You are on page 1of 34

TAGUMPAY SA SILANGAN

Pagktapos ng Ikalawang Digmaang Punic, ang mga hukbo ng Rome


ay pumunta sa silangan. Tinalo ng Rome ang Macedonia.
Noong 146 BCE, ang Macedonia ay naging isang lalawigan ng
Rome. Sa taong ding ito, sinunog ng Rome ang Corinth at inilagay ang
iba pang lungsod-estado ng Greece sa ilalim ng pangagasiwa nito.
Mula 133 BCE nagsimulang mapasakamay ng Rome ang marami
pang lupain.
Sa pagsapit ng 100 BCE lahat ng lupain sa baybayin ng
Mediterranean Sea ay nasakop ng Rome. Dahil dito, hindi kataka-
taking tawagin ng mga taga-Rome ang Mediterranean Sea bilang
Mare Nostrum o Aming Dagat.
TAGUMPAY SA SILANGAN
Ang kabihasnan ay
tumutukoy sa kinagawian
at pinipino ng maraming
pangkat ng tao.
- ang klase o estado ng
pamumuhay sa isang
lungsod o lugar. Ito ay
estado ng lipunan kung
saan may sariling
historical at cultural.
KABIHASNAN NG ROME
Sa pagsakop ng Rome sa mga lungsod-
estado ng Greece:
Libo-libong Greek ang tumungo sa
Italy.
Tinangay din ng mga heneral ng Rome
ang mga gawang sining at aklat ng
Greece sa pagbabalik nila sa Rome.
Kumalat ang kabihasnang Greece
sa Rome at maraming Roman ang
tumungo sa Athens para mag-aral.
Naimpluwensiyahan ng Greece
ang kabihasnang nabuo sa Rome.
Gayunpaman, may sariling
katangian ang kabihasnang
Roman. Pangunahin na rito ang
kaalaman sa arkitektura,
inhenyeriya, at sistema ng
pamamahala at batas.
KABIHASNANG ROMAN
oBATAS
Ang mga Roman ay kinikilala bilang
pinakadakilang mambabatas ng sinaunang
panahon. Ang kahalagahan ng 12 Tables ay
ang katotohanan na wala itong tinatanging uri
ng lipunan. Ito ay batas para sa lahat,
patrician o plebeian man. Ito ang ginamit
upang alamin ang mga krimen at tantiyahin
ang kaukulang parusa. Nakasaad dito ang
mga karapatan ng mga mamamayan at ang
pamamaraan ayon sa batas.
KABIHASNANG ROMAN
oPANITIKAN
Ang Panitikan ng Rome ay nagsimula noong kalagitnaan ng ikatlong
siglo BCE. Subalit ang mga ito ay salin lamang ng mga tula at dula ng
Greece.
Livius Andronicus (Dramatist) ay
nagsalin ng “Odyssey” sa Latin
Marcus Plautus at Terence ang
mga unang manunulat sa comedy
KABIHASNANG ROMAN
oPANITIKAN
Lucretius at Catullus, ay iba pang manunulat
Cicero ay isang manunulat
at orador na nagpahalaga sa batas
(ayon sa kanya(Cicero), ang batas
ay hindi dapat maimpluwensiyahan
ng kapangyarihan o sirain ng
pera kailanman).
KABIHASNANG ROMAN
oINHENYERIYA
Ipinakita ng mga Romano ang kanilang
galing sa inhenyeriya.
Nagtayo sila ng mga daan at tulay upang
pag-ugnayin ang buong imperyo kabilang
ang malalayonglugar
Mga daan noon ay ginagamit pa hanggang
ngayon
APPIAN WAY- nag-uugnay sa Rome at
timong Italy.
Gumawa din sila ng mga AQUEDUCT
upang dalhin ang tubig sa lungsod.
APPIAN WAY
AQUEDUCT
KABIHASNANG ROMAN
oPANANAMIT
Lalaking Roman (2 ang kasuotan
TUNIC -ay kasuotang pambahay na
hanggang tuhod
TOGA -ay isinusuot sa ibabaw ng tunic
kung sila ay lumalabas ng bahay.
Babaeng Roman (2 ang kasuotan)
STOLA-kasuotang pambahay
PALLA- isinusuot sa ibabaw ng Stola
KABIHASNANG ROMAN
oARKITEKTURA
Ang mga Roman ang tumuklas ng
semento
Marunong gumamit ng STUCCO
(isang plaster na pampahid at pantakip
sa labas ng pader)
Umangkat sila ng marmol mula sa
Greece
KABIHASNANG ROMAN
oARKITEKTURA
Ang ARCH na natutuhan ng mga
Roman mula sa mga Etruscan ay
ginagamit sa mga templo, aqueduct,
at iba pang gusali.
 gusali na ipinakilala ng Roman ay
ang Basilica, isang bulwagan na
nagsisilbing korte at pinagpupulungan
ng Assembly
ARCH BASILICA
KABIHASNANG ROMAN
oARKITEKTURA
Mayroon ding pampubliko na
paliguan at pamilihan na
nagsisilbing tagpuan para sa mga
negosyo at pag-uusap. Ito ay nasa
FORUM, sentro ng lungsod
FORUM
KABIHASNANG ROMAN
oARKITEKTURA
oMay iba pang gusaling pinatatayo
na hanggang ngayon ay makikita pa
rin sa Rome. Halimbawa ay ang
Coliseum na isang amphitheater sa
mga labanan ng mga gladiator
MGA PAGBABAGONG DULOT NG PAGLAWAK NG
KAPANGYARIHANG ROMAN
SI JULIUS CAESAR BILANG DIKTADOR
 Sa unang siglo ng BCE, matindi ang agawan sa kapangyarihan ng mga
heneral at pinunong militar sa Rome. Karaniwang nauuwi sa digmaang
sibil.
 Noong 50 BCE, binuo ni Julius Causa, Pempey, at Marcus Linius Crassus
ang First Triumvirate, (Isang union ng tatlong makapangyarihang tao na
nangasiwa ng pamahalaan.
 Hinawakan nila ang kapangyarihang political at military.
 Si Crassus ang pinakamayamang tao sa Rome na nanguna sa pagpapa-
kalma sa isang rebelyon ng mga alipin.
 Si Pompey ay kinilala bilang isang bayani dahil sa kanyang tagumpay
na masakop ang Spain.
 Si Caesar ay isang gobernador ng Gaul kung saan matagumpay niyang
napalawak ang mga hangganan ng rome hanggang France at Belgium.
 Bagamat nagkasundo silang pamunuan ang Rome, may namagitang
inggit at kompetisyon sa bawat isa.
Noong 53 B.C.E., napatay sa isang labanan si Crassus.
Tanging si Caesar at Pompey na lamang ang naiwang
maghahati ng kapangyarihan.
Sa pananaw ng mga nasa Senate, higit na may pag-asa
silang makitungo kay Pompey kumpara kay Caesar. Hindi
lingid sa kanila ang tagumpay at galing ni Caesar.
Isang matagumpay na heneral si Caesar. Popular din
siya dahil sa mga reporma niya sa mga lalawigan tulad
ng pagbaba ng buwis at pagkakaloob ng lupa sa mga
beterano ng hukbo.
Inutusan ng Senate si Caesar na bumalik sa Rome nang
hindi kasama ang kaniyang hukbo.
Subalit sinalungat ni Caesar ang utos ng Senate at bumalik
sa Rome na kasama ang kaniyang hukbo.
Sa takot nila sa kapangyarihan ni Caesar, tumakas
papuntang Greece ang karamihan sa mga kasapi ng
Senate, kabilang si Pompey.
Hinabol sila ni Caesar at natalo nito ang puwersa ni
Pompey. Ginawang diktador si Caesar sa kaniyang
pagbalik sa Rome sapagkat kontrolado na niya ang
buong kapangyarihan.
Bilang diktador, binawasan niya ang kapangyarihan ng
Senate ngunit dinagdagan naman niya ang bilang nito,
mula 600 naging 900 ang kasapi nito. Binigyan ng
Roman citizenship ang lahat ng naninirahan sa Italy. Sa
mga lalawigan, ang pagbabayad ng buwis ay inayos
habang ang pamahalaan ay pinagbuti.
Nangamba ang Senate na maaring ideklara ni
Caesar ang sarili bilang hari at magwakas ang
Republika. Binuo ang isang sabwatan upang
patayin si Caesar. Isa sa mga sumali sa sabwatan
ay si Marcus Brutus, matalik na kaibigan ni Caesar.
Noong March 15, 44 B.C.E., isinakatuparan ang
pagpatay kay Caesar. Habang nagpupulong ang
Senate, sinaksak si Caesar ng unang grupo ng
senador sa pangunguna nina Brutus at Gaius
Cassius.

You might also like