You are on page 1of 32

Araling Panlipunan 8

Aralin 1

Kabihasnang Minoan at Mycenaean

Ang mga Minoan (2000-1450 B.C.E.)

Ang mga Minoan ay mga manlalayag na nanguna sa kalakalan sa


Mediterranean noong 2000 B.C.E. hanggang 1400 B.C.E. Nanirahan sila sa
Crete, isang malaking isla sa timog ng Aegean Sea.

Ang mga Minoan ay nagtayo ng ilang lungsod na pinag-ugnay ng mga


kalsada. Sa gitna ng bawat lungsod ay may isang palasyo na may mga
dekorasyon, bintana, at upuan na gawa sa bato. Mayroon ding mga itinayong
sentro para sa industriya at relihiyon. Ang kabisera ng kabihasnang Minoan ay
ang Knossos na kinaroroonan ng pinakamalaking palasyo. Mayroon itong
maraming silid. Ang mga haligi nito ay mayroong mga ipinintang larawan.
Pinangalanan ng mga arkeologo ang sibilisasyon na natuklasan nila sa Crete na
Minoan mula sa pangalan ni Haring Minos ng mitolohiyang Griyego.

Mahuhusay na artisano ang mga Minoan, tanyag sila sa paggawa ng mga


palayok at iba pang bagay tulad ng mga alahas, esapada; figurine, at mga
sisidlan na gawa sa metal. Mahuhusay rin sila na manlalayag sa dagat. Sila ang
nangibabaw sa silangang Mediterranean. Kabilang sa mga kalakal nila ang olive
oil, alak, at mga palayok na may dekorasyon. Nagtayo rin sila ng mga himpilan
ng kalakalan gaya ng Karpathos at Thera (Santorini). Ipinalaganap nila ang
kanilang kultura at sistema ng pagsulat na tinatawag na Linear A. Ito ay may 90
na larawang simbolo na kumakatawan sa mga pantig at bagay. Subalit hindi pa
rin ito nababasa hanggang sa kasalukuyan. Sa kabuuan, ang kultura ng mga
Minoan ay nagkaroon ng malaking impluwensiya sa kultura ng mga Griyego.

Ang Palasyo sa Knossos

Ang palasyo sa Knossos sa isla ng Crete ay


palatandaan ng unang pagsibol ng estado sa
Mediterranean na naging maunlad dahil sa kalakalan sa
silangang Mediterranean.

ROCKFORT PREPARATORY SCHOOL INCORPORATED/JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


1
Araling Panlipunan 8

Minoan Frescoes

Nakilala rin ang mga Minoan sa


kanilang frescoes. Ito ay mga larawan na
mabilisang ipininta sa mga basang plaster.
Ang nasa ibaba ay isang fresco na ginawa ng
mga Minoan na nagpapakita ng isang ritwal
kung saan ang isang tao ay tatalon sa
ibabaw ng isang toro.

Noong 1628 B.C.E., sumabog ang bulkan sa kalapit na isla ng Thera na


nagdulot ng sakuna sa malaking bahagi ng Crete. Natabunan ang panahanan ng
mga Minoan. Nagdulot din ito ng mga matataas na alon na sumira sa mga
tirahan sa tabi ng baybayin. Dumating ang mga Mycenaean at sinalakay ang
Crete. Gayumpaman, humanga ang mga ito sa mga Minoan at dinala ang
kanilang kultura sa Europe. Samakatuwid, sa Crete umusbong ang ugat ng
klasikal na kabihasnan ng mga Griyego.

Ang sibilisasyong Mycenaean ay binubuo ng tinatayang 20 lungsod


estado. Nag ang mga Mycenaean ng mga maliliit na kaharian na may kanya-
kanyang mga muog Ang mga kaharian ang nangangasiwa sa mga kalapit na
sakahan o taniman. Ang pinakamatatag na kaharian na natuklasan ay ang
Mycenae. Ang Mycenae ay isang lungsod na nasa katimugang bahagi ng
tangway ng Greece. Ito ang naging sentro ng unang kabihasnang Griyego na
sumibol pagkaraang magwakas ang kabihasnan ng mga Minoan sa Crete. Ito ay
napaliligiran ng batong pader na 40 talampakan ang taas at 26 talampakan ang
kapal. Ang nagiisang daanan ay isang tarangkahan na may dalawang leon na
nakaukit sa bato. Ang mga artisano ng sibilisasyong Mycenaean ay
nagpakadalubhasa sa paggawa ng mga gintong tasa, maskara, bulaklak, alahas,
at mga sandata. Mayroon ding nalinang na sistema ng pagsulat ang mga
Mycenaean na tinatawag na Linear B.

Noong 1150 B.C.E., unti-unting bumagsak ang sibilisasyong Mycenaean


dulot ng tagtuyot, digmaang sibil, at pananakop ng mga lagalag na pangkat na
tinawag na "Taong DagatNapilitan ang mga Mycenaean na magtungo sa iba't
ibang lugar.

Mycenean Mask

Kabilang ang mga gintong mascara,


alahas at korona sa mga nahukay na kayamanan
ng mga arkeologo sa mga libingan ng mga haring
Mycenean.

ROCKFORT PREPARATORY SCHOOL INCORPORATED/JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


2
Araling Panlipunan 8

Aralin 2

Kabihasnang Klasiko ng Greece

Ang mga Griyego


Ang mga Hellenes
(Greek) ang unang kabihasnang klasikal sa
Mediterranean na nanghiram ng mga ideya Sa sinaunang panahon, tinawag ng
mula sa ibang sibilisasyon tulad ng Egypt at mga Griyego (Greek) ang kanilang
Persia. Ang klasikal na kabihasnang Griyego lupain na Hellas at ang kanilang
ay tinawag na Hellenic mula sa salitang Hellas, sarili na Hellenes. Samantala,
ang sinaunang katawagan sa Greece. Umunlad tinawag naman ng mga Romano
ang mga Griyego na Graeci.
ang sibilisasyong Hellenic mula 750 B.C.E
hanggang 431 B.C.E.

HEOGRAPIYA NG GREECE

Bahagi ang Greece ng Balkan Peninsula sa


Timog-Silangang Europe na nakausli sa bahagi ng
Mediterranean Sea na tinatawag na Aegean Sea.
Tinatayang mayroong 2,000 isla sa Greece kung
saan mah igit 170 tinitirhan. Ang pinakamalaking
isla sa Greece ay ang Crete na may sukat na
8,260 kilometro kuwadrado. Ang Timog Greece, na tinawag na Peloponnese
Ang Balkan Peninsula
(Peloponnesus), ay naidugtong sa pamamagitan ng
Isthmus ng Corinth. Ang bansa ay mayroong
mahabang baybayin na maraming look at daungan.
Sa katunayan, ang Greece ay kabilang sa mga
bansa sa mundo na may pinakamahabang
baybayin. Ito ang ikasampung bansa na may
pinakamahabang baybayin-tinatayang 9,000 milya-
sa mundo.
Ang Bulubundukin sa Greece

Ang Greece ay isa rin sa mga bulubunduking bansa sa Europe na may


makikitid na lambak. Tinatayang nasa 80 porsiyento ng Greece ay binubuo ng
mga bulubundukin. Ang Mt. Olympus ang pinakamataas na bundok na tinawag
na "tahanan ng mga diyos. Isa sa pangunahing kabundukan sa Greece ay ang
Pindus. Hinati ng mga kabundukan sa mga rehiyon nito ang Greece. Mayroong
malaking impluwensiya ang mga bulubundukin sa pamumuhay ng mga

ROCKFORT PREPARATORY SCHOOL INCORPORATED/JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


3
Araling Panlipunan 8

sinaunang Griyego. Bunga nito, naging mahirap pamunuan ang mga


Griyego sa

pamamagitan ng isang pamahalaan. Samakatuwid, nakuntento ang mga Griyego


na manirahan sa maliliit at malalayang komunidad na nasa mga lambak ng
kabundukan.

Walang malalaking ilog sa Greece na maaaring magamit sa paglalayag.


Karamihan sa mga ilog ay natutuyo sa panahon ng tag-init. Ang malaking bahagi
ng Greece ay mabato at angkop lamang sa pagpapastol. Mayroon ding bahagi
ng Greece na natatakpan ng mga kagubatan at may kakaunting lupain na
angkop sa pagtatanim ng trigo, barley, citrus, date, at olive. Sa katunayan, ang
Greece ang ikatlong pangunahing prodyuser ng olive sa mundo at pangunahing
prodyuser ng espongha.

Dahil mabundok at mabato ang lupain ng Greece, itinuon ng mga


sinaunang Griyego ang kanilang kabuhayan sa dagat. Sa katunayan, may
malaking impluwensiya ang dagat sa pamumuhay ng mga Griyego. Mahalaga
ang paglalayag at kalakalan para sa mga Griyego dahil ang Greece ay salat sa
mga yamang likas.

MGA LUNGSOD-ESTADO NG GREECE

Noong 750 B.C.E. sumibol ang mga polis o lungsod-estado sa Greece.


Ang isang polis ay may lungsod at limitadong lugar para sa sakahan. Sumibol
ang mga lungsodestado sa mga kapatagan o mga lambak na napaliligiran ng
mga kabundukan. Ang mga ito ang nagbibigay ng likas na mga hangganan at
depensa sa mga polis. Nagtayo rin ang mga mamamayan ng mga pader at
acropolis o moog sa mataas na bahagi ng lungsod. Ang agora naman ang
pinakasentro ng polis-ito ay nagsisilbing pamilihan at pook kung saan maaaring
magpulong ang mga tao. Maraming sumibol na lungsodestado sa Greece
kabilang na ang Athens, Sparta, Corinth, Argos, at Thebes.

Sa simula, ang anyo ng pamahalaan sa mga polis ay monarkiya


(pinamumunuan ng hari sa tulong ng konseho). Malaon, ang umiral na
pamahalaan ay aristokrasya (pamahalaan na pinamumunuan ng mga maharlika).
Subalit ang pamahalaang ito ay naging mapaniil at di-makatwiran dahil gumawa
ang mga maharlika ng mga batas para lamang sa kanilang kapakanan. Ang mga
ordinaryong mamamayan ay hindi nakuntento sa pamumuno ng mga maharlika.
Unti-unting lumakas ang kapangyarihan ng mga ordinaryong mamamayan at
nabuo ang bagong uri ng hukbo dahil sa paggamit ng bakal. Nag-alsa ang mga
mamamayang sundalo laban sa mga maharlika. Sa maraming pagkakataon,
pinamunuan ang mga pag-aalsang ito ng isang tao na mula sa lipi ng maharlika.
Dahil sa suporta ng mga mamamayan, natamo nila ang pamumuno sa mga
lungsod-estado. Ang mga taong naluklok sa kapangyarihan ay tinawag na tyrant
na nangangahulugang diktador sa kasalukuyan.
ROCKFORT PREPARATORY SCHOOL INCORPORATED/JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
4
Araling Panlipunan 8

May mga tyrant na naging mahusay na pinuno at tumulong sa mga tao.


Upang higit na maging tanyag, nagpatayo ang maraming tyrant ng mga
estruktura tulad ng mga moog, daungan, at templo. Sa panahon din ng
pamumuno ng mga tyrant ay nagkaroon ng kolonya ang mga Griyego sa mga
baybaydagat na nakapaligid sa Mediterranean noong ika-8 siglo B.C.E. Itinatag
ang mga kolonyang ito dahil hindi naging sapat ang kakayahan ng mabatong
lupain ng Greece na suportahan ang lumalaking populasyon.

Sino ang tinatawag na mamamayan sa sinaunang Greece?

Sa Greece, ang itinuturing lamang na mga mamamayan ay ang mga


kalalakihan na nasa sapat na gulang. Sila rin lang ang may karapatang
bumoto. Samakatuwid, ang kababaihan at mga bata ay hindi tinatawag na
mamamayan at wala silang karapatang bumoto. Ang kalalakihan din ay
kailangang magsilbi sa hukbong sandatahan bilang sundalo.

Greek Phalanx

Ang bawat mamamayan ay kinakailangan na


maglingkod bilang sundalo sa kanyang polis. Ang
pangkat ng mga sundalong ito ay tinawag na
phalanx. Nakaayos ang mga sundalo sa mga hanay
habang hawak ang kanilang shield at sibat na gawa
sa bakal. Ang kanilang shield ay nagsisilbing pader
na proteksiyon at ang kanilang mga sibat ay
nakaturo sa kalaban. Sa panahong iyon, ang phalanx
ang pinakamahusay na paraan sa pakikipaglaban.

MGA PANGUNAHING LUNGSOD-ESTADO SA GREECE

Sparta: Estadong Militar

Matatagpuan ang Sparta sa katimugang Mga Sundalong Mamamayan


bahagi ng Greece sa lugar na tinawag na
Peloponnesus. Ito ang pangunahing Simula sa pagsilang, ang mga batang
lungsodestado sa Laconia. Ang Sparta ay kilala Spartan ay pag-aari na ng estado.
Ang konseho ng matatanda ang
dahil sa buhay na walang luho at malalakas
pumipili sa mga sanggol na
nitong mga mamamayan. Kilala rin ang Sparta
mabubuhay. Sinusuri nila kung ang
sa buong Greece dahil sa makapangyarihang mga ito ay malusog at malakas. Kung
'estado ng mga kababaihan nito na may ang sanggol ay mukhang mahina,
karapatang magkaroon ng ari-arian. Ang Sparta iiwan ito sa paanan ng bundok. Ang
ay pinamunuan ng dalawang hari, ito ay upang buhay ng mga batang lalaki at babae
matiyak na hindi magmamalabis sa ay nakalaan para sa kapangyarihang
militar ng Sparta. Ang mga batang
lalaki HIGH
ROCKFORT PREPARATORY SCHOOL INCORPORATED/JUNIOR ay binibigyan ng mahigpit na
SCHOOL DEPARTMENT
pagsasanay simula sa edad na 5 pito.
Sila ay nanirahan sa barracks,
sapilitang nakapaa sa lahat ng oras,
at naghahati sa kakaunting pagkain.
Araling Panlipunan 8

kapangyarihan ang bawat isa. Maliban sa dalawang hari, pinamunuan din sila ng
isang pangkat ng mga matatandang kalalakihan na tinawag na Gerousia, kaya't
masasabing ang uri ng kanilang pamahalaan ay oligarkiya o pamahalaan na
pinamumunuan ng iilang makapangyarihang tao.

Sinakop ng Sparta ang kalapit na lungsodestado ng Messenia noong 725


B.C.E. Itinuring ng mga Spartan ang mga Messenian na alipin at tinawag na
helot. Bilang helot, ang mga Messenian ang nagbungkal ng mga lupain
samantalang napunta ang kalahati ng kanilang ani sa mga Spartan.
Gayumpaman, nang lumaon ay lumago ang populasyon ng mga Messenian.
Umabot sa panahong nagkaroon ng walong Messenian sa bawat isang Spartan.
Natakot ang mga Spartan sa pag-aalsa ng mga Messenian kaya't nagpasiya
silang palakasin ang kanilang lungsod-estado at sanayin ang kanilang mga
mamamayan na maging sundalo. Noong 600 B.C.E hanggang 371 B.C.E., ang
mga Spartan ang naging pinakamalakas na hukbo sa Greece, subalit bunga nito
ay halos wala silang naibigay na ambag sa larangan ng sining, arkitektura, o
panitikan. Nakilala ang mga Spartan sa kanilang lakas, katapangan, at
dedikasyon. Pinapahalagahan ng mga Spartan ang pagsunod sa tungkulin,
kalakasan, at disiplina, at hindi ang indibidwalismo kagandahan, at kalayaan ng
pag-iisip na pinayabong sa Athens.

Athens: Estadong Demokratiko

Ang klasikal na kasaysayan ng Greece ay nakasentro sa Athens.


Matatagpuan ang Athens sa Attica. Maunlad na polis ang Athens at nakilala rin
ito dahil sa pagpapahalaga ng estado sa edukasyon at malayang pag-iisip. Sa
Athens isinilang ang demokrasya dahil sa mga reporma na pinasimulan ng mga
lider tulad nina Solon noong 594 B.C.E., Cleisthenes fonico noong 500 B.C.E., at
Pericles noong 460 B.C.E. Ang mga repormang ito ang lumikha sa demokrasya,
isang uri ng pamamahala kung saan ang mga mamamayan ay may pakikilahok
sa pamahalaan. Gayumpaman, ang uri ng demokrasya na nalinang sa Athens ay
limitado dahil ang kalalakihan na nasa itinakdang gulang lamang ang maaaring
bumoto.

Sa Athens, ang kalalakihan ay nagtutungo sa sentro ng lungsod kung


kailangan upang pagpasiyahan ang mga mahahalagang bagay para sa kanilang
lungsod-estado. Sila ay magbobotohan sa Boule o Bouleuterion. Ang Boule na
tinawag din na Council of the Five Hundred ay binubuo ng 500 kasapi na nasa
edad 30 pataas at pinipili sa pamamagitan ng palabunutan. Ito ang naghahanda
ng mga dapat na pag-usapan ng asamblea, mga batas, at mga patakarang
ipatutupad. Noong 400 B.C.E., naging pangunahing lungsod-estado ang Athens
at nagawa nitong kontrolin ang kalakalan at ilang kolonya sa ibayong dagat. Ang
Athens ang naging pangunahing lungsod-estado sa Greece sa larangan ng
Pagpapaalis sa mga di kanais- Si Solon ay naging tanyag sa pagiging
politika, sining, at kaalaman.
nais na tao sa Athens makatarungan. Binigyan siya ng
kapangyarihan na magpatupad ng mga
Isinasagawa
ROCKFORTng mga Athenian
PREPARATORY SCHOOL INCORPORATED/JUNIOR HIGH SCHOOL
reporma sa larangan DEPARTMENT
ng ekonomiya at
ang ostracism kung saan ang politika. Ang pangalan ni Solon ay 6
isang mamamayan na nangangahulugang “mambabatas.”
inaakalang mapanganib ay
ipatatapon sa malayong lugar. Si Cleisthenes ang nagpatupad ng
Araling Panlipunan 8

Si Pericles ang nagdagdag -sa bilang ng mga pampublikong opisyales na


binibigyan ng sahod ng pamahalaan. Nagkaroon ng pagkakataon ang mga
mahihirap na maglingkod sa pamahalaan.

Aralin 3

Kabihasnang Klasiko ng Rome

Habang humihina ang dakilang sibilisasyon ng


Greece, isang panibagong kabihasnan sa kanluran ang umuunlad at lumalakas.

ROCKFORT PREPARATORY SCHOOL INCORPORATED/JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


7
Araling Panlipunan 8

Ito ang lungsod ng Rome na mula sa isang mali pamayanan ay naging isang
malaking imperyo. Tinanggap at ipinagpatuloy ng mga Romano ang kulturang
Griyego.

HEOGRAPIYA NG ITALY

Ang Italy ay hango sa salitang Latin na Italia na tumutukoy sa teritoryong


saklaw ng Rome na malaon ay tumukoy na rin sa buong Italian Peninsula. Ang
Italy ay isang tangway o peninsula sa timog Europe na hugis bota at may
mahabang baybayin na tinatayang aabot sa 7,600 kilometro. Napaliligiran ang
Italy ng Alps, Adriatic Sea, Mediterranean Sea, at Tyrrhenian Sea. Ang mga
bansa na katabi ng Italy ay ang Austria, France, Slovenia, at Switzerland.
Matatagpuan naman sa loob ng Italy ang mga estado ng Vatican City (Holy See)
at San Marino.

Bagama't may mahabang baybayin ang Italy, ang karamihan ng mga tao
rito sa sinaunang panahon ay magsasaka, maliban na lamang sa timog kung
saan nangingibabaw ang kolonya ng mga Griyego. Ang Italy ay matatagpuan sa
kalagitnaan ng Mediterranean, habang ang Rome naman ay lungsod na nasa
gitna ng Italy. Ang Rome ang kabisera ng Italy. Ito ay may magandang lokasyon
upang magpadala ng mga barko at hukbo sa anumang direksiyon. Nasa 15 milya
ang layo ng lungsod mula sa dagat. Ito ang pinakamagandang lugar para tawirin
ang Tiber River, ang isa sa mga makasaysayan at mahalagang ilog sa Italy.
Samakatuwid, maraming ruta ng kalakalan sa Italy na nagtatagpo sa Rome.

Mabundok ang Italy subalit hindi naman ito mabato tulad ng Greece. Ang
Alps ang bulubundukin na humihiwalay sa Italy sa iba pang bansa sa Europe.
Kabilang sa Alps ang Mt. Mont Blanc (Monte Bianco) de Courmayeur, ang
pinakamataas na bundok sa Italy. Ang isa pang hanay ng bulubundukin, subalit
mas mababa, ay ang Apennines na nasa kanlurang Italy. Sa hilagang Italy
matatagpuan ang matabang, kapatagan na dinadaanan ng Po River, ang
pinakamalaking ilog sa Italy na dumadaloy mula kanluran patungo sa silangan.
Ang mga tanyag na bulkan naman sa Italy ay ang Mt. Vesuvius malapit sa
Naples at ang Mt. Etna sa Sicily.

MGA UNANG TAO SA ITALY

Latin

Nagtungo ang mga Latin sa Italy noong 1000 B.C.E. Nanirahan sila sa
malapit sa Tiber River sa rehiyon na tinawag na Latium. Nagtayo sila ng
panahanan sa Palatine Hill (malaon ay itinayo rito ang Rome).

ROCKFORT PREPARATORY SCHOOL INCORPORATED/JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


8
Araling Panlipunan 8

Griyego

Nagtatag ang mga Griyego ng 50 kolonya sa timog ng Italy at Sicily sa


pagitan noong 750 at 600 B.C.E. Tinawag ng mga Griyego ang rehiyong ito na
Magna Graecia. Ito ang naghatid ng malapit na ugnayan sa sibilisasyong
Romano at Griyego.

Etruscan

Ang mga Etruscan ay dumating sa Italy sa pagitan ng 1200 hanggang 800


B.C.E. Mayroong sistema ng pagsulat ang mga Etruscan (hango sa alpabeto ng
mga Griyego). May malaking impluwensiya ang mga Estruscan sa kultura ng
mga Romano.

ANG REPUBLIKANG ROMANO

Nagwakas ang pamahalaang monarkiya sa Rome noong 509 B.C.E. nang


patalsikin ang ikapito at ang huling haring Etruscan na si Lucius Tarquinius
Superbus. Ang pag-aalsa ng mga tao ay nagbigay-daan sa pagkakatatag ng
republika. Ang republika ay isang pamahalaan kung saan ang mga mamamayan
ay bumoboto sa pagpili ng kanilang mga pinuno. Ang salitang republika ay hango
sa katagang Latin na res publica na nangangahulugang “public affairs."
Ipinagmalaki ng mga Romano na nakamtam nila ang isang balanseng
pamahalaan. Ito ay dahil sa pinagsama-sama nila ang mga mahuhusay na
katangian ng lahat ng uri ng pamahalaan-ang monarkiya (pamahalaan ng mga
hari), aristokrasya (pamahalaan ng mga maharlika), at demokrasya (pamahalaan
ng taong-bayan). Sa panahon ng krisis, ang republika ay maaaring pamunuan ng
isang diktador. Ito ay isang uri ng lider na may ganap na kapangyarihan na
gumawa ng mga batas at pamunuan ang hukbong sandatahan sa loob lamang
ng anim na buwan. Ito ay pinipili ng consul at hinahalal ng senado.

Consul (Monarkiya) Senado (Aristokrasya) Asamblea


(Demokrasya)
Mayroong dalawang Ang senado ang Ang asamblea ang
consul ang Republikang aristokratang sangay ng demokratikong sangay
Romano. Tulad ng hari, Republikang Romano. ng Republikang
ang consul ang Sa simula, ang mga Romano. Lahat ng
namumuno sa hukbong senador ay pawang mga mamamayang sundalo
sandatahan at patrician lamang. Nang ay kasapi ng sangay na
pamahalaan. Subalit, malaon, nadagdagan ito. Ang tribune ang
limitado ang kanilang ang bilang ng mga tagapagsalita ng
kapangyarihan. Mayroon senador at naging asamblea. Sa simula,
lamang isang taong kasapi na rin ang mga mayroon lamang
panunungkulan ang plebeian. Habangbuhay kakaunting
bawat nahalal na consul. ang pagiging kasapi sa kapangyarihan ang
Sa pagpapasiya, ang senado. Mayroong asamblea. Sa paglipas
isang consul ay kapangyarihan ang ng panahon, unti-unting
maaaring pigilan ng isa senado na magpatupad nadagdagan ang
ROCKFORT PREPARATORY SCHOOL INCORPORATED/JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
9
Araling Panlipunan 8

pang consul sa ng mga patakarang kanilang kapangyarihan


pamamagitan ng veto. panloob at panlabas. na may kaugnayan sa
Sa Latin, ang veto ay paggawa ng mga batas.
nangangahulugang
"Tutol ako."

Mayroong dalawang uri ng tao sa lipunan ng mga Romano-ang mga


patrician at plebeian. Ang patrician ay ang maharlikang lipi na may pribilehiyo na
mamuno sa Rome dahil naniniwala sila na ang kanilang mga ninuno ay ang mga
patres o “ama” na nagtatag sa Rome. Ang mga plebeian naman ay mga
ordinaryo at malalayang mamamayan na may mga karapatan tulad ng pagboto.
Mas makapangyarihan ang mga patrician dahil sila ang may hawak sa mga
mahahalagang posisyon sa pamahalaan. Nagkaroon ng tunggalian sa pagitan ng
mga patrician at plebeian dahil ang mga batas ay pumapabor sa mga patrician.
Tumanggi ang mga plebeian na magsilbi sa hukbong sandatahan hangga't hindi
naisusulat ang mga batas. Ito ang nagbigay-daan sa pagkabuo ng Twelve
Tables, ang unang batas na naisulat sa Rome. Inukit ang mga batas sa 12
tableta na inilagay sa forum. Ang forum ang nagsisilbing sentro ng lungsod.
Sinimulan ng Twelve Tables ang ideya na ang lahat ng mamamayan ay may
proteksiyon ng batas. Ito ang nagsilbing gulugod sa pagkakatatag ng
Republikang Romano.
Roman Forum

Ang forum ay nasa sentro ng isang bayan kung


PAGPAPALAGANAP NG mga
saan nagtatagpo ang KAPANGYARIHAN NG sa
tao. Ito ay hango
ROME
salitang Latin na fora na nangangahulugang
"pamilihan." Ito ay parisukat na lugar na nasa sentro
Naglunsad ng serye ng mga digmaan ang mga
ng lungsod ng mga Romano. Dito ibinibigay ang
Romano upang makontrol ang Italy. Isa sa mga
mga anunsiyo, matatagpuan ang mga pamilihan at
nakalaban ng mga Romano ay ang mga kolonyang
mahahalagang gusali ng pamahalaan, at isinagawa
Griyego na nasa timog ng Italy. Noong 282 B.C.E.,
ang mga mahahalagang pagti-tipon.
humingi ng tulong ang mga Griyego kay Haring
Maihahalintulad ito sa agora ng mga Griyego.
Pyrrhus, hari ng kanlurang Greece, at isang mahusay
na heneral. May ilang beses na natalo ni Pyrrhus ang mga Romano subalit
malaki rin ang pinsalang idinulot nito sa kanyang hukbo.

Sa huli, naitaboy ng mga Romano pabalik sa Greece ang lumiit na hukbo


ni Pyrrhus. Natutuhan ni Pyrrhus na maaaring manalo sa bawat labanan subalit
sa huli ay maaari ka pa ring matalo sa digmaan. Ang karanasang ito ay
naisasalamin sa katagang “Pyrrhic victory” na nangangahulugang “mahal na
tagumpay.". Dahil sa kalakalan sa Mediterranean, nagkipaglaban ang mga
Romano sa Carthage na tinawag na Digmaang Punic (Punic Wars). Ang
Carthage ay isang mayamang lungsod sa
Hilagang Africa at dating kolonya ng mga

ROCKFORT PREPARATORY SCHOOL INCORPORATED/JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


10
Araling Panlipunan 8

Phoenician. Ang mga kaganapan sa tatlong Digmaang Punic ay nakasaad sa


talahanayan.

Roman Formation

Kapag Roman Legion


sasalakay sa isang moog ang
mga May
legionnaire
hukbong ay nagsasagawa
sandatahan ang sila mga
ng Romano
napormasyon
tinawag na na legion.
tinatawag na testudo
Hinahati ito sa 60 grupo na
(tortoise). Nagagawa nito na sumugod
tinawag naman na century. Ang legion ang
nang dahan-dahan
instrumento kahit inuulansangkapangyarihan
sa pagpapalaganap mga ng
bato at pana.
Rome sa Mediterranean.

Unang Ikalawang Ikatlong


Digmaang Digmaang Digmaang
Punic Punic Punic
Dahilan: Pag- Dahilan: Dahilan:
aagawan sa Pagsalakay ni Hinikayat ni
pagkontrol sa Hannibal sa Cato, isang
Sicily Italy dahil sa senador, sa
kanyang kanyang mga
kanaisang talumpati ang
maghiganti sa mga Romano
Rome na wasakin ang
Carthage.
Mahalagang Mahalagang ahalagang
Pangyayari: Pangyayari: Pangyayari:
Ang mga Tinalo ni Nagpadala ang
labanan ay Hannibal ang Rome ng hukbo
naganap sa legion ng mga sa pamumuno
dagat. Pinalad Romano sa ni Scipio
ang mga Italy, subalit Aemilianus,
Romano nang dahil sa mataas apo ni Scipio
makakita ng na pader, hindi Africanus,
isang nito mapasok upang wasakin
Carthaginian ang Rome, ang Carthage.
warship o kaya't sa loob Lumaban ang
quinquereme ng 13 taon ay mga
sa kanilang sinalakay na Carthaginian,
baybayin. lamang nito subalit napasok
Ginaya nila ito ang mga ng mga
at dinagdagan bukirin at Romano ang
ng gangplank. pamayanan sa Carthage at
Italy. sinunog ito.
Wakas: Wakas: Wakas:
Pinalubog ng Ipinadala ng Winasak ng
mga Romano Rome si Scipio mga Romano
ang huling plota para salakayin ang Carthage
o fleet ng ang Carthage. at ang mga

ROCKFORT PREPARATORY SCHOOL INCORPORATED/JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


11
Araling Panlipunan 8

Carthage noong 241 Nagtungo si Hannibal sa mamamayan nito ay


B.C.E. Carthage at natalo siya tinangay upang maging
ni Scipio sa Labanan sa alipin sa Rome.
Zama. Bilang parangal,
tinawag si Scipio na
Africanus (tagapaglupig
ng Africa)
Bunga: Nagwakas ang Bunga: Nawala sa Bunga: Naging
kapangyarihan ng Carthage ang mga panginoon ng
Carthage sa kolonya nito. Mediterranean ang
Mediterranean. Nakuha Gayumpaman, nanatili Rome. Nagpatuloy itong
ng Rome ang Sicily na pa rin na maunlad ang magdagdag ng teritoryo
mayaman sa mga butil lungsod. mula Spain hanggang
na pananim. Asia Minor.

Noong 44 B.C.E., pinamunuan ng mga


Romano ang Spain, France, Asia Minor,
Hilagang Africa, at ang bahagi ng Europe na
nasa timog ng Danube River. Nangibabaw ang
mga Romano sa Mediterranean sa loob ng 200
taon.

ROCKFORT PREPARATORY SCHOOL INCORPORATED/JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


12
Araling Panlipunan 8

Aralin 4
Mga Klasikong lipunan sa Africa,

America at mga Pulo sa Pacific

Pag-usbong ng Kabihasnang Klasiko sa Africa

Ang Africa ang ikalawang pinakamalaking kontinente sa mundo. Ito ay


may mataas na elebasyon, makikitid na baybayin, at ilang magagandang
daungan. May malaking ginampanan ang heograpiya sa kasaysayan ng Africa.
Bunga ng heograpiya, sumibol ang mga kakaibang kultura at lipunan sa Africa,
kabilang na rito ang mga dakilang sibilisasyon.

Heograpiya ng Africa

ROCKFORT PREPARATORY SCHOOL INCORPORATED/JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


13
Araling Panlipunan 8

Ang Africa ay may limang heograpikal na rehiyon – ang mga baybayin, disyerto,
tuyong damuhan, savanna at kagubatan.

Baybayin Disyerto Tuyong Savanna Rainforest


Damuhan
Matatagpuan Malaking bahagi Malapit sa Malapit sa Sakop ng
ang mga ng Africa ang mga disyerto mga disyerto mga
baybayin o Sahara Desert. ang mga ang mga rainforest
makikitid at Ang sahara ay tuyong tuyong ang ng
matatabang mula sa salitang damuhan na damuhan na Africa.
lupain sa Arabic na nasa timog nasa timog Dumadaloy
Hilaga at nangangahulugang ng Sahara. ng Sahara. rito ang
Timog Africa. "disyerto." Angkop ang Angkop ang mga
Karamihan Mayroong 90 na mga lugar na mga lugar na malalaking
ng mga tao oases sa Sahara ito sa ito sa ilog sa
sa Africa ay kung saan ay may pagpapastol. pagpapastol. Africa gaya
naninirahan bukal ng tubig. ng Congo
dito. River.

Mga Sinaunang Imperyo sa Africa

Kush

Noong 700 B.C.E., naagaw ng mga Kushite ang pamamahala sa Upper Egypt at
malaon ay nanirahan sila sa Timog Egypt. Natutuhan ng mga Kushite ang
pagpapanday ng-bakal at napaghusay nila ang kanilang hukbo at agrikultura.
Nakipagkalakalan sila sa Arabia, India, at China. Itinatag ng mga Kushite ang
kanilang kabisera sa Meroë na naging sentro ng kalakalan sa HilagangSilangang
Africa. Noong 200 C.E., naging isang makapangyarihang imperyo ang Kush sa
Africa.

Axum

Noong 100 C.E., may bagong imperyo na sumibol sa Axum sa Silangang Africa
(kasalukuyang Ethiopia) malapit sa Red Sea. Sumibol ito sa baybaying rehiyon
ng kasalukuyang bansang Eritrea. Ang mga Axumite ay mga taong semitic na
nakalinang ng sariling wikang naisusulat. Hinamon ng Axum ang kapangyarihan
ng Kush. Noong 325 C.E., sinalakay ng mga mandirigmang Axum sa pamumuno
ni Haring Ezana ang Meroë. Nang malaon ay sinalakay rin ng mga Axum ang
mga kalapit na lugar na nasa Arabian Peninsula. Bunga nito, nagawa ng Axum
na kontrolin ang mga ruta ng kalakalan sa mga kalapit na lugar. Lụmago ang
Imperyong Axum bunga ng kalakalan sa Hilagang-Silangang Africa at Red Sea.
Ang mga ruta ng kalakalan ay nagsilbing tulay upang magkaroon ng ugnayan
ang Axum sa mga sibilisasyon sa Kanlurang Asya at Mediterranean. Ang
kabisera ng Axum ay ang Adulis na sentro ng kalakalan. Bakal ang ikinalakal nila
sa iba pang mangangalakal sa Africa at ang kapalit nito ay ivory, ginto, at alipin

ROCKFORT PREPARATORY SCHOOL INCORPORATED/JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


14
Araling Panlipunan 8

na ibinibigay sa Greece, Egypt, Arabia at iba pang bansa. Tinanggap ng mga


Axumite ang Coptic Christianity noong 100 C.E. Nakilala rin sila sa pagtatayo ng
mga simbahan na nasa gilid ng bundok. Hanggang sa kasalukuyan ay ginagamit
ang mga ito sa pagsamba. Noong ika-6 na siglo, sinalakay ng mga Persian ang
mga lalawigan ng Axum na nasa Arabian Peninsula. Nagawa ng mga Persian na
makontrol ang mga mahahalagang ruta ng kalakalan at ang kapangyarihan ng
Axum ay unti-unting humina.

Sumibol ang Imperyo ng Ghana noo 700 C.E. Ito ang unang dakilang Imperyo sa
Kanlurang Africa na matatagpuan sa kasalukuyang
Imperyo ng Ghana Mauritania, Mali, at Senegal Matatagpuan ang
sentro ng imperyo sa rehiyong tinawag na Sudan.
Ang mga Soninke ang unang mga tao na nanirahan
sa rehiyong ito mula 300 C.E hanggang 500 C.E. Ang Ghana ay unang sumibol
malapit sa Niger River.

Nanirahan ang mga Ghanaian sa mga mahahalagang ruta ng kalakalan.


Sa timog ng Ghana ay may malaking kagubatan, sa hilaga naman ay ang Sahara
Desert. Nanirahan ang mga Ghanaian sa mga mahahalagang ruta ng kalakalan.
Sa timog ng Ghana ay may malaking kagubatan, sa hilaga naman ay ang Sahara
Desert. Nagmula ang yaman at kapangyarihan ng sinaunang Ghana sa kalakalan
ng ginto at asin at sa paggamit ng kamelyo sa kalakalang Trans-Sahara. Naging
maunlad ang Ghana dahil sa pagkontrol nito sa mga ruta ng kalakalan at sa
paniningil ng buwis mula sa kalakalan sa gubat at disyerto. Nakatulong ang
kalakalan upang lumago ang mga pook-urban. Ang buwis ay ginamit upang
suportahan ang pamahalaan 11 hukbong sandatahan. Ang mga kagamitang
gawa sa bakal ay nakatulong sa mga magsasaka sa pagtatanim at sa mga sunda
sa pagpapalawak ng teritoryo at pagkonti sa iba pang ruta ng kalakalan. Ang
kabische ng Ghana ay ang Koumbi Saleh na nagiis mahalagang sentro ng
kalakalan.

Nagwakas ang Ghana noong 1200 C.E. Ang mga pangyayari na


nagbigay-daan sa bobagsak ng Ghana ay ang pagkawala sa vonopolyo ng
kalakalan at ang pagkatuyot ng lupain. Dagdag pa rito, dumating ang mga
Almoravid mula sa Hilagang Africa at sinalakay ang Ghana noong 1076.
Pagkaraan ng mga pagsalakay, tuluyan nang humina ang Ghana. Noong 1235,
ang mga Malinke sa pamumuno ni Sundiata Keita ang nagtatag ng imperyo na
humalili sa Ghana.
ROCKFORT PREPARATORY SCHOOL INCORPORATED/JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
15
Araling Panlipunan 8

Kalakalan ng Ginto at Asin

Ang yaman ng mga imperyo sa Kanlurang Africa ay mula sa kalakalan ng ginto


at asin. Ang ginto ay sagana sa timog ng Sahara sa kagubatan na nasa pagitan
ng Blog Niger at Senegal. Bagamat mayaman sa ginto salat naman ang
rehiyong ito sa asin. Sa kabilang banda, ang Sahara naman ay mayaman sa
asin. Sa katunayan, sa Taghaza, ang mga manggagawa ay gumagamit ng asin
sa pagpapatayo ng haligi ng mga bahay. Ang mga Arabeng mangangalakal ay
nagdadala ng asin sa timog ng Sahara para ipalit ito sa ginto.

Pag-usbong ng Kabihasnang Klasiko sa Mesoamerica

Ang North America at South America ay may sukat na halos 10,000 milya
mula nilaga hanggang timog. Sa pagitan ng dalawa ay ang Central America o
Mesoamerica na nuturing na bahagi ng North America.

Ang rehiyon ay kinabibilangan ng Mexico at Central America. Sa rehiyong


ito, sumibol ang ilang mauunlad na sibilisasyon na may pagkakatulad sa iba pang
kabihasnan sa mundo.

Olmec

Isa sa mga unang sibilisasyon sa Mesoamerica ay ang itinatag ng mga


Olmec. Nanirahan sila sa baybayin ng Gulf of Mexico sa mga estado ng Veracruz
at Tabasco sa pagitan ng 1500 hanggang 600 B.C.E. Sila ay mga magsasaka at
mga relihiyosong tao na pinamunuan ng mga pari. Nagtayo sila ng malalaking
templo, monumento, at pyramid para parangalan ang kanilang mga pinuno.

Nakilala ang mga Olmec sa paglilok ng malalaking estatwang ulo na gawa sa


bato. Ang mga Olmec ang unang nakagawa ng kalendaryo sa America. Mayroon
din silang sistema ng pagbibilang. Dahil sa kanilang mga ambag, nagkaroon ng
malaking impluwensiya ang mga Olmec sa iba pang sibilisasyon na sumibol sa
America. Gayumpaman, nananatiling misteryo kung saan nagmula ang mga
Olmec at ang dahilan ng kanilang pagkawala.

Pag-usbong ng Kabihasnang Klasiko sa mga Pulo sa Pacific

Naniniwala ang mga iskolar na nagsimulang manirahan ang mga tao sa


mga isla sa Pacific may 40,000 taon na ang nakalilipas. Ang mga isla sa
Melanesia ang unang grupo ng isla na nagkaroon ng mga panahanan ng tao.
Nang malaon, nagtungo rin ang mga tao sa Micronesia at Polynesia.

Ang mga Polynesian ang unang nanirahan sa mga isla sa Pacific Ocean
Ang mgu Polynesian mula sa New Zealand hanggang sa Hawaii. Ang salitang
polynesia ay nangangahulugang "maraming isla." Ang wika ng mga Polynesian
ROCKFORT PREPARATORY SCHOOL INCORPORATED/JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
16
Araling Panlipunan 8

ay bahagi ng pamilya ng wikang Austronesian na kinabibilangan ng iba pang


wika sa Pacific. Ang lipunan ng mga Polynesian ay may mayaman na tradisyon
ng mga mito at kuwentong-bayan.

Mahuhusay na manlalayag ang mga Polynesian na sinasabing nakarating


sa mga isla sa Pacific sa paghahanap ng bagong tahanan. Naniniwala ang mga
eksperto at historyador na nagmula. ang mga Polynesian sa Timog o Timog-
Silangang Asya at nandayuhan sakay ng mga bangka, Dala nila ang kanilang
mga alagang hayop gayundin ang mga prutas at gulay. Mula sa mga taong ito
nagmula ang kulturang Lapita. Ang kulturang Lapita ay tumutukoy sa arkeolohikal
na kultura na pinagmulan ng iba pang kultura sa Polynesia, Micronesia, at ilang
lugar sa Melanesia. Ang mga taong ito ay gumamit ng mga shell sa paggawa ng
mga kagamitan at gumawa rin sila ng mga palayok.

Isa sa pinakamalaking migrasyong naganap sa kasaysayan ang


pandarayuhan ng mga Polynesian noong 1500 B.C.E., mula Silangang Asya
tungong New Guinea at Solomon Islands upang maglayag at galugarin ang mga
isla sa Pacific Ocean. Ang kulturang Lapita ay lumaganap hanggang sa Tonga at
Samoa noong 1000 B.C.E.

Aralin 5

Kontribusyon ng Kabihasnang Klasiko


sa Daigdig Noon at Ngayon

Ang mga klasikal na panahon ay nagsimula noong 500 B.C.E. hangang


700 C.E. Sa panahong ito, ang mundo ay higit na naging sopistikado dahil sa
pagsibol ng mga kabihasnan gaya ng umiral sa Greece at Rome. Ang mga
sibilisasyong ito ay lumaganap sa malalawak na lupain at nagbahagi ng kanilang
mga ambag pangkultural. Nagawa ng mga sibilisasyong ito na magkaroon ng
mataas na antas ng panloob na organisasyon, mga siyentipikong imbensiyon, at
mga artistikong ambag. Bagama't ang mga sibilisasyong ito ay bumagsak malaon
mula sa mga mananakop ang kanilang impluwensiya ay hindi nawala at
napakikinabangan pa rin hanggang sa kasalukuyan

ROCKFORT PREPARATORY SCHOOL INCORPORATED/JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


17
Araling Panlipunan 8

MGA AMBAG NG KABIHASNANG GRIYEGO

Maraming ambag ang kabihasnang Griyego sa iba't ibang larangan tulad


ng agham, arkitektura, edukasyon, pilosopiya, politika, sining, wika, at iba pa.
Ang mga ambag na ito ay may malaking impluwensiya sa Imperyong Romano at
nagbigay ng pundasyon sa kulturang Kanluranin at sa mga sumunod pang
kabihasnan sa Europe. Narito ang ilan sa mga mahahalagang ambag ng mga
Griyego.

Larangan Paglalarawan
Drama- Naimbento ng mga Griyego ang drama ng dalawang uri—ang trahedya
at komedya. Ang trahedya ay patungkol sa pangunahing tauhan na may
matatag o malakas na karakter, subalit sa huli, ang katangiang ito ang
maghahatid sa kanya ng kabiguan. Ang komedya ay may tema na katawa-
tawa na patungkol sa politika, mga tao, ideya at mga pangyayari sa lipunan.
Aeschylus Manunulat ng trahedya, tinatayang may isinulat na 70-90 na
plays. Ang mga tanyag niyang akda ay Agamemnon at
Libation.
Sophocles Manunulat ng trahedya, nakapagsulat ng 100 plays kabilang
ang Oedipus at Antigone
Euripedes Manunulat ng trahedya, may akda ng Medea, The Bacchae at
The Trojan Women.
Aristophanes Manunulat ng trahedya, may akda ng Clouds, Women at the
Thesmophoria, Lysistrata, at Wasps
Literatura
Homer Manunula na may akda ng Iliad at Odyssey. Ang Iliad ay
kuwento ukol sa digmaan sa pagitan ng mga Griyego at ng
lungsod ng Troy. Ang Odyssey ay naglalahad ng mga
kaganapan sa buhay ni Odysseus nang ito ay pauði na
pagkaraan ng Trojan War.
Aesop Kilalang manunulat ng mga pabula. Ang pabula ay mga
kuwento kung saan ang mga karakter ay mga hayop na
nagsasalita at may pag-uugali ng tulad sa tao.
Hesiod Sumulat ng dalawang mahabang tula, ang Theogony na isang
kuwento patungkol sa mga diyos, at Works and Days na
nagbibigay ng payo para sa buhay at paggawa
Talumpati
Demosthene Mahusay na orador. Nagbigay ng serye ng mga talumpati si
s Demosthenes noong 351 B.C.E. na tinawag na Philippics
upang bigyan ng babala ang Athens laban kay Philip ng
Macedonia.
Pilosopiya - Ito ay nangangahulugang pagmamahal sa karunungan. Ang mga
pilosopong Griyego ay naniniwala na may batas at ang mga batas na ito ay
mauunawaan ng tao sa pamamagitan ng katwiran.
Socrates Ginamit ang Socratic method o pagtuturo sa pamamagitan ng
pagtatanong at naghihikayat na dapat suriin ng tao ang
kanyang ideya batay sa katotohanan at katwiran. Ang mga
tanyag na kaisipan na mula kay Socrates ay ang mga
katagang “Know thyself” at “The unexamined life is not worth
ROCKFORT PREPARATORY SCHOOL INCORPORATED/JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
18
Araling Panlipunan 8

living.” May mga nagduda kay Socrates at siya ay inakusahan


ng paglason sa isip ng kabataan. Hinatulan si Socrates ng
kamatayan sa pamamagitan ng pag-inom ng lason mula sa
halamang hemlock.
Plato Si Plato ay isa sa mga mag-aaral ni Socrates na naging
manunulat at guro. Itinayo ni Plato ang kanyang paaralan na
tinawag na Academy. Ang pinakatanyag na akda ni Plato ay
ang The Republic kung saan inilarawan niya ang isang ideyal
na pamahalaan na pinamumunuan ng mga hari na pilosopo.
Aristotle Si Aristotle ay isa sa pinakamatatalinong mag-aaral ni Plato.
Nagkaroon ng ambag si Aristotle sa maraming larangan
kabilang ang katwiran, lohika, agham, etika, at pamahalaan.
Kabilang sa mga akda ni Aristotle ay ang Nicomachean Ethics
at Politics. Sa pilosopiya, nakabuo si Aristotle ng isang lohika
ng mga pangungusap na tinawag na syllogism. Ang syllogism
ay may tatlong magkakaugnay na pangungusap. Narito ang
halimbawa.
1. Lahat ng tao ay may talento.
2. Si Elijah ay isang tao.
3. Kung gayon, si Elijah ay may talento.
Ang sistemang ito ay nakatulong sa pagsasaayos at pagsusuri
ng mga ideya at nakatulong sa paglinang ng siyentipikong pag-
iisip.
Sa larangan naman ng literatura, sinulat ni Aristotle ang
Poetics na nagpapahayag ng kanyang saloobin ukol sa drama.
Maraming mga paksa ang isinulat ni Aristotle. Siya ay
interesado rin sa pag-aaral ng mga hayop, politika, isip ng tao
at tula.
Matematika
Pythagoras Pilosopo na nakalinang ng prinsipyo sa matematika, ang
Pythagorean Theorem.
Medisina
Hippocrates Isang manggagamot si Hippocrates na itinuring na “Ama ng
Medisina" bilang pagkilala sa kanyang mga ambag at
pagtatatag sa Hippocratic school of medicine. Ito ang
nagbigay-daan upang makilala ang medisina bilang isang
propesyon. Siya ang pinaniniwalaan na nagpasimula ng
Hippocratic Oath. Ito ay panunumpa ng mga doktor na
tutulungan at di kailanman magdudulot ng kapahamakan sa
mga pasyente.
Kasaysayan
Herodotus Tinawag na “Ama ng Kasaysayan” dahil siya ang unang
nagsulat ukol sa mga pangyayari ng nakaraan. Ang kanyang
mga naisulat ay nakapaloob sa aklat na The Histories.
Nagsulat si Herodotus ng mga kaganapan sa Digmaang
Persian. Nagsulat din siya patungkol sa kultura ng ibang tao
tulad ng mga Egyptian at Scythian.
Thucydides Isinulat ang mga kaganapan sa Digmaang Peloponnesian sa
akdang History of the Peloponnesian War. Isinulat niya ang

ROCKFORT PREPARATORY SCHOOL INCORPORATED/JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


19
Araling Panlipunan 8

kasaysayan sa paraang makaagham at inugat ang mga


dahilan ng mga kaganapan na walang kinalaman sa kapalaran
o sa mga diyos. Ginamit niya ang mga pangyayari upang
maunawaan ang dahilan at pag-uugali ng mga tao.
Musika at Sayaw - Ang musika ay bahagi ng pamumuhay ng mga sinaunang
Griyego na higit na makikita sa mga pagtitipon ang pagdiriwang. Makikita sa
sining ng mga sinaunang Griyego ang paggamit nila ng mga instrumento sa
musika Sa katunayan, ang salitang music ay hango sa pangalan ng Muses,
ang mga anak na babae ni Zeus na patron at ng at agham.
Palakasan - Bagama't madalas na nag-aaway-away ang mga lungsod-estado
sa Greece, sila ay lumalahok sa mga pagdiriwang nayan sa kanilang relihiyon
at palakasan gaya ng Olympic games. Ang mga lungsod-estado ay bumuo ng
isang 776 B.C.E.
Arkitektura at Eskultura – Ang Parthenon ay templo na itinayo sa ibabaw ng
isang burol na tinawag na acropolis. Katulad ng ibang gusaling Griyego,
pinagsama ang symmetry, balanse, at paggamit ng matataas at magagandang
kolum sa gusali ng Parthenon. Sa kasalukuyan, marami ang gumagawa sa
arkitektura ng mga Griyego. Ang tatlong batayng estilo ng kolum o haligi ay
Doric, Ionic at Corinthian. Ang eskultura naman ng mga Griyego ay
makatotohanan, payak, nagpapakita ng dignidad, at sumasagisag ng ideyal na
anyo ng katawan ng tao.

Mga Ambag sa Hellenistic Age

Sa loob ng 12 taon at walong buwan na pamumuno ni Alexander the Great


ay nakapagtatag siya ng isang malaking imperyo sa tatlong kontinente na may
lawak na 2 milyong ektaryang kuwadrado. Ito ay mula sa Greece sa kanluran,
Danube sa hilaga, Egypt, hanggang India sa timog at sa silangan. Pinag-ugnay-
ugnay ang mga teritoryong ito ng kalakalan, komersiyo, wika, at kulturang
Griyego. Sa pagpasok ng hukbo ni Alexander the Great sa Imperyong Persian,
sinundan sila ng libo-libong Griyego na nanirahan doon. Kasunod nito ay nagtayo
sila ng mga lungsod, templo, gymnasium, at teatro. Nakapagtatag din sila ng
mahigit sa 70 lungsod.

Binago ng pananakop ni Alexander ang kasaysayan ng sinaunang panahon.


Ang sentro ng kulturang Griyego ay lumaganap hanggang Silangang
Mediterranean at Asya. Sumibol ang bagong kultura na tinawag na Hellenism,
ang pinaghalong kultura ng mga Griyego at Asyano. Ang paglaganap ng
kulturang Griyego sa silangan ay tinawag na Hellenistic Age. Ang Alexandria sa
Egypt ang naging sentro ng kulturang Hellenistic. Ipinangalan ito kay Alexander
the Great at dito rin siya inilibing. Matatagpuan sa Alexandria ang parola
(lighthouse) na

tinatawag na Pharos at kabilang sa Seven Wonders of the Ancient World. Ang


pinakatanyag na lugar sa Alexandria ay ang museo at aklatan. Ang museo ay

ROCKFORT PREPARATORY SCHOOL INCORPORATED/JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


20
Araling Panlipunan 8

alay sa Muses, mga diyosa ng sining at agham. Ang aklatan ang unang tunay na
aklatan kung saan maaaring magsaliksik ang mga iskolar.

Larangan Pangalan/Katawaga Paglalarawan


n
Astronomiya Erathosthenes Tinantiya ang sukat ng mundo. Ginamit
niya ang geometry para ibigay ang
sukat ng circumference ng mundo na
tinatayang nasa 25,000 milya.
Aristarchus Tinantiya na 300 beses ang laki ng
araw kaysa sa daigdig.
Matematika Euclid Matematiko na nagbukas ng paaralan
at Agham para sa pag-aaral ng geometry. Isinulat
ang akda na Elements na naglalaman
ng 465 na proposisyon sa geometry.
Archimedes Kinalkula ang halaga ng pi (1), ang ratio
ng circumference ng bilog sa diyametro
nito. Ipinaliwang ang prinsipyo ng lever
at hydraulic screw. Naging tanyag din
siya sa pagtuklas ng batas ng
hydrostatics na tinawag na Archimedes
Principle. Sinasabing natuklasan ito ni
Archimedes nang humakbang siya sa
kanyang paliguan na naging dahilan
upang sabihin niya ang katagang
"Eureka!".
Eskultura Colossus of Rhodes Estatwa na may 105 talampakan ang
taas na gawa sa bronze. Ito ay nasira
dahil sa lindol. Kabilang ito sa Seven
Wonders of the Ancient World.
Winged Victory of Estatwa na ginawa upang ipagdiwang
Samothrace ang tagumpay ng mga Griyego sa mga
labanan sa dagat.
Pilosopiya Zeno Pinasimulan ang pilosopiyang Stoicism,
Naniniwala ang mga Stoic na dapat
mamuhay nang mabuti ang mga tao
ayon sa mga batas ng kalikasan.
Itinaguyod nito ang kalayaan mula sa
paghahangad ng mga materyal na
bagay sa mundo.
Epicurus Pinasimulan ang pilosopiyang
Epicureanism. Itinuro niya na
naghahatid ng kaligayahan ang
mabuting pag-uugali at kawalan ng
sakit. Hinikayat nito ang paghahangad
sa kasiyahan habang isinasaisip ang
moderasyon.

Mga Ambag ng Kabihasnang Romano


ROCKFORT PREPARATORY SCHOOL INCORPORATED/JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
21
Araling Panlipunan 8

Ang isa sa mga pinakamahahalagang ambag ng mga Romano ay ang mga


batas at ang republika nito. Ang republika ang nagsilbing batayan ng mga bata at
pamahalaan sa maraming bansa sa kasalukuyan. Ang iba pang mahahalagan
ambag ng mga Romano sa iba't iba’t-ibang larangan ay nasa talahanayan.

Mga Diyos at Diyosa ng mga Romano- Maraming diyos na kinikilala ang mga at
kanilang iniuugnay sa pangaraw-araw na pamumuhay. Ang ilan sa mga
pangunahing diyos ay ang mga sumusunod: Jupiter, hari ng mga diyos Juno, reyna
ng mga diyos Mars, diyos ng digmaan Neptune, diyos ng dagat Venus, diyosa ng
kagandahan at pag-ibig Apollo, diyos ng araw at sining Diana, diyosa ng buwan at
pangangaso Minerva, diyosa ng karunungan Vulcan, ang panday ng mga diyos

Ambag/Tao Paglalarawan
Panitikan
Virgil Sinulat niya ang Aeneid na isang epiko na hango mula sa akda
ni Homer, ang Iliad. Ito ay patungkol kay Aeneas, isa sa mga
mandirigma ng Troy. Si Virgil ang pinakadakila at pinakatanyag
na manunula sa kanyang panahon.
Horace Ang kanyang akda ay ang Ars Poetica (The Art of Poetry), na
isang liham para sa isang kaibigan. Ito ang aklat na nagbigay
ng patakaran sa mga manunula sa panahong Neoclassical
noong ika-17 at ika-18 siglo. Ito ay nagbigay ng payo sa mga
manunula na kailangang suriing mabuti ang kanilang akda
bago ipalimbag.
Ovid Isinulat niya ang akda na Metamorphoses na binubuo ng 15
aklat. Ang karamihan sa mga kuwento rito ay hango sa mga
alamat. Ito ay naging mahalagang batayan ng mitolohiyang
Griyego at Romano.
Livius Si Luvius ay isa sa mga kilalang manunulat ng Latin na
tinawag na “Ama ng Panitikang Romano." Isinulat niya ang
mga play na hango sa akda ng mga Griyego. Isinalin niya ang
Odyssey sa wikang Latin.
Cicero Siya ay isang estadista, manunula, at orador. Ang kanyang
istilo ng pagsulat ay sinasabing hindi pa nahihigitan ng ibang
manunulat ng Latin.
Pilosopiya
Seneca Siya ay isang pilosoper at dramatist. Ang mga akda niya ay
may kaugnayan sa Stoicism. Siya ay guro rin ng etika at
moralidad na nakilala sa praktikal na pagpapayo. May
nnaisulat siyang siyam na trahedya.
Agham
Marcus Tinawag siyang “Pinakamarunong na Romano” dahil sa
Terentius kanyang malawak na kaalaman. Ang kanyang akda na
Varro Disciplinae ay binubuo ng siyam na volume ng aklat na
patungkol sa sining at agham. Sa kabuuan, sumulat siya ng
ROCKFORT PREPARATORY SCHOOL INCORPORATED/JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
22
Araling Panlipunan 8

490 aklat at 700 biyograpiya.


Pliny the Si Pliny the Elder ay isang naturalist. Ang kanyang akda na
Elder Historia Naturalis (Natural History) ang itinuring na pinagsama-
samang kaalaman ng kanyang panahon. Binubuo ito ng 37
aklat na mula sa 100 manunulat.
Kasaysayan
Tacitus Itinuturing siya na isa sa mg pinakamahuhusay na manunulat
at pangunahing historyador ng Rome. ang kanyang mga akda
ay ang Annals at Histories.
Livy Ang kanyang akda ay ang The Annals of the Roman People na
patungkol sa kasaysayan ng Rome mula sa maalamat na
pagkakatatag nito.
Arkitektura
Colosseum Ang colloseum sa Rome ay isang malaking stadium na ginamit
para sa labanan ng mga gladiator at iba pang mga okasyon. Ang
colosseum ay mahalagang estruktura na simbolo ng impreyong
Romano.
Pantheon Ipinatayo ni Emperor Hadrian ang Pantheon (Templo ng mga
Diyos) kay Marcus Agrippa. Ito ay may malaking dome na gawa
sa kongkreto. Ang estrukturang ito ay tumagal ng 2000 taon kahit
hindi ginamitan ng bakal. Ito lamang ang nag-iisang monumento
na naitayo sa sinaunang Rome na hanggang sa kasalukuyan ay
buo pa.
Inhinyeriya
Kalsada at Ang aqueducts ay ginawa ng mga inhinyero para magdala ng
aqueduct tubig sa mga bayan at lungsod. Gumawa rin ang mga Romano
ng mga matitibay na kalsada na inugnay ang Rome sa mga
lalawigan nito. Isang halimbawa nito ang Appian Way.
Wika - Ang Latin ang wika ng mga Romano at ito rin ang opisyal na wika ng
Simbahang Katoliko. Nag-ugat sa wikang Latin ang wikang Pranses, Espanyol,
Portuges, Italyano, at Romanian. Ang mga ito ay tinawag na wikang Romance.
Mga Batas - Ang nagtagal at laganap na ambag ng mga Romano ay ang mga
batas nito. Ang batas ng mga Romano ay karamihang may kaugnayan sa
karapatan ng mga mamamayan.

Mga Ambag ng mga Kabihasnang MesoAmerica

Nakagawa ng mga dakilang ambag ang mga Mayan sa agham,


astronomiya, at matematika. Sa matematika, ginamit nila ang 20 bilang base sa
halip na sampu. Nauunawaan ng mga Mayan ang konsepto ng zero at posisyon
ng mga bilang. Ito ang ideya na ang mga numero ay mayroong halaga at
pagkakasunod-sunod gaya na 1 hanggang 10 at 100. Ang kanilang kaalaman sa
matematika at astronomiya ay naging daan sa pagkakagawa nila ng dalawang
kalendaryo. Ang isa ay may 260 na araw at ang isa naman ay may kabuuan na
365 na araw. Nasukat din ng mga Mayan ang haba ng isang solar year.

ROCKFORT PREPARATORY SCHOOL INCORPORATED/JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


23
Araling Panlipunan 8

Nagawa rin nila na matantiya ang mga eclipse at lunar cycle. Ang mga
Mayan ay nagtayo ng matataas na gusaling bato na hindi gumamit ng mga
kagamitang metal o gulong. Ang mga gusali na
itinayo ng mga Mayan ay maihahalintulad sa mga
gusali ng ibang pang sinaunang sibilisasyon.
Nagtayo rin ang mga Mayan ng mga monumentong
bato para itala ang gawa ng kanilang mga haring-
diyos. Ang gumamit ng mga simbolo na tinawag na
glyphs. Sila rin ay mahuhusay sa pag-ukit at
paggawa ng palayok.

Sa Chichen Itza makikita ang step pyramid na may 24 metro (78


talampakan) ang taas. Ang bawat bahagi ay may hagdanang patungo sa Temple
of Kulkukan sa itaas.

Itinayo sa Uxmal ang Magician's Pyramid


na ginawa sa loob ng 400 na taon.

Naitayo ng mga Aztec ang kanilang


bisera sa islang isla sa gitna ng Lake Coco. Nasa sentro ng lungsod ang Great
Temple na napaliligiran ng palasyo, paaralan, mga dambana. Sa labas ng
lungsod ay ang mga chinampas o mga nakalutang na hardin. Marami sa mga
pagkain ngayon sa mundo ay unang tinanim ng mga ninunong Aztec at Inca sa
Mesoamerica at South America. Kabilang dito ang mais, patatas, kamatis,
quinoa, cocoa, kalabasa, at sili.

Ang mga Inca ay nakapagtatag ng malawak na imperyo na umabot sa 2,500


milya (4,000 kilometro) mula Ecuador hanggang Chile. Ang pinakamahalagang
ambag ng mga Inca ay ang organisasyon ng kanilang imperyo. Ang mga
mensahero ay naghahatid ng mensahe sa bawat lugar gamit ang guipu o mga
tela na may mga kulay na itinali. Ang haba ng mga tela at posisyon ng tali ay
ginamit upang itala ang impormasyon. Ang Imperyong Inca ay iniugnay ng
mahigit sa 12,500 milya (20,000 kilometro) na mga kalsada. Upang tawirin ang
pagitan ng mga bundok, gumawa ang mga Inca ng tulay (suspension bridge).
Nagtayo rin ang mga mnca ng mga bahay, templo, at imbakan. Ang sistema ng
mga kalsada na ginawa ng mga Inca ang pinakamahalagang ambag 8 kanilang
sibilisasyon. Ang mga kalsada 14 Ito ang tumawid sa matataas na bundok,
kagubatan, at disyerto. Ang pangunahing kalsada na tinawag na Capac-nan o

ROCKFORT PREPARATORY SCHOOL INCORPORATED/JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


24
Araling Panlipunan 8

royal road ang nag-ugnay sa kabisera ng Cuzco at Quito. Ang mga lungsod na
ito ay may layong 1,500 milya (2,414 kilometro) sa bawat isa. Ang mga kalsada
ng Inca ay gawa sa mga bato na pinagtabi-tabi batay sa sukat. Nagtayo ang mga
Inca ng mga estruktura na gawa sa mga bato na pinagpatong-patong nang
walang semento. Nagawa ng mga estruktura na ito na magtagal kahit dumaan pa
ang maraming lindol sa mga nagdaang siglo. Walang ginamit na gulong ang mga
Inca. Dinadala ng mga Inca ang kanilang mga kalakal at gamit sa pamamagitan
ng mga llama at alpaca. Nagtayo ang mga Inca ng mga bahaypahingahan kung
saan maaaring manatili sa gabi ang mga manlalakbay at magluto.

Nagsagawa ng malalaking proyekto ng irigasyon ang mga Inca kung saan


ay ginawang sakahan ang mga disyerto upang makapagsuplay ng pagkain sa
lumalagong populasyon. Nakagawa rin ang mga Inca ng magagandang
kagamitan na gawa sa ginto at Pllak, at ang iba ay may kasama ring emerald.
Ang mga sibilisasyong Andean ay mahuhusay paggawa ng mga kagamitang
metal. inuring nila ang ginto na pinakamahalaga sa lahat ng metal dahil sa
paniniwalang ito ay pawis ng mga diyos.

MGA AMBAG NG MGA KABIHASNAN SA AFRICA

Nalinang ng kaharian ng Kush ang produksiyon ng mga kagamitan at


sandata na gawa sa bakal at ito ay nakatulong sa paglago ng kanilang
populasyon. Nang malaon, sumibol ang mga lungsod. Nakipagkalakalan sila sa
India, Rome, Timog-Silangang Asya, at China. Ang kanilang pakikipag-ugnayan
sa Timog-Silangang Asya ay nakaimpluwensiya sa kanila sa pagtatanim ng
palay, gabi, saging, at tubo ng asukal. Ang mga Axumite sa Axum ay gumawa ng
libingan ng mga hari na nilagyan ng tanda sa paraan ng matataas na obelisks na
gawa sa granite. Ito ay patunay na ang mga tao sa Africa ay malikhain at may
malalim na pagpapahalaga sa relihiyon.

Ang Ghana ang unang imperyo na sumibol sa Kanlurang Africa. Ang


imperyong ito ay nasa ruta ng kalakalan ng ginto na iniluluwas mula sa
Kanlurang Africa tungong Europe. Umunlad ang sibilisasyon ng Ghana dahil
nagawa nilang magpatupad ng makabagong sistema ng pagbubuwis sa mga
kalakal na lalabas o papasok sa kanilang imperyo. Dahil dito, naging organisado
ang paraan ng pakikipagkakalakan. Sumibol ang Mali nang humina ang Ghana.
Nagpatuloy ang kalakalan ng ginto. Sa paglalakbay ni Mansa Musa, naging
tanyag na kaharian ang Mali sa Mediterranean at Europe. Nakapagtayo ng mga
unibersidad, mosque, at paaralan sa Timbuktu na naging sentro ng kultura. Ang
marami sa mosque sa Sahel sa Mali ay gawa mula sam lokal na materyales gaya
ng putik. Sa paghina ng Mali ay humalili naman ang Songhai Ang Songhai ay
nakalinang ng organisado disiplinadong pamahalaan. Gumawa sila na
sentralisadong pamahalaan at mga maliliit na ahensiya. Patuloy na lumago ang
kalakalan ng ginto gayundin ang iba pang produkto. Naging tanyag sa panahong
ito ang Timbuktu bilang sentro ng kaalaman. Ang unibersidad rito ang kauna-
ROCKFORT PREPARATORY SCHOOL INCORPORATED/JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
25
Araling Panlipunan 8

unahan sa Africa at maraming iskolar sa Europe at Asya ang nagtungo sa


lungsod. Sa kabuuan, malaki ang naging impluwensiya ng mga sibilisasyon sa
Africa sa pag-unlad ng sibilisasyong Kanluranin sa Europe.

MGA AMBAG NG MGA KABIHASNAN SA ISLA SA PACIFIC

Ang mga Polynesian ay nakagawa ng mga twin-hulled na bangkang may

layag. Ang mga ito ay epektibong sasakyang-pantubig. Sa ganitong mga bangka


ay epektibo silang nakapaglayag sa mga isla sa Polynesia. Ang paggalugad na
ito sa Pacific Ocean mula sa Marquesas o Tahiti hanggang New Zealand ang
maituturing na huling kaganapan sa kolonisasyon ng mga pangkat ng tao sa
mundo. Ang pagtatayo ng mga tanyag na estatwa sa Easter Island ay
nangailangan ng maraming oras ng paggawa na nagpapatunay sa paniniwala sa
relihiyon at makasining na kakayahan ng mga Polynesian.

ROCKFORT PREPARATORY SCHOOL INCORPORATED/JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


26
Araling Panlipunan 8

Aralin 6 Ang Buhay sa Europe Noong Gitnang Panahon

Sa ilalim ng Treaty of Verdun, nahati ang imperyo ni Charlemagne sa


kanyang tatlong apo at nang lumaon ay patuloy itong nahati sa mas maraming
mga kaharian. May mga bahagi ng teritoryo na sinalakay ng mga bagong
mananalakay sa Europe-ang mga Viking.

Ang Mga Viking

Ang mga Viking ay mga mandirigma mula sa mga bansang Denmark,


Norway, at Sweden sa rehiyon ng Scandinavia. Silay ay sumalakay sa Europe sa
loob ng 200 taon. Noong ika-8 siglo, ang mga Viking ay nagsimulang maglayag
upang maghanap ng kayamanan at lupang bagong mapagtataniman. Nakagawa
sila ng mga bangka na may kakayahang maglayag sa dagat at ilog. Sinalakay
nila ang mga monasteryo at mga pamayanan sa baybayin at malaon ay mga
lungsod. Sa loob ng dalawang siglo, maraming mga Viking ang nanirahan sa
kanilang nasakop na mga lupain sa Britain, Ireland, at France. Sa France,
nanirahan ang mga Viking sa Normandy. Ito ay teritoryo na ibinigay sa kanila ng
hari upang matigil ang kanilang pagsalakay sa France. May ilan ding sumalakay
sa Italy, Sicily, Spain, at Byzantium. Nagtungo rin ang mga Viking sa Iceland,
Greenland, at North America. Sa mga lugar na ito ay nagawa nilang maningil ng
tributo at manakop at makakuha ng mga lupain. Nagawa rin nila na maglayag sa
mga ilog sa Russia at makipagkalakalan sa Constantinople at sa mga Arabe.
Naitatag din nila ang Kievan Rus, ang unang estado sa Russia. Nakilala ang mga
Viking sa kanilang istilo ng pakikipaglaban, kaya't kinuha sila ng emperor ng
Imperyong Byzantine bilang mga mersernaryong guwardiya.

Ang Unang Naitalang Pagsalakay ng mga Viking

Noong 793 C.E., sinalakay at dinambong ng mga Viking ang monasteryo sa


Lindisfarne sa hilagang Silangang bahagi ng England. Ito ang unang
naitalang pagsalakay ng mga Viking. Ito ay nagdulot ng laganap na
pagkatakot at pangamba.

ROCKFORT PREPARATORY SCHOOL INCORPORATED/JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


27
Araling Panlipunan 8

Nagkaroon ng malaking impluwensiya ang mga Viking sa Europe bunga


ng kanilang pagtatatag ng mga bayan at ruta ng kalakalan, gayundin sa
pagtatatag sa Russia. Nakatulong sila sa pagpapahina ng Imperyong
Carolingian. Bunga ng pagsalakay ng mga Viking, umasa ang mga tao sa mga
panginoong piyudal at nagsanay ang mga kalalakihan na makipaglaban para sa
kanilang proteksiyon. Unti-unti, nagkahiwahiwalay ang Europe bunga ng madalas
na mga labanan at higit na lumaki ang agwat sa pagitan ng mga mayayaman at
mahihirap.xz

Ang Kababaihang Viking

Maliban sa pagsalakay, ang mga Viking ay kilala sa pagsasaka. Ang


kababaihan ang naghahabi ng tela, nagtatanim, at nag-aalaga ng mga
hayop kapag ang kalalakihan ay umaalis.

Ang Pag-iral ng Sistemang Piyudalismo sa Europe

Noong ika-13 siglo, ang mga maharlikang nangako ng alyansa sa hari at


suportang militar ay pinagkalooban ng mga lupain at titulo. Ang mga maharlika ay

Ang Mga Viking Longship

Gumamit ang mga Viking ng mga longship na gawa sa kahoy na ipinako nang
magkakasama. Ang longship ay pinapatakbo ng mga sagwan o ng hangin. Ang mga layag ay
gawa sa tela. May haba na 16 hanggang 30 metro, ito ay magaan at ang mga hull nito ay
mainam rin sa mga mababaw na baybayin, bagay na naging daan upang makapaggalugad
at makasakop ng mga bagong lupain ang mga Viking. Dahil sa mga Viking longship, nagawa
ng mga Viking na manaig sa rehiyong Baltic kung saan kumuha sila ng tributo sa mga taong
nasakop sa anyo ng mga kalakal gaya ng amber, wax, isda, ivory, at balahibo. Nagsagawa
rin sila ng mga pagsalakay sa baybayin ng Atlantic at mga ilog na karugtong ng baybayin

namuno sa mga estado at lalawigan. Humingi sila ng katapatan at nagbigay rin


ng lupain at kapangyarihan bilang pabuya sa kanilang mga matapat na
tagasunod. Ang ganitong ugnayan ang nagpasimula sa sistemang piyudalismo
(feudalism). Ang piyudalismo ang sistemang politikal na umiral sa Kanluran at
Gitnang Europe noong 800 hanggang 1400. Ang proteksiyon na ibinigay ng isang
pinuno sa mga tao ang naging batayan ng piyudalismo. Pagkaraang bumagsak
ang Imperyong Romano, naging mahirap para sa anumang pamahalaan na
epektibong mamuno sa isang malawak na teritoryo. Ang piyudalismo ang
nagbigay-daan sa lokal na pamumuno sa halip na sentralisadong pamahalaan.
Ito ay pagtugon sa pagkasira ng sentralisadong kapangyarihan sa imperyo ng
mga Frank pagkaraang pumanaw ni Charlemagne, at gayundin sa kawalan ng
seguridad na dulot ng pagsalakay noong ika-9 at ika-10 siglo ng mga Magyar,
ROCKFORT PREPARATORY SCHOOL INCORPORATED/JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
28
Araling Panlipunan 8

Muslim, at Viking. Ito ang nagligtas sa Europe sa kaguluhan. Sa sistemang ito,


ang mga tao ay naging tapat sa mga pinuno ng maliliit na teritoryo kaysa sa mas
malalaking politikal na yunit.

Ang Sistemang Piyudalismo

Nagsimula ang piyudalismo sa France sa pamumuno ng mga Frank sa


huling bahagi ng ika-8 siglo at lumaganap sa halos buong Europe. Ito ay paraan
ng pamumuhay na pinaiiral ng mga pangako at kasunduan sa pagitan ng mga
grupo upang mabuhay sila nang magkakasama. Sa ilalim ng sistemang
piyudalismo, hinati ang kaharian o teritoryo sa mga fiefdom. Tinawag na
panginoon (lord) ang nagkakaloob ng lupa at basalyo (vassal) naman ang
tumatanggap ng lupa. Ang lupang ipinagkaloob ng panginoon sa basalyo ay
tinawag na fief. Ang mga basalyo ay inaasahang magiging matapat sa
panginoong maylupa. Samakatuwid, nakatatanggap ang mga tao ng lupain batay
sa kanilang paglilingkod. Ang mga hari ay nagbibigay rin sa kanilang mga
kaalyadong maharlika (noblemen) ng mga lupain kapalit ng militar na paglilingkod
ng mga ito. Kapalit ng malalawak na lupain, nagbabayad ang mga maharlika ng
buwis sa hari, nagbibigay ng mga kabalyero, at nagtataguyod ng mga hukbo.
Ang mga knight (kabalyero) ang nakikipaglaban sa ngalan ng mga maharlika
kapalit ng pagbibigay sa kanila ng maliliit na mga lupain na sinasaka ng mga serf
(magsasaka). Ang isang knight ay kinakailangang magkaroon ng serf o villeins, o
ang mga magsasaka na magbubungkal ng kanyang mga lupain. Nagtatrabaho
ang mga serf sa mga lupain kapalit ng proteksiyon. Hindi maituturing na alipin
ang mga serf subalit hindi rin sila maaaring makalabas ng manor nang walang
pahintulot mula sa panginoong maylupa. Ang yaman ng mga panginoong piyudal
ay mula sa paggawa ng mga serf.

Balangkas ng Sistemang Piyudalismo

Maihahalintulad ang hirarkiya ng sistemang piyudal sa isang pyramid. Sa itaas


ng pyramid ay ang hari. Sa sistemang piyudal, ang hari ang panginoon (lord)
ng mga duke o konde na kanyang mga basalyo (vassals). Ang bawat basalyo
ay mayroong mga mas mabababang basalyo (lesser vassals). Ang panginoon
at basalyo ay mayroong mga obligasyon sa isa't isa. Ang basalyo ay
mangangako na maglilingkod sa kanyang panginoon kapalit ng pagbibigay sa
kanya ng fief o lupain. Kasama sa fief ang mga taong naninirahan dito.
Manoryalis

mo

Nakabatay ang piyudalismo sa mga personal na kasunduan sa pagitan ng


ilang indibidwal na mayroong kapangyarihang militar. Ang mga indibidwal na ito
ay may mga malalaking lupain. Ang paraan ng pamamahala sa malalawak na

ROCKFORT PREPARATORY SCHOOL INCORPORATED/JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


29
Araling Panlipunan 8

lupain kasama ang mga taong naninirahan dito ay isang aspekto ng piyudalismo
na tinatawag na manoryalismo (manorialism). Ang manor ay ang estado ng
panginoong piyudal (feudal lord). Ang manoryalismo sa panahon ng Middle Ages
ay ang batayan ng kaayusang pangkabuhayan na nakasalalay sa mga karapatan
at obligasyon sa pagitan ng panginoon at ng mga serf. Ibinibigay ng panginoon
sa mga serf ang kanilang tahanan, lupang sakahan, at proteksiyon mula sa mga
bandido. Ang isang manor ay binubuo ng tahanan ng panginoon, simbahan, at
mga pagawaan. Nakapaligid naman sa pamayanan sa loob ng manor ang mga
bukirin, pastulan, at gubat. Halos lahat ng kailangan ng mga tao ay nasa loob na
ng manor maliban lamang sa asin at bakal.

May dalawang uri ng tao na naninirahan sa mga manor-ang mga freeman


at serf o villein. Ang mga freeman ay naninirahan sa manor at nagbabayad ng
upa mula sa kanilang mga ani kapalit ng proteksiyon at paggamit sa lupa. Minsan
ay kinakailangan din nilang manilbihan sa panginoong maylupa. Ang isang serf
ay hindi maaaring mag-asawa nang walang pahintulot ng panginoon. Ang nga
personal na kagamitan ng isang serf ay maaring kunin ng panginoon bilang
buwis. Gayumpaman, ang mga serf ay hindi alipin at hindi rin maaaring ipagbili.
Sa loob ng manor, ang lupain ng panginoon ay tinatawag na demesne.
Kadalasan, nagtatrabaho ang mga serf ng isa hanggang tatlong araw sa mga
demesne. May itinatalagang bahagi ng ani ang mga serf na ibinibigay sa
panginoon bilang bayad sa pag-upa ng lupa. Ang iba pang lupain sa manor ay
ang parang, pastulan, at gubat. Mahirap ang buhay sa loob ng manor. Ang mga
serf ay naninirahan sa mga maliliit na tirahan na walang bintana at ang sahig. ay
lupa. Kapag mahina ang ani, ang buong manor ay maghihirap. Kadalasan, ang
buhay ng isang serf ay umaabot lamang sa edad na 40 dahil sa madalas na
pagkakasakit. Karamihan sa kanila ay mga butil lamang ang kinakain at
paminsan-minsan ay gulay.

Ang Panahon ng Chivalry

Noong ika-11 siglo, naglaban ang mga maharlika para sa kapangyarihan,


Upang ipagtanggol ang kanilang mga teritoryo, bumuo ng mga pribadong hukbo
ang mga maharlika, Kapalit ng paglilingkodmilitar, ibinibigay nila ang mga lupa sa
mga knight. Naglalaan ng panahon ang mga knight para sa kanilang pagsasanay
at paghahanda sa digmaan. Ang mga knight ay inaasahang magpamalas ng
katapangan sa digmaan at katapatan sa kanilang panginoon. Ang mga
katangiang ito ay nabibilang sa kodigo ng chivalry. Ang chivalry ay hango sa
salitang Pranses na cheval na nangangahulugang “kabayo.” Kabilang sa mga
tungkulin ng knight ay ang pagtatanggol sa mahihina at mahihirap.

Ang estruktura ng piyudalismo ay batay sa pangako ng katapatan.


Nagawa nitong makontrol ang mga politikal na pinuno, bagay na nagdulot ng
sigalot sa pagitan ng mga emperor at hari. Ang piyudalismo ay ugnayan ng iba't
ibang aspektong panlipunan, pangkabuhayan, at politikal.
ROCKFORT PREPARATORY SCHOOL INCORPORATED/JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
30
Araling Panlipunan 8

1. Panlipunan - Umiral ang lipunan batay sa lupain at kapangyarihang militar.


Ang bawat antas ay may tiyak na karapatan at obligasyon o responsibilidad sa
iba pang antas. Ang mga antas ng tao sa lipunan ay ang serf, knight, at mga
panginoong piyudal na maharlika. May kodigo para sa mga panuntunan sa
paguugali na sinusunod ang mga tao higit lalo ang mga knight at lord.

2. Pangkabuhayan - Nagtatrabaho ang mga serf sa mga lupain sa manor (ang


malaking estado na pinamumunuan ng mga lord o panginoong piyudal) at
nagsusuplay ng pagkain sa mga panginoong piyudal kapalit ng proteksiyon at
tirahan. Samantala, ang panginoong piyudal ay may tungkuling makipaglaban
para sa mas mataas na maharlika (higher noble) gaya ng overlord o hari na
nagbigay sa kanila ng mga lupain. Sa ganitong ugnayan, ang panginoong
maylupa ay nagbibigay ng fealty (paglilingkod o katapatan) sa hari at nagiging
basalyo (vassal) ng hari. Sa sistemang manoryal, ang bawat manor ay
nagagawang suportahan ang sarili nito.

3. Politikal – Ang mga serf ay nakatali sa kanilang lupang sinasaka at walang


kapangyarihang politikal. Ang. kapangyarihan ng hari ay nakabatay sa kanyang
pakikipag-ugnayan sa mga vassal. Sa pagtanggap ng fief (lupain) mula sa hari
(suzerain) sa seremonya na tinawag na investiture, ang vassal ay nasa ilalim ng
proteksiyon ng hari. Bilang kapalit, magbibigay ng homage ang mga vassal sa
pamamagitan ng pangako ng katapatan at militar na paglilingkod. Ang mga
maharlika na panginoong piyudal ay mayroong politikal na kapangyarihan sa
kanilang mga lupain dahil sila ang nagsisilbing huwes, naningil ng buwis, at
nagpapatupad ng batas.

Medieval Knight

Ang mga knight ay mga kawal na sanay na


sumakay sa mga kabayo at mula sa maharlikang
angkan kaya't sila lamang ang may salapi upang
magkaroon ng kabayo at kalasag. Ang isang knight ay
inaasahang may edukasyon, magalang, marangal, at
patas upang magawang tulungan ang mga mahihina
at protektahan ang mga mahihirap. Ang mga
kaugaliang ito ay tinawag na chivalry. Ang isang
knight ay tinatawag na "Sir.” Ang pagiging knight ay
hindi naipapamana, bagkus ito ay nakakamit sa
pamamagitan ng mga serye ng pagsasanay sa loob
ng maraming taon.

ROCKFORT PREPARATORY SCHOOL INCORPORATED/JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


31
Araling Panlipunan 8

ROCKFORT PREPARATORY SCHOOL INCORPORATED/JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


32

You might also like