You are on page 1of 22

ISYUNG

PANGKAPALIGIRAN
• SULIRANIN SA SOLID WASTE
• PAGKASIRA NG LIKAS NA
YAMAN
Binigyang-kahulugan ng Batas Republika Bilang
9003 na kilala bilang Solid Waste Management
Act of 2000 ang solid waste bilang mga
itinapong basura na nanggagaling sa mga
kabahayan at komersyal na establisimyento, mga
non hazardous na basurang institusyunal at
industriyal, mga basura na galing sa lansangan at
konstruksiyon, mga basura na nagmumula sa
sektor ng agrikultura, at iba pang basurang hindi
nakalalason.
MGA DUMI NA GALING SA KABAHAYAN

Garden Waste

Kitchen Waste
RECYCLABLE MATERIALS
MGA RASON KUNG BAKIT
NAGKAKAPROBLEMA SA SOLID WASTE

• MARAMI ANG WALANG DISIPLINA SA


PAGTATAPON NG BASURA
• MARAMI ANG NAGTATAPON NG BASURA
MULA SA TAHANAN KUNG SAAN-SAAN
• TONE-TONELADANG BASURA ANG
ITINATAPON SA MGA ILOG, ESTERO,
KALSADA, AT BAKANTENG LOTE NA
LALONG NAGPAPALALA SA PAGBAHA AT
PAGLAGANAP NG MGA INSEKTO NA
NAGDUDULOT NAMAN NG IBA’T IBANG
SAKIT
Ang pamamahala ng basura (waste
management) ay tumutukoy sa wastong
pagkuha, paglilipat, pagtatapon o
paggamit, at pagsubaybay ng basura ng
mga tao. Isinasagawa ito upang PAGLUTAS SA
mapangasiwaan ng maayos ang mga SULIRANIN NG
SOLID WASTE
basura para maiwasan ang masasamang
epekto nito sa kalusugan at kapaligiran.
Noong Enero 26, 2001 naging ganap
na batas ang Republic Act 9003 na
kilala bilang Ecological Solid Waste
Management Act of 2000.
Ilan sa mga nilalaman ng batas na ito
ay ang sumusunod:

• Pagtatatag ng National Solid


Waste Management Commission
at ng National Ecology Center
• Pagtatatag ng Materials
Recovery Facility
• Pagsasaayos ng mga tapunan ng
basura
Ang National Solid Waste Management
Commission ang nangangasiwa sa
pagpapatupad ng mga plano sa
pamamahala ng mga basura o ang
tinatawag na Solid Waste Management
(SWM) Plan.
Department of Science and Technology (DOST)
Ito ay binubuo ng 14 na
• Department of Public Works and Highways (DPWH)
ahensya mula sa
pamahalaan sa pangunguna • Department of Health (DOH)
ng Department of • Department of Trade and Industry (DTI)
Environment and Natural • Department of Agriculture (DA)
Resources (DENR) at 3
• Department of Interior and Local Government (DILG)
naman mula sa pribadong
sektor. Bukod sa DENR, • Philippine Information Agency (PIA)
ang sumusunod ay ang mga • Metro Manila Development Authority (MMDA)
ahensya ng pamahalaan na • Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)
bumubuo sa NSWMC.
• Liga ng mga Lalawigan
• Liga ng mga Lungsod
• Liga ng mga Munisipyo
• Liga ng mga Barangay
Katuwang din ng
pamahalaan ang mga
Non-Government
Organization sa
pagharap sa
suliranin sa solid
waste. Halimbawa
ng mga ito ay ang
sumusunod:
PAGKASIRA
NG LIKAS NA
YAMAN
Sagana ang Pilipinas sa likas na yaman. Malaki ang pakinabang na
nakukuha ng ating bansa mula rito. Maraming Pilipino ang kumikita mula
sa direktang paggamit ng mga likas na yaman tulad ng pagtatanim at
pangingisda. Ito rin ang pinagmumulan ng mga hilaw na materyales na
ginagamit sa pagbuo ng mga produkto sa iba’t ibang pagawaan o pabrika.

Sa kabila ng pakinabang na nakukuha mula sa mga likas na yaman, patuloy


itong nasisira at nauubos dahil sa mapang-abusong paggamit dito. Ang
pagtaas ng demand dahil sa lumalaking populasyon, hindi epektibong
pagpapatupad ng mga programa at batas para sa pangangalaga sa
kalikasan, at mga natural na kalamidad ay banta rin sa likas na yaman.
• PAGHAHAWAN NG
KAGUBATAN

• PAGMIMINA O
MINING
Ayon sa lathalain na inilabas ng Senado ng Pilipinas
na pinamagatang Philippine Forests At a Glance
noong 2015, ang kagubatan ng Pilipinas ay
sumasaklaw ng mahigit sa kalahati (57%) ng
kabuuang kalupaan ng bansa noong 1934. Noong
2010, ito ay nabawasan at naging 23% o mga 6.8
milyong ektarya na lamang. Ang datos na ito ay
nakababahala dahil ipinapakita nito na napakabilis
ang pagkaubos ng ating kagubatan.
ANG PAGMIMINA O MINING AY
ANG GAWAIN KUNG SAAN ANG
IBA’T IBANG MINERAL TULAD
NG METAL, DI-METAL, AT
Pagmimina o Mining ENERHIYANG MINERAL AY
KINUKUHA AT PINOPROSESO
UPANG GAWING TAPOS NA
PRODUKTO.
Pagku-quarry o Quarrying
Ang pagku-quarry o quarrying ay ang paraan ng
pagkuha ng mga bato, buhangin, graba at iba pang
mineral mula sa lupa sa pamamagitan ng
pagtitibag, paghuhukay, o pagbabarena. Ginagawa
ang pagku-quarry sa mga bundok at sa mga tabing
dagat. Ginagamit sa paggawa ng mga gusali,
kalsada, tulay, bahay, at marami pang iba ang mga
bagay na nagmumula sa pagku-quarry.
GAWAING SA SULIRANING PANGKAPALIGIRAN
GUMAWA NG ISLOGAN AT ILAGAY ITO SA ISANG BUONG
BONDPAPER (SHORT OR LONG). ANG GAGAWING ISLOGAN
AY NARARAPAT NA TATALAKAY SA KUNG PAANO NATIN
MASASAGIP ANG ATING INANG KALIKASAN.

SA LIKOD NAMAN NITO, AY IPALIWANAG LANG ANG IYONG


GINAWANG ISLOGAN. 2 HANGGANG 5 PANGUNGUSAP AY
SAPAT NA BASTA’T NAIPALIWANAG LANG NANG MAAYOS
ANG KONSEPTO NG ISLOGAN.
Pamantayan:

Pagkamalikhain 20 - lubos na napamalas ang pagkamalikhain sa paghahanda ng


ginawang Islogan (may kulay at kaunting desinyo)

Nilalaman 30 - lubhang naging malinaw ang paliwanag nang ginawang Islogan


at nasa punto

Organisasyon 25 - buo ang kaisipan, konsistent, kumpleto ang detalye at


napalinaw ang pagkakasulat ng mga pahayag sa islogan

Kaangkupan sa Paksa 25 - angkop na angkop ang ginawang Islogan sa paksang


ibinigay

You might also like