You are on page 1of 17

Quarter 2

PAG – USBONG AT PAG – UNLAD NG MGA KLASIKAL NA LIPUNAN SA EUROPE

Ang Olympics ay isang pampalakasang paligsahan na nilalahukan ng mga atleta mula sa iba’t ibang bansa. Noong 2008, natuon
ang pansin ng lahat sa Asia dahil sa ginanap na Olympics sa Beijing, China. Saan at kailan nga ba nagsimula ang paligsahang ito?

Naganap ang kauna- unahang Olympics noong 776 BC sa Olympia - isang lungsod- estado ng sinaunang Greece. Kontribusyon
ito ng Klasikal na Kabihasnan sa Europe sa kinabibilangan ng Kabihasnang Greece at Rome.

Sa bahaging ito ng modyul ay pag- aaralan ang mahahalagang pangyayari tungkol sa pag- usbong, pag- unlad, at pagbagsak
ng mga Kabihasnang Greece at Rome. Masasagot din ang katanungang: Paano nakaimpluwensiya ang Panahong Klasikal sa Europe
sa pag- unlad ng pandaigdigang kamalayan?

Umusbong ang mga sinaunang kabihasnan ng China, India, Mesopotamia, at Egypt sa mga lambak- ilog. Ganito rin kaya ang mga
kabihasnang nabuo sa Europe partikular sa Greece at Rome? Alamin sa araling ito ang kasagutan.

Naging sentro ng sinaunang Greece ang mabundok na bahagi ng tangway ng Balkan sa timog at ilang mga pulo sa karagatan ng Aegean.
Samantala, ang karagatan ng Meditteranean ang naging tagapag- ugnay ng Greece sa iba pang panig ng mundo.

Sa mundo ng mga sinaunang Greek, ang karagatan ang pinakamainam na daanan sa paglalakbay. Dahil dito karamihan sa mga
pamayanan nila ay matatagpuan 60 kilometro lamang mula sa baybay- dagat.

Ang lupain ng Greece ay mabato at bulubundukin. Iti ang pangunahing naging sagabal sa mabilis na daloy ng komunikasyon
sag mga pamayanan. Naing mabagal ang paglago ng mga kaisipan at teknolohiya. Subalit ito rin ang naging dahilan upang ang bawat
lungsod- estado ay magkaroon ng kani- kanilang natatanging katangian na nagpayaman sa kanilang kultura.

Ang mga mainam na daungan na nakapaligid sa Greece ay nagbigay- daan sa maunlad na kalakalang pandagat na naging
dahilan ng kanilang maunlad na kabuhayan. Ito rin ang nagbigay- daan upang magkaroon sila ng kaugnayan sa iba’t ibang uri ng tao
na nakatulong naman upang mapayaman nila ang kanilang kultura at maibahagi ang kanilang mga naging tagumpay sa iba’t ibang
larangan ng pamumuhay sa sandaigdigan.

Suriin ang timeline bilang gabay sa pagtalakay sa Kabihasnang Greece.


431 BCE
499 BCE Nagsimula ang 334 BCE
Nagsimula ang Peloponnesian War Pananakop ni
Persian War Alexander the Great

700 BCE 600 BCE 500 BCE 400 BCE 300 BCE 200 BCE

460 BCE
00 BCE Nagsimula ang Golden
Umusbong ang mga Age ng Athens 404 BCE
lungsod- estado ng
Tinalo ng Sparta ang
Athens
Athens

Ang mga Minoans

Ayon sa mga arkeologo, ang kauna- unahang sibilisasyong Aegean ay nagsimula sa Crete mga 3100 BCE o Before the Common Era.
Tinawag itong Kabihasnang Minoan batay sa pangalan ni Haring Minos, ang maalamat na haring sinasabing nagtatag nito. Kilala ang
mga Minoan bilang mahuhusay gumamit ng metal at iba pang teknolohiya. Nakatira sila sa mga bahay na yari sa laryo o bricks at may
sistema sila ng pagsulat. Magagaling din silang mandaragat.

Hindi nagtagal, kinilala naman ang Knossos bilang isang makapangyarihang lungsod at sinakop nito ang kabuuan ng Crete.
Dito matatagpuan ang isang napakatayog na palasyo na nakatayo sa dalawang ektarya ng lupa at napapaligiran ng mga bahay na bato.
Ang palasyo ay nasira ng sunud- sunod na sunog at iba pang mga natural na kalamidad.

Paglipas ng ilan pang taon na tinataya 1600 hanggang 1100 BCE narating ng Crete ang kanyang tugatog. Umunlad ng husto
ang kabuhayan dito dulot na rin ng pakikipagkalakalan ng mga Minoan sa Silangan at sa paligid ng Aegean. Dumarami ang mga bayan
at lungsod at ang Knossos ang naging pinakamalaki.

Sa pamayanang Minoan ay may apat na pangkat ng tao: ang mga maharlika, mga mangangalakal, mga magsasaka, at mga
alipin. Sila ay masayahing mga tao at mahiligin sa magagandang bagay at kagamitan. Maging sa palakasan ay di nagpahuli ang mga
Minoan. Sila na siguro ang unang nakagawa ng arena sa buong daigdig kung saan nagsasagawa ng mga labanan sa boksing.

Ang Kabihasnang Minoan ay tumagal hanggang mga 1400 BCE. Nagwakas ito nang salakayin ang Knossos ng mga di nakikilalang
mga mananalakay na sumira at nagwasak sa buong pamayanan. Tulad ng inaasahan, ang iba pang mga lungsod ng mga Minoan ay
Dito.
bumagsak at isa- isang nawala.
Ang mga Mycenaean

Bago pa salakayin at sakupin ng mga Mycenaean ang Crete, nasimulan na nilang


paunlarin ang ilang pangunahing kabihasnan sa Timog Greece.

Ang Mycenaea na matatagpuan 16 kilometro ang layo sa aplaya ng karagatang


Aegean, ang naging sentro ng kabihasnang Mycenaean. Ang mga lungsod dito ay
pinag- ugnay ng maayos na daanan at mga tulay. Napapaligiran ng makapal na
paderang lungsod upang magsilbing panangga sa mga maaaring lumusob dito.
Pagdating ng 1400 BCE, isa nang napakalakas na mandaragat ang mga Mycenaean
at ito ay nalubos nang masakop at magupo nila ang Crete. Naiugnay nila ang Crete
sa lumalagong kabihasnan sa Greece. Maraming mga salitang Minoan ang
naidagdag sa wikang Greek. Ang sining ng mga Greek ay naimpluwensiyahan ng mga
istilong Minoan. Ilan sa mga alamat ng Minoan ay naisama sa mga kuwento at alamat ng Greek.

Bagamat walang naiwang mga nakasulat na kasaysayan, ang pagsasalin- salin ng mga kuwento ng mga hari at bayaning
Mycenaean ay lumaganap. Di naglaon ang mga kuwentong ito ay nag- ugnay sa mga tao at sa mga diyos- diyosan. Ito ang sinasabing
naging batayan ng mitolohiyang Greek. Sa bandang huli, hindi nailigtas ng mga pader na kanilang ginawa ang mga Mycenaean sa
paglusob ng mga mananalakay.

Noong 1100 BCE, isang pangkat ng tao mula sa hilaga ang pumasok sa Greece at iginupo ang mga Mycenaean. Sila ay kinilalang
mga Dorian. Samantala, isang pangkat naman ng tao na mayroon din kaugnayan sa mga Mycenaean ang tumungo sa timog ng Greece
sa may lupain sa Asia Minor na hangganan ng karagatang Aegean. Nagtatag sila ng kanilang pamayanan at tinawag itong Ionia. Nakilala
sila bilang mga Ionian.

Ang mga pangyayaring ito ay tinaguriang dark age o madilim na panahon na tumagal din nang halos 300 taon. Naging palasak
ang digmaan ng mga iba’t ibang kaharian. Nahinto ang kalakalan, pagsasaka, at iba pang gawaing pangkabuhayan. Maging ang paglago
ng sining at pagsulat nang unti- unti ay naudlot din.

Mula sa labi ng madilim na panahon, unti- unting umusbong sa Ionia ang isang bagong sibilisasyon na mabilis ding lumaganap
sa kabuuan ng Greece. Ilang pamayanan sa baybayin ng Greece na tinatawag ang kanilang sarili na Hellenes o Greeks ang nagkaroon
ng malaking bahagi sa sibilisasyong ito. Kinilala ito sa kasaysayan bilang Kabihasnang Hellenic mula sa kanilang tawag sa Greece na
Hellas. Ito ay tumagal mula 800 BCE hanggang 400 BCE at naging isa sa mga pinakadakilang sibilisasyong naganap sa kasaysayan ng
daigdig.

Ang Polis

Dahil sa mga digmaan bago pa ang Panahong Hellenic, nagtayo ng mga kuta ang mga Greek sa mga lugar sa may gilid ng mga burol at
sa mga taluktok ng bundok upang maprotektahan ang kanilang sarili sa pagsalakay ng iba’t ibang pangkat. Ang mga pook na ito ay
naging pamayanan. Dito nagsimula ang mga lungsod- estado o polis kung saan hango ang salitang may kinalaman sa pamayanan tulad
ng pulisya, politika, at politico. May malalaki at maliliit na polis. Ang pinakahuwarang bilang na dapat bumuo ng isang polis ay 5000 na
kalalakihan dahil noon ay sila lamang ang nailalagay sa opisyal na talaan ng populasyon ng lungsod- estado. Karamihan sa mga polis
ay may mga pamayanang matatagpuan sa matataas na lugar na tinawag na acropolis o mataas na lungsod. Sa panahon ng digmaan,
ito ang naging takbuhan ng mga Greek para sa kanilang proteksyon. Sa acropolis matatagpuan ang matatayog na palasyo at templo
kung kaya’t ito ang naging sentro ng politika o relihiyon ng mga Greek. Samantala, ang ibabang bahagi naman ay tinawag na agora o
pamilihang bayan. Napapaligiran ng mga pamilihan at iba pang mga gusali na nagbigay- daan sa malayang bilihan at kalakalan.

Sa mga lungsod- estado, naramdaman ng mga Greek na sila ay bahagi ng pamayanan. Ito ang dahilan kung bakit ipinagkaloob
naman nila dito ang kanilang katapatan at paglilingkod. Hindi lahat ng mga nasa lungsod- estado ay mamamayan nito. Ang mga
lehitimong mamamayan ay binigyang karapatang bomoto, magkaroon ng ari- arian, humawak ng posisyon sa pamahalaan, at
ipagtanggol ang sarili sa mga korte.

Bilang kapalit, sila ay dapat na makilahok sa pamahalaan at tumulong sa pagtatanggol sa mga polis sa panahon ng digmaan.
Ang lahat ng ito, dagdag pa ang paglago ng kalakalan, ay nagbigay- daan sa pag- unlad ng mga lungsod- estado. Kasabay nito ang
mabilis na paglaki ng populasyon na naging pangunahing dahilan naman kung bakit nangibang lugar ang mga Greek. Ang iba ay
napadpad sa paligid ng mga karagatang Meditteranean at Iton. Bagamat napunta sila at nanirahan sa malalayong lugar, di nawala ang
kanilang ugnayan sa pinagmulang lungsod- estado o metropolis.

Mula sa pakikipagkalakalan sa iba’t ibang panig ng daigdig, natutuhan ng mga Greek ang mga bagong ideya at teknik. Mula
sa mga Phoenician ay nakuha nila ang ideya ng alapbeto na naging bahagi ng kanilang sariling alpabeto. Ginamit din nila ang mga
teknik ng mga Phoenician sa paggawa ng mas malalaki at mabibilis na barko. Sa mga Sumerian naman ay namana nila ang sistema ng
panukat. Mula naman sa mga Lydian ay natutuhan nila ang paggamit ng sinsilyo at barya sa pakikipagkalakalan.

Sparta, ang Pamayanan ng mga Mandirigma

Ang polis o lungsod- estado ng Sparta ay itinatag ng mga Dorian sa Peloponnesus na nasa timog na bahagi ng tangway ng Greece. Sa
lahat ng mga lungsod- estado, ang Sparta lamang ang hindi umasa sa kalakalan. Ito ay may magandang klima, sapat na patubig at
matabang lupa na angkop sa pagsasaka. Pinalawak ng mga Spartan ang kanilang lupain sa pamamagitan ng pananakop ng mga karatig
na lupang sakahan at pangangamkam nito. Ang mga magsasaka mula sa nasakop na mga lugar ay dinala nila sa Sparta upang maging
mga Helot o tagasaka sa malawak nilang lupang. Samakatuwid, naging alipin ng mga Spartan ang mga Helot. Maraming pagkakataon
na nag- alsa laban sa mga Spartan ang mga Helot ngunit ni isa rito ay walang nagtagumpay. Dahilan sa palagiang pag- aalsa ng mga
Helot, nagdesisyon ang mga Spartan na palakasin ang kanilang hukbong militar at magtatag ng isang pamayanan ng mga mandirigma
upang maging laging handa sa kahit anong pag- aalsang gagawin ng mga Helot.

Ang naging pangunahing mithiin ng lungsod- estado ng Sparta ay magkaroon ng kalalakihan at kababaihang walang
kinatatakutan at may malakas na pangangatawan. Ang mga bagong silang na sanggol ay sinusuri. Kapag nakitang mukhang mahina at
sakitin ang isang sanggol ay dinadala sa paanan ng kabundukan at hinahayaang mamatay doon. Samantala, ang malulusog na sanggol
ay hinahayaang lumaki at maglaro sa kani- kanilang bahay, hanggang sumapit ang ikapitong taon nila. Pagsapit ng pitong taon, ang
mga batang lalaki ay dinadala na sa mga kampo- military upang sumailalim sa mahigpit na disiplina at sanayin sa serbisyo militar.
Malakas na pangangatawan, katatagan, kasanayan sa pakikipaglaban, at katapatan ang ilang sa pangunahing layunin ng pagsasanay.
Tinitiis nila ang mga sakit at hirap ng walang reklamo. Pinapayagan lamang sila na makita ang kanilang pamilya sa panahon ng
bakasyon. Sa gulang na 20, ang mga kabataang lalaki ay magiging sundalong mamamayan at ipinapadala na sa mga hangganan ng
labanan. Sa edad na 30, sila ay inaasahang mag- aasawa na ngunit dapat na kumain at manirahan pa rin sa kampo, kung saan hahati
na sila sa gastos, Sa edad na 60, sila ay maaari ng magretiro sa hukbo.

Sa lipunan ng mga Spartan, ang lahat ay nakikiisa upang mapigilan, ang mga pag- aalsa ng mga Helot. Maging ang mga
kababaihan ay sinasanay na maging matatag. Di tulad ng mga kababaihang Greek na limitado ang ginagampanan sa lipunan, ang
kababaihang Spartan ay maraming tinatamasang karapatan. Sila ang mga nag- aasikaso ng lupain ng kanilang mga asawa habang ang
mga ito ay nasa kampo- militar. Nangunguna din sila sa mga palakasan at malayang nakikipaghalubilo sa mga kaibigan ng kani- kanilang
mga asawa habang masaya silang nanonood ng mga palarong tulad ng pagbubuno o wrestling, boksing, at karera.

Ang Sparta ang responsable sa pagkakaroon ng pinakamahusay na sandatahang lakas sa buong daigdig. Sa simula, labo- labo
kung makipagdigma ang mga Greek. Oo nga’t sama- samang nagmamartsa sa lugar ng digmaan, ang mga sundalo ay isa- isang
nakikipaglaban sa mga kaaway hanggang sila ay manghina at mamatay. Nang lumaon ang mga Griyego, lalo na ang mga Spartan, ay
mas naging maparaan, sa kanilang pakikidigma. Sa halip na lumusob ng isa- isa sa mga kalaban, sila ay nananatiling sama- sama sa
pagkakatayo pasulong man o paurong sa labanan, hawak ang pananggalang sa kaliwang kamay at espada naman sa kanan. Ang
hukbong ito na tinaguriang phalanx ay karaniwang binubuo ng hanggang 16 na hanay ng mga mandirigma. Kapag namatay ang mga
sundalo sa unang hanay, ito ay mabilis na sinasalitan ng susunod pang hanay. Ang phalanx ay hindi mga bayarang mandirigma, sila ay
tagapagtanggol ng kanilang polis.

Ang Athens at ang Pag- unlad Nito

Sa simula ng 600 BCE, ang Athens ay isa lamang maliit na bayan sa gitnang tangway
ng Greece na tinatawag na Attica. Ang buong rehiyon ay hindi angkop sa pagsasaka kaya
karamihan sa mga mamamayan nito ay nagtrabaho sa mga minahan, gumawa ng mga
ceramics, o naging mangangalakal o mandaragat. Hindi nanakop ng mga kolonya ang
Athens. Sa halip, pinalawak nito ang kanilang teritoryo na naging dahilan upang ang iba
pang nayon sa Attica ay sumali sa kanilang pamamahala.

Sa sinaunang kasaysayan, ang Athens ay pinamunuan ng mga tyrant na noon ay


nangangahulugang mga pinunong nagsusulong ng karapatan ng karaniwang tao at maayos
na pamahalaan. Bagama’t karaniwan sa kanila ay naging mabubuting pinuno, may
mangilan- ngilan din na umabuso sa kanilang posisyon na nagbigay ng bagong kahulugan sa
katawagang tyrant bilang malupit na pinuno sa ating panahon, sa kasalukuyan.

Sa simula, ang Athens ay pinamumunuan ng hari na inihalal ng asembleya ng


mamamayan at pinapayuhan ng mga konseho ng maharlika. Ang asembleya ay binubuo
naman ng mayayaman na may malaking kapangyarihan. Ang mga pinuno nito ay tinawag
na Archon na pinaburan naman ang mga may kaya sa lipunan.

Hindi nagtagal, nagnais ng pagbabago ang mga artisan at mga mangangalakal. Upang Ang Parthenon ng Greece
ang mapigil ang lumalalang sitwasyon ng mga di nasisiyahang karaniwang tao, nagpagawa ang
mayayamang tao o aristokrata ng nakasulat na batas kay Draco, isang tagapagbatas. Malupit ang mga batas ng Greek at hindi ito
binago ni Draco ngunit kahit na paano ang kodigong ginawa niya ay nagbigay ng pagkakapantay- pantay sa lipunan at binawasan ng
mga karapatan ang mga namumuno. Sa gitna ng pagbabagong ito nananatiling hindi kontento ang mga mamamayan ng Athens.
Maraming Athenian ang nagpaalipin upang makabayad ng malaking pagkakautang. Marami rin sa kanila ang nagnais ng mas malaking
bahagi sa larangan ng politika.

Ang sumunod na pagbabago ay naganap noong 594 BCE, sa pangunguna ni Solon na mula sa mga pangkat ng aristokrata na yumaman
sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan. Kilala din siya sa pagiging matalino at patas. Inalis
niya ang mga pagkakautang ng mahihirap at ginawang ilegal ang pagkaalipin nang dahil sa
utang. Gumawa rin siya ng sistemang legal kung saan lahat ng malayang kalalakihang
ipinanganak mula sa mga magulang na Athenian ay maaaring maging hurado sa mga korte.
Ang mga repormang pampolitika na ginawa ni Solon ay nagbigay ng kapangyarihan sa mga
mahihirap at karaniwang tao. Nagsagawa rin siya ng mga repormang pangkabuhayan upang
maisulong ang dayuhang kalakalan at mapabuti ang pamumuhay ng mga mahihirap.
Nalutas ng repormang pangkabuhayan ang ilang pangunahing suliranin ng Athens at
napaunlad ang kabuhayan nito. Sa gitna ng malawakang repormang ginawa ni Solon, hindi
nasiyahan ang mga aristokrata. Para sa kanila, labis na pinaburan ni Solon ang mga
mahihirap. Sa kasalukuyan, ginagamit ang salitang solon bilang tawag sa mga kinatawan ng
pambansang pamahalaan na umuugit sa batas.

Noong 546 BCE, isang politikong nagngangalang Pisistratus, ang namuno sa pamahalaan
Si Solon, isang mambabatas na ng Athens. Bagama’t mayaman siya, nakuha niya ang suporta at pagtitiwala ng karaniwang
tao. Mas radikal ang mga pagbabagong ipinatupad niya tulad ng pamamahagi ng malalaking
Greek
lupang sakahan sa walang lupang mga magsasaka. Nagbigay siya ng pautang at nagbukas
ng malawakang trabaho sa malaking proyektong pampubliko. Pinagbuti niya ang sistema
ng patubig.

Noong 510 BCE, naganap muli ang pagbabago sa sistemang politikal ng Athens sa
pamumuno ni Cleisthenes. Hinati niya ang Athens sa sampung distrito. Limampung
kalalakihan ang magmumula sa bawat distrito at maglilingkod sa konseho ng tagapayo
upang magpasimula ng batas sa Asembleya ang tagagawa ng mga pinaiiral na batas. Sa
kauna- unahang pagkakataon, nakaboto sa Asembleya ang mamamayan, may ari man
ng lupa o wala.

Upang mapanatili ang kalayaan ng mga mamamayan ipinatupad ni Cleisthenes ang isang
sistema kung saan bawat taon ay binibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na ituro
ang taong nagsisilbing panganib sa Athens. Kapag ang isang tao ay nakakuha ng mahigit 6
ooo boto, siya ay palalayasin sa Athens ng 10 taon. Dahil sa ang pangalan ay isinulat sa pira-
pirasong palayok na tinatawag na Ostrakon, ang sistema ng pagpapatapon o pagtatakwil sa
isang tao ay tinawag na ostracism. Bagama’t kaunti lamang ang naipatapon ng sistemang
ito, nabigyan ng mas malaking kapangyarihan ang mga mamamayan.
Si Cleisthenes, isang mahusay
Sa pagsapit ng 500 BCE, dahil sa lahat ng mga repormang naipatupad sa Athens, ang
na pinunong Greek
pinakamahalagang naganap ay ang pagsilang ng demokrasya sa Athens, kung saan
nagkaroon ng malaking bahagi ang mga mamamayan sa pamamalakad ng kanilang
pamahalaan.

.
Ang Mga Pangyayari sa Roma
Imperyong Macedonian

Hinangad ni Philip, hari ng Macedonia, na pag- isahin ang mga


lungsod- estado sa Greece sa ilalim ng kaniyang pamamahala. Upang
matupad ang kaniyang hangarin, bumuo siya ng isang hukbo at sinanay sa
pinakamabisang paraan ng pakikidigma. Bilang pagtatanggol ng kanilang
kalayaan, sinalakay ng magkasanib na puwersa ng Athens at ng Thebes ang
Macedonia noong 338 BCE. Madaling tinalo ni Philip ang hukbo ng dalawang
lungsod- estado. Ang pagkatalo ng Athens at Thebes ay hudyat ng
pagtatapos ng kapangyarihan ng mga lungsod- estado. Ang buong Greece,
maliban sa Sparta, ay napasailalim sa kapangyarihan ng Macedonia.

Naging tanyag na pinuno ng Macedonia ang anak ni Philip na si Alexader the Great. Noong siya ay bata
pa lamang, naging guro niya si Aristotle na nagturo sa kaniya ng pagmamahal sa kultura at karunungan.
Habang lumalaki, natutuhan niya ang kagalingan sa pakikidigma. Siya ay 21 taong gulang nang mamatay ang
kaniyang ama at naging hari ng Macedonia at Greece. Matalino, malakas ang loob, at magaling na pinuno si
Alexander. Sinalakay niya ang Persia at Egypt at pagkatapos ay tumungo sa silangan at sinakop ang
Afghanistan at Hilagang India. Nagtatag siya ng imperyo na sumakop sa kabuuan ng Kanlurang Asya, Egypt, at
India. Pinalaganap niya ang kaisipang Greek sa silangan.

Noong 323 BCE, sa gulang na 32 taon namatay si Alexander sa Babylon sa hindi matiyak na
karamdaman.

KABIHASNANG ROME

Ang Italy ay isang bansang matatagpuan sa Kanlurang Europe. Ito ay isang peninsula na nakausli sa
Mediterranean Sea. Katuald ng Greece, ang Italy ay binubuo ng maraming kabundukan at ilang mga
kapatagan. Isang mahalagang kapatagan ang Latium. Ang ilog Tiber ay dumadaloy sa kapatagang ito. May ilang
bakas ng sinaunang kabihasnan sa kapatagan ng Laitum at sinasabing ditto umusbong ang dakilang lungsod ng
Rome.

Masasabing istratehiko ang lokasyon ng Rome dahil sa ilog Tiber nag nag- uugnay dito sa
Mediterranean Sea. Ang lokasyong ito ay nagbigay- daan sa pakikipagkalakan ng Rome sa mga bansang
nakapalibot sa Mediterranean Sea. Ang saganang kapatagan at maunlad na agrikultura ay kayang suportahan
ang pagkakaroon ng malaking populasyon.

Ang Simula ng Rome

Ang Rome ay itinatag sa kalagitnaan ng ikawalong


siglo BCE ng mga unang Roman na nagsasalita ng Latin, isang
sangay ng wikang nabibilang sa Indo- Europeo. Sila ay
lumipat sa gitanang Italy at nagtayo ng sakahang pamayanan
sa Latium Plain.

Ayon sa isang matandang alamat ang Rome ay


itinatag ng kambal na sina Romulus at Remus. Habang mga
sanggol pa lamang, inilagay sila sa isang basket at ipinaanod
sa Tiber River ng kanilang amain sa takot na angkinin ng
kambal ang kaniyang trono.

Ang kambal ay sinagip at inaruga ng isang babaing lobo. Nang lumaki ang dalawa at nalaman ang
kanilang pinagmulan, inangkin nila ang trono at itinatag ang Rome sa pampang ng Tiber River noong 753 BCE.
Ang mga Roman ay tinalo ng mga Etruscan, ang kalapit na tribo sa hilaga ng Rome. Sila ay magagaling
sa sining, musika, at sayaw. Dalubhasa rin sila sa arkitektura, gawaing metal, at kalakalan. Tinuruan nila ang
mga Roman sa pagpapatayo ng mga gusaling may arko, mga aqueduct, mga barko, paggamit ng tanso,
paggawa ng mga sandata sa pakikidigma, pagtatanim ng ubas, at paggawa ng alak.

Ang Roman Republic

Sang- ayon sa tradisyon, pinaalis ng mga Roman ang punong Etruscan at nagtayo ng Republika, isang
pamahalaang walang hari. Noong 509 BCE, namuno si Lucius Junius Brutus at nagtagumpay sa pagtataboy sa
mga Etruscan. Pagkatapos maitaboy ang huling haring Etruscan na si Tarquinius Superbus, itinatag ni Lucius
Brutus ang isang Republika. Tumagal ito mula 509 hanggang 31 BCE.

Sa halip na pumili ng hari, naghalal ang mga Roman ng dalawang konsul na may kapangyarihang tulad
ng hari at nanungkulan sa loob lamang ng isang taon. Bawat isa ay may kapangyarihang pigilin ang pasya ng
isa. Dahil sa pagkakahati ng kapangyarihan ng mga konsul, humina ang sangay ng tagpagpaganap. Sa oras ng
kagipitan, kinakailangang pumili ng diktador na manunungkulan sa loob lamang ng anim na buwan.
Nagtatamasa ang diktador ng higit na kapangyarihan kaysa mga konsul.

Republika lamang sa pangalan ang mga pamahalaan dahil laan lamang ito sa mga maharlika o patrician.
Pawang mga patrician ang dalawang konsul, ang diktador, at ang lahat ng kasapi ng senado. Mga kapos sa
kabuhayan ang plebeian at kasapi ng Assembly na binubuo ng mga mandirigmang mamamayan. Walang
kapangyarihan ang plebeian at hindi rin makapag-aasawa ng patrician.

Tagumpay ng Plebeian Laban sa Patrician

Ayon sa kasaysayan, nagsimulang maghimagsik ang mga plebeian noong 494 BCE upang magkamit ng
pantay na karapatan. Nagmartsa sila sa buong Rome at lumikas sa kalapit na lugar na tinaguriang Banal na
Bundok. Doon sila nagbalak magtayo ng sariling lungsod. Sa takot ng mga patrician na mawalan ng mga
manggagawa, sinuyo nila ang mga plebeian upang itigil ang kanilang balak sa pamamagitan ng pagpapatawad
sa dati nilang utang; pagpapalaya sa mga naging alipin nang dahil sa pagkakautang; at paghahalal ng mga
plebeian ng dalawang mahistrado o tribune na magtatanggol ng kanilang karapatan.

May karapatan ang tribune o mahistrado na humadlang sa mga hakbang ng senado na makakasama sa
mga plebeian. Kapag nais hadlangan ng isang tribune ang isang panukalang- batas, dapat lamang niyang isigaw
ang salitang Latin na veto! (Tutol Ako). Sa loob ng isang siglo at kalahati, nagkaroon ng higit na maraming
karapatan ang plebeian. Noong 451 BCE, dahil sa mabisang kahilingan ng mga plebeian, nasulat ang mga batas
sa 12 lapidang tanso at inilagay sa rostra ng forum upang mabasa ng lahat. Ang 12 Tables ang kauna- unahang
nasulat na batas sa Rome at naging ugat ng Batas Roman. Sa pamamagitan nito, nabawasan ang panlilinlang sa
mga plebeian at napagkalooban sila ng karapatang makapag- asawa ng patrician, mahalal na konsul, at maging
kasapi ng senado.

Digmaang Punic

Sa simula makapangyarihan ang Carthage sa dagat bagaman pawing upahan ang mga mandirigma nito
dahil sa maliit na populasyon. Ang mga Roman naman sa simula ay walang hukbong pandagat ni karanasan sa
digmaang pandagat.

Nagdulot ng suliranin sa Carthage ang pananakop ng Rome sa bahaging timog ng Italy. Nagsisimula pa
lamang ang Carthage noon na maging makapangyarihan sa kanlurang bahagi ng Mediterranean. Itinatag ang
Carthage (Tunis ngayon) ng mga Phoenician mula sa Tyre noong 814 BCE. Nang sakupin ng Persia ang Tyre,
naging malaya ang Carthage at nagtatag ito ng imperyong komersiyal na nasasakop ng hilagang Africa,
silangang bahagi ng Spain, pulo ng Corsica, Sardinia, at Sicily.

Nasubok ang kapangyarihan ng Rome at Carthage sa tatlong Digmaang Pinic- salitang Latin na nagmula
sa pangalang Phoenicia. Sa digmaang ito napagpasyahan kung sino ang mamumuno sa Mediterranean.
Digmaang Punic Mahahalagang Pangyayari Kinahinatnan
Unang Digmaang • Bagamat walang malakas na plota, dinaig ng ➢ Nanalo ang Rome laban sa
Punic (264 – 241 Rome ang Carthage noong 241 BCE. Carthage.
BCE) • Nagpagawa ang Rome ng plota at sinanay
ang mga sundalo nito na maging magagaling
na tagapagsagwan.
• Bilang tanda ng pagkakapanalo ng Rome,
sinakop nito ang Sicily, Sardinia, at Corsica.
Ikalawang • Nanalo ang Rome laban sa Carthage. ➢ Natalo si Hannibal sa
Digmaang Punic • Nagsimula ito noong 218 BCE nang salakayin labanan sa Zama noong
(218 – 202 BCE) ni Hannibal, ang heneral ng Carthage, ang 202 BCE.
lungsod ng Saguntum sa Spain na kaalyado ➢ Sa isang kasunduang
ng Rome. pangkapayapaan nong 201
• Mula Spain, tinawid ni Hannibal ang timog BCE, pumayag ang
France kasama ng mahigit na 40 000 sundalo. Carthage na sirain ang
• TInawid din nila ang bundok ng Alps upang plota nito, isuko ang Spain,
makarating sa Italy. at magbayad ng buwis
• Tinalo ni Hannibal ang isang malaking hukbo taon- taon sa Rome.
ng Rome sa Cannae noong 216 BCE. Subalit
hindi naghangad si Hannibal na salakayin ang
Rome nang hindi pa dumarating ang
inaasahang puwersa na manggagaling sa
Carthage.
• Sa ilalim ng pamumuno ni Scipio Africanus,
sinalakay ng mga Roman ang hilagang Africa
upang pilitin si Hannibal na iwan ang Italy at
tumungo sa Carthage upang sagipin ang
kaniyang mga kababayan.

Ikatlong • Matapos ang 50 taon, naganap ang Ikatlong ➢ Muling natalo ang Carthage
Digmaang Punic Digmaang Punic sa digmaan.
• Mahalaga ang papel ni Marcus Porcius Cato, ➢ Kinuha ng Rome ang lahat
isang pinuno at manunulat na Roman, sa ng pag-aari ng Carthage sa
pagsiklab ng digmaan. Sa kanyang pagbisita Hilagang Africa.
sa Carthage, nakita niya ang kasaganahan at
luho ng pamumuhay ditto. Batid niyang
malakas ang Carthage at nanatili itong banta
sa seguridad ng Rome. Pagbalik sa Rome,
itinanim niya sa isipan ng Senado at publiko
na dapat wasakin ang Carthage.
• Nang salakayin ng Carthage ang isang
kaalyado ng Rome, sinalakay ng Rome ang
Carthage. SInunog nito ang lungsod at
ipinagbili ang mga mamamayan bilang alipin.
Batas panitikan

Ang mga Romano ay kinikilala bilang Ang panitikan ng Rome ay nagsimula noong
pinakadakilang mambabatas ng sinaunang kalagitnaan ng ikatlong siglo BCE. Subalit ang mga ito
panahon. Ang kahalagahan ng Twelve ay salin lamang ng mga tula at dula ng Greece. Ang
Tables ay ang katotohanan na wala itong halimbawa ay si Livius Andronicus na nagsalin ng
tinatanging uri ng lipunan. Ito ay batas para “Odyssey” sa Latin. Si Marcus Palutus at Terence ay
sa lahat, patrician o plebeian man. Ito ang ang mga unang manunulat ng comedy. Ang iba pang
ginamit upang alamin ang mga krimen at manunulat ay sina Lucretius at Catullus. Si Cicero
tantiyahin ang kaukulang parusa. Nakasaad naman ay isang manunulat at orador na nagpahalaga
dito ang mga karapatan ng mga sa batas. Ayon sa kanya, ang batas ay hindi dapat
mamamayan at ang pamamaraan ayon sa maimpluwensiyahan ng kapangyarihan o sirain ng pera
batas. kailanman.

Inhenyeriya pananamit

Ipinakita ng Romano ang kanilang galing sa Dalawa ang kasuotan ng mga lalaking Roman. Ang
inhenyeriya. Nagtayo sila ng mga daan at tulay tunic ay kasuotang pambahay na hanggang
upang pag- ugnayin ang buong imperyo kabilang tuhod. Ang toga ay isinusuot sa ibabaw ng tunic
ang malalayong lugar. Marami sa mga daan na kung sila ay lumalabas ng bahay.
ginawa nila noon ay ginagamit pa hanggang
ngayon. Isang halimbawa ang Appian Way na Ang mga babaing Roman ay dalawa rin ang
nag- uugnay sa Rome at timog Italy. Gumawa rin kasuotan. Ang stola ay kasuotang pambahay at
sila ng mga aqueduct upang dalhin ang tubig sa palla ay isinusuot sa ibabaw ng stola.
lungsod.

arkitektura

Ang mga Roman ang tumuklas ng semento. Marunong na rin silang gumamit ng stucco, isang plaster na
pampahid at pantakip sa labas ng pader. Umaangkat sila ng marmol mula sa Greece. Ang arch na
natutuhan ng mga Roman mula sa mga Etruscan ay ginagamit sa mga templo, aqueduct, at iba pang
mga gusali. Ang gusali na ipinakilala ng mga Roman ay ang basilica, isang bulwagan na nagsisilbing korte
at pinagpupulungan ng Assembly. Mayroon din silang pampublikong paliguan at pamilihan na
nagsisilbing tagpuan para sa mga negosyo at pag- uusap. Ito ay nasa forum, ang sentro ng lungsod.

May iba pang gusaling pinatatayo na hanggang ngayon ay makikita pa rin sa Rome. Halimbawa ay ang
Coliseum na isang ampitheather para sa mga labanan ng mga gladiator.
Pag-usbong ng mga Kabihasnan sa Daigdig

Basahin at unawain ang teksto tungkol sa kabihasnang Klasikal ng America, Africa, at mga Pulo sa
Pacific sa daigdig.

Kabihasnan sa Mesoamerica

Habang umuunlad at nagiging makapangyarihan ang mga Sinaunang Kabihasnan sa


Mesopotamia, India, at China, nagsisimula naman ang mga mamamayan sa Mesoamerica na magsaka.
Ang maliliit na pamayanang agrikultural na ito ay nabuo sa Gitna at Timog na bahagi ng Mesoamerica.
Nang lumaon, naging makapangyarihan ang ibang pamayanan at nakapagtatag ng lungsod-estado. Ang
mga bumuo ng lungsod-estado ay nakapagtatag ng sarili nilang kabihasnan. Ilan dito ay ang kabihasnang
Olmec at Zapotec na tinalakay sa nakaraang Modyul.

Sumunod na nakilala sa Mesoamerica ang Kabihasnang Maya at Aztec. Naging maunlad rin ang
Kabihasnang Inca sa Timog America. Katulad ng kabihasnang Greece, at Rome, ang pagiging maunlad at
makapangyarihan ay nagtulak sa mga kabihasnan sa Mesoamerica at Timog America na manakop ng
lupain at magtayo ng imperyo. Malawak ang naging impluwensiya ng mga Maya, Aztec, at Inca kung kaya’t
itinuturing ang mga ito na Kabihasnang Klasikal sa America.
Kabihasnan sa Mesoamerica

Kabihasnang Maya (250 C.E. – 900 C.E.)


Namayani ang Kabihasnang Maya sa Yucatan Kabihasnang Aztec (1200 – 1521)
Peninsula, ang rehiyon sa Timog Mexico hanggang
Ang mga Aztec ay mga nomadikong tribo na ang orihinal
Guatemala. Nabuo rito ang mga pamayanang lungsod
ng Maya tulad ng Uaxactun, Tikal, El Mirador, at Copan. na pinagmulan ay hindi tukoy. Unti-unti silang tumungo
Nakamit ng Maya ang rurok ng kaniyang kabihasnan sa sa Lambak ng Mexico sa pagsapit ng ika-12 siglo C.E.
pagitan ng 300 C.E. at 700 C.E. Ang salitang Aztec ay nangangahulugang “isang
nagmula sa Aztlan,”isang mitikong lugar sa Hilagang
Sa lipunang Maya, katuwang ng mga pinuno ang mga Mexico. Noong 1325, itinatag nila ang pamayanan ng
kaparian sa pamamahala. Pinalawig ng mga pinunong Tenochtitlan, isang maliit na isla sa gitna ng lawa ng
tinatatawag na halach uinic o “tunay na lalaki” ang mga
Texcoco. Ang Texcoco ay nasa sentro ng Mexico Valley.
pamayanang urban na sentro rin ng kanilang pagsamba
Nang lumaon, ang lungsod ay naging mahalagang
sa kanilang mga diyos.
sentrong pangkalakalan. Angkop ang Tenoctitlan sa
March 24, 2014 174 Nang lumaon, nabuo rito ang mga pagtatanim na siyang pangunahing ikinabubuhay ng mga
lungsod-estado. Sila ay nagtataglay ng ganap na Aztec dahil mayroon itong matabang lupa. Sa kabila nito,
kapangyarihan. Naiugnay ng malalawak at maayos na hindi sapat ang lawak ng lupain upang matugunan ang
kalsada at rutang pantubig ang mga lungsod-estado ng pangangailangan ng mga mamamayan. Ang hamong ito
Maya. Banaag sa kaayusan ng lungsod ang ay matagumpay na natugunan ng mga Aztec. Sa
pagkakahati-hati ng mga tao sa lipunan. Hiwalay ang pagsapit ng ika-15 siglo, nagsimula ang malawakang
tirahan ng mahihirap at nakaririwasa
kampanyang militar at ekonomiko ng mga Aztec. Ang isa
Nakamit ng Maya ang tugatog ng kabihasnan matapos sa mga nagbigay-daan sa mgapagbabagong ito ay si
ang 600 C.E. Subalit sa pagtatapos ng ikawalong siglo Tlacaelel, isang tagapayo at heneral. Itinaguyod niya ang
C.E., ang ilang mga sentro ay nilisan, ang paggamit ng pagsamba kay Huitzilopochtli. Kinailangan din nilang
kalendaryo ay itinigil, at ang mga estrukturang manakop upang maihandog nila ang mga bihag kay
panrelihiyon at estado ay bumagsak. Sa pagitan ng 850 Huitzilopochtli. Ang paninindak at pagsasakripisyo ng
C.E. at 950 C.E., ang karamihan sa mga sentrong Maya mga tao ay ilan sa mga naging kaparaanan upang
ay tuluyang inabandona o iniwan. Wala pang lubusang makontrol at mapasunod ang iba pang mga karatig-lugar
makapagpaliwanag sa pagbagsak ng Kabihasnang na ito. Ang mga nasakop na lungsod ay kinailangan ding
Mayan. Ayon sa ilang dalubhasa, maaaring ang
magbigay ng tribute o buwis. Dahil sa mga tribute at mga
pagkasira ng kalikasan, paglaki ng populasyon, at
nagaping estado, ang Tenochtitlan ay naging sentrong
patuloy na digmaan ay ilan lamang sa mga dahilan ng
pangkabuhayan at politikal sa Mesoamerica mula sa
paghina nito. Maaari rin na sanhi ng panghihina nito ang
pagbagsak sa produksiyon ng pagkain batay sa mga Pacific Ocean haggang Gulf of Mexico at mula sa
nahukay na labi ng tao na nagpapakita ng kakulangan hilagang Mexico hanggang sa Guatemala.
sa sapat na nutrisyon. Ang mga labi ay natuklasang
hindi gaanong kataasan samantalang mas manipis ang
mga buto nito.
Basahin at unawain ang teksto tungkol sa mga Pulo sa Pacific sa daigdig.

Ang mga pulo sa Pacific o Pacific Islands

Nahahati sa tatlong malalaking pangkat – ang Polynesia, Micronesia, at Melanesia. Ang mga
katawagang ito ay iginawad ng mga Kanluranin matapos nilang makita ang kaayusan ng mga pulo at ang
anyo ng mga katutubo nito

1. Polynesia
Ang Polynesia ay matatagpuan sa gitna at timog na bahagi ng Pacific Ocean na nasa silangan ng
Melanasia at Micronesia. Ang Polynesia ay higit na malaki kaysa pinagsamang lupain ng Melanasia at
Micronesia. Ang Polynesia ay binubuo ng New Zealand, Easter Island, Hawaii, Tuvalu, Wallis at Futuna,
Tonga, Tokelau, Samoa, American Samoa, Niue, Cook Islands, French Polynesia, Austral Islands, Society
Islands, Tuamotu, Marquesas, at Pitcairn. Batay sa dami ng pinagkukunan ng pagkain ang laki ng
pamayanan sa Polynesia. Umabot hanggang 30 pamilya ang bawat pamayanan dito. Ang sentro ng
pamayanan ay ang tohua na kadalasang nasa gilid ng mga bundok. Ito ay tanghalan ng mga ritwal at
pagpupulong. Nakapaligid satohua ang tirahan ng mga pari at mga banal na estruktura. Ang pangunahing
kabuhayan ng mga Polynesian ay pagsasaka at pangingisda.Ang karaniwang tanim nila ay taro o gabi, yam
o ube, breadfruit, saging, tubo, at niyog.Sa pangingisda naman nakakakuha ng tuna, hipon, octopus, at iba
pa. Nanghuhuli rin sila ng pating. Sa larangan ng pananampalataya, naniniwala sila sa banal na
kapangyarihan o mana. Ang katagang mana ay nangangahulugang “bisa” o “lakas.”Sa mga sinaunang
Polynesian, ang mana ay maaaring nasa gusali, bato, bangka, at iba pang bagay.
May mga batas na sinusunod upang hindi mawala o mabawasan ang mana. Halimbawa, bawal
pumasok sa isang banal na lugar ang pangkaraniwang tao. Ang sinaunang kababaihan sa Marquesas ay
hindi maaaring sumakay sa bangka sapagkat malalapastangan niya ang bangka na may angking mana.
Gayundin, ang mga lalaking naghahanda sa pakikipaglaban o para sa isang mapanganib na gawain ay dapat
nakabukod. Bawal silang makihalubilo sa babae at pili lang ang dapat nilang kainin upang hindi mawala
ang kanilangmana. Ang tawag sa mga pagbabawal o prohibisyong ito ay tapu. Kamatayan ang
pinakamabigat na parusang igagawad sa matinding paglabag sa tapu.

2. Micronesia
Ang maliliit na pulo at atoll ng Micronesia ay matatagpuan sa hilaga ng Melanesia at sa silangan
ng Asya. Ang Micronesia ay binubuo ng Caroline Islands, Marianas Islands, Marshall Islands, Gilbert Islands
(ngayon ay Kiribati), at Nauru. Ang mga sinaunang pamayanan dito ay matatagpuan malapit sa mga lawa
o dagat-dagatan. Ito ay upang madali para sa mga tao ang lumabas at maglayag sa karagatan. Itinatag nila
ang kanilang mga pamayanan sa bahaging hindi gaanong tinatamaan ng bagyo o malalakas na ihip ng
hangin. Pagsasaka ang pangunahing kabuhayan ng mga Micronesian.Nagtatanim sila ng taro, breadfruit,
niyog, at pandan. Sagana ang mga ito sa asukal at starch na maaaring gawing harina. Pangingisda ang isa
pang ikinabubuhay ng mga Micronesian. May kaalaman din sa paggawa ng simpleng palayok ang mga
lipunan ng Marianas, Palau, at Yap.

Malimit din ang kalakalan ng magkakaratig-pulo. Sa Palau at Yap, bato at shell ang ginagamit
bilang paraan ng palitan. Gumagamit din ang Palau ng batong ginawang pera (stone money). Sa iba pang
mga pulo, nagpapalitan ng kalakal ang matataas (high-lying islands) at mabababang pulo (low-lying coral
atolls). Ipinagpapalit ng mga high-lying island ang turmericna ginagamit bilang gamot at pampaganda.
Samantala, ang mga low-lying coral atoll ay nakipagpalitan ng mga shellbead, banig na yari sa dahon ng
pandan, at magaspang na tela na galing sa saging at gumamela. Bilang tela, ginagawa itong palda ng
kababaihan at bahag ng kalalakihan. Animismo rin ang sinaunang relihiyon ng mga Micronesian. Ang mga
rituwal para sa mga makapangyarihang diyos ay kinapapalooban ng pag-aalay ng unang ani.

3. Melanesia
Ang Melanesia ay matatagpuan sa hilaga at silangang baybay-dagat ng Australia. Ito ay
kasalukyang binubuo ng New Guinea, Bismarck Archipelago, Papua New Guinea, Solomon Islands,
Vanuatu (dating New Hebrides), New Caledonia, at Fiji Islands. Ang mga sinaunang pamayanan dito ay
maaaring nasa baybaying-dagat o sa dakong loob pa. Pinamumunuan ito ng mga mandirigma. Tagumpay
sa digmaan ang pangkaraniwang batayan ng pagpili sa pinuno. Sa maraming grupong Papuan, ang kultura
ay hinubog ng mga alituntunin ng mga mandirigma tulad ng katapangan, karahasan, paghihiganti, at
karangalan.

Taro at yam ang pangunahing sinasaka sa Melanesia. Nagtatanim din dito ng pandan at sago palm
na pinagkukunan ng sago. Pangingisda, pag-aalaga ng baboy, at pangangaso ng mga marsupial at ibon ang
iba pang kabuhayan dito. May kalakalan din sa pagitan ng mga pulo. Karaniwang produktong kinakalakal
ng mga Melanesian ay mga palayok, kahoy, yam, baboy, asin, apog, gayundin ang mga gawa nilang bangka.
Naniniwala rin sa animism ang mga sinaunang Melanesian. Ipinababatid ng diyos ng kalikasan ang mga
kaganapan tulad ng tagumpay sa labanan, sakuna, kamatayan, o pag-unlad ng kabuhayan. Laganap din sa
Solomon Islands at Vanuatu ang paniniwala sa mana.

Mga Kabihasnan sa Africa

Matatandaan na ang Egypt ang isa sa mga pinakaunang lunduyan ng kabihasnan sa daigdig.
Maliban sa Egypt, ang Axum ang kasalukuyang Ethiopia sa Silangang Africa ay napatanyag din dahil sa
naging sentro ito ng kalakalan. Binibisita ito ng mga mangangalakal mula sa Persia at Arabia. Umusbong
din ang mga estado sa rehiyon ng Sudan kung saan ang kanilang yaman ay dulot ng kanilang kapangyarihan
sa kalakalang tumatawid sa Sahara. Kapwa nasa Silangang Africa ang dalawang kabihasnang ito. Ang
Kanlurang Africa ay naging tahanan din ng mga unang kabihasnan. Dito umusbong ang mga imperyo ng
Ghana, Mali at Songhai.

Heograpiya ng Africa

Mahalaga ang papel ng heorapiya kung bakit ang Africa ang huling pinasok at huling nahati-hati
ng mga Kanluraning bansa. Tinawag ito ng mga Kanluranin na dark continent dahil hindi nila ito nagalugad
kaagad. Nanatiling limitado ang kaalaman ng mga bansang Kanluranin tungkol sa kontinenteng ito
hanggang noong ika-19 na siglo.

Ang pinakamainit at pinakamaulang bahagi ng Africa ay yaong malapit sa equator. Matatagpuan


dito ang rainforest o isang uri ng kagubatan kung saan sagana ang ulan at ang mga puno ay malalaki,
matataas, at may mayayabong na dahon. Sa hangganan ng rainforest ay ang savanna, isang bukas at
malawak na grassland o damuhan na may mga puno. Sa grassland sa hilaga ng equator matatagpuan ang
rehiyon ng Sudan. Sa bandang hilaga naman ng rehiyon ng Sudan makikita ang Sahara, ang pinakamalaki
at pinakamalawak na disyerto sa daigdig. Ang Sahara na malaki pa sa Europe ay hindi natitirhan maliban
sa mga oasis nito. Ang oasis ay lugar sa disyerto kung saan may matabang lupa at tubig na kayang bumuhay
ng halaman at hayop. Tanging sa oasis lamang may mga maliliit na pamayanan sa Sahara. Hiwa-hiwalay
at kalat-kalat ang mga kultura at kabihasnang sumibol at namayani sa malawak na kontinente ng Africa

Isa sa mga umunlad na kultura sa Africa ay ang rehiyon na malapit sa Sahara. Nakatulong sa
kanilang pamumuhay ang pakikipagkalakalan. Tinawag itong Kalakalang Trans-Sahara. Bunga nito,
nakarating sa Europe at iba pang bahagi ng Asya ang mga produktong African.

Kung ang kahariang Axum ay naging tanyag sa Silangang Africa, nakilala naman sa Kanlurang Africa ang tatlong imperyo
na siyang naging makapangyarihan dulot rin ng pakikipagkalakalan sa mga mamamayan sa labas ng Africa. Ito ay ang mga
imperyo ng Ghana, Mali, at Songhai.
Ang Imperyong Ghana

Ang Ghana ang unang estadong naitatag sa Kanlurang Africa. Sumibol ang isang malakas na estado
sa rehiyong ito dulot ng lokasyon nito sa timog na dulo ng kalakalang Trans-Sahara. Nagkaroon sa

Ghana ng malaking pamilihan ng iba’t ibang produkto tulad ng ivory, ostrich, feather, ebony, at ginto. Ang
mga ito ay ipinagpalit ng mga katutubo sa asin, tanso, figs, dates, sandatang yari sa bakal, katad, at iba
pang produktong wala sila. Malayang nakapagtatanim ang mga tao dulot ng matabang lupa sa malawak
na kapatagan ng rehiyon. Ang pagkakaroon ng sapat na pagkain ay isang dahilan kung bakit lumaki ang
populasyon dito. Sagana rin ang tubig upang punan ang pangangailangan sa mga kabahayan at irigasyon.

ANG IMPERYONG MALI

Ang Mali ang tagapagmana ng Ghana. Nagsimula ang Mali sa estado ng Kangaba, isa sa
mahalagang outpost ng Imperyong Ghana. Ang pag-akyat ng Mali sa kapangyarihan ay sinimulan ni
Sundiata Keita. Noong 1240, sinalakay niya at winakasan ang kapangyarihan ng Imperyong Ghana. Sa
pamamagitan ng patuloy na pananalakay, ang Imperyong Mali ay lumawak pakanluran patungong lambak
ng Senegal River at Gambia River, pasilangan patungong Timbuktu, at pahilaga patungong Sahara Desert.
Hawak nito ang mga ruta ng kalakalan. Noong mamatay si Sundiata noong 1255, ang Imperyong Mali ang
pinakamalaki at pinakamapangyarihan sa buong Kanlurang Sudan. Katulad ng Ghana, ang Imperyong Mali
ay yumaman sa pamamagitan ng kalakalan. Nang mamuno si Mansa Musa noong 1312, higit pa niyang
pinalawak ang teritoryo ng imperyo. Sa pagsapit ng 1325, ang malalaking lungsod pangkalakalan tulad ng
Walata, Djenne, Timbuktu, at Gao ay naging bahagi ng Imperyong Mali. Maliban sa pagpapalawak ng
imperyo, naging bantog din si Mansa Musa sa pagpapahalagang ibinigay niya sa karunungan. Nagpatayo
siya ng mga mosque o pookdasalan ng mga Muslim sa mga lungsod ng imperyo. Hinikayat niya ang mga
iskolar na pumunta sa Mali. Sa panahon ng kaniyang paghahari, ang Gao, Timbuktu, at Djenne ay naging
sentro ng karunungan at pananampalataya.
Ang Imperyong Songhai

Simula pa noong ikawalong siglo, ang Songhai ay nakikipagkalakalan na sa mga Berber na taon-
taon ay dumarating sa mga ruta ng kalakalan sa Niger River. Maliban sa kalakalan, dala rin ng mga Berber
ang pananampalatayang Islam. Sa pagsapit ng 1010, tinanggap ni Dia Kossoi, hari ng mga Songhai, ang
Islam. Bagama’t hinikayat niya ang mga Songhai na tanggapin ang Islam, hindi niya pinilit ang mga ito. Sa
pamamagitan ng Gao at ng Timbuktu, nakipagkalakalan ang Songhai sa Algeria. Dahil dito, nakapagtatag
ng ugnayan ang Songhai sa iba pang bahagi ng Imperyong Islam. Noong 1325, ang Songhai ay sinalakay at
binihag ng Imperyong Mali. Subalit hindi ito nagtagal sa pagiging bihag ng Mali. Noong 1335, lumitaw ang
bagong dinastiya, ang Sunni, na matagumpay na binawi ang kalayaan ng Songhai mula sa Mali. Mula 1461
hanggang 1492, sa ilalim ni Haring Sunni Ali, ang Songhai ay naging isang malaking imperyo. Sa panahon
ng kaniyang paghahari, pinawalak niya ang Imperyong Songhai mula sa mga hangganan ng kasalukuyang
Nigeria hanggang sa Djenne. Hindi niya tinanggap ang Islam sapagkat naniniwala siyang sapat na ang
kaniyang kapangyarihan at ang suporta sa kaniya ng mga katutubong mangingisda at magsasaka.
Gayunpaman, iginalang at pinahalagahan pa rin niya ang mga mangangalakal at iskolar na Muslim na
nananahan sa loob ng kaniyang imperyo. Sa katunayan, hinirang niya ang ilan sa mga Muslim bilang mga
kawani sa pamahalaan.

You might also like