You are on page 1of 187

------------------------------

TITLE: FLOWER BOYS HOST CLUB: HUNTER, My Pretty Playboy (Series Book 5)
LENGTH: 17672
DATE: Oct 23, 2014
VOTE COUNT: 16
READ COUNT: 835
COMMENT COUNT: 4
LANGUAGE: Filipino
AUTHOR: Zai_viBritannia
COMPLETED: 0
RATING: 3
MODIFY DATE: 2014-12-15 08:28:30

------------------------------

####################################
CHAPTER ONE
####################################

Napabalikwas ng bangon si Hunter nang maalimpungatan nang umagang iyon.

"Damn it! What time is it?!" kausap niya sa sarili, wala sa sariling bumangon at
sinulyapan ang wall clock. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang quarter to
nine na, inis na nahilamos niya ang mga kamay sa sariling mukha at mabilis na
kumilos, kamuntikan pa siyang madulas sa banyo ng matapakan ang natutunaw na sabon
sa sahig. Mabuti na lamang ay maagap siyang nakakapit sa curtain.

"Ah bwusit!" yamot na sigaw niya. Mabilis siyang naligo at nagbihis, parang may
spring ang mga paa na nagmamadaling bumaba nang unit niya at sumakay ng kanyang
sasakyan.

Lalong nadagdagan ang inis niya nang maipit sa trapik, sinulyapan muli niya ang
wristwatch na suot, napamura siya ng wala sa oras nang makitang magni-nine fifteen
na, ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang kasal ni Einar.

Isa pa naman siya sa mga abay nito kaya nakakahiya kung siya pa ang male-late sa
importanteng araw na iyon ng kanyang kaibigan.

Maya maya pa ay gumalaw na ang mga sasakyan na kanina'y usad pagong, gumawa siya
nang paraan upang makasingit. Exactly nine thirty nang makarating siya ng simbahan,
subalit ipa-park na lamang niya ang kotse niya nang wala siyang makitang bakante.
Maraming sasakyang nakaparada na obvious na pagmamay ari ng mga kaibigan at
kakilala ng mga ikakasal. Inis na nahampas niya ang manibela.

"Ouch!" masyadong napalakas ang hampas niya sa manibela kaya't nasaktan siya.

"Damn! Late na ako!" Iritadong bulong niya, swerte naman ng mamataan niya ang isang
bahagi ng parking area na maaari niyang pag park-an kaya lamang ay may katabi iyon
na isa pang sasakyan.

"Ah! Bahala na, I need to make a way to park my car" aniya sa sarili. Ipinark nga
niya iyon sa nakitang space. Napangiwi siya when he heard something scratched. Inis
na bumaba siya at nakitang nasabitan na nga niya ang katabing sasakyan, natapik
niya ang noo. Ah, later na lang niya iyon po-problemahin, halos takbuhin na niya
ang papasok sa loob ng simbahan.

Nakita na niya ang iba pang mga kaibigan na abay rin ni Einar, kumpleto ang buong
Flower Boys. Nakatayo na ang mga ito sa unahan na mukhang siya na lamang ang
hinihintay upang masimulan na ang seremonya ng kasal. Nagyakapan sila ni Einar na
may tapikan pa sa likod bilang pagbati gayundin ang ginawa niya sa ibang kaibigan
niya.

"Sorry guys, nahuli ako ng pulis." Nakangising biro niya.

"Anong violation?" kunot noong tanong ni Xien

"Pakalat kalat daw ang kagwapuhan ko sa daan kaya nagco-cause ng traffic."


Nakangising sagot niya.

Wala tuloy sa oras na umani siya ng mahihinang batok sa mga kaibigan niya, tawa
naman siya ng tawa.

Nakakalokong nginisian siya ni Reed.

"Ang akala namin hindi ka na dadating, may pang proxy na nga sana kami sa'yo"
natatawang biro nito, napasimangot siya.

"It's not my fault, kung hindi sana trapik kanina pa ako nandito" aniya

"Nah, kung gumising ka lang sana ng maaga kanina ka pa nandito." Komento ni Trevor.

"If I know tinanghali ka na naman nang gising, saan ka na naman ba galing kagabi ha
Hunter?" biro naman ni Tanner, Napangisi naman siya, kilalang kilala na nga siya ng
mga kaibigan.

"Kailangan ko pa bang i-explain yun?" nakangising saad niya.

His friends groaned, naramdaman niya ang pagtapik ni Jared sa balikat niya.

"Ibang klase ka talaga Hunter." Anito na naiiling lang.

"Magbago ka na." biro naman ni Sky na nasa likuran lang niya

"Kapag namula na ang tubig sa Red sea." Sarkastikong sagot niya

"Nah, I'm really excited to see Hunter while crying and almost dying because he's
hopelessly in love with a woman." Sabad ni Vash

"Tss..brutal ka talaga Vash." Anito "But I'll make sure that it won't happen to
me." Nakangising sabi niya

"Well, let's see." Naiiling na sabi naman ni Kaizer, ito ang best man ni Einar
samantalang si Eiren naman ang bride's maid.

Nagkibit balikat na lamang siya, malaki ang tiwala niya sa sarili niya na hindi
siya kailanman maiinlove.

Nagsimula na ang magarbong wedding ni Einar sa girlfriend nitong si


Keitlene Aldena, na kakambal naman ni Kaizer. Kitang kita sa groom ang kislap sa
mga mata nang maglakad na ang bride sa aisle. May luha namang lumandas sa mga mata
nina Einar at Kei nang magkalapit na ang mga ito, saglit siyang napaisip.

Isa siya sa mga nakasaksi sa naging love story nina Einar at Keitlene at hindi
talaga siya makapaniwala na magkakatuluyan sa huli ang dalawa.
Talaga nga bang mahiwaga ang pag ibig o sadyang nagkataon lang na nainlove ang mga
ito sa isa't isa, well he don't care anyway, basta masaya ang mga kaibigan niya,
masaya na rin siya para sa mga ito.

Maya maya lamang ay nagsitayuan at nagsipalakpakan na ang lahat ng naroon sa


simbahan nang i-announce na ng pari na "You're now husband and wife", Masayang
masaya siya para sa kaibigan.

"I'll call you next week Joey, hindi ko pa sure kung sino ang model na kukunin ko
para sa mga designs ko ngayon." Sabi ng baklang kaibigan niya, tinawagan siya nito
kanina upang idiscuss ang project na gagawin nila, isang papasikat na underwear
designer si Pepsi at dahil magkakilala na sila nito ay siya ang kinuha nitong
photographer, kakausap pa raw ito ng isang male model para sa project na iyon na
ipe-present nito sa international fashion underwear event.

"Okay, tawagan mo lang ako." Nakangiting sabi niya.

"Oo naman, excited na nga ako na makatrabaho ka." Anito, ngumiti lang siya.

Kaklase niya noong highschool si Pepsi at isa ito sa mga matatalik niyang kaibigan
noon subalit nang magkolehiyo sila ay nagkahiwa-hiwalay silang magkakaibigan.

Nag aral siya sa maynila ng photography at pagkagraduate niya ay nagtayo na kaagad


siya ng maliit na photo shop. Iyon na rin ang pinakahihintay niya, ang mabigyan
siya ng pagkakataon na magamit ang galing niya sa photography.

"Thanks Peps, hindi kita bibiguin." Aniya, masaya naman itong tumango.

"Alam ko naman yun. Kaya nga ikaw kaagad ang tinawagan ko." Anito.

Saglit pa silang nag usap na magkaibigan maya maya ay nagpaalam na rin siya dito.

Her name is Jocelyn Baugbog, Joey for short. Iyon ang madalas na itawag sa kanya ng
mga kaibigan niya since noon pa man ay astigin na raw siya na hindi naman bumagay
sa totoong pangalan niya.

Pero hindi naman siya tomboy, babaeng babae siya, ganon lang siya siguro dahil puro
maton ang nakapaligid sa kanya noong bata pa siya, anim silang magkakapatid at siya
ang bunso, limang lalaki at isang babae. Prinsesa man siyang ituring sa pamilya
niya pero mas na adapt niya ang mga interes ng mga ito, kung anong ginagawa ng mga
ito dapat ay ganoon din siya. Kaya nga hindi nakapagtatakang taekwando ang favorite
sports niya.

Atsaka isa pa, nagkaroon din siya ng nobyo noon kaya masasabi niyang babae talaga
siya, hindi nga lang nagtagal ang relasyon nila noon.

Nang maalala na naman ang nakaraan ay nakuyom niya ang mga palad, galit na galit
siya sa dating kasintahan dahil sa ginawa nito sa kanya.

Minahal pa naman niya ito at dahil nasaktan siya ng sobra ay pagkamuhi ang
naramdaman niya para dito. At kapag naiisip niya ito ay parang gusto niyang sapakin
ang mukha nito. Kapag nagkita kami ng kumag na iyon ay hinding hindi ko
palalagpasin ang pagkakataon na sapakin ang mukha niya.

Pabalik na sa simbahan si Joey kung saan nakaparada ang sasakyan niya, dahil sa
likod ng simbahan nakatira si Pepsi ay doon niya ipinarada ang sasakyan niya.
Natigagal siya nang makita niya na parang bumagyo sa parking lot sa dami ng mga
sasakyang nakaparada doon. Kanina lamang nang iparada niya ang sasakyan niya ay
napakalinis pa nang daan at maluwang na maluwang ang parking area, sinulyapan niya
ang loob ng simbahan, hindi niya napansin kanina na may magaganap palang kasalan.
Mukhang mayaman ang mga ikinakasal base sa mga mahahalin at naggagandahang mga
sasakyan ng mga bisita. Nagkibit balikat na lamang siya na nagpatuloy sa paglalakad
patungo sa sasakyan.

Napa "shit" si Joey nang makalapit na sa sasakyan, dikit na dikit kase sa sasakyan
niya ang isa pang kotse, alam niyang nagasgasan nito ang kotse niya, ingat na ingat
pa naman siya roon, kahit luma na ito ay mahal na mahal niya iyon dahil katas iyon
ng pinaghirapan niya.

"Ah, humanda sa'kin ang taong gumawa nito, wala akong pakealam kung mayaman ka pa."
nagngangalit ang ngipin na bulong niya, umiral na naman ang pagka astig niya, inis
na sumandal sa sasakyan niya.

At hinihintay na dumating ang may ari ng bagong bagong itim na sports car.

"Dude, kita kita na lang tayo sa reception ha?" ani Einar sa kanila,
nagsipag high five naman ang mga kaibigan bilang sagot.

"Okay, see you there guys." ani Hunter, masaya siyang lumabas ng simabahan lalo pa
at maraming lumalapit at nagpapakilala sa kanyang magaganda at mayayamang babae

"Alright!" Masayang bulong niya.

Maraming babae sa mundo ganon paman alam niya ang limitasyon sa pakikipaglapit sa
mga ito, ayaw niyang mainlove at hinding hindi mangyayari iyon.

"Alright! Come on girls, come to papa!" nangingislap ang mga mata niya, para bang
mga gintong kumikinang ang mga babaeng nakapaligid sa kanya.

They're all hot and beautiful, models and classy girls..They're battled for him;
they're all craving for his attention.

"Oh God you're so kind." bulong pa niya.

Nasusuya naman si Joey nang may lumabas na isang lalaki sa simbahan,


mukha itong presko at mayabang, bigla niyang naalala dito ang dating kasinthan.

"Proud na proud sa sarili! Ang feeling niya, Grabe! Ang sarap upakan ang mukha"
nasusuyang bulong niya sa sarili, na badtrip pa lalo siya sa lalaki nang animo'y
ito na yata ang pinaka magandang lalaki sa buong mundo nang lumabas ng simbahan at
magsilapitan ang mga babaeng naroon, pinalibutan ito nang magaganda at mayayamang
babae, inis na bumuntong hininga siya na binuksan ang pinto ng sasakyan at sumakay
roon. Doon na lang niya hihintayin ang gagong gumasgas sa kotse niya atsaka kanina
pa nangangalay ang mga paa niya sa pagkakatayo. Dinukot niya ang cellphone sa bulsa
ng jacket na suot at chineck niya kung may text messages siyang nareceive,
napabuntong hininga siya at inabala na lamang niya ang sarili sa paglalaro ng games
sa cellphone niya habang hinihintay ang may ari ng sports car.
"Girls, I'm sorry to disappoint you but I need to go." wika ni Hunter sa mga
babaeng nakapalibot sa kanya, nagsiungulan naman ang mga ito tanda nang hindi
pagsang ayon. Mahina siyang natawa. "Okay, ganito na lang, magkita kita na lang
tayo sa reception area" nakangiting sabi niya na kinindatan pa ang mga ito na
ikinakilig naman ng mga ito. Maya maya ay nagsialisan na at nagsisakayan na sa
kanya kanyang sasakyan ang mga ito, bago naglakad patungo sa sasakyan niya ay
kinawayan pa niya ang mga ito.

"Bye Hunter!" paalam pa ng isang magandang babae

"Bye, see you later!" nakangiting sabi niya.

May ngiti sa mga labing naglakad siya patungo sa sasakyan niya subalit natigilan at
nawala ang mga ngiti niya nang maalala ang dilemma niya, Nadikitan nga pala niya
ang isang sasakyan nang magpilit siyang magpark kanina, mukhang lumang model na
iyon ngunit maganda pa rin at halatang alagang alaga nang may ari. Napangiwi pa
siya nang makita niya na may tao na sa loob ng kotse. Nakatungo ito at natatakpan
ng bangs ang mukha nito kaya hindi niya makita kung lalaki ba o babae ang naroon.
Kung babae iyon ay easy lang iyon para sa kanya, "piece of cake ika nga" kung
lalaki naman, madali na rin siguro iyon kung madadaan sa magandang usapan.

Ah, marami nang naghihintay sa kanya sa reception, ang mga kaibigan niya at ang mga
magagandang babae roon, tumawag siya kay Trevor para sabihing male-late siya nang
kaunti dahil may aasikasuhin lang siya.

Nangangalay na ang mga daliri ni Joey sa pagpindot sa cell phone at ang


batok niya sa pagkakatungo, kaya nagtaas na siya ng ulo at nag unat unat ng
katawan. Napansin niyang kakaunti na ang mga sasakyan sa parking area. Bumaba siya
nang sasakyan niya, naroon pa rin ang sportscar, siguro'y hindi pa rin lumalabas ng
simbahan ang may ari ng sasakyan na iyon. nagpalinga linga siya at sa pagbaling
niya nahagip ng mga mata niya ang isang matangkad na lalaking nakabarong, mukhang
abala sa pagtawag sa cellphone, nakatalikod ito kaya't hindi niya makita ang mukha,
nakasandal ito sa tagiliran ng sportscar at hinihimas pa ang batok habang nakikipag
usap sa cell phone, kaya naman malakas ang kutob niyang ito ang may ari ng sports
car na nakagasgas sa sasakyan niya.

Inis na naglakad siya palapit dito, eksakto namang naibaba na nito ang cellphone at
humarap sa kanya. Mukhang nagulat ito, amuse na sinuyod siya nito ng tingin mula
ulo hanggang paa at nagtatanong ang mga matang tumitig sa mga mata niya,
pinamulahan naman siya ng mukha hindi dahil sa kung ano pa man kundi dahil sa inis.
Hindi niya gustong makita ang lalaking ito, ito yata ang lalaking kinaiinisan niya
kanina, ang presko at mayabang na lalaki.

"Hoy, pagmamay ari mo ba ang sasakyan na yan?" tiim bagang tanong niya na itinuro
pa ang sportscar. Mukhang nagulat ito sa sinabi niya, mukhang guilty.

"A-ah yeah, It's mine. Look miss, hindi ko naman sinasadya" anito, "Nagmamadali
lang kasi ako kanina kaya hindi ko napansin ang sasakyan mo." Anito, napansin ni
Joey na nakangiti ito, iyon ngiting nakataas ang isang sulok ng labi. It's obvious!
He was using his charm to her..ang nakakasuyang paraan ng mga lalaki para makapang
akit sa mga babae gaya ng ex boyfriend niya!

"Abah! Ang kapal naman ng mukha ng lalaking ito, kung sa akala niya ay maapektuhan
ako sa pagngiti ngiti niya at pagpapacute, pwes hindi sa akin! gago ka, gwapo ka
nga pero hindi ako naaakit sa'yo katulad ng mga babaeng nagkakandarapang lapitan
ka, bwusit na ito! ang sarap suntukin" sigaw ng isang bahagi ng isip niya habang
nagtatagis ang mga bagang na nakatingin dito. Nasisigurado niyang katulad din ito
ni Lance, hindi mapagkakatiwalaan!

"Ano miss? Okay na ba tayo?" kumpiyansang tanong nito na hindi pa rin nawawala ang
mga ngiti sa mga labi. Ngit-ngit ang kaloobang napaawang ang labi niya, kanina pa
siya nabubwusit sa lalaking kaharap, Lumabas ang tinitimping galit nang kindatan pa
siya. "Abah! This nerve!" nanliit ang mga mata niya sa galit at mabilis na inumbag
ang lalaki, sapol sa mukha nito ang kamao niya, napaatras naman ito.

"Ouch!" nakangiwing pakli nito, sapo ang mukha kung saan niya natamaan.

"You deserve that, bastard!" gigil na wika niya, nawala ang mga ngiti nito at
nagpantay ang mga kilay nito nang tumingin sa kanya.

"What's the matter with you?" nasa tono na rin ang inis nito, tumaas ang isang
kilay niya.

"Ikaw?! Ginasgasan mo ang sasakyan ko." Singhal niya, nalukot ang ilong nito na
halatang nagpipigil lang.

"Look, okay, it's my fault and I'm deeply sorry, see..kanina pa ako humihingi ng
apology." Yamot na sabi nito, inirapan niya ito.

"Sa tingin mo maaayos pa yung gasgas ni pink? At humihingi ka nga ng sorry pero
nakakaloko naman, may nakangiti bang humihingi ng sorry?" inis na pakli niya.

"Who's pink?" lalong nagpantay ang mga kilay na tanong nito

"My volks name..." aniya, nakuyom niya ang mga palad sa pagkainis ng bigla na
lamang itong tumawa.

"Anong nakakatawa?" pinanlakihan niya ito ng mga mata, umiling iling ito.

"Your volks is color apple green, why pink? Pwede namang apple or green..right?"
komento pa nito habang patuloy pa rin ito sa pagtawa, Aba't intrimitido pa ang
loko!

"Anong pakealam mo sa trip ko? Kung gusto kong pangalanan siyang pink eh..."
singhal niya, uupakan sana uli niya ito subalit mabilis itong nakailag at napigilan
ang kamay niya, seryoso itong tumingin sa kanya.

"Don't dare to hit me again or else I'm gonna kiss you." Pagbabanta nito, nanlaki
ang mga mata niya at napaawang ang mga labi.

Buwisit! Sa dinami dami ng makikilala ko ngayong araw ay kasing ugali pa ni Lance!

Kumulo ang dugo niya ng maalala na naman ang dating kasintahan, ayaw na ayaw na
niyang makikita o maiisip man lang ang walanghiyang lalaking iyon, pinangako rin
niya sa sarili niyang bubugbugin talaga niya ito kapag nakita niya, sa ginawa nito
ay wala na iyong kapatawaran.

At ngayon nga dahil sa lalaking kaharap niya na ubod ng presko ay naalala niya ang
dating kasintahan, malas na lang ito dahil ito ang pagbubuntunan niya ng lahat ng
galit niya kay Lance noon.

Gigil na binawi niya ang kamay dito, tumalikod siya hindi para magwalk out kundi
upang kumuha siya ng buwelo para bigyan ito ng perpektong upper cut, hindi nito
napaghandaan ang gagawin niya kaya ng kumilos siya ay hindi kaagad ito nakakilos,
huli na para ilagan nito ang kamao niya, sa pangalawang pagkakataon ay dumapo na
naman ang kamao niya sa makinis at gwapong mukha nito.
Medyo malakas na iyon dahilan upang magdugo ang sulok ng labi nito, napaatras uli
ito.

Nakangisi siyang nakamasid dito habang sapo nito ang bibig na nagdudugo.

Nasa mukha nito ang matinding inis nang bumaling sa kanya, hindi naman siya
naapektuhan sa mga tingin nito.

Kung gaganti man ito ay kaya niyang protektahan ang sarili, black belter yata siya
sa taekwando.

"Ah! What's your problem?!" gigil na wika nito

"Kasalanan mo, bastos ka kasi." Nakairap na sabi niya

"Bastos? Binastos kita? Wala akong naaalala na binastos kita" inis na sagot nito

"Napaka gunggong mo talaga, sinabi mo kanina na hahalikan mo ako, hindi ba at


kabastusan iyon?"

"What?! Sa tingin mo hahalikan ko ang isang katulad mo? Every woman craves for my
attention and they're spending much time begging me only to kiss them then you
think that - ahh! That's what you think lady!" pikon na ring saad nito "I guess you
did that on purpose para mahalikan kita but sorry to say, I'm not that stupid para
lang halikan ang katulad mo. Crazy!" sarkastiko pang saad nito na tiningnan pa siya
mula ulo hanggang paa.

####################################
CHAPTER TWO
####################################

Gigil na gigil naman si Joey sa lalaking kaharap. Mangali ngaling bugbugin na niya
ito ng tuluyan, ang kapal talaga ng mukha nito, ito na yata ang pinakamayabang na
lalaking nakaharap niya, napakabrusko at napakapresko!

Aaminin niyang mas malala ito kay Lance, mas antipatiko at mas mayabang!

"I don't care if every woman craves for your attention and spending much time only
to kiss them?! I don't care! Ang sasakyan ko ang nagasgasan mo mayaman ka naman
diba? Bayaran mo na lang ang danyos na nagawa mo sa volks ko, iyon ang kailangan ko
hindi ang sorry mo at lalong lalo na ang kayabangan mo!" singhal niya dito.
Nakasimangot na kumilos ito.

"Iyon lang pala ang kailangan mo." anito, dumukot ito sa likod ng pantalon at
inilabas ang wallet, nakamasid lang siya dito. "I don't have cash here, but wait"
anito na may kinuha sa loob ng sasakyan at inilabas nito ang checkbook at ballpen.
Napaismid siya.

"Ang yabang talaga! Pa cheke cheke pa!" inis na saad sa sarili. Nang matapos na
itong magsulat sa cheke ay iniabot nito sa kanya. Binasa niya kung magkano ang
ibinigay nito, nakuntento naman siya sa ibinayad nito, tumalikod na siya ngunit
nang marinig niya na bumubulong bulong pa ito ay napaharap siya.

"Freak, kung makasuntok parang lalaki..." bulong nito.

"What?! Anong ibinubulong bulong mo dyan?!" singhal niya at iniamba pa ang kamao.
Umiling naman ito at napaatras.

"Nothing." nakangiwing sabi nito na animo natakot na sa maliit niyang kamao.

"Tsk. Dyan ka na nga! Baliw!" aniya, pagkatapos irapan ay sumakay na siya ng


sasakyan niya, inistart na niya ang sasakyan ng maalalang nakadikit pa pala ang
sasakyan nito sa volks niya, muli siyang bumaba ng sasakyan.

"Hoy! Bulag ka ba?! Aalis na ako kaya yang nakaharang mong kotse pakitabi tabi!"
inis na sabi niya dito, tumalima naman ito, agad na pinaandar ang volks niya nang
hindi na nakadikit ang sportscar nito.

Hindi pa siya gaanong nakakalayo dito nang sulyapan pa niya ito sa rear view
mirror, kitang kita niya ang nakasimangot na mukha nito habang nakatingin sa
papalayo niyang sasakyan.

"Tch, hindi uubra sa'kin ang pagpapacute mo." nakangising bulong niya.

Ngitngit na ngitngit ang kalooban ni Hunter sa babaeng kaaalis lamang sakay ang
kotseng kuba, asar na asar siya sa tindi ng katarayan at kaastigan nito, nagawa pa
nitong suntukin siya sa mukha ng dalawang beses. Kakaiba ang babaeng iyon, sa dami
ng babaeng nakasalamuha na niya ngayon lang siya nakakita nang ganong klaseng
babae. Hindi man lang ito naapektuhan sa taglay niyang appeal. Todo ngiti na nga't
pagpapacute ang ginagawa niya kanina para lamang patawarin na siya at sa kanya na
ang alas. Pero bwusit ang babaeng iyon! Nakakainis siya!

Kuyom ang mga palad nang maalala ang ginawa nitong pagsuntok sa kanya, sinapo niya
ang bibig at sumulyap sa rearview mirror, namuo na ang dugo sa nguso niya dahil sa
pagkakasuntok nito.

Napakalakas sumuntok parang lalaki!

"Ah! Siguro abnormal siya kaya ganon! Lesbian siguro." giit ng isip niya.

Yamot na pinaandar na niya ang sasakyan, hindi na siya pupunta sa reception kahit
na labag sa kalooban niya, ayaw niyang magpakita don na putok ang labi baka marami
pang mag usisa, lalo na ang mga kaibigan niya, tinawagan muli niya ang kaibigang si
Trevor at nagdahilan na sumama ang pakiramdam niya kaya hindi na makakapunta pa sa
reception. Inis na inihagis niya ang cellphone sa passenger seat. Nagtatagis ang
kalooban na pinaharurot ang sasakyan. Nasira ang araw niya dahil sa
nakaengkwentrong babae.

Itinigil ni Joey ang kanyang sasakyan sa tapat ng photo shop niya,


binitbit niya ang dalawang grocery bag na pinamili niya pagkuwan ay bumaba ng
sasakyan, saglit niyang sinulyapan ang gilid ng sasakyan niya, bumangon na naman
ang inis niya ng makita ang malaking gasgas ng apple green niyang volks wagen,
kahit na old model na ang sasakyan niya ay mahal na mahal niya iyon, iniregalo iyon
sa kanya ng kanyang mga magulang noong magtapos siya ng kolehiyo.

Nilapitan niya iyon at hinaplos, "Sa tinagal tagal na ni pink sa buhay ko, never pa
itong nasira o nagasgasan..at dahil lang sa mayabang at preskong lalaking
iyon...pumanget ang sasakyan ko." asar na bulong niya, pati ang pangalan ni Pink ay
pinapakealam pa niya...

Naglakad siya sa tapat ng dalawang palapag na gusali, naroon ang kanyang photoshop
at ang nagsisilbing bahay na rin niya na nasa ikalawang palapag naman.

Pagkabukas niya ng roll up door ay binuksan naman niya ang glass door, bago siya
umakyat sa pangalawang palapag ay ipinatong muna niya ang bitbit na grocery bag sa
bar counter na nagsisilbing inquiry section at cashier, mayroon siyang isang
assistant na nagsisilbing cashier niya pero dahil linggo ay restday nito.

Mula sa estante ay dinampot niya sa marble bowl ang tatlong dart, itinapat niya
iyon sa malaking poster ng isang lalaki pagkuwan ay sunod sunod na ibinato, eksakto
sa mukha nito ang tatlong dart.

"Bullseye!" nakangising bulong niya.

Parang gamot ay nawala lahat ng bad mood niya, nagsisilbing stress reliever na niya
iyon.

Nang gumaan ang pakiramdam ay binitbit na muli niya ang grocery bag at umakyat sa
ikalawang palapag.

Maluwang naman ang bahay niya para sa iisang tao, mayroon ding kitchen, living
room, comfort room at bedroom, dumiretso siya sa kusina at isa isa niyang inilagay
sa hanging divider ang ilang de latang binili niya, binuksan niya ang refrigerator
at inilagay naman roon ang fresh vegetables at fresh meat na lulutuin niya mamaya
para sa hapunan niya.

Ilang taon na rin naman siyang nag iisa kaya marunong na siya sa lahat ng gawaing
bahay at sa pagluluto, yun nga lang hindi talaga siya magaling magluto, nakakakain
lang siya ng masarap kapag dinadalaw siya ng pamilya niya.

Dumiretso siya sa kanyang silid, hinubad niya ang jacket na suot at ang maong
jeans, kanina pa niya gustong maligo dahil napakaalinsangan ng hangin kanina. Bago
siya nagtungo sa banyo ay sinulyapan muna niya ang sarili sa full length mirror.

Joey stood for a moment while looking her reflection at the mirror. She saw a
beautiful woman, a tall, thin and slender body - perfectly proportioned.

Kung hindi siya nainlove sa photography, malamang ay isa na siyang modelo ngayon,
ilang beses na niyang tinanggihan ang offer sa kanya na maging isang model. Hindi
niya kayang basta na lang talikuran ang passion niya, she loves taking pictures.
Mas gusto niyang nasa likod ng camera.

Mas madalas lang din niyang itago ang magandang katawan na iyon sa loose t-shirts
and jacket niya, nakakapagsuot naman siya ng bestida at fit blouses, kaya lang mas
komportable siya sa ganong damit.

Saglit pa niyang pinagmasdan ang sarili bago nagtungo sa banyo at naligo.

Sunod sunod na nakarinig nang pagtunog nang doorbell si Hunter, kahit ayaw niyang
umalis sa kama ay napilitan siyang bumangon dahil hindi yata titigilan ng kung
sinomang tao na nasa labas ng condo unit niya ang doorbell niya hangga't hindi siya
lumalabas.

May inis sa tinig niya nang pagbuksan niya ito ng pinto.

"What?!" nakasimangot na tanong niya sa pag aakalang room boy lang iyon na
magbibigay ng ng kung ano anong sulat.
Lalo namang nadagdagan ang pagsimangot niya ng makita niya kung sino ang mga bisita
niya.

"What took you so long?" Reed asked impatiently

"Ano bang ginagawa mo? Kanina pa kami nagdo-doorbell." Sabi naman ni Jared,
sinimangutan niya ang mga ito.

"Natutulog ako." Aniya, hindi naman naniwala ang mga ito.

"Lokohin mo ng lahat ng babae mo h'wag lang kami." Komento ni Tanner, sinang ayunan
naman iyon ni Vash.

"Ikaw matutulog ng tanghaling tapat? Kung hindi ka nakikipag lunch date sa isang
magandang modelo ay nasa backstage ka ng isang noontime show at nakatunghay ka sa
isang sikat na artistang karelasyon mo ngayon." Ani Vash

"Aish! Kung sisirain ninyo ang araw ko, mabuti pang umuwi na lang kayo dahil hindi
ako nakahandang tumanggap ng bwusita ngayon." Angal niya.

"May sakit ka ba? O baka naman kinakarma ka na?" pang aasar na tanong ni Trevor,

lalo naman siyang napikon sa mga ito kaya akma niyang isasara ang pinto nang
pigilin iyon ng mga ito.

"Hey-hey-hey!" halos sabay sabay na bulalas ng mga ito at mabilis na pinigilan ang
pinto.

"Ang pikon mo talaga." Naiiling na pakli ni Sky.

"Ano bang ginagawa ninyo sa unit ko?" nakasimangot na tanong niya

Tinabig siya ng mga ito at kahit na hindi pa niya pinapapasok ang mga ito ay
nagtuloy tuloy ang mga ito hanggang sa makarating sa kanyang sala.

"Cold drinks naman dyan." Sabi ni Trevor nang makaupo sa sofa

"Tss. Nagpunta ka lang dito para makiinom ng malamig?" angal niya subalit kinuha pa
rin niya ito ng soda in can pati na rin ang ibang kaibigan niya.

"In fairness to you Hunter, kahit na ganyan ka..malinis ka sa bahay mo." komento ni
Xien na pinagmasdan ang buong unit niya.

Iniabot niya sa mga ito ang malamig na soft drinks pagkuwan ay naupo sa air bed-
sofa tsaka nagsalita.

"Ofcourse, hindi ako kasing balahura mo sa bahay." Nakangising sagot niya.

Minsan na siyang nakitulog sa bahay ng binata, at kung gaano ito kalinis sa katawan
ganon naman ito kadumi sa bahay, palibhasa ay walang oras itong maglinis dahil
workaholic ito, mas matagal ang pag stay sa opisina kaysa sa bahay, buti na lang at
nakilala nito si Reinne, ang babaeng nagpatibok sa puso nito. Sa wakas ay
nakakahinga na siya ng maluwag sa tuwing pupunta siya sa bahay nito.

Nailagan naman niya ang lumipad na throw pillow na binato nito sa kanya.

"H'wag na h'wag ka ng makikitulog sa bahay ko, kahit pa magmakaawa ka


sa'kin..tablado ka sa'kin." Anas nito, lalo lang niyang nginisian ang kaibigan.
"See, hindi lang ako ang pikon dito." Aniya na kaswal na dinampot ang throw pillow
na binato nito at humalukipkip na niyakap iyon.

Tumawa lang ang ibang kaibigan niya at hindi na sumagot pa si Xien, nahiga na siya
ng tuluyan sa malambot na sofa bed at pumikit.

"Bakit ba kayo nagpunta dito?" tanong niya habang nakapikit

"Namimiss ka kasi namin." Sabad ni Kaizer na alam niyang iniinis lang siya, lalong
lumapad ang mga ngiti niya, nakapikit pa rin siyang nagsalita.

"Sabi na nga ba at hindi kayo makatiis na hindi makita ang kagwapuhan ko." aniya,
tumawa siya ng marinig niya ang masamang ungulan ng mga ito.

"Ang tigas ng mukha mo, hoy!" bulalas ni Trevor

"Eh ano ngang ipinunta ninyo rito?" muling tanong niya

"Kakamustahin ka lang namin, hindi ka umattend sa reception ng kasal ni Einar,


hindi ka na rin nagparamdam at nagpakita sa'min." sabi ni Reed.

Nawala naman ang mga ngiti niya, lihim na hinaplos niya ang sulok ng labi niya,
nararamdaman pa rin niya ang sugat.

Dalawang araw na ang nakakalipas pagkatapos ng kasal ni Einar, dalawang araw na rin
siyang hindi lumalabas ng bahay at nagliliwaliw.

"Ano nga bang nangyari sa'yo at hindi ka nagpunta sa reception? In all people, ikaw
pa ang nawala doon..kaya nagtataka talaga kami sa'yo." Ani Vash na saglit na
ibinaba ang binabasang libro at tumingin sa kanya, mukhang interesado itong malaman
ang nangyari sa kanya.

Nakuyom niya ang mga palad, hindi niya malimutan ang nangyari sa kanya noon sa
simbahan, hindi pa rin siya makaget over sa babaeng nakaengkwentro niya.

"May sakit ako." Dahilan niya, tila hindi naman naniwala ang mga ito sa kanya.

"Ano namang sakit mo?" tanong ni Yuan

"UTI." Pagsisinungaling niya, hindi niya alam kung sasabihin ba niya sa mga
kaibigan niya ang nangyari noon sa simbahan, tiyak kasing pagtatawanan siya ng mga
ito.

"Ang takaw mo kasi sa alak." Naiiling na komento ni Vash

"Tsk, sa pag ihi na nga lang kinikilig, nagkaUTI pa." nakangising sabi niya,
naiiling na nagsalita si Xien.

"Hindi ako naniniwalang may UTI ka." Ani Xien, kinuha nito ang basurahan sa tabi at
pinakita ang balat ng junks foods at beer bottle na nilantakan niya kagabi,
napangisi siya.

Hanga na talaga siya sa galing nitong mag imbestiga.

"Ibang klase talaga ang detective natin." Nakangiting komento ni Jared.

"So ano ba talagang totoong dahilan kaya hindi ka nakaattend sa reception ni


Einar?" pangungulit ni Trevor, wala na siyang nagawa kundi sabihin sa mga ito.
Nagulat ang mga ito sa biglang pagbalikwas niya.

Nanginginig ang kalamnan niya sa sobrang pagkainis dahil naalala na naman niya ang
babaeng iyon.

"You won't believe me guys! But I met an evil, monster, witch woman two days ago."
He said in exaggerating expression.

Hindi man lang niya pinagsalita ang mga kaibigan niya, nagpatuloy siya sa
pagkukwento tungkol sa babaeng iyon.

"She's noisy, she's annoying, I hate her..I really hate her!" he said in
irritation, amusement are written in their faces while looking at him, "She even
punched me, nagawa niyang suntukin ang gwapong mukha ko..Kainis!" nanggigigil siya
sa pagkainis habang ikinukwento ang mga nangyari.

Imbis na magreact ay nakita pa niyang tila tuwang tuwa pa ang mga ito sa nangyari
sa kanya, they are laughing.

"What? Nakakatawa ba ako?" pikong tanong niya sa mga ito.

His friends glanced at each other slyly, they knew he didn't really want an answer
to that question but they gave him one anyway in perfect union.

They shrugged and said, "Yeah."

"Bwusit! Umuwi na nga kayo!" aniya na nahiga muli at tinakpan ang mukha ng hawak
niyang throw pillow.

Naramdaman naman niya ang paa ni Trevor sa kanyang braso, he poked him using his
foot.

"What does she looks like huh? Tell us." He heard excitement in his tone.

Inis na tinabig niya ang paa nito at lukot ang noong bumangon.

"Gross!" aniya habang pinunasan ang braso, "Kung makakulbit ka ng paa mo...kadiri,
may alipunga ka pa naman." Nakangiwing sabi niya, tinawanan lang siya nito.

"Tss, kahit amuyin mo pa maghapon ang paa ko, walang alipunga to." Sagot nitong
tumatawa, katulad niya itong maarte sa katawan kaya alam niyang hindi pinamamahayan
ng fungus ang katawan nito, "Anyway, ano na? Ano bang hitsura niya?" muling tanong
nito.

Inalala naman niya kung anong hitsura ng babaeng iyon, ano nga bang hitsura niya?

All he remembered was she just wearing green jacket, jeans and rubber shoes, she
was tall and...Thin? Chubby? I don't know..her face..Uhnnn..

Hindi naman talaga niya namukhaan ang babae, basta ang natatandaan niya astigin
ito, masungit at malakas sumuntok.

Nahaplos niya ang batok, "Hindi ako interesadong tingnan pa ang hitsura niya."
kunwa'y sabi niya, "She's nothing to me." Nakangiwing komento niya nang maalala
niya ang kaweirduhan ng babaeng iyon.

"So kaya ka nagkakaganyan dahil apektado ang ego mo sa pagbalewala ng babaeng iyon
sa kagwapuhan mo?" komento ni Tanner
"And for the first time may isang babaeng hindi natablan ng kapangyarihan mo."
tumatawang sabad naman ni Yuan.

Ekseheradong nagreact siya, "Of course not! Hindi naman yata babae ang isang yun,
lesbian yun." Depensa niya sa sarili

"Sigurado ka?" nang aarok ang tinging tanong ni Xien

"A-h..Oo!" sagot niya, "Tsaka weirdo ang babaeng iyon."

"How can you say that?" maang na tanong ni Reed

"Her volks has a name." aniya

"Well, Ashton was the name of my black Audi." Kaswal na sabi ni Xien

"Weirdo..." bulong niya na humangga naman sa pandinig nito

"Hindi masamang magpangalan ng sasakyan, Martin was the name of Sky's yellow
Camaro, Lucas was the name of Reed's Black Lamborghini and Queen was the name of
Trevor's gray Mustang. We just love cars, so hindi kaweirduhan iyon. Malay mo naman
importante rin sa kanya ang sasakyan niya." paliwanag ni Xien.

Sumang ayon naman ang mga kaibigan nila sa sinabi ni Xien.

"Okay fine, hindi na masamang magpangalan ng sasakyan but she still weird, why not?
Pink was the name of her apple green volks." Nakangiwing sabi niya, "Napakaweird
niya..nakakainis din siya." Inis na sabi niya

Hindi naman nagsalita ang mga ito, they just looking at him.

"Sana hindi na kami magkita ng tomboy na iyon." kuyom ang mga palad na sabi niya,
nang maramdaman niyang pinagmamasdan lang ng mga kaibigan niya ang paghihimutok
niya ay nagsalita na siya.

"What?" pantay ang mga kilay na tanong niya

"I want to know what will happen kapag na inlove na si Hunter." Sabad ni Kaizer,
ganon na lamang ang paglukot ng ilong niya.

"Never!" sagot niya

"I like to see him dying.." nakatawang sabi naman ni Trevor, dying means falling in
love with hopelessness and love sick, pinagdaanan lahat iyon ng ibang mga kaibigan
niya kaya nakita niya kung gaano kahirap ang mainlove.

"Shut up." Pikong sabi niya, "That's not gonna happen!"

Lalong siyang napikon nang marinig niya ang sabay sabay na pagkanta nina Kaizer,
Sky, Trevor at Jared nang.... "Baby, you don't know what is like..baby you don't
know what is like..to love somebody...to love somebody.." pagkanta ng mga ito
pagkuwan ay bununtutan ng pang aasar na tawa.

Pikong tinakpan niya ang tainga niya at nagsalita.

"Just shut up!"

####################################
CHAPTER THREE
####################################

Nagulat si Hunter nang tumunog ang cellphone niya, kunot noong sinulyapan niya ang
screen ng cellphone. Pepsi, the caller name.

"Wait guys, I need to answer this call." Hunter said to his friends, natigil naman
ang tawanan ng mga ito at tahimik na nakatingin na sa kanya.

Pinindot niya ang call button at sinagot iyon.

"Oh yes pepsi, what can I do for you." Pinalambing niya ang kanyang boses, narinig
niya ang mahinang pagtawa ng nasa kabilang linya.

"Well, I have something good to offer." He said

Lumapad na ang mga ngiti sa mga labi niya, natitiyak niyang magandang offer iyon.

"Really?"

"Yes, I joined the international underwear event and I need a male model, and I
think you're a perfect model for my new designs." Pepsi said

"Am I really perfect model for your designs?" hindi mawala wala ang ngiti sa mga
labi niya

"Yes, I'm very sure that my designs will be the next trending underwear collections
this summer because I have my perfect model." Anito

"You're really so sweet!" kinikilig na sabi niya, "And honest."

Hindi niya pinansin ang pag iilingan ng mga kaibigan niya dahil sinasadya talaga
niyang iparinig ang mga iyon sa mga ito.

"Okay, because you're so honest, I'll accept your offer." Aniya

Ilang saglit pa silang nag usap ni Pepsi tungkol sa offer nito, maya maya ay
nagpaalam na rin ito.

Pepsi was a gay fashion designer, nagsisimula na itong gumawa ng pangalan sa


industriya ng pagdidisenyo pero mas nakilala ito at sumikat dahil sa pagsali nito
sa isang international reality show na Runaway project, kung saan maglalaban laban
ang mga aspiring designer, hindi man ito ang nanalo sa nasabing reality show pero
mas madalas na mapuri ang magagandang gawa nito.

Minsan na rin siya nitong naging modelo kaya magkakilala na sila nito.

"So, I'm going to work this whole month." Aniya sa mga kaibigan.

"That's good news." Kaswal na sabi ni Yuan, "Mawawalan ka ng panahon sa mga babae
mo." anito pa, ngumisi siya.

"Nah, I don't think so, they're going to miss me."

"Tsk. Magbago ka na. Baka makarma ka." Paalala naman ni Reed.

"That won't happen." Nakangising sabi niya.


His name is Hunter Monseratt, half Mexican-half Filipino, a rich and
famous model in the country. He graduated BS Biology but he never becomes a
Biologist.

Pinangarap man niya noon na maging isang eksperto, nainlove naman siya sa naging
sideline niya noong nasa kolehiyo siya, ang pagmomodelo.

He came from in a conservative and religious family in Mexico but he quited to be


one of them, hindi niya kayang pumasok sa seminarista gaya ng mga nakatatandang
kapatid niya, he had five brothers and he was the youngest.

Siya man ang itinuturing na black sheep sa pamilya niya dahil sa pagsasariling
kalooban ay hindi niya iyon pinagsisisihan, magkakasala lang siya kung ipipilit
niyang magpakabirhen sa buong buhay niya, he loves women and he can't live without
them.

Gradeschool palang siya ay nanghalik na siya ng magandang teacher niya sa Mexico


kaya wala sa oras na pinatapon siya ng pamilya niya sa Pilipinas at tumira sa mga
lolo't lola niya, doon naman niya lalong napagtanto sa sarili niyang nagpakatotoo
lang siya sa sarili niya, highschool nang magkaroon siya ng kasintahan, tatlong
nobya ng sabay sabay, well, masayang magkaroon ng tatlong babae sa buhay ng sabay
sabay pero hindi naman iyon tumatagal, parang bagyo lang na dadaan sa buhay niya at
mawawala na rin kaagad, he just love to play with them.

Love and relationships are out of his system, he doesn't want commitments, no
obligations, no head aches and no heart aches. No strings attached.

Marunong siyang maglambing sa babae, marunong siyang magpaibig sa mga ito pero
nunca pa siyang naiinlove sa mga nakakarelasyon niya, tumatagal lang din ang
relasyon niya sa mga ito ng isa o dalawang buwan.

Everything was in his control, hindi niya hinahayaang manghimasok sa buhay niya ang
mga babaeng nakakarelasyon niya, lahat ay pawang paglalaro lamang.

He knows how to flirt with women, he knows how to seduce them..kaya niyang makaakit
ng babae sa sampung segundo lang pagkatapos ay kaya na niyang paikutin ang mga ito
sa kamay niya.

Oh really? Bakit ang babaeng iyon ay hindi mo nadala sa pang aakit mo? pang aasar
ng isang bahagi niya.

Oh damn that girl! Hindi yun tunay na babae..depensa niya

"She'll gonna pay for what she did to me." aniya sa sarili nang maalala na naman
ang namutok na sulok ng labi.

Bigla ay may naisip siyang paraan para makaganti sa babae tutal ay hindi na sila
magkikita pa nito.

Araw ng lunes, nasa bangko si Joey upang ipapalit ang cheke na


ipinambayad sa kanya ng mayabang na lalaki, ipapaayos sana niya ang gasgas ni Pink,
masaya siya ng umalis sa bahay niya kahit pa nga makulimlim ang kalangitan at
nagbabadya ang ulan. Kahit lunes at iniwan lang ang assistant na si Salve sa photo
shop niya ay maganda pa rin ang mood niya, palibhasa ay maganda ang gising niya.
Pero nawala ang mga ngiti sa mga labi niya sa sinabi ng teller clerk.

"I'm sorry Miss but this is a bounce check." Anito na ibinalik ang tseke sa kanya.

Para naman siyang bulkang sumabog sa inis, paanong? Bounce check ang ibinigay sa
kanya ng lalaking iyon? Ibig sabihin, niloko ako ng mayabang na iyon!

Nakuyom niya ang mga palad na lumabas ng bangko, paano pa niya ipapaayos ang
nagasgasan niyang sasakyan? Mahal pa man din sumingil ang car shop na pinagtanungan
niya.

"Bwusit ang lalaking iyon!!!" gigil na bulong niya.

Kasabay ng pagbuhos ng galit niya ay bumuhos naman ang malakas na ulan, wala pa man
din siyang dalang payong kaya napilitan tuloy siyang tumakbo para makasakay sa
volks niya.

Bago siya nakasakay ng sasakyan niya ay basang basa na siya ng ulan.

Lalo tuloy nadagdagan ang init ng ulo niya dahil sa kamalasang nangyari sa kanya.

"Kapag nagkita kami ng lalaking iyon, sisiguraduhin kong dudugo na naman ang nguso
niya." tiim bagang na sabi niya.

Bago niya paandarin ang sasakyan niya ay tumunog naman ang cellphone niya, kaagad
niyang sinagot iyon nang makitang ang kaibigang si Pepsi ang caller.

"Where are you Joey?" he asked

"Dito sa bangko, bakit?" tanong niya

"Nandito ako sa shop mo." anito, "Parating na rin yung model na nakausap ko." anito

Nagulat naman siya sa sinabi nito.

"Teka, h'wag mong sabihin na ngayon ang pre photoshoot." Aniya

"Oo, pasensya na at biglaan." Anito

"Okay sige, pauwi na rin naman ako." Aniya sa kaibigan.

Kaagad niyang pinaandar ang sasakyan, kahit papaano ay nawala ang inis na nadarama
niya.

Mula sa loob ng sasakyan ni Hunter ay pinagmasdan niya ang hindi


kalakihang two story building sa katapat niya, Joey's photoshop. Nababasa niya sa
itaas na sign board, kadarating lang niya sa lugar na iyon, mula sa loob ng photo
shop ay nakita niya si Pepsi na may kausap na isang babae.

He checked his wristwatch, sampung minuto bago mag alas diyes ng umaga, maaga pa
siya sa usapan nila ni Pepsi, mabuti na lang din at madali niyang natunton ang
photoshop na yun.

Nagbuntong hininga siya, napakalakas ng ulan at wala siyang dalang payong, wala
tuloy siyang magagawa kundi lumabas ng sasakyan at magpakabasa.

Nakasalubong niya sa pintuan ang babaeng kausap ni Pepsi kanina, saglit itong
natigilan at may paghangang tumitig sa kanya, he smiled at her.

Lalong nagningning ang mga mata nito nang magsalita siya.

"Hi." He greeted her with his killer smile

"Nasa langit na ba ako?" she whispered.

Kinindatan pa niya ito bago nilagpasan ang babaeng palabas

"Ang gwapo." Narinig pa niyang bulong nito, hindi naman mawala wala ang ngiti sa
mga labi niya.

Dumiretso si Hunter sa nakatalikod na lalaki habang may katext sa cellphone.

"Hi Pepsi!" bati niya, naagaw naman kaagad niya ang atensyon nito.

"Hunter, dumating ka na rin pala." nakangiting sabi nito, sinalubong niya ito ng
yakap at pagtapik sa likod bilang pagbati.

"Ano? Umpisahan na natin ang photoshoot." Nakangiting sabi niya, itinaas nito ang
cellphone.

"Parating pa lang si Joey, okay lang ba?" Anito

"Ganon ba? Okay, I can wait." Nakangiting sabi niya, may sumilay na ngiti sa mga
labi nito.

"That's why, I really like you as my model." Komento nito, "Hindi maarte at hindi
reklamador." Anito pa, tumawa siya ng mahina.

"Nah, nambola ka na naman." Biro niya dito

Naupo siya sa mahabang lounge chair, sadyang inilagay ang upuang iyon para sa mga
costumers na naghihintay.

"You want drinks?" Pepsi said, umiling siya.

"No thanks." He said

"Nagpabili ako ng foods sa assistant ni Joey." Anito, ang tinutukoy nito ay ang
babaeng kalalabas lang.

"Ah okay." Aniya.

Maya maya ay tumunog ang cellphone nito pagkuwan ay nagsalita.

"Naku, makakalbo ko ang assistant ko eh." Anito

"Why?"

"Pinapadala ko sa kanya yung mga designs na susuotin mo sa photoshoot, hindi


makaalis sa boutique shop dahil bumaha na daw sa kalsada at walang masakyan."
Anito, "Susunduin ko lang muna Hunter, hintayin mo na lang ako atsaka parating na
rin naman si Joey eh." Anito, nakangiting tumango siya.

"Sure, no problem." He said.

Nang makaalis si Pepsi ay naiwan naman si Hunter na nag iisa sa photo shop,
napakatahimik doon at tanging malakas na ulan lang ang naririnig niya.

Inilibot niya ang paningin niya sa buong lugar, the place was pretty nice and
everything is in proper places, hindi masakit sa mata ang kulay na yellow green
wallpaint, kulay dilaw naman ang tiles na inaapakan niya, the curtains are color
yellow and it was a good color combination with the wallpaint.

Maganda ang pagkakadisenyo ng bar counter, may malaking mosaic picture na nakaframe
sa likod niyon kaya nakakaagaw kaagad ng pansin ang bahaging iyon.

May flower base sa bawat sulok at hanging plants, mas mukhang bahay ang lugar kaysa
photoshop.

Tumayo siya at lumapit sa bar counter, it is a marble bar counter, may isang
desktop computer doon at ilang cute figurines, may nakita rin siyang ilang dart na
nasa marble bowl, kunot noong kumuha siya ng isa.

"If there's a dart, there's a dart board." Bulong niya, paborito rin niyang laruin
iyon sa happiness bar ni Sky.

Hinanap niya ang dart board at ganon na lamang ang panggigilalas niya nang makita
niya mula sa kinatatayuan niya ang isang malaking poster, it is a whole body poster
of a male model, tila pamilyar sa kanya ang modelong naroon kaya lang dahil punong
puno ng butas ang mukha nito ay hindi niya ito mamukhaan, may tatlong dart pa ngang
nakadikit sa kanang mata nito.

"Kawawa naman.." nakangising sabi niya, kung sino man ang modelong naroon
siguradong mag aalburoto kapag nakita ang poster nito, napakaganda pa naman ng pose
nito sa poster.

Itinapat niya ang dart sa poster at susubukang patamain ang kaliwang mata nito but
the dart dropped on the man's down under.

Naiiling na natatawa siyang mag isa, "Nah, si Trevor ang magaling sa dart." Bulong
niya, nilibot pa niya ang buong lugar, pumasok siya sa isang pinto na natatabingan
lang ng kurtina.

Doon niya nakita ang mga gamit ng isang photographer, so this is the photo room.

Nag eenjoy siyang libutin ang buong lugar habang naghihintay.

Ilang saglit pang naipit si Joey sa trapik, dahil malakas ang ulan ay
nagdulot iyon ng hanggang binting baha kaya hindi rin kaagad nakausad ang mga
sasakyan lalo na ang mga lowered cars na naging sanhi ng trapik.

Sa wakas ay nakarating siya sa shop niya, medyo bumaha na rin sa tapat ng gusali,
kung bakit kasi mabilis bumaha sa maynila kahit kaunting ulan lang.

Kaagad na naramdaman ni Joey ang lamig ng lumabas siya ng sasakyan, hindi naman
niya alintana kahit na nababasa na siya ng ulan. Pagkatapos niyang i-lock ang pinto
ng volks ay pumasok na siya sa shop niya.

Nagtaka siya kung bakit napakatahimik ng shop niya.

"Salve, nasaan ka?" tawag niya sa assistant niya habang hinuhubad niya ang nabasang
sapatos pagkatapos ay hinubad niya ang jacket niya.
Mabilis na sumuot ang lamig ng aircon sa kanyang balat palibhasa ay hapit at
manipis na sando ang suot niya.

"Salve, can you get me a t-shirt?" patuloy na wika niya, sa pag aakalang nasa photo
room lang ito dahil nakakarinig siya ng mga kaluskos roon.

Yumuko siya upang ayusin ang buhok niya, kinapa naman niya sa bar counter ang ilang
rubber band upang ipantali niya sa nabasang buhok.

Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya may isang pares ng mga mata ang
nakatingin sa kanya, nagtaas siya ng mukha at hinanap ang mga matang iyon.

In an instant kakaibang damdamin ang naramdaman niya ng masalubong niya ang mga
matang iyon na pagmamay ari ng isang gwapo at matangkad na lalaki!

####################################
CHAPTER FOUR
####################################

Humahangang pinagmamasdan ni Hunter ang mga picture sa album na hawak niya,


napakaganda ng bawat litratong naroon, not because the models were good in posing
not because the places were beautiful, not because the things were cute but because
the one behind the camera was really amazing.

Napakagaling nito, ang mga simpleng bagay na nasa litrato ay nagiging kaakit akit
sa paningin niya. Hindi nagkamali si Pepsi sa pagkuha ng photographer, siguradong
mas magiging maganda ang kalalabasan ng mga litrato niya.

Naibaba niya ang photo album nang makarinig ng boses, baka dumating na si Pepsi o
yung assistant na inutusan nitong bumili ng pagkain.

Hinawi niya ang kurtina at akmang lalabas sa silid na iyon nang matigilan siya.

Imbis kasi na si Pepsi o ang assistant ang makita niya ay isang matangkad na babae
ang bumungad sa paningin niya, mukhang nabasa ito ng ulan dahil basang basa ang
suot nito.

Hindi naman niya napaghandaan ang susunod na gagawin nito.

In slow motion, habang hinuhubad ng babae ang suot nitong basang jacket ay unti
unting sumisilay sa kanyang paningin ang maputi at makinis nitong balat.

Hunter swallowed hard, nakakita siya ng isang perpektong babae, from her perfect
slender body shape, wala man lang siyang nakitang fats sa katawan nito, her white
sando fitted her so much, hindi naitago sa suot nito ang kulay pulang panloob nito,
her front was really attractive, even her low rise jeans revealed her navel and she
was seductively beautiful.

Bigla ay tumibok ang kanyang....

Damn! Hindi niya alam kung ano bang tumitibok sa kanya..

All he knew that the woman are so damn hot! He can't believe a woman could look so
gorgeous in just a pair of jeans and sando, crumpled hair and all.
"Ah! Goddess..." he whispered

Kasabay ng pagbulong niya ay napatingin sa kanya ang babae.

Because he remained enchanted, hindi niya namalayan na mabilis na nakalapit sa


kanya ang babae, ang saying....

"Pervert!" sigaw ni Joey nang makita niya ang isang lalaki sa kanyang
shop, mabilis na nilapitan niya ito, nadampot niya ang ilang magazines na
nakapatong sa mahogany table at walang anomang pinaghahampas sa lalaki.

"Bastos! Manyak!" galit na sigaw niya habang hindi pa rin tinitigilan ang
paghampas.

Tila natauhan naman ang lalaki sa pagkakatitig sa kanya nang mapuruhan ito sa ulo.

"Hey, stop that!" he said, nahawakan nito ang kamay niya at marahas na kinuha sa
kanyang kamay ang magazines na nagkalasog lasog na dahil sa paghampas niya sa
lalaki.

Ibinato nito ang mga magazines upang mailayo sa kanya habang hawak pa rin ang
dalawa niyang kamay.

"Let me go!" asik niya tsaka tiningnan ang lalaki.

Kasabay nang pagbitaw nito sa kanya ay doon niya ito namukhaan.

Nalukot ang ilong niya sa labis na panggigigil, paanong hindi? Ito lang naman ang
mayabang na lalaki na nakaengkwentro niya isang linggo na ang nakararaan, at ang
preskong lalaki na nagbayad sa kanya ng bounce check.

"Ikaw?! May gana ka pang magpakita sa'kin, hudas ka!" gigil na sabi niya at umigkas
na naman ang mga kamay niya upang suntukin ang dibdib nito, nagulat naman ito sa
ginawa niya.

"Ouch! That's hurt." Angal nito, "Stop it, lady." He said

Subalit hindi naman niya ito tinitigilan, mas lalong pinanggigigilan niya ang
pagsuntok sa lalaki.

"Ano ba?! I said stop it!" pikon na ring sabi nito, pinigilan ang mga kamay niya.

Naningkit naman ang mga mata niya sa pagkainis, siya pa ang may ganang magalit?

Marahas na binawi niya ang mga kamay dito, lumayo siya ng kaunti dito at
nakapamaywang na nagsalita.

"Hoy mayabang na lalaki, may atraso ka pa sa'kin hudas ka." Tiim bagang na sabi
niya

"Kung makahudas ka naman, wagas!" reklamo nito

"Hudas ka naman talaga eh!" nakairap na sagot niya

"Wait a sec, are you one of my ex? Tell me, from our high school? College? From
work? Or do I know you from common friends. Nakilala ba kita sa disco or
restaurant? Ah! Siguro isa ka sa mga nakilala ko sa speed dating last year, Am I
correct?" anito, ganon na lamang ang paniningkit ng mga mata ni Joey. Grabe! To the
highest level ang kayabangan ng lalaking ito!

Lalo tuloy siyang nanggigil sa inis dito, nilakasan niya ang pagsuntok sa dibdib
nito.

"Hindi ako kasama sa listahan ng mga babaeng naloko mo! At hinding hindi ako
kailanman magiging isa sa mga iyon!" gigil na sabi niya at inis na binatukan ito.

"Ouch! Kung hindi ka isa sa mga ex ko, sino ka? Anong atraso ko sa'yo?" kunot noong
tanong nito habang himas himas pa ang batok.

Mukhang hindi na siya natatandaan ng lalaki, pwes ipapaalala niya iyon.

Kinuyom niya ang mga palad at umigkas iyon patungo sa mukha nito, dahil hindi nito
napaghandaan iyon ay hindi ito nakailag sa pagsuntok niya.

Napaatras naman ito at kaagad na nasapo ang cheekbone na mabilis na namula at


nagkaroon ng pasa.

Nag iba ang ekspresyon ng mukha nito nang bumaling sa kanya, mas mukha na itong
galit ngayon.

"Y-you?!" gulat na bulalas nito na animo bumalik ang alaala nito na tila nagka
amnesia lang.

She lifted her left eyebrow, "Yes, I Am." namaywang pa siya sa harap nito, "Naalala
mo na ba ako?" sarkastikong tanong niya, kitang kita niya ang iritadong pag ungol
nito.

"How can I forget you, witch!" he said in irritation.

"Mabuti naman pala at hindi mo ako nakakalimutan, dahil ikaw ay hindi ko rin
malilimutan ang kayabangan mo." aniya

Naalala niya ang bounce check na binigay nito, mula sa bulsa ng pantalon niya ay
kinuha niya sa wallet niya ang tseke nito.

"Mayabang ka rin talaga no? May patseke tseke ka pang nalalaman..ayan! isaksak mo
sa baga mo ang bounce check mo! At bayaran mo ako ng cash, ngayon din!" gigil na
sabi niya at isinaksak niya sa dibdib nito ang tseke.

"Tsss...yun lang ba talaga ang ikinapuputok ng butse mo?" inis na ring sabi nito,
marahas na kinuha ang tseke sa kamay niya, "Malas, nagkita pa kami.." bulong nito
habang may dinukot sa likod ng pantalon at kinuha ang wallet, humangga naman sa
pandinig niya ang binulong nito.

"Anong sabi mo?" asik niya, ganon na lamang ang pagsimangot nito

"Wala." Padaskol na sagot nito.

Nakita niya ang ilang lilibuhing pera nito.

"Wala, siraulo ka talaga." Aniya, lalong sumama ang mukha nito sa sinabi niya.

"Hayan!" anito na ibinigay sa kanya ang pera. "Happy now?" inis na sabi ito

Inirapan lang niya ang lalaki at tinanggap ang pera.


"Kung cash ang binigay mo simula pa noong una, hindi na ako napahiya sa bangko na
pinuntahan ko, buwisit na to!" bulong niya habang inilagay sa wallet niya ang pera.

Ibinulsa niya ang wallet at muling tumingin sa lalaki pero ganon na lamang ang
pagtagis ng bagang niya nang makitang sinusuyod nito ang kabuuan niya.

Wala sa oras na tiningnan din niya ang sarili at napaawang ang mga labi niya nang
mapagtantong halos hubad na pala siya sa paningin nito.

Niyakap niya ang sarili at nanliit ang mga mata sa inis.

"Hindi ka lang mayabang, manyakis ka rin pala!" gigil na sabi niya

"Kasalanan ko ba kung kumakaway sa'kin ang cleavage mo?" sarkastikong saad nito,
wala sa oras na natakpan niya ang dibdib niya. how perverted man!

Lalong namula sa panggigigil si Joey, gustong gusto na niyang bugbugin ang lalaking
kaharap kung hindi lang ito nakalayo sa kanya.

Mukhang napaghandaan nito ang susunod niyang gagawin.

"Pervert! Lumayas ka dito!" halos lumabas na ang mga litid sa leeg niya sa sobrang
inis sa lalaki.

"Why should I? I have business here. Ikaw dapat ang umalis dahil makakaistorbo ka
lang dito." Anito

"What?! Anong business ang gagawin mo dito sa photoshop ko?"

Kasabay ng pagkunot ng noo nito ay narinig nila ang boses ni Pepsi mula sa pintuan.

"Nandito na ako." Anito, sabay silang napatingin sa bagong dating habang may hawak
na kahon.

Nakalapit na ito sa kanila ay hindi pa rin sila umiimik pareho.

"Dumating ka na rin pala Joey.." anito sa kanya pagkuwan ay bumaling sa lalaki,


"Hunter, ito na yung mga designs na isusuot mo sa photoshoot." Nakangiting sabi
nito.

"Don't tell me?" sabay nilang sabi, nagkatinginan sila dahil sa pagkadisgusto sa
katotohanang nagaganap. "No way!" sabay pa rin nilang bulalas.

"Anong no way? Anong pinagsasasabi ninyong dalawa?" kunot noong tanong ni Pepsi na
clueless sa nangyayari.

Mabilis na kinompronta niya ang kaibigan.

"Don't tell me pepsi, siya ang nakuha mong model?" tanong niya sa kaibigan na
tinuro pa ang nakakunot noo na ring lalaki.

Tumango ito, "Oo, si Hunter Monseratt." Nakangiting sagot nito

Sunod sunod naman siyang napailing, "Tiyak na ang pagkatalo mo." walang gatol na
sabi niya, sinadya niyang iparinig sa lalaki.

Napikon naman ito kaya nagsalita na rin ang lalaki.

"Oo, tiyak talaga ang pagkatalo mo." anito na nakatingin din kay Pepsi
"Kahit anong galing ng photographer kung mayabang naman ang modelo, walang pag
asang manalo ka." Pang aasar niya sa lalaki subalit kay Pepsi pa rin nakatingin.

"Kahit anong gwapo ng modelo mo kung hindi naman magaling ang photographer. It's
useless." Anito na kay Pepsi rin ang atensyon.

"Hindi tinatablan ng camera ko ang mayayabang na tao." Hindi siya nagpatalo.

"Masasayang lang ang effort ko sa kapopose kung hindi rin lang magaling ang
photographer." Sabi naman nito.

"Kumuha ka ng ibang model yung gwapo talaga hindi yung feeling gwapo lang." aniya,
nakita niyang pikon na pikon na ito sa kanya.

"May kilala akong magaling at professional photographer, kung gusto mo talagang


manalo ang mga designs mo. Tatawagan ko na siya ngayon din." Anito, "H'wag kang
magtiwala sa wala pang naipagmamalaki." Anito pa.

Napatid na nito ang pasensya niya, gigil na tinadyakan niya ang binti nito.

"Ang yabang mo talaga!"

Napahalukipkip naman ito at nahimas ang binting tinadyakan niya.

"Ang brutal mo naman! Ano pa bang hindi mo nasusuntok at natatadyakan sa'kin?"


pikong sabi nito.

Umawat na sa kanilang dalawa si Pepsi at si Salve na kadarating lang at may dalang


supot na may lamang pagkain.

"Relax lang Hunter." ani Pepsi na yapos yapos ang binata habang inilalayo sa kanya.

"Let me go, Pepsi." Seryosong sabi ng lalaki habang nakatingin sa kanya.

"Boss, relax lang." sabi naman ni Salve na hawak hawak siya sa braso at pilit na
nilalayo rin sa lalaki.

"Bitiwan mo ako, Salve." Utos niya sa assistant, binitawan naman siya nito dahil
kilala siya nito kapag ganon na ang boses niya.

"Anong problema ninyong dalawa?" halos sabay na tanong nito at ni Pepsi.

"Siya." Sabay naman nilang sabi ng lalaki at tinuro pa ang isa't isa.

"Humanap ka ng ibang modelo Pepsi dahil hindi ko kayang makatrabaho ang mayabang na
lalaking yan." Asik niya na nakatingin sa lalaki

"The feeling is mutual, hindi ko rin kayang makatrabaho ang bruhang babaeng yan."
Yamot na sabi naman ni Hunter.

Tumahimik sila ng biglang umiyak si Pepsi.

"Ano ba kayong dalawa? I chose you to work for me, dahil alam kong magagaling
kayo...dahil pinagkakatiwalaan ko kayong pareho, alam kong hindi ninyo ako bibiguin
sa laban na to." Anito habang humihikbi, bumaling ito sa kanya.

"Joey, I chose Hunter because I know he's perfect to be my model, magaling siya,
gwapo at mabait. Hindi naman talaga siya mayabang na inaakala mo. pakiusap, alam
kong propesyunal ka sa larangan mo at alam kong kaya mong isantabi ang nararamdaman
mong inis kay Hunter, hindi ba?" anito, hindi naman siya umimik kaya bumaling naman
ito sa lalaki.

"Hunter, kaibigan ko si Joey, hindi siya bruha, bukod sa maganda at magaling na


photographer ang kaibigan ko, mabait din siya, mainitin lang ang ulo niya kung
minsan pero alam kong makakasundo mo rin siya." Anito sa lalaki.

Hindi ito nagsalita, patuloy na nagsalita ang kaibigan.

"Please, sana magkasundo kayong dalawa, para sa'kin..,for the sake of my designs."
Pakiusap ni Pepsi sa kanilang dalawa.

Ekseheradong nagbuntong hininga siya, "Okay fine. Gagawin ko para sa'yo Pepsi."
Aniya, nagliwanag naman ang mukha ng kaibigan niya sa sinabi niya.

"Talaga Joey?" tanong nito, tumango siya.

Bumaling naman ito kay Hunter, tila napilitan na lang din ang lalaki na sumagot.

"Okay, para sa'yo gagawin ko ang pakiusap mo." sabi ng lalaki.

"Ay! Bongga, di okay na tayo? Wala nang cold war ha." Ani Pepsi sa kanila.

Kinuha nito ang isang kamay niya at ang isang kamay ng lalaki.

"Joey, this is Hunter, our model." Anito sa kanya, "Hunter, this is my friend Joey,
your photographer." Pakilala nito sa kanilang dalawa, dahil hindi sila kumikilos ay
si Pepsi na ang kumilos para ipagsalikop ang kanilang mga kamay.

"Nice to meet you." Labas sa ilong na sabi ni Hunter sa kanya, iningusan lang niya
ang lalaki.

Binawi niya ang kamay dito at nagsalita.

"Magsho-shower lang ako." Aniya, nakita pa niyang sinundan siya ng tingin ng lalaki
hanggang sa pag akyat niya ng hagdanan.

Bumaling siya rito, nang makalingat ang kaibigang si Pepsi ay inambaan niya ng
suntok ang lalaki.

"Pervert..." bulong niya sabay irap dito.

Ngumisi lang ang lalaki na ikinaasar lang lalo niya.


####################################
CHAPTER FIVE
####################################

"Here's my masterpiece, my designs." Nakangiting sabi ni Pepsi sa kanilang dalawa,


nasa loob na silang tatlo sa photo room niya kung saan niya ginagawa ang pagkuha ng
litrato sa mga modelo niya.

Pre-photo shoot pa lang ang gagawin nila para sa araw na iyon, naghahanap na rin si
Pepsi ng lugar para sa totoong photo shoot, mas magiging maganda kasi ang litrato
kung maganda ang background scenery.

Mula sa nakabukas na kahon ay isa-isa nitong ipinakita sa kanila ang underwear


designs nito, lihim na napangiwi naman siya ng makita ang ilang disenyo ni Pepsi,
mayroong briefs na may palamuting iba't ibang kinulayang tansan, mayroon ding
binurdahan ng gantsilyo, mayroon ding ilang burloloy na metal na nakasabit at kung
anu-ano pang klase ng male underwear.

Hindi niya napigilang sulyapan ang lalaki, tila balewala lang naman sa binata ang
nakikitang disenyo ni Pepsi, pangkaraniwan na siguro ang mga ganong klase ng damit
dito. Ano kayang hitsura niya habang suot suot ang briefs na may smiley na designs
sa gitna o iyong may smile before open na print?

Lihim na hinagod niya ang kabuuan nito, kung sa pagandahan ng katawan, may ibubuga
naman ang lalaki, matangkad at maputi rin ito kaya malinis itong tingnan kahit
anong ipasuot na damit. Oo, aaminin niyang gwapo nga talaga ito, his playful eyes
and lips are the most attractive part of his face. Hindi nakakapagtakang maraming
nahuhumaling na babae rito, well except her, never siyang magpapaakit sa mayabang
na lalaking ito!

Nahuli naman siya nitong nakatingin kaya ganon na lamang ang pagtaas ng kabilang
dulo ng labi nito.

"Hey lady, stop fantasizing me. You'll gonna see me wearing this later, okay?"
sarkastikong sabi nito, pinamulahan naman siya ng pisngi dahil sa pagkapahiya,
nahulaan nito ang nasa isip niya.

Pero hindi niya pinahalata dito iyon, nakataas ang isang kilay na nagsalita siya.

"I'm not fantasizing you, Iniisip ko lang kasi na mas babagay siguro ito at
magkakaroon ng justice ang mga disenyo ni Pepsi kung ibang modelo ang magsusuot."
sarkastikong sabi naman niya.

"What?! You-"

Napikon naman ito at halatang magbabato na naman ng sarkastikong sagot sa kanya


kung hindi lang pumigil si Pepsi.

"Tama na yan..okay na tayo kanina eh." Anito, pareho nilang iningusan lang ang
isa't isa.

"Anyway, kailangan kasing lahat ng designs na narito ay maipresent ko sa fashion


event next month but the event organizers needs too see it first." Anito, bumaling
ang kaibigan sa binata, "So Hunter, alam mo na kung paano gagawing kaakit akit ang
mga designs ko." may narinig siyang kilig sa boses ng kaibigan, lihim na umikot ang
eyeballs niya.

"Yeah, hindi kita bibiguin." Sagot ng lalaki.

"Joey, alam kong hindi mo rin ako bibiguin hindi ba?" sabi naman ni Pepsi sa kanya.

"Of course." Nakangiting sabi niya.

"Thanks! Alam kong mahusay kayong dalawa." Anito

Naagaw ang atensyon nila ng tumunog ang cellphone ni Pepsi, nagpaalam ito saglit sa
kanila at lumabas ng photo room.

Tumayo siya at dinampot niya sa tripod niya ang camera niya, kabibili lang niya ng
camerang iyon tatlong buwan pa lang ang nakararaan, galing iyon sa ipon niya.

Habang sine-set up niya ang camera niya ay tumunog ang cellphone niya.
Nakarecieve siya ng text message mula kay Pepsi.

I'm on my way home, may naging problema sa boutique ko, kayo munang bahala sa
photoshoot.

Binalingan niya ang lalaki ng marinig naman niyang ang cellphone naman nito ang
tumunog, natitiyak niyang si Pepsi rin ang nagtext dito.

Nagbuntong hininga na lang siyang pinagpatuloy ang pagset up ng camera.

"Tsss, ano pa nga bang magagawa ko?" narinig niyang bulong ng lalaki.

Lihim na nagngitngit siya, parang wala lang talaga itong choice kung hindi makisama
sa kanya. Napakayabang talaga niya!

Hindi na niya napigilang magsalita.

"Ano pa bang hinihintay mo? Magpalit ka na." masungit na utos niya sa lalaki.

Hindi ako magiging mabait sa'yo..makikita mo ang bangis ko bilang photographer..

"Teka, wala man lang bang make up artist?" tanong nito, tumingin siya dito.

"Hindi ba sabi mo gwapo ka? Hindi mo na kailangan ng make up artist." Sarkastikong


turan niya, nagkibit balikat ito.

"Sabagay, mas natural ang kagwapuhan ko kung walang make up." Anito

Umikot ang eyeballs niya sa kayabangan nito.

"Kaya lumalakas ang ulan dahil nandito ang namumuong bagyo." Aniya na sinadyang
iparinig sa lalaki, sinulyapan niya ito at nakita niyang ngising ngisi lang ang
hudyo.

"Kung binibilisan mo na ang pagpapalit mo kaysa nagmamayabang ka diyan." Inis na


sabi niya dito at muling binalik ang atensyon sa camera.

Nang hindi naman siya nakarinig ng tugon mula dito ay muli niya itong binalingan
subalit ganon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita niyang topless
na ang lalaki at kasalukuyang hinuhubad na nito ang jeans na suot nito.

Mabilis na pinigilan niya ito, "Teka, anong ginagawa mo?" kunot noong tanong niya
sa lalaki.

"Magpapalit na." anito

Tinuro niya ang isa pang silid kung saan ang dressing room.

"Doon ka magpalit, hindi dyan, bastos ka talaga." Nakairap na sabi niya

"Bakit pa? Makikita mo rin naman lahat to." Nakangising sabi nito, pinamulahan
naman siya dahil sa pagkaprangka nito.

Ang bastos talaga niya!

May dinampot ito sa kahon at ipinakita sa kanya ang brief na rasta colors.

"Ito ba ang unang imo-model ko?" nakangisi pa ring tanong nito.


Mangali- ngaling ibato niya ang camera niyang hawak pero dahil mahal ang
pagkakabili niya doon ay napigilan niya ang sarili niya.

"Bahala ka!" aniya na mabilis na tumalikod na dito at pinagpatuloy na muli ang


ginagawa, baka makita nga niya ang itinatago tago nitong alaga.

"Pumunta ka na lang dito sa unahan kapag tapos ka na." inis na sabi niya.

"Okay." Sagot nito na nasa tono ang pang aasar.

Kaya mo yan Joey, makakaya mo pang pigilan ang sarili mo...para kay Pepsi..para sa
magandang oportunidad na ito...h'wag mong pansinin ang mayabang na hudas na yun!

"I'm ready." Sabi ni Hunter, iniangat ni Joey ang mukha niya upang
sulyapan ang lalaki na nasa unahan na niya.

Joey raised her eyes to a masculine torso with corded, rippling muscles and broad
shouldered, his six packs abs looks so strong, and his skin looks so smooth. It was
beautiful body, strong and perfectly proportioned.

Following the movement of her eyes, across his shoulders, up his throat, until
finally saw his strong jaw, she realized distractedly....and his lips..oh God! His
sexy playful lips..it seems inviting a passionate kiss...Moving upward past his
long, perfect nose, to his deep-set eyes, which were filled with a mixture of
playfulness and puzzlement..and lastly his brows that he knew gave him a look of
perpetual arrogance.

O.M.G! How this man could look so dashing and hot?! Joey's inner side commented.

Saglit pa niyang pinagsawa ang mga mata sa paghagod sa napakagandang katawan ng


gwapo ngunit mayabang na modelo niya.

"Hey, lost your mind?" he caught her attention, para naman siyang sinilihan sa
labis na pamumula, napahiya siya dahil mukhang obvious ang paghangang nararamdaman
niya sa lalaking kaharap.

She cleared her throat, "Of course not, iniisip ko lang kung ano bang magandang
pose ang gagawin mo sa harap ng camera ko." depensa niya sa sarili

"I'm an expert, hindi mo na ako kailangang sabihan pa kung anong gagawin kong
pose." Anito, muling umikot ang eyeballs niya. Mabuti na lang at pinaalala nito na
umaapaw pala ang kayabangan nito sa katawan.

Gwapo at maganda nga ang katawan niya..pero kung puro kayabangan naman ang
alam..wala ring kwenta...

"Okay, let's start." Aniya

Magaling na modelo nga si Hunter dahil marunong itong magproject sa


camera, kahit na hindi na ituro ni Joey ang tamang poses ay nagagawa na nito iyon
ng kusa, napakaganda rin ng pamatay na ngiti nito sa camera, mas nakakadagdag ng
factor sa litrato, kahit na sa simpleng mga ngiti lang nito tiyak niyang marami ng
maaakit nito.

But except her..hinding hindi siya magpapaakit sa katulad nito...


Hindi nga nahihirapan si Joey sa lalaki subalit dahil naiinis siya dito ay
paglalaruan muna niya ito ng kaunti.

"Isa pa, medyo blur yun kuha ko." aniya sa lalaki, nakakasampung kuha na siya dito
sa iisang pose pa lang nito.

Sumunod naman ito subalit kitang kita na niya ang pagkainis.

"Okay." Tila napipilitang sagot nito, muling ngumiti ito sa camera at nagproject.

Nang magclick ay sinulyapan niya ang litrato, perfect shot!

"Tsk! May mga orbs. Isa na lang." aniya, nakita niya ang pagkunot ng noo nito.

Narinig na niya ang pag angal nito.

"Are you making fun of me?" he asked in irritation, maang na sumagot siya.

"Why should I? Ayoko din ng tumatagal tayo, hindi lang talaga maganda yung kuha mo,
siguro baguhin mo yung pose mo, medyo masagwa ding tingnan." Kaswal na komento
niya, nakaupo ito sa stool habang ang isang likod ay nakasandal sa dingding
samantalang ang isang paa nito ay nakapatong naman sa isang mataas na kahon.

"Tsss. Baka mas kailangan mong palitan ng bago ang camera mo kaysa pinupuna mo ang
mga poses ko." iritadong komento nito.

Lihim na napangiti siya, napipikon na ito...

"Okay sige, break muna." Aniya pagkuwan ay sinulyapan ang wristwatch.

Hindi niya napansin na alas singko na pala ng hapon.

"Alas singko na pala, bukas na lang ulit." Aniya

"Bakit hindi na lang natin tapusin ngayon? Tutal, ilan na lang namang under wear
ang imo-model ko." anito

"Sige bahala ka." Aniya

Saglit silang nagpahinga, lumabas muna ng photo room si Joey, kasalukuyan naman
niyang nakitang nagliligpit ng gamit si Salve na nasa bar counter.

"Uuwi ka na?" tanong niya sa babae, tumango ito.

"Oo, susunduin ako ni Quinn." Sagot nito, ang tinutukoy nito ay ang husband to be
nito, malapit na kasi itong ikasal. "Kanina pa nga dapat ako magpapaalam sa'yong
uuwi dahil malakas pa rin ang ulan at bahang baha na sa labas kaya lang nag eenjoy
pa akong silayan ang magandang katawan nung gwapong modelo mo." kinikilig na sabi
nito, nanlaki naman ang mga mata niya

"Naninilip ka?" hindi makapaniwalang tanong niya dito, napabungisngis naman ito.

"Slight lang, ang ganda ng katawan niya at kahit anong klase ng briefs ang isuot
niya ay bagay pa rin sa kanya." Anito, "Naisip ko nga kung katsa ang isusuot niya
baka bumagay pa rin sa kanya." Komento nito

"Loka ka talaga." Aniya habang umiiling.


"Pero ibang klase ka talaga boss, mukhang galit ka sa kanya kaya pinahihirapan mo
siya ng todo." Komento pa ulit nito, "Tawa nga ako ng tawa sa bangayan at asaran
ninyong dalawa." Anito pa.

"Mayabang kasi ang lalaking iyon." aniya

Lumapit ito sa kanya at siniko siya.

"But I found you cute with him." she teased her.

Nangunot naman ang noo niya, "Anong pinagsasasabi mo dyan?"

"Ang ibig kong sabihin, bagay kayong dalawa, ang cute ninyong tingnan..parang love-
hate relationship lang ang peg ninyong dalawa..sa umpisa, awayan, bangayan at
asaran pero ang ending happy love story." Anito

Inirapan naman niya ito, "Tumigil ka nga! Kinikilabutan ako sa sinasabi mo." aniya

"Pero totoo ang sinasabi ko." giit nito, naiiling na itinulak niya ito.

"Umuwi ka na nga baka kung ano pang magawa ko sa'yo." Kunwa'y pagtataboy niya,
tumawa lang ito.

"Parating pa lang ang Bebe ko eh." Anito

"Tsk, bebe ka diyan! Ang corny ng tawagan ninyo." Komento niya na naglakad patungo
sa hagdan. "Ilock mo ang pintuan kapag dumating na si Quinn, kakain lang ako sa
itaas ng merienda." Aniya na naglakad na paakyat sa ikalawang palapag.

####################################
CHAPTER SIX
####################################

"Oh dammit!" Hunter cursed loudly, naabutan ni Joey ang lalaki habang nakasilip sa
labas ng gusali, bahang baha na nga sa labas dahil hindi pa rin tumitigil ang ulan
pero wala namang iniulat sa tv na may bagyo, pangkaraniwan na sa maynila ang mga
bagay na iyon, konting buhos lang ng ulan ay bumabaha na sa kalsada, bukod sa
traffic ay pangunahing problema ng mga taga maynila ang baha dahil sa mga basurang
bumabara sa mga kanal.

"Paano ako makakauwi sa bahay ko?" kausap nito sa sarili

Buti nga sa'yo! Aniya, nagdiriwang siya dahil mukhang kailangan nitong ipagawa ang
sasakyan dahil sobrang lowered ang sportscar nito, tiyak na nabasa ang makina
niyon.

Naglakad siya papasok sa photo room, naramdaman niyang nakasunod na sa kanya ang
lalaki.

"Naatim mong kumain na hindi man lang inaalok ang modelo mo?" narinig niyang tanong
nito, sinulyapan niya ito.
"I'm sorry pero hindi kasama sa trabaho ko ang pakainin ka." Mataray na sabi niya,
she heard him hissed.

"Wala kang puso." Bulong nito

"Kung nagugutom ka di sana gumawa ka ng paraan sa sarili mo, lumabas ka at kumain


sa restaurant." Kaswal na sabi niya na nasa tapat na uli ng camera niya.

"Ang sama mo, kita mo naman kung gaano kataas ang baha sa labas, baka hindi rin
sila tumanggap ng orders kung tatawag ako." Anito

Nilingon niya ito, "Pumuwesto ka na sa harap." Aniya na hindi pinansin ang


pagrereklamo nito.

"Tss, witch." Bulong nito na sumunod naman sa kanya.

Ilang saglit pa ay abala na muli sila sa photoshoot, isang oras lang ang lumipas ay
tapos na iyon.

Habang iniisa isa niyang i-review ang mga litrato ng binata ay narinig niya ang
sinabi nito.

"I'm really hungry." He said

Nakapagpalit na ito ng jeans at kasalukuyang nagsusuot ng polo, tumingin ito sa


kanya.

"Baka naman gusto mo akong pakainin." Sarkastiskong pakli nito

Inirapan niya ito, "Sa inyo ka na kumain tutal tapos na tayo." Aniya

Nagiging cute ito sa paningin niya sa tuwing sisimangot ang lalaki.

"Sa tingin mo makakauwi ako?" nakasimangot na sabi nito

Tumaas ang isang kilay niya.

"Of course, may paa ka. Maglakad ka kung hindi kaya ng sasakyan mo ang baha sa
labas." Pang iinis niya

"May puso ka ba talaga?" tanong nito, hindi niya ito sinagot.

Lumabas siya dala ang camera, naramdaman naman niya ang pagsunod nito.

"Dito muna ako hanggang sa humupa ang baha." Anito, ganon na lang ang pagreact
niya.

"No way! Kung gusto mong pahupain ang baha, doon ka maghintay sa sasakyan mo."
aniya na tinuro pa ang itim nitong sasakyan.

Nakita niyang prenteng umupo ito sa mahabang lounge chair.

"Mas komportable dito." Kaswal na sabi nito.

"Anong ginagawa mo? Umuwi ka na dahil magsasarado na ako ng shop ko." inis na sabi
niya, hindi naman ito nakinig, nilihis din nito ang usapan nila.

"Are you a man hater?" he asked.


"Hindi, pinipili ko lang ang lalaking kaiinisan ko." kaswal na sagot niya, nagkibit
balikat ito.

"Ah, Bakit? May lihim ka bang inggit sa mga katulad kong gwapo?" nakangising sabi
nito, napaawang naman ang labi niya sa sinabi nito.

"Nuknukan ka talaga ng kayabangan sa katawan." Inis na sabi niya

"Ang alam ko maganda lang ang katawan ko." anito

Ekseheradong umikot ang eyeballs niya.

"Grabe, napakayabang talaga." Inis na bulong niya, narinig naman nito ang sinabi
niya.

"Iniisip ko kanina pa kung sino ang kawawang model sa poster." Kaswal na sabi nito
na nakatayo na sa tapat ng malaking poster.

"Sa susunod poster mo na ang nandyan." Iritadong sabi niya, pumalatak ito.

"Mukhang malaki ang galit mo sa modelong ito ah? Bakit? Kasing gwapo ko rin ba
siya?" nakangising sabi nito.

"Hindi, kasing yabang at kasing presko mo!" pikong sabi niya, narinig niya ang pang
asar na tawa nito.

"Hindi ko na makilala ang mukha niya, ano bang ginawa niya sa'yo?" tanong nito

"Wala kang pakealam." Aniya, tumitig ito sa poster tsaka nagsalita.

"Kung hindi malaki ang atraso niya sa'yo baka inggit ka lang talaga sa kagwapuhan
niya." komento nito

"Anong ibig mong sabihin?" napipikon na niyang tanong, tumingin ito sa kanya.

"Aminin mo, tomboy ka no?" nakangising tanong nito.

Nakuyom niya ang mga palad, sa sobrang gigil niya ay nadampot niya ang ilang dart
sa marble bowl at inis na inihagis sa lalaki.

Ganon na lamang ang panlalaki ng mga mata nito at mabilis na nakailag sa ginawa
niya.

Sapul ang tatlong dart sa dibdib ng lalaking nasa poster.

"P-papatayin mo talaga ako." kabadong bulong nito.

Tumalim naman ang mga mata niya, "Kaya nga bago pa dumilim ang paningin ko, lumayas
ka na.." pagbabanta niya na tinuro pa ang pinto.

"Tsk, you're evil." Anito na naglakad palabas ng pinto

Nakalabas na ito ng gusali, kaagad na nayakap nito ang sarili dahil sa malamig na
hangin, umaambon na lang naman at humuhupa na rin ang baha kaya makakaalis na ang
hudyo.

Inambaan niya ito nang lumingon pa sa kanya.


"Alis na!" inis na sabi niya na pinagsarhan ng pinto ang lalaki.

Mula sa glass door, nakita niya ang lalaki na iminustra pa ang sinabi nito.

"Evil!" anito na itinapat pa sa noo ang kamay na naka V-sign pa.

Sumakay na ito ng sasakyan nito.

Inilapag ni Joey ang ilang litratong napagpilian na niya, iyong


pinakamamagandang poses ni Hunter. Nakangiting dinampot iyon ni Pepsi.

Nasa isang restaurant sila nito, tatlong araw na ang nakakaraan matapos ang
photoshoot.

"Beautiful! Ang gaganda ng mga litrato, Joey." Kinikilig na sabi ni Pepsi, inisa
isa pa nito ang mga litrato ni Hunter, "Ang gwapo at ang ganda ng katawan ni
Hunter, hindi ako nagkamali sa pagpili sa kanya bilang modelo ko." anito

Lihim na napasimangot siya, kung nandon lang siguro ang lalaki, natitiyak niyang
hanggang tainga ang mga ngiti nito, natitiyak din niyang magmamayabang na naman
ito.

"Tamang tama, maipapadala ko na ito sa event judges." Anito

"Marami bang kasali sa fashion event?" tanong niya, tumango ito.

"Oo, yung ibang fashion designer galing pa sa iba't ibang bansa pero may iba't
ibang category naman, yung iba sa wardrobes and dresess sumali, yung sinalihan kong
category ay sa underwear." Anito, tumango tango siya.

"May problema nga ako." Pagkuwan ay sabi nito

"Anong problema?"

"Kailangan ko rin ng female model, I need two models on the fashion event. Yung
underwear category kasi ay for male and female, Hindi nila ako pinayagan na male
under wear category lang ang salihan ko." anito

"Ganon ba? Paano yan? Mayroon ka bang designs for the female underwear?" tanong
niya, tumango ito.

"Mayron naman ako, kaya lang hindi pa ako nakakahanap ng babaeng modelo." Anito

"Marami namang magagandang modelo diyan." Aniya

"Oo nga kaya lang ang kailangan ko kasi yung babagay kay Hunter kapag nasa ramp
stage na." anito, "Mahirap humanap ng babaeng ipapartner sa kanya." Anito,
sumimangot siya.

"Kung nahihirapan ka, palitan mo na lang siya at maghanap ka ng ibang modelo, mas
mapapadali ang paghahanap mo ng babaeng model, hindi ba?" suhestiyon niya.

"Naku, ayan ka na naman kay Hunter. Bakit ba ang bitter ninyo sa isa't isa?" tanong
nito

"Ayoko sa mayabang na lalaki." nakasimangot na sabi niya.


"Tsk, hindi naman mayabang si Hunter, likas lang sa kanya ang palabiro."
Pagtatanggol nito sa lalaki.

"Basta nakakainis siya." Aniya

Sinulyapan nito ang cellphone nito, "Kanina ko pa tinatawagan si Hunter, kailangan


ko kasi siyang kausapin regarding dito." Anito, hindi naman siya umimik.

Maya maya ay tumunog ang cellphone ng kaibigan, mukhang may nagtext dito.

Nagliwanag ang mukha nito at tumingin sa kanya.

"Nasa host club daw siya." Anito, nangunot naman ang noo niya.

"Host club? Ano yun?" takang tanong niya.

Tumayo ito at hinila siya.

"Basta, malalaman mo. Tara, sumama ka sa'kin." Anito

Humahangang pinagmasdan ni Joey ang mataas na gusali, hindi basta basta ang
gusaling iyon dahil isa sa pinakaekslusibong gusali iyon sa lugar na iyon, kahalera
ng fivestar hotel ang gusaling iyon.

Nabasa lang niya sa isang article sa magazine ang Yashiro hotel restaurant na iyon,
mga mayayamang tao lang ang nakaka afford kumain at magstay sa mamahaling hotel
restaurant na iyon.

Bukod sa ilang mamahaling restaurant sa bawat floor at hotel rooms, mayroon din
doong swimming pool, jacuzzi, hot spring pool, dalawang tennis court at basketball
court.

Mayroon din doong malaking event hall na maaaring pag ganapan ng iba't ibang
okasyon.

Nakakalulang pagmasdan ang mataas na gusali, hindi naman siya makapaniwalang may
host club sa loob niyon.

Mula sa elevator, pinindot ni Pepsi ang fourteen floor.

"Mukhang madalas ka sa host club." Curious na komento niya kay Pepsi, silang dalawa
lang sa elevator.

"Dalawang beses pa lang akong nakakapunta rito simula ng buksan ang Host Club." May
kilig sa tono nito

"Ano bang mayroon sa host club na iyon?" tanong niya

"Marami, makikita mo." nakangiting sabi nito.

Eksaktong tumigil ang elevator at bumukas ang pinto, hinila na siya ng kaibigan.

Bumungad sa kanyang mga mata ang malaking sign board. Flower Boys Host Club.

Nakakita siya ng maraming poster ng mga naggagwapuhang kalalakihan bagama't may


suot na half masks ang mga lalaki ay hindi maitatago ang nagkukubling kagwapuhan ng
mga ito, agaw pansin rin ang mga human stand ng mga ito na nagbibigay ng mas kaakit
akit na dating sa lugar.

Napaawang ang labi niya nang mapagtantong ang buong fourteen floor ay ang host
club, napakalawak na club niyon, hindi rin iyon basta basta night club lang,
mukhang sosyal ang mga host men doon.

Habang hila hila siya ni Pepsi ay binabasa niya ang mga caption sa bawat poster na
nakadikit roon.

You can choose one..you can buy one..you can have him for one whole night...

Napanganga naman siya sa huling nabasa.

"Ano bang klaseng club ito? Pinagbibili ang mga lalaki?" kunot noong tanong niya sa
kaibigan.

"Tama ka." Sagot nito, ganon na lamang ang reaksyon niya, tumigil siya at binawi
ang kamay dito.

"Hindi ako papasok sa club na yan, hindi naman ako bibili ng lalaki." aniya, ano
bang nasa isip ng mga mayayamang tao ngayon? Pati ganong klaseng business ay
itinatayo na kumita lang ng pera...may for hire na rin palang lalaki..

"Ano ka ba naman? Sinong nagsabing bibili ka ng lalaki?" anito, "Halika na, pumasok
na tayo." Pagyaya nito sa kanya

"Baka illegal din ang club na to Pepsi. Ayokong makulong dahil lang sa pagpasok ko
sa club na yan." Nag aalinlangang sabi niya, baka mamaya ay prostitute ang mga
lalaki doon, makasuhan pa siya ng human trafficking dahil sa pagbili ng lalaki.

Tumawa ang kaibigan niya, "Hindi ito illegal, charity business nga ang host club."
Anito, nangunot ang noo niya.

"Paanong naging charity business ang ganitong klase ng business, nagbebenta ng


lalaki?" nakangiwing pakli niya, nagpapatawa yata ang kaibigan niya...kailan pa
naging charity business ang pagbebenta ng laman?

"Hindi naman talaga literal na pagbebenta ng lalaki ang host club gaya ng iniisip
mo, ang binibili ng mga guests o ng mga costumers sa club na ito ay ang
entertainment na binibigay ng mga host men, parang makikipagdate lang siya sa'yo ng
isang gabi dito rin sa club, kaya nga buong floor na ito ay ang host club." Anito,
may itinuro itong daan sa kaliwa, "Look at that, kapag diniretso mo yun, mayroong
mini park doon. Sa kabila naman, mayroong mini garden kung saan pwedeng i-date ng
mga host men ang mga guests nila." Paliwanag pa nito, isinalaysay din nito ang
rules and regulations ng host men, kasama nang pinagbabawal roon ang body contact
like kissing, hugging and sex during dating hour.

Sinabi rin nitong ang host men ay mga mayayamang bachelors, kaya hindi ginagawa
iyon ng mga lalaking naroon dahil sa pagkita ng pera kundi ang lahat ng kinikita
raw ng club ay dinodonate sa bahay ampunan na ini-sponsor-an ng mga ito at sa ilang
mga public schools at hospitals.

"Really? Mga mayayamang samaritano pala sila." Manghang sabi niya, tumango ito.

"Oo, mga gwapo at mayayamang samaritano." Dagdag nito, hinila na ulit siya ng
kaibigan.

Habang papasok sila sa loob ay napatitig siya sa isang human stand, mukhang
pamilyar sa kanya ang bulto ng lalaking host man. Kung hindi lang dahil sa half
mask na suot nito ay makikilala niya ang lalaki.

"Pepsi, that human stand, pamilyar sa'kin ang lalaking yun." Bulong niya sa
kaibigan na tinuro ang human stand na malapit sa may pinto ng host club,
bumungisngis ang kaibigan.

"Of course he looks familiar, si Hunter lang naman yan no." anito, "Member siya ng
host club na ito, isa rin siya sa mga host man dito." Pagmamalaki nito na nilapitan
ang human stand at tinapik ang mukha niyon.

"Ang gwapo niya kahit may mask no?" anito, umismid lang siya.

"Kapag narinig ka non, magmamayabang na naman yun kaya pigilan mo ang sarili mong
purihin ang lalaking iyon." aniya, tinawanan lang siya nito.

"Halika na nga." Anito na hinawakan siya sa kamay at hinila na siya sa loob ng host
club.

Tss, may puso rin pala ang mayabang na yun. Hindi talaga ako makapaniwala...

####################################
CHAPTER SEVEN
####################################

"One bottle of champagne for my beautiful guests." Ani Hunter kay Tanner at Xien na
nasa bar counter, malimit na bartenders ang dalawang kaibigan.

"Okay." Sagot ni Tanner at kumilos.

Naupo si Hunter sa mataas na stool habang hinihintay ang order niya, naramdaman
niya ang pagtapik sa balikat niya.

"Ang dami mong guests ngayon ah?" sabi ni Sky, nginisian niya ito.

"Iba na talaga kapag favorite eh." Kaswal na sabi niya na nagkibit balikat pa.

"Kaya mo ba ang grupong yun? Medyo magagaslaw ang mga yun." Komento ni Xien, lalong
tumaas ang sulok ng mga labi niya.

"I love liberated girls." He said, naiiling na ibinigay sa kanya ni Xien ang bote
ng champaigne.

Kumpleto sila sa host club except for Einar, absent ito sa hosting event ng ilang
araw na dahil nasa Paris France ito kasama ang wife na si Kei for their honeymoon.

"Oh ayan na! Pakasaya ka." Anito

Naiiling na kinuha niya ang bote at tumalikod subalit nang may mahagip na pamilyar
na bulto sa entrance ng host club ay napaharap muli siya sa mga kaibigan niya.

"I didn't know na kasama niya ang babaeng yun." Kausap niya sa sarili niya.

"Sino?" takang tanong ni Kaizer na nasa kabilang stool nakaupo at hinihintay rin
ang orders nito.

Hindi naman niya alam na naisatanig niya ang nasa isip niya, wala na siyang nagawa
kundi sabihin sa mga kaibigan niya ang tungkol kay Joey, na ang babaeng
nakaengkwentro niya noon ay naroon sa host club.

"Really?" amuse na tanong naman ni Trevor na kadarating lang kasama si Reed.

"Where is she? Where is she?" curious na tanong naman ni Reed.

Bago pa niya ituro sa mga ito ang kinaroroonan ng babae ay narinig niya ang boses
ni Pepsi mula sa likuran niya.

"Hello host men!" bati ni Pepsi, nakangiting humarap siya sa designer at niyakap
ito.

"Hello Pepsi." Bati niya, sinulyapan niya ang babaeng katabi nito.

"Hello Joey, did you miss me?" nakangising tanong niya sa babae.

Ganon na lamang ang pagtalim ng mga mata nito.

"Oo, miss ka na ng kamao ko." sarkastikong sagot nito na iniamba pa ang nakakuyom
na palad, napasimangot siya ng marinig niya ang mahinang bungisngisan ng mga
kaibigan niya, mukhang tuwang tuwa ang mga lokong kaibigan niya dahil sa
pagkapahiya niya.

Inalis niya ang half mask niya at kunwa'y hindi apektado sa pagpapahiya nito.

"Welcome to Flower Boys Host Club, bukod sa'kin, maraming gwapong lalaki dito kaya
baka hindi mo maenjoy ang pagpunta mo rito." Pang iinis niya sa babae.

Umikot ang eyeballs nito, "Pati ba naman dito ay naghahasik ka ng kayabangan mo?"

Muli niyang narinig ang pagbungisngis ng mga kaibigan niya, inis na isinuot na muli
niya ang half mask niya.

"Well, enjoy your time here." Inis na sabi niya, bumaling siya kay Pepsi.

"Okay lang ba Pepsi kung mamaya na tayo mag usap, may mga guests kasi ako ngayon."
Aniya, nakangiting tumango ang designer.

"Of course, nagpunta rin naman kami dito para mag enjoy." Anito, napansin niyang
nagprotesta ang babaeng kasama nito.

"Akala ko ba saglit lang tayo dito?" nakasimangot na tanong ni Joey sa


kaibigan.

"Mag enjoy naman tayo kahit sandali lang, nandito na rin naman tayo." Anito sa
kanya, "Teka, pupunta lang ako sa comfort room." Paalam nito.

Naiwan naman si Joey na natitigilan, hindi niya alam ang gagawin dahil nasa harap
niya ang mga host men habang amuse na nakatingin sa kanya.

"Do you want drinks?" narinig niyang alok sa kanya, nang sulyapan niya ito ay
nakita niya ang isang gwapong lalaki mula sa likod ng bar counter, kahit na
nakasuot din ito ng half mask ay hindi maipagkakailang gwapo rin ito katulad ng
ibang host men na naroon.

"Yeah sure." Aniya, hindi niya ito nahimigan ng kayabangan kaya pakiwari niya ay
magaan itong pakisamahan.

"Xien, don't tell me interested kang maging guest mo siya?" narinig niyang sabad ni
Hunter, nang balingan niya ito ay nakasimangot ito habang nakaturo pa sa kanya ang
daliri nito, naalala tuloy niya ang v-sign nito noong huling pagkikita nila.

"Yeah, why not, lahat kayo ay may guests na." sagot nito, tumingin sa kanya ang
lalaki.

"What do you want?" he asked her, nag isip siya ng drinks.

"Hindi kasi ako umiinom ng hard drinks, kahit ano basta hindi nakakalasing." Sagot
niya, nakita niya ang paglapad ng ngiti nito.

"That's nice, gusto ko sa babae ang hindi umiinom." Anito

"Pero umiinom ng hard drinks ang girlfriend mo." ani Hunter na tila sinisira ang
diskarte ng lalaki.

"Hey, hindi ko naman sinabing in general yun, iba si Reinne mahal ko siya atsaka
wine iyon hindi yun hard drinks." Pagtatanggol ng lalaki sa girlfriend nito.

Napangiti naman siya, kitang kita niya kung paano ipagtanggol ng lalaki ang
kasintahan nito. Gusto niya ang lalaking nagngangalang Xien, he's honest.

Umupo siya sa bakanteng stool, nagsasalita pa si Hunter ng magsalita siya.

"Give me red wine, hindi naman siguro ako malalasing kung iinom ako ng isa o
dalawang baso hindi ba?" tanong niya sa lalaki, nakuha na nito ang atensyon niya.

Nakangiting tumango ito, "Yes, absolutely."

"Then give me one glass of wine." She said with a smile

"Okay, right away."

Nagulat siya ng maramdaman niya ang pagtabi sa kanya ni Hunter.

"Kailan ka pa ngumiti ng ganyan?" tanong nito, inis na inirapan niya ito.

"Matagal na, atsaka pinipili ko lang ang nginingitian ko." sagot niya, "Sa katulad
mong mayabang, nawawala ang genuine smile ko kaya hangga't nasa akin pa yun, umalis
ka na sa harap ko bago pa tuluyang maglaho iyon." sarkastikong sabi niya, ganon na
lamang ang pagsimangot nito.

"Tss, ewan ko sa'yo." Pikong sabi nito at lumayo na sa kanya, "Pupuntahan ko na nga
lang ang mga guests ko para bumalik ang sigla ko, nung makita kita nawalan ako ng
gana." Pakli nito, gigil na sinulyapan niya ito.

"The feeling is mutual, nakakawalang gana rin kapag nakikita ko ang pagmumukha mo."
sagot niya.

Nagngingitngit ito ng umalis habang tawa ng tawa ang ibang host men na naroon.

Nakabalik na si Pepsi pero tinawag ito ni Hunter, nakijoin ang kaibigan sa grupo ng
kababaihang kasama ng binata, mukhang mga babaeng liberated ang mga kasama nito
kaya ng tawagin siya ng kaibigan niya ay tumanggi siya.

"Bakit ayaw mong makijoin sa kanila?" tanong ni Xien sa kanya, iniabot ang baso ng
wine.

"Hindi naman ako masyadong mahilig sa night life." Kaswal na sagot niya. "Sumama
lang ako dahil nagpasama si Pepsi hindi ko rin inaasahan na magtatagal kami dito."
Sagot niya, naramdaman niyang may umupo sa kabilang stool.

"Tan, one margarita for my guest." Sabi nito, sinulyapan niya ito, nakangiting
tinanguan siya ng lalaki.

Hindi niya napigilang humanga dito ng tanggalin nito ang half mask.

"Okay kaichou!" Tanner said

There's no appropriate word to describe the man but beautiful, he was really a
beautiful man. There's a Western-Asian in his blood.

"How do you find our host club?" the beautiful man asked her

Ngumiti siya, "Beautiful." Kasing ganda at kasing elagante nito ang club na iyon.

Gumanti ito ng ngiti, "Very well compliment."

"Nabalitaan kong isa kang photographer." Anito pa, tumango siya.

"Yes."

"Is it okay with you if I'll contact you to be my photographer for my new business,
kailangan kong i-market at icommercial ang itatayo kong mall." Anito, napaawang
naman ang labi niya sa sinabi nito.

"S-sure."

May dinukot ito sa pantalon at nakita niya ang maliit na papel na hawak nito.

"Here's my business card." Nakangiting sabi nito, tinanggap niya iyon at binasa
niya ang pangalan nito.

Yuan Yashiro - Businessman

Gulat na napatingin siya sa lalaki, the man was the owner of this exclusive
building, ang kilala at pinakamayamang young business tycoon sa bansa.

Paanong nagagawa nitong mag entertain ng ibang tao para sa kapakanan ng iba?

"May business card ka rin ba?" he asked, tumango siya.

Nang ibigay niya dito ang business card niya ay nagsalita ito.

"Expect my phone call, Joey." He said, nang maibigay na ang wine ay tumayo na ito
at nagpaalam sa kanya.

"You're a photographer?" Xien caught her attention, ibinulsa niya ang card at
bumaling kay Xien.

Tumango siya, "Yes, one of my model was Hunter, ang pinakamayabang kong naging
model." Nakasimangot na sabi niya na sumulyap sa dako nito at sa mga babaeng kasama
nito.

Napangiwi siya ng makita niyang halos nakayakap na dito ang dalawang babaeng kasama
nito at tila enjoy na enjoy naman ang hudyo.

"Babaero pa." dagdag niya

Tumawa lang si Xien, "Well matinik talaga yan." Komento nito.

"Matinik? Parang tamban lang?" naisatinig niya, lalong tumawa naman ang lalaki.

"You're funny, si Hunter kasi..nature na niya yun but we believe na magbabago siya
kapag dumating na ang katapat niya." anito, "And I believe na dumating na siya."

Kunot noong tumingin naman siya dito upang tanungin ang tungkol sa sinabi nito
subalit nakatalikod na ito at may kausap na isa pang host man.

Ilang sandali pa ay tumayo si Joey sa kinauupuan niya, mag iisang oras


na siyang nakaupo sa tapat ng bar counter, nagpaalam saglit si Xien sa kanya kanina
subalit hanggang ng mga sandaling iyon ay hindi pa ito bumabalik, kaya nagpasya na
siyang puntahan ang kaibigang si Pepsi na kasalukuyang enjoy na enjoy sa
pakikipagtawanan kay Hunter at sa iba pang mga babae.

Nakatatlong baso na siya ng wine pero hindi naman siya lasing, sumakit lang ang ulo
niya at gusto na niyang umuwi para matulog.

"Excuse me." agaw niya sa atensyon ng mga ito, natigil naman ang tawanan ng mga ito
at tumingin sa kanya. Inirapan niya si Hunter ng ngisian siya nito.

"Pepsi, let's go. Umuwi na tayo." Yakag niya sa kaibigan.

"Sandali na lang to Joey." Sagot ni Pepsi, narinig din niya ang pagprotesta ng mga
babaeng naroon.

"Pepsi, mamaya ka na umuwi. Kailangan mo pang magdecide kung sino ang kukunin mong
modelo sa'min." sabi ng isa

"Oo nga, noon ko pa gustong maging modelo eh." Pakli naman ng isa pa.

Saglit na sinulyapan muna niya isa isa ang mga babae, mukhang sosyalera ang mga ito
at magaganda rin naman kaya lang kung pagmomodelo ang pag uusapan, bagsak ang mga
ito sa height pa lang.

"Sige na mamili ka na sa'min." saad naman ng isa

Napansin niyang lasing na si Pepsi at kilala niya ang kaibigan sa tuwing


malalasing.

"Sige, magmi-mini-mini-mo na lang ako." Nakatawang sabi ni Pepsi, natuwa naman ang
mga babaeng naroon.

"Mas maganda nga yan!" tuwang tuwang sabi ng mga ito.

Kumilos ang mga kamay ni Pepsi at nagumpisang mamili sa limang babaeng naroon.

Hindi na napigilan ni Joey ang sumabad.


"Pepsi, lasing ka na, umuwi na tayo." Yaya niya sa kaibigan.

Nainis siya ng sumabad ang isang babae na mukhang japayuki dahil sa kulay ng buhok.

"Hey tomboy, kung gusto mong umuwi, umuwi kang mag isa mo!" sabi nito, napaawang
ang labi niya sa panggigigil lalo na at narinig pa niya ang malakas na pagtawa ni
Hunter.

"Anong nakakatawa dun?" asik niya sa lalaki, umiling ito subalit tumatawa pa rin.

"Wala..wala." sagot nito, mangali ngaling umbagan niya ito dahil sa pang asar na
tawa nito.

Hindi pinatulan ni Joey ang sinabi ng babae, lumapit siya sa kaibigan at hinila
ito.

"Halika na, gabi na at ayokong magbitbit ng lasing." Aniya sa kaibigan

"Ang KJ mo talaga Joey, saglit na lang to." Nakalabing sabi ng kaibigan, nagulat
siya ng alisin ng babae ang kamay niya sa braso ng kaibigan.

"Kami na lang ang maghahatid kay Pepsi kaya makakaalis ka na." nakataas ang isang
kilay na sabi nito, hindi pa rin niya pinatulan ang sinabi nito.

"Magkasama kaming nagpunta ng kaibigan ko dito kaya magkasama rin kaming uuwi."
Kaswal na sabi niya, may delikadesa siyang tao, hangga't kaya pa niyang mapigilan
ang inis na nararamdaman niya ay napipigil pa niya, ayaw rin niyang nakikipagtalo o
nakikipag away sa iba lalo na at sa mataong lugar.

"Eh ayaw pa ng ng kaibigan mong umuwi eh." Sabad na rin ng isa

"Oo nga, ang epal mo rin eh no." sita pa ng isa

Ekeseheradong nagbuntong hininga siya, saglit na sinulyapan si Hunter na tahimik


lang na nakamata habang ngising ngisi, tila nag eenjoy sa nangyayari.

Buwisit ang lalaking ito! Imbis na tulungan siya iyon at enjoy na enjoy pa!

Inaalam siguro nito kung anong kahihinatnan ng pagtatalong iyon.

Muli niyang hinila ang braso ng kaibigan pero itinulak siya ng babaeng may kulay
gintong buhok.

"Ikaw tomboy ka, umuwi ka na nga lang!" singhal nito sa kanya, nagulat siya kaya
hindi niya napaghandaan iyon.

Samantalang eksaktong dumaan ang isang host man na may dalang tray na may lamang
mga baso ng red wine, mabilis na nasalo siya nito subalit ang mga dala naman nito
ay tumapon sa kanya.

"Are you okay?" he asked, tumango siya

"Yeah, I'm sorry." Aniya

"Natapunan ka tuloy." Anito pa.

Naramdaman niya ang malagkit na wine sa leeg niya pababa sa likod niya, mabuti na
lamang at naka jacket siya kundi baka napaliguan siya ng di oras ng red wine.
Hinubad niya ang suot na itim na jacket at mabuti na lamang ay palagi siyang may
suot na sandong panloob, her balck sando fitted her kaya lang masyadong revealing
iyon dahil sumilay ang maputi at makinis niyang mga braso, sumilip din ang pusod
niya at medyo plunging neckline iyon pero wala siyang magagawa, kaysa maramdaman
ang nakakairitang lagkit sa balat niya.

Alam niyang nasa kanila na ang atensyon ng mga tao sa host club dahil sa mga
nabasag na baso ng wine.

"Can I have tissue na lang?" aniya sa host man, saglit itong natigilan pero ng
magsalita siya ay kumilos ito.

"Okay, I'll get you tissue." Anito at mabilis na kumuha ng tissue.

Inis namang binalingan niya ang mga babaeng naroon.

"Now what? Sinong tomboy ang tinutukoy mo?" she lifted her left eyebrows at niliyad
pa ang dibdib upang ipagmalaki ang magandang katawan niya.

Hindi naman nagsalita ang mga ito, tila natameme rin sa kanya, kung maglalabanan ng
pagandahan, walang sinabi ang mga sosyalerang palakang iyon sa kanya.

Binalingan naman niya si Hunter, nakita niyang titig na titig ito sa kanya, awang
din ang mga labi at animo nanigas sa kinauupuan.

Inis na inirapan niya ito, obvious, napakamanyak talaga ng lalaking ito!

"Here's your tissue." Sabi ng host man sa kanya

"Thanks." Nakangiting sabi niya

Habang pinupunasan niya ang leeg ay binalingan niya ang kaibigan, naiiling na
nagsalita siya.

"Pwede mo ba akong tulungan na akayin ang kaibigan ko at makakuha ng taxi?" aniya


sa host man, nakatulog na ang kaibigan at kung bakit kasi hindi niya dala ang
sasakyan niya.

"Sure, no problem." Sagot nito

"Thank you."

####################################
CHAPTER EIGHT
####################################

Magkasamang inakay ni Joey at ng kasama niyang host man ang kaibigan na si Pepsi,
naglalakad na sila palabas ng gusali.

"Salamat Trevor ha." Nakangiting sabi niya dito.

"Wala yun, pwede naman kayong magpalipas ng gabi rito, mayroon namang hotel room sa
fifteen floor, nahihirapan ka tuloy bitbitin ang kaibigan mo." komento nito

"Naku, wala kaming pambayad sa hotel."


"Pagpapaalam ko kayo kay Yuan, walang bayad. Mabait yun."

Sunod sunod na umiling siya, "Nakakahiya sa kanya at sa'yo na rin, salamat na lang
pero uuwi na lang kami." Nakangiting sabi niya sa lalaki

Nasa may parking area na sila ng may tumigil na abuhing sasakyan sa tapat nila,
bumaba ang salamin ng passenger side kaya nakita niya kung sino ang taong
nagmamaneho niyon.

"Sakay na." sabi nito, ganon na lamang ang pagbangon ng inis niya.

"Hindi na, magkautang na loob pa ako sa'yo." Ismid niya sa lalaki, binalingan niya
si Trevor.

"Pasensya na Trevor, pakitulungan ako kahit hanggang sa sakayan." Aniya kay Trevor,
ngumiti ang lalaki.

"Sure."

Muli silang naglakad subalit umandar lang ulit ang sasakyan ni Hunter at hinarangan
na ang daraanan nila, bumaba ito ng sasakyan.

"Trev, ako nang bahala kay Pepsi." Anito sa kaibigan, gumanti naman ito ng
kakaibang ngiti.

"Okay." Anito pagkuwan ay ipinasa dito ang pag alalay sa kaibigan niya.

"T-teka, sandali lang." pigil niya sa lalaki ng magsimula na itong maglakad


papalayo sa kanila. "Saan ka pupunta?"

Subalit hindi na ito lumingon pa, nagtuloy tuloy na ito papasok sa gusali.

Umuusok ang ilong ni Joey nang balingan niya si Hunter na naglalakad na patungo sa
sasakyan nito habang akay nito si Pepsi.

"Tigil...tumigil ka!" gigil na sabi niya sa lalaki subalit imbis na tumigil ay


tuloy tuloy lang ito, nabuksan na nito ang pinto ng backseat ng magsalita muli
siya.

"Nananadya ka ba talaga?" lukot ang ilong na tanong niya sa lalaki, tila hindi
naman ito naapektuhan sa hitsura niyang mukhang kakain ng tao.

"Ano bang problema mo?" maang na tanong nito, lalo lang siyang naasar dito.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko." inis na sabi niya, kunwa'y nagulat ito

"Ano bang ginagawa ko sa'yo?"

Nagbuga siya ng hangin, sinulyapan muna niya ang kaibigan niyang tulog na tulog pa
rin.

"Kung nagpapasikat ka sa'kin pwes hindi ako humahanga sa'yo, hindi ko kailangan ang
tulong mo o kahit ang pabalat bunga mong palabas." Singhal niya sa lalaki

"Sino bang nagsabing nagpapasikat ako sa'yo? Hindi rin kita tinutulungan, si Pepsi
ang tinutulungan ko, hindi ko siya kayang pabayaan since I'm his model." Anito,
"Hindi ko ginagawa to para sa'yo para hangaan mo ako o dahil nag aalala ako, what
do you think of yourself? My girlfriend?" sarkastikong saad nito.
Namula naman siya sa pagkapahiya, "Ang yabang talaga." bulong niya.

He grinned at her, nagpatuloy ito na maipasok si Pepsi sa loob ng sasakyan.

"Sasabay ka ba o magko-commute na mag isa?" tanong nito nang maisara ang pinto ng
backseat.

Sinulyapan niya ang wristwatch, maghahating gabi na at mahihirapan siyang


magcommute.

Kumilos na siya at bubuksan sana ang pinto ng backseat ng magsalita ito.

"Ano ako personal driver ninyo? Dito ka sa unahan sumakay." Angal nito, gusto niya
itong sagutin subalit dahil makikisakay lang siya ay tumahimik na lang siya.

Kakaibang ngiti ang nabungaran ni Hunter sa mga kaibigan niya ng pumasok siya sa
host club, sarado na ang host club at tanging mga kaibigan na lang niya ang naroon.
Nakaupo sa lounge chair ang mga ito, naupo naman siya sa mataas na stool chair sa
tapat ng bar counter. Inabot niya ang wine bottle at kumuha ng isang basong
nakataob sa isang tray, nagsalin siya niyon pagkuwan ay nilagok iyon hanggang sa
walang matira.

"Naihatid mo na si Joey?" tanong ni Trevor subalit hindi nawawala ang kakaibang


ngiti.

"Yeah." Napipilitang sagot niya.

"So that was Joey you're talking about huh." Ani Jared na may ngisi sa mga labi.

"Yeah." Kaswal na sagot niya.

"She's beautiful." Komento naman ni Kaizer, hindi siya umimik.

"Hindi ko inaasahan na ang babaeng nakaengkwentro mo noon, ang nagpaputok ng labi


mo at nang insulto sa kagwapuhan mo ay si Joey." Ani Xien

"Mukhang bahag ang buntot mo sa kanya Hunter." Biro naman ni Reed.

"She looks so strong, mukha nga siyang astigin at hindi basta bastang babae,
mahirap siyang paibigin Hunter." Komento naman ni Tanner.

Ganon na lamang ang reaksyon niya.

"Hey, sino naman ang nagsabing type ko ang babaeng iyon?" nakasimangot na sagot
niya, naalala pa niya ang babae ng maihatid niya ito sa bahay nito, ni hindi man
lang nagpasalamat sa kanya.

"Nah, I saw it, nagliwanag ang mga mata mo ng makita mo si Joey." Sabad naman ni
Vash, pagak na tumawa siya.

"Malabo ang mga mata mo, paano mong nakita iyon?" pang asar na sagot niya dito,
hindi kasi nito suot ang salamin nito, ngumisi ito.

"Naka contact lense ako kaya nakita ko ang lahat, pati ang pagbuka ng bibig mo."
anito, sinabayan naman ng tawanan iyon ng mga kaibigan niya.
Inis na nagsalin ulit siya ng alak sa baso subalit hindi siya nagsalita, oo aaminin
niya sa sarili niyang humanga siya sa pangalawang pagkakataon na nasilayan niya ang
magandang katawan ni Joey pero nunca niya iyong aaminin sa mga kaibigan niya.

"She's not my type." Giit niya, "Hindi ko aaksayahin ang oras ko sa babaeng..."
hindi natuloy ang sasabihin niya ng sumabad sina Xien at Jared.

"Hindi ka rin type." Sabay na sabi nito pagkuwan ay binuntutan ng tawa.

Hindi niya naitago ang inis niya, "Well, wala naman akong pakealam kung hindi niya
ako type, hindi ko rin siya type." Depensa niya sa sarili niya.

Ewan niya pero malaking palaisipan iyon sa kanya kung bakit sa dinami dami ng
babaeng nakilala niya, si Joey pa lang ang babaeng hindi tinablan ng kanyang charm.

Nagkatinginan ang mga kaibigan niya na may ngisi sa mga labi.

"Teka, sino ang gusto ng pustahan." Basag ni Trevor sa usapan

"Ano namang pustahan yun?" tanong ni Reed

Sinenyasan ni Trevor ang mga ito maliban sa kanya, nangunot ang noo niya habang
pinagmamasdan ang mga ito habang pinapakinggan ang sinasabi ni Trevor. Hindi naman
niya marinig ang mga pinaguusapan ng mga ito dahil malayo siya sa mga ito, gusto
naman niyang tumayo at makisali sa mga ito pero nararamdaman niyang siya ang paksa
ng usapan ng mga ito.

Nagtatawanan naman ang mga ito ng maghiwa-hiwalay.

"What? Anong pustahan yun?" curious na tanong niya, hindi naman siya sinagot ng mga
ito.

"That's very interesting." Tuwang tuwa si Yuan habang tumango tango pa.

"Pupusta rin ako." Sabi naman nina Vash at Tanner.

Inis na dumakot siya ng ice tube sa ice bucket at binato sa mga kaibigan niyang
nagkumpulan.

"Nah, hindi lang ikaw ang pwedeng magsimula ng pustahan." Biro ni Trevor. "Gusto mo
rin sumali? Magandang pustahan to." Anito

Lalo siyang nacurious, "Sige, pupusta ako. Ano ba yun?"

Nagtawanan muna ang mga ito bago sumagot si Trevor.

"You'll be a regular guy sooner or later." He said.

"What?!" ekseheradong bulalas niya.

"Tss, regular guy? That won't happen." Hunter muttered, nagmamaneho na


siya pauwi sa kanyang unit. He won't be like Kaizer, Sky, Einar, Jared, Xien,
Trevor and Reed who belongs to regular guys club.

Maisip pa lang niya ang salitang regular guy, damn! naiisip na niya ang long term
relationship to a woman.
Hindi niya kayang magtagal ng relasyon sa isang babae, hindi niya kaya iyon.

Siya si Hunter Monseratt, nabibilang siya sa mga playboys at seducer boys club.

He loves women, he understand women completely, he even become submissive to please


his woman, he can be slave for them for a week but when he gets what he wanted,
goodbye relationship, goodbye girlfriend for fling. But he may come back for
romantic evenings to another woman he like.

Wala na siyang gusto pang mabago sa sarili niya, gusto niya ang ganong buhay niya,
walang problema sa buhay, walang hassle.

Kaya hinding hindi niya hahayaang mainlove sa isang babae at maging isang regular
guy.

Never! I don't want to be like them...

Tumunog ang cellphone niya, nang makita niya ang caller ay lumapad ang pagkakangiti
niya, nagparamdam na ang babaeng dinidiskartehan niya dalawang araw na ang
nakakaraan, binasa niya ang text nito.

Hi Hunter, wanna spend the night with me.

"Nah, this is what I want." Nakangising bulong niya at iniliko ang sasakyan.

Kahit hindi naman nalasing si Joey sa dalawang baso ng red wine na


nainom niya sa host club ay nagdulot pa rin iyon ng matinding kirot sa kanyang ulo.

"Kaya ayokong iinom eh." Angal niya habang nagtitimpla ng kape, matagal na panahon
na rin simula ng makainom siya ng marami.

That was the time na hindi niya nakayanan ang pagsubok na dumating sa buhay niya,
Matagal din bago niya nakalimutan ang bagay na iyon at nagpapasalamat talaga siya
dahil nakayanan niya iyon, ang akala nga niya noon ay masisira ang buhay niya dahil
sa nangyaring iyon.

Napakahirap mag move on ng mga panahong iyon lalo na at nag iisa lang siya.

Her family was in Bacolod, kung saan siya lumaki, napunta lang naman siya sa
maynila noong makapasa siya sa UP para mag aral bilang scholar.

Nanggaling siya sa malaking pamilya, anim silang magkakapatid at siya ang bunso.
May kaya naman ang pamilya niya sa probinsya, sa katunayan ay may malaking sakahan
sila doon at palaisdaan, pero dahil gusto niyang tumayo sa sarili niyang mga paa ay
nakipagsapalaran siya.

Kahit kaya naman siyang pag aralin ng mga magulang sa isang ekslusibong paaralan sa
Bacolod ay mas pinili niyang maging scholar.

Ewan niya, nagmana lang siguro siya sa kanyang ina na malakas ang loob, sampung
taon din kasing nagtrabaho sa ibang bansa noon ang kanyang ina noong dalaga pa ito
bago nakilala ang kanyang ama.

Kahit minsan na lang siyang napapabisita sa probinsya ay hindi naman niya


nakakaligtaang tawagan ang mga ito.

Dinala niya ang tasa ng kape na tinimpla niya, hating gabi na pero hindi pa rin
siya inaantok, pinatong niya sa coffee table ang kape pagkuwan ay bumaba muna ng
bahay upang idouble check kung naisara nga ba niya ang back door.

Mula sa ibaba ng bahay ay binuksan niya ang ilaw, sa backdoor kasi ang nagsisilbing
daanan niya sa tuwing sarado ang shop. Roll up door kasi ang unahan ng shop niya
kaya mahihirapan siya kung doon siya dadaan palagi.

Pagkatapos niyang idouble check iyon ay aakyat na sana ulit siya subalit hindi niya
sinasadyang tingnan ang malaking poster ng lalaki na may ilang dart pang nakatusok.

"Jerk!" inis na bulong niya, bumangon na naman ang matinding inis niya sa lalaki ng
mapadako ang mga mata niya sa mapang akit na ngiting iyon.

"Darn!" hindi niya alam kung bakit nangangati ang mga palad niya at gustong gustong
makahawak ng dart.

Sa huli ay natagpuan niya ang sariling isa isang inihahagis ang dart sa poster,
lahat ng iyon ay bullseye sa gusto niyang patamain.

"Wala kang kwentang lalaki! Dapat ay hindi ka na nabubuhay pa!" gigil na sabi niya.

Napansin niyang wala ng mapaglagyan ng dart ang buong mukha nito.

Nilapitan niya iyon at tinanggal ang dart, napangiwi siya ng makitang butas butas
na rin pati ang dingding niya, kailangan pa tuloy niyang iparepair iyon bukas.

"Ah! Kasalanan mo to eh!" inis na duro niya sa lalaki sa poster, "Kapag nakita kita
hindi lang mukha mo ang sisirain ko, kaya humanda ka!" kausap pa rin niya doon.

Tuluyan na niyang sinira ang poster at itinapon iyon sa basurahan, nagpunta siya sa
photo room at kumuha muli ng isang malaking poster ng lalaki, marami siyang kopya
ng poster nito dahil siya mismo ang photographer nito noon at ginamit iyon sa isang
advertisement, kung hindi dahil sa kanya ay hindi makikilala ang modelong lalaki at
hindi ito sisikat.

Minabuti niyang ilipat iyon sa itaas ng bahay niya upang iiwas sa ibang taong
makakakita, napansin na iyon noon ni Hunter at nairita lang siya sa kinomento nito.

"Hi!" the girl in black dress greeted him, hindi naman napigilan ni
Hunter na hagurin ng tingin ang babae sa kanyang harapan, she was really hot and
sexy in her fitted dress, it's obvious, she was seducing him..

"Hi." He greeted her back, hindi na rin mawala wala ang mga ngiti sa mga labi niya,
masaya siya dahil hindi pa rin talaga nawawala ang charm niya sa mga babae.

The girl in front of him was a Thailand model, nakilala niya ito sa isang party
habang kadate niya ang girlfriend niya noon na isang sikat na singer pero wala na
sila niyon noong nakaraang linggo lang kaya ang thai model na nasa harap niya ang
nililigawan niya at ngayon ay hindi nga siya nabigo sa kanyang panliligaw.

Lumapit sa kanya ang babae at pinapasok siya sa unit nito, pagkasara ng pinto ay
kaagad na yumakap ito sa kanya at hinalikan siya sa mga labi.

"Hey babe, relax okay? We're going to have some fun first." He said, hindi niya
napaghandaan ang pagiging mapusok nito.

Nakilala kasi niya itong mahinhin at tahimik, hindi naman niya alam na nagiging
tigre ito sa ganong bagay, but he like it anyway.

Mas gusto niya ang mga ganong babae, he loves liberated women.

Kahit first time lang niyang nagtungo sa condo unit nito ay nagtuloy siya sa mini
bar nito at nagbukas ng isang wine, kumuha siya ng wine glass at pinagsalin ito ng
alak.

Mas gusto niyang dumadaan muna sa maraming proseso bago humantong sa pinakatampok
na bagay.

####################################
CHAPTER NINE
####################################

Eksaktong katatapos lang niyang ikabit ang poster sa dingding ng sala niya nang
tumunog ang cellphone niya, kunot noo niyang sinulyapan ang wall clock, mag aalas
onse na ng gabi, sino naman kaya ang tatawag sa kanya ng ganoong oras?

Dinampot niya ang cellphone na nakapatong sa coffee table at sinagot iyon.

"Hello." Sagot niya

"Happy Birthday!" anito, nagliwanag naman ang mukha niya at napangiti ng marinig
niya ang tinig nito.

"Kuya Jelo!" masiglang sabi niya, narinig niya ang malutong na pagtawa nito na mas
lalong ikinatuwa niya, how she miss Jelo's laugh. "Thank you! Ang aga ng pagbati
mo." natatawang sabi niya, kamuntikan na niyang makalimutan at kung hindi pa nito
pinaalala ay hindi talaga masasagi sa isip niyang birthday niya.

"Syempre! Ayokong maunahan ako nina Jepoy." Anito, tumaba naman ang puso niya, kung
may mga lalaking nagmamahal sa kanya ng tunay, iyon na ang mga kapatid niya.

She was the only girl in her family, kaya naman prinsesang prinsesa siya sa mga
ito.

"How's my girl?" he asked her

"I'm fine, I'm still beautiful." Sagot niya, muli niyang narinig ang mga tawa nito.

"Tha's my girl." Anito, "Mabuti naman at nakalimutan mo na ang gagong ex boyfriend


mo." anito, lumapad ang pagkakangiti niya, Jelo was her brother, isang taon lang
ang tanda nito sa kanya, at magkasundong magkasundo sila nito.

Isa ito sa tatlong kapatid niya na nasa pagsusundalo, kung hindi nga lang niya
pinigilan ang mga ito noon sigurado siyang may paglalagyan ang walang hiyang ex
boyfriend niya noon.

"Kamusta na sina kuya Jinx at kuya Jesse?" pag iiba na niya ng usapan, baka kung
saan pa mapunta ang usapan nilang iyon.
"Okay lang naman sila, si kuya Jesse nandiyan pala sa maynila ngayon, may
inaasikaso lang siya sa kasal nila ni Susie." Anito, ang kuya Jesse nila ang
panganay sa kanila at sa wakas ay naisipan na rin nitong magpakasal, hindi na rin
ito bata sa edad nitong thirty six.

"Really? kailan daw ang kasal?" excited na tanong niya

"Wala pang date pero sa tingin ko malapit na iyon." anito, "Sasabihan ka naman nun
kaagad kapag may petsa na." anito

"Ikaw ba? Wala pa rin bang nahahanap na girlfriend?" tudyo niya sa kapatid niya.

"Wala pa sa bokubolaryo ko ang salitang yan atsaka mahirap makipagrelasyon habang


narito ako sa field, baka hindi ako maintindihan ng magiging nobya ko, baka siya
lang din ang manguna sa pagreresign ko sa pagsusundalo." Anito, napangiti siya,
matindi ang dedikasyon ng kuya Jelo niya sa trabaho nito. Noon pa man ay pangarap
na nitong magsundalo at manilbihan sa bayan.

"Sabagay, bata ka pa rin naman sa edad mo. You're only twenty seven." Aniya, tumawa
ito.

"Oo, ikaw din kung hahanap ka uli ng lalaki, iyong matino. Hindi iyong walang
pinagkaiba sa dati mong kasintahan." Paalala nito sa kanya, siya naman ang tumawa.

"Alam ko yun." Natatawang sagot niya

"Dapat lang dahil hindi mo na ako mapipigilan sa gagawin ko kapag may nagpaiyak pa
ulit sa'yo." Anito

"Masyado mo naman akong binebeybi eh, malaki na ako atsaka kaya ko naman ang sarili
ko." aniya, narinig niya ang pagpalatak nito

"Kaya ba noong bumisita ako diyan sa bahay mo ay hindi ka na kumakain ng ilang


araw? Kung hindi pa ako nangamusta noon sa'yo hindi ko malalaman na may hindi na
pala magandang nangyayari sa'yo." Anito, napalabi siya.

"Matagal na iyon at hindi na iyon mangyayari."

"Hindi na talaga mangyayari iyon Joey dahil hindi na naming papayagan na may
manakit pa sa damdamin mo." anito, kung nasa harapan lang niya ngayon ang kapatid
ay nayakap na niya ito.

Ang mga ito ang unang tumutol ng maisipan niyang mag aral sa maynila, iniyakan pa
nga niya ang mga ito dahil sa pagsusumamo noon na payagan siya.

Mas nahirapan siyang kumbinsihin ang mga ito noon kaysa sa mga magulang niya na
malaki ang pagsuporta sa kanyang mga desisyon.

"O paano, ibababa ko na ito, tapos na ang ibinigay na oras sa akin, mag iingat ka
diyan at happy birthday ulit." Anito

"Salamat kuya!" aniya

Nang maibaba niya ang cellphone ay gumaan ang pakiramdam niya, naupo siya sa sofa
at dinampot ang kape na lumalamig na.

Gustong gusto talaga niyang nakakausap ang mga kapatid niya, kung hindi lang dahil
sa mga kapatid niya at sa mahal niyang papa ay naisumpa na siguro niya ang mga
kalahi nito noong iwanan siya ni Lance at lokohin.

Inubos na niya ang kape bago pa tuluyang lumamig iyon, sinulyapan niya ang malaking
poster at naningkit ang mga mata.

"Pasalamat ka sa'kin dahil hanggang ngayon ay maganda pa rin ang mukha mo." aniya,
dahil kung hindi niya napigilan noon ang mga kuya niya ay nabugbog na ng mga ito
ang lalaki, sigurado siyang hindi na ganon kagwapo ito ngayon kung nangyari iyon.

Kinuha niya ang ilang dart na nakapatong sa coffee table at bininyagan ang bagong
poster, sapol sa labi nito ang apat na dart.

"Bullseye!" nakangising sabi niya.

"Dammit!" inis na sabi ni Hunter habang nagmamadaling tinakbo ang


parking area ng condominium na iyon, nabuksan na niya ang pinto ng sasakyan niya ng
marinig niya ang tinig ng babae sa likuran niya.

"Hunter! Wait! Don't leave me!" pigil nito sa kanya na tumatakbo na rin

Shit! Mabilis na sumakay siya sa sasakyan niya at kaagad na pinaandar iyon,


kailangan niyang makaalis kaagad sa lugar na iyon at ipinapangako niyang hinding
hindi na siya babalik pa roon.

Kinikilabutan siya sa tuwing babalikan niya ang nangyari kanina lamang, they were
on a hot scene then suddenly that woman seems weirder and weirder, bigla na lamang
itong nanahimik sa gitna nang mainit nilang eksena, akala niya ay ninanamnam lang
nito ang maganda niyang katawan pero ganon na lamang ang panggigilalas niya nang
bigla na lamang itong nagsalita at kung anu-ano nang lengwaheng inuusal, animo
kasapi sa isang kulto at pakiwari niya ay iaalay siya sa kung anong diyos nito.

Ang mas nakakakilabot doon ay bigla na lamang tumirik ang mga mata nito, nagulat
din siya nang kung saan ay may hawak na itong matulis na bagay, pakiwari niya isang
basag na salamin iyon, nagimbal siya nang hiwain nito ng maliit ang isang daliri
nito hanggang sa may lumabas roon na dugo habang nakapatong pa rin ito sa ibabaw
niya.

And he was scared to death! Blood was really his weakness.

Sinabi rin nito na , "Let me have your blood too Hunter, we need to unite to be as
one." Anito sa weirdong tinig. Damn! May hangin pa yata sa tuktok ang babaeng yun.

Sa sinabi nito ay mabilis siyang lumayo dito, dinampot ang mga damit sa sahig at
mabilis na umalis sa unit nito.

Mula sa rear view mirror niya ay nakita niyang sumakay ng sasakyan nito si Faye at
mukhang susundan siya nito.

"Shit!" aniya ng makita nga niyang nakasunod na ito sa kanya.

This isn't good...

Alam niyang susundan siya ng babae kahit saan siya magpunta, nakita niya sa mga
mata nito kung gaano siya nito kagusto.

Hindi siya maaaring umuwi sa unit niya dahil sigurado siyang hindi siya nito
tatantanan.
Kinuha niya sa bulsa ng pantalon niya ang cellphone niya, ida-dial pa lang niya ang
numero ni Xien nang maalala niyang iniba na pala nito ang passcode ng condo unit
nito, hindi siya maaaring magtresspass sa bahay nito gaya noong nakaraang taon.

Sa bahay nito kasi siya nagtago at tumira ng dalawang linggo dahil pinagtaguan
naman niya si Lily, ang transgender na patay na patay sa kanya.

"Damn!" Nabitawan niya ang cellphone ng marinig niya ang sunod sunod na pagbusina
ng sasakyan ni Faye sa likuran niya.

Muli niya itong sinulyapan sa rearview mirror at nakita niya ang lukot na mukha ng
babae, natitiyak niyang nabitin ito sa mainit na eksena sa pagitan nila kanina.

"Tss..there's no way I can give you my body." Bulong niya habang nakatingin sa rear
view mirror.

Kailangan niyang makagawa ng paraan para mailigaw niya ito, kung may alam lang
siyang malapit na lugar na maaaring pagtaguan niya.

Hindi naman niya alam kung bakit sumagi sa isip niya ang astig niyang photographer.

Hindi na siya nagdalawang isip pa, kailangan niya ang tulong nito sa ayaw at sa
gusto nito, iniliko niya ang sasakyan sa halera ng mga bar and restaurant at
ipinarada niya ang sasakyan niya sa isang sikat na disco bar, maraming tao roon
kaya hindi siya mapapansin ni Faye, mabilis siyang bumaba sa kanyang sasakyan,
naglakad siya hindi para pumasok sa loob niyon kundi upang magtago sa malagong
halamanan, nakita niya ang paparating na sasakyan ni Faye pagkuwan ay itinigil nito
iyon sa tabi rin ng sasakyan niya. Nakita niyang sinilip pa nito ang loob ng
sasakyan niya pagkuwan ay naglakad sa loob ng disco bar siguro ay para hanapin
siya.

Doon na siya nagkaroon ng pagkakataon na makaalis sa pinagkukublian niya, kaagad


niyang pinara ang taxi na dumaan.

Alas dose na ng gabi pero gising na gising pa rin si Joey, she was at
the kitchen while making her own cake, iyon ang trip niyang gawin sa mga oras na
iyon tutal ay birthday naman niya, katatawag lang ng mga kuya niya, at ang kuya
James niya ang huling tumawag sa kanya, pangalawa ito sa panganay at ito ang
kasalukuyang namamahala ng negosyo nila sa Bacolod.

Nakausap din niya ang kuya Jesse niya, bibisita raw ito sa kanya isa sa mga araw na
darating kaya naman masaya siyang isipin na mahal na mahal siya ng pamilya niya
kahit na malayo siya sa mga ito.

Habang inilalagay niya sa oven ang cake ay nakarinig siya ng sunod sunod na
pagkatok sa pinto ng back door niya.

Naisip naman niya ang kuya Jesse niya, mahilig sa sorpresa ang kuya niyang iyon.

"Ang kuya Jesse talaga." Nakangiting sabi niya

Saglit niyang iniwanan ang oven at bumaba ng bahay, nagtungo siya sa back door at
kaagad na binuksan iyon sa pag aakalang ang panganay niyang kuya ang kumakatok.

Subalit nawala naman ang ngiti sa mga labi niya ng bumungad sa kanyang paningin ang
matangkad na bulto ng lalaki, she was stunned for a moment when the man was smiling
at her beautifully.

"Hi Joey." The man greeted her, his smile was still in place too.

Kahit na hindi naman niya ito pinapapasok ay pumasok na ito sa loob ng bahay niya.

"Hindi ko inaasahan na pagbubuksan mo ako kaagad." Anito, naisara na niya ang pinto
pero hindi pa rin siya makapagsalita. Masyado siyang naapektuhan sa mga ngiti nito.

"Nah, do you mind if I can have a cup of black coffee? Pampaalis lang ng sakit ng
ulo ko sa mga nainom ko kanina." Anito, hindi na siya nakapagsalita pa ng umakyat
na lang bigla ito sa kanyang bahay.

Kaagad na sumunod siya dito, nakita niyang nasa may kusina na ito at
nanghahalungkat sa mga gamit niya.

"Mukhang hindi ka pa natutulog? Mukhang abala ka pa hanggang ngayon." Komento nito


habang pinagmasdan ang buong kusina, makalat doon dahil sa pinaggamitan niya sa
pagbe-bake ng cake.

Dinampot nito ang kahon ng harina na ginamit niya.

"You're baking a cake? You can bake?" he asked her with disbelief in his face, doon
lang siya nagreact, isang matalim na irap ang ibinigay niya.

"Bakit parang hindi ka makapaniwala? Marunong akong magbake." Inis na sabi niya

"I'm amazed!" he said, hindi niya alam kung bakit pinamulahan siya sa sinabi nito.

Kumilos ito para magtimpla ng kape pero pinigilan niya ito.

"Teka nga, kailan pa tayo naging close para magtresspass ka sa bahay ko?" inis na
sabi niya, sa wakas ay nakapagsalita na rin siya sa matagal niyang pagkakatameme sa
mga ngiti nito.

"Hey, pinapasok mo ako kaya hindi ako nagtresspass." Anito, napahiya naman siya. Oo
nga naman, hindi naman ito nagpumilit na pumasok dahil kusa niya itong pinapasok,
kung bakit kasi parang may magic spell ang mga ngiti nito kanina kaya nakulam yata
siya.

"Well, pinapaalis na kita ngayon." Masungit na sabi niya, hindi dapat nito mahalata
na napahiya siya.

"Grabe ka naman, ganyan ka ba tumanggap ng bisita?" maang na tanong nito, she


lifted her left eyebrow.

"Hindi kita bisita, bwusita ka!" sagot niya, napangiwi ito.

"Pwede bang pagkapehin mo muna ako?" reklamo nito, "Masakit talaga ang ulo ko."
anito na hinaplos pa ang sintido.

Naisip naman niyang hinatid siya nito kanina sa pag uwi kaya pagbibigyan niya ito.

"Sige, ipagtitimpla kita pero pagkatapos mong magkape, umuwi ka na." aniya, lumapad
ang mga ngiti nito.

"Oh, that's was sweet." Anito, inirapan lang ulit niya ito

"Hindi kita ipagtitimpla dahil gusto kita, nagbabayad lang ako ng utang sa'yo,
hinatid mo ako kanina kahit masama ang loob mo." sarkastikong sabi niya, tumawa
ito.

Ewan niya kung bakit naghatid ng kakaibang damdamin sa kanya ang mga tawa nito, his
laugh sounds so real, parang sa pagkakataong iyon ay totoong totoo ang mga tawa
nito, hindi nang aasar lang.

"Atleast kahit hindi ka nagpasalamat sa'kin kanina, marunong ka rin naman palang
tumanaw ng utang na loob." Anito, inirapan lang niya ang sinabi nito.

"Doon ka na nga sa sala, hintayin mo ang kape." Aniya na tinuro ang sofa, ngumiti
ito sa kanya

"Okay." Anito na naglakad patungo sa sala, hinatid muna niya ito ng tanaw at nang
matiyak niyang nakaupo na ito sa sofa ay saka lang siya kumilos.

####################################
CHAPTER TEN
####################################

"Oh ayan na ang kape mo." aniya sa lalaki na nakaupo sa mahabang sofa habang
nakasandal ang likod, ipinatong niya ang mainit na kape sa coffee table pagkuwan ay
sinulyapan ang lalaki subalit ganon na lamang ang pag awang ng labi niya ng
makitang nakapikit ang lalaki at mukhang nakatulog na ito sa kahihintay sa kape,
nagpainit pa kasi siya ng mainit na tubig kaya natagalan siya ng kaunti.

Hindi naman niya akalain na makakatulog ito kaagad, nilapitan niya ang binata at
tinapik ang braso nito subalit imbis na magising ay tuluyan itong napahiga sa
mahabang sofa.

"Hoy Hunter! Gumising ka, heto na ang kape mo." aniya sa lalaki subalit hindi pa
rin ito gumigising. Inis na niyugyog na niya ang balikat nito subalit mistulang
natutulog na mantika ito dahil napakahirap nitong gisingin.

"Buwisit!" bulalas niya ng marinig pa niya ang mahinang paghilik nito

Ano na ang gagawin ko?

Sinulyapan niya ang wall clock pagkuwan ay ang kapeng tinimpla, nagpunta lang ba
siya dito para makitulog sa bahay ko? Kailan pa kami naging malapit sa isa't isa?

Naupo siya sa single sofa, binalingan niya ang lalaki pero kung bakit napalis ang
inis na nadarama niya nang matitigan niya ito. Kahit na bahagyang nakaawang ang mga
labi nito kasabay pa ang mahinang paghilik nito ay hindi niya magawang maturn off
dito, hindi man lang iyon nakababawas sa malakas na karisma nito, mas naging gwapo
nga ito sa paningin niya ngayon.

Bigla ay nahaplos niya ang mga pisngi, bakit parang uminit ang mga pisngi niya?

Darn! Tumayo na siya at iniwanan ang lalaki, baka kung saan pa mapunta ang pagtitig
niya dito, baka tuluyan na siyang mahulog.

Nilinis muna niya ang kusina bago siya nagpasyang matulog na, ala una na nang
pumasok siya sa kanyang silid.

Napabalikwas ng bangon si Hunter matapos niyang sampalin ang sarili


dahil naramdaman niyang tila may tumusok na mumunting karayom sa kanyang pisngi

"Ouch!" nakangiwing bulong niya nang kumirot ang pisngi niya dahil sa malakas na
pagkakasampal sa sarili.

Sumama ang mukha niya nang makita niya ang malapot na dugo na kumalat sa palad
niya, isang kawawang lamok ang napisak niya dahil sa kabusugan.

"Gross!" Nakangiwing pakli niya, ipinunas niya sa pantalon ang dugong bumahid sa
kanyang palad.

Inaantok pa rin siya kaya muli siyang nahiga subalit hindi pa siya nagtatagal sa
pagkakahiga ng maramdaman naman niya ang pawis sa likuran niya, bakit sobrang init?
Hindi ko ba nabuksan ang aircon?

Wala sa sariling hinubad niya ang kulay puting polo niya, hindi pa siya nakuntento
wala sa sariling hinubad din niya ang suot na pantalon, sanay siyang underwear lang
ang suot kapag matutulog. Nakakalimutan na lang niyang maghubad kapag antok na
antok na talaga siya o sobrang pagkalasing.

Guminhawa naman ang pakiramdam niya subalit muli siyang tumayo nang mapagtanto
niyang wala siya sa kanyang kama. Naglakad siya at pumasok sa silid niya.

Kinabukasan, nakamulat na ang mga mata ni Joey pero pakiramdam niya ay


pinapangapusan siya ng hininga, hindi rin niya maigalaw ang katawan niya, para bang
may nakadagan na mabigat na bagay sa ibabaw niya.

Is she having a nightmare? O baka naman mamamatay na ako...

Pero bakit nakikita niya ng malinaw ang puting kisame? Naririnig din niya ang
pagtunog ng alarm clock niya...nararamdaman rin niya ang mainit na hangin sa
kanyang leeg.

Pinilit niyang sulyapan ang nakadagan sa dibdib niya, nakita niya ang maputi at
hitik na braso ng isang lalaki na tila nakayakap sa kanya, mahigpit ang
pagkakayakap nito kaya hindi siya makahinga ng maayos.

Braso ng lalaki? la...lala...ki? What the?! Lalaki?!!!!

Mabilis na sinulyapan niya ang lalaki sa tabi niya at ganon na lamang ang panlalaki
ng mga mata niya ng makilala niya ito.

"Hunter?!" gulat na bulalas niya, halos mahalikan na siya nito sa sobrang lapit ng
mukha nito sa mukha niya, nakayakap at nakadantay din ang isang binti nito sa mga
hita niya, kaya lugar na hindi talaga siya makakakilos.

Ganon na lamang ang pagtaas ng mga balahibo niya na imbis na magising ito ay mas
lumapit pa ito sa kanya at hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya, ngayon ay totoong
nakahalik na ito sa pisngi niya, ang mainit na hininga nito ay ramdam niya sa
kanyang leeg na nagbigay sa kanya ng kakaibang damdamin, he makes her go crazy.

Her heart started to pound faster at hindi na niya kaya pang payapain iyon lalo pa
at nararamdaman niya ang magkadikit na mga balat nila sa ilalim ng makapal niyang
kumot.

Oh God, ano bang gagawin ko?

Sa unang pagkakataon ay may nakatabi siyang lalaki sa kanyang kama, kahit ang dati
niyang kasintahan ay hindi man lang niya pinayagang patulugin ito sa bahay niya,
alam kasi niya kung gaano kaagresibo si Lance pagdating sa ganong bagay. Ayaw
niyang ibigay ang isang bagay dito noon na hindi pa siya sigurado, at malaki ang
pagpapasalamat niya dahil hanggang sa mga sandaling iyon ay nanatiling malinis
siya.

When she heard him groaned under his breath, dumoble yata ang tibok ng puso niya.

Damn! His groaned sounds sexy..

Muling nag init ang pakiramdam niya, iyon na nga ba ang sinasabi niya, hindi
maaaring maramdaman niya iyon lalo na at sa lalaki pang iyon.

Huminga muna siya ng malalim bago malakas na itinulak ang lalaki, hindi pa siya
nakuntento, tinadyakan pa niya ang lalaki dahilan upang mahulog ito sa kanyang
kama.

Hindi naman siya nabigo dahil mabilis na nagising ang lalaki.

"What's your problem?" iritadong saad nito, handa na ang pagtaas ng kilay niya at
pagtataray niya nang kusang mag back out ang mga iyon dahil sa nakikita ng mga mata
niya.

Nalunok yata niya ang mga sasabihin niyang salita dahil sa magandang tanawing
nakikita niya, sino bang babae ang makakapag isip ng matino kung may isang lalaki
na nakabalandra ang katawan na walang kahit na suot kundi tanging brief lang.

Oo, sanay na siya na makita niya ang magandang katawan nito kapag may photoshoot
sila pero iba ang sitwasyon nila ng mga sandaling iyon.

Oh no Joey, stop fantasizing this pervert man!

Pinilit niya ang sariling magpakanormal sa harap nito, bumangon siya sa kama at
inis na nilapitan ito.

"Hoy Hunter! Paano ka napunta sa kama ko?" inis na sabi niya, sa wakas ay bumalik
na sa normal ang tibok ng puso niya.

Hindi naman nalingid sa kanya ang pagkagulat nito, wala pa yata sa sarili ang
binata.

Nilibot nito ang paningin sa buong silid niya at doon lang yata nito napagtantong
wala ito sa sariling bahay.

"Paano ako napunta dito?" tanong nito, tumaas ang isang kilay niya

"Aba malay ko sa'yo, ako nga itong nagtatanong sa'yo, anong ginagawa mo sa silid
ko?" asik niya pagkuwan ay sinulyapan ang kabuuan nito.

Saglit lang niyang pinasadahan ito ng tingin mula ulo hanggang paa pabalik dahil
nag uumpisa na namang gumulo ang sistema niya lalo pa at tila may nabubuhay na
bagay sa likod ng telon.
Crap! Nagkakasala na ang mga mata ko!

Inis na dinampot niya ang kumot at itinakip sa kabuuan ng lalaki.

"Atsaka magbihis ka nga, naaalibadbaran ako sa nakikita ko." kunwa'y pakli niya

Napikon naman ito, "Ikaw lang ang nagsabi niyan."

Inirapan niya ito, "Lumabas ka na bago pa kumilos ang kamay ko." inis na pagtataboy
niya

"Para hawakan ang katawan ko?" nakangising sabi nito, pinamulahan naman siya ng
pisngi, hindi kasi niya napigilang imagine-in kung ano bang pakiramdam habang
hinahaplos niya ang magandang katawan nito.

Darn! Demonyo ka talaga Hunter!

Wala sa sariling kumilos ang isang kamay niya at malakas na binatukan ito.

"Ang kapal naman ng mukha mo!" singhal niya sa lalaki, "Hoy, nananaginip ka pa
yata, ako ang kaharap mo at hindi ang mga babaeng nauuto mo!" inis na sabi niya

Ganon na lamang ang pagsimangot nito nang masaktan sa ginawa niya.

"Ang sakit non ah! Ang bigat talaga ng kamay mo." reklamo nito

"Kasalanan mo rin naman, lumabas ka na nga!" inis na sabi niya na tinuro pa ang
pintuan, nakasimangot na lumabas naman ito.

Tinawagan ni Hunter ang kaibigan na si Xien, kailangan niya ang tulong


nito.

Nakakailang ring lang ay sinagot na ng kaibigan ang tawag niya.

"Oh, ano na namang kalokohan ang sasabihin mo?" kaagad na tanong nito, nahimas niya
ang batok sa sinabi ng kaibigan, wala na ba talaga siyang maaaring matinong sabihin
para sa mga ito?

"Ouch, hindi ba pwedeng matino naman ang sasabihin ko?" kunwa'y pagdadrama niya,
nasa isang convenient store siya, walking distance lang mula sa shop ni Joey,
hinihintay niyang mapuno ang hot chocolate sa vendo machine.

"Tss, sige pagbibigyan kita ngayon pero sinasabi ko sa'yo maganda ang gising ko
kaya h'wag mong sirain." Komento nito.

Nang mapuno ang baso ay kaagad na kinuha niya iyon, ipinatong niya iyon sandali sa
isang bakanteng lamesa, naglakad siya patungo sa isang estante.

"Nah, palagi ko bang sinisira ang araw mo?"

"Well, sort of." Sagot nito, napangiwi naman siya sa sinabi nito, "Oh, ano nang
sasabihin mo? Marami pa akong gagawin ngayon." Anito, sinulyapan muna niya ang
wristwatch niya, tiyak niyang nasa opisina na ang kaibigan niya, isa itong
detective sa sarili nitong investigative firm.

"Okay, I need your help..man." aniya, sinabi naman niya dito ang tungkol kay Faye.
"What? She really did that?" hindi makapaniwalang tanong nito, tumango siya kahit
hindi naman siya nito nakikita.

"Yes, and she is the weirdest and creepiest woman I've known. Mukhang may lahing
mangkukulam iyon o kung ano, kailangan ko ng background niya, Xien." Aniya

Narinig niya ang pagpalatak nito.

"Tsk, last time nalink ka rin sa isang transgender ngayon naman sa isang kasapi pa
yata ng isang kulto. Ano ba Hunter? Kailan ka pa magbabago?" Komento nito, alam
niyang kunot ang noo nito ng mga sandaling iyon.

"Pagputi ng uwak." Nakangising sabi niya

"Ewan sa'yo. Sige na, may gagawin pa ako."

"Teka, yung ipinapagawa ko sa'yo." Aniya

"Oo, naisulat ko na sa assignment notes ko."

Napangiti siya, "Nah, alam kong hindi mo ako matitiis." Tudyo niya

"Deposit your downpayment in my account first before anything else."

Ganon na lamang ang pag ungol niya, "Akala ko libre na."

"Wala ng libre ngayon Hunter."

"Tss. Okay fine." Sagot na lang niya, pagkasabi niya ay nawala na lang ito bigla sa
kabilang linya. "Aish, bakit ba ugali niyang pagpatayan ako ng tawag?" nakasimangot
na sabi niya, wala na siyang nagawa pa kundi ibulsa na lang uli ang cellphone niya
at binuksan ang estante, bibili na lang siya ng makakain niya.

Bumaba ng bahay si Joey, sa photo room kaagad siya nagdiretso pagkatapos niyang
kumain ng almusal, kaagad naman niyang nakita si Hunter na prenteng nakaupo sa
isang stool, umiinom ito ng hot chocolate na galing sa vendo machine habang sa
kabilang kamay naman nito ay may hawak itong burger.

"Hey, bawal ang pagkain sa photo room." Agaw niya sa atensyon nito, sumulyap naman
sa kanya ang binata habang ngumunguya pa.

"Wala namang nakalagay na bawal ang pagkain dito." Sagot nito, tumayo ito sa stool
at naglakad patungo sa malaking litrato niya na nakaframe pa, kuha iyon ng isa sa
mga kaklase niya noong nasa kolehiyo pa siya, nagkaroon kasi sila noon ng project
sa photography at siya ang ginawang modelo ng mga kagrupo niya.

Isa sa mga litrato niya iyon sa photo journal na ipinasa nila sa professor nila,
iyon ang pinakamagandang kuha niya kaya iyon ang pina frame niya upang maging
souvenir.

Iyon ang nagpapaalala sa kanya na sila ng mga kagrupo niya ang nakakuha ng mataas
na grades noon.

Whole body ang kuha niya sa litrato habang nakasuot ng maikling bestida at may
hawak na transparent na payong habang nasa gitna ng ulanan, maraming nainlove sa
litratong iyon, well except the fact na siya ang modelo pero dahil sa magandang
pagkakakuha niyon, napakaganda rin ng green scenery sa background niya.
Marami ang nagsabing mukha talaga siyang modelo at mas babagay siya sa ganoong
larangan subalit mas mahal talaga niya ang camera.

"You know what, pwede ka palang maging modelo." Komento nito

"Alam ko."

Tumingin ito sa kanya, "Bakit hindi ka na lang magmodelo? Mas malaki ang kikitain
mo bilang modelo, mas may chance ka pang magkaroon ng tv commercials." Patuloy nito

"Taking pictures is what I love." She said, kinuha niya sa drawer ang camera niya
pagkuwan ay maingat na pinunasan iyon.

Nang hindi niya marinig ang pagreact ng lalaki sa sinabi niya ay sinulyapan niya
ito, ganon na lamang ang pagtahip ng dibdib niya nang masalubong niya ang mga mata
nito, hindi niya inaasahan ang ganoong pagtitig nito sa kanya tila kinakabisa ang
kabuuan niya.

Dahil sa pagkataranta ay tumalikod siya rito, lihim na nagbuntong hininga siya,


para kasi siyang aatakihin sa puso kung magtatagal pa ang pagtititigan nila.

"Ano palang dahilan mo kagabi at nagpunta ka dito?" tanong niya sa lalaki

"May tinataguan ako." Anito, napasulyap muli siya dito, nagpapasalamat siya dahil
abala na ito sa pagkain habang nakatunghay ulit sa malaking litrato niya.

"Sino naman ang tinataguan mo?" takang tanong niya

"Yung kadate ko kagabi." Kaswal na sagot nito, napasimangot siya.

"Bakit? Naghahabol na ba sa'yo?" inis na tanong niya, kahit wala namang dahilan na
magalit siya ay naiinis siya, naalala kasi niya ang dating kasintahan, madalas na
taguan siya nito noon nang madiskubre niyang nambababae ito.

"Yes." Anito, "May nalaman akong ikina-turn off ko."

Wala talagang kwenta ang mga kauri ng ex boyfriend niya...

"Anong nalaman mo?" tanong niya, sa kabilang banda naman ay naku-curious pa rin
siya, tumingin naman ito sa kanya, this time, he was grinning at her.

"Why the interest?" he asked her, mangali ngaling batuhin niya ito ng hawak niyang
camera.

"Of course not! Naaawa lang ako sa babae." Depensa niya

"Nah, akala ko interesado ka na sa'kin." Tudyo nito, inis na inirapan niya ito

"Never!" sagot niya, tumawa ito

"Okay." Naiiling na sabi nito, muli nitong ibinalik ang atensyon sa litrato niya.
"You know what, I really like this picture."

"H'wag mong sabihing gusto mo ako?" nakataas ang isang kilay na sita niya

Ganon na lamang ang pagtawa nito, "Napakaprangka mo rin pala." komento nito

"Black belter din ako sa taekwando." Aniya, natigil naman ito sa pagtawa.
"Really?" hindi makapaniwalang tanong

"Gusto mo ng example?"

Ngumisi ito, "Doon tayo sa silid mo, magpapaka masochist ako para sa'yo." Anito,
nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi nito. What a perverted man?!

"Ang bastos mo talaga!" inis na singhal niya, tumawa lang ito, "Bakit ba nandito ka
pa rin?" inis na tanong niya sa lalaki

"Tumawag si Pepsi, darating daw ngayon yung babaeng modelo." Anito

Hindi maipinta ang mukha ni Joey habang nasa likod ng camera, hindi na kasi niya
makayanan ang nakikitang lampungan ng dalawang modelo sa harap niya, kanina pa rin
niya pinipigilan ang sariling lumapit sa mga ito at buhusan ng malamig na tubig,
kung magdikit ang mga katawan ay parang gumagawa ng apoy, animo walang ibang tao sa
silid na iyon.

"Ah excuse me, hindi ito pang scorpio nights, you'll model the underwear designs of
my friend. Kaya umayos kayo bago pa ako mairita sa inyo." Mataray na sabi niya,
lumayo naman ang babaeng modelo kay Hunter na ngising ngisi lang.

"Ikaw kasi, nagalit na tuloy yung photographer." Maarteng wika ng babae na may
kasama pang paghampas sa braso ng binata, umikot tuloy ang eyeballs niya. flirt!

"Nah, don't mind her, naiinggit lang yan." Bulong nito na humangga naman sa
pandinig niya na ikinareact niya.

"Excuse me?" pantay ang mga kilay na sabi niya

"Wala, okay, let's start." He said, mangali ngaling lapitan niya ito at bigyan ng
upper cut.

Kung bakit kasi ang babaeng iyon pa ang napili ng kaibigan na maging modelo nito.
Animo espasol ang mukha sa kapal ng make up. Halata rin naman ang concealing cream
na inilagay sa mga dark spots nito sa buong katawan, nahihirapan tuloy siyang
humanap ng magandang side nito.

Hindi rin ito masyadong makaproject sa camera dahil mas conscious pa ito sa sarili
dahil sa hinayupak na lalaking kung makatitig sa babae ay animo ngangasabin ng
buong buo.

"Teka..teka nga!" inis na niyang sabi, lumapit siya sa mga ito at pinaghiwalay ang
dalawa, parang tuko ang babae kung makayakap sa lalaki.

Inis na binalingan niya ang lalaki, "Maupo ka nga muna doon, si Chelsea muna ang
kukunan ko ng litrato." Iritadong sabi niya, kaswal na nagkibit balikat ito.

"Okay." He said while grinning at her

Sumunod naman sa kanya ang lalaki, binalingan niya ang babaeng modelo at hindi na
niya napigilan ang sariling ilabas ang inis na nararamdaman.

"Saan ka ba napulot ni Pepsi? Ni simpleng pagpose sa camera hindi mo pa makuha?"


inis na sabi niya, napahiya naman ang babae.
Narinig niya ang pagsipol ng lalaki, "That's harsh, baby!" he commented

Nagpanting naman ang mga tainga niya sa sinabi nito.

"Don't call me baby! Buwisit!" singhal niya sa lalaki, muli lang itong nagkibit
balikat habang prenteng nakaupo at nakatingin sa kanila.

"You'll pay as a model not to flirt with a man." Sermon niya sa babae, pagdating sa
trabaho niya ay mahigpit talaga siya. Gusto niyang perpekto ang lahat pagdating sa
trabaho niya.

Napayuko naman ang babae at mangiyak ngiyak dahil sa pagkapahiya, inis na


nagbuntong hininga naman siya, naawa rin naman siya sa babae.

"Okay, let's start." Aniya na nagtungo na ulit sa puwesto niya

Narinig naman niya ang ibinulong ni Hunter na nasa tabi lang niya.

"Witch." He said, inirapan lang niya ang lalaki.

"Bukas na lang ulit." Aniya sa dalawang modelo, pumasok na sa dressing


room ang mga ito samantala lumabas naman saglit ng photo room si Joey para tawagan
ang kaibigan niya, naiwan niya ang cellphone na nakacharge sa silid niya.

Nang matapos ay bumalik muli siya sa photo room at eksakto namang kalalabas lang ni
Hunter ng dressing room, kaagad na nagtama ang mga mata nila ng binata, hindi niya
pinansin ang kakaibang dulot ng mga tingin nito sa damdamin niya.

Inirapan niya ito ng makita ang pagtaas ng sulok ng labi nito, kinuha niya ang
camera niya at gaya ng nakasanayan na niya ay ire-review niya ang mga litrato doon
subalit ganon na lamang ang pagtataka niya ng hindi niya nakita ang camera niya.

"Nasaan na yun?" takang tanong niya, hinanap niya iyon baka nakalimutan lang niya
kung saan niya naipatong.

"Want some help?" sabi ni Hunter ng makitang hindi na siya magkandaugaga sa


paghahanap ng camera niya, hindi naman niya ito inimikan, nagpatuloy lang siya sa
paghahanap. Ayaw niyang maistorbo.

"Ano bang hinahanap mo? Baka makatulong ako?" muling tanong nito, inis na
binalingan niya ito.

"Why don't you try to zip your mouth? That way you can help." She said
irritatingly.

Napasimangot naman ito, "Okay fine, nagmamagandang loob lang ako." Anito na itinaas
pa ang dalawang kamay.

Binalik niya ang atensyon sa paghahanap pero wala talaga ang camera niya atsaka sa
pagkakaalala niya ay nakapatong lang iyon sa tripod niya nang iwanan niya iyon
saglit kanina, hindi kaya may kumuha niyon? Baka may nanti-trip lang sa kanya.

Bigla ay naisip niya si Hunter, ito lang ang makagagawa ng bagay na iyon.

Nakita niyang palabas na ito ng silid na iyon ng tawagin niya ito.

"Hey wait!" pigil niya dito, tumigil naman ito kaya lumapit siya
Sinulyapan niya ang bag na dala nito, baka tinatago nito iyon at pinagtitripan lang
siya.

Bigla na lamang niyang inagaw ang bag sa lalaki subalit nabawi rin nito iyon
kaagad.

"What are you doing?" kunot noong tanong nito

"Just give me your bag." Inis na utos niya sa lalaki

"Why should I?"

"Basta ibigay mo sa'kin." Aniya na pilit na kinukuha ang bag nito subalit ayaw nito
iyong ibigay sa kanya kaya hinigit na niya ang strap sa balikat nito.

Nang hilahin niya ang strap ng bag nito ay malakas naman nito iyong hinaltak
pabalik at dahil mahigpit ang pagkakahawak niya sa strap ay nakasama siyang
nahaltak nito.

Hindi niya inaasahan ang mabilis na pangyayari, dahil malakas ang pwersa nito at
mabigat siya ay pareho silang natumba ng lalaki, napagtanto na lamang niyang nasa
ibabaw siya nito.

Parang may drum sa loob ng dibdib niya sa malakas na pagkabog ng puso niya habang
nararamdaman niya ang matipunong dibdib nito, tila kiniliti naman siya ng
maramdaman niya ang mainit na hininga nito sa punong tainga niya pababa sa leeg
niya.

At nang magtama ang mga mata nila ay animo nagtriple ang pagtibok ng puso niya at
hindi niya alam kung bakit niya iyon nararamdaman.

Saglit pa sila nitong nagkatitigan bago siya natauhan, mabilis na lumayo siya rito.

"Bakit kasi ayaw mo pang ibigay sa'kin ang bag mo." kunwa'y inis na sabi niya kahit
na nanginginig pa rin ang mga tuhod niya ng mga sandaling iyon.

Tumayo na rin ito at pinagpag ang sarili.

"Bakit ko ba ibibigay sa'yo ang bag ko?" takang tanong nito.

"To get my camera back." She said, nagulat naman ito sa sinabi niya

"What?"

"Yung camera ko, ibalik mo na."

Nangunot na ang noo nito, "Bakit ko ibabalik? Wala naman akong kinuha." anito

"Malay ko ba kung pinagti-trip-an mo lang ako." Sagot niya

"Kung manti-trip ako hindi sa ganoong paraan." Anito

Inirapan naman niya ito, "Kung wala talaga sa'yo, ipakita mo ang laman ng bag mo."
sita niya dito, nagbuntong hininga naman ito.

"Then if that's what you want."

Ipinakita nga nito sa kanya ang laman ng bag nito, napangiwi pa siya ng makakita pa
ng isang box ng condom, nakangisi itong nagsalita.

"See, I told you. Wala akong kinukuha, nakita mo pa tuloy ang precious gem ko."
Anito

Wala nga ang camera niya sa loob ng bag nito, kung gayon nasaan na yun? Kung hindi
ito ang kumuha, eh sino? Sila lang naman ang naroon kanina, bigla ay naalala niya
ang babaeng modelo.

####################################
CHAPTER ELEVEN
####################################

"Where's Chelsea?" Joey asked Hunter, nagkibit balikat ito.

"I don't know, nauna siyang lumabas sa'kin." Sagot nito, mabilis siyang lumabas ng
photo room at nilapitan ang assistant niyang si Salve, naabutan niya itong ngiting
ngiti habang nakatutok sa harap ng computer, malamang ay nanonood na naman ito ng
paborito nitong reality show.

"Salve, lumabas na ba yung babaeng model?" tanong niya dito, tumango ito

"Oo, nagmamadali nga eh, sabi ko magpaalam muna sa'yo pero hindi niya ako
pinakinggan." Anito, para naman siyang nanghina, "Bakit boss?" takang tanong nito

"Nawawala yung camera ko." aniya, nagulat naman ito.

"Naku! Magnanakaw si atey." Bulalas ni Salve

"Kainis, kabibili ko lang noon at ang mahal pa naman ng camera na iyon." nanlumong
saad niya, iyon ba ang pa-birthday sa kanya sa araw iyon? Wala na nga siyang
kasamang magse-celebrate ng mahalagang araw na iyon sa buhay niya, mawawalan pa
siya ng isa sa mga mahahalagang bagay sa kanya.

Malungkot na naglakad siya paakyat sa silid niya, tahimik lang na nakamata sa kanya
ang dalawa.

"Kawawa naman si Boss, pinag ipunan pa naman niya iyon." narinig pa niyang sabi ni
Salve habang paakyat siya sa silid niya.

Dumiretso si Joey sa kanyang silid at kaagad na tinawagan muli ang kaibigan.

"Ano? I'm so sorry Joey, nirecommend lang siya ng kakilala kong designer din. Hindi
ko alam na kleptomaniac pala ang babaeng yun." Sabi ni Pepsi nang ibalita niyang
pinagnakawan siya ng modelong napili nito.

"Papalitan ko na lang Joey." Anito

"Hindi na Pepsi, hindi mo rin naman kasalanan iyon." aniya sa kaibigan, nahihiya
naman siyang ipasagot sa kaibigan ang ninakaw na mamahaling camera.

"Humanap ka na lang ng mas matinong modelo." Aniya sa kaibigan

Maya maya ay nagpaalam na siya sa kaibigan.


Mula sa magazine rack na nakapatong sa ibabaw ng bedside table ay hinugot niya ang
isang scrapbook, naroon kasi ang mga naunang litratong nakunan niya gamit ang
bagong ninakaw niyang camera.

May ugali na siya na sa tuwing may mga bagong camera siyang nabibili ay kukunan
niya ang isang daang bagay, lugar o tao na makikita niya sa daan pagkatapos niyang
mabili iyon sa store.

Naroon sa scrapbook ang isang daang bagay na nadaanan niya noong nabili niya ang
camera na ninakaw lang sa kanya, malungkot na inisa isa niya ang mga pahina at
pinagkatitigan ang mga litrato.

Para siyang nawalan ng taong minamahal dahil sa pagkawala ng camera niya, malaking
bagay ang camera na iyon sa kanya, dahil tatlong taon bago muli siya nakabili ng
bago tapos ay iilang buwan pa lang ay nawala na kaagad sa kanya.

Habang binubuklat niya ang scrap book ay bigla siyang natigilan ng may matitigan
siyang isang litrato.

Pamilyar sa kanya ang isang mukha ng taong naroon sa litrato, bagaman nakamake up,
nakasuot ng pulang bestida, mataas na heels at kulay gintong wig ay hindi siya
maaaring magkamali, sa taas, sa tindig, sa ganda ng katawan at sa hulma ng
mukha..alam niyang kilala niya ang taong iyon.

Bigla ay bumunghalit na lamang siya ng pagtawa ng maalala niya ang mga sandaling
iyon.

"Now, I got you on your neck, Hunter Monseratt." Aniya habang tinuro pa ang litrato
nitong nakakunot ang noo habang sapul na sapul sa camera niya ang kabuuan ng pagko-
cross dress nito ng panahong iyon.

Kahit papaano ay nabawasan ang lungkot na nararamdaman niya, tumayo siya sa


pagkakasalampak sa kama at nagtungo sa kusina.

Inilabas niya mula sa fridge ang ginawa niyang cake, mukhang ise-celebrate nga
niyang mag isa ang birthday niya.

Kanina pa naghahanap ng tiyempo si Hunter na malapitan ang babaeng


nakasuot ng halter dress na halos lantad na ang buong katawan, nasa isang disco pub
siya at dahil marami siyang kakilalang party goers at kapwa modelo ay napagtanong
tanong niya ang tungkol kay Chelsea, ang babaeng modelong nakasama niya kanina
lamang at siyang kumuha ng camera ni Joey.

"Hi Hunter! It's nice to see you here, baby." Tinig iyon ng isang babae sa likuran
niya, nang sulyapan niya ito ay nakita niya ang tatlong magagandang babae, unang
tingin pa lang niya ay mga liberated na.

"Oh hi Mary." Bati niya, sinulyapan niya ang dalawa pa, "Hello there too Amber,
Joyce!" bati rin niya sa dalawang babae.

"Kilala mo ang mga kaibigan ko?" takang tanong ni Mary, nag alinlangan na napangiti
siya.

"Ye-yeah." Nagdalawang isip pang sagot niya.

"Paano mo sila nakilala?" tanong ni Mary, hindi naman siya nakapagsalita, nang
sulyapan niya ang dalawang babae ay naramdaman kaagad niyang may hindi magandang
mangyayari.

"Hunter was my ex boyfriend." Sabay pang sabi nina Amber at Joyce, nagkatinginan pa
ang dalawa sa pagkakasabay.

"What? Naging boyfriend mo rin ang my loves ko?" turo ni Amber kay Joyce.

"Yeah, two weeks din na naging kami, don't tell me niligawan ka din ni honeypie
ko?" saad naman ni Joyce.

"Honeypie?! Mga traydor pala kayo, akala ko mga kaibigan ko kayo? Inaagawan ninyo
ako kay Hunter." Palibhasa ay nakainom na ay malakas na ang boses ni Mary.

Napangiwi na siya nang magsimula nang mag away ang mga ito. Hindi naman niya alam
na magkakaibigan ang mga ito na naging girlfriend niya ng sabay sabay noong
nakaraang taon.

"Hey girls, calm down." aniya sa tatlo, tumayo na siya at pumagitna sa mga ito, may
ilang tao na rin kasing nakakapansin sa tensyong nagaganap.

"Bakit ikaw lang ba ang may karapatan kay Hunter? Gusto ko rin siya, alam ninyo
yan." Ani Amber.

"Mahal ko si Hunter, walang aagaw sa kanya." Giit pa rin ni Mary

"Gusto ko rin siya, Mary." Sabi naman ni Joyce

"Hindi pwede! Akin siya!" ani Mary na hinila siya at niyakap ng mahigpit.

"Hindi ako papayag, Hunter stay with me tonight, ako lang mag isa sa condo ko."
wika naman ni Amber na niyakap din siya.

Itinulak naman ni Joyce ang dalawang babae at hinila din siya at niyakap rin.

"No honeypie, mas magaling ako sa kanilang dalawa, doon ka sa bahay ko." ani Joyce.

Hindi nagtagal ay pinag aagawan na siya ng tatlong babae, hindi naman niya kaya ang
mga ito.

Nagpapasalamat siya dahil tinulungan na siya ng ilang bouncer ng disco pub.

"Ibang klase talaga ang karisma mo sa mga babae Hunter." Natatawang komento ni
Ulysis, ang may ari ng disco pub na iyon, tipid na ngumiti lang siya.

Dahil sa eskandalong iyon ay pinalabas na ang tatlong babae, mabuti na lang at


kakilala niya si Ulysis kaya hindi siya pinauwi nito, kung nagkataon ay hindi niya
magagawa ang pakay niya doon. Hindi naman siya nagtungo roon para mag enjoy.

Ilang saglit pa, tahimik na nakaupo na siya sa isang sulok habang pinag aaralan ang
mga kilos ni Chelsea, nagpapasalamat siya dahil hindi nito napansin ang naganap na
eskandalo kanina dahil nasa gitna ito ng dance floor at nakikipagsayaw sa ilang
party goers din, tumayo siya ng makita niyang patungo sa comfort room ang babae,
napakaingay sa lugar na iyon at nagkikislapan ang iba't ibang kulay ng disco lights
pero sanay na siya sa ganoong klase ng lugar kaya balewala na sa kanya ng dumaan pa
siya sa dalawang malalaking speakers habang dumadagundong ang party music na
pumapailanlang.

"Hello Chelsea." Nakangiting bati niya sa babae nang harangin niya ito.
Ganon na lamang ang pagkagulat ng babae ng makita siya

"H-hunter?" nanlalaki pa ang mga mata nito sa pagkagulat

"Bakit parang nakakita ka ng multo?" takang tanong niya, kinawayan niya ang ilang
babaeng dumaan sa harapan niya habang kinikilig pa ng makita siya.

"A-ah h-hindi naman, nagulat lang ako na makita ka dito." Tarantang sagot nito

"Hindi ka ba masaya na nakita mo ako?" nakangiting sabi niya, yes, he was using his
charm to get her attention..at malaki ang tiwala niyang bibigay din ito sa kanya.

"M-masaya naman." Nakangiting sabi nito, lalong lumapad ang mga ngiti niya nang
kumislap ang mga mata nito. konti pa..

"Actually, hinahanap talaga kita."

Natigilan ito, "B-bakit?"

Muli siyang ngumiti, "Of course to have fun with you right now, ayaw mo ba?" aniya,
kitang kita niya ng kiligin ito. Lucky! Now I got you.

"Really? Of course, I want to have fun with you, nakakabitin kaya kanina." Anito,
tumawa siya ng mahina.

"Then let's have fun." Aniya

Mag eenjoy muna siya bago niya gawin ang totoong pakay niya sa babae.

Hindi nagtagal ay palabas na ng disco pub na iyon si Hunter nang mahagip ng mga
mata niya ang babaeng pinagtataguan niya, si Faye.

Mabilis na nagtago siya sa gilid ng bar counter, sinenyasan pa niya ang kakilalang
waiter nang mapansin ang pagtatago niya.

"Shh..h'wag mong sasabihin na nandito ako." Aniya sa waiter, tumango ito.

"Yes boss." Anito

Nakita niyang lumapit si Faye sa waiter.

"Hi, have you seen Hunter?" tanong nito

"No ma'am, why?" sagot nito, sumagot naman ang kasama nitong babae.

"Pananagutan lang naman ni Hunter ang ginawa niya sa kaibigan ko, kapag nakita mo
ang lalaking iyon, sabihin mo na humanda siya dahil hahanapin namin siya kahit saan
siya magtago." Sabi ng babae, "Let's go Faye, baka nasa kabilang disco bar si
Hunter." Yaya ng babae sa kaibigan.

Nang mawala na ang dalawa ay doon lang lumabas si Hunter, nilapitan siya ng waiter.

"Boss, narinig mo naman siguro ang sinabi niya." anito, tumango siya.

"Oo, salamat." Aniya sa lalaki na tinapik pa sa balikat, "Aalis na rin ako." Paalam
niya

"Wala yun boss, mag iingat ka!" paalala naman nito, itinaas niya ang isang kamay at
tuloy tuloy na lumabas sa disco pub.
Takang inabot ni Joey ang cellphone sa ibabaw ng kanyang unan, pupungas
pungas na sinilip niya ang oras bago niya sagutin ang tawag.

Ala una na ng madaling araw, sino naman kaya ang tatawag ng ganong oras sa kanya?
inis na sinulyapan niya ang caller, anonymous. Hindi sana niya iyon sasagutin dahil
inaantok na siya subalit nakalimang tawag na ito kaya napilitan na rin siyang
sagutin iyon.

"What took you so long to answer?" may himig iritasyon sa tinig ng lalaki sa
kabilang linya. Gulat na napatingin muli siya sa numero bago sumagot.

Pamilyar sa kanya ang boses nito pero kailangan pa rin niyang i-confirm ang hinala.

"Hello, who's this?" she asked the man

"Ang gwapo mong modelo." Anito, sa sinabi nito ay umikot ang eyeballs niya, hindi
nga siya nagkamali ng kutob.

"Madaling araw na pero active pa rin ang kahanginan sa katawan mo, wala bang
limitasyon yan?" sarkastikong tanong niya, narinig niya ang pang asar na tawa nito.

"Gwapo naman talaga ako ah." Sabi nito

"Ano bang kailangan mo?" inis na tanong niya sa lalaki at hindi na pinansin ang
sinabi nito.

"Lumabas ka may sasabihin ako sa'yo."

Tumaas ang isang kilay niya kahit na hindi naman siya nito nakikita.

"Aba't kung makapag utos ka, bakit ko naman gagawin yun?"

"Nasa labas ako ng shop mo." sagot nito, ganon na lamang ang pagtataka niya.

Tumayo siya upang silipin sa bintana ang lalaki, baka pinagtitripa-an lang siya
nito.

Pero nakita nga niya ang lalaking nakatayo at nakasandal sa hood ng sasakyan nito
habang hinihimas pa ang batok. Mukhang manerisms na nito ang paghimas sa batok sa
tuwing may kausap ito sa cellphone.

Aba! Totoo nga, ano naman ang ginagawa niya ng ganitong oras?

"Ano bang sasabihin mo?" tanong niya sa lalaki

"Sasabihin ko kapag lumabas ka." Anito

"Sabihin mo na, hindi na kita papayagang pumasok sa bahay ko." Mataray na sabi
niya, mahirap na, baka mamaya ay maulit na naman ang nangyari kahapon.

"Magsisisi ka kapag hindi mo ako pinapasok." Anito, aba at nanakot pa!

"Eh di bahala ka!" aniya na akmang io-off na ang cellphone nang pigilin siya nito.

"Wait, h'wag mong ibababa." anito


"Sabihin mo na kasi, nakikita naman kita eh." Aniya, nakita niyang nagtaas ito ng
mukha at nagtama ang kanilang mga mata.

Nakita niyang saglit itong natahimik habang nakatunghay sa kanya.

"Ano na? Ano bang sasabihin mo?" tanong muli niya sa lalaki na hindi pinansin ang
kakaibang dulot ng biglang pagtingin nito sa kanya.

"Ayaw mo ba talagang lumabas?" tanong nito

"Ayoko." Aniya na tigas na umiling pa

"Okay bahala ka."

Mula sa leeg nito ay nakita niya ang nakasukbit na bagay doon, kumilos ito pagkuwan
ay may kumislap na ilaw mula sa hawak nitong bagay na nakatapat sa kanya.

"Nah, hindi ka pala photogenic, para kang bruhang bagong gising dito." Kaswal na
komento nito.

Napaawang naman ang mga labi niya ng marealize niyang camera iyon.

"Wait! Is that my camera?" she asked, tumingala ito sa kanya at nakangising


nagsalita.

"Well, you can check this if it's really yours." He said

Mabilis na bumaba ng bahay si Joey, binuksan niya ang ilaw sa unang palapag bago
niya binuksan ang pinto ng back door.

Shit! Aatakihin yata siya sa puso ng mabungaran niya ang bulto ng lalaki pagkabukas
niya ng pinto, she realized her heart beating wild and fast and only because of
this man.

She also saw his attractive grin, oo, pakiwari niya nagiging kaakit akit na ang mga
pagngisi ngisi nito sa paningin niya.

Dahil sa nararamdaman ay hindi kaagad siya nakapagreact ng tuloy tuloy na pumasok


ang lalaki sa loob ng shop niya, naupo rin ito sa mahabang lounge chair at
ipinatong pa ang dalawang paa sa mahogany table.

Nang tumingin ito sa kanya ay doon lang siya natauhan.

"What are you doing?" she asked him

"Masama bang umupo?" maang na tanong nito, "C'mon here, check this camera." Anito,
lumapit naman siya subalit nanatiling nakatayo, amuse na nagsalita ito.

"Natatakot ka ba sa'kin?" amuse na tanong nito, inirapan niya ito.

"Of course not!"

"Then sit down here." Anito na pinagpag pa ang bakanteng pwesto sa lounge chair na
inuupuan nito.

Tumalima siya at naupo sa tabi nito.

"Akin na, I'll check the camera." Aniya, sinisira niya ang kakaibang tensyong
nararamdaman niya sa loob niya.
Hunter couldn't stop himself gazing the woman while she was busy checking the
camera.Well, Joey was really beautiful woman, a beauty she didn't notice she had.

Hindi man nito alam ang bagay na iyon pwes siya ay kitang kita niya kung gaano
kaganda ang bawat sulok ng mukha nito.

Joey's face was rounded in a gentle oval and her features were soft, her lips
prettily bowed. Her black shiny hair that framed her face was attractive, too.
Ultimately, though, Hunter found it was her eyes that he could not avoid. They were
enormous black eyes.

Eyes like those could reduce a man to cinders in a matter of seconds.

Hindi niya iyon nakita noon dahil ang kaastigan at katarayan ang kaagad napansin
niya dito, mali din ang akala niya noon sa totoong pagkatao nito dahil ang totoo ay
babaeng babae ito sa paningin niya ngayon. Damn! She was damn so hot in her thin
nighty.

So, palalagpasin mo ba ang kagandahang nakikita mo ngayon Hunter? His naughty side
commented, Pero si Joey yan, mahirap siyang bolahin. His inner side said.

Joey is still a woman and you know how to handle women, how to seduce them, so no
more worry. Konting bola lang sa kanya, mapapaibig mo rin siya. His wicked mind
said.

Kung mapapaibig nga niya si Joey ay malaking achievement iyon para sa kanya,
papatunayan rin niya sa mga kaibigan niya na hindi siya kailanman magiging isang
regular guy.

Umayos siya ng upo, kumirot yata ang sintido niya, naparami ang nainom niya kanina
bago niya nakuha kay Chelsea ang pakay niya.

Hinayaan kasi niyang malasing ang babae bago niya sinubukang itanong sa babae ang
tungkol sa camera na hindi ito nao-offend o nasasaktan.

Naalala niya kung paano nalukot ang mukha nito.

"Hindi ko naman sana gagawin iyon kaya lang masyadong matalas ang dila niya, kung
makapanlait akala mo kung sino, nainis lang ako sa kanya kaya ginawa ko yun." Pag
amin ni Chelsea.

Hindi na rin siya nahirapan na kunin dito ang camera dahil kusa nito iyong ibinigay
sa kanya.

Tinulungan naman niya ito hindi dahil sa kung ano pa man, kundi dahil upang mabago
ang tingin nito sa kanya at magkaroon na siya ng tsansa na mapalapit dito. Magagawa
na rin niya ang nais niya, to get her..to add her in his list.

"Joey." Tawag niya sa babae, "Look at me." he said, kunot noong lumingon naman ito
sa kanya. "Look into my eyes, did you see something?" he asked her.

Napalunok siya ng pagkatitigan nga nito ang mga mata niya, may kakaiba siyang
naramdaman at hindi niya alam ang nangyayari sa loob niya.

Inisip na lang niyang dala lang iyon ng pagkalasing niya at init ng katawan niya.
"May nakikita ka ba?" ulit niyang tanong

"Oo, may muta ka." Kaswal na sabi nito pagkuwan ay tumayo.

"W-what?" bulalas niya at chineck nga niya kung may dumi ang mga mata niya, inis na
nilingon niya ito. Nawala tuloy ang momentum niya, babanat na sana siya ng..

"There is love in my eyes but why are you the only one who can't see?"

Ibang klase talaga ang babaeng ito, kalimutan mo na Hunter..aminin mo..Joey was
different..different with your women..his disappointed side said.
####################################
CHAPTER TWELVE
####################################

"Camera ko nga ito." Ani Joey sa lalaki na halos nakahiga na sa lounge chair habang
haplos ang sintido, hindi lingid sa kanya na nakainom ito dahil sa amoy niya ang
alak na ininom nito.

Hindi niya alam kung paano nito nakuha kay Chelsea ang camera niya at kung anong
dahilan nito kung bakit nito iyon ginagawa subalit hindi na rin niya kailangan pang
malaman iyon. Sapat na sa kanya na naibalik ang camera niya.

"Makakauwi ka na, matutulog na rin ako." Aniya, ganon na lamang ang reaksyon nito.

"Ganon ganon na lang yun?" dismayadong tanong nito

"Bakit ano bang gusto mong gawin ko?" nakasimangot niyang sabi, ayaw niya ang
ideyang pumasok sa isip niyang kapalit ng ginawa ng lalaki.

Naalala tuloy niya ang tanong nito kanina, "Look into my eyes, did you see
something"

Hindi nito alam kung gaano kabilis ang pagtibok ng puso niya sa simpleng pagtitig
nito sa kanya kanina na sinabayan pa ng paglunok nito, pakiramdam kasi niya kanina
ay hahalikan siya nito at hindi niya alam kung anong gagawin kung mangyayari nga
iyon, baka hindi siya makapagpigil at tugunin ang mga halik na iyon pagkatapos ay
kung saan pa sila humantong.

Kaya bago pa mangyari iyon ay pinatay na niya ang nagniningas na apoy na dulot ng
init sa pagitan nila ng mga sandaling iyon.

"I think I deserve a thank you from you for what I've done, right?" sarkastikong
sabi nito, iningusan naman niya ito.

"Eh di thanks." Labas sa ilong na sabi niya, lalong nalukot ang ilong nito.

"Could you thanked me properly?" angal nito

"Tsk, nagpasalamat na ako, ke informal way or in proper way, ang mahalaga


nagpasalamat ako." Katwiran niya, "Sige na, tumayo ka na diyan at mapupuyat na ako
masyado." Pagtataboy pa niya sa lalaki, maaga pa siyang magbubukas ng shop mamaya.

"Ang sama talaga ng ugali mo." dismayadong komento nito

Inirapan lang niya ito, "Oo na, tumayo ka na diyan." Masungit na sabi niya.
Pero imbis na kumilos ito ay lalo pa itong nahiga sa mahabang lounge chair.

"Inaantok na ako at hindi ko na kayang magdrive."

"So anong ibig mong sabihin?" awang ang labing tanong niya

"Dito na ako matutulog." Anito

"Na naman?!" ekseheradong bulalas niya

"Hindi na ako magte-trespass sa silid mo." anito, subalit hindi pa rin siya
pumayag.

Hindi na siya kailanman magtitiwala pa sa mga katulad nito.

Mabilis na nilapitan niya ang lalaki at hinila ang kamay nito.

"Bumangon ka na diyan, hindi ka pwedeng matulog dito." Inis na sabi niya, subalit
mabigat ito at hindi niya kaya ang lalaki.

"Unnn, inaantok na talaga ako." Anito habang nakapikit na.

Sa huli ay sumuko din si Joey at walang nagawa kundi pabayaan na lang ang lalaki na
tila nakatulog na ng tuluyan sa sobrang antok at pagkalasing.

"Buwisit.." aniya, pinatay niya ang ilaw at naglakad paakyat sa pangalawang


palapag.

Kailangan na niyang i-lock ang silid niya para hindi na ito makapasok ulit.

Kinabukasan, napabalikwas ng bangon si Joey ng makarinig ng mga


mumunting kaluskos sa labas ng silid niya.

Sinulyapan din niya ang oras sa cellphone niya, ganon na lamang ang panggigilalas
niya ng makitang alas onse na ng umaga, tanghali na para makapagbukas pa siya ng
shop niya.

Tuluyan na siyang bumangon, nagpunta muna siya sa banyo upang maligo at pagkatapos
magbihis ay lumabas siya ng silid niya, naglakad siya patungo sa kusina.

Pero ganon na lamang ang pagkagulat niya sa nakita, natigilan siya at tila walang
mamutawing salita sa kanyang mga labi, bakit hindi?

She saw a topless man wearing only pink apron, maong jeans, without shoes on.
Bagaman nakatalikod sa kanya ang matangkad at matipunong lalaki habang nakaharap sa
stove burner na tila abala sa kung anong niluluto ay hindi nakaligtas sa kanyang
paningin ang mga butil ng pawis na tumutulo sa likuran nito. Oh God, what a hot
morning sight!

Nang sandaling kumilos ito para abutin ang bagay na nasa hanging divider niya ay
tila magandang tanawin sa kanyang mga mata ang pag alsa ng mga muscles nito sa
likuran at sa mga braso, his firm muscles looks so strong! Parang ang sarap
makulong sa mga bisig nito. Geez! Joey, you're crazy...

Kusang bumuka ang bibig niya ng mag side view ang lalaki, kahit kilala na niya ito
ay hindi pa rin niya napigilan ang sariling hangaan ang taglay na kagwapuhan nito.

Lihim na kinurot niya ang pisngi niya upang tanggalin ang paghangang nakikita niya,
kailangang matauhan siya sa lalong madaling panahon.

Nang makabawi na ay tumikhim siya, naagaw naman niya kaagad ang atensyon nito.

She inhaled sharply when he greeted her with his beautiful smile.

"Good morning! Gising ka na." nakangiting sabi nito, nangunot ang noo niya.

Bakit parang may kakaiba sa lalaki? Bakit parang may nabago dito?

"By the way, happy birthday!" bati nito sa kanya, pakiramdam niya ay may mumunting
kilig ang nabuo sa kaloob looban niya, sa simpleng pagbati nito ay pinasaya siya
nito.

"Bakit hindi mo sinabing birthday mo pala kahapon? Kung hindi ko pa nakita sa cake
na nasa fridge, hindi ko pa malalaman iyon." anito, kahit natutuwa siya sa sinasabi
nito ay hindi siya nagpahalata.

"Obligasyon ko bang sabihin iyon sa'yo?" mataray na sabi niya, umiling ito

"Ang sungit mo naman." Anito, "How old are you Joey?" he asked her.

"Bakit ko sasabihin? Close ba tayo?" inis na sabi niya, nagkibit balikat ito.

Lumapit siya dito at sinilip ang ginagawa nito.

"What are you doing?" she asked, his smile was still in place.

"I cook for our lunch." He said, bumilis yata ang pagtibok ng puso niya, kaysarap
naman sa pakiramdam ang narinig mula dito. I cook for our lunch.

Kailan pa nagkaroon ng our sa bahay na iyon? Simula ng tumira siya doon ay mag isa
na siyang namuhay roon, mag isang natutulog, naliligo, kumakain.

Kaya bago sa pandinig niya iyon, hindi kaagad siya nakabawi sa sinabi nito.

"Teka, bakit ganyan ka makatingin?" maang na tanong nito, "Akala mo hindi ako
marunong magluto?" anito

Mabuti na lang at hindi nito napansin ang naging epekto nito sa kanya, inayos niya
ang sarili at nagsalita.

"Hindi lang pala kayabangan mayron ka." Sarkastikong komento niya.

Kung bakit mas naging lalaking lalaki ito sa paningin niya habang may hawak na
sandok at iodized salt.

"Well, that's what you think. I learned to cook since I was teenager, I was sixteen
years old when I become independent, I can wash my clothes and do house chores
too." Pagmamalaking saad nito, lihim naman na humanga siya dito pero syempre hindi
niya iyon pinahalata.

"Ow, di good for you." Kaswal na sabi niya, he looks disappointed.

Inaasahan siguro nitong pupurihin niya ang binata, sinilip niya ang nakasalang sa
burner, natakam naman siya sa porksteak na niluluto nito.

Mukhang masarap iyon, perpekto ang kulay ng karne, malapot din ang sabaw niyon, ang
bango bango pa ng sibuyas at toyo na pangunahing sangkap niyon.
"So what can you say about my porksteak?"

"Wala. Hindi ko pa naman natitikman kaya wala pa rin akong masasabi." Aniya, muli
niyang nakita ang dismayadong mukha nito.

"Okay, wait and see, malapit na tong maluto." Anito, tinalikuran niya ito at
naglakad patungo sa fridge. Binuksan niya iyon at kumuha ng fresh milk.

"By the way, kailan pa kita pinahintulutang pumasok sa bahay ko at makialam sa mga
gamit ko?" nakataas ang isang kilay na sabi niya habang nakasandal sa gilid ng
fridge.

Sumagot ito na hindi lumilingon sa kanya.

"H'wag ka ng magalit, pinagluto naman kita eh." Anito, bahagya siyang natigilan.

Pakiramdam niya para silang magkasintahan na nakagawa ng kasalanan ang boyfriend


niya sa kanya kaya ngayon ay bumabawi ito sa pamamagitan ng pagluluto.

Oh my, hindi dapat ganon ang iniisip ko!

Binura niya iyon sa isip at damdamin niya, hindi siya kailanman magpapaapekto sa
mga pinapakita nito sa kanya, malay ba niyang paraan lang iyon ng lalaki para
mapasakay siya upang mapalapit siya dito. Like what Lance did to her!

No way! HInding hindi na ako magpapaloko pa sa mga katulad nito...

Hinahango na nito ang niluto nito nang maglakad siya palabas ng kusina.

"Hey, where are you going? Ready na tong niluto ko." anito, sinulyapan niya ito
subalit isang matalim na pag irap ang ginawa niya.

"Kumain ka mag isa, never kong kakainin ang niluto mo." aniya, dala ang fresh milk
ay bumaba siya ng bahay.

Inis na binitawan ni Hunter ang sandok sa lababo habang sinundan na


lang ng tingin ang babaeng palabas ng kusina. How dare her to ignore him like that,
kung alam lang nito na first time lang niyang ginawa iyon sa isang babae para
magpakitang gilas, kahit na may hang over pa siya dahil sa mga nainom niya kagabi
ay pinilit niya ang sarili na ipagluto ito ng specialty niya na tanging mga
kaibigan pa lang niya ang nakakatikim.

Never niyang ipinakita sa mga babaeng nakarelasyon niya ang bahagi niyang iyon.

Inis na hinubad niya ang apron na suot at tiim bagang na naihagis iyon sa sahig.

Kung bakit kasi pinipilit pa niyang gumawa ng paraan para hangaan siya nito, kahit
alam naman niyang maliit na porsyento lang ang katiyakan niyang mangyayari nga
iyon.

Joey was really hard to catch, hindi ito basta bastang babae kaya napakachallenging
nito para sa kanya. Iyon na rin siguro ang dahilan kung bakit ginagawa niya iyon.

"Tss..bibigay ka rin sa mga kamay ko Joey...tandaan mo yan..." kuyom ang mga palad
na bulong niya, mag isa tuloy siyang kumain ng niluto niya.
"Hindi ka pa rin ba uuwi?" tanong ni Joey kay Hunter, nasa photo room
siya nang makita niyang pumasok ang binata roon. Nakapagbukas na rin siya ng shop
niya, mabuti na lang pala at half day rin si Salve kaya hindi na niya kailangan
pang magpaliwanag kung bakit doon natulog si Hunter, maya maya lang ay darating na
ito.

"Bakit ba ang sungit mo palagi?" tanong nito na naupo sa stool chair, "May gusto ka
na ba sa'kin?" tudyo nito

"Ang kapal naman talaga ng mukha mo." gigil na sabi niya

"Tss, kung mabait ka lang sa mga modelo mo, hindi ka gagawan ng masama. Mabait lang
talaga ako kaya nakakatiis ako sa ugali mo." komento nito, inis na binalingan niya
ito.

Nakita niyang abala ito sa pagtingin ng mga litrato sa photo album, bigla ay may
naalala siya, tumaas ang isang sulok ng labi niya.

Tingnan ko lang kung makapang asar ka pang hudas ka!

Binuksan niya ang projector na nasa tabi niya, isinalpak niya ang usb niya roon.
Mula sa puting tela na nasa harapan nila ay nilakihan at pinalinaw pa niya ang
litratong iyon.

"Really? Masama talaga ang ugali ko." sarkastikong sabi niya, tumingin ito sa kanya
at nang makita ang mga ngisi sa mga labi niya ay nangunot ang noo nito.

"Hmm, you know what? Sino kayang makakapagsabing isang modelo ang nasa litratong
yan no?" tanong niya na itinuro ang litrato sa harapan nila.

Ganon na lamang ang panlalaki ng mga mata nito at pag awang ng bibig, napatayo rin
ito nang makita ang litrato.

"Shit!" the man cursed loudly, tuluyan na siyang napatawa ng mabilis nitong lapitan
ang puting tela at hinigit iyon subalit mas nalukot ang mukha nito ng makita pa rin
nito ang nakakahiyang litrato nito.

Bumaling ito sa kanya, "Put away that damn picture!" iritadong utos nito,
tumatawang nagsalita siya.

"Bakit? Gwapo ka naman diyan ah kahit nakamake up." Pang uuyam niya

Nakuyom nito ang mga palad at inis na lumapit sa kanya, marahas na pinatay nito ang
projector at kinuha na lang basta ang usb roon.

"Hey! Dahan dahan naman." Inis na sabi niya

"Sa tingin mo nakakatawa yun?" madilim ang anyong sabi nito, pikon pala ang hudyo!

Tumigil siya sa pagtawa dahil ramdam niyang galit na nga ito.

"Well, hindi naman nakakatawa ang picture mo, natatawa ako sa hitsura mo ngayon.
Mukha kang kakain ng tao." Aniya

Tiim bagang na nagsalita ito, "Really? Eh kung hindi lang pagkain ng tao ang kaya
ko?" seryosong sabi nito, natigilan naman siya sa sinabi nito.
"Ano?" kunot noong tanong niya, hindi niya kaagad naintindihan ang sinabi nito.

Pero imbis na magsalita ay nagulat na lang siya ng hapitin siya nito at napagtanto
na lang niya na nasakop na nito ng marahas ang mga labi niya.

Grabe pala mapikon ang lalaki...bigla na lang itong nanghahalik?!

Joey stunned and she can't do anything because from the moment she feels his lips
to her, her heart had already started pounding faster.

And when she open her mouth to fill her lungs with air, nagkaroon naman ito ng
chance na sakupin ng mas malalim ang mga labi niya.

She wants to protest, she wants to stop him for kissing her but how could she?
Naging parang jelly ang mga tuhod niya, nawalan ng lakas ang mga braso at kamay
niya, tila nalantang bulaklak ang buong katawan niya. May malakas na pwersang
pumipigil sa kanya para pigilan ang nakakabaliw at mainit na eksenang iyon sa
pagitan nila ni Hunter.

And to her surprise, she realized she was kissing him back, hindi niya alam kung
kailan siya tumugon sa mga halik nito basta ang alam niya ay unti unti niyang
nagugustuhan ang mga halik nito sa kanya. Para bang drugs ang mga labi nito na
kapag natikman niya ay hindi na niya gusto pang tigilan, nakakaadik!

Bahagya siyang napaigtad sa nakakapasong init dulot ng mga haplos nito sa balat
niya, while he was kissing her Hunter ran his hand down to her neck to her back,
then down to her hips to her legs.

Joey gasped when his roving hand move higher to her tummy to her breast, her
breathing became sharp and erratic.

Nang maramdaman niyang unti unti nitong tinataas ang damit niya ay doon na siya
natauhan, confused, Joey move away from Hunter, mabilis niya itong itinulak.

"Stop..." she was breathing hard.

Tila natauhan din ang binata at mabilis na lumayo sa kanya.

Saglit na nagtungo siya sa kanyang silid upang ikalma ang sarili, pakiramdam kasi
niya hanggang sa mga sandaling iyon ay nararamdaman pa rin niya ang mga labi ni
Hunter, hindi rin niya alam kung bakit napakabilis pa rin ng pagtibok ng puso niya.

Darn! What I've done? Bakit hindi man lang ako nagalit sa kanya ng halikan niya
ako?

Ah! Hindi maaari ito!

####################################
CHAPTER THIRTEEN
####################################

"Joey, this is Aira, my new model." Pakilala ni Pepsi sa kasama nito.


Nakarecieve siya ng text message mula sa kaibigan na may nakuha na raw itong
kapalit ni Chelsea at sa pagkakataon daw na iyon ay hindi basta bastang modelo lang
ang nakuha nito.

Nasa photo room na muli siya at kadarating lang ng mga ito, nakangiting nilahad ng
babae ang kamay at nagsalita.

"Hello Joey, I thought isang macho at gwapong lalaki ang Joey na ibinibida sa'kin
ni Pepsi." Nakatawang sabi ng babae, tinanggap naman niya ang kamay nito at
nakipagshake hands.

"I'm Aira Tamayo, nice to meet you Joey."

"Nice to meet you too." Kaswal na sabi niya

"May sakit ka ba Joey?" takang tanong ni Pepsi, malalim na nagbuntong hininga siya.

Wala siya sa mood dahil hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya makaget
over sa halik na namagitan sa kanila ni Hunter, and knowing Hunter was only few
inch away from her was driving her crazy, gusto na niyang magpunta sa silid niya
dahil hindi pa sapat ang oras na minuni muni niya kanina pagkatapos ng halikan
nila, her heart still pounding like crazy.

Hindi rin niya gusto ang pagtatalong nagaganap ng isipan niya, baka mabaliw na siya
ng tuluyan.

"Hindi lang maganda ang gising ko." sagot niya

"Gusto mo ba na bumalik na lang ako bukas." Sabi ni Aira, pinigilan ito ni Pepsi

"Naku okay lang kay Joey yun, mas nakakahiya sa'yo dahil kagagaling mo nga lang sa
America, mabuti nga at pumayag kang sumama ngayon sa'kin imbis na nagpapahinga ka
muna." Ani Pepsi, ngumiti ang babae.

"It's okay, pagbabakasyon naman ang ginawa ko sa America kaya mabuti at may trabaho
kaagad na sumalubong sa'kin." Sagot ng babae, napansin niya ang pagkislap ng mga
mata nito ng tumingin sa lalaking tahimik na nakaupo sa stool chair.

Simula ng dumating ang mga ito ay hindi na niya matingnan ang binata at kahit na
gusto rin niya itong tingnan ay hindi niya magawa, pakiwari kasi niya madadagdagan
lang ang kabang nararamdaman niya kapag nagtama na naman ang mga mata nila ng
binata.

"Hi Hunter, do you still remember me?" Aira asked the man, hindi tuloy niya makita
ang ekspresyon ng mukha ng lalaki ng mga sandaling iyon

For sure, nagniningning na naman iyon dahil maganda at sexy si Aira. Sa tingin din
niya ang mga katulad ni Aira ang mga babaeng type nito.

"No." matipid na sagot ni Hunter, kitang kita naman niya ang dismayadong reaksyon
ng babae.

"Ganon ba? Minsan na tayong nagkasama sa commercial noon, kaya lang matagal na
yun." Sabi pa ng babae, "Anyway, ako. Kilalang kilala kita, sino ba naman ang hindi
makakakilala sa sikat at gwapong si Hunter Monseratt, kahit sinong babaeng makasama
ko ay kilala ka." Anito, lihim na napasimangot siya, paano ay babaero! Himutok
niya.

Natigilan siya, pakiwari niya tila may nag iba sa sarili niya. She was affected, is
she sounds jelous? No way!

Lumapit siya sa camera niya na hindi pa rin tumitingin sa lalaki.

"Get ready, we'll start our photoshoot in ten minutes." Pormal na sabi niya

"Okay." Sabi ni Aira, "Sabay na tayong magbihis Hunter." Sabi nito

Lihim na nakuyom niya ang mga palad, kung sabunutan kaya niya ang malanding babaeng
ito?

Hmmp, for sure. Gustong gusto iyon ng hudas na iyon! Kaasar!

"Go ahead, mauna ka na, kukunin ko pa sa sasakyan ko ang gamit ko." sabi ni Hunter,
nagulat siya dahil tumanggi ito sa gusto ng babae at the same time ay natuwa naman
siya na hindi niya alam ang dahilan.

Muli ay dismayadong kumilos ang babae, "Sige na nga." Anito, "Pepsi, samahan mo ako
sa dressing room." Sabi nito sa kaibigan, tumalima naman ang kaibigan niya at
sinamahan ang babae.

Hindi naman niya alam kung anong gagawin ng mapag isa sila ni Hunter, pakiramdam
niya ay naumid na ang dila niya. Natatakot na siyang mapikon niya ito.

Naramdaman niya ang pagkilos nito, napapikit siya dahil alam niyang nasa likod lang
niya ito. Ano bang gagawin ko?

Nagpasalamat siya ng maglakad na ito palabas ng photo room.

Napilit ni Joey ang sarili na maging pormal sa harap ni Hunter, inisip


niyang nadala lang sila pareho ng binata sa buyo ng damdamin, ipinangako rin niyang
hindi na iyon mauulit pa. Hindi niya hahayaang magkaroon ang binata ng kahit na
katiting na tsansa na mapalapit sa kanya. Hindi niya gustong maulit ang nakaraan,
ayaw na niyang masaktan pa ulit.

Pangatlong araw na ng photo shoot, masasabi niyang magagaling na modelo ang dalawa,
they were perfect to be the couple model, katulad ni Hunter ay marunong rin
magproject sa camera ni Aira, mas marami nga itong alam na pose na gusto niya.

May nakikita rin siyang chemistry sa pagitan ng mga ito sa tuwing nasa harap ng
camera.

Magaling at humahanga siya pareho sa dalawa pero kung bakit may kakaiba siyang
nararamdaman sa tuwing makikita niyang nagkakadikit ang dalawa, halos magkayakap na
sa harapan niya.

Oh no Joey..hayan ka na naman..stop it! Walang ibig sabihin yan..

Nagbuntong hininga siya, "Okay we're done, tomorrow na lang ulit." Aniya sa dalawa.

Kumilos ang babae subalit nanatiling nakatayo sa harap niya si Hunter, he look at
her eyes, his eyes seems talking to her, looks like he's up to something.

Bago pa siya mawindang ulit ay siya na ang nagbaba ng tingin, baka paraan lang niya
iyan para akitin ka na naman Joey, hindi ka pwedeng magpaakit sa babaerong yan!

Nirereview na lang ni Joey ang mga litrato ng dalawang modelo niya kanina nang
makarinig siya ng boses mula sa pinto ng photo room.

"Hi babe!" a man's voice said

Naging aktibo ang pandinig ni Joey, kahit matagal na niyang hindi narinig ang boses
na iyon ay hindi pa rin niya iyon nakakalimutan.

Babe! Is he calling her? Iyon ang tawagan din nila noon.

Mabilis na nilingon niya ang lalaki subalit imbis na sa kanya nakatingin ay sa


babaeng kalalabas lang ng dressing room.

"Babe! Nandito ka nga!" lumiwanag ang mukha ni Aira pagkakita sa lalaki.

"Of course! Hindi kita nasundo sa airport noong umuwi ka." Anito, "I'm so sorry
babe, alam mo naman nasa photo shoot din ako sa boracay at kauuwi ko lang nga."
Anito pa sa babae, nang makalapit ang babae dito ay mabilis na nagyakap ang dalawa
at naghalikan pa. It's been a year since they're broke up pero kung bakit hindi
niya maipaliwanag kung anong damdamin ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon
pagkakita niya sa lalaki ay hindi niya alam.

She'd promised to herself too na mag asawang sampal, upper cut at high kick ang
tatanggapin nito sa kanya kapag nagkita sila pero pakiramdam niya ay nagmanhid ang
buong katawan niya. She was bleeding inside. Malaki pa rin pala ang epekto ni Lance
sa pagkawala sa buhay niya, mahal ko pa rin ba siya?

Nang maghiwalay ang dalawa ay kaagad na lumingon sa kanya ang lalaki.

"Hi Joey!" Bati nito sa kanya, na para bang walang nangyari.

Nakuyom niya ang mga palad pagkuwan ay tinalikuran na lang niya ang binata at
pinagpatuloy ang ginagawa, sana ay hindi mahalata ng mga ito ang nasa loob niya.

"Magkakilala kayo ni Joey, babe?" narinig niyang tanong ni Aira

"Yeah, si Joey ang tumulong sa'kin para maging isang sikat na modelo ngayon." Sagot
ni Lance, mariing napapikit siya, trying to control her feelings. Ayaw niyang
manumbat sa binata, not infront of other people.

"Talaga? Matagal na pala kayong magkakilala kung ganon." Sabi pa ni Aira

"Yeah, anyway let's go, let's have a dinner at my crib." Ani Lance

"Okay."

Nang makaalis ang dalawa ay nanatiling nakatayo si Joey, pinipilit niyang pigilin
ang napipintong paglabas ng emosyon niya pero namalayan pa rin niya ang mga luhang
namalisbis sa mga mata niya.

"Joey, are you okay?" she heard Hunter's voice, tila may himig na pag aalala iyon.
"Why are you crying?"

Akala niya ay nakalabas na rin ang binata kaya hindi niya inaasahang makikita nito
ang pag iyak niya, pinunasan niya ang mga luha niya.

"Wala to." Aniya, pero naramdaman niya ang masuyong pagdantay ng kamay nito sa
balikat niya.

"I know you're crying." He said


Mabilis naman niyang tinanggal ang kamay nito sa balikat niya at bahagyang lumayo

"Hindi nga ako umiiyak." Inis na sabi niya sa pagitan ng pag iyak

Nagulat siya ng hilahin siya ng binata at iharap, napaigtad siya ng maramdaman niya
ang daliri nito sa pisngi niya.

"What do you called these tears? Ano bang nangyayari sa'yo." Takang tanong nito
subalit naroon pa rin ang pag aalala.

Inis na tinulak niya ang binata at matalim na tiningnan ito.

"Wala kang pakealam." Asik niya at mabilis na naglakad palabas ng silid na iyon,
iniwanan niya ito.

Nakatanggap ng text si Joey mula kay Pepsi, gusto nitong magkita sila sa flower
boys host club, gusto niya itong tanggihan kaya lang ay gusto rin niyang ilabas ang
nararamdaman niyang pait, kanina pa dapat siya natutulog kaya lang ay hindi maalis
alis sa isip niya si Lance. Masakit pa pala sa kanya ang nakaraan, ilang buwan din
siyang nagmukmok sa paghihiwalay nila noon.

Kailangan niyang ilabas iyon ngayon, tumayo siya sa kama at nagbihis.

Hindi nagtagal ay nasa tapat na siya ng host club, katulad noong unang pagpunta
niya doon ay hindi pa rin naaalis ang paghangang nadarama niya sa lugar na iyon.

Hindi iyon mukhang night club, mas mukha iyong restaurant lang.

Saglit pa uli niyang tinitigan ang mga human stand na nasa labas ng host club,
behind the half masks masasabi niyang mga gwapong nilalang nga talaga ang mga host
men. May kanya kanyang karisma ang bawat lalaking naroon.

Tumigil siya sa tapat ng human stand ni Hunter, ibang klase talaga ang mga ngiti
nito, mayron iyong kapangyarihan upang makaakit ng mga babae.

Hindi niya napigilang titigan ang mga labi nito, his lips that taste like wine,
geez! Pakiramdam niya ay nalalasahan pa rin niya ang mga labi nito.

She bit her lower lip, kung bakit pakiramdam niya ay nananabik ang mga labi niya sa
labi nito.

Ano ka ba naman Joey? Nandito ka para magmukmok..ano't pinapantasya mo ang mga labi
ng ibang lalaki? Anong klaseng damdamin mayron ka ba? Inis na sita niya sa sarili,
ewan ba niya, iba lang talaga ang kapangyarihan ni Hunter sa kanya kapag nakikita
niya ito, hindi pa niya iyon matiyak sa ngayon pero alam niyang kailangan niyang
iwasan iyon dahil hindi iyon magdudulot ng maganda.

"Naiinlove ka na ba sa'kin nyan?" narinig niyang boses ni Hunter mula sa likuran


niya, para naman siyang aatakihin sa biglang pagsulpot nito sa tabi niya.

And when the moment she look at him her heart beats wild and fast while Hunter's
grinning at him attractively.

Heto na nga ba ang sinasabi ko! Bakit parang nag iba na rin ang tibok ng puso ko
ngayong nakikita ko siya? Bakit parang naninikip ang dibdib ko? He's just Hunter
right? Oh no! She doesn't know what's happening to her right now, nababaliw na
yata siya.

Saglit na pinayapa niya ang loob niya bago inayos ang sarili.

"Excuse me, never! Forever!" asik niya, hindi siya dapat magpahalata dito, kahit na
nagkakagulo ang buong sistema niya ng mga sandaling iyon..hindi nito dapat makitang
apektado siya sa presensya nito.

What?! Affected na rin ba ako sa presence niya? It can't be!!!

Tinabig niya ang lalaki at tuloy tuloy na pumasok sa loob ng host club, hindi dapat
mangyari iyon, hindi dapat!

Naramdaman naman niya ang bulto nito sa likuran niya, nakasunod ito sa kanya.

Hinanap ng mga mata niya ang kaibigan.

"What are you doing here?" Hunter asked her, hindi naman niya ito pinansin.

Halos naikot na niya ang loob ng club subalit hindi niya nakita si Pepsi.

"Sino bang hinahanap mo?" muling tanong ng binata, inis na sinulyapan niya ito.

"Wala kang pakealam." Irap niya dito, tama lang yan Joey, sungitan mo ang lalaking
yan, that way mararamdaman niyang ayaw mo sa presensya niya..

Nagkibit balikat naman ito.

"Well, kung hinahanap mo si Pepsi, wala na siya dito." Anito, nangunot naman ang
noo niya

"What do you mean?"

"Kaaalis lang niya, may emergency daw siyang pupuntahan." Sabi nito

"What?!" ekseheradong saad niya, muli itong nagkibit balikat.

Magsasalita sana siya ng marinig niya ang pagtunog ng cellphone niya, isang text
message ang nareceive niya mula kay Pepsi, kaagad niya iyong binasa.

Dumating daw ang nanay nito galing hongkong kaya susunduin muna nito sa airport.

Ekseheradong napabuntong hininga siya at isinilid na lang muli sa bulsa niya ang
cell phone.

"Ano pa bang gagawin ko, nandito na rin naman ako." Bulong niya, iniwanan niya ang
lalaki at naglakad siya sa tapat ng bar counter at naupo sa mataas na stool.

Naroon na naman siya, ayaw pa rin naman niyang umuwi, nagpunta nga siya roon para
makalimot sandali.

Masakit isipin na madali lang siyang napalitan ni Lance samantalang siya ay hindi
na muli pang umibig, labis siyang nasaktan noon kaya natakot na siya, nawalan na
siya ng tiwala pa sa mga lalaki.

Pero ang akala niyang naghilom ng sugat noon ay muli palang mananariwa, masakit pa
rin sa kanya ang pagkawala ni Lance sa buhay niya.

"One margarita please." Aniya sa nakatalikod na lalaki.


Obvious ang pagkakunot ng noo nito ng makita siya pero kaagad ding ngumiti.

"Okay." The man in half mask said, nakita niyang may kinausap ito sa likod niya.
"Red knight, since wala ka ng guest, ikaw na ang mag entertain sa kanya." Anito.

"Yes, kaichou." Red knight said, napaawang naman ang mga labi niya dahil kahit
hindi niya ito tingnan ay sigurado siyang kilala niya ang lalaki sa likuran niya.

Mabilis na sinulyapan niya ang lalaki sa likuran niya, hindi niya alam na nakasunod
pa rin pala sa kanya ang lalaki.

Sa kabila ng kulay pulang half mask na suot na nito ay hindi maipagkakailang si


Hunter iyon.

Kaagad na nalukot ang mukha niya.

"Pwede bang ibang host guy ang ibigay sa'kin?" nakasimangot na sabi niya, narinig
niyang tumawa ang nasa bar counter.

"Im sorry but Red knight is the only available host guy." He said, Itinuro pa nito
ang ibang host men na abala rin sa kani kanilang guests at si Hunter nga lang ang
bukod tanging pagala gala sa buong club.

Lalo lang tuloy hindi maipinta ang mukha niya ng tumabi ito sa kanya.

"Hi, Red knight at your service." Hunter said.

Isang matalim na irap ang ginawa niya, hindi siya nito pinansin nang kunin nito ang
order niya sa lalaking nasa bar counter.

"Thanks kaichou, ako ng bahala sa kanya." Anito

Muling tumingin ito sa kanya, "Would you like to learn how to drink margarita?" he
asked her, "I know how to drink this in a proper way, titiyakin kong masasarapan
ka." Anito na tinuro pa ang isang slice ng lemon at malanding ngumiti sa kanya.

Kumabog naman ang puso niya, ibang klase ang pang akit na ngiti nito, parang magnet
ang mga iyon na kayang hatakin ang puso niya.

Oh no Joey! H'wag mong kalimutan ang pagkatao niya, isang playboy ang kaharap mo at
hindi ka na dapat pang magpadala sa mga katulad niya.

"No need." Masungit na sabi niya na kinuha sa kamay nito ang order niya, walang
anumang ininom niya iyon.

Kahit na napakagwapo ng kaharap niya ay pinalis niya ang nararamdamang paghanga,


ngayon pa lang ay kailangan na niyang lumayo sa lalaki.

"Sungit." Bulong nito.

Maya maya lang ay namumungay na ang mga mata niya sa dami na ng nainom niya, hindi
niya napapansin na nagiging madaldal na pala siya.

"Hoy Hunter, wala ka ring kwentang host guy no?" Prangkang sabi niya.

Nakapangalumbaba ang binata habang nakatingin lang sa kanya, doon lang ito kumilos
at umayos ng upo.
"Wala ka bang ibang gagawin diyan kundi tumunganga at panoorin ang pag inom ko?"
nakataas ang isang kilay na sabi niya, nahimas naman nito ang batok.

"Nah, kanina pa ako nagsasalita kung anong gusto mong gawin natin." Anito, nangunot
naman ang noo niya, namula ang mga pisngi niya, ewan ba niya kung bakit iba kaagad
ang naisip niya sa sinabi nito habang napatingin sa mapupulang labi nito.

"What do you think of me, easy to get." Inis na sabi niya, "Ibahin mo ako sa mga
babae mo, Hunter Monseratt." Inis na sabi niya.

Saglit itong natigilan pagkuwan ay bigla na lamang tumawa.

"Anong nakakatawa?" inis na sabi niya, napikon siya sa biglang pagtawa nito.

Umiiling pa itong nagsalita, "Wala, wala naman." Anito

"Tumatawa ka ng walang dahilan? Baliw ka ba?" inis na sabi niya, naiinis siya dahil
ngayon lang niya narealize na hindi dapat pala niya iyon sinabi, baka kung anong
isipin nito, kung bakit kasi kahit lasing siya ay napakagwapo pa rin nito sa
paningin niya, natataranta tuloy siya.

"Ang ganda mo pala kapag nalalasing no?" anito

"Matagal na akong maganda." Nakairap na sabi niya, but deep inside, she was
shivering inside.

Sana lang ay naitago ng pagkalasing niya ang pamumula ng mga pisngi niya dahil
talagang kinilig siya sa sinabi nito.

Ah Hunter! Demonyo ka talaga! Bakit nagkakaganito ako sa'yo ngayon?!

Inis na nahampas tuloy niya ang lalaki, gulat na nahimas naman nito ang brasong
nahampas niya.

"Ouch! Anong kasalanan ko sa'yo?" reklamo nito

Pinakilig mo kasi ako eh!

"Tigilan mo ang pambobola mo sa'kin." Asik niya, ngumiti ito.

"Bakit? Nabobola na ba kita?" pang aasar na tanong nito

"In your dreams!" inis na sabi niya, tumawa lang ito.

Maya maya ay naging seryoso ang lalaki.

"So, what about your problem?" he asked her, nangunot naman ang noo niya sa biglang
pagseryoso nito, hindi siya sanay.

"Anong sinasabi mo diyan?" takang tanong niya.

"Kahit hindi mo sabihin, alam kong may problema ka." Anito, natigilan naman siya.

Nakakabasa ba ito ng mga kilos ng tao?

"Wala akong problema, masama bang pumunta dito?" depensa niya

"At maglasing ng ganyan? Hindi ba at hindi ka naman talaga umiinom?" anito, she was
shock, hindi niya alam na nakilala na pala siya nito sa maikling panahon lang na
nagkakilala sila.

"Oh really? Hindi ko naalalang naging close tayo noong mga nakaraan." Aniya,
nagbuntong hininga ang lalaki.

"Suko na ako." Bigla ay sabi nito, hindi naman niya ito naintindihan.

"Anong suko na? Saan?" takang tanong niya, ekseheradong umiling ito.

"Wala, nevermind."

####################################
CHAPTER FOURTEEN
####################################

Nagulat si Joey nang biglang tumayo si Hunter, hinawakan ang braso niya at hinila
siya nito.

"Bakit? Anong problema mo?" gulat na tanong niya sa binata

"I'll help you to forget your problems." He said

"Ano?"

"Basta."

"Saan mo ako dadalhin?"

"I'll make sure na magiging masaya ka ngayong gabi." Anito, nanlaki ang mga mata
niya ng pumasok sila sa isang silid.

Madilim pa doon kaya nagpanic siya, kung bakit iba na naman ang pumasok sa isip
niya.

"Hoy Hunter! Anong gagawin mo sa'kin?" nagpapanic na tanong niya, "Sinabi ko


sa'yong hindi ako basta bastang babae na kaya mong akitin ng malalandi mong ngiti
at tingin."

Narinig na naman niya ang malutong na pagtawa nito, binuksan naman nito ang ilaw at
nakita niya ang buong silid ng lumiwanag.

Joey saw sofa round chair with round table in the middle, nakakita rin siya ng
malaking flat tv screen sa tapat niyon at may nakapatong na microphone at song book
sa nakapatong sa lamesa, natitiyak niyang isang karaoke booth iyon.

"See, wala naman akong gagawing masama sa'yo, I'm Red knight, you're in Host club
and I'm your host guy tonight, I'll entertain you whole heartedly." Nakangiting
sabi nito, inis na inirapan niya ito dahil sa maling akala niya.

Bigla ay sumiksik sa alaala niya ang rules and regulations ng host club, malayong
malayo na mangyari ang nasa isip niya.

Ang tanga mo Joey! Natataranta kasi siya kapag kasama na niya si Hunter.

"Isantabi mo muna ang inis mo sa'kin bilang modelo mo, okay?" anito.
Muli siya nitong hinila at pinaupo sa sofa samantalang binuksan naman nito ang flat
screen tv at pumailanlang ang isang upbeat song.

"I can sing and dance." Anito na kinuha ang microphone sa ibabaw ng lamesa. "Dito
sa host club, pangkaraniwang tao lang ako, isa akong host guy na handang magpasaya
ng kadate ko, kaya ngayon hindi ikaw ang photographer ko at hindi ako ang modelo
mo."

Nakatingin lang siya rito habang nagsasalita, "Kung naikwento na sa'yo ni Pepsi,
Flower Boys Host Club is not an ordinary club, this is a charity business, lahat ng
kinikita namin dito ay napupunta sa foundation, see..hindi naman ako likas na
mayabang at masama ang ugali diba?" anito

Yes, you're an amazing guy, Hunter and it makes me turn on.

Pakiulit nga? Nahihibang ka na ba talaga Joey?!!!

Lihim na pinilig niya ang ulo, lasing lang siguro siya kaya kung ano-ano na ang
naiisip niya, kailangan niyang alisin sa isipan niya iyon.

Tumaas ang isang kilay niya, "Bakit masyado kang defensive? Atsaka hindi naman kita
pinagpapaliwanag, hindi ba?"

He looks embarrassed, "Oh well, pinapaliwanag ko lang ang sarili ko, ang tingin mo
kasi sa'kin walang kwentang tao." Depensa nito

"Ikaw na ang nagsabi niyan." Kaswal na sabi niya

Ekseheradong nagbuntong hininga ito, hindi naman niya alam kung anong gustong
ipakita sa kanya ni Hunter.

Is he trying to defend himself from what she saw him as a man? O may iba pa?

Maya maya ay nagsimula itong umawit at sinabayan pa ng pagkumpas ng mga kamay na


tila sumasayaw nga.

Aba't may boses nga ang mokong! Infairness, nasa tono ang boses nito, nakakasayaw
din ito at hindi matigas ang katawan.

Habang feel na feel nito ang pagkanta ng classic ni Chris Brown ay hindi niya
napigilang mapangiti, his dance was so damn sexy!

Tumingin ito sa kanya pagkuwan ay lumapit, "C'mon, let's sing and dance together."
Pagyaya nito, ganon na lamang ang pagtanggi niya.

"Ayoko." Aniya

"Nah, enjoy yourself tonight, Joey." Anito

Naisip niyang kailangan nga niya iyon, kailangan niyang libangin ang sarili, kinuha
niya ang mic sa kamay nito.

"Okay, then I'll sing my favorite song." Aniya, lumapad na ang pagkakangiti nito.

"Alright!" he said

Ilang sandali pa ay nag eenjoy na si Joey sa ginagawa, nakalimutan niya ang


problema niya, nakalimutan rin niya na ang lalaking kasama niya ng mga sandaling
iyon ay ang lalaking kinaiinisan niya.

Hindi niya namalayan na kasabay na niyang tumatawa si Hunter, nawala sa isip niya
kung gaano ito kayabang basta ang naramdaman na lang niya ng mga sandaling iyon ay
napakasaya pala nitong kasama at napakakulit rin nito, hindi niya iyon madalas
nakikita sa binata.

"Here, mango juice." He said, umiling siya.

"Ayoko niyan, mas gusto ko ng red wine." Aniya, ito naman ang umiling.

"Kanina ka pa umiinom." Anito

"Gusto kong uminom, h'wag kang KJ."

"Pero namumula ka na." may pag aalala sa tinig nito, saglit siyang natigilan, ano
naman sa kanya kung lasing na ako? Wala naman siyang pakealam sa'kin, alam kong
kinaiinisan din niya ako kaya bakit nga ba siya mag aalala?

"Kaya ko pa naman ang sarili ko." sagot niya, h'wag mo nang pansinin pa ang mga
kakaibang nakikita mo sa kanya Joey. H'wag kang magpaapekto.

Nagbuntong hininga ito, "Okay, I'll get you drink." He said, lumabas ito ng silid
na iyon.

Nang mapag isa siya ay eksakto namang nag play ang isang awit na memorable sa
kanya, bigla siyang nakaramdam ng kalumbayan habang tahimik na nakatitig lang sa
background video, eksakto ring isang lalaking modelo ang nasa video na tila
kinukunan sa isang photo room habang naririnig niya ang kantang Fallin for you.

Hindi tuloy sinasadyang maalala ang dating kasintahan, hindi na rin niya namalayan
na lumuluha na siya habang nanumbalik ang mga masasayang sandali na kasama niya
ito, nang bumalik si Hunter ay umiiyak na siya.

"What happened?" kaagad na tanong nito nang makalapit sa kanya, pinunasan niya ang
mga luha at walang anumang kinuha ang bote ng alak na nasa tray na hawak nito.

"Pabayaan mo ako, gusto kong umiyak." Aniya, nagbuntong hininga ito.

"But..." hindi na nito natuloy ang sasabihin ng tingnan niya ito ng matalim.

"Just shut your mouth." Masungit na sabi niya.

Nauwi pa rin pala sa pagmumukmok ang gabing iyon, hindi rin nakatulong ang pagpunta
niya sa host club o si Hunter na maibsan ang nadaramang kalungkutan.

Ngayon napatunayan niya sa sarili niyang hindi pa rin pala siya nakakamove on,
masakit pa rin pala sa kanya na iniwan at niloko lang siya ni Lance noon.

Pinipilit lang pala niya ang sarili na okay na siya kahit ang totoo ay hindi pa,
niloloko lang niya ang mga kuya niya na nakalimutan na niya ang dating kasintahan
at pawang pagkamuhi na lamang ang nararamdaman niya para dito pero ang totoo ay
nasasabik pa rin pala siya sa binata.

"Nakakainis! Bakit ba hindi siya maalis sa isip ko?" inis na sabi niya pagkuwan ay
tumungga sa bote. "Kahit gusto ko siyang suntukin sa mukha, hindi ko magawa." Aniya
sa pagitan ng pag iyak.

"Joey, tama na yan." sabi ni Hunter, binalingan niya ang binata na tahimik lang na
nakamata sa kanya kanina.

"Sabihin mo sa'kin, anong nararamdaman mo ngayon na nakakakita ka ng babaeng


umiiyak?" tanong niya sa lalaki.

Hindi ito makasagot dahil alam niyang wala naman talaga itong puso, wala itong
kahit na anong mararamdaman dahil ang alam lang nito ay manakit ng damdamin ng iba.

"Tsk, bakit ba kita tinatanong? Ang alam mo lang ay magpaiyak din ng babae hindi
ba? You're Hunter Monseratt, the pretty playboy of the town..ang habulin ng mga
babae, na pagkatapos makuha ang gusto ay iiwanan na lang basta." Aniya.

"Hindi ba kayo marunong maawa sa mga babae? Paiibigin ninyo, gagamitin at


pagkatapos pakinabangan ay isasantabi na lang?" sumbat niya, hindi na niya
napigilan ang nararamdaman, ewan ba niya kung bakit malaya niyang nae-express sa
binata ang mga nararamdaman niya ngayon, "Bakit ang selfish ninyong mga lalaki?
Hindi ninyo ba naisip ang kahalagahan naming mga babae? Pagkatapos namin kayong
mahalin ng sobra, iiwanan ninyo pa rin kami sa kabila ng lahat..." aniya habang
umiiyak pa rin.

Tahimik pa rin si Hunter habang nakikinig lang sa kanya, halos mangalahati naman
ang laman ng bote ng bitawan niya.

Tumayo siya, kamuntikan naman siyang matumba ng subukan niyang maglakad subalit
mabilis na nasalo siya ng binata. Kaagad na pinalis niya ang kamay nito sa balikat
niya.

"Kaya ko." malamig ang tonong sabi niya, lumabas siya sa silid na iyon, pagkatapos
ay lumabas na siya ng host club.

Halos pasuray suray na ang paglalakad niya, dahil sa kalasingan ay hindi niya
namalayan na nakasunod pa rin pala sa kanya si Hunter, nasa parking area na siya
nang mapansin niya ang bulto nito sa likuran niya.

"Anong ginagawa mo?" nakataas ang isang kilay na sita niya sa lalaki, "Para kang
asong sunod ng sunod." Inis na sabi niya.

Naiiling naman itong nagsalita, "Kahit lasing ka, nakakapagsungit ka pa rin."


Komento nito

"Ikaw nga itong nakakapagyabang pa rin kahit lasing na." ganting sagot niya, hindi
ito gumanti sa kanya ng pang iinis, kahit nagtaka siya sa pag iiba nito ng usapan
ay nanatiling nakataas ang isang kilay niya.

"May sasakyan ka bang dala?" tanong nito na hinanap sa parking area ang apple green
niyang volks.

"Hindi ko dala si pink."

"Magko-commute ka lang?" kunot noong tanong nito

"Ano namang pakealam mo?"

"Ihahatid kita." Anito

Saglit siyang natigilan pero nakabawi rin naman kaagad.

"H'wag mo akong patawanin, Hunter."


"Hindi ako nagpapatawa."

"So, nagpapasikat ka?"

"Hindi rin ako nagpapasikat."

"Bakit mo ako ihahatid? Don't tell me, interesado ka na sa'kin?"

Nalukot naman ang ilong niya ng tumawa na lang ito bigla

"Bukod sa masungit ay napakaprangka mo rin." Komento nito, inirapan niya ito.

"Dahil ngayon pa lang sinasabi ko na sa'yong tigilan mo ako, hindi kita type! Wala
kang mapapala sa'kin! Dahil hinding hindi na ako magkakamaling umibig pa sa mga
katulad ninyo, babaero!" ewan ba niya kung bakit sumagad na ang page-emote niya.

Hindi niya pinansin ang pag iiba ng ekspresyon nito, hindi niya mawari kung
nalungkot ba ito o nanghinayang.

"Umalis ka na! Gusto kong makapag isa." Pagtataboy niya at nagpatuloy na muli sa
paglalakad pero matigas ang bungo ng lalaki dahil nakasunod pa rin ito sa kanya.

"Bakit kasi nakasunod ka pa rin sa'kin?" inis na sabi niya, "Go away! Leave me
alone, wala na ako sa loob ng host club kaya hindi mo na ako obligasyon bilang host
man ko." aniya

"Sinong nagsabing wala akong obligasyon sa'yo?" bigla ay seryoso nitong sabi

Natigilan na naman siya, naramdaman rin niya ang pag iiba ng pulse rate niya,
naglakad ito palapit sa kanya habang hindi inaalis ang tingin sa kanyang mga mata,
para na tuloy siyang aatakihin nang mapadako naman ang tingin nito sa mga labi
niyang bahagyang nakaawang, wala sa oras na naitikom niya iyon at napalunok pa.

Matitikman ba uli niya ang mga halik nito? Ang matamis nitong mga labi?

Oh geez! Bakit kakaiba ang nararamdaman ko ngayon? Bakit parang nae-excite ako?

Bahagya siyang lumayo dito ng halos ilang dipa na lamang ang layo nila sa isa't
isa.

"Susundan kita kahit saan ka magpunta, hindi ko hahayaang mawala ka sa paningin ko


Joey." Anito, nagrigodon ang puso niya, may gusto ba itong sabihin sa kanya?
Umiibig ba siya sa'kin? Oh no, it can't be...sigurado siyang wala sa bokubolaryo ng
mga katulad nitong babaero ang salitang pag ibig.

"A-ano bang gusto mong sabihin?" nabulol pa siya dahil sa matinding nerbyos na
nararamdaman, pero bakit sa kaloob loban niya ay may gusto siyang marinig mula
rito. Crap! You're nonsense Joey!

Bahagya siyang napaigtad ng hawakan nito ang braso niya, she's breathing hard while
looking at him.

"Joey, gusto kong sabihin sayo...." Pambibitin pa nito, naghihintay naman siya ng
sasabihin pa nito

"Ano?"

"Hindi ka pa kasi nagbabayad ng bill mo." Anito


Dumoble yata ang pamumula ng mukha niya sa labis na pagkapahiya, bakit nga ba siya
mag eexpect ng iba dito? Si Hunter Monseratt ang kaharap niya ngayon at walang
ibang matino at seryoso itong sasabihin.

Inis na inirapan niya ito, "Lumayo ka nga sa'kin." Inis na sabi niya at pinalis ang
kamay nito sa braso niya, nagtaka naman ito.

"Bakit mainit na naman ang ulo mo? Sinasabi ko lang na kailangan mong magbayad ng
bill mo." anito

Bakit nga ba uminit ang ulo niya? Affected ba siya...darn! Bakit kasi may paasa
effect pa ito..kainis! Hindi na talaga nakakataka kung marami itong napapaibig na
babae. Mabulaklak ang dila nito at kaya nitong paikutin ang mga babae sa mga
flowery words nito.

Kaya madala ka na Joey, atsaka wala siyang pagkakaiba kay Lance..pareho silang
babaero...

Nginangatngat ng inis na kinuha niya sa bulsa niya ang pitaka niya, hindi pa man
niya nabubuksan ang pitaka niya ng hablutin na lang iyon ng binata.

"Hoy! Akin na yan!" aniya

Nakangising ibinulsa nito ang pitaka niya.

"Mamaya ko na kukunin ang bayad mo, ihahatid na muna kita." Anito

"At bakit mo naman gagawin iyon? Wala ka ng pakealam sa'kin." Inis na sabi niya,
ayaw niyang umasa pa ulet, ayaw niyang magpaapekto sa mapagkunwaring lalaki.

"Well, kung hindi mo nalalaman, nasa rules ng host club na hindi maaaring pauwiin
ang isang guest kung ito'y lasing na lasing na lalo pa't walang kasama, kargo de
konsyensya naming mga host men kapag naaksidente ang mga mahal naming costumers."
Paliwanag nito, "So, whether you like it or not, ihahatid kita." Anito na naglakad
patalikod sa kanya.

"Kaya ko namang umuwi." Giit niya

"No, you can't." sagot nito na papalayo na sa kanya.

Malayo na ito ng sundan niya, "Hunter! Bumalik ka!" tawag niya sa lalaki

####################################
CHAPTER FIFTEEN
####################################

"Tsk, hanggang ngayon ba naman ay ugali mo pa ring humabol habol sa lalaki?" naagaw
ang atensyon ni Joey sa boses ng lalaki mula sa likuran niya.

Nang balingan niya ang nagsalita ay nakita niya ang isang matangkad at matipunong
lalaki, sa ganda ng katawan nito ay humakab ang suot na fit na polo shirt na suot
nito, gwapo na ito noong huli niya itong nakita pero mas lalo yatang gumuwapo ito
sa paningin niya, kabababa lang nito ng sasakyan.

Napasinghap siya, gusto niya itonf suntukin, sampalin at bugbugin pero hindi niya
alam kung bakit naduduwag siya, parang napako siya sa kinatatayuan habang
nakatingin siya sa papalapit na lalaki.

"Ibang klase ka talaga Joey." Sarkastikong turan nito.

Sunod sunod siyang napalunok ng hagurin nito ng tingin ang kabuuan niya.

Nakita niya ang mga ngiti nitong kinahumalingan niya noon.

"You're still beautiful but I never thought you could have a beautiful body like
that right now." He commented while looking at her, napako ang paningin nito sa
dibdib niya palibhasa ay nakafitted blouse siya na medyo plunging ang neckline.

Hindi niya akalain na muli niyang makikita ang mga mata nito na sa tuwing hahagod
sa kabuuan niya ay nag iinit ang mga pisngi niya at ang mga ngiti nitong
kinababaliwan niya noon.

Nagulat siya ng haplusin nito ang mukha niya, hindi siya nakahuma bagkus ay
napapikit pa siya dahil sa kakaibang dulot niyon sa pakiramdam niya.

"Oh Joey, you'd still make me fall for you everytime I'm looking at you like this."
He said, napamulat siya ng mga mata sa gulat, hindi niya inaasahan ang sasabihin
nito.

"Lance..." she whispered his name

Gusto niyang itulak ito palayo sa kanya pagkatapos ay bigwasan ng malakas pero
hindi pa rin niya maikilos ang mga kamay niya.

"Oh I love the way you called my name." he said, narealized na lang niya na unti
unti nitong ibinababa ang mukha sa mukha niya.

He's going to kiss her, hindi niya napaghandaan iyon, hindi niya alam ang gagawin
niya, itutulak ba niya ito upang makalayo siya dito? O mananatili na lang
magpapakatangay sa mga sinasabi ng dating kasintahan?

Oh God help me...

Her heart starts to pound faster when she feels his lips to her, hinalikan siya
nito ng walang ginagawang kahit ano.

Ano ka ba Joey? Itulak mo siya at sampalin sa mukha pagkatapos ay bugbugin mo siya


gaya ng ipinangako mo noon...sabi ng isang bahagi ng utak niya

But I like it, I miss him..I miss Lance..his kiss..his hug..everything..katwiran


naman ng isa pang bahagi niya.

You're so stupid, ilang beses ka na niyang niloko noon..pagbibigyan mo pa rin ba


siya?

Iyon nga ang dating hinihiling niya, ang bumalik ito sa buhay niya kahit na
nasasaktan siya sa pambababae nito. Tanggap niya noong playboy ito, pero ito ang
nagsawa, ito ang nang iwan sa kanya kahit na nagpakamartir siya noon dahil sa labis
na pagmamahal niya dito.
May girlfriend na siya ngayon, remember?!

Kikilos sana siya upang itulak ang lalaki subalit naunahan siya ng isang pamilyar
na tunog, ilang pagclick ng camera pagkuwan ay narinig niya ang malakas na tawanan
ng mga kalalakihan, kusang humiwalay sa kanya si Lance.

Nanlaki ang mga mata niya ng makita niya ang nakangising lalaki habang nakipag high
five pa sa dalawang lalaki na may hawak na cellphone, prenteng nakasandal sa
sasakyan ang dalawa habang tila enjoy na enjoy sa panonood.

"Did you capture that kiss? Isend ninyo sa'kin mamaya." Nakangising sabi ni Lance
sa mga ito. "H'wag ninyo rin kalilimutan ang pusta ninyong tig isang libo, panalo
ako kaya ibigay ninyo sa'kin iyon." dagdag pa nito

"Ibang klase ka talaga Lance, bilib na ako sa'yo." Komento ng isang lalaking kasama
nito, nagmamalaking nagkibit balikat ito.

"Wala eh, ganon talaga kapag gwapo. Habulin ng mga babae at kahit napagsawaan ko
na, kaya ko pa ring paikutin sa mga kamay ko." sagot nito na tumingin pa sa kanya.

Namanhid yata ang buong katawan niya, parang pinupunit ang pagkatao niya ng unti
unti.

Bakit nga ba hindi na siya nagtanda? Si Lance Ylagan na yata ang pinakawalanghiyang
lalaking nakilala niya sa nakaraan niya, bakit ba hinayaan na naman niyang gasgasan
nito ang pagkatao niya.

Dalawang taon na ang nakakaraan ng makilala niya ang lalaki, nagsisimula pa lang
itong maging modelo at siya ang kauna-unahang photographer nito, madalas silang
magkasama sa mga projects, Lance was nice and fun to be with, nakilala niya itong
mabait at responsableng tao, magaling itong maglambing at hindi siya kailanman
naboring na kasama ito kaya naman hindi nakapagtatakang nahulog ang loob niya sa
lalaki.

Isang buwan lang yata itong nanligaw sa kanya noon at kaagad niyang sinagot, noong
una ay masaya ang relasyon nila, akala nga niya ay sila na ang mayroong
napakaperpektong relasyon pero lumipas ang tatlong buwan ay nalaman niya ang tunay
na kulay nito, ang totoong kaliskis ng lalaki.

Nahuli niya itong may ibang babaeng kasama, sinabi nitong kapwa modelo lang nito
iyon at mayroon itong photoshoot, kahit nagduda siya ay pinalagpas niya iyon dahil
mahal niya ang lalaki.

Minahal niya ito ng sobra at dahil doon ay natuto siyang magbulag bulagan, magbingi
bingihan, kahit na marami ng nakakarating sa kanyang may ibang babae si Lance noon
ay hindi niya iyon pinaniniwalaan, kunwari ay hindi niya alam, kunwari ay may
tiwala siya sa kasintahan na katrabaho lang nito ang mga babaeng nakakasama nito.

Natuto siyang maging martir sa relasyon nila, natuto siyang maging malambot na
babae noon dahil mahal na mahal niya ang binata.

May mga pagkakataon pa ngang sinusundan na niya ito noon sa mga projects nito,
binabantayan niya ang bawat photo shoot and commercial projects nito noon, naging
paranoid siya dahil dito.

Dahil doon ay nakipaghiwalay ang binata sa kanya subalit hindi siya kaagad pumayag,
nagmukha siyang tanga sa harap nito noon sa kasusunod at kahihingi ng tawad noon na
bigyan pa ng isa pang pagkakataon ang relasyon nila.
"I'm sorry Joey, hindi kita mahal, ginamit lang kita." Sabi nito noon sa kanya bago
magkahiwalay ang mga landas nila.

Simula noon ay hindi na siya nagmahal pa ng iba, si Lance ang kauna unahang
kasintahan niya, ito ang unang lalaking minahal niya at natakot na siyang magmahal
pa uli at magtiwala sa ibang lalaki lalo na sa kagaya nitong mayabang at babaero.

Muli niyang narinig ang malakas na tawanan ng mga ito.

"Idol na talaga kita Lance, pati ang astig na si Joey ay naakit mo ng ganon
kadali?" manghang komento pa ng mga kasama nito.

Natitiyak niyang kapwa modelo nito ang dalawang lalaki at kung hindi siya
nagkakamali ay naging modelo rin niya ang dalawa sa magkahiwalay na projects,
pinigilan ni Joey ang mga luhang nagbabantang umalpas sa mga mata niya.

"Siyempre ako pa!" ani Lance, muling lumapit sa kanya ang lalaki, hinawakan nito
ang kamay niya. "Kahit anong gawin ko kay Joey, susundin niya ako diba Joey?" anito
sa kanya, hindi siya nagsalita.

"Isang taon na rin ang lumipas pero hindi nagbabago ang matamis na amoy mo Joey."
Anito at sinamyo ang leeg niya.

Kahit kailan ay hindi niya ibinigay kay Lance ang pagkababae niya, hindi siya
pumayag noon kaya siguro pinaltan din siya nito kaagad.

"Do you want to spend your night with me?" tanong nito

Parang natauhan si Joey sa sinabi nito, kikilos pa lang ang mga kamay niya upang
sampalin ito nang kung saan ay may sumuntok sa mukha nito.

"What do you think your doing?" galit na sabi ni Hunter sa nakabulagtang lalaki, sa
lakas ng pagsuntok nito sa lalaki ay natumba ito.

Sapo ang mukha na nagsalita ang lalaki, "Sino ka ba?" may inis sa tinig nito

"Dude, si Hunter Monseratt yan." Sabi ng isang kasama nito na tinulungang makatayo
ang lalaki.

"The next time I saw you flirting her, hindi lang yan ang aabutin mo sa'kin."
Madilim ang anyong sabi pa ni Hunter.

Parang tumaba naman ang puso ni Joey ng marinig niya ang sinabi ng binata, parang
nakakuha siya ng kakampi.

"Bakit? Sino ka ba sa buhay ni Joey?"

Nagulat siya ng hawakan nito ang kamay niya.

"She is my girlfriend, kaya layuan mo ang pag aari ko na." may pagbabanta sa sinabi
nito, ganon na lamang ang pagkagimbal niya.

Katulad niya ay nagulat din si Lance at ang dalawang kasama nito, muling nagsalita
si Hunter.

"Stay away from my girlfriend." Pagkasabi nito ay hinila na siya nito sa nakatigil
nitong sasakyan, binuksan nito ang pinto ng passenger seat at marahan siyang
itinulak papasok, mukhang bad mood din ang lalaki.

Nang umandar na ang sasakyan ay doon na nailabas ni Joey ang nararamdaman, hindi
niya namalayan ang mga luha sa kanyang mga mata.

"You're crying because of that jerk? I can't believe this." Hunter frowned, nasa
pagmamaneho ang atensyon nito.

"Bakit mo ginawa yun?" tanong niya sa binata at hindi pinansin ang sinabi nito,
tumingin ito sa kanya.

"Naiinis ako sa kayabangan niya." anito, as she expected, hindi naman siya nito
tinulungan dahil sa kung ano pa man, alam niyang nasasapawan lang ito ni Lance, ang
mayabang ay galit sa kapwa nito mayabang, hindi na siya umimik pa ulit, patuloy
lang siyang umiyak.

"Siya ba ang dahilan kaya ka nagkakaganyan?" inis na tanong nito. Hindi siya umimik
kaya nagpatuloy ito, "Naalala ko na, kaya pala pamilyar sa'kin ang poster sa shop
mo dahil si Lance Ylagan iyon, ang bilib sa sariling modelo na hindi pa naman
ganong sikat ay kung makapagyabang na ay ganon ganon na lang." komento nito

Hindi siya nagsalita, subsob siya sa pag iyak dahil nagpadala na naman siya sa
kahinaan niya.

"How you related to that jerk?"

"My ex boyfriend." Wala sa loob na sagot niya habang umiiyak pa rin, ganon na
lamang ang reaksyon nito.

"What?! Ex boyfriend mo ang unggoy na iyon?" gulat na tanong nito, "Pinatulan mo


ang hunghang na yun."dagdag pa nito, binalingan naman niya ito.

"Kung makapanlait ka naman sa kanya."

"At pinagtatanggol mo pa ang hudas na yun, tingnan mo nga ang ginawa sa'yo,
pinahiya ka sa mga kaibigan niya." inis na sabi nito.

"Wala ka rin namang pinagkaiba sa kanya." Pag ingos niya, ekseheradong nagreact ito

"Excuse me! Mas gwapo, mas macho at mas sikat ako sa kanya." Pagtatanggol nito sa
sarili, inis na inirapan niya ito.

"Pareho kayong walanghiya at babaero." Pagtatama niya, nalukot naman ang ilong nito

"Magkaiba kami." Giit nito

Hindi na niya pinansin ang sinabi nito, tahimik na umiyak na lang siya,
kinamumuhian niya ang dating kasintahan, naiinis siya dito pero napakarupok naman
niya.

Ayaw na niyang maulit pa ang nangyari kanina sa pagitan nila ni Lance, ayaw na
niyang magpaloko dito, hindi na siya makakapayag na yurakan nito ang pagkatao niya.

Bigla ay naalala na naman niya ang ginawa nitong pagpapahiya sa kanya, wala sa
sariling naiuntog niya ang ulo sa dashboard ng sasakyan.

"Kainis! Bakit ba hindi na ako natuto!" inis na sabi niya sa sarili, hindi pa siya
nakuntento, para siyang batang nagpapadyak sa sama ng loob.
"Ah! Gusto ko siyang ipakulam! Gusto ko siyang bugbugin!" sigaw niya sa loob ng
sasakyan, wala naman siyang pakealam kung may ibang tao siyang kasama.

Hindi niya alintana ang sakit na nararamdaman na niya, sigurado siyang namumula na
ang noo niya sa kauuntog.

"I hate him!"

Naramdaman niya ang paghila sa kanya ni Hunter.

"Don't hurt yourself because of that bastard." Anito

"I hate him!" lalo lang tuloy siyang umiyak.

"Sige, isumpa mo ang lalaking iyon, tama lang sa kanya yun." Komento pa nito,
binalingan naman niya ito at matalim na tiningnan.

"Oh, bakit ganyan ka makatingin?" takang tanong nito

Naalala niya ang sinabi ni Lance kanina,"Wala eh, ganon talaga kapag gwapo. Habulin
ng mga babae at kahit napagsawaan ko na, kaya ko pa ring paikutin sa mga kamay ko."

Wala talagang duda, magkapareho ang dalawang lalaki, hindi tuloy niya napigilan ang
sarili na dito ibunton ang inis niya.

Umigkas ang kamay niya at inis na pinagsusuntok ang braso nito.

"Bwusit kayo! Wala kayong kwentang lalaki! Dapat sa inyo ay pinapakain sa buwaya o
ipasagasa sa tren." Inis na sabi niya habang panay pa rin ang pagsuntok sa braso
nito

"Hey! Stop that! Hindi ako ang walanghiyang ex boyfriend mo!" pigil nito sa kanya
pero patuloy pa rin siya sa ginagawa

"Hindi na dapat kayo nabubuhay sa mundo!" aniya pa

"Itigil mo yan Joey." Anito, eksaktong tumigil ang sasakyan nito kaya napigilan
nito ang dalawang kamay niya. "H'wag mo sa'kin ibunton ang galit mo sa ex mo, dapat
siya ang binubugbog mo ng ganyan, hindi ako." Reklamo nito, inis na binawi niya ang
kamay sa pagkakahawak nito pagkuwan ay isinandal ang likod sa upuan, tila nawalan
siya ng lakas sa mga nangyari. Doon lang din niya muling naramdaman ang pagkahilo
dala ng mga nainom niya kanina.

"I hate him.." umiiyak na patuloy niya, napaigtad siya ng maramdaman niya ang kamay
ni Hunter sa mukha niya, her heart started pounding faster when he wipe her tears
using his fingers while looking at her.

"He don't deserve you, hindi mo dapat iniiyakan ang walang kwentang lalaking yun."
Anito, ano bang sinasabi niya? Bakit ba pakiramdam niya kanina pa may kakaiba sa
lalaki.

Lumabas ito ng sasakyan pagkuwan ay binuksan ang pinto ng passenger seat, saglit pa
siyang natameme lang at nakatingin sa lalaki bago ito lumapit sa kanya.

She holds her breath when she smells Hunter's male fragrance, sa sobrang lapit kasi
nito para siya nitong yayakapin.

Pero tinanggal lang pala nito ang seatbelt niya.


"Nandito na tayo sa bahay mo." anito, doon lang niya narealize na nasa tapat na
sila ng tinitirhan niya.

####################################
CHAPTER SIXTEEN
####################################

"Ang bigat mo." narinig niyang reklamo ni Hunter habang inaalalayan siya sa
paglalakad, paakyat na sila sa hagdanan.

Nakalungayngay ang ulo niya kaya naramdaman niya ang kamay nito at masuyong
idinantay sa braso nito.

Nadaanan ng mga mata niya ang malaking poster ni Lance kaya tumigil siya at
nagsalita.

"Wait!" aniya, nagtaka naman ito nang bumitaw siya sa lalaki.

Pasuray suray siyang naglakad palapit sa center table para abutin ang ilang dart na
nasa marble bowl.

Doon niya ibinunton ang lahat ng nadarama, isa isang inihagis niya iyon at kahit na
umiikot ang paningin niya ay tumama pa rin ang dart sa ilang bahagi ng poster.

"Ito ang paraan ko para mailabas ko ang nararamdaman ko, sa pamamagitan nito
gumagaan na ang pakiramdam ko." aniya, lumapit sa kanya ang lalaki at dinampot ang
natitira pang dart.

"Here, if this will help you to let go the pain." He said.

Kahit nanibago siya sa pagiging seryoso nito ay tinanggap niya iyon, habang isa
isang inihahagis ang mga natitirang dart hindi niya namalayan na naikukwento na
pala niya kay Hunter ang lahat. Kung paano niya minahal si Lance at kung paano siya
iniwanan ng lalaki.

"Minahal ko siya ng sobra pero hindi pa rin pala sapat iyon para mahalin din niya
ako." Lumuluhang sabi niya, "Simula ng maging magkasintahan kami, siya na ang buhay
ko kaya hindi ko kinaya ang pag iwan niya sa'kin." Patuloy niya

Napaupo siya sa mahabang sofa at pagal na isinandal ang likod, lumuluha pa rin
siya.

"Hindi ko man siya nakilala sa pagiging playboy niya noong una, minahal at
tinanggap ko pa rin ang katotohanang iyon. Nagpakamartir ako sa relasyon namin pero
hindi pa rin siya nakuntento, mas gusto niya na maraming babae sa buhay niya bukod
sa'kin." Malungkot na sabi niya, "Pero ang masakit iyong sinabi niya noon, na hindi
naman talaga niya ako minahal, ginamit lang niya ako para sumikat siya." Humagulgol
na niyang sabi, naramdaman naman niya ang bulto ni Hunter sa tabi niya.

Napapikit siya nang maramdaman niya ang pagdantay ng kamay nito sa ulo niya
pagkuwan ay marahang isinandal iyon sa balikat niya.

Sa ginagawa nito ay nababawasan ang sakit na nararamdaman niya.

"I want to forget him but I don't know how." Aniya, humikab siya, nararamdaman na
niya ang antok at pagod ng araw na iyon idagdag pa ang mga nainom niyang alak.

"I'll help you to forget him, Joey." Narinig niyang sabi nito

Gusto sana niyang magsalita pa subalit hinila na siya ng pagkaantok niya, tuluyan
na siyang nakatulog sa balikat ng binata.

Iminulat ni Joey ang mga mata subalit kaagad ding ipinikit iyon,
sinusubukan niyang alamin sa sarili niya kung gising na nga ba talaga siya o nasa
panaginip pa rin siya. Napakaganda kasi ng panaginip niya, kung pwede nga lang na
hindi na magising pa sa panaginip na iyon ay mas gugustuhin pa niya.

Paano ay napanaginipan niya ang sarili na masaya sa piling ng isang gwapong lalaki,
hindi man niya malinaw na nakita ang mukha nito ay nahinuha niyang si Hunter ang
lalaking iyon, sa taas at pangangatawan ay parehong pareho ang dalawa.

Muli ay iminulat niya ang mga mata, darn! Bakit kaya si Hunter pa rin ang nakikita
ng mga mata niya, hindi kaya may mali na sa paningin niya? O baka naman isa lang
talaga sa mga panaginip niya iyon.

Kinurot niya ang sarili upang gisingin ang sarili subalit nasaktan lang siya sa
ginawa niya kaya natitiyak niyang gising na nga talaga siya.

Sinulyapan muli niya ang lalaki, the pretty man was sleeping quietly while she was
lying in his lap.

Lying in his lap?? What the?!

Akmang babangon siya sa pagkakahiga subalit nangalay yata ang likod at batok niya
sa magdamag na pagkakahiga niya sa mahabang sofa habang ang ulo niya ay nakaunan sa
mga hita nito, saglit niyang ikinundisyon ang sarili at maingat na bumangon.

Nakangiwi pang hinimas himas niya ang batok kasabay pa ang masakit na pagkirot ng
ulo niya dala ng hang over niya.

Sinulyapan niya ang binata at ganon na lamang ang habag na naramdaman niya ng
makitang mas mahirap ang posisyon nito kaysa sa kanya, nakasandal ang likod nito sa
sofa subalit dahil hanggang balikat lang nito ang sandalan ay lumungay ngay na ang
ulo nito.

Kung bakit may kakaibang damdamin siyang naramdaman ng matitigan niya ang gwapong
lalaki ay hindi niya alam, hindi niya napigilan ang sariling kamay na hawiin ang
ilang hiblang tumabing sa mukha nito.

Geez! He was so handsome.

Naramdaman niya ang pagkilos nito kaya mabilis na binawi niya ang kamay, umayos
siya ng pagkakaupo at nang makita niyang tuluyan na itong nagising ay bahagya pa
siyang lumayo dito.

When she heard him groaned, her heart seems pounding hard.

"Ugh, my neck." Nakangiwing sabi nito habang hinaplos ang leeg at batok na tiyak
niyang nangalay, nang mapatingin ito sa kanya ay lalo yatang dumoble ang malakas na
pagtibok ng puso niya.

"Gising ka na pala." anito, kahit nagkakagulo ang buong nervous system niya ay
pinilit niyang magpakanormal sa harap nito.

"What are you doing here?" she asked her, hindi niya matandaan ang mga nangyari
kagabi dahil sa sobrang kalasingan.

"Hindi na kasi kita nagising pa kagabi dahil tulog na tulog ka, hindi naman kita
mabuhat dahil napakabigat mo." anito habang hinihimas pa rin ang batok na nangalay.

Nanlaki ang mga mata niya, hindi kaya may nasabi siya sa lalaki na hindi dapat nito
malaman? Inis na pinilig niya ang ulo. Hindi! Hindi naman siguro.

Isang dahilan kaya hindi na siya umiinom pa ng alak ay dahil sa pagiging talkative
niya sa tuwing malalasing, isang beses na nalasing siya ay noong nasa kolehiyo pa
siya, nasabi niya noon sa isang kaklase niya ang nasa loob niya, kinaiinisan kasi
niya ito sa grupo nila, noong nagcelebrate sila sa pagkakaroon ng mataas na grades
ay nakainom siya ng marami. Kinabukasan, ipinagtaka niya kung bakit iniwasan na
lang siya nito bigla, hanggang sa malaman niya sa isa sa mga kaklase niyang
ipinagtapat nga niya ang totoong nararamdaman niya para dito. Simula niyon ay
ipinangako niyang hindi na siya iinom pa ng alak dahil ayaw na niyang maulit pa
iyon.

Pero lasing ako kagabi, ano naman kaya ang naidaldal ko sa kanya? Aniya sa sarili,
bigla ay natigilan siya at saglit na pinakiramdaman ang sarili, suot pa rin naman
niya ang damit niya kagabi, wala rin siyang kakaibang naramdaman maliban sa sakit
ng ulo niya.

Mabuti na lang pala at hindi nito pinagsamantalahan ang kahinaan niya kagabi.

Napansin naman ng lalaki ang ginawa niya kaya ganon na lamang ang reaksyon nito.

"Hey, hindi ako katulad ng iniisip mo, hindi ako nagsasamantala ng kahinaan ng
iba." Nakasimangot na sabi nito, binalingan niya ang lalaki at iningusan.

"Malay ko, may pagkamanyak ka rin kasi minsan." Prangkang sabi niya.

"Grabe ka naman, nasa lugar ang pagkamanyak ko." pag amin naman nito, nairapan
naman niya ito ng di oras

"Di inamin mo ngang manyak ka."

"Tsss, lahat ng lalaki ay manyak." Pagtatanggol nito sa sarili

"At nandamay ka pa ng iba."

"Manyak naman talaga ang mga lalaki, may kanya kanya nga lang ng pagkamanyak."
anito

"Ewan sa'yo, bakit ba hindi mo na lang ako iniwan dito kagabi at umuwi ka na lang
sana." aniya na tumayo, iniiwasan niyang sabihin nito kung ano man ang nasabi niya
dito kagabi.

Hindi naman niya nakita ang reaksyon nito.

"Tss, tinulungan na nga kita, nagreklamo ka pa." nakasimangot na sabi nito.

Hindi niya ito pinansin, nagtungo siya sa kusina upang magtimpla ng kape,
naramdaman naman niya ang pagsunod nito.

"Black coffee sa'kin ha." Anito habang tumapat sa lababo at binuksan ang gripo,
naiiling na gumawa siya ng kape.

"Nakitulog ka na nga dito, inutusan mo pa ako." Aniya, sinulyapan niya ito at


nakita niyang naghihilamos ang lalaki.

Humarap ito sa kanya na tumutulo pa ang tubig sa buhok nito na nabasa ng tubig.

"Ang aga aga, ang sungit mo." komento nito, pinigilan niya ang sarili na ilabas ang
nadaramang paghanga sa lalaki, mas gwapo pala ang binata kapag bagong gising.

"Oh, hayan na ang kape mo." aniya, napansin niya ang pagngiti nito.

Oh God, his smile was the most beautiful smile she had ever seen.

"Thanks." He said, naupo ito sa upuan at humigop ng mainit na kape. "Hmm, this
tastes so good." He commented, muli niyang pinigilan ang sarili subalit napakalakas
ng kapangyarihan nito upang hindi siya kiligin.

Tumalikod siya at naglakad palabas ng kusina.

"Hey, where are you going?" he asked her, "You're not even drink your coffee."

"Maliligo muna ako." Aniya at nagpatuloy sa paglalakad.

Ilang saglit lang ay nakabalik na muli si Joey sa kusina, nakaligo na


siya at nagawa na rin niyang payapain ang nadarama kanina lang subalit kung bakit
muling ginulo ang sistema niya nang bumungad sa kanya ang binata habang nakangiting
nakatingin sa kanya ay hindi niya alam.

"C'mon here Joey, sabay na tayong kumain." Anito, bigla naman siyang nagutom nang
maamoy niya ang mabangong fried rice at egg omelette.

Lumapit siya dito, lumundag naman ang puso niya ng ipaghila siya ng upuan ng
lalaki, hindi man niya alam ang nangyayari ay naupo pa rin siya.

"Pinakealaman mo na naman ang kusina ko." kunwa'y pakli niya, hindi niya
ipinahalatang natutuwa siya sa ginagawa nitong pag aasikaso sa kanya.

Hunter helps him to put rice and egg into her plate, hindi nito pinansin ang sinabi
niya.

"The most important meal is breakfast, so kung walang laman ang sikmura mo bago ka
magtrabaho, mabilis kang mapapagod, magugutom ka kaagad at madaling iinit ang ulo
mo." anito, hindi siya nakaimik ng ipagsalin pa siya ng tubig sa baso.

"Tsk, kaya siguro palaging mainit ang ulo mo dahil kape lang ang iniinom mo sa
umaga." Komento pa nito.

Nakaawang lang ang labi niya habang pinagmamasdan niya ang pag aasikaso nito sa
kanya, she was really bothering what was going on to this guy but somehow, she find
him sweet.

"Ayan, kumain ka na." nakangiting sabi nito, muli ay naapektuhan na naman siya sa
napakagandang ngiti nito, her heart seems beating so fast.

Wala pa sana siyang balak na kumilos subalit nang makita niyang nakatitig lang ito
sa kanya ay napilitan tuloy siyang abutin ang kubyertos.
She looked at her plate, the fried rice was perfectly cooked well, the omellete egg
seems in perfect shaped, and it looks so delicious.

Kahit hindi pa niya iyon natitikman, natitiyak niyang masarap iyon. Bakit hindi?
Noong huling nagluto ito at nakialam sa kusina niya, hindi nito alam na tinikman
niya ang pork steak na niluto nito at hindi nga niya namalayan na naubos niya iyon
lahat. It was really the best pork steak she had ever tasted, hindi nga niya
akalain na napakagaling pala nito sa kusina, knowing Hunter was a happy go lucky
guy, na ang isang babaerong katulad nito na walang alam kundi lumandi at mambabae
ay may naitatago palang galing sa pagluluto.

Nagsimula siyang kumain, at hindi nga siya nagkamali dahil napakasarap niyon,
sinulyapan niya ang omellete, nakakita siya ng ilang slices ng meat bukod sa
kamatis at sibuyas na karaniwang sangkap ng omellete, lalo lang pinasarap ng karne
ang simpleng pritong itlog na iyon.

Ah grabe, ang sarap talaga!

Nangangalahati na siya sa pagkain ng mapansin niya na nakatitig na pala sa kanya si


Hunter, nang sulyapan niya ang binata ay kamuntikan na siyang mabilaukan.

Mabilis na binigyan siya nito ng tubig, tinanggap naman niya iyon.

"Dahan dahan lang kasi sa pagkain." Paalala nito, namula naman siya sa pagkapahiya,
paano ba niya sasabihan dito na nakakalimutan niya ang problema niya dahil sa sarap
ng pagkain. Nakalimutan nga niyang katabi niya ang binata kanina, tuloy napagmasdan
nitong enjoy na enjoy siya sa pagkain na niluto nito.

"Masarap ba?" nakangiting tanong nito

Inubos niya ang laman ng baso bago sumagot

"Sapat lang." kaswal na sabi niya, napansin naman niya ang pagkadismaya nito. ano
bang gusto nito, purihin pa niya ito? Never naman niyang gagawin iyon no?

"Hindi ka man lang nasarapan? Yung mga kaibigan ko, gustong gusto nila ang egg
omellete kong yan." Pagmamalaki pa nito, ang sarap sarap kaya!

"So? Pangkaraniwang pritong itlog lang naman ito." Aniya, lalo lang sumimangot ang
lalaki.

"Grabe, ano bang taste bud meron ka?" anito, nagkibit balikat lang siya.

Nagpatuloy ito sa pagkain subalit tila nawalan na ito ng gana, nahihiwagaan naman
siya sa binata. Pakiwari kasi niya ay may kakaiba talaga dito ngayon.

Tumingin ito sa kanya kaya ibinaba niya ang tingin at kunway abala sa pagkain.

"Alam mo bang ikaw pa lang ang nag iisang babaeng naipagluto ko?" seryosong sabi
nito, kung bakit naman tumahip na naman ang puso niya sa biglang pagseryoso ng
binata.

"A-ano ngayon?" kunway hindi siya apektado sa sinabi nito but deep inside her, her
heart drumming loud against her chest.

"Wala sinabi ko lang." anito pagkuwan ay tumayo, sinundan niya ito ng tingin at
lumabas ng kusina.
"Gusto kong maligo, pagamit ng banyo ha." Anito

"Teka." Huli na ang naging reaksyon niya nang pumasok ito sa loob ng kanyang silid.

####################################
CHAPTER SEVENTEEN
####################################

Mabilis na sinundan ni Joey ang binata sa kanyang silid subalit nakapasok na ito sa
banyo kaya wala na siyang nagawa kundi napatunganga na lamang sa tapat ng pintuan
na kasasara lamang ng binata, napansin niya ang asul na polo at maong jeans na
hinubad nito.

"Tsk, parang ahas." Bulong niya na wala sa sariling dinampot ang mga iyon, balak
lang sana niya iyong ipatong sa ibabaw ng kama subalit masyadong sensitibo ang
kanyang pang amoy kung kaya't kaagad na nanuot sa kanyang ilong ang hugo perfume na
naroon pa rin sa hinubad nitong polo.

Hindi niya napaigilan ang sariling samyuin pa ang mabangong amoy ng binata na
naiwan doon. Geez! Bakit ang bango bango pa rin niya kahit kahapon pa ang suot
niya? that was unfair!

Para siyang adik na nakasinghot ng katol habang inaamoy ang hinubad na damit ni
Hunter, it arouse her in some way, parang may nagsisiga sa loob niya na unti unting
nagpapainit sa buong katawan niya.

Oh crap! It felt so good.

Nakapikit pa siya at feel na feel talaga niya ang mabangong amoy nito nang biglang
bumukas ang pinto ng banyo at huling huli talaga siya ni Hunter sa ginagawa niya,
the man stunned for a moment and looked at her with disbelief in his face.

"What are you doing?" he asked her, amusement was written in his face, para siyang
sasabog sa labis na pagkapahiya, mabilis na itinago niya ang damit nito sa kanyang
likuran.

"W-wala, wala ah!" matigas na tanggi niya, she swallowed hard and wishing that
Hunter didn't notice what she was doing.

"Ah, okay." Anito na may pagdududa pa rin, binuksan nito nang mas maluwag ang pinto
at doon lang niya napansin na naka brief lang ang lalaki.

Anak ng pagong! Bakit ba ang hilig hilig niyang magborless sa harap ko?

Pinamulahan siya ng mukha nang mapansin niyang basa na ang buhok ng lalaki, wari'y
may nakalimutan lang ito kaya nawaglit ang paliligo.

"I forgot my bag pack at my car, naroon kasi yung mga damit ko, uhn..can you get it
for me Joey?" anito, kahit na gustong gusto na niyang takpan ang mga mata niya sa
nakabalandrang tanawin ay nakuha pa rin niyang magsalita.
"Nakiligo ka na nga, uutusan mo pa ako?" inis na sabi niya, pero mas naiinis siya
sa ginagawa niya.

"Okay, pwede ko naman kunin yun sa baba eh." Anito na humakbang palabas ng banyo,
nanlaki ang mga mata niya nang makita niyang lalabas na rin ito ng silid niya.
Mabilis na pinigilan niya ito.

"Saan ka pupunta?" pigil niya sa binata

"Kukunin yung gamit ko sa kotse ko." kaswal na sabi nito, napaawang ang labi niya.

"Nang ganyan ang suot?" gulat na tanong niya na tinuro pa ang brief nito na
kalahati na ang basa ng tubig, lihim na pinilig niya ang ulo ng matuon ang mga mata
niya sa abs nito pababa ng puson.

Nakita niya ang pagtaas ng sulok ng labi nito

"Oo." Anito, naalarma siya, alam niyang naroon na rin si Salve sa ibaba kaya kapag
nakita nito si Hunter na ganoon ang hitsura, malamang na iba na ang iisipin nito.
Masyado pa namang malikot ang isip ng assistant niyang iyon.

"Anong tingin mo sa sarili mo? Borless King? Umayos ka nga Hunter!" inis na sabi
niya

His grin was still in place.

"Anong gagawin ko? Hawak mo ang mga damit ko. Ayoko namang putulin ang kaligayahan
mong amuyin ang amoy ko sa hinubad kong damit...Napakasama ko namang tao kung
gagawin ko yun diba?" sarkastikong pakli nito.

Para siyang nakakain ng isang bilaong sili sa sobrang pamumula niya, ahh!
Nakakahiya ka Joey! Sigaw ng isip niya, kung pwede lang sanang maglaho na lang
bigla sa paningin nito ay hiniling na niya.

Pinayapa niya ang sarili, nahuli ka na, so bakit pa ba siya tatanggi.

Binitawan niya ang mga damit nito at taas noong nagsalita.

"Oo, inaamoy ko nga pero hindi ako nababanguhan no! Ang baho kaya." She wished she
looked normal while saying that when all she wanted to do was run.

Inis na tumalikod siya dahil hindi mawala wala ang mga ngisi sa labi ng binata.

Shit! Ano ba tong ginagawa ko?

"Sige, ako nang kukuha ng bag mo." inis na sabi niya

"Talaga?"

"Oo!" inis na sabi niya, maglalakad na sana siya nang pigilan siya nito.

Kung bakit bigla siyang napaigtad sa biglang pagdaiti ng balat nito sa balat niya
ay hindi niya alam, she felt a sudden jolt running through her veins.

Saglit pa siyang natigilan bago niya sinulyapan ang binata.

"Ano?!" kunwa'y singhal niya, nakangiti itong bumungad sa kanya.

"Here's my car keys." Anito na marahan pang iwinasimas sa harap niya ang susi nito
na may ilang keychains.

"Tsk! Ngayon lang to ah!" inis na sabi niya at hinablot ang susi sa kamay nito.

"Oh sure Honeybunch!" anito, naglakad na siya palabas ng silid, nakasilip naman ang
binata.

"Honey Bunch ka dyan!" inis na sabi niya na tinapunan ito ng matalim na sulyap,
tumawa ang lalaki

"Bumalik ka kagad, Honey bunch!" tudyo pa nito na kumaway pa sa kanya.

"Honey punch gusto mo?!" aniya na inambaan ito ng suntok bago siya bumaba ng
hagdan.

Bubulong bulong na bumaba ng bahay si Joey, hindi pa rin niya lubos


maisip na nautusan siya ng lalaking iyon, kung bakit kasi nakaka-intimidate ang
napakagandang katawan nito.

Hindi nga siya nagkamali dahil nasa bar counter na si Salve habang binubuksan nito
ang computer, nakasimangot siya nang dumaan sa harap nito.

"Good morning boss!" nakangiting bati nito

"Morning." Ganting bati niya

"Mukhang hindi maganda ang gising ninyo ah?" tanong nito

"Hindi talaga!" inis na sabi niya at lumabas ng shop, kaagad na nakita niya ang
sasakyan ng binata.

Lumapit siya sa bago nitong sasakyan, tsk, kung mabilis siyang magpalit ng babae,
ganon din pala sa sasakyan.

Hindi naman siya mahilig sa sasakyan, kaya nga si Pink na ilang taon na sa kanya ay
hindi niya mapaltan dahil sapat na sa kanya kung anong mayron siya,
napapakinabangan pa naman niya ang luma niyang volks wagen, atsaka hindi naman kasi
siya maluho sa katawan.

Binuksan niya ang sasakyan ng binata at kinuha roon ang hindi kalakihang bag,
nacurious naman siya kung anong laman niyon kaya saglit na binuksan niya iyon.

Tumambad sa kanya ang ilang damit at pantalon, namula ang mga pisngi niya nang
mapansin ang mga briefs nito, infairness, wala siyang nakitang ibang kulay ng
briefs nito kundi kulay puti lang. Inaasahan pa naman niyang colorful ang briefs
nito na may mga malilikot na printed katulad nang nakikita niya sa ilang
kalalakihan sa men's magazine, kung hindi animal prints ay neon colors.

Nanlaki ang mga mata niya ng mahulog pa ang ilang piraso ng puting briefs nito.

Shit! Mabilis na dinampot niya iyon at isinuksok sa bag.

Ano bang iniisip mo Joey? Umayos ka nga! Sermon niya sa sarili.

Sinara niya ang pinto ng sasakyan ni Hunter at pabalik na sana sa shop nang
makarinig ng boses mula sa likuran niya.
"Joey!" tawag ng pamilyar na boses ng lalaki.

Mabilis na binalingan niya ang lalaki at ganon na lamang ang pagkagulat niya nang
makita ang nakauniporme pang sundalong lalaki.

"Kuya Jesse?!" gulat na tanong niya, nakangiting nilapitan siya nito.

"Oh, bakit parang nakakita ka ng multo?" tanong nito, "Hindi ka ba natutuwa na


nandito ako at dinadalaw ang prinsesa namin?" nakangiti pa ring sabi nito, niyakap
pa siya ng kapatid, gumanti naman siya ng yakap sa kapatid.

"H-hindi naman kuya, kaya lang...."

Hindi maaari ito?! Bakit ngayon pa bumisita ang kuya Jesse niya?

Hindi niya napigilang sulyapan ang bintana sa ikalawang palapag, siguro ay patapos
na sa paliligo si Hunter at hinihintay na nito ang damit nito.

"Kaya lang ay ano?" takang tanong nito, ano nang gagawin ko?

Pilit na ngumiti siya, "Nasurprise mo kasi ako kaya hindi ako nakapahanda, hindi pa
kasi ako nakakapaglinis ng bahay eh." Aniya

Tumawa ang kapatid niya, "Okay lang yun, sandali lang naman din ako." Anito,
naglakad ito papasok sa shop niya, "Teka, pagamit nga ako ng cr mo, kanina pa
sasabog ang pantog ko." nakatawang sabi nito.

"Diyan! Diyan ka na mag banyo sa photo room." Mabilis na untag niya nang makita
niyang paakyat na ng hagdan ang kapatid niya, kahit nahihiwagaan ito sa kinikilos
niya ay nakangiting nagsalita ang kapatid niya.

"Sige, magc-cr lang ako." Anito

Nang makatalikod ang kapatid niya ay mabilis na tinakbo niya ang ikalawang palapag,
eksaktong kalalabas lang nang banyo ni Hunter habang may tapis na ng maikling
tuwalya ang baywang nito.

Natigilan siya at sunod sunod na napalunok, why oh why he looks so yummy?!!!

"Oh nandyan ka na pala." nakangiting sabi nito na lumapit sa kanya, hindi kaagad
siya nakahuma nang kunin nito sa kamay niya ang bag.

Muli ay napasinghap siya sa amoy ng binata, why so unfair? Sabon at shampoo lang
din naman niya ang gamit nito sa katawan pero bakit ibang level pa rin ang dulot ng
amoy nito sa kanya.

Ano na bang nangyayari sa'kin?!! It's just Hunter!

Saglit pa siyang nakipagtalo sa sarili niya nang maalala niya ang dilemma niya,
mabilis na itinulak niya si Hunter sa banyo.

"Hey, honey. Ganyan ba ang hatid ng mabangong katawan ko at excited ka nang masolo
ako?" nakangising sabi nito, wala sa sariling nasuntok niya ang braso.

"Bilis, pumasok ka na." Aniya habang itinutulak ang binata, wala siyang panahon
upang makipag asaran dito, kahit nasaktan ang binata sa pagsuntok niya sa dibdib
nito ay nakatawa pa rin itong nagsalita.

"Wala pa akong nakikilalang masochist woman, ikaw palang..but I like it anyway."


anito

Nagbuga siya ng hangin at nagsalita.

"Andami mo pang sinasabi! Bilisan mo na at pumasok ka na sa banyo!" naiinis na sabi


niya

"Oh! Take it easy honey, we'll take this one by one first." Anito, nagulat siya
nang bigla na lamang siya nitong hapitin at halikan sa mga labi.

Kasabay ng panlalaki ng mga mata niya ay ang pagbilis ng tibok ng puso niya, para
siyang mabibingi sa lakas ng tibok niyon at kung hindi nito hawak ang likod niya ay
tiyak na natumba na siya dahil sa panghihina ng tuhod niya.

I'll go insane! I like how he kissed me. Her inner side said, Oh no Joey! You're
really insane! Stop it right now! Her smart mind commented.

Ilang sandali pa niyang naramdaman ang malambot na labi nito sa mga labi niya at
ang mainit na katawan nito kahit na bagong paligo ito.

Mabilis na humiwalay siya sa binata subalit nakayakap pa rin ito ng mahigpit sa


kanya.

"That's not what I mean Hunter!" asik niya, "Let me go."

"What is the meaning of this Joey?" gulat na boses mula sa nakabukas na


pintuan ng silid niya.

"Kuya Jesse?!" gulat na bulalas ni Joey at mabilis na itinulak ang binata.

Obvious din ang pagkagulat ni Hunter nang makita ang kapatid niya.

"Kaya ba gulat na gulat kang bumisita ako dahil may itinatago kang lalaki sa bahay
mo? And for God sake Joey, you're sleeping now with a man?" kunot noong tanong ng
kuya niya, nasa tono ang pagpipigil na ilabas ang galit.

Mabilis na umiling siya.

"It's not what you think kuya." Depensa niya sa sarili niya

"And you're supposed me to believe you after what I saw between you and
this....man?" sabi pa nito na binalingan si Hunter at tiningnan pa mula ulo
hanggang paa.

Naayos ng di oras ni Hunter ang maikling tuwalya na gamit nito pagkuwan ay tumuwid
ng pagkakatayo.

Hindi naman niya masisisi ang kapatid niya dahil kahit sino nga naman ang
makakakita sa sitwasyon nila ni Hunter kanina ay iisiping may nangyayari na sa
kanila kahit ang totoo ay wala pa talaga, oh well, kiss..halik pa lang naman.

Lumapit ito kay Hunter at tiningnan ng masama.

"Alam mo ba kung anong pinasukan mo?" seryosong sabi ng kapatid niya

Hindi naman kaagad nakasagot ang binata, muli ay pinagmasdan ng kuya niya ang
kabuuan ni Hunter nang mas malapitan.
Parang scanner na pinasadahan nito ng tingin ang binata, para namang napako sa
kinatatayuan si Hunter.

Maya maya ay nagsalita ang kapatid niya

"I'm Joey's eldest brother, I'm Chief Lieutenant Jesse Baugbog of Arm Forces of the
Philipinnes, kaya ngayon pa lang mag isip isip ka na." anito, ganon na lamang ang
panlalaki ng mga mata ni Hunter at bahagya pang napaatras nang akmang kakamayan ito
ng kapatid niya.

"Tsk, h'wag kang mag alala, wala pa akong gagawin sa'yo, mangyayari pa lang kung
lolokohin mo ang kapatid ko." anito.

Lumabas ang kuya niya upang pagbihisin ang binata at bago siya sumunod ay inis na
hinarap niya ang binata.

"Look what you've done!" asik niya

"Malay ko bang pinagtatago mo lang pala ako, akala ko nahuhumaling ka lang sa'kin."
Katwiran nito, isang matalim na irap ang ginawa niya.

"Ang kapal mo talaga, h'wag mo nga sabi akong itulad sa mga babae mo! Hindi ako
katulad nilang bulag at sira ulo!" pagkasabi ay iniwan na niya ito.

Nasa may pintuan na siya nang marinig niya ang ibinulong nito.

"Tss, may patulak tulak pa kasi sa banyo..akala ko gustong makipaglaro sa hot


shower, iyon pala hide and never been seek ang gusto." Pag angal nito

####################################
CHAPTER EIGHTEEN
####################################

"I'm Hunter Monseratt." Sagot ni Hunter nang tanungin ito ng kuya Jesse niya,
nakapagbihis na ang binata, nakaupo na ang mga ito sa sofa habang siya naman ay
hinainan niya ang mga ito ng ininit niyang sisig.

Natitiyak niyang matagal tagal ang pag uusap ng mga ito at nag aalala siya.

"This sisig was really good, marunong ka na palang magluto Joey." Puri nito sa
kanya, nakangiwing sinulyapan niya si Hunter.

"Si Hunter ang nagluto niyan kuya." Pagsasabi niya ng totoo, gulat na tiningnan ito
ng kuya niya.

"Totoo bang ikaw ang nagluto nito?" seryosong tanong ng kuya niya, tipid na tumango
ang binata. Hindi nagsalita ang kuya niya pero nagpatuloy ito sa pagtikim ng
nilutong sisig ni Hunter, obvious naman na nagustuhan nito ang pagkaing iyon.

"Hindi ka pa naibibida sa'min ni Joey, kahit kailan malihim talaga ang prinsesa
namin." Saad ng kapatid niya, ewan niya pero tila nag iba ang tono ng boses ng kuya
Jesse niya, mas mahinahon na iyon at nawala rin ang mga kunot sa noo nito.

Tumingin sa kanya ang kuya niya, hindi naman niya alam kung anong sasabihin, kung
papaano pabubulaanan ang mga nakita nito.

"Kuya...ano kasi.." hindi niya maipagpatuloy ang sasabihin, she was scared at the
thought na baka magwala ang kuya niya kung sasabihin niya ang totoo.

Narinig niya ang pag ungol ng kuya niya, may hawak itong beer in can.

"Hindi naman masama na may boyfriend ka na, ngayon alam ko na nakalimutan mo na ang
tarantado mong ex boyfriend atsaka hindi ka nagkamali ng lalaking ipinalit sa
tarantadong yun." Komento nito, nagulat siya sa sinabi nito, nang sulyapan niya si
Hunter ay ganon din ang naging reaksyon nito, tila hindi makapaniwala sa sinabi ng
kanyang kuya.

"A man who cooks for a girl is a rare thing." Patuloy ng kuya niya na nakatingin na
sa binata, "Alam mo ang ibig kong sabihin." Nakangiting sabi nito, hindi naman niya
maintindihan ang ibig nitong sabihin, sa tingin niya lalaki sa lalaki ang usapan ng
mga ito kaya hindi siya makarelate.

"Anyway, bumalik tayo sa gago mong ex boyfriend, kung hindi mo kami pinigilan na
bugbugin ang lalaking iyon, di sana ay naipaghigante ka namin." Anito, "Halos
magwala pa rin ako kapag naaalala ko kung paano ka sinaktan ng hinayupak na iyon,
ikaw na nag iisang babae sa pamilya, tatlo kaming kuya mong sundalo, isang pulis at
isang maton na businessman, ni hindi ka naming naipagtanggol sa kanya noon. Kaya
hindi mo kami masisisi na hanggang ngayon ay hina-hunting namin ang lalaking iyon."
kuyom ang mga palad na sabi ng kuya niya, hindi nalingid sa kanya ang sunod sunod
na paglunok ni Hunter matapos ang sinabi ng kanyang kuya.

"Kuya naman..matagal ng tapos iyon." aniya

"Oo nga, matagal ng tapos iyon pero ang isipin naming sinaktan ka niya na hindi ka
man lang naming naipagtanggol, doon kami galit na galit." anito

Nagbuntong hininga siya, "H'wag ninyo nang isipin iyon, nakamove on na ako." Aniya,
nakita niya ang pagsulyap sa kanya ni Hunter dahil alam nito ang totoo.

Niyakap naman siya ng kuya niya, "That's what I want to hear from you, noong huling
binisita kita, halos hindi ka na kumakain noon eh." Anito, humiwalay ito sa kanya
at tumingin naman sa binata. "Mabuti at dumating itong si Hunter, mukhang hindi ka
niya gugutumin, he cooks well." Nakangiting sabi nito.

Tipid na ngumiti lang ang binata habang hinimas ang batok na obvious na nagustuhan
ang sinabi ng kuya niya, naiiling na lang siya.

Kung alam lang ng kuya niya ang totoo, sigurado siyang kabaligtaran ang mangyayari.

"Teka, Hindi ka naman siguro katulad ng ex boyfriend ni Joey na babaero?" bigla


seryosong tanong ng kuya niya, obvious naman ang pagkataranta ng lalaki sa tanong
ng kuya niya

"Ha?"
"H'wag mong lolokohin ang kapatid ko, Hunter, alagaan mo siya at h'wag na h'wag
mong sasaktan ang prinsesa namin." Anito, hindi naman malaman ng binata ang
isasagot nito.

Oh God! Hindi ito maganda...

Inagaw niya ang atensyon nito upang makaiwas sa mga sasabihin pa nito.

"Bakit ka nga pala napabisita kuya?" tanong niya sa kapatid

"Sasabihin ko lang na may date na ang kasal ko." pagbabalita nito, nanlaki naman
ang mga mata niya sa tuwa.

"Talaga? Kailan?" tanong niya dito

Habang nagkukwentuhan sila ng kapatid ay sinulyapan niya si Hunter na tahimik lang


na nakatingin sa kanila, hindi niya alam kung bakit may biglang may nag iba na sa
mga tingin nito, sa kabilang banda ay nag iba na rin ang pagtibok ng puso niya.

"Isama mo si Hunter sa kasal ko at ipakilala mo siya kina mama at papa ng maayos


lalo na kina Jelo. Tiyak na hindi magugustushan non kapag nalaman non na mas nauna
kong nakilala ang boyfriend mo kaysa sa kanya." Natatawang sabi ni kuya Jesse, lalo
namang nag aalala si Joey, mas lumala yata ang sitwasyon. Ngayon ay iniimbitahan na
rin nito ang lalaki sa kasal nito.

"Kuya naman..h'wag mo ng sabihin sa kanila." Aniya, hindi naman nito pinansin ang
sinabi niya, tumingin ito kay Hunter na kanina pa tahimik na nakaupo sa single
sofa.

Kanina ay sinadya na niyang ilayo ito kay Hunter pero mukhang gusto nitong
kilatisin ang lalaki kaya niyaya nitong uminom ang binata.

"Ilang taon ka na Hunter?" tanong nito sa binata

"Twenty eight." He said, tumango tango ito.

"Mukhang hindi ka purong Filipino, anong half blood mo?" tanong pa ng kuya niya.

"My father was a Mexican, My mom was a Filipina."

"Kalahi mo pala si Sergio at Marimar, tiyak na maraming nagkakagusto sa'yo no?"


biro ng kapatid niya, tipid na ngumiti lang ang binata. "Siguro marami ka ng
pinaiyak.." pagkuwan ay komento ng kuya niya, natigilan naman si Hunter at wala sa
oras na napalagok ng beer na hawak.

Lihim na naiiling lang si Joey habang nakikinig sa dalawang lalaki, sumabat siya
nang makita niyang sinulyapan siya ng binata na kahit hindi nagsalita ay obvious
naman na nagpapasaklolo sa kanya.

"Kuya..." pipigilan sana niya ito nang muli naman itong magsalita.

"Nagbibiro lang ako, sa gandang lalaki kasi ng boyfriend mo, tiyak ko na maraming
naghahabol na babae sa kanya." Segunda nito, lihim na inirapan niya si Hunter ng
makita niyang nakangiting nagkibit balikat ito, gusto sana niya itong barahin kaya
lang ay naroon ang kuya niya.

"Ano nga palang trabaho mo?" pagkuwan ay muling tanong ng kuya niya, kahit papaano
ay may nalalaman din siya tungkol kay Hunter.
"I'm a model." Sagot ng binata, natigil naman ang akmang pagtungga ng kuya Jesse
niya sa bote ng alak na hawak pagkatapos ay sumulyap sa kanya.

"Diba ang gagong ex boyfriend mo ay isang modelo rin?" tanong nito sa kanya,
tumango siya.

"Oo." Kaswal na sabi niya, tumingin siya kay Hunter na hindi niya mawari kung anong
ekspresyon ang ipinapakita sa kanya.

"Anyway, sa tingin ko hindi naman lahat ng modelo ay pare pareho." Biglang bawi ng
kuya niya, kahit kailan talaga, positibo kung mag isip ang kuya Jesse niya. Hindi
katulad ng ibang mga kuya niya lalo na ang kuya Jelo niya.

"Dapat ngayon pa lang ay pinagpaplanuhan na ninyo ang kasal lalo pa't nagsasama na
pala kayo." komento nito, gulat na nagkatinginan sila ni Hunter.

"Kuya, saka na yan, yung kasal mo muna." Aniya

"Doon din naman mapupunta yun." Anito.

Ilang sandali pa siyang nakipagtalo sa kuya niya hanggang sa nagpaalam na rin ito
sa kanila, nagtaka siya nang tawagin nito si Hunter. Curious na nakatingin lang si
Joey sa dalawang lalaki habang tila seryosong nag uusap.

Maya maya ay sumakay na ng sasakyan ang kuya Jesse niya, kumaway pa ito sa kanya
bago pinaandar iyon.

Nang mawala na ang sasakyan nito sa kanyang paningin ay mabilis na nilapitan niya
ang binata.

"Anong sinabi sa'yo ng kuya ko?" curious na tanong niya dito, nakapamulsa itong
nakatingin sa malayo nang magsalita.

"Alagaan daw kita, h'wag daw kitang paiiyakin dahil may kalalagyan daw ako kapag
nangyari yun." Anito, napangiwi siya, sinasabi na nga ba niya at puro pagbabanta
lang ang sasabihin nito sa binata, sinulyapan niya binata pero mukha namang hindi
ito natatakot.

"Ano pang sinabi?" muling tanong niya

"Iganti raw kita kay Lance kapag nakita ko." anito, nagulat siya sa sinabi nito

"Sinabi iyon ni kuya?"

Tumingin sa kanya ang binata, "Oo, kaya humanda sa'kin ang mayabang na yun." Anito

"Ano pa? Ano pang sinabi ni kuya sa'yo?"

"Hnnn..." wari'y nag iisip pa ang binata pagkuwan ay ngumiti ng nakakaloko. "Ang
sexy ko daw at ang gwapo." Nakangising sabi nito

Ganon na lamang ang pag ikot ng eyeballs niya, tinalikuran niya ang binata at
pumasok sa loob ng shop.

Naabutan naman niya si Salve na nagtatanong ang mga mata, halatang naku-curious ito
sa nangyayari.

"Anong ginagawa ni Hunter sa bahay mo? Dito ba siya natulog?" tanong nito,
magsasalita sana siya nang may magsalita sa likuran niya.
"Oh yes, dito nga ako natulog." May ngiti sa mga labing sabad ni Hunter, ganon na
lamang ang panlalaki ng mga mata ni Salve.

"As in? Magkatabi kayo?"

Tumango si Hunter at sasagot pa sana nang takpan niya ang bibig nito.

"Of course not! Hinding hindi mangyayari yun no!" inis na sabi niya, pinanlakihan
niya ng mga mata ang assistant at muling nagsalita.

"Magtrabaho ka na nga, tsismosa!" nakairap na sabi niya at iniwanan ang mga ito.

"What's with you guys? Bakit ang tahimik ninyo yatang dalawa?" takang
tanong ni Pepsi, nasa photo room sila habang naghahanda para sa pre final shoot, sa
susunod na araw ay sa isang beach resort gaganapin ang final photo shoot ng mga
modelo ni Pepsi.

"Bakit gusto mo ba kaming nagbabangayan palagi?" sagot ni Hunter

"Hindi naman kaya lang nakakapanibago kasi." Anito

"Well, may mga pagbabago talagang naganap." Sabi ng binata na sinulyapan si Joey,
inirapan lang ito ng dalaga.

May kakaibang ngiting siniko siya ng kaibigan.

"Oy, anong nangyayari? Sabihin mo nga sa'kin friend." Tudyo ni Pepsi, itinigil ni
Joey ang pagkalikot sa kanyang camera at nagsalita.

"Walang pagbabagong nangyari, nananaginip lang si Hunter." Aniya na sinulyapan ang


binata, ngumisi lang ito sa kanya habang nananalamin sa full length mirror na nasa
gilid.

"Kumilos ka na nga diyan." Asik niya sa binata

"Wala pa ang co model ko." sagot nito

Eksakto namang pumasok ng photo room si Aira kasunod ang pamilyar na bulto ng
lalaki.

"Hi everyone! Sorry I'm late." Bungad ni Aira nang makalapit sa kanila, "Ito kasing
si Lance, hindi kaagad ako ginising." Anito sa lalaking kasama.

Tinapunan niya ng saglit na tingin si Lance, nakatingin din ito sa kanya, this time
ay seryoso, hindi naman niya alam kung anong damdamin ang nararamdaman niya ng mga
sandaling iyon para sa dating kasintahan basta ang alam niya ay nangangati ang
kamay niya at gustong gustong isampal sa mukha nito. Pinigilan lang niya ang
sarili.

"It's okay, Aira." Nakangiting sabi ng mabait niyang kaibigan na si Pepsi,


"Magbihis na lang kayo para sa pre final shoot, sa susunod na araw sa Batangas tayo
magsho-shoot." Anito pa

"Okay." Sagot ni Aira, tumingin ito kay Hunter, "Let's go Hunter, sabay na tayo sa
dressing room." Anito.
Sabay talaga? Flirt!!!

Pero makakaganti naman siya dahil tatanggihan ito ni Hunter katulad noong una,
ramdam niyang hindi nito type si Aira.

"Sure." Narinig niyang sagot ni Hunter, ganon na lamang ang pagbangon ng inis niya,
nagkamali lang pala siya ng akala. Bibigay rin pala ang hinayupak na lalaki!

Masama ang tinging ipinukol niya sa binata, tumayo ang binata at nakangiting
lumapit sa kanya.

"It's okay honey, magkahiwalay naman ang men's dressing room sa ladies dressing
room hindi ba? Kaya h'wag ka ng magselos okay?" anito na sa kanya nakatingin

Hindi lang siya ang obvious na nagulat pati na rin ang mga naroon na nakarinig sa
sinabi ng binata, lumapit ito sa kanya at hinalikan pa muna siya sa pisngi.

"I'll be right back." Bulong nito sa punong tainga niya kaya wari'y sinapian siya
ng kung anong espiritu sa labis na pananayo ng balahibo niya.

Nang maglakad ang binata ay mabilis na nilapitan siya ni Pepsi.

"Iyon ba yung pagbabagong naganap na tinutukoy ni Hunter?" curious na tanong ni


Pepsi, hindi naman siya nagsalita, hindi pa rin kasi siya maka move on sa kakaibang
dulot na hatid ng simpleng ginawa nito. Pakiramdam kasi niya ay may kung anong
lumelevel up sa loob niya habang nagtatagal.

"Pepsi! Come here a sec!" tawag ni Aira sa kaibigan

"Okay, nandyan na!" sabi ng kaibigan na masyadong mabait sa modelo.

Nang makaalis ang kaibigan ay nagbalik na sa normal ang nararamdaman niya kaya
ibinalik na muli niya ang atensyon sa camera niya, hindi naman niya napansin na
naroon pa pala ang dating kasintahan at kung hindi pa ito magsasalita ay hindi niya
ito mapapansin.

"So you're in a relationship with Hunter Monseratt?" she heard him say, hindi niya
ito pinansin, ayaw niya itong kausapin, ni ayaw nga niya itong makita dahil sa
ginawa nito sa kanya.

"Kilala mo naman siguro kung anong hilatsa ng bituka ng lalaking iyon, Joey. He's
one of the playboy in town...not just a typical playboy..He is the famous playboy."
he said, "You're still not learned from your lesson." He continued

Hindi pa rin niya ito pinapansin, nagulat siya nang maramdaman niya ito sa tabi
niya.

"Damn! Stay away from him Joey." He said

Nagulat man siya sa sinabi nito at nagtaka kung bakit nito pinapakealaman pa ang
buhay niya gayong wala na naman silang kaugnayan nito ay doon na siya nagsalita.

"You're the one who stay away from me, jerk." asik niya

Nakita niya ang pagpipigil nito subalit nanatiling mahinahon ang boses.

"Okay, I'm sorry for what happened last time, hindi ko sinasadya iyon Joey at
pinagsisisihan ko na iyon." anito, she looked at his eyes, hindi naman niya
masalamin sa mga mata nito kung seryoso ba ito o hindi.
"The damage has been done." Aniya na tinalikuran ito

"I'm sorry Joey, alam kong may nararamdaman ka pa rin para sa'kin, diba?" anito,
hinawakan nito ang kamay niya at iniharap.

"Bitawan mo ako." Asik niya

"No, I know you're still inlove with me." he said

"Nagpapatawa ka ba?" sarkastikong sabi niya

"Alam ko dahil ramdam ko sa mga halik mo noong gabing iyon, you miss me, didn't
you?" tila sinusukol siya ng mga tanong nito, hindi naman niya alam ang isasagot
niya, hindi naman niya maapuhap sa loob niya ang kasagutan dahil magulong magulo
ang isip at puso niya idagdag pa ang kalituhan niya sa nararamdaman niya kay
Hunter, naninibago din kasi ang puso niya sa ilang pagbabago niyon sa tuwing nasa
tabi niya ang binata.

"Did I tell you to stay away from my girlfriend?" a man's voice took their
attention, bago pa siya bitawan ni Lance ay mabilis na hinila siya ni Hunter.

Kung bakit nagrigodon ang puso niya ng makita niya ang seryosong mukha nito habang
nakikipagsukatan ng tingin sa dating kasintahan.

"Babe?! What's going on?" boses naman ni Aira na kalalabas lang mula sa dressing
room, mabilis na nilapitan si Lance at yumakap sa binata

"Anong nangyayari dito? Bakit parang nagkakainitan kayo ni Hunter?" tanong nito sa
binata pagkuwan ay tumingin kay Hunter, "Nah-uh! You're jelous with Hunter? I told
you, Hunter was just my crush." may kalakip na tuwa sa tinig ni Aira.

"Mali ka ng inaakala Lance, magkahiwalay na nagbihis si Hunter at Aira, saksi ako


doon." Pumagitna na si Pepsi sa dalawang lalaki.

"Tsk! Aalis na ako." Sabi ni Lance na matalim pa ring nakikipagtitigan sa binata


pagkuwan ay padabog na lumabas ng silid.

####################################
CHAPTER NINETEEN
####################################

"Bakit hindi mo binigyan ng upper cut ang lalaking iyon?" may inis sa tinig ni
Hunter, nasa kusina si Joey habang naghihiwa ng white onions, nakasandal ang binata
sa gilid ng fridge habang may hawak na pine apple in can sa kamay habang ang isang
kamay ay nakapamulsa sa pantalon.

"Napigilan ko ang sarili ko?" kaswal na sagot niya, narinig niya ang masamang
iniungol nito.

"Napigilan? Pero bakit sa'kin wala sa bokubolaryo mo ang salitang pigil?" tanong
nito, sinulyapan lang niya ito upang irapan.

"Bakit ba galit na galit ka sa kanya?"

"Dahil mayabang ang lalaking iyon, hindi ko malilimutan ang ginawa niya sa'kin
noong nakaraang taon, sinulot niya hindi lang ang fashion show ko pati ang tiwala
ng kakilala kong event manager." May inis sa tinig nito

"Bakit? Ano ba ang ginawa niya?" curious na tanong niya

"Sinet up niya ako, may kinasabwat siyang babae para hindi ko maattend-an yung
fashion show." Pagkukwento nito, "I'm the highlight model of that fashion show at
isa siya sa mga baguhang modelo at dahil karelasyon niya ang event manager namin
noon ay gumawa siya ng paraan para mawala ako sa show." Patuloy nito, pinagpatuloy
nito ang pagkukwento, ngayon ay alam na niya kung bakit galit na galit ito sa
lalaki.

Tama, may malaki itong rason kaya ginagawa iyon ng binata, gusto nitong gumanti kay
Lance...wala ng iba pa.

"So kaya mo ako tinulungan?" nakataas ang isang kilay na tanong niya, Oh no Joey,
are you expecting more with what Hunter doing?

Umalis sa pagkakasandal sa fridge ang binata at lumapit sa kanya.

"No, of course not, ang sabi ni kuya Jesse ipaghiganti raw kita. " sagot nito na
nakatingin sa hinihiwa niyang sibuyas. "Anong iluluto mo?" tanong nito pagkuwan

"Ginisang corned beef." Sagot niya, napamaang ito

"Anong klaseng hapunan yan? Breakfast meal ko lang yan eh." Komento nito, tinaasan
niya ito ng kilay

"Kung makapagreklamo ka naman? Ako naman ang kakain nito at hindi ikaw." Mataray na
sabi niya, hindi ito nagsalita, binitawan nito ang hawak na pine apple in can at
binuksan ang gripo, pinagpatuloy niya ang paggagayat ng sibuyas habang naghuhugas
naman ito ng kamay.

"Wala ka pa bang balak umuwi? Wala tayong photo shoot bukas kaya wala ka ng dahilan
para mag stay pa rito." Aniya na nasa atensyon ang ginagawa.

Isinara muna nito ang gripo bago nagsalita.

"I'm going to stay here until our project end."

Maang na sinulyapan niya ang binata.

"Anong sabi mo?" kunot noong tanong niya, kino-confirm lang niya kung tama ba ang
narinig niya.

"Ang sabi ko dito muna ako hanggang sa matapos ang project natin kay Pepsi." Kaswal
na sabi nito na kinuha ang rag holder na nakasabit sa gilid ng hanging divider at
pinunasan ang basang mga kamay.

Two weeks pa bago ang international fashion event na gaganapin sa resorts world,
ibig sabihin ay mahabang panahon ang ilalagi nito sa bahay niya? No way!

"Hoy Hunter, hindi ito bahay mo para tirhan mo kahit kailan mo gustuhin atsaka
hindi ko maalala kung pinayagan na nga kitang mag stay dito sa bahay ko." asik niya
"Your brother asked me to protect you." Kaswal na sabi nito

"Protect? For what? Ilang taon na akong mag isa sa bahay na ito at kaya kong
protektahan ang sarili ko."

"Protect you from your ex boyfriend, nahalikan ka nga niya na wala kang ginagawa
eh." He looked at her seriously, naumid naman ang dila niya, may point naman ito
pero sapat na dahilan ba iyon para gawin nito ang pabor ng kuya niya? And at the
first place, hindi naman nito obligasyon na gawin iyon dahil wala naman talaga
silang relasyon.

Bigla ay nailang siya sa mga tingin nito, bakit parang may kakaiba dito, there's
something in him na hindi niya maipaliwanag.

"Teka, hindi kaya...may gusto siya sa'kin?" kausap niya sa sarili

Ganon na lamang ang pagbilis ng pagtibok ng puso niya sa naisip, hindi niya alam
kung normal pa ba siya sa harap nito habang may lumalagabog sa loob ng puso niya.

Imposible, tiyak niyang wala sa bokubolaryo niya ang salitang iyon.

Pero kahit ano yatang pagpapahinahon ang gawin niya sa puso niya ay ayaw tumigil
niyon, tuluyan na yatang nalunod sa mga matitiim na titig ni Hunter, dahil sa
pagkataranta ay nakalimutan niyang may hawak siyang kutsilyo, dumulas ang
nangangalahati nang sibuyas sa kamay niya at hindi sinasadyang mahiwa ang isang
daliri niya.

"Aww!" mabilis na nabitawan niya ang kutsilyo at mangiyak ngiyak na sinulyapan ang
daliring mabilis na nagdugo.

"Oh God, Joey!" bulalas ni Hunter na nakita ang nangyari.

Tila nagtriple ang pagtahip ng puso niya nang mag-ala Flash ito at mabilis na
dinaluhan siya, nagulat siya sa mabilis na reaksyon nito at sa naging ekspresyon
nito, nag aalala ba siya?

Hindi pa man humihinahon ang puso niya nang makita ang mga sumunod na ginawa nito.

Napasinghap siya nang bigla na lamang nitong kunin ang daliri niya at isinubo iyon,
lalo tuloy siyang mababaliw dahil sa nararamdamang init mula sa daliri niya.

It felt so good inside, daliri pa lang niya iyon what more kung ang mga labi na
niya ang nakadampi sa mga labi nito. Geez! I think that was heaven...

Stop it Joey! Ano bang kalokohan ang iniisip mo?!

Hindi pa rin siya nakakilos hanggang sa hinuhugasan na ng binata ang daliri niya.

"Bakit kasi hindi ka nag iingat?" sermon nito subalit may kalakip pa ring pag
aalala sa tinig nito, Oh my, nag aalala nga ba talaga siya sa'kin?

No! Palabas lang niya yan..H'wag mong kalimutan na babaero ang lalaking yan..kaya
niyang magpaikot ng mga babae.

Nagulat siya nang maghubad ito nang damit, tumambad na naman tuloy sa kanya ang
magandang katawan nito.

Hindi pa rin niya magawang makapagsalita habang nakamata lang sa binata, inaamin
niyang naku-curious siya sa gagawin nito.

Kinuha nito ang kutsilyo at ganon na lamang ang pag awang ng mga labi niya nang
sirain nito ang laylayan ng damit nito.

Ano naman ang pumasok sa isip niya at sinira niya ang matinong damit niya?

Napaigtad siya nang kunin nito ang kamay niya, binalot nito ang nahiwa niyang
daliri gamit ang kapirasong tela na sinira nito sa puting tshirt nito.

Shit, he was so sweet!

Ganon din kaya ang binata sa mga babaeng nakakarelasyon nito para makuha ang puso
ng mga ito. Ganon paman, kahit na palabas lang nito iyon para makuha nito ang
tiwala niya o kung ano pa mang dahilan nito, nakuha nito ng buong buo ang puso niya
ng mga sandaling iyon.

Her heart felt overwhelm, sa tanang buhay kasi niya wala pang nakagagawa ng ganong
bagay sa kanya and it really moved her, may naitatago pala itong kasweet-an sa
katawan na hindi niya madalas makita dito dahil puro pang aasar at kabangayan lang
ang nakita niya dito noon.

Hindi pa rin tumitigil ang pagtibok ng puso niya nang marinig muli niya ang tinig
nito.

"Just sit down here, ako ng bahala sa hapunan natin." Anito, pinaghila siya nito ng
bangko at maingat na pinaupo roon. Ngumiti muna ito sa kanya bago sinimulan ang
pagluluto.

She secretly bit her lower lip to control her feelings, natin...narinig na naman
niya ang salitang iyon. Para namang totoong mayroong namamagitan sa kanila.

Habang pinagmamasdan niya ang binata na abala sa pagluluto nito ay hindi niya
napigilan ang sariling kapain ang nararamdaman, her heartbeat still pounding faster
and she was beginning to be aware of it. Pinipigilan din niyang kiligin sa ginagawa
nito pero masyado siyang apektado sa pinapakita nito sa kanya.

Bukod sa hindi niya inaasahang ginawa nito kanina ay kinikilig din siya sa
kagwapuhan nito...pati na rin ang magandang katawan nitong malaya niyang
nasisilayan.

Oo, aaminin niya noon pa man ay gwapo at macho na ito sa paningin niya pero ngayon
lang niya iyon tinanggap sa sarili niya.

Dahil ba hinahayaan mo na siyang pumasok sa puso mo?

"Am I inlove with this man?" kausap niya sa sarili.

"Hindi maaari Joey! Hindi ka maaaring mainlove sa kanya." Sermon niya sa sarili
niya

Tumayo siya sa pagkakaupo dahilan upang mapatingin sa kanya ang binata, paalis na
siya sa upuan nang pigilan siya nito sa braso.

"And where are you going?" takang tanong nito

Trying to calm myself, walanghiya ka kasi..masyado ka ng nakakarami sa'kin, ang


gwapo gwapo mo kasi kaya kailangan kong linisin ang isip at puso ko, aniya sa
sarili.
Hindi siya nagsalita, bakit parang nag iba rin ang boses nito sa pandinig niya. "Oh
no, gusto mo na namang takasan ang lulutuin ko no?" sita nito

Hindi siya nakapagreact nang paupuin muli siya ng binata

"Hindi ako papayag na hindi mo matitikman ang iluluto ko, this is one of my
specialty." Nakangiting sabi nito, dumadagundong yata ang puso niya habang
nakatitig lang sa nakangiting binata, bakit ba ang gwapo gwapo mo Hunter? Kainis!

Tumalikod muli ang binata, "Nah, pinaghirapan ko tong lutuin kaya sana naman
maappreciate mo." may hinampo sa tinig nito.

Mabuti na lang at hindi ito nakatingin dahil hindi niya napigilan ang sariling
mapangiti dala ng labis na kilig na nadarama.

"Hindi ba ako pwedeng matulog sa loob?" tanong ni Hunter habang


inabutan niya ito ng malinis na kumot at dalawang unan, pinigilan naman niya ang
sarili dahil naapektuhan siya sa pag amo ng mukha nito, halatang ginagamit nito ang
malakas na charm para pumayag siya sa gusto nito.

Kahit nadadala sa pagpapacute nito ay pinigilan niya ang sariling ipakita rito ang
totoong nararamdaman.

"Tumigil ka nga! Hindi pa nga ako pumapayag na tumira ka dito pagkatapos gusto mo
pa sa kwarto ko matulog." Asik niya, he pouted and she found him very charming.

"Malamig ngayon, ayaw mo ba ng katabi?" tanong nito, pinamulahan naman siya ng


pisngi.

H'wag kang papayag Joey! Ayan na..at nagpaparamdam na ang lalaki, may ginawa man
ito kanina na nagustuhan mo..h'wag mo pa ring kalilimutan na babaero yan!

"Ayoko!" singhal niya at mabilis na sinara ang pintuan.

"Tss, sungit!" narinig niyang sabi nito mula sa labas ng silid niya.

Joey smile for no reason, ah siguro ay unti unti na niyang nagugustuhan si Hunter.

Ows? Sabihin mo, bumigay ka rin sa kanya, naiinlove ka na sa kanya...aminin mo!


tudyo ng kabilang bahagi niya, pabagsak na nahiga siya sa malambot niyang kama.

"Hay, hindi ko pa alam, sino bang hindi magkakagusto sa pinuno ng mga kagwapuhan?"
hindi niya napansing naibulong niya, see! Inaamin mo na nga! May gusto ka na nga sa
kanya!

Inis na kinuha niya ang isang unan at humalukipkip na niyakap iyon.

"Oo na, gusto ko na nga siya pero hindi ko aaminin yun sa kanya." Aniya habang
ramdam niya ang pamumula ng pisngi, patuloy kasing bumabalik sa alaala niya ang mga
ginawa ni Hunter kanina, tuloy ayaw din tumigil ang pagtibok ng puso niya pati ang
nakapagkit na ngiti sa mga labi niya.

Palibhasa ay maagang natulog si Joey kagabi kaya maaga din siyang


nagising, naligo muna siya at nagbihis pagkuwan ay lumabas ng silid niya, kung
bakit kaagad na may hinanap ang mga mata niya ay hindi niya alam.

Nagtaka siya kung bakit hindi niya nakita si Hunter sa mahabang sofa, gising na
kaya siya?

Nagtungo siya sa kusina, baka maagang nagising at nagluluto na ng almusal nila.

Pero hindi niya nakita ang bulto ng binata, nasaan na siya? Saan kaya siya natulog?
Baka naman umuwi siya kagabi..

Nagkibit balikat siya, baka nga umuwi ang binata dahil hindi nito kayang matulog sa
sofa, may pagkamaarte pa naman ang lalaking iyon.

Pagkatapos niyang uminom ng kape ay bumaba siya, linggo ng araw na iyon kaya wala
si Salve, aalis din siya upang mag grocery, wala nang laman ang fridge niya, ang
pang isang buwan niyang pagkain na pinamili niya noong nakaraan ay mabilis na
naubos, hindi naman kasi niya napaghandaang may bakulaw na makikisawsaw sa bahay
niya.

Bago siya lumabas ng shop ay pumasok muna siya sa photo room, as her daily routine,
hindi siya mabubuhay na hindi muna niya masisilayan ang mga obra niya.

Nang pumasok siya sa loob ay napansin kaagad niya ang nakabukas na ilaw na
nakakabit sa malaking frame ng litrato niya sa dulong bahagi ng silid.

Napakunot noo siya, hindi niya naalalang binuksan niya ang ilaw niyon kagabi.

Binuksan niya ang switch ng ilaw subalit hindi iyon umilaw, mukhang ngayon pa
napundi iyon. Nagkibit balikat siya, isang taon na rin naman niyang napakinabangan
ang ilaw na iyon, bibili na lang siya ng bago mamaya.

Naglakad siya palapit sa malaking litrato niya upang patayin ang ilaw niyon, sayang
din ang kakaining kuryente niyon. Siya ba ang nagbukas niyon kagabi? O baka si
Salve, baka nakalimutan lang nitong patayin ang ilaw niyon.

Naiiling na nagpatuloy siya sa paglalakad habang sa malaking litrato niya nakatuon


ang atensyon niya, sesermunan niya si Salve bukas bago sila umalis papunta sa
Batangas para sa final photo shoot.

Palapit na siya sa frame nang hindi naman niya sinasadyang madapa dahil sa kung
anong nakaharang sa daraanan niya.

####################################
CHAPTER TWENTY
####################################

"Ay bakulaw!" bulalas niya nang lumanding siya sa matigas subalit na mainit na
katawan ng isang tao. Saglit niyang ipinikit ang mga mata upang masanay iyon sa
kadiliman para makita rin niya kung sino ang siraulong nakaharang doon.

Nang buksan niya ang mga mata ay isang gwapong bakulaw ang nabungaran ng mga mata
niya, mahimbing pa ring natutulog ang binata sa kabila ng malakas na pagkakalanding
niya sa katawan nito.

Napasinghap siya dahil halos ilang dipa na lang pala ang layo niya sa mukha nito,
geez! Bakit ang gwapo mo Hunter? Nagwawala na yata ang puso niya habang nakatitig
sa natutulog pa ring binata.

Nang ikilos niya ang mga kamay ay pakiwari niya ay napaso iyon nang mapagtanto
niyang nakahawak pala siya sa matigas na abs nito, ramdam din niya ang pagtibok ng
puso niya.

Ano ba? Borless ka na naman...

Kung bakit sinapian siya ng manyak na espiritu nang maisipan pa niyang haplusin ang
matigas na abs nito hanggang paitaas ng dibdib nito.

It was all perfect, hindi fake ang anim na abs nito, perpekto rin ang pigeon chest
nito, para tuloy ang sarap sarap yumakap sa matipunong katawan nito.

Hindi pa siya nasiyahan, maingat at marahan niyang hinaplos pati ang mukha nito,
mabuti na lang at may sapat na liwanag sa madilim na silid na iyon kaya nakikita
niya ang kagwapuhan nito.

Pinaraanan ng mga daliri niya ang bawat parte ng mukha nito, ang makinis nitong
mukha, ang nakapikit nitong mga mata, ang matangos nitong ilong hanggang sa natural
na mapupulang mga labi.

Geez, how she wished she was kissing him right now.

Napansin niyang bahagyang napakilos ito kaya mabilis na binawi niya ang kamay,
darn! Calm down Joey, nasisiraan ka na ng tuktok.

Nakahanda na siya upang lumayo dito subalit ganon na lamang ang pagkagimbal niya
nang kumilos ang dalawang kamay nito at hinila siya, sa pagkakataong iyon mas
malapit na ang mga mukha nila sa isa't isa, nakamulat na ang mga mata nito habang
nakatingin sa kanya. She caught her breath when she realized Hunter was hugging her
while looking at her straight in her eyes, mukhang nagising ito sa ginawa niya.

She heard his seductive groaned, "Uhnn, I love your morning wake up, honey." He
said then flash his cutest smile.

She swallowed hard, sana ay makarinig pa siya dahil sa nakakabinging pagtibok ng


puso niya, nag iinit na rin ang punong tainga niya at pinagpapawisan ng malamig
habang nararamdaman niya ang mainit na hininga nito sa balat niya.

Saglit pa siya nitong tinitigan hangang sa maramdaman niyang humigpit ang


pagkakayakap nito sa kanya, unti unti rin nitong inilalapit ang mukha sa mukha
niya.

Oh my Gas! Anong gagawin ko?

Hindi siya impokrita para hindi niya aminin sa sarili niyang gusto rin niya ang
gagawin nito, alam niyang hahalikan siya nito pero may maliit na bahagi sa kanya na
sumisigaw na hindi maaari iyon.

Kung magpapahalik ka na naman sa kanya, iisipin niyang wala kang pinagkaiba sa


ibang babae niya, gaga! Hindi ka easy to get Joey...hindi!

Halos magdikit na ang mga labi nila nang pigilan niya ito, lumayo siya dito at wala
sa sariling hinampas ang dibdib nito.

"Hindi ako easy to get?" naisatinig niya ang nasa isip niya
Narinig niya ang pagpoprotesta nito, "Nah, All I want is your lips. Hindi mo pa ba
ako pagbibigyan?" pag angal nito

Kahit tila kinakalampag na kaldero ang puso niya ay nanatili siyang mahinahon.

"Anong tingin mo sa labi ko, pinamimigay?" nakataas ang isang kilay na sabi niya,
tumayo na siya ng tuluyan at lumayo dito.

Bumangon naman ito sa pagkakahiga.

"Pagkatapos mong haplusin ng libre ang katawan ko, pagdadamutan mo ako ng isang
halik? Ikaw kaya ang nasa kalagayan ko..ewan ko lang kung makakaya mo rin ang
salitang pagpipigil." Pagrereklamo pa rin nito

Natigilan naman siya, bakit ba hindi niya naisip ang resulta ng gagawin niya
kanina, lalaki nga pala ang kaharap niya at hindi basta bastang lalaki.

"Bakit ba kasi nandyan ka?" pag iiba niya ng usapan, nakita na niya ang pagtaas ng
isang sulok ng labi nito.

"You're guilty, sige na..isang kiss lang para tumigil na ako." Tudyo nito na
iniumang pa ang nguso sa kanya.

Itinaas naman niya ang isang kamay at inambaan ito ng suntok.

"Sige, itong kamao ko ang halikan mo." angil niya

"Tss, ang sungit." Anito na nahiga muli sa inilatag nitong kumot, sinulyapan nito
ang malaking litrato niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya naio-off ang
ilaw.

"I found your photo room as my perfect place to sleep tutal ayaw mo naman akong
patabihin sa kama mo." anito habang nakatingin pa rin sa litrato niya.

"Ano ka sinuswerte?" masungit na sabi niya, nginisian lang siya nito.

"Well, atleast nakatulog ako ng mahimbing dito habang nakatitig sa'kin ang future
ko." pagkuwan ay saad nito

"Ano? Anong sabi mo?" kunot noong tanong niya, hindi kasi niya naintindihan ang
sinabi nito.

"Ha? May sinabi ba ako?" maang na tanong nito, tila nawala sa sarili.

Naiiling na napapalatak siya.

"Ewan sa'yo, Hindi ka pa ba babangon?" pagkuwan ay tanong niya.

He grin at her, "Gusto ko pang namnamin yung mga haplos mo." anito, tumirik ang mga
mata niya.

"Manyak ka talaga!" aniya na tinalikuran ito

"Look who's talking! Ikaw kaya itong minanyak ako habang natutulog, mabuti na lang
mabilis akong maalimpungatan kung hindi, hindi ko mafi-feel ang mga haplos mo
sa'kin kanina." Tudyo nito, so gising na pala siya kanina pa...ang walanghiya
talaga!

Ayaw niyang humaba ang asaran na iyon dahil siya rin naman ang matatalo, nagsimula
na siyang maglakad palabas.

"Paki switch off na lang yung ilaw, aalis ako sandali." Aniya, naramdaman niya ang
pagbangon nito.

"Where are you going?"

"Maggo-grocery lang." aniya na hindi tumitingin sa lalaki.

Nakalabas na siya ng photo room ng maramdaman niya ang mabilis na pagtalima nito.

Naramdaman na lang niya na nasa harapan na niya ang binata, bitbit ang dalawang
unan at kumot habang magulo ang buhok, shocks! Ang gwapong bagong gising nito.

Lihim na nagbuga siya ng hangin, inilabas lang niya ang paghangang nabubuo na naman
sa loob niya bago nagsalita.

"Pwede ba, nakaharang ka sa daraanan ko." inis na sabi niya, ipinatong nito sa
lounge chair ang bitbit, tuloy bumungad sa kanya ang katawan nito na kanina lang ay
hinahaplos niya. oh tukso lumayo ka!

"Sasama ako." Anito, awtomatikong tumaas na naman ang isang kilay niya.

"Na ganyan ang hitsura?"

He gave her his brightest smile, "Eh ano? Kahit hindi ako maghilamos gwapo pa rin
ako." anito, she rolled her eyeballs.

"Umaatake na naman ang kayabangan mo, mister." Aniya

Kumilos ito at isinuot ang puting t-shirt na nakasampay sa balikat nito.

"Saan ka ba maggo-grocery?" tanong nito

"Tinanong mo na ba ako kung pumapayag akong sumama ka?" sarkastikong sabi niya

"Nah, ang aga aga..ang sungit mo." komento nito.

Inis na inirapan niya ito at naglakad na patungo sa back door.

"Aish! Ang sakit ng braso ko." narinig ni Joey na bulong ni Hunter


pagkasara nito ng pinto ni pink, ito kasi ang pinagdrive niya since nag volunteer
itong sumama sa pamimili niya. Nasa tapat na rin sila ng malaking grocery store.

"Bakit hindi mo na lang palitan ang sasakyan mo, ang tigas na ng manibela." Komento
nito

"Mahal ko si pink." Sagot niya, hindi na ito kumibo pa. "Diyan ka na lang, saglit
lang naman akong mamili." Aniya at nauna na siyang naglakad papasok sa loob ng
grocery store.

Nagulat naman siya nang agawin nito sa kanya ang push cart na hila hila na niya.

"Hindi ko pa nasusubukang mamili ng may kasamang babae." Nakangiting sabi nito, "I
think that was fun to do." Komento pa nito, hindi na siya nakapagreact pa nang
itulak na nito ang push cart.
Gaya ng inaasahan niya hindi naging madali para sa kanya ang mamili ng bibilhin
kahit pa may listahan siya, paano ba siya matatapos kung nakikipamili din ang
binata sa mga dapat niyang bilhin, napundi na siya sa kakulitan nito.

"Ano ba? Ang mahal nga sabi nun." Pikong untag niya na ibinalik ang isang balot ng
sibuyas kung saan iyon nakadisplay, doble kasi ang presyo niyon sa palengke,
subalit dinampot muli iyon ng binata at ibinalik sa push cart.

"Nandito na tayo di bilhin mo na ang mga dapat mong bilhin." anito na itinulak na
ang push cart at iniwanan siyang gigil na gigil.

Inis na sinundan niya ang binata na panay ang lagay sa push cart ng kung anu-anong
bagay na madampot nito. Natityak niyang kakapusin ang perang dala niya.

Tinulak niya ang binata at inagaw ang push cart, ibabalik niya ang mga bagay na
wala sa listahan niya. Masisira ang budget planning niya sa ginagawa nito.

"Hey, what are you doing?" kunot noong tanong nito nang isa isa niyang ibinabalik
ang mga hindi na niya kailangan at wala sa listahan niya.

"Can't you see, isinasauli itong pinagdadampot mo." inis na sabi niya

"Aish! Ang kulit mo naman, maraming kulang sa ref mo pati sa loob ng kusina mo kaya
kailangan bilhin na natin yun lahat." Anito na ibinabalik naman nito ang mga bagay
na pinaghirapan niyang isauli.

Inis na nahampas niya ito sa braso.

"Tigilan mo nga yan, sapat lang ang perang dala ko at hindi na kasama sa budget ko
ang mga gusto mong bilhin." Aniya na pinipigilan ang ginagawa nito.

Nagulat siya ng kunin nito ang dalawang kamay niya at mahigpit na hinawakan,
nakangiti itong nagsalita.

"Then I'll pay the excess expenses so don't worry honey." Anito, nanlaki rin ang
mga mata niya nang nakawan siya nito ng halik sa labi, it was a light kiss but it
gave her some kind of magic, natahimik tuloy siya sa ginawa nito at walang nagawa
kundi panoorin ang ginagawa nito.

Hindi naman niya sinasadyang marinig ang mag asawang dumaan sa likod niya.

"They were sweet, right hon? Ganyang ganyan tayo maglambingan noon diba?" may
kalakip na kilig pa ang tinig na iyon ng matandang babaeng may hila hila ng push
cart.

"Bakit ganyan pa rin naman tayo ngayon hindi ba?" sagot naman ng matandang lalaki.

Naririnig pa niya ang mga bungisngisan ng dalawang mag asawang papalayo at aaminin
niyang napakasarap sa pandinig niya ang sinabi ng mga ito, may kung anong saya
siyang naramdaman sa puso niya, tuloy nangibabaw na naman ang kilig na nararamdaman
niya kanina pa, pinipilit na nga niyang itanggi sa sarili niya iyon pero hayun at
nanaig ang puso niya.

biglang lumundag ang puso niya nang lingunin siya nito.

"Okay na to, mukhang kumpleto na." nakangiting sabi nito.

How she wish that the man was really belong to her, that he was the man she will
grow old with.
"Nagugutom na ako, kumain na muna tayo ha." Ani Hunter, itinigil ng
binata ang sasakyan sa tapat ng isang coffee shop, bumaba siya ng sasakyan, Maid
Café.

Alam niya ang café na iyon, kilala kasi iyon at madalas na napi-feature sa ilang
magazines na nababasa niya. The place were really beautiful, sa labas pa lang niyon
ay makikita na ang malinis na parking lot at magagandang fern plants na nakahalera,
may mini garden din sa gilid ng shop na may iba't ibang kulay ng mga bulalak na
nakakahalina talaga sa paningin ng titingin.

"Wow, mukhang magaling ang nakuha niyang landscape artist." Narinig niyang bulong
ni Hunter, tumingin ito sa kanya, "I love their cupcakes and breads." Anito

"So?" kunwa'y wala siyang pakealam sa sinabi nito pero ang totoo ay kinikilig siya,
sinasabi ba nito iyon sa kanya upang makilala niya ang ibang parte nito, ang mga
gusto at hindi nito gusto?

Nagkibit balikat ito, "Wala, sinabi ko lang." napapahiyang turan nito

Nang pumasok sila sa loob ng Maid café ay hindi niya napigilang umawang ang labi,
tila nakapasok siya sa libro ng alice and the wonderland, the color combination of
violet and pink of the wall paint were really alluring, the exact words that will
describe the place was pretty cute! Agaw pansin rin ang ilang costumes ng mga
staffs mapa lalaki o babae.

The female staffs wearing cute maid costumes while butler costumes for the male
staffs.

"Welcome to Maid café, masters!" they greeted them in unison.

Naupo sila ni Hunter sa pinakasulok ng coffee shop, nilapitan sila ng isang babaeng
staff at binigyan ng menu book.

"Anong gusto mo?" tanong nito sa kanya, tiningnan muna niya ang menu book na
binigay sa kanya, lahat naman ay mukhang masarap pero dahil hindi naman siya
nagugutom, umorder na lang siya ng cold chocolate at cheese breads.

"Ganon na rin sa'kin." Nakangiting sabi nito sa babaeng staff, takang tiningnan
naman niya ito.

"Gaya gaya lang ng order?" sarkastikong saad niya, ngumiti ito.

"Chocolate drink is enough to full my tummy." Anito, hindi na siya nagsalita pa.

Maya maya pa ay dumating na ang mga order nila subalit hindi na ang babae ang
nagdala niyon sa kanila, isang matangkad at gwapong lalaki.

"So it's really you." The tall man commented to Hunter, kaagad na sumigla ang
binata nang makita ang nakaitim na butler suit, may nakatakip na half mask sa mukha
nito kaya hindi niya ito mamukhaan, pero natitiyak niyang nakita na niya ang lalaki
sa kung saan.

"Hey! Dakilang butler ka na naman?" tudyo ni Hunter

"Nah, I love being a butler here in my fiancee's café." He said, saglit na sumulyap
ito sa kanya pagkuwan ay muling nagsalita. "Is there something wrong in my eyes or
I can really see a woman beside you? Wala akong natatandaang may isinama kang babae
dito sa maid café noon."

Sinulyapan siya ni Hunter, "Hindi naman babae to eh." Nakangising sabi nito, inis
na sinipa niya ang binti nito sa ilalim ng lamesa. "Ouch!"

Napansin niya ang malapad na pagkakangiti ng lalaki.

"Ow, I remember her, she's the evi-" hindi na nito natapos ang sasabihin nang
pigilin ito ni Hunter.

"Kai!" malakas na tawag nito sa pangalan ng lalaki na ikinatingin ng ibang


costumers, wala naman pakealam ang binata.

Kunot noong nagsalita siya, "What is that?" tanong niya na nakatingin sa binata,
tigas namang umiling si Hunter.

"Ah, wala yun." Sagot nito, "Yung orders namin." Anito sa binata, kakaibang ngiti
naman ang ibinigay ni Kai bago inihain ang mga inorder nilang pagkain.

####################################
CHAPTER TWENTY ONE
####################################

"I'll bring this for you." Hunter said with a smile in his face, palabas na sila ng
Maid café at dahil nagustuhan niya ang cheese breads na kinain niya ay nagtake out
pa siya ng ilan, hindi na siya nagreact pa ng kunin ng binata sa kamay niya ang
supot na dala niya. "I told you, this place was the best." Nakangiti pa rin wika
nito.

Hindi siya umimik, nagpatuloy lang siya sa paglalakad.

"That butler dude." Anito na tinuro ang matangkad na lalaki na nasa likod ng
counter habang may kausap sa telepono, iyon ang lalaking tinawag nitong Kai.

"That was Kaizer Aldena, the talented vocalist of the Flower Prince band, do you
know that band? The FP3?" patuloy na tanong nito.

"Hindi ako alien sa bansang pilipinas, malamang kilala ko ang sikat na bandang
yun." Sarkastikong sagot niya, nakapagtatakang hindi ito gumanti sa kanya ng pang
aasar, ngumiti lang ito ng malapad.

"You're really different, kung sa ibang babae lang baka nagtatatalon na sa kilig
ang mga iyon, ikaw parang dedma lang." nakangiting sabi nito, inirapan lang niya
ito.

She loves Flower Prince band, she loves their music, pero hindi naman siya iyong
tipong magpapakamatay para lang sa isang sikat na banda. Tama na ang pag appreciate
niya sa mga musikero.

"He is my friend, alam mo bang ako ang nagpangalan ng Flower Prince sa kanila noon,
with Sky and Einar. Sila ang trio prince namin sa club way back in our college
days." pagmamalaking saad nito.

"So?" aniya, umiling ito at nagpatuloy pa rin ito sa pagkukwento, "At alam mo bang
sikat sa university namin noon ang Flower Boys Host club, we were eleven members,
katulad sa host club na nakita mo, ganon lang din naman ang ginagawa namin noon, we
were entertaining them, chatting with them. Lahat ng funds ng host club ay
napupunta sa mabubuting bagay, we were sponsoring sports event in our school and we
also helping the other clubs in their some activities, minsan sa'min sila lumalapit
kapag nagkulang ang budget nila." Patuloy nito, alam niyang ang Flower Boys Host
Club na nasa Yashiro building ay isang charitable business pero hindi niya akalain
na nag umpisa pala iyon sa isang university club at noon pa man ay kabutihan na ang
ipinamamalas ng mga gwapong miyembro niyon, talagang humanga siya sa mga ito.

Aaminin niya sa sarili niyang humanga nga talaga siya kay Hunter, hindi niya
akalain na sa kabila ng pagkakakilala niya dito bilang isang babaero at mayabang at
bilib sa sarili ay may bahagi palang magugustuhan hindi lamang niya kundi ng ibang
tao.

Ganon pa man, nagtataka naman siya dito kung bakit nito iyon sinasabi sa kanya.

Nasa tapat na sila ng sasakyan nito ng tumigil ito sa kanya at tumingin sa kanya.

"Wala ka man lang bang reaksyon?" tanong nito.

You're so amazing Hunter! And I really really like you! Sigaw ng isang bahagi niya.

"Ano naman ang sasabihin ko? Anong gusto mong gawin ko?" tanong niya

Kitang kita niya ang disappointment sa mukha nito.

"Wala man lang bang feedback mula sa'yo?"

Pumapalakpak siya ng tatlong beses, "Bravo, you're club did something great. Ang
bait mo rin pala dahil diyan susulat ako sa gobyerno na igawa ka ng estatwa, o kaya
naman pwede rin akong sumulat sa santo papa para ipasa ka niyang santo." Komento
niya, "And we will call you saint Hunter." Aniya

Lalong sumama ang mukha nito, "Ibang klase ka talaga, hindi ka man lang ba humanga
sa sinabi ko, totoo ang mga yun hindi yun kayabangan lang at ikaw pa lang ang nag
iisang babaeng pinagsabihan ko ng tungkol sa college days ko." nakasimangot na sabi
nito.

Totoong kinilig si Joey sa sinabi ng lalaki subalit sa kabila niyon ay nangamba


siyang baka pinasasakay lang siya ng binata, babaero ito at talento na nito ang
magpaibig ng babae sa kahit na anong paraan.

"Hindi naman ako interesado." Aniya na tinalikuran ito, hindi naman niya nakita ang
dismayadong reaksyon nito.

"Tss, kailan ka ba naging interesado sa'kin?" angal nito, sinulyapan niya ito.
"Pero alam mo bang I hate bloods? Gross! Ayoko ng amoy ng dugo, ayoko din ng
nadudumihan, gusto ko malinis palagi, sa bahay ko, sa katawan ko at sa kapaligiran
ko. Hindi lang ako makapagreklamo sa gobyerno kung bakit hindi nila magawan ng
paraan ang mga kalat sa daan." Nakangiwing sabi nito, iningusan niya ito.

"Di sana nagvolunteer kang metro aid, ayaw mo naman pala ng madumi, linisin mo ang
buong Pilipinas, eh di nakatulong ka pa sa bansa." Sarkastikong sabi nito,
dismayadong napaungol ito.
"Ayoko rin napapagod, kaya nga nagmodelo ako, kung mapapagod ako sa ibang bagay."
May ngisi sa mga labi nito, inis na nabatukan niya ito, napikon na siya ng tuluyan
dito.

Ganon na lamang ang pagsimangot nito, "Sadista ka talaga, ang sakit non." Reklamo
nito habang himas ang batok

"Bastos ka kasi."

"Nagsasabi lang ako ng totoo." Katwiran naman nito, matalim na inirapan lang niya
ito

"Buksan mo na nga yung sasakyan para makapasok na ako." Sita niya dito,
nakasimangot na kumilos ito.

"Oo na." sagot nito, saglit pa nitong kinapa ang bulsa pagkuwan ay natigilan.

"Oh bakit?" takang tanong niya

"Naiwan ko yata sa lamesa yung car keys." Anito, "Wait a sec, I'll get it."

Tumalikod na ito at akmang maglalakad pabalik sa coffee shop nang bigla na lamang
itong napaharap at napamura ng mahina.

"Shit!"

Nagusot naman ang noo niya sa pagtataka, "Bakit? Anong problema mo?" tanong niya

Naglakad ito palapit sa kanya, "Si Faye, si Faye naglalakad palapit dito." Anito

Sinulyapan naman niya ang dalawang babae na naglalakad, they were beautiful, they
were sexy and classy, halatang nabibilang ang mga ito sa mga alta sociadad.

"Help me to hide, Joey." Narinig niyang sabi nito

"Bakit ko naman gagawin yun?"

Hayan na nga ba sinasabi ko, ngayon pa lang nakikilala mo na kung sino ang mga
babae niya, sasakit lang ang ulo mo Joey kapag hinayaan mo pang lumaki ang
nararamdaman mo sa kanya.

"That was Faye." Anito

"So? Isa ba sa mga babae mo? Bakit hindi mo harapin? Siguro may atraso ka sa kanya
no? tsk, ibang klase talaga kayong mga babaero pagkatapos ninyong
pakinabangan..tataguan na lang ninyo." Inis na sabi niya, "I'll call her para naman
magtino ka." Anito, naisip niya ang kalagayan din niya noon, madalas din siyang
pagtaguan ni Lance noon at alam niya kung gaano kasakit ang sitwasyon na iyon.

Nakita niyang palapit na ang dalawang babae, may pagbabanta sa mga mata ni Hunter
nang ngisian niya ito.

"I'll call her." pananakot niya sa lalaki

"Don't dare." Anito

"Why not?"
"Dahil katapusan ko na kapag ginawa mo yan."

Naisip niyang baka malaki nga atraso nito sa babae.

"Really? So I should really call her."

Tumingin siya sa babae at bubuka pa lang sana ang bibig niya upang tawagin ito nang
bigla na lamang siyang hilahin ni Hunter, sinelyuhan nito ang bibig niya ng mga
halik nito upang hindi siya makapagsalita.

Bigla ay may tila nagrambulan na naman sa loob niya, her heart triplicated in time,
sa sobrang bilis niyon ay nanghina ang mga tuhod niya dahilan upang mapahawak ang
dalawa niyang kamay sa dalawang braso nito, tuloy akala nito ay nagustuhan niya ang
halik na iyon kaya lalo siyang hinapit ng binata at mas lumalim ang mga halik nito.

Ewan din niya sa sarili niya kung bakit natagpuan niya ang sarili niyang tumutugon
din sa mga halik nito, mapanukso kasi ang mga labi niya, tila may malakas yatang
kapangyarihan ang mga labi nito upang hindi niya iyon tugunin, mapag anyaya din ang
mabangong hininga nito kaya lalong nawala siya sa huwisyo.

Kahit na nakalagpas na ang dalawang babae sa likuran nila na saglit na napatingin


lang sa kanila ay hindi pa rin niya itinigil ang halik na iyon, parang gusto pa
niyang namnamin ang matamis na labi ng binata. Sana forever na sila sa ganong
posisyon.

Pero dahil fake naman talaga si Poreber ay natigil ang halikang iyon.

"Aherm..excuse me." isang boses ng lalaki

Mabilis naman na itinulak ni Joey si Hunter na wala pa yatang balak na tantanan ang
mga labi niya.

Nakita niya ang maaliwalas na mukha ni Kaizer, wala na ang half mask na suot nito
kaya nakita niya ng malapitan kung gaano kagwapo ang sikat na vocalist ng FP3.

Hindi naman nalingid sa kanya ang masamang tinging ipinungol ni Hunter sa kaibigan.

"Hey, akala ko ako lang ang may sakit na malilimutin ng susi, ikaw din pala." Ani
Kaizer na hindi pinansin ang nakamamatay na tingin ng kaibigan, "Here's your keys,
naiwan mo sa lamesa." Anito na ibinigay ang susi ng sasakyan.

"Tss, I'm about to go inside to get my keys, hindi ka na dapat nagmagandang loob."
Nakasimangot na sabi ni Hunter, tinawanan lang ito ni Kaizer.

"Sige na, aalis na ako, continue what you are doing." nakangising pakli nito na
tinapik pa sa balikat ang kaibigan, nahiya naman siya nang sulyapan pa siya ng
lalaki bago tumalikod at naglakad palayo.

"Continuation?" Hunter said while looking at her, lalo siyang pinamulahan sa


pagkapahiya, tinalikuran niya ang lalaki at doon lang nagsalita.

"Just open the car door." Aniya.

Narinig naman niya ang pagbuga nito ng hangin.

"Okay."
"Batangas! Here we come!" narinig niyang bulalas ni Hunter nang makasakay sa
sasakyan nito, inis na ikinabit niya ang seatbelt.

"Hey, nakasimangot ka na naman?" tanong nito nang sulyapan siya, hindi naman niya
ito inimikan, kahapon pa siya hindi matahimik dahil pakiramdam niya ay torture ang
bawat minutong kasama niya ang binata, paano ay hindi na yata tumitigil sa malakas
na pagtibok iyon, baka kapag tumagal ay magkaroon na siya ng sakit sa puso.

"Hindi mo pa rin ako pinapansin? Ano bang problema?" tanong pa nito, hindi pa rin
siya nagsalita.

Natatakot kasi siyang kapag kinausap niya ito ay lalo lang lumalim ang nadarama
niya para dito, don't tell me?!

Oo na..oo na! May gusto na nga talaga ako sa kanya, wala ng duda pa.

"Kung nagagalit ka dahil sa ginawa ko kahapon, sorry na. Kailangan kong patahimikin
ka dahil kapag nakita ako ni Faye, sigurado akong hindi na niya ako tatantanan pa
ulit." Anito, doon niya nagawang magsalita, ewan niya pero naiinis siya.

"Bakit mo nga ba tinataguan ang babaeng yun? Nagsawa ka rin ba sa kanya, ginamit mo
lang rin ba siya tulad ng..." hindi naman niya tinapos ang sasabihin dahil nakita
niya ang pagkawala ng mood nito.

"Ginawa sa'yo nang Lance na yun?" tiim bagang na sabi nito, hindi siya umimik.
"Hindi ako katulad niya, hindi ko kailanman nagawang gumamit ng tao para sa
pansariling kaligayahan, para sumikat." Madilim ang anyong sabi nito

"Yeah, I have many girlfriends in my past, pero kahit kailan hindi ko sila pinilit
na makipag relasyon sa'kin, Si Faye? Wala akong atraso sa kanya, kailangan ko
siyang pagtaguan dahil sira ang tuktok ng babaeng iyon." paliwanag nito.

She looked at him straight in his eyes, gusto niyang malaman kung nagsasabi ba ito
ng totoo.

"Maniwala ka, may hangin ang utak ng babaeng iyon atsaka wala namang nangyari sa
'min." anito

"Wala akong pakealam kung may nangyari sa inyo, gaya ng sabi ko hindi ako
interesado sa buhay mo." aniya na iningusan ang lalaki.

"Yeah, I know."

Pakiwari niya ay malungkot ang boses nito, hindi rin siya nakikipagbatuhan ng
asaran? Ni hindi ko nga siya nahimigan ng pagyayabang ngayong araw eh.. anong
nangyayari? May lagnat yata ito.

O baka may iba pang dahilan?

Sinulyapan niya ang binata, tumalon yata ang puso niya nang makita niyang matiim
itong nakatingin sa kanya.

"May problema ka?" tanong niya dito, umiling ito pagkuwan ay pinastart na ang
sasakyan.

"Wala, nakasimangot ka pa rin kasi." Sita nito

"Kailangan ba kasi talagang kasabay pa kita? At dito pa ako sa sasakyan mo


sasakay?" malamig ang tonong wika niya, mas maganda na ang ganon kaysa tuluyan na
siyang mahulog sa binata at natatakot na talaga siyang masaktan pa.

Oo, ngayon ay kinikilig siya at natutuwa pero paano na siya kapag nagsawa sa kanya
ang binata gaya ng mga babaeng dumaan sa buhay nito?

Narinig niya ang pagpalatak nito.

"Nah, mas mabilis kung si precious ang gagamitin natin." Anito na nasa pagmamaneho
ang atensyon.

"Sinong precious?" takang tanong niya

"Si precious, itong black porshe ko." sagot nito, she lifted her left eyebrow.

"At may pangalan na rin pala ang sasakyan mo?"

Sumulyap ito sa kanya, this time ay nakangiti na ito.

"I find it cool, paminsan minsan gusto kong magpaka weird." Anito sabay tawa,
iningusan lang niya ito.

Ilang oras lang ay narating na nila ang Batangas, the beach was too beautiful, ang
malawak na karagatan at malamig na hangin ang sumalubong sa kanya nang bumaba siya
ng sasakyan.

"Beautiful." bulalas niya

"Yeah, beautiful." Segunda ni Hunter sa tabi niya, nang sulyapan niya ito ay
nakatingin ito sa kanya, bigla na namang tumahip ang dibdib niya.

Eksakto lang kaya na nagkatinginan sila o nakatingin na talaga ito sa kanya kanina
pa?

No, ayoko mag assume...siya ang unang nagbaba ng tingin.

Binitbit niya ang dala niyang bag at hinanap na lang ang kaibigang si Pepsi.

####################################
CHAPTER TWENTY TWO
####################################

Mula sa likod ng camera ay pinagmasdan ni Joey ang gwapong mukha ni Hunter habang
seryoso itong nakapose sa batuhang bahagi ng beach, kasama nito si Aira na
nakayakap sa matipunong katawan nito.

Kitang kita niyang tuwang tuwa ang babae sa posisyon ng dalawa, hindi pa nagtatagal
ay mabilis na kinunan niya ang mga ito, gustong gusto na niyang paghiwalayin ang
dalawa kahit na nakakaisang shot pa lang siya sa pose na iyon, na usually ay
umaabot ng apat na shots para may mapagpilian siya.

"Next pose!" iritadong wika niya, obvious naman ang pagkadismaya ni Aira dahil
pinaghiwalay kaagad niya ang mga ito.
Sumunod naman kaagad si Hunter na nag iba ng posisyon subalit ang nakakairitang
babae ay animo linta kung makadikit sa binata.

"Stop, stop!" inis na sabi niya, maang na napatingin naman sa kanya ang mga ito.

"May problema ba Joey?" tanong ni Pepsi

Inis na nagbuntong hininga siya, paano ba niya sasabihin sa kaibigan na naiinis


siya sa nakikita niya, na gusto niyang paghiwalayin ang dalawa, na mailayo si
Hunter sa babaeng linta.

"Hindi lang siguro maganda ang mood ko." aniya.

Hindi niya sinasadyang mapasulyap sa lalaki na kanina pa rin nakatayo sa di


kalayuan sa kanya, kanina pa rin ito nakatingin sa kanya na ikinaiirita rin niya.

"Okay sige, break muna. Kanina pa rin naman tayo nagsho-shoot." Ani Pepsi,
"Magpahinga ka muna Joey." Anito sa kanya, tumango siya sa kaibigan.

"Thanks." Aniya

Niligpit niya ang mga gamit niya, isinisilid na niya sa bag niya ang camera niya
nang maramdaman niya ang paglapit ni Hunter sa kanya.

"Are you okay Joey?" tanong nito, saglit na sinulyapan niya ang binata, gaya nang
palaging nangyayari ay tumahip na naman ang puso niya, ngayon nasa kanya na uli ang
atensyon ng binata.

Iyon naman talaga ang gusto mo diba Joey? Kaya ka nagkakaganyan.

"Hindi ko alam, pakiwari ko mabigat ang pakiramdam ko." aniya, para siyang
sinilaban nang maramdaman niya ang mainit na palad ni Hunter sa balat niya, sinalat
nito ang noo niya para itsek ang body temperature niya.

"Medyo mainit ka nga." Komento nito, paanong iinit? Nandyan ka sa tabi ko.

Sabay silang napatingin sa likuran nila nang magsalita si Aira.

"Babe, mukhang wala ka rin sa sarili mo. Okay ka lang ba?" tanong nito kay Lance,
nakita pa nilang tumingin ang lalaki sa gawi nila.

"Okay lang ako." Sagot nito pagkuwan ay tumalikod na at naglakad palayo roon.

Naramdaman niyang lumayo sa kanya si Hunter.

"So, affected ka pa rin sa kanya hanggang ngayon?" bigla ay untag ng binata, kunot
noong napatingin naman siya dito.

"Ha?"

"Alam ko naman na hindi ka pa rin makamove on sa kanya hindi ba?" anito, he looks
jealous. Really? Napatunayan mo ba yan?

Hindi pero nakikita ko sa ginagawa niya...

"Hunter, please..ayokong pag usapan ang bagay na iyan ngayon." Aniya

Hindi rin nga niya sigurado pa kung totoong nagseselos ito, baka kasi parte pa rin
iyon ng ugali nito bilang isang babaero. Baka pinasasakay lang siya nito upang
tuluyan na siyang maakit dito at mapabilang siya sa mga babae nito.

At iyon ang ikinatatakot niya, hindi na siguro niya kakayanin pa kung maiinlove
ulit siya sa isa pang babaero.

Hindi na niya ito pinigilan ng iwanan siya nito at maglakad ito papalayo sa kanya.

Nagbuntong hininga na lamang siya, pero bakit nalulungkot ako ngayon? Gusto ko na
nga talaga siya...

"Hindi ko alam na narito rin pala kayo." ani Hunter sa mga kaibigan nang makapasok
siya sa malawak na resort house, hindi iyon kalayuan sa beach house na inookupahan
ng mga kasama niya sa project.

Nagpapahinga siya sa silid niya nang tawagan siya ni Yuan.

"Nagyaya lang itong sina Trevor at Sky." Sagot ni Yuan na nakaupo sa narra chair,
nasa terrace sila sa ikalawang palapag ng beach house na iyon.

"Namimiss ka namin eh." Nakangising sabi ni Trevor na nilapitan siya at tinapik ang
balikat niya, natawa naman siya sa sinabi nito.

"Busy kasi sa project." Sagot niya

Sinulyapan niya ang binatang kanina pa nakangisi ng dumating siya.

"Ganyan ba kasaya pagkatapos ng honeymoon?" tudyo niya kay Einar na siniko pa ito
sa tagiliran, masaya siyang makita ang binata pagkatapos nitong mawala ng ilang
linggo.

"Of course! Lalo na at pinakamamahal mong babae ang kasama mo araw araw, every
minute of the day wala akong gustong gawin kundi makasama ang asawa ko." may
ningning sa mga mata nitong sagot, hindi naman siya sumagot, may bigla kasi siyang
naramdamang kakaiba sa puso niya, tila ba nainggit siya sa kasiyahang nakikita niya
sa kaibigan, parang gusto rin niyang maramdaman ang nararamdaman nito ng mga
sandaling iyon.

But Einar belongs to the regular boys club Hunter?!

Pinalis niya ang nararamdaman, hindi siya kailanman mapapabilang sa club na iyon.

Naglakad siya sa mahabang bench chair at tumabi kina Tanner at Jared, inabutan
naman siya ni Reed ng isang beer in can, inabot naman niya iyon.

"Thanks." Aniya

"Mukhang wala ka sa sarili mo Hunter." Komento ni Reed pagkatapos nitong iabot sa


kanya ang beer in can.

"Nakakapagod lang ang ginawa kanina sa photoshoot." Sagot niya, ang totoo ay hindi
naman talaga siya napagod. Hindi lang niya matiyak sa sarili kung bakit wala siya
sa mood simula pa kanina.

Napansin niya ang katabi niyang si Tanner at ang hawak nitong maliit na bagay,
kahit hindi pa siya nakakahawak niyon ay nahulaan na kaagad niya kung anong laman
niyon.
"Hey Tan, ano yang hawak mo?" tanong niya sa kaibigan kahit alam naman niya iyon,
sa binata naman natutok ang atensyon ng lahat.

"Ah, this?" itinaas pa nito ang kulay dilaw na kahita.

"Yeah, singsing ang laman niyan no?" aniya

"Hindi, sasakyan ang laman nito." sarkastiko pang sagot nito, napangiwi naman siya,
hindi ito palabirong tao, bukod kina Yuan at Vash, si Tanner ang isa sa mga
seryosong tao sa grupo nila, suplado kung tawagin ito ng mga kakilala nila dahil
hindi ito magsasalita kung hindi ito kakausapin, magsasalita lamang ito kung
interesado ito sa paksang pag uusapan.

Pero malakas din ang dating nito sa ibang babae, marami itong tagahanga noon sa
university nila, well hanggang ngayon naman mas dumoble nga ang bilang ng mga
babaeng nagkakagusto rito dahil na rin siguro sa talent nito.

Tanner is a well known Painter, nakikilala na ito sa ibang bansa. Malimit itong
magkaroon ng painting event sa loob at maging sa labas ng bansa.

Kung wala ito host club, nasa isang tahimik na silid lang ito habang nagpipinta,
buhay na nito ang canvas, pintura at brush.

Tinawanan naman ito ng mga kaibigan nila.

"Hindi ka kalbo Tan para magpatawa." Natatawang komento ni Kaizer

"Ano nga bang laman niyan." Sabad naman ni Xien

"Isa pa tong ignorante, naturingang may girlfriend na." pang aasar niya, naiwasan
niya ang ilang cube ice na lumipad patungo sa kanya.

"Shut up!" inis na sabi ni Xien, tinawanan lang niya ito.

Nawawala talaga ang pagod niya kapag kasama niya ang mga kaibigan niya.

"Oo na, singsing na nga ang laman ng maliit na box na hawak ni Tanner." Ani Vash,
"Ang tanong bakit may hawak na engagement ring box si Tanner?" anito

"Baka imo-model niya sa susunod niyang painting." Komento ni Trevor

"Tss, hindi ko na kailangan ng imahe ng isang engagement ring kahit nakapipikit ako
kaya kong ipinta iyon." Ani Tanner

"Baka naman pinabili ng kapatid niya." komento naman ni Sky

"My younger brother was only sixteen years old atsaka nasa amerika siya kasama ng
parents ko kaya malabong pinabili ito ng kapatid kong under age." sagot ni Tanner

"Ah, baka naman pinabili ng mga kaibigan niya." panghuhula niya

Pumalatak si Tanner, "You're the only friends I have." Anito

"Nagpapakahirap kayong manghula, itanong ninyo na lang kay Tanner kung para kanino
ang singsing na iyon." naiiling na komento ni Yuan

"Kanino nga ba iyan Tan?" tanong ni Reed

Nakita nila ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ni Tanner.


"Sa girlfriend ko." kaswal na sagot nito, ganon na lamang ang mga reaksyon nila.

"Girlfriend?!" sabay sabay na tanong nila

"May girlfriend ka?" gulat na tanong niya sa kaibigan, sumimangot naman ito.

"Of course! I'm a man, alangan naman na boyfriend ang meron ako." Dismayadong sagot
nito.

"What I mean, kailan ka pa nagkagirlfriend?" aniya

"A couple months ago, six months na kami na susunod na buwan at doon ako
magpopropose sa kanya ng kasal bago ako pumunta sa America para sa painting event
ko doon." Sagot nito

"Bakit hindi man lang namin nabalitaang in love ka o nanligaw ka sa babae." Hindi
pa ring makapaniwalang sabi niya, hindi ito sumagot, ngumit lang ito.

Kahit kailan ay malihim ang binata.

"Kailan ba naging visible si Tanner sa feelings niya? Noong college tayo mayroon
pala siyang crush sa isang intern teacher at hindi pa natin malalaman kung hindi pa
niya binigyan ng flowers noong matapos ang training ni Ms. Jana." Komento ni Einar.

"Yeah, hindi ko nga alam na may puso rin pala ang bato niyang puso." Natatawang
komento niya, naramdaman niya ang pagsiko nito sa kanya.

"Loko ka." Anito

"Napaka masikreto mo, magshare ka naman ng lihim minsan." Pagkuwan ay sita niya sa
kaibigan, ngumiti lang ito sa kanya, naiiling na ininom na lang niya ang beer na
hawak niya.

"Kamusta naman ang love life mo Hunter?" maya maya ay tanong ni Vash

"Love life? You mean, yung mga fling relationships ko?" pagtatama niya sa tanong ng
kaibigan, naiiling na sumagot ito

"Oo, yun na nga." Ani Vash

"Nah, busy nga ako sa project kaya wala akong panahon ngayon doon." Sagot niya na
kumuha ulit ng isa pang beer in can sa cooler, hindi nalingid sa kanyang paningin
ang kakaibang tinginan ng mga ito.

"You mean, wala kang babae ng ilang linggong lumipas?" hindi makapaniwalang tanong
ni Trevor. Kaswal na tumango siya.

"Yeah. As I've said, busy ako. Wala akong panahon."

"Kailan ka pa nawalan ng panahon sa mga babae?" komento naman ni Jared sa tabi niya

"Oo nga, nakakapanibago ka." Segunda ni Tanner

"Big deal ba ang bagay na iyon?" tanong niya

"Oo!" halos sabay sabay na sagot ng mga ito, napangiwi siya

"Mas mahalaga lang sa'kin ngayon ang trabaho ko." depensa niya sa sarili
"Baka sabihin mo mahalaga na sa'yo ang photographer mo." tudyo ni Kaizer,
sinulyapan niya ito at kitang kita niya ang nakakalokong mga ngiti nito.

Naiiling na napangiti siya, "Hindi ah." Sagot niya

His friends looked at each other with disbelieve in their faces.

Nawala ang mga ngiti niya, "Anong problema?" kunot noong tanong niya.

"Yung mukha mo...." turo pa ni Einar sa mukha niya, lalong nagusot ang mukha niya.

"Oo, gwapo talaga ako." Aniya, umiling naman ito. "Anong problema sa mukha ko?"

"Mukhang inlove na." sabay na saad nina Kaizer at Sky.

Napamaang siya, "Kalokohan..." sagot niya

Napatayo siya at tumapat sa hamba ng terrace.

"Kung wala kayong sasabihing maganda, h'wag ninyo nang ituloy." Pagbabanta niya sa
mga kaibigan niya, hindi naman nagsalita ang mga ito pero kitang kita niya ang mga
nakakalokong tingin ng mga ito.

Shit! This is all shit!

Nasa labas si Joey habang nakaupo siya sa balustre ng bahay, hawak niya
ang camera niya at nililibang ang sarili sa pagtingin ng mga litrato na kinunan
niya kanina, bukod sa mga modelo niya ay kinunan din niya ang ganda ng lugar na
iyon.

Napapangiti pa siya habang pinagmamasdan ang napakagandang dagat, animo may


nagkalat na kristal sa pagningning ng dagat.

Napakunot noo siya nang may mahagip ang mga mata niya sa litratong iyon, isang
maliit na bulto ang nahagip ng camera niya kanina.

Zinoom niya ang litrato upang mas lalo niyang mapagmasdan ang malabong bultong
iyon.

Ewan ba niya pero kusa yatang tumibok ang puso niya nang maging pamilyar sa kanya
ang bulto ng isang lalaki, kahit na malabo iyon ay hindi siya maaaring magkamali,
sa tindig pa lang ng lalaki sa litrato alam niyang si Hunter iyon.

The man was looking at her direction while handling his cellphone, seems taking
pictures too. Ang ipinagtataka lang niya ay kung bakit sa direksyon niya nakatutok
ang cellphone nito?

Gaga! Sigurado ka bang kinukunan ka nga niya ng litrato? Assumerang babae


ka...malay mo naman na nagte-text lang siya at walang signal kaya nakataas ang
cellphone niya at nagkataon lang na sa direksyon mo siya napatapat...

Kuu! Talaga namang assumera ka Joey!

Napabuntong hininga na lamang siya, siguro nga...atsaka imposible ngang kunan siya
nito ng litrato...bakit niya ako kukunan diba?
Kaya nga...feeling mo kasi maganda ka...malabong magkagusto sa'yo ang tulad
niya..kung magkakagusto man siya sa'yo..pwes, lolokohin ka lang niya...katulad ni
Lance..ibibilang ka lang niya sa listahan ng mga babae niya...gusto mo ba yun?

"Of course not!" aniya sa sarili, para siyang baliw na kinakausap ang sarili.

Tumigil ka na nga Joey, it's nonsense...h'wag mo nang isipin pa si Hunter dahil


sasakit lang ang ulo mo.

Eksaktong ipinilig niya ang ulo nang may magsalita mula sa dilim.

####################################
CHAPTER TWENTY THREE
####################################

"Seems you can't sleep." A voice of a man behind the coconut tree, nang sulyapan
niya ay lumabas roon ang isang matangkad na lalaki. Gusto sana niyang pumasok nang
makitang papalapit ito sa kanya subalit pinigilan niya ang sarili niya, kahit
papaano ay ayaw niyang mambastos ng tao.

"Hi, Joey." Nakangiting bati nito sa kanya, nakatayo na ito sa tapat niya.

Gusto sana niya itong barahin subalit muling napigilan niya ang sarili niya.

"Hi." Maikling bati niya.

Lumapit pa ito at naupo sa tabi niya.

"Is it okay?" he asked her permission, tumango lang siya.

Kung sakali mang ulitin nito ang nangyari noon sa parking lot ng Flower Boys Host
Club, hindi na siya magdadalawang isip na bigyan ito ng isang malupit na upper cut.

"You're busy looking at your camera again?" nakangiting sabi nito, sinulyapan niya
ito at pinag aaralan kung anong pakay nito sa kanya.

"Yes, this is my happiness." Sagot niya

"It's good to hear, masaya ka na ulit." Anito, nangunot ang noo niya.

Is he up to something?

Saglit itong natigilan pagkuwan ay nagsalita, "I'm sorry, hindi ko gustong i-


brought up ang nakaraan. I'm just happy to see you like this Joey." Anito, nakita
niyang seryoso na ito sa pagkakataong iyon.

Hindi siya umimik kaya nagpatuloy ito.


"Look, alam kong malaki ang atraso ko noon sa'yo, sana mapatawad mo ako Joey."
Paghingi nito ng tawad sa kanya, nakakapagtaka namang biglang nawala ang lahat ng
galit niya sa lalaki noon, ang mga gusto niyang isumbat dito ay naglaho na rin.

Wala tuloy siyang nasabi, nakatitig lang siya sa lalaki habang patuloy itong
nagsasalita.

"You're such an amazing woman and I'm an idiot to do such thing, I'm really sorry.
Hindi mo dapat naranasan ang ganong bagay sa unang pag ibig mo, yeah, inaamin ko na
ang kasalanan ko." patuloy nito, nagulat siya nang hawakan nito ang isang kamay
niya.

"Masaya ako na nakakausap kita ng ganito ngayon, hindi ko hinihiling na


makipagbalikan sa'yo pero sana maging magkaibigan man lang tayo Joey." Anito, nasa
mga mata nito ang sinseridad.

At kilala niya ang sarili niya, hindi naman siya nagtatanim ng galit ng matagal
lalo na at nakahingi na ng tawad sa kanya, ngayong nagsisisi na si Lance sa mga
nagawa nitong kasalanan sa kanya ay sapat na sa kanya iyon tutal naman ay wala na
rin naman siyang nadaramang kahit na anong galit dito. Ewan niya kung anong
nangyari sa galit niya at nagback out na lang bigla basta ang alam niya ay masaya
siyang okay na ang lahat sa pagitan nila ni Lance.

Hindi na rin niya pinangarap na makipagbalikan pa dito, wala na siyang nararamdaman


para sa binata.

Oh yes, because there's someone who you really love..you love Hunter...you're in
danger again Joey, falling in love with a playboy again will ruin your life again
like what your ex did.

"No!" bigla ay nasabi niya, nagulat naman ang lalaki sa sinabi niya.

"Joey?"

Lihim na nakurot niya ang sarili, kung bakit kasi may kausap siya ay nagagawa pa
rin niyang isipin si Hunter.

"I'm sorry, what I mean..yes, apology accepted." Aniya, may sumilay na ngiti sa mga
labi nito.

"Really? Napatawad mo na ako?" hindi makapaniwalang tanong nito, tumango lang siya.

Nagulat siya nang bigla na lamang siyang yakapin nito.

"Thanks Joey." Anito, "Friends?" pagkuwan ay sabi nito.

"Friends." aniya

I'm not going to be a regular guy...never! Paulit ulit na isinisiksik


ni Hunter ang salitang iyon sa utak niya habang sunod sunod na nilaklak niya ang
panghuling beer in can na nainom niya, pakiwari niya ay umikot ang paningin niya
pero nanatiling nakahawak siya sa hamba ng terrace.

Iyon ang kinatatakutan niyang bagay, being a regular guy would be a burden to his
life. Malaking problema iyon at big deal iyon para sa kanya.
"Hunter, tama na yan...lasing ka na." narinig niyang wika ni Jared sa tabi niya,
pilit nitong inaagaw sa kanya ang hawak niyang beer na inagaw pa niya kay Xien
kanina, pinagkakaisahan siya ng mga ito kanina at hindi naman siya magpapatalo.

"H-hi..hindi nga a-ako lashing.." saad niya, nakasampung beer in can na siya, isama
pa ang nakita niyang hard drinks na nasa bag ni Einar nang pagtripan niyang
halukayin ang laman niyon, nilaklak niya iyon na mag isa. Umeepekto na ang mga
nainom niya pero naririnig pa niya ang mga sinasabi ng mga kaibigan niya.

"Anong hindi? Lasing ka na." ani Trevor

"Hik..hindi nga shabee.." sagot niya, naramdaman niya ang pagbaliktad nang sikmura
niya, narinig na lang niya ang sabay sabay na bulalas ng mga ito.

"Gross!" nakangiwing sabi ng mga ito nang sumuka siya sa harap ng mga ito.

Mula sa di kalayuan ay nakarinig siya ng matitinis na tawanan ng mga babae, kahit


lasing ay malinaw pa ang mga mata niya, he saw five beautiful women wearing two
piece swim suit.

Hinubad niya ang damit niya at pinunas sa mukha niya, sinulyapan niya si Trevor.

"Hey, ibigay mo na sa'kin yung pusta ninyo dahil ako ang mananalo sa larong ito."
Nakangising sabi niya.

Nakita pa niyang nagkatinginan ang mga ito nang maglakad siya pababa nang terrace,
kahit hindi na tuwid ang paglalakad niya ay pinilit pa rin niyang makarating sa mga
babaeng iyon.

"Hi girls!" may ngiti sa mga labing bati niya sa mga ito

"Oh my God! It's Hunter.." narinig niyang impit na bulungan nang mga ito.

Lalong lumapad ang pagkakangiti niya nang kusang lumapit ang mga ito, mula sa
kinatatayuan niya ay sinulyapan niya ang mga kaibigan niya na nasa terrace pa rin
ng resort house habang nakatingin sa kanya.

Kinawayan niya ang mga ito, "Hey guys! Wanna join us?" nakangising sabi niya sa mga
ito, naiiling lang ang mga ito hanggang sa yayain siya ng mga babae na pumunta sa
beach party na nagaganap sa di kalayuan.

Habang papalapit na sila sa beach party ay nakakapagtakang wala man lang siyang
nadaramang excitement, ewan niya pero parang nawala ang amor niya sa mga nakikitang
bagay na dati naman ay humaling na humaling siya.

Kasama niyang naupo ang mga ito sa isang sulok ng party na iyon, niyaya siya na
magsayaw subalit tumanggi siya dahil bukod sa nahihilo na siya ay wala talaga
siyang gana. Naiwan ang babaeng nagpakilalang Tiffany.

"Sure ka ayaw mong magsayaw?" tanong nito sa kanya, umiling siya.

"Yeah." Tipid na sagot niya, pinagmasdan niya ang babae, she's beautiful at sa
tingin niya ay ito rin ang pinakamaganda sa mga kasama nito kanina pero hanggang
doon lang yata ang paghanga niya, wala man lang siyang nadaramang kakaiba para
dito.

"Okay, anyway mas maganda ngang naiwan tayong dalawa rito." Mapanuksong ngiting
saad nito, naramdaman niya ang paglapit nito sa kanya.
Hindi na siya nakaiwas ng hulihin nito ang mukha niya at kusang hinalikan ang mga
labi niya.

"Nagbago na rin naman ako Joey." Ani Lance, natagpuan ni Joey na


nakikipagkwentuhan na siya sa lalaki.

"That's good to hear too Lance, sana nga si Aira na ang makatuluyan mo." komento
niya, nakangiting tumango ito.

"Yeah, I'm planning to marry her soon." Anito, saglit siyang natigilan at tinitigan
ito.

Nakita niya ang masayang mukha ng binata, totoong masaya siya para dito.

Mukhang nagbago na ang binata, ibig sabihin ay may tsansa na magbago ang mga
katulad nitong babaero. Nakahanap na ito ng babaeng totoong mamahalin nito at
gustong makasama habang buhay.

So it means Hunter could change too?

May sumilay na ngiti sa mga labi niya nang maisip niya ang bagay na iyon.

Nawala ang mga ngiti sa labi ni Lance pagkuwan ay nagsalita.

"Mukhang may iba kang iniisip.." sita nito

"Ah, I'm sorry."

"Alam kong may iba kang iniisip kapag ganyan ang hitsura mo." anito

Mukhang kilala pa rin siya nito.

"Ah, wala yun." Nakangiting sabi niya

"Tell me Joey..." bigla ay seryosong tanong nito, nawala naman ang mga ngiti niyang
tumingin dito. "Totoo bang girlfriend ka ni Hunter?" tanong nito

Muli siyang natigilan pero sa pagkakataong iyon ay wala talaga siyang maisagot.

"Kayo nga ba talaga?" muling tanong nito

"Ah, Lance..." ayaw niyang malaman nitong imbento lang iyon ni Hunter upang asarin
ang binata. Yeah, inisin lang ang kinaiinisan niya...ang epal sa buhay niya...

Bigla ay nalungkot siya sa naisip na ginagamit lang siya ni Hunter para sa ipamukha
nito kay Lance na hindi ito kailanman magpapatalo.

Ngayon mo lang naisip yun Joey? Estupido ka nga talaga...

Naramdaman niya ang pagdantay ng kamay nito sa balikat niya.

"You look sad..." komento nito, nakita niya ang galit sa mukha nito, "Alam ko
namang hindi ka niya seseryosohin Joey, Hunter is Hunter, wala siyang
pinapatawad...kapag nakakita ng babae yun..sungggab kaagad, hindi mo ba alam na
boyfriend ng bayan ang lalaking iyon, pati ang dati naming manager ay pinatulan
niya pagkatapos niyang gamitin ay iniwanan na lang bigla, he's a user." Anito
Hindi naman siya umimik, hindi niya alam kung nagsasabi nga ba ito ng totoo, oo
alam niyang babaero ang binata pero hindi niya tiyak kung totoong gumagamit nga din
ito ng tao para sa sariling kagustuhan.

"Kung nakilala mo akong walanghiya noon, mas walanghiya ang lalaking iyon.
Paiiyakin ka lang niya Joey, hangga't maaari ay lumayo ka sa kanya." Babala nito.

Sa bawat salita na sinasabi nito ay tila unti unting hinihiwa ang puso niya,
nasasaktan siya...lalo na iyong huling sinabi nitong layuan niya si Hunter.

Tama si Lance...Layuan mo si Hunter habang maaga..masasaktan ka lang...

Lalo siyang nalungkot, hindi siya nakahuma nang bigla siyang yakapin ni Lance.

"Sinasabi ko to' ngayon sa'yo Joey bilang kaibigan mo, nagbago na ako at ayoko nang
makita kang nalulungkot o umiiyak. Tama nang nasaktan ka noon sa kagaguhan ko."
ramdam niya ang pagsisisi ni Lance.

Hindi niya alam kung gaano katagal silang nagyakap ni Lance, naghiwalay lamang sila
nang makarinig nang matinis na boses ng babae.

Nang sulyapan niya ito ay nakita niya ang magandang babae habang nakayakap kay
Hunter, halatang nakainom ang mga ito.

"Saan ba ang silid mo?" tanong ng babae.

"Malapit na, kaya ko na to." Untag ng lalaki

Para siyang tinulos sa pagkakaupo niya, pinigilan lang niya ang emosyon niya, she
was really bleeding inside.

Iyan ba? Iyan ba ang lalaking gusto mo Joey?

Eksaktong hinawakan ni Lance ang kamay niya sabay bulong nang, "See. Sasaktan ka
lang niya."

Tumingin sa kanila si Hunter, hindi niya alam kung bakit dumilim ang anyo nito.

Galit siya kay Lance dahil nasasapawan siya nito Joey, hindi sa kung ano pa man.

"You jerk?! What are you doing here?" tiim bagang na tanong ng binata na humiwalay
sa babaeng halos hubad na at tanging gantsilyong swim suit lang ang suot.

Aaminin niyang nagselos talaga siya at ang sakit sakit sa puso ang nakikita.

Kahit mabuway na ang paglalakad ni Hunter dala ng mga nainom ay pinilit pa rin
nitong makalapit sa kanila, hinila siya nito sa pagkakahawak ni Lance.

"Don't go near him, he's a bastard." Inis na sabi nito, hindi siya umimik,
nakatingin pa rin siya sa babae. Napansin naman nito iyon.

"Ah, she's a...nakilala ko lang diyan...sa tabi." Sinusubukan nitong magpaliwanag


sa kanya pero bakit?

Nakita niya ang pagsimangot ng babae.

"Excuse me, ikaw ang lumapit sa'min kanina."

She bit her lower lip, see.. he's a famous whore..tama si Lance, kung sino sino na
lang ang babaeng susunggaban nito for the sake of his needs.

Ekseheradong sinulyapan ito ng binata, "Hey, that's not true!" tanggi ni Hunter

"What do you mean? Hoy Hunter, liberated man ako at easy to get pero hindi ako ang
nauunang lumalapit sa lalaki." asik ng babae na lumapit sa binata at malakas na
sinampal sa pisngi.

Naawa naman siya sa binata nang mapasubsob ito sa buhanginan pero pinigilan niya
ang sarili niya, tila tuwang tuwa naman si Lance sa nasasaksihan.

"Shit! That's hurt..you woman?!" gigil na napatayo ang binata habang sapo ang
mukha, mabilis namang naglakad palayo ang babae.

"Bakit mo kasi tinanggi." Nakangising komento ni Lance, ganon na lamang ang


pagtalim ng tingin nito nang bumaling kay Lance.

"Shut up! Bakit ka ba nandito? Hindi ba sinabi ko na sa'yong layuan mo si Joey?"


asik nito, nanatili lang siyang nakamata sa dalawa, masama pa rin ang loob niya sa
nangyari kanina.

"Masama bang kausapin si Joey?" anito

"Oo, hindi ako makakapayag na saktan mo ulit siya." Ani Hunter, kung hindi lang
niya nakitang may kasama itong babae kanina baka kinilig siya sa sinabi na iyon ng
binata.

Ngumisi si Lance, "Really? Ikaw ba, sigurado ka bang hindi mo siya sasaktan?"
sarkastikong tanong nito

Hindi naman kaagad nakasagot ang binata, kuyom ang mga palad nito nang sumulyap sa
kanya.

Hindi naman niya gustong marinig ang sasabihin nito dahil natitiyak niyang
masasaktan lang siya, tumalikod siya at nagsalita.

"Matutulog na ako." Aniya at walang lingon likod na pumasok siya sa loob ng bahay,
hindi na niya pa narinig ang mga pinag usapan ng mga ito.

####################################
CHAPTER TWENTY FOUR
####################################

Ilang araw na sila sa beach resort na iyon at nagpapasalamat si Joey na nakokontrol


pa niya ang sarili niya, palagi siyang dumidikit kay Pepsi upang ilayo niya ang
sarili niya kay Hunter.

Simula nang gabing iyon na naisip niya ang mga bagay bagay ay pinilit na niyang
kalimutan si Hunter, wala rin namang patutunguhan ang nararamdaman niya, tama si
Lance..Hunter will be Hunter, hindi na ito magbabago.

Last day na ng photo shoot, sa susunod na linggo na ang international fashion event
kaya puspusan na ang paghahanda nila.
Mabuti na rin na maging abala ang lahat upang maisantabi niya ang mga nararamdaman
niya.

"Huling araw na ito ng photo shoot Joey, why don't you enjoy yourself, puro na lang
trabaho ang inaatupag mo." narinig niyang komento ni Aira sa kanya, itinigil niya
ang pagliligpit ng gamit niya, katatapos lang ng huling pictorial nila. Nilingon
niya ang nakangiting babae.

"Why don't you join us? Later makikiparty kami nina Pepsi." Anito, tipid na ngumiti
siya.

"Ah, sure." Sagot niya, kahit papaano ay nabawasan na ang inis niya sa babae dahil
alam niyang hindi magtatagal ay ikakasal na ito kay Lance.

Saglit na sinulyapan niya si Lance na katabi lang nito, ngumiti ito sa kanya kaya
ginantihan rin niya ito ng ngiti pagkuwan ay pinagpatuloy ang ginagawa.

"Tsss, kailangan mo ba talagang ngitian pa ang lalaking iyon?" bulong ni Hunter na


nakalapit na pala sa kanya.

Lihim na napasinghap siya nang bumungad sa kanya ang gwapong lalaki, pinayapa muna
niya ang sarili bago nagsalita.

"Okay na kami ni Lance kaya walang problema kung ngitian ko siya." Malamig ang
tonong sagot niya, ganon na lamang ang pagsimangot nito.

"What? Nakipag ayos ka sa walanghiyang iyon?"

Pinilit niyang h'wag na ulit sulyapan ang binata upang hindi siya madistract ng
husto.

"Magbihis ka na at iwanan mo na ako dito." Pagtataboy niya

Kumilos ito upang isuot ang puting tshirt subalit hindi naman ito umalis sa tabi
niya bagkus ay tinulungan pa siya nito.

"What are you doing?" kunot noong tanong niya

"I'm helping you." Kaswal na sabi nito

"Kaya ko na, iwanan mo na ako."

"Ayoko, gusto kitang tulungan."

Inis na inirapan niya ito, "Pwede ba, kapag ako naasar sa'yo.." pagbabanta niya,
nang tingnan siya nito sa mga mata ay parang nawindang ang buong sistema niya, ang
lakas din ng pagtibok ng puso niya.

"Yun nga ang gusto ko, maasar ka para mapansin mo lang ako..." anito, "Hindi ko
alam kung bakit mo ako iniiwasan nitong mga nakaraan." May langkap na lungkot sa
tinig nito.

Iniiwas niya ang tingin dito.

"Bakit mo nga ba ako iniiwasan Joey?" seryosong tanong nito, kunwa'y itinuon niya
ang atensyon sa ginagawa.

"Hindi kita iniiwasan, busy lang ako." Sagot niya


Narinig niya ang pagbuntong hininga nito, hindi na ito umimik subalit pinilit pa
rin nitong tulungan siya.

Sumapit ang gabi, wala talaga sa plano ni Joey na sumama kina Pepsi
para dumalo sa beach party subalit nahiya na siya sa kaibigan nang sunduin siya
nito.

Lumabas siyang naka pantalon at jacket subalit sinita nito ang suot niya.

"Joey naman...beach party ang pupuntahan mo at hindi birthday party lang." komento
nito sa suot niya, sinegundahan din iyon ni Aira na kasama nito.

"Pero..." gusto sana niyang sabihin na hindi na lang siya sasama subalit nahulaan
nito ang sasabihin niya.

"Iyon lang ang request ko sa'yo friend, sumama ka sa'min ngayong gabi lang. Ienjoy
natin ang gabi." Anito

"Okay sige pero wala naman akong pam beach party." Aniya na ang tinutukoy ay swim
suit, sumabad si Aira sa kanila.

"I have spare swim suit, marami akong biniling swin suit at ibibigay ko na lang
sa'yo yung isa." Anito, saglit itong nagpaalam upang magtungo sa silid nito, hindi
nagtagal ay nagbalik ito dala ang ibibigay nitong swim suit.

Napabuntong hininga na lamang siya, wala na siyang nagawa kundi magpalit ng suot.

"Hihintayin ka na lang namin sa labas ha." Narinig niyang sabi ni Pepsi sa labas ng
pinto ng silid niya

"Bilisan mo Joey ha." Sabi rin ni Aira.

"Okay." Sagot niya

Mabilis naman na nakapagpalit siya, sandali pa niyang pinagmasdan ang kabuuan niya
sa malaking salamin suot ang kulay itim na bikini suit, it was beautiful..pero
hindi pa rin siya komportable sa suot lalo pa at halos tumambad na ang buong
katawan niya.

Mula sa labas ng bintana ay narinig niya ang boses ng kaibigan.

"Joey, ano na? ikaw na lang ang hinihintay namin." Anito

Wala na tuloy siyang choice kundi lumabas ng ganon ang suot, eksakto namang
pagbukas niya ng pinto ay naglalakad na rin si Hunter, ganon na lamang ang pagtahip
ng puso niya.

Kitang kita niya ang paghanga sa mga mata nito ng hagurin nito ang kabuuan niya,
nang maghugpong ang kanilang mga mata ay dumoble ang pagtibok ng puso niya.

Mabuti na lamang at may lakas pa ang mga paa niyang ihakbang iyon sa kabila ng
panginginig ng mga tuhod niya.

Hindi pa siya nakakalayo dito nang marinig niya ang boses nito.

"You're going with them?" he asked her


"Oo." Tipid na sagot niya na hindi ito nililingon, naramdaman na niya ang pagsunod
nito. she caught her breath when he grabbed her arm, awtomatikong napaharap siya
dito.

"Nang ganyan ang suot?" kunot noong tanong nito, muli nitong sinuyod ang kabuuan
niya, she tried to look normal.

"Eh ano naman ngayon? Alangan namang mag jeans at jacket ako, Beach party ang
pupuntahan namin at hindi simpleng birthday party." Aniya na inulit lang ang sinabi
ni Pepsi kanina, nagtiim bagang ito.

"Magpalit ka, pwede namang magshort at tshirt dun." Giit nito, inis na pinalis niya
ang kamay nito.

"Ayoko nga, May problema ba sa suot ko?" inis na sabi niya, hindi niya maintindihan
kung bakit nagpuputok ang butse nito ng dahil lang sa suot niya.

"Oo malaki." Madilim ang anyong sabi nito, tumaas ang isang kilay niya, nalilito
siya sa ikinikilos nito.

"Bakit? Siguro iniisip mong hindi bagay sa'kin ang magsuot ng ganito.." inis na
sabi niya

"Hell no! Of course not, you look gorgeous - " natigil ang sasabihin pa nito nang
may magsalita sa likuran nila

"Oh Joey, there you are, pinapasundo ka na nina Pepsi." Boses iyon ni Lance mula sa
likuran nila, sabay nilang nilingon ang binata, saglit lang itong sumulyap kay
Hunter na binigyan ng nakakalokong mga ngiti pagkuwan ay bumaling na sa kanya.

Katulad ni Hunter ay kitang kita rin niya ang paghanga sa mga mata nito, bahagya pa
ngang napanganga ang binata habang sinusuyod ang kabuuan niya.

Subalit hindi pa nakakatagal ang mga mata nito sa kabuuan niya ay bigla na lamang
siyang hinarangan ni Hunter.

"Sige na, umalis ka na. Susunod na kami." Yamot na saad nito sa lalaki, napamaang
naman si Lance.

"O, sasama ka pala? I thought busy ka? Kung sabagay maraming babae dun."
Nakangising sabi nito

"Shut up!" pikong sabi ni Hunter

Saglit pang nagsukatan ng mga titig ang dalawa bago siya nagsalita.

"Maiwan ko na kayo." paalam niya sa dalawa, mabilis namang kumilos si Hunter at


sumunod sa kanya.

"Magpalit ka muna Joey, maraming manyakis sa beach party na iyon." anito, inis na
sinulyapan niya ito.

"Oh talaga? Nagkalat ba ang mga kalahi mo doon?" sarkastikong sabi niya, narinig
niya ang nakakalokong tawa ni Lance sa likuran nila.

Pikong nilingon ito ni Hunter.

"Shut up! Isa ka sa mga manyakis doon." Inis na sabi ni Hunter, tumigil si Hunter
at hinawakan nito ang braso niya

"Let's go, magpalit ka muna. Hindi bagay sa'yo yan." Anito, uminit naman ang ulo
niya sa sinabi nito, so sinabi rin nito ang totoo, hindi sa kanya bagay ang suot
niya.

Eh ano ngayon? Ipapakita kong walang sinabi sa'kin ang mga babae mo!

Inis na pinalis niya ang kamay nito, matalim na tiningnan niya ito.

"Stop it! What are you in my life anyway? You're not even my boyfriend!" she said
irritatingly, may pinaghuhugutan siya ng sinabi niyang iyon, inis na nagwalk out
siya at iniwanan ang dalawang lalaki.

Nagngingitngit sa inis si Hunter nang iwanan siya ni Joey, kahit


gustong gusto niya itong pigilan sa pagsama ay wala na siyang nagawa pa. Gaya ng
sabi nito, wala siyang karapatan sa buhay nito, sino nga ba siya para dito?

Nakita niyang kumilos si Lance upang sundan si Joey subalit pinigilan niya ito,
hinawakan niya ang balikat nito.

"H'wag na h'wag mong malapit lapitan si Joey." Inis na sabi niya dito, nakita niya
ang nakakalokong pagngiti nito.

"Oh, Bakit sino ka ba sa buhay niya? Sa kanya na nanggaling na hindi kayo


magboyfriend. Wala kang karapatan para pagbawalan ako, siya lang ang makakagawa
nun." Sagot nito, "Gaya ng sabi ko sa'yo noong nakaraan, magkaibigan na kami kaya
kahit kailan ko gustong lumapit sa kanya, magagawa ko." anito na inalis ang kamay
niya sa balikat nito. Nakuyom niya ang mga palad, gusto niya itong suntukin sa
mukha at pasalamat ito dahil nakapagpigil pa siya.

"Dammit!" bulong niya, hindi niya maintindihan kung bakit ba galit na galit siya sa
binata, ayaw niyang nakikitang lumalapit ito kay Joey, nasisira ang araw niya.

Matagal na siyang nayayabangan sa Lance na iyon dahil na rin siguro sa ginawa nito
noon sa kanya pero nitong mga nakaraan ay halos isumpa niya ang lalaki.

Because you're jealous Hunter...

"Shit!" naibulalas niya, jealous? Kailan pa ako natutong magselos? Ni hindi ko nga
alam kung paano magselos...atsaka selos ba talaga ang tawag doon?

"Ah! Nababaliw na ako!" inis na kausap niya sa sarili, mabilis na naglakad siya
palabas ng beach house, kahit tinanggihan na niya ang pag aya sa kanya ni Pepsi na
pumunta sila sa beach party dahil na rin sa nangyari noong nakaraan ay nag iba na
ang isip niya, sasama siya...kailangan niyang bantayan si Joey sa walanghiyang ex
boyfriend nito.

Halos madurog ang puso ni Joey nang makita niyang pinalibutan na kaagad
ng mga babae si Hunter pagkadating nito sa lugar na iyon, ang sabi ni Pepsi ay
hindi raw sasama si Hunter kaya nauna na silang pumunta roon pero ano't naroon ang
binata at mag isa palang mag eenjoy, palibhasa ay maraming babae roon.

Nasa isang sulok siya nakaupo, habang nakikipagparty ang mga kasamahan niya ay mag
isa siyang umiinom ng ladies drink.
Wala sa sariling ini-straight niya ang iniinom, nang balingan muli niya ang binata
ay may nakayakap na na babae rito.

"Buwisit ka talaga Hunter!" gigil na sabi niya Playboy ang nagustuhan mo kaya
magtiis ka Joey.

Umorder ulit siya ng isa pang baso ng ladies drink, wala naman epekto ang inuming
iyon sa kanya, mataas ang alcohol level niya sa katawan kaya malalasing lang siya
kapag lumaklak na siya ng matatapang na inumin.

"Wanna dance with me Joey?" ani Lance nang umupo sa tapat niya, sinulyapan niya ang
binata, gaya ng mga kalalakihang naroon ay tanging shorts lang ang suot nito at
nakabalandra sa kanya ang matipunong katawan ng mga ito. Masasabi niyang kaya
nitong iangat ang sarili sa ibang kalalakihan pero kung bakit para sa kanya ay si
Hunter pa rin ang namumukod tangi sa paningin niyang matipuno at sexy.

Hindi siya kaagad nagsalita, binalingan niya si Hunter na tila may hinahanap dahil
palinga linga ang ulo nito, nakasunod pa rin ang ilang kababaihan dito, nakasuot
ito ng puting tshirt pero ang lakas lakas pa rin ng dating nito.

"It's good thing na hindi pala talaga kayo ni Hunter dahil kitang kita mo naman
kung paano ka niya lolokohin sa tuwing hindi kayo magkasama." Anito, tila kinurot
ang puso niya sa katotohanang iyon, "Playboy will always be a playboy, Joey."
Dagdag pa nito.

Mahigpit na nahawakan niya ang basong hawak niya pagkuwan ay muli iyong ini-
straight ng inom.

Nilahad ni Lance ang kamay nito, "C'mon, let's dance..Enjoy this night Joey."
Nakangiting sabi nito, tama si Lance, kailangan niyang mag enjoy kahit sandali
lang, kailangan niyang kalimutan ang kirot sa puso niya.

Ibinigay niya ang isang kamay sa binata, nakangiting inalalayan siya nito.

"Is it okay with Aira?" tanong niya dito habang nakatingin sa babae na
nakikipagsayaw din sa ibang kasamahan nila.

"Oo naman, Aira was really understanding person kaya nga mahal na mahal ko siya."
Anito, ngumiti siya. She was happy for Lance.

Hindi naman nalingid sa kanya ang mga paghangang tingin ng ibang mga kalalakihan na
nadaraanan nila.

"You're beautiful Joey, marami ang naiinggit sa'kin ngayon." Bulong nito sa kanya,
masyadong malapit ang mukha nito sa mukha niya kaya medyo nailang siya, mabilis na
lumayo siya.

"A-ah, really.."

"Oo, kahit ako ay talagang humanga sa kagandahan mo ngayon Joey. Minsan iniisip ko
na ang laki kong tanga dahil pinakawalaan kita noon." Anito na nakatingin sa mga
mata niya, hindi naman niya maintindihan kung bakit nito iyon sinasabi ngayon.

Naisip niyang baka humanga lang talaga ito sa kanya at wala ng iba pang dahilan,
ikakasal na ito kay Aira at palagi nitong sinasabing mahal nito ang babae.

Tipid na nginitian lang niya ang binata.


####################################
CHAPTER TWENTY FIVE
####################################

Habang ang iba ay magaslaw na sinasabayan ang saliw ng musikang pumapailanlang sa


buong lugar na iyon ay kimi pa rin ang mga pagkilos ni Joey palibhasa ay hindi
naman talaga siya mahilig sa ganong bagay.

It's good thing na naranasan niya ang bagay na iyon but night life isn't her thing,
hindi katulad ng ibang mga babae roon na mahaharot na kung magsikilos, animo wala
ng pakealam kung nahihipuan na o nabobosohan na ng mga lalaking sumasayaw din.

Hindi naman siya nakahuma nang maramdaman niya ang pagtulak sa kanya ng ibang mga
nagsisipagsayaw, tuloy ay napasubsob siya sa dibdib ni Lance.

"Sorry." Nakangiwing sabi niya, sinusubukan niyang lumayo dito subalit pakiramdam
niya ay ayaw siyang pakawalan nito, maang na inangat niya ang mukha at ganon na
lamang ang panlalaki ng mga mata niya ng bigla na lamang bumungad sa kanya ang
pagbaba ng mukha nito sa mukha niya.

Lance kiss her, nagmanhid yata ang buong katawan niya sa ginawa nito, hindi katulad
noon na pinananabikan niya ang mga halik nito, ngayon tila nangilakbot siya,
estranghero na ang halik nito para sa kanya. Para tuloy siyang ninakawan ng halik
ng kung sinong lalaki lang.

Eksaktong lumayo siya rito nang may humila sa lalaki, nagulat hindi lang siya kundi
ang ibang mga tao roon ng bigla na lamang itong natumba sa lupa, gimbal na
tiningnan niya ang lalaking nakatayo, kuyom ang mga palad at madilim ang anyo.

"I told you to stay away from my girl." He said in his angry tone.

Everything seems stopped, Joey's mind drifting off, is she heard him right? He said
I was his girl..oh God, it felt so good inside..ang sarap sarap pakinggan.

Parang gusto niyang maiyak dahil sa narinig, pakiramdam niya siya na ang
pinakamagandang babae sa buong mundo nang magtinginan pa sa kanya ang ilang taong
nakasaksi at nakarinig ng sinabi ng binata.

Pumapailanlang pa rin ang upbeat song subalit pakiwari niya mas naririnig niya ang
malakas na pagtibok ng puso niya.

Humarap sa kanya ang binata, bahagya pa siyang napaigtad nang hawakan nito ang
braso niya at hilahin sa kumpulan ng mga tao roon.

Darn! I wish this is not a dream...kung panaginip nga iyon sana ay hindi na siya
magising pa, napakasaya talaga niya, pakiwari niya ay gusto rin siya ni
Hunter..katulad niya ay mahal din siya nito.

Are you stupid? He is Hunter...wala sa hinagap niya ang mainlove sa babae dahil
para sa kanya ang pag ibig ay isang malaking kalokohan lamang, all he wants is to
play..makipaglaro sa babae hangga't hindi pa siya nagsasawa..pilit na sumisiksik sa
isip niyang palabas lang iyon ng lalaki upang makaganti kay Lance o pwede rin
namang gusto nga siya nito pero para lang gawing isa sa mga babae niya.
Her heart contracting painfully, malayo na sila sa party pero hawak pa rin ni
Hunter ang kamay niya, tumigil lang sila nang bawiin niya ang kamay mula dito.

Hindi pa rin niya napigilang humanga sa taglay nitong kagwapuhan nang humarap ito
sa kanya, napakahina talaga niya sa tuwing maiinlove siya. Nakakalimutan niya ang
pride niya, nakakalimutan niya ang totoong pakay nito.

Nakita niyang hinubad nito ang suot nitong damit pagkuwan ay isinuot sa kanya.

Napasinghap siya, nanuot yata sa ilong niya ang mabangong amoy nito.

Wala itong ibang sinabi, kinuha lang muli nito ang isang kamay niya at hinila,
malapit na sila sa inookupahang beach house ng magsalita siya.

"What do you think you're doing Hunter?" pinilit niyang makipag usap dito ng
normal, binalingan siya nito, hawak pa rin ang kamay niya.

"I'm trying to save you from that jerk." He answered, nanikip yata ang dibdib niya,
so that's it, walang ibang dahilan kaya niya ginagawa ang mga bagay na ito Joey.

"Sabi ko sa'yong lumayo ka sa kanya, hindi siya mapagkakatiwalaan Joey." Anito,


"See, nagpahalik ka na naman sa kanya ng walang ginagawa?" may inis sa tinig nito,
"Akala ko matapang ka, akala ko matigas ka pero mahina ka rin pala pagdating sa
kanya."

"Stop doing this Hunter." Malamig ang tonong sabi niya, hindi niya tiyak kung tama
ba ang nakita niyang paglamlam ng mga mata nito.

"Bakit? Mahal mo pa rin ba siya? All this time ay hindi mo naman siya nakalimutan."
Tila lumaglag ang balikat nitong sabi.

"Wala ka ng pakealam doon, kung ano man ang nararamdaman ko ngayon ay sa'kin na
lang yun." Aniya

"But I'm doing this for your own sake Joey, tama nang iniyakan mo ang walang
kwentang lalaking iyon noon, tama ng nag aksaya ka ng luha sa kanya, tigilan mo na
ang kahibangan mo sa kanya, atsaka nararamdaman kong may binabalak ang walanghiyang
iyon..alam kong ayaw niyang magpatalo sa'kin." tiim bagang na sabi nito, lalo lang
kinurot ang puso niya, alam niyang gagawin nito ang lahat para makaganti kay Lance.
Siguro ay ginagamit lang siya nito.

"Really? or you're doing this for your own sake?" sarkastikong sabi niya, hindi
niya ipinahalata dito na gustong gusto na niyang umiyak dahil sa loob niya ay wasak
na wasak na ang puso niya.

"What? I don't know what you're talking about Joey." Maang na sabi nito.

Nagbuga siya ng hangin, "Stop doing this as if you really care."

Sinubukan niyang bawiin ang kamay niya subalit mas lalo yatang humigpit ang
pagkakahawak nito.

"Ano ba? Akin na ang kamay ko." aniya, nang tingnan niya ito sa mga mata ay tumiim
ang mga titig nito.

"What if I really care?" he said seriously, her heart triplicated in time.

Darn! This isn't good. She was out of breath, gusto niyang iwasan ang mga mata nito
subalit animo may magnet iyon na humihila upang manatili siyang nakikipagtitigan
dito.

Hindi pa rin siya umiimik kaya muli itong nagsalita.

"What would you do if I tell you I like you?"

Gusto niyang magtatalon sa sobrang saya o yakapin ito o halikan sa mga labi dahil
inaamin nito ngayon sa kanya na gusto nga rin siya nito pero paano niya ito
paniniwalaan? Hunter was a playboy, noong nakaraan nga lang ay may kasama itong
babae at kanina lang napakaraming babaeng nakapalibot dito.

He is such an expert in flowery words, he knows how to handle woman, to make them
fall in love in his action, in his words. Katulad ngayon, alam niyang ginagamitan
siya nito ng charm nito upang mapasakay siya.

Ayokong masaktan muli...marahas na binawi niya ang kamay mula dito.

Umigkas iyon sa mukha nito ng bigyan niya ito ng malakas na sampal sa mukha.

"Jerk!"

Mabilis niya itong iniwanan, tumakbo na nga siya papasok sa loob ng bahay at
dumiretso sa kanyang silid, baka kasi bigla niyang bawiin ang ginawa niya. Baka nga
tuluyan na siyang bumigay sa kabila ng katotohanang niloloko lang siya nito.

Nasasaktan din siya sa ginawa niya dahil totoong mahal na niya si Hunter, mahal na
mahal na niya ito at kailangan niyang tanggapin na hindi sila nito maaaring
magkatuluyan.

She must forget all her feelings for him, she needs to move on.

"Anong nangyari diyan?" narinig niyang tanong ni Tanner kay Kaizer nang
dumating ito, nasa basketball court sila ng Yashiro Building, kanina pa siya
naglalaro at kahit pagod na pagod na siya ay hindi siya nagpapasubstitute sa mga
kaibigan kaya naman ng matapos ang dalawang laro ay pagal na pagal na napahiga siya
sa gitna ng court.

"Ewan ko nga ba diyan, may sapak na naman siguro." Komento ni Kaizer habang
nagdidribol ng bola, tumayo siya bigla at sinulyapan ang mga ito.

"Tara! Laro pa tayo." Pagyaya niya sa mga kaibigan, nag ungulan naman ang mga ito
habang pagod na nagpapahinga sa mahabang bench.

"Pagod na kami." Angal ni Xien na may hawak pang bote ng mineral water.

"Tss, ang hihina ninyo naman." Tudyo niya, inagaw niya ang bola kay Kaizer at
nagsimula na namang magtatakbo sa malawak na court.

Naiiling na pinapanood lang siya ng mga kaibigan niya, kilala naman siya ng mga ito
na hyper sa sports lalo na sa basketball.

Sa ilan pang pagtakbo niya sa malawak na court ay kusang bumigay ang mga tuhod
niya, napasubsob siya sa gitna niyon, nagtakbuhan naman ang mga kaibigan niya
patungo sa kanya.

"Ano buhay ka pa?" sita ni Trevor


"Magpahinga ka naman kasi, kanina ka pa naglalaro." May pag aalala sa tinig ni Sky,
nanatili siyang nakasubsob sa makinis na sahig.

Tinulungan siya ng mga itong makatayo sa pag aakalang malala ang nangyari sa kanya.

"Napuruhan yata yung tuhod niya." komento ni Yuan

"Dalhin na natin sa hospital." Sabi naman ni Vash

"Palagay ko nga, hindi nagsasalita eh." Pakli naman ni Reed

"Baka nahimatay?" untag naman ni Jared

"Baka naman patay na?" komento naman ni Einar

Doon lang siya nagsalita, "Gago ka talaga!" matalim ang tinging ipinukol niya sa
mapanudyong kaibigan, nginisian siya nito

"Akala ko hindi ka na humihinga." Anito

"Hindi ako mamamatay sa pagsubsob." Inis na sabi niya

"Sabagay masamang damo ka nga pala." pang aasar pa rin nito, naiiling na bumangon
siya.

"May masakit ba sa'yo Hunter?" nag aalalang tanong ni Vash, ang nag iisang doktor
sa kanila, awtomatik na tinuro niya ang dibdib niya.

"Nauna nga pala ang dibdib niya." komento ni Kaizer na siyang malapit sa
pinagsubsuban niya, nag aalalang nakamata lang ang ibang mga kaibigan niya habang
kinakausap siya ni Vash.

"Nakakahinga ka pa ba ng maayos?" muling tanong nito, umiling siya.

"Ewan ko, pakiramdam ko naninikip ang dibdib ko." aniya, a deep emptiness came over
him. Feeling niya may kulang doon subalit hindi naman niya maipaliwanag kung ano.

"Why don't we bring him to the hospital." Natataranta nang sabad ni Yuan.

Tumanggi siya, "Okay lang, kaya ko pa naman." Aniya

"Pero Hunter, baka lumala yang nararamdaman mo." may kalakip na ring pag aalala sa
tinig ni Einar, naappreciate niya ang mga pag aalala ng mga ito pero hindi pa rin
niya mapigilang pangilabutan sa tuwing makikita ang mga mukha ng mga ito, as if
they were his girlfriends.

"Bakit may gamot ba sa nararamdaman ko ngayon?" seryosong tanong niya sa mga ito

Nagkatinginan naman ang mga ito na pakiwari niya ay nalilito sa sinasabi niya.

"My hospital were fully equipped, Hunter." Sagot naman ni Vash na tila hindi rin
naintindihan ang sinasabi niya.

"No, what I mean..may gamot ba dito.." tinuro niya ang tapat ng dibdib niya, "May
gamot ba sa heart broken?" parang may blackhole sa loob niya na hinihigop ang buong
sistema niya upang makapag isip ng maayos, isa lang ang heart broken sa mga
salitang pinagbabawal niyang sabihin niya pero iyon at nasabi na niya at
naipagtapat pa niya sa mga kaibigan niya ang tunay na nararamdaman niya, being in
love is worse that he expected.

Ganon na lamang ang reaksyon ng mga ito, "What?!" they said in perfect unison.

Malalim na nagbuntong hininga siya, tumayo siya at naglakad sa gilid ng court,


naupo siya sa mahabang bench at dinampot ang face towel na nakapatong sa sports bag
niya.

Gaya ng inaasahan niya, epic fail ang reaksyon ng mga kaibigan niya.

Nakita niya ang paglapit ng mga ito.

"Heartbroken? Alam mo na ang salitang iyon Hunter?" hindi makapaniwalang tanong ni


Trevor, hindi niya binawian ng pang aasar ang sinabi nito.

"Nice, may nadagdag sa vocubolary mo." sabi naman ni Einar.

Maingay ang mga ito at nagbibigayan ang mga ito ng kuro kuro sa sinabi niya.

"Baka bumabanat na naman ng korny jokes yan, h'wag ninyong patulan." Komento ni
Xien

"Baka naman sakit sa puso ang ibig niyang sabihin, baka heart desease iyon at hindi
heart broken, masyado lang siyang nacarried away sa pagbabalita." Ani Reed,
napangiwi naman siya sa sinabi nito subalit nanatili lang siyang tahimik

"Pwede rin." Segunda ni Tanner, naiiling na lang siya.

"Baka naman totoo ang sinasabi niya, baka nainlove siya sa isa sa mga naging babae
niya." ani Vash.

"Baka kinakarma na!" sabay na sabi nina Sky at Jared.

Ekseheradong nagbuntong hininga siya, "Guys..." pagkuha niya sa atensyon ng mga


ito, sumulyap naman ang mga ito sa kanya. "Pwede naman sigurong tanungin ninyo na
lang ako kaysa mag ala psychic kayo sa panghuhula sa sinabi ko." sarkastikong
komento niya, nagdadrama na nga siya..pinapakomedi pa ng mga kaibigan niya.

"Nah, interesting ang usapang ito lalo na at ikaw ang involve." Nakangising sabi ni
Yuan, lalong sumama ang mukha nito.

"Bahala nga kayo."

Tumayo siya, pagkatapos niyang uminom ng tubig at nakapagpahinga ay dinampot niya


ang bola.

"Hey Hunter! Tama na yan.. baka sa hospital na nga ang bagsak mo." paalala ni
Trevor, hindi niya ito pinansin, hindi na rin naman siya tatakbo, all he wants is
to get busy. Kapag kasi wala siyang ginagawa ay pumapasok sa isip niya ang isang
taong ilang araw ng nagpapagulo sa isip niya.

Damn! Heto na naman..I miss her.

Gaya nga ng mga sandaling iyon, pagkatapos niyang magtapat kay Joey na gusto niya
ito at basted-in siya nito ay hindi na siya matahimik, parang palaging kumikirot
ang puso niya, ilang araw na rin niya itong hindi na nakikita kaya parang lalong
sinisikil ang puso niya. I badly miss her...Gustong gusto na niya itong makita.

Yes, he like her, totoo ang inamin niya dito kaya masakit tanggapin na tinanggihan
nito ang pagtatapat niya tapos may kasama pang malakas na sampal.

Ilang araw na rin niyang iniistorbo ang mga kaibigan niya, ilang araw na kasi na
niyayaya niya ang mga itong maglaro ng mga sports na madalas nilang laruin,
nakapagtennis na sila noong nakaraang araw, kahapon naman ay nag boxing sila nina
Einar at Jared.

Gusto niyang libangin ang sarili upang hindi na tuluyang masiraan ng ulo. Hindi
naman niya magawa pang magpakita kay Joey matapos ang nangyari.

Gusto rin niyang patunayan kung hanggang doon lang ba ang nararamdaman niya para sa
dalaga.

Tumapat siya sa free-throw line at nagshoot, nilapitan siya ni Kaizer.

"Okay ka lang ba? Mukhang malalim ang iniisip mo." tanong nito na dinampot ang bola
na naishoot na niya kanina at ibinigay muli sa kanya.

####################################
CHAPTER TWENTY SIX
####################################

"I wonder if it's okay with me to fall in love...and become a regular guy.." sagot
niya, muli ay narinig na naman niya ang chorus na...

"What?!" ekseherado na ang pagkakabulalas ng mga ito, masakit din sa tainga na


umecho pa sa buong silid na iyon.

"Pakiulit nga yung sinabi mo?" tanong ni Einar na inagaw na ang bola sa kamay niya.

"Ang sabi ko...I'm inlove." Aniya sabay halukipkip sa sahig, kinain na niya ang mga
sinabi niya noon sa mga kaibigan niya, "Kinakarma na ako, oo tatanggapin ko na
lahat ng pang aasar ninyo guys." Aniya na laglag ang mga balikat, hindi umimik ang
mga ito, alam ng mga itong seryoso at hindi siya nagbibiro.

"Hindi ko alam na ganito pala kasakit ang mainlove, pakiramdam ko palagi akong
magkakasakit, I keep thinking her this past few days at iyon na pala ang simula
niyon.

Kaya pala gusto kong palagi siyang nakikita at nakakausap, kaya pala naiinis ako sa
tuwing may nakikita akong ibang lalaking lumalapit sa kanya." Pag amin niya,
napagtanto niya iyon lahat noong makita niya si Joey na kasama si Lance, noong
huling gabi nila sa Batangas, talagang sukdulan ang pagseselos niya nang makita
niyang hinalikan nito ang dalaga.

Oo noon na-challenge siya dito, gusto lang niyang maakit si Joey, na gusto niyang
mapasama sa mga naging babae niya ang dalaga, playing with her is all he want but
when the days goes by, parang may mali sa kanya, parang hindi tama ang mga ginagawa
niya, hindi na nga niya kilala minsan ang sarili niya. Yung hindi niya ginagawa
noon ay ginagawa na niya para lang makasama ang dalaga, nagtaka rin siya sa sarili
niya, noon kasi two weeks lang ay nagsasawa na siya sa isang babae, gusto naman
niya na iba ang makasama..pero lumipas ang mga araw, ang mga linggo pero pakiwari
niya hindi siya nagsasawang makita at makasama ang dalaga, para ngang kulang ang
minuto sa oras, kulang ang oras sa isang araw at kulang ang araw sa isang linggo
kapag ito ang kasama niya...para bang gusto niyang makasama ng mas matagal pa si
Joey.

Nanibago rin siya sa sarili niya kung bakit sa kauna unahang pagkakataon ay gusto
niyang ibahagi ang buhay niya sa isang babae, gusto niyang malaman nito ang mga
gusto niya at hindi gusto.

"Naging makasarili ako sa ibang bagay, gusto kong ako lang ang tinitingnan niya,
ako lang ang lalaking kakausapin niya, sa akin lang ang atensyon niya..at the same
time, natuto naman akong makuntento kung anong mayron ako, nawala na rin ang dating
hilig ko, nawalan na ako ng interes sa ibang bagay, sa ibang babae..hindi pala
masaya ang dating ginagawa ko, I realized how stupid man I am, hindi pala tunay na
kaligayahan ang kalayawan, happiness is when you know you're in love with someone."
patuloy niya.

"Damn! I love her, I want her to be my only girl." Hindi niya alam na isa isa na
pala niyang nasasabi sa mga kaibigan niya ang nilalaman ng puso at isip niya.

Hindi naman siya nakarinig ng anumang salita sa mga ito, naramdaman na lang niya
ang pagtapik ng mga ito sa balikat niya.

"Congrats, welcome to the regular guy club." Sabi ni Sky, nagbuntong hininga siya.

"Yeah, I want to spend my life with her, to have her as my long time partner in
life...but.." nahawakan niya ang dibdib niya, tila pinilas iyon ng ilang beses sa
sobrang kirot. "B-but she doesn't like me." his voice trailed of, iyon na nga ba
ang sinasabi niya, sa pagpigil niya ng nararamdaman niya nabuhos ng lahat iyon sa
harap ng mga kaibigan niya, iiyak pa yata siya sa harap ng mga ito.

He inhaled sharply, trying to control his feelings.

"H'wag kang sumuko Hunter." Sabi ni Einar, sinulyapan niya ito, nakita niyang
seryoso ang kaibigan niya. "She doesn't like you, yes. But it doesn't mean na
susuko ka sa nararamdaman mo, tandaan mo, ayaw din sa'kin ni Kei noon pero dahil
hindi ako sumuko, dahil nanatili ang pagmamahal ko sa kanya sa pagdaan ng mga taon,
now Kei and I were married." Anito, sumang ayon naman ang ibang mga kaibigan niya.

Oo nga pala, masaklap ang lovestory ni Einar...pero dahil hindi ito sumuko sa
nararamdaman kay Keitlene ay nagkatuluyan ang dalawa.

Bigla ay nabuhayan siya ng loob, kailangan niyang ipaglaban ang nararamdaman niya
kay Joey, ngayon pang natutunan na niyang magseryoso sa buhay.

"We will help you Hunter." Sabi ng mga kaibigan niya.

Isinara ni Joey ang malaking bag na naglalaman ng ilang damit niya, ang
araw na iyon ang pag alis niya patungo sa Bacolod, sa makalawa na ang kasal ng kuya
Jesse niya, at isa siya sa mga abay nito kaya hindi siya maaaring mawala roon,
kahit na ba tamad na tamad siyang umalis, pero naisip niyang maganda rin iyong
makakapagbakasyon siya ng dalawang araw pagkatapos ng ilang araw na pinagdadaanang
kalungkutan, ewan ba niya sa sarili niya kung bakit kahit anong pilit niya sa
sarili niyang kalimutan na si Hunter ay hindi niya magawa, pilit pa ring sumisiksik
sa isip niya ang mga masasayang sandali nila ng binata lalo na sa bahay niyang
iyon, bigla niyang namimiss ang kakulitan nito, ang kayabangan at pang aasar nito
sa kanya. Namimiss na niyang marinig ang boses nito, ang gwapong mukha nito, ang
kakisigan nito, namimiss na niya ito ng sobra.
Kaya naman mabaliw baliw na siya sa pakikipagtalo sa isip niya, kahit mahal niya
ang binata ay hindi naman niya gustong masaktan muli.

Hindi tuloy niya alam kung anong paiiralin niya, ang puso ba niya..na handang
tanggapin ang lahat ng kamalian ni Hunter, o ang isip niya na ang tanging inaalala
lang naman ay ang puso niyang masasaktan.

Malalim na nagbuntong hininga siya, mabuti nga at hindi pa ulit niya nakikita ang
binata dahil hindi niya alam kung anong gagawin kung magpapakita na lang ito bigla
sa kanyang harapan.

Pero sa darating na international fashion event ay hindi niya ito maaaring iwasan
dahil kailangan nilang magkita, kailangan nilang magkausap for the sake of Pepsi
and his project. Isa silang team kaya paghahandaan niya ang araw na iyon at sana ay
matutunan na niyang kalimutan ang binata, o kung hindi man niya kaagad
makakalimutan ito ay maging normal siya sa harap nito.

Binitbit niya ang bag niya, lumabas siya sa silid niya, dinaanan muna niya ang
malaking poster na madalas niyang maging stress reliever at imbis na si Lance ang
nasa poster ay ibang lalaki na ang naroon, walang iba kundi si Hunter, mula sa
center table ay dinampot niya ang isang dart, itinaas niya ang kamay at akmang
ihahagis iyon subalit may pumigil sa kanyang gawin iyon.

Ramdam niya ang naghuhumiyaw niyang puso, ayaw nitong gasgasan nito ang gwapong
modelo sa poster. Binitawan niya ang dart, ilang araw na rin namang nakakabit ang
poster ni Hunter sa dingding niyang iyon pero kahit isang beses na sinusubukan
niyang hagisan ito ng dart ay hindi niya magawa.

Mas gusto lang niyang titigan ang mukha nito sa poster dahil sa pamamagitan niyon
ay nawawala na ang kalungkutan niya, tila ikinabit lang niya iyon hindi upang
ilabas ang galit niya dito kundi upang lalo pang mainlove sa binata.

So at the end of the day, imbis na makalimutan niya ang binata ay lalo lang niya
itong nagugustuhan, lalo lang niya itong pinananabikan.

Pero babaero siya....babaero! sasaktan ka lang niya...paiiyakin ka...kaya tigilan


mo na yan Joey, pinahihirapan mo lang ang sarili mo...

Muli siyang nagbuntong hininga, saglit pa niyang tinitigan ang mukha ni Hunter sa
poster bago nagpasyang bumaba na ng bahay.

Ilang araw na ring sarado ang shop niya, wala kasi siyang ganang magtrabaho.

Nakalabas na siya ng kanyang shop pagkatapos niyang isara iyon ay naglakad siya
patungo sa sasakyan niya, habang abala siya sa pagkapa sa bag niya ang susi ni pink
ay hindi niya namalayan na may nakamata na pala sa kanya,

Eksaktong nasa kamay na niya ang susi nang mag angat siya ng mukha subalit ganon na
lamang ang pagrigodon ng puso niya ng makita niya ang bulto ng lalaki na nakasandal
sa gilid ng volks niya, prente itong nakasandal habang nakapamulsa, may nakasukbit
ding hindi kalakihang bag sa balikat nito, Crap! He looks so dashingly handsome.

Pakiramdam niya ay ilang taon niyang hindi nakita ang binata sa sobrang pananabik
niya dito, kahit gusto niya itong lapitan..yakapin at halikan sa mga labi ay
napigilan pa rin niya ang sarili niya.

"What took you so long?" he asked her, parang napakakaswal nitong makipag usap,
parang walang nangyaring pag amin, parang walang sampalang naganap, parang bumalik
lang sa dati ang lahat pero this time ay parang may kakaiba na sa binata, hindi pa
nga lang niya alam kung anong nagbago dito.

"A-anong ginagawa mo dito?" nabubulol pa niyang tanong, paano ay parang may giyera
patani sa loob niya.

Umalis ito sa pagkakasandal sa sasakyan niya at lumapit sa kanya, inilahad nito ang
kamay pagkuwan ay nagsalita.

"Let me have your car keys." Utos nito habang nakatingin sa kamay niyang may hawak
na susi, nagawa naman niyang pagtaasan ito ng kilay.

"Bakit ko naman ibibigay?"

"Ako ang magda-drive." Anito

Joey's eyes widen her surprise, "Ano?"

Pumalatak ang binata, "Brother Jesse texted me last night, ngayon daw ang alis
natin papunta sa Bacolod." Sagot nito, "Tss, hindi mo man lang ako sinabihan, kung
hindi pa ako tinext ni kuya Jesse, hindi ko pa malalaman, ayaw mo talaga akong
isama no?" pag ingos pa nito

Hindi naman niya alam ang magiging reaksyon niya, bakit hindi niya alam na
nagkakatext-an ang dalawa, kuya Jesse? He called her brother as kuya too? At anong
pagdadrama ang pinapakita nito sa kanya?

Malinaw naman noong huling pag uusap nila na pinutol na niya ang kaugnayan niya
dito, ano't narito na naman ang binata.

"Hindi kita maintindihan, bakit ba nandito ka?"

Hindi na siya nakakilos pa ng bigla na lamang nitong hablutin sa kamay niya ang
susi ng sasakyan niya.

"Invited ako sa kasal ni kuya Jesse, remember?" Kaswal na sabi nito habang
binubuksan ang susian ng pinto ng driver seat, "Hindi pala automatic itong si pink,
ang hirap makisama parang yung amo." Bulong nito

"Anong sabi mo?" kunot noong tanong niya

"Wala." Eksaktong nabuksan na nito ang pinto ng tumingin sa kanya, "Sakay na."
nakangiting sabi nito, nadala yata ng ihip ng hangin ang lahat ng kalungkutan na
naramdaman niya noong mga nakaraan dahil sa pangungulila niya sa binata, ngayon
parang ang gaan gaan na ng pakiramdam niya, napakasaya niya dahil nakikita at
nakakausap na ulit niya ito.

"Look, hindi mo naman kailangan sumama pa sa kanila, sasabihin ko na lang kay kuya
ang totoo." Aniya

Lumiban ito patungo sa kanya, binuksan muna nito ang pinto ng passenger seat bago
nagsalita.

"H'wag na h'wag mong gagawin yan." Seryosong sabi nito, napasinghap siya ng maamoy
niya ang panlalaking pabango nito sa sobrang lapit nito sa kanya

"At bakit hindi?" lumayo siya ng bahagya dito upang makontrol niya ang sarili baka
kasi kapag nagtagal pa na magkalapit sila ay mawala siya sa huwisyo, ganong isang
tiyad lang niya ay mahahalikan na niya ang matamis nitong labi.
"Because they will kill me." anito

"Kaya nga ipaliliwanag ko sa kanila ang lahat." Aniya

Umiling ito, "Paano sila maniniwala kung kitang kita ni kuya Jesse na hinalikan
kita." Seryosong sabi nito, lihim na napalunok siya ng bumaba ang tingin nito sa
mukha niya partikular na sa labi niya.

Calm down Joey, calm down...pinilit niyang payapain ang puso niya.

Pero obvious pa rin yatang nataranta siya nang lumayo siya dito at walang salitang
sumakay ng sasakyan.

Ilang oras din ang biyahe nila bago nila narating ang Bacolod, hindi
gaya sa manila ay mas probinsya ang bayang sinilangan niya, malinis ang hangin,
mapuno at napapaligiran ng mga bundok.

"Wow, what a beautiful place." bulalas ni Hunter nang bumaba sila ng sasakyan,
ngumiti siya, mabuti naman at naa-appreciate pala nito ang mga ganong lugar, akala
niya kasi puro disco bar ang gusto nitong puntahan.

"Joey!" mula sa hindi kalakihang bungalow house ay narinig niya ang boses ng kuya
Jesse niya, kinawayan niya ito.

"Kuya!" nakangiting sabi niya, sinalubong niya ito ng mga yakap.

"Mabuti naman at ligtas kayong nakarating." Nakangiting sabi nito, bumaling ito kay
Hunter at nilapitan pa. "Akala ko wala kang isang salita." Anito, ngumiti ng
malapad ang binata.

"Of course not, I told you I'm serious." Sagot naman ni Hunter

Nagusot naman ang noo niya dahil wala siyang ideya sa pinag uusapan ng mga ito,
magtatanong sana siya sa mga ito tungkol doon nang marinig naman niya ang iba pang
tinig ng mga kuya niya.

"Welcome home our princess!"

Nang tingnan niya ay ganon na lamang ang pananabik niya ng makita niya ang
kumpletong pamilya niya, kasama ng mga kuya niya ang kanyang mama at papa na
matagal din niyang hindi nakita.

Kaagad na niyakap at hinalikan niya ang mga magulang niya na pinanabikan din niya
ng labis.

"Ma'..Pa'..Namiss ko kayo." maluha luhang wika niya habang pinaghahalikan ang mga
ito sa pisngi.

"Naku, mas miss na miss ka na namin hija." Sabi ng mama niya

Bumaling naman siya sa mga kuya niya, nakangiting niyakap din siya ng kuya Jelo,
kuya Jinx, kuya Jepoy at kuya James niya.

"Lalo kang gumaganda ah." Komento ng kuya Jinx niya

"Ganyan yata talaga kapag inlove." Tudyo naman ng kuya Jepoy niya, sabay sabay
namang napatingin ang mga ito kay Hunter.

"Siya ba yung tinutukoy mo kuya Jess?" seryosong sabi ni Jelo na tinuro pa ang
lalaking katabi ni Jesse, tumango ang tinanong.

"Oo, siya nga." Sagot nito

Lihim na nanalangin siya na sana ay hindi magkaroon ng interrogation, siguradong


mapapaamin siya sa lahat.

Nakangiting nilapitan ni Hunter ang mga kapatid niya pati na rin ang mga magulang
niya.

"Hello po, my name is Hunter, Joey's boyfriend." Nakangiting sabi nito, nagulat
naman siya sa sinabi nito pero kung bakit wala namang tensyong nagaganap sa pagitan
ng pamilya niya lalo na sa mga kuya niya ay hindi niya alam.

Kinamayan isa isa ni Hunter ang mga ito samantalang nagmano naman ito sa mga
magulang niya.

Kitang kita naman niya ang tuwa sa mukha ng mga ito.

"Aba'y kagwapo ng batang ire." Komento ng mama niya

"At magalang din, akala ko'y mayabang ang taga maynila, hindi pala." sabi naman ng
kanyang ama.

Nang sulyapan niya si Hunter ay kitang kita niya ang ningning sa mga mata nito,
parang napakasaya nito.

Ano bang gusto niyang palabasin? Hindi pa niya alam ang sagot sa tanong niya pero
sisiguraduhin niyang malalaman din niya iyon.

####################################
CHAPTER TWENTY SEVEN
####################################

"Jocelyn! Magmadali ka dine anak!" tinig ng ina ni Joey mula sa labas ng silid
niya, mabilis naman siyang bumangon sa pagkakahiga niya sa higaan niya, papag iyon
na nilagyan lang ng manipis na kutson, nasa tabi pa siya ng bintana habang
pumapasok ang malamig na hangin kaya napakapresko ng pakiramdam niya, simple lang
naman ang buhay nila doon at namiss talaga niya ang kwarto niyang iyon.

"Bakit mama? Bakit may sunog po ba?" tarantang tanong niya nang buksan niya ang
pinto, sunod sunod itong umiling.

"Hindi, yung mga kapatid mo kasi." Anito, nangunot ang noo niya

"Anong problema kina kuya?"


"Kasama ang boyfriend mo at -" hindi na niya pinatapos ang sasabihin nito, mabilis
na lumabas siya ng bahay nila, mula sa di kalayuan ay kaagad na nakita niya ang
limang lalaki na nakatingala sa mataas na puno ng buko.

Ganon na lamang ang panggigilalas niya ng makita niya si Hunter na umaakyat ng


mataas na puno, nakaapak at hubad baro ang binata, may nakasukbit na itak sa
baywang nito, mahigpit na nakakapit sa katawan ng puno habang pinipilit na marating
ang tuktok niyon.

Katumbas yata ng pitong palapag na gusali ang taas ng puno kaya ganon na lamang ang
pag aalala niyang wala man lang na kahit na anong suot na harness ang binata.

Mabilis na nilapitan niya ang mga kapatid niya.

"Hunter! What are you doing there?" sigaw niyang tanong sa binata, saglit itong
sumulyap sa kanya.

"Oh ow! It's too high." Kausap nito sa sarili, "Later na tayo mag usap honey!"
anito na hindi na muling tumingin sa ibaba.

"Bumaba ka na dito, it's too dangerous up there!" utos niya sa binata subalit
naroon pa rin ang pag aalala.

Imbis na sundin siya nito ay umakyat pa rin ito paitaas, inis na binalingan niya
ang mga kapatid niya na prenteng nakatayo lang at nakatingala pa ring nakamata sa
binata.

"You're so mean, bakit pinapahirapan ninyo si Hunter ng ganito?" kunot ang noong
tanong niya sa mga kapatid, nagtaas ng kamay ang kuya Jinx, kuya Jepoy at kuya
James niya, na sinasabing wala kaming kinalaman diyan, kaya ang kuya Jelo at kuya
Jesse niya ang binalingan niya, "Kuya Jelo, kuya Jesse, ano ba? Pababain ninyo na
si Hunter, nariyan naman sina Tutoy para umakyat ng puno." Aniya na tinuro sa di
kalayuan ang ilang trabahador ng papa niya sa sakahan, alam niyang kailangan ng mga
buko para sa kasal ng kuya Jesse niya, marami kasing mamatamising gagawin para sa
mga bisita.

"Gusto niya yan eh, hayaan mo." sagot ng kuya Jelo niya, seryoso itong tumingin sa
kanya, "Hindi naman namin siya pinilit, kaya daw niyang umakyat ng puno di
pinaakyat namin." Sagot pa nito, eh siraulo pala talaga siya...nagmayabang pa sa
mga kuya niya...

"Kahit na, dapat hindi ninyo na siya pinayagang umakyat pa." inis na sabi niya,
"Ano bang alam niya sa pag akyat ng puno?"

"Okay naman siya, magaling yumakap oh." Natatawang komento ng kuya Jesse niya na
itinuro pa ang binata, nang balingan muli niya si Hunter ay nakita niyang nasa
tuktok na ito.

"Kuya! Ilang buko ba ang kailangan?" tanong ni Hunter mula sa itaas ng puno

"Marami! Ibagsak mo na lahat yan pwera sa mga bubot pa." sigaw na sagot ng kuya
Jesse niya.

"Okay!" anito, kinuha nito ang itak mula sa baywang pagkuwan ay muling nagsalita,
"Joey! Get out of here, baka mabagsakan ka." Anito

Hinila naman siya ng mga kuya niya at lumayo ng bahagya sa puno, maya maya ay
inumpisahan na nitong tagain ang matigas na piling ng buko, isa isang nagbagsakan
ang mga buko niyon.

Napabuntong hininga na lamang siya, wala na siyang nagawa kundi panoorin ang binata
mula sa itaas ng puno, mukhang nag eenjoy naman itong gawin iyon, nanalangin na
lang siyang hindi ito mapahamak.

Binalingan niya ang mga kuya niya na may kung anong pinagkakaabalahang isulat sa
isang long bond paper, lihim na sinilip niya iyon subalit hindi naman niya
masyadong nabasa ang mga nakasulat basta ng alam niya ay tila check list iyon ng
kung ano.

"Pasado." Narinig pa niyang bulungan ng mga kuya niya, matinding kuryusidad ang
namayani sa kanya kaya sumabad siya sa usapan ng mga ito.

"Anong pinag uusapan ninyo?" curious na tanong niya, mabilis namang itinago ng mga
kuya niya ang papel na hawak ng mga ito.

"Ah, may pinag uusapan lang kami tungkol sa napanood naming action movie kahapon,
hindi ba?" Sagot ng kuya Jelo niya, nagsang ayunan naman ang ibang kuya niya.

Hindi naman siya kumbinsido sa sinabi nito pero hindi na siya nagtanong pa.

Saglit pang nagpahinga si Joey sa kanyang silid tutal ay hindi pa naman


inuumpisahan ang pagkakayod ng buko, doon siya nagvolunteer upang tumulong.

Hindi pa siya nagtatagal sa pagkakahiga sa kama niya ay nakarinig siya ng


hagikgikan ng mga babae mula sa labas ng kanyang bintana, bahagya siyang bumangon
upang silipin lang kung sino ang mga babaeng iyon na kung tumawa ay animo
kinikiliti ang buong katawan.

Nakita naman niya ang ilang mga babaeng kapitbahay nila, kilala niya ang mga ito
subalit hindi naman siya naging malapit sa mga ito noong bata pa siya, hindi kasi
niya gusto ang hilig ng mga ito noon, mga lalaki ang madalas na kabarkada niya, mas
gusto kasi niya ang mga panlalaking laro noon kaysa ang magluto-lutuan at bahay
bahayan.

Madalas din na tuksuhin siya ng mga ito na tomboy noon dahil nga mga lalaki ang mga
kasama niya.

Hindi na sana niya papansin ang mga ito subalit nang marinig niya ang pinag uusapan
ng mga ito ay tuluyan na siyang napabalikwas.

"Ang gwapo gwapo talaga niya no?" sabi ng isa sabay impit na bumungisngis.

"Oo, sobra! Ang sarap sarap punasan ng pawis niya." komento naman ng isa pagkuwan
ay kinilig na parang giniginaw pa.

"Pamilyar siya sa'kin, alam ko nakita ko na siya sa tv." Pakli naman ng isa pa

"Artista ba siya o model?"

"Ah alam ko na, model nga siya, nakita ko yung commercial model niya ng sikat na
perfume sa tv." Sagot ng isa.

Kilala na niya kung sino ang pinag uusapan ng mga ito kaya sinundan niya ang
direksyon na tinitingnan ng mga ito.
Her heart pounding faster when she saw Hunter, kahit tagaktak ang pawis nito ay
lalo yatang nakadagdag ng malakas na karisma iyon dito, at sasang ayon siya sa
babaeng nagsabing ang sarap sarap punasan ng pawis nito.

Kahit na ano yatang gawin nito ay napakagwapo pa rin nito, kung kanina ay umakyat
ito ng puno ng buko, ngayon naman ay nagsisibak ito ng ilang sangang kahoy na
ipanggagatong sa pagluluto.

Dahil wala itong suot na pang itaas na damit ay kitang kita niya ang pag alsa ng
mga muscles nito sa braso sa tuwing itataas ang palakol na gamit.

Napakagandang tanawin ng matipunong katawan nito sa mga mata niya, hinding hindi
yata siya magsasawang titigan iyon.

Hindi niya alam kung gaano niya katagal na sinilayan ang kagwapuhan ng binata,
nabaling lang ang atensyon niya sa mga kuya niya na nasa gilid ng bahay nila,
malapit iyon sa bintana ng silid niya.

"Pasado yata sa lahat ang isang to' Jelo, wala yatang hindi nagagawa ang lalaking
iyan." Boses iyon ng kuya Jinx niya

"Oo nga, nakaakyat ng puno na hindi man lang natakot, hindi man lang nabawasan ang
pagkalalaki." Komento naman ng kuya Jepoy niya

"Nakapag tiwas na siya ng poso at pinuno pa ang malaking drum sa kusina tapos
ngayon tingnan mo naman, hindi yata napapagod sa pagsisibak." Wika naman ng kuya
James niya

"Sabi ko naman sa inyo na okay si Hunter eh." Untag ng kuya Jesse niya

"Well, let's see...marami pa naman akong checklist na kailangan niyang gawin, kapag
may isang bagay lang siyang hindi nagawa dito pwes layuan na niya si Joey natin."
Sabi ni kuya Jesse.

Napaawang naman ang labi niya, hindi siya makapaniwala sa mga narinig, so that's
it! Iyon pala ang pinagkakaabalahan ng mga ito.

Listahan iyon ng pagpapahirap kay Hunter, inis na lumabas siya ng bahay upang
harapin ang mga kapatid, hindi naman tama ang pagpapahirap na ginagawa ng mga ito
kay Hunter, wala rin naman kahihinatnan iyon since wala naman talaga silang
relasyon ni Hunter.

Mabilis na itinago ng mga ito ang papel na hawak ng makitang papalapit siya.

"Oh, akala namin natutulog ka." Nakangiting sabi ng kuya Jelo niya, hindi man lang
niya ito ginantihan ng ngiti, seryoso siyang nagsalita.

"Paano ako makakatulog kung rinig na rinig ko ang pinag uusapan ninyo sa kwarto
ko?" sarkastikong sabi niya, nagulat naman ang mga ito, kaagad na bumakas ang guilt
sa mukha ng mga ito.

"Ah, you heard it all?" maang ng kuya Jelo niya, tumango siya, seryoso pa rin.

"All."

Nakita niyang nagbuntong hininga ang kuya niya

"Well, hindi mo naman kami masisisi Joey, nag aalala lang kami sa'yo, may kilala
akong kilala si Hunter at nangamba akong saktan ka lang niya." anito
Siya naman ang nagbuntong hininga, "Hindi ninyo na kailangan ang bagay na iyan
dahil hindi naman ako masasaktan." Aniya

"Mahal mo ba siya?" tanong ng kuya James niya.

Sinulyapan niya si Hunter na seryoso pa rin sa ginagawa pagkuwan ay tumingin muli


sa mga kapatid.

"No." aniya

Ganon na lamang ang pagkagulat ng mga ito sa sinabi niya, kailangan niyang
magsinungaling sa mga ito upang tigilan na ang ginagawang pagpapahirap sa binata,
ayaw din niyang mag alala ang mga ito sa nararamdaman niya.

"Kung hindi mo siya mahal, bakit nandito ang lalaking yan?" kunot noong tanong ng
kuya Jelo niya

"Ininvite siya ni kuya Jesse." Kaswal na sabi niya, masama ang tinging ipinikol
nito sa kapatid niya

"Kuya, hanggang ngayon ba naman ay mali pa rin ang impormasyon mo samin?" anito sa
nakakatanda nilang kapatid, napangiwi naman si Jesse.

"Wait a minute Joey, we need to talk." Paalam ng kuya Jesse niya pagkuwan ay hinila
ang apat na lalaki sa loob ng bahay nila.

Hindi na siya nakapagreact pa nang iwanan na siya ng mga ito.

Nang balingan muli niya si Hunter ay ganon na lamang ang pagtahip ng puso niya ng
makitang nakatingin na rin ito sa kanya, he even gave her his cutest smile.

"Hi Joey, nakapagpahinga ka ba ng mabuti?" tanong nito nang makalapit sa kanya.

Hindi sana niya ito papansin subalit nakita niya ang ilang gasgas sa kamay at braso
nito.

Wala siyang sinabi subalit basta na lamang niya itong hinila.

"Wait, hindi pa ako tapos sa ginagawa ko." anito

Inis na sinulyapan niya ito.

"Wala akong pakealam." Angil niya, nagkibit balikat lang ito at nagpahila na lamang
sa kanya, nakita naman niya ang labis na pagkainggit sa mukha ng mga babaeng
nadaanan nila.

"Ano ba kasing pumasok sa isip mo at sinusunod mo ang lahat ng iutos


sa'yo ng mga kuya ko?" nakasimangot na tanong ni Joey kay Hunter habang tinatalian
niya ang mga kamay nitong nagasgasan.

"Ikaw." Kaswal na sagot nito, nang tingnan niya ito ay nagkasalubong ang mga mata
nila, nagsimula na naman tuloy bumilis ang pagtibok ng puso niya.

Ibang kalse talaga ang dulot ng mga titig nito sa sistema niya.

"Pwede ba, seryoso ako." Kunwa'y inis na sabi niya


"Seryoso din ako." Sagot nito, nakatitig pa rin sa mukha niya

Malalim na nagbuntong hininga siya

"Hindi ko alam kung anong gusto mong palabasin Hunter pero - " natigil ang
sasabihin niya nang magsalita ito.

"Gusto kita Joey." Anito, her heart beats wild and fast, hiniling niyang hindi sana
mag reflect sa mga mata niya ang nadarama niya.

Napatuwid siya ng upo sa kawayang upuan na nakadikit sa puno ng mangga na sadyang


ipinagawa ng papa niya upang gawing pahingahan ng mga manggagawa nito.

Napangiwi ito nang mapahigpit ang pagkakatali ng benda niya sa kamay nito.

"Ah, sorry." Tarantang binitawan niya ang kamay nito.

"It's okay."

"Sige, papasok na ako sa loob dahil tutulong ako sa pagkakayod ng buko." Aniya,
patayo na siya subalit pinigilan siya nito.

Lalong nagkagulo ang buong sistema niya nang maramdaman niya ang kamay nito sa
braso niya.

"Joey, alam kong mahirap para sa'yong paniwalaan ang sinasabi ko lalo na at
nakilala mo ako noon kung sino ako pero sana bigyan mo ako ng pagkakataon na
iparamdam sa'yo na totoo ang sinasabi ko, seryoso ako na gusto kita." Sabi nito.

Muli siyang nagbuga ng hangin, "Bahala ka kung anong gusto mong gawin, wala ka rin
naman mapapala sa'kin." Aniya na hindi tumitingin sa mga mata nito, hindi kasi niya
kakayanin na makipagtitigan pa dito.

Hindi naman niya nakita ang paglaglag ng balikat nito, pinalis niya ang kamay nito
sa braso niya.

"Kaya ngayon pa lang Hunter, itigil mo na to." Aniya, kinukurot din ang puso niya
sa sinasabi niya pero kailangan niyang sabihin iyon dito dahil para rin iyon sa
sarili niya.

Naglakad na siya palayo dito nang marinig pa niya ang sinabi nito.

"I'll never stop until you learn to like me too Joey, I'm serious and I want to
prove it to you."

"May misunderstanding ba kayo ng boyfriend mo hija?" tanong ng kanyang


mama habang nagkakayod sila ng buko na inakyat pa ng binata kanina lamang, kasama
na ni Hunter ang ibang kuya niya habang tumutulong naman sa pagkatay ng baboy.

"Ma'..wala po." Sagot niya, hindi rin niya masabi sa kanyang ina ang totoong status
ng relasyon nila ni Hunter.

"Bakit parang iniiwasan mo siya anak? Mukha naman siyang mabait at gwapo pa." tudyo
ng kanyang ina, hindi naman niya napigilang ngumiti.

Marunong din maka appreciate ng gwapo ang nanay niya.


"Gwapo naman po talaga si Hunter kaya nga po maraming babaeng-" itinigil niya ang
sasabihin, sa kabilang banda naman ay ayaw din niyang masira ang imahe ng binata sa
pamilya niya, "Maraming babaeng nagkakagusto sa kanya." Nakangiting patuloy niya

"Hindi naman nakakapagtaka anak, napakaswerte mo dahil mukhang gustong gusto ka


talaga niya." nakangiting sabi nito, natuwa naman siya sa sinabi ng kanyang ina,
sana nga ay totoo ang sinabi nito pero hindi pa rin siya nageexpect ng sobra, ayaw
niyang maniwala kaagad pagkatapos ay masasaktan lang din pala siya sa huli.

"Saan po ito dadalhin?" boses iyon mula sa back door ng kusina, naroon ang mga
kalalakihan sa pamilya niya kasama si Hunter.

Nang balingan niya ang boses ng lalaki ay nakita niya si Hunter na may hawak na
malaking palanggana na may lamang ulo at pata ng baboy.

Hindi naman siya makapaniwala sa nakikita, kilala niya itong maarte sa bagay bagay,
balidoso ito at malinis sa katawan, ayaw na ayaw nito ng nadudumihan, he hates
blood too, minsan na nitong naikwento sa kanya iyon noong ibida nito ang mga gusto
at hindi gusto nito kahit hindi naman niya tinatanong...pero ano't napakadumi nito
at may bahid pa ng dugo ng baboy ang suot na damit at pantalon, hindi kaya siya pa
ang nagkatay ng baboy? Hunter looks tired too but his smile was still in place,
Geez, I can't help myself but to admire him..such a gorgeous man!

"Diyan na lang hijo." Sagot ng papa niya na naggagayat naman ng mga rekadong gulay.

Abala silang lahat dahil bukas na ang kasal ng kuya Jesse niya, doon na rin ang
reception sa malawak na bakuran nila.

Sinundan pa niya ng tingin ang binata habang ipinatong sa lamesa ang dala dala, her
heart skipped a beat when he look at her. Naalala niya ang sinabi nito, totoo
kayang gusto nga talaga niya ako?

Kaagad na binawi niya ang tingin at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Magpahinga ka muna Hunter." Komento ng kanyang ina sa binata

"Sige po." Anito

Imbis na magtungo sa silid nito ay lumapit ito sa kanya.

"Looks interesting." Komento nitong nakatingin sa ginagawa niya

"Gusto mong subukan?" tanong ng kanyang ina, nakangiting tumango ang binata.

Ibinigay ng kanyang ina ang gamit nitong pangkayod at umalis sa puwesto.

"Dine ka muna hijo maupo, doon naman ako tutulong." Nakangiti namang wika ng ina.

"Salamat po." Sagot ng binata

Nang mapag isa sila ni Hunter ay lalong nataranta si Joey, lalo lang ding
nagrigodon ang puso niya habang nakatitig sa kanya ang binata.

"It's nice to experience all this things, ang sarap pala sa pakiramdam na nasa puso
mo ang lahat ng ginagawa mo." narinig niyang saad nito, sinulyapan niya ito.

Nakita niyang nakatitig ito sa mukha niya, nataranta naman siya.


"Hindi nakakatulong ang pagtitig sa mukha ko ang dami ng makakayod mong buko."
Sarkastikong komento niya, hindi niya alam kung saan nanggagaling ang sungit niya
dito gayong halos nanginging na ang buong kalamnan niya sa sobrang kabang
nararamdaman.

"Sabi ni mama, magpahinga daw muna ako." Katwiran naman nito

"Gusto mo palang magpahinga, doon ka sa silid mo." masungit na sabi niya

"Pero ang pagtitig sa mukha mo ang magandang paraan para mawala ang pagod ko."
seryosong sabi nito.

Lalo lang siyang nailang sa mga titig nito, parang gusto na niyang sumuko, parang
gusto na niyang bumigay, kanina pa siya kinikilig sa ginagawa nito.

Bibigay na ba ako?

Hindi Joey, hindi!

Pero hindi ko na kaya..

Tiisin mo..

Nagbuntong hininga siya, "H'wag mo akong gamitan ng pamatay mong pick up line
Hunter, hindi ako katulad ng mga babae mong kinikilig na sa mga ganong banat mo."
malamig ang tonong sabi niya.

Lumamlam ang mga mata nito, "Wala pa akong sinasabihang babae sa ganong seryosong
paraan lalo na at kalakip pa ang puso ko." sagot nito.

Naiiling na ibinaba niya ang pangkayod niya at ang buko na wala ng laman pagkuwan
ay nagsalita.

"Stop it." Aniya na tinalikuran ang binata at iniwang mag isa sa kusina.

####################################
CHAPTER TWENTY EIGHT
####################################

"Damn it, ano pa bang dapat kong gawin para maramdaman niyang seryoso ako, nagawa
ko na naman lahat ng sinabi ninyo." Laglag ang balikat na sabi ni Hunter sa mga
kaibigan, kausap niya ang mga ito sa skype, nasa happiness bar ang mga ito habang
nakapalibot sa tapat ng laptop ni Sky. Kinuwento niya sa mga ito ang mga ginawa
niya, ang pag akyat niya ng puno ng buko, na halos ikabaligtad ng sikmura niya
dahil takot talaga siya sa heights pero dahil seryoso siya kay Joey ay ginawa niya
iyon, ang pag iigib niya sa poso hanggang sa mapuno ang napakalaking drum, hindi
biro ang pagtitiwas sa poso lalo na at napakaganit pa ng hawakan niyon tapos
napakalayo pa niyon sa pagdadalhan niya, ang pagsisibak niya ng kahoy na ilang
beses rin siyang tinalsikan ng mga piraso niyon, tumulong din siya sa pagkatay sa
baboy kahit na isinusumpa niya ang amoy ng malansang dugo niyon, ayaw na ayaw din
niya sa dugo pero para patunayan na seryoso talaga siya ay ginawa niya iyon,
kinalimutan niya ang mga kinaayawan niya noon, tinanggap niya ng buong puso ang mga
hirap na ginawa niya kanina, nang walang reklamo, nang hindi nagdadalawang isip. He
did all those things for Joey, gusto talaga niya ito, hindi, mahal na pala niya
ito.
Lalo lang niyang napapatunayan sa sarili niyang mas higit pa sa gusto ang
nararamdaman niya para sa dalaga, he loves her that he wants to see her everyday,
he loves her that he wants to hold her every hour of the day, he loves her that he
wants talking her every minute of the day..he loves her so much that he want her to
his life forever.

"Pero wala pa ring magandang resulta, negative pa rin." Malungkot na sabi niya,
hindi naman niya narinig ang mga reaksyon ng mga ito kaya naman nang sulyapan niya
ang mga ito sa video call ay ganon na lamang ang pagsimangot niya ng makitang impit
na nagtatawanan ang mga ito, ang mga loko...tuwang tuwa sa paghihirap niya.

"Anong nakakatawa?" inis na sabi niya, "Hoy Trevor! Stop laughing at me, kapag
nakita kita sa susunod, I'll wring your neck." Pagbabanta niya sa kaibigan na
ngayon ay malakas ng tumatawa.

"Kasi naman, hindi ko lang akalain na magagawa mo ang mga bagay na iyon." sagot ni
Trevor, sinang ayunan naman ito ni Einar na hindi rin maawat sa pagtawa.

"I agree! Ikaw na parang sulit dot com, pagdating sa pag ibig ikaw lang ang may
click, usap, deal. sorry dude but I'm still can't believe this." Komento nito
habang tumatawa.

"Hindi nga, ginawa mo ang bagay na iyon?" hindi pa ring makapaniwalang tanong ni
Jared, ganon na lamang ang pagsimangot niya.

"Kayo kaya ang nagsuggest ng bagay na iyon, ang sabi ninyo kapag nagawa ko ang
makalumang panliligaw siguradong magugustuhan na rin ako ni Joey pero walang
epekto." Angil niya, muling tumawa ang mga ito

"Pero hindi naman namin alam na seseryosohin mo yun." Ani Kaizer, "Kilala ka namin
na maarte at tamad sa mga bagay bagay, ayaw mong nahihirapan kaya pati sa
panliligaw mo paspasan ang gusto mo, madalian. Hindi naman namin akalain na gagawin
mo nga iyon, that was unbelievable man!" patuloy nito

Hindi siya umimik, nagbuntong hininga lang siya.

"Pero nagawa ko na." malungkot na sabi niya, "Naisip ko, kayo nga na mga kaibigan
ko hindi naniniwala na seryoso ako sa ginagawa ko, siya pa kaya na nakilala din ako
kung sino ako noon, mahirap magbago pero mas mahirap palang magpaniwala ng ibang
tao."

Natigil naman ang tawanan ng mga ito pagkuwan ay nagseryoso na rin ng makitang
seryoso na talaga siya.

"Nah, I never see you this upset Hunter. You really like her." Yuan commented, he
inhaled.

"No kaichou, I don't like her, I love her." pagtatama niya sa sinabi nito

Saglit na nagkatinginan ang mga ito.

"Talk to her again Hunter, talk to her with your heart." Sabad ni Reed

"Yeah, h'wag kang susuko sa nararamdaman mo, mas mahihirapan ka kung pagsisisihan
mo sa huli na hindi mo ginawa ang lahat para maramdaman niya na tunay ang pag ibig
mo sa kanya." Wika naman ni Xien, nakangiting tumango.

"I'll never give up on her."


Sandali pa silang nagkausap ng mga kaibigan bago siya nagpaalam.

Tumayo siya at lumabas ng silid niya, marami pa ring tao sa labas na abala sa
pagluluto ng mga ihahanda sa kasal ng kuya ni Joey.

Nagtatalo ang isip at puso ni Joey ng mga sandaling iyon, hindi niya
alam kung sino ba ang susundin niya, ang isip ba niya o ang puso niya.

Nahihirapan na siya, paano ay mahal niya si Hunter pero natatakot naman siyang
hindi totoo ang mga sinasabi nito, na pakitang tao lang ang pinapakita nito.

Pero natutuwa naman siya sa pinapakita nito sa kaniya at sa pamilya niya.

For just moment she caught a glimpse of a life that included him and their
children, they were having a happy and perfect family..it's too beautiful to bear.

Nagbuntong hininga siya, iyon na nga ang palaging sumisingit sa balintataw niya
nitong mga nakaraan, ang pangarapin ang binata, almost perfect na sana iyon pero
kapag naiisip naman niyang hindi totoo ang lahat ng iyon ay nasasaktan naman siya.

He had no idea how close he'd come to her heart, everyday of her life being with
him pakiramdam niya ay wala ng sasaya pa sa kanya.

Kaya nga nangangamba siya, paano kung bigla na lang itong umalis, na panandalian
lamang iyon, na hindi magtatagal ay magsasawa rin ito sa kanya gaya ng mga naging
babae sa buhay nito.

"Ano bang gagawin ko?" naguguluhang tanong niya sa sarili

"Ano bang problema mo?" Narinig niyang tinig mula sa likuran niya, nang sulyapan
niya ay nakita niya ang kuya Jesse niya, nakangiting naupo ito sa tabi niya.

"Kuya...."

Naramdaman niya ang pagtapik nito sa balikat niya

"Ano bang problema?" muling tanong nito.

Nagbuntong hininga siya

"Kuya..hindi ko kasi alam ang gagawin ko, kung paano ko sasabihin ang lahat." aniya

"Kung iniisip mo ang tungkol sa inyo ni Hunter, alam ko na ang bagay na iyon."

Nanlaki naman ang mga mata niya

"You mean?"

Tumango ito, "Oo, sinabi na niya sa'kin ang lahat, na wala talaga kayong relasyon."
Anito, hindi naman siya makapaniwala. Kung gayon ano pang ginagawa niya dito at
sumama pa ito sa kanya?

Nag iisip ka ba? Sinabi na sa'yong may gusto siya sa'yo..ayaw mo namang maniwala.
Seryoso siya sa nararamdaman niya para sa'yo Joey. Sermon ng puso niya

Paano kung paraan lang niya iyon para sumakay ako sa gusto niya. anang isip niya.
Wow ha?! Umabot sa Japan ang haba ng hair mo...hindi naman siguro siya
magpapakahirap para umakyat ng puno, umigib sa poso, magsibak ng kahoy at kumatay
ng baboy para lang lokohin ka. Hindi mag-e-effort ang isang lalaki para lang sa
ganong bagay, unless na lang kung gusto ka talaga niya. paliwanag ng puso niya.

"Joey, sinabi na rin sa'kin ni Hunter ang tungkol sa muling pagkikita ninyo ni
Lance, sinabi niyang hindi ka pa raw nakakapagmove on at mahal mo pa rin ang ex
boyfriend mo, nag aalala si Hunter para sa'yo."

Nangunot ang noo niya, "Bakit naman siya mag aalala?"

"Dahil ayaw ka na niyang makitang nasasaktan, hindi na raw siya makakapayag na


balikan mo ang walang hiyang iyon."

"Sinabi niya iyon dahil galit din siya kay Lance, hindi naman talaga siya nag
aalala sa'kin." Malungkot na sabi niya, "Sinasabi niyang gusto niya ako pero hindi
ako naniniwala." Aniya

"Bakit hindi ka naniniwala?"

"Dahil babaero siya, katulad siya ni Lance, sasaktan lang niya ako kapag naniwala
ako sa kanya." Hindi na niya napigilang ilabas ang nararamdaman niya

Nakita niya ang pagtitig nito sa mga mata niya.

"Sabihin mo nga sa'kin ang totoo Joey..mahal mo pa rin ba si Lance?" tanong nito

Umiling siya, "Hindi na, matagal ko na siyang nakalimutan simula noong...simula


noong dumating si Hunter." Halos pabulong na lamang iyon subalit sapat na para
makarating iyon sa kuya niya.

Lalong nang arok ang mga titig nito, "Then tell me you like Hunter, do you?" he
asked seriously, nagtuloy na sa pagluha ang pinipigilan niyang damdamin, sunod
sunod siyang tumango.

"Hindi ko lang siya gusto kuya, gustong gusto ko siya...mahal ko na nga siya eh,
hindi ko alam kung kailan ko siya minahal pero simula niyon hindi na ako
pinatahimik ng puso at isipan ko, palagi na lang may nagtatalo sa loob ko." umiiyak
na sabi niya, "Kuya, anong gagawin ko? Mahal ko si Hunter pero natatakot akong
lokohin lang niya, ayokong masaktan ulit..baka hindi ko na kayanin pa." patuloy na
paghikbi niya

Naramdaman niya ang paghila sa kanya ng kuya niya, niyakap siya nito at marahang
hinaplos ang buhok.

"Joey, subukan mong magtiwala kay Hunter, nakikita ko naman na seryoso siya para
sa'yo." Anito, humiwalay siya sa kapatid niya

"Paano kuya? Hindi ko na yata alam kung paanong magtiwala pa, tama nang nasaktan
ako noon kay Lance, tama na nagpakatanga ako sa kanya, tama nang nagpakamartir ako
sa isang babaero noon..hindi ko na ulit kayang magpaloko sa isang babaero kuya."
Aniya, nagbuntong hininga ang kuya niya.

Natigil naman ang akmang paglapit ni Hunter kay Jesse, nakita niya
itong naupo sa upuang kawayan sa ilalim ng puno ng mangga, makikipagkwentuhan sana
siya dito at makikibalita kung ano na ang status niya sa ibang mga kuya ni Joey,
alam niyang gine-grade-an siya ng mga ito sa ginagawa niya, nachallenge din siya sa
ginagawa ng mga ito kaya lalo niyang ginagawa ang makakaya niya upang magpakitang
gilas hindi lamang kay Joey kundi pati na rin sa pamilya nito.

Si Jesse palang ang bukod tanging nagtitiwala sa kanya, ang totoo kinausap na niya
si Jesse tungkol sa totoong relasyon nila ni Joey, ipinagtapat niya ang lahat,
noong una ay nagalit ito pero ipinaliwanag naman niya na gusto niya si Joey,
seryoso siya sa nararamdaman niya para dito at gagawin niya ang lahat para mabaling
ang atensyon nito sa kanya, alam niyang hindi pa rin ito nakakapag move on kay
Lance, alam niyang may nararamdaman pa rin ito sa dating kasintahan at hindi na
siya makakapayag na makipagbalikan ito sa talipandas na lalaking iyon.

Nararamdaman niyang may masamang binabalak si Lance kay Joey at iyon ang ipinangako
niya kay Jesse, poprotektahan niya si Joey.

Ipinangako rin niyang mamahalin niya ang dalaga at magiging tapat dito. Sana lang
ay makita ng dalaga na seryoso talaga siya sa nararamdaman niya para dito.

Nagkubli siya ng marinig niya ang tinig ni Joey, parang nilamukos na papel ang puso
niya nang marinig niya ang huling sinabi ng dalaga.

"Paano kuya? Hindi ko na yata alam kung paanong magtiwala pa, tama nang nasaktan
ako noon kay Lance, tama na nagpakatanga ako sa kanya, tama nang nagpakamartir ako
sa isang babaero noon..hindi ko na ulit kayang magpaloko sa isang babaero kuya."

Laglag ang balikat na nahaplos niya ang tapat ng puso niya, pakiramdam niya ay
dumudugo iyon. First time lang niyang maramdaman ang ganong feeling at bago iyon sa
kanya, why it so hurt? Bakit ang sakit sakit sa puso.

Gago ka kasi Hunter! Ngayon nararamdaman mo na ang tunay na karma...

Masakit palang maranasan ang umibig, parang gusto na niyang magback out...pero
isipin pa lang niya ang sumuko mas lalong kumirot ang puso niya.

Para namang nag echo ang boses ni Xien at ang sinabi nito sa kanya kanina.

"H'wag kang susuko sa nararamdaman mo, mas mahihirapan ka kung pagsisisihan mo sa


huli na hindi mo ginawa ang lahat para maramdaman niya na tunay ang pag ibig mo sa
kanya."

Xien's right, I'll need to be strong..hindi naman palaging masaya ang pag ibig sa
una, katulad ng mga kaibigan niyang sina Kaizer, Sky at Einar na lihim na umiibig
sa mga babaeng matagal nang kakilala, they were the hopeless guys in their group
then but now, nagbunga ang matagal na panahong hinintay ng mga ito, dumating ang
tamang oras at tamang lugar para maging masaya, nakamit ng mga ito ang pag ibig na
inaasam asam.

Si Jared na nakailang girlfriends at nagpakamartir noon para mahanap ang right one,
ang miss right nito, iyong hindi lang materyal na bagay ang habol kundi pati ang
pag ibig na gusto rin nito. Now, he met his girl..the perfect girl to spend his
life with.

Then si Trevor, ang torpe at ang kakambal niya sa kaartehan, hindi pa rin nito
nararanasang mainlove pero simula nang makilala nito ang babaeng nagpagulo sa
tahimik nitong buhay ay nagbago din ang buhay nito, he did all stupid things just
for his girl. Isa siya sa humanga dito ng pilitin nitong matutong tumugtog ng
gitara para ialay sa babaeng nagugustuhan nito. Nang maawa si kupido rito ay
nagwagi rin ito sa inaasam asam na pag ibig, ganon din ang nangyari kay Reed,
matagal na nitong tinikis ang nararamdaman sa babaeng pinapangarap nito noon pa,
masakit para ditong itanggi ang totoong nararamdaman at magkunwari. Maraming taon
ang isinakripisyo nito para sa pag ibig na iyon, at hangang hanga talaga siya sa
kaibigan niyang iyon, Reed was one of a kind.

Pero sa huli Reed and his girl are now happily with each other's arms, hindi rin
magtatagal ay magpapakasal na rin ang dalawa.

That's right Hunter, hindi ka lalaki kung susuko ka na lang basta.

Hindi siya tao kung hindi siya masasaktan, iyong kinatatakutan niya noon ay handa
na niyang harapin lahat, handa na siyang magtiis, handa na siyang maghintay, handa
siyang umiyak at masaktan kaya gagawin niya ang lahat para hindi mabigo.

Papatunayan niya kay Joey na mahal na mahal niya ito, Joey changed his life,
everything in his life and he's prepared to live like that.

No women, no night life, no easy go lucky man anymore, he wants to live like
everyone else...like a regular guy...with his dream girl..to spent the rest of his
life with..to grow old with..

Nabawasan ng kaunti ang kirot sa puso niya ng marinig niya ang pagtatanggol sa
kanya ni Jesse.

"Joey, I'll tell you something...noong mga nakaraan, palagi kaming magkatext ni
Hunter, sinusumbong ka niya sa'kin, napakatigas daw ng ulo mo at ayaw mong makinig
sa kanya."

Gusto sana niyang makita ang reaksyon ng dalaga subalit mas minabuting magkubli na
lamang siya roon sa dilim at makinig sa usapan ng mga ito.

"Joey, nagpaalam siya hindi lang sa'kin kundi pati na rin kina Jelo, Jepoy, Jinx at
James, hiningi niya ang permiso namin na ligawan ka, gusto raw niyang maging pormal
ang panliligaw niya. I think he's really serious about you." Anito pa

"Joey, sa tingin ko seryoso talaga siya sa nararamdaman niya para sa'yo."

Mayayakap talaga niya si Jesse dahil sa pagbi-build up nito sa kapatid, malaki


talaga ang pagpapasalamat niya na nagtiwala ito sa kanya.

"Okay, I'll try...pag aaralan ko din muna ang lahat." Narinig niyang sabi ng dalaga

Nawala na ng tuluyan ang lungkot niya, napangiti na siya at napasuntok pa sa


hangin.

Kailangan pala niyang doblehin ang effort niya para magtiwala ito sa kanya.

Araw nang kasal ng kuya Jesse niya, isa sa mga abay si Joey kaya naman kahit hindi
naman siya madalas magsuot ng dress ay napilitan siyang isuot ang korean dress
style na kulay aqua blue na tinernuhan ng violet, sinuot din niya ang kulay silver
na sandals na dalawang pulgada ang taas, may nakatokang baklang magme-make up sa
kanya, she was amazed how her beauty emphasize with his talent in putting make up
and hairstyling. Natuwa rin siya sa nakikitang pagbabago sa sarili pagkatapos
siyang ayusan.

"Wow, napakaganda mo talaga Joey, pwede ka ng mag artista." Masayang komento ng


make up artist.
"Thank you, Mers." Tipid na ngiting sabi niya.

Hindi nagtagal ay lumabas na siya ng silid niya upang sumakay na sa sasakyan


patungo sa simbahan, ilang sandali na lang ay mag uumpisa na ang kasal ng kuya
niya.

Lumundag yata ang puso niya ng pagbukas niya ng silid niya ay nakatayo na sa labas
niyon si Hunter na sadyang hinihintay siya.

Ito ang maghahatid sa kanya patungo sa simbahan gamit ang volks niya.

Obvious ang pagbakas ng paghanga sa mukha nito ng masilayan siya, bahagya pang
umawang ang bibig nito.

"You look beautiful.." bulalas nito habang pinasadahan pa ang kabuuan niya, nailang
naman siya sa pagtitig nito.

Hindi rin niya napigilan na titigan ang kabuuan ng binata, kahit na simpleng polo
shirt, maong jeans at rubber shoes ang suot nito ay umangat din sa paningin niya
ang malakas na dating ng kasimplehan nito, well, hindi naman nakakapagtaka na bagay
rito ang kahit na anong isuot nito dahil isa itong magaling na modelo, kahit nga
siguro bahag lang ang isuot nito ay hindi mababawasan ang malakas nitong karisma.

"Thanks." Tipid na ngiti niya, hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya para
ngitian ito pero wala na siyang nagawa pa para bawiin pa iyon.

Saglit naman itong natigilan pagkuwan ay nagsalita.

"Am I dreaming? You just smile at me a while ago..." he said with disbelief in his
face, ngumiti ulit siya dahil sa overreacting ito, kasi naman first time lang yata
niya itong nginitian ng ganon. Hindi rin niya ito masisisi.

His eyes widen in surprise, "You smiling at me! I saw it. I'm not dreaming."

Naiiling na nagsalita siya, "Ang oa mo naman, halika na nga at ihatid mo na ako."


Aniya at nagpatiuna ng lumabas ng bahay nila.

Lulan na ng sasakyan si Joey at Hunter, gustong gusto na niyang takpan ang mukha
dahil hindi na siya tinatantanan tingnan ng binata.

"Baka maaksidente tayo Hunter." Sita niya sa binata, ngumiti ito

"Sorry, I just can't help myself."

She looks away and blushing, kinikilig din siya deep inside.

Hindi nagtagal ay tumapat ang sasakyan sa simbahan na pagdarausan ng kasal, bago


sila bumaba ay nagsalita pa si Hunter.

"Wow, the church was beautiful." Komento nito, "Gusto ko ring maikasal sa simbahang
ito." Anito, gulat na napatingin naman siya rito.

Tama bang narinig niya dito ang salitang kasal?

Bumilis ang pagtibok ng puso niya nang makita niyang nakatitig na naman ito sa
kanya.

"Gusto mo rin ba ditong magpakasal?" tanong nito, nataranta siya pero nagawa naman
niyang sumagot ng maayos.
"O-oo naman! Dito ako pinanganak eh."

His smile widen big, "Okay then, our wedding will be held here in this church." He
said.

Natigagal siya, Omgeee! Kumalma ka oh aking puso...

Nakawala yata sa rib cage ang puso niya sa sobrang kilig na nararamdaman, ang sarap
sa pakiramdam na marinig iyon.

Nagpasalamat siyang kumilos na ang binata at bumaba ng sasakyan, awang pa rin ang
labi na binuksan nito ang pintuan.

"Let me hold your hand, beautiful lady." Nakangiting sabi nito, wala sa sariling
naibigay niya ang isang kamay at bumaba ng sasakyan.

Pakiramdam kasi niya ay inaanod siya ng kaligayahang nararamdaman niya ng mga


sandaling iyon, hinahayaan lang niyang madala ng damdamin niya, hiniling niyang sa
dagat ng wagas na pag ibig iyon mapunta at hindi sa kumunoy ng pagkabigo na naman.

Tama ng pag iisip ng kung anu-ano Joey, magtiwala ka lang kay Hunter gaya ng sabi
ng kuya Jesse.

####################################
CHAPTER TWENTY NINE
####################################

Araw ng International fashion event, nasa venue na ang buong team ni Joey at handa
na sila para sa fashion show. Naroon si Joey para sumuporta sa mga modelo ni Pepsi
at para na rin kay Hunter.

Nasa isang sulok lang sila ng binata habang nilalagyan niya ng concealing cream ang
mga gasgas sa braso at ibang parte ng katawan nito.

"Ouch, honey..dahan dahan lang." nakangiwing sabi ni Hunter habang tinatapalan niya
ang malaking gasgas nito sa balikat.

"Tsk, kasalanan mo yan, kung anu-anong pagpapasikat ang ginawa mo. Hindi mo naisip
na may fashion show ka pa ngayong araw." Ingos na sabi niya sa binata

Nahaplos nito ang batok, "Nah, I did those things just for you, hindi mo man lang
naappreciate?" reklamo pa nito, inirapan niya ito.

"It's stupidity." Aniya, deep in side ay kilig na kilig siya.

Napamaang naman ito, "Stupidity ba ang mahalin ka? Hindi kaya..."

"Tumigil ka nga." Pinanlakihan niya ito ng mga mata, may mga napapatingin na kasi
sa kanila dahil sa mga cheesy words nito, hindi lang kasi sila ang nasa dressing
room na iyon.

Napadiin naman ang paglalagay niya ng cream sa gasgas sa dibdib nito.

"Ouch! That's too deep honey, masakit ang part na yun." Angal nito
Naguilty naman siya kaya hinaplos niya iyon ng marahan baka sakaling mawala ang
kirot.

"I'm sorry, masakit pa ba?" masuyong tanong niya, saglit itong natigilan pagkuwan
ay ngumiti at sunod sunod na tumango.

"Yeah, masakit pa rin..." nakalabi pang sabi nito, maya maya ay itinuro din nito
ang gasgas sa bandang braso nito. "Kumirot din ang isang to." Anito, nahaplos naman
niya iyon.

"Masakit pa?" tanong niya, umiling ito, "Saan pa ba masakit?"

"Ito masakit din..." anito na tinuro ang labi, "Pero i-kiss mo na lang." anito

Wala sa oras na nabatukan niya ito.

"Diyan ka magaling." Inis na sabi niya

"Akala ko makakalusot eh." Nakangiting sabi nito habang nakamot ang ulo.

Lihim na napangiti siya, he found him cute.

Mabuti na lamang ay kinuha ni Pepsi ang atensyon ng binata.

"Ano ba? Kanina pa kayo nilalanggam diyan." Komento nito, "Maya maya ay magsisimula
na ang show pero wala pa rin si Aira." Anito, natigil ang ginagawa niya pagkuwan ay
sinulyapan ang suot na wrist watch.

Ilang minuto na lang ay magsisimula na nga ang fashion show, kitang kita na rin
niyang hindi na mapakali ang kaibigan niya.

"Tinawagan mo na ba?" tanong niya

"Kanina ko pa nga tinatawagan pero naka off ang cp niya." anito

"Tawagan mo si Lance baka alam niya kung nasaan na si Aira." Suhestiyon niya, hindi
niya pinansin ang masamang pag ungol ni Hunter sa tabi niya.

"Wala akong number ni Lance." Anito, kumilos naman siya upang kunin ang cellphone
sa bulsa niya.

"Wait, I have his number in my phone." Aniya, tiningnan niya sa phonebook niya ang
number ng lalaki subalit ganon na lamang ang pagtataka niya ng hindi niya iyon
makita.

"Bakit wala na rito ang number niya?" takang wika niya, kunot noong sinulyapan niya
si Hunter, "You deleted his number, are you?"

Naalala niyang pinahawak niya dito ang cellphone upang kunan siya ng litrato noong
kasal ng kuya Jesse niya, hindi naman niya alam na pinakealaman nito ang laman
niyon.

Nagkibit balikat ito, "Napindot ko lang yung deleted button nung makita yung number
niya." pakli nito

Mangali ngaling batukan muli niya ang binata, kinikilig man siya sa ginawa nito
dahil nagseselos ito kay Lance pero wrong timing ang ginawa nito dahil importante
ang number ng lalaki ng mga sandaling iyon.
"Sorry, wala na pala akong number ni Lance." Aniya

Pagkasabi niyang iyon ay may umagaw ng atensyon nila.

"Oh I just heard my name here." Lance said

Lalapitan sana niya ito subalit hinila siya ni Hunter, maang na napatingin siya
dito.

Seryoso na itong nakatingin sa kanya, napabuntong hininga na lamang siya.

Hawak pa rin ni Hunter ang kamay niya nang magsalita siya

"Nasaan si Aira?" tanong niya sa binata, nagkibit balikat ito.

"Hindi ko siya kasama, wala pa ba siya?" tanong nito, ganon na lamang ang pagkunot
ng mga noo nila.

"Hindi mo kasama si Aira?" sabad ni Pepsi, umiling ang binata

"Hindi, ang sabi niya sasabay daw siya sa inyo kaya hindi ko na siya sinabay pa sa
sasakyan ko." sagot ng binata

"Pero bakit nandito ka?" tanong niya, ngumiti ito.

"I'm one of the models, of course."

Nakita niya ang pag ingos ni Hunter na halatang ayaw sa presensya ng binata.

"You mean?" tanong niya

Tinuro nito ang kalaban na fashion designer ni Pepsi.

"Model ako sa kabila." Anito, "At gaya ni Hunter, ako din ang highlight mamaya."
Dagdag pa nito

Nakita niya ang inis na tingin ng mga kateam niya lalo na sina Pepsi at Hunter sa
binata.

"Bakit hindi mo sinabing model ka pala ng kalaban ni Pepsi?" tanong niya

"Wala namang nagtatanong eh." Sarkastikong sabi nito, tumingin ito sa kamay niya na
hawak ni Hunter, halatang umasim ang mukha nito.

"Sige, maiwan ko na kayo." anito

"Teka, pwede mo bang tawagan si Aira?" aniya sa lalaki

"Okay." Tipid na sagot nito pagkuwan ay naglakad na palayo sa kanila.

"Tss, wala ng yayabang sa lalaking iyon." ani Hunter

"Model pala siya ng kalaban, ang kapal niyang tumambay sa photo shoot ng may photo
shoot." Sabi ni Pepsi

Sumapit ang oras ng fashion show at natataranta na talaga ang buong team ni Joey,
mangiyak ngiyak na rin si Pepsi dahil hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa
rin dumarating si Aira.
"Paano na yan? Matatalo na lang ba tayo ng ganito?" komento ni Pepsi.

"Hindi kaya sinabotahe tayo ni Lance?" tiim bagang na komento ni Hunter

"Hindi naman siguro." Aniya, sumama lalo ang mukha nito.

"Pinagtatanggol mo pa rin ang gagong iyon?" may inis sa tinig nito

"Hindi naman pero h'wag na muna tayong magbintang ng iba, malay natin kung may
nangyari lang kay Aira." Paliwanag niya

"Kung may nangyaring hindi maganda sa kanya, bakit nagsasaya pa ang siraulong iyon
dito?" inis na sabi ni Hunter na tinuro pa si Lance na nakikipagtawanan sa ibang
co-model nito.

Lumingon sa gawi nila si Lance pagkuwan ay nagsalita.

"I can't call her, nakaoff ang cellphone niya. Kung gusto ninyo sunduin ninyo na
lang siya." Nakangiting sabi nito

Napigilan naman niya si Hunter ng makitang lalapitan nito ang lalaki.

"Stop it Hunter, gusto mo bang madisqualified?" matigas na sabi niya sa binata,


naiinis din siya kay Lance dahil tila nang iinis pa ito.

"Madi-disqualified din naman tayo dahil wala si Aira so ano pa bang pinag aalala
mo?" tanong nito, "Or else, ayaw mong masaktan ko ang lalaking iyon dahil hanggang
ngayon ay mahal mo pa rin siya." Anito

Nagbuntong hininga naman siya, "Hindi ito ang panahon para pag usapan yan Hunter."
Inis na sabi niya, hindi na umimik pa ang binata.

Akmang tatalikod ang binata ng magsalita muli siya,"Saan ka pupunta?" kunot noong
tanong niya

"Tatawagan ko yung ibang kakilala kong model, baka sakaling matulungan tayo." Anito

Umiling siya, "Hindi na rin naman sila aabot dahil magsisimula na ang fashion
show." Aniya, nakita nilang naghahanda na ang kalaban sa pagrampa.

Nanlumo naman ang buong team nila, napaiyak na rin si Pepsi.

Kumilos siya at nilapitan ang kaibigan, "Don't cry Pepsi, hindi ko papayagang
matalo ka sa labang ito, I'll help you." Aniya, ganon na lamang ang reaksyon ng mga
ito nang kunin niya ang isa sa mga isusuot sana ni Aira sa show na iyon.

"Teka, sigurado ka ba?" ani Hunter na hinawakan ang kamay niya, tumango siya.

"I'll do this for our team, for Pepsi." Aniya, kumilos na siya upang magtungo sa
dressing room.

"Ang galing mo Joey, hindi ko alam na pwede ka palang magmodelo."


Bulalas ni Pepsi nang matapos ang event, kahit kinakabahan ay nagawa niyang
maglakad sa gitna ng ramp stage sa harap ng maraming tao, nagawa niya iyon sa
tulong din ni Hunter, pinalakas nito ang loob niya, naniniwala itong makakaya niya.
Nakita niya si Hunter, nginitian niya ito.

"Thanks to Hunter, pinalakas niya lalo ang loob ko." aniya, lumapit ito at
ipinatong sa balikat niya ang suit na pagmamay ari rin nito, suot pa rin niya ang
one piece suit na design ni Pepsi.

"Tsk, kahit labag sa loob ko ang ginawa mo ay humanga pa rin ako sa'yo." Anito,
ngumiti siya. "This is your last time to become a model."

"Bakit naman? Ang ganda kaya niya atsaka hangang hanga sa kanya iyong mga judges."
Ani Pepsi, pumalatak muli si Hunter.

"Ayokong pinapakita niya ang katawan niya sa iba, gusto ko ngang manuntok ng mukha
kanina mabuti na lang at napipigilan ko pa ang sarili ko." nakangiwing sabi nito,
tumawa si Pepsi, kinilig naman siya sa sinabi ng binata.

Nang dumating ang announcement ng mga nanalong designers ay nakasama si Pepsi sa


mga iyon, siya ang nagwagi sa undergarment category, hindi rin nila inaasahan na
sila ni Hunter ang napiling models of the night.

"Congratulations Joey." Nakangiting sabi ni Hunter, naglalakad na sila patungo sa


parking area.

"Same to you." Nahihiyang sabi niya

"Pero ito na ang huli ha." Anito

"Mas mahal ko ang likod ng camera." Sagot niya, ngumiti ang binata

"Mabuti naman, baka maging delinquent model ako kapag pinagpatuloy mo ang
pagmomodelo dahil hindi ko na mapipigilan pa sa susunod ang makapanuntok ng tao."
Anito

"Napakabrusko mo naman."

"I am, lalo na kung para sa'yo."

Napangiti siya, Ah, how I really love this man..

Nasa tapat na sila ng sasakyan nito nang magsalita muli ang binata.

"Oops, I forgot something." Anito, "Babalik lang ako sandali sa loob."

Tumango siya, "Okay."

"I'll be right back." Nakangiting sabi nito at hindi na siya nakahuma pa ng nakawan
siya nito ng halik sa mga labi, it was smack kiss but it felt so good inside.

Nahaplos niya ang labi niya ng makatalikod na ang binata, Sasabihin ko na rin ba sa
kanya ang nararamdaman ko?

"Mukhang nagkakamabutihan na talaga kayo ni Hunter." Sabi ng pamilyar na boses sa


likuran niya.

"What are you doing here? Mabuti pang umalis ka na." sabi niya sa binata, kahit
papaano ay napigilan pa niyang ipakita ang inis sa lalaki.

"Oh, mukhang na-brainwash ka niya ng tuluyan." Anito, hindi niya pinansin ang
sinabi nito, tatalikod sana siya upang iwanan ito at sundan na lamang sa loob si
Hunter para maiwasan niya ang dating kasintahan.

Alam niyang bigo ito ngayon dahil sa pagkatalo ng team nito, hindi rin ito ang
nakuha bilang star model. Kaya alam niyang inis na inis na naman ito kay Hunter.

"Hindi mo ba alam na may sikretong tinatago ang lalaking iyon?" anito, natigil
naman ang akmang pagiwan niya dito.

"Anong ibig mong sabihin?" kunot noong tanong niya

"Hindi ba niya sinasabi sa'yo na may tinataguan siyang babae?" anito, alam niya ang
bagay na iyon. Nabanggit minsan ni Hunter ang tungkol sa bagay na iyon noon.

"Iyon lang ba ang sasabihin mo?" nakataas ang isang kilay na sabi niya, "Lance,
stop doing this, hindi na ako naniniwala sa'yo." Aniya at tinalikuran na ang
binata.

"Joey, wait!" pigil nito sa kamay niya.

"Ano ba Lance? Ano bang kailangan mo?" tanong nito

Nagulat siya ng bigla na lamang itong umiyak sa harap niya

"I'm sorry, sorry talaga Joey." Pagsusumamo nito, hindi kaagad siya nakapagsalita
ng makitang umiiyak ito sa harap niya na iyon ang unang pagkakataon na makita itong
nasa ganong kalagayan.

"Lance, ano bang nangyayari sa'yo?" tanong niya sa binata

"Ewan ko ba nitong mga huling araw kasi, noong magkita ulit tayo..hindi na ako
matahimik." Simula nito

Nangunot ang noo niya, "Anong pinagsasasabi mo?"

"Joey, ngayon ko lang narealized na mahal pala kita." Anito, ganon na lamang ang
pagkagimbal niya. Hindi rin siya kaagad nakahuma ng bigla siyang yakapin nito.

"Joey, please...mahal na mahal kita, give me another chance." Pagsamo nito

Pilit na humiwalay naman siya dito.

"Lance, hindi ba at magpapakasal na kayo ni Aira?"

Umiling ito, "Hindi ko kayang magpakasal sa kanya dahil ikaw ang nilalaman ng puso
ko." anito

"You're insane..Lance.."

Bigla na lamang siya nitong hinapit at hinalikan sa mga labi, nagpumiglas siya at
nang makalayo sa binata ay isang malakas na sampal ang ibinigay niya rito.

"Don't touch me anymore! Matagal na kitang nakalimutan Lance." Asik niya sa binata

Hawak ang pisngi na kaagad namula ay matalim na tiningnan siya ng lalaki.

"Bakit dahil ba kay Hunter?" madilim ang anyong tanong nito, kailangan na rin
nitong malaman ang totoo.

"Oo, dahil kay Hunter..."


Saglit itong natigilan pagkuwan ay nakabawi kaagad

"Mahal mo na ba siya?"

Hindi siya sumagot, narinig niya ang pagpalatak nito.

"Bakit handa ka na bang masaktan muli Joey? Sinabi ko sa'yong layuan mo siya dahil
hindi siya ang tipo ng lalaking kailangang mahalin, alam mo naman siguro kung bakit
hindi ba?" sarkastikong sabi nito.

"Nagbago na si Hunter." Pagtatanggol niya kay Hunter.

"Tsk! Nagbago? That's bullshit! Wala sa bokubolaryo niyon ang magbago. Sex is all
he want from women, Love is out of his system. Hunter is a playboy." Anito

She inhaled sharply, "Stop it Lance, wala akong panahon para pakinggan ka." Matigas
ang boses na wika niya, tinalikuran na rin niya ang lalaki.

Kailangan lang niyang magtiwala kay Hunter gaya ng payo ng kuya Jesse niya, nagbago
na si Hunter para sa kanya.

Kung totoo man ang lahat ng sinasabi nito, problema na niya iyon kung paano muling
magmo-move on pero pinapangako niyang hinding hindi na makakalapit pa sa kanya si
Lance.

"Magsisisi ka na minahal mo si Hunter, Joey. Binalaan na kita." Narinig pa niyang


saad ni Lance bago siya nakalayo dito.

Mula sa entrance ng building ay nakasalubong niya si Hunter, nagulat ito ng makita


siya.

"Joey, what are you doing here?"

Sinulyapan muna niya lugar na kinororoonan ni Lance, nakita niyang nakatayo pa rin
ito sa tapat ng sasakyan nito habang nakatingin sa kanila.

"Ang tagal mo kasi." Nakangiting sabi niya

"Ah, akala ko namiss mo ako." Pabirong sabi nito

Tumalikod siya, nakita niyang nakasakay na sa sasakyan si Lance, Mahal ko si


Hunter, Lance...Hindi ako nagsisisi na minahal siya...

"Actually yes." Bulong niya.

Nagulat siya ng bigla siya nitong hilahin.

"Totoo?" hindi makapaniwalang tanong nito, mangali ngaling sabunutan niya ang
sarili, kung bakit kasi napalakas ang boses niya.

"Oo." sagot niya

"Na gusto mo ako."

"Oo nga."

Hindi naman kaagad nag sink ink sa utak niya ang huling sinabi nito kaya nagulat na
lamang siya ng yakapin siya nito.
"You said you like me too."

"Ha?"

Humiwalay ito sa kanya, "Let's go, let's have a dinner date." Anito, sinulyapan
niya ang orasan.

"Madaling araw na, anong dinner date?"

Napakamot naman ito sa ulo, "Oo nga pala, okay then, can I invite you for a dinner
date tomorrow?" he asked her

"Makakatanggi pa ba ako?"

Nakangiti itong umiling, "No, kung hindi ka papayag bubulabugin ko ang pagha-honey
moon ni Jesse para kulitin siyang tawagan ka para sumama sa'kin." Anito

Natawa siya sa sinabi ng binata, "Madaya ka."

"So? We have a dinner date tomorrow." Sumigla ang boses nito

Nakangiti na rin siyang tumango, kinuha nito ang isang kamay niya, may kung anong
dumaloy na maliliit na boltahe ng kuryente sa kanyang balat patungo sa kaloob
looban niya nang masuyong halikan ni Hunter ang likod ng kamay niya.

"Thank God I've found someone like you because after meeting you, my life changed."
He said while looking at her eyes, "Thank you too for trusting me, pangako ko na
hindi kita lolokohin, pangako ko na ikaw lang sa buhay ko. Hindi na ako titingin pa
sa iba dahil ikaw lang ay sapat na sa'kin." Patuloy nito.

Her heart turned over in her chest but she was careful not to let her face reflect
the intense emotion, something warm and tender curled inside her at the thought of
belonging to this man, of spending the rest of her life being with him.

"Thank you Joey, thank you so much, I'm going to be your perfect boyfriend."

Napangiti siya pagkuwan ay lumabi.

"Teka, sinagot na ba kita?" kunwa'y maang niya

Muling napakamot ito sa ulo at napahiyang binitawan ang kamay niya.

"I-I thought you like me too kaya akala ko tayo na." anito bigla ay natigilan ito,
"I'm sorry, hindi pala dapat kita minamadali. I'm so sorry..."

Napangiti siya nang tumalikod ang binata, dismayado at napahiya ito pero lalo
yatang mas naging gwapo ito sa paningin niya, geez, she like the way he is now...

Kitang kita niya ang pagbabago ng binata, noon kasi yumayabang ang dating nito sa
umaapaw na self confindence.

"Let's go, ihahatid na kita." Nakangiting sabi nito na mabilis ding nakabawi.

Her smile still in place, naglalakad na ito subalit nanatili lang siyang nakatayo
at pinagmamasdan ang nakatalikod na binata.

Siguro iyon na ang tamang panahon para iparamdam dito ang totoong nararamdaman ko
para sa kanya.
Malayo layo na ang binata sa kanya, humarap muli ito ng maramdamang hindi siya
nakasunod.

Maang na nagsalita, "Joey, what are you waiting for?" he asked

"Hunter." Tawag ni Joey sa binata.

"Joey?" nagtatanong ang mga matang tawag nito sa pangalan niya, dahan dahan siyang
naglakad palapit sa binata na hindi pa rin inaalis ang mga ngiti sa mga labi.

Tumigil siya na ilang hakbang lang ang lapit niya dito upang makita niya nang mas
malapitan ang mukha nito.

"What If I give you a chance to let you in to my heart?"

Kitang kita niya ang pagbabago ng ekspresyon nito.

"Really?" mababakas ang liwanag sa mukha nito

"Hindi mo ba ako sasaktan? Hindi mo ba ako lolokohin? Mamahalin mo ba ako at - "


Hindi na niya naituloy ang sasabihin ng bigla na lamang siya nitong hinapit na
mabilis na nakalapit sa kanya, sinelyuhan nito ang labi niya.

Ang panlalaki ng mga mata niya ay unti unti niyang ipinikit, how she longs for his
kiss, his sweet kiss. Sumasabay din sa pagbilis ng tibok ng puso niya ang tibok ng
puso nito na para bang iisa lang ang himig niyon.

Hiniling niyang sana ay forever na magkayakap at magkalapat ang mga labi nila sa
isa't isa subalit dahil pareho silang nangapos ng paghinga ay kusang bumitaw sa
kanya ang binata.

Tumingin ito sa mga mata niya habang may ngiti sa mga labi.

"You don't know how happy I am Joey."

"I love you." Aniya, saglit itong natigilan.

Nagtaka naman siya ng mapapikit ito at tumalikod sa kanya.

"Hunter, may problema ba?" tanong niya, hinawakan niya ang braso nito at hinila
paharap.

She was surprise when she saw his eyes clouded by mist, "What happened?" tanong
niya, mabilis na pinunasan nito ang mga mata na nagbabadya ng tumulo.

"I'm sorry, I don't know what's happening with me too, my heart seems bursting
right now, my stupid eyes can't help to tears, my hands shaking too and just
because I heard your I love you to me." he said in such emotions.

"Oh Hunter..." naibulalas niya, hindi na rin niya napigilang mangilid ang mga luha.

"Ang sarap pala ng feeling na marinig ang salitang iyon, akala ko noon it's just a
three words with a nonsense meaning. Now I realized that it's not just a words..it
is a magic words that will make people happy."

Hindi niya napigilang yakapin ang binata, "I love you." Anas niya sa pagitan ng mga
yakap, niyakap din siya nito ng mas mahigpit.
"I love you too.."

####################################
CHAPTER THIRTY
####################################

Happy and excited, hindi malaman ni Joey ang isusuot niya ng araw na iyon, unang
araw kasi ng date nila ni Hunter. Sa tuwing iisipin niyang magnobyo na sila nito ay
hindi niya mapigilang mapangiti, oras oras na lang ay palagi na lang itong laman ng
isip niya at sa huli ay kikiliging mag isa.

Isinara niya ang built in closet niya, kung bakit kasi hindi siya mahilig magsuot
ng mga bestida ngayon tuloy ay namomroblema siya ng isusuot niya, puro jeans at
shirt ang laman ng cabinet niya.

Bumaba siya ng bahay, dadaan muna siya sa mall tutal mamayang gabi pa naman ang
date nila ni Hunter.

Nadaanan niya si Salve na nakaharap sa computer, napatingin ito sa kanya at hindi


napigilang magtanong.

"Nanalo ka ba sa lotto boss? Ang saya saya mo yata ngayon?" tanong nito

"Higit pa sa lotto ang napalanunan ko Salve." Sagot niya

"Talaga? Mayaman ka na? Balato naman..." tudyo niya

"Loka ka! Magtrabaho ka na nga." Aniya

"Saan ka ba pupunta?"

"May bibilhin lang ako." Aniya

Kaagad na sumakay siya ng sasakyan niya at nagtungo sa pinakamalapit na mall.

Sa mall, ilang oras yata bago nakapamili ng magandang bestida si Joey, tatlong
saleslady pa ang nagmistulang fashion guru niya dahil hindi talaga niya alam ang
pipiliin niya sa limang bestida na nagustuhan niya, namili na rin siya ng sapatos
na isusuot niya.

Sa huli ay isang red knee length dress ang napili niya at black strap sandals na
may red sequence.

Alas singko na ng lumabas siya sa boutique na iyon, nagutom siya kaya pumasok siya
sa isang spaghetti house at naupo sa isang sulok, hindi naman matao doon kaya iyon
din ang pinili niya.

Habang naghihintay ng order niya ay hindi mawala wala ang ngiti sa mga labi niya,
nakarecieve kasi siya ng text message mula kay Hunter.
I can't wait to see you..to hug you..to kiss my beautiful gf. J <3

Natuwa pa siya sa emoticons sa huli, pakiramdam niya nagbalik siya sa pagiging


teenager niya, noong pinapakilig siya ng crush niya sa simpleng pagngiti nito sa
kanya.

Magrereply din sana siya sa text nito nang may umagaw sa atensyon niya.

Naibaba niya ang cellphone ng mamukhaan niya ang pamilyar na babae, naupo ito sa
tapat niya kahit hindi naman niya ito pinauupo.

"Yes? Anong kailangan mo?" tanong niya sa babae.

Maganda ang babae, hindi maipagkakailang galing ito sa mayamang pamilya, maputi ang
kutis nito kaya napansin kaagad niya ang pamumula ng ilong nito, nakasuot ito ng
itim na eyeglass at malaking itim na sunny hat na animo makikipaglibing lang.

"I'm sorry to disturb you but can we talk for a moment?" the woman said, medyo
garalgal rin ang boses nito na halatang kagagaling lang sa pag iyak.

"Ano bang pag uusapan natin?" kunot noong tanong niya

Nagulat siya nang bigla na lamang itong umiyak sa harap niya, mabuti na lang at
hindi masyadong matao sa lugar kaya hindi sila napapansin.

"Miss ano bang problema? Bakit ka umiiyak?" nagpapanic na tanong niya dito, baka
akalain ng makakakita sa kanila ay pinaiiyak niya ang babae, inalis nito ang suot
na eyeglass kaya tumambad sa kanya ang pugtong mga mata nito, naawa naman siya sa
kalagayan nito na halatang may mabigat na problema.

Nagulat siya ng bigla nitong hawakan ang mga kamay niya na nakapatong sa lamesa.

"Please, help me..ikaw lang ang taong makakatulong sa'kin para malutas ang problema
ko, my parents would kill me kapag nalaman nila ang sikreto ko." anito

Gusto niyang bawiin ang kamay mula dito, kung natatandaan niya nabanggit ni Hunter
na weird umano ang babae at may sapak sa ulo kaya pinagtataguan ito ng lalaki.

Baka nga may hangin ito sa utak at kung anong gawin sa kanya.

Hindi naman siguro, pwede ka naman nilang dalhin sa mental hospital para gumaling
ka. Gusto sana niyang sabihin subalit magmumukha siyang mean girl kapag sinabi niya
iyon.

"Ano bang maitutulong ko sa'yo?" tanong niya sa babae

"Kailangan kong makita si Hunter, gusto kong ibigay mo sa kanya ang bagay na ito."
Anito na may inilabas mula sa itim na bag, ipinatong sa tapat niya ang puting
sobre.

"May nakapagsabing alam mo raw kung saan nagtatago si Hunter, matagal na niya akong
tinataguan..." umiiyak na sabi nito.

"Bakit ka ba niya tinataguan?" curious na tanong niya habang binubuksan ang puting
sobre, gusto pa rin niyang malaman ang side ng babae.

Bago nito sagutin ang tanong niya ay nabuksan na niya ang sobre at tumambad sa
kanya ang ilang litrato.
Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa, narinig niya ang paghikbi ng babae.

"Gaya ng nakikita mo sa picture, I'm three months pregnant at si Hunter ang ama ng
dinadala ko, kailangan ko siyang makita para mapanagutan niya ang dinadala ko."
hagulgol na sabi nito, gusto niyang makisabay ng pag iyak dito subalit nagpakatatag
siya sa harap ng babae kahit na ba parang sumabog at nagkapira-piraso ang puso
niya.

"My parents are well known business tycoon at kapag nalaman nilang buntis ako,
tiyak na ipahahanap din nila si Hunter para ipakasal sa'kin, hindi nila hahayaan na
walang ama ang magiging anak ko kaya ngayon pa lang gusto ko na siyang hanapin para
sabihin sa kanya ang lahat."

Naging tagus-tagusan ang tingin niya sa mga litrato ng ultra sounds at ilang
pictures nito at ni Hunter na magkasama sa iisang silid. They were happy in those
pictures, there was a picture of them that they were hugging and kissing too...and
she felt contracting pain inside. Gusto na niyang umiyak ng malakas.

"Mahal ko si Hunter at hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko..please, help


me...babae ka rin at alam kong hindi mo hahayaan na lumaki ang anak mong walang
ama, hindi ba?" anito.

At the Flower Boys host club, naghahanda na ang buong host men sa
special event para sa gabing iyon, exclusive iyon para sa first date ever ni Hunter
sa babaeng mahal niya at masaya siya dahil todo suporta sa kanya ang mga kaibigan
niya.

Malapad ang pagkakangiti na pinagmasdan niya ang buong host club, it was all
perfect, mukha na iyong romantic place para sa date nila ni Joey.

Sinulyapan niya ang wristwatch niya, mag aalas siyete na nang gabi.

"Guys, susunduin ko na si Joey, make sure na magiging maganda ang entrance namin
ha." Paalala niya sa mga kaibigan.

"Sure! Handa na kami dito sa stage." Sagot ni Kaizer na tumitikla ng piano, ito ang
tutugtog ng romantic piece kapag dumating sila ni Joey mamaya, kasama nito si Sky
na tutugtog naman ng violin.

"Well prepared na rin kami bilang mga gwapong butler mo." nakangising sabi ni Einar
na nasa tapat ng bar counter, kumpleto ang mga kaibigan niya roon maliban kina Xien
at Jared na may emergency meeting lang sa JDC company subalit parating na rin roon
para suportahan siya kaya masayang masaya siya, marami siyang nakahandang sorpresa
para kay Joey para sa gabing iyon kaya excited talaga siya.

"Thanks guys!" he said with a smile in his face

Maya maya ay nagpaalam na siya upang sunduin ang importanteng babae sa buhay niya,
naglakad na siya palabas ng host club, nasa tapat na siya ng elevator nang magulat
siya ng makita niya si Joey roon, walang kangiti ngiti pero hindi nakaligtas sa
kanya ang namamagang mga mata nito.

"Honey..you surprise me!" nakangiting sabi niya na sinalubong ang paglabas nito ng
elevator, "Nakalimutan mo na bang susunduin kita ngayon? Excited ka na rin ba sa
date natin?" nakatawang biro niya, kahit nakasuot lang ito ng jeans at tshirt ay
napakaganda pa rin nito sa paningin niya.
Nah, that's really hard to believe...knowing what really turns me on are woman with
plunging neclines and in short skirts..sabi ng isang bahagi ng isip niya, hindi
yata siya magsasawang titigan ito.

How I love to just look at her, how I love to hug her, how I love to kiss her sexy
lips...damn! I love this woman in front of me...sigaw ng puso niya.

Lalapitan sana niya ito upang yakapin subalit umiwas ito kaya ganon na lamang ang
pagtataka niya.

"May problema ba Joey?" tanong niya sa babae, nag umpisang mangilid ang mga luha
nito ng magsalita ito.

"I-I'm sorry Hunter..."

Hindi naman niya ito maintindihan, " Sorry for what?" tanong niya

"For...for telling you lies..." he said while crying, tila ang bigat bigat ng loob
nito ng mga sandaling iyon.

"What do you mean?"

"I'm sorry, nagsinungaling ako nung sabihin kong mahal kita." Anito, para naman
siyang tinulos sa kinatatayuan, kumirot yata ang puso niya, naramdaman na niya iyon
minsan pero ng mga sandaling iyon ay mas matindi ang pagkirot niyon.

"You're...you're joking right?" pilit na ngiting sabi niya, gusto niyang isipin na
pinaglalaruan lang siya nito, na totoo ang lahat ng sinabi nito kagabi.

Sunod sunod itong umiling, "Hindi totoo iyon Hunter, hindi talaga kita mahal, hindi
ko pa kayang magmahal ngayon, hindi pa handa ang puso ko para ilaan sa iba."
Umiiyak na sabi nito

Nahaplos niya ang tapat ng dibdib niya, para kasing sumabog iyon at kumalat sa loob
ang piraso niyon, ang sakit sakit sa puso. Naramdaman rin niya ang pangingilid ng
mga mata niya, naiiyak na rin siya dahil sa sobrang sakit na nararamdaman niya.

Damn! That was too corny! Crying in this kind of situation is something beyond his
control...

"Joey, please...tell me this is a joke." Hirap ang boses na wika niya, lumapit siya
rito at niyakap. "I love you so much Joey, handa akong maghintay kahit gaano pa
katagal sabihin mo lang na maghihintay ka rin para mahalin ako." Aniya, humiwalay
siya rito at hinalikan ito sa mga labi. Sana maramdaman nito sa mga halik niya kung
gaano niya ito kamahal.

A part of Joey accepted Hunter's kiss eagerly but there was an even
stronger part of her that protested. He was telling her he loved her and asking her
to love him...to acknowledge his love...accept it...and return it.

More than anything in the world , Joey wanted to do just that, but she couldn't.

I love you too Hunter! God knows how she love this man in front of him. Pero
naipangako na niyang lalayuan niya ito para sa kaligayahan ng iba.

She pushed at Hunter's shoulders until he broke the kiss and release her.
" I can't Hunter, Im sorry but I can't." her voice faltered under the weight of her
confused emotions and she twisted away from him.

Hindi maampat ampat ang mga luha ni Joey habang lulan ng sasakyan niya, nasasaktan
din siya sa sinabi niya kay Hunter kanina subalit kailangan niyang magsinungaling,
hindi niya kayang maging makasarili kung may ibang taong mas kailangan ang
pagmamahal at kalinga ng binata, mas mahirap ang sitwasyon ni Faye kaysa sa kanya,
kung hindi man sinabi sa kanya ni Hunter noon ang totoong dahilan kaya nito
iniiwasan ang babae ay hindi na mahalaga iyon, ang importante ay nagparaya siya
para sa kaligayahan ng iba. Ayaw niyang maging komplikado pa ang lahat, siya na ang
susuko kahit na masakit iyon para sa kanya.

Itinabi niya ang sasakyan upang ilabas ang lahat ng bigat nararamdam niya ng mga
sandaling iyon, lumalabo na rin ang mga mata niya dahil sa luhang kusang umaagos sa
pisngi niya.

"I'm sorry Hunter...Ang totoo...mahal kita...mahal na mahal...." Humahagulgol na


sabi niya.

Nang pumasok si Hunter sa loob ng host club ay dumiretso siya sa wine


bar at naupo sa mataas na stool, nagtaka ang mga kaibigan niya ng makita siya.

"Oh, akala ko susunduin mo si Joey?" tanong ni Reed na nasa tapat ng bar counter,
hindi siya sumagot, inabot niya ang bote ng whiskey at binuksan iyon. Walang
anumang tinungga niya iyon.

Naramdaman niya ang paglapit ng mga kaibigan niya sa gawi niya at pinagmamasdan ang
ginagawa niya.

"Hunter, may problema ba?" tanong naman ni Tanner

Nahaplos muli niya ang tapat ng dibdib niya, "Shit!" hindi niya napigilang sabihin
nang maramdaman niya ang paglala ng kirot sa puso niya, it was severely painful and
he can't take it anymore.

"Please, anyone knows how to stop this heart from aching?" hirap na pakiusap niya
sa mga kaibigan niya, nagkatinginan ang mga ito.

"Ano bang nangyari Hunter?" may pag aalala na sa tinig ni Trevor na tinapik pa ang
balikat niya.

Tumungga muli siya sa bote ng whiskey hanggang sa mangalahati iyon, hindi niya
alintana ang pagguhit niyon sa lalamunan niya, nagdulot din iyon sa kanya ng
kaunting pagkahilo subalit wala iyon sa kanya, mas matindi pa rin ang nararamdaman
niya sa loob.

"Help me guys...help me please..." pagsusumamo niya sa mga kaibigan, hindi niya


kaya ang sakit ng mga sandaling iyon, hindi iyon pamilyar sa kanya kaya hindi niya
alam kung paano iha-handle, he was broken hearted and he's so helpless right that
moment.

"Paano ka ba namin tutulungan? Ayaw mo naman sabihin ang problema mo?" sabad naman
ni Einar, nilingon niya ang kaibigan.

"I need a knife.." aniya, umeepekto na ang alak na ininom niya, paubos na rin iyon
na tila ba tubig lang ang iniinom niya.
Nagulat naman ito, "Aanhin mo naman ang kutsilyo?" takang tanong nito

Itinuro niya ang tapat ng puso niya.

"This shit..." tukoy niya sa puso niya, "I'll take it off."

"What?!" halos sabay sabay na sabi ng mga kaibigan niya

"Nababaliw ka na ba Hunter? Relax ka lang." ani Trevor, sinulyapan niya ito.

"How? How am I supposed to be relax? My heart was in pain right now and I can't
take it anymore." Anas niya, doon lang niya nailabas ang bigat ng loob na
nararamdaman niya, daig pa nang sinuntok ng isang katerbang gangsters ang puso niya
sa sobrang sakit niyon.

Inubos niya ang natitirang laman ng bote pagkuwan ay tumayo, kamuntikan na siyang
matumba kung hindi lang siya napakapit sa balikat ni Vash na tahimik lang na
nakamata sa kanya, naaawa sa kalagayan niya.

"Where are you going Hunter?" tanong ng mga kaibigan niya, mabuway na ang
paglalakad niya.

Itinuro niya ang malapit na bintana, "Here."

"Fully aircon ang buong silid na ito, hindi ba Kaichou?" ani Einar kay Yuan,
tumango ang huli, "Oh, bakit kailangan mo pang buksan ang bintana kung
magpapahangin ka lang." anito pa.

Nabuksan na niya ang bintana, kaagad na sumalubong sa kanya ang malamig na hangin
palibhasa ay nasa fourteen floor sila.

"Hindi naman ako magpapahangin..." aniya, isasampa pa lang niya ang isang paa sa
bintana nang maramdaman niya ang maraming kamay na humablot sa kanya palayo sa
bintana.

"Baliw ka ba Hunter?" ani Tanner na isa sa mga nakahawak sa balikat niya.

Nagpumiglas naman siya sa mga ito, "Let me go, I want to die right now." He said

Hindi naman siya binitawan ng mga kaibigan, mas lalo pa ngang humigpit ang mga
pagkapit ng mga ito sa iba't ibang parte ng katawan niya

"Saan ba napunta ang utak mo ngayon, Hunter?" komento naman ni Trevor na nasa mukha
din ang pagkainis at matinding pag aalala, hawak nito ng mahigpit ang isang braso
niya.

"Atsaka, nakalimutan mo na bang masamang damo ka, hindi ka mamamatay ng basta


basta." Komento naman ni Einar na binatukan pa siya ng malakas.

Sinara ni Yuan ang bintana at nagsalita.

"You're stupid Hunter. Suicide is not the answer from heart broken."

"I'm sorry guys, I just can't take this. Hindi ko alam kung paano mawawala ang
sakit." Aniya na nagsimula na namang mangilid ng luha ang mga mata niya.

Binitawan siya ng mga ito, naglakad siya patungo sa stage at naupo sa gilid niyon.
Nakita niya ang wine glass na may lamang red wine sa harap niya.

"Iinom mo na lang yan, nandito lang kami." Ani Vash, inabot naman niya iyon
pagkuwan ay sumimsim.

Saglit na tumahimik sa silid na iyon at ramdam niya ang tinginan ng mga kaibigan
niya, naroon ang pag aalala.

"I love her so much." He said, he never get used the searing pain he felt inside,
"But she can't love me back." He bit his lower lip to stop his tears from falling
but the pain was too severe, kusang naglandas iyon sa pisngi niya.

"Hindi ko alam kung paano ko makakaya to, paano ko tatanggapin na sa unang pag ibig
ko ay mabibigo lang ako...paano ko haharapin ang buhay ko na alam kong ang taong
nagpapangiti sa'kin sa umaga, ang taong naiisip ko oras oras, ang taong
pinananabikan ko araw araw, yung taong nagpabago sa'kin, yung taong nagturo sa'kin
kung paano mangarap..kung paano bumuo ng pamilya...kung paano ako maging kuntento
ay iyong taong hindi ako kayang mahalin...." Aniya, "Ang saklap lang...siguro ang
sama-sama ko noon kaya ito ang ganti sa'kin ng karma, I don't know what to do..I
don't know how to move on...I love her so much...." His chest rose and fell, it was
too painful not to let the feelings go. Umiiyak na siya sa harap ng mga kaibigan
niya, wala siyang pakealam kung magmukha man siyang tanga sa harap ng mga ito.

"Simula ng makilala ko si Joey, marami nang nagbago sa'kin at alam kong hindi ko na
kaya pang balikan muli iyon, nasanay na ako na iisang babae lang ang tinititigan
ko, iisang babae lang ang gusto kong makasama at makausap..si Joey lang ang babaeng
nasa puso ko. Sa maikling panahon lang na nagkasama kami, nasanay na ako sa
presensya niya at hindi ko yata kayang mabuhay na hindi siya makikita at
makakausap." Pag amin niya sa mga kaibigan, nireminisce pa niya ang mga panahong
nakasama niya ang dalaga at kung paano siyang nainlove dito.

Tahimik lang na nakikinig ang mga kaibigan niya.

"Umuwi kaya ako sa Mexico?" aniya

"Matagal ka na ring hindi umuuwi sa pamilya mo...bakit mo naman naisipang umuwi, sa


tingin mo ba makakapagmove on ka dun?" tanong ni Kaizer, tumango siya.

"Papasok ako sa seminarista, magpa-pari na lang ako."

Sa kabila ng page-emote niya ay narinig niya ang bungisngisan ng mga kaibigan niya.

"Anong nakakatawa?" kunot noong tanong niya

"Marami ka ng kasalanan, hindi ka bagay magpari." Suhestiyon ni Trevor na pigil ang


pagtawa, nagbuntong hininga siya.

"Ganon ba? Kailangan din bang virgin kapag pumasok sa seminarista?" maang na sabi
niya, lalong nagtawanan ang mga kaibigan niya, napangiwi siya dahil imbis na maging
madrama ang gabing iyon ay naging komedi dahil sa mga kaibigan niya.

"Tsk. Magmo-monghe na lang muna ako para malinis ang mga kasalanan ko bago ako
magpari." Pahabol pa niya.

"Uminom na lang tayo Hunter, alak lang ang katapat niyan." Nakangising sabi ni
Einar.
####################################
CHAPTER THIRTY ONE (FINALE)
####################################

"Guys, sorry we're late." Ani Xien pagkapasok sa host club kasama si Jared na nasa
likuran lang, nagtakakang pinagmasdan ng dalawa ang mga kaibigan na nasa harap ng
stage habang nakaupo sa gilid ng stage, nasa gitna si Hunter habang lungayngay na
ang ulo at tila nakatulog na sa sobrang kalasingan.

"What happened here?" takang tanong ni Jared habang papalapit sa mga kaibigan na
animo may importanteng pinag uusapan.

"Hunter's got dumped." Pagbabalita ni Trevor

"Ha? Akala ko okay na sila? Hindi ba at masaya pa niyang ibinalita kahapon na sila
na ni Joey?" ani Xien

"Oo nga, yun din ang akala namin pero kanina lang sinabi ni Joey na nagsinungaling
lang siya at hindi pa niya kayang mahalin tong manok natin." Ani Yuan

"He looks miserable." Nakangiwing sabi ni Jared

"Sinabi mo pa, kung anu-anong ginagawa niya kanina, inisip nga ring magpakamatay
eh." Naiiling na sabi naman ni Sky

"What? That was stupidity!" ani Xien

Ikinuwento ni Einar ang ibang detalye ng nangyari kanina bago muling natahimik,
tumingin ang lahat sa natutulog ng binata. Alam nilang panandalian lang ang
pananahimik nito siguradong magsisimula na naman ang pag iingay nito pagkagising
nito bukas, hindi nila masisisi kung bakit nagkakaganon ang kaibigan, Hunter hate
to become a regular guy, he hates to fall in love but when Joey came to his life,
his dull and dark life became colorful, kitang kita nila ang pagbabago sa buhay
nito at masaya sila na nakukuntento ito sa iisang bagay na wala noon dito.

Masaya silang makitang masaya rin ito, na walang bukang bibig kundi kung paano
makukuha ang pag ibig ni Joey. Nakita nila kung paano pinaghirapan nito ang lahat,
kung paano ito naging seryoso sa isang bagay.

Pero ngayon na nakikita nilang miserable ang buhay nito ay naaapektuhan din sila,
malungkot silang nakikitang nahihirapan ito. It was worse than they're expected.

"Hindi ko pala kayang makitang mainlove tong si Hunter." Naiiling na komento ni


Vash

"Ibang level ang kapangyarihan ng pag ibig sa kanya." ani Reed.

"Naaawa nga ako sa kanya." Sabi naman ni Sky na nagbuntong hininga pa.

"Kausapin kaya natin si Joey?" ani Einar habang nakatingin kay Hunter.

"Kung makakausap ba natin siya ay magugustuhan na ba niya si Hunter?" komento ni


Tanner, nanahimik ang lahat.
Naalala ni Xien ang puting sobre na napulot niya sa tapat ng elevator kanina,
binuksan niya iyon at tumambad ang mga laman niyon.

"Ah guys, I have an idea what's happening here." Ani Xien, tumingin naman ang mga
ito sa binatang detective pagkuwan ay pinakita ang mga litrato.

Masakit ang ulo ni Joey nang gumising ng araw na iyon, she never phrone
to headaches pero ng mga sandaling iyon parang may jack hammer sa loob ng bungo
niya dahil sa matinding kirot dahil sa labis na pag iyak niya kagabi.

Mabigat ang mga paa na tumapat siya sa malaking salamin, nakita niya ang namamaga
niyang mga mata, ilang sandali pa niyang tinitigan ang sarili bago umalis roon.

Naligo muna siya at kumain ng breakfast, tanging kape lang ang ininom niya dahil
wala siyang ganang kumain.

Bumaba siya ng bahay, linggo ng araw na iyon kaya sarado ang shop niya, patungo na
siya sa kanyang photo room ng makarinig ng pagkatok sa pinto ng back door.

Wala sa sariling binuksan niya iyon, napanganga na lamang siya ng mabungaran niya
ang isang matangkad at gwapong lalaki.

"Hi there!" nakangiting sabi ng isang gwapong lalaki na nakasuot ng sun glasses.

"Xien?" aniya ng makilala ito, isa sa mga kaibigan ni Hunter.

Ngumiti ito, "Yup." Sagot niya

"Anong ginagawa mo dito?"

"I need to tell you some important things and to defend our friend Hunter for
accusing in a crime that he actually doesn't commit." Anito, hindi naman niya
maintindihan ang sinabi nito.

Naagaw ang atensyon niya nang may tumigil na itim na van sa harap nila at bumaba
roon ang dalawa pang matatangkad at gwapong mga lalaki at kilala niya ang mga ito,
sina Jared at Trevor.

In shocked silence, nakamata na lang siya at walang masabi habang papasok ang mga
ito na may bitbit na dalawang tao na kilalang kilala din niya.

"What is the meaning of this?" tanong niya habang nakatingin kay Lance at Faye na
tahimik lang simula ng bitbitin ito papasok nina Trevor at Jared.

"Sila ang magpapaliwanag ng lahat since sila din naman ang gumawa ng
kasinungalingan para masira ang kaibigan namin sa'yo." May inis sa tinig ni Trevor.

Muli niyang sinulyapan si Lance at Faye, nakita naman niya ang pagtiim bagang ni
Lance habang mangiyak ngiyak naman ang babae.

"What are you waiting for? Magsasalita ba kayo o idedemanda namin kayo ng libel?"
ani Jared

"I don't want to spend my life in jail." Mangiyak ngiyak na sabi ni Faye.

"Then tell her the truth." Xien demanded.


Nagsimula na itong magsalita, "I'm sorry Joey, hindi totoo ang mga sinabi ko sa'yo,
hindi totoong buntis ako at ginawa ko lang ang mga kwentong iyon para lumayo ka kay
Hunter." Simula nito, mababakas ang inis sa mukha ng mga kaibigan ni Hunter.

Bumangon din ang inis niya sa babae, "Bakit mo ginawa iyon?" mahinahon pa rin ang
boses na tanong niya

"Bukod kasi sa gustong gusto ko talaga si Hunter, inutusan lang ako ni Lance na
gawin ko yon para lumayo ka kay Hunter dahil ang sabi niya mahal ka ni Hunter at
mahal mo rin siya." Umiiyak na sabi nito pagkuwan ay sumulyap kay Lance, masama
naman ang tinging ipinukol nito sa babae.

"Shut up! Ikaw ang nagplano niyon." Sabi ni Lance, ekseherado namang nagsalita ang
babae.

"Of course not! Hindi nga kita kilala noon at kailan ka lang lumapit sa'kin para sa
mga plano mong to." Sagot ni Faye

"Ang sama mo Lance...bakit mo ginawa iyon?" hindi makapaniwalang sabi niya sa


lalaki, hindi naman ito umimik kaya si Xien na ang nagsalita.

"He's obsessed to defeat Hunter, noon pa ay naiinggit na siya kay Hunter, gustong
gusto niyang pabagsakin ang sikat na modelong umaagaw ng atensyon ng lahat,
gumagamit siya ng tao para masira ang pangalan ni Hunter." Simula ni Xien, "Dati na
niyang sinira ang kaibigan ko dahil sa inggit niya, inagaw pa niya ang posisyon
noon ni Hunter para magpasikat at kailan lang din ay ginamit niya ang babaeng
modelo na si Aira Ylagan para mapahiya kayo sa fashion event, inutusan niya itong
h'wag umattend upang ang team niya ang manalo, hindi ba Lance?" sabi pa ni Xien

"Hindi totoo yan." Tanggi ni Lance

"Oh really? Alam kong itatanggi mo yan kaya nga sinama ko ang ebidensya ko."
nakangising sabi ni Xien, napatingin sila sa pinto ng back door ng pumasok roon si
Aira kasama nito si Sky.

"Totoo iyon, mahal ko si Lance, Joey. Gagawin ko ang lahat basta para sa kanya,
kahit labag sa loob ko ang ginawa ko ay sinunod ko siya pero hindi ko akalain na
iiwanan pa rin niya ako at ipagpapalit sa ibang babae." May galit sa tinig ng babae
na tumingin kay Lance

"Buwisit na babae ka!" ani Lance

"Hayop ka naman!" sagot naman ni Aira, "Napakalaki kong hangal para maniwala sa
isang katulad mo, napakasama mo! Nagsisisi akong minahal kita Lance." Anito pa sa
lalaki.

Tumayo si Joey, nilapitan niya si Lance at walang anu-anong binigyan niya ito ng
suntok sa mukha.

"Noon ko pa dapat ginawa ang bagay na iyan..." aniya, mabilis na nagdugo ang sulok
ng bibig ng lalaki, matalim ang tinging ipinukol nito sa kanya.

Muling umigkas ang kamay niya, sinampal naman niya ito.

"Para sa panloloko mo sa'kin at pananakit sa damdamin ko noon." Aniya, muling


kumilos ang isang kamay niya at sinampal naman ito sa kabila.

"Para yan kina Aira at Faye na nagawa mong gamitin para sa kasakiman mo." matigas
ang anyong sabi niya, awang ang mga labing nakatingin lang ang mga tao sa kanila.

Magkasunod na upper cut ang ibinigay naman niya sa mukha nito.

"Para naman yan kay Hunter! Noon pa siya nagrereklamo sa'kin na bigyan kita ng
upper cut, ngayon natupad na ang hiling niya. Mag asawang upper cut pa." aniya.

Iniamba pa niya ang isang kamay para muling bigwasan ito ng magsalita na si Lance
na pulang pula ang magkabilang pisngi.

"Tama na Joey, sorry na! Hindi na kita gagambalain pa." anito na nakataas pa ang
dalawang kamay, tatayo sana ito subalit pinigilan ito nina Jared at Sky na tuwang
tuwa sa ginagawa niya.

Naningkit ang mga mata niya, "Sa tingin mo papayagan pa kitang makagambala pa?"
aniya, "Magdedemanda rin ako, ipapakulong kita Lance." Aniya

"Well, that's good news Joey, aasikasuhin ko ang kasong ito." Ani Xien, "Marami
akong kaibigang lawyers." Nakangiting sabi nito

Nakawala si Lance sa dalawang lalaki at mabilis na nilapitan siya.

"Please, h'wag mo akong ipakulong Joey." Nakikiusap na sabi nito sa kanya.

Lumayo naman siya dito at tumingin kay Xien.

"Naliwanagan na ako ngayon Xien, I need to see Hunter...sasabihin ko ang totoong


nararamdaman ko...na mahal ko talaga siya." Aniya sa binata.

"Okay, that's what we expected." Nakangiting sabi ni Xien na inioff ang voice
record sa cellphone at ipinadala iyon kay Hunter.

Akala ni Joey ay hindi na niya maisusuot pa ang binili niyang bestida,


suot niya ng mga sandaling iyon ang kulay pulang bestida na hindi lalagpas sa
tuhod, tinernuhan niya iyon ng itim na sandals na may pulang sequence sa straps,
sinadya pa niyang magtungo sa parlor para magpamake up at magpaayos ng buhok, gusto
niyang maging maganda sa gabing iyon sa paningin ni Hunter, parang nawala sa isang
iglap ang lahat ng sakit na naramdaman niya kagabi lang. Ngayon ay punong puno ng
excitement at kasiyahan ang puso niya, sabik na sabik na siyang makita si Hunter.

Nang bumukas ang elevator sa fourteen floor ng yashiro building ay nag umpisa nang
kumabog ang puso niya.

Tumapat siya sa pinto ng Flower Boys Host club, nasa loob niyon ang lalaking
pinakamamahal niya, ngayon pa lang ay nanginginig na ang mga tuhod niya sa sobrang
pananabik niyang makita, mayakap at mahagkan ang mahal niya.

Nang buksan niya ang pinto ay kaagad na bumungad sa kanya ang madilim na lugar,
tanging dim lights lamang ang maaaninag ng mga mata niya, ang mabangong amoy ng
ascented candles ay nanuot sa kanyang ilong, hinanap naman niya ang mabangong
kandila subalit wala siyang nakita ni isang nakasinding ascented candle.

Baka hindi sa kandila nanggagaling ang mabangong amoy na iyon.

Nang magsimula siyang maglakad ay bumukas ang chandelier light sa gitna ng silid,
napaawang ang labi niya dahil doon lang niya napansin na punong puno ng pulang lobo
ang silid, hindi lang iyon basta bastang mga lobo dahil mula sa strings niyon ay
may kung anong mga bagay ang nakasabit doon, isa isa niyang nilapitan ang mga iyon.

Her heart started pounding faster when she saw a piece of paper in one of the
balloon and it reads, I love talking with Joey. Inabot naman niya ang isa pa at
nakasulat naman ang salitang, I love to stare at Joey's Face. Nag umpisa nang
mangilid ang mga luha niya ng mabasa niya isa isa ang simpleng message pero
napakalaking impact sa puso niya.

I love to kiss Joey's lips..I love to see Joey's smile..I love to hugged Joey so
tight...I love to cook for Joey..I love to laugh with Joey...I love to spend my
life with Joey..I love to grow old with Joey... Joey was my life...

Joey's heart filled with love, kilala niya ang pen manship ni Hunter at isipin pa
lang na pinagkaabalahan nito iyong isulat lahat ay kinikilig na siya, hindi lang
yata isang daang balloons at messages iyon.

Marami pang sweet message na nagpataba sa puso niya ang nabasa niya, hindi lang
munting mensahe ang nakakabit sa strings ng lobo ang napansin niya, marami ding
siyang nakitang litrato niya roon.

May litrato siya sa bahay niya, sa photo room, sa host club, sa grocery store, sa
batangas, sa Bacolod, sa fashion event. Lahat ng litrato niya ay stolen shot,
panakaw ang mga kuha nito sa kanya at hindi niya alam ang bagay na iyon, ni wala
nga siyang ideya na kinukunan pala siya nito ng litrato noon, pero lahat sa
litratong iyon ay memorable para sa kanya. Kaya pala noong minsang kumuha siya ng
magandang tanawin sa Batangas ay nakunan niya sa litrato itong nakatingin sa gawi
niya. She smiled at the reminisce.

Maya maya pa ay nakarinig siya ng isang tugtog ng piano, it was sweet music from a
piano piece. Never thought by Dan Hill.

Can I touch you, I can't believe that you are real, How did I ever find you..you
are the dream that save my life, you are the reason I survive..I never thought that
I could love someone as much as I love you..I know It's crazy but it's true. I
never thought that I could need someone as much as I need you..I love you.

Narinig niya ang magandang boses na iyon mula sa kung saan, the man's voice was too
familiar, if she's not mistaken it was Kaizer's voice. The front man of the Flower
Prince band.

Mula sa nakasarang telon ay bumukas iyon, natutop niya ang bibig nang makita niya
si Hunter, nasa gitna ito ng stage, nakahalukipkip ito habang nakatingin sa kanya,
napakagwapo nito sa paningin niya pero ang mas umagaw sa atensyon niya ay ang mga
ascented candles na nakasindi at ang mga salitang naroon.

Will you marry me?

Iyon ang nabasa niya, nasa gitna ng heart shaped ang binata habang hawak ang isang
maliit na kahita.

Hindi na niya napigilang mapaluha, she was very surprised, hindi niya inaasahan na
magagawa iyon ni Hunter para sa kanya.

Kumilos ang binata at lumapit sa kanya, nahaplos nito ang batok ng magumpisang
magsalita habang pumapailanlang pa rin ang piano at ang magandang boses ni Kaizer
na naroon sa tabi ng stage.

"I'm sorry if this is too corny for you, wala kasi akong maisip na ibang paraan
para magpropose." Nahihiyang sabi nito, "Sorry din kung nabibilisan ka, nagpropose
kaagad ako ng kasal kahit na wala pang isang araw tayong mag on noong isang araw."
Nakangiting sabi nito, he bit his lower lip na tila pinipigilan ang damdamin.

"Hindi ko kasi kayang mabuhay kung mawawala ka ulit sakin." Anito

"Hunter..." anas niya na patuloy na lumuluha sa sobrang kaligayahang nararamdaman.

Pinunasan nito ang mga luha niya.

"Knowing you was not I expect to happen, loving you was not I intented to do,
keeping you was not my motive but falling in love with you is what I ended." He
said softly.

"I never thought I could be in love, I was content to be on my own, I never thought
you could make me feel so empty and cold, na maramdaman kong nag iisa pala ako at
kailangan kita sa tabi ko, you're just like my missing piece Joey, you're the
reason why I changed at naniniwala akong ibinigay ka sa'kin ng Diyos para magtino
ako. Joey, mahal na mahal kita, I love you so much that I want to spend the rest of
my life with you..." He had chanted the words tenderly, niyakap siya nito ng
mahigpit.

"Mahal na mahal din kita Hunter." Aniya, humiwalay siya rito upang titigan ang
gwapong mukha nito, "Matagal ko nang ibinigay sa'yo ang puso ko, natatakot lang ako
noon na magtiwala."

"Nagtitiwala ka na ba sa'kin?" tanong nito, tumango siya

"Yes and I'm sorry for what I said last night, ang totoo kasi-"

Pinigilan nito ang mga sasabihin pa niya ng takpan nito ang bibig niya.

"Shhh, you don't need to explain honey, alam ko na ang lahat ng iyon." nakangiting
sabi nito, "Ang kailangan ko ay ang sagot mo ngayon..."

Lumayo ito sa kanya ng kaunti at binuksan ang hawak na maliit na kahita, nakita
niya ang napakagandang singsing.

"Joey, will you marry me?" he said while looking at her eyes.

Sunod sunod siyang tumango.

"Yes, I will marry you!" she said while she was crying with joy, masayang niyakap
siya ng binata.

"I am so happy to know I'm inlove with you." He said then sealed her a passionate
kiss.

~The End~

Authors Note: Thank you for reading this story. If you like Hunter, you can follow
him at FLOWER BOYS HOST CLUB Page at their FB Page. You can like and post a
comments there!

Arigatou ne Minna!

You might also like