You are on page 1of 1

Romulus At Remus – (Buod)

Ayon sa mga mito, si Romulus at Remus ay kambal na nagpatayo ng Roma. Sila ay


anak ng Prinsesang si Rhea Silvia at ang kanilang ama ay ang matapang at
mapangahas na Diyos ng Digmaan na si Mars.

Dahil sa kanilang dugong-Diyos, natakot ang hari na baka isang araw ay


ibabagsak ng dalawa ito at kukunin ang kanyang trono. Kaya naman, pinalagay
niya ang mga bata sa isang basket at pinaiwan ito sa ilog Tiber.

Akala ng hari ay madali na lamang at mamamatay na ang kambal. Pero, may


isang she-wolf na nakakita sa kanila at nag-alaga sa kambal. Tinulungan ng mga
gubat sa hayop ang kambal hanggang sa makita ito ng ilang mga pastol.

Isa sa mga ito ay kumuha sa kambal at inalagaan na parang sariling mga anak
ang dalawa. Sa paglaki ng mga bata, nakita agad na sila ay isinilang na natural
na mga lider. Isang araw, si Remus ay nadakip at dinala sa hari. Nalaman nito
agad kung sino ito at ikinulong. Nang malaman ni Romolus ang nangyari, humingi
ito ng tulong mula sa ibang mga pastol para makuha ang kanyang kapatid.

Nakapasok na ang mga ito sa Palasyo at napatay nila ang hari. Nalaman ng
ciudad ang pangyayari at tinanong nila kung gusto nilang dalawa na maging
bagong hari. Tinanggihan nila ito dahil gusto nilang magpatayo ng sariling ciudad.
Isng araw naka punta sila sa lugar na kung saan ang Roma makikita ngayon.
Ngunit nagkaalitan ang dalawa dahil sa selos at pinatay ni Romulus si Remus.

You might also like