You are on page 1of 68

Chapter 1:

MEN IN ACTION

series 3:VENOM MONTECRISTO

Chapter 1:

"Ipinatawag ko kayong dalawa para inyong magiging mission..." umpisa ni Ervine.

Napakunot-noo si Venom. Nakangiti kasi si Ervine habang nagsasalita... Ang aga-aga


pa ah?

"Teka, para saan naman ang ngiti na iyan?" hindi nakatiis niyang wika.

"Wala, trip ko ngang ngumiti.. Masama?" sagot ni Ervine sa kanya.

"Hmf! Sungit!" pakli niya.

"Tumigil ka na nga Venom. Makinig ka na lang." wika ni Rock na katabi niya.

Kung si Ervine, masungit... Ang Rock naman na 'to, suplado. Bagay dito ang pangalan
nito kasi mukha itong walang nararamdaman. Blangko palagi ang expression ng mukha.
Tumahimik na lang siya at bumuntung-hininga. Tumingin siya sa mga C.O. niya. Kina
Ervine at Siege.

"Ang magiging mission niyo ay hanapin ang isang Underground Syndicate na kumukuha
ng mga bata sa iba't-ibang bayan... Ayon sa aming source, dinadala ang mga batang
iyon sa isang lugar sa bayan ng Santa Catalina.. I-locate niyo ang lugar at
magsasagawa agad tayo ng rescue operation... Ang magiging cover niyo dito ay mga
Doktor na magbibigay ng Medical Mission. Nakipag-coordinate na kami sa mga opisyal
ng bayan at naayos na namin ang lahat..." seryosong wika ni Siege.

"Mga bata na naman? May kinalaman na naman ba kaya dito ang Advance Tech?" biglang
tanong ni Rock.

Napakibit-balikat si Ervine.

"Hindi natin alam dahil malabo pa sa ngayon ang motibo kung bakit kinukuha ang mga
bata... Pero huwag naman sana... Kapag nagkataon, parang mga daga nagagamitin sa
experiments ang mga batang nakuha nila." gigil na naikuyom ni Ervine ang mga kamao.

"Heto ang folder... Nandiyan ang lahat ng detalye na kailangan niyo."

Iniabot ni Siege kina Venom at Rock ang mga folder at agad naman nilang kinuha.

"Okay... Lalarga na kami agad para masimulan ang mission na ito." nakangiting wika
ni Venom...

"Yupz... Tatawagan namin agad kayo kapag na-locate na namin ang lugar." ayon ni
Rock.

"Good luck!" halos sabay na wika nina Ervine at Siege.

Umalis na ang dalawa at agad na sinimulan ang kanilang mission... Malayong


probinsya ang Santa Catalina mula sa siyudad ng Osiris... Malamig ang klima ng
lugar dahil napapaligiran ng maraming puno at bundok.

Marahas na napabuntung-hininga si Abby habang nakatingin sa mga kasama niya...


Pagkatapos ay bigla siyang napasimangot sa mga ito. Sa kanya tumutok ang bote...

"Anong gagawin ko?" napasimangot niyang wika.

Ngumiti ng pilya sa kanya ang bading niyang kapatid na si Gida ( Gideon sa totoong
pangalan ).

"Kakanta ka, ate..."

"What?! Nananadya ka ba? Ang daming tao dito sa restaurant, tapos..." nanggigigil
niyang wika.

"Ano ka ba ate? Huwag ka namang unfair.. Kumanta at sumayaw na kami ni Mamu


Fernanda kanina noong tumutok sa amin ang bote. Buti nga ikaw, pinapakanta ka lang
namin. Tsaka, maganda naman ang boses mo. Tiyak, madami kang mabibiktima."

Ang isa pa nilang kasama ay si Mamu Fernanda, ang bading na Ninang/Ninong ng


kapatid niya.

"Sige na, iha! Nandito naman kami para suportahan ka... Wala kang dapat ikahiya,
wala ka namang gagawing masama eh." pakli pa nito.

Hindi na siya tinigilan ng mga ito sa pangungulit hanggang sa mapa-Oo na talaga


siya. Ang kapatid niyang si Gida ang pumili ng kantang kakantahin niya sa
videoke...

"Ate, nakasalang na ang kanta mo. Galingan mo ah?"

Hindi niya alam kung matutuwa siya o maaasar dito... Napatingin siya sa screen ng
videoke machine at napalunok siya ng wala sa oras... 2Become1 ang nakasalang na
kanta... Pinandilatan niya ang dalawang badidang na kasama niya... Pero sa bandang
huli, kumapal na rin ang mukha niya... Sige na nga, ngayon lang naman ito...
Papatulan na niya ang trip ng mga kasama niya. Tumayo na siya at tinanggal ang itim
na cap na suot niya. Hinayaan niyang lumugay ang wavy niyang buhok na lagpas
balikat.

"Lagyan mo ng sensuality ang boses mo para malanding-malandi ang dating!" payo pa


sa kanya ni Mamu Fernanda...

Napangiti siya ng pilya... Papatulan nga niya ang suhestiyon nito. Nagsimula na ang
kanta at...

"Candle light and soul forever. A dream of you and me together.. Say you beleive
it, say you beleive it..." pinasensual niya talaga ang boses..
Kung ganda rin lang ng boses ang pag-uusapan... Nasa lahi yata nila iyan!
Nagpalakpakan ang mga tao na kasama nila sa restaurant... Nag-init na ang mukha
niya at nagsimula na siyang ma-conscious pero pinili niyang mag-relax... Mas
nakakahiya kapag pumiyok siya...

"Woooh! I love you, Abby! Mamaya, aakyat ako ng ligaw ah?!" kantyaw ng isang lalaki
na kakilala nila...

Napangiwi siya ng bahagya... Anyway, tuloy ang kanta... Tuloy ang ligaya...

"Free your mind of doubt and danger. Be for real don't be a stranger... We can
achieve it... We can achieve it..."

"Abby! Magpapaalipin ako sa'yo, sabihin mo lang!" isa na namang kantyaw...

May mga sumipol pa dahil sa kantyaw na iyon. Hindi na niya ininda ang mga parungit
at kung anu-anong kantyaw sa kanya... Basta itinuloy na lang ang pagkanta...

"Come a little bit closer, baby... Get it on, get it on... Cause tonight, is the
night... When two become one..."

Mas pina-sensual niya ang boses sa parteng iyon ng kanta at inihanda niya ang
sarili para sa chorus.... Kaya lang ay...

"Miss, puwede bang tumigil ka na?! Ang pangit ng boses mo!"

Nanlaki ang mga mata niya at marahas na napalingon sa kung sinumang Hudas na
nagsalita! Naningkit ang mga mata niya at matalim na tumingin sa lalaki...

"Anong sinabi mo?!" galit na galit niyang wika.

Dito na nabuhos ang buo niyang atensyon.

"Narinig mo kung ano ang sinabi ko. Nakakairita ang boses mo. Hindi ko na nga
malasahan ang pagkain ko dahil sa kanta mo eh..."

Nagtiim ang mga bagang niya na parang mababali ang mga ngipin niya... Gusto na
niyang pumatay dahil sa sobrang panggigigil.... Mataman siyang tumingin sa mukha ng
balasubas na nilalang na iyon...

Mayroon itong gray hair at gray din ang kulay ng mga mata nito na may
kasingkitan... Tama lang ang shape at tangos ng ilong... Heartshape na mukha na
binagayan ng masculine na panga.... At may labi na hawig ang shape sa manikang si
Ken. Moreno ang kulay ng balat at may magandang built ng katawan. Halatang
matangkad ito... Nakasuot ito ng uniform na... MEN IN ACTION: V. MONTECRISTO; M.D.
'Ah... Kaya pala mayabang dahil isa pala itong army boy...' Matapang siyang
tumingin dito, hindi siya magpapatinag...

"Hoy army boy! Huwag na huwag mo akong pinakikialaman sa trip ko ah?! Ano bang alam
mo sa pagkanta bukod sa paghawak ng baril, huh?! Wala ka namang alam, akala mo kung
sino ka. Ang yabang mo, porke't ipinagmamalaki mo iyang pagiging army boy mo...
Naninindak ka eh wala ka namang binatbat!" matapang niyang wika.

Wala na siyang pakialam kung nakagawa na sila ng eksena... Hindi naman siya ang
nag-umpisa kundi ang Kapreng hilaw na ito... Natatawa lang at napapailing ang
kasama nitong lalaki sa mesa. Itim na itim ang buhok nito na maikli pero super
straight... Magaganda ang asul nitong mga mata na hawig sa sapphires... Pero
matapos niyang masipat ang isang iyon ay muling natuon ang paningin niya sa buwisit
na nilalang na gumawa ng eksena... Napalunok siya ng bigla itong tumayo.
"Ulitin mo nga ang sinabi mo? Miss, sa tono ng pananalita mo... Parang hinahamon mo
ako ah? Gusto mo bang kumanta ako, huh?!"

Tumaas ang kanang-kilay niya at napakibot ang kanyang labi. Tapos, ngumiti siya ng
pilya. Iyong tipong nang-iinsulto. Aba, kailangan niyang ibangon ang kanyang pride.

"Oo, gusto kong patunayan mo ang sarili mo bago mo ako laitin. Ang kapal din naman
ng mukha mo. Akala mo kung sino kang Hudas ka!" matapang niyang pahayag.

Naglakad na ito palapit sa kanya at bigla yatang nangatog ang mga tuhod niya...
Pero hindi siya dapat magpasindak. Kailangan niyang lumaban... May pride siya na
kailangang ibangon... Matapang siyang tumingin dito hanggang sa makalapit ito sa
kanya. Nagkatitigan ang kanilang mga mata at walang gustung magpatinag...

Kinuha nito ang hawak niyang mic... Pagkatapos ay ngumiti ito ng pilyo sabay sulyap
sa kanyang lips... Naasar siya sa ikinilos nito.... Pero hindi siya dapat magpadala
sa kanyang emosyon... Umatras siya para lumayo dito dahil lumiliit na yata ang
distansiya ng kanilang mga mukha.

"Kung iyan ang gusto mo, kakanta ako... Dedicated pa sa'yo, Chika."

Mas umatras siya dahil halos tuklawin na nito ang labi niya. Matapos iyon ay
pumunta na ito sa kinaroroonan ng videoke at ini-stop ang kanta niya... Nagsalang
na ito ng kanta... Umupo na siya at marahas niyang tinambol ang mesa dala ng inis.

"Buwisit!" hindi niya napigilang wika.

Nagpupuyos sa inis at galit ang damdamin niya.

"Wow, ate! Ang guwapo naman ng nabiktima mo. Ibang klase ang style ng pagpapansin
niya sa'yo... Kinikilig ako!"

Tumirik pa ang mga mata ng bading niyang kapatid at para na itong bulate na
inasinan... Dito na natuon ang kanyang atensyon. Pasimple niya itong kinurot sa
tagiliran.

"Araaaay!"

"Inagawan na ako ng eksena at ipinahiya ng walang-hiya na Kapreng-hilaw na iyan...


May gana ka pang kiligin?! Dahil lang ba guwapo siya, ipagpapalit mo ang loyalty mo
sa akin?!" inis niyang wika.

"Eeeh, guwapo eh!" rason pa ng sutil niyang kapatid.

Iniumang niya ang kanyang kamao dito pero mabilis na itong lumayo. Frustrate na
frustrate talaga siya.

"Hey, Chika! Makinig ka, para sa'yo ang kanta na ito!"

Biglang nabaling atensyon niya sa nagsalita. Iyong mayabang na "Army Boy". Itinuro
pa talaga siya ng damuhong lalaki at napuno na siya ng umaatikabong kantyaw mula sa
mga tao.... AMAZED by Lonestar ang kanta.

"Everytime our eyes meet. This feeling inside me. Is almost more than I can
take..."

Natuliro si Abby dahil maganda ang boses nito. Dapat nga itong magmalaki sa
kanya... Malamig at tila nanunuot sa bawat himaymay ng kanyang katawan ang tinig
nito. Pakiramdam niya, may kung anong nangyari sa sikmura niya. Parang may mga
gumagapang na kung ano doon o kaya nagliliparan sa loob ng sikmura niya.

"Grabeh! Hindi ko na 'to ma-take! Hindi lang puso ko ang kinikilig! Pati atay at
iba pang internal organs!" sigaw naman ni Mamu Fernanda.

Napatingin siya sa paligid at karamihan nga sa mga babae na naroon sa restaurant,


tila isang anghel na bumaba mula sa langit ang tingin sa lalaki... Lalo lang tuloy
siyang nainis at nagalit dito! Kinuha na nito ang eksena na dapat ay sa kanya
lang...

"I don't know how you do what you do. I'm so in love with you. It just keeps
getting better. I wanna spend the rest of my life. With you by my side, forever and
ever. Every little thing that you do... Baby, I'm amazed by you..."

Nagulat siya ng biglang tumuon sa kanya ang buong atensyon ng lalaki. Tinitigan
siya nito na para bang siya na lang ang tao na naroon. Marahan itong naglakad
papunta sa kinaroonan niya. Humarap ito sa kanya habang kumakanta. Hindi niya alam
kung ano ba ang ginagawa nito... Pero nakakairita na. At parang may magic yata
itong dala kasi nadadala siya sa kalokohan nito... Naaakit siya... Natapos na ang
kanta at nawala ang panandaliang magic na naramdaman niya.

"Ano, ha?! Taob ka sa akin, no?!" mayabang nitong kantyaw.

Bigla siyang tumayo at matapang na tumitig dito. Padarag niyang kinuha ang mic na
hawak nito. Napikon na siyang talaga!

"Ang yabang mo!" wika niya.

Sabay hampas ng mic sa dibdib nito. Malakas iyon, pero balewala lang dito ang
ginawa niya. Hindi man lang ito natinag. Deretso siya nitong tinitigan sa kanyang
mga mata at...

"Hinahamon mo ba ako, ha?! Kilala mo ba ako?!"

"Hindi kita kilala at hindi kita hinahamon! Pero... Hetong bagay sa mayabang na
katulad mo!"

Pagkatapos noon ay malakas niya itong tinuhod sa pagitan ng mga hita nito. Natumba
ito ng wala sa oras at nasubsob sa sahig... Nagulat ang mga tao sa ginawa niya.
Napatayong bigla ang lalaking kasama nito, pero hindi kumilos. Nabigla din naman
talaga si Rock. Namilipit naman sa sakit si Venom, sapo ang maselang bahagi ng
kanyang katawan. Napatingin siya sa babaing may kagagawan ng lahat... Sa lahat ng
babaing naka-engkuwentro niya, ito lang ang gumawa sa kanya ng ganoon... Sanay
siyang sinasamba at hinahabol... Pero ang isang ito... Ito ang napala niya... Halos
patayin siya!

"Y-You!!... M-Magbabayad ka sa akin! I-I swear!"

Napalunok si Abby sa tinuran ng lalaki. Malakas ang boses nito at alam niyang
seryoso ang banta nito sa kanya. Doon siya natauhan sa kanyang ginawa. Bigla siyang
napaatras at tumakbo palayo sa lugar...

Samantala, mabilis na dinaluhan ni Rock si Venom na namimilipit sa sahig matapos


itong atakehin ng babaing nakaengkuwentro nito. Tinulungan niya itong makatayo.
Namumula ang mukha ng kaibigan niya at pawis na pawis. Bahagya din itong
nanginig... Which is, unusual... Now, he could imagine how really painful it was.
Napangiwi siya.
"Okay ka lang?!" tanong niya.

"NO! T-That woman... She almost killed me! Lang'ya!!..." galit na wika ni Venom.

Pero sa kabila noon ay hindi napigilan ni Rock ang sarili... Natawa siya at bihira
lang mangyari iyon sa kanya.

"You know what? You deserve it, man. Your a certified jerk!"

"Buwisit! Isa ka pa!"

"Nabasag ba niya?"

"I-I don't think so... I'm gonna check it, right away!"

"Whoa! Huwag dito sa public!"

"The hell I care!"

"Stupid!"

Sa inis ni Rock ay binatukan na niya si Venom. Wala na siyang pakialam kung ano pa
ang kalagayan nito... Oo na, tiyak na masakit ang nangyari sa kaibigan niya... Pero
hindi iyon excuse para gumawa ito ng 'Alarming Public Scandal' sa pamamagitan ng
pagche-check nito ng sarili... Napailing na lang siya at natawa ng bahagya. Umalis
na sila sa lugar at agad niya itong iniuwi sa bahay na tinutuluyan nila.

Kausap ni Rock sa cellphone si Ervine at pasulyap-sulyap si Venom dito... Nang


ibinaba ng kaibigan niya ang cellphone ay saka siya nakahinga ng maluwag.

"Oh, bakit ganyan ang tingin mo sa akin?" untag ni Rock sa kanya.

"Iniisip ko kasi na baka i-report mo sa kanya ang nangyari sa akin kanina. Mahirap
na. Kailangang maging handa ako para mapilipit ko agad ang leeg mo." birong-totoo
niya.

Napailing si Rock at napamaywang na tumingin sa kanya.

"Kung sina Velvet at Sky ang kasama mo ngayon, malamang... Kalat na ang tsismis na
muntik ka nang mabasagan ng mga itlog."

"Darn it!" pikon niyang react.

Tumawa ito pero hindi na niya ito pinansin pa. Abala kasi siya sa pagkakalikot sa
laptop niya.

"Ano namang pinagkakaabalahan mo diyan?" bigla nitong sita sa kanya.

"Kumukuha ako ng isang Special File..."

Napangisi niyang wika. Ipinagpatuloy niya ang pagkalikot sa mga files hanggang sa
makuha niya ang impormasyong gusto niya...

"BINGO, baby! Got yah!"

Pumunta sa likuran niya si Rock at binasa nito ang file sa laptop niya... Narinig
niya ang marahas na buntung-hininga nito.

"Abbigail Trinidad Acosta..."

"Ano sa tingin mo, Rock?! What an info, di ba? Napaka-good news na kapitbahay lang
pala natin ang babaing kailangan kong gantihan... Ha ha ha ha! Sa tingin ko,
kailangan ko nang gumawa ng plano para sa aking vengeance..."

"Kailangan ko yatang i-remind sa'yo na nasa misyon tayo ngayon. Pabayaan mo na lang
'yan. Isa pa, kasalanan mo naman kung bakit nangyari sa'yo iyan. You made the wrong
move. Kung ako lang iyong babae, baka tinuluyan na kita. Hindi mo siya kailangang
pag-aksayahan ng oras. Lumalabag ka na sa rules."

"Magaling ako sa multi-tasking! Kaya hindi ko nilalabag ang rules natin. Siyempre,
ang main focus ko ay sa mission natin." mariin niyang wika.

"Isusumbong kita kina Siege at Ervine." banta ni Rock sa kanya.

"Go ahead... Now na!"

"Duh..."

Iniwan na siya ni Rock, pinabayaan na lang siya nito. Tumayo naman siya at nag-
stretch ng katawan. Ganado yata siya ngayong gabi na maglaro... Napangiti siya sa
kanyang iniisip... Napatingin siya sa katabi nilang bahay... Malaki iyon at
maluwang... Noong Spanish era pa ang disenyo noon. Tiningnan niyang muli ang file
sa laptop niya at kinuha ang mga kaukulang impormasyon... Pagkatapos noon ay
lumabas na siya...

Nakasuot lang si Venom ng itim na sando at itim na jogging pants... Hindi na niya
kailangan ang kanyang mga combat gears dahil simpleng akyat-bahay lang naman ang
kanyang gagawin. Walang bakod ang bahay kaya madali lang siyang nakapunta sa
paligid nito... Mabilis siyang dumaan sa balcony na nasa likod.

Samantala... Katatapos lang magshower ni Abby. Nagbabad talaga siya sa paliligo


dahil sobra siyang na-stress sa nangyari kanina lang... Nakasuot siya ng maikling
shorts na pantulog at isang manipis na t-shirt. Matapos niyang patuyuin ang kanyang
buhok sa pamamagitan ng pagpupunas ng tuwalya ay nagsimula na siyang magpahid ng
lotion sa kanyang katawan. Lavender scent ang paborito niya.

Napatigil siya sa kanyang ginagawa ng biglang mag-ring ang cellphone niya.


Tiningnan niya iyon... Unregistered ang number... Napabuntung-hininga siya. Hindi
niya iyon pinansin. Ang mga legs naman niya ngayon ang kailangan niyang pahiran ng
lotion... Nagpatuloy sa pagri-ring ang cellphone niya at nagsimula na siyang
mairita... Talagang hindi siya titigilan ng kung sinumang tumatawag na iyon.

"Hello?!" sagot niya sa tawag.

Napakunot-noo siya. Walang sumagot sa kabilang linya. Mukhang may nagtri-trip...


Akma niyang ii-end ang tawag nang...

"Good Eve, Chika... Namiss mo ba ako?"

It was a man's voice... At sa tono ng pananalita nito, parang inaakit siya nito...

"Sino ka?!" matapang niyang tanong.

"Oh... Ang sakit naman. Kasing sakit ng ginawa mo sa akin. Pagkatapos ng mga
nangyari sa atin kanina, nagawa mo palang kalimutan ako ng ganoon na lang...
Nakakasakit naman ng damdamin..."

Bigla siyang nakaramdam ng kung ano... Bumilis ang tibok ng puso niya ng wala sa
oras.

"I-Ikaw?! Anong kailangan mo sa akin?!"

Pinilit niyang magmukhang kalmado ang tinig niya.

"Salamat naman at hindi mo pala ako nakalimutan agad. Kailangan ko sa'yo? Hmm...
Habang nakikita kita ngayon, ewan ko lang kung ano ba ang dapat kong kailanganin.
Nice legs, huh?"

Napabuka ang labi niya pero hindi siya makapagsalita. Nabigla siya ng husto. Pilit
niyang pinakalma ang sarili at nang makabawi na siya sa pagkakabigla ay mabilis
siyang luminga sa paligid ng kanyang silid. Hindi pa siya nakuntento ay nilibot pa
niya ito.. Pero wala siyang nakita kahit na anino.

Samantala... Napangiti si Venom habang pinagmamasdan niya ang kilos ng babae. Nasa
bubong siya ng bahay ng mga ito. Mula sa kinaroroonan niya, kitang-kita niya ang
view dahil sa bukas na bintana. Hindi siya mapapansin dahil natatakpan ng makakapal
na dahon ng punong Chico ang katawan niya. Sumandal siya sa malapad na sanga ng
puno. At gamit ang telescope ng kanyang baril, mas napagmamasdan niya ito ng
malinaw... Ini-adjust pa niya iyon para mas lumaki ang image na makita niya.

Gigil na gigil naman na sa inis si Abby.

"Pinaglololoko mo ba ako, huh?!" galit niyang turan.

"Nope, my darling... Bakit naman kita lolokohin?"

Nang-aasar ang tono ng boses nito. GRRRR!!!...

"Siguro, nanghuhula ka lang... At ginagamit mong taktika iyon para maloko mo ako."
pakli niya.

"Ha ha ha ha ha! Of course not! Bagong paligo ka lang... At noong tawagan kita,
busy ka sa pagpapahid ng lotion sa iyong... Hmm... Katawan. I could tell, it was
nice. Really nice... Nakasuot ka ng evening shorts na kulay peach. At ang ganda ng
reflection noon sa kutis mo. Nakasuot ka ng white na t-shirt na may tatak ng
cartoon character na si Tweety... And I bet, you are bare inside. Hindi ka nakasuot
ng brassier."

Napakagat sa lower niya si Venom. He was starting to burn. But he was trained to
control himself. He keep his self, calm. Nag-init namang bigla ang mga pisngi ni
Abby. Lahat kasi ng sinabi nito, eksakto lahat. Pero paano?! At imposible talaga na
hula na lang iyon?! Inis niyang ini-end ang tawag at inihagis niya ang cellphone
niya sa kanyang kama. Pagkatapos noon ay tumuon ang atensyon niya sa malaking
bintana ng kanyang silid. Kinutuban siyang bigla... Agad siyang lumapit doon at
akma na niyang isasara ng biglang lumabas ang isang lalaki sa bubong ng kanilang
bahay. Nakakubli ito sa makapal na dahon ng puno ng chico. Sa kusina ang parteng
iyon, malapit sa balcony. Kumaway ito sa kanya.

Isa iyong confirmation. Iwinagayway pa nito ang hawak nitong cellphone. Napakislot
siya ng muling mag-ring ang cellphone niya. Napatingin siya sa lalaking nasa
bubong. Ito nga ang tumatawag... Hindi niya gaanong maaninag ang mukha nito dahil
madilim. Napalunok siya at bumuntung-hininga ng kunin niya ang kanyang cellphone sa
kama. Sinagot niya ang tawag.
"Makinig ka, Abbigail Trinidad Acosta... Humanda ka sa akin dahil pagbabayarin
kita." mariing banta ni Venom.

Matapos iyon ay ini-end na niya ang tawag. Mabilis din siyang tumalon mula sa
bubong. Agad siyang umalis. Tulala naman si Abby matapos niyang marinig ang banta
nito. Nalaglag niya ang cellphone niya at natauhan siya ng mabasag iyon. Seryoso
ang banta sa kanya. Mabilis niyang isinara ang bintana ng kanyang silid at agad
siyang nahiga sa kanyang kama, sabay talukbong ng kanyang kumot. Hindi pa siya
natakot ng ganito sa kung sino sa buong buhay niya... Matapang siya... Pero bakit
ngayon? Bakit bigla siyang naduwag?!

Chapter 2:

Chapter 2:

Abala sa pagsi-sit ups si Venom ng pumasok si Rock sa kuwarto niya. Prente itong
umupo sa kama niya at tumingin sa kanya.

"Huwag mong kalimutan na maaga pa tayo bukas para sa Medical Mission natin."

"I'm burning up the heat on my veins..." maikli niyang sagot.

Bigla itong napasipol.

"Akala ko ba gumanti ka na kanina? Di ba nag-akyat-bahay ka na diyan sa kabila?"

"Duh... Nagbigay lang ako ng warning... I'm gonna take my vengeance, slowly and
surely..." he grin evil.

"Baliw ka talaga." comment nito.

"Same as you."

Mahina siya nitong sinipa sa kanyang tagiliran. Napatigil siya sa kanyang ginagawa
at naupo na sa sahig. Tumingin siya dito.

"What?!" tanong niya kay Rock.

"Binasa mo bang maigi ang file ng Abbigail Trinidad Acosta na iyon?"

"Yeah.."

"Kung ganoon, alam mo na pamangkin siya ng Mayor ng bayang ito. At may anim itong
lalaking pinsan na handang humanting sa'yo anumang oras kapag gumanti ka?"

"Siyempre. Pero hindi naman ako nasisindak."

Napaismid lang si Rock sa kanya. Halatang inaasahan nito ang kanyang sagot.
Pagkatapos noon ay iniba na nito ang topic. Tungkol na sa strategy nila ang
kanilang topic. Gagamitin nila ang Medical Mission bukas para makakalap ng mga
simpleng impormasyon na kailangan nila.

Kinabukasan, maagang sinimulan nina Rock at Venom ang kanilang Medical Mission.
Gagamitin nila iyon sa simpleng pagkalap ng mga impormasyon. Pasimple silang
nagtatanong sa kanilang nagiging mga pasyente.

Pasimpleng nakikinig si Venom sa tsismisan ng dalawang Ale sa center. Ayon sa


naririnig niya, karaniwan ng mga batang kinikidnap na nababalitaan daw ng mga ito
sa T.V. ay iyong mga palaboy sa lansangan. Alam na nila ang detalyeng iyon kaya
idinaan na lang niya sa buntung-hininga ang kanyang pagkadismaya. Kasalukuyang
binibigyan niya ng gamot ang pasyente niyang bata. May sipon ito at ubo. Maraming
tao sa kanilang Medical Mission. Biglang may umagaw sa atensyon niya.

"Scissors! Tulong po, Dok! Scissors! Nagsi-scissors ang anak ko!" tarantang wika ng
isang Ginang.

Natatawang dumalo si Rock sa pasyente. Napailing naman siya at ngumiti.

"Misis, baka po seizure ang sinasabi niyo." pagtatama ni Rock.

Dinaluhan na nito ang pasyente. Napapahiya namang natigilan ang Ale. Napangiti na
lang ito ng alanganin.

Samantala... Nakapangalumbaba si Abby habang nakadulog sa mesa ng umagang iyon.


Hindi siya nakatulog dahil sa pesteng lalaki na iyon na pinagbantaan siya. Naghain
na ang magaling niyang kapatid na si Gida ng almusal. Sinangag na kanin, sunny side
up na itlog, at tapa. May kape na rin na halos mamuti na sa dami ng creamer.
Napangiti siya. Alam na alam talaga ng kapatid niya ang gusto niya. Dumating na ang
kanyang Mamay Lab.

"Good morning mga magaganda kong anak!" bati nito sa kanila.

"Good morning, Mamay!" bati niya.

Ito ang kanyang Magandang Mamay Lab na sobra niyang mahal at ipinagmamalaki... Ito
ang kanyang ama. Tama, kagaya ng kapatid niyang si Gida, bading din ang kanyang
ama. Noong bata siya, madalas siyang mapaaway dahil sa panunukso tungkol sa
kasarian ng kanyang ama. Pero kahit kailan, hindi niya ito ikinahiya. Parlor ang
hilig nito, at ang kapatid niya sa pananahi ng damit naman. At siya ang kinahiligan
niya... Ang trabaho sa rancho. Trabahong panlalaki pero gusto niya. Kahit na
magaspang siyang kumilos at panlalaki ang trabahong kinahiligan niya, babae siya...
Heart and soul, babae siya.

Napatingin siya sa mesa ng ilapag ng Mamay Lab niya ang boquet ng peach roses sa
harap niya. Napangiti siya at matamang tumingin dito.

"Hindi ko po birthday ngayon, Mamay. Bakit niyo ako binibigyan ng ganyan?" tanong
niya.

"Anak, hindi galing sa akin 'to. Ipinapabigay noong kapitbahay nating binata diyan
sa kabila. Anak, ang guwapo niya at mukha siyang mabait."

Napailing siya.

"Mamay naman, ang aga-aga... Niloloko niyo ako eh."

"Asus ka naman, teh! Si Mamay, lolokohin ka? Kung ayaw mo sa mga bulaklak na 'to,
akin na lang!" singit ni Gida.

Akma nitong kukunin ang boquet pero inunahan niya ito.

"Sorry ka na lang! Akin 'to!"

Inilayo niya ang bulaklak.

"Ateh, pahinge!"

Binigyan niya ito ng tatlong piraso at tuwang-tuwa ang bunso niyang kapatid.

"May card iyan, anak. Tingnan mo ang nakasulat." untag ng kanyang Mamay Lab.

Kulay-lavender ang card na may disenyo ng mga petals. Scented iyon. Binuksan niya
ang card para tingnan kung kanino galing ang mga bulaklak.

"Chika,

Aakyat ako ng ligaw sa'yo ah? Pupuntahan kita diyan mamayang gabi."

Nanlaki ang mga mata ni Abby sa kanyang nabasa. Bigla niyang nabitawan ang card.
Pinagpawisan niya ng malamig at malapot. Napatingin siyang bigla kay Gida.

"Ateh, may problema?" tanong nito.

"G-Galing kay Army Boy!" bulalas niya.

"EEeeeeehhhh!!!!...." tumili ang magaling niyang kapatid.

Hinampas niya ito ng boquet.

"Manahimik ka!"

"Anong nangyayari?" tanong ng kanilang Mamay Lab.

"Mamay! Si Ateh, kahapon may naka-engkuwentrong guwapo!" umpisa ni Gida.

Napasimangot siya. Mabilis siyang naglagay ng mga pagkain sa kanyang plato. Tumayo
siya dala ang kanyang plato at kinuha ang mug. Nilayasan na niya ang mga ito. Sa
Balcony siya kumain. Pagkatapos niyang mag-almusal ay agad siyang naligo at
nagbihis. Kailangan na niya kasing pumunta sa rancho. Pamana ng Lolo nila ang
rancho sa Tito Manuel niya at sa kanyang Mamay Lab. Puro barako ang mga anak ng
kanyang Tiyuhin at kasama siya ng mga ito sa pangangalaga ng rancho. Madalas tuloy
siyang kantyawan ng mga pinsan niya. Eksaktong paglabas niya ay naroon na ang
kanyang pinsan na si... Ahm, hindi niya alam kung si Andrew o Adam iyon. Identical
twins kasi ang dalawa.

"Good morning, Andrew!" bati niya.

Tumawa ito at napailing. Prente itong kumakain ng almusal na inihanda ni Gida.


Hinulaan lang niya ang pangalan ng isang ito.

"Si Adam ako, bunso." natatawa nitong wika.

Sumimangot siya.

"Malay ko ba. Tinanghali ka yata ng sundo sa akin?"


"Eh.... Alam mo na, lalaki..."

Napaismid siya sa tinuran nito. Kaya madalas mapahamak ang kakambal nitong si
Andrew sa mga babae eh. Kasalanan ng isang ito. Babaero si Adam pero ang twin-
brother nitong si Andrew, takot sa mga babae. Hindi niya malaman ang eksaktong
kuwento kung bakit. Malihim kasi ang isang iyon.

"Siya nga pala, Abby... Nabalitaan ko kahapon iyong ginawa mo sa restaurant ah?
Pasalamat ka mabait iyong nakaengkuwentro mo. Hindi ka inireklamo."

Natigilan siya ng bahagya sa sinabi nito.

"Kasalanan naman niya eh. Ipinahiya niya ako. At tsaka, anong mabait?! Excuse me,
pinagbantaan niya ako kagabi na pagbabayarin daw niya ako... Tulungan niyo naman
ako, oh." pakiusap niya.

Tumawa ng mahina si Adam sa tinuran niya.

"Anong nakakatawa?!"

"Abby, lagot ka pala ano? Kahit ako siguro, kapag nangyari sa akin iyon...
Pagbabayarin ko rin ang may kagagawan. Magbayad ka na lang ng kasalanan mo. Tsk,
tsk, hindi naman siya harmful eh."

"Hmf! Nakakaasar ka Kuya. Bakit ba pagdating sa mga ganitong bagay mga kapwa mo
lalaki ang kinakampihan mo?" inirapan niya ito.

Bumuntung-hininga si Adam at matamang tumingin sa kanyang pinsan.

"Kung ikaw ang naagrabiyado, hindi mo na kailangang magsumbong. Nandiyan na kami


nila Kuya Siegfreid. Pero sa sitwasyong ito, ikaw ang nanakit. Hindi naman tama
iyon. Hindi ka naman niya sinaktan para gawin mo ang bagay na iyon. Muntik ka nang
makapatay sa ginawa mo. Hay naku, masyado kang matapang Abby. Baka matakot na ang
mga lalaki sa'yo na ligawan ka. Paano ka na niyan?"

Nanghaba ang nguso niya dahil sa sinabi nito.

"Hindi ko kailangan ng mga lalaki." pakli niya.

"Hey... Kapag nahanap mo na ang iyong the one... Hindi mo na masasabi iyan."

"Bakit ikaw Kuya, nahanap mo na ba ang sa'yo?" tanong niya.

"I'm still searching." tapos ay ngumisi ito.

Dumating si Gida dala ang mug na may lamang kape. Ipinagtimpla nito si Adam.
Hinintay muna niyang matapos ito sa pagkain ng almusal bago sila pumunta sa rancho.

Samantala, abala pa rin sina Rock at Venom sa pag-aasikaso ng kanilang mga pasyente
sa Medical Mission. Medyo kulang pa ang nakukuha nilang impormasyon kaya kailangan
na nilang kumilos.

"Misis, sigurado po ba kayong ketong ang sakit ng anak niyo?" confuse na tanong ni
Venom.

Ilang beses na niyang tsinek ang balat ng binatilyo pero walang anumang sintomas ng
ketong sa balat nito.
"Eh kasi po Dok iyon po ang sabi noong Doktor na tumingin sa kanya doon sa bayan.
Mataas daw po ang ketong sa ihi niya dahil sa diabetes." paliwanag ng Ale sa kanya.

Nasapo niya ang kanyang noo at natawa ng mahina.

"Misis, ketone po iyon." pagtatama niya.

( Ang positive na ketone sa ihi ay senyales ng kumplikasyon sa diabetes. )

Napangiti na lang ng alanganin ang Ginang sa kanya. Marami pang pasyenteng


dumating. Kahit na nakakapagod eh ayos lang... Ito ang isa pang propesyon nila ni
Rock.

Napangiti si Abby habang hinahaplos niya ang kabayo niyang si Spirit. Puti na may
batik na brown ang kulay nito. Regalo sa kanya ang stallion na iyon ng kanyang
yumaong Ina. Nasa stable siya ngayon kasama ni Adam na busy rin sa kabayo nito.
Napatigil siya sa kanyang ginagawa ng mamataan niya ang kapatid niyang si Gida.
Mabilis itong tumatakbo papunta sa kanya.

"ATEEEEEH!!!!!....."

Halos marindi siya sa sigaw nito. Natigilan siya ng makita niyang mangiyak-ngiyak
ito. Nagsalubong ang mga kilay niya. Sino kayang umaway sa kanyang kapatid?!

"Anong nangyari?!" tanong niya ng makalapit ito sa kanya.

Mabilis nitong pinunasan ang mga luha sa mga mata at nagmamakaawang tumingin sa
kanya.

"ATEEEEHHHH!!!!..." tili ulit nito.

Medyo narindi siya sa napakatinis nitong boses.

"Tumigil ka nga diyan, Gida! Tinatakot mo ang mga kabayo eh!" galit niyang saway.

"Eh kasi naman, ate eh..."

"Ano ba?! Puro ka na lang ba ate?!" naiirita niyang wika.

Suminghot ito at bumuntung-hininga para kumalma.

"Ateh... Napahiya ako! May nagpahiya sa akin!" mangiyak-ngiyak nitong sumbong.

Nag-init bigla ang ulo niya sa sinabi nito. Hindi siya makapapayag na may mang-api
sa bunso niyang kapatid!

"Ano bang nangyari?!"

"Eh... Tinanggihan ako noong Doktor sa Medical Mission eh!"

Napatanga siya ng ilang sandali sa sinabi nito.

"A-Anong Medical Mission?! Eh wala ka namang sakit ah?!" tanong niya ng makabawi
siya.

"Eh basta, tinawanan tuloy ako dahil sa Doktor na iyon! Ateh, napahiya ako!"
sumbong ni Gida.

Nagsalubong na ang mga kilay niya sa kanyang narinig.

"Ah, ganoon?! Sige, dalhin mo ako sa Doktor na sinasabi mo at makikita niya ang
hinahanap niya!"

"Sige, ate! Halika!"

"Uy, huwag kang basta-basta sumugod!" paalala ni Adam.

Pero bingi na yata si Abby. Basta mabilis siyang naglakad papunta sa Medical
Mission kasama si Gida. Maraming tao sa Center ng dumating sila. Hinawi niya ang
mga ito at taas noo siyang lumapit sa kinaroroonan ng mga Doktor na nagsasagawa ng
Medical Mission.

"Sige, ituro mo sa akin kung sino ang magaling na Doktor ang nagpahiya sa'yo!"
matapang niyang wika.

"Siya ateh!"

Itinuro ni Gida ang Doktor na nasa kaliwang mesa. Nakatalikod ito at mukhang may
pinagkakaabalahan. Mabilis siyang lumapit dito kasama ang kanyang kapatid. Medyo
nakagawa na sila ng eksena pero wala na siyang pakialam. Kapag ang kapatid na niya
o ang Mamay Lab niya ang inaapi.. Handa siyang makipagpatayan!

"Hoy ikaw!" malakas niyang tawag.

Napakislot ang Doktor na tinawag niya at biglang pumihit paharap sa kanya. Pareho
silang natigilan ng makita nila ang mukha ng isa't-isa... Pero mas nangarag yata
siya?! Nalulon niya yata ang kanyang dila. Ngumiti naman ang lalaki sa kanya at
tumingin sa kanyang mukha.

"Chika, anong kailangan mo?" malambing na wika ni Venom.

"Ikaw!!!...." gigil na wika ni Abby.

"Yes, bakit?" cool lang nitong wika.

Nagsalubong ang mga kilay ni Abby. Parang balewala lang dito ang ginawa nito sa
kanyang kapatid. Sa pagkakataong ito, hindi siya mangingiming ulitin ang ginawa
niya dito. Di bale na kung matuluyan niya. Handa naman siyang makulong alang-alang
sa kanyang kapatid.

"Ang lakas naman ng loob mong umakto ng ganyan pagkatapos mong ipahiya ang aking
kapatid! Walang-hiya ka, naturingan ka pa namang Doktor pero ang sama ng ugali mo!"

Napakunot-noo ang lalaki sa tinuran niya at amuse na tumingin sa kanyang mukha.

"Teka, ano bang sinasabi mo diyan?" maang pa nitong tanong.

Lalong nag-init ang ulo niya.

"Nagmamaang-maangan ka pa! Eh di ba, ipinahiya mo ang kapatid ko dahil tinanggihan


mo siya!"

"Aba, dapat ko lang siyang tanggihan no." casual nitong sagot.

"Kita mo na! Anong klase kang Doktor?! Medical Mission pa naman ito... Ganoon na
lang? Namimili? Porke't bading ang kapatid ko, ha?! Hindi mo ba alam na nilalabag
mo ang karapatang pantao niya?! Descrimination ang ginagawa mo."

"Huwag kang masyadong mainit sa akin, puwede? Hindi ko nilalabag ang karapatang
pantao ng kapatid mo. Hindi rin descrimination ang ginawa kong pagtanggi kundi
dapat lang."

Gigil niyang kinuyom ang kanyang kamao at akmang susuntukin ito sa mukha pero
nagpigil siya. Naalala kasi niya na ang daming nakatingin.

"Anong dapat lang?!" gigil niyang tanong.

Nilaro ni Venom ang strands ng kanyang buhok. Ngumiti siya ng matamis sa babae. Mas
nagagalit ito, mas gumaganda sa kanyang paningin. Ngayon lang siya naka-engkuwentro
ng babaing ganito katapang. Iniumang pa nito ang maliit nitong kamao sa kanyang
mukha. Pero hindi rin naman siya nito sinuntok. Pasimple niyang hinawi ang kamay
nito. Galit pa rin ang mga mata nitong nakatutok sa kanya at nagtitiim ang mga
bagang nito.

"Alam mo, dapat ko lang namang tanggihan ang kapatid mo dahil wala naman akong
raraspahin sa kanya." maikli niyang sagot.

Pagkarinig ni Abby sa paliwanag na iyon ay biglang nabaling ang galit niya sa


magaling niyang kapatid. Nakagawa na naman ito ng bagay na ikapapahamak niya.

"GIIIIDAAAA!!!!!!!...."

"EEEEEH!!!!!..."

Mabilis na tumakbo ang magaling niyang kapatid na agad niyang hinabol. Makakatikim
talaga ito sa kanya ng raspa sa mukha. Natawa ng mahina si Venom at napailing.
Napaka-energetic!

"Uy, ano na namang eksena iyon?" puna ni Rock.

"Hmm... Wala lang! May nakita akong maganda." natatawa niyang wika.

Samantala... Mangiyak-ngiyak si Abby habang nakaupo sa gilid ng stable. Nakagawa na


naman siya ng nakakahiyang eksena. Buwisit kasi ang magaling niyang kapatid!
Ipinahamak siya! Naku!... Ang kapal pa naman ng pagmumukha niya na sumugod ng
giyera... Tapos, malalaman niya na kasalanan naman pala ng magaling niyang
kapatid?! Isinubsob niya ang kanyang mukha sa kanyang mga tuhod. Nakakahiya talaga!
Nakarinig siya ng mga papalapit na yabag. At may tumapik sa kanang-balikat niya.

"Bunso, binalaan naman kita eh. Bakit kasi hindi ka nakinig sa akin? Sugod ka ng
sugod, sana inalam mo muna ang buong kuwento." sermon sa kanya ng Kuya Adam niya.

"Oo na, kasalanan ko na! Nakakahiya ako!"

"Hay naku... Bakit kaya hindi ka na lang bumawi para maayos ang lahat?"

Napaangat ng tingin si Abby at matamang tumingin sa mukha ng kanyang pinsan.


Nakangisi ito ng nakakaloko sa kanya.

"What?!" tanong niya.

"Ayusin mo na lang ang lahat sa pamamagitan ng paghingi ng tawad. Wala naman


sigurong masama kung aminin mo ang iyong kasalanan. Hindi iyon nakakamatay, at
hindi rin nakakabawas sa pagkatao ang paglunok ng pride kung minsan."

"Hmf! Hindi ko gagawin iyon, never!" matapang niyang saad.

"Eh bahala ka diyan, ikaw rin. Tiyak na makakarating ito sa Mamay Lab mo. Malalaman
niya na nanggulo ka ng wala sa oras sa Medical Mission. Tiyak pati si Daddy,
magagalit sa'yo. Siya kaya ang may pakana ng Medical Mission na iyon. At hindi
basta-basta ang mga Doktor na iyon, akala mo ba."

Pasimpleng wika ni Adam. Hindi niya alam pero may laman ang sinasabi nito. Tapos,
naalala niya ang suot ng balasubas na Doktor na iyon noong isang araw... MEN IN
ACTION-parang narinig na niya iyon...?

"Ano iyong... Men in Action?" bigla niyang tanong.

Nagulat si Adam sa kanyang tanong.

"Bunso, hindi mo alam?" confuse nitong tanong.

"Kaya ko nga tinatanong eh."

"Mga elite soldiers sila ng government. Sila ang ipinapadala sa mga special na
mission. Kaya nilang pumatay with their bare hands. Ang tawag sa kanila, walking
killing machines. At sikat na sikat sila ngayon dahil marami ang tsismis na hindi
lang sila basta mga elite soldiers. Mga magagandang lalaki sila at maraming
kakabaihan ang nangangarap na makadaupang-palad ang mga iyon. Huh, pero mas guwapo
pa rin ako."

"Duh, yabang!"

Naisip ulit niya ang lalaking iyon... Tapos ang uniform nito... Mataman siyang
tumingin sa mukha ng kanyang pinsan. Elite soldiers...?

"Oh, bakit?" nairita nitong tanong.

"Kung ganoon, anong ginagawa ng dalawang elite soldiers dito sa atin? Alam ba ni
uncle ang tungkol dito?"

"Siyempre alam ni Dad. Pero ang buong detalye, confidential na."

Teary-eyed na napahalukikip si Abby.

"Lagot pala ako kung ganoon..." bulalas na lang niya.

"Hay, mag-sorry ka na lang kasi."

Sumimangot na lang siya sa sinabi ni Adam. Ang kulit din ng isang ito. Kasalanan
talaga ng kapatid niyang si Gida. Hinding-hindi niya ito kakausapin.
Chapter 3:

Chapter 3:

'Mag-sorry daw?! Paano naman siya magso-sorry sa taong nagpahiya sa kanya? Sa taong
sinabihan siya na ang pangit ng boses niya at hindi na nito malasahan ang
pagkain?!' Nanggigil siyang bigla ng maalala niya ang lahat ng eksena. Hanggang sa
makauwi siya sa kanila ay iyon ang laman ng isip niya.

"Dapat lang iyon sa kanya!" inis niyang turan.

Pasalampak siyang humiga sa kanyang kama. Nainis na naman siya ng maalala niya ang
kapahamakang ginawa sa kanya ni Gida kanina. Inis niyang binalingan ang kanyang
unan at pinagsusuntok iyon. Doon niya ibinaling ang frustrations na kanyang
nararamdaman. Nang kumalma siya ay nagdesisyon siyang maligo para mapreskuhan ang
utak niya at katawan.

Nagsuot siya ng jogging pants na kulay itim na may pink na lines sa magkabilang-
gilid. Isang plain na puting-t-shirt naman ang pang-itaas niya. Pagkatapos niyang
patuyuin ang kanyang buhok ay sumilip siya sa labas. Medyo madilim na, ganoon pa
man kailangan niyang alisin ang frustrations niya. Napagpasyahan niyang lumabas at
magpunta sa parang kung saan naroon ang malaking puno ng mangga... Na
pinaniniwalaang matchmaker daw. Kapag naglaglagan ang mga sariwang dahon nito, ibig
sabihin.. May magkakatuluyan. Hindi naman siya naniniwala du'n.

Lumabas na siya ng kanyang silid at nakasalubong niya sa sala si Gida. Ngumiti ito
ng alanganin sa kanya.

"Ateh..."

"Letse, huwag mo akong kausapin!" mataray niyang wika.

Nilagpasan niya ito at dumiretso sa may pinto. Lumabas na siya at dumiretso papunta
sa parang... Tumayo siya sa harap ng trunk ng puno at matagal na tumitig doon.
Ilang beses siyang bumuntung-hininga para pakalmahin ang sarili. Kailangan niyang
pahupain ang galit na kanyang nararamdaman.

Samantala... Humahangos na tumatakbo si Venom patungo sa kanyang Captain.


Pinapaulanan sila ng bala ng kanilang mga kalaban ng sandaling iyon. Bawat
nakakasalubong niya, binabaril niya. Tinutulungan nilang makatawid sa border ang
ilang grupo ng mga refugees. Gumapang siya at agad na tumabi kay Captain John
Mason. Nagtatago ito sa gilid ng isang puno na natatakpan ng makakapal na bush.

"Ayos ka lang, Captain?!" humihingal niyang tanong.

Ngumisi sa kanya ang may edad ng lalaki.

"Huwag kang mag-alala, bata. Beterano yata 'to." kampante nitong wika.

Sinipat ni Venom ang katawan nito. Napatanga siya ng makita niya ang ilang tama ng
bala sa katawan ng kanyang Captain. Tumingin siya sa mga kalaban. Malapit sila sa
kinaroroonan ng tangke ng mga ito. Abala sa pakikipaglaban ang mga kasama nila.
Akma niyang tatapalan ng tela ang mga sugat ng kanyang Captain ngunit pinigilan
siya nito.

"Captain!" mariin niyang protesta.

"Venom, h-hindi na kailangan. Matanda na ako."

"Tumigil ka, Tanda!" inis niyang wika dito.

Si Captain John Mason ang itinuring na niyang ama. Iniidolo niya ito.

"Makinig ka, soldier. Aagawin ko ang mortar ng mga kalaban at titirahin ko sila.
Pagkatapos noon, madi-distract sila at sa akin mapupunta ang kanilang atensyon.
Samantalahin mo ang lahat ng pagkakataon para mapatumba ang turtle ( code name nila
sa tank), hagisan mo ng maraming pineapple ( granada ) pagkatapos mong patayin
iyong machine gunner sa itaas niya."

"S-Suicide iyan, Captain!" mariin niyang tutol.

"Wala nang ibang paraan para mapahina natin sila. Isa pa, darating na ang
reinforcement!"

"Ako ang kukuha ng mortar!"

Marahas na dinaklot ni Captain John ang kuwelyo ng damit niya. Matiim ang mga titig
nito sa kanya.

"Makinig ka, Venom! Sa ating dalawa, ikaw ang mas maliksi dahil bata ka. Ikaw ang
makakagawa ng pagpapatumba ng tank. Basta ako, ang kukuha sa mortar para gamitin
iyon laban sa kanila at makuha ang kanilang atensyon."

"N-Nagpapakamatay ka ba?!"

"Oo! Balewala lang ang buhay ko kumpara sa napakaraming tao na kailangan nating
iligtas. Naiintindihan mo!"

Nangilid ang mga luha ni Venom ng sandaling iyon.

"Hindi ka balewala! Ikaw ang itinuturing kong ama! Ikaw ang tatay ko..."

Lumambot ang expression ng mukha ni Captain John. Huminga ito ng malalim at tumitig
sa kanya. Ngunit...

"Gawin na natin ang plano! Venom, mabuhay ka. That's an order!"

Bago pa siya makahuma ay mabilis na itong tumayo.

Napasinghap si Venom ng imulat niya ang kanyang mga mata. Pinunasan niya ang pawis
na namuo sa kanyang mukha at ilang beses na bumuntung-hininga para pakalmahin ang
sarili niya... Napanaginipan na naman niya iyon... Sixteen years old lang siya noon
at iyon ang unang beses niyang sumabak sa digmaan. Tama, sixteen lang siya noong
una siyang makapatay at maranasan ang lupit ng digmaan. Napangiti siya ng mapait ng
maalala niya si Captain John Mason-ang taong itinuring niyang ama. Ang naging
dahilan kung bakit ginusto niyang maging doktor. Iyon kasi ang pangarap nito para
sa kanya. Sayang, wala na ito sa kanyang tabi ng maabot niya ang bagay na iyon.

Bumangon na siya sa pagkakahiga at dumiretso sa banyo. Nakaidlip pala siya ng hindi


niya namamalayan. Hinubad niya ang kanyang mga damit at pagkatapos noon ay pinihit
niya ang shower. Gumaan ang pakiramdam niya ng mabuhusan siya ng maligamgam na
tubig. Napahawak siya sa dingding ng banyo at biglang napaisip...

Lahat ng pangarap para sa kanya ni Captain John, natupad na niya... Wala na siyang
kailangan pa. Pero, hindi pa rin siya masaya... May kung anong kulang sa kanya na
hindi niya mahanap... Hindi niya alam kung ano iyon.

Natigilan siya ng biglang sumingit sa utak niya ang mukha ng babaing sumugod sa
kanya kanina. Bigla siyang napangiti at napailing.

"Imposible...." bigla niyang wika.

Binilisan niya ang paliligo. Kailangan niyang makita ang babaing iyon. Anyway,
nakagawa na sila ng report ni Rock. Posibleng sa kabundukan dinadala ang mga batang
kinikidnap ng kung anong grupo na iyon. Gagawa sila ng plano para makuha ang
lokasyon ng lugar. Ipinadala na nila kanina sa Men in Action ang mapa na naglalaman
ng mga posibleng spot. Makikipag-coordinate sila sa Scout Ranger na si Siegfried
Acosta para i-guide sila nito sa kabundukan.

Matapos niyang magbihis ay agad niyang kinuha ang telescope ng kanyang baril.
Pumunta siya sa tabi ng bintana at prenteng umupo. Tiningnan niya ang mga posibleng
spot kung saan niya maaring makita ang target niya. Pinasadahan niya ang bahay
ngunit wala ito doon. Napabuntung-hininga siya ng marahas at parang bumigat ang
kanyang pakiramdam ng hindi niya ito makita.

Iniikot niya sa paligid ang kanyang telescope at ilang sandali lang ay napasipol
siya. Biglang gumaan ang kanyang pakiramdam at bumilis ang tibok ng puso niya.

"Bingo, baby. Huli ka. Panahon na para magpakilala ako sa'yo..." he grinned
mischievous.

Samantala... Hindi na nakatiis si Abby, nanggigigil talaga siya at ang bigat ng mga
kamay niya. Kulang na kulang na pinagsusuntok niya ang kanyang unan. Mariin niyang
ikinuyom ang kanan niyang kamao at mabilis na sinuntok ang trunk ng puno. Laking
pagsisisi niya na ginawa niya ang bagay na iyon.

"SHIT!!!!..." malutong niyang mura.

Mabilis niyang sinapo ang kanyang kamay at namilipit siya sa sakit. Napayuko siya
ng wala sa oras at nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Napakagat siya sa kanyang
labi para pigilan ang kanyang akmang pagsigaw. Ang sakit! Nabali yata ang mga buto
niya sa kanyang kamay!

"Mukhang na-injured ka doon ah? Puwede ko bang tingnan iyan, ha?"

Natigilan siya ng marinig niya ang boses na iyon. Kahit sandali lang, tila
nakabisado na agad iyon ng kanyang pandinig. Marahan siyang napaangat ng tingin at
napalunok siya ng wala sa oras. Ang lalaking iyon. Naglakad ito palapit sa kanya at
napaatras siya. Sige lang siya sa pag-atras hanggang sa Thud!

Nabunggo ang likod niya sa matigas na trunk ng puno ng mangga. Wala na siyang
aatrasan pa. Lumapit ito sa kanya, malapit na malapit. Nabigla siya ng bigla nitong
hawakan ang kanan niyang kamay. Iniangat nito iyon at tiningnan. Napangiwi siya ng
pisilin nito ang kamay niya. Masakit...

"Mabuti na lang at hindi ka nabalian ng buto. Huwag ka nang susuntok ng puno kung
ayaw mong mabalian ng buto sa iyong kamay. Medyo nagalusan ka dahil sa magaspang na
balat ng puno. Mag-ingat ka na sa susunod, huwag kang basta magpadala sa emosyon."
"S-Salamat..." alanganin niyang wika.

Tinangka niyang umalis sa kinaroroonan niya pero iniharang nito ang mga kamay sa
magkabilang-gilid. Kulong siya sa mga bisig nito.

"N-Nandito ka ba para patayin ako?" lakas-loob niyang tanong.

Nanlaki ang mga mata niya ng inilapit nito ang mukha sa kanya. Natuon ang paningin
niya sa mga mata nito na matamang nakatitig sa kanyang mukha. Ngumiti ito ng
matipid.

"Sinabi ko na pagbabayarin kita, iyon lang. Wala akong intensyon na saktan ka, lalo
na ang patayin ka."

Naaamoy niya ang hininga nito na amoy mouthwash. Pati na rin ang manly scent nito
na nahahaluan ng amoy ng sabon. Ang sarap sa ilong ng amoy nito. Amoy-malinis.
Hindi siya makapagsalita dahil hindi niya kaya. Yumuko siya ng bahagya at natuon
ang paningin niya sa labi nito na nakangiti ng matipid.

"Ako nga pala si Venom Montecristo. Hindi mo na kailangang magpakilala sa akin,


Abby. Kilala na kita..."

Napatingin ulit siya sa mga mata nito. Pumungay ang mga iyon.

"S-Sorry sa lahat ng nagawa ko, Mr. Montecristo. Aaminin ko, masyado akong naging
padalus-dalos sa mga naging kilos ko. Patawad.."

Sa pagkakataong ito, wala na nga siyang magagawa kundi humingi ng tawad.

"Venom... Huwag kang mahiya na tawagin ako sa aking pangalan. Huwag kang masyadong
pormal. Tinatanggap ko ang sorry mo."

Nakahinga siya ng maluwag sa sinabi nito. Napangiti siya ng di niya sinasadya.

"Ganoon pa man, hindi gaanong excuse sa akin ang una mong kasalanan. You almost
killed me. Ikaw lang ang babaing gumawa sa akin ng bagay na iyon. Para magtanda ka
at hindi na maging padalus-dalos, kailangan kitang parusahan."

Napalis ang ngiti niya at napalitan ng takot ang kanyang pakiramdam.

"A-Anong gagawin mo sa akin?!" kinakabahan niyang wika.

Nagulat siya ng hawakan nito ang punong-baba niya at pisilin iyon.

"Ssshhhh... Don't be scared, my dear... Hindi kita sasaktan."

Nanlaki ang mga mata niya ng unti-unti nitong tawirin ang ilang pulgadang
distansiya sa pagitan nila. Gusto niyang umalis at tumakbo pero namanhid yata ang
mga paa niya. Bigla na lang niyang ipinikit ang kanyang mga mata ng maramdaman niya
ang pagdampi ng labi nito sa labi niya. It was soft and inviting... She couldn't
resist that... Kusang napabuka ang labi niya at sinimulan na siya nitong bigyan ng
totoong kiss. Her toes melted like jelly and she response to him because he was a
good teacher. Napayakap siya sa mga balikat nito at niyakap naman siya nito ng
mahigpit. Their kiss was passionate and a little bit agressive. Pakiramdam niya,
lumulutang siya sa mga sandaling iyon... Finally, natapos din ang kanilang kiss.

Napakurap-kurap siya ng maraming beses at hindi makapaniwala sa kanyang sarili...


Heto siya at nakipaghalikan sa isang lalaking ngayon lang niya nakilala?! Sira-ulo
talaga siya! Pero wala siyang nararamdamang pagsisisi... Nanatili siyang nakakapit
sa mga balikat nito at ito naman ay nakayakap pa rin sa kanya. Ngumiti ito sa kanya
at mariing tumitig sa kanyang mukha. Kagaya niya, humihingal din ito at parang
hindi rin makapaniwala sa nangyari. Napakagat ito sa pang-ibabang labi na para bang
inaakit siya.

"Pinapatawad na kita... Kaya lang, parang ayaw na kitang patawarin... Eeerr, that
kiss... It's different!" palatak nito.

Nabigla siya ng bigyan siya nito ng smack sa labi, ilang ulit na ganoon. Parang
tinutudyo siya o ano. Bigla niya itong itinulak dahil natauhan siya sa kanyang
kalandian. Nagulat ito sa ginawa niya. Sinamantala niya ang pagkakataon, mabilis
siyang tumakbo palayo at umuwi sa kanila. Napatingin na lang si Venom sa likod ng
papalayong dalaga at napahawak sa kanyang labi. Tapos ay ngumiti siya ng maluwang
at napahawak sa trunk ng puno. Biglang naglaglagan ang ilang sariwang dahon ng puno
at napatingin siya sa itaas. Nabigla siya...

"What a hot scene, eh?"

Nakangising mukha ni Rock ang nabungaran niya at prente itong nakaupo sa matabang
sanga ng puno. Nakasandal ito sa trunk at matamang nakatunghay sa kanya ng
nakangisi.

"Buwisit ka, kanina ka pa ba diyan?!" bigla niyang tanong.

"You know, Venom... Ito ang napili kong spot para mag-espiya dito sa lugar,
nagbabakasakaling may kakaiba akong mamataan.. And whew, may kakaiba nga akong
namataan." natatawang wika ni Rock.

"Letse!"

"Lumalabag ka na sa rules... No pleasure at work, remember?!" paalala nito sa


kanya.

"I know... I know. Gumanti lang ako. Ganoon lang iyon." defensive niyang wika.

"Is that it?" may lamang tanong ni Rock.

"What?! Anong gusto mong palabasin?!" pikon niyang tanong.

Tumawa ng mahina si Rock.

"If you want her... Magconcentrate ka na muna sa mission natin para matapos agad.
After that, tsaka mo siya pagbuhusan ng panahon. Anyway, bukas na bukas din...
Mamumundok tayo kasama ni Siegfried, tinawagan ko na siya."

Napailing si Venom at naiinis na tumingin kay Rock. Binigyan niya ito ng


nakamamatay na tingin.

"Nagmamadali ka naman yata?!" akusa niya.

"Whoa... Ayaw mo yatang madaliin ang mission na ito? Gusto mo yatang pabagalin?
Bakit?" nang-aasar na tanong ni Rock.

"Shit!" pikon lang niyang turan.

Natawa ng mahina si Rock at napailing. Mukhang tinamaan ng epidemic na sakit ang


kaibigan niya. Nakita na niya ang mga sintomas na iyon kina Aeon at Ervine.
Pagkatapos noon ay umakyat na rin sa puno si Venom at pinag-usapan na lang nila ang
kanilang gagawin bukas...
Chapter 4:

Chapter 4:

Kinabukasan, maagang naghanda sina Rock at Venom para mamundok. Nandoon na si


Siegfried at hinihintay lang sila nito. Kagaya ng dati, mga Doktor na magsasagawa
ng Medical Mission ang kanilang front. May maliit na komunidad sa sa bundok, may
isang tribo na nakatira doon. Lumabas na sila sa bahay pero bago iyon, may
kailangan munang gawin si Venom... Napangiti siya ng masilayan ang tangan niyang
boquet ng roses. Pinaghalo iyong puti at pula. Akma siyang maglalakad papunta sa
bahay nila Abby ng bigla siyang harangin ni Siegfried.

"Ano iyan, ha?" puna nito.

"Magbibigay ako ng sweet good morning. Para iyan sa babaing nakatira diyan sa
kabila." simple niyang sagot.

"Huh, alam mo bang ang babaing sinasabi mo ay pinsan ko? At... Nag-iisa lang siyang
babae na pinsan namin..." babala ni Siegfried.

"Yeah, alam ko. Harmless ako, okay? Ipapabigay ko lang itong mga bulaklak sa kanya.
Ganoon lang... Wala naman sigurong masama dahil binata ako..." nakangising wika ni
Venom.

Napailing si Siegfried sa sinabi niyang iyon.

"Kalat ang tsismis na kayong mga Men in Action... Babaero. At sinasabi ko sa'yo, na
ang pinsan ko... Iba siya at hindi mo siya puwedeng ihalintulad sa kung sino
lang..."

"Duh... Tsimis lang iyon. Pero habulin kami, hindi iyon maiiwasan. Iyong iba
siguro, babaero... Pero ako, iba ako."

Pagkatapos ay pinukol niya ng nakakalokong tingin si Rock na sinimangutan lang


siya. Sabay sabi ng...

"Sinungaling!"

Tumabi na lang si Siegfried at hinayaan lang siya nitong magpunta sa bahay nila
Abby. Ilang beses siyang kumatok at sinalubong siya ng Tatay ni Abby na puno ng
mudpack sa mukha... Bahagya pa siyang napaatras dahil sa gulat. Natawa ito ng
mahina sa naging reaksyon niya.

"Pasensiya ka na, iho... Nagulat kita. Ikaw naman kasi eh, ang aga-aga mong
dumalaw."

"Eh... Pasensiya na po sa isturbo kung ganoon. Puwede po bang pakibigay niyo ulit
kay Abby ang mga bulaklak na ito?" wika niya at iniabot ang boquet.

Agad naman iyong tinanggap ni Mamay Lab at napangiti sa binata.

"Salamat, tiyak na matutuwa ang dalaga ko nito. Ang gaganda ng mga bulaklak. Gusto
mo bang gisingin ko si Abby?"

"Huwag na po... Aalis din naman po agad kami eh. Sa bundok naman ngayon kasi ang
Medical Mission namin." wika niya.

"Ay, ganoon ba? Kung kailan libre nag oras mo... Puwede mo siyang dalawin dito sa
bahay. Welcome na welcome ka."

Natuwa si Venom sa sinabi nito.

"Hayaan po ninyo, kapag libre ang oras ko... Dadalaw po talaga ako sa magandang
dalaga niyo." kumindat siya dito.

Ngumiti ito sa kanya at kumindat din. Mukhang nakuha niya ang Loob nito... Next
niyang target, ang nakababata nitong kapatid... Gagawin niya ang lahat pagkatapos
ng kanilang mission... Sa pagkakataong ito, sumasang-ayon na siya kay Rock na dapat
na itong tapusin. Masigla siyang naglakad papunta sa kanyang mga kasama na abala sa
pag-uusap. At nalaman niya na nagtatanong si Siegfried ng mga bagay tungkol sa
kanya... At ang magaling na si Rock, hindi man lang yata nito iniangat ang bangko
niya.

"Rock, sinisiraan mo ba ako dito kay Siegfried, ha?" sita niya.

Balewalang tumingin sa kanya si Rock.

"May dapat ba akong sirain sa'yo, ha? I don't think so."

"Nah..." react na lang niya.

"Lumakad na tayo." yaya ni Siegfried.

Lumakad na nga sila. Sumakay sila sa owner-type jeep nito. Medyo malayo ang bundok
na pupuntahan nila at mangilan-ngilan lang ang bahay na naroon sa paanan nito. Sa
itaas daw matatagpuan ang maliit na komunidad ng mga Tribo na pagsasagawaan nila ng
Medical Mission. Hihingi sila ng tulong sa mga ito para makakalap ng ibayong
impormasyon.

Hindi alam ni Abby ang dahilan kung bakit ang sigla ng pakiramdam niya ng umagang
iyon... Napatingala siya sa kisame ng kanyang silid at ang sutil na mukha ng Venom
na iyon ang nakita niya... Tapos, iyong ginawa nito sa kanya. Correction! Ginawa
nila! Umiling-iling siya para mawala ang kanyang kabaliwan. Ilang beses siyang
bumuntung-hininga bago siya tuluyang bumangon. Agad siyang nagsepilyo at idinaan
niya sa hilamos ng mukha ang lahat... Gusto na niyang magising sa bangungot na
iyon! Nang maayos na ang kanyang pakiramdam ay lumabas na siya. Binati siya ni
Gida pero hindi niya ito pinansin. Hindi pa nawawala ang tampo niya sa ginawa nito.

Natigilan siya ng abutan siya ng kanyang beloved Mamay Lab ng boquet ng roses.
Pinaghalo iyong pula at puti.

"Para saan po ito?" maang niyang tanong.

"Anong para saan? Ipinapabigay iyan noong guwapong doktor na admirer mo. Iyong
nakatira diyan sa kabilang-bahay."

Pagkasabi nito ay agad niyang binuklat ang card na nasa boquet.

Sweet Good morning, my dear!

Venom M.

Gigil niyang nilukumos ang card at nakita niya si Gida na ngumiti sa kanya pero
pinandilatan niya. Natigilan ito.

"Mamay, kapag nagbigay ulit ng bulaklak sa inyo ang kumag na iyon... Huwag po
ninyong tanggapin, hindi ko matatanggap." mariin niyang wika.

Amuse na tumingin sa mukha niya ang kanyang Mamay Lab at sinapo nito ang noo niya
na parang tsinitsek kung may lagnat siya.

"Masama ba ang pakiramdam mo, anak?" pabiro nitong tanong.

Ipinaikot niya ang kanyang mga mata sa ere.

"Mamay, hindi ako nagbibiro." sagot niya.

"Anak, mabait naman ang batang iyon eh... Guwapo pa."

"Ate, kung ayaw mo sa kanya... Akin na lang!"

Inirapan niya si Gida at sinimangutan ng kataku-takot.

"Bakit ba ayaw mong tanggapin ang mga bulaklak na ibinibigay ng binatang iyon? Ni
Venom?"

Napaismid siya ng mabanggit ng Mamay niya ang pangalan nito. Mukhang close na sila,
sa tono pa lang...

"Dahil galit ako sa kanya. Alam niyo po ba iyong naikuwento ko sa inyong balasubas
na nakaaway ko doon sa restaurant? Iyong kasama namin si Mamu Fernanda? Siya ang
talipandas na iyon na nang-agaw ng maganda kong moment! At siya rin iyong doktor na
sinugod-sugod ko dahil sa kagagawan ng magaling na hitad kong kapatid... Tapos,
malalaman kong kasalanan naman pala niya at... Napahiya na naman ako dahil sa
lalaking iyon. Strike-two na ako Mamay, kaya mortal ko siyang kaaway!" gigil niyang
wika.

Marahas na napabuntung-hininga ang kanyang Mamay Lab at napailing. Hinaplos nito


ang buhok niya.

"Anak, hindi masama kung kikilalanin mo siya at bigyan ng pagkakataon. Hindi lahat
ng first impression tama. May mga bagay na nagsisimula sa pangit pero nagkakaroon
ng magandang katapusan. May mga nag-uumpisa sa maganda pero nagkakaroon ng pangit
na wakas..."

Natahimik siya at napayuko... Hindi na niya alam ang kanyang ikakatuwiran.

Samantala, abala sina Venom at Rock sa pagsasagawa ng Medical Mission sa mga


katutubo na nasa bundok na pinuntahan nila. Tuwang-tuwa ang mga ito sa kanila kaya
mas ganado silang magtrabaho. Ang maganda pa nito, may mga taong pumupunta daw sa
malayong parte ng bundok at nakasakay daw ang mga ito sa isang close van. Armado
daw ang mga ito. Isa iyong genuine information.

Napukaw ang atensyon nila ng humahangos na tumatakbo si Siegfried papunta sa


kanila.... Humihingal ito ng makalapit. Napukaw ang atensyon ng lahat dahil may
buhat-buhat itong babae na walang malay at kasunod nito ang isang lalaki na
mangiyak-ngiyak...

"Unahin niyo muna siya! Inatake siya sa puso, at nagdadalang-tao siya!" taranta
nitong wika.

Inilapag nito ang pasyente sa papag na nasa tabi. Mabilis nila itong dinaluhan.
Agad itong pinulsuhan ni Rock at tsinek... Agad nitong binigyan ng pangunang-lunas
ang pasyente, pinump niya ang dibdib nito at binigyan ng hangin... Nagmamadali ito
pero wala talagang nangyari, nagsalitan pa sila para lang maisalba ang buhay
nito... Malungkot silang tumingin sa lahat at...

"Patawad, wala na talaga siya..." malungkot na anunsyo ni Rock.

Iyak ng iyak ang asawa nito at dalawang anak... Tapos, sinipat ni Venom ang tiyan
ng babae... Malaki na iyon at mukhang kabuwanan na... Natigilan siya ng makaramdam
siya ng paggalaw sa loob ng tiyan nito... Nakadama siya ng ibang klaseng saya.

'Teka, gumagalaw pa ang bata sa loob ng tiyan niya! Puwede namin siyang isalba,
magsasagawa kami ng CS operation ngayon din! Kailangan naming magmadali!" wika
niya.

Dahil sa sinabi niya ay natuwa ang lahat pero nataranta rin.

"Ipasok niyo siya sa kubo at maghanda kayo ng mainit na tubig! Mga malalaking apat
na bote ng softdrinks na walang-laman at isang kahon!" wika ni Rock.

Medyo na-confuse ang mga tao sa sinabi nito, maging si Siegfried na binuhat ang
babae papasok sa loob ng kubo.

"Anak ng tipaklong! Ano pang tinatanga niyo diyang lahat?! Ihanda niyo na kung ano
ang mga sinabi ko, ayaw niyo bang mabuhay ang bata, ha?!" galit na wika ni Rock sa
lahat.

Dahil doon ay tila natauhan ang mga ito, agad silang kumilos para ihanda ang mga
sinabi nito... Sila naman ay agad na pumasok sa loob ng kubo dala ang kanilang mga
gamit.

Sinimulan nila agad ang pag-oopera. Bukod sa kailangan nilang madaliin ay kailangan
din nilang mag-ingat. Hindi basta-basta ang CS-operation... Parehong pawisan sina
Rock at Venom ng tuluyan na nilang makuha ang bata sa loob ng sinapupunan ng ina
nito. Pinalo ni Venom sa puwet ang baby at umalingawngaw ang matining nitong
iyak... Agad niya itong nilininisan at binalot ng puting-tuwalya... Isang baby girl
ang kanilang naisalba...

Amazed na napatingin ang lahat sa ginawa ni Rock sa apat na bote ng softdrinks at


sa kahon. Nilagyan nito ng mainit na tubig ang mga bote at inilagay sa bawat sulok
ng kahon... Nilagyan nila ang kahon ng kumot at inilapag nila doon ang baby.

"Ang kahon na ito ang magsisilbing incubator ng bata. Hindi pa husto ang gulang
niya kaya kailangan niya ito. Huwag niyong pabayaang lumamig ang tubig sa mga bote,
kailangan niyo iyong palitan palagi. At nakikiusap kami sa mga Inang nandito na
nagpapadede ng kanilang mga anak... Kung maaari sana, kayo na ang magbigay ng gatas
na kailangan ng batang ito para mabuhay siya..." wika pa ni Rock sa lahat.
Natuwa ang mga tao sa sinabi nito at marami naman ang willing na tumulong sa baby.
Iyak ng iyak ama ng bata at panay ang sabi nito ng salamat sa kanila. Tumulong na
rin sila sa pag-aayos ng bangkay ng asawa nito at sa paghahanda sa lamay.

Kinagabihan, umpisa na ng lamay at hands-on sila ni Rock sa pag-aasikaso sa baby.


Kasalukuyang ipinaghehele ni Rock ang bata. Natatawa si Venom sa nakikitang eksena.
Madalas na umasta ang isang ito ng walang-puso, pero ngayon... Nakikita niya na
mayroon ito. Naglakad-lakad sila ni Siegfried sa paligid at napatigil sila ng
makarinig sila ng mga kaluskos sa kasukalan. Tumingin si Siegfried sa kanya.

Sumenyas ito na sa kaliwa siya at sa kanan naman ito. Pareho nilang inihanda ang
kanilang mga baril, tiyak na masagana kapag nahuli nila ang wild na hayop na ito...
Masarap ang laman ng baboy-ramo..

Chapter 5:

Chapter 5:

Marahan silang naglakad paikot papunta sa kasukalan kung saan nila naririnig ang
mga mahihinang kaluskos. Pagkatapos noon ay bigla silang tumakbo ng mabilis papunta
doon at halos sabay silang tumalon ng mataas para makorner ang kanilang target...
Pero imbes na mabangis na baboy-ramo ang bumungad sa kanila ay iba ang kanilang
nakita... Hindi iyon isang hayop... Kundi tao.

"H-Huwag! Huwag po ninyo akong papatayin!" takot na takot na wika ng bata.

Nanginginig ito ng husto at napahalukipkip sa lupa. Payat na payat ito, madungis at


maraming latay ang katawan. Isa itong batang lalaki at punit-punit na puting sando
at shorts na kulay asul ang suot nito. Mabilis nilang itinago ang kanilang mga
baril... Humakbang palapit si Venom sa bata pero pinilit nitong umatras at mas
nanginig ito sa takot. Nakatingin ito sa mga baril nila na nakasukbit sa kanilang
mga baywang.

"Huwag kang matakot, hindi ka namin sasaktan. Napagkamalan ka lang naming baboy-
ramo. Tutulungan ka namin." mahinahong wika ni Venom.

Marahan niyang inilahad ang kanyang kanang-kamay. Ngumiti siya dito ng friendly at
mataman itong napatingin sa kanya... Puno ng takot at pagdududa ang makikita sa
mukha ng bata.

"H-Hindi po ba kayo kasama ng mga l-lalaking iyon?" takot nitong tanong.

Bigla silang nagkatingan ni Siegfried at tumango sa isa't-isa... Pagkatapos ay


tumingin ulit sila sa bata.

"Mga alagad kami ng batas. Sino bang mga lalaki ang mga sinasabi mo?" malumanay
niyang tanong.

Pinilit niyang maging casual. Medyo kumalma ang bata pero naroon pa rin ang
matinding panginginig ng katawan nito. Masyadong napukaw ang puso niya sa itsura
nito.

"M-Mga masasama sila... Sila iyong... Sila iyong..." hindi na nito naituloy ang
anumang sasabihin.

Bagkus, humagulgol na ito ng iyak at hindi na ito mahinto... Tuluyan na siyang


lumapit sa bata at binuhat na lang niya ito.

"Tama na... Tutulungan ka namin. Hindi kami masama." hinaplos niya ang likod ng
bata.

Ramdam na ramdam niya ang panginginig ng katawan nito at ang matinding takot na
nananalaytay sa buo nitong katawan. Na-trauma ito. Napatingin siya sa malalaking
latay na nagmarka sa katawan nito. Marami ang mga iyon, lalo na sa parte ng likod.
Hindi siya maaaring mgakamali, latay ng latigo iyon. Biglang rumihistro ang
matinding galit sa kanyang kalooban. Sino kayang hinayupak ang gumawa nito? Malaki
ang posibilidad na ang batang ito ang sagot sa kanilang misyon. Sa tantya niya ay
nasa siyam o sampung taong-gulang lang ito. Napailing din si Siegfried matapos
nitong masipat ang mga latay sa katawan ng bata. Ikinuyom nito ng mariin ang mga
kamao. Marahan silang naglakad papunta sa komunidad na pinanggalingan nila.

Napatingin ang lahat sa kanila ng makita nila ang batang buhat niya. Mabilis siyang
naglakad papunta sa kubong inuukupa nila ni Rock... Inilapag niya ang bata sa papag
at mataman siyang tumunghay dito. Maang itong nakatingin sa kanya. Kasalukuyang
kausap naman ni Siegfried si Rock, ipinapaliwanag nito ang mga detalye tungkol sa
bata.

"Hubarin mo muna ang pang-itaas mong damit, gagamutin ko ang mga latay at galos mo.
Isa akong Doktor, kaya huwag kang matakot sa akin, okay?"

Habang sinasabi niya iyon ay inilalabas niya ang kanyang mga gamit. Namutla ang
bata ng makita nito ang ilang piraso ng injection.

"Tutusukin niyo po a-ako?!" takot nitong wika.

Ngumiti siya dito at marahang umiling.

"Siyempre, hindi. Hindi mo naman kailangan iyon. Nagugutom ka ba, ha?"

Tanging tango lang ang isinagot ng bata sa kanya.

"Okay... Gagamutin muna natin ang mga latay at galos sa katawan mo. Tapos,
bibimpuhan kita para malinisan ka at magpapalit ka ng malinis na damit. At saka
kita pakakainin. Medyo mahapdi ang paglilinis natin sa mga sugat mo... Pero
matapang ka naman, di ba?"

Tumango lang ulit ang bata sa sinabi niya. Nakayuko ito at mukhang napakalalim ng
iniisip. Bahagya pa rin ang panginginig ng katawan nito. Malalim nag trauma na
naiwan sa katawan nito dahil sa kung anong nangyari dito. Nagsimula na siya sa
paglilinis sa mga latay at galos nito. Napahanga siya dahil tanging ngiwi lang ang
ginagawa nito. Hindi ito umaaray at wala man lang reklamo. Matapang nga ang batang
ito... Pero ganoon pa man, isa pa rin itong bata.

Parang bigla niyang nakita ang kanyang sarili dito noon, hindi lang siya... Sila ng
mga kaibigan niya. Maaga silang namulat sa kalupitan ng digmaan. Halos buong-buhay
nila, doon na umikot.Natapos na niya ang paglilinis at panggagamot dito.

"Dito ka lang, kukuha lang ako ng malinis na damit na maisusuot mo at ng pangbimpo


mo."
"O-Opo..." magalang nitong sagot.

Nanginginig pa rin ng bahagya ang boses nito. Lumabas na siya at lumapit agad sa
kanya si Rock. Inibinigay na nito sa isang Ale ang baby girl na si Miracle-sila ang
nagbigay dito ng pangalan. Pinapadede na ito.

"Kamusta ang bata?" tanong nito sa kanya.

"Okay naman na ang mga latay at galos niya sa katawan. Nagamot ko na. Kaya lang,
hindi siya lubos na okay. Matindi ang trauma na inabot niya. Hanggang ngayon,
nanginginig pa rin ang katawan niya. Bibimpuhan ko siya at bibihisan. Samahan mo
muna siya sa loob. Halatang natatakot siyang mag-isa eh. Baka maisipang tumakbo
noon o umalis." wika niya.

"Naiintindihan ko." matipid nitong sagot.

Pumasok na ito sa loob ng kubo. At siya naman ay umalis na para kumuha ng mga gamit
na kailangan ng bata. Nakiusap na rin siya kay Siegfried na magluto ito ng pagkain
para sa bata. Agad siyang bumalik at nadatnan niya si Rock na matamang kausap ang
bata.

"Natatakot ka ba sa akin?" matamang tanong ni Rock sa bata.

Tumango lang ito.

"Hindi mo kailangang matakot dahil hindi mo naman ako kaaway. Pero ang dapat na
matakot sa akin, ay kung sino ang gumawa sa'yo ng bagay na iyan." malumanay na wika
ni Rock pero mariin.

Napatanga ang bata dito at matamang tumingin sa mukha nito. Napabuka ang labi nito
pero walang lumabas na salita. Nangilid ang mga luha sa mga mata nito.

"Ehem!" untag niya sa dalawa.

Ngumiti siya sa mga ito ng mapatingin sila sa kanya. Inilapag niya sa tabi ang dala
niyang damit at ang palanggana na may lamang maligamgam na tubig na binuhusan niya
ng alcohol.

"Bibimpuhan na kita ah?" paalam niya sa bata.

"O-Opo..." magalang nitong sagot.

Medyo nanginginig pa rin ang boses nito. Binimpuhan na nga niya ang bata at
matamang nanonood sa kanila si Rock. Agad niya itong binihisan. Humiram muna siya
ng damit sa isang Ale na may anak na kasing-edad nito. Pagkatapos noon ay dumating
na si Siegfried dala ang pagkain para sa bata. Inayos niya ang mga gamit at
inilabas na. Pinakain na ng mga kasama niya ang bata. Matipid pa rin itong
magsalita dahil natatakot.

Noong bumalik siya ay abala sa pagkain ang bata. Halatang gutom na gutom at halos
mabulunan sa mabilis nitong pagsubo ng pagkain.

"Dahan-dahan ka lang, baka mabulunan ka. Walang aagaw ng pagkain mo." paalala ni
Siegfried dito.

Pagkatapos noon ay inabutan nito ng tubig ang bata na agad uminom. Nang matapos na
itong kumain ay agad na niligpit ni Siegfried ang mga pinagkainan nito. Lumabas na
ito at naiwan sila ni Rock kasama ng bata. Patingin-tingin ang bata sa kanila at
nilalaro nito ang mga daliri sa kamay. Halatang may gusto itong sabihin sa kanila.
Marahan itong yumuko at ilang beses na bumuntung-hininga.

"P-Puwede niyo po bang tulungan ang mga kasama ko?" bigla nitong wika.

"Mga kasama? Bakit, ano bang nangyari sa kanila?" si Venom ang nagsalita.

"Kinuha kasi kami ng mga lalaking may baril doon sa kalsada noong nangangariton po
kami... Tapos, tapos... Dinala nila kami sa malaking sasakyan, pinausukan po kami
at bigla na lang kaming nakatulog... Tapos po, noong magising na po kami nasa
bundok na kami... May malaking bahay na luma at malawak na taniman ng ano...
Halaman po na kulay-green na malalaki. Pinilit po nila kaming magtrabaho doon. K-
Kapag nagkakamali po kami, pinaparusahan po kami at hindi pinapakain... Sabi nila,
kinuha daw nila kami kasi wala naman daw maghahanap sa amin. Mas mabuti daw na
pakinabangan nila kami kaysa lumaboy lang kami sa lansangan..." mahabang kuwento ng
bata.

Matinding galit ang rumehistro sa mukha nila ni Rock sa sandaling ito... Halos
walang pinagkaiba ang buhay nila sa mga batang lansangan... Kasi sila, binuhay para
maging sundalo sa malaking digmaan noon. Wala silang pagpipilian kundi ang maging
sandata sa giyera dahil iyon ang kanilang silbi kaya sila binuhay.

"Kaya mo bang i-drawing ang lugar na sinasabi mo?" tanong ni Venom.

"Eh... Hindi po ako magaling magdrawing. P-Pero kaya ko po kayong dalhin sa lugar
na iyon. K-Kaya lang, malabo po na pamasok natin iyon... Ang daming nagbabantay sa
paligid ng taniman tapos... Puro may baril pa ang mga taong nakatira doon."

"Puwede mo ba kaming dalhin sa lugar na sinasabi mo? Hindi natin kailangang


lumapit, titingnan lang namin ang lugar. Tapos, tatawag kami sa mga kaibigan namin
para humingi ng tulong para mailigtas na namin ang mga batang kasama mo na kinuha
nila... Iyon ay kung handa ka?" tanong pa niya.

Matamang nakikinig sa kanila si Rock.

"K-Kaya ko po, kailangang mabalikan ko po doon ang Ate ko..."

"Bukas na bukas din, pupunta tayo. Teka, hindi pa pala ako nagpapakilala sa'yo. Ako
si Venom Montecristo, tawagin mo nalang akong Kuya Venom. Ikaw?" wika niya.

"D-Densel Mendoza po..."

Nagpakilala na rin dito si Rock. Pagkatapos noon ay pinatulog muna nila ang bata
para makapagpahinga. Kinabukasan ay agad na lumakad sina Venom, Rock, si Siegfried
at siyempre ang bata na nagsilbi nilang tourguide. Nasa likod ng bundok ang
malaking taniman na sinasabi ng bata... Tagong-tago iyon dahil ang bundok ang
nagsisilbing harang para makita ang lugar. Ang mga tanim doon... Marijuana at Opium
Poppy... Mga halamang illegal. Sa pamamagitan ng binacular, kitang-kita nila ang
mga bata sa taniman na sapilitang pinagtratrabaho sa malawak na taniman. Napasipol
si Rock ng makita nilang lumabas ang isang lalaki na naka-amerkana ng puti. Medyo
may edad na ito at may katabaan. Nang humarap ito sa gawi ni Rock ay pasimple niya
itong kinuhanan ng larawan gamit ang binacular... Kinuhanan din nila ng larawan ang
bawat sulok ng taniman. Lumibot pa sila at hindi biro ang lawak noon.

Matapos nilang makuha ang mga impormasyong kailangan ay nagpasya na silang umalis
at bumalik sa village kung saan sila pansamantalang tumutuloy. Tinawagan na ni Rock
sina Ervine at Siege... Tumawag na rin si Siegfried sa mga kasamahan nitong Scout
Ranger. Mahigit sa isang oras ang lumipas ng dumating ang dalawang chopper na sakay
ang mga Scout Ranger at mga Men in Action. Fully-arm ang mga ito ng dumating.
Lumapit ang malaking grupo na iyon sa kanila. Nangunguna sina Ervine at Siege na
may hawak na folder.

"Good job!" wika ni Ervine at sumaludo sa kanilang tatlo.

Sumaludo rin sila pabalik.

"Hindi namin magagawa ng madali ang bagay na ito kung hindi dahil sa katapangan ng
batang ito, si Densel... Nakatakas siya sa mga taong iyon at nakita namin siya ni
Siegfried sa gubat ng subukan naming mangaso." paliwanag ni Venom.

Tumingin si Ervine sa bata at sumaludo. Yumukod ito at maang na napatingin ang bata
dito.

"Good job, little soldier. Matapang ka para magawa ang bagay na iyon. Malaki ang
potensyal na magiging magaling kang agent paglaki mo. Gusto mo bang maging Men in
Action agent? Kapag nasa tamang edad ka na, puwede ka na sa training camp namin...
Ako nga pala si Ervine Sandoval, ang Commanding Officer ng Men in Action at
kinagagalak kitang makilala."

Inilahad nito ang kamay at tuliro namang nakipagkamay dito ang bata. Nakatingin si
Ervine sa mga latay nito at galos sa katawan.

"Uy, Ervine... Ang aga naman niyang pangre-recruit mo sa bata eh may trauma pa
siya. Puwede ba..." pakli ni Siege.

Umirap lang si Ervine dito at tumayo na. Pumasok na silang lahat sa kubong inuukupa
nila doon. Idinikit ni Ervine sa dingding ng kubo ang malaking mapa ng taniman at
ang larawan ng lalaking kinuhanan ni Rock. Nasa tabi nito sina Siege at Gin. At
sila, kasama ng iba pa ay matamang nakatingin lang sa mga ito.

"Big Boys! Palilibutan natin ang buong lugar para masiguro na walang tatakasan ang
mga kalaban natin. Susukulin natin sila na parang mga daga. Ang lalaking hinayupak
na ito ay si Austin Montana-isang kilalang negosyante pero isa rin naman palang
underground Drug Lord. Siya ang nasa likod ng pagkidnap sa mga batang lansangan
para sapilitan silang pagtrabahuin sa malawak nitong taniman ng marijuana at opium
poppy. Ang buong akala niya ay hindi ito pagtutuunan ng pansin ng mga alagad ng
batas dahil mga batang palaboy lang naman ang kinukuha niya. Pero nagkakamali siya.
" mahabang wika ni Ervine.

Nagtaas ng kamay si Sky.

"What?!" tanong ni Siege.

"Ano nang plano?" natatawa nitong tanong.

Tumawa ang katabi nitong si Velvet.

"Pagkatapos nating mapalibutan ang lugar, susugod tayo papasok sa loob ng taniman.
Iko-cover tayo ng mga kasama nating Scout Rangers. Basta ang priority natin dito ay
ang mga bata. Hindi ko na kailangang sabihing mag-ingat kayo dahil matatanda na
kayong lahat." wika pa ni Ervine.

"Nagsalita ang hindi matanda!" react ni Clear na sa wakas ay nagpakita na.

Ito ang pinakamaputi sa kanilang lahat. Ang tawag nila dito ay White Blood Cell.

Binato ito ni Ervine ng lapis at mabilis namang umilag ang huli. Nagtawanan ang Men
in Action boys at napangiwi naman ang mga Scout Rangers na kasama nila. Pagkatapos
nilang pag-usapan lahat ang mga seryosong rescue tactics ay saka na sila lumakad...

Naghati-hati sila sa grupo.... Kasama ni Venom sina Rock, Aeon at Gin... Nasa likod
sila ng taniman, malapit sa lumang bahay na medyo may kalakihan. Nasa di kalayuan
ang mga Scout Rangers na handang mag-cover sa kanilang pagpasok.

Anim ang bantay sa lugar na iyon. Pawang malalakas na kalibre ng baril ang hawak ng
mga ito. Unang naglakad palapit si Gin. Gumapang ito papasok sa bakod at ginupit
ang barb wire na nagsisilbing bakod doon para mas makadaan sila. Nagtago ito sa
likod ng puno at marahang lumapit sa isa sa mga bantay na nasa gilid ng gusali.
Bigla nitong sinakal ang lalaki at pagkatapos ay walang anuman na binali ang leeg
gamit lang ang mga kamay nito. Natumba ang lalaki at pasimple iyong hinila ni Gin
palayo para maitago. Pagkatapos noon ay nagsensyas na si Gin sa kanila. Nagsimula
na silang pumasok sa area at kumalat na sila sa paligid kasunod ng iba pa.

Nakarinig na sila ng sunud-sunod na putok ng baril at naging alerto na ang mga


guwardiya doon sa kinaroroonan nila. Tuluyan na silang nagpakita at mabilis na
nakipagpalitan ng putok ng baril. Naririnig nila ang malaking komosyon sa taniman.
Tumatakbo sila ng mabilis sa sandaling iyon. Mabilis na binabaril ng mga Scout
Ranger ang mga kalabang nagtatangkang lumapit sa kanila, ganoon pa man.. Hindi
nawawala ang kanilang pagiging alerto.

May pinto doon sa likod ng bahay at doon sila dumaan. Nangunguna pa rin sa grupo
nila si Gin na kasunod si Rock. Umakyat na sila sa hagdan at bawat madaanan nilang
kalaban ay kanilang binabaril. Bawat silid sa bahay na iyon ay kanilang binubuksan.
May isang nabuksan si Aeon na puro mga batang-babae ang naroon... Nanginginig sa
takot ang mga ito ng mapatingin sa kanila at sa hawak nilang mga baril. Lalo silang
nakaramdam ng galit sa mga sandaling ito dahil mukhang may ideya sila kung bakit
nakakulong sa silid na iyon ang mga batang-babae...

"Kami na ang bahala ni Gin sa kanila. Maglibot muna kayo sa bahay na ito baka may
mga bata pa." wika ni Aeon.

"Okay!" sagot ni Rock.

Magkasunod silang umakyat sina Venom at Rock sa pinakamataas na bahagi ng bahay at


bawat nakakasalubong nilang kalaban, mabilis nilang binabaril. Napahinto sila sa
terrace ng bahay... Naroon ang isang lalaki na may hostage na dalagita. Nakatutok
ang baril nito sa ulo ng bata.

"D-Diyan lang kayo! Huwag kayong lalapit! Papatayin ko ito!" desperadong wika ng
lalaki sa kanila.

Ito iyong nakaputing amerkana na nakuhanan ni Rock ng larawan kanina... Nanginginig


naman ang buong katawan ng dalagitang hostage nito at takot na takot na tumingin sa
kanila.

"Ang mabuti pa, sumuko ka na lang. Pakawalan mo ang batang iyan. Huwag ka nang
lumaban dahil halos patay na lahat ng mga tauhan mo." wika ni Venom.

Mas idiniin ng lalaki ang baril sa ulo ng dalagita at impit itong napatili sa
takot. Puno ng galos at latay ng katawan nito at napakagulo ng buhok. Mga labing-
anim na taong gulang lang ito at panay ang iyak...

"Hindi ako gago para basta nalang sumuko. Ang mabuti pa pakawalan niyo na lang ako.
At nang sa ganoon mabuhay ang batang-babae na 'to. Pabayaan niyo akong makatakas."
mariing wika ng lalaki sa kanila.

Lalong nanginig ang hostage nito.


"Huh, hindi tayo magkakasundo sa gusto mo." wika ni Rock dito.

"Kung ganoon, mamamatay ang batang ito."

"H-Huwag po..." impit na wika ng hostage.

Umiyak ito ng todo. Doon na lamang nito idinaan ang takot na nararamdaman.

"Relax ka diyan, huwag kang hot. Maawa ka naman diyan sa bata. Sumuko ka na lang
dahil ikaw na lang ang natitira. Bakit hindi ka tumingin sa baba para malaman mo
ang sitwasyon? Tumba na ang lahat ng mga tauhan mo... Patay na sila dahil mas
pinili nilang lumaban." wika ni Rock.

Umatras ang lalaki at pasimpleng tumingin sa labas. Desperasyon ang makikita sa mga
mata nito.

"Patatakasin niyo ako o papatayin ko ang batang ito?" kulit nito sa kanila.

Tumingin si Venom sa batang-babae... Napatingin din ito sa kanya at nagmamakaawa


ang mga mata nito.

"Munting binibini... Masunurin ka bang bata, ha?" masuyo niyang tanong dito.

Takot itong tumango sa kanya ng marahan. Napangisi naman ang lalaking may hawak
dito. Iniisip nito na sumasang-ayon na sila sa gusto nito.

"Mabuti iyan. Kung ganoon, maaari ka bang pumikit para sa akin, ha?" utos niya.

Muli itong tumango. Pumikit ito at umagos sa mga pisngi ng dalagita ang masaganang
luha.

"Akala mo ba patatakasin ka namin? Bakit hindi na lang tayo magsabayan, ha?" hamon
niya.

Akmang makikialam ang mga kasama nilang Scout Rangers pero sinenyasan ni Rock ang
mga ito na huwag ituloy ang balak.

"Wala ka bang pakialam sa buhay ng batang ito, ha? Hindi ka ba makokonsensiya na


mamamatay siya ng dahil sa'yo, ha?" kinakabahang tanong ng lalaki sa kanya.

"Hindi, ano bang pakialam ko diyan eh hindi ko naman kaano-ano iyan. Kung talagang
matapang ka, barilin mo na siya, at isasabay kita sa kanya. Sabay na lang kayong
mamatay!"

Impit na humagulgol ang dalagita dahil sa sinabi niya.

"Ah, ganoon pala ha?!"

Akmang kakalabitin na ng lalaki ang gatilyo ng baril ngunit bago pa nito tuluyang
magawa iyon ay... BANG! Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa
paligid at ang matinis na tili ng dalagita. Natalsikan ng maraming dugo ang mukha
nito.

"A-Ang kamay ko!!!....." sigaw pa ng lalaki.

Binaril ni Venom ang kamay ng lalaki na may hawak na baril. Nabitawan nito ang
dalaga at sinapo ang nawarak na kamay.... Umatras ito ng umatras at dahil doon,
nahulog ito mula sa terrace ng bahay... Narinig nila ang sigaw nito at ang malakas
na pagbagsak ng katawan. Napailing na lang si Rock sa nasaksihan. Mabilis nilang
nilapitan ang dalagita na sobrang nanginginig sa takot. Mariin itong nakapikit.

"Tama na... Ligtas ka na. Pasensiya ka na sa akin kanina. Kinailangan kong maging
marahas para matakot ang kalaban. Ganoon talaga..." wika ni Venom.

Pinunasan niya ang mukha nito. Marahan nitong iminulat ang mga mata at natulala ito
ng makita ang dugo sa panyong ipinampunas niya sa mukha nito. Bigla itong
humagulgol ng iyak at ang tangi lang niyang nagawa ay aluin ito. Marahas siyang
napabuntung-hininga. Panay ang hingi niya ng sorry sa bata. Pagkatapos noon ay
kinuhanan nila ng larawan ang buong lugar, bilang ebidensiya.. Pero bago sila
umalis, kasama ng mga batang ni-rescue nila ay sinunog nila ang lugar para walang
mapakinabangan.

Chapter 6:

Chapter 6:

"Haaay, sa wakas... Natapos din ang misyon natin!" wika ni Rock.

Naka-empake na ito ng mga gamit. Pero siya ay pa-easy-easy na nakaupo sa sofa...


Kasama nila doon ang mga comrades nila sa Men in Action... Si Siegfried at ang mga
kasama nitong Scout Rangers ang umasikaso sa mga batang na-rescue nila. Maang na
napatingin sa kanya si Nexus.

"Uy, Venom! Bakit hindi ka pa nag-eempake diyan? Huwag mong sabihing hindi ka pa
sasama sa amin pauwi?" untag nito sa kanya.

"Yes of course!" masigla niyang sagot.

Natuon ang paningin sa kanya ng lahat dahil sa naging sagot niya.

"Bakit?!" curious pang tanong ni Nexus.

"May kailangan kasi akong asikasuhin dito eh. Huwag kayong mag-alala, kung sakaling
kailanganin niyo ako... Isang tawag lang. Regular din akong papasok."

"Whoa! May lagnat ka ba, ha? Hindi biro ang layo ng biyahe mula rito..." sabat ni
Chase.

"Manliligaw kasi ako eh. May nagusgustuhan ako dito. Kaya siguro naman, sapat nang
paliwanag iyon." nakangisi niyang wika sa lahat.

Tumawa ang mga kaibigan niya.

"Siya nga pala, Nexus... Di ba tinawagan ka ni Clide? Kamusta siya?" pag-iiba niya
ng topic.

"Ayon, si Clide pa rin siya... Tinulungan ko siya doon sa trabaho niya... Binayaran
siya ng business magnate na si Web na hanapin ang naglayas niyang kapatid...
Nahanap naman na siya ni Clide at nagustuhan ni Web ang trabaho niya kaya kinuha
siyang bantay ng kapatid nito. Kailangang masiguro niya na hindi ito ulit
lalayas..." kuwento ni Nexus.

Ngumiti ito ng pilyo sa lahat. Mayroon pa itong gustung sabihin.

"At salamat sa kanya dahil kung hindi siya nagpatulong sa akin... Hindi ko
makikilala ang crush ko. Ha ha ha! Para akong nagbalik nito sa pagiging teenager!"
natatawa pa nitong wika.

"Babae ba iyong kapatid ni Web at siya ang crush mo?" tanong ni Venom.

"Yes, babae nga. Pero hindi siya ang crush ko, kundi iyong bestfriend niya. Tsaka,
bawal akong magkagusto doon sa kapatid ni Web... Mukhang type ni Clide eh."

"Oh, talaga? So, parang Crimson at Aeon lang ang peg nila?" react ni Velvet.

Umiling si Nexus.

"Malabo rin, kasi... Basta, di ko ma-explain ang dalawang iyon. Magulo."

Pagkatapos nilang magkuwentuhan ng kung ano-ano ay umalis na ang mga kaibigan


niya... Napangisi si Venom, kailangan niyang umpisahan agad ang kanyang agenda.
Naalala niya ang bunsong kapatid ni Abby... Ito ang susunod niyang target.

Halos mabingi si Venom sa malakas na tili ni Gida ng bigla niya itong hilahin sa
sulok ng isang eskinita.

"EEeeeeeh!!!.... H-Huwag po!!!... Virgin pa po ako!!.." takot nitong wika.

Natigilan ito ng imulat ang mga mata at napatingin sa kanya.

"Ay, sige! Okay lang!" nakangiti nitong wika sa kanya.

Napaismid siya at bahagya niya itong kinutusan para magising sa ilusyon.

"Awww! Ang sama mo talagang Doktor ka!" naiinis nitong wika sa kanya.

Pagkatapos noon ay marahas niya itong ibinalya sa gilid ng pader.

"Makinig ka, makisama ka sa akin kung ayaw mong masaktan! Sagutin mo ng maayos ang
lahat ng itatanong ko. Huwag na huwag kang magsisinungaling sa akin!" mariin niyang
wika.

"Eeeh..." react nito.


Takot lang itong tumango sa kanya ng matitigan nito ang mga mata niya. Bumuntung-
hininga siya bago niya sinimulan ang pagtatanong.

"Gideon Acosta... Single pa ba ang ate mo? Ilan ang manliligaw niya?" umpisa niya.

Napaubo si Gida at tumirik sa ere ang mga mata. Marahas niyang hinawi ang mga kamay
ni Venom sa kanyang mga balikat.

"Pambihira ka naman! Iyan lang pala ang kailangan mo, tinatakot mo pa ako. Tsaka,
bakit ko naman kailangang sagutin ang mga tanong mong iyan, ha?" mataray nitong
wika sa kanya.

"Isn't it obvious, ha? Gusto kong ligawan ang ate mo."

Nilaro nito ang bangs...

"Hindi naman sa pinabababa ko ang loob mo... Pero, haleer! Malabo etech ang pag-asa
mo sa maganda kong ate. Tetano ang turing noon, sa'yo. After ng mga engkuwentro
niyo, huwag kang umasa na magkakapag-asa ka. ZERO ka."

"Kaya nga hinihingi ko ang tulong mo... Tutulungan mo ba ako?!" may banta ang boses
niya.

Nagpapadyak si Gida at napaismid na tumingin sa kanya.

"Wala naman akong choice, di ba?" napangiwi nitong wika.

"Tama ka."

"Halika muna kung ganoon... Doon tayo sa shop ko mag-usap. Katabi lang ng shop ko
ang parlor ni Mamay Lab ko." maarte nitong wika.

Napasipol si Venom at napangiti sa kanyang narinig.

"Kung ganoon, makikita ko pala si Abby." pakli niya.

"Charot, hindi... Nasa rancho si Ate kasama ng mga kabayo, baka at kung anu-ano
pang naroon. Iyon ang hilig niya."

Na-amuse siya sa sinabi nito.

"Hindi ba panglalaki ang trabahong iyon?"

"Iyon ang gusto niya eh."

Napasipol si Venom... Malayo si Abby sa mga babaing tipo niya. Prim and proper ang
weakness niya pero napupukaw talaga ni Abbigail Acosta ang buo niyang atensyon.
Pumunta na sila sa shop nito... Napahanga siya sa disensyo ng mga damit na naroon.
Karaniwan ay pangbabae. May mangilan-ngilan din doong damit na panlalaki.
Nakatingin sa kanila ang mga kasama nito sa shop. Abala ang mga ito sa pananahi
pero napatigil noong dumating sila. Pinaupo siya ni Gida sa pandalawahang mesa na
malapit sa bintana. Umupo ito sa tapat niya.

"Okay... Si Ate, mahilig siya sa matatamis na pagkain. Paborito niya ang leche
flan. Kaya imbes na regaluhan mo siya ng bulaklak, mas maganda kung iyong mga sweet
na pagkain na lang." umpisa ni Gida.

"Good, tatandaan ko iyan Gideon."


"Eeer! Gida ang itawag mo sa akin."

"Sorry... Ano pa?"

"Kahit na magaspang siyang kumilos... Babaing-babae ang puso noon. Kami ni Mamay
Lab ang weakness niya."

"Alam ko na iyon dahil inaway niya ako ng dahil sa'yo. Muntik pa niya akong
suntukin sa mukha. Ngayon, ang gusto kong malaman... Ano ang gusto niya sa isang
lalaki?"

Napangiwi si Gida sa tanong niyang iyon.

"Sa katunayan, hindi ko alam. Wala kasi siyang nababanggit sa akin tungkol sa bagay
na iyan."

"Kung ganoon, ako na ang bahalang dumiskarte. Salamat sa munting inpormasyon."

"Eh mabuti naman. Galit si ate sa akin ngayon eh. Hindi ko siya malapitan."

"Kasalanan mo naman kasi."

"Oo na!" irap ni Gida.

Ngumiti si Venom at tumayo na.

"Salamat." wika niya.

Hindi sumagot si Gida pero ngumiti sa kanya. Lumabas na siya sa shop at pagkalabas
niya... Nakarinig siya ng mataginting na mga tili... Nangingibabaw doon ang boses
ni Gida. Natawa siya ng mahina at naglakad na paalis.

Samantala... Pawisan si Abby ng maupo siya sa damuhan. Nasa gilid siya ng bakod
kung nasaan ang mga baka... Kanina lang ay nagtulungan sila ng pinsang si Andrew sa
pagpapaanak ng baka at napagod talaga siya ng husto doon.

"Hello, sweetie! You need a break?"

Napalingon siya sa nagsalita at namula ang mukha niya. Si Venom, nakangiti ito ng
matipid sa kanya. Nakatitig ito sa kanya habang naglalakad palapit. May hawak itong
kahon at doon niya itinuon ang buo niyang atensyon. Ilang araw niya itong hindi
nakita... At ngayon, bigla itong sumulpot na parang kabute. Hindi niya alam ang
dahilan... Dahil alam niyang malinaw na nasingil na siya nito sa kasalanan niya...
Lalong nag-init ang mga pisngi niya sa isiping iyon.

"A-Ano iyan?" sa halip ay wika niya.

Umupo ito sa tabi niya at inilapag ang hawak na kahon sa harap niya.

"Custard pie, para sa'yo." maikli nitong sagot.

"B-Bakit?" naiilang niyang tanong.

Napahalukikip siya at yumuko. Medyo tinakam siya ng malaman niya ang laman ng
kahon. Mahilig siya sa matatamis na pagkain. Iyon ang isa sa kahinaan niya, bukod
sa kanyang Mamay Lab at si Gida...
"Hmm... Wala lang."

Maang siyang napatingin dito. Nagdududa siyang tumitig sa mga mata nito. Tumingin
ito pabalik sa kanya at hindi nawawala ang matipid nitong ngiti. Sumimangot siya sa
naging sagot nito at ibinaling ang tingin sa mga baka.

"Ano na naman bang kailangan mo?" tanong niya.

"Gusto lang kitang makasama at makilala pa."

"Tigilan mo ako, huwag mo akong pagtripan. N-Nakabayad naman na ako sa atraso ko


sa'yo, di ba?"

Lalo siyang yumuko pero napatanga siya ng hawakan nito ang punong-baba niya at
iharap siya sa mukha nito.

"Alam ko... Hindi maganda ang una nating pagkikita at nang iba pang nangyari sa
pagitan natin... Ang gusto ko sana, mag-umpisa tayo ng maayos."

Bigla niyang naisara ang bibig... Gusto niyang magsalita at barahin ito. Ibinuka
niya ang kanyang labi pero hindi siya makapagsalita dahil hindi niya alam ang
sasabihin. Na-blangko kasi ang utak niya at wala siyang makita kundi ang mukha nito
na nakatitig sa kanya.

"Stop acting like that... Parang inaanyayahan mo akong halikan ka... Tinutukso mo
ba ako, ha? Puwes, nagtatagumpay ka."

Nabigla siya sa sinabi nito. Pasimple niyang inalis ang kamay nitong nakahawak sa
baba niya. Ibinaling niya ang paningin sa ibang direksyon.

"Ang kapal naman ng mukha mo na isipin ang ganoon sa akin. Tigilan mo ako, puwede
ba?"

"Sorry about that. Hindi ko intensyon na mainsulto ka."

Nag-init ang ulo ni Abby sa sinabi nito. Naalala niya kasi iyong engkuwentro nila
sa restaurant.

"Kung ganoon, papuri pala iyong ginawa mo sa restaurant dati?" sarkastika niyang
wika.

Tumawa ito ng mahina. Lalo siyang naasar sa iginawi nito. Nanggigil na naman siya
sa inis...

"Sinadya ko talaga ang bagay na iyon para makuha ang buo mong atensyon. Ginawa ko
rin iyon para iiwas ka sa pansin ng ibang mga lalaki na naroon. Maganda ang boses
mo, hindi pangit... Sa katunayan, nakuha mo ako sa boses palang..."

Tumikwas ang mga kilay niya. Hindi siya naniniwala sa mga sinasabi nito.

"Bakit ba ganyan kayong mga lalaki, ha? Bakit ba ang hilig niyong magsinungaling at
mambola?" naiinis niyang wika.

Akma siyang tatayo pero pinigilan siya nito sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang
mga balikat.

"Totoo ang sinasabi ko at hindi ako nambobola. Bakit ba ang hilig mong tumakbo
palayo sa akin? Wala akong nakakahawang sakit kaya huwag mo akong iwasan. Sorry sa
mga atraso ko sa'yo... Patawarin mo ako sa mga nagawa ko. Please...?"

Mataman siyang tumitig sa mga mata nito... Sincerity ang nakikita niya at parang
hindi niya gustung maniwala.

"P-Pag-iisipan ko." tanging sagot niya.

"Hindi na ako nag-isip ng humingi ka ng tawad sa akin."

"Alam ko, pero nagbayad pa rin ako sa atraso ko. Siningil mo pa rin ako."

Matiim itong tumingin sa kanya sa sinabi niya. Pagkatapos ay tumawa ito ng mahina.
Hindi niya maiwasang hindi mapangiti sa naging reaksyon nito.

"Natural lang naman na singilin kita sa ginawa mo sa akin. Ang sakit-sakit kaya
noon. Muntik mo na akong mapatay. Tsaka, paano kung nabaog na ako dahil doon sa
ginawa mo? Paano ko na ikakalat ang maganda kong lahi?"

"Eeer... S-Sorry..."

"Hindi mo na kailangang magsorry dahil napatawad na kita. Kagaya ng sinabi ko


sa'yo, gusto ko sana na mag-umpisa ulit tayo... Iyong sa maayos na paraan."

Inilahad nito ang kanang-kamay. Mataman siyang tumingin doon at pinag-iisipan


niyang maigi kung tatanggapin niya ang alok nito... Hindi maganda ang karanasan
niya sa mga lalaki... Noong bata pa siya, madalas siyang ma-bully ng mga lalaki
niyang kaklase dahil sa Mamay Lab niya. Madalas siyang inaasar. Ang mga pinsan niya
ang sumbungan niya at sila lang ang mga lalaking pinagkakatiwalaan, wala nang iba.

Hindi niya maintindihan kung bakit kusang gumalaw ang kamay niya... Tinanggap niya
ang pakikipagkamay nito. Lumuwang ang ngiti nito...

"Salamat..."

Hindi pa rin niya magawang magsalita. Babawiin na niya ang kanyang kamay mula sa
pagkakahawak nito pero humigpit ang hawak nito sa kanya. Marahan nitong pinisil ang
kanyang kamay at nag-init na naman ang mukha niya.

"Sabihin mo... Bakit galit ka sa mga lalaki? May nagpaiyak ba sa'yo, ha?"

Biglang nagflash sa kanya ang mga panunukso at pangbubully sa kanya noon ng mga
naging kaklase niyang lalaki.

"B-Bakit mo naman naitanong bigla ang bagay na iyan?"

Parang may nakabara sa lalamunan niya sa mga sandaling ito at alam niyang halata
ang mahinang paggaragal ng kanyang boses.

"Sabihin mo, mayroon ba?"

Umiling siya.

"W-Wala..."

"Hindi kita pipilitin kung ayaw mong sabihin sa akin. Pero, huwag kang umiyak."

Na-conscious siya sa sinabi nito. Mabilis niyang binawi ang kanyang kamay at
hinayaan na siya nito. Pasimple siyang tumalikod at pinunasan ang mga luhang namuo
sa gilid ng kanyang mga mata. Dapat matagal na niyang nakalimutan ang mga bagay na
iyon dahil bata pa siya noon at napakatagal na ng pangyayaring iyon... Pero hindi
niya magawa dahil naging alipin siya ng takot at galit.

"Ayos ka lang?"

Bahagya siyang napakislot sa tanong na iyon. Hinamig niya ang sarili at casual
siyang humarap dito. Ngumiti siya ng matipid para pagtakpan ang lahat ng kanyang
nararamdaman.

"O-Oo, ayos lang ako. Tsaka... Hindi ako umiiyak. Bakit mo naman inisip na gagawin
ko ang bagay na iyon?" casual niyang tanong.

Sinuring maigi ni Venom si Abby... Nahuli niya ang kahinaan nito... Mayroong
kuwento sa likod ng katapangan nito. Totoo nga ang sinabi ni Gida na hindi man ito
babaing-babae kung kumilos... Pero babae pa rin talaga nito. She's still
vulnerable... And yet, scared of something.

"Hindi ko sinabi ang bagay na iyon dahil sa inisip ko lang. Nakita ko iyon,
sa'yo... Gusto kong malaman kung bakit ka natatakot."

"Huh? Ako, natatakot? Hindi ako natatakot. At kanino naman ako dapat matakot,
sa'yo? Puwes, nagkakamali ka." defensive na wika ni Abby.

"Hindi ko sinasabing natatakot ka sa akin. Pero alam kong mayroon kang


kinatatakutan. Iyon ang nababasa ko sa mga mata mo."

"Baliw ka na, Mr. Montecristo."

"Venom... Huwag kang masyadong pormal at matutuwa ako kapag tinawag mo ako sa
pangalan ko..."

Hindi siya sumagot, pero gusto niyang magsalita kaya naibuka niya ang kanyang labi.
Pero wala na naman siyang masabi kaya bigla din naman niya iyong naitikom. Nanlaki
ang mga mata niya ng haplusin nito ang pisngi niya...

"Sinabi ko na sa'yo na inaakit mo ako sa ganyang gesture..."

Natuliro siya ng unti-unti nitong hawiin ang distansiya na nakapagitan sa kanila.


Nanlaki ang mga mata niya ng tuluyan nang dumampi ang labi nito sa labi niya...
Napasinghap siya at napabuka ang labi niya... Tapos, kusa na siyang napapikit.
She's feeling weak again. Matagal siyang nagsanay para maging matapang at matatag.
But this man.. Nagagawa nitong gibain ang anumang defenses na mayroon siya.
Natauhan siya dahil sa isiping iyon, bigla niya itong itinulak. Gulat itong
napatingin sa kanya dahil hindi nito inaasahan na gagawin niya ang bagay na iyon.

"I... I..." hindi niya malaman kung magsasalita siya o ano.

Bagkus ay tumayo na siya. Napatingala ito sa kanya at pagkatapos noon ay kinuha


nito ang kahon na may lamang custard pie. Tumayo na rin ito at siya naman ang
napatingala dahil matangkad ito ng di-hamak sa kanya. Hanggang sa balikat lang siya
nito.

"Puwede ba akong manligaw sa'yo, Abby?"

"A-Ahm..." hindi niya malaman ang sasabihin.

Masyado siyang nabigla sa sinabi nito. Napaatras siya ng wala sa oras. Hindi niya
alam kung bakit nangalog ang mga tuhod niya at nagkaroon ng abnormal na reaction
ang tiyan niya... Napahawak siya doon at nahirapan siyang huminga kasi nagrigodon
ang puso niya sa pagtibok.

"N-No..." halos hindi pa niya masabi ang salitang iyon.

Ngumiti sa kanya ng pilyo si Venom.

"Tatanggapin ko iyan bilang YES." bigla nitong wika.

Napatanga siya.

"Baliw ka!"

Malalaki ang hakbang nitong lumapit sa kanya. Gusto niyang umatras pero di niya
magawa. Tuliro siya ng hawakan nito ang kaliwa niyang kamay. Pinagsaklop nito ang
mga palad nila at napatingin siya doon... Hindi siya makapaniwala sa ginagawa nito.

Chapter 7:

Chapter 7:

"Bitawan mo ako..."

"No. Sasamahan kita kung saan ka pupunta. Gusto kitang makasama."

Pasimple niyang hinila ang kanyang kamay pero ayaw talaga siyang bitawan ng binata.
Napatingin siya sa mukha nito.

"Paiibigin kita at sisiguruhin kong mahuhulog ka sa aking mga kamay."

Napakagat siya sa pang-ibaba niyang labi. Hindi siya papayag na magpatangay sa


gusto nito. Hindi siya isang laruan.

"No."

Marami pa siyang gustung sabihin pero iyon lang ang lumabas sa bibig niya.

"Yes." kontra nito sa kanya.


"No." ulit niya.

"Yes."

"NO!"

"YES!"

"NOOO!..."

"YEEES!..."

Marahas siyang bumuntung-hininga. Siya ang sumuko sa kakulitan nito. Pagkatapos ay


matapang siyang tumingin sa mga mata ng lalaki.

"Gawin mo ang gusto mo. Pero hindi mangyayari ang bagay na inaasahan mo. I won't
fall on you." matapang niyang pahayag.

Mas humigpit ang hawak nito sa kamay niya.

"Huwag kang magsalita ng tapos dahil hindi ako makakapayag na hindi kita mapaibig."

Hinila siya nito palapit at wala siyang magawa. Yumuko ito at halos ilapit ang labi
sa kanya. Sa tenga niya inilapit ang labi nito.

"Marami na akong napasuko sa laban... At kaya rin kitang pasukuin sa piling ko.
Pero please... Huwag mo naman akong pahirapan."

Pabulong ang pagkakasabi nito at damang-dama ng punong tenga niya ang mainit nitong
hininga. Nananayo ang mga balahibo niya sa batok dahil doon. Napalunok siya, at
hindi niya malaman ang gagawin... Ang lalaking ito lang ang may lakas ng loob na
sabihin at gawin ang mga bagay na iyon. Tanging ito lang ang hindi nasisindak sa
katapangan niya...

"T-Tigilan mo ako, pakiusap..."

Hindi maitatago sa boses niya ang pag-aalala.

"Hindi mo kailangang matakot. Hindi naman kita sasaktan."

"No..."

"I smell the fear in you... I can take that away. You know, after that kiss... I've
change. I'm not the same, anymore. Hindi ako magmamalinis. Baliw ako at sanay akong
hinahabol ng mga babae. Pero sa ngayon, ako ang maghahabol at gusto din naman
kitang habulin... Huhulihin kita at ikukulong kita sa mga bisig ko. I just want
you. Ikaw lang..."

Umiling siya. Ipinakita niya ang gesture na iyon para sabihin na hindi siya
naniniwala sa mga sinabi nito. Binitiwan nito ang kamay niya at napatingala siya
dito. Nagtaka siya sa inakto nito.

"Hahayaan muna kitang mag-isip. Pero, aakyat ako ng ligaw sa'yo mamaya ah?"
nakangiti nitong turan.

Iniabot nito ang kahon sa kanya na may lamang custard pie pero hindi niya iyon
kinuha. Nagulat siya ng hawakan na naman nito ang kamay niya at ipinahawak ang
kahon. Matapos noon ay binitiwan na nito ang kahon pero hindi ang kamay niya. Ilang
segundo na ganoon. Sa wakas, binitawan na nito ang kamay niya pero ramdam pa rin
niya ang init ng palad nito doon. Marahan itong umatras at ngumiti.

"Kita tayo mamayang gabi, sweetie!"

Kumindat muna ito bago tumalikod at naglakad palayo. Ilang sandali siyang natuliro
at ang tanging nagawa lang niya ay tingnan ang kahon na may lamang pagkain. Wala
siya sa kanyang sarili noong umuwi siya. Kinakabahan siya sa mga mangyayari. Basta,
hindi siya magpapatalo dito. Kailangan niyang protektahan ang sarili... Pero
natigilan siya.

"Protektahan, saan?" tanong niya iyon sa kanyang sarili.

From the word PAIN? What pain? What kind of Pain? Sa isipin pa lang na iyon,
binalot na ng ibang klaseng takot ang buo niyang pagkatao. Napangiti siya ng
mapait, ang duwag talaga niya. Natatakot siya sa isang bagay na hindi niya alam.

Nasa harap siya ng hapag at matamang nakatitig sa custard pie. Pinag-iisipan niya
kung titikman ba niya iyon o tuluyang babalewalain. Sa bandang-huli, tinikman din
niya iyon at tuluyang kinain. Tinalo siya ng gutom na kanyang nararamdaman.

Kinagabihan ay maaga siyang nahiga sa kanyang silid. Sinabi niyang maaga siyang
matutulog dahil pagod na pagod siya. At least, may solid siyang dahilan para hindi
babain si Venom kung sakaling umakyat nga ito ng ligaw. Inabala niya ang sarili sa
pagbabasa. Medyo inaantok na siya ng makarinig siya ng marahang lagabog sa kanyang
silid. Nanggaling iyon sa may bintana at napatingin siya doon. Nalaglag ang panga
niya at nasapo niya ang kanyang bibig. Ang inaantok niyang diwa, biglang nabuhay...
Nakatayo si Venom sa may bintana ng kanyang silid at may hawak itong boquet ng
roses na pinaghalong pula at puti... May hawak din itong kahon ng cake.

"Good Evening, sweetie." nakangiti nitong bati.

Huminga siya para makabawi sa sobrang pagkabigla.

"A-Anong ginagawa mo dito?!" bulalas niya.

Pataas-pababa niya itong tiningnan. Sa bintana ng silid niya ito dumaan. Tumawa ito
ng mahina sa kanyang tanong.

"Umaakyat ng ligaw." sagot nito.

Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman sa sandaling ito. Naiinis siya
pero natatawa. Sa bandang huli, tinalo siya ng kanyang ngiti... Hindi kasi niya
naisip na gagawin nga nitong literal ang akyat-ligaw na sinasabi nito.

"I-Imposible ka."

He grinned mischief.

"Salamat. Ituturing kong papuri ang comment na iyan."

Naglakad ito palapit sa kanya at hindi niya maiwasang hindi ma-conscious. Magulo
ang buhok niya at nakasuot siya ng fitted na puting t-shirt at maikling shorts.
Nakaupo siya sa kanyang kama at nakasandal sa unan. Napilitan siyang ibaba ang
hawak niyang libro ng tuluyan na itong makalapit sa kanya. Umupo ito sa gilid ng
kama, sa tapat niya. Inabot nito sa kanya ang mga dala at alanganin niyang
tinanggap ang mga iyon. Wala siyang pagpipilian.

"Please, umalis ka na. Baka maisipan kong sumigaw dito, mapahamak ka." babala niya.
Casual lang itong tumingin sa kanya at ngumiti ng matipid. Hindi man lang ito
natinag sa kanyang sinabi.

"Go ahead, sumigaw ka ng rape kung gusto mo. Kaya naman kitang pakasalan kahit na
anong oras. Willing akong magsabi sa Mamay Lab mo na handa kitang panagutan at
pakasalan. Pabor na pabor sa akin ang binabalak mo, Abby."

Natameme siya sa sinabi nito. Napaka-imposible talaga.

"I-Ikaw... Inaasar mo ba talaga ako, ha?!" pikon niyang wika.

"Hindi no. Sa katunayan, sinabi ko lang ang posibilidad na mangyari kung saka-
sakaling itinuloy mo ang balak mong pagsigaw. Natulungan pa nga kita, di ba?"

Hindi na siya makasagot kaya pinukol na lang niya ito ng masamang tingin. Pero sa
kabila ng kanyang ginawa, ngumiti pa rin ito sa kanya ng matamis. Nagsimula na
naman siyang mairita.

"Peace tayo, Abby. Hindi ako nagpunta dito para awayin ka. Nandito ako para ligawan
ka. Kita mo nga, umakyat nga talaga ako." natatawa nitong wika.

Napangiti siya ng kusa dahil sa sinabi nito.

"Ibang klase ka." comment na lang niya.

Amuse itong tumingin sa mukha niya. Halatang hindi nito inaasahan ang comment
niyang iyon.

"Gusto mo bang sa labas tayo? Mas presko ang hangin kung doon tayo mag-uusap. Baka
mabawasan noon ang kasungitan mo sa akin..."

"H-Huh? Ako, masungit?! Hindi ah!"

"Oh, hindi ka pa pala masungit ng lagay na iyan."

"Lumayas ka na nga lang dito. Tsaka, bakit naman ako lalabas ng kasama ka? Hindi mo
ba iniisip ang maaaring sabihin ng Mamay Lab ko kung sakaling makita niya tayo na
lumabas ng magkasama dito sa kuwarto ko? Sasabihin ko ba, na umakyat-ligaw ka? Baka
kung ano pa ang sabihin noon at..."

Napakagat siya sa pang-ibaba niyang labi. Hindi niya itinuloy ang sasabihin dahil
baka mabigyan pa niya ito ng ideya. Mahirap na, baliw ang lalaking ito.

"Di sa bintana tayo dumaan. Diyan lang naman tayo magkukuwentuhan sa itaas ng
bubong. Maganda ang view ngayon dahil maraming bituin."

Amuse siyang napatingin sa mukha nito. Napakunot-noo siya at napabuntung-hininga ng


malalim.

"Delekado ang umakyat diyan sa bubong. Paano kung mahulog ako, aber?"

"Akong bahala sa'yo. Di kita hahayaan na mapahamak. Please...?"

"H-Hindi ko pa nagagawa ang bagay na iyan. Paano kung ikaw ang mahulog at hindi
kita matulungan? Paano kung-"

Pinutol nito ang anumang sasabihin niya.

"Bakit hindi mo subukan para malaman mo. Wala namang mawawala."


Tumayo na ito at inilahad ang mga kamay sa kanya. Hindi pa niya nagagawa ang pag-
akyat sa bubong. Medyo natatakot siya pero nakakaramdam siya ng assurance sa
lalaking ito. Hindi niya alam kung bakit gusto niyang magtiwala. Inabot niya ang
mga kamay nito at marahan siya nitong tinulungan na makatayo. Tumingala siya dito
at marahan silang naglakad patungo sa bintana ng kanyang silid. Una itong lumabas
sa bintana at inalalayan siya nito... Malamig sa paa ang bubong. Marahan siyang
naglakad at narinig niya ang mahinang lagabog ng kanyang mga yabag sa yero ng
kanilang bahay. Napangiti siya at hindi makapaniwala sa kanyang ginagawa ngayon...

Tumingin siya kay Venom at mukhang kanina pa ito nakatitig sa kanya. Nakangiti ito
ng matipid.

"See..? Hindi naman nakakatakot, di ba?"

"Anong hindi nakakatakot? Kinakabahan nga ako eh."

Napatingin siya sa baba at nalula siya. Pakiramdam niya ay bumaliktad ang sikmura
niya ng wala sa oras. Natigilan siya ng hawakan ni Venom ang mukha niya, ipinaharap
siya nito dito..

"Malulula ka sa ginagawa mo. Sa akin ka lang tumingin, puwede?"

"A-Ang taas pala natin." kinakabahan niyang wika.

Hindi niya alam kung bakit ba kasi pumayag siya sa kabaliwang naisip nito. Pero
nakakaramdam naman kasi siya ng excitement.

"Yeah, I know. Pero hindi mo kailangang matakot hangga't kasama mo ako. Tara,
umakyat na tayo doon sa itaas."

"O-Okay..."

Kusang humigpit ang pagkakahawak ng mga kamay niya sa mga kamay nito. Halatang
sanay na sanay ito sa ginagawa dahil para itong pusa kung maglakad... Halos walang-
ingay. Samantalang siya, ang iingay ng mga yabag niya at kung hindi ito nakaalalay
sa kanya... Tiyak na kanina pa siya nadisgrasya. Nang makarating na sila sa tuktok
ng bubong ay marahan silang naupo. Nakaalalay pa rin ito sa kanya. Tuluyan na
siyang nakahinga ng maluwag ng makaupo siya.

Akma siyang yuyuko para tumingin sa ibaba pero biglang hinawakan ni Venom ang
punong-baba niya kaya sa mukha nito siya napatingin. Kahit na may kadiliman,
malinaw niyang nakikita ang buong mukha nito. At nakakadagdag ang madilim na aura
ng paligid para maakit siya dito.

"Sinabi ko na sa'yo na malulula ka sa gagawin mo. Hindi maganda iyon. Mas


makabubuti kung sa akin ka lang tumingin. Puwede mo akong tingnan hangga't hindi ka
nagsasawa. Ayos lang sa akin ang ganoon."

Napalunok si Abby ng wala sa oras... Baliktad yata ang sitwasyon kasi siya ang
tinititigan.

"M-May dumi ba ako sa mukha?"

Wala siyang maisip na sasabihin...

"Hindi kailangan ng dumi para titigan ko ang mukha mo. Alam mo, maganda ka sa
sarili mong kagandahan."
"Eeeer... Tumigil ka sa pambobola sa akin. Hindi ako nadadaan sa ganyan."

Binitiwan na nito ang punong-baba niya. Marahas itong huminga.

"Pambobola lang ba ang tingin mo sa mga compliment? Ako, bihira lang akong magbigay
noon kasi hindi ko ugaling mambola."

"So, ibig sabihin... Laitero ka pala?"

Balik niya sa sinabi nito.

"Huh, hindi ka pa rin ba nakaka-move on doon sa una nating engkuwentro? Na-explain


ko na iyon ah?"

"Naiintindihan ko ang paliwanag mo at pilit ko naman iyong kinakalimutan... Pero


siyempre, mahihirapan ako dahil napahiya ako noon."

"Well, sorry kung nasaktan ka sa ginawa ko. Pero babawi naman ako. Sabihin mo, ano
bang gusto mo?"

Natigilan siya sa tanong nito at maang na napatingin sa mukha nito. Seryoso at


hindi nagbibiro.

"H-Hindi ko alam... Ewan." sagot niya.

"Hmm... Hindi mo alam. Pero ako, may gusto... Hindi mo ba gustung hulaan?"

Hindi siya makasagot dahil natutuliro siya sa paraan ng pagtitig nito. Gusto niyang
magsalita pero wala siyang mahagilap na sasabihin. Hinaplos nito ang pisngi niya at
lalo lang siyang natuliro. Marahan nitong ikinulong ang buo niyang mukha sa mga
palad nito at pagkatapos noon ay unti-unti nitong hinawi ang distansiyang
nakapagitan sa kanilang mga mukha. Umatras siya ng bahagya pero determinado ito sa
gusto nito.

"V-Venom..." protesta niya.

"Sssshh... You should close your eyes. Close your eyes..."

Hindi niya alam kung isa iyong pakiusap o utos. Ganoon pa man, kusa pa rin niyang
ginawa ang sinabi nito. Dumampi na ang labi nito sa labi niya... Nandoon ulit ang
strange feeling na iyon. They kiss just like before. But this time... They both
want more. Marahan siya nitong ipinahiga habang hinahalikan siya nito. Napaurong
siya ng bahagya at pareho silang natigilan ng madulas siya ng kaunti at muntikan na
silang mahulog pareho. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes nito, hinila agad
siya nito palapit dito... Muntik na siyang mapasigaw sa nangyari. Natawa ito ng
mahina at nahawa siya dito.

"Masyado yata tayong naging pabaya." wika nito.

"It's your fault." sisi niya.

"Oh, really...?"

"Yeah." she said it with sarcasm.

"Tayo na ba, ha?"

Napailing siya at tumawa ng mahina.


"No. Hindi ibig sabihin na pinayagan kitang halikan ako... Eh sinasagot na kita
agad. NO."

"Awww... That hurts!"

Huminga siya ng marahas sa naging reaksyon nito. Naaaddict yata siya sa labi
nito... Ganoon pa man, hindi siya dapat basta magpadala... Sinabi nito sa kanya na
gagawin nito ang lahat, mapaibig lang siya... Delekado kapag bumigay siya. Mahirap
na. Pero ngayon pa lang, nagsisimula na siyang maging mahina. What now?!

"Huwag mo na akong pahirapan. Surrender."

"Ganyan ka ba talaga manligaw, huh?"

"Honestly... Ngayon lang ako nanligaw."

Hindi na niya magawang magcomment kasi masyado yata siyang nawindang sa rebelasyon
nito. Marahan niya itong itinulak at na-gets naman nito ang gusto niya. Inayos nito
ang sarili at umupo sa tabi niya. Ganoon din ang ginawa niya. Dapat hindi siya
maging weak sa mga simpleng gestures nito. Yumugyog ang mga balikat nito at
natatawang tumingin sa kanya.

"Ang saya noon, di ba?" bigla nitong tanong.

Namula siya at nag-init ang mga pisngi niya.

"Tumigil ka. Muntik na tayong madisgrasya pareho at gumawa ng eskandalo. Umayos


ka!" mariin niyang wika.

Tumingin sa kanya si Venom pero mas pinili niyang ibaling ang paningin sa view na
natatanaw niya. Mahirap na kapag nagkatitigan ulit sila... Disgrasya!

"Ahm... Abby... Bakit ang trabahong rancho ang napili mo? Hindi ba, panlalaki ang
bagay na iyon? Bakit hindi mo na lang tulungan ang Mamay Lab mo sa parlor niya o
kaya ang kapatid mong si Gida doon sa shop niya?"

Napangiti siya sa katanungang iyon ni Venom.

"Hindi ko rin alam kung bakit iyon ang nakahiligan ko. Impluwensiya siguro ng Lolo
ko at mga pinsan ko. Pero ang alam ko lang talaga kung bakit iyon ang napili ko at
nagustuhan ko... Kasi, doon ako masaya. Ikaw, bakit mo piniling maging doktor?"

Natigilan ito ng bahagya at panay ang buntung-hininga nito ng malalim...

"Buong-buhay ko, halos sa digmaan na umikot. Iyon naman kasi ang rason kaya kaming
mga Phantom Soldiers, binuhay ng pamahalaan.. Ginawa nila kaming mga sandata.
Iniisip ko tuloy na sana hindi na lang ako nabuhay kung iyon lang ang rason para
mag-exist ako dito sa mundo."

Tuluyang napatingin si Abby kay Venom. Malungkot na malungkot ang boses nito.
Mataman lang siyang naghihintay ng sunod nitong sasabihin.

"Ganoon pa man, ano ang magagawa ko? Gusto ko man o ayaw ko... Ginawa ako ng mga
magulang ko. Hindi ko kontrolado ang bagay na iyon."

"Hush! Sira!" react niya.

"Sa kabila ng lahat... Masuwerte ako kasi nagkaroon ako ng father figure sa
katauhan ni Captain John Mason. Ang sabi niya sa akin, kung wala siguro ang digmaan
na iyon... Aampunin niya ako at pag-aaralin niya ako bilang isang Doktor. Iyon ang
pangarap niya para sa akin. Sayang, di na niya nakita ang pag-abot ko sa pangarap
naming dalawa... Kung puwede ko lang baguhin ang nakaraan, alam mo iyon?"

Itinaas ni Venom ang kanan niyang kamay na parang pilit na inaabot ang langit. Na-
touch siya ng husto sa kuwento nito. Walang-wala pala sa naging karanasan niya ang
nangyari dito... Hindi niya ma-imagine kung kakayanin niya ang naging buhay nito.
Bigla siyang nakaramdam ng paghanga dito.

"Kung nasaan man siya ngayon, sigurado akong ipinagmamalaki ka niya."

Ngumiti si Venom sa kanya at hindi niya maintindihan ang sarili... Sa munting


gesture na iyon, natuwa na siya.

"Salamat. Gumaan ang pakiramdam ko."

Tumayo na ito at marahan nitong inilahad ang mga kamay sa kanya. Inabot niya ang
mga kamay nito at marahan siya nitong inalalayan sa pagtayo.

"Sa tingin ko, kailangan mo nang matulog."

Gusto sana niyang tumutol sa suhestiyon nito pero pinigil niya ang sarili. Ngumiti
siya ng matipid.

"Sa tingin ko nga." ayon na lamang niya.

Marahan silang naglakad pabalik sa kanyang silid. Inihatid siya nito hanggang sa
loob.

"Good night..." wika nito.

"Good night."

Pero bago ito umalis ay mabilis siya nitong dinampian ng halik sa kanyang labi.
Natuliro siya at hindi na niya namalayan ang pag-alis nito. Hindi niya alam kung
gaano katagal siyang nakahawak sa kanyang labi bago siya natauhan. Heto na naman!
Gumawa na naman siya ng kabaliwan at kalandian... Hindi niya alam kung ano ang
mayroon sa lalaking iyon at nagagawa siya nitong maging weak sa simple nitong mga
kilos.

Uhaw na uhaw si Abby ng bumaba siya sa kusina. Nadatnan niya doon ang Mamay Lab
niya na busy sa pagbabasa habang umiinom ng gatas.

"Mamay, hindi ka pa matutulog? Gabing-gabi na ah?" tanong niya dito.

Nanatili ang paningin nito sa binabasa nitong libro.

"Hindi ko na magawang makatulog dahil naisturbo ang tulog ko kanina."

Kinuha ni Abby ang pitsel sa ref at agad na nagsalin ng tubig sa baso niya.

"Mamay, inisturbo kayo ni Gida? Hayaan niyo, pagagalitan ko siya." wika niya.

Uminom na siya at kulang ang ininom niya. Nagsalin ulit siya ng tubig sa baso niya.
Muli siyang uminom ng tubig.

"Hindi naman si Gida ang nakaisturbo sa akin, no. Ang nakaisturbo sa akin eh iyong
dalawang malalaking pusa na naglalampungan doon sa tuktok ng bubong! Ewan ko ba sa
mga pusang iyon at dito pa ang napiling spot!"

Biglang napaharap sa lababo si Abby at bigla din niyang naibuga ang iniinom niyang
tubig doon. Napaubo siya kasi sobra siyang nasamid. Napangiwi siya, nag-init ng
husto ang mukha niya at nakaramdam siya ng matinding guilt at kahihiyan.

"Ayos ka lang, anak?" untag nito.

Nananatili pa rin ang paningin nito sa hawak na libro. Nakaramdam siya ng matinding
kaba. Wala sa sariling naupo siya sa tapat nito. Hindi niya alam kung paano niya
uumpisahan ang pagsasalita.

"Mamay..." alanganin niyang wika.

Ibinaba na nito ang binabasang libro at tumingin sa kanya. Seryoso ang mukha ng
kanyang Mamay, lalo siyang kinabahan.

"Nasa tamang edad ka na at kaisipan. Kaya alam kong alam mo na ang ginagawa mo sa
buhay mo. Pero sana, sa susunod na magpaakyat ka ng ligaw... Huwag sa bubong, dito
sa loob ng bahay kung saan puwede akong magmanman."

Napakagat siya sa kanyang labi at guilty na tumingin sa mukha nito.

"Eeeeh.... Kasi, Mamay... Siya ang umakyat ng ligaw sa kuwarto ko eh... Umakyat
talaga siya, as in... Takot naman akong lumabas sa kuwarto ko ng kasama siya kasi
nga, baka iba ang isipin niyo at... Mamay, sorry..." alanganin niyang paliwanag.

Huminga ito ng malalim at ngumiti.

"Kamusta naman siya?" casual nitong tanong.

"Sira-ulo siya pero natutuwa din naman ako sa kanya. Isa pa, akala ko noong una
mababaw lang siya na klase ng tao pero noong makausap ko siya... Hindi naman pala
siya ganoon. Mali iyong una kong impression sa kanya."

"May pag-asa ba siya sa'yo?"

Nag-isip siya ng malalim at hindi niya gusto ang isinagot ng sarili niya sa kanya.
Sumimangot siya at napakamot sa kanyang noo.

"Ewan."

"Ewan..."

Tumayo na ang Mamay Lab niya at uminom ng gatas.

"Matulog ka na. Good night!" umalis na ito.

"Good night!"

Pagkatapos noon ay marahas niyang isinubsob ang mukha sa mesa... Nakakahiya siya...
Nakita pala sila ng kanyang Mamay Lab at tinawag pa silang mga Pusa na
naglalampungan daw sa bubong... Napakagat siya sa kanyang labi ng maalala niya
iyong kiss na namagitan sa kanila... Lampungan nga iyon sa itaas ng bubong.
Napailing-iling siya.

"Grrrrr!!!!..."
Napaungol siya dala ng frustrations

Chapter 8:

Chapter 8:

Kinabukasan, muling pinuntahan ni Venom si Gida sa shop nito. Kailangan pa kasi


niyang kumuha dito ng impormasyon para mas mapadali ang panliligaw niya. Abala ito
sa pananahi nang dumating siya. May dala siyang kahon ng cupcakes para dito.

"Hello, Gida!" bati niya.

Hindi man lang nagreact si Gida. Tuloy lang ito sa ginagawa.

"Gida..." nilambingan niya ang boses.

Pero nanatili itong snob. Tumaas na ang kilay niya tapos ay nag-isip ng ilang
sandali...

"Gida na maganda... Hello!" malambing ulit niyang bati.

Napatigil ito sa ginagawa at napatingin sa kanya.

"Ano iyon, Kuya?" malambing nitong wika.

"Magandang Gida, puwede ba kitang makausap?"

Excited itong tumayo at lumapit sa kanya.

"Sure! Ano ba iyon, Kuya?"

Napangiti siya ng maluwag sa tawag nito sa kanya. Kagaya ng dati, naupo sila doon
sa mesa na malapit sa bintana.

"Para sa'yo, oh." inabot niya dito ang dala.

Agad iyong kinuha ng huli at tuwang-tuwa ito ng tiningnan ang laman.

"Anong maipaglilingkod ko sa'yo, Kuya?" malambing nitong tanong.

Sumeryoso ang mukha niya at huminga siya ng malalim. Amuse itong napatingin sa
kanya.

"Napansin ko lang... Bakit may pagka-manhater ang ate mo? May nanakit na ba dati sa
damdamin niya, ha?"

Nawala ang ngiti ni Gida at sumeryoso ang mukha na napatingin sa kanya. Yumuko ito
at pagkatapos ay alanganing tumingin ulit sa kanyang mukha.

"Ikaw, mabait ka lang ba sa akin kasi may gusto ka sa ate ko?" bigla nitong tanong.
"Siyempre."

"Hmf!"

Sumimangot ng todo si Gida sa kanya.

"Pero hindi ibig sabihin noon, na mabait lang ako dahil lang doon. Hindi pa naman
kasi tayo gaanong magkakilala eh. Sa palagay ko nga eh, magkakasundo tayo sa
maraming bagay..."

"Charot ka naman, binobola mo na ako."

"Gida, sagutin mo na naman ang tanong ko oh. Please...?" pakiusap niya.

Huminga ito ng malalim.

"Alam mo kasi... Noong mga bata pa kami ni ate Abby... Madalas siyang inaasar,
tinutukso at binu-bully sa school dahil nga sa bading ang aming si Mamay Lab.
Karaniwan sa kanila ay mga kaeskuwela niyang lalaki na madalas siyang pagtripan.
Dahil doon, nagtanim siya ng matinding galit sa mga kalahi mo. May kinagat nga siya
dati ng dahil sa akin eh... Ang mga pinsan lang namin na mga baliw ang tanging mga
lalaki dito sa mundo ang hindi niya pinagtaniman ng galit. Kaya kung gusto mo
talaga ang ate ko, magsumikap ka!"

Natawa siya ng bahagya sa huling sinabi nito. Pero bigla din siyang sumeryoso. Kaya
pala ganoon na lang ang takot na nakikita niya sa mga mata nito. Natatakot itong
mapaglaruan, iyon ang dahilan ng katapangan nito.

"May mga nanligaw ba sa ate mo?" tanong ulit niya.

"Marami. Itong ganda ba naman ng lahi namin eh mauubusan ng manliligaw? Siya iyong
tipo na kapag hindi niya type, binabasted niya agad. Hindi siya iyong tipo na
nagpapaasa. Hanggang sa may nanligaw sa kanya na talagang gusto niya. Pero mabuti
na lang, di niya sinagot agad ang lalaking iyon..."

Napakagat sa labi si Gida at alanganing tumingin sa kanya.

"Anong nangyari?" untag niya.

"Kasi, niligawan din ako ng hinayupak na iyon eh! High school ako noon, third year
at si ate naman, second year na sa pag-aaral ng veterinary. Pinagtripan kaming
magkapatid, pinagpustahan ng mga lalaking iyon kung mag-aaway kaming dalawa o
hindi... Mabuti na lang, natuklasan namin ang bagay na iyon bago pa siya sagutin ni
ate... Pero alam mo, nasaktan talaga siya ng husto sa nangyari na iyon... Mula
noon, lahat ng manliligaw niya... Ni-reject niya. Naging mailap siya sa lalo sa mga
lalaki..."

Gigil na nilaro ni Venom ang kanyang mga daliri sa mesa. Bigla siyang nakaramdam ng
galit... Napakasama ng lalaking sinasabi ni Gida. Gago man siya pero hindi siya
ganoon kababaw.

"Gusto niyo bang makaganti sa hinayupak na sinasabi mo? Ibigay mo sa akin ang
pangalan niya at ha-huntingin ko siya. Kaya ko siyang tapusin, anytime." seryoso
niyang wika.

Napangalumbaba si Gida at huminga ng malalim.

"Huwag na, Kuya. Binugbog na siya nila Kuya Siegfried noon. Naospital nga ang
tarantado eh. Ganoon pa man, nasaktan pa rin ang ate Abby ko at hindi na mababago
iyon. Kaya ikaw, kung pinagtritripan mo lang siya... Pakiusap lang, tumigil ka na
lang."

"Tingnan mo nga akong mabuti, Gida. Mukha ba akong loser?!"

Tiningnan nga siya ni Gida, kumagat ito sa pang-ibabang labi at kinikilig na


ngumiti.

"Hindi ka mukhang loser, pero ang hot mo... Eeeeh!!..." tili nito.

Natawa siya sa naging reaksyon nito. Sumandal siya sa upuan at napatingin sa labas.
Kung sino man ang loser na nanakit sa damdamin ni Abby noon... Huminga siya ng
malalim, mahihirapan siya nito... Pero wala sa bokabularyo niya ang salitang
sumuko. Sa laban, siya ang nagpapasuko... Tumayo na siya at sumaludo kay Gida.

"Salamat ah., magandang Gida!"

Kumindat siya dito bago lumabas. At iyon, narinig na naman niya ang maingay na tili
doon sa loob ng shop. Napatigil siya sa paglalakad ng makarinig siya ng malakas na
sitsit. Lumingon siya sa pinanggalingan noon at ang Mamay Lab ni Abby ang nakita
niya. Nakapamaywang ito sa harap ng parlor nito at sinenyasan siya nitong lumapit.
Ngumiti siya ng alanganin nang lumapit siya dito dahil seryoso ang mukha nito at
nakatikwas ang mga kilay sa kanya.

"Bakit po?" magalang niyang tanong.

"Eh anong bakit po? Ikaw, kung manliligaw ka sa anak ko... Puwede bang huwag mong
daanin sa akyat-bahay, ha?"

Napabuka ang labi ni Venom pero hindi siya makasagot... Nahihiya siyang tumingin sa
mukha nito at napakamot siya sa kanyang batok.

"S-Sorry po..." hinging paumanhin niya.

"Hindi ko naman ipinagbabawal ang panliligaw sa anak ko. Dalaga naman siya at
normal ang bagay na iyon. Pero sana naman, ligawan mo siya sa maayos na paraan.
Huwag ganoon, okay? Ayaw kong magising na lang na biglang nawawala ang anak ko.
Hindi ko kakayanin iyon, kapag nagkataon." sermon pa nito sa kanya.

"Pasensiya na po, hindi ko na po uulitin. At huwag po kayong mag-alala kasi kapag


hindi ako sinagot ng anak niyo... Ipagpapaalam ko naman po sa inyo kung kailan ko
siya itatakbo."

Tumawa siya ng pilyo. Pero nakatikim siya ng pingot sa tenga.

"Loko!" gigil pang wika ni Mamay Lab.

Samantala... Panay ang sulyap ni Abby sa pinsan niyang si Andrew. Nagpapahinga sila
ngayon kubo na malapit sa stable. May hawak itong gitara at kumakanta ito ng...

"You can kiss me in the moonlight on the rooftop under the sky. You can kiss with
the windows open while the rain comes pouring inside, yeah. Kiss me in sweet slow-
motion, let's let everything slide. You've got me floating, you've got me flying!
It's the way you love me. It's a feeling like this, it's centrifugal motion. It's
perpetual bliss. It's that pivotal moment, it's a subliminal! This kiss, this
kiss... It's criminal!"

Bigla itong tumigil sa pagtipa ng gitara at pagkanta ng mapansin siya nito.


"Bakit?" nakangisi nitong tanong.

"Hindi bagay sa'yo ang kinakanta mo. Pambabae ang kantang iyan." comment niya.

Tumingin ito sa songbook na nakalapag sa harapan nito.

"Huh, huh... Hindi bagay sa akin ang kanta o may naaalala ka lang?"

Natigilan siya sa sinabi ng pinsan niya at nag-init ang mga pisngi niya. Mataray
siyang tumingin dito.

"At ano naman ang maaalala ko, aber?" mataray niyang tanong.

"Mga pusang naglalampungan sa bubong?"

Napaubo siya ng wala sa oras at napahawak sa kanyang lalamunan.

"At saan mo naman nakuha ang ideya na iyan, ha?"

"Narinig ko kasi kaninang umaga na nagkukuwentuhan sina Papa at Tito Lab... Ang
sabi ni Tito Lab, may nakita daw siyang dalawang pusa na naglalampungan doon sa
tuktok ng bubong ng bahay niyo. Totoo ba iyon, Abby?" may halong panunudyo ang
boses nito.

Umiwas siya ng tingin at tumingin sa malayo. Nanghaba ang nguso niya dahil sa
simangot.

"E-Ewan ko, maaga akong natulog kagabi eh." wika niya.

"Ah, ganoon ba?"

Tumawa ito ng mahina. Muli nitong ibinaling ang atensyon sa songbook. Inilipat nito
ang pahina.

"Tara, duet tayo. May nahanap akong magandang kanta." untag nito sa kanya.

"Wala ako sa mood." sagot niya.

"Ay, sayang naman!"

Nagsimula na itong tumipa ulit sa gitara. Medyo pamilyar sa kanya ang kanta. Hobby
nilang magpinsan ang kumanta kapag ganitong nagpapahinga sila. Iyon nga lang, wala
talaga siya sa mood ngayon. Where are you by Justin Roman ang kinakanta nito
ngayon.

"How does she laugh, how does she cry? What's the color of her eyes? Does she even
realize I'm here? Where is she, where is she? Where is this beautiful girl? Who is
she, who is she? Who's gonna complete my world?"

Ngumiti siya ng pilya sa kanyang pinsan.

"Dedicated ba sa sarili mo iyan?"

"Oo."

Hindi na siya nagcomment. Mas gusto talaga niyang kasama si Kuya Andrew kaysa doon
sa kakambal nitong si Adam. Mas matino kasi itong kausap.
"Uy, parating ang isang pusang-gala." wika nito.

Napatingin siya sa tinitingnan nito at si Venom ang nakita niyang parating. Panay
ang pisil nito sa kaliwang tenga. Ngumiti ito ng makita siya. Gumanti din siya ng
matipid na ngiti.

"Napano iyan?" tanong niya.

Panay pa rin kasi ang pisil nito sa kaliwang-tenga nito na pulang-pula na. Tumingin
ito kay Andrew na busy sa pagsa-sountrip. Hinila nito ang kamay niya at pasimple
siya nitong inilayo.

"Bakit..?" alanganin niyang tanong.

"Piningot ako ni Mamay Lab. Nakita pala niya tayo kagabi, he he. Nasermunan niya
ako ng todo."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Alanganin siyang napatingin sa pinsan
niya. Hindi ito nakatingin sa kanila.

"Wala akong narinig." bigla nitong wika.

Hinila niya palayo si Venom at nagulat ito sa kanyang ginawa. Halos kaladkarin niya
ito.

"Anong sinabi niya sa'yo?" nag-aalala niyang tanong.

Sumeryoso ang mukha nito at hinawakan siya sa magkabila niyang balikat. Kinakabahan
siya sa uri ng tingin nito.

"Makinig ka, sinabi niya sa akin na kailangan daw kitang pakasalan sa lalong
madaling panahon. Kailangan kitang panagutan agad."

Nalaglag ang panga niya sa sinabi nito.

"T-Totoo bang sinabi niya iyan?!" gulat niyang wika.

"Oo..."

Malapit na siyang maniwala pero nakita niya ang nakakalokong ngiti sa labi nito.
Inis niyang dinaklot ang kuwelyo ng t-shirt nito.

"Ikaw... Niloloko mo ako, ano? Halatang nagsisinungaling ka eh!" pakli niya.

"Eeeer... Halata ba?" nakakaloko nitong tanong.

"Oo, halatang-halata! Baliw ka-Eeeeh!!!.."

Bigla siyang napatili kasi bigla siya nitong hinalikan sa labi niya. Mabilis lang
ang halik na iyon pero may diin. Nagulat siya ng sobra kaya siya napatili.
Nakakaloko itong ngumiti sa kanya.

"Grrrr!... Asar ka, asar ka!" naiinis niyang wika.

Nagulat siya ng hawakan nito ang mga braso niya at hilahin siya palapit dito.
Ipinulupot nito ang mga kamay niya sa likod nito at mabilis siyang niyakap ng
mahigpit. Natuliro siya sa ginawa nito at parang hindi siya makapaniwala. Sinubukan
niyang makawala pero masyadong mahigpit ang yakap nito sa kanya. Maang siyang
napatingin sa mukha nito na seryoso.
"Hindi mo kailangang matakot... Kaya please, sumuko ka na sa akin?"

"H-Huh?" nagulat siya.

Hindi ito nagsalita pero marahan nitong ipinasandig ang ulo niya sa balikat nito.
Hindi niya maintindihan ang sarili dahil gusto niya ang pakiramdam na nakakulong
siya sa mga bisig nito. Mariin siyang napapikit at pakiramdam niya, ipinaghehele
siya. Wala siyang ibang nararamdaman kundi kapayapaan at saya. Parang napunan ang
anumang kulang sa buhay niya. Kusa siyang gumanti ng yakap.

"Sumusuko ka na ba sa akin, ha?"

Iminulat niya ang kanyang mga mata ng magsalita ito. Parang gusto na yata niyang
sumuko agad, tapos... Bigla na naman siyang nakaramdam ng takot na hindi niya
kayang alisin.

"No..."

"Duwag ka pala talaga kung ganoon. Wala kang kasing duwag." bigla nitong wika.

Natigilan siya sa sinabi nito... Tinawag siya nitong duwag. Tumingin siya kay
Andrew, pero wala na ito sa kubo. Nakita na lang niya ito na naglalakad sa malayo,
dala ang gitara at songbook.

"Hindi ako duwag! Tsaka, bakit naman ako susuko sa'yo, hindi naman ako isang
kriminal?" balik niya.

Lumuwag ang yakap niya dito, gusto na niyang kumalas pero mahigpit na nakapulupot
sa kanyang katawan ang mga braso nito.

"Hindi ka nga kriminal, pero gusto kitang pasukuin sa piling ko. Kung hindi ka
duwag, bakit hindi ka pa sumuko sa akin ngayon?"

Naiinis siya at hindi makapaniwala sa sinasabi nito.

"Kung hindi ka susuko sa akin ngayon, hahalikan kita. O gusto mong halikan muna
kita bago ka sumuko? Magsabi ka, ano ang gusto mo?"

Napaubo siyang bigla kasi nasamid siya ng wala sa oras. Gulat siyang napatingin sa
mukha nito.

"Wala akong gusto sa sinabi mo. Pakawalan mo na lang ako."

"Kung gusto mong pakawalan kita, halikan mo muna ako. Kaya mo bang gawin iyon?"

Ngumiti ito ng matipid at nanunudyo ang mga mata nito ng mapatitig siya sa labi
nito.

"I dare you, Abby." hamon pa nito.

Tumikwas ang mga kilay niya.

"Eh kung basagin ko na lang ulit iyang mga itlog mo para matauhan ka na?!" banta
niya.

"Go ahead. Basta ba handa kang magbayad kapag naningil ako... I swear, higit pa sa
halik ang matitikman mo kapag itinuloy mo ang balak mo. Gawin mo na, huwag kang
puro banta."
Natameme na siya at tuluyan nang nablangko ang utak niya. Hindi niya kaya ang laro
nito, talung-talo siya. Sa bandang huli, kinailangan niyang mamili sa mga choices
na ibinigay nito.

"K-Kapag pumayag ba ako na halikan mo ako. Pakakawalan mo na ba ako?"

"Hmm... Oo naman, at ibig sabihin noon... Sinasagot mo na ako. Unless, ikaw ang
hahalik sa akin. Pakakawalan kita ng walang kundisyon."

Nagtiim ang mga bagang niya at gigil na tumingin dito. Nahahamon talaga ang
katapangan niya sa lalaking ito.

"Fine!" sagot niya.

Pagkatapos noon pumikit siya ng mariin at hinalikan niya ito. Willing nitong
tinanggap ang halik niya at mabilis nitong sinakop ang labi niya. Lalo na ang buong
pagkatao niya. Napayakap siya dito kasi para siyang matutunaw sa mga sandaling ito.
Siya ang unang kumalas sa halik na iyon at humihingal siya... Napalunok siya at
matamang tumingin sa mukha nito.

"G-Ginawa ko na. Pakawalan mo na ako."

Tumaas ang kanang-kilay nito at ngumiti ng pilyo. Nasenyas ito ng peace sign sa
ere.

"Binabawi ko na ang sinabi ko na duwag ka. Matapang ka naman palang talaga. Hindi
ka natakot sa hamon ko. Pero... Nabitin ako eh, sorry!"

Bago siya makahuma ay bigla siya nitong hinalikan. Hindi siya makatanggi kasi hindi
niya magawa... They kiss again and then, BLAG! Biglang napatigil sa paghalik sa
kanya si Venom. May humampas sa likod nito at galit itong napalingon. Si Andrew ang
nabungaran nila, seryoso ang mukha at ang gitara nito ang inihampas nito kay Venom.
Lumayo ng bahagya si Venom sa kanya at alanganing napangiti kay Andrew.

"H-Hi!" alanganin nitong wika.

Isang malakas na suntok sa mukha ang biglang tumama sa mukha ni Venom. Natumba ito,
pero sa kabila ng lahat ay nagawa pa rin nitong ngumiti kahit na pumutok ang labi.

"Kanina ka tumutuka. Ang kapal ng mukha mo." wika ni Andrew.

Namula si Abby at hindi alam kung ano ang dapat niyang gawin. Nahihiya siyang
tumingin sa mukha ng kanyang pinsan pero blangko ang mukha nito. Nakatingin ito kay
Venom na marahang tumayo at abala sa pagsalat sa pumutok na labi.

"Umalis ka na dito dahil hindi ito ang tamang lugar para sa panliligaw.
Nakakaisturbo ka na. Hinayaan ko na kayong magkaroon ng privacy kanina pero masyado
kang mapagsamantala!" sermon ni Andrew.

Cool lang na tumingin si Venom dito. Nagkibit-balikat.

"Sorry, bro. Hindi ko mapigilan ang sarili ko eh. Nakaka-addict..."

Pagkatapos noon ay tumingin si Venom kay Abby na tuliro. Kumindat ito at bago pa
makahuma ang dalaga ay naglakad na ito paalis. Sabay pahabol ng...

"See you tonight, sweetie! Aakyat ulit ako ng ligaw! Bye!"


Kumaway-kaway pa ito at nag-flying kiss kay Abby. Nahihiyang tumingin ang huli sa
kanyang pinsan... Kung kanina ay seryoso, ngayon ay nakangiti at naunukso ang
tingin.

"Dahil nagpaligaw ka dito ng wala sa oras... Late kitang pauuwiin, pinsan."

"H-Hindi ka galit?" tanong ni Abby ng makahuma siya.

"Oh, bakit naman ako magagalit? Mukhang masaya ka naman eh. Kung ako sa'yo, sagutin
mo na. Huwag kang matakot dahil marami naman kaming mga pinsan mo na willing
gumanti kung sakali..."

"K-Kuya..."

Hindi na lang siya nagsalita. Bagkus, napakagat na lang siya sa pang-ibaba niyang
labi... Pero parang mali ang ginawa niya kasi parang nalasahan niyang bigla ang
labi ni Venom... Apple-mint yata?!

Chapter 9:

Chapter 9:

Kagaya ng sinabi ng pinsan niyang si Andrew, late nga siya nitong pinauwi. Napagod
siya kaya naman dumiretso siya sa kanyang silid at nahiga. Medyo marami siyang
naging pasyente... Pasyenteng kabayo at baka. Nang makapagpahinga na siya ay agad
na siyang pumunta sa banyo para magshower... Hindi niya binasa ang kanyang buhok.
Pagkatapos niyang magbihis ay humiga ulit siya sa kanyang kama. Isinubsob ang mukha
sa unan. Panay ang buntung-hininga niya... Nakaamoy siya ng masarap na pagkain.
Napangiti siya at excited na bumangon. Gutom na siya at gusto na niyang kumain ng
hapunan. Bumaba na siya at natigilan siya ng makita niya si Gida na prenteng
nakaupo sa sala at nanonood ng news sa T.V.

"Bakit si Mamay Lab ang pinagluluto mo ng hapunan?" untag niya.

Tumingin sa kanya ang magaling niyang kapatid at ngumiti ng pilya. Tinaasan din
siya nito ng kanan nitong kilay.

"Hindi naman si Mamay Lab iyong nagluluto ng masarap na hapunan natin, no."

"H-Ha? Sino?"

"Hindi lang sino... Kundi iyong boyfriend mo, si Kuya Venom."


Dahil sa sinabi nito ay curious siyang nagpunta sa kanilang kusina. Nadatnan niya
doon si Venom na busy sa pagluluto at binabantayan itong maigi ng Mamay Lab niya.

"M-Mamay..?" alanganin niyang wika.

Halos sabay na napalingon sa kanya ang dalawa at muntik nang mahulog ni Venom ang
hawak nitong sandok.

"Hello, sweetie!" bati ni Venom sa kanya.

Hindi siya sumagot, bagkus ay tumingin siya sa kanyang Mamay Lab. Ngumiti ito ng
matipid sa kanya at pagkatapos ay tumingin din kay Venom.

"Kayong dalawa, tandaan niyo na ang akyat-ligaw... Dito sa loob ng bahay ko, hindi
sa tuktok ng bubong. Maliwanag?" untag ng kanyang Mamay Lab sa kanila.

Napatingin siya kay Venom at alanganing ngiti ang iginawad nito sa kanya. Bigla
siyang nakaramdam ng pagkailang.

"O-Opo, Mamay..." alanganin niyang sagot.

"Yes, Mamay!" si Venom.

Bumuwelta siya pabalik sa sala at tumabi kay Gida na busy sa panonood ng T.V.
Kinuha niya ang throw-pillow at niyakap.

"Ate, maghahain na ba si Kuya Venom?" tanong ni Gida sa kanya.

"E-Ewan ko, hindi ko tinanong." sagot niya.

"Bakit?"

Hindi niya sinagot si Gida. Tumingin lang siya sa mukha nito. Tumirik ang mga mata
nito sa ere at tumayo. Mabilis itong naglakad papunta sa kusina at narinig na niya
ang maingay nitong boses.

"Kuya Venom, gutom na ako! Hindi ka pa ba nakaluto?!" maingay na tanong ng kanyang


kapatid.

Hindi niya narinig na nagsalita ang binata. Bagkus ay ingay ng kalansing ng kung
anong gamit sa kusina ang narinig niya. At boses ulit ng magaling niyang kapatid
ang sunod niyang narinig.

"Mamay, pasado siya! Masarap 'tong luto niya! Puwedeng-puwede!"

Narinig niya ang maingay na halakhak ng kanyang Mamay Lab at ng kanyang kapatid.
Panay ang silip niya sa gawing kusina. Hindi tumatatak sa utak niya ang napapanood
niya sa T.V. Ilang minuto ang nakalipas at nakaramdam siya ng mga papalapit na
yabag. Yumukod sa harap niya si Venom at hindi niya napigilan ang sarili na ngumiti
ng makita niyang suot nito ang pink na apron ng kapatid niyang si Gida. Puno iyon
ng strawberry na designs at ruffles sa paligid.

"Wow, ang ganda namang salubong niyan."

Unti-unting nawala ang ngiti niya dahil nailang siya. Nakatitig kasi sa kanya si
Venom at marahan na naman nitong inilalapit ang mukha sa kanya. Marahan nitong
hinawakan ang kanyang mga kamay at tumayo na ito. Hinila siya nito patayo at
nagpatianod lang siya. Nakatingala siya dito at nakatitig sila sa isa't-isa...
"Nakapaghain na ako, sweetie. Maghapunan na tayo."

Inilahad nito ang kanang-braso at willing naman siyang umabrisite dito. Nakita niya
sa gilid ng mga mata niya ang pilyo nitong ngiti. Hindi na siya nagsalita o ano.
Magkatabi silang naupo sa hapag. Cheesy caldereta ang niluto nito para sa kanila.
Ito ang naglagay ng pagkain sa plato niya at pinandilatan niya ito dahil ang dami.

"Hindi ko kayang ubusin iyan." protesta niya.

Babawasan sana niya ang kanin at ulam na inilagay nito sa plato niya pero inunahan
siya nito. Sumubo ito ng sunud-sunod na pagkain... Marami-marami na rin ang nabawas
ng huminto ito at uminom ng tubig. Wala siyang masabi at ang tangi lang niyang
nagawa ay tingnan ito ng buong sandali habang ngumunguya. Napailing na lang siya at
nagsimula na siyang kumain. Natigilan siya ng matikman niya ang luto nito... Amuse
siyang tumingin dito at natigilan din naman ito at napatingin sa kanya.

"M-Masarap ka palang magluto." humahanga niyang wika.

"Whew... Salamat naman at pasado din ako sa'yo."

Nakahinga ito ng maluwag sa sinabi niya. Nagpatuloy na sila sa pagkain at masaya


silang nagkuwentuhan lahat. Nang matapos silang kumain ay si Gida ang inutusan ng
Mamay Lab niya na maghugas ng kanilang mga pinagkainan. Nasa terrace sila ngayon sa
likod ng kanilang bahay. Nakaupo sila sa sahig at nakasandal sa balaster.

"Hindi mo sinabi sa akin na doktor ka rin pala." untag sa kanya ni Venom.

Tumawa siya ng mahina at tumingin dito.

"Hindi ka kasi nagtatanong... Oo, doktor ako ng mga hayop. Bakit, may gusto ka bang
ipagamot sa akin?"

Tumawa ito ng pilyo sa kanya.

"Ibang klase ang mga hayop na alam ko... Ayaw kong ipagamot sila sa'yo dahil baka
lunukin ka nila ng buo kapag nagkataon."

"Ha?! Anaconda ba sila?"

Lalong tumawa si Venom.

"Ang mga comrades ko sa Men in Action ang sinasabi ko."

"Kung ganoon, may sa hayop ka rin?"

Pilyo itong tumingin sa kanya at ngumisi.

"Kaya nga ang bilis kong na-attract sa'yo eh... Doktor ka pala ng mga animals.."

"Tumigil ka, nag-uumpisa ka naman."

"Abby, wala pa akong sinisimulan na kahit na ano. Wala pa akong ginagawa kaya huwag
kang praning."

"Hmmf!" react lang niya sa hirit nito.

Katahimikan ang biglang namayani sa kanilang dalawa. Masyadong nakakailang kaya


napagpasyahan niyang basagin na lang iyon.
"Venom... Bakit ako..?" tanong niya.

Napakunot-noo ito.

"Ano bang klaseng tanong iyan? Anong bakit ikaw?"

"Bakit sa lahat ng babae ako ang napili mong kulitin?"

"Baka ligawan ang ibig mong sabihin." natatawang wika ni Venom sa kanya.

"Iyon na nga... Bakit ako? Marami pang mas nakahihigit sa akin."

"Ikaw ang gusto ko at hindi ko alam ang eksaktong dahilan. Basta ang alam ko, ikaw
ang kulang sa buhay ko."

Natameme siya sa sinabi nito.

"Hindi ka ba natatakot na pagtawanan ka ng mga tao kasi si Mamay Lab ko at ang


kapatid ko ay..."

"Hindi ako mababaw na tao. Hindi ako loser. Kaya kong ipagsigawan sa mundo na proud
akong maging bahagi sa buhay ko ang pamilya mo. Hindi ko sila ikakahiya dahil
malinis ang pagkatao nila. At kung sino man ang taong magtatawa, humanda silang
malintikan sa akin." deretsong sagot ni Venom sa kanya.

Amzed siyang napatingin dito. Ito lang ang tanging tao na nagsabi ng ganoon...
Sukol na siya, sumusuko na. Ngumiti siya at ibinuka ang bibig. Gusto niyang sabihin
na sumusuko na siya pero di niya magawa. Masyado kasi siyang na-overwhelmed dito.

"Abby, naaakit ako sa ginagawa mong iyan..."

Unti-unti itong umuusod palapit sa kanya at hindi siya makagalaw dahil natutuliro
siya sa bilis ng tibok ng puso niya.

"Pigilan mo ako kung ayaw mo..."

Halos idikit na nito ang labi sa kanya. Pinili niyang pumikit at hayaan ito dahil
gusto din naman niya. Hindi na siya magpapaka-ipokrita dahil hindi na siya
natatakot. Dumampi na ang labi nito at tila inaantay nito ang anumang reaksyon
niya. Marahan niyang ibinuka ang labi at naramdaman niya na bahagya itong natigilan
sa ginawa niya. Pero sandali lang iyon. Tuluyan na siya nitong hinalikan at humalik
din naman agad siya pabalik. Hinawakan nito ang pisngi niya at napayakap siya dito.
Nakaka-adik talaga. Pareho silang humihingal ng tigilan nila ang labi ng isa't-isa.

"S-Sumusuko ka na ba sa akin, ha? Anong ibig sabihin ng ginawa mo?" pilyong tanong
sa kanya ni Venom.

Yumuko siya at nahihiyang napangiti. Huminga siya ng malalim para kumapal ang
kanyang mukha. Di sinasadyang nahagip ng mga mata niya ang posas na nakasukbit sa
baywang nito.

"Bakit may nakasukbit na posas diyan sa baywang mo?" sa halip ay puna niya.

Napahawak doon si Venom at kinuha iyon. Iwinasiwas nito sa ere ang posas para
ipakita sa kanya. Ngumiti ito ng nakakaloko.

"Naghahanda lang ako kung sakaling sumuko ka na sa piling ko. Wala akong balak na
pakawalan ka pa kaya ready ako anytime na arestuhin ka. Ano, susuko ka na?"
Sandali siyang nag-isip... Ilang sandali pa, may kapilyahan siyang naisip. Ngumiti
siya dito ng matamis tapos, nakita niya sa mga mata nito ang kakaibang kislap na
hindi niya maipaliwanag. Kinuha niya ang posas na hawak nito at hinayaan lang naman
siya.

"Kagaya ng sinabi ko sa'yo, hindi ako susuko sa'yo." hamon niya.

Siya naman ngayon ang maghahamon. Ibabalik niya dito ang ginawa nito sa kanya
kanina.

"At kagaya din ng sinabi ko, marami na akong pinasuko sa laban..." mariing wika ni
Venom.

Puno ng determinasyon ang himig nito. Pero hindi siya magpapatinag. Kailangan
niyang makabawi.

"Sa bagay na iyan, hinding-hindi tayo magkakasundo. Pero, bigla akong may naisip.."
sinadya niyang ibitin ang kanyang salita.

"Hmm... What?" excited nitong tanong.

Pinalamlam niya ang kanyang mga mata at ngumiti siya ng pilya. Ngumiti ito ng pilyo
pabalik sa kanya.

"Ano kaya kung ikaw na lang ang sumuko sa akin?"

Hinila niya ang kaliwang-kamay nito at isinuot doon ang posas. Tumawa ito ng mahina
at marahang napailing. Parang hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"I dare you... Susuko ka ba sa akin, ha?" hamon pa niya.

Kinagat nito ang pang-ibabang labi at matiim na tumingin sa kanya. Lumamlam ang mga
mata nito at hinaplos nito ang pisngi niya.

"You know what...?" umpisa ni Venom.

"Hindi ko pa alam."

"Ikaw lang ang nagpasuko sa akin... Ikaw lang ang nakagawa sa akin ng ganito, ang
sumuko. Fine, sumusuko ako. Basta wala nang bawian. Sige lang, iposas mo ako at
gawin mo sa akin ang gusto mo..." matapang na pahayag ni Venom.

"Ikaw ang may sabi niyan."

Ipinosas nga niya ito sa railings na bakal. Tapos, hinalikan niya ito at willing na
willing itong halikan siya.. After that ay tumayo na siya at maang itong nakatingin
sa kanya. Pinisil niya ang ilong nito.

"Good night, sweet dreams!" paalam niya.

"Is this a joke?!" bulalas nito.

Bigla itong namutla at natuliro.

"Sabi mo iposas kita at gawin ko ang gusto ko? Ayan na, ipinosas na kita kaya
gagawin ko na ang gusto ko. Inaantok na ako at gusto ko nang matulog."

"What the hell!"


"Pakawalan mo na lang ang sarili mo. Sigurado akong nasa iyo ang susi. Good night,
ulit!"

Pilya niyang hinalikan ang tungki ng ilong nito bago siya umalis... Naiwan si Venom
na frustrate na frustrate... Hinding-hindi niya makakalimutan ang araw na ito.. Ang
araw ng kanyang pagsuko. Naisahan kasi siya sa kauna-unahang pagkakataon... Pero
napangiti din siya ng ma-realize niya na girlfriend na niya si Abby.

Chapter 10:

Chapter 10:

Kinabukasan, pasimpleng itinago ni Venom ang kaliwa niyang kamay sa bulsa ng


kanyang pantalon. Nakakabit pa rin sa kanya ang posas dahil naputol ang susi...
Nasa Men in Action siya ngayon. Nasa hallway ang mga comrades niya at may
pinagkakaguluhan. Mabilis siyang lumapit sa grupo ng mga ito at...

"What's that coconut?" untag niya sa lahat.

Napalingon ang mga kaibigan niya at ngumiti silang lahat sa kanya. Amuse siyang
tumingin ng makita niya si Clide Raeign... Ang pasaway na kapatid ni Cleric.
Napasipol siya.

"Bakit naligaw ang talipandas na ito, dito?" tanong niya sa lahat.

Seryosong tumingin sa mukha niya ang lahat, pagkatapos ay tumawa ng malakas.

"Uy, i-share niyo naman sa akin yan?" untag niya.

"Sa wakas, naisipan na rin ni Clide na maging Men in Action agent... Hindi ko
akalain na darating ang araw na ito. Gusto kasing makasiguro ng boss niyang si Web
sa full security ng nakababata nitong kapatid... Kaya naman, nirequired niya kay
Clide na magsign in na bilang official agent... Na sana, matagal na niyang ginawa..
Puwede naman siyang tumanggi pero ewan ko sa isang ito kung bakit nadapuan ng
himala..." paliwanag ni Siege.

"HU-WHAT?!!!" OA niyang react.

Naitaas tuloy niya sa ere ang kaliwa niyang kamay na may nakakabit na posas. Gulat
na napatingin sa kanya ang lahat.
"Uy, sinong mga sira-ulo ang kumidnap sa'yo?" tanong ni Chase sa kanya.

"A-Ahm... Ano, puwede niyo ba akong tulungan na tanggalin ito? Naputol kasi ang
susi at di ko na matanggal..." sa halip ay wika niya.

Sutil na lumapit sa kanya si Sky at sinipat ang braso niya, pati ang buo niyang
katawan. Ngumisi ito ng nakakaloko sa lahat.

"Guys, wala namang harm kay Venom... Hindi siya nakidnap. Kaya lang, nakakapagtaka
kung bakit may bracelet siyang posas, di ba?" tanong nito sa lahat.

"Yeah. Explain bago ka namin tulungan diyan sa maliit mong problema." wika ni
Ervine.

Napangiwi siya at pinagpawisan. Great, wala na kay Clide ang atensyon kundi nasa
kanya na. Sumimangot siya ng katakut-takot bago magsalita.

"Kagabi... Napasuko ako." mahina niyang wika.

"HAAA?!" amuse na reaction ng mga kaibigan niya.

Nanlaki ang mga mata nilang napatingin sa kanya at sa posas na nakakabit sa braso
niya.

"Hey, sino ang magaling nagpasuko sa'yo ha? Hindi ba't ikaw ang nagpapasuko? What
now, ha?" tudyo ni Sky.

Ngumiti siya ng maluwag sa lahat.

"My girlfriend... Hindi ko siya mapasuko kaya ako na lang ang sumuko sa kanya."
proud niyang wika.

Tumawa ng mahina ang mga kaibigan niya at napailing.

"At ano namang kinalaman ng posas diyan sa braso mo?" nagdududang tanong ni Rock.

Nawala ang ngiti niya at pasimple siyang umubo kunwari. Akma siyang tatalikod para
umalis pero hinila siya ni Sky kaya napaharap ulit siya sa mga ito.

"Ako na lang ang bahala dito sa posas ko." alanganin niyang wika.

Napalunok siya ng sabay-sabay na bumunot ng baril ang mga kaibigan niya at itinutok
iyon sa kanya. Nangunguna doon si Sky na nasa kanyang tabi.

"Magkuwento ka na." utos ni Ervine.

"Geeez! Tumigil nga kayo!" saway niya.

BANG! Pinaputok sa ere ni Ervine ang hawak nitong baril. Seryoso ang mukha ng lahat
at wala siyang magawa kundi itaas ang mga kamay niya sa ere.

"Okay, fine!" suko niya.

Twice na siyang napasuko pero hindi niya gusto ang isang ito.

"Kagaya ng sinabi ko, sumuko nga ako. Ipinosas ako ni Abby at ginawa niya ang gusto
niya." yamot niyang paliwanag.

OA na sinapo ng lahat ang kanilang mga labi at nang-aasar na tumingin sa kanya.


Lumapit sa kanya si Nexus at tinapik-tapik ang balikat niya.

"Kawawa ka naman, pare! Niyurakan ang iyong puri!" naiiling nitong wika.

Naghagikgikan ang lahat at lalo siyang nayamot sa mga ito.

"Buti sana kung iyon nga ang ginawa di ang saya ko pa sana..." gigil niyang wika.

Isang malakas na tawanan ang umalingawngaw sa paligid dahil sa sinabi niya.

"Buwiset naman kayo! Puwede bang tanggalin niyo na lang itong posas sa kamay ko
kaysa pagtawanan niyo ako. Oh di ang saya niyo na?!" pikon niyang wika.

"Gago ka, sana kasi siya na lang ang ipinosas mo di ang saya mo sana." pilyong wika
ni Velvet sa kanya.

"Ang kulit, naisahan nga ako."

Binalingan ni Siege si Clide na nakatitig sa braso niya at nangingiti.

"Clide, ikaw na ang magtanggal sa posas ni Venom." utos ni Siege dito.

Matamang naglakad palapit sa kanya si Clide at agad nitong hinila ang braso niya.
May kinuha itong hairpin sa bulsa at iyon ang ginamit nito para matanggal ang
posas. Nakahinga siya ng maluwag ng maalis na nito iyon. Pero may kakaiba siyang
napansin dito, parang iba yata ang kilos nito..? Hindi na manhid. Hindi niya
napigilan ang sarili.

"Anong nangyari sa'yo?" di niya napigilang tanong.

Tumingin ito sa kanya at umirap.

"Wala kang pakialam." matipid nitong sagot.

Yamot siyang napasimangot dito.

"Salamat!" labas sa ilong niyang wika.

Padarag nitong inabot sa kanya ang posas at kinuha naman niya agad iyon. Hindi niya
iyon puwedeng iwala kasi importante ang posas na iyon sa kanya.

Kunot-noong kinuha ni Abby ang kahon na ibinigay sa kanya ni Venom. Nasa parang
sila, sa silong ng mangga kung saan nagsimula ang lahat...

"Ano ito?" tanong niya.

"Buksan mo para malaman mo."

Binuksan nga niya ang maliit na kahon at nalaman niyang isa pala iyong bracelet na
whitegold. Natawa siya kasi may maliliit na posas na nakasabit doon.

"Ikaw naman ang dapat na sumuko sa akin ngayon." nakangiting wika ni Venom sa
kanya.

Kinuha nito ang bracelet sa kahon at isinuot nito sa kanan niyang braso. Ngumiti
siya dito kasi naalala niya ang ginawa niya dito noon...
"Bakit ngumingiti ka sa akin ng ganyan?" pilyo nitong tanong.

"Naalala ko lang kasi iyong araw na sumuko ka sa akin. Ang galing ko, no?"

Namula ang mukha nito at napangiwi. Natawa siya kasi naikuwento nito sa kanya ang
ginawa ng mga magagaling nitong kaibigan. Kilala na niya ang mga ito at tama nga
ito... Mga baliw sila.

"Gusto ko ang araw na iyon pero hindi ang sumunod na nangyari. Huwag mo nang
ipaalala at kinikilabutan ako. Tsaka alam mo ba iyong posas...? Ipinalagay ko sa
frame bilang souvenir. Nakasabit iyon sa sala ng bahay ko at tuwing tinitingnan ko
iyon, palagi kong naaalala na itinali ko na ang sarili ko sa'yo. Tara, pakasal na
tayo?"

"Nagpro-propose ka na?"

"Ano sa palagay mo?"

Yamot niyang pinisil ang tungki ng ilong nito.

"Ang boring ng proposal mo, walang dating. No. Sorry ka na lang, Venom."

Napahawak ito sa baba at nag-iisip na napatingin sa kanya. Humiga ito at umunan sa


mga braso. Tumingala ito sa langit at panay ang buntung-hininga.

"Sige, pag-iisipan ko ang proposal kung saan kita mapapasuko sa piling ko.
Sisiguruhin kong hindi ka mabo-bored para hindi ka na makatanggi." pilyo nitong
wika sa kanya.

Tumingin siya ng pilya dito at ngumisi.

"Oh?" di kumbinsido niyang react.

"Tingnan lang natin!" banta pa ni Venom.

PANAY ang buntung-hininga ni Venom habang tsini-check niya ang knee injury ni
Betty. Ito ang anak ni Captain John Mason at magkapatid na ang turingan nila.

"Ano, Kuya...?" nag-aalala nitong tanong sa kanya.

"Betty, wala namang problema. Magaling na magaling na ang injury mo. More than one
hundred percent kong sinisiguro iyan."

"You sure? Paano kung di pa pala magaling at pumalpak ako sa performance night
ko...?"

Umiling siya at napangalumbaba sa mesa.

"You know Betty... Hindi ang paa mo ang may problema. Ikaw mismo, ang utak mo. Nag-
iisip ka ng negative at tinakakot mo na ang sarili mo. Hindi matutuwa ang Papa mo
sa ginagawa mo. Dapat, mas iniisip mo na galingan mo para maging proud siya sa'yo,
nasaan man siya ngayon... Isa ka nang magaling na ballerina. At gagawin mo ang play
ng Swan Lake..."

Tumayo si Betty at nangilid ang mga luha nito sa mga mata. Namula ang mukha nito.

"Paano kung mangyari ulit ang aksidente na iyon...? Paano kung hindi na talaga ako
puwedeng magsayaw ng ballet?" nanginginig nitong wika.

Marahas siyang huminga at tumayo. Niyakap niya ito para i-comfort.

"Kaya mo iyan. Huwag kang duwag. Hindi ka magiging masaya kung matatakot ka lang,
okay?"

"Paano kung magkamali ako at mapagtawanan?"

"Isumbong mo sila sa akin at ako na ang bahala."

Natawa ito at huminga ng malalim. Nakarinig siya ng pagbukas ng pinto at...

"Y-You!!!..."

Nagulat siya at biglang napabitaw ng makita niya ang galit na mukha ni Abby.
Nalaglag nito ang hawak na paper bag.

"Abby, wait!"

Tumakbo siya para habulin si Abby, hinawakan niya ang mga balikat nito. Hinarap
siya nito at...

"Ugh!"

Isang malakas na sampal sa mukha ang napala niya. Natigilan siya at ang likod lang
nito ang huli niyang nakita. Hindi na niya ito nahabol pa. Dumating si Betty at
mataman na napatingin sa kanya.

"Ayos ka lang, Kuya? Sino siya?"

"My girlfriend..." mahina niyang sagot.

Nasapo nito ang bibig.

"Sorry! Huwag kang mag-alala, aayusin ko 'to, Kuya!" mabilis itong tumakbo para
habulin si Abby.

Samantala, gigil na gigil si Abby hanggang sa makauwi siya... Nagluto pa naman siya
ng pagkain para kay Venom at nag-effort siya ng husto para puntahan ito sa ospital
at pagkatapos... Ganoon ang makikita niya?! Inis niyang sinuntok ang unan niya at
napaiyak siya... Sabagay, ano bang aasahan niya sa isang lalaki? Pero... Iba si
Venom, nagkamali ba siya ng nakita?

Natigilan siya ng makarinig siya ng sunud-sunod na katok... Bumukas ang pinto at


nakarinig siya ng mga yabag. Napaangat siya ng tingin at kumulo yata ang dugo
niya... Ang kapal ng mukha... Mariin niyang kinuyom ang kanyang mga kamao para
pigilan ang sarili sa masama niyang balak.

"Anong ginagawa mo dito?" malamig niyang tanong.

"Ate, I'm sorry! Mali ka nang iniiisip sa nakita mo. Sorry kung nasaktan ka. Inaalo
lang ako ni Kuya Venom noon.."

Nawala ang nararamdaman niyang galit at selos ng marinig niya ang salitang "Kuya
Venom."

"K-Kuya?" amuse niyang wika.


"I'm Bettina Mason. Ako ang anak ni Captain John Mason... Inaalo lang ako ni Kuya
kanina kasi naduduwag ako eh. Sinabi niya sa akin na magaling na ang knee injury ko
at makakapagsayaw na ako ulit ng ballet. Sa katunayan, next month... Mayroon akong
malaking ballet performance at pinaghahandaan ko iyon ng husto. Kaya lang, habang
lumilipas ang araw, natatakot ako. Paano kung hindi pa pala talaga magaling ang
knee injury ko? Paano kung pumalpak ako at matapilok doon sa... Sorry, dahil sa
kagagahan ko, nagkaproblema tuloy kayo ni Kuya."

Parang nakita niya ang sarili niya dito noon. Parang siya lang noong hindi pa siya
nagagawang turuan ni Venom kung paano alisin ang takot na iyon. Napakagat siya sa
kanyang labi at nakaramdam ng matinding guilt. Masyado siyang naging padalus-
dalos... Kailangang baguhin niya iyon. Nasaktan tuloy niya si Venom ng wala namang
dahilan. Tiyak na galit ito ngayon sa kanya? Galit kaya ito? Malamang..

"Okay, pinapatawad na kita. Basta mangako ka sa akin na itutuloy mo ang performance


mo dahil gusto kitang mapanood... Huwag kang maging duwag dahil hindi ka magiging
masaya kung iyan ang paiiralin mo. Trust me, galing na ako diyan."

Ngumiti si Betty at lumapit sa kanya. Pagkatapos noon ay yumakap sa kanya.

"Thank you..."

Kumalas na siya sa yakap nito at ngumiti ng matipid.

"Eeer... Tiyak na galit sa akin si Venom kasi nasampal ko siya ng walang dahilan.
Paano ako nito hihingi ng sorry sa kanya? Paano ko siya mahahanap?" nag-aalala
niyang wika.

Ngumiti ng pilya sa kanya si Betty.

"What?"

"Bakit di mo hingiin ang tulong ng mga kaibigan niya? Those crazy guys...?"

Napangiti siya sa sinabi nito. Kinuha niya agad ang kanyang cellphone at agad na
tumawag...

Samantala, ilang sandali muna ang pinalipas ni Venom bago niya napagpasyahang
puntahan si Abby. Dapat masiguro niyang malamig na ang ulo nito para makinig ito sa
kanya. Sarado kasi ang tenga nito kapag galit. Kalalabas lang niya sa flower shop
ng makaramdam siya na may nakamasid sa kanya at sumusunod. Nagkunwari siyang hindi
niya napapansin iyon. Pasimple niyang inihanda ang sarili para bunutin ang baril na
nakasukbit sa kanyang baywang. Ngunit bago pa niya mabunot ang baril sa kanyang
baywang ay nakaramdam siya ng tila kagat ng langgam sa kanyang leeg.

Unti-unting nanlabo ang kanyang paningin at pagkatapos noon ay bumagsak na siya...


Nakapiring ang mga mata ni Venom ng magkamalay siya. Nakatali siya sa isang upuan.
Nanatili siyang tahimik at nakiramdam sa paligid. Nakarinig siya ng maraming yabag.
Papalapit nang papalapit ang mga iyon sa kanya.

May biglang humawak sa baba niya. Mariin ang hawak na iyon.

"Tarantado ka, mabuti naman at gising ka na."

"Anong kailangan niyo sa akin?" matapang niyang tanong.

Marahang tinanggal ang piring sa kanyang mga mata. Iminulat niya ang kanyang mga
mata at napailing-iling para mawala ang panlalabo noon. Tumingin siya sa paligid
at..

"You demons! You culprits!!... Anong ibig sabihin nito, ha?!!..."

Tumawa si Ervine na nasa tabi niya at sumandal pa sa balikat niya. Nagtatawanan ang
mga kaibigan niya.

"Anong trip ito? Hindi na kayo nakakatuwa, ah?!" angil niya.

"Ang mission order sa amin, kidnapin ka." natatawang sagot ni Velvet.'

"At sino namang hinayupak ang pasimuno nito?!"

Mula sa likuran ni Velvet, naglakad ng marahan ang salarin at napaawang ang labi
niya sa sobrang pagkabigla. Tulala siya at nanlaki ang kanyang mga mata.

"A-Abby?!" gulat niyang wika.

"Sorry! Nasampal kita kanina ng walang dahilan. At sorry ulit... Hiningi ko ang
tulong nila, pero hindi ko naman alam na ganyan ang gagawin nila sa'yo."

Mabilis na lumapit si Abby sa kay Venom at agad na kinalagan ang binata. Yumakap
siya dito at panay ang hingi niya ng sorry.

"Pinapatawad na kita. Pupuntahan na sana kita para mag-explain..."

"Sorry, padalus-dalos ako. Promise, di na mauulit."

Itinaas niya ang kanang-kamay para sa panata. Napatingin si Venom sa kanya at


ngumiti. Napatitig ito sa bracelet niya tapos ay kumalas ito sa pagkakayakap sa
kanya. Lumayo ito ng bahagya at may isinenyas sa mga kasama. Nanlaki ang mga mata
niya ng bumunot ng baril si Venom at itinutok iyon sa kanya. Napatingin siya sa
paligid at nakatutok din ang baril ng mga kaibigan nito sa kanya. Pinagpawisan siya
at nanginig ng todo.

"W-What's the meaning of this?!" takot niyang wika kay Venom.

Napatingin siya sa lahat at talagang nakatutok ang mga baril sa kanya. Napalunok
siya ng ngisian siya ni Venom.

"Abbigail Trinidad Acosta! Napapaligiran ka na namin! Wala ka nang magagawa! Kaya


ang mabuti pa, sumuko ka na sa akin!"

Iyong takot na nararamdaman niya, nawala at bigla siyang natawa... Mukhang siya ang
naisahan sa pagkakataong ito. At mukhang mapapasuko nga siya... Inis siyang lumapit
kay Venom at dinaklot ang kuwelyo ng damit nito.

"Okay, sumusuko na ako. Wala na nga akong magagawa pa!" amin niya.

Niyakap siya nito at pagkatapos ay hinalikan. Nakarinig siya ng maraming putok ng


baril pero imbes na bala ang umulan... Confete... Naisahan nga siya at napasuko.
Pero ayos lang, masaya naman siya. Narinig niya ang maingay na kantyaw sa paligid.
END

( Nawala ko iyong notes kung saan ko sinulat mga summary ng Men in Action, kaya
nahirapan talaga ako kay Venom dahil inalala ko lahat... Ilang gabi akong napuyat
at noong malapit ng matapos, saka ko biglang nahanap ang mga notes... Wow, ang
hirap magbiro ng tadhana...)

You might also like