Noong una, si haring Numitor ang namumuno sa isa sa sinaunang lungsod ng
Latium, ang Alba Longa. Kinilala ang haring ito dahil sa kabutihang loob at angking karunungan. Hindi nagtagal ang kanyang paghahari dahil gumawa ng paraan ang kanyang masamang kapatid na si Amulius upang mapaalis siya sa trono. May pangamba ang sakim na si Amulius na baka dumating ang araw na mawawala ang tronong kanyang inagaw. Kaya't pinatay niya ang mga anak na lalaki ni Numitor uapang matiyak ito. Hinuli ang anak na babae na si Rhea Sylvia, isang latinang prinsesa upang hindi na makaroon ng anak. Bumaba sa lupa ang Diyos ng digmaab na si Mars at umibig kay Rhea Sylvia. Nagbungan ang kanilang pagmamahalan at nagkaroon ng kambal na anak. Sina Romulus at Remus. Nakarating sa kaalaman ni Haring Amulius ang pagkakaroon ng anak ni Rhea Sylvia. Ayon sa kanilang kaugalian, ang pagkakaroon ng anak ng isang vestal virgin ay paglapastangan sa templo ng Diyosa na si Vesta at ito ay may malagim na parusa, ang kamatayan. Ayaw madungisan ang kamay ni Haring Amulius ng dugo, kaya't sa halip na ipapatay si Rhea Sylvia ay ipakulong na niya lamang ito. Isa pa natatakot din siya sa galit ng Diyos ng digmaan na si Mars. Inutusan ni haring Amulius ang kanyang alipin na tapusin ang buhay ng kambal na sina Romulus at Remus sa pamamagitan ng pagpatay o kaya ay ang paglibing sa mga ito ng buhay. Naniwala si Amulius na maliligtas ang buong siyudad sa poot ng mga Diyos. Hindi magawang patayin ng alipin sina Romulus at Remus dahil sa awa. Kaya, ipinaaamod na lamang niya sa ilog Tiber ang basket na pinaglalagyan ng kambal. Pinakalma ng Diyos na si Tibernus ang ilog kaya ligtas na nakarating sina Romulus at Remus sa pangpang. Doon ay nakita sila ng inahing lobo na kamamatay lamang ng kanyang mga anak.
Inalagaan at pinasuso ng lobo ang kambal hanggang sa matagpuan sina Romulus at
Remus ng mag-asawang Pastol na sina Faustulus at Acca Laternia. Inaruga ng mag-asawa ang kambal at itinuring na tunay nilang mga anak. Lumaking malusog at malakas sina Romulus at Remus. Habang nagpapastol sina Romulus at Remus ay nakasagupa nila ang nga alagad ni haring Amulius. Dinukot ng mga ito si Remus at ihinarap kay Amulius. Bumuo ng malakas na pwersa si Romulus at iniligtas ang kapatid. Napatay ang haring si Amulius na hindi niya nakilalang anak ni Rhea Sylvia ang kambal. Nang mamatay si Amulius, pinili ang mga tao sina Romulus at Remus na pumunuan ang siyudad ng Alba Longa. Pero tumanggi sila, sa halip ibinalik nila ang trono kay Numitor na noon ay nakabilanggo kasama ang anak na si Rhea. Nilisan nina Romulus at Remus ang kanilang tahanan at ngatatag ng sarili nilang lungsod mapalit sa ilog Tiber. Ninais ni Romulus na magtayo ng siyudad sa Palatine Hill na kung saan siya ang magdidisenyo ng mga bahay at kayle. Samantala, sa Aventine Hill naman mas gusto ni Remus na kung saan gusto niya siya ang mag mdidisenyo ng mga templo. Gusto rin ng kambal na sa kanilang pangalan isusunod ang magiging tawsg sa siyudad kaya't hindi sila nagkasundo. Humantong sa paglalaban ang kambal. Napatay ni Romulus si Remus. Isinunod sa pangalan ni Romulus ang siyudad ng "Roma". Pinamunuan niya ang lugsod bilang kauna-unahang hari. Sa kanyang pangunguna, nasakop nila ang Sabine kaya't lumawak pang lalo ang teritoryong nasasakupan ng Roma. Naging mas malakas ang pwersa ng Roma laban sa iba pang rehiyon. Ngunit sa pagtanda ni Romulus, nagin otokrata ang paraan niya ng pamamamagala na hindi ikinatuwa ng kanyang nasasakupan. Kalaunan, walang makapagpaliwanag kung bakit bigla ang pagkawala ni Romulus. May mga saksi umano ang sabi na umakyat siya sa langit. At naging Diyos na si Quirinus.