You are on page 1of 3

ANG INGGIT NA ISDA

By: Deiparine, Sophia Shannon D.

Sa isang magandang karagatan, may isang isda na nag-ngangalang Ana. Si Ana ay


may kapatid na si Bubba.Tuwang-tuwa si Ana nang ipanganak ang kanyang kapatid na
si Bubba at sabik na sabik itong lumaki ang kapatid sapagkat gusto niya na may kalaro.
Batid ni Ana na marami siyang kaibigan, ngunit hangad pa rin niya ang isang kapatid na
palagi niyang makakasama at makakalaro.

“Ate! Halika maglaro tayo duon oh.” Turo ni Bubba sa kanyang kapatid.

“Bubba, alam mo namang hindi tayo pwedeng pumunta duon. Hindi mo ba naaalala ang
habilin nila inay at itay saatin na pinagbabawal nila tayong pumanta roon, Hindi ba?”
Sambit naman ni Ana.

Naging malungkot naman si Bubba at iyon ay napansin ni Ana. Ayaw nakikita ni Ana
ang kanyang kapatid na malungkot kaya sinabihan niya ito na huwag ng malungkot.

“Umuwi na tayo at maglaro na lamang sa bahay, marami akong mga magagandang laro
na naiisip!” pag-aaya ni Ana kay Bubba para hindi na ito maging malungkot.

Si Bubba kasi ay isang batang isda na sabik na tumuklas ng mga bagong bagay,
partikular na ang karagatan. Ngunit may parte ng karagatan na ipinagbabawal silang
pumunta ng kanilang mga magulang sapagkat ito’y delikado.

Noong nakauwi na sila sa kanilang pamamahay ay naglaro na sila kaagad at napawi na


kaagad ang kalungkutan ni Bubba. Nag-aya rin si Ana ng kanyang kaibigan para mas
marami at masaya ang kanilang paglalaro.

“Ang saya-saya gusto ko ito gawin araw-araw!” Batid pa ni Bubba.

“Pwede naman ngunit baka mapagod ka kung araw-arawin mo ang paglalaro.”


Pagsasang-ayon ni Ana kay Bubba.

Habang lumilipas ang panahon lumalaki na rin si Bubba. Habang lumalaki ay mas
napupunta ang atensyon ng kanilang mga magulang sakanya. Na siyang naging
dahilan ng pagseselos ni Ana sa kanyang kapatid.

Si Ana ay nag-iisa sa isang silid, nag-iisip. “Mahal na mahal ko ang aking bunsong
kapatid ngunit hindi ko alam kung bakit ako nagseselos kahit pantay naman ang
pagmamahal ng aming mga magulang sa aming dalawa.” Saad ni niya sa kanyang
sarili.

Dumating ang araw na magsisismula na ang kompetisyong sinalihan ni Bubba sa


kanilang paaralan. Ito’y isang kompetisyon sa pagdadrawing at paligsahan sa pabilisan.

“Anak handa ka naba?” Tanong ng kanilang inay.

“Oo, Inay handa na ako!” Maligayang sabi ni Bubba.

Nagsimula na ang paligsahan at nanalo si Bubba sa parehong kompetisyon. Nadoon


ang mga magulang nila ngunit si Ana ay hindi pumunta. Nagdahilan siya na mayroon
siya importanteng bagay na pupuntahan pero ang totoo ay wala naman talaga
nagpalusot lamang siya para hindi makapunta sa kompetisyon ni Bubba.

Nakauwi na sila Bubba at ang mga magulang nila. Tuwang-tuwa ang kanilang inay at
itay at ipinagmamalaki nila si Bubba.

“Ang galing-galing mo anak!” Sabi ng kanilang itay.

“Proud na proud kami ng tatay mo sayo” Dagdag ng kanilang inay.

Halos lahat ng pagpupuri ay napunta kay Bubba at ang lahat ng mga sinabi ng kanilang
mga magulang ay narinig ni Ana. Hindi niya maiwasang ang sobrang pagseselos at
humantong na ito sa galit.

Isang araw, nasa isang sulok lamang si Ana at nagmumukmok. Hindi niya pinapahalata
sa kanilang magulang na siya ay nagseselos. Dahil sa selos at galit ay naisipan niyang
gumati sa kanyang bunsong kapatid.

“Bubba, samahan mo ako at may pupuntahan tayo.” nakangiti pang sabi ni Ana kay
Bubba.

Tumango si Bubba na tuwang-tuwa at sabik na sabik kung saan sila pupunta ng


kanyang kapatid. Hindi niya alam na sa kanyang pagsama ay ipapahamak pala siya ng
kanyang kapatid.

“Ate saan tayo pupunta?” Tanong ni Bubba.

“Basta sumunod kalang saakin.” Sagot naman ni Ana.


Gaya ng plano ni Ana ay pumunta sila sa lugar na kung saan ipinagbabawal sila ng
kanilang mga magulang na pumunta.
Ang lugar na ito ay madilim at may lagusan na kung saan ay malakas ang higop nito na
isang maling galaw mo lamang ay matatangay kana papasok sa lagusan.

“Ate diba sabi mo at nila inay at itay na bawal tayong punta rito?” Natatakot na sabi ni
Bubba.

“Pwede naman nating labagin iyon ang subukan kung ano ang nangdito diba?” Sabi ni
Ana

Hindi na sumagot si Bubba at patuloy na sumunod sa kanyang kapatid. At sa kanilang


pagpunta roon ay nangyari nga ang nangyari. Natutulakan silang dalawa at bigla silang
natangay dahil magkahawak sila ay pareho silang natangay. Ang plano lang dapat ay
si Bubba lamang ang matatangay ngunit sa kasamaang palad ay nasama sin si Ana.

Lumipas ang mga dalawang araw hanggang isang linggo ay nagiiyak-iyak lamang si
Bubba habang si Ana ay sinisisi si Ana sa nangyari. Hanggang sa mapagtanato nilang
dalawa na wla namang patutunguhan ang kanilang pag-aaway kaya nag-isip nalang
silang dalawa ng paraan upang makalabas sa lagusan na iyon.

Hinanap nila ang daan palabas at sa awa ng Diyos ay nakalabas sila ng ligtas.

Humingi sila ng tawad sa isa’t-isa at nakipagbatian. Si Ana ay bumalik na ang dati


niyang pakikitungo sa kanyang kapatid. Ang kanilang magulang naman ay
pinagsabihan din silang dalawa lalo na si Ana. “Huwag ninyo ulit iyon gagawin at ikaw
naman Ana hindi ka dapat nagseselos sa iyong kapatid sapakat pare-pareho namin
kayong mahal, naintindihan mo?” Sambit ng kanyang Itay

“Opo Itay, patawarin niyo po ako at nagseselos ako. Hindi ko na uulitin iyon at magiging
mas mabuting panganay ako kay Bubba.” Pagpapatawad ni Ana

Mula noon ay bumalik na sa dati si Ana at hindi na siya nagseselos sa kanyang kapatid.
Bumalik na rin ang pakikitungo niya kay Bubba at hindi na sila nag-aaway.

Simula nang nangyari ay natutunan na nilang lahat ang pagkakamali ng bawat isa.
Naging maayos na sila at nabuhay ng payapa at nagmamahal ang lahat.

You might also like