You are on page 1of 1

Romulus at Remus (Mitolohiya mula sa Roma)

Isang Latinang prinsesa na nagngangalang Rhea ang hinuli ng kaniyang masamang tiyuhin upang hindi siya
manganak. Iniwan ni Rhea ang kanyang tiyo at nagpakasal kay Mars, ang diyos ng digmaan. Nagsilang ng kambal na
lalaki, sina Romulus at Remus. Ang masamang tiyuhin ay nainggit kung kaya’t pinatay niya sina Rhea at Mars. Inutusan
niya ang isang alipin upang patayin ang kambal.

Hindi magawang patayin ng alipin ang kambal kung kaya’t inilagay niya ang mga ito sa isang basket at pinaanod
sa Ilog Tiber. Inampon ang kambal ng isang babaeng lobo na kakamatay pa lamang ng mga anak nito. Inalagaan at
pinasuso sina Romulus at Remus ng lobo hanggang sila ay matagpuan at masagip ng isang magpapastol

Itinuring ang kambal na parang tunay na anak ng mag-asawang pastol. Lumaki sina Remus at Romulus na
malusog at malakas. Iniwan nila ang tahanan upang magtatag ng siyudad malapit sa Ilog Tiber.

Tinawag niyang Roma ang siyudad hango sa kanyang pangalan at siya ang naging unang hari ng Siyudad sa Roma. Ninais
ng kambal na isunod sa kanilang pangalan ang siyudad ngunit hindi sila magkasundo kung sino ang mamumuno sa
lungsod. Naglaban ang dalawa at napatay ni Romulus si Remus.

You might also like