You are on page 1of 146

------------------------------

TITLE: FLOWER BOYS HOST CLUB: REED, My Cold Prince (Series Book 4)
LENGTH: 11093
DATE: Oct 23, 2014
VOTE COUNT: 18
READ COUNT: 1176
COMMENT COUNT: 0
LANGUAGE: Filipino
AUTHOR: Zai_viBritannia
COMPLETED: 1
RATING: 1
MODIFY DATE: 2014-12-15 08:29:37

------------------------------

####################################
PROLOGUE
####################################

"Where are we going mom?" a five year old girl asked her mom, lulan sila nang
sasakyan, sinulyapan niya ang labing dalawang taong gulang niyang kapatid, may
nakasalpak na malaking head phone sa tainga nito habang bahagyang hume-headbang pa
ang ulo.

"Baby, mom and dad had out of town shooting." Her mom said, lumiwanag ang mga mata
niya.

"We can go with you?"

Umiling ang ina, "No baby, the weather is not good for you and your brother."
Paliwanag naman nito, sa sinabi nang ina ay nangilid kaagad ang mga luha niya,
mabilis na dinaluhan siya nang ina at hinaplos ang maliit niyang mukha.

"Baby, don't cry. I promise I will bring you lot of toys when we came back." Anito,
hindi naman siya nito napatahan, marami na siyang laruan sa bahay nila, ang gusto
niya ay makasama niya ang mga magulang niya.

"No, I don't want it, I want to go with you mom." She said while crying.

Mula sa kinauupuan niya ay maingat na binuhat siya nang ina at marahang hinaplos
ang mahaba niyang buhok.

"Stop crying baby." Pagpapatahan ng mommy niya sa kanya.

Hindi nagtagal ay tumigil ang sasakyan nila sa isang malaking bahay, umiiyak pa rin
siya habang kalong nang kanyang ina.

Bumukas ang mataas na gate at lumabas roon ang isang matangkad at magandang babae.

"Erika!" masayang bulalas ng babae, nang makalapit sa kanila ay nakangiting


hinaplos nito ang baba niya. "Is this your little angel? She's beautiful." Puri
nito sa kanya, nakangiting tumango ang kanyang ina.

"Her name is Eiren." Sagot nang ina pagkuwan ay sumulyap sa kuya niya. "Kilala mo
na si Einar dahil magkaklase sila ng anak mo." Dagdag ng ina, tumango ang babae,
muling natuon ang atensyon nito sa kanya nang makitang umiiyak siya.
"Oh, why are you crying little angel?" she asked.

"Umiiyak nga dahil gustong sumama sa'min ni Renzo." Sabi ng ina, "Hindi naman namin
sila maaaring isama lalo na at papalapit na ang taglamig." Dagdag pa ng ina.

"Naiintindihan kita, mahirap na ring mag hire ngayon ng baby sitter." Komento ng
babae, sumang ayon ang ina.

"Tama ka, ayokong ipaubaya sa ibang tao ang mga anak ko." Sabi ng ina, "Mabuti nga
at pumayag ka."

Ngumiti ang babae, "Okay lang sa'kin, wala rin naman si Nick dahil nasa states siya
ngayon." Anito, "Pagbalik niya uuwi naman kami ng Pilipinas, alam mo namang mas
gusto ko sa bansa natin kaysa dito sa Korea." Anito

Saglit pang nagkwentuhan ang magkaibigan bago napunta uli ang atensyon sa kanya.

Pinunasan ng babae ang mga luha sa pisngi niya, "Hi Eiren, don't cry nagbake ako ng
chocolate cake..You want chocolate cake?" nakangiting tanong nito, she loves cakes
especially chocolate flavor, mabilis na tumango siya. Nagkangitian naman ang
magkaibigan.

"Oh Eiren, dito ka muna kay auntie Rizzy, marami siyang cakes kaya mag eenjoy ka
dito." Sabi ng ina, pinasa siya ng ina sa kaibigan nito.

"Really?" nagningning ang mga mata niya, tumango ito.

Nang tumigil siya sa pag iyak, binalingan ng ina ang kapatid niyang tahimik pa ring
nakikinig ng music. Nagulat ito nang biglang alisin ng ina ang head phone sa tainga
nito.

"Einar!" tawag ng ina sa kuya niya, napangiwi naman ito sa malakas na boses na
sumalubong sa kanya.

"Mom, hindi ako bingi." Reklamo nito habang hinihimas ang tainga, nilapitan ito ng
ina pagkuwan ay niyakap.

"Dito muna kayo kay Rizzy, alagaan mo ang kapatid mo." Paalala nito sa kapatid.

Nakasimangot na humiwalay ito sa ina pagkuwan ay nagsalita, "I know, palagi ko


namang inaalagaan si Eiren kapag wala kayo ni daddy." Sabi nito, ngumiti ang ina at
hinalikan ang kuya Einar niya sa labi.

Ganon na lamang ang reaksyon nito.

"Yuck! I told you mom.., stop kissing me at my lips! I'm twelve years old now and
I'm not a baby anymore." Reklamo nito habang pinupunasan ang labing nagkamantsa ng
pulang lipstick ng ina.

"Parehong pareho niya ang anak kong si Reed." Tumatawang komento ni auntie Rizzy.

"Naku, wala nang tatalo sa kaartehan niyang si Einar, ayaw na niyang hinahalikan at
niyayakap sa maraming tao, samantalang dati rati naman ay hindi nakakatulog nang
hindi ko hinihimas ang kanyang.." natigil ang sasabihin nito nang ekseheradong
nagsalita si Einar.

"Mommy! Stop it!" mangiyak ngiyak na sita ni Einar sa ina, nagtawanan naman ang
magkaibigan.
"Oo na, hindi ko na sasabihin ang sikreto mo." Ani ng ina, nagdadabog namang
pumasok sa loob ng malaking bahay si Einar.

"Mukhang nagalit ang binatilyo mo, hindi mo ba susundan?" tanong ni Rizzy,


nakangiting umiling si Erika

"Hindi naman magtatagal ang tampo niyan sa akin, atsaka kapag nagkita sila ni Reed
makakalimutan na niya iyon." sabi ng kanyang ina, bumaling ito sa bunsong anak at
matunog na hinalikan sa labi. "I love you baby, mommy will come back soon." Sabi ng
ina, tumango siya at mahigpit na niyakap ito.

"I love you too mommy."

"Oppa! Let's play." Eiren said to her brother, hindi naman tumitinag sa
pagkakahiga sa mahabang sofa si Einar habang nakasalpak pa rin ang headphone sa
tainga.

"Oppa!" hinigit niya ang headphone nito upang maagaw ang atensyon, binalingan siya
nito subalit hindi naman nagalit sa kanya. May dinukot ito sa bulsa nito.

"Here, milk candy." Anito na inabot sa kanya, tinanggap niya iyon subalit inilagay
lang niya iyon sa maliit na bag na gamit niya.

"Let's play, oppa." Ulit niya pagkatapos ay inilabas sa maliit na bag ang mga paper
dolls niya, iyon lang ang kasya sa paborito niyang bag kaya iyon ang dinala niyang
laruan.

Nagbuntong hiningang bumangon ito sa sofa, kinuha nito ang isang paper doll at
nakipaglaro sa kanya.

Ilang saglit pa lang silang naglalaro nang may tumawag sa kuya niya.

"Einar!" boses mula sa pangalawang palapag ng bahay, nasa kusina si auntie Rizzy
habang naghahanda ng merienda nilang magkapatid.

Lumiwanag naman ang mukha ng kuya niya pagkakita sa isang batang lalaki na kasing
edad rin nito.

"Reed! Gising ka na." masayang bulalas ng kuya niya

"Come quick, let's play video games!" yaya nito sa kapatid niya, mabilis na tumayo
ang kuya niya at sa sobrang kasabikan ay nakalimutan nitong kasama siya.

Mangiyak ngiyak na sinundan niya ito sa pangalawang palapag, nakita pa niyang nag
apiran ang dalawa nang magkasalubong sa hallway, maya maya ay mabilis na
nagtakbuhan ang dalawa.

"Oppa!" tawag niya sa kuya niya, sinundan niya ang dalawa subalit sadyang mabibilis
ang mga ito kaya hindi niya alam kung saan na nagsuot ang mga ito.

Wala siyang nagawa kundi umiyak habang tinatawag ang kuya Einar niya, kasing laki
at kasing lawak ng bahay nila ang bahay ni auntie Rizzy at dahil hindi siya
pamilyar sa bahay ng mga ito ay pakiramdam niya ay naliligaw na siya.

Nakakita siya nang isa pang hagdanan, nagtungo siya roong umiiyak.

"Kuya..." umiiyak na tawag niya.


Saglit siyang tumahan sa pag iyak nang igala niya ang mga mata sa lugar na
napuntahan niya, there's a garden in auntie's roof top? Napakagandang pagmasdan
nang mga kulay ubeng bulaklak na nakikita niya.

Nang mawala ang paghanga niya at maalala ang kuya Einar niya ay muli siyang umiyak.

"Kuya!" tawag niya, nagbabaka sakaling naroon ito kasama ni Reed, ang batang
tumawag dito kanina.

"Why are you crying?" a calm voice asked behind her, mabilis na binalingan niya ang
boses na iyon pagkuwan ay nakita niya ang batang kasama ng kuya niya kanina.

"Reed." Aniya, tipid itong ngumiti sa kanya, magaan naman ang pakiramdam niya sa
bagong kakilala.

"How did you know my name?" amuse na tanong nito, sigurado siyang kasing edad ito
ng kuya niya.

"I heard it from my brother." Aniya

"Ah, you're Einar's younger sister?" tanong nito, tumango siya

"Where is he?" she asked while crying.

"He's playing video games with my brother." Anito, may kapatid din pala ito. "You
want to play?" he asked, tumango siya at pinakita ang paper dolls na hawak niya.
Mahina itong tumawa subalit kinuha sa kamay niya ang isang paper doll na kanina'y
gamit ng kuya niya.

"What's her name?" he asked, he asked the name of her paper doll.

"Marie." She said

"Ah, and your name is?"

"Eiren."

Ngumiti ito pagkuwan ay inayos ang nagulo niyang buhok at pinunasan rin ang mga
luha sa mga mata niya.

"Stop crying Eiren, we'll gonna play." Nakangiting sabi nito, ngumiti na rin siya.

Hindi nagtagal ay nakikipaglaro na ito sa kanya, hindi rin niya namalayang tumigil
na siya sa pag iyak.

"Eiren, do you know how to read?" tanong nito sa kanya, umiling siya.

"Not yet but I know how to count a little and recite the ABC." Pagmamalaki niya

"Really? that's amazing!" humahangang bulalas nito, namula naman siya sa compliment
nito.

"My brother taught me."

"Einar was a good brother." He commented, tumango siya.

"He was the best brother in the whole world."


Nakangiting pinagmasdan siya nito habang pinagpatuloy niya ang paglalaro ng paper
doll, maya maya ay may naalala siya.

Mula sa maliit na bag niya ay kinuha niya ang milk candy na binigay sa kanya ng
kuya niya kanina. Nakangiting inabot niya iyon kay Reed, manghang nagsalita ito.

"Binibigay mo sa'kin?"

"Yes, because you're so nice." Nakangiting sabi niya pagkuwan ay muli siyang
naglaro.

Nang sulyapan niya ito ay nakatitig lang ito sa milk candy na ibinigay niya, sa
pagtataka pa niya ay tila may luha siyang napansin sa gilid ng mga mata nito.

"Thanks." Nakangiting sabi nito.

"Reed! Eiren! Einar!" natigil ang paglalaro nila ni Reed nang marinig nila ang
boses ni auntie Rizzy mula sa ibaba ng bahay.

"Let's go Eiren, mom is calling us." Anito, tumango siya at isinilid sa bag ang
paper doll.

Nakangiting hinawakan ni Reed ang isang kamay niya at magkahawak silang bumaba nang
bahay.

"Nakilala mo na ba ang kapatid ko?" tanong nito habang naglalakad sila sa hallway.

Umiling siya, "Not yet."

"Makilala mo rin siya, he is quiet and serious but he is honest and sweet."
Nakangiting sabi nito, napansin niyang tila natigilan ito at nakangiwing hinaplos
ang dibdib.

"Why?" she asked curiously, pilit na ngumiti ito sa kanya.

"It's nothing, mauna ka na Eiren.." anito

"Cake!" bulalas niya nang maamoy niya ang mabangong chocolate cake mula sa ibaba,
mabilis na tumakbo siya pababa at hindi na hinintay si Reed.

"Careful Eiren!" narinig pa niyang sabi nito hanggang sa makababa siya,


nakasalubong niya si auntie Rizzy sa living room. Niyakap siya nito

"How are you Eiren?" she aked with a smile, ngumiti siya

"Reed and I are playing paper dolls." Sagot niya

"Really? How sweet." She said, dinala siya nito sa komedor at pinaupo sa mataas na
upuan.

Hinahainan na siya ni auntie Rizzy ng chocolate cake nang dumating ang kuya Einar
niya at si Reed, masayang nagkukwentuhan pa ang mga ito nang maupo.

Tumabi sa kanya ang kuya niya at sa kabilang bahagi naman nito si Reed, nginitian
niya si Reed.

Natigilan ito saglit at tumitig sa kanya.

Hinati niya ang kalahati sa chocolate cake niya at ibinigay dito, nagtaka naman ang
mga ito sa ginawa niya.

"Wow, you're so sweet baby." Komento ni auntie Rizzy na nakita rin pala ang ginawa
niya, ngumiti lang siya at nagpatuloy sa pagkain.

"I think my little sister likes you, Reed." Narinig niyang bulong nito kay Reed.

"Ah, really?" takang sabi naman nito habang nakatingin sa cake pagkuwan ay sumulyap
sa kanya.

####################################
CHAPTER ONE
####################################

Soeul, Korea..,at Park Mansion.

Mahigpit ang pagyakap ni Eiren sa throw pillow habang nakatutok ang mga mata niya
sa malaking tv screen, nasa living room siya at nakaupo sa mahabang sofa, hindi
siya natitinag sa puwesto niya nang magsimula ang pinapanood niya.

She was nervous at that moment, pakiramdam niya naroon din siya sa loob ng malawak
na race track.

"Travis is leading the race..oh no! Morgan is in third now..he looks consistent in
his place.." the sports announcer said.

Lalong dumoble ang kaba ni Eiren nang makita niyang hindi pa rin nagbabago sa
puwesto ang car racer na sinusuportahan niya. Hindi pa rin nito malagpasan ang
dalawang sasakyan na nasa unahan nito.

Pinagsalikop niya ang mga palad niya at ramdam niya ang matinding nerbyos nang
dumating ang final lap, nasa pangalawang puwesto na ang pulang sportscar ni Reed.

"I know you can do it, you can win this Reed!" pagchi-cheer niya sa binata,
naniniwala siyang mananalo ang binata.

Meanwhile at the third floor of the Park mansion, nabitawan ni Erika Park ang
mamahaling bestida na hawak niya habang nakatapat siya sa malaking salamin nang
makarinig nang malakas na tili mula sa ibaba ng mansion.

Naiiling na dinampot niya ang bestida na gagamitin niya para sa music award na
gaganapin sa susunod na linggo.

"Here she goes again." Bulong niya na ibinalik niya sa built in closet ang bestida
at akmang lalabas ng silid nang marinig niya ang boses ng kabiyak na kalalabas lang
ng banyo.

"What's that scream hon? Is that Eiren?" Renzo asked her

"What else do you know? She's the only girl in this house who'd scream like that."
Pagkasabi niya ay lumabas na siya ng silid nilang mag asawa at bumaba ng bahay.

Naabutan niya ang anak na nagtititili habang nagtatatalon pa sa saya.

"Eiren! What happened to you?" kunot noong tanong niya sa anak


"O'ma!"masayang bulalas nito pagkuwan ay mabilis na lumapit sa kanya at mahigpit na
yumakap. "He won! Reed won the race!" masayang sabi nito

Naiiling na nagsalita siya, "You're acting like a fan."

Humiwalay si Eiren sa ina at nagsalita.

"Yes mom! I'm his biggest fan, tama lang naman na suportahan ko si Reed." Kinikilig
na sabi niya, hindi naman umimik ang ina.

Niyakap muli niya ang throw pillow at muling tinitigan sa malaking tv screen ang
mukha ni Reed habang iniiterview ang binata.

"This is for you bro! I know you would be happy to see me right now." sabi ni Reed
habang hawak ang gold medal.

Napaisip siya sandali, May kapatid nga pala ito subalit hindi siya nabigyan nang
pagkakataon na makilala niya ang kapatid nito noon.

Naagaw ang atensyon niya nang marinig niya ang tinig ni Carrie, ang personal
assistant niya.

"Miss Eiren." Tawag nito sa kanya, "Here's your plane ticket." Anito na iniabot sa
kanya ang ticket. Nagliwanag naman ang mukha niya.

"Thanks Carrie!" aniya, nagpaalam na rin kaagad ang babae.

"Para saan ang plane ticket na iyan?" her mom asked

"Mom, since my group was preparing our newest album, manager Kim gave us three
months vacation." Nakangiting sabi niya, she was Eiren Park, she was the lead
vocalist of the kpop group named Candy. Limang taon na rin ang girl group nila.

"Mom, I need to go." Aniya, nangunot ang noo nito

"And where are you going?" she asked her

"Sa Pilipinas." Nakangiting sabi niya, napaawang naman ang labi nito

"Mas magandang magbakasyon sa Paris or sa Amerika, oh! Next week Renzo and I were
going to UK kung gusto mo sumama ka sa'min nang daddy mo." Anito, umiling siya.

"Mom, nakabili na ako ng plane ticket." Aniya

"Pero bakit sa Pilipinas pa?"

"Mom, I need to see my fiancé." Aniya na nagningning pa ang mga mata.

"Fiancé?" takang tanong nito

"Si Reed." Kinikilig pang sabi niya, kumilos na siya upang ihanda ang sarili pauwi
ng pilipinas subalit pinigilan siya ng ina.

"Oh no Eiren, you're not going there." Umiiling pang sabi nito

"Mom, this is my chance to see him..apat na buwan ko din siyang hindi nakita." Pag
angal niya, "Noong engagement party ni kuya Einar ko siya huling nakita at hindi ko
man lang siya nakausap ng matagal." Nakalabing sabi niya.
"Hindi pa ba sapat sa'yo na palagi mo siyang pinapanood sa tv?" pag ikot ng
eyeballs nito

"Mom, it's way different to see him in tv than seeing him in personal. Atsaka mas
maipapakita ko ang suporta at pagmamahal ko sa kanya." Aniya, "Kaya magpe-prepare
na ako."

"Eiren.." tawag nito nang maglakad na siya, hindi naman niya ito pinansin, nagtuloy
tuloy lang siya sa pag akyat sa hagdan, "Eiren.." tawag muli nito, nakasunod na ito
sa kanya.

"Mom, kung pipigilan ninyo lang ako sa gusto ko, hindi kayo magtatagumpay."
Pagbabanta niya sa ina, "Miss na miss ko na si Reed." Aniya, nasa tapat na siya
nang silid niya at nabuksan na niya ang pinto nang pigilan siya nito sa braso.

"I'm not against about your feelings to Reed." Her mother said, "But Reed doesn't
like you."

She stunned for a moment, kinuryente yata ang puso niya kaya saglit iyong tumigil
and then she felt she was hit in the gut.

Nang hindi siya nagsalita ay nagpatuloy ito, "Tigilan mo na ang kahibangan mo kay
Reed, maraming lalaki sa mundo and you're not an ordinary woman Eiren..You're a
superstar here in Korea. Baka nakakalimutan mong leader ka ng Candy, stop stalking
that car racer guy." Patuloy ng ina, alam niyang hindi iyon sinabi ng ina upang
saktan siya, gusto lang nitong ipaunawa sa kanya ang katotohanan na matagal na
nitong isinasampal sa kanya.

Pero matigas siya, kahit tagos sa puso niya ang sinabi nito ay nagpatuloy siya sa
pagpasok sa silid niya.

"I'm sorry mom..." iyon lang ang sinabi niya pero alam na nito ang ibig niyang
sabihin.

Mula sa lenteng hawak ay kitang kita ni Eiren ng malinaw ang lahat ng kilos ng
lalaki na kabababa lang ng sasakyan nito, she can't help but admire the man who
walks as if he's walking in a fashion show. In his good looking height and fashion
sense. He might be a model.

Hindi nalingid sa kanya ang humahangang tingin ng bawat babaeng nadadaanan nito, he
was the real head turner.

Tuloy tuloy itong pumasok sa loob ng isang Italian restaurant, naupo sa isang sulok
at saglit na naghintay sa taong katagpo nito.

She checked her phone, ilang minuto na lang ay darating na ang ka date nito, doon
na niya kinatok ang mga tao sa loob ng sasakyan. Bumaba ang salamin niyon at
dumungaw roon ang isang gwapong mukha ng lalaki.

"What now?" Trevor asked, "Ready na tong kasama ko." May ngising sabi nito

"Damn! Anong ready? I'm going home now." Angal naman ng katabi nito

"Shut up! Pasalamat ka nga dahil hindi ka namin pinaglakad na ganyan ang suot." Ani
Trevor, ngumisi ito ng nakakaloko, "Mabait pa rin ako dahil yan lang ang ipapagawa
ko sa'yo." Dagdag nito, ganon na lamang ang reaction ng kausap nito.
"Mabait?! Mabait ka pa ng lagay na yan?" angal nito, inis na nanalamin ito sa
rearview mirror ng sasakyan, "Damn! Nasaan na ang kagwapuhan at kamachohan ko?"
reklamo nito, hindi napigilan ni Eiren na matawa ng makita niya na ang playboy ng
Flower Boys Host Club ay naka cross dress ng araw na iyon para sa isang misyon na
gagawin nito.

Noong engagement party ng kuya Einar niya ay naroon siya noong magpustahan si
Hunter at si Xien, at dahil natalo ang una ay magsusuot ito ng pambabaeng damit at
ipopost ang mga pictures nito sa social media, at dahil may isang salita ang binata
ay ginawa nito ang hamon na ito rin ang gumawa.

Full make up, wearing dress and high heels at para mas magmukhang babae ay
pinagsuot ito ng kulay blonde na wig, Hunter was the worst gay ever!

Lalaking lalaki ito kaya nang mabihisan ng pambabae ay nagmistulang sasali sa isang
gay contest, siya ang nag make up dito at siya rin ang bumili ng damit nito,
kailangan niya ng tulong nito dahil may isang kaganapan itong pipigilan.

"All I need to do is to ruin Reed's date right?" Hunter asked, tumango siya.

"Correct!"

"Yun naman pala eh! Bakit kailangan ko pang magdisguise? Aakitin ko na lang yung
kadate niya para mas mapadali." Anito, malakas itong hinampas sa likod ni Trevor.

"Just do our plan, kapag dumating ang babaeng iyon alam mo na ang gagawin mo."
Anito, ganon na lamang ang pagsimangot ni Hunter.

"Oh God, ano bang kasalanan ko at pinaparusahan Ninyo ako ng ganito." Angal nito,
"Nasaan na ang hustisya?"

Nagsalita siya at hindi pinansin ang sinabi ng binata.

"Basta kapag dumating na yung babae...dumaan ka sa harap niya pagkatapos kunwari ay


mahihimatay ka, that girl is a member of the sagip rescue team kaya hindi ka niya
pababayaan, mas uunahin niyang makapagligtas ng buhay kaysa sa pakikipagdate."
Aniya, naiiling na nagsalita ito.

"Ibang klase ka talaga Eiren, paano mo nalaman ang mga impormasyon na yun?" anito

Ngumiti siya pagkuwan ay tumingin kay Trevor, "I have lot of sources."

Sabay sabay silang napalingon sa isang kulay dilaw na sasakyan na tumigil sa di


kalayuan sa kanila, maya maya ay may lumabas roon na isang matangkad at magandang
babae.

Mabilis na binuksan ni Eiren ang pinto ng sasakyan saka nagsalita.

"She's here." Aniya, narinig niya ang pagsipol ni Hunter.

"She's a Goddess!" komento nito, makikita sa mukha nito ang matinding paghanga,
narinig niya ang paglagutok ng ulo nito.

"Loko ka! Babae ka ngayon, kapag pumalpak ang plano, ipapakalat ko ang mga pictures
mo." Nakangising sabi ni Trevor pagkuwan ay pinakita ang cellphone nito, nanlaki
naman ang mga mata ni Hunter nang makita ang mga litrato nito, lihim na kinukunan
pala ito ng pictures ni Trevor habang inaayusan niya kanina.
"Damn! Burahin mo ang mga yan Trevor."

Lalong ngumisi ang binata, "Buburahin ko ang mga nakakadiri mong pictures kung
aayos ka." Banta nito.

"Oo na, oo na." inis na sabi ni Hunter na bumaba ng sasakyan, muntikan pa itong
mapasubsob sa semento ng matapilok sa taas ng sapatos na suot.

"Damn! I really hate this!" iritadong sabi nito, tumatawang inayos ni Eiren ang wig
na suot nito.

"Relax, Hunter." Aniya, iningusan naman siya nito.

"Mabuti na lang at hindi ka sa'kin patay na patay dahil kung nagkataon na ako si
Reed, siguradong matagal na akong nagsuicide." Nakangiwing sabi nito habang
nakatingin sa mga mata niya, she grinned at him.

"I'm on my right mind to fall in love with you." Ganting sagot niya

"Oh, thank you! I really appreciate it." Sagot naman nito.

Tinawanan lang niya ang sinabi nito, kilala na niya ang mga ito at itinuturing na
din na mga kaibigan at mga nakakatandang kapatid. Hunter and Trevor was close
friend of her brother Einar,

Nagkakaroon lang siya ng pagkakataong makauwi sa pilipinas sa tuwing may important


event na magaganap sa pamilya niya at sa tuwing may malalaman siya tungkol kay
Reed.

She was five years old when she first met him, nagkataon na magkaibigan ang mommy
nito at ang mommy niya at dahil abala na ang parents niya sa career ng mga ito ay
madalas na inihahabilin sila ng kuya Einar niya noon kay auntie Rizzy at ito ang
pansamantalang tumitingin sa kanilang magkapatid, doon niya nakilala ang isa sa
dalawang anak nitong si Reed, he was nice and friendly, minsan na rin silang
nagkaroon ng pangako sa isa't isa at iyon ang hindi niya maintindihan kay Reed,
bakit hindi nito naaalala ang pangako nito sa kanya noon.

At pinanghahawakan niya ang pangako nito noon sa kanya...gagawin niya ang lahat
para maalala nito ang bagay na iyon.

"Naglalakad na siya, alam mo na ang gagawin mo, Hunter." Nakangising sabi niya na
itinulak pa ang binata.

"Damn!" naibulalas na lang nito.

"Hoy Hunter! Umayos ka." Paalala naman ni Trevor

"Tsss! Alam ko.." pikong sabi nito at nagsimula nang maglakad.

Kumilos naman si Eiren upang ihanda ang sarili, kinuha niya ang hand bag niya at
akmang maglalakad ng magsalita si Trevor.

"Aalis na rin ako." Anito, "I have date with March." Anito pa na ang tinutukoy ay
ang nobya nito.

"Okay." Sagot niya

"Sure ka bang okay ka lang? Wala kang dalang sasakyan." Nag aalalang sabi nito
"Don't worry about me." Nakangiting sabi niya

"Okay, just call me up if you need my help." Paalala nito, tumango siya.

"Kam sa ham nida, oppa!" she said with a sweet smile, ginantihan siya nito ng
ngiti.

"Aja!" Nakangiting sabi nito na itinaas pa ng bahagya ang nakakuyom na palad, he


said Good luck, she smiled.

Sa lahat ng miyembro ng Flower Boys Host club ito ang mas naging malapit sa kanya
dahil sa pagiging supportive nito, tumango siya.

"Aja."

Nang makaalis ang sasakyan ni Trevor ay sinulyapan naman niya si Hunter, nangunot
ang noo niya ng makita niyang tila may hinahabol ito.

"Hey! Come back here!" Hunter said, "Bumalik ka! Bwusit!" bulalas pa nito, hindi
maipinta ang mukha nito habang hirap na hirap na maglakad dahil sa mataas na
sapatos na suot, pinipilit nitong abutan ang babaeng naglalakad na palayo dito.

Nag alala naman siya dahil nakasalubong na nito si Maddie, ang babaeng makakadate
ni Reed.

Hindi nito ginawa ang mga plano nila, tila nakalimutan yata nitong may drama itong
gagawin, mabilis na naglakad siya at lalapitan sana ang binata ng bigla na lamang
itong natapilok at tuluyang lumagapak sa semento.

Nanlaki ang mga mata niya dahil imbis na maging drama ang lahat ay naging
makatotohanan iyon, dahil mataas ang sapatos nito ay hindi nito nabalanse ang
sarili, natalapid ito at diretso itong bumagsak, nauna ang mukha.

"Ahhh!" malakas na sabi nito na ikinatingin naman ni Maddie, nang makita nitong
nakadapa si Hunter sa semento at nagdudugo ang ilong ay mabilis nitong dinaluhan
ang lalaki este ang bading at mabilis na itinayo.

Gusto niyang lumapit upang alamin ang kalagayan nito subalit nakita niyang mabilis
na inakay ng babae si Hunter sa sasakyan nito at maya maya ay umandar na iyon
palayo sa parking lot ng restaurant.

Saglit siyang natameme sa mga nangyari subalit ng makabawi naman ay malapad ang
pagkakangiti niya.

"He's so funny." Bungisngis niya, kung parte man iyon ng drama o totoong nangyari
ay napakagaling pa rin nito, ngayon hanga na talaga siya kay Hunter at naniniwala
siya kay Trevor na hindi sila bibiguin ni Hunter sa misyon na iyon.

Sinulyapan niya ang loob ng restaurant, normal pa rin ang kaganapan sa loob ng
mamahaling restaurant na iyon, nagningning ang mga mata niya nang mahagip ng mga
mata niya ang bulto ni Reed, he was busy looking at the menu while waiting for his
date. Well, maghintay siya sa wala!

"No woman has the right to date him, hindi ako papayag!" bulong niya.

Inayos niya ang sarili pagkuwan ay may ngiti sa mga labing naglakad siya papasok sa
restaurant.

Abala pa rin ang binata sa pagtingin sa hawak nitong menu nang lumapit si Eiren,
naupo siya sa katapat na upuan nito.

Lumundag ang puso niya ng makita niya ang ngiti sa mga labi nito nang umangat ang
ulo nito subalit nang makita siya ay napalis ang mga ngiting iyon.

"Yobo-seyo oppa!" she greeted him 'hello' with her sweetest smile, hindi niya
ipinahalata dito na nasaktan siya sa ekspresyong ipinakita nito sa kanya.

"What are you doing here?" he asked in a serious tone, tila hindi ito natutuwang
makita siya.

"I went here to eat, masama ba?" aniya na kinuha ang menu book sa lamesa pagkuwan
ay isa isang binuklat iyon.

"I have a date, nakareserve na ang table na ito para sa'min." anito, she felt a
pang of jealousy inside her.

She pouted, "Pinagtataksilan mo na naman ako?" nagtatampong sabi niya, nakita niya
ang ekseheradong pagbuga nito ng hangin subalit nagpatuloy siya.

"Kaya ayoko nang bumalik sa Korea dahil nakikipagdate ka kung kani-kaninong babae
samantalang ako kahit napapalibutan ako nina Kim Soo Hyun, Lee Min Ho, Exo at ng
Super Junior ni hindi sumagi sa isip kong pagtaksilan ka." Panunumbat niya, "How
dare you, Reed."

Muling nagbuntong hininga ito, "I don't know what you're talking about..." he said,
pinutol naman niya ang sasabihin nito.

"Five years old pa lang ako ay engage na tayo." paalala niya, "Kaya hindi ka
pwedeng makipagdate kung kani-kaninong babae, Reed."

"What?"

"Pinapatawad na kita sa ginawa mo ngayon pero sa susunod na makipagdate ka sa iba


at pinagtaksilan mo ako, I'll get an attorney." She warned him, "Idedemanda na
kita."

Nakita niya ang pagtiim ng mga bagang nito, "You're impossible brat."

Tuluyan na itong napikon, tumayo ito at inis na iniwanan siya.

"Oppa!" tawag niya sa binata, "Wait!" mabilis na sinundan niya ito.

Nasa parking area na sila nang tumigil siya at muling tawagin ito.

"Reed!" tawag niya, "Hintayin mo naman ako." Aniya, hindi naman ito nakinig sa
kanya, nagpatuloy lang ito sa paglalakad hanggang sa tumapat ito sa sariling
sasakyan.

Nang buksan nito ang pinto ng sasakyan nito ay muli siyang nagsalita.

"I came here to see you, hindi ka ba natutuwa?" nagtatampong sabi niya

Tumigil ito subalit hindi ito nagsalita, nakangiting lumapit siya dito at isinara
niya ang pinto ng sasakyan nito.

Reed Morgan was not the same kid she'd known, kung dati rati ay payat at maputla
ang kulay nito, ngayon mahihiyang tumabi ang mga sikat na modelo sa korea, walang
panama ang mga ito sa kakisigan at kagwapuhan nang sikat na car racer.
Reed was tall; he was about 6 feet tall, broad-shouldered and lean hip. He is
perfectly handsome man.

Nang tumapat siya sa binata ay nakatingalang nakangiti siya dito, "I came here just
to see my fiancé, I really miss you Reed." She said with a smile, "Did you miss me
too?"

Saglit siya nitong tinitigan at sa simpleng pagtitig nito ay hindi niya maiwasang
mailang, his stare was really intimidating, parang nanginginig ang buong kalamnan
niya sa malakas na pagtibok ng puso niya. At walang ibang lalaki ang nakagagawa
niyon sa kanya kundi ito lamang, si Reed ang tanging nagpapagulo ng sistema niya sa
mga simpleng pagtitig nito sa mukha niya.

Kumilos ito at hinawakan ang mga balikat niya, she thought he might kiss her so she
closed her eyes. She's very excited dahil iyon ang kauna-unahang pagkakataon na
hahalikan siya nito.

But to her surprise instead of kissing her, bahagya nitong niyugyog ang balikat
niya kaya napamulat siya at nasalubong niya ang seryoso nitong mukha.

"Go back to Korea." He said, his tone was cold as dead and his face was
expressionless. "Just do your business there and I'll do my business here."

Iyon lang ang tanging sinabi nito subalit pakiramdam niya ay sinaksak ng ilang ulit
ang puso niya, so hurt that she wants to cry.

Tinalikuran siya nito at binuksan muli ang sasakyan nito, nakasakay na ito nang
magsalita siya.

"Where are you going? Iiwanan mo ako dito?" aniya na pilit na ikinubli ang
panginginig ng boses niya, "Wala akong dalang sasakyan."

He looked at her, "You came here to ruin my date so you can go home alone, don't
expect na matutuwa ako sa ginawa mo." Galit na sabi nito, padabog na sinara nito
ang pinto ng sasakyan.

Maya maya ay umandar na ang sasakyan nito at naiwan siyang kumikirot ang puso.

Her eyes get misty, mukha siyang broken hearted sa hitsura niya, iginala naman niya
ang mga mata sa paligid, pakiramdam niya ay may nakamasid sa kanya, subalit wala
naman siyang nakitang tao sa parking area, she just being paranoid dahil sa
nararamdaman niya.

"I came here to see you..." bulong niya habang lumuluha, "Why you're so cold to me?
Hindi ka naman dating ganyan sa'kin.." aniya, madalas niyang itanong sa kuya Einar
niya kung naaksidente ba si Reed at nagkaamnesia dahil simula nang bumalik ito sa
pilipinas ay nawala na ang pagiging mabait nito. Mas madalas na iniiwasan at
naiinis ito sa presensya niya.

Dinukot niya mula sa handbag niya ang maliit na botelya at tinitigan ang
napakagandang lavender flower, sa tagal na niyong nasa kanya ay hindi man lang iyon
natuyo.

"But I still have this..." bulong niya, hangga't nasa kanya iyon ay hindi siya
mawawalan ng pag asa sa nararamdaman niya para kay Reed.

Pinunasan niya ang mga luha niya, hindi dapat siya nagmumukmok, napakatagal na
panahon na rin naman siyang nagpapakahirap para ipaalala kay Reed ang lahat, ngayon
pa ba siya susuko?

Kinuha niya sa bag niya ang cellphone pagkuwan at pinindot ang button ng video,
itinapat niya iyon sa kanya at nagsalita...pagkatapos ay sinend niya ang video
message sa binata.

####################################
CHAPTER TWO
####################################

"No, it's okay Maddie, I understand you." Reed said, kausap niya sa cellphone ang
dalaga, nasa loob siya ng sasakyan nang tumawag ito. Sinabi nito ang mga nangyari
kaya hindi ito nakasipot sa date nila.

Maddie Dela Fuente was a paramedic, she was working in his team as a medical
worker, nakahanda ito at ang iba pang paramedic kung magkakaroon man ng aksidente
sa loob ng racing track, minsan na siyang naaksidente sa karera at isa ito sa nag
rescue sa kanya kaya nakilala niya ang dalaga.

He is Reed Morgan, half Filipino-half German; an international car racer, nasa


karera na ang buhay niya kaya kahit na malimit siyang kausapin ng kanyang ama na i-
give up niya ang racing career niya at magtayo ng sariling business o pamahalaan
ang kumpanya nito ay hindi siya nakinig, car racing is not only his passion but it
is his life, masaya siya sa ganong propesyon.

"Next time na lang tayo magdinner, Reed." Ani Maddie, sa maikling panahon na
nakilala niya ang dalaga ay alam na niya ang pagkatao nito, she is such a good
person, she is also a member of the sagip rescue team, kaya hindi kataka-takang mas
unahin nito ang mga taong nangangailangan.

"Yeah, next time." He said

Nang makahingi ito ng sorry ay nagpaalam na rin kaagad ang babae. Malalim na
nagbuntong hininga siya, kahit kailan naman ay hindi siya nagkaroon ng matinong
date, kung hindi siya sisiputin ng kadate niya ay may mangyayaring hindi maganda
habang kasama niya ang kadate niya.

Hindi lang iisang beses na nangyari iyon, at iisa lang naman ang taong may
kakayanang hadlangan at sirain ang date niya....Si Eiren Park.

Bigla ay tumunog ang cellphone niya, kaagad na binuksan ang natanggap na video
message. Nang makita niya ang sender niyon ay nagdalawang isip pa siyang buksan
iyon subalit napagtanto na lang niyang napindot na lang niya ang button.

"Reed, kahit anong gawin mong pag iwas at pagtataboy sa'kin, hindi ako
titigil..hindi ako susuko hanggang sa maalala mo ang mga ipingako mo sa'kin
noon..we're meant to be, you're my fiance..you're my prince and I'm your
princess..you'll gonna marry soon..period!"

Ekseheradong nagbuga siya ng hangin, "Ang kulit niya talaga." Bulong niya.

She was thirteen years old when he saw her, again. Hindi niya akalain na ito ang
limang taong gulang na kapatid ni Einar noon.
Sariwa pa sa alaala niya ang muling pagkikita nila, hindi niya iyon malilimutan.

Flash back...

Nasa canteen si Reed kasama ang ibang mga kaibigan niya na sina Tanner, Trevor,
Xien at Hunter. Like an ordinary days in his college, tahimik lang siyang kumakain
nang merienda habang nakikinig at paminsan minsan na nakikisabat sa usapan nang mga
kaibigan niya.

Magkakaiba man ang course nila ay hindi naman naging hadlang iyon para hindi sila
magkita kita, kapag vacant period o kaya naman ay breaktime ay madalas silang
nakikitang magkakasama.

They were friends since highschool kaya matibay na ang samahan nila lalo pa at
miyembro sila nang sikat na club na sila lang din naman ang nagbuo.

Their club was known at the university because of its uniqueness, may kanya kanya
ring espesyal na katangian ang bawat miyembro, Flower Boys Host Club was a club
that invites and entertains a guests, usually a female guests.

Ang club president nilang si Yuan ang nakaisip at nagbuo nang club na iyon, he was
an exchange student from Japan. Pero imbis na sa pansariling interes nila napupunta
ang funds at kinikita nila sa paghohost ay idino-donate nila iyon sa ibang clubs sa
university, minsan naman ay nagi-sponsor sila nang sports events at iba pang
activities kaya nga mabilis na nakilala ang club nila.

Their club consists of eleven members named Yuan Yashiro the club president, Jared
Dalton the vice president, Xien Leighton, Trevor Allejo, Hunter Monseratt, Tanner
Patrick, Vash Carreon, Sky Weinz, Kaizer Aldena, Einar Park and himself, Reed
Morgan.

Hindi rin kataka takang maraming babae ang nakapaligid sa kanila, hindi rin nila
akalain na makikilala rin ang club nila sa mga kalapit na schools at universities,
kilala sila hindi lang ng mga college students dahil pati highschool at gradeschool
students.

"Reed..." Narinig niyang tawag ni Trevor sa kanya, siniko pa siya nito kaya
nabaling ang atensyon niya dito.

"What?" kunot noong tanong niya sa kaibigan

"Eva Gomez is looking at you." Bulong nito at lihim na itinuro ang babae sa kalapit
na lamesa nila, nang sundan niya ang tinuro nito ay nakita niya ang grupo ng mga
babae pero dahil namumukod tangi ang kagandahan ni Eva ay doon kaagad natuon ang
mga mata niya.

Eva Gomez is a real bombshell, she is famous at their university, isa kasi ito sa
mga beauty queens ng university na pinanlalaban hindi lang sa iba't ibang schools
sa bansa kundi ipinanlalaban na rin ito sa ibang bansa.

"Woah! You're lucky Reed. I heard Eva had a crush on you." Panunukso ni Tanner,
nakita niya ang pagngiti sa kanya ni Eva, ginantihan din niya ito ng ngiti.

"I envy you." Sabay na bulong nina Trevor at Hunter, nagkataon kasing crush din
niya si Eva.
"This day is your lucky day Reed, puntahan mo na, yayain mong makipagdate." Tudyo
ni Hunter, "Diba Xien?" baling nito sa tahimik din niyang kaibigan.

"MA..PA..." Sagot nito, ganon na lang ang pagkunot ng noo ni Hunter.

"Anong mapa?" takang tanong naman ni Trevor, kumagat muna ito sa pizza bago
nagsalita.

"MAlay ko..PAkealam ko." Bagot na sagot ni Xien, napangiti naman siya sa kaibigan
samantalang naiiling na nagkatinginan sina Hunter at Trevor.

"MA...PA..." sabay pang sabi ng dalawa, natatawang tumayo siya at kinuha sa bulsa
ang cellphone, kukunin na lang niya ang cellphone number ni Eva, hindi naman siya
katulad ni Hunter na paspasan kung manligaw, date kaagad ang gusto ni walang
getting to know each other stage muna.

"I'll get her number first." Aniya, nakangiting sinuportahan naman siya ng mga ito.

Napansin niya ang pagsisikuhan ng mga kaibigan ni Eva habang papalapit siya
samantalang nakangiting nakipagtitigan ito sa kanya.

She's really beautiful, wala na nga yatang tatapat sa kagandahan nito, kahit na
maraming magaganda sa university, ibang iba ang kagandahang taglay nito, she smile
beautifully.

Nakangiti rin siya habang papalapit kay Eva at dahil dito siya nakatingin ay hindi
niya napansin ang taong tumatakbo patungo sa kanya.

"Reed, watch out!" Eva warmed him, huli na para iwasan niya iyon, bumangga na ito
sa kanya at sa kasamaang palad natapon pa sa uniform niya ang dala nitong fruit
soda.

"What the?!"

Sa lakas nang pagkakabangga nila ay bumagsak siya sa marmol na sahig at lumanding


pa ito sa ibabaw niya.

"Ouch..." nakangiwing sabi niya habang hinawakan sa magkabilang balikat ang maliit
na katawan sa ibabaw niya. "Hey, look what you've do-" hindi niya naituloy ang
sasabihin nang umangat ang mukha nito at tumingin sa kanya.

Such a cute girl! Her eyes is like an almond chocolate, her lashes were long, her
nose was small but pointed like a Barbie doll, her lips is pink as cherry blossoms,
her cheeks is red as ripe cherry, her skin is white as snow white, it looks so soft
and smooth, her black hair is long and shiny. She was such a beauty! A cute angel
fallen from the sky!

May kung anong kakaiba siyang naramdaman sa sarili niya nang ngumiti ito sa kanya
nang pagkatamis tamis, her eyes seems smiling too!

She looks familiar....parang nagkita na sila nito sa kung saan.

"Oppa!" she said, para siyang namaligno nang marinig niya ang sinabi nito, she is
Korean...no, half Korean at isa lang ang kilala niyang tumatawag sa kanya nang
ganon....

"Eiren!" mula sa pinto nang canteen ay humahangos na dumating si Einar, nasa likod
nito sina Kaizer, Jared, Yuan at ang iba pang miyembro nang host club.
"I've been looking for you, nandito ka lang pala nagsuot." Sabi ni Einar na
inalalayang makatayo ang teenager na babae.

Eiren...her name was Eiren...she was Einar's younger sister...I knew it!

"Oppa, guess what I've found?" wika nito kay Einar, nagbuntong hininga ang kaibigan
at nagsalita.

"Let's go, I'm taking you home." Anito na pinagpag muna ang natalamsikan ding
blouse ng babae.

"No way! I found Reed! I finally found my fiancé." Masayang sabi nito, nagulat
hindi lamang siya nang yumakap sa kanya ang babae kundi pati ang lahat ng
estudyante na naroon sa canteen na kanina pa nakamata sa kanila.

Parang kanina lang ay ang tahimik sa canteen pero sa sinabi ni Eiren ay biglang
umingay, lahat nang estudyante doon ay nagbubulungan habang nakatingin sa kanila.

"Aisssh! Masisiraan ako nang ulo sa'yo." Sabi ni Einar na pilit na hinihila ang
kapatid. "Halika, umuwi na tayo."

"No, I'm going to stay here, I'll invite Reed for a date." Dagdag pa nito, para
naman siyang estatwa na hindi makagalaw sa mga nangyayari.

"What? Stop it Eiren, mom's gonna kill me." bulong ni Einar sa kapatid.

"Why would she do that? Mom knows that Reed and I we're engage already." Anito

"What?!" nakisabay siya sa tanong nang marami, nanlalaki pa ang mga mata niya sa
sinabi nito.

Narinig niya ang mahinang pagbungisngis nito, "Five years old palang ako ay engage
na tayo, hindi mo na ba natatandaan yun?" nakalabing sabi nito, he found her very
cute pero pinalis niya iyon sa isipan dahil parang nahilo yata siya sa mga bombang
pinasabog nito, hindi talaga niya maintindihan ang mga sinasabi nito.

Inalis niya ang dalawang kamay nito sa baywang niya, ayaw niyang makasuhan nang
child abuse, bago siya nagsalita ay pinagmasdan pa niya ito nang mabuti.

She wears short skirts and blouse with matching long black socks and pink sneakers.
There's no doubt she is a real fashionista, napakaraming accessories sa braso at
daliri nito, napansin din niya ang iba't ibang kulay ng nail polish sa mga kuko
nito.

Napangiwi siya, mukhang kagagaling lang nito sa school at kung hindi siya
nagkakamali ay pitong taon ang tanda niya dito, it means she was only thirteen
years old...oh man! Makakasuhan nga ako nang child abuse nito...

"Wait, hindi ko maalala na engage na ako. Sino ang nagsabi? Paano nangyari?" tanong
niya subalit hindi niya ito pinagsalita at nagpatuloy siya, "Look kid, if you want
to get an attention, don't use me okay? I'm off here." Aniya na akmang tatalikod
nang mapansin niya ang pangingilid nang luha nito.

Natigilan siya at tila nakunsyensya, naramdaman niya ang pagsiko sa kanya nina
Hunter at Trevor.

"She's crying." Bulong naman ni Sky.

Magsasalita sana siya nang magsalita naman si Einar.


"Dude, I'm sorry. Namiss ka lang siguro ni Eiren, alam mo naman na matagal din
kayong di nagkita." Sabi ni Einar, he felt a twinge of guilt.

"How could you forget what you've promise to me." ani Eiren na humihikbi pa, hindi
naman siya makapagsalita, lalo lang siyang nakukonsyensya.

Gusto tuloy niya itong lapitan at aluin pero hinila na ito ni Einar, "Stop crying
Eiren, I'm gonna buy you chocolate cake, okay?" pag aalo ni Einar sa kapatid habang
naglalakad palabas nang canteen.

Parang bumigat ang nararamdaman niya nang mawala ang magkapatid sa paningin niya,
hindi niya maintindihan pero parang gusto niyang sundan ang mga ito at humingi nang
pasensya.

Pero bakit ako ang hihingi nang sorry? Wala naman akong ginawang kasalanan...ang
teenager na yun ang bigla na lang sumulpot at ginulo ang araw ko....katwiran nang
isang bahagi sa utak niya, Yeah...hindi mo kailangang humingi nang tawad sa
teenager na yun..

She's Eiren..yeah, she's a teen now..and God! She was undeniably cute girl. Sabad
naman mula sa kaliit liitang bahagi sa utak niya.

His heart felt something weird too! Oh shit!

Pinilig niya ang ulo, bakit pakiramdam niya ay may hindi magandang mangyayari sa
pagkikita nila ni Eiren?

It's been eight years since he saw her, madalas itong nasa bahay nila noon kasama
ang kapatid nitong si Einar na matalik din niyang kaibigan, ang mommy niya ang
pansamantalang tumitingin sa magkapatid sa tuwing may out of town shooting ang mga
magulang ng mga ito.

Pero may ipinangako nga ba talaga siya kay Eiren noon? Bakit hindi niya maalala?

Back to reality....

Diniretso ni Reed ang sasakyan sa Happiness Bar na pagmamay ari ni Sky


Weinz, isa sa mga kaibigan niya, since walang hosting event ang Flower Boys ay doon
sila madalas magsama sama.

Kaagad niyang namataan ang mga kaibigan niya, naglalaro nang billiards ang iba
samantalang nasa bar counter naman ang iba pa, doon siya lumapit kina Tanner,
Vash at Xien na nakaupo sa tapat ng bar counter.

Kaagad na binigyan siya ng glass of wine ni Sky, nakangiting tinanguan niya ang
kaibigan.

"Congratulations Reed!" Sky greeted him, binati rin siya nang ibang kaibigan niya,
nakangiting tumango siya subalit nawala rin ang mga ngiti niya nang may maalala
siya.

He was supposed in a party gathering at lasapin ang tagumpay niya sa karera, he won
in a prestigious car race event that held in America last week and his team
supposed to give him a victory party but he disagreed it, ayaw na niyang maabala
ang mga ito. Sapat na sa kanya na binati siya nang mga ito at masaya rin sa naging
tagumpay niya.

Ewan niya pero pakiramdam niya ay wala siyang karapatang maging masaya tapos ay
dumating muli si Eiren, nagkakaganoon lang naman siya kapag nakikita niya ang
dalaga.

"Mukhang bad mood ka ah?" komento naman ni Tanner

"May problema ba, Reed?" tanong naman ni Xien

Sumimsim muna siya ng wine sa kopitang hawak bago nagsalita.

"I'm fine guys." Sagot niya

"Hindi ang ganyang mukha ang okay." sabad naman ni Vash, napabuntong hininga na
lang siya.

"Oo nga, ikaw lang ang kilala kong nanalo sa isang prestigious car race na ganyan
ang mukha. You should be happy." Ani Sky.

May sumingit sa balintataw niya, "Sigurado akong magiging isa kang kilalang car
racer balang araw."

Masaya rin kaya siya para sa'kin kung nabubuhay siya ngayon?

Muli siyang nagbuntong hininga, "I'm really okay." Pilit ang ngiting sabi niya.

Nagpapasalamat siya na nakuha ang atensyon ng mga kaibigan niya kina Trevor, Jared
at Kaizer na naglalaro ng billiards kaya hindi na siya tinanong pa ng mga ito.

Malakas na nagtatawanan ang mga ito habang nakatingin sa kadarating lang din na si
Hunter, nakasimangot na lumapit ang huli sa mga ito habang sapo ang may band aid na
ilong.

"What happened to you?" tanong ni Jared sa pagitan ng pagtawa, mababakas ang hindi
magandang mood ni Hunter na naupo sa mahabang bench.

"Nauto ng isang babaeng buwitre." Nakasimangot na sabi nito, naiiling na nilapitan


ito ni Trevor pagkuwan ay binulungan ang binata, napansin niya na sumulyap ang mga
ito sa dako niya.

"Nah, palaro nga ng isa." Inis na sabi ni Hunter na hinablot ang billiard stick kay
Trevor, tatawa tawa lang na hindi na umimik ang mga kaibigan niya.

"For sure, may kalokohan na namang ginawa ang mga yan." Ani Sky na ang tinutukoy ay
sina Hunter at Trevor.

"Sigurado yan." Segunda ni Tanner

"Tss, kung nandito lang si Einar siguradong kasama sa kalokohan nina Hunter ang
isang yun." Sabat ni Vash, doon lang niya napansin na wala si Einar sa grupo.

"Nasaan nga pala si Einar?" kunot noong tanong niya sa mga ito.

"Nasa Singapore sila ni Kei, namimili ng mga souvenirs para sa nalalapit nilang
kasal." Sagot ni Sky habang pinupunasan ang ilang vintage toy collections nito na
nakadisplay sa ibabaw ng estante. "Wala din si Kaichou."
Naiiling siya, bakit hindi niya napansin na pati pala ang club president nila ay
wala rin doon, tila wala siya sa sarili.

"Nasaan si Yuan?" tanong niya na nagsalin ng wine sa kopitang hawak niya.

"May importante daw siyang inaasikaso ngayon." Sabi ni Jared na kalalapit lang sa
bar counter, inabot niya ang isang glass wine at inabot iyon kay Jared. "Thanks
man." Nakangiting sabi nito, tumango lang siya.

"Congrats ulit." Anito, maya maya ay nagpaalam siya sa mga ito.

Dala ang wine glass na lumapit siya kina Trevor, gusto niya itong makausap subalit
hindi siya makasingit dahil tila walang balak na magpaistorbo ang mga ito.

"Tirahin mo na, sure ball yan." Ani Trevor kay Hunter

"Tsk, h'wag kang maingay, nawawala ako sa konsentrasyon." Asik nito sa kaibigan na
nasa likuran nito.

Tahimik na naupo si Reed sa mahabang bench, manonood na lang muna siya sa mga
kaibigan, gusto niyang mawala ang nararamdaman niyang kalungkutan.

"Nah, ang bagal mo naman tumira." Angal ni Trevor

"Shh! Shut up!" inis na sabi ni Hunter dito, nanahimik naman si Trevor atsaka
sumandal sa haligi habang naghihintay sa pagtira ng kaibigan.

Maya maya ay nainip na naman ito, "Ano na? Itira mo na kasi."

"Masyado kang seryoso Hunter, itira mo na, naiinip na tong si Trev." Natatawang
komento ni Kaizer na prenteng nakatayo habang yakap ang billiard stick.

"Oo na, oo na." pikong sabi ni Hunter, maya maya ay mahinang napamura ito. "Shit!"
tumalbog lang ang bola pagkuwan ay nang aasar na tinawanan ito ni Trevor, inis na
nabitawan nito ang billiard stick.

"Ang ingay mo kasi!" inis na pakli nito at akma nitong sisipain si Trevor subalit
mabilis itong nakailag kaya tumama ang paa nito sa billiard table, ganon na lamang
ang paghalukipkip nito habang dumadaing.

Naiiling na nilapitan niya ang kaibigan at tinulungan na makatayo, napansin niya


ang ilang band aid sa mga daliri sa paa nito at sakong.

"Teka, ngayon ka lang yata nagpakita ng mga kuko sa paa." Komento ni Tanner na
nakalapit na rin pala sa kanila.

"Oo nga, atsaka bakit ang dami mong paltos sa paa?" sabad ni Jared, "Ano bang
nangyari sa'yo?"

Imbis na sagutin nito ang tanong ay binalingan nito si Trevor na ngising ngisi sa
kabilang bahagi ng billiard table, hawak pa rin ang billiard stick.

"Kasalanan mo to' Trevor."

"H'wag mong isisi sa'kin ang pagkabanban mo sa billiard." Sagot lang ni Trevor

"Tsss." Inis na nag walk out palabas si Hunter

"Anong nangyari dun?" takang tanong ni Xien


"Mukhang na badtrip kay Trev." Ani Vash

"Nagtataka pa kayo, kahit kailan pikon ang isang yun." Naiiling na sabi ni Trevor
na sinundan palabas si Hunter.

Naramdaman ni Reed ang pagtapik ni Kaizer sa kanyang balikat.

"Mukhang wala ka rin sa mood, Reed." Komento nito, umiling siya.

"Pagod lang ako." Sagot niya, inayos niya ang sarili at muling nagsalita, "Gonna
go, guys." Paalam niya sa mga kaibigan.

Wala rin talaga siya sa mood para makisaya sa mga kaibigan niya, ang gusto niya ay
makapagpahinga na.

Nang makapagpaalam ay lumabas na rin siya ng Happiness Bar, pagkalabas naman niya
ay kaagad na nabaling ang atensyon niya sa mga boses sa di kalayuan.

"Whew! Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanila lalo na at naroon din siya." Ani
Hunter, narinig niya ang mahinang pagtawa ni Trevor.

"Nah, akala ko napikon ka talaga sa'kin eh." Anito

"Tss, ang babaw ko naman kung ganon." Sagot naman ni Hunter

"Hindi nga ba?"

"Loko ka ah!" pagsiko nito kay Trevor, "Pero masakit talaga ang mga paa ko, never
na akong magsusuot ng sapatos na yun." Pag angal nito, hindi siya napapansin ng mga
ito kaya nanatili lang siyang nakikinig.

"Teka, nabura mo na ba yung mga pictures ko sa cellphone mo?"

"Oo naman."

"Let me see..let me see it." Ani Hunter na inilahad pa ang kamay

"Wala kang tiwala sa'kin..." ani Trevor na binigay ang cellphone dito

"Mabuti at na delete mo na."

"Of course! Mukhang nagawa mo naman ang pinapagawa ni Eiren eh." Ani Trevor

"Sinugal ko ang buhay ko para lang sa kanya."

"Kita ko naman kaya tara na." ani Trevor na inakbayan ang kaibigan.

"Saan?"

"Sa bahay mo, doon ako makikitulog sa inyo ngayon."

"Teka, diba sa apartment ni Reed ka nakikitulog ngayon?"

"Hindi na ngayon, alam mo naman na may dahilan lang ako kaya ako nakituloy sa
apartment ni Reed noon."

"Dahil kay March? Ibang klase talaga kayo kapag tinamaan sa babae." Naiiling na
komento ni Hunter
"Maghintay ka lang, mararanasan mo rin ang lahat ng pinagdaanan namin." Natatawang
sabi ni Trevor

"Nah, malabong mangyari yan."

"H'wag mong sabihin yan dahil kung makikipagpustahan ako sa'yo baka mag cross dress
ka na naman." Natatawang sabi ni Trevor, kitang kita niya ang paglukot ng ilong ni
Hunter.

"No way! Hinding hindi na ako makakapayag."

Natatawang tinapik tapik ni Trevor ang balikat nito, "Tara na, inaantok na ako."
Yaya nito sa kaibigan, magkaakbay na naglakad ang dalawa.

Ganon na lamang ang pagkagulat ng mga ito ng makita siyang humarang sa daraanan ng
mga ito.

"Can you explain to me what's happening here?" he asked his friends in a serious
tone.

Napahigpit ang hawak ni Reed sa manibela ng sasakyan, pauwi na siya sa


kanyang tinutuluyan, walang nagawa ang mga kaibigan niya kundi ipagtapat sa kanya
ang lahat ng mga kalokohang ginawa ng mga ito ng araw na iyon.

Hindi naman siya nagalit sa mga kaibigan, hindi lang siya makapaniwala na
kinunsinti na naman ng mga ito ang kabaliwan ni Eiren.

Maraming beses na nitong sinabotahe ang mga date niya at ngayon nga ay kinasabwat
pa ang mga kaibigan niya.

At lalo lang siyang naiinis sa ginagawa nito. Nah, that girl is too much...

Malayo pa siya sa gate na tinutuluyan niya subalit nang makita niya ang isang bulto
na nakaupo sa gatter ng kalsada sa tapat nang kanyang apartment ay saglit niyang
itinigil ang sasakyan.

"What is she doing here?" his jaws tighten

Malakas na tinampal ni Eiren ang binti niya nang may makita siyang
lamok na dumapo sa maputi at makinis niyang balat, mag iisang oras na siyang
nakaupo sa gatter na iyon, kanina pa niya hinihintay ang pag uwi ni Reed.

Pagkagaling niya sa Italian restaurant ay doon na kaagad siya dumiretso sa


pagaakalang nakauwi na ang binata subalit naabutan niyang sarado ang buong bahay.

Sinulyapan niya ang wristwatch na suot at nakita niyang mag aalas nuwebe na ng
gabi, masyado nang malamig at malamok sa puwesto niya kaya akma niyang tatawagan
ang binata nang makarinig siya ng busina ng sasakyan, nagliwanag ang mukha niya
nang makita niya ang sasakyan ni Reed.

"He's here!" masayang bulalas niya pagkuwan ay tumayo, kinawayan pa niya ito nang
makalapit na ang sasakyan.

Bumaba ng sasakyan si Reed subalit hindi man lang ito sumulyap sa kanya, tahimik
itong naglakad palapit sa gate at binuksan iyon.

"Kanina pa kita hinihintay." Nakangiting sabi niya, hindi na niya napigilan na


magsalita, "Mabuti at dumating ka na." aniya pa, ganon na lamang ang pagsimangot
niya ng hindi man lang siya pinansin ng binata.

Sumakay muli si Reed sa sasakyan at ipinasok ang sasakyan, sumunod naman siya na
bitbit ang isang malaking maleta at pumasok din sa loob ng maliit na bakuran nito.

Nang bumaba ang binata sa sasakyan ay hinarap siya nito.

"Hindi ako tumatanggap ng bisita nang ganitong oras." Malamig na sabi nito, "Umuwi
ka na at magpapahinga na ako." Anito na itinuro nito ang labas ng gate, lihim
siyang nasaktan subalit hindi niya iyon ipinahalata sa binata.

"Dito ako matutulog." Walang kagatol gatol na sabi niya, saglit itong natigilan
subalit nang makabawi ay lalong naging seryoso ang mukha.

"No woman allowed in this apartment." He said, she pouted.

"March is a woman, remember?" sagot niya, ang tinutukoy niyang March ay ang nobya
ngayon ni Trevor na nagpanggap na lalaki para sa hidden agenda nito, muli itong
natigilan.

"That was exempted, hindi ko alam na babae siya." Sagot nito

"Well, na broke pa rin ang rule na yun atsaka hindi naman ako iba sa'yo kaya maaari
akong pumasok dyan." Katwiran niya, lumapit siya kay Reed at kumapit sa braso nito.

"Dito ako magstay, sige na pumayag ka na." may palalambing sa tinig niya.

Nalungkot siya nang alisin nito ang mga kamay niya sa braso nito na tila may
nakahahawa siyang sakit.

"No, umuwi ka na." matigas ang anyong sabi nito, durog na durog na ang puso niya
subalit hindi pa rin niya pinahalata iyon sa binata.

"Nagcommute lang ako papunta dito tapos ay pauuwiin mo lang ako? Ni hindi pa nga
ako nagdi-dinner eh, nagugutom na ako at nahihilo na ako sa mahigit na isang oras
na paghihintay ko sa'yo sa labas ng bahay mo." May pagtatampong sabi niya, tumingin
pa siya sa binata na may paawa effect.

Saglit siya nitong pinag aralan, maya maya ay nakita niya ang pagbuntong hininga
nito pagkuwan ay nagsalita.

"Okay, kumain ka muna dito pero uuwi ka rin sa inyo." Seryosong sabi nito, lumapad
ang mga ngiti niya.

"Yes!" masayang bulalas niya.

####################################
CHAPTER THREE
####################################

Habang nakaupo sa harap nang hapagkainan ay matamang tinitingnan ni Eiren ang bawat
kilos ng binata, sa ganoong paraan ay masayang masaya na siya, minsan lang kasi
mangyari ang bagay na iyon.

Reed is preparing food for her dinner, alam niyang marunong magluto ang binata
subalit first time lang niyang nakita na nagluluto ito para sa kanya.

"Wow! I really love pasta!" masayang bulalas niya, "Lalo na at niluto mo."

Hindi naman umimik ang binata, kahit na medyo napaalat ang timpla ng binata ay
nakangiting pinuri pa rin niya ito.

"Ang sarap!" aniya, narinig lang niyang nagbuntong hininga ang binata.

Hindi nagtagal ay kumakain na sila pareho, hindi siya pumayag na hindi siya saluhan
nito sa pagkain na niluto nito.

Habang nasa hapagkainan ay tahimik lang ito kaya hindi na niya natiis ang sarili,
likas sa kanya ang pagiging palakwento at madaldal kaya kahit na ramdam niya ang
malamig na pakikitungo nito sa kanya ay nagsalita pa rin siya.

"Candy will be having a concert benefits for the victim of the super typhoon, and
you know what? Ako ang nagsuggest kay manager Kim na magsagawa kami ng ganong
concerts." Pagkukwento niya, "Nainspire kasi ako ng sobra sa ginawa ninyong Music
with benefits para makatulong sa mga nasalanta ng bagyo, Flower Boys are really
amazing! Hindi lang educational assistance and scholarships ang naitutulong ninyo
sa mga public colleges dito sa bansa, gumagawa rin kayo ng paraan para makapagbigay
ng cash money for the people in needs." Patuloy niya, "Ang sabi ni kuya Einar,
Flower Boys are planning to give support in public hospitals, is that true?" tanong
niya sa binata.

Nasa pagkain pa rin ang atensyon nito, tila wala itong balak na sumagot kaya
tumikhim siya.

"Kanina pa ako nagsasalita dito." Nakalabing sabi niya, saglit itong sumulyap sa
kanya pagkuwan ay bumuntong hininga.

"Yeah, host men are planning to give medicines and some special devices for the
public hospitals in our various towns and provinces, lalo na doon sa hindi
masyadong naaabot ng tulong ng government." anito na halatang napilitan lang na
sumagot.

Ngumiti siya, kahit papaano ay sinagot nito ang tanong niya, "I'm so proud of the
host men. They're so kind and down to earth." Komento niya, "I'm so happy that you
are a member of the Flower Boys Host Club, Reed." Masayang sabi niya, hindi naman
ito nagsalita.

"By the way, sino si Maddie sa buhay mo?" tanong niya kapagkuwan, tumingin ito sa
kanya.

"Does it matter?"

"Of course! Kailangan kong malaman kung sino-sino ang mga babaeng nakapaligid
sa'yo, I'll warn them to keep away from you." Aniya, nagpantay na naman ang mga
kilay nito.

"Stop doing this." May pagbabanta sa tingin nito.

"And why not? I'm your fiancée." aniya


Marahas itong bumuntong hininga, nagpatuloy lang itong kumain.

"Bakit ba ang cold mo sa'kin?" nakalabing tanong niya sa binata, tumingin ito sa
kanya.

Nagulat siya nang makitang kumilos ang kamay nito pero mas nagulat siya nang walang
anumang hinaplos ng daliri nito ang mga labi niya.

Nagtatanong ang mga matang tiningnan niya ito, tila hindi nito iyon sinasadya.

"Ang amos mo kasing kumain." Sabi nito na tumayo na lang bigla.

"Wait, hindi ka pa tapos kumain?" takang tanong niya sa binata.

Hindi ito sumagot, naglakad ito at lumabas nang kusina.

Sinundan lang niya ito ng tingin hanggang sa lumabas ito ng bahay, nagkibit balikat
na nagpatuloy siya sa pagkain.

Nang matapos siyang kumain ay naupo siya sa mahabang sofa, hinubad ang
mataas na sapatos at ipinatong iyon sa center table, gumaan yata ang pakiramdam
niya at nawala ang pagod niya sa maghapong nagdaan.

Nakita niya ang remote ng tv sa tabi niya, inabot niya iyon at binuksan ang
malaking tv, naabutan naman siya ni Reed na nasa ganong kalagayan.

"What are you doing?" kunot ang noong tanong nito.

"I'm watching television." Kaswal na sagot niya.

Hindi naman nito pinansin ang sarkastikong sagot niya, seryosong lumapit ito at
hinablot sa kamay niya ang remote control pagkuwan ay pinatay nito iyon.

"Bakit mo pinatay? Nanonood pa ako." Nakalabing untag niya

"Hindi ka pa ba uuwi?"

Umiling siya, "Ayoko pa." sagot niya, lalo yatang nagpantay ang mga kilay nito.

"Well, if you don't know kid, I'm tired and restless, gusto ko nang magpahinga at
naiintindihan mo naman siguro ang gusto kong sabihin sa'yo." Anito, tumango siya
subalit hindi nagpaapekto.

"Eh di matulog ka na, nandito lang naman ako, hindi kita iistorbohin." Nakangiting
sabi niya, tila lalong nainis ito sa ginagawa niya, ekseheradong nagbuga ito ng
hangin.

"Mukhang hindi mo nga maintindihan ang ibig kong sabihin." Anito, nagulat siya nang
lumapit ito sa kanya at pilit na itinayo siya.

"What are you doing?" gulat na tanong niya nang hilahin siya palabas ng pinto.

"I'm taking you home." Anito, umiling siya at pinilit na makawala sa binata.

"Pagod ka na diba? Dito na lang muna ako." Aniya, nasa may pintuan na sila nang
makawala siya sa binata. "Promise, wala akong gagawing kalokohan, tutal naman wala
rin naman akong pupuntahan ngayon, wala si kuya Einar sa condo unit niya, si Granny
naman sa Batangas pa nakatira at ilang oras pa ang biyahe mula rito at ayoko naman
mag check in sa hotel." Aniya at bumalik sa sofa.

Nakaupo na siya sa sofa nang sulyapan niya ang binata, he still stood there while
looking at her, ngumiti siya dito at nagsalita.

"Naisip ko din na maging independent since I'm a woman now, I'll buy a condo unit
na malapit dito para madalas tayong magkita." Nakangiting sabi niya

"You're a woman but you're still acting like a highschool girl." He commented, she
pouted.

"I'm not."

"Yes, you are."

"No, I'm not, mukha lang akong highschool girl pero ang puso at isip ko ay parang
isang grown-up woman na." Aniya

"Oh really? Is there any grown-up woman in her right mind na kayang gawin ang mga
ginawa mo?" Anito, pinagdiinan pa nito ang ginawa niyang pagsira sa date nito at
ginamit pa ang mga kaibigan nito, napahiya naman siya dahil nabuking na pala siya
nito.

"I'm sorry pero ginawa ko lang iyon dahil nagseselos ako." Pagtatapat niya,
nagbuntong hininga ang binata.

"You're not jealous Eiren, you're a selfish kid..It's selfishness." He said in a


serious tone

"Of course not." Tanggi niya, lumapit ito at matiim siyang tinitigan.

"What do you know about jealousy? About love, Eiren?"

Kahit na nagririgodon ang puso niya ay pinilit niyang magpakanormal sa harap nito.

"Love is a passionate feeling of romantic desire and sexual attraction." She


answered, alam niyang definition iyon ng love at hindi iyon ang dapat na isagot
niya sa tanong ng binata.

He stunned for a moment and then she saw amusement written in his handsome face.

"Romantic desire and sexual attraction huh?" nakataas ang isang kilay na sabi nito,
"A twenty one year old like you really doesn't know about love." Komento pa nito

"I know what love is." Mabilis na sagot niya

"Really?" nang aarok ang mga mata nito. "A kid like you doesn't know about love."
Giit na ulit nito sa kanya na tila pinapamukha nitong wala siyang alam pagdating sa
usaping pag ibig.

Nainsulto siya sa sinabi nito kaya nakipagsukatan din siya ng titig sa binata.

"I'm not a kid, I'm a woman and I know how to love." Giit niya, his left brows
lifted.

"You still don't have a first kiss and yet pinipilit mo ang sarili mong isa ka ng
grown-up woman." Anito, nakuyom naman niya ang mga palad niya, Hindi niya matanggap
na hanggang ngayon ay isa pa rin siyang gradeschool sa paningin nito na palagi
nitong sinasabi sa kanya.

You're a kid...you're still a gradeschooler for me...you're a selfish brat...paulit


ulit na umecho sa tainga niya ang mga salitang iyon na palagi nitong binabanggit sa
kanya.

Napikon na siya ng tuluyan, "That's what you think." She said, huminga muna siya ng
malalim bago kumilos ang mga kamay niya.

Hinawakan ng dalawang kamay niya ang batok nito at hinila ito palapit sa kanya,
bago pa ito nakahuma ay nailapit na rin niya ang mukha sa mukha nito, and then her
lips touches his lips.

Naramdaman niya ang paninigas ng katawan nito at panlalaki ng mga mata, samantalang
sasabog na yata ang puso niya sa napakalakas ng pagtibok niyon.

She gave him a light kiss on his lips at kaagad din humiwalay dito.

Hindi pa rin ito nakakilos at gulat na gulat pa rin habang nakatitig sa kanya, siya
naman ay parang nakakain ng wasabi sa sobrang pamumula ng mukha niya dahil sa
kahihiyang ginawa niya.

But she still acts like a normal as if there's nothing happened between them.

"I'm a woman now, I have my first kiss." Aniya, nang makabawi ang binata ay madilim
ang mukha nito na tumingin sa kanya.

Nagulat pa siya ng marahas nitong hawakan ang braso niya at nagsalita.

"Don't do it again, walang matinong babae ang bigla na lang humahalik sa lalaki."
saad nito pagkuwan ay binitawan na rin siya, naglakad ito paakyat sa hagdan.

Nasa kalagitnaan na ito nang bumaling muli sa kanya.

"You're still a kid, Eiren." Sabi nito sa kanya at nagpatuloy nang umakyat sa
pangalawang palapag.

Naiwan naman siyang tila pinagbagsakan ng langit at lupa, ano bang kailangan niyang
gawin para makita nitong isa siyang ganap na babae na nagpapakatanga lang dahil sa
pagmamahal lang niya para dito?

Naupo siya sa mahabang sofa, nahagip ng mga mata niya ang malaking litrato ni Reed
na nakalagay sa isang mamahaling frame.

"Hindi kita maintindihan Reed, nasaan na ang pangako mo noon? Kailangan ko pa bang
ipaalala iyon sa'yo?"

"This is lavender plant. I love them that's why my mom planted it in


here." Ani Reed, nakaupo sila sa grass bed habang abala ito sa pamimitas ng
lavender flower.

Nakikinig lang siya dito habang tinutulungan niya itong pumitas ng bulaklak.

"What do you want to become when you grow up, Eiren?" maya maya ay tanong nito

"I want to become a princess." Kaswal na sabi niya, ngumiti ito.


"Why do you want to become a princess?" curious na tanong nito

"I want to meet my prince, a prince that will protect the princess." Aniya, madalas
na basahan siya ng kuya Einar niya ng fairy tale book. Sa murang edad niya ay
nagkainteres na siyang magkaroon din ng prinsipe na magtatanggol din sa kanya.

Pinagmamasdan niya ang ginagawa nitong pagkakabit ng mga bulaklak sa pinaikot na


mahabang tangkay ng lavender plant.

Maya maya ay nakaluhod itong lumapit sa kanya, nagulat siya nang ipatong nito sa
ulo niya ang tila koronang bulaklak na ginawa nito.

"Someday, you will find your prince." He said with a smile in his face,
napakaaliwalas ng mukha nito, napatitig siya sa maamong mukha nito.

"Reed, I want you to become my prince." she said, nagulat ito sa sinabi niya

"Why? Why do you want me to become your prince?" kunot noong tanong nito, ngumiti
siya

"Because you're so nice like Prince Philip and Prince Peter in my favorite
fairytale book, they're nice to their princess, they protect and they love them.
so I think you can be my prince." Nakangiting paliwanag niya, saglit itong
napatitig sa kanya pagkuwan ay ginulo ang buhok niya.

"Okay, from now on I'll be your prince." Nakangiting sabi nito, lumiwanag ang mukha
niya

"Really? Someday you'll gonna marry me?" she said, muli itong nagulat pagkuwan ay
malutong na tumawa.

"Where do you get those words huh?" he asked while laughing sofly.

"In a fairy tale books, Prince are marrying the princess that's why you need to
marry me when I become a woman."She said

"You're so smart girl, Eiren. You amaze me everytime we're talking." nakangiting
sabi nito, "Okay, I'll marry you when you become a woman."

"Promise?"

Nakangiti itong tumango pagkuwan ay inayos ang buhok niya.

"I'll marry the princess someday, that's a promise."anito na may ibinigay pang
maliit na botelya na naglalaman nang lavender flower sa loob niyon.

Ang mga sandaling iyon na pala ang huling araw na makakasama niya sa lavender
garden si Reed dahil isang linggo ang nakalipas ay bumalik ang mga ito sa
pilipinas.
####################################
CHAPTER FOUR
####################################

"Mom! Why me?" Reed protested, kagigising lang niya nang tumawag ang
kanyang ina.

"Ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko, Kaaalis lang namin ng daddy mo papunta sa
Thailand kaya hindi ko masusubaybayan si Eiren, she was there to have a vacation so
please, take my place for me, hijo." Sabi nang ina, bakit ba ngayon pa umalis ang
parents niya para sa business trip nang mga ito? Bakit ngayon pa nagpunta sa
hongkong si Einar para sa preparation nang kasal nito? Bakit ngayon pa nagpunta sa
Amerika si granny para sa health chek up nito? Bakit ngayon pa nagbakasyon sina
tita Erika at tito Renzo sa UK? At bakit nagkataon na wala siyang karera ngayon?
Bakit? Bakit?!

Damn! Pinagkaisahan ba nila ako o pinagkakatuwaan ako nang tadhana?

"Mom, marami akong gagawin, marami akong pupuntahan." Pagdadahilan niya

"Isama mo kahit saan si Eiren, itali mo sa baywang mo kung kinakailangan, h'wag mo


siyang pababayaan, responsibilidad mo siya ngayon, okay?" anito, "But please treat
her so nicely okay? You know what I'm talking about, Reed." Paalala pa ng ina bago
nagpaalam, hindi na siya nito pinagsalita pa.

Inis na naihagis niya ang cellphone niya, "Dammit! Hindi ko nga kayang alagaan ang
sarili ko, ang ibang tao pa kaya?" bulong niya, sinulyapan niya ang buong silid
niya.

Nakakapaglinis naman siya nang bahay kaya lang bihira na iyong mangyari, masyado
siyang abala sa pagkakarera niya nitong mga nakaraan.

Bumangon siya sa kama at isa isang pinulot ang mga nagkalat niyang damit, marami
siyang gagawin para sa araw na iyon kaya parang kumirot ang sintido niya nang
maisip na dadagdag sa problema niya si Eiren.

Nagpasya siyang maging independent dalawang taon na ang nakakaraan, hindi niya
kayang mag stay sa bahay nila nang matagal dahil pakiramdam niya ay dinadalaw siya
nang nakaraan niya.

Kaya hangga't maaari ay mas gusto niyang ginagabi sa pagpapractice sa karera niya o
kaya naman ay kung may mga hosting event ang host men.

Ilang buwan pa lang siya sa apartment na iyon, dati siyang nakatira sa isang condo
unit subalit nililiglig siya nang mga reporters kaya doon siya tumira, bukod kasi
sa tahimik doon ay ilang mga malalapit na kakilala lamang niya ang nakakaalam na
doon siya nakatira.

"Where are you going?" tanong ni Eiren kay Reed nang makita niyang nakabihis ang
binata.

"May practice game ako." Malamig ang tonong sagot nito, nagliwanag naman ang mga
mata niya

"I'm going with you." Masiglang sabi niya, lumapit siya sa binata at kakapit sana
sa braso nito mabilis itong umiwas.

"No, stay here or if you want, magshopping ka o kaya manood ng sine." Kaswal na
sabi nito na inayos ang black lether jacket na suot.

She pouted, "Ang boring kayang magshopping mag isa lalo na ang manood ng sine."
Aniya, "Pwede pa kung sasamahan mo ako." Nakangiting sabi niya, naglakad ito
palabas nang bahay, nakasunod naman siya dito.

"Mamayang gabi pa ang uwi ko." Tila napipilitan lang na sabi nito

"Eh di sasama na nga lang ako sa'yo." Pagpipilit niya

Nasa tapat na sila nang sasakyan nito, "No."

Binuksan nito ang sasakyan pagkuwan ay tumingin sa kanya, "Stay here." Pagkasabi
nito ay sumakay na ito nang sasakyan nito, hindi naman siya basta basta sumusuko,
matigas siya at igigiit niya ang gusto niya. Yes, she's willful, a very willful
woman.

Mabilis na binuksan niya ang pinto ng passenger seat at sumakay roon, awang ang
labi at kunot ang noo nito nang tingnan niya.

"I'm going with you." She said and gave him a sweet smile.

"Stubborn kid." Bulong nito, wala na itong nagawa kundi isama siya, hindi rin naman
siya bababa nang sasakyan nito kahit pa ipagtulakan siya nito.

Nang makalabas sila sa bakuran ay bumaba saglit si Reed upang isara ang gate,
habang nakamata lang siya sa ginagawa ng binata ay nahagip ng mga mata niya sa side
view mirror ang isang bulto ng lalaki sa gilid ng halamanan, he looks
suspicious..pakiramdam niya kanina pa ito nakamasid sa kanila, binuksan niya ang
bintana at inilabas ang ulo, she crane her neck to check kung naroon pa ang lalaki
subalit wala na ito.

Weird...hindi kaya namamalikmata lang ako?

"Anong ginagawa mo?" tanong ni Reed sa kanya

"I thought I saw a man standing there." Aniya na itinuro pa ang malagong bahagi ng
halamanan.

Kunot noong sinundan naman nito ng tingin ang tinuro niya.

Hindi pa ito nakuntento at pinuntahan pa nito ang likod ng halamanan pero wala
itong nakita.

"No one was there." Anito at sumakay na ng sasakyan, kibit balikat na umayos na
siya ng upo.

"Baka nga namalikmata lang ako." Sagot niya.

Nabibingi si Eiren sa katahimikan sa loob ng sasakyan, kanina pa hindi nagsasalita


ang binata at kahit na kinukuha niya ang atensyon nito ay sa pagmamaneho pa rin ito
nakatutok.

Kaya hindi na siya nakatiis pa, nagsalita na siya.

"Buksan natin ang mp3 player mo ha." Aniya na pinakealaman ang car stereo nito.

"No!" ekseheradong pagpigil nito. "Don't touch that." Pagbabanta nito

"Pero ang boring kasi." Nakalabing saad niya, ang OA ha? Kung makapagreact parang
end of the world na...nagtaka man siya sa inasal nito ay hindi pa rin siya
nagpapigil, nang makalingat ito ay pinindot pa rin niya ang button ng mp3.

Kasabay nang pag Shit nito ay pumailanlang ang isa sa mga kantang pinasikat ng
Candy, ang kpop girl group na kinabibilangan niya, she was surprise, awang ang
labing sinulyapan niya ang binata.

Obvious, Reed looks embarrassed. Parang namumula ito sa pagkapahiya, chineck pa


niya ang playlist niyon at nakita niyang puro music iyon ng Candy.

Hindi niya napigilang mapabungisngis.

"You're a fan of Candy? For real?" hindi makapaniwalang saad niya, hindi naman ito
umimik.

She looked at the man with her teasing smile, hindi pa rin ito tumitingin sa kanya
dahil sa pagkaguilty. Naisipan niyang asarin ito.

Sinabayan niya ang kantang pumapailanlang with matching dancing, nakaupong humarap
siya sa binata, inabot niya ang hanger na nakasabit sa likod ng sasakyan, ginawa
niyang mic iyon at habang bigay todo ang paggalaw niya ng mga kamay at pagindayog
ng katawan niya ay hindi niya inaalis ang ngiti sa mga labi at ang tingin niya sa
binata.

Halatang nadi-distract na ito sa ginagawa niya.

"Will you stop that?" iritadong wika nito, lalong lumapad ang ngiti niya.

Mas nilakasan niya ang pagkanta at lumapit pa dito upang asarin ang binata.

Nagulat siya nang hablutin nito sa kamay niya ang hanger pagkatapos ay pinatay ang
mp3 player.

"Bakit mo pinatay?" maang na tanong niya

"Nakakairita ang ginagawa mo." malamig ang tonong sabi nito at walang anumang
ibinato sa likod ng sasakyan ang hanger.

She pouted, "Dapat nga matuwa ka dahil ang cute na leader ng Candy ang nasa harapan
mo ngayon at libreng kumakanta at sumasayaw sa'yo."

Tiningnan lang siya nito pagkuwan ay itinuon ang atensyon sa pagmamaneho.

"Who was your favorite member of Candy? Is it Mayu Seo? Or Rika Te? Or is it
Taeyang Cheon? Or Yulli Jang?" curious na tanong niya, "O baka naman si Eiren
Park?" hindi maalis alis ang ngiti niya dahil nadiscover niyang pinapakinggan ni
Reed ang mga kantang pinasikat ng grupo niya.

"Ano sino ang gusto mo sa'ming lima?" pangungulit niya

Marahas itong nagbuntong hininga, "Wala."

"Mabuti nga at wala dahil kung sinabi mong isa kina Mayu, Rika, Taeyang at Yulli
ang favorite mo at hindi ako, kakalbuhin ko isa sa mga iyon. Ipapakick-out ko sila
sa grupo." Wika niya

"Brat." Narinig niyang bulong nito, nagkibit balikat lang siya.

Maya maya ay muli siyang nagsalita.


"By the way, manager Kim asked me if I want to enter the showbiz, what do you think
Reed?" she asked the man, dagling sulyap ang ginawa nito sa kanya bago sumagot.

"It's your choice." He said, she pouted her lips.

"Kaya nga tinatanong kita eh." Untag niya

"Wala ako sa posisyon para magdecide sa buhay mo Eiren, Go, ask your brother." He
said, lalo siyang sumimangot. Fiancé kita..iyon sana ang sasabihin niya subalit
baka mapikon na naman ito at hindi na siya tuluyang imikan o baka itigil nito ang
sasakyan at ibaba siya sa kahabaan ng expressway.

"Okay, since I'm twenty one, I'm going to sign my contract to KBC." She said while
looking at the ouside of the window. Pinakiramdaman muna niya ito kung may reaksyon
ba ito pero nang hindi niya marinig ang pagreact ng binata ay nagpatuloy siya,
"Kapag pumirma ako ng kontrata sa kanila, I'm starting to film my first movie with
Tyron Lee." Aniya, hindi pa rin ito nagsasalita, kinuha niya ang cellphone nang
tumunog iyon.

"Yes, manager Kim." Aniya sa kausap, "Yes, I'll sign the contract once I got back."
Aniya pa, "Yeah I know, I'm twenty one I can do kissing scene and bed scene." Sabi
pa niya sa kausap.

Nagulat siya at nabitawan niya ang cellphone nang biglang magpreno ang binata,
napahawak siya sa seatbelt ng tumingin siya dito.

"What's your problem?" takang tanong niya habang inaabot ang cellphone na automatic
na nag off dahil nahiwalay ang battery.

"Don't sign the contract." Bigla ay sabi nito, napaawang naman ang labi niya sa
sinabi nito.

"Akala ko ba wala ka sa posisyon para magdecide sa buhay ko?" maang na tanong


niya, saglit itong natigilan na tila naghagilap pa ng isasagot.

"Ah, I'm your brother's close friend at kilalang kilala ko na siya, alam kong hindi
ka niya papayagang pirmahan ang contract na iyon." anito, saglit niyang pinagmasdan
ang binata pagkuwan ay ngiting ngiti siyang nagsalita.

"Oh really? Si kuya nga ba ang hindi papayag o ikaw?" panunudyo niya, tila napahiya
naman ito subalit pinipilit na magpaka-cool sa harap niya.

"Walang ibig sabihin ang mga sinabi ko." Kaswal na sabi nito at muling pinaandar
ang sasakyan, hindi na maalis alis ang mga ngiti sa mga labi ni Eiren.

"Tss, ayaw pang sabihin ang totoo, alam ko namang may concern ka rin sa'kin."
Aniya sa sarili habang nakatingin dito. Nabuhayan tuloy siya nang pag asa, alam
niya na nag aalala rin ito sa kanya, hindi nito gustong pirmahan niya ang kontrata
dahil alam niyang pinoprotektahan lang siya nito. Sinabi lang niyang kaya niya ang
kissing scene at bed scene pero ang totoo ay hindi niya iyon kayang gawin.

Tumigil ang sasakyan sa isang malawak na race field, bumaba ang binata
habang nakasunod naman siya dito.

Naglakad sila palapit sa ilang grupo habang abala sa pagche-check nang pulang
sportscar ni Reed, nasisiguro niyang mga crew men ito ng binata.
"Is my car okay?" Reed asked them, nabaling naman ang atensyon ng mga ito sa
kanila.

"Boss, maganda ang kundisyon kaya natitiyak kong mananalo ka sa practice game mo."
Sabi ng isa sa mga crew nito, tinapik nito sa balikat ang kausap.

"Thanks Jon." Nakangiting sabi nito, saglit itong nakipag usap sa lalaki kaya
naiwan siya roon.

Iginala niya ang paningin at nahagip ng mga mata niya ang pamilyar na mukha ng mga
lalaki na nakasilong sa isang malaking umbrella tent sa di kalayuan.

Mukhang masayang nagkukwentuhan ang mga ito, naglakad siya patungo sa dakong iyon.

Habang palapit siya sa mga ito ay hindi niya mapigilang mapangiti, humahanga kasi
siya sa matibay na samahan nang mga ito, highschool pa lang ay magkakaibigan na ang
mga ito.

"Flower boys." Nakangiting bulong niya, their group name was fit for them, ano bang
panama ng mga kalalakihang nakilala niya sa mga naggagwapuhang nilalang na iyon?

Oo, magkakaiba ang personalidad ng mga ito, may seryoso, may tahimik, may suplado,
may magagalitin, may alaskador, may pikon, may mahina ang loob, may sobra sobra
kung magmahal, pero pinagmamalaki niyang lahat ng mga lalaking naroon ay maginoo,
tapat at mapagkakatiwalaan.

Nakilala na niya ang bawat isa at napakaswerte niya dahil nabigyan siya nang
sampung mababait at mga gwapong kuya in an instant, well except for Reed, dahil si
Reed ay hindi nakakatandang kapatid ang turing niya kundi isang lalaking minamahal
niya.

Hindi pa rin nawawala ang mga ngiti niya nang agawin niya ang atensyon ng mga ito,
nilapitan niya ang nakatayong lalaki, kahit na nakatalikod ito sa kanya ay kilalang
kilala niya ang tindig at tikas nito, alam niyang si Trevor ito.

Umabresyete siya sa braso nito, nagulat naman ito pero nang makita siya ay may
sumilay na ngiti sa mga labi nito.

"Annyeong!" she greeted them with her sweetest smile.

"Nah, akala ko kung sino." Nakangiting sabi ni Trevor, "Kamusta?" tanong nito
pagkuwan, humilig siya sa braso nito at umangkla ang isang kamay niya sa baywang
nito, she was sweet, iyon ang tanging katangian niya na sa mga ito lamang niya
ipinapakita.

"I'm fine." Sagot niya, sinulyapan niya ang mga ito, doon lang niya napansin na
kulang pala ang mga ito, exempted na ang kuya Einar niya doon dahil nasa hongkong
pa rin ito kasama ang hipag to be niyang si Kei.

"Where are the others?" tanong niya na humiwalay kay Trevor at naupo sa bakanteng
stool chair.

"Tanner is busy preparing his painting event in Amerika that will held next month."
Sagot ni Sky sa tabi niya

"Ah, Si Vash at si Kaichou?" muling tanong niya

"May eye operation si Vash." Sagot naman ni Xien, Vash Carreon is an Ophtalmologist
sa sariling Hospital nang pamilya nito.
"Umuwi si Yuan sa Japan, may importanteng aasikasuhin." Wika naman ni Jared,
tumango tango siya.

"Ah, okay." Aniya, sinandal niya ang likod sa stool chair, sa ginawa niya ay gumaan
ang pakiramdam niya, sumakit yata ang likod niya dahil sa makipot na sofa siya
nakatulog kagabi.

Sumulyap siya sa kabilang bahagi niya, nginitian niya si Hunter na akmang umiinom
nang lemon juice.

"Hindi mo man lang ako binabati." Nakalabing sabi niya

"Tsss.." iningusan lang siya nito, inilapit niya ang mukha dito at hinaplos ang
ilong na may band aid, "What happened? Bakit pinababayaan mong nasusugatan ang
gwapong mukhang to?" nakakalokong tanong niya kahit alam naman niya kung bakit
nagka band aid ang ilong nito.

"I was black mailed." Sarkastikong sabi nito, tumawa siya at tumingin kay Trevor,
may lihim silang senyasan nito kaya lalo siyang natawa. Hunter was half-Mexican, he
was the hunkiest member of the Flower Boys, malakas ang appeal nito sa mga babae,
ang killer smile at ang malanding tingin nito ang nakakaakit sa mga kababaihan,
wala nang tatalo sa pagkababaero nito, mapang asar din ito katulad nang kuya Einar
niya pero napakapikon naman.

"Mukhang may alam ka sa kalokohang ginawa ni Hunter." Untag ni Xien na nakaupo sa


tapat niya.

"Well, sort of." Kibit balikat na sagot niya

"Hindi ba busy ang Candy ngayon?" narinig niyang tanong ni Kaizer, sumulyap siya sa
katabi nitong binata, sa lahat nang host men si Kaizer ang purong Filipino, but he
was not an ordinary Filipino guy, sa tangkad at tikas nito ay nakalalamang ito sa
pangkaraniwang lalaki, nabiyayaan din ito nang napakagandang boses, he was the
frontman of the Flower Prince Band o mas kilala sa tawag na FP3, ka-band member ito
nang kuya Einar niya.

"Inaayos pa ang schedule ng grupo atsaka may bagong album na gagawin ang Candy kaya
binigyan kami ng pagkakataon na makapagrelax at makapagbakasyon, so that's why I'm
here." Sagot niya.

"Ah, you're here for a vacation.." Jared said, "How long?"

"Three months." Nakangiting sagot niya, hindi niya alam kung bakit nagkatinginan
ang mga ito.

"Wala pa si Reed gusto mo bang kumain muna?" nakangiting alok ni Sky, well, Sky has
Spanish blood that's why he was one of the heartthrob of the host men, umiling
siya. He was the sweetest and one of the gentlemen in their group.

"No thanks, I'm still full."

"Pano mo nalamang nandito kami? Sinong kasama mong pumunta rito?" tanong ni Xien,
while Xien was half-American, ang mamula mulang balat nito at mangasul ngasul na
mga mata ang pinakagusto niya sa binata.

"I'm with Reed." Kaswal na sabi niya, muling nagkatinginan ang mga ito, napangiwi
siya nang kumirot ang likuran niya, "Aish, backache." Aniya pagkuwan ay hinimas ang
likod
"Are you okay Eiren?" tanong ni Jared, "Baka kailangan mong magpahinga." Dagdag pa
nito, Jared was half-French, sa buong host men na bukod kay Reed si Jared ang lihim
niyang hinangaan noon, secret crush niya ito noong panahong dumadalaw siya sa host
club room, she was first year highschool student that time at graduating naman ng
college ang mga ito noon, napakabait kasi nito sa lahat, he was the real gentleman,
at isa pa kalook alike ito ng ultimate crush niyang si superman, si Brandom Rout.

"I'm okay, nangalay lang ang likod ko dahil sa sofa lang ako nakatulog kagabi."

"Saan ka nga pala natulog kagabi?" may pag aalala sa tinig ni Trevor, well, Trevor
was half-Caucasian, he was her favorite host man ever! Si Trevor kasi ang madalas
na nagi-entertain sa kanya noon kapag ayaw siyang kausapin ni Reed noon, so regular
host man niya ito noon.

"At Reed's apartment, yun nga lang sa sofa na ako nakatulog." Nakangiting sabi
niya, nagkatinginan na naman ang mga ito.

Humalukipkip siya sa lamesa at nangalumbaba, "Kapag kinasal ako, gusto ko aabay


lahat ng host men kapartner ang mga babae sa buhay ninyo." Nakangiting sabi niya,
"Gusto ko hindi lang kami nang groom ko ang masaya sa araw na yun kundi pati ang
mga abay ko."

Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Sky.

"That was sweet!" he commented pagkuwan ay ipinatong ang isang kamay sa ulo niya,
"Pero marami kami, usually limang abay lang ang allowed." Anito

"That's not a problem, we'll make a way, basta gusto kong umabay ang lahat ng host
men."

"Nah, what she wants is what she gets, that's for sure." Sabad ni Trevor, tinawanan
lang niya ang sinabi nito. "I'm looking forward to it, ngayon pa lang excited na
akong makapartner si March."

Natigil naman ang pagtawa niya nang seryosong sumabad si Hunter.

"Namamag-asa ka pa rin ba kay Reed hanggang ngayon?" prangkang tanong ni Hunter,


sinulyapan niya ito. "I just want to be honest with you, Eiren...well, payong
nakakatandang kapatid lang, maraming lalaki sa mundo, bakit hindi mo sa kanila
ibaling ang atensyon mo? You're beautiful lady, you're rich and famous. I'm sure
there so many cute guys out there who likes you o baka nga mahal ka pa. Sa kanila
mo ituon ang atensyon mo kaysa nasasayang ang panahon mo kay Reed." Anito, alam
niya ang ibig nitong sabihin, minsan na siya nitong inalo noon nang makita siyang
umiiyak dahil sa hindi pagpansin sa kanya ni Reed noon. Ayaw lang siguro siya
nitong makitang umiyak muli.

"Tama ka, maraming lalaki sa mundo pero iisa lang ang lalaking nasa puso ko, si
Reed lang, siya lang ang gusto ko." Sagot niya, nagbuntong hininga ito pagkuwa'y
muling nagsalita

"Ilang taon ka na ring nakabuntot kay Reed, hindi ka pa rin ba nagsasawa?"

"Hindi, mahal ko siya."

"Kalokohan."

"Hindi yun kalokohan, love ang nararamdaman ko para kay Reed at hindi ako susuko sa
kanya anoman ang mangyari." Seryosong sabi niya
"Kahit na hindi ka niya gusto?" sabi pa nito, saglit siyang natigilan "Naisip mo ba
minsan na hindi niya gusto ang ginagawa mong pagbuntot sa kanya? Na naiirita na
siya sa presensya mo? Na nasasakal na siya sa ginagawa mo, minsan na siyang
nagkagusto sa isang babae, he wants to court her, he want her to be his girlfriend
but you came, nung dumating ka hindi na niya nagawa pang ligawan ang babaeng gusto
niya, hindi mo ba naiisip yun?"

Tila patalim na isa isang tumutusok sa kanyang puso ang mga sinasabi nito, alam
niya ang bagay na iyon, may dati na itong gustong babae pero hindi siya pumayag na
makalapit ito sa babaeng iyon, sinira niya ang mga plano nito at doon din nagsimula
ang pagbuntot niya kay Reed, she start ruined his dates.

Alam niyang napakamakasarili niya, anong magagawa niya? Mahal na mahal niya si
Reed, atsaka may pangako ito noon sa kanya kaya iyon ang pinanghahawakan niya.

Masakit ang mga sinabi nito pero hindi niya iyon ipinahalata, gusto niyang umiyak
pero pinigilan niya ang sarili, ayaw niyang magmukhang mas kaawa awa sa paningin ng
mga ito, napansin na niya ang pag aalala sa mukha nina Trevor at ng iba pang host
men habang nakatingin sa kanya, hindi rin nalingid sa kanya ang pagsiko ni Xien kay
Hunter, na sinasabing enough.

"Tama ka, alam kong naiirita siya sa pagbuntot buntot ko... sa pagsira nang mga
dates niya...na ayaw niya sa presensya ko...." tila pinipiga ang puso niya habang
inaamin niya sa mga ito at sa sarili niya ang katotohanang iyon, "Pero wala akong
pakealam."

Matamang nakatingin ito sa kanya, trying to figure out if she's okay while she's
saying all of that.

"Alam ko rin na may nagugustuhan siya noon at gusto niyang ligawan...kaya nga
pinigilan ko yun dahil ayokong mapalapit siya sa babaeng iyon, Reed was mine, he's
only mine." Seryosong sabi niya, pumalatak si Hunter.

"You're so selfish." He commented

"No, I'm not selfish, I'm just inlove with him.." aniya, "I will fight my feelings
for him no matter what, gagawin ko ang lahat para maunawaan niyang para kami talaga
sa isa't isa."

Nakita naman niya ang pagngiti ng mga ito.

"That's real love. Hindi sa lahat ng pagkakataon magpapalaya ka sa nararamdaman


mo." Komento ni Kaizer, sinang ayunan naman iyon nina Sky at Jared.

"Tama, fight for your love, Eiren. We will support you." Sabi naman ni Trevor na
tinapik pa siya sa balikat.

"Love is like an endless battle, kailangan mong lumaban at hindi ka basta basta
susuko." Pakli naman ni Xien, napangiti na siya dahil mukhang naiintindihan na siya
nang mga ito.

Bumaling siya kay Hunter at nakangising inagaw niya dito ang basong kalalagay lang
nito ng bagong lemon juice.

"Do you understand now? Oo nga pala, hindi ka pa naiinlove kaya hindi mo
maiintindihan." Sarkastikong sabi niya pagkuwan ay uminom sa baso

"Tss, hindi ko kailangang mainlove para maintindihan yun." Anito, "Anyway, alam ko
namang hindi ka susuko, I'm just testing you." Katwiran nito, tinawanan niya ito.

Saglit pa silang nagkwentuhan at nagtawanan, hindi na nito binuksan pa ang tungkol


kay Reed at sa nararamdaman niya.

"Oh, ayan na pala si Reed." sabi ni Trevor, nagningning naman ang mga mata niya
nang balingan niya ang binata subalit namawala din kaagad iyon nang makita niyang
may kausap itong babae sa di kalayuan, pamilyar sa kanya ang babae, si Maddie Dela
Fuente!

Napahigpit ang paghawak niya sa baso, padabog na isinauli niya iyon kay Hunter,
nakalimutan naman niyang may laman pa iyon kaya hindi sinasadyang matapunan ang
binata.

"Oh man!" bulalas nito, tumayo siya at nagpaalam sa mga ito.

####################################
CHAPTER FIVE
####################################

Hindi maipinta ang mukha ni Eiren habang papalapit siya kay Reed at sa kasama nito,
hindi siya papayag na mapalapit ito kay Maddie, kung nagawa niyang sirain ang date
nito sa babaeng iyon ay magagawa rin niya iyon ngayon, she will do anything to get
rid of that Maddie in Reed's life.

Huminga muna siya ng malalim at pinilit na magpakanormal kahit na ba nanginginig na


siya sa inis sa babaeng kasama nito, nang masigurong ready na siya sa gagawin niya
ay inagaw niya ang atensyon nang dalawa na kanina pa nakatayong nag uusap.

"Oppa!" tawag niya kay Reed na humawak pa sa braso nito, nagulat naman ito sa
pagsulpot niya pati na rin ang kasama nitong babae.

"Hindi pa ba tapos ang pag uusap ninyo?" tanong niya

"Actually, hindi pa nga kami nakakapag usap." Sarkastikong sabi ni Reed, nagkibit
balikat siya

"Ah, kanina ka pa namin hinihintay." Pag iiba niya sa usapan.

"Namin?" kunot ang noong tanong niya, tinuro niya ang kinaroroonan ng host men sa
di kalayuan, sinundan naman ng mga mata nito ang tinuro niya, kinawayan ito ng host
men, nakangiting gumanti naman ng pagkaway rin si Reed.
"Tara, kanina pa sila naghihintay para sa practice game ninyo." Sabi niya na pilit
na hinihila ang braso ng binata.

"Susunod na ako, may pag uusapan lang kami ni Maddie." Sagot naman nito na inalis
ang kamay niya sa braso nito, lihim na nakuyom niya ang mga palad niya at
sinulyapan ang babae na nakatingin lang sa kanila, mas gusto pa niyang kausap ang
babaeng ito kaysa sa kanya? Unfair! Hindi ako papayag...

Muli niyang hinawakan sa braso si Reed, "May importante palang sasabihin sa'yo si
Trevor." Aniya, tiningnan naman siya nito nang kakaiba, tila pinag aaralan kung
nagsisinungaling ba siya o hindi. "Puntahan mo na, importante iyon." aniya, saglit
pa siya nitong tinitigan pagkuwan ay nagbuntong hininga.

"I'll be right back, Madz." Paalam nito sa babae, Madz? May endearment na rin siya
sa babaeng to? No! it can't be!

"Okay, no problem. Mukhang importante nga yung sasabihin nang kaibigan mo."
Nakangiting sabi nito, yes Maddie is beautiful..but she don't like her.

Nang makapagpaalam na ang binata ay hinarap niya ang babae, akmang tatalikod na ito
sa kanya nang magsalita siya.

"Stay away from him.." she warned her, nagulat ito sa sinabi niya kaya takang
napatingin ito sa kanya.

"Excuse me?" tila naguluhan pa ito sa sinabi niya

"I said stay away from Reed." Seryosong sabi niya

"Why would I do that?" she asked.

"Because I'm his fiancée." Taas noong sabi niya, napaawang naman ang labi nito
pagkuwan ay tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.

"Fiancée ka ni Reed?" hindi makapaniwalang tanong nito at muli nitong tiningnan ang
kabuuan niya.

Hindi yata niya ito mapaniwala, kitang kita niya sa mga mata nito na malayo sa
reyalidad ang sinasabi niya. Hindi pa rin nito inaalis ang mga mata sa kabuuan
niya.

Hindi tuloy niya natiis ang sariling sulyapan din ang sarili, what's wrong with her
outfit? Usong uso kaya ang suot niya sa pinanggalingan niyang bansa, she wears
color yellow high waist skirt, a white hanging blouse with big star printed on it,
with red boots. She bring her favorite brown lether back pack, her color burgundy
dyed hair was tied up, there's a three hair pins in her hair to support her bangs,
she also wear her cute red eye glass to make her more cool, she really love fashion
so she's in to it. Yes, she's twenty one years old pero sa fashion niya mas
nagmumukha pa siyang bata sa edad niya, kaya akala siguro nito ay isa pa rin siyang
highschool student.

Nakita niyang sinilip nito ang papalayong binata, sinundan niya ang mga mata nito,
baka iniisip nitong napakalayo nila ni Reed para maging fiancée siya nito.

Reed looks prim the way he walks, kahit na nakapagpalit na ito nang suit para sa
practice game nito ay mukha pa rin itong chief executive ng isang kumpanya, a
handsome bachelor.

Lihim na tiningnan din niya ang babae mula ulo hanggang paa, Maddie was an ordinary
woman, she's in mid-twenties - twenty six, she guess. She was tall compare to her;
she's only five feet and three inches while Maddie was five feet and six inches.
Her fashion sense was like an ordinary office girls, slacks, blouse and high heels.
There's no special with her, well hindi maipagkakailang maganda at sexy ang kaharap
niyang babae...

"How you related to him?" tanong niya nang makita niyang nasa kanya na muli ang
atensyon nito.

"I'm one of his paramedic, wala nang namamagitan sa'min." sagot nito, she lifted
her left eyebrow

"Really? Pero bakit nabalitaan kong niyaya ka niyang magdate." Aniya, ngumiti ito.

"It's a friendly date." Sagot nito, "H'wag kang mag alala, engage na rin ako sa
long time boyfriend ko kaya Reed and I we're just friends." Anito, natuwa naman
siya sa sinabi nito.

"Kung ano man ang namamagitan sa'min, it's all about job." Pagkasabi nito ay
tumalikod na ito at naglakad papalayo sa kanya.

Hindi na napigilan ni Eiren na mapangiti, masaya siya sa sinabi ni Maddie, ang ibig
sabihin hindi pala tinik sa lalamunan niya ang babaeng yun.

Para tuloy siyang nakahinga nang maluwag, wala pala siyang dapat ipag alala kay
Maddie.

Saglit na pinagmasdan pa niya ang babae habang naglalakad ito palayo, wala na
palang problema..aniya sa sarili.

Kumilos siya nang makita niyang pumasok ito sa isang silid, pumihit na siya pabalik
sa host men pero sa pagharap niya ay bumungad naman sa kanya ang malapad na bulto
nang lalaki, para siyang aatakihin sa gulat nang makita niya ang seryosong mukha ni
Reed.

"R-Reed." Nakangiting sabi niya at hindi ipinahalata na naapektuhan siya sa biglang


pagsulpot nito, nang aarok ang mga matang tinitigan siya nito.

"At ano namang kalokohan ang sinabi mo kay Maddie?" seryosong tanong nito

"Kalokohan? Ano namang kalokohan ang sasabihin ko sa kanya?" maang na tanong niya

"Wala kang ibang sinabi sa kanya?" tanong nito habang nakatingin sa mga mata niya

"Wala akong kalokohang sinabi sa kanya well, except sa katotohanang fiancée mo


ako." Kaswal na sabi niya, she saw his jaws tighten.

"Again?"

"Again? Ngayon ko lang siya kinausap tungkol sa relasyon natin." Maang na sabi
niya, "Alam mo bang engage na rin pala siya sa long time boyfriend niya?" malapad
ang pagkakangiting pagbabalita niya dito, hindi niya pinansin ang pagdilim ng anyo
nito.

"Maddie was just a friend kaya hindi mo kailangan sabihin ang kalokohang palagi
mong sinasabi sa mga babaeng napapalapit sa'kin." Seryosong saad nito

"Bakit kailangan mong makipagdate sa kanya?" may hinampong untag niya


"Wala na ba akong karapatang makipag date kahit sa kaibigan ko?" katwiran naman
nito

"Yun nga ang masama eh, kaibigan mo lang siya pero nayayaya mong makipagdate
samantalang ako kahit kailan ay hindi mo naidate kahit isang beses." Sumbat niya,
marahas na nagbuntong hininga ito subalit wala namang sinabi, kumilos ito at
naglakad patungo sa direksyong pinasukan ni Maddie.

"Where are you going?" she asked, tumigil ito subalit hindi tumingin sa kanya.

"May emergency meeting ako kasama ang ibang paramedic team ko, kanina pa dapat
natapos yun kung hindi ako nagpaloko sa'yo."

"Ha?"

"Wala naman sinabing importante sa'kin si Trevor." Anito, she bit her lower lip,
niloko lang naman niya ito dahil gusto niyang komprontahin si Maddie.

"I'm sorry." Hinging paumanhin niya sa binata, narinig na naman niya ang pagbuntong
hininga nito.

"I learned my lesson." Malamig ang tonong sabi nito pagkuwan ay nagpatuloy na sa
paglalakad.

Naiwan naman siyang mangiyak ngiyak, bad shot na naman siya sa binata.

Kinagabihan hindi mapakali si Eiren, kanina pa siya naglalakad pabalik


balik sa silid niya, hindi siya makatulog dahil alam niyang galit sa kanya si Reed,
hindi niya alam kung paano ba mawawala ang galit nito sa kanya, kahit na nakahingi
na siya ng sorry dito kanina ay hindi pa rin siya nito iniimikan.

"What should I do?" laglag ang balikat na kausap niya sa sarili, naupo siya sa
gilid nang kama. "Baka bukas na bukas ay paalisin na niya ako dito sa bahay niya.."
bulong niya, "Hindi, hindi pwedeng mangyari yun." Patuloy na pagkausap niya sa
sarili niya, kapag pinaalis siya nito, wala na siyang pagkakataon na ipakita at
iparamdam dito ang nararamdaman niya.

Nasa ganon siyang pag iisip nang tumunog ang cellphone niya, takang sinulyapan niya
kung sino ang tumatawag sa kanya ng ganong oras.

Nagliwanag ang mukha niya nang makita niya kung sino ang caller, kaagad na sinagot
niya ito.

"Auntie Rizzy!" bulalas niya, "Where are you?" she asked her, it's Reed's mom.

"I'm in Thailand with your uncle."

"What are you doing there?"

"As usual it's business." Sagot nito, hindi naman siya kumibo, Reed's family had
garment factory, ang alam niya matagal nang pinapatigil ni uncle ang binata sa
pagkakarera nito upang humalili sa kumpanya nito na matagal na ring nitong
pinapatakbo.

"Anyway, how are you?" tanong nito pagkuwan, nagbuntong hininga siya

"I'm with Reed's house." Malungkot na sagot niya


"Oh, why you sound so sad?"

Nagbuntong hininga siya, "Galit kasi siya sa'kin auntie." Aniya, kinuwento niya
dito ang nangyari kanina, hindi lingid sa pamilya ni Reed at sa pamilya niya ang
malaking pagkagusto niya kay Reed, minsan na siyang kinausap nito na kalimutan niya
si Reed dahil bata pa raw siya at infatuation at puppy love lang ang nararamdaman
niya para sa binata pero hindi siya nakinig, alam niyang itinakda sila ni Reed sa
isa't isa kaya pinilit niyang iparamdam at ipaunawa iyon sa binata. Nang lumipas
ang mga taon at makita nito na seryoso siya sa nararamdaman niya ay hindi na siya
nito pinilit pa na kalimutan niya ang anak nito, she actually one of her
supporters.

"Ganon ba? Just say sorry to him." Komento nito

"Pero ginawa ko na kanina yun, hindi pa rin niya ako pinapansin." Aniya

"Kung hindi umubra sa salita then ipakita mo sa gawa." Anito, saglit siyang
napaisip sa sinabi nito, maya maya ay napangiti na rin siya.

"Yeah, thanks auntie!" aniya, magsasalita pa sana ito nang mamatay naman ang
cellphone niya.

"Aish, lowbat na." bulong niya na nakatitig sa nagshut down niyang cellphone.

Tumayo siya at ipinatong niya iyon sa ibabaw nang bedside table, may kinuha siyang
bagay sa loob nang bag niya. Kumuha siya ng ballpen at pumilas ng isang sticky
note.

It was her favorite milk candy, hindi siya mabubuhay nang wala ang matamis na candy
na iyon, madalas din niyang ibigay iyon kay Reed noong mga bata pa sila bilang
pasasalamat niya sa kabaitan nito sa kanya, sana mapatawad na siya nito kapag
naibigay niya iyon at bumalik sa dati ang Reed na nakilala niya.

Lumabas siya nang silid niya at nagtungo sa kabilang silid kung nasaan ang binata,
humugot muna siya nang malalim na paghinga bago kumatok sa pinto, ilang saglit pa
siyang kumatok subalit walang nagbubukas niyon kaya sinubukan niyang pihitin ang
seradura at swerte namang nakabukas iyon. Hinanap kaagad nang mga mata niya ang
bulto nang binata subalit wala ito doon, where did he go in this late night?

Akmang palabas na siya nang silid nito nang eksakto namang bumukas ang pinto ng
banyo, she saw Reed, she saw him in his half naked!

Awtomatikong napaawang ang labi niya at nanlaki ang mga mata niya, para siyang
nakakita nang isang matikas at gwapong modelo na umahon sa isang men's magazine.

Tanging boxer short lang ang suot nito at lantad sa kanya ang magandang katawan
nito na mayroon pang butil butil ng tubig na halatang katatapos lang nitong maligo,
shocks! I feel hot! I feel weird feelings...

Napalis iyon nang marinig niya ang boses nito, thanks God!

"Eiren? What are you doing here?" gulat ding tanong nang binata at mabilis na
hinablot ang puting t-shirt sa likod ng pinto at isinuot iyon.

"A-ahh...e-hh, I-I went h-ere." She was stuttering, hindi pa rin siya makamove on
sa nakita, nararamdaman din niya ang malakas na pagtibok nang puso niya.

Lumapit ito sa kanya na nang aarok ang mga tingin, "Yes, you went here because?"
She catched her breath, nanuot sa ilong niya ang mabangong amoy nito na lalong
nagpahina sa mga tuhod niya.

Darn! Stay focus Eiren...focus...

She cleared her throat first, huminga muli siya ng malalim bago nagsalita.

"I'm sorry for what I've done a while ago. Sana mapatawad mo ako." Muling paghingi
nang tawad niya pagkuwan ay ibinigay niya ang isang kahon nang milk candy sa
binata, kumunot naman ang noo nito nang abutin ang milk candy.

"What's this?"

"Milk candy." Sagot niya, bumuga ito nang hangin

"Silly, I know. Bakit mo ako binibigyan nito?" tanong nito, napangiti siya, naalala
tuloy niya na parehong pareho ang tanong nito noong una niya itong bigyan ng milk
candy.

"Peace offering." Aniya, he hissed, halata ang pagkapikon nito nang isauli sa kanya
ang milk candy.

"Hindi ako bata para bigyan mo ako nang ganyan atsaka hindi ko kailangan ng peace
offering mo kung patuloy mong gagawin ang mga ginagawa mo." May inis sa tinig nito,
nalaglag naman ang balikat niya, she was sad, hindi katulad noong una ay natuwa at
naluha pa nga ito noong una niya itong bigyan...at kabaligtaran iyon
ngayon...marami na ngang nagbago kay Reed.

"Pero hindi pa rin ako susuko." Aniya sa sarili

Kinuha niya ang kamay nito at ibinalik ang milk candy, "This was our favorite
candy, we're so happy eating this candy at lavender garden remember?" Malungkot na
sabi niya, "Kung hindi mo na natatandaan, bakit ako natatandaan ko? Natatandaan ko
rin ang lahat ng ipinangako mo sa'kin noon." Nangingilid ang mga luhang sabi niya,
natigilan ito at napatitig lang sa kanya, nang hindi pa rin ito nagsasalita ay
nilisan niya ang silid nito at bumalik sa silid niya na masamang masama ang loob.

####################################
CHAPTER SIX
####################################

Nang sumara ang pinto nang silid ni Reed ay nahimas niya ang sintido niya pagkuwan
ay tinitigan ang hawak niya, lavender garden...damn! I tried to forget that
place...everything in his past...Humigpit ang pagkakahawak niya doon.

"Bakit ba paulit ulit niyang ipinapaalala sa'kin ang nakaraang yun?" lumapit siya
sa bedside table, binuksan ang drawer at inilagay doon ang milk candy.
Natigilan siya nang bumungad sa paningin niya ang lumang litratong naroon, kinuha
niya iyon at tinitigan, mababakas ang kasiyahan ng dalawang batang naroon sa
litrato, walang katumbas na halaga ang ngiti ng limang taong batang babae habang
namimitas ng lavender flower kasama ng batang lalaki na labing dalawang taon ang
edad.

Sariwa pa sa alaala niya ang lahat ng nangyari nang araw na iyon, they were so
happy while giving their promises to each other.

Bigla ay sumingit sa balintataw niya ang aksidenteng iyon...mabilis niyang


binitawan ang litrato at isinara iyon, hindi pa siya nakuntento kaya nilock pa niya
iyon.

Kaya ayaw niyang alalahanin pa ang nakaraan dahil bumabalik ang masamang bangungot
sa buhay niya, kaya pinipilit niyang umiwas kay Eiren dahil ito ang nagpapaalala ng
nakaraan niyang ayaw na niyang balikan pa.

"Damn!"

"What are you doing?" narinig ni Eiren na tanong mula sa unang baitang
nang hagdanan, nasa sofa siya habang nakahiga, naboboring siya sa loob ng bahay
nito kaya wala siyang magawa kundi tumitig sa kisame habang nakikipagtitigan sa
butiki.

Ayaw naman niyang umalis nang bahay dahil naroon lang din si Reed, gusto niya itong
makasama kahit na ba hindi ito lumalabas ng bahay simula pa kaninang umaga.

Bumangon siya at napansin niyang nakabihis ito, "Saan ka pupunta?" takang tanong
niya

"Wala nang stocks sa fridge kaya kailangan ko nang mag grocery." Anito na
naglalakad na palabas nang pinto, tuluyan na siyang bumangon at mabilis na sumunod
dito.

"Sasama ako." Aniya, tumigil ito at tumingin sa kanya.

"Dito ka na lang." walang anomang ekspresyon na mababakas sa gwapong mukha nito,


nakalabing umiling siya

"Ayoko, kapag nagtagal pa akong nakipagtitigan sa butiki sa kisama baka masiraan na


ako ng ulo." Aniya, "Promise, hindi ako gagawa nang kalokohan." Itinaas pa niya ang
isang kamay tanda nang nangangako.

Nagbuntong hininga ito, "Okay pero sasama ka ng ganyan ang ayos?" tanong nito,
sinulyapan naman niya ang sarili, palibhasa nasa bahay lang kaya nakasuot lang siya
nang kulay itim na loose tshirt na hello kitty ang printed, puting shorts at kulay
pulang sneakers, nakalugay lang ang hanggang baywang niyang pulang buhok.

"Wala namang masama sa suot ko.." nakalabing sabi niya, "Ah! Kukunin ko lang yung
bag ko." Nakangiting sabi niya at mabilis na umakyat sa silid niya.

Maya maya ay lulan na sila ng sasakyan nito, tahimik na sinulyapan niya ang binata,
seryoso pa rin itong nakatutok sa pagmamaneho.

Napansin siguro nito na kanina pa siya nakatitig kaya sumulyap ito sa kanya, isang
matamis na ngiti ang ibinigay niya dito, saglit itong natigilan pagkuwan ay dagli
rin nitong binawi ang tingin sa kanya.
"Bakit ba dito mo piniling magbakasyon? Mas madaming magagandang lugar na puntahan
kaysa dito." Narinig niyang tanong nito ngunit sa pagmamaneho pa rin ang atensyon.

"Because you're here." Walang gatol na sagot niya, muli itong tumingin sa kanya,
this time ay seryoso na siyang nakatitig sa mukha nito. "There's no beautiful place
than being with the one you love."

Hindi na ito umimik pa simula nang sagutin niya ang tanong nito, hanggang sa
maglakad sila sa loob ng mall ay tahimik pa rin ang binata.

Kaya hindi na nakatiis pa si Eiren, nauunang maglakad ang binata at nakasunod lang
siya dito.

"Reed." Tawag niya dito, "I'm hungry, I want pasta."

Sumulyap ito sa kanya pagkuwan ay nagsalita, "Then we will eat." Pagkasabi ay


nagpatiuna na muli, nakasimangot na sinabayan niya ito sa paglalakad.

"Pero gusto ko yung niluto mo." Sabi niya, sinulyapan lang siya nito subalit hindi
nagsalita, nagdadabog na sumunod na lang siya dito. "Diba favorite mo rin ang
pasta?"

"Noon yun, ngayon hindi na." sagot nito na hindi tumitingin sa kanya, tumigil siya
sa paglalakad at naiinis siya sa napakalamig na pagtrato sa kanya ng binata.

"Pumunta ako dito para magbakasyon at para makita ka, hindi mo man lang ba
maappreciate yung effort ko?" nakasimangot na sabi niya, muli itong sumulyap sa
kanya.

"Quick, maraming tao dito siguradong may makakakilala sa'yo." Anito na imbis na
sagutin ang tanong niya, hindi naman siya natinag nang magsimula itong maglakad.

Nasa tapat siya ng man made falls sa loob ng mall, maraming tao doon na kumukuha ng
litrato, nakatayo pa rin siya doon habang sinusundan ang papalayong binata.

"Hindi man lang nag aalala kung nasa likod pa ba niya ako o hindi, ayaw niya talaga
sa'kin." Mangiyak ngiyak na sabi niya, "Napipilitan lang siyang kasama ako."
Nagsisimula na naman siyang magtampo sa binata, hindi ba ako importante sa kanya?
Talaga bang ayaw niya sa presensya ko?

She bit her lower lip to stop her tears to fall, inayos niya ang sarili niya at
akmang maglalakad na ng maagaw ang atensyon niya.

"Look! Diba si Eiren Park yun?" sabi ng isang teenager na babae sa mga kasama nito,
nang balingan niya ay nakita niya ang grupo ng mga highschool students.

"Oo nga! Si Eiren nga! Leader ng Crayons!" tili ng kasama nitong bakla, namalayan
na lamang niya na napapalibutan na siya ng mga ito at pilit na kinukuhanan siya ng
litrato.

"Eiren, Eiren..pa autograph!" sabi ng iba

"Eiren! Sample naman ng song and dance!"

"Eiren, papicture naman!" sabi ng karamihan, mas dumami ang tao nang makitang
nagkakagulo sa kinaroroonan niya.

Hindi naman niya alam ang gagawin niya, wala siyang kasamang private security na
poprotekta sa kanya sa siksikan ng tao at sa makukulit na gustong makalapit at
magpapicture sa kanya.

Nayakap na lang niya ang sarili at mangiyak ngiyak dahil dinudumog na siya ng tao,
naramdaman din niyang sumasakit ang tagiliran at mga braso niya.

Anong gagawin ko? Nasaan na si Reed? Nawawalan na nang pag asang tanong ng isip
niya, Naku! Walang pakealam sa'yo ang lalaking iyon, asa kang tulungan niyon, sabi
naman ng kabilang bahagi ng isip niya

"Reed." Sabi niya sa gitna ng mga nagkakagulong tao.

"Excuse me! Give way please!" narinig niyang malakas na boses mula sa siksikan ng
tao, pamilyar sa kanya ang boses nito, is that Reed?

Nagulat siya ng biglang may humila sa kamay niya, "Bakit nawala ka sa likod ko?"
kunot noong tanong ni Reed, hindi siya kaagad nakapagsalita dahil sa pagkagulat,
hindi niya akalaing babalikan siya nito at mag aala-hero sa pagsagip sa kanya sa
maraming tao.

Hinubad nito ang suot na itim na jacket at ipinantakip sa ulo niya, hindi siya
nakakilos kaagad nang hapitin siya nito at halos yakap na hinila siya papalayo sa
mga tao.

May ilang nakasunod pa kaya walang nagawa ang binata kundi magtuloy na sa parking
lot at sumakay sa sasakyan.

"I'm sorry." Paghingi niya ng sorry dito dahil sa nangyari, hindi pa nga ito
nakakapamili ng stocks na pagkain, nagbuntong hininga ito.

"May lugar naman na hindi matao, doon na lang tayo maggogrocery." Anito, tumango
siya

Napangiwi siya nang kumirot ang kaliwang braso niya, she bit her lower lip para
pigilan ang napipintong pagluha niya nang makitang nagdurugo iyon, hindi niya
akalain na magkakasugat siya sa siksikan ng tao kanina, mukhang may nanggigil sa
tuwa sa kanya kaya nakurot siya.

"You're bleeding." Narinig niyang sabi ng binata, to her surprise he took her arm
for the better inspection, the proximity between them was that bothered her the
most. She could feel his breath on her face.

"Is this hurt?" he asked her.

Tama ba ang narinig niya? His voice laced with concern, she really not be sure..but
the man had one of those voices, the deep almost seductive ones.

Her heart begins to race, hindi rin niya maintindihan ang mumunting kuryenteng
pumasok sa kaloob looban niya nang magdampi ang mga balat nila.

But she really like what she feels right now, it was good inside.

Nakatingin ito sa sugat niya kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na titigan ang
binata, Geez! She never grew tired looking at this man.

Nang hindi makarinig ng sagot mula sa kanya ay nagtaas ito ng tingin, napasinghap
siya nang maramdaman niya ang mainit na hininga nito dahil sa sobrang lapit ng mga
mukha nila sa isa't isa. Lalo yatang bumilis ang pagtibok ng puso niya pakiwari nga
niya aatakihin siya sa puso sa sobrang bilis niyon.
Saglit itong nakatitig lang din sa kanyang mukha pagkuwan ay ito rin ang lumayo at
nagbawi ng tingin.

"I'll bring you to a clinic, baka ma infection ang braso mo." Seryosong sabi nito
at pinaandar na ang sasakyan.

Sumilip siya sa bintana, she felt someone looking at them...maraming tao sa


palagid, ang iba ay iyong mga fans niya na nakatingin pa rin sa kanila.

Bakit ba palagi na lang akong napaparanoid na may nakatingin sa'kin? Pinalis niya
sa isipan iyon at ninamnam ang ligayang dulot ng pag aalala ni Reed.

Nakatitig si Eiren sa braso niyang may bandage habang kumakain nang


apple na tinalupan niya, she and her brother Einar loves apples, iyon nga lang mas
gusto niyang wala ng balat kabaligtaran nang gusto nito.

Habang subo niya ang isang piraso ng ginayat na apple ay iniisip niya si Reed,
kanina pa niya pinag iisipang mabuti kung tama ba ang pagkakaintindi niya sa
reaksyon nito kanina, nag aalala nga kaya talaga ito o nagkakamali lang siya?

Pero paano niya iyon mapapatunayan? Kung nag aalala nga ito sa kanya ibig sabihin
ay...

Napangiti siya, may tsansa na ang pag ibig niya dito...pero paano kung hindi naman
talaga ito nag aalala?

Ah, kailangan niyang malaman kung ano ba talaga ang sagot sa tanong niya..nasa
kalagitnaan siya nang pag iisip kung anong dapat gawin nang makarinig ng pagtunog
ng doorbell.

Nasa sala siya habang nanonood ng tv samantalang nasa silid naman si Reed at
palaga'y niya ay nagpapahinga ito.

Tumayo siya at sumilip sa bintana, napansin niya ang ilang kalalakihang naglalakad
at malakas na nagtatawanan, "Mga siraulo." Bulong niya, iniisip niyang
napagtitripan lang ng mga ito ang doorbell, Gawain din nila dati iyon ng mga
kaibigan niya sa tuwing dadaan sila sa mga bahay sa subdivision.

Hindi na sana niya papansinin iyon subalit muling tumunog ang doorbell, inis na
lumabas siya ng bahay at kokomprontahin niya ang mga ito, tiyak na malilintikan sa
kanya ang grupong iyon.

Salubong ang kilay na binuksan niya ang gate, "Pwede ba, nakakaistorbo kayo ng
pamamahinga!" bulyaw niya sa mga ito, iniisip niyang baka magising si Reed.

Subalit natigilan siya nang makita niya ang isang matangkad na lalaki sa harapan
niya, halatang nagulat din ito sa binungad niya, lihim na napahiya siya dahil sa
inasal niya.

"Oh, we're sorry to disturb you." He apologized, he turn to his friends, "Hey!
Lower your voice, nakakahiya sa mga tao." Sabi nito

"Yes, captain!" sagot naman ng mga ito, "Sorry miss.." sabi pa ng iba nang makita
siya, maya maya ay naglakad na ang mga ito.

"Pasensya na ulit." Anito, doon lang niya pinagmasdan ang lalaki, infairness of
him, he's a cute guy, sa tingin niya ay hindi nalalayo ang edad nito kay Reed.
"It's nothing, akala ko kasi ay napagtitripan lang na pindutin ang doorbell."
Nahihiyang paliwanag niya

He smile, she feels that the man is different; he doesn't even exude a bad guy
aura.

Hindi niya alam kung bakit pinamulahan siya nang tingnan siya nito mula ulo hangang
paa, She can see his amusement while looking at her, bakit ba hindi man lang niya
inayos ang sarili kahit paano bago siya lumabas ng bahay.

Tinanggal niya ang rubber band sa bangs niya na itinali lang niya paitaas kanina
dahil nakakaistorbo sa mga mata niya.

Umayos siya nang tayo at nagsalita, "Anyway, anong kailangan mo?" tanong niya upang
maisantabi ang nararamdaman

"I'm looking for Mrs. Yanco." He asked

"Mrs. Yanco? There's no such name here, why?" tanong niya, nahimas naman nito ang
batok

"May importante kasi akong sasabihin sa kanya." Anito

"Ganon ba? Pero walang nakatirang Mrs. Yanco sa bahay na to."

"Hindi kaya lumipat na sila ng bahay?" narinig niyang bulong nito

"Siguro nga." Pagsang ayun niya, nakangiting tumingin ito sa kanya

"Sorry to disturb you by the way my name is Ruki, ball captain of Trese Hombres."
Pakilala nito na nilahad ang isang kamay, ah kaya pala tinawag na captain ito ng
mga kalalakihang kasama nito kanina.

"My name is Eiren." Nakangiting sabi niya na nakipagkamay dito

"Nice to meet you Eiren, kalilipat ninyo lang ba dito?" tanong nito, tumango siya

"Yes."

"If you have free time you can visit our basketball court, may final game kami
nextweek. Sana suportahan mo kami." Nakangiting sabi nito, ngumiti siya, Ruki was
fun to talk with and she was enjoying her time talking with him.

"You know what? You look familiar, kanina ko pa iniisip kung sino ang kamukha mo."
Anito, she laugh softly, magsasalita sana siya nang may magsalita mula sa likuran
niya.

"Gabi na, pumasok ka na Eiren." Sabi ni Reed, nang sulyapan niya ito nakita niya
ang madilim na anyo nito, mukhang nagising na ang binata.

Tumango siya, "Okay, papasok na ako." Sagot niya, bumaling siya kay Ruki.

"Is that your brother?" Ruki whispered, nakangiting umiling siya pagkuwan ay
lumapit dito at bumulong.

"He is my fiancé." Mahinang bulong niya, kitang kita naman niya ang pagkagulat sa
mukha nito subalit mas nagulat siya nang hilahin siya ni Reed.
"I said go inside." Galit na sabi nito pagkuwan ay bumaling kay Ruki. "Sorry to
interrupt but she needs to rest." Reed said in a serious tone, halos magkasing
tangkad ang dalawang lalaki kaya kitang kita niya ang pagtititigan ng dalawa,
feeling niya ay may nakakamatay na laser sa mga mata ni Reed habang
nakikipagsukatan nang titig kay Ruki, maya maya ay nagbaba ng tingin ang huli at
mahinang tumawa.

Tumingin ito sa kanya, "Bye Eiren, nice to meet you, asahan pa rin kita sa susunod
na linggo." Paalam nito na kumaway pa sa kanya, nakangiting tumango siya. He is
such a nice guy, nakaalis na ito pero hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi
niya.

Nawala lang ang mga ngiti niya nang bumaling sa kanya si Reed na salubong ang mga
kilay.

"Didn't your parents warn you about strangers?"

She pouted, "But his name is Ruki. He is nice and cool." She said with a smile.

He hissed, "He still a stranger, what did he mean he expected you next week?"

Sinabi naman niya dito na inimbitahan siyang manood nang basketball ng bagong
kakilala.

"You're not going."

"Why not? Manonood lang naman tutal wala din naman akong ginagawa dito sa bahay."
Aniya na itinatali muli paitaas ang bangs gamit ang rubber band. "Mukha pa naman
siyang magaling sa basketball." Dagdag pa niya.

Tiningnan naman siya nito nang masama, "Bakit ang tigas ng ulo mo? That guy is a
stranger, kakikilala mo lang sa kanya kung makapuri ka sa kanya parang ang tagal
ninyo nang magkakilala, and you're too close to him, kung makadikit ang lalaking
iyon sa'yo parang..." hindi na nito naituloy ang sasabihin nang makita siya nitong
ngiting ngiti.

"Anong nginingiti ngiti mo? I'm serious." Pikong sabi nito

She grinned at him, "You sound jealous fiancé?"

Natigilan naman ito pagkuwan ay umayos ng tayo, "Don't take it as a big deal, I'm
telling you this like a brother." Depensa nito

But instead of getting offended, she found it so amusing, "You're jealous, Reed."
She teased him.

Ekseheradong nagbuga ito ng hangin, "Bahala ka kung anong gusto mong isipin."
Pikong sabi nito na pumasok na sa loob ng bahay.

Naiwan naman siyang tuwang tuwa, "Papaaminin kita Reed, alam ko na gusto mo rin
ako." Nakangiting bulong niya, maya maya ay pumasok na rin siya sa loob ng bahay.
####################################
CHAPTER SEVEN
####################################

One week had passed, masayang masaya si Eiren dahil hindi niya inaasahan na
magiging maganda ang pagbabakasyon niya at kasama pa niya palagi si Reed, ang akala
niya noon na baka paalisin siya nito dahil ayaw nito sa presensya niya o dahil
naiinis ito sa pagbuntot buntot niya pero nagkamali siya, unti unti kasing
nagkakaroon nang magandang resulta ang pagiging makulit niya sa binata, kahit
papaano ay nararamdaman na niya ito, nagagawa na nitong makipag usap sa kanya hindi
katulad noon na para bang hindi siya nag eexist sa mundo kung itrato siya nito.

Kaya nga mas nagiging madali na para sa kanya na iparamdam dito na seryoso siya sa
nararamdaman niya na hindi infatuation o puppy love lang ang pagtingin niya para sa
binata.

Mula sa sala ay narinig ni Eiren ang pagbusina ng sasakyan, sa ilang araw na


pagtira niya doon ay may mga natutunan siyang gawaing bahay katulad na lamang ng
paglabas ng basura sa tuwing dadaan ang dump truck.

Mabilis na dinampot niya ang dalawang trash bag at lumabas ng bahay, ibinigay niya
sa matandang lalaki ang basurang hawak.

"Thank you manong." Nakangiting sabi niya, nang makaalis na ang dump truck ay
kumilos na siya para pumasok sa loob nang maagaw ang atensyon niya sa dalawang
babaeng nasa gilid nang poste, hindi niya napansin iyon kanina palibhasa ay
natatabingan ng malalagong halaman, curious na pinakinggan niyang mabuti ang pinag
uusapan ng mga ito habang may tila kung anong sinisilip sa loob ng bahay.

"Ang gwapo talaga niya." sabi ng isa na kilig na kilig pa, sinang ayunan ito nang
isa pang babae.

"Oo, ang macho pa!"

Lumapit na siya sa mga ito at nakapamaywang na nagsalita.

"And what do you think you're doing?" nakataas ang isang kilay na tanong niya sa
mga ito, nang makita siya ay mabilis na nagsipulasan ang mga ito.

"Anong problema ng mga yun?" bulong niya na nagkibit balikat na lang, naku-curious
siya sa pinaguusapan ng mga ito kaya sinilip niya kung anong makikita sa siwang ng
mga halaman.

Ganon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya, katulad nang naramdaman niya noong
unang makita niya ang binata na half naked ay ganon din ang nararamdaman niya
ngayon.

Hinaplos niya ang mga pisngi, mainit iyon at sa tingin niya ay pulang pula iyon.

Nasa gym si Reed habang nagbubuhat nang mabigat na dumbbell, palibhasa ay salamin
lang ang dingding nang gym room ng binata ay malaya itong mapagmamasdan ng mga
taong dumadaan.

Sunod sunod siyang napalunok, ang nakakaakit sa mga mata niya ay kung paano nag
aalsahan ang mga muscles nito, his pigeon chest and firm muscles at his arms looks
so strong.

Nayakap niya ang sarili nang maimagine niyang nakayakap siya sa matipunong katawan
nito.

Saglit pa siyang nakatayo roon at nakasilip kay Reed nang tigilan na niya ang
paged-day dream, kumilos na siya para pumasok ng bahay baka may makakita pa sa
kanya at isipan pang nababaliw na siya.

May magandang ideyang pumasok sa isip ni Eiren nang mga sandaling iyon,
sa ganong paraan ay mas masisilayan niya si Reed.

Suot ang sporty bra, short at rubber shoes ay pumasok siya sa gym room kung nasaan
ang binata, binuksan niya ang cd player at pumailanlang ang favorite song niyang
'It Girl', tamang tama iyon sa paggi-gym niya para lalo siyang ganahan.

Kasabay nang pagtunog ng mp3 player ay napasulyap sa kanya ang binata, saglit siya
nitong tiningnan mula ulo hanggang paa pagkuwan ay kumunot ang noo.

"What are you doing?" he asked in serious tone, kaswal na naglakad siya palapit sa
tread mill.

"Running." Maikling sagot niya at binuksan ang aparato, tumuntong siya roon at
nagsimula nang tumakbo, nasa tapat siya ng glass wall kaya kitang kita niya ang mga
taong dumadaan doon, wala siyang pakealam sa mga lalaking napapalingon sa kanya at
kumakaway sa tuwing napapatigil at pinapanood siya ng mga ito.

Eksakto namang dumaan ang team ng Trese Hombres at ang captain ball nitong si Ruki,
mukhang may practice game ang mga ito, napalingon ang mga ito sa dako niya dahil
nacurious siguro dahil may ilang kalalakihang nakatambay sa tapat ng bahay nila at
nanonood sa pagtakbo niya.

Nakangiting kinawayan siya ng binata, he says "Hi." Dahil kita niya iyon sa buka ng
bibig nito.

Nakangiting gumanti naman siya, "Hello." She replied while waving at him.

Nakita niyang may sinesenyas pa ito nang bigla na lamang sumara ang blinds, gulat
na napatingin siya kay Reed.

"What are you doing?" kunot noong tanong niya, kaswal na bumalik ito sa pagbubuhat
ng dumbbell.

"It's too bright, nasisilaw ako." Kaswal na sagot nito, napangiti siya.

May maganda siyang naisip kung paano paaaminin ang binata, pakiramdam kasi niya ay
nagseselos ito kay Ruki.

"I just realize that Ruki was okay, he was tall and lean, he is handsome too." She
commented, lihim na sinulyapan niya ang binata, napansin niya ang paghigpit ng
hawak nito sa dumbbbell.

Sige pa...sige pa Eiren..masayang sabi niya sa isip niya.

"He can play basketball, he is nice and gentleman. I think he could be a perfect
boyfriend." Kunwa'y kausap pa niya sa sarili niya, muli niyang sinulyapan ang
binata, dumidilim na ang anyo nito at mukhang naaapektuhan na sa mga sinasabi niya.
Ayan na...malapit na Eiren..ipapakita niyang nagseselos din siya..siguradong
kokontrahin nito ang mga sinabi mo..he will say "He is stranger, I don't trust
him..lumayo ka sa kanya."
Napangiti siya, nakahanda na ang tainga niya sa sasabihin nito nang makita niyang
ibinaba nito ang dumbbell at tumayo.

"If you like him then go on." He said in a cold tone. "You can leave this house
too."

Para namang kinumuyos na papel ang puso niya sa sinabi nito, hindi iyon ang
inaasahan niyang sasabihin nito. Nasaktan siya sa sinabi nito kaya hindi niya
napigilan ang pangingilid ng mga luha niya.

Ramdam niya ang paglalakad nito palabas ng gym room samantalang kahit na tumatakbo
siya ay pinipigilan pa rin niya ang sarili na tuluyang umiyak.

He doesn't like you...he doesn't like you...he doesn't like you..pakiramdam niya ay
nagsama sama ang mga boses ng mga taong malalapit sa kanya habang sinasabi ang mga
salitang iyon.

Hindi man lang niya namalayan na natalapid siya sa isang paa niya habang tumatakbo,
ramdam niya ang paglagabog niya sa semento, doon siya tuluyang umiyak.

She cried not because of her hurting foot but because of her aching heart, there's
nothing compared to what she feels inside.

"Eiren..." narinig niya mula sa pinto nang gym, hindi niya ito tiningnan, ayaw
niyang makita nitong miserable siya dahil lang sa nararamdaman niya para dito, that
she was hopelessly inlove with the man.

"Oh my God! Are you okay?" he asked again, is she heard him right? May pag aalala
nga ba talaga sa tinig nito habang papalapit sa kanya.

Pinalis niya iyon sa isipan, no Eiren...don't expect anymore baka lalo kang
masaktan.

Nang makalapit ito sa kanya ay kaagad na inalalayan siyang makatayo, but she
brushed his hands off her, takang tiningnan naman siya nito.

Napansin niya ang pagtiim ng mga bagang nito habang nakikita siyang pugtong pugto
na ang mga mata sa kaiiyak.

"I'm sorry...." He apologized, "I've been too harsh to you..I'm sorry."

Sa kabila ng pag iyak niya ay nagawa pa niyang titigan ang binata, he ask for her
forgiveness.

I loved him for the very long time at hindi ko siya magawang kamuhian.

Nang alalayan muli siya nito ay hindi na siya pumalag pa, unti unting napapalis ang
sakit sa puso niya dahil lang sa simpleng paghingi nito ng sorry sa kanya.

Napangiwi siya nang subukan niyang maglakad, napansin naman nito iyon kaya binuhat
siya nito at dinala sa living room, iniupo siya sa mahabang sofa.

Maingat na hinawakan nito ang isang paa niyang na sprain, "Is this hurt?" he ask
her, umiiyak pa rin siyang tumango, inalis nito ang sapatos at medyas na suot niya.

There's a warm glow runs through her veins when he started to massage her injured
foot, her heart pounding hard while looking at him.
Reed was her man, wala siyang ibang hangad kundi ito lamang.

"Masakit pa ba?" masuyong tanong nito pagkuwan ay tumingin sa kanya.

Her heart beating wild and fast, pakiwari niya ay may kakaiba sa mga tingin nito sa
kanya ngayon, Crap! Why he's so gorgeous by merely looking at her?

Dahil napakalapit nila sa isa't isa at kagagaling lang nila sa gym ay ramdam niya
ang mainit na singaw na nagmumula sa mga katawan nila, ewan niya pero pakiramdam
niya ay may lumevel up pang init sa kaloob looban niya, kung bakit kasi napakabango
pa rin nito kahit pawis na pawis.

She inhaled sharply when she saw his one hand went close to her, hanggang sa
maramdaman niya ang masuyong paghaplos nito sa mukha niya.

"I didn't mean to say that, hindi ko sinasadyang paalisin ka sa bahay ko." Anito
pagkuwan ay nagbuntong hininga, "You can stay here as long as your vacation ends,
okay?" he said, he wipe her tears using his fingers.

Hindi na naman tuloy niya napigilang lumuha dahil sa kabaitan nitong ipinapakita sa
kanya ngayon. Ano nga ba talaga ang papel niya sa buhay nito? Kanina lang ay
napakalamig nito sa kanya pero ngayon pakiramdam niya ay napaka espesyal niya sa
binata.

Pero kung ano man ang dahilan niyon, ang mas mahalaga ngayon ay ang nararamdaman
niya, she was happy, very happy. Tuluyan nang nawala ang sama ng loob niya sa
binata at lalo niya itong nagustuhan.

Tumango siya at kahit na umiiyak ay ngumiti siya.

"Okay." She said.

Nagising si Eiren na tahimik ang buong bahay, lumabas siya ng silid niya at bumaba
ng bahay, hinanap niya si Reed pero wala ang binata kahit sa silid nito.

Nang sulyapan niya ang wall clock ay nakita niyang mag aalas singko pa lang ng
hapon, sumilip siya sa bintana at napansin niyang wala ang sasakyan nito.

"Saan naman kaya siya pumunta?" kausap niya sa sarili habang malungkot na iginala
ang paningin sa buong bahay, hindi man lang siya ginising para isama. Madali pa
naman siyang mabore, naupo siya sa sofa at kinuha ang remote ng tv, manonood na
lang siya habang hinihintay ang binata, akmang pipindutin na lang niya ang power
button nang tumunog ang doorbell.

Tumayo siya at tinungo ang gate, kaagad na binuksan niya ang gate, bumungad sa
kanya ang nakangiting mukha ng gwapong lalaki. Si Ruki, nakasuot ito ng basketball
uniform habang may dalang bola.

"Hi!" he greeted her with a smile, napangiti na rin siya.

"Hello." Ganting bati niya

"Manonood ka ba?" tanong nito, napaisip siya sandali kung anong ibig nitong sabihin
pagkuwan ay naintindihan na rin niya.

"Ngayon ba yung final game ninyo?" tanong niya, nakangiting tumango ito, "So,
sasama ka ba para suportahan kami?" tanong nito, gusto sana niyang tumanggi subalit
ng mapagtanto niyang dinaanan pa siya nito para ipaalala ang bagay na iyon ay
pumayag na rin siya.

"Sandali lang, magbibihis lang ako." Nakangiting sabi niya.

Manonood lang siya sandali pagkuwan ay uuwi rin siya ng maaga, nagpalit lang siya
ng jeans at animal print shirt na paborito niyang isuot pagkatapos ay lumabas na
rin ng bahay.

Hindi nagtagal ay kasabay na niyang naglalakad ang binata patungo sa basketball


court hindi kalayuan sa bahay ni Reed.

"Thanks Eiren." Ruki said, maang na sumulyap siya rito.

"Thanks for what?" takang tanong niya

"Sa pagsama mo." Anito habang pinaglalaruan sa kamay ang bolang hawak, ngumiti
siya.

"Gusto ko ring manood ng basketball, I love sports." Aniya

"Really? what sports you're into?"

"I play tennis and volleyball."

"Really? I play tennis too, I used to be a tennis player when I was in highschool."
Pagkukwento nito, saglit pa sila nitong nagkwentuhan tungkol sa sports nang maging
seryoso ito.

"Ngayon napatunayan kong may mga kilalang tao palang totoo sa iba." Biglang komento
nito, napamaang naman siya, ngumiti ito, "I know you, alam kong kilalang tao ka
lalo na sa Korea."

Tumigil siya at nagpalinga linga, "Akala ko hindi mo ako nakilala." Nakalabing sabi
niya, "Paano ako mag eenjoy manood ng laro mo kung may makakakilala sa'kin?"

Tumawa ito ng mahina pagkuwan ay ibinigay sa kanya ang bola, takang tinanggap naman
niya iyon.

"Anong gagawin ko dito?" takang tanong niya, ngumiti ito.

"Just hold it for a sec." pagkasabi nito ay binuksan nito ang sports bag na dala,
may kinuha ito roon pagkuwan ay tumingin sa kanya.

"I can lend you my jacket." Anito, ngumiti siya. Isinuot nito sa kanya ang jacket
at itinaas din ang hood niyon upang kahit papaano ay maitago niyon ang mukha niya.

"Thanks!" nakangiting sabi niya

"It's nothing." Anito na kinuha muli ang bola sa kamay niya.

Nagsimula na muli silang maglakad.

"Why Trese Hombres?" tanong niya sa binata, curious siya sa pangalan ng team ng mga
ito.

"We're thirteen in a team, bukod sa magkakapitbahay kami ay magkakaibigan din


kaming lahat." Paliwanag nito.
"Dito rin ba kayo nakitira?" tanong niya, umiling ito

"Sa kabilang subdivision kami nakatira, dumadayo lang kami dito sa tuwing may
summer basketball competition." Anito

"Really? You really love basketball, are you?" she asked, tumango siya

"Yes but it's just my hobby." He said, "I'm a sec- err I mean I am the president of
my own company."

Namangha naman siya sa sinabi nito, "Really, you're a CEO! " manghang saad niya

"Yeah, Trese Hombres is not just a basketball player, we have a dentist in our
team, a psychiatrist, a professor, a disk jock, a businessman, a chef, a company
owner, a professional cosplayer, a cardiologist, a pilot, astromer etc." natatawang
sabi nito, manghang napatingin siya sa mga lalaking kasabay nilang maglakad, nauuna
lang sila ng kaunti sa mga ito kaya malaya niyang napagmasdan ang mga matatangkad
na nilalang na iyon.

Kung titingnan niya ang mga ito na naglalakad sama sama habang naka basketball
uniform, aakalain niyang mga professional basketball player ang mga ito, hindi lang
matatangkad ang mga ito dahil may ibubuga rin ang mga ito pagdating sa usaping
pisikal na aspeto.

"Hindi nga lang kami kumpleto ngayon dahil may mga importanteng inaasikaso ang
ibang team mates ko." Anito

"Wow, Trese Hombres surely are cool!" bulalas niya, tumawa lang ito.

"Anyway, totoo ba yung sinabi mong fiancé mo yung lalaking kasama mo?" tanong nito
pagkuwan

"Yeah, we're engage when we were kids but it was complicated this time." Aniya

"What? I don't get it." Kunot noong tanong nito, napilitan tuloy siyang ikwento
rito ang sitwasyon nila ni Reed since pakiramdam niya ay mapagkakatiwalaan naman
ito.

"Sa ngayon pinipilit kong ipaalala sa kanya ang mga pangako niya." aniya, saglit
itong natahimik pagkuwan ay nagsalita.

"Ang tiyaga mo sa kanya." Komento niya, ngumiti siya.

"Mahal ko si Reed, mahal ko siya noon at minamahal ko pa siya hanggang ngayon."

Hindi pa sana matatapos ang kwentuhan nila subalit sumapit na sila sa basketball
court na hindi nila namamalayan.

As he put down the boquet of flowers, Reed close his eyes and pray, at
nang imulat niya ang mga mata ay nakuyom niya ang mga palad.

"I'm sorry..." nag umpisa na namang manghina ang loob niya habang binabanggit ang
katagang iyon, nakatitig siya sa puntod ng kapatid niya.

Simula ng mamatay ito at ilibing ay doon lang siya muling bumisita sa puntod nito,
hindi kasi niya matanggap na maaga itong nawala, hindi pa dapat ito mamatay kahit
na ba may kakaiba itong sakit noon, hindi sana ito maagang mawawala sa pamilya nila
kung hindi dahil sa kanya.

"I'm sorry...." Muling anas niya habang pigil na pigil na ilabas ang emosyon, siya
ang may dahilan kaya namatay ito.

"Alam kong wala akong karapatang lumigaya, alam kong wala akong karapatang angkinin
ang mga pag aari mo, hindi ba?" wika pa niya, "Ako dapat ang nawala at hindi ikaw,
Carl.." hirap na hirap na sabi niya

Ilang saglit din niyang inilabas ang lahat ng gusto niyang sabihin dito bago
naramadaman ang isang malakas na hangin, as he glanced around, he noticed the sky
is overcast and gray. Mukhang uulan, kailangan na niyang umalis roon.

####################################
CHAPTER EIGHT
####################################

Kanina pa dapat nakauwi si Eiren subalit biglang bumuhos ang ulan kaya wala siyang
nagawa kundi tapusin ang laro, nag enjoy naman siya dahil nanalo ang Trese Hombres,
grand champion ang mga ito at MVP pa si Ruki. She was happy for him, she was happy
for her new found friend.

Alas otso na ng gabi nang matapos ang laro, malakas pa rin ang ulan kaya
mapipilitan siyang makisakay sa sasakyan ni Ruki, nahiya nga siya ng malaman niyang
sinundo lang talaga siya ng mga ito at may mga dala dalang sasakyan ang mga
kaibigan nito.

"I think you're my lucky charm." Biro ni Ruki habang naglalakad sila patungo sa
sasakyan nito.

"Siguro nga! Pero magaling talaga kayo." aniya, "Congrats ulit!" masayang sabi niya

"Salamat din." Nakangiting sabi nito, nang tumapat sila sa sasakyan nito ay
pinagbuksan pa siya ng pinto ng passenger seat.

"Thanks." Nakangiting sabi niya, nakangiting nag bow naman ito na tila sinasabing
karangalan nitong pagbuksan siya ng pinto ng sasakyan, tumawa lang siya sa ginawa
nito, Ruki was so fun to be with, nag eenjoy talaga siyang kasama ito.

Sasakay pa lang siya sa sasakyan ng binata nang may humila sa kanya, gulat na
napatingin siya dito.

Napaawang ang labi niya nang sumalubong sa kanya ang madilim na anyo ni Reed,
umuulan pa rin kaya nag alala siya nang makitang nababasa ito ng ulan.

"Reed! Bakit wala kang payong?" nag aalalang sabi niya na pinayungan ito, pinahiram
sa kanya iyon ng isa sa mga kaibigan ni Ruki na si Winter.

Kinuha nito ang payong sa kamay niya at marahas na ibinigay iyon kay Ruki, hindi
naman siya kaagad nakapagsalita sa inasal nito.

"We're going home." Mababakas ang galit sa tinig nito, hinila na siya nito na hindi
man lang nagsasalita, sinulyapan naman niya si Ruki at sumenyas na I'm dead...

Hindi naman ito nagreact, tahimik lang itong nakasunod ng tingin sa kanila ni Reed
hanggang sa makasakay sila ng sasakyan nito.

Hanggang sa makauwi sila ay hindi siya iniimikan ni Reed, she was expecting that
Reed would compront her, magagalit ito sa ginawa niya at magsasalita ito sa kung
anong nararamdaman nito pero wala siyang narinig na anumang salita mula dito.

She just heard heavy sighs from him then saw his jaws tighten. Ganon lang ang
pinapakita nito magmula pa kanina, nasa loob na sila ng bahay ay hindi pa rin ito
nagagalit sa kanya.

Kaya hindi na siya nakatiis pa, siya na ang kumausap dito.

"Ano bang problema mo Reed?" inis na tanong niya sa binata, kasalukuyang


nagtatanggal na ito ng suot na jacket, sinulyapan siya nito subalit nagtiim bagang
na naman nang tumingin sa suot niyang jacket.

Napipikon na siya, hinubad niya ang jacket saka nagsalita.

"It's Ruki's jacket, he lend me this to protect my true identity." Aniya habang
hawak ang jacket, "Ang gentleman niya no?" sarkastikong sabi niya, isang marahas na
pagbuga na naman ng hangin ang isinagot nito.

Nang tumalikod ito upang umakyat ng hagdan ay napuno na siya ng tuluyan.

"Bakit hindi mo sabihin ang totoong nararamdaman mo? Bakit hindi ka magalit sa'kin?
Ilabas mo ang mga yan dahil litong lito na ako kung ano ba talaga ang nasa loob
mo." Asik niya sa binata, tumigil ito kaya lumapit siya.

"Sabihin mo kasi sa'kin nang harapan na iwasan ko si Ruki, na lumayo ako sa kanya."
Tuluyan nang nabasag ang pinipigilan niyang emosyon, mabilis na nangilid ang mga
luha niya, "Kung nagagalit ka sa'kin, kung namumuhi ka sa'kin sabihin mo rin ng
harapan, sabihin mong Eiren, umalis ka sa harapan ko, ayokong makita ang mukha mo,
ayokong bumubuntot ka sa'kin, ayokong makasama ka, sawang sawa na akong intindihin
ang mga kalokohan mo..." lumuluhang wika niya, "Sabihin mong...kinalimutan ko na
ang nakaraan, hindi ko na tutuparin ang pangako kong pakakasalan ka kapag naging
ganap ka nang babae...na gusto kong mabuhay nang wala ka."

Hindi pa rin ito nagsasalita subalit kitang kita niya ang mahigpit na pagkuyom ng
mga palad nito, hinawakan niya ang braso nito. "Please ipakita mo sa'kin ang
nararamdaman mo, ilabas mo ang saloobin mo. Kung mahal mo ako sabihin mo sa'kin,
kung ayaw mo sa'kin sabihin mo sa'kin..." Humigpit ang paghawak niya sa braso nito
habang umiiyak.

Hinila niya ang braso nito at iniharap niya ito sa kanya, she looked at him
straight in his eyes, "Noong nangako ka sa'kin na poprotektahan mo ako bilang
prinsesa mo at pakakasalan mo ako sa tamang panahon.." may dinukot siya sa bulsa
niya at ipinakita niya ito sa binata, "When you gave me this bottle, humawak na ako
sa pangako mo, umasa na ako na tutuparin mo ang mga yun...pero hindi ko alam kung
bakit nagbago ka, hindi ko alam kung bakit hindi mo matandaan ang mga pangakong
yun. But I still hold your promises that no matter what happened pakakasalan mo
ako...."

"Kaya kahit ilang beses mo pa akong ipagtabuyan, kahit ilang beses mo pa akong
masaktan, di kita iiwan, di ako susuko dahil kung may isang libong dahilan para
iwanan ka at isuko ka, hahanap at hahanap ako ng dahilan para ipaglaban ko ang
nararamdaman ko..I never stopped until you finally realize that were meant for each
other." Pagkasabi niya niyon ay mahigpit niya itong niyakap, humigpit pa iyon nang
maramdaman niyang hindi man lang ito tumutugon, "Hindi ko alam kung bakit ayaw mong
magsalita pero pakiusap kahit ngayon lang sabihin mo sa'kin ang totoong
nararamdaman mo, Reed..."

"Kung nagseselos ka, ipakita mo sa'kin..kung natutuwa ka, iparamdam mo sakin...kung


nagagalit ka, ilabas mo sa'kin...kung mahal mo ako sabihin mo sa'kin...kung hindi
naman s-" hindi niya natapos ang sasabihin ng bigla na lamang nitong hinawakan ang
magkabilang balikat niya, humiwalay ito at saglit siyang tinitigan pagkuwan ay
marahas na sinakop ang mga labi niya.

Her eyes widen in surprise, hindi niya inaasahan ang gagawin nito pero ganonpaman
ay parang kumawala sa rib cage niya ang puso niya sa biglang paglundag niyon, her
heart racing too fast. She can't think normal but all she knew was Reed's lip was
in her lips.

She close her eyes and feel the good sensation inside her. Saglit lang ang halik na
iyon at ang binata rin ang kusang humiwalay sa kanya, nagmulat siya ng mga mata
nang magsalita ito.

"Go and change, baka magkasakit ka." he said, na parang walang nangyari.

Naglakad na ito paakyat nang bahay, naiwan naman siyang natitigilan pa rin, maya
maya ay hinaplos niya ang labing nanginginig pa rin pagkuwan ay may pumagkit na
ngiti sa mga labi niya.

Hindi man niya sigurado kung bakit siya hinalikan nito pero naramdaman naman niya
ang mga huling sinabi nito, nag aalala ito para sa kanya.

Tila nawalan ng lakas si Reed ng maupo sa gilid ng kama, naihilamos


niya ang mga kamay sa mukha at ilang ulit na nagbuntong hininga, he looks so
miserable.

Gusto niyang sabihin kay Eiren ang totoo pero naduduwag siya, natatakot siya, hindi
pa niya kayang sabihin ang lahat dito. Hindi pa...

"What should I do?" kuyom ang mga palad na bulong niya, habang tumatagal ay pahirap
na ng pahirap ang sitwasyon niya, he was torn between his past and his present..

Pinagiisipan pa niya ang lahat, pinag aaralan pa niya ang sitwasyon, nakahanda na
ba talaga siya sa maaaring mangyari? Natatakot din siyang magbago si Eiren kapag
nalaman niya ang katotohanan.

Humiga siya sa kama at ipinikit ang mga mata, kasabay niyon ay may alaalang bumalik
sa kanya.

"Carl! Let's go there!" sabi ni Erl sa kapatid habang tinuturo niya ang
isang light house sa di kalayuan, sunod sunod naman itong umiling.

"No Erl, mom and dad will be angry with us if we go there." He said, subalit
pinilit pa rin nito ang kapatid at hinila pa ito sa kamay.

"C'mon, sandali lang naman tayo." Pilit na pagyayaya niya sa nakatatandang kapatid,
kilala siya nito alam nito kung gaano siya katigas ang ulo sa tuwing may gusto
siyang gawin. "Mukhang maganda roon at tiyak na magugustuhan mo rin yun." aniya

Nagbuntong hininga ang kapatid at pumayag na rin.


"Paano tayo pupunta doon? Napakalayo niyon kapag nilakad natin atsaka papalubog na
ang araw baka gabihin tayo at siguradong hahanapin tayo nila mommy." Anito, There
family was having a vacation in Batanes, nagpasya ang parents niyang magbakasyon
muna bago sila lumuwas sa maynila kung nasaan ang permanenteng titirhan nila, at
kahit malungkot silang magkapatid dahil naiwan sa Korea ang mga taong importante sa
kanila ay kailangan nilang tanggapin iyon, wala silang magagawa dahil iyon ang
pasya ng mga magulang nila, masyado pa silang bata para hadlangan ang mga gusto ng
mga ito.

Nasa tabing dagat ang rest house na tinutuluyan nila at madalas na nakikita ni Erl
ang light house na iyon, he was curious what's in there at ano kayang pakiramdam
kapag nasa tuktok niyon.

Kaya naman ng magkaroon ng pagkakataon ay niyaya kaagad niya ang kapatid.

"We can use that boat." Aniya na tinuro pa ang malaking Bangkang de motor.

"Do you know how to use that?" he ask, tumango siya.

Pagmamay ari iyon ng care taker ng rest house at malimit na kasa-kasama niya si
manong Ino, kaya napag aralan niya kung paano paandarin iyon.

"Trust me!" aniya na hinila na ang kapatid patungo sa Bangka.

Inalis ni Erl ang lubid ng Bangka na nakatali sa puno ng niyog na siyang


nagsisilbing proteksyon kung sakaling aalon.

"Ano yang dala mo?" tanong ni Carl sa suot niyang back pack, ngumisi siya.

"I'm a boyscout, I'm always prepared." Aniya na ipinakita ang ilang importante
kagamitan sakaling magkaroon ng aberya. Hindi naman ito nagsalita pero may nakita
siyang kalungkutan sa mukha nito, lihim na pinagalitan niya ang sarili.

Hindi ito naka attend ng kahit na anong boyscout camp o ng kahit na anong
activities sa school kasama ng mga kaibigan.

Carl hasn't attend any school, he used to learn his lesson with the help of a
tutor, palagi itong nasa bahay lang at hindi pinapayagang lumabas, Carl is sick,
maselan ang sakit nito at napakasensitibo kaya iniingatan ito ng pamilya nila, ang
totoo pwede naman itong makisalamuha sa iba, maaaring magkaroon ng mga kaibigan
kaya lang natatakot ang kanyang ina na baka umatake ang sakit nito at bigla na
lamang silang iwanan, hinihintay pa kasi ang tamang edad nito para maoperahan, at
sa susunod na buwan na ang tamang panahon na iyon kaya masayang masaya siya para sa
kapatid.

Carl never had a friend, hindi nito naranasan kung paano maging masayang bata,
malungkot ito palagi kaya nga ginagawa niya ang lahat para maging masaya ito. He
loves his brother so much at gagawin niya ang lahat para dito.

"Look! Malapit na tayo." Aniya sa kapatid, nakita naman niya ang kasiyahan sa mukha
nito ng marating nila ang light house, umakyat sila sa pinaktuktok niyon, ilang
sandaling pinagmasdan ang buong karagatan at mga kabahayang nakatirik sa tabi ng
dagat, malayo rin pala ang light house na iyon dahil ng pagmasdan nila ang rest
house na inookupahan nila ay halos hindi na nila iyon makita, masyado lang malaki
at mataas ang light house kaya nakikita nila iyon sa malayo.

Matagal silang nagkwentuhan ng kapatid, sinabi nila sa isa't isa ang mga pangarap
nila sa buhay.
Ngayon lang nangyari ang bagay na iyon sa kanilang dalawa kaya masayang masaya si
Erl, tama pala ang pagyaya niya sa kapatid na magtungo roon dahil nailabas nito sa
kanya ang mga saloobin nito.

Nagpasya lang silang umalis sa light house ng mapansin ang malakas na hangin at
madilim na kalangitan.

"H'wag na muna kaya tayong umalis dito Carl? Mukhang uulan ng malakas." Aniya,
umiling naman ang kapatid.

"Pero siguradong hinahanap na tayo nila mommy, pagagalitan tayo ni daddy." Anito,
kahit na nagdadalawang isip na bumalik pa sa rest house ay napilitan na rin siya,
hindi na niya napilit ang kapatid dahil nakasakay na ito sa Bangka.

Hindi pa sila lumalayo ay biglang lumakas ang hangin, kasabay niyon ang malakas na
alon.

"Carl! Bumalik na lang tayo." aniya, natakot siya bigla ng maalala niya ang mga
kwento ni manong Ino na kapag umuulan ay lumalaki ang alon at nakakatakot talaga
iyon.

"Sige." Anito, nakahinga naman siya ng maluwag dahil pumayag ito, mukhang natatakot
din ito sa malalaking alon habang nakahawak sa gilid ng bangka.

Binuksan muna niya ang flash light dahil napakadilim na ng kapaligiran, nakikita
lang nila ang daan pabalik dahil sa liwanag na nanggagaling sa light house.

"Hold this Carl." Aniya, inabot naman nito iyon.

Habang ipinipihit niya pabalik ang Bangka ay bigla na lamang iyong tumigil, "Bakit
tumigil?" tanong ni Carl, sinagilihan na ng takot si Erl, mukhang naubusan ng
gasolina ang Bangka.

"Erl! Bakit tumigil ang Bangka?" tanong ulit nito, hindi pa rin siya sumasagot kaya
naintindihan nito ang sitwasyon nila.

Lumapit ito sa kanya at ibinigay ang life vest na nakuha nito sa Bangka.

"Isuot mo to." Anito, nakita niyang may suot na rin itong life vest, inabot naman
niya iyon at isinuot.

Malakas na ang buhos ng ulan, malalaki na rin ang alon dulot ng malakas na hangin.

"Let's pray Carl! God will save us." Aniya, "Kumapit ka ng maigi sa gilid ng
Bangka." Aniya, eksakto namang binangga sila ng malaking alon kaya nabitawan nito
ang flash light na hawak samantalang kamuntikan na siyang mahulog kung hindi lang
siya nakakapit sa gilid ng bangka.

"Carl! Are you okay?" he asked, hindi niya makita ang kapatid dahil nabitawan na
nito ang flash light, naalala niya ang nakita niyang lampara sa gilid ng bangka,
kaagad na binuksan niya ang bag at hinanap ang matchbox.

"What's this?" narinig niyang sabi nito

"What's that?" tanong niya, nakuha na niya ang posporo, iniharang niya ang bag
upang makapagsindi siya ng isa.

"I don't know." Anito, "Tumapon yata yung gasolina."


"What?" gulat na sabi niya, huli na ng marinig niya ang sinabi nito.

Bumilis ang mga pangyayari at napagtanto na lang niyang lumiyab ang bag niya dahil
siguro sa lamparang nabasag at tumapon ang gas niyon. Hindi lang iyon dahil kumalat
ang apoy at lumiyab din ang motor ng Bangka pati na rin si.....Carl!

"Erl! Help me...help me Eeeeerl!"

Dahil umaapoy na rin ang Bangka ay napilitan siyang tumalon sa dagat, hindi niya
alam ang gagawin, sigaw na lang siya ng sigaw habang tinatawag ang pangalan nito.

"Carl! Caaaaaaarl!" umiiyak na tawag niya sa kapatid niya habang nakikita niyang
unti unting kinakain ng dagat ang Bangka, hindi na rin niya marinig ang tinig nito
habang tinatawag ang pangalan niya.

####################################
CHAPTER NINE
####################################

"Trevor!" masayang pagsalubong ni Eiren sa binata sabay yakap dito nang pagbuksan
niya ito ng gate, alas otso pa lang ng umaga at napakaaga ng pagbisita nito,
ginantihan naman siya nito ng pagyakap din.

"Hey, you look happy?" he asked her, she grinned at him.

Nakita naman niya na nagbabaan sa itim na van ang ilang host men, nagtaka siya kung
bakit naroon ang mga ito.

"What's brought you here Kaichou?" kunot noong tanong niya nang lumapit si Yuan,
kagagaling lang nito mula sa Japan.

"It's my birthday." Nakangiting sabi nito, napaawang naman ang labi niya.

"Really? Omedetto otanjoubi Yuan!" masayang bati niya sa lenggwahe nito pagkuwan ay
niyakap ang lalaki.

"Arigatou ne." he thanked her and hug her back. "Where's Reed?" tanong nito
kapagkuwan

"Tulog pa siguro." Aniya na tinuro ang bintana sa ikalawang palapag, sarado pa ang
bintana ng silid nito kaya natitiyak niyang mahimbing pa itong natutulog.

"Can we come in?" he asked, tumango siya, habang papasok ang mga ito ay sumabay
siya kay Hunter. Humawak siya sa braso nito.

"Hey, galit ka pa rin ba sa'kin?" tanong niya na ang tinutukoy niya ay ang pagsama
rito sa kalokohan niya, sinulyapan pa muna siya nito na walang ekspresyon ang mukha
pagkuwan ay ginulo ang buhok niya.

"You're bratty and stubborn but you're still sweet and nice girl, at isa pa
nakababatang kapatid na rin ang turing ko sa'yo kaya hindi ko magagawang magalit
sa'yo." His red lip lifted.
Natuwa naman siya sa sinabi nito, nakaakbay na ito ng pumasok sa loob ng bahay.

Habang nag uusap si Reed at ang buong host men ay nakikinig lang sa
likod ng divider si Eiren, curious siya sa pinag uusapan ng mga ito, mabuti na lang
at malakas ang pandinig niya kaya naririnig niya ang lahat.

"Batanes?" bulalas ni Reed na para bang nakakita ng multo ang hitsura.

"Yes, my family owns an ancestral house in Batanes so I decided to celebrate my


birthday in that place and I think we need a short vacation since lahat tayo ay
naging abala sa mga nakaraang buwan." Sabi ni Yuan, "Susunod daw si Einar, sa
makalawa na ang dating niya, Vash and Tanner can't go, there's still an eye
operation for Vash and event preparation for Tanner's art gallery." Anito

Napansin naman niyang tila may kakaiba kay Reed, parang hindi ito napakali ng
malaman na sa Batanes ang celebration ng birthday ni Yuan.

"Okay ka lang ba Reed?" tanong naman ni Kaizer ng mapansin din nito ang napansin
niya.

"Oo nga, may dinaramdam ka ba? Baka may sakit ka?" wika ni Jared

"Baka hindi lang maganda ang gising ni Reed." Biro ni Trevor

"Kung hindi ka sasama, okay lang naman." Ani Yuan, "Ngayon din kasi ang alis natin,
We will use my private airplane to get there." Dagdag ng binata.

Naalarma naman si Eiren, gusto niyang sumama sila ni Reed, tamang tama iyon para
makasama niya sa isang magandang lugar ang binata. Hindi pwedeng tumanggi si Reed,
magandang lugar iyon para sa magandang memories na bubuuin nila ni Reed, dahil sa
lugar na iyon ay natitiyak niyang aamin ang binata sa nararamdaman nito para sa
kanya.

Mabilis na lumabas siya sa kinukublian niya at sumingit sa usapan ng mga ito,


tumikhim muna siya upang agawin ang atensyon ng mga ito, nagtagumpay naman siya
kaya sa kanya na nakatingin ang mga ito.

Lumapit siya kay Reed at naupo sa tabi nito, "Sorry to interrupt but it's Yuan's
birthday, palalagpasin mo ba ang importanteng araw ng isa sa mga kaibigan mo? And I
heard Batanes is a beautiful place, mukhang masarap ngang magbakasyon don." Aniya,
hindi ito nagsalita, hinawakan niya ito sa braso at muling nagsalita, "Sige na,
pumayag ka na, malalayo ako kay Ruki kapag sumama tayo." Nakangiting sabi niya,
tumingin naman sa kanya ang binata, nakita niyang may gusto itong sabihin subalit
nagbuntong hininga na lang ito.

Narinig na naman niya ang pagbuntong hininga nito, hindi na naman niya alam kung
anong iniisip nito. Baka naiinis ito sa kanya dahil sa pagsabad niya, baka
nakukulitan na naman ito sa kanya, baka ayaw talaga nitong sumama at pinipilit pa
niya. Baka...baka..baka...

Inalis niya ang mga kamay sa braso nito at lumayo ng konti dito, baka tuluyan na
itong mapuno sa kanya at kapag nagkataon ay may masabi itong masakit sa harap ng
mga kaibigan nito.

"Pero kung ayaw mo talaga, okay lang naman." Aniya na pilit na ngumiti, patayo na
siya para iwanan ang mga ito ng marinig niya ang tinig nito.
"We will go." Anito, nagulat siya sa sinabi nito pagkuwan ay napangiti siya.

Hindi naman nalingid sa kanya ang kakaibang pagtitinginan ng mga kaibigan nito
habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Anong ginawa mo kay Reed?" tanong ni Trevor habang papalabas sila ng


gate, bitbit niya ang gamit niya para sa ilang araw na pagbabakasyon sa Batanes.

"Wala, ano bang ginawa ko?" maang na sabi niya

"Pakiramdam ko talaga hindi sasama si Reed pero napapayag mo siya." Komento nito,
napangiti siya.

"Baka kasi gusto niya akong makasama sa napakagandang lugar na yun." Biro niya,
naiiling na tumawa na lang ito.

"Akin na yan, ako ng magbibitbit." Anito na kinuha ang bag na dala niya

"Thanks." Aniya, pasakay na siya sa itim na van ng marinig niya ang pagbusina ng
sasakyan sa di kalayuan, nang sulyapan niya ay nakita niya si Ruki.

"Ruki!" nakangiting sabi niya na kinawayan pa ito, kumaway din ito, nilapitan niya
ang binata.

"Bakit ka nandito?" tanong niya sa binata.

"Napadaan lang ako, may kinausap lang ako na kaibigan." Anito, "Sino yung mga
lalaking yun?" tanong nito, sinundan niya ang tinitingnan nito, nakita naman niyang
nakatingin din sa kanila ang ibang host men na nakatayo sa tapat ng bahay ni Reed,
mukhang curious din ang mga ito kung sino ang kausap niya.

"Ah, they were Reed's best friends. Mga kuya ko na rin sila at matagal ko na silang
kakilala." Nakangiting sabi niya

"Okay." Anito na sa kanya na ulit nakatingin, "Where are you going?" pagkuwan ay
tanong nito.

"Ah, we were going to Batanes to celebrate one of his friend's birthday." Aniya

"Hindi mo na kailangan sabihin kung saan tayo pupunta." Narinig niyang sabi mula sa
likuran niya, nagulat siya ng makita niya si Reed, mukhang galit ito. "Let's go,
naghihintay na sila." Anito at hinila na siya palayo kay Ruki.

"Bye Ruki!" nakangiting sabi niya habang kumakaway pa.

"Take care Eiren." Ganting sagot naman nito pagkuwan ay pinaandar na rin ang
sasakyan.

Nang makasakay sila sa van ay sinulyapan niya ang tahimik na si Reed subalit
mababakas pa rin sa mukha nito na hindi talaga maganda ang mood nito.

"That guy was familiar to me." narinig niyang sabi ni Xien, sinulyapan niya ito sa
katapat na upuan, ang tinutukoy nito ay si Ruki.

"Really? His name is Ruki." Aniya

"Yeah, I remember him, he is Ruki Tamaraki." Sabi ni Xien, nakangiting tumango


siya.

"Do you know Ruki well?" she asked, tumingin sa kanya ang binata.

"Not really, he is a bit mysterious." Xien commented

"But he is nice and cool."

Napatingin siya kay Reed ng maramdaman niya ang marahas na pagtalikod nito sa kanya
at namintana sa labas ng sasakyan, nagkibit balikat na lamang siya.

"How did you know him?" Xien asked again, nahihiwagaan naman siya dahil tila
interesado ito kay Ruki.

Sinabi naman niya dito kung paano sila nagkakilala ng binata, sinabi rin niya kung
anong trabaho nito.

"Really? Ang alam ko ang nakatatandang kapatid niya ang CEO ng kumpanya na pagmamay
ari ng pamilya niya." ani Xien

"Well, malay mo naman napromote na siya bilang CEO." Pagtatanggol niya kay Ruki.

Hindi naman na nagsalita si Xien kaya sinulyapan na niya muli ang binata na
nakatalikod pa rin sa kanya.

Kinulbit niya ito kaya napatingin ito sa kanya, nakangiting kinuha niya ang isang
kamay nito at binigyan niya ng milk candy na kinakain niya.

"Pampaalis ng bad mood yan." Aniya, bumuntong hininga na naman ito subalit
tinanggap ang candy at isinubo iyon. Napangiti siya, atleast nakita niyang kinain
nito ang ibinigay niya.

Habang nasa biyahe ay nakakapit siya sa braso ni Reed, hindi naman ito nagre-react
kaya hindi niya namalayan na nakatulog siya na nakasandal sa braso nito.

"Wow! I love this place." bulalas ni Eiren habang nakatanaw sa mangasul


ngasul na karagatan, kanina pa sila dumating sa ancestral house ni Yuan at kanina
pa rin hindi mapuknat puknat ang paghanga niya sa napakagandang lugar na iyon.

Nasa terrace siya sa tapat ng silid ni Reed, sinulyapan niya ang binata na kanina
pa nakahiga lang sa kama, simula ng dumating sila ay doon na ito dumiretso sa silid
na iyon at nahiga, ilang beses na itong pinuntahan ng ibang host men upang yayaing
maglaro ng beach volleyball at magswimming pero tigas na tumanggi ang binata.

Lumapit siya sa binata at naupo sa gilid ng kama, nakatalikod ito sa kanya kaya
hindi niya tiyak kung gising ba ito o natutulog.

Marahang niyugyog niya ang balikat nito, "Reed....Reed..wake up.." aniya sa binata,
umungol lang ito kaya muli niya itong niyugyog. "Let's go, kanina pa sila
nagsuswimming, gusto kong maligo." Aniya, pinalis nito ang kamay niya sa balikat
nito.

"Then go and swim by yourself." He said, hindi niya talaga ma-spelling ang ugali
nito, kanina lang pakiramdam niya ay nagseselos ito kay Ruki tapos ngayon ang lamig
lamig na naman sa kanya.

She pouted, "Ayoko, gusto kong kasama kang magswimming." Aniya


"Ayokong maligo, ayokong lumabas." Tila nakukulitan na nitong sabi, nakatalikod pa
rin ng higa sa kanya, she groaned like a toddler.

"Kung ayaw mong lumabas, dito na lang din ako sa tabi mo." Aniya na nahiga sa tabi
nito, "I'll sleep with you." She teased him, idinantay pa niya ang kamay sa leeg
nito, gulat na napaharap naman ito sa kanya.

Sa ginawa nitong pagharap ay hindi niya akalain na halos gadali na lamang pala ang
pagitan ng mga mukha nila, her heart pounding so hard, parang may giyera sa loob ng
puso niya at nagkakagulo pati buong nervous system niya.

Tila natauhan ito kaya mabilis na bumangon ito sa kama, bumangon din siya at pilit
na nagpapakanormal sa harap nito.

"Maliligo ka na rin?" nakangiting tanong niya, hindi niya alam kung bakit tila
pinamulahan ito ng pagmasdan nito ang kabuuan niya.

She wears two-piece black swim suit kaya lantad na lantad ang makinis at maputi
niyang balat, hindi rin naman siya magpapatalo sa mga grown-up woman na kayang
kayang magsuot niyon. Nakatali paitaas ang pulang buhok niya kaya lalo tuloy
lumabas ang magandang hugis ng mukha niya paibaba sa leeg at balikat niya.

Bumaba siya sa kama, "Sasama ka na sa'kin?" nakangiting tanong pa rin niya at hindi
pinansin ang reaksyon ng binata.

Naglakad siya patungo sa bintana at binuksan iyon, "Look, ang ganda ng dagat."
Aniya habang nakatanaw sa labas ng bintana, sinulyapan niya ang binata at nakita
niyang nakaupo itong nakatalikod sa kanya.

Nagbuntong hininga siya, mukhang ayaw talaga nitong lumabas at maligo, gusto sana
niya itong kasamang magswimming kaya lang kung pipilitin pa niya ang binata baka
magalit ito.

Hangga't maaari ay pinipigilan na niya ang sarili niyang maging makulit dito, she
needs to act like a grown-up woman in front of him.

"Okay, kung ayaw mo talaga hindi na kita pipilitin pa." aniya, "Si Hunter na lang
ang yayayain kong magswimming." Dagdag niya na naglakad na patungo sa pinto subalit
tumigil siya nang marinig niya ang tinig nito.

"Sandali." Pigil nito sa paglabas niya, takang sinulyapan niya ang binata

"Yes?"

"I'll go with you."

Nagliwanag naman ang mukha niya, "Really?" masayang wika niya

"Yes but in one condition."

Nangunot ang noo niya, "Then what's the condition?"

"Change your swimming attire." Seryosong saad nito, napaawang naman ang labi niya
at wala sa oras na sinulyapan ang sarili.

May masama ba sa suot ko? Baka naman iniisip nitong masagwa para sa kanya ang
magsuot ng daring o baka naman gusto lang siyang protektahan nito. Napangiti siya
sa huling naisip.
"Okay, deal." aniya

Nagpalit ng mahabang t-shirt at maong short si Eiren pagkuwan ay sabay silang


lumabas ng ancestral house.

Eiren was happy to be with Reed in that beautiful place, kahit na tahimik lang ang
binata at tila may kakaiba sa ikinikilos nito ay hindi naman sila naghihiwalay
nito. They always have seen together, eating, swimming and teasing him.

Papalubog na ang araw, naupo siya sa pampang at tumabi kay Reed, mula sa pwesto
nila ay kitang kita nila ang kulay kahel na kalangitan, sa di kalayuan ay may
makikitang puting light house, she never seen such beautiful place like that. Para
ngang nakatingin siya sa isang buhay na painting ni Tanner.

That place looks so romantic for her and Reed, para tuloy gusto niyang pumunta
roon, kapag nagkaroon siya ng pagkakataon ay yayayain niya itong pumunta sila sa
light house na iyon.

Sinulyapan niya ang binata na nakaupong nakahalukipkip habang nakatitig sa mga sea
shells na nasa paanan lang nila.

"They're beautiful." Komento niya, sumulyap ito sa kanya.

"Ha?" tila wala sa sariling pakli nito

"Sabi ko ang ganda ng mga kabibe." Nakangiting sabi niya na pinulot ang isang sea
shell at inilapit sa tainga niya ang butas niyon. "Nakakagaan ng pakiramdam ang
tunog nito, try it Reed." Aniya, nang sulyapan niya muli ang binata ay nakayuko na
naman ito.

Nangunot ang noo niya, kanina pa siya nagtataka dito.

"Reed..." tawag niya sa pangalan nito, sumulyap naman ito sa kanya, she was stunned
when she saw him, tila nahihirapan ito sa isang bagay na hindi naman niya alam kung
ano.

"Are you okay?" nag aalalang tanong niya na hinawakan pa ang kamay nito.

"I just want to go to my room." He said, his voice was low, may hindi magandang
nararamdaman ang binata, natitiyak niya iyon.

Sinalat niya ang noo at leeg nito pero hindi naman ito mainit, "Wala ka namang
sakit." Aniya, umiling ito, "Gusto ko lang talagang magpahinga." Anito, kung wala
itong sakit kung gayon sigurado siyang may problema ito.

Ewan niya pero tila may sariling isip ang katawan niya nang yakapin niya ito ng
mahigpit, naramdaman naman niya ang bahagyang paninigas ng katawan nito.

"Hindi ko alam kung anong nangyayari sa'yo pero gusto ko lang malaman mo na nandito
lang ako sa tabi mo, kung gusto mong may pagsabihin ng nararamdaman mo, sabihin mo
lang sa'kin, nakahanda akong makinig palagi." Aniya habang nakayakap sa binata.

Nang humiwalay siya ay tumingin siya sa mga mata nito, "Tandaaan mong mahal na
mahal kita Reed." Aniya

Tumayo siya at inilahad ang isang kamay dito, "Let's go." nakangiting sabi niya,
saglit pang nakatitig lang ito sa mukha niya bago kinuha ang kamay niya, inalalayan
niya itong makatayo.
"Tell me, ano bang nararamdaman mo ngayon?" tanong niya habang naglalakad sila
pabalik sa ancestral house, naiwang gumagawa ng bonfire ang host men.

"Gusto ko lang makapagpahinga." Ulit nito, nagbuntong hininga siya, hindi pa rin
ito nakahandang magsabi sa kanya ng totoong nararamdaman nito pero maghihintay
siya, maghihintay siyang ito mismo ang magtatapat sa kanya ng gusto nitong sabihin
sa kanya, kung ano ba talagang tunay na lagay niya sa puso nito.

Habang naglalakad sila patungo sa ancestral house, naagaw ang atensyon niya sa
ingay na nagmumula sa di kalayuan, mukhang may kasiyahang nagaganap sa kalapit na
rest house. Tila may nagaganap na beach party roon.

"Mukhang masaya doon." Bulong niya, tumigil naman ang binata at sinundan ang
tinitingnan niya, they saw fire dancers and heard loud music. Mas marami siyang
nakitang mga kalalakihan doon kaysa sa mga babae.

"Don't go there, no party, no drinks, no boys." seryosong sabi nito, nagtatanong


ang mga matang tumingin siya dito. Nakita naman niyang tila nabigla din ito sa
sinabi kaya naglakad na muli ito.

Nakangiting sinundan niya ito, "Are you protecting me from those boys?" hindi ito
nagsalita, "You're jealous...nagseselos ka sa mga lalaking makikilala ko don."
Nakangising sabi niya.

"Hindi pagseselos ang tawag dun, sinasabi ko lang yun bilang nakakatandang kapatid
mo." Anito, lalo siyang napangiti.

"Kung nakababatang kapatid lang ang turing mo sa'kin, bakit mo ako hinalikan
kagabi?" nakangising sabi niya.

Kasabay nang pagharap nito ay narinig nila ang mga gulat na boses mula sa likuran
nila.

"What?!" a voice said in unison.

Sabay nilang binalingan para sinuhin ang mga tao sa likuran nila, nakita naman niya
ang nagtatanong na mga mata nina Trevor, Jared at Hunter, sa likuran naman ng mga
ito ay nakita niya ang isang babaeng nakasuot ng two piece bikini at hindi siya
maaaring magkamali, kahit matagal na niya itong hindi nakita, kilalang kilala pa
rin niya ito dahil hindi man lang nagbago ang mukha nito.

####################################
CHAPTER TEN
####################################

"What is she doing here?" salubong ang mga kilay na tanong niya kina Hunter pero sa
babae siya nakatingin, "What are you doing here?" hindi na niya hinintay ang sagot
ng mga ito kaya ang babae na ang nilapitan at hinarap niya pero ganon na lamang ang
pag usok ng ilong niya ng lagpasan lang siya nito at lapitan si Reed.

"Hi Reed!" bati nito sa binata.


"Eva?" Reed said, nakuyom naman niya ang mga palad niya.

"How coincidence, nandito ka rin pala." anito, "Nasa kabilang rest house lang kami
kasama ng ibang mga kaibigan ko, we're having a party gathering there." Anito na
tinuro ang nagkakasiyahan sa di kalayuan.

Kumapit ito sa braso ni Reed at muling nagsalita, "You're handsome man then but you
look more gorgeous hunk now." Eva commented while looking at Reed.

It's obvious! She's flirting with him....

"Aba't sinusubukan niya talaga ako.." inis na bulong niya na akmang susugurin ang
babae nang pigilan siya nina Trevor at Hunter sa magkabilang braso.

Kunot noong tiningnan naman niya ang dalawang lalaki, "What are you doing? Let me
go." asik niya sa mga ito.

Tumingin sa kanya si Eva, "Hindi ka pa rin nagbago Eiren." Nakangiting sabi nito sa
kanya

"Yeah, I'm still beautiful than you." Sarkastikong sabi niya, obvious naman na
napikon ang babae sa kanya.

"Well, aalis na rin ako." Anito, tumaas ang isang kilay niya

"Mabuti pa nga nang luminis naman ang hangin na hinihingahan namin." Pang aasar pa
niya, inis na inirapan siya ng babae, bumaling ito kay Reed.

"Bye Reed." Anito, nanlaki ang mga mata niya ng lumapit ito sa binata at tila may
ibinulong, lalong kumulo ang dugo niya.

"Bye boys." Paalam nito kina Trevor pagkuwan ay bumaling sa kanya. "Bye Eiren."
Anito na halata namang pakitang tao lang.

"Flirt." Inis na bulong niya at inungusan ang babae, nang maglakad na ito palayo ay
doon lang siya binitawan ng dalawa, inis na binalingan niya ang dalawang lalaki.

"Bakit ninyo ako pinigilan? Dapat ay nahubaran ko na ang babaeng yun." Inis na sabi
niya

"Ha? Ganon ba ang gagawin mo? Sana ay sinabi mo sa'kin ng mas maaga." Ani Hunter,
umani naman ito ng batok kina Trevor at Jared.

"Loko ka talaga!" naiiling na komento ni Jared

"Bakit ba kasama ninyo ang babaeng iyon?" tanong niya

"Naghanap kami ng tuyong sanga para sa bonfire at nadaanan namin ang party na yun,
nakilala kami ni Eva kaya sumama siya." Paliwanag ni Trevor.

"Sana sinabi ninyong hindi ninyo kasama si Reed." Nakalabing wika niya sa mga ito.

"Sorry, ako ang may kasalanan." Pag amin ni Jared, nagbuntong hininga siya, hindi
talaga nito magawang magsinungaling.

Binalingan niya si Reed, nakita niyang nakapasok na ito sa loob ng bahay, susundan
sana niya ito ng pigilan siya ni Trevor.

"Mukhang may problema ang isang iyon." anito, "He needs to be alone."
Hindi na siya nagmatigas pa, hindi lang pala siya ang nakakapansin niyon kundi pati
na rin ang mga kaibigan nito.

"Nitong mga huling araw, napapansin ko ang pagkatamlay ni Reed." Komento ni Hunter,
"Hindi kaya dinapuan na rin siya ng nakamamatay na sakit na yun." Dagdag pa nito,
para namang pinagbagsakan ng langit at lupa si Eiren nang marinig niya ang sinabi
ni Hunter

"What do you mean? May nakamamatay na sakit si Reed?" nag aalalang tanong niya sa
binata, nakita naman niya ang pag iling nito

"Ah, wala yun." Anito na maglalakad na sana pabalik sa kumpulan nina Kaizer subalit
pinigilan niya ang binata sa braso at hindi siya titigil na kulitin ito hangga't
hindi nito nasasabi sa kanya ang sakit na iyon.

"Hunter, tell me anong nakamamatay na sakit iyon? Paano mo nasabing may sakit
siyang ganon?" Hindi na siya mapakali, gusto na niyang umiyak dahil hindi yata niya
matatanggap kung may nakamamatay ngang sakit si Reed at mawawala ito sa buhay niya.

"It's obvious, palagi siyang matamlay, hindi naman ganyan si Reed noon kahit na may
dinaramdam yan ay hindi niya pinapahalata sa'min, para ngang bumaba ang timbang
niya, palagi rin siyang nakatulala at parang ang lalim ng iniisip niya, hindi siya
makausap ng matino ngayon at palagi na lang nasa bahay niya." anito, nangunot ang
noo niya

"So anong nakamamatay na sakit yun?" tanong niya

"Love sick." Bulalas nito, umani na naman ng batok ang binata

"Sabi na nga ba at katarantaduhan yang sasabihin mo." Sabi ni Trevor, nakahinga


naman ng maluwag si Eiren.

"Ouch! Anong mali sa sinabi ko?" angal nito sa mga kaibigan, "Tama naman ako ah,
Reed was distracted by love, hindi pa yun naiinlove kaya nasisiguro kong iyon nga
ang sintomas niyon base sa mga nakita ko noon sa inyo." Anito

Sumabad si Eiren sa usapan ng mga ito, "You mean, inlove si Reed? Kanino?" tanong
niya, nagkatinginan naman ang mga ito. "Don't tell me, inlove sa'kin si Reed?"
lumapad ang mga ngiti niya, "As in?" gusto niyang magtatalon sa saya sa sinabi ng
mga ito.

Lumapit siya kay Hunter at kumapit sa braso nito, "Talaga bang inlove sa'kin si
Reed?" masayang tanong niya, nagkibit balikat naman ang binata

"I guess."

She can't stop herself but to release the happiness inside her, she scream with no
sound at mahigpit niya itong niyakap.

"May maganda ka ring sinabi Hunter." Masayang sabi niya, bumitaw siya rito at
masayang tumakbo sa ibang host men na nakapalibot sa bonfire, napakasaya niya at
kailangan niyang ienjoy ang gabing iyon dahil sa magandang balitang narinig mula
kay Hunter.

"Tiyakin mo lang na tama ang sinabi mo kay Eiren." Komento ni Jared kay Hunter
habang nakatingin ang mga ito sa masayang dalaga

"Malaki ang problema mo kapag umasa sa wala si Eiren." Ani Trevor, "Tiyak na
malilintikan ka kay Reed kapag nalaman niya ang ginawa mo." Dagdag nito

"Oh men! I'm dead..." nakangiwing bulong ni Hunter.

Suminghap nang malinis na hangin si Eiren habang nakaupo siya sa steel


chair, nasa terrace siya sa tapat ng silid niya, katatapos lang nilang kumain ng
hapunan.

Tumingala siya sa kalangitan at may ngiti sa mga labing pinagmasdan niya ang mga
bituin, napakaganda ng mga iyon.

Naalala tuloy niya ang pinakamasayang araw sa buhay niya na kasama niya ang
pinakamamahal niyang lalaki habang pinagmamasdan ang mga bituin, ganon din kadami
ang mga bituin noon nung panahong nakasama niya sa unang pagkakataon si Reed, it
was supposed to be a date with one of her suitors pero hindi niya alam kung bakit
si Reed ang nakasama niya ng mga sandaling iyon.

"Bye kuya!" paalam niya sa kuya Einar niya, nakaupo ito sa mahabang sofa habang
abala ito sa paggigitara.

"Hey, umuwi ka ng maaga Eiren." Paalala nito na sumulyap pa sa kanya, nakangiting


tumango siya, nasa may pintuan na siya nang bumalik pa siya.

"Oops! I forgot something." Aniya, bago pa ito nakahuma ay mabilis na kinintalan


niya ito ng halik sa pisngi. "Love you bro!" aniya, naiiling itong ngumiti.

"Love you too, take care." Aniya, "Teka saan ka nga ulit pupunta?" tanong nito,
nasa may pintuan na siya nang sagutin niya ang tanong nito.

"Date with James." Aniya pagkuwan ay mabilis na lumabas ng pinto, narinig pa niya
ang sinabi ng kuya niya.

"Bakit iba ang pandinig ko sa ipinaalam niya kanina?" anito, "She said she's going
to a friend's house to do assignments." Dagdag nito

Mabilis na tinakbo niya ang elevator nang marinig niya ang malakas na pagtawag nito

"Oh shit! Eiren! Come back here!"

Pagkabukas ng pinto ng unit nito ay ang pagbukas ng pinto ng elevator

"Bye kuya!" nakangising paalam niya atsaka kumaway pa dito.

"You Brat!" sabi nito sa kanya na sinubukan pa siyang habulin subalit nakasakay na
siya ng elevator.

Nangingiting inayos niya ang suot na damit, she wore her favorite blue dress, her
mother bought it in korea, naalala niya ang ina, madalas siya nitong tawagan upang
kamustahin, at bago pa nga siya payagan nitong mag aral sa pilipinas ay katakot
takot na pakiusap ang ginawa niya, pumayag lang ito dahil may kondisyon silang
napagkasunduan.

Dahil graduating na siya ng highschool ay malapit na siyang umuwi, iyon ang usapan
nila ng mommy niya, tatapusin lang niya ang highschool niya doon pagkatapos ay
babalik na sa bansa niya kung saan siya mag aaral ng college, ipinangako rin niyang
mag-a-audution siya sa shine company bilang isang singer.
She just miss her brother Einar na matagal din niyang hindi nakakasama, makakauwi
lang ito noon kapag birthday niya o birthday ng parents niya. at isa pa, gusto rin
niyang makita muli si Reed, ang fiancé niya, tama, inaangkin na niya ang lalaking
iyon dahil nagsumpaan na sila nito, nangako rin itong pakakasalan siya sa tamang
edad niya kaya ano na lang iyong nasasabik siyang makita ang mapapangasawa niya.

Tatlong taon na ang nakakaraan noong dumating siya sa university na pinapasukan ng


mga ito, talagang hinanap niya ang binata, nang makita niya ito sa canteen ay
napakasaya talaga niya pero nang makita niyang tila may babae itong lalapitan ay
talagang naalarma siya, hindi niya akalain na nagagawa pala siyang lokohin nito.
Sinira niya ang diskarte nito sa babaeng balak sana nitong lapitan noon at
nagtagumpay siya...pero ang ikinasasama ng loob niya noon ay hindi siya nito
nakilala, ni hindi na nga nito matandaan ang pangakong binitawan nito noon sa
kanya.

Kaya ang misyon niya sa pagpunta niya sa pilipinas ay hindi lamang mag aral kundi
para ipaalala sa binata ang nakaraan, ang mga pangako nito, na siya ang prinsesa
nitong poprotektahan nito anuman ang mangyari, na siya ang babaeng pakakasalan nito
balang araw.

Lumipas ang tatlong taon na nakabuntot siya dito, kung nasaan ang binata ay naroon
din siya, kapag may dinedate itong mga babae, gumagawa siya ng paraan para masira
iyon, para hindi matuloy iyon...At napakaswerte niya palagi dahil naging matagumpay
ang mga iyon.

At school, Eiren was the campus queen, hindi dahil isa siyang beauty queen na
madalas rumarampa sa stage, kundi nakilala siya dahil halos lahat ng club sa school
ay member siya at bawat club na kasapi siya ay may mga lalaking nagtatangkang
ligawan siya pero isa lang ang naging malapit sa kanya sa mga suitors niya, si
James. Ka club member niya ito sa music club, katulad ng kuya Einar niya ay drummer
din ito ng banda ng club nila. Madalas silang magkakwentuhan nito at naging
magkaibigan sila nito pero hindi niya akalain na manliligaw din ito sa kanya, pero
katulad ng iba, binasted din niya ito, she like James but as a friend, wala ng mas
lalampas doon dahil bukod sa kaibigan lang talaga ang turing niya dito ay may
nagmamay ari na sa puso niya.

This vacation she will leave the country, nalalabi na ang mga araw niya kaya naman
humiling itong magdate sila kahit isang beses lang, a friendly date...iyon pa ang
sinabi ni James, pinagbigyan na rin niya ito tutal naman ay una at huling beses na
iyon.

May usapan silang magkikita sila ni James sa tapat ng planetarium ng alas kwatro ng
hapon, nang dumating siya ay matiyaga ng naghihintay ang lalaki.

"Hi Eiren!" bati nito sa kanya

"Hi." Tipid na ngumiti siya, ipinakita nito sa kanya ang dalawang ticket.

"I bought our ticket, napaaga ang dating ko kaya bumili na ako." Anito, "Let's go."
Yaya nito, tumango siya, naramdaman niya ang isang kamay nito sa balikat niya kaya
mabilis na lumayo siya rito.

"What's wrong?" nagtatanong ang mga matang sabi nito

"Ah, hindi ka ba bibili ng foods natin? Masayang manood ng stars habang kumakain."
Aniya na lihim na ngumiwi.

"Sige, bibili lang ako." Anito, "Ikaw na ang maghawak nitong ticket natin." Anito,
tumango siya, maya maya ay umalis na ito.
May labing limang minuto na ang nakakalipas ay wala pa rin si James, kung tutuusin
ay sandali lang ito. Naiinip na siya sa kahihintay dito, kanina pa siya nakatayo sa
gilid ng building na iyon, balak na sana niyang sundan si James nang mahagip ng mga
mata niya si Reed.

"Reed? Anong ginagawa niya rito? Wala ba siyang practice game?" bulong niya, nasa
kabilang kalsada ang binata habang may katawagan sa cellphone, eksakto namang
ibinaba nito ang aparato nang mapatingin sa kanya, nakangiting kinawayan niya ang
binata.

Saglit itong nakatingin lang sa kanya, pakiramdam niya ay pinagmamasdan siya nito
mula ulo hanggang paa, naku-curious tuloy siya kung anong iniisip nito ng mga
sandaling iyon.

Napansin na lang niyang tumawid ito patungo sa kanya, lihim na inayos niya ang
sarili.

"Reed, what are you doing here?" tanong niya

"May humingi lang ng tulong sa'kin." Mahinang sabi nito, nangunot naman ang noo
niya

"Pardon me?"

"A-ah, ang sabi ko may pinuntahan lang ako malapit dito." Anito

"Nasaan ang sasakyan mo?" tanong muli niya, napansin niyang tila naghahanap ito ng
isasagot

"Ah, iniwan ko sa sports arena." Anito, muli na namang nangunot ang noo niya, at
his age of twenty three, nakilala na ito bilang isang sikat na international car
racer, sunod sunod na ang panalo nito sa isang international car race.

"Ha? Bakit mo iniwan? You mean, nagcommute ka lang papunta rito?" takang tanong
niya, obvious na nataranta ito sa isasagot sa kanya.

"Y-yeah, may inaayos pa kasi sa sasakyan ko kaya nagcommute na lang ako."

Tiningnan niya ito ng kakaiba, car racer ito, imposibleng magcommute ito...maaari
naman itong manghiram ng sasakyan.

"Talaga? Nagcommute ka?" hindi pa rin makapaniwalang tanong niya.

"Oo, hindi na ba pwedeng magcommute ang isang car racer?" tanong nito, umiling
siya.

"Hindi naman...kaya lang kasi..." nagdududa pa ring sabi niya, nagulat siya nang
hawakan nito ang kamay niya.

"Uuwi na ako, isasabay na kita." Anito, to the highest level naman ang saya niya
pero nagpumiglas siya, kunot noong tumingin ito sa kanya.

"Sandali lang, magpapaalam lang ako kay James." Aniya

"Sinong James?" seryosong tanong nito, she bit her lower lip.

"My date." Mahinang sabi niya pero sapat na ang lakas na iyon upang marinig nito
ang sinabi niya, lalong naging seryoso ang mukha nito.
"Nakikipagdate ka?" anito, tumango siya pero bago ito magalit ay nagpaliwanag na
siya

"Pero h'wag kang magagalit, hindi kita niloloko at kailan man ay hindi mangyayari
iyon, it's just a friendly date, kaibigan ko si James." Paliwanag niya, saglit
itong natigilan at tumingin lang sa mga mata niya. "Hindi pa kasi ako nakakapasok
sa planetarium kaya noong niyaya niya akong pumunta dyan at manood ng mga stars,
pumayag na ako." Dagdag pa niya, narinig niya ang pagbuntong hininga nito, nagulat
siya nang hilahin siya nito papasok sa loob ng planetarium.

"Hindi pa rin ako nakakapasok dito kaya sasamahan kita, tutal nandito na rin naman
ako." Anito, labis naman ang kasiyahang nararamdaman niya kaya napakapit siya sa
braso nito at inihilig pa ang ulo habang papasok sila sa loob ng building, saglit
na nanigas ang katawan nito sa ginawa niya pero hindi naman ito nagreact sa ginawa
niya.

Kahit papalubog pa lang ang araw nang mga sandaling iyon sa labas ng planetarium,
nagmistula namang gabi sa loob niyon, habang nakatingala si Eiren at pinapanood ang
paggalaw ng mga bituin at mga planeta ay hindi masukat sukat ang nararamdamang
kaligayahan sa puso niya, iyon kasi ang kauna unahang pagkakataon na nakasama niya
si Reed, na sila lang dalawa. Pinagpalagay niyang date nilang dalawa iyon.

Nakakakita pa siya ng mga falling stars at kahit hindi naman tunay na bituin iyon
ay pumikit siya at nagwish, hiniling niyang sana ay tuparin ni Reed ang mga pangako
niya.

Tuluyan na niyang nakalimutan si James, hihingi na lang siya ng sorry sa kaibigan


kapag nagkita sila nito subalit nabalitaan niyang nagtransfer na si James sa ibang
school na ipinagtataka talaga niya.

####################################
CHAPTER ELEVEN
####################################

"Guys, where are you going?" tanong ni Eiren nang makita niyang bumababa ng bahay
ang ibang host men, nakatayo na siya sa tapat ng terrace, katatapos lang niyang
magreminisce ng isa sa pinakamasayang araw niya.

"We're going there." Sabi ni Sky na tumigil at itinuro ang light house

"May I go?" she said

"Sure. Yun yacht ni Yuan naman ang gagamitin natin." Anito habang nagsusuot ng
sweater

"Okay, sasama din ba si Reed?" tanong niya, hindi kasi niya nakitang kasama ng mga
ito si Reed, umiling ito.

"Niyaya na namin kaya lang ayaw niya, mukhang masama ang pakiramdam." Anito, kanina
pa siya nakapagpahinga, wala pa rin ba siya sa mood?

"Sandali lang, hintayin ninyo ako." Aniya

"Okay."
Mabilis na tinungo niya ang silid ni Reed, hindi na siya kumatok at basta na lamang
pumasok sa silid ng binata, nakita niyang nakatayo ito sa tapat ng bintana at
nakatanaw sa malayo.

"Reed..." tawag niya rito, sinulyapan siya nito, lumapit siya sa binata.

"They're going to that place." tinuro niya ang light house mula sa bintana, "Sasama
ako, gusto mo rin bang sumama?" tanong niya, nang sundan nito ang tinuro niya hindi
niya tiyak kung tama ba ang nakita niyang pait na bumalatay sa mukha nito.

Dumating na ang kinatatakutan ni Reed, ang bumalik lahat ang masamang


bangungot sa nakaraan niya, nagsisisi siya kung bakit siya sumama sa lugar na iyon.
Alam niyang nag aalala ang mga kaibigan niya pati na rin si Eiren sa ikinikilos
niya, walang nakakaalam ng nakaraan niya kundi ang pamilya lang niya.

Nang mawala at mamatay sa lugar na iyon ang kapatid niya, hindi man lang siya
sinisi ng mga magulang niya, umiyak lang ang mga ito habang yakap siya.

Flashback....

"Oh God! Reed!" salubong na hiyaw ng kanyang ina mula sa sinakyan


niyang motor boat, nakita niya na halos takbuhin siya ng mga magulang niya, umiiyak
pati ang daddy niya. Karga siya ng isang lalaki at nang makalapit ang daddy niya ay
mabilis siyang kinuha nito mula sa bisig ng lalaki, mahigpit siyang niyakap ng mga
magulang niya habang umiiyak.

Pinupog siya ng halik at mahigpit na yakap ng mga ito, nakatulala lang siya at
hindi umiiyak, ilang oras din siyang palutang lutang sa dagat, salamat sa suot
niyang life vest kaya hindi siya nalunod, naubos na ang mga luha niya kanina at
kahit na punong puno ng pighati ang puso niya ay hindi na niya kayang ilabas ang
nararamdaman niya, tila napagod hindi lang katawan niya kundi pati ang isip at puso
niya.

"Where's my other son?" his dad ask

"I'm sorry Mr. Morgan, patay na po ang isang anak ninyo, nasunog ang Bangka at
lumubog iyon." Sabi ng lalaki, narinig niya ang mas malakas na iyak ng mommy niya
habang yakap yakap siya. "Ito lang ang nakita namin." Dagdag nito, ibinigay nito sa
daddy niya ang isang kulay asul na damit at life vest, kalahati niyon ay nasunog ng
apoy.

"No!" halos lumabas ang litid ng kanyang ama dahil sa masamang balitang narinig,
lumapit ito sa kanya, akala niya ay magagalit ito sa kanya subalit umiiyak na
niyakap lang siya nito at nagsalita.

"Erl, I'm sorry your buddy was gone now." He said, doon lang siya umiyak, bakit ito
pa ang humihingi ng sorry sa kanya? Kasalanan niya kaya dapat lang na magalit ang
mga ito sa kanya, mahal na mahal sila ng mga ito pero tanggap niyang mas mahal ng
mga ito si Carl dahil sa sakit ng kapatid, ingat na ingat ang mga ito sa kapatid
niya. Pero dahil sa kanya ay namatay si Carl.

Kasalanan niya kaya dapat ay pagdusahan niya ang mga nagawa niya, kumalas siya sa
pagkakayakap ng mga ito at umiiyak na nagtatakbo sa pampang, kailangan niyang
hanapin ang kapatid niya.

Mabilis na hinabol siya ng mga magulang niya pati na rin ang ilang kalalakihang
nagligtas sa kanya sa gitna ng dagat.

"Erl! No!" tawag ng kanyang ina

"Erl! Come back here son!" sabi ng ama na alam niyang nasa likuran lang niya,
maalon pa dahil sa nagdaang malakas na pag ulan, lumusong siya sa dagat at umiiyak
na tinawag ang pangalan ng kapatid niya.

"Carl! Carl! Where are you?!" he call his brother's name, he was crying with pain,
"Carl! Mom and dad are looking for you, h'wag ka ng magtago, nag aalala na siya
sa'yo!" patuloy na sabi niya, hanggang baywang na ang tubig, "Caaaaarl!" nilakasan
niya ang boses, baka kasi hindi siya naririnig nito, tinawag niya ito ng paulit
ulit hangang sa makakaya niya.

Maglalakad pa sana siya nang hablutin siya ng ama mula sa tubig, binuhat siya nito.

"Erl! Stop it. Carl was gone, he will never come back, and we will never see him
again." His dad said, ramdam niya ang pait at sakit sa boses ng ama. Kitang kita
rin niya sa mga mata nito ang matinding pighati, hindi sana mangyayari iyon kung
hindi dahil sa kanya.

Umiiyak na niyakap niya ang daddy niya, "Dad! It's my fault...Carl died because of
me..."

Naramdaman niya ang masuyong paghimas nito sa ulo hanggang likuran niya,
"Shhh..It's not your fault..." he said, "It's not your fault..." paulit ulit na
sinabi nito sa kanya.

Matapos ang aksidenteng iyon ay binigyan ng kanyang mga magulang ng maayos na


libing ang kapatid niya kahit na hindi nila natagpuan ang katawan nito, marami ang
nagsabing nasunog si Carl pagkatapos ay kasamang lumubog sa dagat, hindi nakita ang
katawan nito dahil baka daw kinain na ng malalaking isda sa dagat.

Iilan lang din ang nakakaalam tungkol sa nangyaring iyon sa pamilya niya, hangga't
maaari din ay pinakiusapn ng mga ito na iwasang pagusapan ang aksidenteng iyon lalo
na at nasa malapit lang si Erl.

Erl suffered from emotional distress, madalas na sisihin nito ang sarili sa
nangyaring aksidenteng iyon, pero para sa pamilya nito kung nagkaroon man ito ng
kasalanan ay hindi naman nila gustong pati ang naiwang anak ay mawala din sa
kanila.

Matapos din ng aksidenteng iyon ay kakikitaan ng malaking pagbabago kay Erl, ang
dating masayahin at masiglang bata ay naging malulungkutin, madalas na makikitang
nakatulala lang ito at umiiyak mag isa.

Kaya naman humingi ng tulong ang ina nitong si Rizzy sa kaibigan nitong si Erika,
matalik na kaibigan ni Erl ang anak nitong si Einar, ito lang ang makakatulong sa
anak nitong manumbalik ang dating sigla ng anak.

Hindi naman nagdalawang isip si Erika, pinauwi niya ng Pilipinas si Einar para mag
aral ito doon ng highshcool, kailangan nitong tulungang bumalik sa dati si Erl.

"Erl, ito ang baon mo. Susunduin ka ng daddy mo mamaya." Nakangiting sabi ni Rizzy
sa anak, isang taon na ang nakakalipas simula ng mangyari ang masamang aksidenteng
iyon, unti unti na ring nagbabago ang anak. Nakakausap na ito ng matino at
nakakangiti at nakakatawa na rin ito.

Salamat sa anak ni Erika, Einar was really a big help for her son.

Pero nang araw na iyon, ang akala nilang nakalimutan na nito ang nakaraan ay
nagkamali sila, muling naungkat iyon dahil sa isang pakiusap nito.

"Mom, can I change my name?" he said

"Gusto mong palitan ang pangalan mo? Bakit?" takang tanong nito

"Gusto kong ipaalis ang first name ko." aniya habang nasa tapat ng hapagkainan,
nasa amerika ang daddy niya kaya sila lang ng ina ang naroon sa bahay. Erl Reed
Morgan was his real name, gusto niyang ipatanggal ang Erl dahil sa tuwing maririnig
niya ang pangalan na iyon ay patuloy na nanunumbalik sa kanya ang nakaraan, ang
pangalang iyon ang tinatawag ni Carl noon bago ito namatay. He called his name for
help pero wala siyang nagawa, hindi niya natulungan ang kapatid niya.

May bumalatay na pait sa mga mata niya, sinabi niya rito ang dahilan niya, nakita
niya ang pangingilid ng luha sa mga mata ng ina, alam niyang pinipilit siyang
tulungan ng mga magulang niya na kalimutan niya ang nakaraan, alam rin niyang
humingi ito ng tulong kay tita Erika para ipadala ang anak roon at tulungan din
siya.

Einar was his best friend, malaki ang naitulong nito dahil unti unti nga siyang
nagbabago pero may mga pagkakataon talagang naaalala niya ang nakaraan lalo na
kapag naririnig niya ang pangalang yun.

Lumapit sa kanya ang ina at niyakap siya, "Okay, I'll tell your dad." Sabi nito

"Thanks mom." Tipid siyang ngumiti at gumanti ng yakap.

Mula nga noon ay naging Reed Morgan na lang ang pangalan niya, wala nang tumatawag
sa kanya sa unang pangalan niya, sinusubukan niyang kasamang ibaon sa limot ang
pangalang Erl.

Seven years had past, graduating na si Reed ng kolehiyo at masasabi niyang unti
unti ay nakakamove on na siya, hindi lang si Einar ang naging matalik niyang
kaibigan, nadagdagan pa iyon ng marami, ang Flower Boys Host Club ay nagsilbing
pangalawang tahanan niya, nakakalimutan niya ang nakaraan niya kapag kasama niya
ang mga kaibigan niya, they were his best buddies, hinding hindi niya ipagpapalit
ang mga ito sa kahit anong kayamanan sa mundo.

Akala niya ay mababaon na niya sa limot ang nakaraan, akala niya ay hindi na
babalik ang masamang bangungot na iyon sa buhay niya. Kinalimutan na niya ang
lahat, kinalimutan na rin niyang minsang may kilala siyang Carl Reed Morgan, sa
wakas ay nagagawa na niyang kalimutang mayroon siyang kakambal noon.

But Eiren came, a cute high school girl came to his life then, a stubborn, free
spirit thirteen years old high school girl who bumped him that time in university
canteen. A teenager claimed to be his fiancée...

Bumalik ang lahat, nanariwa ang nakaraan, isa isang nagpakita sa kanya ang multo ng
nakaraan..ang bangungot niya...

Bumalik din pati ang minsang pag asam niyang magpakilala sa napakagandang batang
nakita niya, magpakilalang siya ang isa pang Reed sa pamilya Morgan, na siya si Erl
Reed na madalas kasama ng kuya nitong si Einar, na si Carl Reed na kakambal niya
ang siyang tunay na nakasama nito sa lavender garden at nangakong pakakasalan ito
pagdating ng panahon.

####################################
CHAPTER TWELVE
####################################

"Reed...Are you with me?" Eiren tapped his shoulder, naagaw naman nito ang atensyon
niya, he looked at the girl and then suddenly, he felt severely pain inside him.

Paano ba niya ipaliliwanag ang lahat? Paano ba niya ipagtatapat hindi lang dito
kundi sa sarili niya ang katotohanan? Paano?

"Okay ka lang ba?" nagtatanong ang mga matang sabi nito, nagbuntong hininga siya.

"Yeah."

"Sasama ka ba?" muling tanong nito, saglit pa siyang tumitig dito pagkuwan ay
sumagot.

"Oo."

Isang malapad na ngiti ang ibinigay nito, "Okay! I'll tell them na sasama ka rin."
Anito at mabilis na lumabas ng silid niya, nagbuntong hininga siya, nahaplos niya
ang dibdib niya, pakiwari niya ay kumikirot iyon.

Hindi nagtagal ay nasa light house na sina Eiren at ang buong host men, nasa tuktok
sila niyon habang nakatanaw sa dagat.

"Wow! Ang ganda!" bulalas ni Eiren, lumapit pa ito sa grills na bakal na


nagsisilbing harang atsaka tumingala sa madilim na kalangitan.

"Ang daming stars!" sabi pa nito

Sunod sunod na nagbuntong hininga si Reed habang nakatingin kay Eiren pagkuwan ay
tumingala rin sa langit, magkaibang magkaiba ang panahon ng mga sandaling naroon
sila ng kapatid niya, makapal ang mga ulap noon at malakas ang hangin, nakatayo
sila pareho kung saan siya nakatayo ng mga sandaling iyon.

Sariwa pa rin sa alaala niya ang mga pangarap nito noon.

"I want to be a doctor someday, Erl." Sabi ni Carl, "I want to help sick people
like me." dagdag nito, hindi siya nagsalita sa sinabi nito, nasasaktan din siya
dahil may sakit ito. May sakit ito sa puso at napakadelikado ng kondisyon nito,
lumalaki ang puso nito at kapag nag iiba ang mood nito ay naaapektuhan din ang
kalusugan nito, kaya nga kahit kaibigan ay wala ito. Masama dito ang sobrang
kasiyahan at sobrang kalungkutan dahil mas lalong natitrigger ang sakit nito,
napakatraydor pa naman ng sakit nito, baka atakihin na lang ito bigla.

"Ikaw anong gusto mo paglaki mo?" tanong nito, nagkibit balikat siya
"Hindi ko alam." Sagot niya, tumawa ito ng mahina

"Bakit hindi mo alam? Syempre may pangarap ka din." Anito, "Mahilig ka sa video
games at favorite mong laruin ang car race..sigurado akong gusto mong maging car
racer." Anito, nakamot niya ang ulo.

"Bakit mo alam yun?"

"Magkakambal tayo, alam ko yun." Nakangiting sabi nito, "Sigurado akong magiging
isa kang kilalang car racer balang araw." Dagdag nito

"Pero baka magalit si daddy, gusto niyon na maging businessman ang isa sa'tin para
humalili sa kumpanya niya. kung magiging doctor ka, wala akong choice kundi maging
businessman." Sagot niya, umiling ito.

"Kung anong gusto mong maging sa paglaki mo, alam kong susuportahan ka ni daddy at
mommy. They love us." Pagpapalakas ng loob nito sa kanya, nakangiting inakbayan
niya ito.

"You're my best buddy!" nagtawanan sila nito pagkuwan ay naging seryoso na ulit
ito.

"Erl, next month na ako ooperahan, sa tingin mo magiging successful iyon?" tanong
ni Carl sa kakambal, nakangiting tinapik niya sa balikat ang kapatid.

"Oo naman! Basta magpray ka lang at tatagan mo ang loob mo." Aniya, gumanti ito ng
ngiti.

"Thanks! Pinapalakas mo ang loob ko." anito

"Syempre, kakambal kita at mahal kita." Sagot niya, tumawa ito.

"Mahal din kita Erl." Anito, "May sikreto akong sasabihin Erl, h'wag mong sasabihin
kina mommy at daddy baka kasi magalit sila." Pag iiba nito ng usapan, naupo sila sa
sahig habang nakatanaw sa malayo.

"Talaga? May sasabihin din ako sa'yo eh." Anito, naexcite naman ito.

"Talaga? Ikaw muna ang magsabi ng sikreto mo." Anito, nakamot na naman niya ang ulo
pero wala siyang nagawa kundi maunang magtapat.

"Sige, secret lang natin to ha." Aniya, "May crush na ako." Nahihiya pang sabi
niya, nagliwanag ang mga mata nito

"Talaga? Yun din ang sasabihin ko sa'yo, may crush na rin ako." Anito, nawala naman
ang mga ngiti niya.

"Sino?" tanong niya

"Si Eiren." Halos hindi mawala wala ang ngiti sa mga labi nito, pati ang mga mata
yata nito ay nagniningning, "She was the cutest girl I've ever seen, masaya ako
kapag nakikita ko siya at nangako na rin ako sa kanya." Anito

"Anong pinangako mo?" tanong niya

"Na pakakasalan ko siya paglaki niya, ako ang magiging prinsipe niya na
magpoprotekta sa kanya." Anito, "Kaya h'wag kang maingay na may fiancée na ako
ngayon pa lang." bungisngis nito, maya maya ay tumingin ito sa kanya.
"Ano nga palang pangalan ng crush mo?" tanong nito

"A-ah, h-hindi ko alam ang pangalan niya eh." Pagsisinungaling niya, paano ba niya
sasabihin sa kapatid niya na pareho sila ng nagugustuhan. Na noong unang makita
niya ang napakagandang ngiti nito at bigyan siya ng cake ay hindi na ito nawaglit
sa isip niya.

Hindi niya magagawang ipagtapat kung sino ang babaeng gusto niya sa kapatid niyang
walang naging kaibigan kundi siya lamang at walang napasyalang lugar kundi ang
bahay at ang lavender garden lamang. Maaatim pa ba niyang pati ang nagiisang
mahalaga sa buhay nito ay agawin niya? Siya na maraming kaibigan, maraming
napasyalang lugar at maraming nagagawang bagay, ano na lang ba yung ipaubaya niya
si Eiren dito.

"Ganon ba? Sayang naman.." panghihinayang nito, maya maya ay lumapit ito sa grills
na bakal at tumingala sa kalangitan, "Ipinapangako kong tutuparin ko ang mga yun,
hihintayin ko siyang lumaki at pakakasalan ko siya. Hindi niya alam kung gaano ako
kasaya nung dumating siya, akala ko habang buhay nang lavender garden lang ang
kasama ko pero dumating siya, naging makulay ang mundo ko, hindi lang kulay ng
lavender flower ang nakikita ko, I even see red, blue, orange and yellow flowers at
the lavender garden when I'm with her." mahabang litanyang sabi nito. "You know
what Erl? I won't break my promises to Eiren no matter what happen."

"Reed! Nakita mo yun? Nakita mo yung falling stars?" Eiren caught her
attention, lumapit pa ito at hinila ang kamay niya patungo sa grills na bakal.

"Hulaan mo kung anong hiniling ko?" tanong nito, hindi siya kumibo, he just want to
look at her face. "Hiniling ko na sana, ipagtapat mo sa'kin ang totoong
nararamdaman mo para sa'kin para hindi na ako manghula kung ano ba talaga ako sa
puso mo." Anito na biglang sumeryoso.

Malayo sila sa mga kaibigan niya na abala sa pagi-star gazing, naramdaman niya ang
mga kamay ni Eiren na hinawakan ang braso niya, "Mahal kita Reed, gusto kong
malaman kung mahal mo rin ba ako, na tutuparin mo pa rin ang mga pangako mo noon."
anito

Parang sumabog ang puso niya, sa tuwing sasabihin nito ang mga katagang iyon ay
hindi niya mapigilang makonsyensya, iyon ang kinatatakutan niya, ayaw niyang
magsinungaling dito, gusto na rin niyang makalaya sa nakaraan pero paano ba niya
magagawang ipagtapat dito ang lahat kung sa tuwing gagawin niya iyon ay kumokontra
ang puso niya?

Noon pa man ay espesyal na para sa kanya si Eiren, she was the loveliest girl she
had ever seen, sinubukan niyang iwasan at kalimutan ang nararamdaman niya na noon
pa man ay naitanim na niya pero paano? Paano niya sasabihin dito na hindi siya ang
Reed na nangako noon sa lavender garden, na hindi siya ang batang poprotekta dito
anoman ang mangyari, na ang batang pakakasalan nito pagdating ng panahon ay hindi
siya?

Sigurado siyang magagalit at kamumuhian siya ni Eiren, na matagal na niya itong


pinapaasa at niloloko, bakit ba naduduwag siyang sabihin ang katotohanan dito?

Kung bakit kasi nagtatalo palagi ang isip at puso niya sa tuwing magkakaroon siya
ng pagkakataon na sabihin iyon dito noon, itinutulak siya palagi ng isip niyang
sabihin dito ang totoo pero pinipigilan naman siya ng puso niya, sinasabi ng isip
niyang lumayo siya sa dalaga pero kumokontra ang puso niya, inuutusan siya ng isip
niyang lumayo sa babae pero ang suwail niyang puso mas lalong napapalapit dito.
Saan ba siya lulugar? Ano ba dapat ang tamang gawin niya? Litong lito na siya.

Paano niya tatanggapin na mawawala ang babaeng itinatangi niya sa oras na sabihin
niya ang katotohanan? Pero paano naman si Carl, ang kakambal niya na namatay dahil
sa kanya, kinuha na nga niya ang buhay nito pati ba naman ang babaeng mahal nito ay
aagawin pa rin niya?

Damn! I don't know what to do....Nakuyom niya ang mga palad at pinalis ang mga
kamay nito sa braso niya.

"Eiren please...." Nakikiusap ang tinig na sabi niya, nakita naman niya ang
kalumbayan sa mga mata nito, nalulungkot din naman siya kapag nakikita niyang
umiiyak ang babae, sa tuwing nasasaktan ito dahil sa kanya. Kahit na gusto niya
itong yakapin ng mahigpit at halikan sa mga labi ay hindi niya magawa, naglalaban
ang puso at isip niya.

Mapait na ngumiti ito, "Okay, I'll wait Reed...hihintayin ko ang oras na yun..na
maipagtapat mo ang totoong nararamdaman mo para sa'kin." Anito, hindi nalingid sa
kanya ang namumuong luha sa gilid ng mga mata nito ng tumalikod sa kanya at
naglakad palayo sa kanya. Muling kumirot ang puso niya. I'm sorry Eiren...I'm
really sorry...

Alas dose na ng hating gabi, nasa ibaba ng bahay si Reed kasama ang mga
kaibigan niya, tahimik lang siyang umiinom ng wine habang nakikinig sa kwentuhan ng
mga kaibigan niya.

"Kanina pa ako nakakaramdam ng kakaiba, parang nilalamig ako pero ang init ko
naman." Narinig niyang sabi ni Trevor habang hawak ang noo.

"Baka lalagnatin ka." Komento ni Kaizer

"Hindi ko nga alam." Sagot nito

"Masyado ka kasing nagbabad sa tubig kanina." Komento naman ni Sky

"Oo nga eh. Sayang wala si Vash dito, siya ang makakasagot sa problema ko." ani
Trevor, naagaw ang atensyon nila nang tumayo si Hunter sa pagkakaupo nito sa rattan
chair, binitawan nito ang basong may lamang red wine at nagsalita.

"Teka, bakit hindi mo ako subukan Trev." Sabi nito, "Nakapagaral ako ng tatlong
buwan ng nursing aid." Anito.

"Tsss, palibhasa type mo yung trainor na si Pam kaya ka nagnursing aid."


Napapalatak na sabi ni Xien, nginisian lang ito ng binata, Graduate sa kursong
Biology si Hunter, he must be a Biologist kung hindi lang ito nag enjoy sa
pagmomodelo.

"Anyway, alam ko ang mga sintomas ng sakit dahil napag aralan namin yan, try me."
ani Hunter

"Sige, magtitiwala ako ngayon sayo." Sabi ni Trevor, lumapit ito kay Hunter at
naupo sa rattan na inupuan nito kanina.

"Okay, itaas mo ang t-shirt mo." Panimula ni Hunter, hinubad na ng tuluyan ni


Trevor ang suot na t-shirt.

"Sige, relax ka lang, huminga ka ng malalim." Sabi nito kay Trevor, nakita niyang
tutok na tutok na sa dalawa ang atensyon nilang lahat. Curious din sila sa
pinamamalas na galing ni Hunter.

Hinaplos nito ang likod ng kaibigan, "Umubo ka ng mahina, mahinang mahina lang."
anito pagkuwan ay itinapat pa ang tainga sa likod nito, sinunod naman ito ng
kaibigan, "Okay, umubo ka naman ng katamtaman, yung hindi mahina, hindi malakas,
yung sapat lang." sabi pa nito, maingat na umubo naman si Trevor.

"Tama ba yung ubo ko?" tanong nito kay Hunter

"Oo tama lang." seryosong sabi nito, muli nitong hinaplos ang likod ng kaibigan,
"Ngayon naman, umubo ka ng malakas, yung bigay todong ubo." Anito, bumuwelo pa si
Trevor at umubo ng malakas, inilayo ni Hunter ang tainga sa likod nito.

"Ano? Anong sakit ko?" tanong nito kay Hunter.

"Trev, may ubo ka." Sagot ni Hunter na mabilis na lumayo dito, sabay sabay silang
humagalpak ng tawanan nang buhatin ni Trevor ang inuupuang rattan chair, palibhasa
ay magaan lang iyon kaya naibato nito iyon kay Hunter.

"Buwisit ka! Puro ka kalokohan." pikong sabi ni Trevor,

"Uto uto ka rin kasi minsan." Komento ni Xien sa pagitan ng pagtawa.

Saglit pa silang nagtawanan hanggang sa agawin ni Yuan ang atensyon nila

"Nagtext sa'kin si Einar, nakauwi na raw siya, bukas nang hapon nandito na siya."
Anito

"Buti naman, wala akong kajamming sa kalokohan eh." Ani Hunter

"Tsss, pikon ka naman kapag naasar ni Einar." Komento ni Jared, nginisian lang ito
ni Hunter.

Ilang sandali pa silang nagkwentuhan, maya maya ay isa isang nagpaalam ang mga
kaibigan niya upang matulog.

"Sige, susunod na ako." Aniya kay Sky na huling nagpaalam sa kanya.

"Okay, mornight." Nakangiting sabi nito na tinapik pa ang balikat niya, tinanguan
lang niya ito.

Nang mawala ang mga kaibigan niya ay doon lang niya naramdaman ang katahimikan ng
gabi, maririnig lang niya ang paghampas ng alon sa labas at ang mahinang tunog na
nanggagaling sa kabilang rest house na may nagaganap na beach party.

Lumabas siya ng bahay, naglakad siya sa buhanginan habang malungkot na


pinagmamasdan ang karagatan at ang light house na nasa di kalayuan lamang.

Hindi niya akalain na magagawa pa niyang pumunta sa lugar na iyon, ang magandang
lugar na iyon na minsan nang naging paraiso para sa kanilang pamilya pero sa isang
iglap ay naging isang bangungot dahil sa kasalanan niya.

Nakuyom niya ang mga palad, "Carl, ano bang dapat kong gawin?" aniya habang
nakatingin sa light house.

"Reed?" a voice of a woman said, naagaw naman nito ang atensyon niya, nang balingan
niya upang sinuhin ito ay nakita niya si Eva.
Eva Gomez is still beautiful as she is, ang alam niya ay nagmo-modelo na rin ito
ngayon simula nang madisqualified ito noon sa beauty contest na sinalihan nito.
Nagawa niyang magustuhan ito noon pero hindi niya ito niligawan, minsan na rin niya
itong niyayang makipagdate but Eiren ruined their date.

"Bakit nag iisa ka?" tanong nito, saglit niya itong sinulyapan pagkuwan ay muling
ibinalik sa karagatan ang mga mata niya. "Mukhang may problema ka." Anito,
nagbuntong hininga lang siya.

"Wait, I'll be right back Reed, hintayin mo ako dito." Anito, hindi naman siya
sumagot, maya maya ay iniwanan na siya nito.

Nang makapag isa muli siya hindi niya alam kung bakit sumingit sa balintataw niya
si Eiren, that stubborn, brat girl.

She was the prettiest girl that ever existed, he really love to stare at her, he
love her fashions, his colorful nail arts, he love her orange, purple, blue, green,
blonde hair then but now he really love his red burgundy hair even more, he love
the way she smile at him, it seems her eyes were smiling too, he love the way she
look at him, he love when she's dancing and singing, he love when she's joking and
stalking. He loves her sweetness and her thoughtfulness, he loves when she's
pouting and stamping, when she graoned like a toddler, He loves the way she walks,
the way she talks and the way she laughs. He loves everything about her. He loves
Eiren.....

But he was coward to tell her his true feelings, he was scared...

Natatakot siya dahil minsan nang nawalan siya ng mahal sa buhay...sa kabilang banda
naman ay nakokonsyensya siya dahil kung aaminin niyang mahal niya si Eiren, parang
inagaw na niya ang lahat lahat kay Carl...Nakokonsyensya siya....

"Ano bang gagawin ko?" hirap na hirap na tinig niya.

"Reed..." boses iyon ni Eva, nang balingan muli niya ang babae ay nakita niyang may
bitbit na itong bote ng brandy. "I know this would help you." She said while
smiling, hinila siya nito at niyakag siyang maupo sa tuyong parte ng buhanginan.

Kahit gusto niyang makapag isa ay hindi na niya nagawa pang sabihin iyon sa babae,
nahila na siya nito.

####################################
CHAPTER THIRTEEN
####################################

Naalimpungatan si Eiren nang makarinig nang mahihinang boses at mga kaluskos mula
sa kabilang silid, bumangon siya dahil sa kuryusidad, dinampot niya ang cellphone
niya at sinulyapan kung anong oras na ng mga sandaling iyon, it was four in the
morning.

Ibinulsa niya ang cellphone at naglakad palabas ng silid, sisilipin niya kung anong
mayron sa silid ni Reed.
Baka gising na ang binata at ibang host men kaya nakakarinig siya ng ilang
mahihinang boses at kaluskos.

Walang anumang binuksan niya ang pinto nang silid ng binata subalit ganon na lamang
ang panggigilalas niya ng makita niyang may ibang babae itong kasama, she saw Eva
in Reed's room! Aktong naihiga na nito ang binata sa kama, mukhang lasing si Reed
at hindi nito alam ang ginagawa.

Kumulo ang dugo niya at nang usok ang ilong niya, sinasamantala nito ang kalasingan
ni Reed para maangkin nito ang binata.

"What do you think you're doing?!" nanlilit ang mga mata niya sa galit, nagulat
naman si Eva nang makita siya, mabilis itong humiwalay kay Reed at umayos nang
tayo.

Nilapitan niya ito at amoy alak din ang babae. Ang ibig sabihin, magdamag nag inom
ang dalawa at magkasama?!!! No! It can't be!

"Anong ginawa mo kay Reed?" asik niya, sinulyapan muna nito si Reed na halatang nag
aagaw na ang antok at pagkalasing.

"Well, marami lang naman kaming napagkwentuhan." Nakangising sabi nito nang
tumingin sa kanya, umahon lalo ang dugo niya sa ulo dahil sa panggigigil sa babae.

"How dare you?! H'wag mong malapit lapitan si Reed."

Tumaas ang isang kilay nito, "Bakit pag aari mo na ba si Reed?" tanong nito, saglit
siyang natigilan pagkuwan ay nilabanan din niya ng pagtaas ng kilay ang babae.

"Oo! He's mine! Only mine! He is my fiancé. Isaksak mo yan sa kukote mo!" aniya,
narinig niya ang pagak na pagtawa nito.

"Really? Kailan pa naging legal ang engagement ninyo? Don't tell me,
pinanghahawakan mo ang pangako ni Reed noon sa'yo." Sarkastikong sabi nito, "Ilan
taon ka nga ba noon? Limang taon? While Reed was twelve years old? What a child
promises..."

Hindi naman siya nakapagsalita, paano nito nalaman ang mga bagay na iyon?
Sinulyapan niya si Reed na tila mahimbing nang natutulog. Hindi nito alintana na
may nagaganap nang komosyon sa pagitan nila ni Eva.

"Hoy Eiren! Gumising ka nga! Matagal na panahon na yun, h'wag kang estupida! Kung
talagang may isip ka sana noon pa ay maayos ang relasyon ninyo ni Reed, hindi ka na
dapat niya iniiwasan pa, hindi ka na dapat nagpapakahirap na bumuntot buntot sa
kanya...dapat noon pa ay masaya na kayong dalawa." Anito habang taas noong
nakatingin sa kanya, "Isaksak mo din sa kukote mo na hindi kayo para sa isa't isa."
Dagdag nito na dinutdot pa ang noo niya.

Pinigilan niya ang mga luha niya, hindi niya kailangang magpaapekto kay Eva, alam
niyang sinisiraan lang siya nito dahil alam niyang malaki rin ang pagkagusto nito
kay Reed at isa pa, malaki ang galit nito sa kanya dahil sa minsan niyang pagsira
sa date nito kay Reed ay nadisqualified din ito sa beauty contest na dapat ay
kalahok ito.

She brushed off her fingers to her, matigas na tiningnan niya ito.

"Kahit anong sabihin mo, hinding hindi ko isusuko si Reed, ngayon pa na


nararamdaman kong malapit na niyang sabihin sakin ang totoong nararamdaman niya. Na
mahal din niya ako." Aniyang nakipagsukatan din ng tingin sa babae.

Muling tumawa ng pagak ang babae, "Really? kung ako sa'yo h'wag mo nang alamin pa
ang katotohanan dahil tiyak na masasaktan ka lang, Eiren." Anito, nakuyom niya ang
mga palad niya, ibig sabihin mas alam pa ng babaeng ito ang tunay na nararamdaman
ni Reed para sa kanya? How unfair?! Bakit?!

"Masasaktan? Anong ibig mong sabihin?" tanong niya, she grinned at her.

"Stop stalking Reed, mas makakabuti para sa'yo yan at para rin sa kanya." Anito,
maglalakad sana ito palabas ng pinto ng pigilan niya ito sa braso.

"Hindi ka lalabas sa kwartong to' nang hindi mo sinasabi sa'kin ang lahat." Matigas
ang tonong banta niya

"So you're threatening me huh?"

"Basta sabihin mo sa'kin ang nalalaman mo!!!!" malakas na sigaw niya na ikinaatras
nito, alam niyang hindi maganda ang maririnig niya kay Eva at ngayon pa lang ay
nagdurugo na ang puso niya pero kailangan niyang maging matapang, kailangan niyang
harapin ang takot na iyon.

"Sabihin mo sa'kin...sabihin mo na sa'kin ngayon na!"

Saglit na sinulyapan nito si Reed na tila naaalimpungatan na dahil sa ingay na


naririnig nito.

"Hindi si Reed ang batang nangako sa'yo noon, hindi siya ang nagsabing poprotekta
sa'yo, hindi siya ang nangakong pakakasalan ka...it's Reed's twin brother, si
Carl." Anito, she inhaled sharply, awtomatikong kumilos ang mga kamay niya at
nahablot niya ang buhok ng babae, kahit na matangkad ito sa kanya ay nagawa niyang
sabunutan ito, galit na galit siya dito at naibuhos niya sa buhok nito ang lahat ng
galit niya.

"Hindi totoo yan!!! Sinungaling!!! Sinungaling ka!!!" galit na sabi niya, napahiyaw
naman sa sakit si Eva, hindi nito magawang makapanlaban sa kanya dala na rin ng
nainom nito at dahil na rin hindi niya ito binibigyan ng pagkakataon na makaganti
sa kanya.

Samantalang naabutan sila na nasa ganoong akto nang isa isang pumasok sa silid ang
mga host men, alam niyang nagulat ang mga ito sa nasasaksihan.

"Oh shit! What's happening?" gulat na bulalas iyon ni Hunter

Saglit pang napatulala lang ang mga ito sa kanila, hindi siguro kaagad napaghandaan
ang mga gagawin.

"Eiren, stop that.." sabi ni Trevor na nagawang makalapit sa kanya at pilit na


inaalis ang mga kamay sa buhok ng babae.

"She's a liar Trev! I can't forgive her for telling lies!" gigil na sabi niya,
pinipigilan niya ang mga luha niya.

"Bitawan mo na si Eva, Eiren." Pakiusap nito, nakita naman niyang lumapit ang ibang
host men kay Reed na nagpipilit na makabangon.

"Damn! Wake up Reed.." ani Hunter

"He's drunk." Komento ni Kaizer


Sa kung saan naman ay bigla na lamang may tubig na bumuhos kay Reed, napabangon
naman ito bigla at nahulasan.

"What's going on?" he asked, tila nagulat ito nang makitang naroon ang mga kaibigan
nito.

"Look.." turo ni Yuan na may dalang balde at siyang nagbuhos ng tubig

Napatayo ito at mabilis na nakalapit sa kanila ni Eva.

"Damn! Let her go Eiren..." tiim bagang na sabi ni Reed, doon lang niya binitawan
ang babae.

Umiiyak na napahalukipkip na lang si Eva, "Are you okay Eva?" nag aalalang tanong
nito sa babae, she bit her lower lip to stop her tears to fall, mas nag aalala ito
sa babae kaysa sa kanya. Her heart was bleeding at that moment.

"Ano bang ginagawa mo Eiren? Hanggang ngayon ba naman ay napaka immature mo? Ang
sabi mo you're a grown-up woman now then act like one..." madilim ang anyong sabi
nito, nakuyom niya ang mga palad.

"Ano bang ginawa niyang kasalanan para gawin mo iyon sa kanya?" tanong nito

"Gumawa siya ng kwento...gumawa siya ng kwento para lumayo ako sa'yo." Sagot niya,
nakita niyang natigilan ito pagkuwan ay mabilis na tiningnan si Eva na umiiyak pa
rin.

"I'm sorry Reed...nasabi ko.." umiiyak na sabi nito

Nakita niya ang pagbuntong hininga ng binata, doon na siya pinanghinaan ng loob,
doon na nagumpisang mangilid ang mga luha niya.

"H'wag mong sabihing totoo ang mga sinabi niya?" tanong niya sa binata, hindi ito
umimik, nakatingin lang ito sa mukha niya, "Totoo ba Reed? Sabihin mo
sa'kin....totoo ba?"

Napayuko ang binata ngunit hindi pa rin nagsasalita, lumapit siya sa binata.

"Hindi ko kailangan ang mga pagbuntong hininga mo...hindi ko kailangan ang mga
pagyuko mo...magsalita ka Reed, totoo ba? Sabihin mo...totoo bang niloloko mo na
ako noon pa?!" nabasag na nang tuluyan ang boses niya, umiiyak na sa harap nito.

Itinaas nito ang mukha at nakita niya ang kalungkutan sa mukha nito, "Eiren...I
didn't mean to..."

Itinulak niya ito at pinigilan ang sasabihin, "Damn you Reed! Sabihin mo muna bago
ka humingi ng sorry!" umiiyak na sabi niya, "Sabihin mo kung totoong hindi ikaw ang
Reed na nakilala ko noon, yung Reed na nangakong poprotekta sa'kin, ang Reed na
prinsipe ko, ang Reed na pakakasalan ako..." umiiyak na sabi niya, nakita niya ang
pagkuyom ng mga palad nito.

"Yes!" sagot nito, parang pinagbagsakan siya ng langit at lupa, "Hindi ako yun,
hindi ako yun...Eiren..ang kakambal ko...siya ang totoong Reed na nangako
sa'yo...hindi ako..." tila hirap na hirap ang binata na sabihin ang mga salitang
iyon, nakita rin niya ang pamumula ng mga mata nito.

"Sinungaling ka! Alam kong nagsisinungaling ka rin!" galit na sabi niya, "Sabihin
mo na lang ang totoo sa'kin na hindi mo talaga ako kayang mahalin...na hindi mo
kayang tuparin ang pangako mo..na hindi mo ako kayang pakasalan!"

"Hindi ako nagsisinungaling Eiren..Erl Reed was my name before and Carl Reed was my
twin brother's name, may kakambal ako noon..." anito, tila may bikig sa lalamunan
nito nang muling magsalita, "But he died, ilang buwan pa lang ang nakakaraan noong
tumira kami sa pilipinas, he died because of me...he died here in Batanes...."
Nakita niya ang mga luha sa mga mata nito, umiiyak na umiling siya pagkuwan ay
malakas niya itong sinampal.

"Niloko mo ako! Matagal mo na akong niloloko!!" galit na sabi niya sa pagitan ng


pag iyak, muli niya itong sinampal, "I hate you Reed....I hate you!" sigaw niya
pagkuwan ay mabilis na lumabas ng silid nito, akma siyang susundan ni Trevor pero
pinigilan ito ni Yuan.

"She needs space Trev." Anito, nagtiim bagang na lang ito.

"I'm sorry Reed..." sabi ni Eva, lumuluhang tiningnan lang ito ni Reed,
wala siyang panahon para magalit dito, pinagkatiwalaan pa naman niya ito sa mga
sikreto niyang iyon, wala na siyang masabihan ng mga nararamdaman niya kaya nasabi
niya dito ang problema niya.

Lugong lugo na naupo siya sa gilid ng kama, nakaalis na rin si Eva at naiwan na
lamang ang mga kaibigan niya, naramdaman niya ang pagtapik ng mga ito sa balikat
niya.

"Dude, nandito kami na handang makinig sa problema mo." Sabi ni Yuan, naihilamos
niya ang mga kamay sa mukha, nakikita ng mga ito kung gaano siya kamiserable dahil
sa problema niya na matagal na rin niyang itinatago.

Matagal na niyang gustong sabihin sa mga ito ang mga lihim niya wala lang siyang
pagkakataon para ibukas iyon sa mga ito, ngayon siguro ang tamang oras para malaman
ng mga ito ang dinadala niya.

Ipinagtapat niya sa mga ito ang lahat lahat, ang tungkol sa kakambal niya, ang
tungkol sa aksidente at ang tungkol kay Eiren.

Walang tigil ang pag iyak ni Eiren, wala siyang pakealam kung kanina pa
siya tumatakbo at napapalayo ng husto sa ancestral house, ang gusto niya ay makapag
isa, ayaw niyang makita si Reed, ayaw niyang makita ang bulto nito, ayaw niyang
marinig ang boses nito, galit na galit siya dito at sa panloloko nito sa kanya.

Kung maaari lang na burahin ito sa aalala niya dahil sa sakit na idinulot nito sa
puso niya ay gagawin niya, her heart was contracting painfully, wala na yatang
sasakit doon.

Matagal siyang umasa, matagal niya itong minahal...yun pala hindi ito ang totoong
Reed...kaya pala...kaya pala hindi nito matandaan ang mga ipinangako nito noon sa
kanya...

Pero para saan ang mga pag aalala niya noon sa'kin? Anong ibig sabihin nang
pagseselos niya kay Ruki? Bakit niya ako hinalikan? Ang sutil niyang puso ay
umaasam pa rin na baka may dahilan ito.

Tumigil siya at dinukot ang cellphone sa bulsa ng skinny jeans niya, dinial niya
ang number ng auntie niya, gusto niyang iconfirm muna kung totoo ba na may kakambal
ito noon.

Saglit na nagring ang kabilang linya maya maya ay sumagot ito.

"Hello Eiren...mabuti at napatawag ka, kamusta? Inaalagaan ka ba ng mabuti ng anak


ko? sabihin mo sa'kin kung pinapabayaan ka niya dahil tiyak na malilintikan siya
sa'kin..." sabi nito, huminga muna siya ng malalim bago nagsalita, hindi sana nito
mahalata ang boses niya.

"Okay lang tita." Sagot niya

"Mabuti naman, inihabilin kasi kita kay Reed na siya muna ang humalili sa'kin, your
mom ask me to take care of you habang nagbabakasyon ka..kaya lang nandito naman
kami sa Thailand nang tito mo kaya si Reed ang pinakiusapan kong tumingin muna
sa'yo...mabuti naman at ginawa niya ang responsibilidad niyang alagaan at ingatan
ka.." anito, may isandamakmak na karayom yata ang tumusok sa puso niya at hindi na
naman napigilan ang mga luha ng marinig niya ang sinabi ng mommy ni Reed, so nag
assume lang ang puso ko na nag aalala siya sa'kin, na nagseselos siya kay
Ruki...for sure ang ginawa niyang paghalik sa'kin ay paraan lamang niya para
tumigil na ako....

Bakit ang sakit? Ang sakit sakit...

"Hello Eiren..nandyan ka pa ba?" nag aalalang tanong nito, pinahid niya ang mga
luha, ang kailangan niya ay ma-confirm ang isang bagay.

"Tita, may kakambal ba si Reed?" tanong niya pagkuwan, naramdaman niyang saglit
itong nawala sa kabilang linya, "Carl Reed...totoo bang Carl ang pangalan niya?"
tanong niya na nag uumpisa na namang lumuha.

"Eiren...how did you know about that?" tanong nito

"Kay Reed mismo." Aniya

"Oh my God..."

"Totoo ba tita?" ulit niya, narinig niya ang mahabang buntong hininga nito bago
nagsalita.

"Oo, si Carl Reed ang kakambal ni Reed." Anito, hindi na niya nagawa pang makinig
sa sasabihin nito dahil inioff na niya ang cellphone.

Parang tinakasan siya nang hinahon ng mga sandaling iyon, malakas siyang umiyak.
Iniiyak niya ang nararamdaman ng mga sandaling iyon, ang sakit at pait na lumulukob
ngayon sa puso niya.

Sumusungaw na ang liwanag pero wala pa rin tigil si Eiren sa kalalakad habang
umiiyak, gusto niyang kalimutan kahit sandali ang sakit na nadarama niya, kalimutan
na may nakilala siyang Reed, kalimutan ang mga panloloko nito sa kanya.

Mula sa likod nang bulsa niya ay kinuha niya ang maliit na bote na may lavender
flower sa loob, palagi niyang bitbit iyon, nagsisilbing inspirasyon kasi niya iyon.
Paanong umasa lang pala siya sa wala? Ang pangarap niyang prinsipe ay nagmistulang
witch para sa kanya, kinuha nito ang kaligayahan niya, ipinagkait nito ang happy
ending niya, nasira na pala ang pangakong iyon, matagal na...wala na palang
prinsipeng poprotekta sa kanya, wala nang lalaking pakakasalan siya...matagal na
pala iyong namatay...matagal na rin pala dapat namatay ang mga pangarap
niya...dapat ay hindi na humantong sa ganoong paraan ang lahat...hindi na dapat
siya nasasaktan kung ipinagtapat lang nito sa kanya ang lahat...si Reed...galit na
galit siya dito...kinamumuhian niya ito...

Hindi namalayan ni Eiren ang nilalakaran niya, hindi niya napansin na nakapasok na
siya sa mapunong parte nang lugar, hindi rin niya nakita ang mababang bangin na
dadaanan niya....

Hanggang sa isang malakas na sigaw na lang ang nagawa niya nang mahulog siya roon,
kasabay nang pagkahulog niya ay nabitawan niya ang mga hawak niya, nang sandaling
lumapag siya sa lupa ay kaagad na nawalan siya ng malay.

Samantala....isang bulto nang lalaki ang nakakita ng pangyayaring iyon...gumulong


pa sa paanan niya ang bote ng lavender na nabitawan ni Eiren....Curious na pinulot
iyon ng lalaki pagkuwan ay nilapitan ang walang malay na dalaga, bago niya binuhat
ang babae ay maingat na pinunasan muna nito ang mga luha sa pisngi ng dalaga.

####################################
CHAPTER FOURTEEN
####################################

"Hinanap na namin sa mga kalapit na rest house..wala talaga si Eiren." Sabi ni


Jared kasama nito si Kaizer.

"Nagtanong tanong na kami sa mga life guards na nakaduty pero hindi nila napansin
si Eiren." Sabi naman ni Trevor kasama nitong naghanap si Hunter.

Nakuyom niya ang mga palad, kasalanan niya iyon kung bakit hindi pa rin bumabalik
si Eiren, alam niyang masama pa rin ang loob nito sa kanya.

"Hindi pa bumabalik sina Xien at Sky, baka may magandang balita sila sa pagbabalik
nila." Sabi ni Yuan pagkuwan ay tinapik siya sa balikat, nagpunta na sila sa brgy.
Hall at humingi ng tulong upang hanapin si Eiren, ala una na ng hapon pero wala pa
rin doon si Eiren.

Nasa ancestral house na sila at nakakailang minuto pa lang na nakakaupo ay muli na


naman siyang tumayo, wala pa rin sina Xien at Sky, kahit na tila tinutusok ang
sintido niya dahil wala pa siyang tulog at dahil sa nainom na alak ay hindi niya
iyon ininda, walang laban ang sakit ng ulo niya kumpara sa kumikirot niyang puso
dahil sa mga nangyari.

Hindi rin niya kayang magpahinga nang hindi pa niya nahahanap si Eiren.

"Reed, kumain ka muna ng tanghalian." Nag aalalang sabi ni Jared, umiling siya.

"Kailangan ko siyang hanapin." Aniya, "Kasalanan ko kung bakit umabot sa ganito ang
lahat...hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Eiren."
Aniya, pagharap naman niya sa pintuan ay natigilan siya.

"What do you mean Reed? Where's my sister?" kunot noong tanong ni Einar nang
bumungad sa may pinto, mabilis na nagsilapitan ang mga kaibigan niya at pumagitna
sa kanila ni Einar.
"Damn! Where's my sister Reed?!" tiim bagang na tanong ni Einar, nararamdaman
nitong may hindi magandang nangyayari.

Hindi siya kumibo, paano ba niya sasabihin kay Einar ang lahat, alam nito ang
tungkol sa kakambal niya pero hindi nito alam na hindi siya ang batang nangako noon
sa kapatid nito, kundi ang kakambal mismo niya, paano niya sasabihin dito na mahal
niya ang kapatid nito pero nagawa na niyang lokohin ito. Paano pa magtitiwala sa
kanya ang kaibigan niya?

Hindi pa rin siya kumikibo kaya nakalapit na sa kanya ang lalaki at bigla na lamang
siyang sinuntok sa mukha.

"Reed...magsalita ka! Nasaan ang kapatid ko?" galit nang tanong nito, hindi na siya
nagtaka kung kanino nagmana si Eiren.

Mabilis naman itong pinigilan nina Hunter at Trevor, pumagitna naman sina Jared at
Kaizer.

"Relax Einar...Relax.." sabi ni Hunter na sinusubukang papaghinahon ang kaibigan.

"Paano ako magrerelax kung alam kong may problema palang naghihintay sa'kin dito?
Tapos ang kapatid ko pa pala ang involve." Asik nito, saglit niyang hinimas ang
pangang sinuntok nito. Masakit man iyon sa panga pero iyon lang ang nararapat sa
kanya, kulang pa nga iyon kumpara sa mga nagawa niya.

Hinawi niya sina Jared at Kaizer na nasa harapan niya, lumapit siya kay Einar at
tumingin sa mga mata nito.

"Later, I'll tell you everything Einar." Aniya pagkasabi ay mabilis siyang lumabas
nang ancestral house upang hanapin si Eiren.

Malayo layo na ang nalalakad niya at nakita na niya mula sa di kalayuan


sina Xien at Sky, pabalik na ito sa ancestral house.

Nang tuluyang makalapit ang mga ito sa kanya ay kaagad niyang tinanong ang mga ito.

"Anong balita?"

"May nakapansin kay Eiren na pumasok sa forestry." Ani Xien na tinuro ang mapunong
lugar.

"What? Nasaan na siya?" tanong niya, may ibinigay ito sa kanya.

"May nakausap kaming residente na nakatira malapit sa forestry, kaninang bandang


alas singko ay may narinig daw siyang malakas na sigaw ng babae mula sa loob ng
gubat. Pumasok kami ni Sky doon at chineck namin ang lugar pero ang cellphone na
lang ni Eiren ang nakita namin." Ani Xien

Humigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone, Damn! Kasalanan niya ang lahat ng
iyon!

Mga huni ng ibon at paghampas ng alon sa dalampasigan ang nagpagising


kay Eiren, iminulat niya ang mga mata at saglit na nakatitig lang sa kisame,
sinusubukan pa niyang iabsorb kung pamilyar ba siya sa lugar.
Inilibot niya ang paningin sa buong silid na iyon, kulay cream na kisame at
dingding lang ang nakikita niya, may ilang mga makabagong kagamitan na naroon din,
may malaking flat screen tv, may malaking built in cabinet, may isang set ng sofa,
may malaking wall painting sa tabi ng malaking bintana. Napakaganda ng silid na
iyon, napakalaki at napakaelegante niyon.

Bumangon siya at sinubukang kumilos subalit napangiwi siya ng kumirot ang ulo niya,
nahaplos niya ng di oras ang ulo niya, naramdaman niya ang telang nakapaikot doon.

Bumaling siya sa malaking tokador na may malaking salamin at nakita niya ang sarili
niya, may benda pala ang ulo niya, napansin din niya ang ilang gasgas sa pisngi
niya at sa mga braso.

Ano bang nangyari sa'kin? Nasaan ba ako?

Hindi naman iyon ang silid na inookupahan niya sa ancestral house na pagmamay ari
ni Yuan. Nasaan na nga pala ang host men?

Nasa ganon siyang pag iisip nang bumukas ang pinto, lihim siyang napanganga sa
bumungad sa kanyang paningin, saglit siyang nabato balani at nakatitig lang sa
matangkad at gwapong lalaking naglalakad palapit sa kanya, with his dashing looks
and oozing charm no wonder woman battled for his attention.

May matamis na ngiti ito sa mga labi habang nakatingin sa kanya.

"You're awake." His smile still in place, bahagya siyang napaigtad ng maingat
nitong hawakan ang isang braso niya na may gasgas at mataman iyong tiningnan.

"Tsk, masakit pa ba ang mga sugat mo?" tanong nito, saglit siyang natigilan, she
felt something weird, hindi naman niya ito kilala but she has this feeling na
ikinatutuwa ng puso niya, siguro dahil nakikita niya ang pag aalala sa mukha nito.

Napansin siguro nito ang pagtataka sa mga mata niya, the man with gray eyes smiled
at her.

"My name is Dustin. Dustin Ruiz." Pagpapakilala nito sa sarili, habang


isinasalaysay nito sa kanya kung paano siya napunta roon at kung bakit may mga
gasgas at sugat siya ay nakatitig lang siya sa gwapong mukha nito, he heart felt
happy by merely looking at him, if there's such a thing called love at first
sight...siguro ay iyon na iyon!

"You save my life, thanks Dustin." she said with a smile, saglit itong napatitig sa
kanya pagkuwan ay ngumiti.

"Anyway, ano bang ginagawa mo sa gubat?" curious na tanong nito, saglit niyang
inalala ang ginawa niya kahapon.

Teka, ano nga bang ginagawa niya sa gubat? Bakit siya nandoon?

Pilit niyang binalikan ang alaala subalit sumakit lang ang ulo niya.

"Hindi ko matandaan, hindi ko alam kung bakit ako nandoon." Aniya na nahaplos ang
sintido, nilapitan naman siya ni Dustin.

"Okay ka lang ba?" nag aalalang tanong nito, Eiren look at the man, nakangiting
tumango siya dito.

"Okay lang ako, medyo sumakit lang ang ulo ko." sagot niya, saglit siya nitong
pinag aralan pagkuwan ay nagsalita.
"Can I get the number of your close family or friends na pwedeng tawagan? Baka kasi
nag aalala na sila since kahapon ka pa hindi nakakabalik sa kanila." Anito, tumango
siya.

Ibinigay nito sa kanya ang cellphone nito at dumial siya ng numero, ibinigay naman
niya iyon pagkatapos.

"Kaninong number to?" tanong nito, saglit siyang nag isip, kanino nga bang number
iyon? Nakakapagtaka naman, Bakit iyon kaagad ang idinial niya? Pakiramdam niya ay
may sariling isip din ang mga kamay niya.

Umiling siya, "Hindi ko matandaan, papalitan ko na lang ng number ng kuya ko."


anito, nakangiting ibinigay muli nito ang cellphone at idinial niya ang number ng
kapatid niya.

"Einar Park ang pangalan niya." aniya, tumango ito at nakangiting nagsalita.

"Okay, I'll call him later para sabihing nandito ka." Anito

"Thank you Dustin." She said with her sweetest smile. Napakabait nito, hindi niya
maintindihan ang sarili kung bakit napakagaan kaagad ng loob niya dito.

"Just let me go Trevor." Tiim bagang na sabi ni Reed sa kaibigan nang


humarang ito sa pinto ng tangkain niyang lumabas ng bahay, hindi naman ito
natinag.

"Reed, magpahinga ka muna kahit sandali lang. Hindi ka pa natutulog simula pa


kahapon." Sabi naman ni Sky na nasa likuran niya.

"Hindi ka rin kumakain, baka ikaw naman ang magkasakit niyan." Sabad naman ni
Kaizer, marahas siyang nagbuntong hininga.

"How can I eat and rest kung nawawala pa rin si Eiren?" aniya na hinarap ang mga
ito, nakita niya ang nag aalalang kaibigan niya. "Kasalanan ko ang lahat ng ito
kaya wala akong karapatang magpahinga." Kuyom ang mga palad na sabi niya

"Hindi naman tumitigil sina Xien at Yuan na manghingi ng tulong kaya magpahinga ka
muna kahit sandali." Saad ni Jared na lumapit sa kanya at tapikin ang balikat niya.

Nagmatigas siya, pinilit niyang itulak si Trevor upang makalabas siya.

"No, I can't stand here and wait for help." He said impatiently

Humarang na rin si Hunter sa pintuan para hindi siya makadaan, alam niyang nag
aalala lang naman ang mga ito pero hindi niya kayang tumunganga na lang doon.

Paano kung may masama ng nangyari kay Eiren? Paano kung katulad ni Carl ay mawala
din ito sa kanya? No! Hindi na niya kakayanin iyon...baka mabaliw na siya ng
tuluyan.

"Godammit! Padaanin ninyo ako." madilim ang anyong sabi niya subalit hindi pa rin
ito tuminag, gumawa siya ng paraan para makalabas ng bahay, binuhat niya ang coffee
table at ibinato iyon sa bintana, nanggilalas ang mga kaibigan niya sa ginawa niya,
nang mabasag ang bintana ay mabilis siyang dumaan doon, hindi niya alintana ang mga
bubog na sumugat sa mga kamay niya.
"Oh shit! Reed.." bulalas ni Trevor

Nasa labas na siya nang pigilan siya ng mga kaibigan niya, apat na sa mga kaibigan
niya ang pumipigil sa kanya.

"Leave me alone. Just let me go." Asik niya sa mga kaibigan.

"Reed! Tumigil ka na!" narinig nilang sabi ni Einar mula sa likuran nila, kanina pa
ito tahimik lang na nakamata sa kanila.

Hindi na siguro nakatiis sa mga nangyayari kaya nakialam na rin, "Let him go."
Seryosong sabi nito sa mga kaibigan, binitawan naman siya ng mga ito nang makalapit
na ang binata.

Hindi niya naiwasan ang ginawa nitong pagsuntok sa kanya at dahil wala siyang lakas
ay diretso siyang natumba sa buhanginan.

Naipagtapat na niya dito ang lahat, nasabi na rin niya sa kaibigan ang tunay na
nararamdaman niya sa kapatid nito, siguro ay mas nagagalit ito ngayon sa
kanya..tanggap naman niya iyon kaya nga hindi siya mapanatag, nasira na ang tiwala
sa kanya ni Eiren pati ba naman ang matalik niyang kaibigan?

"I'm sorry Einar...hindi ko naman kagustuhan-" natigil ang sasabihin niya nang
makita niyang inilahad nito ang isang kamay, gulat na tiningnan niya ito.

"Alam kong hindi mo gusto ang mga nangyari, alam kong nag aalala ka rin sa kapatid
ko..." ani Einar, "Pero kailangan mo rin magpahinga Reed...." Anito

Hindi na niya napigilan ang emosyon niya, napakahina talaga niya pagdating sa
emosyon niya, nangilid na ang mga luha niya nang tanggapin niya ang kamay nito,
hinila siya nito upang makatayo siya.

Tinapik siya nito sa balikat niya pagkuwan ay inakbayan.

"Magpahinga ka muna kahit ilang oras Reed." Anito, tumango siya

Nakangiting tinapik naman siya sa balikat ng ibang kaibigan nila, "We will help you
to find Eiren.." sabi ni Hunter.

"Thanks..." aniya

Nagising si Reed sa tunog nang kanyang cellphone na nakapatong sa bed


side table, sinulyapan niya ang orasan at nakita niyang ala tres na ng hapon, kahit
papaano ay nakatulog siya ng anim na oras, bumangon siya sa kama at dinampot ang
cellphone subalit saglit niya iyong nabitawan dahil sa biglang pagkirot ng mga
sugat sa palad niya.

Malalim siyang nagbuntong hininga habang nakatitig lang sa mga sugat, naalala niya
si Eiren.

Kung totoong nahulog ito sa bangin, sigurado siyang may sugat ang makinis nitong
balat, baka umiiyak ang dalaga dahil kumikirot ang mga iyon ngayon.

Awtomatikong nakuyom niya ang mga palad kahit pa nga may mga sugat iyon, napangiwi
siya nang bumuka ang mga iyon.

"Damn!" bulong niya habang hinihipan ang kumikirot na sugat, naagaw ang atensyon
niya dahil tumutunog pa pala ang cellphone niya, bumangon na siya ng tuluyan sa
kama at dinampot ang cellphone, isang anonymous caller? Hindi siya pamilyar sa
numero subalit sinagot pa rin niya iyon.

"Hello, who's this?" kunot noong tanong niya, nakarinig siya ng lagaslas ng tubig
sa kabilang linya. "Hello? Bakit hindi ka magsalita?"

Tila saglit nitong pinapakinggan ang boses niya bago niya narinig ang boses nito.

"Hi, is this Einar Park?" tanong nito

"No, my name is Reed, sino to?" aniya

"I'm Dustin Ruiz." Sabi nito

"Anong kailangan mo?"

"Well, nasa poder ko ang taong hinahanap ninyo." Anito, sa sinabi nito ay naalarma
siya.

"What do you want? Don't hurt her! Damn you! Don't hurt Eiren!" his voice vibrated
in four walls, sa lakas ng boses niya ay napapasok sa silid niya ang mga kaibigan
niya.

"What happened, Reed?" Tanong ni Einar

"Calm down, Reed. Hindi ko sinaktan si Eiren, ang totoo ako ang tumulong sa kanya."
Sabi ng kausap niya, nakahinga naman siya ng maluwag nang marinig niya ang sinabi
nito.

"Where are your place?" he asked, pagkasabi nito ay nagpaalam na rin ito.

Nakita niyang naghihintay ang mga kaibigan niya sa sasabihin niya.

"May nakakita na kay Eiren, she's in Villa Ruiz." Aniya

"I know that place, malapit lang yun dito." Sabi ni Yuan.

####################################
CHAPTER FIFTEEN
####################################

Wala pang labing limang minuto ay narating ng host men ang Villa Ruiz, malaki at
malawak ang Villa na iyon, kaagad na pinagbuksan sila ng mataas na gate nang
dumating sila, tila inaasahan na ang pagdating nila roon.

Habang papasok ang sasakyan nila, kanina pa hindi mapuknat ang pag aalala ni Reed
para kay Eiren, gustong gusto na rin niyang makita ang dalaga, he wants to
apologize to her, for all the things he had done, alam niyang nasaktan niya ito ng
sobra.
Nakahanda na rin siyang magtapat dito, lahat lahat. Ang nakaraan pati na rin ang
totoong nararamdaman niya.

Lumakas ang loob niya dahil sa nangyari, hindi niya inaasahan na malaki ang nawala
sa pagkatao niya ng hindi niya maramdaman ang presensya ni Eiren, nang marinig niya
mula dito na kinamumuhian siya nito ay parang namatay ang puso niya lalo na ng
mawala pa ito.

Pakiramdam niya ay hindi niya kayang mabuhay ng wala ang dalaga, nagpapasalamat din
siya sa mga kaibigan niya dahil malaki ang naging tulong ng mga payo ng mga ito,
ang pagdamay sa problema niya ay isang malaking bagay para sa kanya kaya lalong
lumakas ang loob niya.

Naalala niya ang ilang mga payo ng mga kaibigan niya.

"Reed, past is past, you need to move on...kung mabubuhay kang nagsisisi habang
buhay hindi ka kailanman liligaya, oo nga't mahal mo si Eiren..hindi mo
mararamdaman ng lubos ang pag ibig na iyon kung hanggang ngayon ay nabubuhay ka pa
rin sa nakaraan mo." payo iyon ni Kaizer.

"Kasalanan mo man o hindi ang nangyari sa kapatid mo, sa tingin ko naman sapat na
ang ilang taong pagdadalamhati mo sa pagkamatay niya, mahal mo ang kakambal mo at
mahal ka rin niya, sa tingin ko matagal ka na niyang pinatawad." Ani Trevor

"No matter how hard life gets...moving on and letting go the past makes everything
happier...you have the right to be happy Reed, kalimutan mo na ang nakaraan at
isipin mo ang kasalukuyan. Mahalin mo si Eiren ng walang pag aalinlangan." Sabi
naman ni Sky

"Reed, kilala ko si Eiren, alam kong maiintindihan din niya ang lahat kung
sasabihin mo ang totoo,

Nang bumaba sina Reed at ang mga kaibigan niya sa van ay naagaw ang atensyon nila
sa isang matangkad na lalaki na lumabas sa main door ng malaking bahay.

Nang makalapit ito ay siya kaagad ang nagsalita.

"Where's Eiren?" seryosong tanong niya dito, saglit itong tumingin sa kanya
pagkuwan ay ngumiti.

"Reed Morgan?" nakangiting tanong ng lalaki, tumango siya.

"How did you know I'm Reed?" kunot noong tanong niya

"How can I not know you? You're my favorite car racer." Nakangiting sabi nito

Hindi na siya nagsalita pa, "I'm Dr. Dustin Ruiz." nang ilahad nito ang isang kamay
para makipagshake hands ay tinanggap naman niya iyon kaagad.

Nang tumingin siya sa mga mata nito napansin niya ang kulay ng mga mata nito, it's
the same color as him, hindi niya alam kung bakit may kakaiba siyang naramdaman.

May masamang kutob siya sa lalaking kaharap..

"How's my little sister?" sabad na ni Einar

"Her head injury was okay now, there's some bruises in her arms and other part of
her body pero hindi naman iyon malala, may napansin lang akong kakaiba sa kanya."
Anito
Kunot noong sumabad siya, "Anong kakaiba?"

Nagkibit balikat ang lalaki, "Hindi ko pa sigurado, kailangan ko pang ma confirm


kung tama ba ang napansin ko." sagot nito.

Niyakag na sila ng lalaki papasok sa loob ng bahay na iyon, habang naglalakad sila
ay ikinuwento ng doctor kung paano nito nakita si Eiren sa gubat.

"Thanks for saving my sister." Sabi ni Einar, may gusto sana siyang itanong sa
lalaki subalit hindi na niya naituloy nang tumigil ito at tumapat sa isang silid.

"She's here." Anito

Binuksan nito ang pinto at tumambad sa kanila ang nakatalikod na babae habang abala
sa pamimintana.

"Eiren!" tawag ni Einar na mabilis na nakalapit sa kapatid, nang bumaling ang


dalaga he felt a twinge of guilt, napansin kaagad niya ang benda sa ulo nito at
ilang mga gasgas sa mga braso.

Nakuyom niya ang mga palad dahil sa inis sa sarili, kung hindi dahil sa kanya ay
hindi magtatamo ng sugat at mga gasgas ang dalaga.

Pero nang makita niya ang masayang mukha nito nang makita sila ay gumaan ang
pakiramdam niya, that was Eiren he used to know, na sa kabila ng lahat ay nagagawa
pa rin nitong maging masaya at ngumiti. Pinigilan niya ang sariling lumapit dito,
iniipon pa niya ang lakas niya upang kausapin at humingi ng tawad dito. Sana ay
mapatawad siya nito...sana ay maipagtapat niya ng walang pag aalinlangan ang
nararamdaman niya...sana...

"Oppa!" nagliwanag ang mukha ni Eiren ng masilayan niya ang kuya Einar
niya, pakiramdam niya ay napakatagal na nilang hindi nagkita, nang makalapit ito ay
mabilis niya itong niyakap ng mahigpit.

"I miss you kuya!" aniya

"I miss you too! Pinag alala mo ako." Anito, mahina siyang tumawa

"I'm sorry, hindi ko na uulitin." Aniya, "Kamusta ang Singapore? May pasalubong ba
ako?" nakalabing paglalambing niya sa kapatid, nakangiting hinaplos nito ang buhok
niya.

"Oo naman, makakalimutan ba naman kita?" nakatawang sabi nito, muli niya itong
niyakap ng mahigpit pagkuwan ay humiwalay din, bumaling naman siya sa mga kasama
nito.

"Trev!" bulalas niya na nilapitan ang binata at mahigpit din itong niyakap, tumawa
naman ito

"Pinag alala mo kami ng husto Eiren." Anito, bumitaw siya rito upang tingnan isa
isa ang host men, nakita niya sina Yuan, Jared, Hunter, Kaizer, Xien at Sky.

"I'm sorry guys, sorry kung pinag alala ko kayo, ewan ko ba kung anong nasa isip ko
kung bakit ako pumasok sa gubat na iyon." hinging paumanhin niya sa mga ito,
natigilan siya nang mapansin niya ang isa pang lalaki, he was looking at her.
Sa paraan ng mga tingin nito ay nailang siya kaya binaling na uli niya ang atensyon
kay Trevor.

"Sa susunod itatali ka na namin para di ka na makawala." Ani Trevor, tumawa naman
siya

"Tss, para naman akong prinsesa kung ituring ninyo..." aniya, "But I like it
anyway..I love to be a princess..." biro niya.

"Oo nga pala, uuwi na ba tayo? Gusto ko munang makilala ninyo ang lalaking
nagligtas sa'kin." May ningning sa mga matang sabi niya.

Napansin naman niyang nagkatinginan ang mga ito pagkuwan ay sumulyap sa lalaking
may matitiim na titig. Dahil natahimik ang mga ito ay takang nagsalita siya, "Anong
problema?"

Nagsalita naman ang kuya Einar niya, "Eiren, alam ko kung anong dahilan ng
pagkakaaksidente mo, you're hurt because of what you've heard, kung nasasaktan ka
hanggang ngayon ipakita mo sa'min, you don't need to hide it or act as if you're
okay kahit na halatang halata naman na ayaw mo lang kaming mag alala sa'yo."
Seryosong sabi ng kuya niya, "Nandito rin si Reed para ipagtapat sa'yo ang lahat,
he's here to apologize to you and tell you everything." Anito pa na tinuro ang
lalaking may nakakailang na pagtitig.

She saw the man walking close to her, ewan niya kung para saan ang biglang pagyanig
ng puso niya nang makalapit ito habang hindi hinihiwalay ang mga tingin sa mga mata
niya.

He was tall and lean as Dustin, halos magkapareho lang ng level ang dalawa,
parehong gwapo at malakas ang dating at ang nakakatuwa pa ay parehong kulay gray
ang mga mata ng mga ito.

Napaigtad rin siya ng bahagya nang marahan nitong kunin ang mga kamay niya, when
she heard him talk, her heart started to beat so fast.

"Eiren I'm sorry, alam kong marami akong kasalanan sa'yo..." simula nito, isa isa
na ring naglalabasan ang mga host men para mabigyan sila ng pagkakataon nitong
makapag isa.

"Matagal ko na dapat ipinagtapat ang mga ito kaya lang natatakot ako...." Patuloy
nito habang nakatingin pa rin sa mga mata niya, ewan niya kung bakit imbis na
pakinggan ang mga sinasabi nito ay mas napo-focus ang mga mata niya sa bawat
pagbuka ng bibig nito, his eyes seems talking too! He was damn perfect! He's
undeniably handsome man....pero nalilito siya, sino ba ang lalaking kaharap niya?
Bakit hindi niya matandaan na nakilala niya ito? Bakit?

Dahil sa kalituhan ay bigla niyang binawi ang mga kamay dito.

"Wait! Oppa!" tawag niya sa kuya niya na palabas na sana ng pinto ng silid kasunod
ang ibang host men, bumaling naman ang mga ito sa kanya. "I don't understand...Sino
ba ang lalaking to?" nalilitong tanong niya.

There's an obvious shocking reaction in their faces, hindi rin niya tiyak kung tama
ba ang nakita niyang kalumbayan sa mga mata ng lalaking kaharap, kung bakit tila
nalungkot din siya ay hindi niya alam, bahagya siyang lumayo dito upang magkaroon
ng kapayapaan ang kanyang puso kahit papaano. Hindi kasi niya mapigilan ang malakas
na kabog ng dibdib niya.

"Eiren...anong sabi mo?" gulat na tanong ng kuya niya nang makalapit muli sa kanya.
"Ang sabi ko sino siya?" aniya

"Ano ka ba Eiren, si Reed pa ba ang makakalimutan mo?" ani Trevor na nakalapit na


rin

"Kilala ko ba siya? Hindi ko kasi maintindihan kung bakit hindi ko siya maalala."
Aniya, narinig niya ang mahinang pagtawa ni Hunter at umakbay na nagsalita.

"Nah, Eiren...I know you..kahit na hindi ka artista pang famas ang drama mo minsan
so stop acting like that dahil hindi na uubra yon lalo na sa'kin." Biro nito, she
pouted

"Nagsasabi ako ng totoo..." aniya na tumingin sa mga mata nito

"Don't tell me...." hindi natuloy ang sasabihin ni Hunter nang may magsalita sa may
pintuan.

"Excuse me to disturb you." Boses iyon ni Dustin, nang lumapit ito kasama ang isa
pang lalaki ay nagningning ang mga mata niya. "She has a follow up check up with
doctor Mayuga."

"Eiren has amnesia." Pagbabalita ni Dustin, ganon na lamang ang


reaksyon nilang lahat, lalo namang pinanghinaan ng loob si Reed sa narinig.
Pansamantala silang lumabas sa silid ni Eiren upang i-check up ito ng isa pang
doctor na kasama ni Dustin, nasa living room naman sila at doon nito sinabi ang
balita.

"Iyon ba yung sinabi mong iko-confirm mo?" tanong ni Einar, tahimik lang na
nakikinig si Reed, hindi pa rin niya matanggap ang mga nangyayari.

"Yes." Tipid na sagot nito

"Amnesia? Pero bakit kilala naman kaming lahat ni Eiren bakit si Reed lang ang
tanging nakalimutan niya?" tanong naman ni Hunter.

"Yes, maaaring ganon nga pero maraming form ang amnesia, yung kaso ni Eiren ang
tawag doon ay selective amnesia, dahil sa pagkakahulog niya sa bangin at
pagkakabarog ng ulo niya iyon ang naging epekto." Anito

"I don't understand, you mean pinili ng utak niya kung sino ang maalala lang niya
at kung sino ang kakalimutan niya?" komento naman ni Trevor

"Malamang ay ganon nga." Sagot pa nito

"Pero bakit? Bakit si Reed pa ang nakalimutan niya?" tanong naman ni Jared

"Well, I think there's a certain areas of her head are traumatized, maaaring bago
siya naaksidente ay may matindi siyang pinagdadaanan, pwedeng nagagalit siya kay
Reed ng mga sandaling iyon o pwedeng may hindi siya matanggap na isang bagay na
maaring natrauma ang isang bahagi ng utak niya." paliwanag nito

"Is that permanent? Maaari pa bang bumalik ang mga alaala niya?" hindi na niya
natiis na tanong

"Pwedeng oo, pwedeng hindi." Anito habang nakatingin sa mga mata niya, nakuyom niya
ang mga palad.
"Can you explain it clearly?" tiim bagang na sabi niya, hindi niya tiyak kung tama
ba ang nakita niyang pagngisi nito kaya lalo lang siyang nainis sa lalaki.
"Diretsuhin mo kasi ang tanong ko." asik niya, hindi na niya napigilan ang sarili
na ilabas ang nararamdamang inis sa lalaking doctor.

Naramdaman naman niya ang pagtapik sa balikat niya.

"Relax Reed." Mahinahong sabi ni Yuan, marahas na nagbuntong hininga siya

"I'm sorry." Aniya

"Pwedeng bumalik ang mga alaala niya tungkol sa'yo kung ikaw mismo ang magpapaalala
niyon sa kanya at pwede rin na maging habang buhay niyang makakalimutan ang mga
alaala ninyo kung ayaw niya mismong alalahin pa ang mga iyon." anito

"Thank you for taking care of my sister." ani Einar habang kinakamayan
ang lalaki

"Masaya akong tinulungan si Eiren." Nakangiting sabi nito habang nakatingin kay
Eiren, nasa tapat na sila ng sasakyan habang nagpapaalam sa lalaki.

May dinukot ito sa bulsa, "Here's my business card, call me if you need me." sabi
nito kay Einar pero mabilis iyong kinuha ni Eiren.

"Thanks Dustin, I owe you my life." aniya, nagulat ang mga ito nang yakapin ito ng
dalaga. "It's way of expressing my feelings especially when I'm grateful to
somebody, thanks again." She said with a smile, ginantihan ito ng ngiti ng lalaki.

Hindi nagtagal ay lulan na sila ng sasakyan pabalik sa ancestral house, nakangiting


nakatitig siya sa business card ni Dustin.

"Wow! He's a cardiologist." Bulalas ni Eiren, hindi naman niya napapansin na


tahimik na pinagmamasdan siya ng host men. "A handsome doctor." Kinikilig pang sabi
niya

"Tawagan ko kaya siya para makipagdate." Bulong niya, nagulat hindi lang siya kundi
pati ang ibang nakasakay sa van na iyon nang hablutin ni Reed ang business card na
hawak niya.

"Hey!" gulat na sabi niya, saglit siyang nailang sa seryosong mga titig nito.
"Bakit mo kinuha?"

"Isa-save ko lang ang number niya." anito na kinuha ang cellphone sa bulsa pagkuwan
ay ibinalik sa kanya.

Bigla ay may naalala siya, "Teka, yung cellphone ko pala?" tanong niya sa sarili,
napansin niyang may dinudukot muli sa bulsa ang binata, "I'll buy a brand new
cellphone, siguro nawala na iyon." kibit balikat na sabi niya pagkuwan ay ibinulsa
ang business card ni Dustin, nang bumaling siya sa katapat na binata ay nakita niya
ang kalumbayan sa mga mata nito, she felt something weird, iniiwas na lang niya ang
tingin sa labas ng bintana kaysa mailang na naman sa mga titig ng lalaki.

####################################
CHAPTER SIXTEEN
####################################

Lulan nang sasakyan ay ilang beses na sinulyapan ni Eiren ang lalaking may matitiim
na titig, tahimik itong nagda-drive pauwi sa bahay nito.

Hindi niya maintindihan kung bakit dito siya sumama at hindi sa kuya Einar niya,
ang sabi nito ay nasa bahay nito ang mga gamit niya dahil sa lugar nito siya
nagbabakasyon.

Pakiramdam din niya ay pinagkaisahan siya kanina ng host men, kung bakit kasi hindi
niya maalala kung sino si Reed sa buhay niya.

Ang sabi lang nina Trevor sa kanya ay malapit sa puso niya si Reed pero sa tingin
niya ay malabong mangyari iyon, pakiramdam kasi niya hindi niya magugustuhan ang
lalaki dahil napaka cold nito, mukha itong suplado at mahirap kausapin, at habang
tinitingnan niya ito ngayon ay hindi nga siya nagkakamali.

"May problema ba?" seryosong tanong nito na dagling sumulyap sa kanya, mabilis
tuloy niyang binawi ang tingin at namintana na lang.

She pouted, ni hindi niya nakikitang ngumiti ito.

"Naalala ko lang kasi kahapon, may gusto ka sanang sabihin sa'kin, hindi ba?"
aniya, "You look upset yesterday..sorry, hindi kita marecognize sa utak ko kaya
hindi na natuloy pa yung mga sasabihin mo." patuloy niya, napansin niyang tila
kumulimlim ang mukha nito.

"Ano nga ulit yung sasabihin mo?" tanong niya, he sighed.

"Saka na sa tamang panahon." Sagot nito, nagkibit balikat siya

Maya maya ay tumahimik muli sa loob ng sasakyan kaya hindi na siya nakatiis ulit na
magsalita.

"May girlfriend ka ba Reed?" tanong niya, she wants to make a conversation with
him, baka may maalala siya tungkol dito, muli ay dagling sulyap ang ginawa nito
pagkuwan ay sa pagmamaneho na ulit ang atensyon nito.

"I don't have girlfriend." Sagot nito, hindi naman siya naniwala.

"Really? As in? Bakit wala ka pang girlfriend?" gulat na tanong niya

Nagkibit balikat lang ito.

"Do you have a girl you like?" tanong niya, matagal din bago ito nagsalita.

"Yes." He said, saglit siyang natigilan pakiramdam kasi niya ay naapektuhan ang
isang bahagi ng pagkatao niya. weird...

"Really? Is she pretty?" she asked, naku-curious siya sa babaeng nagugustuhan nito.

Tumingin ito sa kanya, "She's the most beautiful girl in the world." He said.

Hindi na umimik pa si Eiren, she felt sad with no specific reasons.

Why do I feel so sad if there's nothing to be sad at all? Oh Eiren, you're so


weird...
Kanina pa tinititigan ni Reed ang mga litrato ni Eiren sa cellphone na pag aari
nito, balak na sana niya iyong ibigay sa dalaga noong isang araw subalit hindi na
niya iyon naisauli pa.

Ramdam niya ang malaking pagbabago kay Eiren dala ng naging epekto sa pagkakabagok
ng ulo nito matapos mahulog sa bangin.

Hindi na rin tuloy niya naipagtapat dito ang lahat pati ang totoong nararamdaman
niya pero hindi naman siya susuko kaagad, maghihintay siya hanggang sa manumbalik
ang mga alaala nito.

Gagawin din niya ang lahat upang maalala siya ng dalaga, masakit sa kanya na sa
dinami dami ng mabubura sa alaala nito bakit siya pa? Pero sa kabilang banda naman
ay wala naman siyang karapatang magreklamo dahil kasalanan din naman niya iyon.

Malungkot lang siya dahil umabot sa ganon ang lahat, kinamuhian siya nito dahil sa
kaduwagan niya, nilihim niya ang lahat, niloko niya ito.

Nagbuntong hininga siya at ipinatong sa bed side table ang cellphone ng dalaga
pagkuwan ay bumaba ng bahay, kahapon pa sila nakauwi galing Batanes.

Alas nuwebe na ng umaga, tinanghali siya ng gising dahil napuyat siya kagabi, hindi
kasi siya makatulog dahil sa matinding pag iisip.

Sa hagdanan pa lang ay nakita kaagad niya si Eiren habang nakatayo sa full length
mirror, bihis na bihis ito at mukhang paalis ang dalaga.

"Where are you going?" kunot noong tanong niya, kasalukuyang itinatali nito paitaas
ang mahabang buhok nang sulyapan siya nito mula sa salamin.

"Sa mall." Kaswal na sabi nito

"Ang aga nang pagmo-mall mo? Alas diyes pa ang bukas ng mall." Aniya

Sinulyapan nito ang wall clock, "Okay lang, magta-taxi naman ako kaya pagdating sa
mall ay eksaktong nagbubukas na sila." Anito

Saglit na pinagmasdan niya ang dalaga na ilang ulit pang nagpaikot ikot sa salamin
bago sinukbit ang bag.

"Aalis na ako." Anito

Nagulat si Eiren nang bigla siyang hawakan ni Reed sa braso niya, gulat na tumingin
siya sa binata.

"Nangako ako kay Einar na hangga't nasa pangangalaga kita ay hindi kita pababayaan,
sa tingin mo hahayaan kitang mag isa na magcommute lang?" seryosong sabi nito, she
bit her lower lip. Masyado palang istrikto si Reed, hindi iyon ang inaasahan niyang
makikita niyang ugali nito.

"I'm sorry, ang totoo natatakot din naman akong mag commute kaya lang nahihiya ako
sa'yo na hiramin ang sasakyan mo." aniya, nakita niya ang pagbuntong hininga nito.

"I'll get my keys." Anito, hindi naman nagtagal ay nakabalik din kaagad ang binata.

"I didn't expect na mabait ka pala at ipapahiram mo sa'kin ang sasakyan mo."
nakangiting sabi niya, nangunot naman ang noo nito.

"Sinong nagsabing ipahihiram ko sa'yo ang sasakyan ko?"

"Ha?"

"I'll come with you, sasamahan kita." Anito na nagpatiunang lumabas ng bahay,
saglit siyang napatulala lang habang nakatingin sa papalabas na lalaki. What's with
him?

Nagkibit balikat siyang naglakad na rin palabas ng bahay.

Sa mall ay bumili nang brand new cellphone si Eiren, dahil nawala ang cellphone
niya ay kailangan niya ng kapalit.

Hindi nagtagal ay nasa coffee shop sila, the Maid Café owned by Reika Gonzales,
Kaizer's fiancée, ilang beses na rin niyang nakilala ang babae dahil sa ilang
occasions ng host men, The place was really cute, the designs of the café was
alluring, masarap din ang mga pagkain sa café na iyon.

Habang nakikipagusap si Reed kay Kaizer na naroon din sa café ay sinamantala niya
iyon, kinuha niya sa bag niya ang bagong cellphone niya at ini-add sa contact niya
ang number ni Dustin, maya maya ay tinawagan na niya ang binata.

"Hello." Mula sa kabilang linya, naexcite siya nang marinig niya ang boses nito

"Hi Dustin." Aniya

"Eiren?" natuwa siya dahil nabosesan kaagad siya

"Yes."

Narinig niya ang mahinang pagtawa nito na gustong gusto niyang naririnig.

"Why? May problema ba?"

Umiling siya kahit hindi naman siya nito nakikita

"Wala naman, gusto ko lang marinig yung boses mo, atsaka number ko pala ito kaya
kung gusto mo akong kamustahin. Tawagan mo lang ako or itext." Aniya, she heard him
chuckled again.

"Oh sure!" sagot

May gusto sana siyang itanong dito nang maramdaman niya ang isang bulto sa
tagiliran niya, nang balingan niya ay nakita niya ang seryosong mukha ni Reed,
mabilis na ini-off niya ang cellphone.

"Kaya ba bumili ka ng bagong cellphone para kay Doctor Dustin?" he asked bluntly.

Napangiwi siya, pakiramdam niya ay mas matindi pa sa kuya Einar niya si Reed kung
magtanong sa kanya.

"Hindi naman, cellphone are necessity nowadays kaya normal lang na palitan ko
kaagad, baka kasi tumawag din sina mommy at daddy." Katwiran niya.

Naupo ito sa tapat niya, inabot ang tasa ng umuusok na kape at humigop, tahimik
nitong hiniwa ang chocolate cake pagkuwan ay isinubo iyon.
Darn...she like the way he drink his coffee..the way he ate his cake..so
handsome...

What the? Why do I feel this?

Lihim niyang ipinilig ang ulo pagkuwan ay tumayo.

"Where are you going?" he asked

"Sa comfort room." Sagot niya, hindi niya mawari kung bakit iba ang nararamdaman
niya sa tuwing kasama niya si Reed..hindi kaya malapit nga sa puso niya ang binata?

"Hindi ka ba aalis ngayon?" narinig niyang tanong ni Eiren, natigil ang


ginagawang pagba-vacuum ni Reed sa sasakyan niya ng hapong iyon, kanina pa niya
naririnig ang tanong na iyon ng dalaga. Tumayo siya sa pagkakahalukipkip at kunot
noong bumaling dito.

"Hindi." sagot niya

"Ah, okay." Anito na akmang tatalikod na nang magsalita siya.

"Kanina mo pa ako tinatanong kung aalis ako, bakit ba?" kunot noong tanong niya

"W-wala naman.." halatang may tinatago ito

Ang totoo ay may afternoon practice siya subalit dahil naku-curious siya dito ay sa
mga susunod na araw na lang siya magpapractice.

Nasa ganon silang pag uusap nang may sunod sunod na nag doorbell, napansin naman
niya ang kakaibang kilos ni Eiren.

Maglalakad sana siya para buksan ang gate subalit inunahan siya nito, takang
pinagmasdan na lang niya ang dalaga.

Pero ganon na lamang ang pagtagis nang mga bagang niya nang bumungad sa kanya ang
mukha ng isang lalaki.

"Dustin!" masayang bulalas ni Eiren, pinapasok nito ang lalaki.

Lalong nagdilim ang mukha niya nang makita niyang umabresyete pa ang dalaga sa
lalaki habang naglakad palapit sa kanya, Damn! Why she's always like that? She
doesn't need to be so close to that guy!

"Good afternoon Reed." Bati ni Dustin sa kanya, nakuyom niya ang mga palad.

"Why are you here?" halata sa tinig niya na ayaw niya sa presensya nito, nakita na
naman niya ang nakakainis na ngiti nito.

"Gusto ko lang kamustahin si Eiren, gusto ko ring malaman kung may development na
ba." Anito, tila may laman ang sinabi nito o masyado lang siyang naaapektuhan sa
nakikita niya kaya naiinis siya sa lalaki.

"Nakita mo na siguro kung anong sagot sa tanong mo.." seryosong sabi niya, "Kaya
makakaalis ka na." dagdag niya, Eiren pouted her lips na halatang hindi sumang ayon
sa sinabi niya.

"Reed naman...kadarating lang ni Dustin eh. Why don't we offer him atleast a cup of
coffee." Ani Eiren, marahas na nagbuntong hininga si Reed.

"Okay fine." Aniya, ganon na lamang ang labis na kasiyahan ng dalaga. Dammit!

Akmang maglalakad na ang mga ito papasok sa loob ng bahay nang hilahin niya ang
dalaga at ilayo sa lalaki, gulat na napatingin ang mga ito sa ginawa niya.

"Isara mo muna ang pinto ng gate." Walang kangiti ngiting saad niya, hindi naman
nagsalita ang dalaga subalit nakita niya ang disappointed sa ginawa niyang paglayo
niya sa mga ito.

Nang sumunod si Eiren upang isara ang gate ay binalingan niya si Dustin

"Eiren was just friendly and sweet to anyone, don't take as a big deal kung ano man
ang pinapakita niya sa'yo." Paalala niya sa lalaki, he grinned at him.

"You're jealous, are you?" he asked, nakuyom niya ang mga palad.

"It's none of your business."

Kanina pa hindi maipinta ang mukha ni Reed habang nakikinig sa kwentuhan nina Eiren
at Dustin, he looks so stupid, kahit kanina pa niya gustong umalis sa inuupuan niya
ay hindi niya magawa dahil gusto niyang makita ang ginagawa ng dalawa at marinig
niya ang pinaguusapan ng mga ito.

"Really? You graduated at Harvard University? That's cool!" Eiren said

"Yeah, my dad was a former Harvard Professor, he is a doctor also." Anito, hindi
niya napigilang mapasimangot. Tsss. You don't need to be so showy! Bastard!

"Wow! Where's your father? Can I meet him?" tanong ni Eiren, inabot niya ang tasa
ng kape sa center table, saglit na tumahimik ang lalaki pagkuwan ay nagsalita.

"He past away six months ago."

"Oh, I'm so sorry." Kaagad na paghingi ni Eiren ng sorry sa lalaki, tipid na


ngumiti naman ang lalaki.

"It's okay, nakamove on na ako sa pagkawala niya, hindi ako emosyonal na tao."
anito, hindi niya alam kung bakit ito tumingin sa kanya, "Emotions are the weakness
of the man. Kung magpapadala ka sa emosyon mo, lalo na sa kalungkutan mo o sa
pagkasawi mo, you either ruined your life or loses the one you loved." Anito

He was stunned, pinapatamaan ba siya nito o talagang pananaw lang iyon ng lalaki.

Nakuyom niya ang mga palad, hindi man siya kasing tatag nito sa mga pagsubok na
dumating sa buhay nito ay pinagsisisihan naman niya na nagpadala nga siya sa
emosyon niya.

Hindi na siya katulad ng dati, magiging matapang na siya na harapin ang lahat ng
problema pang darating sa buhay niya. ayaw niyang isakripisyo ang mga bagay sa
paligid niya lalo na ang mga mahal niya sa buhay kung magpapaapekto ulit siya sa
emosyon niya.

"What's your hobbies?" tanong ni Eiren, he really looks so interested with that
guy?! Damn! That wasn't good....he needs to make a move.

"Ah, I love playing basketball and car racing." Anito, muli itong tumingin sa
kanya, "I'm a big fan of Reed Morgan, the famous car racer." Nakangiting sabi nito,
"Madalas kong sinusubaybayan ang car racing niya dahil bilib na bilib ako sa husay
niya sa race track." Puri pa nito, imbis na matuwa siya sa mga compliments nito ay
iningusan lang niya ito.

"Ah talaga?" ani Eiren pagkuwan ay tumingin sa kanya, natigil naman ang paghigop
niya sa kape ng titigan siya nito.

"What?" tanong niya sa dalaga

"Nakapanood na ba ako ng mga laban mo, Reed?" tanong nito, may naaalala na ba siya
tungkol sa'kin? Shit! Then that's good news.

Tumango siya, "Maraming beses na, may naaalala ka na ba?" curious na tanong niya,
hiniling niya na sana ay may naaalala na ito.

Umiling ito, "Wala pa rin, naisip ko kasi na sinabi nina Trevor na madalas tayong
magkasama kaya malamang na nakakapanood na ako ng mga laban mo. Sabihin mo nga
Reed, isa rin ba ako sa mga tagahanga mo?" tanong nito, nalaglag naman ang balikat
niya, tumango lang siya subalit hindi nagsalita.

"Pareho pala tayo Dustin, fan din ako ni Reed, marami pala tayong mga gusto at
hindi gusto." Anito

"If that's so then we're meant to be." Biro ni Dustin, nagustuhan man iyon ni
Eiren..hindi siya..nag init yata ang dugo niya kaya nagboiling point iyon hanggang
sa tumaas sa warning level.

Akma nitong dadamputin ang kape sa center table nang sadyain niyang ugain ang
lamesa kaya tumapon iyon sa suot nitong pantalon.

Kaagad itong napatayo dahil sa mainit na kape, lihim na nagbunyi naman siya nang
magpaalam ito.

####################################
CHAPTER SEVENTEEN
####################################

Hindi mapalis ang ngiti sa mga labi ni Eiren habang nakikipagpalitan ng text
messages kay Dustin, ilang araw na rin niya itong katext at aaminin niya na unti
unti siyang napapalapit sa binata, hindi rin siya nabo-bore sa tuwing kausap ito sa
phone.

Pero lihim lang ang pakikipagtext niya sa binata dahil nang minsan na mahuli siya
ni Reed na kausap niya ito sa phone ay nagalit ito, tigilan daw niya ang
pakikipaglapit sa lalaking iyon dahil isa itong estranghero at hindi pa niya
gaanong nakikilala.

Hindi niya maintindihan kung bakit napaka bitter nito pagdating kay Dustin, mabait
naman si Dr. Ruiz, at crush niya ang lalaki, kaya kahit ilang beses siyang
pinagsabihan ni Reed na layuan ang binata ay hindi siya nakinig.

Nang araw na iyon ay nakaupo sa mahogany bench si Eiren, nagtatago siya roon dahil
katext niya si Dustin.

I'm ir at basket ball court with my frenz. Text iyon ni Dustin, kapag walang
ginagawa ang binata ay naglalaro ito ng sports kasama ang mga kaibigan nito.

Rily? I wnt to see u how 2 play basketball. Jreply naman niya

Haha! I'm not rily good at it, I'm just a benchwarmer. Sagot nito, natawa naman
siya sa reply nito. Sa tingin niya hindi pang substitute lang ang binata dahil sa
tindig nito at tikas tiyak niyang pang forward player ito.

Nakangiting tumitipa siya sa cellphone niya nang may tumikhim sa likuran niya,
gulat na napatingin siya dito.

Napatayo siya nang makita niya si Reed, mukhang paalis ang binata.

"Y-yes?" tanong niya dito at mabilis na ibinulsa ang cellphone.

"I'm going to the sports arena." Anito

"Ah okay, take care." Nakangiting sabi niya, napansin niya ang paglaglag ng balikat
nito, may iba pa ba itong inaasahang sasabihin niya? "Ah, umuwi ka ng maaga."
Dagdag niya.

Nagbuntong hininga ito na tila hobby na yata ng binata, "May problema ba?" takang
tanong niya

"Dati kasi....ah, nevermind." Anito, "Magbihis ka na lang."

"Bakit?" takang tanong niya

"Isasama kita, gagabihin ako sa pagpapratice ko kaya hindi ka pwedeng maiwan dito."
Anito, noong una ay pinilit niyang kaya niyang maiwang mag isa subalit giniit
nitong isasama siya sa ayaw at sa gusto niya kaya wala na siyang nagawa kundi
sumama dito.

Sa sports arena, nakaupo sa itaas na bleachers si Eiren habang sinusundan niya ang
mabilis na sport car ni Reed na paikot ikot sa race track, isang oras na itong
nagpapractice kasama ang ibang host men na sina Xien, Sky at Trevor na sport
buddies nito.

"Reed...Reed....Reed.." usal niya habang mag isang nakikipagpustahan sa sarili


niya, kahit nangunguna ang sasakyan ni Sky sa binata ay dito pa rin siya kampi,
ewan niya pero simula nang maupo siya doon at nagsimulang magkarera ang mga ito ay
pakiramdam niya ay matagal na siyang nanonood niyon.

Bigla ay may nagflashback sa alaala niya, kasabay ng harurot ng mga sasakyan ay ang
sigawan ng mga tao, nakita niya sa balintataw niya ang sarili na sumusigaw habang
tinatawag ang pangalan ni Reed.

Sandali lang iyon pero matinding pagkirot ng ulo ang narasanan niya ng pigilan niya
ang alaalang iyon.

Sinulyapan niya ang wrist watch, tumayo siya at lumabas ng sports arena.

Nagtext siya kay Dustin, she wants to see that man..


"Alam ba niya?" tanong ni Dustin, kilala naman niya kung sino ang tinutukoy nito.

Nasa isang mamahaling restaurant sila, doon siya dumiretso. Ilang saglit din siyang
naghintay dito bago ito dumating.

Umiling siya, "Kapag nalaman niya tiyak na hindi ako papayagan ni Reed." Aniya,
narinig niya ang mahinang pagtawa nito.

"Kapag nalaman niya na tinakasan mo siya tiyak na magwawala yun." Komento nito,
napasimangot siya.

"Why would he care? Masyado siyang istrikto, kung protektahan niya ako daig pa niya
ang daddy ko at ang kuya ko." reklamo niya

"Baka naman may gusto siya sa'yo." Muling komento niya, natawa naman siya sa sinabi
nito.

"Imposible yun!" Aniya

"Malay mo naman paraan lang niya iyon upang itago ang nararamdaman niya." anito,
nagkibit balikat na lang siya, Malabo kasing mangyari ang sinasabi nito.

Maya maya pa ay dumating na ang order nilang pagkain.

Eiren felt that Dustin was a nice guy, he was sweet and fun to be with lalo na in
person, marami sila nitong pagkakapareho, they were both like extreme sports, they
have the same favorite subject in highschool which is science, they both love
lizards and snakes, sa katunayan nga mayroon daw itong collection ng lizards sa
Villa Ruiz, hindi lang niya nakita samantalang siya, gusto man niyang magcollect ay
hindi siya pinayagan ng parents niya, noong minsan kasing magdala siya ng
nonpoisonous green snake sa bahay nila ay naghysterical ang mommy niya at
kamuntikan pang madala sa hospital, simula noon ay hanggang sa pet shop at zoo na
lang siya nakakahawak ng ahas.

Marami pa sila nitong pagkakapareho katulad nang paborito nilang pagkain, they love
chicken lollipop and sandwiches, they love apple juice, they love fried
noodles..They love milk candies.

Pati nga favorite movies at favorite color ay pareho sila, hindi niya alam kung
nagkataon lang pero para sa kanya ay isang senyales iyon.

Dustin was destined for her..pakiramdam niya ay nakalaan ito para sa kanya, ito na
siguro ang hinihintay niyang prinsipe niya.

Hindi niya alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob niya upang sabihin kay
Dustin ang nasa isip niya.

"Are we destined to each other?"

Natigil naman ang akmang pag inom nito ng tubig pagkuwan ay mahinang tumawa.

"Siguro nga..." sang ayon nito, natuwa naman siya dahil mukhang positive ang sagot
nito, ang ibig bang sabihin gusto rin siya nito?

"I think I like you." Prangkang sabi niya, saglit itong natigilan at napatitig sa
kanya, hindi siguro nito inaasahan ang maririnig mula sa kanya.

"I'm sorry for being frank but I'm just being honest to myself, hindi kasi ako yung
tipo ng babaeng pakipot pa sa nararamdaman niya..kung gusto ko ang lalaki then I'll
tell him what my true feelings is." Depensa niya sa sarili niya, baka kasi kung
anu-anong iniisip nito.

Amusement still written in his eyes, saglit pa itong nakatitig lang sa kanya
pagkuwan ay ngumiti.

"You know what? I'm being honest to myself too, I like you too and I really really
do like you." Anito, natutop naman niya ang bibig sa pagkagulat, Dustin likes me
too!

"So we're engaged now?" aniya, napanganga naman ito sa sinabi niya.

"What?" gulat na tanong niya.

"Doon din naman mapupunta yun, you will court me then I'll be your girlfriend then
after that you will propose a marriage to me then I'll say Yes..kaya bakit pa natin
patatagalin yun hindi ba?" nakangiting sabi niya.

Hindi na nito nakuha pang magsalita nang tumunog ang cellphone nito, saglit itong
nagpaalam sa kanya maya maya ay sinabi nitong may urgent meeting ito.

Hindi na siya nakaangal pa ng tawagin nito ang waiter at nagbayad ng bill,


pagkalabas nila ng restaurant ay inihatid na siya nito pauwi.

Alas otso na nang gabi nang makauwi siya, masayang masaya siya habang
umakyat ng bahay, ngayon lang yata siya naging masaya, her heart felt so much
happiness. Iba talaga ang dulot ni Dustin sa kanya sa tuwing makikita niya,
nakakaramdam siya ng kapayapaan sa loob niya, napakagaan ng loob niya lalo na kapag
nakatitig lang siya sa mga mata nito.

Pakiramdam kasi niya matagal na niya iyong tinititigan.

Habang tila idinuduyan ang pakiramdam niya paakyat sa silid niya ay biglang napalis
iyon nang mula sa pinakatuktok ng hagdan ay nakatayong nakasandal sa dingding si
Reed, mukhang kanina pa ito naghihintay sa kanya. Bigla siyang kinabahan, there was
a dark aura around him, mukhang hindi maganda ang mood nito.

"Where have you been? Hindi mo ba alam kung saan saan kita hinanap? I called you
twenty times, ni hindi mo man lang sinagot ang tawag ko." galit na sabi nito
subalit may halong pag aalala sa tinig nito.

"I'm sorry, nabore lang ako sa arena kanina." Paghingi niya ng sorry sa lalaki.

"Kung nabo-bore ka di sana sinabi mo sa'kin o nagpaalam ka kung saan ka pupunta."


tila isang prosecutor sa isang court room ang binata kung makapagtanong, she
inhaled sharply.

"I'm sorry." Aniya

"Saan ka pumunta?" walang kangiti ngiting tanong nito, she swallowed hard, ang
tindi talaga nito kung magalit.

"I had date with Dustin, nagdinner lang kami."

"Shit! That bastard again..." hindi nalingid sa pandinig niya ang sinabi nito.
"He's not bastard." Pagtatanggol niya kay Dustin, nakita niya ang pagkuyom ng mga
palad nito.

"Dustin is a stranger, bakit nakikipagdate ka kagaad sa kanya." Galit na sabi


nito.

"He's not a stanger, since he's my fiancé." aniya, nakita naman niya ang pagkagulat
sa mukha nito.

"Fiancé?"

"Yes, si Dustin, fiancé ko na siya, we're engaged now." Walang gatol na sabi niya.

"What? You got engage to someone you just met five days ago?" hindi makapaniwalang
tanong nito.

"I'll tell my parents and my brother about my engagement with Dustin, hihilingin ko
rin na magkaroon kami ng pormal na engagement party, siguro kailangan kong
paghandaan yun siguradong magte-trending yun sa Korea atsaka" Hindi niya
naipagpatuloy ang sasabihin ng pigilin nito ang sasabihin pa niya.

"Hang on! You mean to tell me you're engage to Dustin in a short period of time, ni
hindi pa nga kayo nagkakakilala ng matagal, kung tutuusin ngayon pa lang kayo
nagdate tapos sasabihin mong engage na kayo? What the heck?!" hindi maipinta ang
mukha nito habang tila inis na inis sa kung anong bagay.

Ngumiti siya, "May masama ba? We like each other and marami kaming pagkakapareho."
Paliwanag niya. "Hindi na kailangang patagalin pa iyon kung doon din naman iyon
papunta." Aniya, nagpatuloy siyang umakyat ng hagdanan, lalagpasan na sana niya ito
ng marahas na pigilan siya nito sa braso, kunot noong tiningnan naman niya ito.

"What's your problem?" asik niya, naiinis na kasi siya dito.

But the moment she looked at his eyes, she thought she was looking at Dustin's
eyes, pareho kasi ng kulay ng mga mata ng mga ito, ang kaibihan nga lang, kung
bakit tila mas malakas ang impact ng mga titig ni Reed sa kanya ay hindi niya alam,
parang laser beam ang mga iyon na unti unting nagpapalambot sa buong kalamnan niya.
Her heart beat so wild and fast too!

Darn! Here she goes again..Why do I feel this? What is the meaning of this feeling?

"Stop it." His voice was demanding, nangunot ang noo niya

"Stop what?"

"Stop being immature, hindi ba ang sabi mo you're a grown-up woman? Then act like
one Eiren!" he said with angry tone, bahagya siyang napaigtad sa malakas na boses
nito.

Pilit niyang inaalis ang kamay nito sa braso niya subalit masyado iyong mahigpit.

"Hindi ko matandaan na sinabi ko yun sa'yo." Aniya, sinabi nga ba niya iyon noon? I
don't remember....

Pero sinabi nga niya iyon o hindi...that's what she is, the real her...Immature
mang masasabi pero nagiging tapat lang siya sa nararamdaman niya, hindiniya iyon
pinagsisisihan.

"I liked Dustin, period." Aniya na marahas na binawi ang kamay dito, naiinis siya
dito at the same time ay sa sarili niya, kung bakit kasi ang laki ng epekto ng mga
titig nito sa kanya.

"And will you stop acting like that..Who do you think you are? My boyfriend?
Tsss.." inis na sabi niya, hindi na niya kayang makipagtitigan sa binata kaya
mabilis siyang nagtungo sa silid niya at isinara iyon.

Gustong manuntok ni Reed ng mga sandaling iyon subalit pinigilan niya ang sarili
niya, Damn that Dustin! Naiinis na siya sa lalaking iyon...nagseselos siya
dito...Kailangan niyang gumawa ng paraan para mawala ito sa buhay nila ni Eiren.

Sa tapat nang Fearless Investigative firm, inihimpil ni Reed ang sasakyan, kahit
kailan ay hindi niya inaasahan na hihingin niya ang tulong ni Xien.

Nagtuloy tuloy siya sa opisina ng binata, naabutan naman niyang seryosong nakatutok
ang atensyon ng kaibigan sa laptop.

Matapos ang tatlong araw nilang pagbabakasyon sa Batanes, mukhang bumalik ang
abalang buhay ni Xien Leighton. Isa itong kilalang detective at sila lang mga
kaibigan nito ang nakakaalam na dati itong FBI agent sa America.

Maraming beses na nanganib ang buhay nito bilang secret agent kaya isang beses na
nag agaw buhay ang kaibigan ay nagresign na ito dahil iyon din ang gusto ng pamilya
nito.

Magaling ito sa propesyon nito kaya may tiwala siyang magagawa nito ang ipagagawa
niya.

Nang mapansin nito ang pagdating niya ay nakangiting sinalubong siya nito.

"Reed!" anito na lumapit sa kanya at niyakap siya na tinapik pa ang likod niya,
ganon din ang ginawa niya, that's how they greeted each other.

Pinaupo siya nito sa cushion chair sa tapat ng desk table nito.

"What brought you here?" he asked, hindi na siya nagpaligoy ligoy pa sinabi niya
dito ang dahilan ng pagpunta niya sa opisina nito.

"I want you to investigate Dustin Ruiz, his real profile, his family background."
Aniya, hahanap siya ng butas sa lalaki, kailangang makakita siya ng hindi maganda
sa lalaking iyon para layuan ni Eiren. Hindi niya kayang ilayo si Eiren sa lalaki
dahil kilala niya ang dalaga, she was stubborn and willful, igigiit nito ang gusto
nito.

Ang Dustin na iyon ang kailangan niyang kausapin upang lumayo kay Eiren, kung
makakahanap siya ng butas sa pagkatao nito..iyon ang ipanlalaban niya.

"Okay, this is an easy task Reed." Ani Xien, ngumiti siya.

"I know, kaya nga ikaw ang pinuntahan ko." aniya

"I'll call you kapag nakakuha na ako ng complete information tungkol kay Dr. Dustin
Ruiz."

Sa Flower Boys Host Club, sa counter naka assign si Reed kasama niya roon si
Tanner, kanina pa ito abala sa pagmi-mixed ng drinks na orders ng mga female guests
nila samantalang siya ay nakaupong nakatingin sa stage habang nagpe-perform si Sky,
nakatutok man ang mga mata niya roon ay tagus-tagusan naman ang tingin niya.

His mind travel in time, hindi siya mapakali ng malaman niya mula kay Eiren na
gusto nito ang Dustin na iyon at ang nakakagulantang doon ay engage na raw ang
dalawa.

Gusto sana niyang makaharap ang lalaking iyon subalit hindi niya makontak ang
binatang doctor. May pakiramdam kasi siyang may kakaiba sa lalaking iyon, mukhang
marami itong lihim.

Ayaw niya rito dahil bukod sa naiinis siya sa biglang pagsulpot nito sa buhay nila
ni Eiren, inagaw pa nito ang atensyon ng dalaga na dapat ay sa kanya lamang.

Yes, selfish it may sound but he wants Eiren to look only to him, sanay siyang ang
buong atensyon nito ay sa kanya lamang, palagi itong nasa tabi niya...at miss na
miss na niya ang dating Eiren..miss na miss niya ang kakulitan at kadaldalan nito.

Kung bakit kasi napakaestupido niya! Dapat ay nagtapat na siya noon pa....Damn!
Stop blaming yourself again Reed...

Malalim na nagbuntong hininga siya, dahil sa malalim na pag iisip ay hindi niya
napansin na kanina pa siya kinakausap ng mga kaibigan niya.

Nagulat na lang siya ng tapikin siya sa balikat ni Tanner, nakangiting inginuso


naman nito ang harap niya.

He saw Trevor and Hunter in front of him, they were looking at him with disbelief
in his faces.

"Kanina pa kami nagsasalita dito." Ani Trevor.

"I'm sorry." Aniya, umupo si Hunter sa stool at ibinigay ang order nito kay Tanner,
kumilos naman si Tanner.

"How's Eiren." Tanong nito na nakapangalumbabang nakatingin sa kanya.

"She's engage now with Dustin." Labas sa ilong na sabi niya, ganon na lamang ang
reaksyon ng dalawa.

"What?!"ekseheradong tanong ng mga ito kasama na si Tanner na kasalukuyang


nagsasalin ng wine sa wine glass, hindi tuloy naiwasang mapatingin sa kanila ang
ibang tao sa host club dahil sa lakas ng boses ng mga ito.

Napansin niyang naglapitan na rin ang ibang kaibigan niya sa kanila at nakiusyoso.

"What happened?" halos sabay na tanong nina Jared at Vash.

Muli siyang nagbuntong hininga pagkuwan ay ikinuwento sa mga ito ang nangyari
kagabi.

Gaya ng inaasahan niya ay gulat na gulat ang mga ito.

"She's impossible woman!" sabay sabay na komento ng mga ito, kahit hindi siya
nagsalita ay sumang ayon siya sa mga ito.

"What's your plan?" tanong ni Yuan


Sinabi naman niya sa mga ito ang mga plano niya, nagkatinginan naman ang mga ito ng
sabihin niya.

"We will support you, Reed." Sabi ng mga ito.


####################################
CHAPTER EIGHTEEN
####################################

"Excuse me, you're in my way." Ani Eiren sa lalaking nakaharang sa daraanan niya,
seryosong tumingin ito sa kanya.

"And where are you going?" tanong ni Reed, simula nang gabing nagalit ito ay
pinilit niya itong iwasan subalit napapansin niyang nagiging makulit ang binata at
daig pa si Hitler kung bumatas sa kanya sa bahay na iyon, palagi itong nakatanong
ng kung saan siya pupunta o kung anong gagawin niya kaya naman lalo niya itong
kinaiinisan.

"Date with Dustin." Nakataas ang noong saad niya, gusto niyang ipaalam dito na
hindi siya nito kayang pigilan.

Pero imbis na magreact ito ay binigyan pa siya nito ng daan, nagtataka tuloy siya
sa binata.

Weird...he is weird...aniya habang naglalakad palabas ng bahay.

Nang may dumaan na taxi ay kaagad niya iyong pinara.

"Mister, sa Garden suite ako." Aniya sa driver ng taxi, doon sila magkikita ng
binata.

"Sige." Sabi nito.

Sinulyapan niya ang cellphone niya, may sampung minuto pa naman siya para
makarating sa date nila ni Dustin subalit hindi pa sila nakakalabas ng hi-way ay
bigla na lamang tumigil ang taxi.

"Anong problema?" tanong niya nang tumigil sa gilid ng kalsada ang sasakyan

"Sandali lang, iche-check ko lang ang battery ng sasakyan ko, baka tumirik tayo
eh." Anito pagkuwan ay lumabas.

Makalipas ang tatlong minuto ay binuksan niya ang bintana at tinawag ang driver.

"Have you done fixing your car manong?" tanong niya sa lalaki, doon lang niya
napansin na nakashades ang lalaki kahit gabing gabi na, naka baseball cap ito at
nakajacket na itim, kung titingnan niya mukhang hindi ito taxi driver kundi isang
matikas na modelo.

Wait a minute! He looks familiar?

"Manong!" tawag muli niya subalit hindi ito lumilingon, napansin niya ang head set
na nakasalpak sa tainga nito.

Bumaba na siya at akmang lalapitan ang lalaki nang kung saan ay may narinig siyang
boses.
"Watch out!" mula sa ilalim ng manhole, isang tubo ng tubig ang inaayos ng ilang
construction workers, bago pa niya iwasan iyon ay naitulak na siya ng malakas na
tubig na galing sa nabutas na tubo.

Kasabay ng pagtili niya ay bumagsak siya sa putikan, mabuti na lamang at hindi


gaanong matao sa lugar na iyon kundi ang mga ito lamang ang nakakita sa
nakakahiyang eksenang iyon.

"Kaasar naman!" gigil na sabi niya nang suyurin niya ang sarili niya at nakita
niyang basang basa siya at naputikan pa ang suot niyang puting bestida.

"Okay ka lang ba miss?" sabi ng isang lalaki

"Sa tingin mo okay lang ako?" asik niya dito, narinig niya ang mahinang
bungisngisan ng mga ito. "Laugh until you die!!!" gigil na sabi niya sa mga ito
pero lalo lang nagtawanan ang mga ito.

"Mga bwusit!" pikong sabi niya.

She check the time again but to her dismay her phone was black out, mukhang
napasukan din ito ng tubig

"Kainis..." gigil na nakuyom niya ang cellphone at akmang maglalakad na ng


magsalita ang lalaking taxi driver.

"Saan ka pupunta? Maaayos na itong sasakyan ko." anito, binalingan niya ito.

"Ipa-junk shop mo na yang bulok mong sasakyan! Peste!" hindi na niya napigilan na
ilabas ang matinding inis. Nagkibit balikat na lang ang lalaki at naglakad na siya
pabalik sa bahay.

Wala na rin siyang panahon para alamin pa kung sino ito, kailangan na niyang
makauwi upang makapagpalit ng bestida, kahit late siya sa date nila ni Dustin ay
pupunta pa rin siya.

Mabuti na lang pala at hindi pa sila nakakalayo, makakaya naman niyang lakarin
iyon.

Makalipas ang labing limang minutong paglalakad ay nakarating din sa bahay si


Eiren, nagtaka siya nang makitang walang tao sa loob ng bahay.

"Where is Reed?" takang tanong niya, nagkibit balikat siya at mabilis na nagtungo
sa kanyang silid upang magpalit ng bagong damit.

"You have a date?" Reed asked the man who was sitting at the corner of
the hotel restaurant, gulat na napatingin ito sa kanya subalit kaagad na nakabawi
ito at nakangiting sumagot.

"Yes, a date with special someone." He answered, lihim na nakuyom niya ang mga
palad.

Pilit na ngumiti siya at naupo sa katapat na upuan.

"Mukhang may date ka rin." Tanong naman nito na pinagmasdan ang suot niyang three
piece black suit.

"Yes, a date with my fiancée." Pinagdiinan niya ang huling sinabi, amusement was
written in his eyes.

"So you're engage with someone already? I thought you like Eiren." Anito

"I don't like her because I love her...Eiren is my fiancée so stop dating her." may
pagbabanta sa tinig niya, imbis na magulat ay lalong na amuse ang lalaki.

"Oh really? Eiren doesn't even know that she was your fiancée" may ngisi sa mga
labi nito, nagtiim bagang naman siya dahil sa tila pang aasar nito.

"For now yes but when her memory back again, maaalala rin niya ako, maalala niya
kung gaano ako ka espesyal sa buhay niya." may katiyakan sa tinig niya.

"Really? if you're really a special someone to her...bakit ikaw pa ang nawala sa


memory niya? Bakit ikaw pa ang nakalimutan niya in all people na pwede namang
mabura sa alaala niya?" tanong nito, natigilan naman siya, hindi siya kaagad
nakaimik. "Hindi kaya may nagawa kang kasalanan sa kanya? Hindi kaya nagsinungaling
ka o niloko mo siya?" curious na tanong nito

His jaws tighten, how this man knows about it? Damn! he is a mysterious jerk...

"It's none of your business, just stay away from her." muling pagbabanta niya sa
lalaki na hindi man lang naaapektuhan instead he grinned at him.

"What if I don't?"

"Anong sabi mo?" nagpanting ang mga tainga niya, sinusubukan talaga siya ng
lalaking ito.

"I like Eiren..and she likes me too..." kaswal na sabi nito, nag igting ang mga
bagang niya at sa init ng ulo niya ay tumayo siya at hinila ang kwelyuhan ng suot
nitong polo t-shirt.

"Damn you! She has amnesia at h'wag na h'wag mong gagamitin ang pagkakataong iyon
para agawin siya sa'kin." Galit na sabi niya, still the man looks calm and
reserved, ni hindi man lang natakot sa galit niya.

Ngumiti ito na nakataas ang isang sulok ng labi, pinalis ang kamay niya sa kwelyo
ng polo nito at nagsalita.

"How about this, why don't we play a game?"

Nangunot naman ang noo niya, "What game?"

"Getting Eiren.." kaswal na sabi nito, lalong uminit ang ulo niya sa sinabi nito.

"How dare you!" Asik niya sa doktor. "Eiren is not a toy."

"I know, Eiren is one of a kind woman, I like her and you love her..paano yun?
Gusto niya ako ngayon sabihin pang ikaw ang fiancé niya kaya lang, hindi ka niya
naalala ngayon. Mas mahalaga ang kasalukuyan, Reed. H'wag na h'wag mo ng ibabalik
pa ang nakaraan...past is past.." anito, tila may ibig itong sabihin sa huling
sinabi.

Past is past...yeah, sana mayroon din siyang ganoong pananaw noon...di sana matagal
na niyang nasabi kay Eiren kung gaano niya ito kamahal.

"Why, Mr. Morgan? You're scared? Natatakot kang matalo ko?" nakangising saad nito,
gustong gusto na niya itong suntukin kung hindi lang may mga taong panaka nakang
sumusulyap dahil sa namumuong tensyon sa pagitan nila ng lalaki.

"Hindi ako natatakot sa'yo, why should I?" asik niya

"So, pumapayag ka na sa laro natin?" tanong nito

Marahas na nagbuntong hininga siya.

"Hindi ko kailangan ng larong yan, dahil kahit anong mangyari, babalik ang alaala
niya at kapag nangyari ang araw na iyon...sisiguraduhin kong hinding hindi ko na
siya pakakawalan pa." matigas ang tonong sabi niya.

Nagkibit balikat ito, "That's what I want, confidence..." bulong nito na humangga
naman sa pandinig niya, inis na inis na siya sa lalaki.

"Stay away from her Dustin....I'll warning you...stay away from Eiren..."

"Ayoko..." pang aasar pa nito, hindi na niya napigilan ang nararamdaman kaya
mabilis na nilapitan muli ito at sa pagkakataong iyon ay nasuntok na niya ito sa
mukha.

Akmang susugod din ito sa kanya upang gumanti ng suntok ng maagaw ang atensyon nila
sa matandang babae na nakaupo sa katabing lamesa nila at bigla na lamang nag
collapse.

"Honey?! Help, someone help my honeypie! Inatake yata siya sa puso..." sabi ng mas
batang lalaking kasama nito.

Mabilis na pinuntahan iyon ni Dustin at tiningnan, maya maya pa ay binuhat nito ang
matandang babae at lumabas ng restaurant.

Ekseheradong nagbuntong hininga siya at inis na inayos ang suot na suit, naupo siya
sa upuan at tumawag ng waiter. Tila walang nangyaring kaguluhan nang umorder siya
ng pagkain para sa dalawang tao.

Halos kalahating oras ding late si Eiren nang makarating sa garden


suite kung saan sila magtatagpo ni Dustin, nakapagpalit na rin siya ng mas
magandang bestida, mabuti na rin pala ang nangyari kanina dahil mas magiging kaakit
akit siya sigurado sa paningin ng binata.

She wear mini black dress with red combination, she looks more elegant and
seductive grown-up woman.

Nang makapasok sa hotel restaurant ay kaagad na hinanap niya ang bulto ni Dustin,
napangiti siya nang mamataan naman niya ang binata na nasa dulong bahagi.

May ngiti sa mga labing nilapitan ang lalaki, tamang tama rin pala ang suot niya
dahil mukhang napaka pormal din nito sa suot na black suit. Bigla tuloy siyang
naexcite na matanaw ang kabuuan nito.

"Hi, sorry I'm late." Sabi niya nang maupo sa tapat na lamesa nito

Subalit ang ngiting nakapagkit sa mga labi niya ay napaltan ng bahagyang pag
nganga. Imbis kasi na si Dustin ang makita niya ay ibang lalaki ang bumungad sa mga
mata niya.

"Reed?" gulat na tanong niya, tila hindi naman ito nagulat sa pagdating niya,
ibinaba nito ang kopitang hawak.

"Yes, bakit mukhang gulat na gulat ka?" kaswal na tanong nito

"Bakit nandito ka?" tanong niya

"I have a date too, hindi lang naman ikaw ang may karapatang makipagdate hindi ba?"
walang kangiti ngiting saad nito

"Ah, oo nga.." aniya, nagpalinga linga siya upang hanapin ang bulto ni Dustin.

"Mukhang inindyan ka ng kasama mo." anito, hindi naman siya umimik, kinuha niya ang
cellphone sa bag, mabuti na lamang pala at nakuha sa pagpapahangin ang battery ng
cellphone niya kaya ng matuyo iyon ay nabuhay muli ang cellphone niya.

"Baka late lang din siya." Aniya, nagkibit balikat lang ang binata at sumimsim ng
wine sa kopitang hawak.

Tinawagan naman niya si Dustin, ganon na lamang ang paglaglag ng balikat niya ng
malaman niyang nasa ospital ito at may pasyenteng inaasikaso.

"He's not coming..sayang naman itong sinuot ko." himutok niya, nakita naman niyang
pinagmasdan ni Reed ang kabuuan niya pagkuwan ay tumitig sa mukha niya.

Kung bakit nailang siya bigla sa binata ay hindi niya alam, balak na niyang tumayo
upang umuwi ng magsalita ito.

"Stay." Anito

"Ha?" gulat na sabi niya

"I said stay with me."

Pakiramdam niya ay lumukso yata ang puso niya sa sinabi nito, hindi naman niya alam
kung bakit.

"P-pero diba may kadate ka din?" aniya

"Mukhang di na rin siya dadating eh." Anito, "Nandito na rin naman tayo di sabay na
tayong umuwi pagkatapos nating magdinner." Dagdag nito, may punto naman ito tutal
sa iisang bahay naman sila uuwi at gutom na rin siya kaya pumayag na rin siya.

"Okay." Aniya

Nang sumenyas ang binata ay ilang saglit lang ay dumating na ang mga pagkain, maya
maya pa ay sabay na silang kumakain.

Kahit gusto niyang makipagkwentuhan sa binata ay tila naumid yata ang dila niya,
masyado itong pormal ng gabing iyon, kanina pa rin hindi tumatahimik ang malakas na
dagundong ng puso niya dahil sa mga titig ni Reed sa mukha niya kaya baka
magkandabulol lang siya kung magsasalita siya.

Kaya naman nagulat siya nang magsalita ito.

"Eiren, hindi mo pa rin ba ako naalala?" tanong nito, uminom muna siya ng tubig
bago umiling.

"Hindi pa, pinipilit kitang maalala pero sumasakit lang ang ulo ko." sagot niya
"If you want, I'll help you to bring back your memory." Seryosong sabi nito, nang
minsang pang matitigan niya ang mga mata ni Reed ay parang sumabog yata ang puso
niya, sumabog sa sobrang saya...hindi pa rin niya alam kung bakit..

Tila kilala ng puso niya si Reed kaysa sa isip niya? pinilit niyang magpakanormal
sa harap nito kahit na halos malunod siya sa mga titig nito.

"I-if that's what you want." Sabi niya na pinagpatuloy ang pagkain.

"Thanks by the way you look gorgeous tonight." Puri nito sa kanya, ramdam niya ang
pag iinit ng pisngi niya. Nagustuhan niya ang compliment nito sa kanya.

"Good night, Eiren." Sabi ni Reed nang ihatid siya nito sa silid niya,
nakangiting tumango siya.

"Good night, Reed." Sagot niya, nasorpresa siya nang lapitan siya nito at halikan
sa tuktok ng ulo.

"Sweet dreams." Nakangiting sabi nito.

Eiren stood still, wala pa rin siyang kagalaw galaw sa kintatayuan niya kahit pa
nga kanina pa nagpaalam si Reed at nagtungo na rin sa sarili nitong silid. Hindi
kasi niya maipaliwanag ang kakaibang saya ng gabing iyon.

She can't believe that Reed was really a sweet man, hindi pala ito cold man na
iniisip niya, bakit parang nagbabago ang pakikitungo nito sa kanya, bakit parang
mas nagiging intimate na ito sa kanya.

Hindi kaya bago ito mawala sa alaala niya ay may nakaraan sila ni Reed? Mahal din
kaya niya ito? Nahaplos niya ang dibdib niya dahil hindi pa rin iyon tumitigil sa
malakas na pagtahip.

####################################
CHAPTER NINETEEN
####################################

Sa Happines bar....

"Kampai!" nakangiting sabi ni Trevor na itinaas ang kopitang hawak.

"Kampai!" sabay sabay na wika ng host men at pinag untog ang mga kopitang hawak,
sabay sabay din nilang nilagok ang lamang wine niyon.

"Thanks guys for helping me." ani Reed sa mga kaibigan.

"What friends are for?" ani Hunter, tinapik niya ito sa balikat dahil napakagaling
nitong artista, ito ang madalas maging main actor nila sa tuwing sisirain nila ang
date ni Eiren kay Dustin.

Isang linggo na rin ang nakakalipas noong umpisahan nilang sirain ang date ng mga
ito at ang mga sumunod pang mga araw. Hindi niya hinahayaang magtagpo ang dalawa.
"Natatawa ako sa sitwasyon ninyo ni Eiren, she's the one who used to ruined your
dates tapos biglang nagbago ang mundo at ikaw na ngayon ang humahadlang sa mga
dates niya kay Dr. Ruiz." Natatawang komento ni Jared, nagkibit balikat siya.

"Yeah, I remember the first time I've become the taxi driver, oh man! Mabuti na
lang at timing ang pagbutas ninyo ng tubo ng nawasa kaya hindi siya nakalapit
sa'kin." Natatawang sabi ni Tanner, sinegundahan naman ito ng pagtawa ni Sky.

"Dalawa pa nga kaming nagtulong ni Kaizer sa pagbutas ng tubo." Anito

"Yeah, pagkatapos niyon naimbithan tuloy kami sa presinto dahil sa kasong damage to
property." Naiiling na saad ni Kaizer.

"At buti na lang din at maraming kaibigang pulis itong si Xien." Natatawang sabad
ni Trevor na kasama sa gumanap na construction worker.

"Well, nagawa na rin naman natin yun dati, five years ago hindi ba?" sabi ni Yuan

Naalala tuloy niya iyong panahong nag group message si Einar, kailangan daw nito ng
tulong ng flower boys, kasalukuyang may practice game siya noon at dalawang araw na
lang ay may international race event siyang sasalihan. Nagawa niyang iwanan iyon ng
malaman niyang nakikipagdate si Eiren sa iba. Hindi man niya aminin noon pero
naapektuhan siya, naalarma siya ng sobra.

Iyon ang unang beses na sinabotahe nila ang date nito, tuluyan na rin niyang
dinispatsa sa buhay nito ang James na iyon. Dahil kamag anak ni Vash ang principal
ng exclusive school na pinapasukan ng mga ito ay gumawa sila ng paraan para
mailipat sa ibang school ang binatilyo, kahit hindi ito pasado para maging exchange
student ay ginawan nila ng paraan.

Ayun dalawang araw pa lang ang nakakaraan ay lumipad na ito papuntang Taiwan para
doon mag aral. Hindi na muli ito napakita pa kay Eiren.

"It's good to have a lots of connections." Biro ni Jared, sinang ayunan iyon ng mga
kaibigan.

"Pero wala nang gagaling pa sa best actor natin." Sabat ni Vash na siniko si
Hunter, ngumisi lang ang binata. Si Hunter ang lalaking kasama ng matandang babae
na nag collapse kunwari at inatake sa puso.

"Tss, honeypie ha? Saan mo naman napulot ang matronang yun?" tanong ni Trevor

"Madalas ko siyang guest sa host club, favorite niya akong host guy kaya naman
ginamit ko yun para pakiusapan siyang makisakay sa drama natin since pa extra-extra
rin siya sa showbiz." Ani Hunter.

Sa minsan pa nilang pagsira sa date ni Eiren at Dustin ay noong harangin ng mga ito
ang sasakyan ni Dustin, nagdisguise ang mga kaibigan na kunwa'y taga ibang bansa at
naliligaw sa pupuntahan, at habang binibigyan nito ng instruction mga dayuhan kuno
ay lihim na binubutas na nina Hunter at Einar ang dalawang gulong nito samantalang
siya ay prente nang naghihintay sa coffee shop kung saan magtatagpo ang dalawa, ang
ending tuloy ay silang dalawa ni Eiren ang magkasamang nagkape at sabay na umuwi.

Iyon namang nagbalak na mag mountain hiking ang mga ito ay nag isip niya ng dahilan
kung paanong hindi makakasama ang dalaga, kaya naman sinakripisyo niya ang sarili
upang hindi matuloy ang hiking date ng mga ito. Binigyan siya ni Vash ng gamot para
sa pagpapainit ng katawan, magkukunwari siyang may sakit pero ang hudas na si
Hunter ay pinaltan pala ang gamot ng combantrin, hindi nga nakasama ang dalaga at
imbis na nakahiga lang siya maghapon at inaalagaan nito, iyon tuloy at buong araw
siya sa loob ng banyo at buong araw ding sinumpa ang gagong kaibigan..pampurga pala
ang nainom niya.

Gagawin niya ang lahat para hindi magkaroon ng pagkakataon ang Dustin na iyon para
mailayo sa kanya si Eiren.

"Bakit hindi mo na lang kasi aminin kay Eiren kung ano ang relasyon ninyo noon?"
komento ni Xien.

"Oo, hindi yung nagpapakahirap ka at nagmumukhang tanga para maalala ka niya." ani
Hunter, sumimsim muna siya ng wine sa kopitang hawak bago nagsalita.

"Naghintay ng matagal na panahon si Eiren para ipagtapat ko ang totoong


nararamdaman ko, nagpakahirap siya para kumbinsihin akong fiancée ko siya at siya
ang pakakasalan ko noon, nagmukha siyang tanga noon sa kabubuntot at kasusunod
sa'kin kahit na tinataboy ko siya. Tiniis niyang masaktan noon sa tuwing sasabihin
kong tigilan na niya ang ginagawa niya, na naiinis ako sa tuwing kinakausap niya
ako, na nasisira ang araw ko kapag nakikita ko siya, na naiirita ako sa presensya
niya...pero nanindigan siya sa nararamdaman niya, pinanghawakan niyang tutuparin ko
kung anong ipinangako noon sa kanya ni Carl, lalo lang akong nahihirapan noon,
kahit na gustong gusto ko ng sabihin na hindi ako ang nangako ng kasal sa kanya
pero natakot naman akong umiwas siya...Damn! God knows how happy I am when she's
near me, kabaligtaran noon ang pinapakita ko sa kanya, hindi niya alam kung gaano
ko siya kagusto..kaya hindi ko alam ang gagawin ko noon..kaya umabot din ng
ganitong katagal ang lahat, pagkatapos ay ito pa ang nangyari." nahihirapang sabi
niya, nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga, "Paano ko pa ipagtatapat ang
lahat? Paano ko pa sasabihin sa kanya iyon ngayon na wala siyang naaalala? Baka
malito lang siya, Oo handa kong sabihin sa kanya iyon noon, noong alam kong hindi
pa ako nabubura sa alaala niya, noon kahit na alam kong magagalit siya atleast
makakahingi ako ng sorry sa kanya, alam ko sa puso niya ay mapapatawad niya
ako..pero paano ngayon? Ngayong ni pangalan ko ay hindi niya maalala?"

"For now, magtitiis din muna ako, handa akong magmukhang tanga para patunayan sa
kanya ang totoong nararamdaman ko, ipapaalala ko sa kanya isa isa ang lahat ng
nakaraan, ipapakita ko rin sa kanya yung pagkakataong pinagsisihan ko noon, noong
hindi ko mailabas ang totoong nararamdaman ko." aniya

Tahimik namang nakikinig habang nakamata sa kanya ang mga kaibigan, ramdam niya ang
pagsuporta ng mga ito sa kanya.

"Gagawin ko ang lahat ng paraan para malaman niyang nagsisisi ako noon, na dapat
pala sinabi ko na ang katotohanan, na dapat pala sinabi ko na sa kanya noon kung
sino talaga ako, dapat pala sinabi ko na noon pa na mahal ko siya."

Kapag nanumbalik na ang alaala ni Eiren, sasabihin na talaga niya sa dalaga kung
anong tunay niyang nararamdaman, sasabihin na niya dito kung gaano niya ito
kamahal.

"Here, it's done." Sabi ni Reed, isang hapon iyon at balak sana niyang
kumain sa labas upang magmerienda subalit nagtaka si Eiren nang hilahin siya ng
binata patungo sa kitchen, halos kalahating oras din niya itong pinapanood habang
abala ito sa pagluluto.

"What's this?" takang tanong niya nang ihain nito sa kanya ang katatapos lang na
pasta.
"This is our favorite food, gustong gusto mo ang pasta na niluto ko noon kahit na
napaalat iyon..but don't worry this time, tiniyak kong masarap yan." Nakangiting
sabi nito.

Crap! Why he looks so dashingly attractive in his plain black apron with matching
smile in his face.

He help her to put pasta in her plates, binigyan din siya nito ng lemon juice,
kulang na lang ay subuan siya ng binata sa sobrang pag aasikaso nito.

"Thanks." Tipid na ngumiti siya, he smiled at him.

Nang magsimula siyang kumain ay naupo ito sa tapat niya, nagsisimula na siyang mag
enjoy sa kinakain niya subalit nang sulyapan niya ang binata ay kamuntikan na
siyang mabulunan, paano'y nakapangalumbaba itong nakatitig sa kanya. Pinag aaralan
yata pati pagbuka ng bibig niya at pagnguya niya ng pagkain.

"Are you okay?" nag aalalang tanong nito pagkatapos ay inabutan siya ng baso ng
juice.

"Y-yeah." Nauubo pang sagot niya.

"So what can you say? Masarap ba?" tanong nito pagkuwan

"Matabang." Kaswal na sagot niya

"Ganon ba? I thought I make this one perfect, mukhang sumablay ako." Nakangiwing
sabi nito habang nahimas ang batok, he looks disappointed.

Lihim na napangiti siya, he find him cute. Ang totoo ay masarap naman ang pasta na
niluto nito.

Halos naubos nga niya ang laman ng plato niya at balak niyang umulit uli.

Binigay niya ang plato dito, laglag ang balikat na tinanggap nito iyon.

"One more pasta please." Nakangiting sabi niya, nagulat naman ito. "Ang totoo,
masarap, I like it" aniya, ngumiti na ito.

"Ayaw mong kumain?" tanong niya sa binata habang ngumunguya.

Ganon na lamang ang pagrigodon ng puso niya nang makita niyang nakatitig na naman
ito sa kanya, kung bakit kasi may dulot na kakaibang damdamin sa kanya ang matitiim
nitong mga titig.

"Masarap ba talaga?" tanong nito na hindi hinihiwalayan ang mga mata niya.

She nodded, breathing hard, "Y-yes."

His gray eyes seems up to something, parang may mga bagay iyong sinasabi sa kanya
na hindi masabi mismo ng binata.

His eyes scanned to her face, tila mine-memorize nito ang bawat detalye ng mukha
niya, lalong nagkagulo ang buong nervous system niya nang makita niyang nakatitig
na ito sa mga labi niya.

She swallowed hard, is he going to kiss me? Crap! Why do I feel so excited?

Bahagya siyang napakislot nang kumilos ang isang kamay nito, tila may mumunting
kiliti siyang naramdaman nang dumiit ang palad nito sa pisngi niya.

Is he really going to kiss me?

Napasinghap siya nang masuyo nitong haplusin ng daliri ang labi niya hanggang sa
sulok niyon pagkuwan ay nakangiting nagsalita.

"Kahit kailan ang amos mong kumain." Anito

She bit her lower lip, bakit parang nadisappoint siyang hindi siya nito hinalikan?

Lihim na nahaplos niya ang dibdib niya, her heart still beating fast.

Pakiramdam niya ay matagal na niyong kilala si Reed, ang sarap sa pakiramdam ng


nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.

Habang magkasabay silang kumakain ng niluto nito ay nakarinig sila ng sunod sunod
na pagtunog ng doorbell.

Akmang tatayo siya upang buksan ang gate nang pigilan siya ng binata.

"Stay here, ako na ang magbubukas." Nakangiting sabi nito, tumango siya at
pinagpatuloy ang pagkain.

Nayayamot na naglakad palabas si Reed, panira ng moment nila ni Eiren


ang istorbong yun. Nag iisip pa lang siya ng magandang pag uusapan nila ng dalaga
nang tumunog naman ang doorbell.

Nasa bakuran na siya nang marinig muli niya ang pagtunog ng lintik na doorbell.

"Yeah! I'm coming!" inis na sabi niya, pagkabukas niya ng gate ay lalong nadagdagan
ang pagkainis niya nang bumungad sa kanya ang mukha ng nakangiting lalaki.

"You look good in apron." Komento nito na pinagmasdan pa siya

"What brought you here?" malamig ang tonong sabi niya

"I'm here to see Eiren." Anito, nakuyom niya ang mga palad.

"She's not here kaya umuwi ka na." aniya na akmang isasara ang gate nang pigilan
nito.

"I don't believe you." Anito

"Bakit ba ayaw mong maniwala? Wala nga siya dito." Pikong sabi niya, he saw him
grinning.

"Kung talagang wala siya rito tiyak na walang tao rito. Alam ko naman na kung
nasaan si Eiren ay naroon ka rin." Anito, napamaang naman siya.

"What are you trying to say?" kunot noong tanong niya

"Alam ko naman na ikaw at ang mga kaibigan mo ang madalas na sumira sa date namin
ni Eiren, hindi ba?"

Shit! How did he know that?


"I don't know what you're talking about." Maang na sabi niya, tumawa lang ito na
tila nang aasar pa.

"Nah, stop acting like you don't know Reed, I'm not stupid." Nakangising sabi niya.

Nakuyom niya ang mga palad, "So what? Sinabi ko na sa'yong layuan mo si Eiren."
Aniya

Naiiling naman ito sa pag amin niya, "How desperate." Komento nito

"I'm not desperate, I just love her." pikong sabi niya

"If you really love her then tell her, bakit kailangan mo pang gumawa ng
nakakatawang paraan para sirain ang mga date namin? natatakot ka bang mapalapit
siya sa'kin?"

"Stop it, hindi mo ako kilala at hindi mo alam ang tungkol sa'min ni Eiren kaya
layuan mo kami." Madilim ang anyong saad niya, ngumisi lang ito.

Damn! napipikon na talaga ako sa kanya...

Akmang isasara niya ang pinto ng gate nang may magsalita mula sa likuran niya.

"Sinong bisita Reed?" narinig niyang tanong ni Eiren

"Ah, wala. Walang-" hindi natuloy ang sasabihin niya nang magsalita si Dustin.

"Hi Eiren!" nakangiting bati nito sa dalaga, nakita naman niya ang pagliwanag ng
mukha ng dalaga. Dammit!

"Dustin! Ikaw pala." ani Eiren na naglakad palapit sa kanila. "What are you doing
here?" tanong nito, tumingin muna ito sa kanya bago muling nagsalita.

"Dinadalaw ang fiancée ko." nakangiting sabi nito, pinagdiinan ang mga huling
sinabi.

His eyes widen in surprise, he's a damn shit!

Tila nag aalinlangan namang tumingin sa kanya si Eiren bago muling itinuon ang
atensyon sa lalaki.

"Sana nagtext ka muna o tumawag." Anito

"Nah, baka hindi na naman matuloy ang pagkikita natin, palagi kasing nasisira ang
mga dates natin..kaya dinalaw na kita dito." nakangising sinulyapan siya nito at
tila pinaparinggan siya.

"Ganon ba? Halika, pumasok ka. Nagluto ng pasta si Reed." Nakangiting sabi ni
Eiren, narinig na naman niya ang nakakaasar na tawa ni Dustin.

"Oh really? That's nice.." anito, hindi na siya nakapagsalita ng yakagin na ng


dalaga ang lalaki, padabog naman niyang isinara ang pinto ng gate.

"You want coffee, Dustin?" tanong ni Eiren sa bisita, nakangiti itong


umiling.

"Hindi na." anito pagkuwan ay dagling sumulyap kay Reed na nakasandal sa hamba ng
hagdanan.

"Sayang, ipagtitimpla pa sana kita." Sabad ni Reed subalit halata namang labas sa
ilong ang sinabi nito, tinawanan lang ito ng binatang doktor.

Napapansin niyang may kakaiba sa dalawa simula ng dumating ang una, they look like
teasing each other, pero mas mukhang pikon si Reed kaysa kay Dustin na dinadaan
lang sa ngiti at pagtawa. Dustin seems enjoying Reed's annoyance.

"No thanks but I really like to be with my fiancée, baka kasi matapunan na naman
ako at mapaaga ang uwi ko." sagot nito

"Tsss." Pag ingos ni Reed.

"Ikukuha na lang kita ng pasta." Aniya

"Sure."

"Tsss. Sana pala inalatan ko ang luto." Bulong ni Reed na humangga naman sa mga
pandinig nila, nagtatakang tumingin siya dito.

"Reed, okay ka lang ba?" takang tanong niya, umalis ito sa pwesto at naupo sa
katapat na upuan ni Dustin.

"Yes, don't mind me." Sagot nito subalit masama ang mga tingin nito kay Dustin,
kung nakamamatay nga lang siguro ang matatalim na tingin nito kanina pa bumulagta
sa sahig ang binatang doktor.

"Okay, kukuha lang ako ng pasta." Paalam niya sa dalawa

"You're so funny, don't you know that?" naiiling na komento ni Dustin,


nagtiim bagang siya, bakit ba pikon na pikon siya sa lalaking kaharap?

"And you're annoying." Sagot niya, nagkibit balikat lang ito.

Napansin niyang may dinukot ito sa bulsa ng pantalon nito, napaawang ang labi niya
nang ipakita nito sa kanya ang hawak nito.

"Do you see this?" nakangising tanong nito, a small red box, at kahit hindi nito
iyon binubuksan ay alam na niya ang laman niyon.

"I'll propose to Eiren properly, noong nakaraan kasi parang ang bilis ng mga
pangyayari, sinabi niyang gusto niya ako at sinabi ko ring gusto ko rin siya..hindi
ko akalaing na ganon kadaling makipag engage sa isang babae ngayon." Anito, nakuyom
niya ang mga palad.

"Damn you...Hindi mo pa gaanong kilala si Eiren, hindi mo kailangang seryosohin ang


mga sinabi niya." tiim bagang na saad niya

"Well, it's okay, gusto ko rin naman siya atsaka marami kaming pagkakapareho, I
think we're meant to be."

Pinigilan niya ang sariling lapitan ito at suntukin sa mukha, ayaw niyang makita ni
Eiren kung gaano niya kinaiinisan ang lalaki.

"No, we're meant to be." Giit niya, he grinned at him.


"Ows? Then we'll see."

"Ano bang gusto mong palabasin?"

"Gusto mo siya at gusto ko rin siya, gagawin ko ang lahat para maging akin si
Eiren, so gawin mo ang kailangan mong gawin Reed para maalala ka niya, then we'll
see kung sino ang pipiliin niya sa'tin dalawa." Panghahamon nito

Damn! Bakit ba pakiramdam niya ay napakalaking balakid ng lalaki sa buhay nila ni


Eiren? Pakiramdam niya ay kaya nitong agawin ang dalaga sa kanya...

"Kung ano man ang relasyon ninyo noon ni Eiren, hindi na iyon mahalaga
ngayon..dahil balewala na iyon Reed, ngayon pang narito na rin ako. I'll get her no
matter what happen." anito

####################################
CHAPTER TWENTY
####################################

"Reed, ano bang relasyon natin noon?" tanong ni Eiren, nilakasan na niya ang loob
niya upang itanong iyon sa binata, hindi siya makatulog nitong mga nakaraan dahil
sa kaiisip niyon, hindi niya sinasadyang marinig ang huling pag uusap ni Dustin at
Reed, naku-curious talaga siya. Matinding sakit naman sa ulo ang napapala niya
kapag pinipilit niyang alalahanin si Reed.

Noong nakaraan ay tinawagan niya isa-isa ang host men at naghagilap siya ng
impormasyon tungkol sa kanila ni Reed subalit naging tikom ang bibig ng mga ito.

"Ask him...siya ang sasagot niyon." Sabi ni Trevor, kahit ang kuya Einar niya ay
ganoon din ang isinagot.

Kaya bago pa tuluyang masiraan ng ulo ay kinompronta na niya ang binata, nang araw
na iyon habang pababa ito ng hagdan ay hinarang niya ang binata, he looks handsome
in his pair of jeans and black polo shirt.

Imbis na sagutin ang tanong niya ay hinawakan nito ang isang kamay niya at hinila
siya palabas ng bahay hanggang sa sumakay sa sasakyan nito.

"Saan tayo pupunta?" tanong niya sa binata

"I'll help you to find the answer Eiren." Sagot nito, "Gusto kong ikaw ang mismong
sumagot sa tanong mo."

Bakit ayaw na lang niyang sabihin kung anong relasyon namin noon? Mahirap bang
sabihin iyon?

Maya maya ay tumigil ang sasakyan, takang pinagmasdan niya ang isang gusali nang
makababa sila.
Ano naman ang gagawin namin sa lugar na ito? "Planetarium..." pagbasa niya sa isip.

"Let's go." Bahagya pa siyang napaigtad nang masuyo nitong hawakan ang kamay niya
at hinila siya papasok sa gusali.

Kadiliman ang unang sumalubong sa kanila subalit nang magpatuloy sila sa paglalakad
ay unti unti niyang naaninag ang nagkikislapang bituin sa kalangitan.

Mga bituin sa katanghaliang tapat?

"Wow! Beautiful!" bulalas niya habang nakatingala, the whole ceiling of the dome
has full of movable stars, planets and other objects that seen in the night sky.

Parang totoo ang lahat ng nakikita ng mga mata niya, napakaganda niyon.

Nakaupo na sila ni Reed nang maramdaman niya na nakahawak pa rin pala ito sa kamay
niya, nang sulyapan niya ito ay nakangiti itong nakatitig sa mga bituin.

"Ito ang pangalawang pagkakataon na nakapasok ako sa lugar na ito at katulad noong
una ay hindi nagbago ang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon." sabi nito habang
nakatingala sa mga bituin, "That was five years ago, hindi ko man aminin noon pero
I was happy, I'm really really happy that I'm with the girl I like." patuloy nito,
her heart started pounding faster.

She catched her breath when Reed looking at her eyes, those gray eyes of him seems
talking to her,"May isang bagay lang akong pinagsisisihan na hindi ko nagawa noon."
Anito

"W-what is that?" her voice trailed off, dala pa rin ng matinding kabog ng dibdib.

She felt nervous at the same time excited while looking at him, her heart beat
accelerated the moment she saw him inching closer and closer to her.

"Kiss you like this.." pagkasabi nito ay bumaba ang labi nito sa mga labi niya,
nakamulat ang mga mata niya habang nakatitig sa nakapikit na lalaki, hindi niya
alam kung bakit tila napako siya sa kinauupuan, maaari naman niya itong itulak at
lumayo dito subalit may bahagi sa kanya na gustong gusto ang ginawa nitong paghalik
sa kanya.

Eiren's breath caught in her throat and stayed there for a long moment, nang ibuka
niya ang mga labi niya upang suminghap ng hangin ay doon nagkaroon ng pagkakataon
ang lalaki na sakupin ng mas malalim ang mga labi niya.

When his kiss was deepen, tila may sumambulat na nakakaadik na damdamin sa loob
niya, she felt a shiver sensation all over her body.

Ayaw na yata niyang matapos ang halik na iyon, pakiwari niya she wanted even
more...

Maya maya ay nagmulat ng mga mata ang binata at ito ang kusang humiwalay, kung
bakit tila nagprotesta ang puso niya sa ginawa nito ay hindi niya alam.

"This place was our first date, Eiren." Nakangiting sabi nito, she couldn't think
of anything to say her whole body still felt numbed.

Natitiyak niyang espesyal ito noon sa kanya, natitiyak niya iyon. Hindi man niya
ito maalala ng isip niya sa ngayon pero ang puso niya ang magpapatunay kung gaano
kalalim ang relasyon nila nito. Is he her boyfriend? Gusto niya itong tanungin kung
nobyo nga ba niya ito noon subalit gaya ng sabi nito kanina ay siya mismo ang gusto
nitong sumagot sa mga tanong niya.

Pagkatapos nilang magtungo sa Planetarium ay nagpunta sila nito sa isang


university, kung hindi siya nagkakamali ay doon nag aral ng kolehiyo ang kuya Einar
niya at ang host men, kung bakit naroon sila ay hindi niya alam.

Linggo ng araw na iyon kaya walang pasok ang mga estudyante, kilala ni Reed ang
guard on duty sa university na iyon kaya sila pinapasok.

Habang hawak nito ang kamay niya ay naglakad sila hanggang sa pumasok sila sa
canteen. Tumigil sila sa gitnang bahagi ng canteen.

Pinagmasdan niya ang paligid, maganda ang facility nang university, para ngang
hindi canteen iyon, para na iyong restaurant na kinakainan niya.

Humarap sa kanya si Reed, he looked down to her, straight to her eyes..muli ay tila
aatakihin na naman siya sa puso sa sobrang bilis niyon.

"Eight years ago, Three in the afternoon, it was an ordinary day for me..I'm with
my friends..we went here to eat and of course to wait our next class, everything
seems normal, wala ang terror prof, walang surprise quizzes, hindi rin ako nalate
nun kaya maganda ang mood ko.." simula nito habang nakatingin sa mga mata niya, "I
saw my crush and I knew she had crush on me too, lumapit ako sa kanya ng araw na
iyon para kunin ang number niya...first time ko lang gagawin iyon, I've never had a
girlfriend then, naisip kong she's okay to be my first girl.."

"But suddenly, a thirteen year old highschool girl came in nowhere, nagkabanggaan
kami, dito, dito mismo sa kinatatayuan ko, hindi ko inaasahan ang biglang pagdating
niya pero ang mas nakakabigla ay kakaibang naramdaman ko noon." Patuloy nito, her
heart pounding faster while looking at his eyes.

"Crazy it may sounds but I got hypnotized the moment I'd stared at her, her almond
eyes, her small pointed nose, her pink lips, her rosey cheeks, her long black hair,
her white smooth skin, her cute colored nail arts..Damn! everything about her was
all perfect. That kid was perfectly beautiful in my eyes..she was the prettiest
little thing that had ever existed and I fell in love with her instantly." Anito,
she didn't know exactly what she felt inside, all she knew she was graceful not to
break the spell that empowering at that moment. "Eiren, that kid was you."

Napaigtad siya nang maramdaman niya ang paghaplos nito sa pisngi niya, "Ang tagal
kong tinikis ang damdamin ko, ang tagal kong tinago iyon..I thought it was wrong to
love you, I thought it's not the right thing to do...I've been trying to ignore you
for more than years but...." He stopped for a while to let her seen him straight
right through his heart, "I always end up loving you even more." Muli, hindi siya
kaagad nakahuma nang hapitin siya nito.

He kiss her with such hunger, he kiss her deep and passionately, "Damn, how I
always wanted to kiss you like this...." Anas nito sa pagitan ng mga halik. "I love
you Eiren." anito

Kanina pa nakatitig lang sa kisame si Eiren, hindi pa sana sila uuwi ni


Reed subalit may tumawag dito, mukhang importante iyon kaya hindi siya sinama,
inihatid muna siya bago muling umalis.

Kanina pa hindi mawaglit sa isip niya ang mga sinabi ni Reed pati na rin ang mga
halik nito, bakit tila napakagaan ng pakiramdam niya habang kasama niya ang binata
kanina, bakit parang napakasaya niya habang tinutulungan siya nitong manumbalik ang
alaala niya dito.

"Reed loves me...mahal niya ako..." bulong niya. "Mahal ko rin kaya siya?" pinilit
niyang alalahin ang nakaraan, pinakiramdaman niya ang sarili, it was pouding hard,
her heart still beating so fast.

Ang weird, kahit hindi niya pa naalala ang binata sa nakaraan niya, bakit kaya
ganon na lang ang nararamdaman niya? Wala yatang balak na tumigil ang mabilis na
pagtibok ng puso niya.

Nahaplos niya ang mga labi, why do I like the way he kiss me? why do I like the way
he stare at me? Bakit ang sarap sa pakiramdam niya ang mga ipinagtapat nito...

Do I like him? Do I like Reed already? Kahit na hindi pa niya ito maalala...bakit
nagugulo ang utak niya ngayon? Bakit naiilang na siya noong una pa lang niya itong
makita?

"Oh God! Help me to remember him...I want to remember Reed..." bulong niya, gusto
niyang malaman kung ano bang relasyon nila ni Reed noon, gusto niyang mabigyan ng
kasagutan ang nararamdaman niya ngayon at ang mga pinagtapat sa kanya nito.

Sa isang Italian restaurant, naabutan na kaagad ni Reed ang kaibigan na


naghihintay sa kanya, Tinawagan siya nito kanina, sinabi nitong nakakuha na ito ng
impormasyon tungkol kay Dustin.

"I'm sorry, kanina ka pa ba?" tanong niya sa kaibigan na nakaupo sa pinakasulok ng


restaurant, nakangiting umiling ito.

"Kadarating ko lang din." anito, Xien motioned for him to sit down, kagaad na naupo
siya sa tapat na upuan nito.

"May balita na ba?" tanong niya, tumango ito.

"Dustin Ruiz was american citizen, he lived at Boston, Massachussets with his late
parents. He graduated Bachelor of science in Cardiology at Harvard university, he
was one of the top doctor at the said exclusive university, his father David Ruiz
was a Marine Biology and professor at the same university, he is formerly member of
the marine biologist here in Philippines. His mother was a Filipina." He explain
and handed him a folder.

Hindi pala ito nagyayabang, totoo palang nagtapos ang lalaking iyon sa kilalang
university sa amerika.

"How about his status? I mean, is he married or had a girlfriend?" he asked as he


absently reached the folder.

"He is single, hadn't dated anyone...he was addicted in his profession when he's in
America." Anito, nakuyom niya ang mga palad, he hadn't dated anyone before?
Tsss...sa estado ng pamumuhay nito ngayon maraming nagkakandarapa sigurong babae
dito at marami itong pagpipilian, bakit kaya si Eiren pa?

"Bakit nandito siya sa bansa ngayon?"

"He was a volunteer doctor, hindi siya nagpapabayad sa mga operasyon niya..he is
also a good samaritan, siya pa minsan ang gumagastos sa mga gamot ng ilang pasyente
niya, priority rin niya ang mga mahihirap na tao." Ani Xien, a good Samaritan huh?
He doesn't look like one....
"Damn! bakit ba napakabitter ko sa kanya? Mabait naman pala ang lalaking iyon..."

Naiinis lang kasi siya dito..sa dinami dami ng babaeng magugustuhan nito, si Eiren
pa..ang babaeng mahal pa niya.

Inisa isa niyang nireview ang folder, bigla siyang natigilan ng makita niya ang
profile nito.

His birthdate, his blood type, his eye color...coincidence lang ba na magkapareho
sila nito?

Isinara niya ang folder at tumingin sa kaibigan.

"Thanks man." Aniya, ngumiti lang ito.

"Nah, it's a piece of cake. Mas mahirap pang mag spy kaysa sa maghagilap ng
impormasyon ng tao." Nakatawang sabi nito.

Palibhasa ay salamin lang ang dingding ng restaurant kaya nakikita niya ang labas
niyon, habang nakikinig pa siya sa ibang sinasabi ni Xien ay hindi sinasadyang
mapalingon siya sa labas.

Nangunot ang noo niya nang mapansin niya ang pamilyar na mukha ng lalaki, sinundan
niya ito at mula sa katapat na restaurant ay pumasok ito, nagtuloy tuloy ito sa
isang lamesa na pangdalawahang upuan, ganoon na lamang ang pagdududa niya nang
makita niya ang isa pang lalaki. Kilalang kilala niya ito.

"What are they doing?" kausap niya sa sarili, napansin naman ni Xien kung anong
pinagkakaabalahan niyang tingnan.

"That was Ruki Tamaraki and Dustin Ruiz..." bulalas ni Xien ng makilala din nito
ang dalawang lalaki.

"Bakit sila magkausap?" tanong niya sa kaibigan.

"Hindi kaya..."

"What?"

"Ruki was a spy agent." Ani Xien.

"What?!" gulat na pakli niya "How could he be a spy? I thought he was only a
bastard captain ball." He frowned despite of his shock. Pinagselosan din niya si
Ruki kaya naiinis siya sa tuwing makikita ito.

"Kilala ko siya, kasabay ko siyang nag apply noon bilang FBI agent, he passed but
suddenly he back out." Sabi nito, "Ang alam ko ay nagtatrabaho siya sa isang
malaking detective firm ngayon." Paliwanag nito

Nakuyom niya ang mga palad, "Nakakapagduda ang dalawang yan..." aniya habang
nakatingin sa mga ito.

Bigla ay bumalik sa alaala niya ang sinabi noon ni Eiren. "I thought I saw a man
standing there." Sabi nito habang tinuro ang malagong halaman..

Pinuntahan naman niya iyon upang silipin nga kung may lalaking nakatayo pero wala
naman..ang tanging napansin niya ay ang itim na sasakyan sa di kalayuan, hindi
naman niya iyon pinansin dahil sa pag aakalang pagmamay ari iyon ng kapitbahay
niya...

But wait! That black car was the same model as Ruki had...hindi kaya ini-spy sila
nito? Pero bakit? Nakipaglapit pa nga ito kay Eiren...

"Dammit! Xien, can you check how related that two jerks to each other?" nagngalit
ang mga ngipin na pakli niya, tumango ito.

"Kahit hindi mo sabihin ay gagawin ko, naku-curious din ako sa dalawang iyon."
anito

He smell something conspiracy out there...natitiyak niya iyon.

####################################
CHAPTER TWENTY ONE
####################################

"How was going on?" Dustin asked the man, kadarating lang nito.

"Reed are doing his best to help Eiren." Ani Ruki, sinalaysay nito kung anong
nalaman nito ng araw na iyon. Inabutan niya ito ng baso ng may lamang wine.
"Thanks."

Nakangiti siyang tumango, "Really? That was really interesting." He said while
looking at the rim of the glass.

"Until when will you keep your real identity Carl?" tanong ng kaibigan, he closed
his eyes, how he missed his real name.

Matagal na niyang kilala ang lalaki, magkaklase sila nito noon ng highschool sa
amerika. Ito ang kauna-unahang naging kaibigan niya simula ng maging normal na bata
siya.

"Until I found the answer." Aniya

"Hindi mo pa ba nakikita iyon?" tanong nito, ngumiti siya at pinagkatitigan ang


kanina pa niya hawak.

"Mukhang malapit na." sagot niya, tumango ito at tumingin din sa lavender bottle na
hawak niya.

"Reed, are you okay?" tanong ng babae sa kanya, nasa loob siya ng
sasakyang pangkarera niya, kanina pa siya nagpapractice pero tila wala siya sa
sarili niya.

"Y-yeah, I'm okay." Wala sa loob na sagot niya kay Maddie.

"I'm just reminding you, keep your mind and heart into your race, sa makalawa na
ang susunod mong laban." Anito, nagpapasalamat siya dahil sa bansa gaganapin ang
susunod niyang karera pero hindi siya maaaring magrelax dahil mahigpit na
kakumpitensya niya ang mga kalaban niya sa race event na iyon. He gave her heavy
sighs.
"Yeah, thanks for reminding me." aniya na ibinaba ang salamin ng helmet niya at
isinara na rin ang bintana ng sasakyan niya, Tapos na ang limang minutong pahinga
niya, he started his engine again.

Kasabay nang malakas na ingay ng muscle car na gamit niya ay inapakan niya ang
accelerator at sa isang iglap ay nasa gitna na siyang ng racing field, humaharurot
ang sasakyan niya.

Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang nakaikot sa malawak na race
track, habang nire-record ni Maddie ang pinakamabilis niyang pag ikot sa lap ay
wala naman ang isip niya sa ginagawa. His mind seems travel in time.

Finally, nagagawa na niyang ipakita at iparamdam kay Eiren kung gaano niya ito
kamahal, hindi katulad noon na hirap na hirap siyang itago dito ang tunay na
nararamdaman niya.

Nagsisisi tuloy siya kung bakit naging mahina siya noon, bakit naduwag siyang
ipagtapat dito ang katotohanan, siguro nga ay mapapatawad siya ni Carl kung
mamahalin niya ang babaeng espesyal dito, atsaka ang pagkamatay nito noon ay isang
aksidente lamang at hindi rin niya kagustuhan, hindi dapat niya sinisisi ang
sarili.

Wala na si Carl, matagal na siyang patay...don't ruined your life Erl. Iyon ang
natatandaan niyang palaging pinapaalala sa kanya ng mga magulang niya. Mahal na
mahal siya ng parents niya at kailanman ay hindi siya sinisisi ng mga ito sa
pagkawala ng kapatid..pero mahina siya, mahal din niya ang kakambal niya kaya
naging madilim ang buhay niya, sinarili niya ang pighating nararamdaman niya sa
pagkawala ni Carl.

His life started to be colorful when Eiren came into his life, noon akala niya ay
pabigat si Eiren sa kanya, ito ang nagiging dahilan kaya naalala niya si Carl.

But now he'd realize that Eiren was actually help him to forget Carl, tinutulungan
siya nitong ibangon sa pagkakalugmok, ito pala ang tutulong sa kanya para malayang
mabuhay at palayain sa kulungan ng nakaraan, ang gigising sa bangungot niya noon.

"I love her so much..." bulong niya, sinulyapan niya ang maliit na kahita na
nakapatong sa ibabaw ng dashboard, hinding hindi siya papayag na hadlangan siya ni
Dustin Ruiz. Hindi nito maaagaw sa kanya si Eiren, "Eiren was mine, she's only
mine." Tiim bagang na bulong niya, hinawakan niya ang kambyo at iniliko iyon,
diretso niyang pinaandar ang sasakyan palabas ng sports arena, hindi na niya
pinansin ang paghabol ni Maddie at ng ibang staff men niya.

Hindi na siya makapaghihintay pa sa pagbabalik ng alaala ni Eiren, magpo-propose na


siya dito..Hindi man siya ang nangako ng kasal noon, siya naman ang tutupad niyon,
hindi niya gagawin iyon dahil sa kakambal niyang namatay kundi para sa sarili niya.

Naramdaman ni Eiren ang mahinang pagsiko sa kanyang tagiliran, nasa isang Korean
restaurant sila, kasama niya ang kanyang kuya Einar at ang fiancée nitong si
Keitlene Aldena. Sinama siya ng mga ito kanina para magpasukat ng gown na susuotin
niya sa kasal ng mga ito sa susunod na buwan. She was their Maid of honor.

"Are you listening to me Eiren?" his brother asked her

"Ha? Are you saying something?" maang na sagot niya, unmindful na kanina pa pala
siya kinakausap nito, paano kasi ay laman ng isip niya si Reed.
Kagabi lang ay dinalhan siya nito ng boquet of flowers and instead of chocolate ay
isang bag ng milk candies ang binigay nito, favorite niya ang milk candy na iyon at
naikwento nitong madalas niya itong bigyan niyon sa tuwing hihingi siya ng sorry sa
binata.

Iniisip niya, ano bang mga nagawa niyang kasalanan sa binata noon kung bakit siya
humihingi dito ng sorry.

"I was saying if you're okay? Matatapos na kaming kumain dito pero ni halos hindi
mo nagagalaw ang pagkain mo." nag aalalang tanong nito, sinulyapan niya ang kimbob
na pagkaing inorder niya pagkuwan ay nagbuntong hininga. Maingat na binitawan niya
ang chopsticks na hawak.

"Wala akong ganang kumain kuya." Aniya

"Ano bang nangyayari sa'yo?" tanong nito, nalulungkot din siya dahil sa makalawa ay
babalik na siya sa Korea, tapos na ang tatlong buwan na pagbabakasyon niya at
babalik na lang siya sa susunod na buwan para sa kasal ng kapatid.

Malapit na siyang iwan si Reed pero hindi pa rin niya maalala ang binata, hindi
tuloy niya alam kung anong dapat gawin niya.

"I don't know what to do.."

Naramdaman naman niya ang masuyong paghawak ng kuya niya sa kanyang kamay.

"About what?" he asked

"Sa utak ko, hindi ko talaga siya maalala.. pero ang puso ko parang kilalang kilala
siya, sino ba si Reed sa buhay ko? why my heart beats so fast when he's near me,
why I can't stop thinking him this past few days?" mangiyak ngiyak na saad niya sa
kapatid, "Kuya....Gustong gusto ko ng maibalik ang alaala ko kay Reed, pero
natatakot din ako..paano kung sa pagbabalik ng alaala ko ay may hindi pala ako
magandang malalaman? Paano kung kinamumuhian ko pala siya?" tanong niya sa kapatid,
isa rin bang dahilan ang takot niya kaya hindi pa rin bumabalik ang alaala niya kay
Reed?

Isang malalim na buntong hininga ang isinagot ng kuya niya pagkuwan ay masuyong
pinisil ang kamay niya.

"Pakinggan mo lang kung anong tinitibok ng puso mo, Eiren." Payo ng kuya niya,
nagbuntong hininga na lang siya.

Hindi na rin siya nakakain ng maayos kaya niyaya na niyang ihatid siya ng kuya
niya, nang makauwi siya ay dumiretso siya sa silid niya, hindi niya nakita si
Reed..

Nagpapahinga na kaya sya?

Bumangon siya sa kama at sinulyapan ang orasan, mag aalas sais pa lang naman ng
gabi.

Tumayo siya at naglakad sa kabilang silid, kumatok siya subalit walang tumutugon
kaya pinihit niya ang seradura at swerte namang bukas iyon.

"Reed." Tawag niya sa binata, wala pa ring sumasagot.

Ano nga bang ginagawa niya doon? Bakit niya ito hinahanap? Anong sasabihin niya
kung tanungin siya nito na kung bakit? Ano nga bang isasagot niya?
"Ah, hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko." aniya, mukha namang wala doon ang
binata.

Wala pa rin sa bahay si Reed. Mukhang puspusan ang pagpapraktis nito.

Paalis na siya nang silid nito ng hindi sinasadyang mapalingon siya sa nakabukas na
drawer ng bedside table ng binata. Naglakad siya palapit doon upang isara iyon.

Akmang isasara niya iyon nang matigilan siya, napansin niya ang ilang mga bagay sa
loob ng drawer ng binata, she saw some milk candies, inabot niya ang isa na may
nakadikit pang sticky note at binasa.

"I'm sorry Reed, h'wag ka ng magalit, promise hindi na ako mangungulit.I love you."
Nakasaad roon, saglit siyang natigilan, sulat kamay niya iyon. It came from her.
she said I love you to him..mahal niya si Reed?

Dinampot niya ang isang lumang litrato, pinagmasdan niya iyon, siya iyong batang
babae sa litrato at sino ang batang lalaki?

"Is it Reed?" biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Pakiramdam kasi niya ay may
saglit na nag flash back sa utak niya, she pictured a garden, a lavender
garden...napakaganda roon at gustong gusto niya ang buong lugar.

"Reed...I want you to be my prince.."

"Okay, from now on I'll be your prince."

"Really? Someday you'll gonna marry me?"

"Okay, I'll marry you when you become a woman."

"Promise?"

"I'll marry the princess someday, that's a promise."

Bigla niyang nahaplos ang sintido, pakiramdam kasi niya ay kumirot iyon.

Parang nag uumpisa na siyang makabuo ng konklusyon, magkakilala na sila ni Reed


noon pa, mga bata pa lang sila ay magkakilala na sila. They vow promises with each
other.

"Reed will marry me when I become a woman?" kausap niya sa sarili

Pero bakit ganon? Kung nangako na pala siya sa'kin noon..bakit kailangan pa niyang
pigilan ang nararamdaman niya sa'kin? Bakit ang sabi niya ay iniiwasan niya ako
noon. Bakit? Anong dahilan niya?

Binalik niya ang lumang litrato sa drawer at inabot naman ang isang cellphone.

"This was my cellphone..." bulong niya, hindi pala nawala iyon...Na kay Reed ang
dating cellphone niya.

Bubuksan pa lang niya ang photo gallery nang marinig niya ang pagtunog nang
cellphone niya, kinuha niya mula sa bulsa ng suot niyang skinny jeans ang cellphone
at pinindot ang receiving call button.

"Hi." Bungad na bati ng boses ng lalaki


"Dustin." Aniya, narinig niya ang mahinang pagtawa nito.

"Yeah, nandito ako sa tapat ng bahay ninyo." Anito, mabilis na nilapitan niya ang
bintana at hinawi ang kurtina, nakita nga niya ang lalaki na nakatayo sa tapat ng
bahay nito, kumaway pa ito sa kanya nang makita siya.

"Okay I'm coming." Aniya, wala sa loob na dinala niya pati ang lumang cellphone
niya.

Mabilis na pinuntahan niya ang lalaki at nakangiting sinalubong ito.

"Napadalaw ka?" tanong niya rito

"Yayayain sana kitang magdinner." Nakangiting sabi nito.

Saglit siyang napatitig sa binata, bakit parang nabawasan ang nadarama niyang
excitement sa tuwing makikita niya ito? hindi katulad noong unang makilala niya
ito. Pinakiramdaman niya ang pagtibok ng puso niya, her heartbeat was
okay..absolutely normal.

Everything seems change, wala na itong dating para sa kanya. Tila naglahong bigla
ang paghanga niya dito. Yes, he still handsome in her eyes but it wasn't handsome
as Reed.

Darn! Iba na talaga ang dinudulot ni Reed sa sistema ko nitong mga nakaraan...

"Is it okay?" nakangiti pa ring tanong ng binata, nagbuntong hininga siya pagkuwan
ay tumango.

"What the hell?" the man cursed loudly, kasabay nang mabilis niyang
pagtapak sa preno ay ang malakas na pag ingit ng gulong.

Ilang dipa na lang ay babangga na ang unahang bahagi ng sasakyan niya sa isa pang
itim na sasakyan na bigla na lamang humarang sa kalsada.

Inis na bumaba siya upang sitahin kung sino man ang taong nagmamaneho niyon, sa
paglapit niya ay napansin niya ang pagbukas ng pintuan ng driver's side at bumaba
rin ang mataas na lalaki. Nagulat siya nang makita niya ang seryosong mukha nito
habang sumalubong sa kanya.

"Long time no see, agent Tamaraki." Anito, nanggilalas siya nang mamukhaan niya ang
lalaki.

"Agent Leighton..." gulat na bulalas niya nang makilala niya ang lalaki.

Mula sa loob ng sasakyan ay nabasa ni Eiren ang nakasulat sa malaking


billboard, Lavender Garden...gaya nang nakasulat ay kulay lavender din ang ilaw ng
mga letra, napakaganda ng labas ng resort na iyon.

Kaagad na sinagilihan siya ng kakaibang kaba ng pumasok sila sa loob niyon, hindi
naman niya alam kung bakit siya nakaramdam niyon.

Sinulyapan niya si Dustin, nakangiti itong nakatingin din sa kanya.

"Welcome to my resort house.." nakangiting wika nito, "The Lavender Garden."


Nang tumigil ang sasakyan sa malawak na bakuran ay bumaba ang binata at pinagbuksan
siya ng pintuan, inalalayan siyang makababa nito.

Nakaramdam siya ng paghanga sa magandang tanawing nakikita, napakaganda ng


landscape ng bakuran, mayroon pang mataas at malaking fountain sa gitna, sa tantiya
niya ay sampung talampakan ang taas niyon. Everything was really beautiful.

Hindi pa siya nakakamove on sa ganda ng bakuran ay iginiya na siya ng binata sa


likod ng resort, nadaanan pa nila ang isang malaking oval pool, kulay asul ang
tubig dulot ng asul na chlorine..pero mas nakuha ang atensyon niya sa mga floating
ascented lavender candle na naroon.

"Beautiful..." bulalas niya

"There's more." He said, nang malampasan nila ang malaking swimming pool ay
tumambad sa kanya ang napakagandang tanawin, she take her breathaway when she saw
the garden...ang Lavender Garden...kahit gabi na ay napakaliwanag sa buong lugar.

"This is really beautiful!" paghangang bulalas niya.

Iginaya siya ng binata malapit sa nakalatag na blanket, may candelight sa gitna


niyon, may isang bote ng wine at dalawang wine glass. Napakaganda ng set up niyon
lalo na at may ilang pitas ng lavender flowers sa paligid ng blanket.

Nang makaupo sila ay binalingan niya ang binata.

"Minsan na akong nakapunta sa isang lavender garden at napakaganda talaga niyon,


ngayon pakiramdam ko bumabalik ang alaala ko ng panahon iyon." aniya, ngumiti ang
binata

"Really? That's good news. Naalala mo rin ba ang mga magagandang alaala sa lavender
garden?" tanong nito, natigilan siya.

Paano nito nalaman ang tungkol sa alaalang iyon?

"Kanina ko lang naalala iyon pero pahapyaw lang ang mga nagflash back sa'kin."
Aniya, "How did you know that?" curious na tanong niya sa binata

Inabot nito ang wine at binuksan iyon, nagsalin ito sa glass wine pagkuwan ay
binigay sa kanya, inabot naman niya iyon habang nakatingin pa rin dito.

"Ano bang nagflash back sa alaala mo?" tanong nito habang sumisimsim ng wine,
sinabi naman niya dito ang ilang parte na naalala lang niya.

"Reed promised me at the lavender garden that he will marry me...iyon ang naaalala
ko." aniya, nagsalin muli ito ng wine sa baso.

"Naalala mo na rin pala si Reed..."

Umiling siya, "Not really, hindi ko pa siya talaga naaalala, iyon pa lang mga bata
kami." Aniya, ngumiti ito. "But wait, how did you know about lavender garden?"

Ibinaba nito ang wine glass, "Because lavender garden was my home, my playground,
my life." Anito. "and I once felt the happiness at the lavender garden."

"What do you mean?" kunot noong tanong niya

Kumilos ito at nakita niyang inabot nito ang pinaikot na tangkay ng lavender plant
na nasa tabi lang nito, nagulat siya nang nakaluhod itong lumapit sa kanya at
isinuot iyon sa ulo niya.

Bahagya siyang napaigtad nang masuyo nitong haplusin ang buong mukha niya pagkuwan
ay nakangiting inayos ang buhok niyang tumabing sa mukha niya.

"You're really beautiful as ever, Eiren." Wika nito

Oh God! Bakit parang nangyari na ang eksenang iyon?

Bigla ay nagflash back na naman sa alaala niya ang batang Reed na isinuot ang
koronang lavender pagkuwan ay nakangiting hinawi ang buhok niya.

"I will marry the princess, that's a promise." Dustin said in a serious tone.

Napaawang ang labi niya, naalala na niya ang buong pangyayaring iyon nang
nakaraan...pero bakit? Bakit nito alam ang tungkol sa lavender garden? Paano nito
nalaman ang eksaktong pangyayaring iyon?

"How? How did you know that?" She asked with disbelief in his face

May dinukot ito sa bulsa nito at ibinigay sa kanya ang isang pamilyar na bagay. The
Lavender bottle! Paanong?

Lalo siyang nanggilalas nang makita niya sa loob ng botelya ang isang kumikinang na
bagay, it looks like...a ring!

Still in shock, tumingin siya sa mga mata ni Dustin...naluluha na rin siya sa


pagkalito...kung sa ibang babae lang ay baka nayakap na ito sa sobrang saya dahil
sa ginawa nito, yes, it was the sweetest and cutest marriage proposal ever! But how
could she be happy? How?

Nalilito siya, nahihiwagaan sa mga nangyayari.

Ang nasa alaala niya ay si Reed ang batang nangako sa kanya noon, paanong si Dustin
ang tumutupad ng mga iyon ngayon? Anong bang nangyayari?

####################################
CHAPTER TWENTY TWO
####################################

"Eiren, I'm Reed...the Reed you used to know..that boy who'd promise to marry
you.." sabi nito, para naman siyang mababaliw sa sinabi nito, lalo siyang
nalito..paanong magiging si Reed ito samantalang napakalayo ng mukha nito sa batang
Reed at sa totoong Reed ngayon.

"I don't understand..paanong ikaw ang batang iyon? Si Reed ang nangako sa'kin at
malayong malayo ang hitsura ninyo sa isa't isa." nakuha pa niyang itanong, umiling
ito.

"I think it's time for you to know about the truth." Anito habang nakatingin sa mga
mata niya, nangunot naman ang noo niya.

"Truth about what?"


Tumalikod ito sa kanya at humarap sa garden, "My life as a kid was really dark and
dull, I was born with congenital heart desease, my heart can't function normally,
kaya hindi ako naging normal na bata, I never had playmates, I never had
classmates...hindi ako maaaring lumabas ng bahay kaya madalas lang na nasa bahay
ako, nakakalabas lang ako kapag pupunta kami sa hospital..Lavender Garden in our
rooftop house was my favorite place. Sa lugar na iyon pakiramdam ko kasi normal
akong bata, hindi ko naiisip ang sakit ko sa tuwing pagmamasdan ko ang lavender
flowers..they could ease my loneliness." Anito habang nakatingin sa lavender
garden, animo may nakalatag lang na malaking kulay ubeng blanket.

"My parents protected me from my cursed, yeah, I thought I was cursed. I thought my
condition was made by evil...Gustong gusto kong maglaro sa labas ng bahay kasama
ang kapatid ko pero hindi nila ako pinapayagan..But I never hated my family, I love
them..I love my brother..yeah, my twin brother..."

She was sad by knowing Dustin didn't used to be a normal kid at the same time,
shocked when she heard that he had a twin brother.

"Erl was my bestfriend, my buddy...Mas matigas nga lang ang ulo niya at pasaway
pero alam ko kung gaano niya ako kamahal." Nakita niya ang kasiyahan sa mukha nito
habang nagbabaliktanaw. Tumingin ito sa kanya. "Eiren, I had twin brother, siya ang
Reed na kilala mo ngayon pero ang Reed na nangako sa'yo noon walang iba kundi ako."
Anito

"Kung kakambal mo nga siya, bakit nag iba ang mukha mo?" nalilito pa ring tanong
niya kahit na ang mga kulay ng mga mata ng mga ito ang nagpapatunay na magkakambal
nga ang dalawa subalit gusto pa rin niyang malaman.

Natutop niya ang bibig ng sabihin nito sa kanya ang lahat. Nagimbal siya sa mga
narinig niya...wala siyang nagawa kundi umiyak na lang.

Naramdaman niya ang paglapit nito at ang mahigpit na pagyakap.

"Eiren...bumalik ako para tuparin ang mga pangako ko sa'yo." Anito habang masuyo
nitong hinahaplos ang buhok niya.

"Dustin..." anas niya sa pagitan ng pagluha niya

"It's Carl..Carl Reed..." anito

Meanwhile, at the dark side of the Lavender Garden..halos matumba sa


kinatatayuan si Reed, hindi na rin niya napigilan ang emosyon niya, he was
crying..crying with what he discovered.

Kaya ba pareho sila ng birthdate, pati na rin ng blood type at kulay ng mga mata?
Because Dustin is my twin brother Carl...

Tumalikod siya nang makita niyang dumaan sa harapan niya sina Eiren at Dustin, no
it was his twin brother, it was Carl.

Hindi niya alam kung ano bang emosyon ang nararamdaman niya.

Kanina nang makarecieve siya ng text mula kay Dustin na magtatapat na ito kay Eiren
ay halos gusto niyang suntukin ito sa mukha, bakit ngayon pa? bakit kung kailan
magpo-propose na rin siya kay Eiren? Napakalaking hadlang talaga ng lalaking iyon,
iyon ang iniisip niya kanina.
Kaya napasugod siya sa lugar na iyon..pero iba na ang naging pakiramdam niya nang
mabasa niya ang pangalan ng resort na pagmamay ari nito, Lavender Garden.

Nang pumasok siya sa loob ng resort ay kusang nanumbalik ang mga alaala niya ng
nakaraan, ang lavender garden sa rooftop ng dati nilang bahay, naalala rin niya ang
masasayang alaala nila ng kakambal niya.

Weird, iyon na ang naramdaman niya kanina...kaya naman ng makarating siya sa


kinatatayuan niya kanina ay eksaktong narinig niya ang sinabi ni Dustin.

"Lavender garden was my home, my playground, my life."

Doon pa lang ay kinutuban na kaagad siya, alam niyang may rebelasyon siyang
malalaman.

"After that accident, akala ko patay na rin ako pero nagising na lang ako
kinabukasan na nasa isang puting silid, An American marine biologist save my life,
David Ruiz saw my almost died body floating near his villa."

"Pero nalaman kong isang buwan na pala akong comatose, hindi ko rin matanggap na
nabuhay pa ako noon dahil sa malaking pagbabago sa hitsura ko noong unang makita ko
ang sarili ko sa salamin, I saw an ugly boy, distorted face, a big scars in my
whole body. Ilang beses kong hiniling na sana ay namatay na lang ako sa tuwing
kumikirot iyon dulot ng nasunog kong katawan."

"Tapos parusa din ang sakit ko, isang beses ng atakihin ako dahil sa sobrang galit
ko sa nangyari sa'kin ay muntikan na akong mamatay pero iniligtas ako ng mga taong
kumupkop sa'kin, they enlighten my mind, they took care of me, they treat me like
their own child. Nang gumaling ako ay pinaoperahan nila ako sa pinakamagagaling na
mga doktor, after my heart transplant, ilang taon lang din ay pinagplastic surgery
nila ako. Kung hindi dahil sa kanila baka wala na rin ako."

"My poster parents loves me so much, pinag aral nila ako sa mataas na paaralan sa
amerika, marami akong natutunan sa kanila, I became a normal person, I can run, I
can ride a bicycle, I can drive my car, I can play basketball, I can laugh, I can
cry and I can love. Kung hindi dahil sa kanila hindi ko mararanasan ang lahat ng
iyon, I owe my life with them...pero wala na sila, pareho na nila akong iniwanan
kaya ngayon lang ako nagpakita. Ngayon lang ako bumalik."

Nasa sasakyan na muli siya ng makarecieve ng text mula kay Xien.

Reed, I dzcovrd sumthng..Nkausap ko si Ruki, ipingtapat niya skin ang lahat..mgkita


teo sa Hapinez Bar.

Pero imbis na pumunta siya sa happiness bar ay diniretso niya ang sasakyan sa
sports arena, mas gusto niyang makapag isa.

Malalim na ang gabi pero hindi pa rin makatulog si Eiren, naroon pa rin
siya sa lavender garden.

Paano ba siya makakatulog kung labis pa rin siyang naguguluhan sa nangyayari, hindi
rin niya maipaliwanag ang mga nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Parang may
whirlwind sa loob niya sa sobrang pagkalito, ang gulo gulo rin ng utak niya.

Bumuntong hininga siya pagkuwan ay bumiling ng higa, kinuha niya ang cellphone sa
bulsa niya subalit ang lumang cellphone niya ang nakita niya, mukhang nabitbit rin
pala niya ang lumang cellphone niya.
Binuksan niya iyon at tumambad sa kanya ang picture ni Reed sa wallpaper niya, he
was handsome in his sports suit while handling his helmet.

Binuksan niya ang photo gallery at narealize niyang mas marami pang pictures ni
Reed kaysa sa kanya, inisa isa niyang pinagkatitigan ang gwapong mukha ng binata.

Hanggang sa mapansin niyang napapalitan ng ngiti ang mga labi niya, it's obvious, I
was addicted to that man.

Bumangon siya at naupong sumandal sa headbord ng kama, nakakita siya nang ilang
videos ni Reed habang nasa racing track ito, narinig niya ang boses niya habang
isinisigaw ang pangalan nito.

"Reed! Go! Go! I know you can do it!" narinig niyang boses niya habang nagchi-
cheer, hindi mawala wala ang ngiti sa mga labi niya nang makita niyang zinoom-in pa
niya ang camera upang mas makita niya ang binata. Sa huli ay nanalo ang binata,
natapos ang video na iyon sa malakas na tili niya.

Marami siyang napanood na video nito subalit nang mapanood niya ang huling video na
naroon ay natigilan siya. Mukhang kuha iyon sa isang parking lot, nakita niya sa
background niya ang isang restaurant.

"Reed, kahit anong gawin mong pag iwas at pagtataboy sa'kin, hindi ako
titigil..hindi ako susuko hanggang sa maalala mo ang mga ipingako mo sa'kin
noon..we're meant tobe, you're my fiance..you're my prince and I'm your
princess..you'll gonna marry soon..period!"

Natigilan siya, bigla ay parang computer ang utak niya na kusang nag restore ang
mga na corrupt na files at naburang mahahalagang bagay. Tila isa isang bumabalik
ang mga alaala niya, nabitawan niya ang cellphone at nahawakan ang sintido.

Kasabay ng kumikirot na ulo ay kusang naglandas ang mga luha niya sa kanyang
pisngi, while the flash back still continuing play at her mind, nabubuo ang isang
rebelasyon sa isip niya.

Tila naiintindihan na niya ngayon ang lahat, kaya niya ako iniiwasan at tinataboy
noon dahil hindi naman talaga siya ang totoong Reed na nangako sa akin noon, hindi
ito ang batang Reed sa Lavender Garden....

Pero si Dustin, siya ang batang Reed na nangako sa kanya, nagbalik na ito para
tuparin ang mga pangako nito noon, he was her real prince..his fiance..Dustin was
her prince that will marry her soon...

She supposed to be happy right now, alam niyang matutupad na ang mga pangakong iyon
but why she felt so sad? Why she felt uncomplete?

Bigla ay may umecho sa pandinig niya nang may maalalang eksenang nagdaan.

"Ang tagal kong tinikis ang damdamin ko, ang tagal kong tinago iyon..I thought it
was wrong to love you, I thought it's not the right thing to do...I've been trying
to ignore you for more than years but...I always end up loving you even more."

Natutop niya ang bibig, her heart beats fast, naguumpisa ng mangilid ang mga luha
sa mga mata niya habang nahaplos niya ang mga labi nang isipin niya ang mga halik
ni Reed.

Sinariwa niya sa alaala niya ang mga sinabi nito, pati na rin ang pagtitiyaga
nitong tulungan siyang maalala niya ito.
Oh God...alam ko na kung bakit ako nagkakaganito..alam ko na ang kasagutan..

Tumayo siya at kahit malalim na ang gabi ay lumabas siya ng silid niya, nasalubong
naman niya si Dustin na mukhang patungo rin sa silid niya.

"What happened Eiren?" tanong ng binata ng makalapit sa kanya "Why are you crying
Eiren?"

Mula sa bulsa niya ay kinuha niya ang lavender bottle na naglalaman din ng isang
mamahaling singsing.

Nagulat ang lalaki ng isauli niya ang maliit na botelya, umiiyak pa rin siyang
nagsalita.

"I'm sorry...I'm sorry Dustin." Aniya, hindi niya kayang tanggapin iyon, hindi niya
kayang pakasalan si Dustin...

Pagkababa ni Eiren sa sasakyan ay mabilis na pumasok siya sa happiness


bar, kaagad na nabungaran niya ang kumpulan ng host men.

"Reed!" tawag niya sa binata sa pag aakalang naroon ito, naagaw naman niya ang
atensyon ng mga ito, sabay sabay na napalingon ang mga ito sa kanya.

"Oppa, where's Reed?" tanong niya sa kuya Einar niya, saglit muna itong tumingin sa
lalaki sa likuran niya bago nagsalita.

"He's not here." Sagot nito

"Wala din siya sa bahay niya." aniya

"Kanina pa namin siya hinihintay pero hanggang ngayon ay wala pa siya." Saad naman
ni Hunter.

"Nasaan kaya siya?" nag aalalang tanong niya, naramdaman niya ang paghawak ni
Trevor sa braso niya.

"I think I know where he is." He said, hinila na siya nito, nakasunod naman si
Dustin sa likuran nila pero tumigil ito ng tawagin ito ni Xien.

"Carl."

Bumaling ito sa lalaki na seryosong nakatingin dito.

"Oh my God, so it's true, buhay ka pa talaga...Carl." Bulalas ni Einar

Hindi na niya narinig ang mga pinag usapan ng mga ito nang hilahin na siya palabas
ni Trevor.

"Is it true na si Carl iyon? Ang twin brother ni Reed?" tanong ni Trevor habang
lulan sila ng sasakyan nito, tumango siya.

Narinig niya ang malalim na pagbuntong hininga nito.

"So, dumating na pala ang totoong Reed, ang totoong prinsipe mo." anas nito, maang
na napatingin naman siya dito. "Magiging masaya ka na mula ngayon..hindi ba?"
"Oo, ngayon alam ko na kung sino talaga ang totoong prinsipe ko, Trevor."
Nakangiting sabi niya, hindi naman ito umimik.

Takang sinulyapan ni Eiren si Trevor nang tumapat ang sasakyan nito sa


harapan ng sports arena.

"Reed will be having car race by day after tomorrow..kaya puspusan ang
pagpapractice niya..well, ngayon ko lang din nakita na inabot siya ng ganitong oras
dito." Paliwanag ni Trevor.

Nakababa na siya ng sasakyan nito ng marinig niya ang pagtawag nito sa pangalan
niya.

"Eiren.."

Kunot noong binalingan niya ito, nakita niya ang pagbuntong hininga nito.

"Kung sa susunod na araw mo na lang kaya sabihin kay Reed ang mga sasabihin mo."
anito

"Hindi na ako makakapaghintay pa Trev." Aniya at nagsimula ng pumasok sa loob ng


arena.

Hindi pa siya nakakalapit sa race field ay naririnig na ni Eiren ang maingay na


tunog ng sasakyan ni Reed, mukhang nagpapractice ang binata.

Mula sa itaas na bleachers ay nanabik si Eiren ng makita niya ang pamilyar na


sasakyang pangkarera na iyon, natitiyak niyang nasa loob niyon si Reed.

Hindi niya tiyak kung nakailang ikot sa racing track si Reed, pakiwari niya ay
hindi ito napapagod sa pagmamaneho, nagsimula siyang maglakad pababa ng arena.

At habang pababa siya ay nagsisimula ng tumahip ang dibdib niya, kinakabahan siya
sa mga sasabihin niya sa binata.

Hinampas ng malakas na hangin ang buhok niya ng dumaan ang mabilis na sasakyan ng
binata sa kanyang harapan. Mukhang hindi nito napapansin ang bulto niya. Ang racing
track lang ang bukod tanging maliwanag.

Paano niya ito makakausap kung hindi ito hihinto? Alangan namang magpakasagasa siya
para lang huminto ito...kung sisigaw naman siya para tawagin ito ay hindi rin siya
nito maririnig..napakalakas ng tunog ng sasakyan nito kaya malabong marinig siya ng
binata.

Nawawalan na siya ng pag asa ng kung saan ay masilaw siya sa napakaliwanag na ilaw
na tumutok sa kanya, mula sa itaas na bahagi ng arena kung saan sinundan niya ang
pinanggalingan ng liwanag ay nakita niya si Dustin, he was smiling at him.

Nakangiting tumango siya dito, dahil sa pagtutok ng liwanag sa kanya ay kaagad na


naagaw ang atensyon ng binata at nagsimulang bumagal ang sasakyan nito hanggang sa
huminto sa harapan niya.
####################################
CHAPTER TWENTY THREE
####################################

Eiren hold her breath when she saw Reed, nakatayo na ito sa tapat ng sasakyan nito
habang tila namamalikmata lang pagkakita sa kanya.

Eiren couldn't take her eyes off him, his good looks filled her heart with so much
love, it increased her longing him to be close.

Nang makalapit ito ay hindi na niya napigilan ang sarili.

"Reed!" masiglang tawag niya dito, she also threw her arms around his waist and hug
him tight.

Oh how she missed this man..the man she loved.

Saglit niyang naramdaman ang paninigas ng katawan nito subalit ng makabawi ay


inilayo ang sarili sa kanya.

"What are you doing here?" his tone was cold.

Natigagal siya, anong nangyayari sa binata? Hindi ba ito masaya na naroon siya?

"I came here to see you." Aniya, muli ay saglit itong natigilan at tumitig sa
kanya, ngumiti siya.

Nababasa niya ang nasa mga mata nito.

"Bumalik na ang mga alaala ko Reed, naaalala na kita." Nakangiting sabi niya, tila
hindi man lang ito natuwa, mas nakita pa niya ang paglamlam ng mga mata nito.

"Really, that's good news." Kaswal na sabi nito, napansin niyang nagpalinga linga
ito.

"Wala akong kasama, mag isa lang akong pumunta rito..well, inihatid ako ni Trevor
dito." Aniya

"Ano bang ginagawa mo dito?" tanong nito na muling ibinalik ang mga mata sa kanya.

Para naman siyang tinarakan ng kutsilyo sa puso niya, hindi niya ito maintindihan.

"Reed..ano bang nangyayari sa'yo?" tanong niya dito

"Ikaw? Anong nangyayari sa'yo? You shouldn't be here..dapat ay kasama mo si...si


Carl." Anito

"Pero ikaw ang gusto kong makasama." Aniya, nagulat naman ito sa narinig

"Babalik na ako sa Korea sa susunod na araw, gusto ko lang na makasama ka Reed."

She sigh heavily and looks away.

"Hindi ako ang Reed na gusto mong makasama Eiren, ang kakambal ko iyon, hindi ba at
bumalik na siya at nagtapat na siya sa'yo..you should be happy, right?" tila
napipilitan na lang itong kausapin siya, "Umuwi ka na..babalik na ako sa
pagpapractice ko." anito na tumalikod at akmang maglalakad nang pigilan niya ang
braso nito.
"Alam ko..alam kong hindi ikaw ang Reed na nangako noon sa'kin.." aniya, he stopped
but still not looking at her so she continue, "Nakakabaliw isipin na sa tinagal
tagal na panahon na iginiit kong ikaw nga si Reed na nangako noon sa akin, na ikaw
ang fiance ko..at sa kabila ng mga pagtanggi at pagtataboy mo sa'kin, na tigilan ko
na ang ginagawa ko...Reed, narealize ko na ginagawa ko na lang palang excuse iyon
para lalong mapalapit sa'yo..I found myself loving you for what you are..kung sino
ka talaga..habang tumatagal ay lumalalim ang pagmamahal ko sa'yo." Lumuluha na
niyang sabi, he looked at her with disbelief in his eyes.

Niyakap muli niya ang binata at ayaw na niya itong pakawalan pa.

"Ayokong tuparin ni Carl ang pangako niya, hindi ko gustong pakasalan ang lalaking
hindi ko naman mahal. Reed, ikaw ang mahal ko." aniya sa pagitan ng mga yakap.

Naramdaman niya ang masuyong pagdantay nito sa mga balikat niya, napapikit siya
nang akalain niyang yayakapin din siya nito subalit ganon na lamang ang pagdurugo
ng puso niya ng inilayo lang pala siya nito.

Kaagad itong tumalikod nang makalayo siya.

"Eiren..Hindi mo alam ang nararamdaman ko ngayon." Anito

"Pero hindi ba at mahal mo rin ako..sinabi mong matagal mo na rin akong gusto."
Aniya habang pinapaalala dito ang araw na nasa Planetarium sila at sa university.

Nagpakawala ito ng malalim ba buntong hininga.

"My brother loves you, nagbalik siya upang tuparin ang pangako na pakakasalan ka
niya, hindi ko kailanman maaring hadlangan iyon."

Her heart contracting painfully, wala siyang nagawa nang makita niyang sumakay na
muli sa sasakyan si Reed at muling pinaandar iyon. Wala na bang chance na lumigaya
siya?

Nilisan niya ang lugar na iyon na umiiyak.

Mula sa nakaparandang sasakyan, tahimik na nakaupo si Reed sa ibabaw ng hood habang


nakatitig sa malawak na open arena, ilang beses muna siyang nagbuga ng hangin bago
muling tumungga sa hawak niyang beer in can.

Tumingala siya sa kalangitan upang pigilan ang emosyon niya, Bakit kung kailan
nakamove on na siya sa bangungot ng nakaraan...Bakit kung kailan handa na rin
siyang ipagtapat ang tunay niyang nararamdaman sa babaeng mahal niya..nangyari pa
ang lahat ng iyon..

Masaya siyang buhay pa pala si Carl, masaya siyang nakita niyang muli ang kakambal
niya...pero mas nasasaktan siya ng mga sandaling iyon.

Bigla ay sumingit sa balintataw niya ang mukha ni Eiren..God knows how happy he is
that Eiren loves him too..kung alam lang nito kung gaano siya kasaya...kung paano
niya pinigilan ang sarili niyang yakapin ito at halikan sa mga
labi..sabihing..mahal na mahal niya ito..

Pero hindi niya nasabi, hinid niya nagawa..kaya iyon lang ang tanging magagawa
niya, thinking her is the only way he could do. He felt a stab of pain through him.
Mula sa kaliwang kamay niya ay tinitigan niya ang nakabukas na maliit na kahita,
mukhang hindi na rin yata niya maibibigay sa dalaga ang bagay na iyon.

Nakuyom niya ang mga palad, ang isiping iyon ang mas nagpapahirap sa kanya,
dumating na ang tunay na Reed..nagbalik ito para tuparin ang mga pangako nito noon
kay Eiren..wala siyang magagawa para pigilin iyon, para sirain iyon..dahil alam
niyang gustong gusto ito ni Carl.

Wala sa sariling naihagis niya iyon sa malayo pagkuwan ay nahiga sa ibabaw ng


sasakyan habang pinagmamasdan niya ang mga bituin sa kalangitan.

Pakiramdam niya si Eiren ang mga bituin na iyon...napakahirap nitong makamtan,


napakalayo nito para maabot niya.

"I should be happy..dumating na ang tunay mong prinsipe.." kausap niya sa sarili,
hindi niya namalayan ang luhang lumandas sa mga pisngi niya.

"Can I join?" a voice of a man said.

Frozen, when he looked at the man.

"Ca-carl..." he said almost a whispered.

Nakangiting lumapit ito sa kanya, saglit nitong hinaplos ang sasakyang pangkarera
niya.

"I always watching you and everytime you won the race I almost jump because of so
much happiness. And I'm so proud of you Erl." He said smiling.

Hindi naman siya makapaniwala sa sinabi nito, hindi niya akalain na sinusubaybayan
nito ang bawat karera niya.

"I-I pursue my dream because of you Carl." Sa wakas ay nasabi niya, tumingin ito sa
kanya, nakangiting tumango.

"I know, at gaya ng sabi ko rin noon. Magiging isang doctor ako." Anito na mahinang
tumawa.

"And I'm so proud of you too Carl."

Kumuha ito ng isang beer in can sa tabi niya, pagtapos nito iyong buksan ay kaagad
na tumungga.

"I can drink beer now." Nakatawang biro nito, sumandal ito sa gilid ng sasakyan
niya pagkuwan ay muling nagsalita. "I remember the old times...I always remember
you Erl." Anito at nagsimulang magreminisce ang binata.

Gumaan ang pakiramdam niya habang kausap niya ang kapatid niya, natagpuan niyang
nakikipagtawanan na siya kay Carl.

Maya maya ay bigla itong nagseryoso, "Mahal mo ba si Eiren, Erl?" tanong nito

Yes! I love her so much...he wanted to say but restrained hisself and lied.

"No."

He looked at him with disbelief, kailangan niyang magsinungaling dito. Malaki ang
naging kasalanan niya dito kaya ayaw na niyang madagdagan pa iyon. Aagawin pa ba
niya ang babaeng gusto nito?
"I don't like her, iyon ang totoo. Ayoko sa makulit at pasaway na babae."
Pagsisinungaling pa niya. "Atsaka, hindi ko gustong agawin si Eiren sa'yo, gusto mo
siya at ikaw din ang nangako sa kanya noon." Patuloy niya.

Nagulat siya nang ibigay nito sa kanya ang maliit na kahita na sa pagkakaalam niya
ay ibinato niya kanina lamang.

"Tell her exactly what you really feel, Erl." Nakangiting saad nito

"No I can't." aniya, hindi niya kayang gawin iyon, kaya niyang isakripisyo ang
nararamdaman niya para lang sa kaligayahan ng kapatid niya.

He hadn't dated anyone because of Eiren, alam niyang may isang salita ang kakambal
niya..alam niyang tutuparin nito ang pangako nito sa dalaga.

Umiling ito at tinapik ang balikat niya.

"Matagal na panahon ka na ring nagsakripisyo sa nararamdaman mo kay Eiren dahil


sa'kin. Erl, nagbalik ako hindi para tuparin ang pangakong iyon kay Eiren..."
anito, ganon na lamang ang pag awang ng bibig niya.

"Nagbalik ako para sabihin sa'yong tuparin mo para sa'kin ang mga pangako kong iyon
noon kay Eiren..."

"Anong ibig mong sabihin Carl?"

Itinaas nito ang kaliwang kamay at pinakita ang gintong singsing na suot nito.

"I'm a married man now, Erl."

He was shocked, hindi niya magawang makapagsalita habang nakatitig sa singsing na


suot nito.

"But you hadn't dated anyone..." saad niya, bahagya itong nagulat pagkuwan ay
mahinang tumawa.

"Nah, you rat...you hired a investigator to get an information about me."

Ngumisi siya, "You hired a spy too..right?" ganting biro niya

Naiiling na tumawa ito, "Smart guy." Komento nito

"We're twins." Sagot niya

Ngumiti ito subalit napansin niyang malungkot ang mga mata nito.

"Why? Is there anything wrong Carl?" he asked his brother.

Nagbuntong hininga ito

"Ang totoo ay may malaking problema din ako Erl." Anito

"Ano?"

"I'm looking for my wife's heart." He said bitterly

"What?" naguguluhang tanong niya


"Eight years ago, I married a girl, that was secret marriage." Anito, kaya pala
hindi rin alam ni Xien ang tungkol doon.

"But one year ago, my wife got into a car accident, she died."

Ganon na lamang ang panggigilalas niya

"I'm sorry Carl." Aniya na tinapik ang balikat nito, nakita niya ang pagbuntong
hininga nito

"Nakamove on na ako." Anito na mapait na ngumiti

"But what do you mean you're looking for your wife's heart?"

"May inoperahan din kasing babae noon at sa kanya dinonate ang puso ni Therese.
Hindi ko man lang nakita kung sino ang babaeng iyon kaya hinahanap ko siya ngayon."
Anito. "Anyway, balo man ako ngayon. Hindi ko na rin magagawa pang tuparin ang mga
pangakong iyon kay Eiren, may mas mahalaga akong misyon ngayon."

"You mean..."

"Sinubukan lang kita, sinadya kitang pagselosin...gusto kong malaman kung matutupad
mo ba ang mga pangako kong iyon noon kay Eiren.." anito na muling tinapik ang mga
balikat niya, "At napatunayan ko kung gaano mo siya kamahal."

Kumuha ito ng dalawang beer in can, binuksan iyon pareho at ibinigay sa kanya ang
isa.

"So tell me, do you love her?" muling tanong nito, nakangiti

"I love her so much." Sagot niya, nakangiti na rin.

"C'mon, let's toast." Nakangiting sabi nito.

Tahimik na nakatitig lang si Eiren sa mga bituin habang sinasariwa niya


ang magagandang alaala sa lugar na iyon kasama ang lalaking pinakamamahal niya.
That place will be store in her mind forever.

Sa huling pagkakataon ay gusto niyang pagmasdan ang mga iyon dahil mamaya lamang ay
aalis na siya papuntang Korea.

Walang nakakaalam ng maagang pag uwi niya kundi si Dustin lamang, nagpapasalamat
siya dahil naintindihan nito ang desisyon niya, hindi niya tinanggap ang marriage
proposal nito dahil hindi niya kayang magpakasal dito.

Habang nakatitig sa pinakamaliwanag na bituin doon ay hindi niya namalayang


lumuluha na pala siya. Nalulungkot na naman ang puso niya dahil sa pananabik kay
Reed.

Hindi niya alam kung paano magsisimula, kung paano niya gagawin ang pagmo-move on
niya, paano ba niya makakalimutan ng ganon kadali si Reed?

Siguro nga she's a grown up woman now..sinasabi ng kabilang bahagi niya na gawin
niya ang dating ginagawa niya kay Reed, ang i-stalk ito, habulin ito hanggang sa
maiparamdam niya ang tunay niyang nararamdaman pero nahihiya na siya, ayaw niyang
ipagpilitan pa ang bagay na hindi nito magugustuhan.
Saglit pa niyang pinagkatitigan ang bituing iyon bago mariing pumikit, I'll be
leaving Reed, kung pwede lang na makita kita kahit sa huling pagkakataon...

Nagmulat siya ng mga mata nang maramdaman niyang hindi siya nag iisa.

She gasped when she saw Reed was standing a few inch toward her, his dark, gray
eyes were looking straight into her eyes.

"Reed?" Her breath caught in her throat

"This place was the most beautiful place in the world with the most beautiful woman
standing beside me."

"Reed..." she said almost a whispered.

Napasinghap siya nang lumapit pa ito sa kanya hanggang sa halos magkadipa na lamang
ang pagitan nilang dalawa.

"I'm so sorry Eiren...Forgive me for what I've done..Forgive me for my cowardice,


forgive me for hurting you...Forgive me."

"There's nothing to forgive Reed.."

He grabbed her hands and kissed the palms with a gentleness that touched her heart.

"I love you Eiren..."

Eiren couldn't breathe. It seemed she'd been waiting all her life to hear those
words.

"I love you from the start, I love you so much that I want to punch myself for
ignoring you and treating you like you're not there."

Hot tears trickled out of her eyes, Still unable to believe any of this was really
happening. If it was a dream, she never wanted to wake up.

"I love you that you're always stuck in my mind...I love you that I want to hug you
so tight and hold you forever..." His arms closed around her, Eiren held him
tighter, unable to speak. She wondered if a person could die from too much
happiness exploding inside.

"I love you that I want to kiss your lips and I couldn't take it anymore because
I'll go crazy..." He pressed her and lowered his mouth to her in a deep, lingering
kiss.

"Is it okay with you if I'm going to be your prince and marry you?" he whispered
against kiss, tears still streaming down her face while broke a radiant smile.

"You're my real prince...Reed..and you're my fiance since I'm thirteen years old."
She said.

They laughed softly against their kisses.


####################################
EPILOGUE
####################################

Punong puno ng tao ang malawak na sports arena, lahat ay pigil ang paghinga habang
hinihintay kung sinong car racer ang mananalo sa race event na iyon.
"Oh yes! Morgan is still leading the race..this is really unbelievable!" the sport
announcer said.
Habang nangunguna ang kulay pulang sasakyan ni Reed, hindi naman tumitigil sa pag
usal ng panalangin si Eiren para sa kaligtasan at tagumpay ng binata.
Naramdaman niya ang paghawak sa kamay niya, sinulyapan niya ang lalaki sa tabi
niya, nakangiting nagsalita ito.
"He will be okay. He's going to win this." Dustin said, nakangiting tumango siya.
"Yeah, he will win." Pagsang ayon niya.
Binalingan niya ang mga taong kasama niyang manood ng mga sandaling iyon para
suportahan si Reed, kasama ang buong pamilya ng binata ay naroon din ang buong host
men.
Ang alam niya ay noon lang nabuo ang host men na magkakasamang nanood para
suportahan ang kaibigan, madalas kasing sa ibang bansa ginaganap ang car event kaya
hindi nakakapanood ang ibang Flower Boys.
Nang makita niyang magtayuan ang mga host men at masayang nagsigawan ay doon lang
niya muling itinuon ang atensyon sa racing track, natapos na pala ang race at si
Reed ang nanalo sa event na iyon.
"Morgan is amazing racer! Still, no one can beat him!" masayang bulalas ng
announcer.
Kung maraming natutuwa sa pagkapanalo sa binata, lalong lalo na si
Eiren..napakasaya niya para kay Reed.
Kasama ng pamilya nito at ng host men ay sinalubong nila ang binata.
"Congratulations Reed!" halos sabay sabay na wika ng host men at obvious na
pinaghandaan iyon dahil sinalubong din ng mga ito ng pop up confetti at torotot ang
binata.
"Nah, prepared talaga kayo ha?" natatawang biro ni Reed sa mga ito.
"Of course! Ngayon lang din naman kami nakapanood ng sama sama sa laban mo..And I
bet, mas masayang manood ng car race kaysa sa manood ng bikini open." Sabi ni
Hunter, mahinang hinataw ito ni Einar ng hawak na torotot.
"Ayan ka na naman!" anito
"Congratulation my son." His dad said, teary eyed. Niyakap ito ng mga magulang
nito.
"Congrats Bro!" masayang wika naman ni Dustin at niyakap din ang kapatid.
"Thanks mom, dad..Carl." ganting turan ni Reed, "This was my happiest day
ever...with my friends...my family..my twin brother..." anito na isa isang
sinulyapan ang mga taong nakapaligid dito, she smile widely when he look at her.
"And with my princess..."
Lumapit ito sa kanya at niyakap naman niya ito.
"Congratulations Reed." Aniya, he groaned.
"That's not what I want from you." He pouted, she giggled at his cute gesture.
She clung her arms into his neck and pull him closer to her. She kissed his lips.
"I love you." She said under her breathe, he held her tight and his kiss becomes
deeper.
Nakarinig sila ng pagsipol mula sa host men at palakpak naman mula sa pamilya nito.

~ The End ~
Author's note: This is soon to publish under LIB. Thank you for reading this story.
If you like this you can follow, like and post a comment in their FB page 'FLOWER
BOYS HOST CLUB'
Arigatou minna!

You might also like