climate change ay tumutukoy sa pagbabago ng klima sa buong mundo. Ito ay naramdaman simula
noong kalagitnaan ng ika-20 na siglo. Ayon sa Climate Change at Pagpapalayan (2014), “ay ang abnormal na
pagbabago ng klima tulad ng pag-init o paglamig ng temperatura, at tuluy-tuloy at malakas na pag-ulan sa isang
lugar”.

Dahilan ng Climate Change


May dalawang sanhi ng climate change ayon sa mga pag-aaral. Una, ang natural na pagbabago ng klima ng
buong mundo. Ito ay sama-samang epekto ng enerhiya mula sa araw, sa pag-ikot ng mundo at sa init na nagmumula
sa ilalim ng lupa na nagpapataas ng temperatura o init sa hangin na bumabalot sa mundo. Ang ikalawa ay ang gawain ng
tao na nakapagpapataas sa konsentrasyon ng carbon dioxide at iba pang greenhouse gases sa atmospera. Ilan sa mga
ito ay paggamit ng mga fossil fuels gaya ng langis at coal, at ang pagputol ng mga puno na sanhi ng pagkakalbo ng
mga kagubatan. (https://www.philstar.com/pilipino-star- ngayon/opinyon/2018/10/04/1857200/tigdas-sakit-dala-ng-climate-
change)

Epekto ng Climate Change


Ang climate change ay maraming masamang epekto hindi lang sa kapaligiran kundi pati na rin sa mga tao.
Ang global warming o pag-init ng temperatura ng mundo na siyang palatandaan ng climate change ay nagdudulot ng
sakuna kagaya ng heatwave, baha, malalakas na bagyo, at tagtuyot na maaring magdulot ng pagkakasakit at
pagkamatay. Ilan sa mga sakit na maaring lumaganap ay mga sakit dala ng tubig o pagkain gaya ng cholera at iba
pang sakit na may pagtatae, at mga sakit na dala ng mga insekto (lamok) tulad ng malaria at dengue at sakit na dala
ng daga gaya ng leptospirosis.
Dahil sa pagkasira ng mga komunidad dulot ng mga kalamidad na hatid ng climate change ay
lumalaganap din ang malnutrisyon at iba pang suliraning panlipunan. May ilang mga mamamayan ang napipilitang
lumikas dahil nawalan sila ng tirahan dahil sa pagkasira ng mga ito dulot ng malakas na bagyo. Ang iba ay
natabunan ng lupa dahil sa landslide, samantalang ang iba naman ay kinain ng dagat ang dating lupa na
kinatatayuan ng kanilang mga bahay.
Nagkakaroon din ng suliranin sa karagatan dahil sa tinatawag na coral bleaching na pumapatay sa mga
coral reef na siyang tahanan ng mga isda at iba pang lamang dagat. Nagdudulot din ito ng pagbaba sa bilang ng
nahuhuling mga isda at pagkawala (extinction) ng ilang mga species. Pinangangambahan din na malulubog sa tubig
ang ilang mabababang lugar sa Pilipinas dahil sa patuloy na pagtaas ng sea level bunga ng pagkatunaw ng mga
iceberg sa Antarctic. Ilan sa epekto ng climate change sa Pilipinas ay ang panganib sa food security dahil
pangunahing napipinsala ng malalakas na bagyo ang sektor ng agrikultura. Lumiliit ang produksiyon ng sektor na
ito dahil sa pagkasira ng mga sakahan, kalsada, bodega, mga kagamitan sa pagtatanim at pag-aani, irigasyon,
pagkawasak ng mga palaisdaan, at pagkamatay ng mga magsasaka at mangingisda.

5
Malaki ang papel ng tao sa paglala ng climate change. Ang mga suliraning
pangkapaligiran na tinalakay ay maituturing na sanhi ng climate change at nangyayari ang mga ito dahil sa mga
ginagawa ng tao. Kung magpapatuloy ito, tiyak na daranas pa tayo ng mas matinding kalamidad na lalo pang
magpapahirap sa atin. Kaya mahalaga na magkaroon ang bawat isa ng kaalaman tungkol dito at makilahok sa
usaping ito. Ito ay upang maging handa ang bawat isa laban sa panganib. (https://myinfobasket.com/ang-epekto-ng-
climate-change- sa-kapaligiran-lipunan-at- kabuhayan-ng-tao-sa-bansa-at-sa-daigdig/) (https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/opinyon/2018/10/04/1857200/tigdas-sakit-dala-ng- climate-change)

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang pangunahing sanhi ng suliranin sa solid waste?
2. Paano makakamit ang pag-unlad nang hindi nalalagay sa panganib ang ating kalikasan?
3. Ano ang mga epekto ng climate change?Paano mapipigilan ang epekto nito?

PAGYAMANIN
Gawain 1. Pahayag Ko, Tukuyin Mo

Panuto: Sagutin ang mga pahayag batay sa mga kaalamang naunawaan mula sa tekstong binasa.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Dito nagmumula ang pinakamalaking bahagdan ng mga
itinatapong basura araw-araw.
2. Ito ay katas ng basura na mapanganib sa kalusugan.
3. Ilegal na pagputol sa mga puno sa kagubatan
4. Halimbawa ng mga basurang nagmumula dito ay ang mga pinagbalatan ng
gulay at prutas, mga tinabas na damo at dahon mula sa bakuran.
5. Ito ay pagbabago ng klima sa buong mundo.

Gawain 2: Apektado Ka?

Panuto: Itala ang mga epekto ng climate change sa iba’t-ibang aspekto sa graphic organizer at sagutin
ang kasunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

PANG-UNAWANG TANONG:

1. Ano ang mga dahilan ng climate change? Ibigay ang mga palatandaan at epekto nito.
2. Ipaliwanag ang epekto ng climate change sa larangan ng Agrikultura.

6
Gawain 3: Kompletuhin Mo

Panuto: Suriin ang mga larawan at tukuyin ang maaaring epekto at solusyon ng mga ito.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Suliraning Epekto Solusyon


Pangkapaligiran

https://i0.wp.com/rmn.ph/wp-
content/uploads/2019/08/LOGGIN
G.jpg?fit=800%2C450&ssl=1

Illegal Logging

https://www.veritas846.ph/wp-
content/uploads/2016/05/Untitled1
.jpg

Pagbaha

https://sa.kapamilya.com/absnews
/abscbnews/media/2019/life/03/2
1/20190321-basura-estero.jpg

Pagtatapon ng mga basura sa


estero

PANG-UNAWANG TANONG:
1. Paano nakaaapekto sa ating pamumuhay ang mga suliraning pangkapaligiran?
2. Bilang mag-aaral, paano ka makakatulong upang mabawasan ang suliraning pangkapaligiran?

7
TAYAHIN

I. Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Pinakamalaking uri ng itinatapong basura ayon sa ulat ng National Solid Waste Management
Status Report noong 2015.

a. biodegradable c. solid waste


b. nuclear waste d. electronic waste

2. Pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng suliranin sa solid waste sa Pilipinas.

a. kawalan ng hanapbuhay ng mga tao


b. hindi maayos na pamamahala ng mga pinuno
c. kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura
d. ang pagdami ng produktong kinukonsumo ng mga tao

3. Alin ang hindi sanhi ng climate change?


a. matinding Polusyon
b. labis na paggamit ng enerhiya
c. pagkamatay ng mga halaman at hayop
d. paggamit ng mga produkto at mga gawaing nagpaparami sa mga greenhouse gases

4. Pangunahing dahilan kung bakit ang dating kagubatan ay nagiging plantasyon, subdibisyon, o sentrong
komersyo?
a. ilegal na pagtotroso c. paglipat ng pook tirahan
b. ilegal na pagmimina d. pagdami ng populasyon

5. Maaaring mangyari kung hindi malulutas ang mga suliraning pangkapaligiran na kinakaharap sa
kasalukuyan.
a. masasanay ang mga tao sa maruming kapaligiran
b. maraming aalis sa Pilipinas dahil sa sobrang polusyon
c. patuloy na daranas ang ating bansa ng matitinding kalamidad
d. lahat ng nabanggit

6. Alin ang hindi masamang epekto ng solid waste?


a. nagiging sanhi ng pagbaha
b. nagpapalala sa paglaganap ng sakit gaya ng dengue at cholera
c. nakadadagdag sa suliranin sa polusyon
d. nadaragdagan ang bilang ng mga waste pickers na kumikita

7. Bakit ang mga mahihirap na mamamayan ang pangunahing naaapektuhan ng nagaganap na


deforestation?

a.
Napeperwisyo ang mga kapos sa buhay ng mga illegal na gawain ng tao.
b.
Karamihan sa kanila ay nakatira malapit sa mga kagubatan.
c.
Wala silang magawa kung hindi makipagtulungan sa mga illegal loggers.
d.
Ang patuloy na pagliit ng kagubatan ay nangangahulugan din ng pagliit ng kanilang pinagkukunan ng
pangangailangan.
8. Ano ang epekto ng illegal logging sa Pilipinas?

a. pagbaha c. pagkawala ng tirahan ng mga hayop


b. pagguho ng lupa d. lahat ng nabanggit

8
9. Ang pag-init ng temperatura ng mundo ay nagdudulot ng mga sakuna gaya ng heatwave,
baha, at tagtuyot. Alin ang maaaring maging epekto nito?
a. pagkakaroon ng global warming
b. pagbuo ng marami at malalakas na bagyo
c. pagdami ng sakit gaya ng dengue, diarrhea, malnutrisyon at iba pa
d. pag-iral ng mga pangklimang penomena gaya ng La Nina at El Nino

10. Ano ang implikasyon ng climate change sa pamumuhay ng mga Pilipino?

a. nagiging sagabal sa pag-unlad ng bansa


b. nagdudulot ng panganib sa seguridad ng pagkain
c. sanhi ng paglikas ng mga tao papuntang siyudad
d. nanganganib lumubog ang mga mababang bahagi ng bansa

II. Panuto: Isulat ang salitang Tama kung ang isinasaad ng pahayag ay tama at
Mali kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ang climate change ay malaking banta hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
2. Ang climate change ay natural na pangyayari kaya’t walang dapat sisihin sa
pag-iral nito.
3. Sa pag-iral ng climate change, tanging kapaligiran lamang ang apektado.
4. May magagawa ang bawat tao upang mapababa ang peligrong dulot ng
climate change.
5. Ang epekto ng illegal logging ay pagbaha, soil erosion, at pagkasira ng mga tahanan ng
mga hayop.

III. Panuto: Ipaliwanag sa dalawang (2) pangungusap ang mga tanong. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Kung magpapatuloy ang mga suliranin at hamong pangkapaligiran, ano ang maaaring
maging epekto nito sa ating kabuhayan?

2. Bilang mag-aaral, magbigay ng mabisang solusyon sa suliranin sa solid waste sa inyong


komunidad.

Rubrik

Pamantayan Puntos

Nilalaman Mayaman sa katuturan o ideya ang kasagutan.


5

Kaangkupan ng Maliwanag at angkop ang mensahe.


konsepto 5

Kabuoang Puntos: 10

9
SANGGUNIAN:

AKLAT
Draft- Mga Kontemporaryong Isyu (pahina 54, 55, 56, 57, 58, 59, 60, 61, 62, 63, 64, 65, 66, 67,
68, 71, 72, 73, 74)

WEBSITES

https://www.tagaloglang.com/isyung-pangkapaligiran https://philnews.ph/2020/11/26/suliraning-pangkapaligiran-
halimbawa-at-kahulugan https://prezi.com/2qmfvra1bc7s/problema-sa-solid-waste-malp/
https://frontpageph.com/salient-features-of-ra-9003-or-ecological-solid-waste-management-act-
of-2000/ https://doh.gov.ph/climate-
change
https://www.coursehero.com/file/48789971/Suliranin-sa-yamang-gubatdocx/
https://forestry.denr.gov.ph/index.php/issuances/laws-and-policies

BUMUO SA PAGSUSULAT NG MODYUL

Manunulat: Michelle Ann D. Lachica


Tagasuri:
Dr. Marilex A. Tercias Teodora B. Camagay
Danilo T. Siblag Jo Ann B. Domaoal Dr.
Nelson T. Ocasion Alberto O. Rabang
Virginia B. Fregillana

Tagapamahala:

Dr. Danilo C. Sison Dr. Arlene B. Casipit Dr.


Cornelio R. Aquino Dr. Jerome S. Paras Dr. Maybelene
C. Bautista

10
11

You might also like