You are on page 1of 310

♥ Charm ♥

by BlackLily

=================

♥ Charm ♥

Isa sa mga readers ko sa Teentalk na nagngangalang Obelisk or tatawagin na lang 


natin siya sa pangalang Samuel ay nagrequest kung pwede daw ba akong gumawa ng high
school love story kasi daw minsan hindi siya nakakarelate kasi nga siempre bata pa
siya. At dahil natutuwa ako kasi siya lang ang reader kong lalaki (sa pagkakaalam
ko) kaya sige gagawa ako ng high school love story. Ayyyiiiieee. Kahit hindi ko
alam kung paano kiligin ang high school student itatry ko pa din.

Pero sabi ko nga try lang ito. Testing lang kumbaga. Ni wala itong plot. Bago ko
ipost to, pinagisipan ko muna ng matagal kung gagawa ba ako o hindi. Mga  30
minutes din akong nag-isip habang nasa loob ng CR bago ako nakapagdecide. Kaya game
isusulat ko to.

At isa pa pala, dahil lalaki si Samuel, siempre lalaki ang POV nito. Sa wakas
matutupad na din ang pangarap kong maging lalaki pansamantala. Lol.

-----------------------------------------------------------------------------------
------------------------

Prologue
Hindi naman siya maganda, pero ang lakas ng loob niya.

Hindi naman siya sikat,pero ang daming nakakakilala sa kanya.

Hindi naman siya fashionista, pero ang angas ng dating niya.

Hindi naman siya mayaman, pero ang dami niyang koneksiyon.

Hindi naman siya matalino, pero nasa section A siya.

Hindi naman siya comedian, peroa ng daming natutuwa sa kanya.

Hindi talaga siya admirable.

Hindi din siya head-turner.

Ano ba ang meron siya?

Charm.
And her name says it all.

Charm (noun)- the quality of pleasing, fascinating, or attracting people; a


pleasing or attractive feature;

Charm (verb) -to attract or fascinate; delight greatly

Author's Note: Charm lang dapat yung title pero ayaw tanggapin ng wattpad kasi daw
the title is too short.

 Salamat din kay Rayne dahil sa idea ng dalawang heart sa title. Hehehe

=================

1. 1st Day

Dedicated sa kanya, hindi dahil sa first tagger siya nung prologue. Dedicated sa
kanya kasi Feeling ko close talaga ako sa kanya. 

1. 1st Day
Samuel Heindrick Po.

You sit beside  Michael Pua. Naglakad na ako papunta sa chair na iniassign sa akin.
Pambihira, kung kailan kami nagfourth year tsaka naisipan na bigyan kami ng sitting
arrangement. Nag apir ako kay Mike na kasamahan ko sa varsity pagkaupo ko sa upuan
ko at inignore ang mga kaklase naming babae na naggiggle. Kailan ba sila masasanay
sa kagwapuhan ko? Maggagraduate na kami di pa rin sila nasanay. Tsk tsk.

Ako nga pala si Samuel Heindrick Po. Heinz ang palayaw ko. Yung pronunciation
katulad ng sa ketsup na Heinz (Haynz). 4th year high school sa isang Chinese
School. Filipino-Chinese ako, obvious naman dahil sa apelyido ko.  Student Council
President, class president, Basketball varsity team captain, Math Guild president,
Science Guild president, Drama Guild Director,  etc, etc. I stand 6 feet  and 1
inch, tsinito, mestizo at gwapo.  Wag niyo nang itanong kung paano ko napagsabay
sabay ang lahat ng mga activities ko at maging top 1 sa buong fourth year at the
same time. Obvious naman dahil fiction ang story na to kaya kahit impossible,
possible pa rin para sa author dahil gusto niyang mainlove kayo sa akin. Yun yun!
Lol.

Charm Ming. Charm Ming? Is Miss Ming present? Napatingin ako bigla sa harap ng
klase dahil medyo tumataas na ang boses ng adviser namin.

Hi Ma’am! Napatingin naman kaming lahat sa biglang pagbukas ng pinto at pumasok ang
isa naming classmate na mukhang hindi pa nagsuklay. She smiled at all of us at pati
na rin kay Ma’am Chua.

First day of class Miss Ming and you’re late.  Tsk tsk. Alam naman ng lahat kung
gaano ka strict si Ma’am Chua  pagdating sa punctuality at attendance pero ang
isang to ay di talaga natututo.

Am I late ma’am? Mukhang nagulat pa siya sa sinabi ng adviser namin kasi nanlaki
ang mga mata niya at tiningnan ang wristwatch niya tapos tumingin sa clock na nasa
taas ng pinto. Oh my! Nasira na naman ang wristwatch ko. Sabi pa niya sabay palo ng
noo niya. Gusto kong ngumiti. If I remember it right, yan din ang reason niya last
year. Tsk. Tsk.   I am very sorry for being late Ma’am Chua. And she smiled sweetly
at our adviser.  Our adviser just shook her head.

This will not happen again Miss Ming. You’re lucky today is our first day. You may
now take your seat. Napapalatak na lang ako. Sa pagkakatanda ko rin, ilang beses na
niyang sinabihan si Charm na hindi na ulit ito mangyayari pero hindi ko alam kung
ano ang ginagawa ni Charm at nakakalusot at nakakalusot pa rin siya. Such a lucky
girl.

I guarantee you that Miss Chua, this will be the very last time that I will be late
ahmmmm...in your class of course.  Ilang beses na din niyang sinabi yan sa halos
lahat ng teacher namin.  Ngumiti ulit siya sa adviser namin at sa buong klase.  

Very well Miss Ming. You may now take your seat beside Mr. Po. I wonder how did she
get out of it so easily. Kung ibang students yan for sure principal’s office agad
ang punta.

Really? I will be sitting beside Mr. Po?  She said excitedly. She is always excited
about eveything. Sam is so lucky to have me beside him. She said smiling broadly.

Heinz. My classmates chorused to correct her pero ngumiti lang siya sa kanila. Alam
ng lahat na ayaw kong magpatawag ng Sam pero with Charm, walang bawal bawal. I
ignored her when she looked and smiled at me pero hindi mawala sa isip ko ang
huling sinabi niya. “Sam is so lucky to have me beside him.”  Parang iba lang kasi
ang dating sa akin. Sus! AT bakit naman magiging iba?

And Miss Ming, can you comb your hair before you come into school.

Ayyy! Tapos sinuklay ng daliri niya ang buhok niyang magulo. Ma’am I comb my hair
before I went out of our house, It’s just that mahangin lang talaga sa labas.

O siya, siya. Jason Calvin Ng, you seat beside Charm Ming. I ignored our adviser
again kasi tapos na ang maikling palabas ni Charm Ming. Kinuha ko ang cellphone ko
para I check kung may text si Carol, ang girlfriend ko. Wag kayong mag expect na
wala akong gf. Sa gwapo kong to, hindi pwedeng wala akong girlfriend. Lol.

Sam, bawal magtext sa loob ng classroom. Nagulat ako at muntik ko nang mabitiwan
ang phone ko. Paano ba naman kasi, ang lapit lapit ng mukha niya sa tenga ko. 
Adik!

Kailangan bumulong? Ganting bulong ko sa kanya kasi malapit pa din ang mukha niya
sa mukha ko. Ngumiti siya at nilayo ang mukha niya sa mukha ko tapos umupo sa chair
niya.

Alangan naman ipagsigawan kong gumagamit ka ng cell...hmmmp hmmmp! Bago pa niya


matapos ang sasabihin niya at bago pa ako mahuli ng adviser namin, tinakpan ko na
ang bibig niya. Ang lakas kasi ng boses eh. Badtrip!

What’s happening Mr. Po? Tumingin sa amin si Ma’am Chua kaya binitiwan ko si Charm.

Wala Ma’am namiss ko lang ng sobra si Charm. Bigla naman kaming tinukso ng mga
classmates namin. Tumayo naman si Charm at nagwave sa lahat. Kapal talaga ng mukha
buti na lang di namin kaklase si... si.. ano nga ba pangalan ng gf ko?? Ayun, si
Carol pala, sana mahabang paliwanagan na naman.Ayoko pa naman ang mag explain ng
mag explain.

Bumalik na ulit sa pag aassign ng seat si Ma’am Chua at umupo na din si Charm.

Yan ang gusto ko sayo Sam eh. Marunong kang makisakay. Tapos ngumiti siya sa akin.
Musta ang bakasyon mo SamPo? 
Kaya ayaw kong tinatawag akong Sam eh!

=================

2. SHIT LANG!

Wala masyadong pasok kasi nga first day pa lang ng school kaya kami ngayon iniwan
na ng teacher namin. Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan kung may text si
Celine  sa akin. Wag muna kayo mag react. Hindi ako nagkamali sa pangalan ng gf ko.
Nagkataon lang talaga na may gf din akong Celine ang pangalan. Sabi ko sa inyo pogi
ako eh. Pero si Celine at si Carol hindi magkakilala ang mga yun at wala akong
pangarap na magkakilala sila. 

Charm! Charm! Napatingin kaming dalawa ni Charm kay Mike.

Ano yun Chael? ( KA-el) Namention ko na ba na hindi lang ako ang may ibang pangalan
para kay Charm? Halos lahat ng classmates namin iba ang tawag niya sa tawag ng
karamihan. Katulad na lang nitong si Michael, Mike ang tawag ng lahat  pero ang
tawag ni Charm sa kanya, Chael. Pero wala tayong magagawa kasi sadyang weird ang
babaeng to. 

Chinese ka ba? Halatang pinipigilan ni Mike ang tawa niya.

Hala! Oo, Baket?? Ngumisi na din si Charm. Alam ko simula na naman ng kulitan nila.
Simula pa lang first year kami isa na si Charm sa mga classmates naming babae na
close sa aming mga lalaki. In short one of the boys pero hindi naman siya tomboy.
Babaeng babae nga ang dating eh. Pero ewan ko ba kung bakit ang gaan ng loob naming
mga lalaki sa kanya.
Kasi singkit ang mga mata mo! Tapos tumawa si Mike ng malakas pati na rin si Charm.
Ako pinipigilan ko ang tawa ko. Ayaw kong makiepal sa kanilang dalawa.

Hahaha. Ano yun banat? Tawa ng tawa pa din si Charm habang tinatakpan ng panyo ang
bibig niya.

Hindi yun banat, katotohan yun.  Tapos tumawa ulit silang dalawa. Di naman
nakakatawa. Tsss. ANg ingay ingay nga nilang dalawa eh. 

Hahaha. yan ang gusto ko sayo Chael eh. ANg corny corny mo talaga!

Kaya nga gusto din kita eh, tumatawa ka sa mga corny jokes. Wahahahha.

Apir tayo dyan!

Apir! At nag apir nga sila sa harap ng mukha ko. Take note, sa harap ng mukha ko.
Takte! hindi ko alam kung sinasadya nila yun o hindi lang sila aware na andito ako.
Ganito kasi ang sitting arrangement namin

wall------> Michael------->Ako------>Charm...

Hoy! Hindi niyo ba ako nakikita? Muntik niyo nang tamaan ang ilong ko dahil sa
kakulitan niyo.
Alam naman namin na di ka tatamaan kaya cool ka lang dyan. Magtext ka na lang kaya
sa mga gf mo habang wala pa si Ma'am. Mamaya pupuslit ka na naman mahuli ka pa!
Ikaw pa naman ang SG President. Kita mo to kung makarason si Charm. Dapat nga
sinasaway niya ako kasi SG Officer din siya pero kinukunsinti pa ako. Pambihira
talaga.

Pero Charm, matanong ko nga, bakit hanggang ngayon wala ka pa ring boyfriend?
Napatigil ako sa pagtext nung marinig ko ang tanong ni Mike. Di ko alam kung bakit
napatigil ako. HIndi ko na rin magawang pindutin ang keypad ng cellphone ko para
magreply kay Cheryl, isa ko pang gf. Pero gustong gusto kong malaman ang sagot sa
tanong ni Mike. In fact, inaanticipate ko ang sagot ni Charm. Pero nagulat na lang
ako nang may lumipad na notebook sa harapan ko papunta kay Michael. Buti na lang
nakailag si Mike kung hindi sana sapol siya. Takte! Binato na pala siya ni Charm ng
notebook.

Oi! bakit mo ako binato ng notebook? Ito talaga! Muntik na ako dun ah. Hardbound pa
naman ang notebook mo.

Kung makatanong ka kasi wagas! Sino naman ang nagsabi sayo na wala akong bf? Anong
akala mo sa akin panget?Tapos sumimangot siya.

May boyfriend ka? Nanlaki ang mga mata ni Michael habang nakatingin kay Charm. Pati
ako mukhang natigagal.. May boyfriend na si Charm? Bakit parang na disappoint ako?
Bakit naman ako madidisappoint?Tss.

OO baket? bawal? Nameywang pa siya habang nakikipagusap kay Mike.

Sino kilala namin? Kaklase natin? Sabihin mo Charm. Bakit di namin kilala? Sobrang
tsismoso naman ata ngayon ni Mike.
OO kilalang kilala niyo at kaklase natin. Nakatingin pa siya sa ceiling habang
sinasabi niya yun tapos ngumingiti pa siya. Takte! In love nga ata si Charm.

Sino? Kung curious ako mas curious si Mike. KIta niyo naman pagkaatat. Ibinalik ko
na ang cellphone ko sa bag ko at tumingin kay Charm. Tumingin na din siya sa amin
ni Mike at seryoso ang mukha.

Ikaw! Tapos tumawa siya ng malakas.  Napatanga kami saglit ni Mike sa kanya. Pero
mas naunang nakarecover si Mike.

Tangna! Charm, ang lakas ng trip mo! Tumawa na din si Mike pero ako hindi makatawa.
Ewan ko kung bakit.

Eh ikaw kasi kung makatanong. Mali naman ang tanong mo.

Eh ano ba dapat ang tanong?

Tanong mo dapat kung ilan ang boyfriend ko. Lol. Di ba Sam? Yun dapat ang tanong?
Alam ko na ako ang pinapatamaan niya. Alam naman kasi ng buong klase namin kung
ilan ang gf ko, pero nagtataka din ako kung bakit hindi alam ng mga gf ko na madami
sila.

Ewan ko sa inyo ang gulo niyo. Bakit kaya hindi na lang kayo magtabi?Singhal ko sa
kanilang dalawa.
Oo nga ano!? Nagkasabay pa silang dalawa. Maya maya tumayo na si Charm at lumapit
sa akin.

Alis ka na, ako na dyan.

Bakit ako aalis?

Di ba sabi mo magtabi kami ni Chael? Eh di lumipat ka doon sa upuan ko para


magkatabi kami. OO nga naman. Pero bakit parang ayaw ko ding magkatabi sila?

Ayoko nga! Maghanap ka ng ibang upuan. Lumapit siya lalo sa upuan ko at tumayo sa
harap ko.

Sige na Sam, palit na muna tayo saglit. May pag uusapan kami ni Chael eh. Ayan na
naman. Ginagamit na naman niya ang charm niya sa akin.

Anong mag uusap? Mag haharutan lang kayo eh. Mag iingay lang kayo. Hinawakan niya
ang braso ko at hinila hila ito para tumayo ako.

Sige na Sam... saglit lang naman eh. She pouted. ANg cute niya. Pero di ako
padadala.

Ayoko!
Sige na.... please......

Ayoko nga!

Sige na kasi Heinz, please...Pusang gala Charm Ming! Tumayo ako at tumingala sa
kanya,  pero laking pagkakamali ko kasi dahil sa pagtayo ko di ko napansin na
sobrang lapit na pala ng mukha niya sa mukha ko. And the inevitable happened...

Accidentally, ours lips met.

Napatulala ako saglit. Pati siya nakatulala tapos nagkatinginan kami.

Tumahimik din ang buong klase.

Oi! Ano yun?

Hindi ko alam kung sino ang unang nagsalita sa mga kaklase namin pero naramdaman
kong binitawan bigla ni Charm ang braso ko. Pulang pula ang mukha niya tapos
nakatanga pa din siya. Nag iinit  din ang mukha ko. Pusang gala! ANo yun? Bakit
nagkaganun?

Sorry. Tapos yumuko ako at umupo sa upuan niya. Nakatayo pa din siya sa harap ng
upuan ko. Hindi ko alam ang naramdaman ko pero ano... ano kasi....
I just kissed Charm Ming! AT ang laks ng tibok ng puso ko.

SHIT LANG!

=================

3. Oi! Si Charm. :D

Isang linggo na ang nakalipas pero hindi pa rin naalis sa isip ko ang halikang
naganap sa amin ni Charm. Ampupu! ANo bang meron ang labi noon? May poison ata yun
eh. Tapos hindi pa maalis sa isip ko ang mukha niya pagkatapos naming magkiss.
Ampupu lang talaga! Kanina nga nung Physics namin napatingin ako sa kanya and she's
biting her lips dahil siguro nahihirapan siya sa lesson,  napalunok ako. Naadik na
ata ako sa labi niya.  Ahmp talaga!

Oi si Charm. AUtomatic na napalingon ako na tinitingnan ni Mike pero wala naman


akong nakitang Charm.
Yun lang naman pala ang makakapagpabalik sa kanya sa katinuan eh. Tapos nagtawanan
sila. Pinagbabatukan ko nmga. Pinagtitripan ako eh.

Mga ogag talaga kayo!

Ano bang problema mo tol? Kanina ka pa kasi tulala.Sabi ni Ken. Kaklase din namin
at isa sa mga barkada ko.

Hindi ano Kenpogi. Sino. At isa lang ang sagot dyan. Si Charm. Napatingin lahat
sila sa akin. Napakamot ako ng ulo. Pambihira talaga itong si Mike. Palibhasa
kitang kita kasi niya pag napapalingon ako kay Charm which is quite frequent these
days.

Are you in love with her Pare? itong si Ivan kung makapagtanong wagas!

OO nga pare. Gusto mo si Charm?

Hindi ko alam. Naguguluhan ako eh.

Talagang maguguluhan ka. SA daming C na girlfriend mo, tapos dadagdagan mo pa ng


isang C. Aba wala ka bang planong lumipat sa ibang alphabet. Hahahaha. Nagtawanan
sila. Napapangiti lang ako. Sa totoo lang naguguluhan talaga ako.

Si Camille pare. Lumingon ako sa sinasabi ni Ivan at nakita ko ang isa sa mga gf ko
na papalapit. TUmayo agad ako. Ayaw ko munang makita kahit isa sa kanila. Mas
magugulo ang isip ko pagnagkataon.
O saan ka pupunta?

Pag tinanong ako sabihin mo, ahhmmmm, pinatawag ako ni Ma'am. Tapos nagmamadali
akong naglakad papuntang SG Office. Damn! ngayon ko lang naramdaman ang hirap ng
pagiging pogi.

Pagdating ko ng SG Office, hindi na ako kumatok. Binuksan ko agad ang pinto pero
nagulat ako nung sabay kaming nagbukas ng pinto ni Charm. Palabas na siya ako naman
papasok.

Charm...

Sam! Mukhang nagulat din siya. Napatingin siya sa akin. Nagkatinginan kami.

I miss you. Sh!t! Bat ko sinabi yun?

Ano?

Ah wala. Sheet! Ano ba! Natataranta ako. Bakit ba ako natataranta.

Ahh. Okay. Sige aalis na ako. Lalagpasan na niya sana ako nung hinawakan ko ang
isang kamay niya. Hindi ko pa rin alam kung bakit ginagawa ko ito. Basta automatic
alng ang reaction ng katawan ko. Parang kalokohan. Parang di ako ang kumocontrol sa
sarili ko.

Saglit Charm. Gustong gusto kong banggitin ang pangalan niya.

Bakit? Napatingin siya sa kamay niya na hawak ko pero hindi naman niya inalis.
Hinihintay niya sigurong kusa kong bitawan pero hindi ko yun ginawa. Instead,
hinila ko siya palapit sa akin and kissed her.

This time hindi na aksidente, this time sinadya ko na. I've been longing to do this
since last week. This time hindi lang nagdampi ang labi namin, this time I wanted
our lips to linger. Kung pwede pa lang na halikan ko na lang siya habang buhay
gagawin ko. Na para bang siya na lang ang hangin na hinihinga ko.

HIndi siya nagresist nung hinalikan ko siya, yet hindi rin siya nakipaghalikan sa
akin. I ended the kiss and hugged her. Matagal ko siyang niyakap hanggang sa
maramdaman ko ang mahina niyang pagtulak sa akin.

Why did you do that? I know that she's referring to the kiss and the hug. I can see
confusion in her eyes na parang hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari.

I don't know. Saglit kong nakita na naningkit ang mga mata niya tapos tinalikuran
na niya ako at iniwan sa loob ng SG office.
=================

4. Taken

Ang ogag ko talaga kahit kailan! Yan kasi hindi ako nag iisip bago gawin ang mga
bagay bagay. At dahil sa paghalik ko kay Charm sa SG Office hindi lang kami nag
iilangan ngayon, ngayon hindi na niya talaga ako pinapansin. Seatmate nga kami pero
ni hindi siya lumilingon sa gawi ko. Pag tinatanong ko siya, one word lang palagi
ang sagot niya. Pag yung tanong ko naman kailangan ng mahabang sagot, bubuntong
hininga siya ng malalim na parang naiinis na kinakausap ko siya. Takteng buhay to!
Hindi ako tuloy makapag sorry kasi umuurong na nga ang dila ko dahil kinakabahan
ako pag kakausapin ko siya tapos pag tinawag ko ang pangalan niya ang lagi niyang
sagot sa akin ay pasinghal na "Ano!" Paano ko pa siya kakausapin pag ganun ang
sagot niya?  Amp!

Baby, are you okay? Nilingon ko ang katabi kong babae na nakaabrisyete sa akin.
Sino nga ba to? Claire? Clarice? Ahhh ewan basta C.

Ahh wala. Tsss. Nakita kong medyo nakakunot ang noo  nung tingnan ako ni Claire..
ahmmm Clarice

Anong wala? Tinatanong ko kung okay ka lang. Syeet! Mali ang sagot ko.
Ahmmm.. I mean okay lang ako. Wala akong problema. Punyemas. Kung saan saan kasi
napupunta ang isip ko. Takte! Bakit ba ganito na lang kung makaisip ako kay Charm?
Wagas eh! Di ako pinapatahimik. Nakakairita na.

At isa pa, gusto kong mapag isa kasi gustong guto ko nang hanapin si Charm para
makapag usap kami. Ang gago ko lang kasi eh. Aanhin ko naman ang gwapo kung gago
naman! Tss. Kakabadtrip! 

Nagklase na kami nung hapon pero di pa rin ako kinakausap ni tinitingnan ni Charm.
Para akong tae na titingnan lang nasususka na siya. Langya! Sa gwapo kong to? Kaya
nakapagdesisyon ako na aabangan ko siya sa may gate. Pagkakaalam ko kasi mag isa
lang yan umuuwi kaya tama lang na sa may gate ko siya abangan.

Maya maya pa nakita ko siyang papunta na sa gate. Nyemas, walang dalang kahit isang
notebook. Ni wala siyang bag. Hindi ba yan gumagawa ng assignment? Pagkakaalam ko
madaming kaming assignment ah.

Charm! Napatingin ako sa taong nakasabay sa pagsigaw ng pangalan niya. Nakatingin


din siya sa akin. Pati si Charm napatingin sa akin.

Kilala mo baby? Baby? Baby ang tawag sa kanya ng hinayupak na lalaking nakasandal
sa kotseng blue? Shit! Nakakaasar.

Classmate. Sagot niya sa lalaki sabay ngiti. Tinanguan lang ako ng lalaki at
pinagbuksan na ng passenger door si Charm

Charm! Hindi ko napigilan ang sarili kong tawagin siya bago pa siya sumakay ng
kotse. Tumingin ulit sila sa akin. Mukhang naiirita na ang lalaki. SI Charm, wala
pa ding emosyon ang mukha.

Boyfriend mo? Di ko napigilan ang sarili kong itanong. Tiningnan lang niya ako ng
matagal tapos tinaasan ng kilay. parang sinasabing, anong pakialam mo? Tapos
pumasok na siya ng kotse at sumakay na din sa driver seat ang lalaki.

Nabubwisit ako. Ni hindi niya ako kinausap. First time akong isnabin ng babae.
Takte. Gusto kong batuhin ang kotse ng lalaki.  Nakakabwisit talaga! Nyemas!

_________________

Anong gagawin ko, ayaw niya akong kausapin.

Nino?

Ni Charm.

So?

Anong So?
Ano ba kasi ang ginawa mo kung bakit ka dinedeadma ni Charm? Hindi kasi alam nila
Mike kung bakit ako hindi kinakausap ni Charm. Ang alam lang nila dahil dun sa
unang kiss namin.

Wala nga. Tiningnan lang ako ng matagal ni Mike at nilaantakan ulit ang pagkain sa
harap niya.Hinanap ko si Charm sa canteen pero hindi ko siya nakita. Napapansin ko
din na parang hindi na siya kumakain sa canteen.

Pare, wag mo isama si Charm sa C collection mo. Para na nating kabarkada yun.
Nagulat ako nung biglang nagsalita ni Mike. Takte! Isa pa yun. masyado concern ang
mga barkada ko kay Charm.

Hindi ko gagawin yun. Hindi nga ba? Di ba ganun naman ako? Amp!

Siguraduhin mo lang pare. Baka buong barkada makakalaban mo. Tsk. Andun daw siya sa
auditorium. May rehearsal ata siya.

=================

5. Seryoso ako!
Dedicated sa kanya kasi gusto ko ang comment niya.

5. Seryoso ako!

Pagkasabi ni Mike na andun si Charm sa auditorium agad akong tumakbo papunta doon.
Hingal kabayo pa ako nung makarating ako sa harap ng Auditorium. Ang layo kaya
noon. Whew!

Bubuksan ko na sana ang pinto nung bigla akong natigilan.

Tae!

Ano ang sasabihin ko sa kanya? Nabitawan ko ang doorknob! Nenenerbiyos na naman


ako. Langya!

Huminga ako ng malalim at kinalma ang nagwawalang katawang lupa ko. Sabay na din
praktis sa isip ko ng sasabihin ko.
Pwede kayang sabihin kong...

Charm sorry, natetempt kasi ako palaging halikan ka. Ang cute kasi ng lips ko.
Takte! ANg panget, magmumukha akong manyak. Baka hampasin niya ako ng upuan. Tsk
tsk.

Bahala na nga si Author, mukha naman siyang si Batman. Katamad mag isip eh.

Hinawakan ko na ulit ang knob ng auditoriom and slowly opened it. Kunting bukas ko
pa lang naririnig ko na ang lakas ng hampas sa drums.

I peeked inside and I saw  Charm playing the drums. Marunong siyang mag drums? AT
ang galing pa niya.

Umupo ako sa isang upuan malapit sa pinto and watched her. Hindi niya ako nakikita
kasi nasa stage siya at nakatagilid sa audience area at nakaharap sa drums.
Grabe, may talent palang tinatago itong si Charm. Tuwang tuwa ako sa panonood sa
kanya nung bigla siyang tumigil sa pagtugtog ng drums.

Tapos nakita ko siyang unti unting lumingon sa gawi ko.  Then her eyes narrowed
when she saw me.

Tatalikod na sana siya papuntang backstage when I called her. Tumakbo ako papuntang
stage para maabutan siya.

"Charm!" Tumigil siya sa paglalakad Tapos lumingon sa akin. Nakakunot ang noo.

"Pwe-de ba tayong...mag---usap?" I stammered. Ayan na naman ang kaba ko.


"Tungkol saan?" Seryosong tanong niya sa akin. Ni hindi man lang siya ngumingiti.
Galit nga siya di ba?

"TUngkol sa nangyari sa SG Office. Ano kasi..." Kinamot ko ang ulo ko. Ano ba ang
sasabihin ko? Namemental block na naman ako.

Tumaas ang kilay niya habang nakatingin sa akin.

"Ano, hindi ko sinasadya. Ano....sorry na." Hindi pa din siya nagsasalita.

"Wag mo na akong deadmahin. Please..." Then it happened.


Hinampas niya ako sa braso ng hawak niyang drumstick. Nagulat ako siempre. Ikaw ba
naman hampasin nun. Ang laki kaya nun. ANg sakit. Buti sana kung mahina yung hampas
niya eh ang lakas kaya.Walang pakundangan!

Takteng Charm.

Sadista.

"Aray! naman!"

"Bakit mo kasi ako pinagttripan? Ha!?" Hampas ulit. Hindi ko nailagan at hindi ko
rin napigilan kasi malay ko ba naman na hahampasin niya ako ulit.

"Aray!"
"Sagot!" Hinampas niya ulit ako. Wahhhhh! Hala! Wag sana tamaan ang pogi kong
mukha.

"Aray! Wag ka na ngang manghampas. Ang sakit eh. Sasagot na!" Ginawa kong shield
ang mga kamay ko kasi baka matamaan ako sa mukha kasi di pa rin siya tumitigil. 

Punyemas na Charm. Ano akala niya sa akin? Drums?

Pero dapat ba akong magpasalamat at drumstick ang hawak niya at hindi electric
guitar?

"tama na sabi!:" Tumigil naman siya at hinintay akong sumagot.


"Hindi kita pinagttripan. Okay." Hahampasin niya sana ako ulit pero pinigilan ko
siya.

"Ooopppss! Ooopps! Ayan ka na naman eh. Sabing tama na eh. Masakit na kaya."

"Pag yun inulit mo pa Sampo! Malilintikan ka sa akin! Intestine mo lang ang walang
latay! Naiintindihan mo?" Akma na naman siyang hahampas.

"oh, hahampas pa ulit! OO na! Sorry na nga eh! Hindi na mauulit pag walng consent
mo!" Hehehe. Nagawa ko pang ngumiti sa isip ko eh binibugbog na nga ako! Punyemas..

"Ano?" Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko! Punyemas! Kasasabi ko lang na di na
uulitin eh. Tapos Gaganun ganun siya sa akin ngayon!

Lumayo ako ng kunti sa kanya bago pa ako mawala sa sarili ko at mahalikan ko na


naman siya. Hindi ko na din tinitingnan ang pink lips niya. Nakakabaliw eh.

"Hindi ko na nga uulitin!" Tsss!

"Buti nagkaintindihan na tayo." Tapos tumalikod na siya sa akin.

"Nagugutom na ako. Ilibre mo ako. Pambayad ng atraso mo." Hala. Hindi pa ba sapat
yung mga hampas? Ang sakit pa kaya ng mga yun?

Pero hindi  ko na nagawang magreklamo kasi mahirap na!

"Charm" Lumingon siya sa akin


"Ano....." Lensyak! Maghunus dili ka Heinz!

"Gusto kong ligawan ka." Fuck! Niready ko na ang sarili ko sa hampas pero hindi
dumating.

Tapos nakita kong kumunot ang noo niya. Tapos hinampas ako ulit sa ulo ng stick.
Pucha! Ang sakit niya manghampas. At bakit sa ulo?

"Aray!  Nakakarami ka na!" Sinangga ko na ng braso ko ang hampas niya.

"Gago! Umayos ka nga Samuel Heindrick Po"


"Seryoso ako!"

"Ewan ko sayo! Para kang tanga!"

Tapos tumalikod na siya at iniwan ako. Takte! Pinalo na ako ng maraming beses,
sinabihan pa akong gago tapos naging tanga pa ako! Punyemas.

Bakit ba ako nagtitiis ng ganito?

She's just another C!


=================

6. Makasalanan

Dedicated sa kanay kasi very good daw ang guy POV ko. Natuwa naman ako. Salamat po.

6.

"Charm! Charm!! Waaaaaaaaa! Wag mo akong iwan! Please! Waaaaaa!!!" Binilisan ko pa


ang takbo ko at tawag sa kanya. Grabe ba't ba ang bilis niya maglakad?

Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin ng nakataas ang kilay. ANg cute niya
pa din kahit nakasimangot siya at nakataas ang kilay niya. Lalo siyang gumaganda
pag nakaganyan siya. Aissshh! Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit parang naaadik
ako kay Charm? Hindi maaari to. 
"Ano na naman ang problema mo Sampo at hinahabol mo ako?"  Sabi niya  habang
nakacross ang dalawang braso niya sa dibdib.

"Saan ka pupunta?" Hihingal hingal pa ako habang nagsasalita.

"Magsisimba. Bakit?" Ang taray talaga! Wagas sa katarayan. Pero.. siya? Magsisimba?
Weee???

"Nagsisimba ka?" Napalakas ang boses ko sa pagkagulat. Wala kasi sa ugali at itsura
ni Charm ang magsimba. Isipin niyo na lang kung gaano siya kamaldita, kasadista,
kasuplada tapos sasabihin niyang magsisimba siya? Parang may mali! Hehehehe.

"Gago!" Kita mo na? Sa pagmumura pa lang wagas na. "Anong akala mo sa akin
makasalanan? Di ako katulad mo na makasalanan.!" Tsk. Tsk! Makasalanan talaga ang
term. Pwede namang sinner di ba?
"Oi di ako makasalanan ha!" Di naman talaga eh. Bait bait ko nga eh.

"Whatever." tapos tumalikod na siya at iniwan na ako.

"Teka!"Nasasanay na siyng iwan iwanan na lang ako basta basta. Hindi ppwede to.
Nakakasama sa image ko! Lol. May image!

"Sasama ako!" Nagulat ako sa sinabi ko, pero wala nang bawian, nasabi ko na eh.
Bigla siyang tumigil , tapos parang slow motion na lumingon sa akin. Napakaseryoso
ng mukha niya, tapos dahan dahang kumunot ang noo niya at tumaas ang kilay niya.
Tapos nagsalita siya.

"WEH?" Parang hindi pa siya makapaniwala na sasama ako. Ang sama talaga ng tingin
sa akin ng babaeng to.
"OO nga, sasama ako." Lumapit ako sa kanya. Nakita ko siyang nag shrug lang. Grabe!
Parang di siya makapaniwala. Kahit ako nga parang di rin makapaniwala. Ako?
Magsisimba? Kelan pa?

Nagsimula na siyang maglakad at sumabay ako sa kanya.

"Ako na magdadala ng mga gamit mo." Ganun naman ang mga gentleman di ba? Yung
nagpapabango sa mga babae. Nagpapaimpress.  Pero siempre bilang babae, tatanggi
muna si Charm at kunyaring aayaw muna pero deeep inside kinikilig na yan. Alam ko
na ang style ng mga babae, sa dami ba naman nila....

"Ugh!" Napaurong ako nung bigla siyang binigay na parang hinampas ang mga librong
dala niya sa akin. Natamaan pa ang tyan ko. Ang sakit. Tapos sinunod pa niya ang
knapsack niya. Pati ang dala niyang envelope ako ang pinadala niya. Kulang na lang
hubarin niya ang sapatos niya at ipbitbit sa akin. Langya. napakasadista talaga. Di
ako makapagreklamo kais ako nag offer eh.

Takte! Di ba siya marunong magpakipot? Wala na siyang bitbit kahit na ano. Panyo na
lang. Samatalang ako, dalawang knapsack, sangkatutak na libro at may envelope pa.
Hindi man lang siya naawa sa kalagayan ko. HUhuhu. Bakit ba kasi nag offer pa ako?
"Oi saan ka pupunta?" Dirediretso lang kasi lakay niya papuntang gate ng school
samantalang nasa kabilang banda ang parking kung saan naghihintay ang driver namin.
Sa pagkakaalam ko doon din naghihintay ang driver nila. Minsan nga pag tinatamad
akong pumasok, nakikisali pa ako sa tong-its ng dalawa eh.

"Eh di lalabas" Tapos naglakad na siya ulit.

"Andun kaya banda ang parking" Sbaay turo sa may parking, pero lumingon lang siya
at inismiran ako.

"Sinabi ko bang sasakay tayo ng kotse? At saka hindi ako ngayon nagpasundo kay Kuya
Noynoy." Noynoy kasi ang pangalan ng driver nila.

"Andun naman naghihintay si Kuya Jejomar eh." Pagpupumilit ko pa. Bakit ba kasi
ayaw niyang magkotse, eh may kotse naman.

"Magkocommute tayo, matatraffic lang tayo kung magkokotse tayo at malelate ako sa
church and besides hindi pwede ang kotse dun!" Tumakbo na ako para habulin siya
para magkasabay kami. Nagmumukha na kasi akong PA eh. Linshak lang.
"Di pwede ang kotse? Anong klaseng simbahan yun?"

"Eh di simbahan pa din! Tsk tsk." Parang pinapahiwatig pa niyang ang tanga tanga
ko.

"Magtataxi na lang tayo. KAo ang magbabayad!" Hindi ako nag iinarte ha. Ang bigat
lang kasi ng mga bitbit ko.

"Matatraffic nga tayo. Ang kulit mo naman Sam eh! Kung ayaw mong sumama, wag kang
sumama di naman kita pinipilit!" Patay! Nabwisit na ata. namumula na siya sa
galit.  Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kagustuhan ng nag iisang C na
nagawa akong alilain.

Sumunod na lang ako sa kanya kung saan siya pupunta. Inisip ko na lang din na
nageexercise ako dahil sa dami ng bitbit ko. SUmakay kami ng tricycle papuntang
LRT2station para daw mas mabilis. Ako ang nagbayad sa tricycle. Siempre ako ang
lalaki eh. Tsk tsk!
Tapos sumakay kami sa LRT 2, ako pa din ang nagbayad, ang konsolasyon ko na lang, 
hindi punuan pero nakatayo pa din ako.  Pinagtitinginan nga kami ng mga tao pero
deadma lang si Charm.

Tapos bumaba kami sa Legarda Stattion. Akala ko matatapos na pero dun pala
nagsisimula ang kalbaryo ko. ANg layo ng nilakad namin bago kami makarating sa
unang gate ng Malacañang. First time ko pumasok sa Malacañang. Tapos doon ko
nadiscover, may simbahan pala sa loob ng palasyo. Ang St. Jude Parish. At nagulat
ako sa dami ng tao. PUnuan as in umaapaw pa.

Mabuti na lang at patapos na pala yun at nung matapos na tsaka kami pumasok at
nakaupo. Kaya pala ayaw niyang malate kasi pag nalate pala siya, wala nang maupuan.

Nagsimula na ang mass. Parang kinikilabutan ako. Kelan ba ako huling nagsimba? 7
years old ako? Basta nung sinasama pa ako ni Mama. Tapos nagyon andito ako kasama
ko si Charm? Bakit ba ako napasama sa kanya?

Paminsan minsan, sinusulyapan ko siya habang nagsisimba. Ang amo ng mukha niya.
Kahit mainit hindi siya nagrereklamo. Kahit may pawis na ang noo niya hindi niya
pinupunasan.  Ang cute cute niya pag kumakanta. Napangiti ako. Okay lang na
magsimba basta kasama ko siya. Waaaaa! Ang cheesy ko! AMpotek lang. Saan nanggaling
yun? Hindi na ako sasama sa kanya oi! Asa naman!
Nagcommunion siya, ako hindi baka kasi mawalan kami ng upuan eh. LOL. Dami kong
rason. Nung bumalik na siya lumuhod siya at nagpray tapos nagulat ako nung binulong
niya ng malakas,

"Lord, sana bumait na ang katabi ko." Napatingin ako sa kanya, then napansin ko na
napatingin din ang katabi niyang babae sa kanya. Tinaasan niya ng kilay ang babae
tapos sinabing,

"Hindi Ikaw. Asa ka naman." Grabe pati sa simbahan nagtataray siya. Mukhang
napahiya yung babae pero napasimangot. Napangiti na lang ako. Ang adik talaga ni
Charm.

Pero ako? Pinagppray niya na bumait? Mabait naman ako ah! DI ba? Di ba? OO na lang
kasi! tsk tsk!

Pagkatapos ng mass akala ko tapos na pero..... shit lang! May novena pa pala.
NOvena to St. Jude Thaddeus, Patron of the Hopeless Cases. Kinuha niya ang novena
booklet at nakipagjoin sa iba. AKo deadma wala kasi akong booklet.

Napansin ata niya kaya lumapit siya sa akin at shinare ang booklet. ANg lapit lapit
niya. Amoy na amoy ko ang pabango niya. Amoy baby, ang sarap singhutin.
At dahil hindi ko masyado mabasa ang booklet, nilapit ko sa akin that casued our
fingers to touched. Nakahawak kasi siya sa booklet.   She didn't flinched or inalis
ang kamay niya hindi ko rin inalis ang kamay ko. 

Hindi ko alam kung paanong nangyari but I noticed that I am no longer holding the
prayer booklet. My thumb and my forefinger are now holding and caressing her
forefinger na nakahawak sa booklet at nilalaro ang singsing niya.

Hindi naman siya nagreklamo or baka nahihiya lang siyang magreklamo dahil nasa
simbahan kami. Ganun kami hanggang matapos ang novena.

Lumabas na kami ng chruch na nakangiti ako. Ang sarap pala magsimba.

"Charm simba ulit tayo next thursday." Tumaas lang ang kilay niya at naglakad
papunta sa nagbebenta ng Novena booklet at bumili ng isa. tapos binigay sa akin.
Grabe! Di yun nakaligtas sa kanya.
Tapos naglakad ulti kami.

"Sam."

"Hmmm??" ANg cute ko noh? LOl

"Wag mo akong pinagttripan." Waaaahhh! ANo na naman yun?

"Hindi kita pinagttripan." Grabe kung ano ano pinagsasabi niya. Wala naman basehan.

"Wag mo akong pinagloloko."


"Hindi kita niloloko."

"Wag mo akong lolokohin." Mahina niyang sabi pero narinig ko pa rin. Nakayuko siya.
Napatingin lang ako sa kanya.

Bakit parang iba ang dating sa akin ng sinabi niya?

=================

7 Baby.....

"Baby, bilhan mo naman ako ng tubig please...." Bigla na lang akong pinuntahan ni
Claire sa table namin sa canteen at nanghingi ng tubig. Hindi ba siya pwedeng
bumili ng sarili niya? Tsk tsk! Ibbreak ko siya mamaya. Ang gastos eh! Kairita
lang!
I heard Mike chuckle at sina Ivan, pinipigilan ang mapatawa. Andito kami ngayon sa
canteen at kasama ko din sila.

"Baby...baby......ohhhhh" Sabay kanta ni Mike ng kanta ni Justin Bieber. Ang bading


lang. Langya. Sarap batukan.

Para matigil na sila sa pang aasar, tumayo na ako at pumunta sa bilihan ng tubig.
Pero si Claire, hindi sumunod sa akin. I saw her sit sa upuan ko. Grabe! Sa lahat
ng gf ko siya ang may pinakamalakas ang loob. Siya ang pinakafeeling. Siya ang
sobrang feeling close sa barkada ko.

Nagtataka ba kayo kung bakit  di  nila alam na gf ko sila? Kasi hindi ko naman sila
pinakikilala as gf. Kaya kahit pa ipagkalat nila an gf ko sila. Walang maniniwala.
Bwahahahaha. Tsaka hindi naman ako ang nanligaw sa kanila. Sila naman ang lumalapit
at kesyo ba hinalikan mo sila kayo na agad? Yun kasia ng assumption nila eh. Iba na
talaga pag pogi.
Bumalik na ako sa table namin and handed Claire her bottled water.

"Thank you baby!" She smiled at me sweetly. Ngumiti lang din ako then I heard na
nagchuckle  sila Ivan at nagsikuhan. Mga bwisit talaga. Ampucha!

"Hi Charm!" ANg lakas ng pagkakasabi nun ni Mike! Dinig buong canteen na para bang
ngayon lang niya nakita si Charm samantalang magkatabi naman sila kanina sa upuan.
Alam ko din na inaasar niya ako. May totoong hinala kasi yang sina Ivan at Mike na
type ko si Charm. Sa kanila ko kasi nasabi nung hindi ako pinapansin ni Charm.

Napalingon naman ako kung saan nakatingin si Mike at andun nga si Charm kasama yung
iba niyang mga kaibigan. Nakatingin sila sa amin. Kanina pa kaya sila dyan? Nakita
niya kaya si Claire?
Ay malamang nakita niya, hindi naman invisible si Claire. At bakit ba ako biglang
kinabahan? Lalo na nung magsalubong ang tingin namin. Kahit walang expression yung
mukha niya at blangko lang ang tingin niya, kinabahan pa din ako. Yung kaba na
parang nahuli na may masamang ginawa. Yung kabang may kasamang guilt. Yung kabang
parang nahuli ako na nagtataksil. Taksil talaga! 

Ampupu! Bakit ito ang nararamdaman ko.

Binawi niya ang tingin niya sa akin at tumingin kina Mike at ngumiti at nagwave.
Bakit siya ngumiti kina Mike at sa akin hindi?? Selos much ako? At bakit naman ako
nagseselos?

Langya! Ang dami kong tanong sa sarili ko. Hindi ko naman masagot sagot.

"Charm, ang ganda mo ngayon ah! Blooming?" Sabi ni Ivan sabay tingin sa akin at
halos dinig pa din sa buong cafeteria. 2 tables away lang naman ang table nila sa
amin.
Nagulat ako nung tumayo si Charm at lumapit sa table namin. Sabi ko nga ayaw niyang
makipagsigawan sa cafeteria.

Sinusundan ko lang siya ng tingin. Ang cute cute talaga niya. Tapos humarap siya
kay Ivan.

"Ivan, ito piso, maghanap ka ng mabobola mo." Sabay bigay ng piso na kinuha naman
nitong si Ivan. Mga sira ulo talaga. . Nagkatawanan sa table namin. Ayaw talaga
patalo nitong si Charm.

"Pero Charm, bakit nga blooming ka ngayon?" Talaga naman kung makahirit itong si
Ivan.
"Hindi ako blooming, maganda lang talaga ako dati pa. Baka lang kasi nag-alis ka ng
muta kaya lumiwanang ang paningin mo." Lol! Ayos sa sagot.

"Kaya gusto kita Charm eh, palaban ka." Hindi ko napigilan ang magsalita. Tapos
biglang tumahimik sa table namin at nakatingin lahat sa akin.

Bakit sila tumahimik at tumingin lahat sa akin? May nasabi ba akong masama? Tapos
sinipa pa ako ni Mike sa ilalim ng mesa at sabay tingin kay Claire.

Eh ano naman ngayon kung andyan si Claire? Totoo namang gusto ko siya eh.

Tapos tiningnan ko ulit si Charm. Nakataas na ang kilay niya. Tapos nagsalita siya.
"Kilala kita?" Whoah!? Ano daw? Napanganga lang ako. Parang  kahapon sabay kaming
nagsimba tapos ngayon tatanong niya kung kilala niya ako? Anong klase yun?

"Whoa! Ang taray lang ni Charm. Akala ko ba bati na kayong dalawa?" Si Mike talaga
di mapigilan ang bibig. Pero tama naman siya. DI ba bati na kami ni Charm?  Bakit
tinatarayan niya ako ngayon?

 "Ewan ko sayo Ivan. Wala ka talagang kwenta kausap kahit kailan." Tapos tumalikod
na siya sa table namin at naglakad hindi sa table nila kundi palabas ng canteen.
Nakasunod lang ang tingin ko sa kanya.

Sina Ivan at Mike nakatingin lang sa akin na parang nagtataka. Yung mga mukha pa
nila parang nagtatanong kung ano ang nangyari.

Wala naman akong maisagot kasi kahit ako hindi ko alam.


Ang hirap talaga intindihin ng mga babae.

Sinisipa na ako ni Ivan sa ilalim ng mesa pero di ko pa rin siya pinapansin. Nag
iisip kasi ako kung ano ang kasalanan ko kay Charm.

"Baby..." Napatingin ako bigla kay Claire. Nakalimutan ko na andyan pala siya sa
tabi ko.

Tumayo ako sa kinagulat nilang tatlo. "Excuse me." Tapos naglakad ako palabas din
ng canteen.

"Baby.....!" Hindi ko siya pinansin. TUloy lang ako sa paglakad. Tapos narinig ko
pa sila Ivan at Mike.
"Go for the gold!" Sabay apir. Mga pasaway talaga.

Hindi ko na alam ang ginagawa ko. Parang automatic ang reaksiyon. ko. Parang may
dimidikta sa akin na habulin ko siya.

Nakita ko siyang naglalakad sa hallway papuntang auditorium.

"Charm!" Tinawag ko siya pero hindi siya lumingon. Alangan naman na di niya ako
narinig eh ang lakas ng boses ko.
"Charm!" Hindi pa rin siya lumingon at dirediretsong pumunta ng auditorium.

Pumasok na siya kaya nagmadali na rin ako at pumasok na rin ng auditorium.  Nung
makapasok na ako, I saw her go up the stage tapos may kinuha sa isang cabinet at
naupo sa may drum set. 

Tapos pinagpapalo niya ang drums ng sobrang lakas. Umakyat na ako ng stage.

"Charm! Bakit hindi mo ako pinapansin? Ano na naman ang kasalanan ko?" Oo feeling
ko may kasalanan ako.

Hindi pa din niya ako pinansin. Mas lalo niyang nilakasan ang pagpalo sa drums.
Parang mabibingi na ako.
"CHARM!" Sumigaw na ako pero di pa din siya tumigil. Ni hindi siya lumilingon sa
akin.

"CHARM! ANO BA!!?" Inagaw ko ang drumstick sa kanya. Hinihingal na siya. Namumula
na din ang mga palad niya. Siguro dahil sa lakas ng hawak niya sa drumstick.

"Charm..." Hahawakan ko sana ang mga kamay niya pero bigla siyang tumayo at
naglakad.

Pero bago siya makalayo nahawakan ko ang braso niya kaya napaharap siya sa akin.
PUlang pula ang mukha niya.

"Bakit hindi mo ako pinapansin? At ano yun kanina? Bakit sinabi mong hindi mo ako
kilala?" I tried to look into her eyes pero ibinaling niya ang tingin niya sa ibang
lugar. Hindi siya tumitingin sa akin. Napofrustrate ako.

"Charm ano ba! Bakit ka nagagalit sa akin?" OO alam kung galit siya. Hindi man niya
sabihin alam kong galit siya sa akin.

"Dahil ba kay Claire?"  Napatigil siya tapos napatingin sa akin. Yun lang naman ang
alam kong dahilan kung bakit ganun ang reaksiyon niya. At mukhang tama ako.

"Nagseselos ka ba sa kanya?" Tanguina ang assuming ko lang pero wala na akong ibang
explanation sa ugali ngayon ni Charm.

"Kung gusto mo makikipag break ako sa kanya." Hindi ko alam kung bakit kailangan
kong magpaalam sa kanya. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong sabihin sa kanya.
At lalong hindi ko rin alam kung bakit ayaw kong nagagalit siya sa akin.

AT hindi ko alam kung bakit gusto kong mapasaya siya.

I saw her smile pero parang iba ang ngiti niya. Then her eyes turned into slits.
And bago pa ako nakailag....

Her fist landed on my face.

Natumba ako sa sobrang lakas ng suntok niya.


And without a word, iniwan niya akong nakabulagta sa sahig ng stage nga auditorium.

TAMA NGA AKO. GALIT NGA SIYA!

Author's Note:

Thank you sa lahat ng mga nagbabasa  lalo an sa mga nagcocomment. Kahit kunti lang
kayo, keri lang, iuupdate ko pa din to. Thank you!

=================

8. Ano ang gusto mo?

 One of my beloved friends here in wattpad and in Teentalk. Thanks a lot sis
rachelle.
8.

Kahit masakit ang suntok niya tumayo pa din ako. Kahit nahihilo ako, hinabol ko pa
din siya. Mabuti na lang at naabutan ko siya bago pa siya lumabas ng auditorium.

Hawak hawak ko ang kaliwa kong pisngi na sinuntok niya at hawak naman ng isa kong
kamay ang braso niya apra pigilan siya sa pag alis. Para na rin masiguro na kung
suntukin man niya ako ulit yung mahina na kaya kanan na kamay niya ang hinawakan
ko.

"Charm! Saglit lang naman! Nagwawalk out ka na naman eh." Tiningnan lang niya ako
ng masama. Peor hindi niya inalis yung kamay niyang hinahawakan ko.

"ANO!? GUSTO MO PA NG ISANG SUNTOK? PARA MATAUHAN KA?!!" Sumisigaw na siya nyan.
Tsk rsk! Paano kung may makarinig sa amin. Pero bahala na kesa naman dedmahin na
naman niya ako. Ang hirap kaya ng ganun.
Sus! Kung makahirap naman ako parang gf mo si Charm ah.

Teka sino yun?

Bwahahahaha. Secret!

Leche! Nababaliw na ba ako? Bakit may nagsasalita? Epekto ba to ng pagkasuntok niya


sa akin.

Hahahahaha.

"ANO?" Nagulat pa ako nung nagsalita si Charm. OO nga pala.


"Teka lang kasi bakit ka bigla bigla na alng nanununtok? Ano ba ang problema mo?"
Lalong naningkit ang mga mata niya.

"Tinatanong mo ako kung ano ang problema ko?!!" She shouted. Langya kung makasigaw
wala talagang respeto. SG President kaya ako.

"Kaya nga nagtatanong di ba? Magtatanong ba ako kung alam ko?" Sana hindi ako
sapakin ulit. Sana hindi! Sana hindi!

I saw her closed her eyes na parang pinipigilan niya ang sarili niya.  Nakakuyom na
din ang kamao niya. Parang kunti na lang talaga makakatikim na naman ako ng sapak.
Tapos huminga siya ng malalim.

"Dapat alam mo kasi ikaw ang may kagagawan lahat!" Hala ako daw?
"Ako ang may kagagawan lahat? Ano ang ginawa ko?"

"Alam mo Samuel Heindriek, kung lahat ng mga babae nagtatangahan dahil sayo ibahin
mo ako! Hindi dahil sa sinabi mong liligawan mo ako at gusto mo ako ay maging tanga
na din ako." Napangiti ang puso ko sa sinabi niya. Ang puso ko alng ang napangiti
kasi hindi ako pwedeng ngumiti kasi baka suntukin niya ulit ako.

"So totoo nga na nagseselos ka kay Claire?  Kaya galit ka na naman sa akin." Umirap
lang siya. Grabe katakot pala kung magselos si Charm. Bugbog sarado ako.

"Ano gusto mo hiwalayan ko silang lahat? Sige kung yun ang gusto mo gagawin ko."
She rolled her eyes. Alam kong galit siya pero I really find her cute.
"Ay hindi! okay lang sa akin na pagsabayin mo silang lahat." huh? Okay lang sa
kanya?

"Matutuwa pa nga ako kung dadagdagan mo pa ang mga gf mo eh."

"Gusto mo ipagpapiyesta pa kita?"

O_O---> ako yan

O_O---> ako pa din yan

"Ang tanga mo Samuel!!!" Bakit naman ako naging tanga?


"O baka gusto mo agawin pa kita sa kanila?" Hala!

Ano daw?

Agawin?

ANg tagal magregister sa utak ko.


Inalis niya ang pagkakahawak ko sa braso niya.

"Bwisit!" Sabay talikod at labas ng auditorium.

Ako.

O_O

=================

9. Give me a chance

To Jiezel dahil hindi agad siya nakaligo dahil sa pagbasa nito. Natawa ako sis.
Thanks a lot po.

Chapter 9
Tumatak talaga ang suntok, este ang sinabi ni Charm sa akin. Mahirap man
makipagbrak sa mga C ko pero ginawa ko. Ayaw ko nang masuntok. Ayaw ko nang
mahampas ng drumstick

At mas lalong ayaw kong hindi niya ako pinapansin.

Aminin ko man o hindi pero ang lakas ng tama ko sa kanya. Pati ako hindi ko
maipaliwanag. Hindi ko rin alam kung paano nangyari. Dati kasi baliwala lang naman
siya sa akin. One of the boys nga siya di ba? Pero hindi ko alam kung bakit bigla
bigla na lang eh, palagi ko na siyang iniisip, ayaw kong nagagalit siya sa akin.
Hindi ko alam kung kelan nagsimula.

Ang alam ko lang, ayaw ko nang matapos to.


Ang corny ko. Bwisit. Dati nga iniisip ko pa na baka ginayuma niya ako pero wala
naman akong naisip na pinakain niya sa akin. ANg damot kaya nung babaeng yun. Pag
kumakain kami, hindi siya bumibili, nanghihingi lang siya.

Pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit bigla bigla na alng eh gusto ko siya
palaging nakikita. Na cute na cute ako sa kanya. Gusto ko siyang palaging nakikita
pero ayaw ko siyang makitang may ibang kasamang lalaki.

Hindi naman ako tanga para hindi ko malaman ang nararamdaman ko. Sa dami ba ng mga
naging gf ko hindi ko pa malaman ang mga ganitong bagay.

Yung sa iba alam kung atraksiyon, pero yung kay Charm kasi kakaiba eh. Mas intense.
It's as if I've been Charmed.

Ang dami ko na ngang kakornihan na ginawa eh. Katulad na lang ngayon, hinhintay ko
siyang dumating eh alam na alam ko naman na palagi siyang late. Pero wala akong
pakialam kung malate din ako.
Then nakita ko siyang bumaba ng kotse nila. Late na siya ng 5 minutes. Meaning late
na din ako.

"Sam!" Humahangos pa siyang lumapit sa akin. "Hindi pa ako late?"Tapos tumingin pa


siya sa relo niya.

"Late  ka na." Tumayo na ako sa tabi niya at kinuha ang bag niya. Nagktaka man siya
pero binigya pa rin niya sa akin.

"Eh bakit nasa labas ka pa ng room?"

"Hinihintay kita." I saw her blushed. Ang ganda niya. Tapos hindi na siya tumingin
sa akin. PEro nagulat na lang ako nung batukan niya ako. Hindi naman malakas pero
nagulat talaga ako.

"Bakit mo naman ako binatukan?" Ngingiti ngiti pa siya. Abnormal talaga.

"Engot ka kasi. Alam mo naman na late ako palagi, hinintay mo pa ako." Naglakad na
siya papuntang room namin kaya sumunod na rin ako. Naamoy ko pa ang pabango niya na
amoy baby. Sarap alng singhutin eh.

"Hayaan mo na. Gusto ko naman eh." Tapos tumingin ako sa kanya tapos nakita kong
namula siya ulit. Pero hindi siya sumagot. Nakita ko lang na ngumiti siya ng tipid.
Napangiti din tuloy ako. Ampupu! Tinamaan  na talaga ako ng magaling.

"Charm seryoso ako." Lumingon lang siya sa akin tapos tumaas ang kilay niya. Tapos
lumapit siya sa akin. ANg lapit lapit niya. Parang naamoy ko na ang hininga niya.
Tapos kinuha niya ang bag niya sa akin. Binuksan ang pinto at pumasok sa loob ng
room namin.

Napatulala ako. Disappointed? Takte akala ko talaga hahalikan na niya ako. Wew!
Napalunok na lang ako at sumunod sa kanya sa loob ng room. As expected, andun na
ang teacher namin and as expected pa din nakatingin silang lahat sa amin na may
pagtataka sa mga mata. Lalo na sa akin kasi hindi naman ako nalelate. Eh kay Charm
sanay na sila.

"Mr. Po and Miss Ming. You're both late!" Umupo si Charm sa upuan niya at umupo na
din ako sa upuan ko. "Why are you late?"

"Ma'am ako nalate ng gising. Ewan ko kay Samuel." Kita mo to, siya na nga ng
hinintay tapos nilaglag pa ako. 

"How about you Mr. Po? Why are you late? It's very unbecoming of you to be late
considering that you're an SG President." Akalain mo yun, ngayon nga lang ako
nalate grabe pa kung makatanong itong adviser namin.
"Ma'am I'm sorry pero si Charm kasi late." Napatingin lahat ng classmates ko sa
akin. Pati si Ma'am nanlaki ang mga mata. SI Charm gulat na gulat. Si Mike
nakangiti. Alam naman kasi niyang alibi lang yun kasi nakausap niya ako kanina sa
bench.

Si Charm kasi eh binitin ako kanina. Tingnan natin ngayon. Akala niya siguro siya
lang ang maloko ha.

"What has Miss Ming got to do with you being late?" Nanlalaki na ang mga mata ni
Ma'am. But I ignored her and faced Charm na ngayon ay namumula na ang mukha pati
ang tenga. ANg cute cute niya talaga.

"Siempre Ma'am kailangan kong damayan ang girlfriend ko at hintayin ko siyang


pumasok." Sabay sabay na nagchorus ang mga classmates namin ng...Hala!!. Natatawa
na ako lalo na nung nakita ko ang itsura ni Charm. Ang sama na din ng tingin niya
sa akin pero binaliwala ko lang.
"Hay naku mga kabataan talaga ngayon." Sabi na lang ni Ma'am at continued her
lecture. Ngising ngisi ako and everytime I look at Charm pulang pula pa din siya.
Tapos hindi siya tumitingin sa akin.

Pagkatapos ng klase, nagulat na lang ako nung nauna siyang tumayo at dali daling
lumabas ng room namin. Tumayo na din ako at sinundan siya. I kept a safe distance
kahit na malabo niya akong mapansin kasi ang bilis niya maglakad.  Tapos nakarating
kami sa dulo ng hallway at pumasok siya sa  CR. Nagtaka ako kasi bakit dito siya
magccr eh nakaddan kami sa dalawang cr ng girls.

 Wala sana akogn planong pumasok at hihintayin ko na lang siya sa labas ng cr kung
hindi ko narinig ang kwentuhan ng dalawang estudyante.

"Umiiyak yung babaeng kakapasok lang?" Girl 1.


"Obvious naman eh. Pulang pula ang mukha tapos nagpapahid pa ng luha." Girl 2.

SI Charm umiiyak? Hindi na ako nagdalawang isip pa, pumasok na din ako sa CR.
Mabuti na lang at walang masyadong taong pumapasok dito. Kaya siguro dito siya
pumunta kasi isolated ang CR na to.

Pero bakit siya umiiyak?

Pagkapasok ko, inilock ko ang pinto. I have a strong feeling na ako ang dahilan
kung bakit siya umiiyak. OO nga manhid ako minsan pero sa pagkakataong ito na medyo
inamin ko na sa sarili ko ang nararamdaman ko sa kanya, hindi ko hahayaang maging
ganyan siya.

Hindin ghindi ko na ibabaliwala ang nararamdaman niya.


Tumayo ako at sumandal sa sink na katapat ng cubicle na pinasukan niya. Maya maya
pa naririnig ko na siyang humihikbi. Hindi ako nagsalita, hinahayaan ko lang siyang
umiyak. Pagkalabas niya saka ko nalang siya kakausapin.

"Kakainis ka! Kakabwisit ka! Bakit ba ang playboy playboy mo?" Bigla niyang sabi
habang umiiyak. Akala ko ako ang kinakausap niya pero hindi pala. Naglalabas pala
siya ng hinanakit.

"Sinabi mong liligawan mo ako, pero ang dami dami mong gf. Bakit ba kasi naniniwala
ako sayo. Leche ka! Sana mamatay ka na Samuel!!!!! Ahhhhh" Hala. gusto na niya
akong mamatay.  At galit na galit talaga siya sa akin. Ano ba ang kasalanan ko.

"Lahat sayo laro. Lahat na lang. Hindi ka na nagseryoso. Ginawa mo pa akong


katatawanan kanina. Bakit pa kasi ikaw pa ang ginusto ko eh alam ko naman na isa
palyboy. Hindi na talaga ako maniniwala sayo. Hinding hindi na. Ayoko na sayo.
Ayoko na talaga!" Gusto niya din ako? Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot
sa mga nalaman ko. 
"Hindi ako papayag." Bigla ko na lang sinabi at mabilis pa sa alas kwatro ang
pagbukas niya ng cubicle.

"Anong ginagawa mo dito?" She hissed at me while  tears are streaming down her
face.

"Hindi ako papayag na hindi mo na ako gustuhin. Ngayong alam ko na hindi ako
papayag na bigla ka na lang susuko." I saw her clench her fist. Pero tatanggapin ko
kung suntukin man niya ako o bugbugin man niya ako.

"Ang kapal ng mukha mo! Anong akala mo sa akin laruan? OO nga gusto kita pero hindi
ibig sabihin nun hindi ko na kayang mabuhay ng wala ka. Hindi ibig sabihin nun eh
magtatanga tangahan...."hindi ko na siya pinatapos. Hinawakan ko ng dalawang kamay
ko ang pisngi niya at
Hinalikan ko na siya.

Hindi agad siya nakareact at nakatulala lang siya.

Medyo tinagalan ko pa ng kunti ang halik. Ang sarap eh. Gusto ko pa sanang ulitin
pero kailangan namin mag usap.

Kailangan kong sabihin sa kanya.

Ayaw ko siyang umiiyak ng ganito.

"I Love you." Hindi pa din siya nagsasalita. Nakatingin lang siya sa akin parang
naeestatwa kaya pinunasan ko na ang mga luha niya.
"Sinabi ko nang seryoso ako sayo."

"Give me a chane to prove to you how much I really do."  Kahit ako nagulantang sa
intensidad ng pagkakasabi ko nun.Hindi ko din inakalang masasabi ko yun sa kanya ng
harap harapan.

=================

Chapter 10

Ito na ang update para bukas kasi busy na ako mula bukas hanggang monday.

Chapter 10

After nung scene sa CR, hinayaan na nga niyang akong manligaw sa kanya. 2 months na
din simula nung Chapter 9. Kaya tinutukso kami sa classroom at natutuwa ako tuwing
tunutukso kami kasi namumula talaga siya. Ang cute cute lang. Tuwing namumula siya
gustong gusto kong pisilin ang pisngi niya.Kakagigil.
"Hoy Charm! Bakit hindi mo pinapansin si Heinz?" Sigaw ni Mike kay Charm. For sure
magkukulitan na naman ang mga yan. Palagi na lang. Kung hindi ko lang alam na may
ibang gusto si Mike baka magselos na ako

"Hindi ba? Magtigil ka nga Chael." Napatingin pa siya sa akin nung sinabi niya yun?
Ewan ko ba sa babaing yan. Kahit alam ko naman nagsuto niya ako ayaw pa akong
sagutin at may mga araw pang hindi ako kinakausap tapos ang sungit sungit. Pero
sabi ni Mommy, minsan daw  ganun talaga ang mga babae lalo na kung meron.
Haysss....

"Eh kasi kanina pa sulyap ng sulyap sayo si Heinz. Ni hindi mo tinitingnan." Gago
talaga tong si Mike. Wala atang magawa at ako na naman ang pinagttripan. Tumingin
naman si Charm sa akin na nakataas ang kilay.  Ngumiti lang ako sa kanya.

"Ay sheet! Ang sweet lang.  Sagutin mo na kasi yan Charm." Tukso pa ni Mike.
"Mamaya..." Tipid niyang sabi kaya napatingin kaming dalawa ni Mike sa kanya.
Mamaya? Mamaya na niya ako sasagutin?

"Mamaya?" Sabay naming sinabi ni Mike. Kinakabahan ako. Ang lakas ng tibok ng puso
ko.  Totoo? Sasagutin na niya ako mamaya?

"Mamaya..ang submission ng project natin di ba??" Nakangiti pa niya sabi sa amin.


Yung nakakalokong ngiti niya. Yung ngiting nakaisa. Kaya biglang tumawa ng malakas
itong si Mike.

"Nice one Charm. Heinz.. kung nakita mo lang sana ang itsura mo kanina.
Wahahahaha." Napasimangot ako. Bigla akong nabadtrip. Kaya tumayo ako sa upuan ko
at lumabas ng pinto. 

"Hala Charm nagalit na." Narinig ko pang sabi ni Mike bago nung nagwalk out ako.
"Hayaan mo siya. Malaki na siya kaya na niya yan." Sabi pa ni Charm bago ako
makalabas ng room. Kabadtrip lang. Anlakas ng trip.  Pumunta na lang ako sa SG
Office pampaalis ng badtrip. Gusto ba niya talaga ako? Baka guni guni ko lang ang
narinig ko nun sa CR?

Yun lang naman yung pinanghahawakan ko  kaya sinabi kong gusto niya ako eh. Aside
from that wala na. Ni hindi siya sweet sa akin. Kadalasan pa dinedeadma niya ako.
Pag binibigyan ko siya ng bulaklak o kahit anong regalo ni wala akong nakitang
kilig sa kanya. Ngingiti lang siya ng tipid at magsasabing thank you. Pagmagkasama
kami sa pagkain kasama ang barkada mas nakikipagkwentuhan pa siya sa iba kaysa sa
akin. Feeling ko nga mas masaya pa siya kasama ang iba kaysa sa akin.

Pag niyayaya ko siyang lumabas, sumasama lang siya pag kasama ang barkada. Ayaw
niyang kaming dalawa lang. Nakakabadtrip talaga.

Kung hindi ko lang siya talaga mahal, malamang eh nag give up na ako. Pero hindi
eh. Hindi ko kayang mag give up sa kanya. Hindi ko siya kayang igive up.
Nung naglunch na mag isa akong pumunta sa cafeteria, bumili ng pagkain at umupo sa
bakanteng table. Maya maya pa tumabi na sa akin sina Mike.

"Oi nagtatampo!" Tukso pa nila sa akin.

"Ano suko ka na HEinz??" Sabi pa ni Mike.

"Sinabi naman kasi namin sayo na hindi ganun lang si Charm. Hindi siya katulad ng
mga dati mong girlfriends na magkakandarapa sayo." Sulsol pa ni Ken.

"Kung suko ka na Pare, sabihin mo lang. Liligawan ko siya." Napatingin ako bigla
kay Ivan.
"Pakyu!" Nagtawanan silang lahat sa sinabi ko. Bwisit, instead na damayan ako mas
tinutukso pa nila ako.

 "Hehehehe. Para mawala yang init ng ulo mo gigimik tayo mamaya! Libre mo!" 
Inakbayan ako ni Ken at sinuntok suntok ng mahina sa braso. Mga bwiset talaga to.
Mapapasubo pa ako.

After ng lunch hindi ko na nakita si Charm. Umabsent na naman siya. Pasaway talaga.
Tinetext ko din siya pero hidni siya sumasagot sa akin. takte! Nagtatampo ba siya?
At bakit naman siya magtatampo? Di ba dapat ako ang magtatampo?

Ay paksyet! Ang hirap talaga intindihin ng mga babae. Preoccupied ako buong klase
kasi wala ang katabi ko kaya hindi ko namalayan na uwian na pala.

At dahil nagyaya silang maggimik sumama na lang ako. Pumunta kami sa isang bar. Nag
inom lang kami ng kunti tapos nakinood sa banda na kumakanta sa stage.

9PM na pero parang walang balak magsiuwi ang mga kasama ko. Masyado silang nag
eenjoy. At mukhang walang balak si Charm na itext ako. Kunsabagay, kelan ba yun
naunang magtext sa akin?

Pero nagtext ako kanina, sana nagreply man lang siya.

"Good evening ladies and gentlemen! Whooo!" nagtilian ang mga babae na nanonood.
Umalis na pala ang banda na kumanta kanina at bagong banda na naman ang nasa stage.
Sinulyapan ko lang ang nasa taas ng stage. Mas busy ako kakasilip ng cellphone ko.

Nagsimula na silang kumanta. Magaling yung vocalist nilang lalaki. Apat kasi sila.
Isang vocalist na nagigitara din, isang lalaking naggigitara din, isang babaeng
nagkkeyboard at isang drummer na hindi ko maaninang kung babae o lalaki kasi
nakacap at medyo madilim pa sa pwesto niya. 

Tiningnan ko ng mabuti ang vocalist nila. Para kasing familiar or baka nakita ko na
siya sa tv. Artistahin kasi eh kaya ang damign babaeng tumitili eh! tsk tsk!

"This is our last song and ladies and gentlemen, for the first time, you will hear
the voice of our drummer. Maglalandi daw muna kasi siya. Dalaga na kasi. Ayieeee!"
Nagtawanan din ang mga audience.
Tumayo na yung drummer. Shit! Babae ang drummer nila! Sinalubong ng vocalist ang
drummer at pinalo ng drummer sa ulo ang vocalist ng drumstick. Potek! Naalala ko si
Charm. Isa pang sadista yun. Nagpalit na pwesto ang vocalist at drummer pero yung
babaeng drummer hindi naggitara. Umupo lang siya sa stool sa harap ng mic. Hindi ko
pa din nakikita ang mukha niya kasi nakabaseball cap siya.

"This song is dedicated to Samuel Heindrick Po." Napatulala ako. Lalo na nung
kinuha ng isang kasama nilang lalaki ang sumbrero ng babae at itinapon sa audience.
Nagkagulo ang audience pero napatulala ako lalo na nung nalaglag ang mahaba niyang
buhok and I saw Charm looking at our table.

Tinukso ako ng mga barkada ko. Then she started singing habang tumitingin sa amin.

"Baby you'll soon forget about all, or maybe you'll miss it like I do. One thing's
for sure I'm on a doubt, spend too much time thinkin' of you"

Ang lamig lamig ng boses niya. Ngayon ko lang nalaman na magaling pala siyang
kumanta.

"And I can't get you out of my dreams Now I know that you're the dangerous kind
And your smile is tattooed on my mind And I can't get you out of my dreams Don't
wanna write, I don't wanna call, I would not know what to say It should be you
That's how I want it to be Tell me you feel the same way And I can't get you out of
my dreams Now know that you're a danger first kind And your smile is tattooed on my
mind And I can't get you out of my dreams...oh! Oh, Yesterday, I was feelin' safe,
oh All I do today is tryin' to be BRAVE and no melody can seem to suit my mind...
and now I curse you for being so sweet and so kind And I can't get you out of my
dreams Now I know that you're a dangerous kind And your face is tattooed on my mind
And I can't get you out of my dreams.. Yes I know you're tattooed On my mind you're
tattooed"

Nakatulala lang ako hanggang sa matapos matapos ang kanta. Sobrang tuksuhan na ang
nangyayari sa table namin pero parang hindi ko pa din madigest ang nangyayari.
Hindi ako makapaniwala na kakantahan niya ako. At lalong di ako makapaniwala when
she looked at me and said.

"The answer is yes."

Author's Note: Nasa gilid ang kanta ni Charm. Tattoed on my Mind

=================

11. Mahal kita Charm.

11.
Para akong lumulutang ng dahil sa nangyari. Parang hindi pa rin ako makapaniwala.

Sinagot na ako ni Charm.

Napangisi ako.Simula kanina hindi na maalis ang ngiti ko.

Para akong adik! High na high ako. Kakaiba pala talaga ang feeling. Iba ang feeling
pag nagbunga ang pinaghirapan mo! Takte! Pwede na akong mamatay!

Joke lang. 
Nakita ko siyang palabas ng bar kasama ang mga kabanda niya. Nakikipagharutan pa
siya sa lead vocalist nila. Ngayon naalala ko na kung saan ko nakita ang ang
lalaking yan. Siya yung minsan sumundo kay Charm.

I saw her looked up at him and laugh at what he said. Hindi ko alam pero bigla
akong nainis.Pinigilan ko lang ang sarili ko kasi ayaw kong ma spoil ang moment.

"Oi Charm, maiwan ka na namin." Sabi nung kabanda niya nung matapos niya kaming
ipakilala. Hindi ko na sasabihin ang mga pangalan nila. Katamad lang kasi.

Nagpasalamat ako nung umalis sila agad. Sino ba ang hindi magpapasalamat? Sa wakas
masosolo ko na ang gf ko. Naks gf talaga. Takte, kinikilig ako. Normal ba to? Hindi
kaya may sakit na ako?
Napatingin ako sa kanya, napatingin din siya sa akin. Nag iwas kami ng tingin.
Takte! Ang awkward!

Hala!

Bakit ganito? Kung kelan pa na kami na, tsaka kami nagkailangan.

"Sam" "Charm" Ayun nagkasabay pa kami.


"Ikaw na mauna." Nakikita ko siyang namumula. At dahil ayaw ko ng cliche na
magtutulakan pa kung sino ang mauna, sinunod ko na lang siya.

"Thank you." And I hugged her. Hindi na ako nagtanong kung totoo ba na kami na.
Ayaw kong magtanong baka kasi bawiin. Baka sabihin niyang 'joke lang'. Kilala niyo
naman si Charm. Malokong babae.

Naramdaman kong niyakap din niya ako. Maligayang maligaya ako. I kissed her hair.
Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong kaligayahan.Mga ilang minuto din kami na
ganun lang. Wala din kaming pakialam kahit nasa parking lot kami. Kung hindi pa
siya bumitaw at sinabing gabing gabi niya ayaw ko pa sana siyang bitawan.

Ayaw ko na talaga siyang bitawan.


Inakbayan ko  siya at nagsimula na kaming maglakad.Ang saya ng moment.

"Teka Sam, medyo malayo layo kung lalakarin natin?" Nakikita kong pinipigilan niya
ang tawa niya. Takte!

OO nga pala. Nakalimutan ko, may kotse pala ako. Napakamot ako sa ulo ko.Doon na
siya tumawa ng malakas. Lakas ng trip.

"Grabe nakalimutan mong may dala kang kotse?" Tapos tumawa ulit ng malakas.
Namumula na siya kakatawa.

Tiningnan ko siya ng masama para tumigil pero nung tingnan niya ulit ako, tumawa
lang siya lalo. Hinayaan ko na alng siyang tumawa hanggang sa makarating kami sa
kotse ko. Ang cute cute niyang tumawa. Naluluha pa siya.
Kung ibang tao siguro ang tumawa sa akin ng ganun, napikon na ako pero hindi ko
magawang magalit o mapikon man kay Charm. Kahit na reyna pa siya ng mga alaskadora.

"Babe tama na." Nakasandal na siya sa pinto ng kotse ko.

"Eh kasi naman, akalain mo yun, nakatayo ka kanina sa tabi ng kotse mo tapos
nakalimutan mo! Bwahahaha!" Nangingiti na rin ako sa pinaggagawa niya pero
pinigilan ko. 

"Babe, I love you." Bigla siyang tumigil sa kakatawa. Nagkatinginan kami. Naging
seryoso na din ang mukha niya. First time kong sabihin sa kanya ng personal ang mga
salitang yun. Nakokornihan kasi ako. Nalalaman lang niya dahil sa mga notes na
kasama ng mga bulaklak, chocolates, stufftoys, at iba pa na binibigay ko sa kanya.
First time ko din magsabi ng I love you sa isang babae. Akala ko nung una corny,
cheesy at kung ano ano pa. Pero ngayon, wala akogn kacheesyhan na nararamdaman. Mas
nangibabaw ang kagustuhan kong masabi sa kanya ng personal.

Hinawakan ko ang malawang kamay niya and looked at her. ANg lakas ng tibok ng puso
ko and I could drown in her eyes.

"Mahal kita Charm." Oo kahit ulit ulitin ko. Hindi ako magsasawa. Kahit ipagsigawan
ko pa. Ganun ko siya kamahal.

"I love you too Sam."

Hindi ko napigilan, I lowered down my head and kissed her.


=================

12. My Charm

12.

Lamang ng dalawa ang kalaban namin. 4th quarter na ng 5th game championship finals.
Best of 3 finals at 2-2 ang score. 20 seconds na lang ang natitira at ako ang may
hawak ng bola.

Nasa kamay ko nakasalalay ang pagkapanalo o pagkatalo ng school namin.

Nabibingi na ako sa ingay ng mga nanonood. Napakahigpit ng bantay. Gustong gusto


nilang manalo. Kunsabagay, kung saka sakali, maagaw nila ang championship crown sa
amin. At ito na ang chance nila.

Lalo na at wala ako sa mood maglaro ngayon. Kasi naman, first half na hindi pa din
dumadating si Charm.

Sabi niya kanina, hahabol siya kasi may practice sila ng banda pero nag 3rd quarter
na at nag 4th quarter  hindi pa din siya dumating. Nawalan tuloy ako ng ganang
maglaro. Kaya nahabol kami at natambakan pa sa 2nd half.

Mabuti na lang at magagaling ang mga kasamahan ko kasi bumawi sila at pinagpahinga
ako ni coach. Alam niyang wala akong ganang maglaro. Pero nung last 5 minutes na
pinapasok ako ulit pero wala pa ding improvement ang laro ko.

Paano wala ang inspirasyon ko.


At ngayon, nasa mga kamay ko ang bola. Instruction ni coah na ako ang mashoshoot
pero talagang hindi ko kaya. naghanap ako ng mapapahan.

Ipapasa ko na sana ang bola when I heard it.

"i LOVE YOU SO MUCH SAMUEL HEINDRICK PO.  BABALIIN KO ANG DRUMSTICK KO PAG HINDI
KAYO NANALO!"

Napakatinis ng boses niya. Nangingibabaw sa buong gym. At halos tumigil din ang
lahat sa paghiyaw dahil sa sigaw niya. Napalingon ako  at pati ang nagbabantay sa
akin napalingon din.

Nakita ko siyang nakatayo sa tabi ni coach na parang hinihingal pa hawak niya ang
kanyang drumstick.

She winked at me at ngumiti ako. Tapos yung dalawang nagbabantay sa akin parang
napatulala sa kanya.

Then ishinoot ko ang bola a feet from 3 pt line.

Tapos nagbell signalling the end of the game.

We lost.
Joke.

Siempre we won.

Ayokong baliin niya ang drumstick niya. Mahal kaya ang bili ko dun.  Napatingin ako
sa kanya pagkatapos kong ishoot ang bola. Nagtatalon siya sa tabi ng bleachers.
Napapangiti na lang ako. Naghiyawan ang mga ka school namin.

Pupuntahan ko na sana siya nung bigla siyang nawala sa paningin ko.


"SAM! SAM! HEEEEELLLLLLP!" Takte, instead na ako ang batiin, pumunta lahat ang mga
teammates ko kay Charm at akmang bubuhatin at yayakapin siya.

Nagmadali ako lumapit at pinag-aalis ang mga kasamahan ko sa tabi niya.

"Wag na wag niyong hahawakan kahit dulo ng buhok niyan! Malilintikan kayo sa akin."
Naglayuan naman ang iba kong teammates sa kanya.

Lumapit ako sa kanya. Nakangiti siya. "Sorry late na late na late ako! Ano kasi..."
Hindi ko na siya pinatapos.
"No Babe, you're just in time." Tapos niyakap ko na siya. She hugged me too kahit
pawis na pawis ako. Ito pa ang isa sa mga pinakagusto ko sa kanya. She doesn't care
kahit pawisan pa ako.

"Ayun! group hug na!!"

"Group hug!" Sabay sabay na sabi ng mga kateammates ko.

"Sabi nang wag na wag niyong hahawakan si Charm eh!" Napatigil lahat sila sa
paggroup hug. Tumawa lang si Charm. Possessive na kung possessive pero ayaw ko lang
ng ganun.

"Damot naman nito!" Reklamo pa nila. Pero maya maya pa, binuhat na nila ako. Ang
aadik lang.
Nagshower na kami at nagbihis tapos pumunta sa victory party. Pero hindi din kami
nagtagal ni Charm sa party kasi may urfew siya. Dapat kasi pag school days 9PM nasa
bahay na siya. Kaya hinatid ko na siya.

Umupo kami sa may terrace nila. 9:30PM na. Wala pa akong planong umuwi. Ganito kami
palagi pag weekdays, after school sa bahay nila ako dumidiretso. Gumagawa kami ng
assignment. Tamad kasi yan gumawa ng assignment. Dinadala ang lahat ng subjects
niya sa Charm. Tsk. Tsk.  Kaya tuwang tuwa ang parents niya kasi tumataas ang
grades niya at tuwang tuwa ang teacher namin kasi hindi na siya nalelate. Sinusundo
ko kais araw araw kaya napipilitan na gumising ng maaga.

Pasaway kasi.

Kaya botong boto sa akin ang mgamagulang niya eh. Good Influence daw ako kay Charm.
Pero si Mommy naman, sabi sa akin, magdala na daw ako ng ulam at kanin pag gabi sa
bahay nila CHarm para hindi nakakhiyang doon na ako nagdidinner palagi. Joker
talaga yang si Mommy.
AT oo, legal kami. Ikaw ba naman ipakilala agad agad sa parents niya pagkasagot sa
akin. Nung hinatid ko kasi siya sa kanila at pagkapasok namin sa bahay nila, bigla
ba naman na inanounce ng pagkalakas lakas na kasama niya ang boyfriend niya.
Nagsilabasan tuloy lahat pati mga katulong. Adik talaga.

Kaya siempre gumanti ako. Pinakilala ko din siya kinabukasan sa parents ko. Kaya
kahit gabihin ako sa kanila okay lang. Wga lang lumapmpas ng 11PM kasi pagagalitan
na ako sa amin.

"Alam mo ba na ang galing galing mo kanina? Hidni ko akalain na masoshoot mo yun!


Wow talaga!" Nanlalaki ang mga singkit niyang mata habang nagsaslaita siya.

Ngumiti lang ako. Hindi lang niya alam. Kugn hindi alng nadistract ng tili niya ang
nagbabantay sa akin, hidni ko yun masoshoot. Heheh. Joke lang. Siempre dahil sa
kanay kaya nashoot ko yun. Pero siempre din hindi ko sasabihin sa kanya. Lalaki pa
ulo niyan. Hehehe.
"Siempre, ayaw ko atang baliin mo ang drumstick. Mahal kaya ang bili ko nun!"
Hehehe. She pouted.

"Ganun? Akala ko pa naman nainspire ka kasi dumating ako!" Tumawa ako ng mahina.
Ang cute cute niya talaga. Hays....

Hinawakan ko ang mga kamay niya.

"Pero bakit ang sabi nila coach kanina wala ka daw ganang maglaro kanina nung wala
ako?"

"Ahmmmm... kasi... hidni pa ako natthreaten." Pinipigilan ko ulti mapangiti.


Natutuwa talaga akogn tuksuhin siya.
"Ganun! So nagkcare ka talaga sa drumstick!" Mukhang napipikon na siya at naaaliw
na ako.

"Siempre nagkcare ako sa drumstick." Dismayadong dismayado ang mukha niya. ALam ko
naman na todo effort siya papuntang gym. Ang layo kasi ng pinapgpractisan nila sa
gym at matraffic pa. "Pero ikaw ang mahal ko." Bigla siyang namula sa sinabi ko.
Her every expression is priceless. Kaya gustong gusto kong tuksuhin siya at
pakiligin kasi her expressions makes me happy. Pak! ANg corny!

Tapos nakita ko siyang ngumiti. Ang ganda niya. Ang ganda ganda talaga niya. Hidni
ako magsasawang titigan siya lalo na kugn ngumingiti siyang ganyan. 

"Babe, Congratulations and Happy 5th Monthsarry." She leaned and kissed my cheek.
Feeling ko namula ako sa ginawa niya. Minsan lang kasi siya mag initiate na halikan
ako. Tapos binigay niya sa akin ang regalo ko. Hindi ko na sasabihin kung ano.
Walang maisip ang author eh.
"Monthsarry ba natin ngayon?"

"Nakalimutan mo?" Nakita ko siyang nadismaya.

"Sorry. Kasi busy kami sa practice dahil sa championship tasaka ang daming
activities sa school." Nakita ko siyang yumuko tapos ngumiti ng tipid. Alam kong
dismayado siya. KAsi every month ako palagi ang bumabati sa kanya pero ngayon
nakalimutan ko.

"Okay lang. Alam ko naman na busy ka." Alam kong malungkot siya kahit sinasabi niya
yun. At napansin kong hindi na bumalik ang mood niya. Hanggang sa magpaalam akong
umuwi malungkot pa din siya. Hanggang sa ihatid niya ako sa labas ng gate nila.
"SIge! Ingat ka po!  Bye." Papasok na sana siya nung pinigilan ko siya. Medyo
nagtaka pa siya.

"Bakit?" May kinuha ako sa bulsa ko and hinawakan ko ang kamay niya.

"Happy 5th monthsarry babe." 

"Ano to?" Itinaas niya ang kamay niyang hawak ko tapos kinapa ang bagay between our
hands. Tapos bigla na lang tumulo ang luha niya when she saw the ring. She just
stared at it at hindi siya nagsasalita habang sinusuot ko sa kanya.
"Alam mo bang ang adik mo?" Niyakap niya ako habang humihikbi. Tumawa ako ng
mahina.

"Ang hilig mong mantrip. Akala ko nakalimutan mo. Nakakainis ka." Lalong akong
natawa sa reakction. 

"Hinding hindi ko makakalimutan anga raw na yun Charm. It will forever be tattoed
on my mind. I wouldn't that day. AT hinding hindi ko makakalimutan na mahal na
mahal kita."

Hindi pa tumibok ang puso ko ng ganito kabilis. Siya lang ang may kakayahang gawin
to sa akin. Tinitigan ko siya and brush away her tears with my fingers.

Then I lowered my head and kissed her sweet lips.


Tangna lang Charm! Ginagawa mo akong corny.

=================

13. Ran Online

This story is also dedicated to my favorite online game ever. Ran Online PH.

13. 

"Ba't di mo sinabi sa akin na doon tayo kakain sa inyo?" Nakapout siya habang
nagsasalita. nangingiti na lang ako. ANg cute lang kasi.

"Surprise nga! At tsaka napagpaalam na kita kina Tita. Si Mommy kasi nag invite
kasi nakakahiya na daw at araw araw na lang akong kumakain sa inyo. Kaya babawi daw
siya." Namula siya sa sinabi ko.

Pagdating namin sa bahay, agad naman inagaw ni mommy sa akin. Botong boto kasi yang
si mommy kay Charm. SIya lang kasi ang pinakilala ko sa kanila at dahil sabik si
Mommy sa anak na babae, kaya ayan spoiled si Charm sa kanya.

"Ano ang gusto mong meryenda anak?" Napalingon ako nung nagsalita si Mom. 

"Kahit anong meron Mom." Sagot ko naman.  Pero tiningnan lang ako ni Mom.

"Heinz, si Charm ang tinatanong ko." Napangisi naman si Charm. Talaga naman. Ako
ang anak di ba? tsk! tsk! Ginagamit na naman niya ang Charm niya kay Mommy. Kinamot
ko na lang ang ulo ko. Napahiya kasi ako eh. Langya lang! Hihihi.

"Magbibihis lang po ako saglit." Umakyat na ako ng kwarto at nagbihis. Pero bago
yun binuksan ko muna ang pc at nag online sa favorite online game ko. hehehe.

Maya maya pa naaliw na ako. Hindi ko namalayan na medyo napatagal na ako sa kwarto.
Narinig ko na lang na amy kumatok. Tumayo muna ako saglit, at binuksan ang pinto.

"Ang tagal mo naman bumaba. Naubos ko na ang meryenda." Pinapasok ko siya sa kwarto
ko. Hindi namna ito ang first time na pumasok siya sa room ko. Tuwing pumupunta
siya dito, palagi siya tumatambay dito. 

"Pasensiya na Babe, may ginawa lang kasi ako." Naglakad siya palapit  sa pc.
"Oi naglalaro ka pala nito?" Umupo siya sa harap ng pc ko. Bigla akong kinabahan.
Syet!!!

"O-oo. Uhmmmm, babe, bumaba na kaya tayo. "

"Saglit lang naman. Palaro ha! titingnan ko kung marunong pa ako. Matagal na din
akong di nakapaglaro ng Ran Online." tapos hinawakan na niya ang character ko. Nasa
likod na niya ako. Hoping and praying na sana walang siyang mabasa na hindi niya
dapat mabasa. Pero minamalas nga ata ako. Kasi biglang may nag PM sa character ko.

'Lady_Ash: Babe, hindi ka na nagreply. T_T' Paksyet! Nakita kong napatigil sa


paghawak si Charm ng mouse. Then the scroll hovered over the Whisper Chat. Kinlick
niya yun at dun makikita ang usapan namin ni Lady_Ash.
Nakita ko kung paano umiba ang expression ni Charm. Nung una nakangiti pa siya,
tapos unti unting nawala ang ngiti niya hanggang sa tuluyan na naging seryoso ang
mukha niya. Tapos binasa niya lahat ng conversation.

Patay talaga ako nito.

"Charm...Babe..." Guilty ba? Halatang halata ba?

Hindi niya ako pinansin. Tuloy tuloy lang siya sa pagbabasa. 

Kinakabahan ako. Tanang buhay ko ngayon lang ako kinabahan. Lalo na at ganyan ang
aura ni Charm. Shit lang! Bakit kasi hindi ako naglog out agad! Takte!
Tapos pinalaki niya ang whisper chat, pinrintscreen and she printed the
conversation. Tinitingnan ko lang ang ginagawa niya. Suppossedly, magsisigaw na
siya ngayon pero hindi. Sa totoo lang wala pa kamign away na malala. Mga tampo
tampo lang.

Ang pagkakaalam ko rin she is always cool at mas lalong akogn kinabahan kasi
instead na magwala na siya ngayon, she remained cool. Nakakaunnerve ang reaksiyon
niya.

Nagulat na lang ako ng ibinigay niya sa akin ang papel. Ni hindi siya ngumingiti.
Nanginginig ang kamay kong kinuha ko ang papel at binasa ko ang conversation kahit
alam ko na kung ano yun. Sa loob loob ko, sana hindi nasama lahat. 

'Lady_ASh": Hi Babe! Ang aga mo ata nag online.

'Heinz: Oo nga babe, Namiss kita eh.^_______^.' Takte.

'Lady_Ash: I love you Babe.'

'Heinz: I love you too babe.' Fuck!


'Lady Ash: Sana magkita na tayo.'

'Lady_ASh: Babe, Hindi ka na nagreply. T_T' Hindi ko na tinuloy ang pagbabasa.


Actually mahaba yung conversation, binasa ko na lang ang mga ayaw ko sanag mabasa
ni Charm pero mukhang nabasa nga niya.

Tumingin ako sa kanya. Madilim ang tingin niya sa akin. Hindi maipagkakamaling
galit siya kasi namumula ang mukha niya sa pagpipigil ng emosyon. Pero bakit di pa
rin siya nagwawala?

"Babe.....Charm...." Tiningnan lang niya ako ng blangko. Tapos nagulat ako sa


sinabi niya.

"Makipagkita ka sa kanya." Nanlaki ang mga mata ko.


"Babe, hindi naman ako seryoso sa kanya. Laro lang naman yan eh!" Defensive ba?
Eh.. Takte kinakabahan talaga ko. huling huli ako.

"Promise hindi na ako maglalaro ng Ran, idedelete ko na yang character ko. Hindi ko
na kakausapin si Ash." Blangko pa din ang mukha niya.

"Makipagkita ka sa kanya. Sabihan mo siya magmemet kayo." Walang kaemoemosyong


sinabi niya.

"Babe, naman. Sorry na!" Nag attempt akong hawakan ang kamay niya pero nilayo niya
lang sa akin. hala. Galit na galit nga talaga siya.

"Makipagkita ka sa kanya o makikipaghiwalay ako sayo ngayon din." Medyo lumakas na


ang boses niya. May namumuo na ding luha sa mga mata niya. Paksyet! Nasaktan ko
siya. Ang gago ko lang. Bakit kasi... ahhhhhh... Bakit kasi pumatol pa ako....
Ahhhhhhh!

"Babe, I'm sorry wag ganyan. Hidni ako seryoso kay Ash. Alam mo naman na iakw ang
mahal ko." Nagpapanic na ako. Iniisip ko pa lang na hiwlaay na kami, parang
mamamatay na ako.

"Makipagkita ka sa kanya at sasama ako bukas, Heinz." Patay Heinz na ang tawag niya
sa akin. tapos tumalikod na siya palabas ng kwarto ko. 

"Charm, Babe! Saglit!" Pero hindi niya ako nilingon. Dirediretso alng siyang
lumabas ng kwarto ko.

=================

14. Bestfriend
14.

Hinabol ko siya bago siya makalabas ng bahay. Nagtaka pa nga sina Mommy bakit bigla
na lang nagpaalam na aalis na si Charm. Hindi na din ako nakapag explain kasi
pagkatapos niyang magpaalam, dirediretso na siyang lumabas. May plano pa ata siyang
maglakad. Eh ang layo layo ng gate ng subdivision namin sa sakayan.

Mabuti na lang inabutan ko siya at mabuti na alng din at sumakay siya sa sasakyan
nung sinabihan kong ihahatid ko siya. Hala! Paano na to ngayon?

"Babe..." Tawag ko sa kanya pero ni hindi siya lumingon sa akin.

Takte! galit na galit na galit na galit talaga siya. Nakakuyom ang kamao niya.
Parang pinipigilan lang niyang suntukin ako. Ano na ngayon ang gagawin ko?
Ilang beses din akong nag attempt na kausapin siya pero hindi siya nagsasalita.
Hindi din siya tumitingin sa akin hanggang sa makarating kami sa bahay nila. Nung
tinigil ko na ang sasakyan, agad agad siyang lumabas. Tinawag ko pa siya pero hindi
man lang siya lumingon.

Patay na talaga! I really messed up this time.

_____

Kahit nung sunod na araw sa school, di niya ako pinapansin. Ni tingin hindi niya
magawa sa akin. Nagpapanic na ako. Nagtatanong na din mga kaibigan namin. Paano ba
naman, buong araw siyang tahimik. Ni isang ngiti, hindi niya magawa.  Hindi siya
ang dating si Charm na palangiti at jolly.
At takte! Nahihirapan na ako sa inaakto niya. Pati yung binili kong lunch sa kanya
hindi niya pinansin. Parang mamamatay na ako sa pinaghalong kaba, lungkot,
pagsisisi at kung ano ano pa. Ang hirap ng ganitong pakiramdam. Feeling ko
binibitay ako ng paunti unti.

Pero sino ba ang sisisihin ko? Ako naman ang may kasalanan kung bakit nangyayari
ang mga to. Langya yan!

Kaya nung uwian, bago pa siya makaalis, inunahan ko na siya. Hinawakan ko na lang
ang braso niya at hinatak siya. Nagpumiglas pa siya pero hindi ko siya binitiwan.

"Makikipagkita tayo kay Ash." Doon lang siya tumigil sa paghatak ng kamay niya.
Hinatak ko na lang siya papunta sa kotse ko.

OO alam kong nakakahiya ang gagawin ko. At hindi ko alam ang kahihinatnan ng
pagkikita namin ni Ash kasama pa si Charm pero ano ang magagawa ko? Ayaw kong
makipaghiwalay si Charm sa akin.
Mas mahirap ang ganun.

Pagdating namin sa mall, tinext ko kaagad si Ash kung nasaan na siya. Sinabi naman
niya. Mabuti na lang talaga at kahit short notice eh willing siyang makipagkita sa
akin.

Ang problema lang, ano ang sasabihin ko kay Ash? Ipapakilala ko ba si Charm na gf
ko? Sasabihin ko ba kay Ash na kaya ako nakipagkita sa kanya kasi nahuli ako ng gf
ko at gusto niya na makipagkita ako sa kanya?

Takteng buhay to oh!

Nakarating na kami kung saan si Ash. Nilapitan ko na siya. Nakita ko na kasi siya
sa facebook kaya kilala ko na siya.

"Ash!" Lumingon siya sa akin.Ang sexy pala niya.

"Heinz!" Lumapit siya sa akin. Tapos naramdaman kong inaalis ni Charm ang kamay
niyang hawak ko. Parang ayaw ko pang bitiwan pero huli na.

"Ahmmm Ash...si Charm..." Syet! Ano ang sasabihin ko? Girlfriend ko? Paksyet! Ang
awkward talaga. Gusto ko na alng tumakbo.

Sa lahat ayaw ko nang ganito. Kaya nga hindi magkakilala ang mga gf ko dati eh.
Hindi ko akalain na darating sa point na mangyayari ang ganito.
"Bestfriend niya." Napatingin ako sa nagsalita. Si Charm. Simula kagabi ngayon ko
lang ulit narinig ang boses niya. Takte! Nakakamiss.

Pero ano daw????

Bestfriend?

Bestfriend ko siya?

Kelan pa...
Langya! Bakit niya sinabi yun? Ano ang gusto niyang mangyari? Abot lalamunan na ang
kaba ko. Feeling ko pinagpapawisan na ako ng malapot. letse naman!

Nakita ko silang nagshake hands at nagkwentuhan na. Tahimik lang ako. Ano ang
sasabihin ko? Putakte lang!

"Nagugutom na ako." napatingin ako bigla ka Charm. Nakatingin siya kay Ash at
nakangiti pa. AKo naman nataranta.

"Ano ang gusto mong kainin?" Tumayo pa ako niyan at tinanong siya,. Napatingin
naman sa akin bigla yung dalawa.

"OA ka best! Atat much?" Napatawa na lang din si Ash. Pero masakit yun ha! Best?
Bestfriend? Ganun na lang kami ngayon? Langya. Kasalanan ko din kasi eh.

"Ash okay lang sayo kung dito na lang tayo kakain sa foodcourt?" Tanogn naman ni
Charm kay Ash.

"Oo naman! Hindi naman ako maselan sa food." Sabi naman ni Ash sabay ngiti at
tingin sa akin. Nginitian ko din siya siempre. Langya.

"Sige Best, ask mo si Ash kung ano ang gusto niya pero sa akin ito ang gusto ko."
Tapos kumuha siya ng notebook at nagsulat. Pagkatapos niyang magsulat binigay niya
sa akin ang papel.

2 coke in can

2 nova (big)

2Pic-a (big)

1 can ng stick o
Nips (yung tig pipiso)

ausodaow

ahjkdsaow

jsdkrhe

ahsdhakshda

ajodiowoi (tamad ang author mag isip)

Ganyan kadami ang sinulat niya. Napatingin lang ako sa kanya.

"Gutom ka pero junk foods lahat kakainin mo?"

"EH ano sayo?" Tinaasan pa niya ako ng kilay. Hindi ko na lang pinansin pagtataray
niya. May kasalanan ako eh.

"Ikaw Ash" Tumingin an ako kay Ash. Mukha kasi siyang chaperon sa date namin.
Langya naman. Tuwing naalala ko na andito si Ash kinakabahan ako bigla.
"Cheetos na lang at coke." Psssshh. Gaya gaya.

Umalis na ako at pumasok sa Department store.

Tsaka ko napansin.

Iiwan ko silang dalawa.

AT napatingin ako sa listahan ni Charm.


Ang dami.

Kaya ba ganito kadami ang pinabili niya?

Dahil gusto niyang makapag usap sila ng matagal ni Ash?

Ano naman ang pag uusapan nila?


=================

15. Lason

15. Lason

Binilisan ko ang pagbili ko ng mga pinabili nina Charm. Aaminin ko man o hindi pero
kinakabahan ako kung ano man ang pag uusapan nila. Kinakabahan ako sa magiging
reaksiyon ni Charm. Kinakabahan ako sa gagawin niya. Natatakot ako sa kahihinatnan
ng lahat na to.

At wala akong ibang masisisi kundi ang sarili ko.

Pagkatapos kong bilhin ang mga pinabili nila agad akong pumunta sa cashier para
magbayad pero ang haba ng pila.
Ganito pala ang feeling ng nagmamadali pero wala kang magawa kundi maghintay.
Habang tumatagal lalong lumalakas ang kaba ko. Paksyet! Ano ba ang ginawa ko sa
buhay ko?

Nagpasalamat ako nung nakapagbayad na ako. Muntik ko pa ngang maiwan ang sukli.
Langya talaga. Dali dali akong pumunta sa table kung saan ko sila iniwan pero
nagulat ako nung nag iisa na lang si Ash.

"Saan si Charm Ash?" Agad kong tanong sa kanya.

"Heinz, andito ka na pala. Umalis na siya eh. Pero nagsabi siya na sa atin na lang
daw ang mga pinabili niya. Medyo nagmamadali nga eh. May katext kasi kanina." Lalo
akong kinabahan sa sinabi ni Ash. Umalis si Charm na hindi nagpapaalam sa akin.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Hahabulin ko ba si Charm? Pero paano si Ash?
Nakakhiya na iiwan ko siya ng hindi nagpapaalam. Tae talaga! Ang gago ko lang kasi.
"Ang bait ni Charm Heinz  noh?  Actually tinanong niya kung gaano katagal na tayong
nagkakilala, kung gaano katagal na tayong mag bf." Sabi pa ni Ash habang nagbubukas
ng pagkain niya.

"Anong sinabi mo?" Paksyet lang! Paksyet! Paksyet! paksyet!

"Ayun sinabi kong nagkakilalla tayo sa Ran tapos 2 months na tayo!" 2 months/ 2
months na ba kami? Pagkakatanda ko kasi palagi kaming nagchachat tapos one time
nagsabi siyang, 'Love na talaga kita Heinz' kaya sinabi ko ring 'love na din kita.'
Simula nun parang kami na. Ugh!

"Ash, pasensiya ka na pero kailangan ko nang umalis." Nagulat siya sa sinabi ko.Ako
naman napatayo na. Hindi ko na kayang patagalin to. Kailangan kong sundan si Charm.
Kailangang mag kausap kami. Kailangang magkabati kami.
"Ha? Bakit?"

"Basta! Ipapaliwanang ko sayo bukas." Hindi na ako naghintay sa sagot niya. Umalis
na ako. bastos na kung bastos, pero iisipin ko pa ba yun kung nanganganib na ang
relasyon namin ni Charm?

Paglabas ko sa mall, dumiretso ako agad sa bahay nila pero sabi ni tita hindi pa
raw umuuwi si Charm. Nagpaalam daw kasi na may gig sila ngayon. So hindi niya
sinabi na magkasama kami kanina.

Nagpunta din ako sa resto kung saan sila kumakanta pero wala sila.

Charm nasaan ka na?


Hindi din kasi niya nirereplayan ang mga text ko at hindi niya sinasagot ang mga
tawag ko. Hindi din alam ng mga kabandmates niya kung nasaan siya.

Parang masisiraan na ako ng ulo kakahanap sa kanya. Hindi mawala wala ang kaba sa
dibdib ko. To think na 9Pm na. Saan na kaya nagpunta yun? Bumalik na alng ako ulit
sa subdivision nila. Mabuti na alng at kilala na ako ng guard nila.

Hindi na ako pumunta sa bahay nila. Malalaman ko naman kung dumating na siya kasi
bukas ang ilaw ng kwarto niya. Pero 30 minutes na akong nakaupo dito sa bench sa
may park sa harap ng bahay nila, wala pa rin siya.Ayaw ko na din itanong kina Tita
kasi baka mag alala sila.

Kung ano ano na ang naiisip ko. Na kung baka may nangyaring masama sa kanya pero
iniiwasan ko ang mag isip ng mga ganung bagay.
Naglakad lakad ako sa may park para mabawasan ng kunti ang kaba ko hanggang sa
makarating ako sa may playground tapos may nakita akogn dalawang tao. Yung babae
nakaupo sa may bench habang ang lalaki papalapit sa kanya. Medyo madilim kasi sa
bandang yun kaya di ko nakita ang mukha nila. Lumapit ako kasi parang kahawig ni
Charm ang babae. kasing haba ng buhok at yung damit parang katulad ng damit niya
kanina.

"Ano yan?" May ibinigay ang lalaki sa babae pero mas nagulat ako sa boses ng babae.
Kaboses ni Charm.

"Lason" Sabi nung lalaki.

"Lason?" kaboses niya talaga. 

"Oo. Di ba gusto mo mawala ang sakit? pag ininom mo to mawawala ang sakit."
Papatayin niya ang babaeng kaboses ni Charm.
"Ang adik mo Lucky! Sa tingin mo magpapakamatay ako dahil sa bigo ako?" Tapso
hinampas niya ang lalaki.

"Aray naman! Sadista ka Charm. Ang adik mo din. Sa tingin mo lason talaga ang
ibibigay ko sayo. Energy drink yan. Palibhasa tubig lang ang alam mong inumin.
Aray!" Hinampas ulit niya ang lalaki at kinuha niya ang binibigay ng lalaki.

Si Charm nga! Bakit siya andito? Anong ginagawa niya dito? At sino ang lalaking
yan? Takte! Ang layo ng pinaghanapan ko sa kanya nasa tapat lang pala siya ng bahay
nila.

"Ang sakit lang kasi Lucky. Akala ko kasi nagbago na siya. Pero ganun pa din pala
siya. Tapos 2 months na sila. 2 months na niya akong niloloko." tapos humikbi ulit
siya. Umupo ang lalaki sa tabi niya at inakbayan siya.
Shit! Bakit niya inaakbayan si Charm? Langya! Mapaptay ko siya.

"Alam mo Charm, mabait ka naman eh. Mabait ka rin. At napakabait mo talaga! Aray!"
Binatukan ulti niya ang lalaki. Pero hindi ko alam kung bakit sumasakit ang dibdib
ko kahit na binatukan niya ang lalaki. Hindi naman ako ang binatukan niya.

"Umayos ka!" Bossy talaga siya kahit kanino.

"Oo na po. Kakatakot ka pala pag brokenhearted. Oh! tama na!" Sabi nung lalaki nung
akmang babatukan ulit siya.
"Seriously Charm, madami namang lalaki dyan." Aba!Uupakan ko na to.

"At maganda ka naman!" Bolero!

"Madaming magmamahal sayo. At hindi mo kasalanan na nagmahal ka ng isang gago."


langya!

"Sa ginawa niya, hidni ikaw ang nawalan, kundi siya. At sa totoo lang madami ang
naghihintay na mapansin mo. Tumingin tingin ka alng sa paligid mo. Yung mga
lalakign hindi ka sasaktan. Yung mga lalaking hindi ka paiiyakin. Yung mga lalaking
ayaw kang makitang umiiyak." Umuusok na ang ilong ko sa mga naririnig ko.

"Katulad ko!" Walang hiya talaga. Hinding hindi ako papayag na mapunta sayo si
Charm. Putang Ina!
Sa tingin ko nagulat din si Charm sa sinabi nung Lucky kasi mula sa pagkakayuko,
napatingin siya sa lalaki.

"Lucky!"

"Ayaw kong makita kang umiiyak Charm. Kasi sa totoo lang,...

ANG PANGET MO PALA TALAGA PAG UMIYAK! HAHAHAHAHA" tapos tumayo si Lucky at
nagtatakbo palayo kay Charm. Dumaan sa akin yung lalaki at napansin niya ako pero
hindi siya tumigil. 

tapos nakita kong tumayo din si Charm at hahabulin ang guy pero nung nasa malapit
ko na siya, tinawag ko siya.

"Charm!"  Napatigil siya sa sa harap ko at napatingin sa akin. Alam kong nagulat


siya pero saglit lang dahil agad niyang binawi ang tingin niya sa akin at
nagpatuloy sa paghabol sa lalaki.

ANg sakit lang.

Ang sakit lang makita na ang babaeng mahal mo, ibang lalaki ang hinahabol.

At ang masaklap pa, parang pinagdugtong ang pangalan nila. Lucky Charm.
A/N: Feelign ko hindi ko na kayang mag update after kong maipost ang upate sa
Tamadao Sia kasi nahihilo ako. Pero, kasi... ewan.. kaya kahit nahihilo ako na
feeling ko lumilindol, nagtype ako. kaya pasensiya na kung ang panget ng chapter at
wala masyadong description. Nahihilo kasi talaga ako.

=================

16. Chance

16. Chance

Isang linggo. Isang linggo na niya akong hindi kinakausap. At parang mababaliw na
ako.  Ang masahol pa, nagpalipat siya ng upuan.  Ang rason niya malabo na daw ang
mata niya kaya nagpalipat siya sa harap.

Pero alam ko naman na iniiwasan niya ako kaya niya nagawa yun.  Nung kinaumagahan
after namin magkita nina Ash, pinuntahan ko agad siya sa bahay nila pero sabi sa
akin nina Mommy niya, umalis daw siya at pumunta sa mga pinsan niya. Akala nga daw
nila kasama ako.
Dumaan ang sabado at linggo na hindi ko siya nakausap. Hanggang sa mag lunes.
Sinundo ko siya sa bahay nila gaya ng nakagawian ko pero pagdating ko doon sabi ng
Mom niya tulog pa siya at mauna na lang daw ako. Doon pa lang alam ko nang
iniiwasan niya ako. Pero hinintay ko pa din siya sa may kanto nila pero hindi ko
siya nakitang dumaan hanggang sa malapit na akong ma late. Laking gulat ko na lang
nung makita ko siyang mas nauna pa sa akin sa school.  Baka sa kabilang way siya
dumaan kanina.

At gagawin niya talaga ang lahat para maiwasan lang ako.

And true enough, todo iwas siya sa akin sa school. Pero hindi ako pinanghihinaan ng
loob. Kung determinado siyang iwasan ako, mas determinado akong makapag usap kami
at mapatawad niya ako.
Pero hindi ganun pala kadali yun.  Kasi hindi man lang niya tinatago ang pag iwas
niya. Tuwing lumalapit ako sa kanya, umaalis siya bago ako makalapit.  Kung hindi
man siya makaiwas, iniignore niya ako.

Ganun ko ba siya nasaktan at kaya niya akong baliwalain ng ganito?

Hinayaan ko siya ng dalawang araw. Hinayaan ko siyang mag isip. Pero sa mga araw na
yun, pigil na pigil ko ang sarili kong lapitan siya. Naisip ko kasi na kailangan
niya ng time.  Na baka pag hinayaan ko siya, medyo mabawasan ang galit niya sa
akin. Pero hindi nangyari yun. Dahil habang tumatagal, nararamdaman ko ang paglayo
niya sa akin.

At inaamin ko, nasasaktan ako. Masakit isipin na kaya niya pala akong tiisin.
Takte, ang bading lang pero naiiyak ako.
At dumaitng nga sa point na nagpalipat siya ng upuan. Mas nasaktan ako. Thursday
niya  ginawa yun. At nung araw din na yun alam na ng buong klase ang magkagalit
kaming dalawa. Ang daming nagtanong pero wala kami sa mood na sagutin ang lahat ng
yun.

Absent siya nung Friday at wala ang buong pamilya nila buong weekend.  Ngayon Lunes
na naman at hindi ko na matiis pa ang nangyayari sa aming dalawa. 

Sinundo ko ulit siya sa bahay nila pero nakaalis na daw siya sabi ng Mommy niya.
Alam ko na alam na nila ang nangyayari sa amin ni Charm pero walang nakikialam sa
kanila.
Agad akong pumunta  sa school.  Kailangan na mag usap na kami. Hindi puwedeng
ganito na lang kami. Mababaliw na ako pag tumagal pa to.

Nakarating ako sa school and I immediately looked for her. Nakita ko siyang kasama
ang mga kaibigan niya. Nilapitan ko sila and nung makita nilang papalapit ako, unti
unting umalis ang mga kaibigan niya.  Naiwan siya, pero nung nasa harap na niya
ako, tumayo siya at aalis na sana nung hinawakan ko ang braso niya.

“Let’s talk please Charm.”  Yumuko lang siya. Hindi niya ako matingnan sa mata. And
at this point, gustong gusto ko na siyang yakapin.  Alam kong nasakatan ko siya at
pinagsisihan ko na yun. Sana lang mapatawad niya ako sa nagawa ko.
“Please...” I almost plead.  Nakita ko siyang tumango at agad kong hinawakan ang
kamay niya but she gently pulled away from me.  Nasaktan ako sa ginawa niya. Alam
niyo yung feeling na na reject ka? Ang sakit lang pero takte! Wala akong karapatang
magreklamo na nasaktana ko sa ginawa niya dahil mas masakit ang ginawa ko sa kanya.

Nauna na siyang naglakad at sumunod ako sa kanya. Ang lapit namin pero ramdam ko na
parang may wall sa gitna namin. Nakarating kami sa may school garden at naupo siya
sa may bench. Tumabi ako sa kanya.

Walang nagsasalita sa amin. Nakayuko lang siya and she’s playing with her fingers.
“I am so sorry.” Mahina ngunit puno ng sincerity na sabi ko.  Nakita kong humigpit
ang hawak niya sa kamay niya at gustong gusto kong kunin ang mga kamay na yun. I
wanted to comfort her. Kung sa paraan na yun mababawasan ang sakit na binigay ko sa
kanya.

Then I saw it.

May tumulong luha sa mga kamay niya. She’s crying silently. Biglang sumikip ang
dibdib ko. Gusto ko nang murahin ang sarili ko.  Pero buong linggo ko nang ginagawa
ko.
“Alam kong malaki ang kasalanan ko sayo and nasaktan kita. I am so sorry. Sana
mapatawad mo ako at bigyan mo pa ako ng isa pang chance.” 

“Sam...masakit.” Tapos narinig ko na ang hikbi niya. Nag iinit ang sulok ng mga
mata ko. Paksyet!  Ang sakit marinig mula sa kanya na nasasaktan siya. Mas doble
ang impact.

“Ang sakit sakit...” Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Niyakap ko na siya.
Lalong lumakas ang iyak niya.
“I’m so sorry.” Paulit ulit kong sabi habang umiiyak siya sa mga balikat ko. Habang
tumatagal ang iyak niya lalong bumibigat ang dibdib ko.

“I love you Baby, Im so sorry.”  Unti unti humina ang iyak niya pero yakap ko pa
din siya.

“Charm, I’m sorry, hindi na mauulit. Promise. patawarin mo na ako.” Unti unti siya
umalis sa yakap ko. I was reluctant to let her go pero wala akong magagawa.
“Madali lang naman magpatawad Sam lalo na at mahal kita.” Natuwa ako sa sinabi
niya.    Tiningnan ko siya pero wala akong nakikitang ngiti sa mga labi niya.

“Madali lang magpatawad pero mahirap magtiwala.” Napatingin ako bigla sa kanya. Ang
seryoso pa din ng mukha niya. At ang lakas ng tibok ng puso ko. Parang anytime may
sasabihin siyang hindi magandang balita.

“I could give you, kahit ilang chance pa ang gusto mo. Ang lakas mo lang sa akin.
Pero , kung ibibigay ko ba yun, makakaasa ba ako na hindi mo na ulit gagawin yun?”
Hindi ko alam kung tanong niya ba yun sa akin kasi hindi siya sa akin nakatingin.
Pero sinagot ko pa din.

“Hinding hindi na mangyayari ulit yun...”


“Madali lang sabihin yun Sam. Anyone could say that. But I am asking myself. Sa
buong linggo, inisip ko ang mag bagay na to. Kaya pa kaya kitang pagkatiwalaan ng
buo?” Kinakabahan ako sa kahihinatnan ng pag uusap na to.

“Kung bibigyan ba kita ng chance, makakaya ko pa kayang paniwalaan ang mga sinasabi
mo or every word that you said would cast doubts in my heart? Ilang beses kong
tinanong yan sa sarili ko. Wala namang masama kung bibigyan kita ng chance. There’s
no question in that. But the question is, would I be able to trust your every words
and actions?” Magtatagal kaya tayo knowing na hindi na ako nagtitiwala sayo? ”
Ngayon ko pinagsisihan kung bakit pinilit ko pa na mag usap kami.

Ngayon ko gugustuhin na sampal sampalin niya ako, suntukin niya ako, pagmumurahin
niya ako. May gusto ko pang gawin niya lahat ng yun sa akin kesa marinig ang mga
sinasabi niya ngayon at ang mag sasabihin niya.  
“Im sorry Sam, pero kahit mahal pa kita, hindi ko na maibibigay ang chance na
hinihingi mo.”  BAM!

Parang bombang sumabog.  Hindi ko alam kung napangiwi ako sa sakit na naramdaman ko
nung narinig ko yun mula sa kanya.
Hindi ako nakapagsalita. At kung baka kung magsalita man ako hikbi ang unang
lalabas sa akin.

After niyang sinabi yun. Walang nagsalita. Walang gustong magsalita.

Magkatabi lang kami.


Nakatulala ako. Nakatulala din siya.

Both of us looking nowhere.

Kahit hindi ako nakatingin sa kanya, alam kong umiiyak siya. Nararamdaman ko ang
sakit na binigay ko sa kanya. 

At ang sakit na dulot ng mga sinabi niya.


Nakipagbreak na siya sa akin. Hindi kayang tanggapin ng puso ko. Ayaw I digest ng
isip ko.

After a few minutes of just sitting there naramdaman kong dahan dahan siyang tumayo
at naglakad.

Naglakad palayo sa akin.


And on her third step, tumulo ang luha ko.

A/N; Pasensiya na kung matagal ang update ng story na to. Hindi ko kasi alam kung
pagbabatiin ko sila or paghihiwalayin. At dahil sadista ako.. Yan ang kinalabasan.

=================

17. Sino nagsabi?

17.

A few days had passed simula nung huli kaming magkausap ni Charm. Ang hirap. Ang
hirap kasi gustong gusto ko siyang lapitan. Gustong gusto ko siyang kausapin pero
siya na mismo ang umiiwas sa akin. Ginagawa niya ang lahat para lang hindi magcross
ang landas namin.

  

Hindi ko alam kung hanggang kelan kami magkakaganito. Kung hanggang kelan niya ako
iiwasan at kung hanggang kelan ko siya titingnan sa malayo.
Katulad ngayon. Tinitingnan ko siya habang palabas sila sa cafeteria kasama ang mga
kaibigan niya. kung dati ako palagi ang kasama niya sa cafeteria, ngayon, ni hindi
ako makalapit sa kanya. 

Takteng buhay to. 

"Hi Heinz" Napalingon ako sa nagsalita. Si Candice. Senator siya ng SG at third


year na siya at cheerleader. Maganda, sexy, flawless at mestiza. May lahi kasing
British.

"Oh Candice, do you need anything?" Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti din ako sa
kanya. Alangan naman na simangutan ko. Ang bading lang nun.

"Ahmmmm, are you free this friday? After class?" Nag isip ako kung may gagawin ako
pero wala.

"Oo wala naman akong gagawin or pupuntahan." Meron sana kung hidni kami nag away ni
Charm. ka date ko sana siya sa Friday.

Nakita kong natuwa siya nung marinig niya ang sinagot ko. 

"So pwede tayong magdate sa Friday?" she said enthusiastically. Nagulat ako sa
sinabi niya? Date? Kunsabagay, nung hindi pa kami ni Charm, ganito din ang
scenario. Siguro kung hindi ako nainlove kay Charm, siguro hindi na ako
magdadalawang isip na umoo. At siguro nadagdagan na naman ang C collection ko.

Pero hindi na ako ang dating Heinz at wala na akong planong bumalik sa dati.

"I am sorry Candice but I cannot go out with you this Friday." nawala ang ngiti sa
mga labi niya. I can see that I have disappointed her.

'Why?' Anong klaseng tanong yun?

"Because I am not allowed to date you or any other girl."


"Why? Do you have a new girlfriend?"

"No Candice, i don't have a new gf?" Lalong nagtaka siya sa sinabi ko.

"Then....." Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita. Dinugtungan ko na ang sinabi


ko.

"But I have a girlfriend, si Charm. That's why I can't have a date with you."
Nakikita kong parang iiyak na siya.

"But I think you and Charm... Akala ko naghiwalay na kayo?"

"Sino ang nagsabi?"Tumiim ang bagang ko.


"Alam na ng buong school na naghiwalay na kayo." Umiwas ako ng tingin kay Candice.

"Oo, nakipagbreak siya sa akin. Pero hindi ko tinanggap so technically kami pa rin.
Siguro para sa kanya hiwalay na kami pero para sa akin girlfriend ko pa rin siya.
At hangga't hindi ako pumapayag sa maghiwalay kami, mananatili siyang gf ko. At
habang gf ko siya, hindi ako pwedeng makipagdate sa iba kasi ayaw ko nang ulitin
ang panloloko ko sa kanya."

"You are pathetic Heindrick. Ayaw na nga sayo nung tao pinipilit mo pa din ang
sarili mo! Why don't you move on" Siguro sa tingin ng lahat pathetic ako. Baliw.
Trying hard. O kung ano pa. Pero wala naman kasi sila nung nag usap kami ni Charm.
Hindi nila alam ang mga nangyayari.

Hindi nila alam na nasasaktan din si Charm sa ginawa niya.

"You're wrong Candice. Hindi niya sinabi na hindi na niya ako mahal. Hindi niya
sinabi na ayaw na niya sa akin. Nakipaghiwalay siya sa akin kasi nasira ko ang
pagtitiwala niya hindi dahil sa hindi na niya ako mahal." May narinig akong
nagbubulung bulungan.

Lumingon ako sa paligid at nakita kong madami na pala ang nakikinig at nanonood sa
amin. Mga tsismosa't tsismoso talaga. Pero wala akong pakialam.
Mabuti nga't andito sila para malaman nila at maging saksi sa lahat ng sasabihin
ko.

"Hangga't hindi niya sinasabi na hindi na niya ako mahal hindi ko tatanggapin ang
pakikipaghiwalay niya. She will remain my gf at gagawin ko ang lahat para maibalik
ko ang tiwala niya sa akin. Kahit gaano pa katagal. Maghihintay ako."

Hindi ko napigilan ang luhang tumulo sa mga mata ko. Isipin na nilang bading ako.
Isipin na nilang mahina ako. Isipin na nila ang lahat na gusto nilang isipin.

Pero para sa akin, hindi masamang iyakan ang babaeng mahal mo.  

=================

18. Pinipilit

18.
“Charm!” Napatingin ako  sa sumigaw at nakita ko ang isa sa mga kaibigan ni Charm
na tumatakbo at nakita ko ding hinahabol niya si Charm.

Nung makita ko yun, agad akong tumakbo para habulin din si Charm. Hindi ko alam
kung ano ang reaksiyon niya sa mga narinig niya ang alam ko lang gusto ko siyang
makausap. Miss na miss ko na siya.

Tumatakbo siya sa may corridor palabas ng school at siguro hindi niya masyadong
tinitingnan ang tinatakbuhan niya kasi may nabangga siya.

“Charm!” Binilisan ko pa ang takbo ko para tulungan niya kasi natumba siya.

Pero nagulat ako nung medyo malapit na ako kasi tinulungan ng lalaki si Charm pero
mas ikinagulat ko ng bigla na lang yumakap si Charm doon sa lalaki.

Nanikip bigla ang dibdib ko. Alam kong nagseselos ako.


Parang nagulat din ang lalaki sa ginawa ni Charm pero nakarecover din siya kaagad
kasi inilayo niya ng kunti si Charm sa kanya at nag usap sila. Tapos hinaplos ng
guy ang mukha ni Charm at siya na mismo ang yumakap sa kanya.

Takte! Gusto ko silang sugurin. Gusto ko silang paghiwalayin. Wala siyang


karapatang yakapin ng ganyan si Charm.

Pero ikaw ba Sam may karapatan ka pa rin ba kay Charm? Halos sabunutan ko na ang
sarili ko sa pinagsamang inis at selos na nararamdaman ko.

“Charm!” Hindi ko napigilan ang sarili ko na tawagin siya.

Lumingon silang dalawa sa akin. Ang lalaki nagtatanong ang mga mata pero si Charm
tiningnan lang ako saglit tapos iniwas na ang tingin sa akin. Bakit ayaw niya akong
tingnan?

Tumingin siya sa lalaki at may sinabi tapos tumango lang ang lalaki tapos inakbayan
niya si Charm at pumunta sila sa isang kotse. Pinagbukas pa niya ng pinto si Charm
tapos sumakay na din siya at umalis sila sa school.
Hindi ko alam kung bakit nagawa nilang makalabas kahit may klase pa, pero hindi
sila pinigilan ng guard. At nasaksihan ko ang lahat ng yun at wala akong ginawa
para pigilan sila. Masamang masama ang loob ko pero pinilit ko na bumalik sa klase.
Lutang ako buong hapon at walang pumasok sa isip ko.

Patingin tingin din ako sa table niya sa pag aakalang babalik pa siya pero walang
Charm na bumalik. Nung uwian na, kinuha ng isa niyang barkada ang mga gamit niya at
umalis na ng room.

Charm, saan ka nagpunta?

Tulala ako habang papunta sa parking kung saan naghihintay ang kotse. Wala na akogn
driver ngayon simula nung naging kami ni Charm.

Sumakay na ako sa kotse at hindi ko namamalayan na ibang daan ang dinadaanan ko.
Ang daan papunta kina Charm. Nakarating ako sa tapat ng bahay nila at tiningnan ang
kwarto niya.

Nagdoorbell ako at lumabas ang katulong nila pero sinabi niyang hindi pa daw
dumarating si Charm. Hindi na ako pumasok kaya sa labas ako ng bahay nila
naghintay. Nag-alala ako at gusto ko siyang hanapin pero baka magkasalisihan kami
kaya nagdecide ako na hintayin na alng siya dito sa harap ng bahay nila. 

Dumating ang 6Pm pero wala pa ding dumadating na Charm. Tapos 7PM at 8PM. Nagsimula
na akogn magworry at tinawagan ko na ang ibang kakilala niya at ang kabanda niay
pero di nila alam kung nasaan si Charm.

Hindi na ako mapakali kaya nagdecide akogn hanapin siya. Papasok na ako sa kotse ko
nung may nagpark na kotse sa harap ng bahay nila. Yun ang kotse na sinakyan niya
kanina sa school. SO all along magkasama sila.

Lalong sumama ang loob ko. Worry na worry ako sa kanya, samantalang siya, may
kasamang ibang lalaki.

Alam kong nakita nila ako. Kaya din siguro hindi nagtagal ang lalaki at iniwan na
agad si Charm sa harap ng gate nila. Hindi siya lumilingon sa akin.

Magdodoorbell na sana siya nung lumapit ako sa kanya at hawakan ang isa niyang
braso.
“Charm.” Parang naiiyak na naman ako. Nananakita ng lalamunan ko.

“Gabi na, ano pa ang ginagawa mo dito?” Sinasabi niya yun habang di nakatingin sa
akin. 

“Charm, saan ka nanggaling? Nag alala ako.” Napatingin siya sa akin bigla. Namamaga
ang mga mata niya. Halatang kagagaling lang niya sa pag iyak.

“Sam, baka hinahanap ka na sa inyo. Umuwi ka n----” Niyakap ko na lang siya bigla.
Napapikit ako nung nayakap ko na siya. Nag iinit ang mga mata ko pero pinigilan ko
ang maiyak.  Niyakap ko alng siya ng mahigpit.

Bakit ba naging ganito kami?

Tapos narinig ko na lang na humihikbi na siya.  Sumikip lalo ang dibdib ko.
“Bakit ganito Sam? Pinipilit ko naman na kalimutan ang nangyari, ilang beses ko
nang sinabi ko sa sarili ko na patawarin na kita para magkabalikan na tayo pero
bakit di mawala? Bakit nasasaktan ako pag naalala ko yun? Nasasaktan ako tuwing
iniisip ko na hindi na tayo at nasasaktan din ako tuwing naiisip ko na nagawa mo
yun sa akin.”

“I’m sorry.” Yan na lang ang kaya kogn sabihin ngayon. Kung pwede ko algn sanang
ibalik ang panahon na hindi pa kami nagkakilala ni Ash. 

“Natatakot akong mawala ka, na baka magsawa ka at iwan mo na talaga ako pero
natatakot din akong makipagbalikan sayo. I’m sorry di ko kayang kalimutan ang
lahat.” Humagulgol siya lalo. Hindi ko na din napigilan ang luha na tumulo sa mga
mata ko.

“Ssssshhhhh. Hindi ikaw dapat ang nagsosorry. Kasalanan ko. Dapat nga magalit ka sa
akin at pinagsusuntok mo na ako at binubugbog dahil sa ginawa ko.  Charm, kung
hindi ka pa ready na patawarin ako wag mong pilitin. Maghihintay ako kahit gaano pa
katagal. Pero sana, wag mong ipagkait sa akin na mahalin kita. Sana hayaan mo lang
na mahalin kita sa mga panahong hindi mo pa maibabalik ang tiwala mo sa akin.”

=================

19. Let's end this

19

Akala ko okay na kami pagkatapos naming mag usap. Akala ko magkakabalikan na kami
pero nagkamali ako.  Hindi na nga niya ako iniiwasan pero hindi na din bumalik ang
dating kami.

Kaya ang ginagawa ko nanliligaw ako ulit kay Charm kasi alam kong kailangan kong
paghirapan para bumalik ang tiwala niya sa akin. And willing akong maghintay kahit
gaano katagal.

Pero ang nakakaasar lang, palagi niyang kasama si Lucky. Pag pumupunta ako sa bahay
nila andun din si Lucky. Minsan kahit ilang beses kong sabihin sa sarili ko na
hindi mainis hindi talaga maiwasan.

Katulad na lang nung minsan pumunta ako sa kanila. Sabado yun at may dala pa akong
bulaklak. Plano kong yayain siya na maging ka date ko sa Prom. February na kasi at
next week na ang Prom namin. Dapat nung inanounce ko pa siya niyaya 2 weeks ago
pero pagdating talaga kay Charm natotorpe ako kaya nag isip pa talaga ako ng plano
kung paano ko siya yayain. Actually, sa school wala ng nagyaya sa kanya kasi alam
nilang ako ang ka date niya kaya. Subukan lang nilang ayain si Charm!

Kinakabahan pa ako nung makarating ako pero napalitan ng inis ang kaba ko nung
makita ko si Lucky na nakaupo sa sofa nila at kumakain ng popcorn habang nanonood
ng tv. Halatang magkatabi sila sila nakalapag pa ang popcorn ni Charm sa center
table.

Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko at iwan ko kung anong nangyari sa akin.

“Para sa’yo.” I gave her the flowers pero maalis ang masama kong tingin kay Lucky
na hindi kami pinapansin.

“Pasok ka.” Tumagilid siya para papsukin ako pero hindi ako pumasok.

“Hindi na. Aalis na ako.” Pero hindi pa rin ako umaalis. Umaasa akong pipigilan
niya ako.  OO na! Ako na ang dakilang asa.

“Ha? Pero kakarating mo lang.” Nagulat din siya sa sinabi ko pero kakainis kasi
talaga. Paano kami makapag usap ng maayos kung may asungot! Takte! Bahay na niya ba
ang bahay nila Charm? Sarap tirisin ng bakulaw!

“Di bali na! may bisita ka pala eh. Baka nakakistorbo ako.” Hindi ko maalis ang
inis sa boses ko na alam kong napapansin ni Charm. 

Tumalikod na din ako. Walkout King? EH nakakabanas eh.

“Sam sandali!” Medyo napangiti ako nung hinabol niya ako. Ano ka ngayon Lucky?
Hinahabol ako ni Charm. Eh ikaw? Bwahahaha.

Tumigil ako, kasi alangan naman na magpakipot ako. Ako kaya ang nanunuyo!

“ Sa susunod ko na lang sasabihin pag..pag wala ka ng bwisita!” Yun talaga ang


sinabi ko. Wala akong pakialam kung magalit si Charm. Alam kong alam niya na
nagseselos ako bakit ko magkukunyari. At least malaman niya na asar ako kay Lucky.
“Pumasok ka na kasi muna. Ano ba yang sasabihin mo? Sayang naman ang pagpunta mo
dito tapos aalis ka kaagad.” Hinawakan niya ang braso ko para pigilin ako.

“Yayain sana kitang maging date sa Prom.”

“Ha?” Nakita ko siyang nagulat sa sinabi ko? Medyo kinabahan ako na baka may kadate
na siya pero impossible. Alam kong walang nagyaya sa kanya na taga school.

“Ahhmmm Sam kasi niyaya na ako ni Lucky na maging date sa Prom.” Nakita ko siyang
yumuko.

“Si Lucky? Pero di ba hindi naman siya taga school?”

“Alam niya kasi na may Prom at pwede naman ang outsider so tinanong niya ako kung
may date na ako. Sabi ko wala, kaya sabi niya siya na lang daw ang date ko.”
Nakayuko pa din siya habang nagsasalita.

“Kelan siya nagtanong?” Ang kapal naman ng mukha ng ipis na yun!

“Kahapon ng gabi.” Takte! Gusto kong magmura. Pero baka naman tumanggi si Charm.

“Umoo ka?” Ahhhhhh... Hindi ko alam ang irereact ko pag umoo siya.

“Hindi.” Nakahinga ako ng maluwag.

“So tinanggihan mo?” Salamat naman.

“Hindi din.” Napatingin ako bigla sa sinabi niya.

“Paanong hindi!?” Hindi ko napigilan na tumaas ang boses ko.

“Hindi naman kasi siya nagtanong! Sinabi na lang niya na siya na ang date ko dahil
wala daw akong date at kawawa naman ako.” Namumula na siya na parang naiiyak.

“Pero alam mo naman na yayain kita di ba?” Alam niya yun dapat. Siya mismo dapat
ang nakakaalam niyon kasi siya ang mas nakakaalam kung gaano ko siya kamahal. 

Yumuko ulit siya. Kahit gustong gusto ko nang magalit hindi ko magawa sa nakikita
kong reaksiyon niya.

“Alam ko...pero two weeks na kasi...akala ko...di ka na magyayaya.”


“Nag iisip ako kung paano ka yayayain! Charm naman! Naghihintay naman ako sayo ah!
Bakit di ka naghintay?” Ang sakit lang. Takte talaga! 

Halos pagsusuntukin ko na ang ibang schoolmates namin na nagbabalak na yayain siya


tapos ganito lang ang mangyayari?

“Sorry.” Sabi niya ng mahina pero narinig ko pa din.

Pero nangibabaw ang inis, galit at selos sa akin kaya naisuklay ko na lang ang
kamay ko sa buhok ko at tinalikuran na si Charm.

Sabi ko hindi ako magpapakipot di ba? Pero hindi ko talaga maiwasan na magtampo
lalo na pag naiisip ko na hindi ako ang kadate niya. At hindi ko tinatago ang tampo
ko sa kanya. Bakit pag lalaki ba walang karapatang magtampo?

Dumating ang prom na hindi pa rin naalis ang tampo ko. Pero siyempre di pwedeng di
ako umattend ng prom. May babantayan kaya ako. Kaya pumunta pa rin ako kahit wala
akong date.

Kaya nung pumasok ako at inannounce ang entrance ko...

“Samuel Heindrick Po and...” Tiningnan ko ng masama ang emcee. Kailangan


ipagsiksikang wala akong date? Pucha!

Buong Prom nakatingin lang ako kina Charm at kay Lucky. Nakita ko ding sumusulyup
si Charm sa akin. Paanong hindi, isang linggo ko siyang hindi kinausap. Bading na
kung bading!

Nung kainan na, pumunta na ako sa buffet table pero sinadya kong dumaan sa table
nila at dinalangin na sana mabilaukan si Lucky.

Nakita kong nakatingin sa akin si Charm habang papunta ako sa buffet table pero
hindi ko siya pinansin. Kumuha lang ako ng kumuha ng pagkain at hindi ko napapansin
na sangkatutak na ang nilagay kong pagkain sa plate ko. Pinagtitinginan na ako ng
mga nagseserve.

Eh bakit ba! Malaki kaya ang bayad ko dito!

“Sam...” Napatigil ako sa paglakad nung mapansin kong nasa tabi ko na siya.

“Sorry na.” Ay takte! Wag mo akong tingnan ng ganyan at nawawala lahat ng tampo ko!
“Sa akin ka lang makipag sayaw ngayong gabi.” Sinabi ko yun sa kanya. Ang kapal ng
mukha kong magdemand pero baka kasi tumalab.

“Pero.. nakakahiya kay Lucky kung di ko man lang siya pagbibigyan pag nag aya
siya.” Lucky na naman! Aba! Masyado na atang masuwerte ang Lucky na yun.

“May karapatan kang tumanggi at pumili ng makakasayaw mo kasi babae ka.” Humarap na
ako sa kanya at nilagay ang plato kong puno ng pagkain sa mesa.

“Sam naman...”

“Sige,  hindi na kita isasayaw pero  hindi ka rin makikipagsayaw kahit kanino.
Sabihin mong hindi ka marunong sumayaw.”

“Alam ni Lucky na nagballet ako dati.”

“Hindi naman ballet ang isasayaw mo!” Kabwisit talaga. Umiinit ang ulo ko pag
naririnig ang pangalan na yun.

“Be reasonable Sam.”

“Charm, pag nakipagsayaw ka sa iba, magseselos ako! Alam mo yun!” Hindi ko na


napigilan na tumaas ang boses ko.

“Hoy! Wag nga kayong magtalo sa harap ng buffet table.” Tumingin ako sa paligid.
Ang dami na ngang nakatingin. Nakapalibot ang mga kasamahan ko sa team. Halatang
hinaharangan nila ang scene para hindi masyadong kita ng lahat. Kaya pala walang
nagrereklamo.

Namula naman si Charm.

“Halika na nga!” Hinablot ko na lang ang braso niya at hinila siya palabas ng
venue. Dapat pasalamatan ko ang mga teammates ko sa Lunes.

Pero sa ngayon kailangan ko munang asikasuhin ang babaeng mabagal maglakad habang
hila hila ko.  Ang sarap buhatin pero alam kong mas lalo siyang mahihiya kaya
binagalan ko na lang ang lakad ko considering na ang taas ng heels niya.

Lumabas kami ng ballroom at sumakay sa elevator pataas. Pinindot ko ang number kung
saan may pangalan na pool area at lumabas na kami. Naglakad kami ng kunti at
nakarating kami sa may pool.

Nagpasalamat ako at walang masyadong tao kahit 9PM pa lang.


“Sam...” I hear the hesitation in her voice.

“Mag uusap tayo.”  Umupo kami sa isang bench.  I saw her twitch her fingers kaya
alam kong ninenerbiyos siya.

“B-baka hanapin nila tayo.” Hindi ko siya pinansin.

“Charm,  itigil na natin to.”  Napatingin siya bigla sa akin.

“Ano?”

“Napapagod na ako. Let’s end this.” Seryoso kong sinabi at nakita ko na unti unting
namuo ang luha sa mga mata niya hanggang sa tumulo na ito.

Hinawakan ko ang dalawang pisngi niya at pinahid ang luha niya.

“Sorry na kasi eh. Hindi ko naman kasi alam na..”

“Kaya nga  itigil na natin to.” Lalong tumulo ang mga luha.  Takte nasobrahan yata!

“Itigil na natin ang pag aaway at pagtatampuhan okay. Magbati na tayo.” Sinabi ko
yun habang nakatingin sa mga mata niya. Nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin
sa akin.

I smiled at her. Nakatingin pa din siya sa akin. Natulala ata. Then she opened her
mouth to speak pero walang lumabas then she closed it again.

Ang cute lang.

Hindi ko alam pero hindi ko maalis ang tingin ko sa mga labi niya at parang may
magnet na hinihila ako palapit.

My face is now very close to hers and nararamdaman ko ang hininga siya sa mukha ko.
Napalunok ako. At hindi ko napigilan ang sarili ko when she closed her eyes. I
bridge the gap between our lips and kissed her.

I ended the kiss abruptly kahit nagpoprotesta ang buong pagkatao ko kasi ayaw kong
madala ako sa emosyon.  Alam kong sobra ko siyang namiss pero kailangan kong
sabihin ang dapat kong sabihin sa kanya.

“I love you Charm.” Binulong ko sa kanya. Magkalapit pa din ang mukha namin and I
forced myself to look at her eyes and not on her lips. Pero nakita ko pa din siyang
ngumiti.

“I love you too Sam.” At nagulat ako sa sunod na ginawa niya.

Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko and pulled me towards her tapos siya na mismo
ang humalik sa akin.

=================

20. Yours always

Chapter 20. Yours Always

Walang pagsidlan ang saya ko kasi nagkabalikan kami ni Charm. Madami din ang natuwa
ng malaman nila na kami na ulit. Hindi naman pala ako gagraduate ng bigo. Hehehe.

2 weeks na lang kasi at gagraduate na kami. Tapos na din ang final exams namin kaya
wala na talaga kaming ginagawa. Nung exam week, doon ako nag aaral sa bahay nila
Charm kasi sabi ko para sabay kami pero ang totoo niyan para hindi niya maentertain
si Lucky. Sa ngayon busy kami kasi election ng student government. At dahil parehas
kaming SG officer parehas din kaming busy.

At simula kaninang umaga hindi pa kami nagkikita kasi nasa kabilang building siya
na assign. Miss na miss ko na siya.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagtext.

‘Baby, naglunch ka na?’ Sabay kasi kami naglalunch palagi pero dahil nga election
my binibigay na lunch sa mga election officers. Eh baka hindi pa kinain nun. 1:30PM
na kaya. Ayaw kong nagugutom yun kasi nagiging tigre.
Napangiti ako nung nagreply agad siya.

‘Opo. Pero kukunti lang ang food. Nagugutom pa ako. Bakit ang unfair mo? Kesyo
President ng SG dyan na lang sa office? Samantalang kami nagpapakahirap?’ Napangiti
ulit ako. Naiimagine ko na nagpapout siya.  Takte! Mas lalo ko siyang na miss.

Tumayo ako at pumuntang cafeteria tapos bumili ng pagkain tapos pumuntang kabilang
building kung saan naka assign ang maganda kong gf. Medyo madami dami pa din ang
nagvovote. Lumapit ako sa kanila pero hindi niya ako napansin pero napansin ako
nung katabi niya kaya sinenyasan kong ako muna sa upuan niya. Tumayo naman agad
siya at nagexcuse kay Charm.

Umupo na ako sa tabi niya pero busy pa din siya sa kausap niya at nagbibigay ng
instruction.

“Vote wisely po.”  Sabi pa niya.

“Ang bilis mo naman umihi Kara. Ano ka si Flas----waaaahhhhhhh” Nanlaki talaga ang
mata niya pagkakita sa akin. Ngumiti lang ako.

“Ano ang ginagawa mo dito Sam!?” Ang lakas ng boses niya. Napapatingin tuloy ang
ibang estudyante.

“Papakainin ang gf kong gutom pa din tapos magbabantay dito para hindi unfair ang
SG President.”  Kumindat ako sa kanya kaya namula siya bigla. Takte ang ganda
talaga ng gf ko oh! Sarap kurutin ng pisngi lalo na pag nagbablush. Kelan ko kaya
siya pwedeng pakasalan?
Hanggang sa matapos ang election ng araw na yun sinamahan ko siya at hinatid ko pa
siya sa bahay nila. Next week napag usapan namin na sabay kukuha ng entrance exam
sa school kasi plano naming sa iisang school mag aaral. Alangan naman na magkaiba
pa kami ng school. Di ako papayag sa ganun.

At hindi ko alam pero pag masaya ka, mabilis dumaan ang araw kaya hindi namin
namalayan na bukas graduation na namin.

Hinatid ko siya sa kanila pero hindi muna kami umuwi. Tumambay  muna kami sa park
sa harap ng bahay nila.

“Ready na ba ang speech mo?” Tanong niya sa akin. Ako kasi ang valedictorian kaya
may speech ako. Oo na! Ako na! Me already! Wag niyo na akong purihin. Alam ko na
yun! Wahahaha.

“Oo naman. Mahirap lang sabihin pero maikli lang naman kasi.”  Nilaro laro ko ang
kamay niya na hawak ko.

“Yabang nito. Sige parinig nga!” Humarap siya sa akin para pakinggan ang speech ko.
Tumikhim naman ako.

“There is only one thing that I would like to say today.  I love you Charm Ming.
Thank you and Good Morning Ladies and Gentlemen.”  Tapos nagbow pa ako. Siya
nakatingin lang sa akin at namumula. Napapangiti na lang ako.

Maya maya pa hinampas na niya ako.


“Niloloko mo naman ako eh! Yung seryoso kasi.” Napapangiti na din siya habang
hinahampas at ako at hindi pa rin maalis ang pamumula ng pisngi niya.

“Seyoso naman ako. ” 

“Ehhhh..Sam naman. Yung totoong speech mo kasi. Gusto kong marinig.” Nagmamaktol na
yan.

“Yan nga lang ang speech ko. “ She pouted. Shit! Gusto ba niyang mahalikan sa park?

“Seryoso Baby, Yan lang talaga ang speech ko. Sabi kasi ng adviser natin kung ano
ang gusto kong sabihin yun ang ilagaya ko sa speech. Kung ano ang nararamdaman ko.
Eh yun ang nararamdaman ko kaya yun ang speech ko.”  Lalo siyang namula at yumuko.

“Paksyet ka naman Sam! Nananayo ang balahibo ko pero kinikilig ako. Wag yun ang
sabihin mo sa graduation kasi mahihiya ako. Baka di ko mapigilan ang sarili ko
pikutin kita sa graduation natin.” Tumawa ako sa sinabi niya at niyakap ko nga. Ang
kulit lang kasi eh. 

“Susunduin kita bukas. Sabay tayong pupuntang school.”

“Wag na!”

“At bakit?” Sinusundo ko naman siya araw araw ah.


“Baka kasi itanan mo na lang ako bigla.” Tapos tumawa siya. “Pero seriously,
kasabay ko sila Mommy at Daddy at kasabay mo rin sina Tito at Tita kaya doon na
alng tayo sa school magkita.” OO nga ano? Di ko naisip yun.

Nagtagal pa kami saglit sa park tapos hinatid ko na siya sa bahay nila. Hindi na
ako pumasok kasi gumagabi na.

Kinabukasan, hinintay ko siya sa may gate pero ang tagal niya dumating. Hanggang
graduation ba late pa din siya? Tinetext ko siya pero hindi siya nagrereply. Nung
tawagan ko ang cellphone niya naka off. Baka na lowbat lang.

Sinundo na ako ng kaklase namin kasi malapit na magstart ang graduation at pumipila
na pero wala pa din si Charm.

Hanggang sa nagmarch na, palingon lingon ako at hinahanap ko siya pero hindi ko
siya makita. Kinakabahan ako. Bakit wala siya? Graduation namin ngayon! Hindi ko
din nakita ang parents niya. Ano na ang nangyari sa kanya?

Umupo na ako sa upuan ko pero hindi pa din ako mapakali. Hindi na ako
makapagconcentrate sa ceremony. Kung ano ano ang naiisip ko. Nakikita kong bakante
pa din ang upuan niya. Sobrang late naman ata siya? Hindi ba siya pinapasok kasi
late siya? Sobra naman ata yun!

“Heinz!” Napatingin ako sa kaklase namin na lumapit sa akin.

“Pinapabigay ng driver nila Charm sayo.” Iniabot niya sa akin isang envelope.  Sa
labas nakalagay ang pangalan ko. To Samuel Heindrick Po. Walang dudang handwriting
niya to.
Binuksan ko ang envelope at parang kinakabahan pa ako. Hindi ko alam kung bakit
pero nanginginig ang kamay ko. Tehn I read...

'Baby,

Congratulations! I am so proud of you.

Maybe you’re wondering why I am not present at our own graduation. Maybe you are
thinking that I ditched our graduation, but I didn’t. Sam, the moment I entered our
house, my Mom confiscated my cellphone and ask me to pack. We’re leaving for China
tomorrow first thing in the morning. That would be our graduation. I asked them why
but they told me that we have to stay there for our business. I ask, no, I  beg
them to let me attend our graduation but they wont allow me. They won’t even allow
me to stay here for college because our stay there might be permanent and they
don’t want to leave me here alone.

I am so sorry that I cannot hear you valedictory speech. I am so sorry that I


cannot share that day with you.

I will have to sneak this letter to Kuya Jejomar to give to you because I wanted to
inform you of what happened. 

I love you so much. Always remember that. No matter how long it would take, I will
always love you.

Yours always,

Charm.'

Umalis siya. Hindi ako makapaniwala. Parang kagabi lang, nagpaplano pa kami pero
ngayon umalis na siya.
Nanginginig ang kamay ko na nilukot ko ang papel na hawak ko. Nararamdaman ko na
din ang pag iinit ng mga mata ko.

“...And now to hear our batch valedictorian, Mr. Samuel Heindrick Po.” Narinig ko
ang mga palakpakan ng mga tao.

Tumayo ako and looked at my batchmates at ang parents ko pati na din ang faculty.
Then my eyes focused on an empty chair.  Medyo nagtagal ang tingin ko sa upuan
niya.

Everyone is waiting for me to climb up the stage pero instead na maglakad ako
paakyat ng stage, tumakbo ako palabas ng venue.

Ano pa ang purpose ng valedictory speech ko kung wala naman ang pagsasabihan ko.  

=================

21. Malabo Eh!

21. Malabo eh.

After 7 months...

Miss na miss ko na siya. Tiningnan ko ulit ang Ipad ko at nagbabakasakaling may


bagong entry sa facebook niya or sa twitter. Pero wala! Kung ano ang status niya 7
months ago, ganun pa rin ang status niya ngayon.  And since then, wala akong
narinig na kahit ano mula sa kanya. 
Charm, bakit hindi ka man lang nagpaparamdam?

First year college na ako ngayon and I’m taking up Engineering sa University kung
saan sabay kaming kumuha ng entrance exam. Parehas kaming nakapasa.

Nagbuntunghininga ako.

“Ang lalim nun ah! Siya na naman ang iniisip mo?” Napatingin ako bigla kay Mike.
Oo, magkasama pa din kami. Parehas din ang course na kinuha namin. Sa lahat ng mga
kaklase namin nung highschool, siya lang ang kasama ko ngayon. SI Charm sana...

“Heinz...kung babalik siya, babalik talaga siya. Pero dapat kahit paano
nakipagcommunicate naman siya sayo. Wala bang facebook sa China? Wala bang twitter?
Walang email? Hindi ko maintindihan kung bakit walang communication mula sa kanya
at kung bakit hanggang ngayon hindi ka pa rin nakakamove on. Takte yan pero pitong
buwan na na wala kang narinig na kahit ano sa kanya.” 

“Sino ba yang Charm na yan at naging ermitanyo ka dahil sa kanya?” Tanong ni Jake.
Isa sa mga kabarkada namin at kaklase na din.

“Oo nga tol. Ang daming nagkakandarapa sayo  pero hindi mo pinapansin. Paano kong
di na babalik ang Charm na yun? Hindi ka din magggirlfriend habang buhay?” Si Ethan
naman yan.

“Di bali, may ipapakilala ako sayong chikababes. Tiyak makakalimutan mo ang Charm
na yun pag nakita mo na si Chelsea.” Sabi ni jake ulit.
Biglang tumawa si Mike.

“Ayos ah! Another C?” Napangiti na lang din ako.

Bakit ba kasi ang tagal mong bumalik Charm? Babalik ka pa ba? Wala na ba talaga?
Kailangan ko na ba talagang kalimutan ka?

Nag aaral kami sa library one time nung dumating si Jake na may kasamang babae.
Pinakilala niya sa amin as Chelsea. So siya ang sinasabi ni Jake na ipapakilala sa
akin. Aaminin kong maganda siya, sexy at mabait din naman.  Architecture student
siya at pinsan ni Jake. Simula noon palagi na siyang kasama ng barkada at napansin
kong mas palagi siyang nakadikit sa akin kesa kina Mike, Ethan at Jake. At iba ang
pakitungo niya sa akin. Hindi ako manhid para hindi malaman na may gusto sa akin si
Chelsea. Sa dami ng naging C ko dati, alam na alam ko kung kelan nakikipagflirt ang
babae at kung kelan hindi.

Hanggang sa naging close kami ni Chelsea. Naaliw ako pag kasama ko siya kasi masaya
naman talaga siyang kasama. Game siya sa mga gimik namin at dahil nga kasa-kasama
na namin si Chelsea, lumalaki na din ang barkada namin kasi sumasama na din ang mga
kaibigan niya sa amin.

And I admit that I am becoming fond of her. Madami na nga ang nag aakalang kami na
kasi palagi kaming magkasama at tuwing kasama ko siya, hindi ko masyadong naaalala
si Charm. Hanggang sa matapos ang finals namin sa first sem. Nagcelebrate kaming
lahat at pumunta sa bar. Siyempre may inuman.

Hindi ako masyadong naglasing kasi alam kong magdadrive ako.  Si Chelsea naman,
inom ng inom. Pinipigilan ko pero hindi nakikinig. Tapos nagkayayaan na kaming
umuwi , hinatid ko si Chelsea sa apartment nila.
“Heinz.”  Sinulyapan ko siya. Tipsy siya. “Bakit wala kang gf?” Nagulat ako sa
tanong niya. Ngayon lang siya naging ganito ka prangka. Oo nakikipagflirt siya sa
akin pero it was subtle flirting. Hindi mahahalatang nilalandi ka na niya pala.

Pero hindi ko rin naman alam ang isasagot ko sa kanya. Kasi hindi ko alam kung ano
na ang status namin ni Charm.

“Sa pogi mong yan, nakakapagtaka na wala kang gf. Bakla ka ba?” Napangiti na alng
ako sa sinabi niya. Ipinark ko na ang sasakyan sa harap ng apartment niya.
Pasalamat ka Chelsea, hindi na ako katulad ng dati kasi kung nagkataon... ahhh
ewan.

“Meron akong girlfriend.” Napatingin siya bigla sa akin. “Dati.”

“Eh saan siya ngayon? Anong nangyari sa inyo. Bakit di ko siya nakikita at di mo
man lang pinapakilala sa amin?” Daming tanong oh! Curious?

“Nasa China siya eh.” Tumango tango siya.

“So long distance relationship pala kayo.” Long distance relationship nga ba kami?
Hindi rin.

“Actually, hindi rin. Ewan ko. Malabo eh. Wala na kasi kaming communication simula
nung umalis siya.” Umiwas ako ng tingin kay Chelsea. Ayokong makita niya na
hanggang ngayon nalulungkot pa din ako sa nangyari sa amin ni Charm.
“I see. Mahal ka ba niya?”

“Oo dati. Ngayon, Hindi ko na alam.” Nakakagaan pala ng loob ang magsabi ng
saloobin. Akala ko itatago ko na alng ang mga hinanakit ko kay Charm. Oo may
hinanakit ako sa kanya. Nasaktan ako sa nangyari sa amin. Pero mas nasaktan ako
kasi hindi na siya nakipagcommunicate sa akin. Ilang beses na akong pumunta sa bahy
nila at nagbabakasakaling umuwi na sila pero wala. Hanggang ngayon, nakasave pa din
ang number niya sa phone ko at from time to time idinadial ko kasi baka mag ring at
may sumagot pero wala. Wala ding reply sa mga email, at private messages ko sa
kanya.

Alam naman niya ang number ko, alam niya ang address namin, alam niya ang email add
ko pati ang lahat ng accounts ko sa mga social networks pero wala akong narinig na
kahit ano mula sa kanya. Nakakasama lang ng loob.

“Heinz, kung hindi ka na niya mahal, ako, mahal kita.” Napatingin ako bigla  kay
Chelsea.  Hindi ko alam kong namumula ba siya dahil lasing siya o nahihiya siya.

Mga 1 minute din ata akong nakatingin lang sa kanya until I notice na parang iiyak
na siya. Hindi ko alam pero, hinawakan ko ang mukha niya and kissed her.

And that night, I have a new gf. 

=================

22. I can't do this

22. I can’t do this


“Love, ang tagal mo naman.”  Ngumiti lang ako kay Chelsea, hinalikan siya sa pisngi
and tumabi sa kanya. 3 months na kami and so far wala akong maipipintas sa kanya.
Napakasweet niya .

“Pinatawag kasi ako sa SG Office kasi gusto nilang tumakbo ako para sa SG election
next year.” Hinawakan ko ang kamay niya at nilaro laro. Nag lean naman siya sa
balikat ko kaya inakbayan ko siya.

“Hoy! PDA na yan!” Naghiwalay naman kami at nagngitian.  Pagkatapos kumain na kami
at hinatid ko na si Chelsea sa room niya. Tinukso pa nga kami ng mga kaklase niya.
Akala ko dati babalik ako sa dating ugali ko na paiba iba ang gf pero hindi.
Napagdesisyunan ko na maging seryoso na ako kay Chelsea. Alam ko naman na hindi ko
pa rin totally nakakalimutan si Charm pero nararamdaman ko na mahal ko na si
Chelsea at wala akong planong lokohin siya.

At dahil kay Charm, I learned the lesson kapag nagloko pa ako. At hinding hindi ko
na ulit gagawin yun.

Maaga kong hinatid si Chelsea sa apartment nila. Mga 4Pm pa lang kasi hanggang 3Pm
lang ang class niya. Ako naman hanggang tanghali lang. Pinapasok niya ako at
nagyaya siyang manood muna kami ng dvd. Walang tao sa unit nila klase may klase pa
yung iba at 9Pm pa ang dating. Yung iba naman umuwi daw ng province.
Nagluto lang siya ng meryenda namin at nanood na kami ng movie.  Magkatabi kami sa
sofa at nakaakbay ako sa kanya. Nakahilig naman siya sa balikat ko. Nilalaro laro
ko ang buhok niya. Tapos tumingala siya sa akin na nakangiti.

“I love you Heinz.” Ngumiti ako sa kanya. I can’t hurt this girl.

“I love you Chels.” Tapos hinalikan ko siya sa lips. It was supposed to be a short
kiss but she deepened it. Sino ba ako para tumanggi kaya hinalikan ko na din siya.
Hanggang sa naging passionate ang halikan na yun.  Our tongues explored each other
hanggang sa hindi ko namamalayan na inaunbutton ko na ang blouse niya.

Nadadala na ako sa ginagawa namin ni Chelsea. Yung blouse niya nakabukas na ang
lahat ng buttons and her skin is exposed. Ang sexy niya. I knead her breast that is
still covered by her bra and I heard her moan at napaliyad siya.

I deepened the kiss at napahiga siya sa sofa and I am on top of her.  She is
kissing me the way I kissed her na lalong nagpainit sa nararamdaman ko. I get rid
of her blouse at hinubad na din niya ang shirt ko. Wala na kaming pakialam sa
pinapanood namin.

My hand passed through her bra and cupped her breast. She moaned and arched her
back towards me. I kissed her neck down  to her chest and my hands are fondling 
the hook of her bra to get rid of it. She’s also fondling the buttons and zipper of
my jeans.

Naramdaman ko na nabuksan na niya ang buttons ng jeans ko at nahubad ko na din ang


bra niya. I closed my eyes as her other hand  touched me on top of my boxers and
she pulled me down to further devbour her lips. I was about to kiss her lips when
an image passed through my brain.

It was brief. Ni hindi tumagal ng five seconds.

An image of Charm smiling with tears in her eyes while she pulled me towards her
para halikan ako. Yun yung time na nagkabati kami.

Automatic na tumigil ako sa ginagawa ko.

Parang binuhusan ako ng napakalamig na tubig.


Fuck!

“Heinz, what’s wrong.” Nagtatanong ang mga mata ni Chelsea habang nakadagan pa din
ako sa kanya. Umalis ako sa kanya. Nagtataka siya.

“Chels, I can’t do this.”Pinulot ko ang mga damit niya na nagkalat sa tabi ng sofa
at ibinigay sa kanya. Nagsimula na din siyang magbihis.

“Why?” Hindi ako tumingin sa kanya. Kinuha ko na lang ang damit ko at isinuot.

Why? Because I am hauntedby my ex’s image. That’s why. Pero hindi ko masabi kay
Chelsea yun.

“I respect you Chels. Masyado pa tayong bata. I can’t do this to you.”

Bigla na lang niya akong niyakap at umiyak siya.


“Thank you Heinz. And now, alam kong mahal mo talaga ako. At mas lalo kitang
minahal.” Niyakap ko na din siya while shaking the image of Charm na ngayon ay
parang sirang dvd na paulit ulit na nagrereplay sa utak ko.   

=================

23. Hindi Eh!

23.

“Oi patingin ng schedule niyo!” Bigla na lang kinuha ni Mike ang hawak kong
schedule. Enrollment kasi ngayon at second year college na kami. Parang kelan lang.
Magpafive months na din kami ni Chelsea at ngayon masasabi ko na unti unti na
talagang nahuhulog ang loob ko sa kanya. Siya na ata ang ideal gf eh. Maganda,
seksi, mabait at kahit medyo clingy siya naiintindihan ko naman kasi ramdam ko
naman na mahal talaga niya ako.

“Ayos! Parehas tayo ng schedule.” Tapos ngumisi pa si Mike. Kung hindi ko pa alam
na ginaya lang naman niya ang schedule ko. Napangiti na alng kaming dalawa ni
Chelsea. Nakaupo kaming dalawa sa bleachers habang hinihintay na matapos si Jake sa
pag eenroll. May usapan kasi kaming pagkatapos ng enrollment gagala kami sa mall.

“Love, may tumatawag sayo.”  Tiningnan ko naman ang cellphone ko na hawak niya kasi
naglalaro siya. Walang nakaregister na pangalan, number lang.

“Sasagutin ko?”

“Wag na. Hindi ko naman kilala. Baka kung sino lang yan.”  Ilang beses na din na
may tumatawag sa akin na unknown number pero hindi ko sinasagot. Hindi talaga ako
sumasagot sa mga tumatawag na hindi ko kilala. Kung sino sino kais ang namimigay ng
cellphone number ko at mostly mga babaeng di ko naman kilala ang sumasagot.
“Baka importante.” Nakatingin pa din siya sa hawak niayng phone na hanggang ngayon
nagriring.

“Sige ikaw bahala.”  At sinagot nga niya ang phone. AT least, kung babae man ang
tumawag, hindi na siya  magseselos. Takte kasi minsan pinag awayan namin ang
tungkol sa unknown number kasi may nagtetext at tumatawag na babae at tinatawag
akong honey. Nagselos tuloy si Chelsea.

“Hello.” Narinig ko pa siyang naghello habang nakikipagkulitan ako kay Mike.

“Hello.”

“Hello! Sino ka ba? Ba’t ayaw mong sumagot?”  Napatingin na kaming dalawa ni Mike
kay Chelsea na halatang naiinis na sa caller. Sabi na kasing wag niyang sagutin eh.
Tapos iniend na niya ang call.

“O, sino ang tumawag.” Nakasimangot na kasi siya.

“Ewan. Ayaw sumagot eh.” Tapos naglaro ulit sa cellphone ko.

“Di ka pa nasanay Chelsea. Sa dami ng naghahabol sa bf mo.” Tatawa tawang sabi ni


Mike.
“Pero hindi naman nila maaagaw.” Humawak siya sa braso ko at naglean sa akin.
Inakbayan ko naman siya. Napapangiti na lang ako.

“Sa wakas nakatapos na rin ako!” Napatingin kami lahat kay Jake nung tumalon siya
bigla sa harap namin. Ang kulit talaga nito.

“Hoy Jacob umayos ka nga! Ang likot likot mo.” Ngumisi lang si Jake at ginulo ang
buhok ni Chelsea na ikinainis lalo ni Chels. Tumawa lang kami.

“Oi Mike! May nakita ako kaninang maganda doon. Kasabayan ko sa pag enroll. Grabe!
Ang ganda niya kaso mukhang suplada. Nginitian ko tapos ngumiti naman peo nung
nagpakilala na ako tinaasan lang ako ng kilay.”

“Nasaan na? Makilatis nga kung maganda nga!” tapos nagtingin tingin na silang
dalawa.

“Patingin din! Aray naman!” Bigla naman akong kinurot ni Chelsea.

“Umayos ka Heinz.” Ang selosa talaga. Hehehe. Napatawa na lang ako. Ang cute niya
magselos. Kinurot ko na alng ang ilong niya. Cute!

“Hay naku Chels, pasalamat ka at nagbago na yang si Heinz. Mas malala pa yan nung
highschool---“ Napatigil  sa pagsasalita si Mike na parang na star struck.
Nakatingin lang siya sa likuran ko.

“Ayun siya! Yung maganda.” Sabay turo din ni Jake sa likuran ko. Parang parehas pa
sila ng tinitingan ni Mike. Kaya napalingon din ako. At tiningnan ang tinitingnan
ni Mike at tinuturo ni Jake.

May nakita akong babaeng nakasideview. Hindi ko masyado makita ang mukha kasi
natatakpan ng buhok niya ang kalahati ng mukha niya tapos nakasideview pa nga pero
bigla akong kinabahan.  Naglalakad ang girl palabas ng school at may kausap sa
phone. Mukhang nagmamadali pa. 

Tapos hinawi niya ang buhok niya at inipit sa tenga. Parang slow motion, tumigil
din sa pagtibok ang puso ko. Nawala ang ngiti sa labi ko. Kahit nakasideview, hindi
maipagkakaila.

Si Charm.

Upon that realization biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam pero
parang nakalimuatn ko ang lahat at parang  instinct na bigla na lang akong tumayo
sa ipinagtaka ng lahat tapos tumakbo papunta dun sa girl.

“Heinz!” Narinig ko pang tawag ni Chelsea pero binaliwala ko. Nakafocus ang buong
sistema ko sa paghabol sa kanya. Na kailangan ko siyang maabutan, na kailangan kong
makumpirma ang hinala ko. Na kailangan kong makita ang mukha niya at hindi ko
siyang pwedeng paalisin.

Tumatakbo ako pero hindi ko kayang bilisan kasi nga madaming tao. Nagtataka pa nga
ang iba kung bakit ako tumatakbo. Nakita ko siyang nakalabas sa may exit. Binilisan
ko ang takbo ko hanggang sa makalabas na din ako sa pagtataka din ng guard.

Tapos nakita ko siya, papasok sa isang kotse na naghihintay sa labas ng school.


Nakatalikod siya.
“Charm!” Sigaw ko pa pero huli na kasi naisara na ang pinto ng kotse at umandar na
ito paalis. Napayuko ako at inilagay ang dalawang kamay ko sa tuhod ko. Humihingal
ako habang nakatingin sa papalayong sasakyan.

Frustration swept through me at saka ko narealize ang ginawa ko. I left my gf para
habulin ang isang babaeng hindi ako sigurado kung si Charm. Baka kamukha lang niya.
Hindi ako nag iisip. Ano ang sasabihin ko kay Chelsea? Na hinabol ko ang babae kasi
akala ko siya ang ex-gf ko?  Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko.   Damn it
Heinz. Tanggapin mo na ang katotohanan na hindi na kahit kailan babalik si Charm at
isipin mo na may gf ka nang iba ngayon.

Nanlulumo akong bumalik sa pwesto namin kanina. Nakatingin silang lahat sa akin.
Nakakunot ang noo ni Chelsea. What now?

Makahulugan akong tiningnan ni Mike.

“Love, bakit bigla ka na lang tumakbo?” Tiningnan ko siya.

“Ano tol! Naabutan mo? Nasingil mo?” Nagulat ako sa sinabi ni Mike tapos nakita ko
ang tingin niya sa akin. At alam kong pinagtatakpan niya ako.

“Hinabol ni Heinz yung kaklase namin nung highschool na may utang sa kanya. Ang
tagal tagal na kasi di pa nagbabayad.” Ngumiti ako ng sekreto kay Mike. Mabuti na
algn nakaisip siya ng ganun. Sa estado ko kasi ngayon parang hindi ako makapag isip
ng matino.

“Sana tinext mo na lang.” Sabi pa ni Chelsea.


“Hindi nga macontact eh. Halatang ayaw magbayad.  Ano tol, naabutan mo?” Siniko pa
ako ni Mike. Natutulala kasi ako.

“Hindi eh. Nakasakay kaagad. Baka nga hindi siya yun. Tara na.” Tapos nauna na
akong tumalikod. Hindi ko alam pero parang naiiyak ako.

Bakit ang sakit pa din? 

=================

24. Alam Ko

24.

“In this course you will learn blah blah blah and blah blah blah..” Hindi ako
nakikinig sa prof. Takte naman kasi,  first day of class tapos magdidiscuss agad?
Agad agad? Pwede namang kunin na lang ang attendance tapos dismiss na pero hindi
eh. May plano talagang ubusin ang buong period.

“And since this is a prerequisite course...” Napatingin ako sa prof na natigil sa


pagsasalita.

“Miss, do you need anything?” Napatingin naman ang iba naming kaklase sa kinakausap
ni Sir. Ako wala akong gana. Bored na bored ako.

“Holy Shit!” Narinig ko pang sabi ni Mike. Ganun naman palagi yun eh, pag nakakita
ng babae.
“Heinz!”   Kinalabit ako ni Mike.

“Ano?” Pasinghal kong tanong kay Mike. Nakatingin ako sa kanya pero siya nakatingin
sa pinto kung saan nakatingin ang halos lahat.

“Uhhmmmmm..I believe this is my room Sir. Sorry, I’m late. I lost my way.” Parang
naestatwa ako sa boses na narinig ko. Kaboses lang ba niya o siya talaga yan? Hindi
ako makalingon. Natatakot akong lumingon sa hindi ko alam na dahilan. Na baka siya
ang malingunan ko at kung hindi siya baka madisappoint ako.

“Are you a transferee?” Tanong pa ng prof.

“Yes Sir. “ Sabi niya.

“Very well, hand me your class card and you may sit in the vacant seat in front of
Mr. Po.”  Hindi ko alam pero kinakabahan talaga ako.

“Heinz!” Hindi pa ako tumingin kay Mike. Yumuyuko lang ako. Naririnig ko na may
naglalakad palapit sa akin. Hindi ko na naririnig ang usapan sa paligid ko. Parang
sobrang aware ako sa footsteps niya. At nung nakita ko na ang dalawang sneakers na
nakatayo sa harap ng upuan sa harapan ko, unti unti akong tumingala.

She’s wearing a white and dark blue sneakers, a blue fitted jeans and a white
shirt.  Tapos dumating sa mukha niya ang tingin ko. And my breathing hitched.
Nakatingin siya sa akin at nakatingin din ako sa kanya.  Nakita ko ang nanlaki ang
mga mata niya tapos bigla siyang namula. Hindi ko akalain na ngayon ulit kami 
magkikita ni...
Charm.

Nanuyo ang lalamunan ko. Siya nga. Her pinkish lips, ang matangos niyang ilong, ang
pinkish niyang niyang pisngi, pati ang chinita niyang mata. Siya nga, except that
medyo pumayat siya. Pero hindi maipagkakaila, I am now looking at Charm Ming.

Parang naghabulan ang puso ko. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya.  Ganun din
siya sa akin. Tapos tumingin siya sa katabi ko na si Mike at tipid na ngumiti. Kay
Mike may ngiti pero sa akin wala? At bakit ganun ang ngiti niya? Parang pilit,
parang peke.

“You may now take your seat Miss Ming. “ Biglang sabi ng prof. Tumalikod siya sa
amin at naupo na sa chair niya. Kumuha siya ng notebook sa bag niya at kinopya ang
nakasulat sa board. Kelan pa siya natutong kumopya?

Maya maya may inabot na papel sa akin si Mike na may nakasulat.

‘Si Charm’ Huminga ako ng malalim pagkabasa ko nun at tumingin ulit sa babeng nasa
harap ko.

‘Alam ko’ Tapos ibinalik na kay Mike ang papel.

Buong klase akong di mapakali. Nakatingin lang ako sa likuran niya pero ni minsan
hindi siya lumilingon. Sa harap lang siya nakatingin. Mangati ngati na akong sipain
ang upuan niya pero baka mahuli ako. Halos dalawang oras kung tiniis ang sitwasyon
na yun. Pinagpraktisan ko pa kung paano siya lalapitan at kung ano ba ang sasabihin
ko sa kanya.
Sasabihin ko bang ‘welcome back’? or mag he-hello lang ako.

Parang ito yung pakiramdam nung nagtapat ako sa kanya. Ang lakas ng kaba ko.

“Class dismissed.” Sabi ng prof sabay labas. Usually nauuna kami ni Mike sa
paglabas kasi malayo ang building ng next subject namin pero hindi ngayon. Hindi pa
din ako tumatayo kasi tinitingnan ko siya habang inaayos ang mga gamit niya at
ipinapasok sa bag niya. 

Pagkatumayo na din siya kasabay ng mga ibang classmates namin tapos ni hindi
lumingon sa pwesto namin ni Mike na naglakad.

Kumulo bigla ang dugo ko. Pagkatapos ng mahigit isang taon  ganun ganun na lang
yun? Parang hindi kami kilala! Ayos ah!

Strangers?

Bullshit!

“Charm!”

Hindi ko napigilan ang sarili ko. At pagkasabi ko nun, bigla siyang tumigil pero
hindi siya lumilingon sa amin. Her back stiffened.
Lumapit ako sa kanya, grab her arm at hinila siya palabas ng classroom. 

=================

25. Intindihan mo

25. Intindihin mo

Alam kong madami ang nakakita, madami ang nagtataka kung bakit kinakaladkad ko si
Charm pero wala na akong pakialam. Tinawag pa ako ni Mike pero pati siya hindi ko
pinansin.

Dinala ko siya kung saan walang masyadong makakakita sa amin, kung saan makakapag
usap kami at hindi niya ako matatakasan, kung saan matatanong ko ang lahat ng gusto
kong itanong.  Dinala ko siya sa parking at pinasakay sa kotse ko. Gusto ko sanang
lumabas kami ng campus pero ayaw kong magdrive na ganito ang estado ng emosyon ko.
Baka hindi ko mapigilan at maibangga ko ang sasakyan ko.

Napatingin ako sa kanya at nakikita kong kinakagat niya ang labi niya. 

“Wala ka bang sasabihin? Hindi ka ba mag eexpalin?”  Pinipigilan ko na tumaas ang


boses ko. Pinigilan ko na magalit sa ginawa niya kanina. Pinipigilan ko ang emosyon
ko. Pinipigilan ko ang sarili ko na yakapin siya at pinipigilan kong maiyak sa
sitwasyon meron kami ngayon.
“Ano ang dapat kong eexplain? Ako ba ang dapat mag explain?” Nagtaka ako sa sinabi
niya.

“Naiintindihan ko ang bigla mong pag alis sa araw ng graduation natin Charm, pero
ang hindi ko maintindihan ay ang hindi mo pagcommunicate sa kahit kanino sa amin.
Kahit hindi na lang sa akin Charm.  May facebook naman, twitter, email, may phone.
Pero kahit ano, wala akong narinig mula sayo!” Napatingin siya sa akin.  

“ Walang social networks sa China. At nag email at tumawag ako sa sayo, kahit
naiwan ang phone ko dito, tumawag pa din ako sa cellphone mo but I can’t contact
you, I emailed you pero kahit isang reply wala akong natanggap mula sayo. Tapos ako
pa ngayon ang mag eexplain? Naiintindihan ko kung nasaktan ka sa bigla kong pag
alis pero hindi ko din naman alam yun. And now, bigla mo na lang akong hahatakin
kasi hindi kita pinansin? Naiintindihan mo ba ang naramdaman ko nung tumawag ako
sayo ng ilang beses last week pero walang sumasagot? Tapos nung may sumagot, babae
naman ang sumagot? Naiintindihan mo ba ang naramdaman ko nung malaman ko na may iba
ka ng gf? Na wala palang kwenta ang pagpupumilit kong bumalik ng Pilipinas kasi
wala na akong babalikan? Na hindi nakayang maghintay ng taong binalikan ko?
Naiintindihan mo ba yun Samuel?”  Umiiyak na siya. Parang pinipiga ang puso ko.

“Charm..” Hahawakan ko sana ang kamay niya pero iniwas niya.

“Hindi ko naman hiniling na hintayin mo ako, hindi kita dapat sinisisi na nagkaroon
ka ng ibang girlfriend pero hindi ko lang kasi maiwasan na hindi masaktan sa
nalaman ko. ” Pinahid niya ang mga luha niya.  Gusto kong pahiran ang mga luha niya
pero natatakot ako na baka magalit siya.

“Charm...” I reached out again para man lang mahawakan siya dahil gustong gusto ko
nang yakapin siya but she stopped me.

“Wag Sam. Intindihin mo ang mararamdaman ng girlfriend mo pag nalaman niyang may 
bigla ka na lang hinilang babae at ang mararamdaman niya pag nalaman niyang may
niyakap ka sa loob ng kotse mo.  I won’t say that I’m happy for you dahil hindi
naman talaga ako masaya.  I am just wishing for your happiness.” Pinunasan niya
ulit ang luhang tumulo sa mga mata niya at dali daling binuksan ang pinto ng kotse
ko at lumabas.

Naiwan akong tulala sa loob ng kotse. Hindi ko alam ang mararamdaman  ko sa dami ng
emosyon na bumabalot sa akin Pero isang emosyon ang nangibabaw. Sakit. Nasasaktan
ako sa mga nangyari. Nasasaktan akong nasasaktan ko na naman siya.

Andito na ang pinakahihintay ko, pero hindi ko man lang magawang yakapin o
hawakan. 

Mahigit  isang oras din akong naupo sa kotse ko. Kung hindi pa nagtext si Mike kung
nasaan ako hindi pa ako aalis. Pinapapunta niya ako sa auditorium kasi doon na
namin hihintayin si Jake. Member kasi si Jake ng banda ng Department namin at
ngayon nagpapaaudition sila para sa mga bagong members para palitan ang mga
gumraduate ng members.

Pumasok ako sa auditorium at nakita ko ang ibang members ng band at ang mga mag-
au-audition.

“Ito magaling kumanta, siya muna vocalist niyo. Heheh.” Napatingin ako bigla sa
sumigaw. Si Mike at katabi niya si Charm.

“Ano ka ba Chael!” Nakita ko siyang namumula.

“Nanghihingi sila ng tulong kaya tulungan mo. Kailangan nila ng vocalist para sa
mag auaudition. Di ka naman sasali ah. Magmamagandang loob ka lang.” Nakita kong
inirapan niya si Mike. Tapos madami na ang pumilit sa kanya para na din
makapagsimula ang audition.

Nakaupo lang ako sa pinakadulo na upuan malapit sa pinto nung umakyat siya. 
Nagpalakpakan naman ang mga nasa auditorium.

Pero napanganga na lang ako nung magsimula na siyang kumanta. Lahat natahimik at
hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. 

Pero nagulat ako nung bigla siyang tumingin sa akin nung kinanta niya ang chorus.

“But I don’t care what they say, I’m in love with you. They try to pull me away,
but they don’t know the truth.”

Nagkatinginan kami.  Alam kong naiiyak siya, namumula na ang pisngi at ilong niya,
her eyes are shining with tears  but she held her tears and sung while looking
straight at me. Ako ang sumuko, ako ang hindi nakakaya, ako ang unang nag iwas ng
tingin at bago pa tumulo ang luha ko, dali dali akong lumabas ng auditorium.

Pagkasara ko ng pinto tumakbo ako, tumakbo ako ng tumakbo at hindi ko alam kung
saan ako pupunta. Gusto kong ilabas ang lahat ng nararamdaman sa pamamagitan ng
pagtakbo. Inakyat ko ang hagdan hanggang sa umabot ako sa rooftop ng building.

Nung andun na ako, hingal na hingal ako. Napayuko ako at ipinatong ang kamay ko sa
tuhod ko habang hinahabol ko ang hininga ko. Pero, hindi pa pala sapat ang
pagtakbong yun. Kasi parang paulit paulit sa isip ko ang kanta niya.

‘You cut me open, and I keep bleeding love.’

‘They try to pull me away but they don’t know the truth.’
Ako alam ko ba ang totoo? Alam ko ba kung gaano niya ako kamahal?

Bakit ba hindi ko nagawang maghintay?

At ngayon nasasaktan ko na naman siya.

Hinayaan kong tumulo ang mga luha ko. 

=================

26. Eh Ano Ngayon?

26.

Ang bilis ng panahon, malapit ng matapos ang semester at hindi nagbago ang
pakikitungo ni Charm sa akin. Para namang pinakikitunguhan niya ako. Siguro mas
magandang sabihin na iniiwasan niya ako sa abot ng kanyang makakaya. Mas naging
close sila ngayon ni Mike. Minsan nga nagseselos na ako sa sobrang closeness nila
pero ano ba ang magagawa ko? Ano pa ba ang karapatan ko?  Wala na di ba? Natapos
na. Tinapos ko na.

Yung pag uusap namin sa kotse ko, yun na ang huli. Tuwing lalapit ako sa kanya ang
una niyang bunga sa akin, kamusta na ang gf ko.  Nakakabadtrip pero yun naman ang
totoo.

No one knows of our past except sa aming tatlo nina Mike kaya kahit ang awkward ng
situation, wala akong magawa nung tinanggap siya ng puso puso ng aming mga barkada.
Kaya pag lumalabas kami kasama na siya palagi pero yun nga lang nakadikit siya
palagi kay Mike na parang si Mike ang shield niya at nakadikit naman sa akin
siyempre si Chelsea.  

Nakaupo kaming lahat ngayon sa student center at hinihintay ang iba naming kasama.
Magkatabi kami ni Chelsea at nakahawak si Chelsea sa braso ko at magkaharap kami ni
Charm na katabi naman niya as usual si Mike.

“Ang cute cute mo talaga!!” Napatingin kaming lahat sa kanilang dalawa ni Mike.
Pinisil ni Mike ang pisngi ni Charm. Nagsalubong ang kilay ko.  Hindi ko alam kung
obvious ang pagsimangot ko.

“Aray naman Chael! Kung makapisil ka ng pisngi akala mo wala ng bukas.” Hinampas
niya ang kamay ni Mike tapos binatukan at hinimas himas ang mukha niyang pulang
pula. Tawang tawa lang si Mike sa ginawa niya. Tiningnan ko siya ng masama pero
hindi niya ako pinansin instead inakbayan niya si Charm at tinulak tulak naman siya
ni Charm.

Kabwisit talaga. Nakakawalang gana.  Tatayo na sana ako nung narinig kong nagsalita
si Mike. Mahina lang na parang ibinulong lang ni Mike kay Charm pero narinig ko pa
din.

“Ayyyiiee... so nanliligaw na nga sayo si Chester?”  Napatingin ako ng diretso sa


kanila at nakita kong lalong namula si Charm. Nakita ko pang rtumingin siya sa akin
bago sinuntok si Mike.

“Aray! Sadista ka! Bakit bawal ba ipangalandakan na may nagkamali sayo?” Bago pa
masaktan ulit ni Charm si mike nakatayo na ito at nakatakbo.

“Paksyet Chael! Saan ka pupunta?” Tumayo na din si Charm para habulin si Mike.
“Hahanapin si Chester para may iba kang mabugbog.” Tapos tumakbo si Mike at hinabol
naman ni Charm. Huminga ako ng malalim. Ganyan din kami dati, naghahabulan pag
naaasar ko siya. And how I loved seeing her blush kapag pinupuri ko siya at kapag
nilalambing. Pero ngayon, ibang tao na ang nagpapablush sa kanya at nasasaktan ako.

“Ang kulit nila. Bakit hindi na lang sila ang magkatuluyan?” Comment ni Chelsea.
Nabilaukan ako ng tubig na iniinom ko.

After mga 30 minutes, bumalik siya na nag iisa. Pulang pula ang mukha siya siguro
sa kakahabol kay Mike.  Pero nag iba na ang aura niya. Ngumiti siya sa amin nung
dumating siya pero nakikita kong malungkot ang mga mata niya. Ganun naman palagi
ang mga mata niya simula nung bumalik siya. Palaging malungkot.

“Napagod ka kakahabol kay Mike?” Tanong ng isang barkada namin at tumango naman
siya tapos sumubsob  sa bag niya na nasa mesa. 

Iniabot ko sa kanya ang tubig ko at walang sabi sabing ininom naman niya. Parang
katulad lang din ng dati. Nagcshare kami sa isang bottle ng mineral water.  Mukhang
uhaw na uhaw siya.

“Heinz, bakit yun ang ibinigay mo kay Charm? Eh nainuman mo na yun?” Sbai pa ni
Chelsea.  Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Charm at tumigil sa pag inom. Umubo
pa siya ng kunti.

“Eh ano ngayon? Wala naman akong virus.” Baliwalang sabi ko pero alam ko kung ano
ang iniisip ni Chelsea. Indirect kissing nga naman. Pero hidni ko na alng pinansin
na parang balewala lang sa akin ang nangyari.

“Nagmeryenda ka na?” Hawak pa din niya ang bote ng mineral water na parang
natutulala.
“Hindi pa! Kanina pa nga kita yinayaya.” Sagot naman ni Chelsea.

“Ibibili kita mamaya Chels.” Tumingin ako saglit kay Chelsea para sagutin ang sagot
niya sa tanong ko na hindi naman para sa kanya tapos tumingin ulit kay Charm.

“Charm, tinatanong kita kung nagmeryenda ka na ba?” Mukhang nagulat siya sa tanong
ko. Hindi ba obvious? Sa kanya ako nakatingin habang nagtatanong.

“Ahmmm..hindi pa po.” Mahinang sabi niya pero mas lalong namula ang mukha niya.
Pati tenga niya namumula niya.

Tumayo na ako para ibili siya..ahmm sila ng meryenda pero tumingin ako ulit kay
Chelsea.

 “Chels, anong gusto mo?”  Ngumiti si Chelsea at hinawakan ang kamay ko.

“Burger and iced tea na lang.” Tumalikod na ako pagkasabi niya nun at bumili ng
pagkain. Pagkabili ko, bumalik na ako at ibinigay kay Charm ang pagkain niya tapos
kay Chelsea. Bumili na din ng kani kanilang pagkain yung iba. Kumakain na kaming
lahat nung biglang dumating si Mike at tumabi kay Charm.

“Wow Charm! All time favorite mo Charm Melted Cheese with Carbonara. Parang
highschool lang ah, hindi ka kumakain ng carbonara na hindi napapaligiran ng melted
cheese. Haha! Si Heinz ba ulit ang...” Napatigil si Mike sa pagsasalita at
napatingin sa akin, tapos kay Charm, tapos kay Chelsea. Lahat napatigil sa pagkain.
Nawala ang ngiti sa labi niya tapos nag peace sign kay Charm kasi ang sama na ng
tingin ni Charm sa kanya at si Chelsea pabalik balik ng tingin sa aming tatlo.
Napapayuko at napapailing na lang ako.

“Teka... may lakad pa pala ako.” Tapos umalis na din ang sira ulo.  Nung tumingin
ako kay Charm. Nakayuko na lang siya at pinag lalaruan ang carbonara si Chelsea ang
sama ng tingin sa akin.

At walang sabi sabing ibinagsak ang kinakain niya, tumayo at mabilis na umalis. 

=================

27. Ano? Hahabulin mo siya?

27.

Hinabol ko si Chelsea kasi alam kong galit siya. Naabutan ko siya sa may corridor.

“Chels...” Hinawakan ko ang braso niya pero iwinaksi lang niya ang kamay ko at
tuloy sa paglakad ng mabilis. Sumusunod naman ako sa kanya.

“Chels!” Nakarating kami sa likod ng gym malapit sa locker area. Mabuti na alng at
walang masyadong tao.

“Bitiwan mo ako Heinz!” She shouted a tme. At first time niyang nagalit sa akin ng
ganito.

“Chelsea... “ Tumigil siya at humarap sa akin. Namumula ang pisngi niya at ang sama
ng tingin niya sa akin. Naguilty ako dahil sa klase ng tingin niya sa akin.

“Tell me Heinz, kaano ano mo si Charm?” Her voice is full of remorse at parang
naiiyak na din siya.

“C’mon Chels..” I tried to hold her hand pero nilayo lang niya sa akin tapos
tiningnan niya ako ng masama.

“Sa tingin mo ganyan ako kabulag Heinz? So really think na hindi ko napapansin? Sa
tingin mo hindi ko nararamdaman na mas concerned ka pa kay Charm kaysa sa akin? You
bought her favorite food without asking her samantalang ako, kailangan mo pang
tanungin ang gusto ko. Mas nauna mo pa siyang tinanong kung nagugutom siya kaysa sa
akin! Do you really think that I am that fool not to notice? Sa tingin mo hindi ko
napapansin na pag nagsama sama ang barkada at pag nakita mong hindi pa dumating si
Charm siya agad ang hinahanap mo? At hindi ako bulag para hindi makita ang klase ng
tingin mo sa kanya. The way you look at her when she’s not looking at you. Kaya wag
mo akong gawing tanga. Napuno na ako sayo. Ngayon, sagutin mo ako! Sino si Charm sa
buhay mo?” She is fuming mad at hindi ko alam ang gagawin o sasabihin ko sa kanya.
Hindi ko alam na ganun na ako ka obvious, parang natural lang kasi ang ginagawa ko.

“Chels, let me explain.”

“Just answer me Heinz! Sino si Charm sa buhay mo?” She is already shouting at yung
mga estudyanteng pumapasok sa locker room nanonood na sa amin. Ayokong gumawa ng
eksena, nakakahiya. Tang inang buhay to.

“Pwede ba nating pag usapan natin to sa ibang lugar?” Mahina kong sabi sa kanya.
Trying to be calm kahit ang lakas na ng kaba ng dibdib ko. Parang nahuli akong
nagtataksil pero hindi naman ako nagtaksil. Cheating na ba ang matatawag sa ginawa
ko? I’ve tried to stay away from her pero hindi ko lang kasi mapigilan ang sarili
ko na magalala sa kanya. And because of that, nagwawala ngayon si Chelsea. Ay
pakshet talaga!
“No! Sabihin mo ngayon sa akin.” Huminga ako ng malalim. I guess I have no choice
now, kundi sabihin sa kanya ang lahat. Pahamak kasi yang si Mike. Pero bakit ko
sisisihin si Mike? Ako lahat ang gumawa ng mga actions na yun.

“Charm is my girlfriend way back in high school.” Mahinang sabi ko. At nakita ko
ang unti unting pagtulo ng luha sa mga mata ni Chelsea. Fuck! I attempted to wipe
her tears pero hinampas niya ang kamay ko tapos siya mismo ang nagpahid ng luha
niya.

“And you didn’t tell me?” Puno ng hinanakit ang boses niya. Guilty na guilty ako.

“I didn’t want to create animosity between you two. It’s over between us and sa
tingin ko wala ng dahilan pa para sabihin ko sayo ang naging relasyon namin. It’s
not important Chelsea. You don’t have to be jealous of her.”  Pero umiling iling
lang siya na parang sinasabi na hindi siya naniniwala. Tangna! Ang hirap ng mga
babae.

“Siya ba ang kinukwento mo sa amin dati? Siya ba yung babaeng umalis nung high
school ka?” Inihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko. Paksyet!

“It doesn’t matter Chelsea!” I felt irritated na kailangan pa niyang sabihin yun.

“It matters to me Heinz!”

“Yes.” And with that, tumulo ulit ang mga luha niya. Takte naman! Iiyak  kasi 
hindi sinabi ang totoo, pag sinabi naman iiyak pa din. Ano na lang ang gagawin ko?
“So that explains everything.” She said bitterly.

“Tell me Heinz, do you still love Charm?” Natigilan ako sa tanong niya. Do I still
love Charm? Without hesitation iisa lang ang sagot ng buong pagkatao ko. Yes. Pero
hindi ko pwedeng sabihin kay Chelsea yun. Hindi ito ang tamang panahon para sabihin
ko sa kanya. Not when a lot of people are listening to us.

“You are now my girlfriend.” Mahina kong sabi.

“Hindi yun ang sagot sa tanong ko!” Huminga ako ng malallim and hold her hand. This
time, hindi siya umiwas. Hinayaan niyang hawakan ko ang mga kamay niya.

“No! Of course not. Hindi kita magiging girlfriend kung mahal ko pa si Charm. Kung
ano man ang meron kami dati ni Charm, it’s over Chels, ikaw na ang gf ko ngayon and
I love you.” And I hope na kakalma na siya dahil sa mga sinabi ko. Sana maniwala na
siya.

“Charm! Andito ka lang pala!” Nagulat kami nung may sumigaw. Napalingon ako bigla.

Napatingin ako sa nagsalita. Isa sa mga babae naming classmates pero napatingin ako
sa tinawag niya. And I saw Charm beside the locker area. Looking at us at ang
lungkot ng mga mata niya.  Nagkatinginan kami at nakita ko sa mga mata niya na
nasasaktan siya. Narinig ba niya ang sinabi ko?

Shit!
Then nakita ko siyang tumalikod with a hunch shoulder. Mabilis siyang naglakad
palayo sa amin habang nakayuko. All along nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko
alam ang gagawin ko. I’m torn between her and Chelsea.

“Ano hahabulin mo siya? Would you run after your ex girlfriend Heinz?” Sabi ni
Chelsea. Hindi maipagkakaila ang banta sa boses niya. 

=================

28. Hindi na dapat ako bumalik

28.

Mag iisang linggo na simula nung naging eksena sa locker room. Humingi na din ng
tawad sa akin si Mike dahil nagkabukuhan dahil sa ginawa niya. Pero simula noon
hindi na sumasama sa barkada si Charm. Siya na mismo ang umiiwas. 
Pagnagkakasalubong kami, liliko siya para maiwasan lang ako. Ni hindi siya
makatingin sa mga mata ko. Alam kong nasaktan ko siya pero sa mga nangyayari
ngayon, hidni ko alam ang gagawin ko.

Oo mahal ko siya, pero hindi naman ganun kadali makipaghiwalay kay Chelsea. Hindi
naman basta basta na lang sasabihin ko na wala na kami kasi andito na si Charm.
Ayaw kong masaktan si chelsea dahil sa kagaguhan ko pero ang nangyayari nasasaktan
ko si Charm at nasasaktan akong nakikita siyang nasasaktan.

“Mike, nasaan si Charm?” Bigla kong tanong kay Mike. Malapit ng dumaitng ang prof
pero wala pa din siya. Kahit hidni niya ako pinapansin, pumapasok pa din siya pero
bakit hanggang ngayon wala pa din siya? Nag aalala ako.

“Hindi ko alam. Baket?” Lumapit si Mike sa akin at tiningnan ako ng mabuti.


“Wala.” Huminga ako ng malalim at umiling iling at binalik ang pansin ko sa libro
na hindi ko naman maintindihan kahit ilang beses ko ng binasa.

“Tol, hirap noh?” Napatingin ako kay Mike. Alam ko kung ano ang ibig niyang
sabihin. Sa lahat ng taong kilala ko, siya ang mas nakakaalam ng lahat. Siya ang
saksi sa nangyari sa amin ni charm at sa mga nangyayari ngayon.

“Hindi ko alam ang gagawin ko.”

“Nakikita ko. Kahit ako nahihirapan sa sitwasyon niyo. Kaibigan kita at kaibigan ko
din si Charm. Kahit hindi kami ganun ka close ni Chelsea pero naiintindihan ko
siya. Pero si Charm kasi.. parang kapatid ko na yun at kahit nakangiti yun, alam ko
na nasasaktan siya. Hindi ako bias, pero sana makapagdecide ka kasi dalawang babae
ang nasasaktan mo. Hindi pwedeng wala kang masaktan sa kanilang dalawa. Kahit ano
pa ang magiging desisyon mo, may masasaktan ka talaga. Haysss... mabuti na lang
talaga at kahit ganito tayo ka close, hindi ako nainlove sayo. Di sana isa na din
ako sa mga umiiyak. Pero pag nangyari yun, sure naman ako na ako ang pipiliin mo .”
Kumindat pa siya sa akin. Napatawa na alng ako.

“Gago!”  Nagtawanan na lang kami at iniba ang topic hanggang sa dumating ang prof.
Dumating ang prof at nagdismiss ng hindi pumapasok si Charm.

“Pumasok ba yun?” nag aalalang tanong ko kay Mike.

“Oo! Nakita ko kanina yun sa canteen. Baka nasa rooftop.”

Nagpaalam na ako kay Mike at umakyat papuntang rooftop. Yung rooftop kasi ng
Engineering and Architecture Department parang rooftop ng Trinoma. Parang may
garden kasi joint project ng Fine Arts, Architecture at Engineering Department.
Dali dali akong umakyat at inikot ang buong rooftop pero wala akong nakitang Charm.
Nasaan siya?  Kailangan ko siyang makausap. Naliwanagan ako ng dahil sa sinabi ni
Mike. Tama siya. Kailangan kong mamili. Oo pinili ko nung una si Chelsea, pero
nagiging unfair ako sa kanya. Nagiging unfair ako sa sarili ko at nagiging unfair
ako kay Charm. Kailangan kong ayusin to kaya kakausapin ko si Charm. Kailangan kong
magpaliwanag sa kanya tungkol sa narinig niya last week.

Aayusin ko to.

Nung masigurado kong wala akong makitang Charm, agad akong bumaba sa rooftop at
nagpuntang carpark at lumabas ng school. May idea na ako kung nasaan siya.  Sa park
sa tapat ng bahay nila. Nakarating ako sa subdivision nila at agad akong dumiretso
sa may park. Namimiss ko ang lugar na ito. Matagal na din nung huli akong pumunta
dito.

Nagpark ako sa gilid tapos naglakad papunta sa playground. Tiningnan ko ang


playground pero wala akong makitang tao. Wala siya sa playground. Kung wala siya
dito? Nasaan siya? Baka nasa school?

Babalik na sana ako sa kotse ko nung makita ko siya. Nakaupo siya sa isang bench sa
ilalim ng puno ng mangga. Nakatagilid siya sa akin at nakaupo lang at nakatingin sa
bahay nila. Kahit sa malayo makikita mo ang lungkot sa mukha niya.

Ilang minuto ko siyang tiningnan lang mula sa kinatatayuan ko. She looked so
beautiful, habang nililipad ng hangin ang buhok niya. Dahan dahan akong lumapit sa
kanya. Kahit malapit na ako, hindi pa din niya ako napansin. Diretso lang ang
tingin niya sa bahay nila specifically sa kwarto niya.  Ilang beses ko ding narinig
ang buntong hininga niya.

“Cutting classes again?” Bigla siyang tumingin sa akin. Gulat na gulat. Lumapit ako
sa kanya at umupo sa tabi niya. Umusog siya para bigyana ko ng space or baka para
hindi kami magdikit.
“Anong ginagawa mo dito?” Hindi pa ding makapaniwalang tanong niya. Nakocutan ako
sa ganyan niyang reaksiyon kasi nanlalaki ang mga mata niya.

“Nanghuhuli ng mga nagkacut ng class.” Tumawa ako ng kunti pero siya walang
reaksiyon. Hindi na siya nagsasalita. Kahit ako hindi ko alam kung ano ang
sasabihin or kung paano ko sisimulan ang mga sasabihin ko. Pagdating talaga kay
Charm, naduduwag ako.

“Bakit hindi ka pumasok? Bakit andito ka?” Gustong gusto kong hawakan ang mga kamay
niya pero hidni ko magawa. Natatakot akong I reject niya. 

“Nagpapahangin lang.” Matipid at malungkot na sabi niya.

“Tatlong oras ka ng nagpapahangin dito?” I tried to humor the situation pero ni


wala akong reaksiyon na makuha mula sa kanya.

“Bakit ka pumunta dito Sam?” Seryosong tanong niya pero hindi pa din siya
tumitingin sa akin. Pero alam kong yun na ang cue ko para sabihin ang gusto kong
sabihin.

“Gusto kong mag usap tayo Charm.” Sa totoo lang sobrang kinakabahan ako ngayon.

“Yung-yung narinig mo last week...” Paano ko ba sasabihin?

“Naiintindihan ko. I’m too late right? Huling huli na ako.” Nakita ko siyang yumuko
kaya natakpan ng buhok niya ang mukha niya. She is again playing with her hands.
Yun palagi ang ginagawa niya pag gusto niyang I distract ang sarili niya or may
pinipigilan siyang emosyon.

“Hi-hindi na dapat ako bumalik. “ Her voice cracked. “Ng dahil tuloy sa akin, nag
aaway kayo ni Chelsea. Dapat nung unang nalaman ko, hindi ko na tinuloy ang pag
enroll sa school niyo. Pwede naman akong pumili ng ibang school di ba? Or pwede
naman akong bumalik ulit ng China. Pero—pero kasi Sam... gusto kitang makita. Kahit
alam kong masasaktan lang ako gusto pa din kitang makita, gusto kong marinig ang
boses mo. Gusto kong lumapit ulit sayo. Namimiss kita. Hindi ko mapigilan pe—pero
hindi ko gustong makagulo. Hindi ko gustong mag away kayo ni Chelsea. I’m sorry.”
Naninikip ang dibdib ko sa mga sinasabi niya. Lalo na nung makita kong may pumatak
na luha sa mga kamay niya. Parang sinasak ako ng madaming beses.

“Charm...” Tumingin siya sa akin. Pulang pula ang buong mukha niya, namamaga ang
mata niya and tears are streaming down her face. Gusto kong suntukin ang sarili ko
dahil sa nakita ko.

“I am very sorry Samuel.”  Sabi niya sa nanginginig na boses. Nag iinit ang sulok
ng mga mata ko at naninikip ang dibdib ko. Dapat ako ang nagsosorry as kanya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Niyakap ko siya.  I hugged her tight at hindi
ko na napigilan ang mga luha ko. Alam kong hindi na ako makakaramdam ng ganito sa
ibang babae.  Yung parang sa pag alis niya, isinama na rin niya ang buong pagkatao
ko. She is the only girl who could make me feel like this at kahit anong pilit kong
magmahal ng iba, hindi nun mapapantayan ang nararamdaman ko kay Charm. Lahat ng
sakit, hinanakit, pagtatampo na nararamdaman ko nugn umalis siya, lahat ng yun
nawala nung niyakap ko siya. Just like that. Those months of loneliness seems like
a dust, parang usok na biglang nawala.

Because everything boils  down into one thing. The one thing, that I’ve tried so
hard to ignore, I’ve tried so hard to set aside. The one thing that I’ve been
keeping but keep on nurturing these past years.

“I love you Charm. I love you baby, so much.”  


=================

29. Hindi pwede

 29

“I love you Charm. I love you baby, so much.” 

We stayed hugging each other for a long time and I wanted for us to stay the same. 

“I love you.” Hinawakan ko ang pisngi niya at tiningnan siya sa mga mata. Pinahiran
ko na din ang mga luha niya.

“Pero sinabi mong mahal mo si Chelsea. Siya ang gf mo.”

“Sinabi ko lang yun dahil ayaw kong mag iskandalo sa school. Oo siguro minahal ko
siya, I care for her but not as much as I love you. Hindi kasing tindi ng
nararamdaman ko sa’yo.”

“Mahal din kita Sam, pero si Chelsea... Hindi pwede ito, masasaktan mo siya.”
Nakikita ko ang pag aalala sa mukha niya.

“Mas ayaw kong nasasaktan ka. Baby, it’s okay. Kakausapin ko siya, maybe she would
understand.  Just give me time to talk to her okay? “ Though hindi ko din alam kong
papaano ko sasabihin kay Chelsea ang lahat pero siguro tama lang na malaman niya
ang  lahat ngayon mula sa akin kaysa malaman pa niya sa iba.
Pero ang totoo, hindi ko alam kung paano sasabihin kay Chelsea. Hindi ganun kadali
makipagbreak sa girlfriend lalo na at napakabait ni Chelsea. Pero kailangan kong
mamili at si Charm ang pinili ko kaya kahit hindi ko gusto masasaktan at masasaktan
si Chelsea sa gagawin ko.

Tumigil pa kami doon sa may park at nag usap. Nalaman ko na ang kasama lang pala
niya sa bahay nila ay ang katulong nila at ang driver dahil hindi pa din umuuwi ang
parents niya.  Madami kaming napag usapan at mostly tinanong ko siya sa naging
buhay niya sa China at tinanong din niya ako tungkol kay Chelsea. Kinuwento ko sa
kanya ang lahat hanggang sa gabihin kami.

Nung mga 9PM na hinatid ko na siya sa bahay nila pero hindi na ako pumasok. Gabi na
din kasi at baka hinahanap na ako sa bahay.

Nung nakasakay na ako sa kotse tsaka ko naalala ang cellphone ko. Ang daming missed
calls at messages si Chelsea pero hindi ko nireplayan. Sa bahay ko na alng
itetext.  Pero nakatulog na ako’t lahat nakapaggoodnight kay Charm pero hindi ko pa
din nareplayan si Chelsea.

Kinaumagahan, maaga akong pumunta ng school kahit tanghali pa ang pasok ko kasi
maaga ang pasok ni Charm. At kakausapin ko din si Chelsea. Bahala na.

‘Baby, saan ka na? Nagbreakfast ka na ba?’ I texted her nung dumating ako sa
school.

‘Nasa  class. Mamaya na po, mga 9am, after ng class.’


‘Bumabalik ka na naman sa hobby mo na hindi pagbbreakfast. After your class,
magkita tayo sa bistro. Pakakainin kita.’ Ganun siya nung highschool. Dahil late
siya gumigising, hindi na siya nakakain kaya nagdadala ako ng breakfast pag
sinusundo ko siya para doon na niya kainin sa kotse. Ngayon hindi na naman siya
nagbbreakfast. Kaya pala ang payat niya.

‘J’ Yan lang ang sagot niya pero napangiti ako. Tapos pumunta na ako sa bistro.
Dumating siya mga 9:15 and since nakapag order na ako, iniserve na lang pagdating
niya.

“Ang dami naman nito. Fiesta?” Nakangiti siya habang nakatingin sa pagkain tapos sa
akin.

“Hindi. Pambawi sa mga araw na hindi ka nagbreakfast.” Ngumiti lang siya ulit tapos
kumain na.  Natutuwa akong makita siyang kumakain.

“Kakausapin ko si Chelsea mamaya.” Sabi ko nung patapos na siya. Baka kasi mawalan
siya ng gana pag sinabi ko habang kumakain na siya.

“Sigurado ka?” Alam kong nagwoworry siya.

“Baby, wala ng ibang way. Alangan naman na itago natin ang relasyon natin.
Malalaman at malalaman din niya. The sooner the better.” Tumango tango na lang
siya.

“Pero Sam, relasyon agad? Hindi mo man lang ako liligawan ulit?” Napangiti ako sa
sinabi niya.
“Bakit kita liligawan ulit? Nagbreak ba tayo?”  Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko.

“Kung hindi tayo nagbreak, eh di niloko mo ako?” Natigilan ako sa sinabi niya.
Sapul! Hindi ako nakapagsalita agad. Tama naman siya. Habang girlfriend ko si
Chelsea, feeling ko nagchecheat ako pero hindi ko nga lang pinansin.

“Oi joke lang! Hindi naman kita sinisisi dahil doon. “ Naalarma naman siya dahil sa
naging expression. Hays.. madami talaga akong kailangan bayaran kay Charm.

“Labas tayo bukas? Susunduin kita sa bahay niyo.” Sabado bukas at bukas ko na
sisimulan ang panliligaw ko ulit. Kahit ilang beses pa ako manligaw ulit sa kanya,
okay lang.

“Bakit?”

“Pwede bang maidate ang babaeng liligawan ko?” Namula siya bigla. Priceless.

“Hindi pwede.” May lakad ba siya bukas?

“Bakit?”

“May date kami ng boyfriend ko bukas.” Nakangiti pa niyang sabi sa akin. Bigla
akogn kinabahan.

“Boyfriend?”
“Adik ka Sam! Bakit? Nagbreak ba tayo?” 

=================

30. Umamin ka na!

30.

Sa totoo lang hindi ako makatulog. Kanina pa ako pabalibaliktad sa kama ko pero
hindi talaga ako makatulog. Ang masama pa, hindi maalis ang mga ngiti ko.
Nagmumukha tuloy akong baliw. Kunsabagay, baliw naman talaga ako. Baliw kay Charm.
Amp! Ang corny. Pero totoo naman.

Ewan ko ba kung bakit ganito na lang ang nararamdaman ko sa kanya. Naapektuhan ata
talaga ang utak ko nung pinalo niya ako ng drumstick dati.

Buti na lang at nawala na yung pagiging sadista niya nung naging kami na. Siguro
talaga way niya yun ng pagpapacute. Lumaki ang ngiti ko nung marealize ko yun.

Ampotek! Ganun siya magpacute? Pambihira. Kaya pala panay ang palo niya sa akin
dati kasi nagpapacute siya. Hahahaha.  Ang adik lang.

Yun ang ginawa ko sa loob ng mga dalawang oras hanggang sa makatulog ako. 
Kailangan ko pa kasing gumising ng maaga kasi susunduin ko siya sa bahay nila.

Pagkababa ko nung umaga, nagulat pa si Mommy nung makita niya akong bumaba. Usually
kasi pag Sabado at Linggo, tanghali na ako gumigising.
“Good Morning Mom.” Bati ko kay Mommy sabay halik sa pisngi niya. Nagtatakang
tumingin siya sa akin kasi hindi ko naman gawain ang magising ng umaga kapag
weekends.

“Maganda ata ang gising mo Heinz? May lakad ka ba?” Tiningnan niya ang suot ko.

“Pupunta ako kina Charm. Susunduin ko siya.” Nakangiting sabi ko kay Mom. Hindi ko
alam kung bakit tuwing sinasabi ko ang pangalan ni Charm nangingiti ako.

“Charm?” Nakakunot ang noo ni Mom habang nakatingin sa akin. Nginitian ko lang
siya.

“Si Charm Mom. Don’t tell me you have forgotten her?” Impossibleng makalimutaqn
niya si Charm. Close pa nga sila dati.

“Of course naaalala ko siya but I think nasa China siya?”  

“Matagal na siyang nakabalik Ma. Ngayon ko lang nasabi ulit kasi kahapon lang kami
nagkabati ulit.” Ngiting ngiting sabi ko. Mom looked at me seriously.

“So, wala na kayo ni Chelsea?” Napakamot ako ng ulo. Si Chelsea nga pala.
“Sasabihin ko sa kanya sa Monday Mom.” Nanlaki ang mga mata ni Mommy.

“Samuel Heindriek! Pinagsabay mo silang dalawa!?” Mom look aghast. Kulang na lang
hampasin niya ako ng hawak niyang skillet.

“It’s not like that Mom. Wala lang akong pagkakataon na sabihin kay Chelsea  ang
lahat. Pero sasabihin ko talaga sa kanya. Promise Mom.” Bumuntong hininga na lang
si Mommy at pinaghainan na ako ng pagkain.

Pagkatapos kong kumain, agad na akong sumakay sa kotse at pumunta sa bahay nila
Charm.  Pinagbuksan ako ng katulong at sinabing kumakain si Charm ng breakfast.
Hindi pa siya nakaayos. Nagulat siya nung makita niya akong papasok sa dining room
nila.

“Whoaaaa! Ang aga mo naman. Kain ka muna.” Lumapit na ako sa kanya and kissed her
cheeks at automatic naman na namula siya at yumuko.

“Nakakain na ako sa bahay. At mabuti na yung maaga para madami tayong mapuntahan.”
Kahit hindi ako kumain, umupo pa din ako sa chair sa tabi niya at binigyan ako ng
juice ng katulong nila.    Pagkatapos niyang kumain umakyat na siya para mag ayos.
Nanood lang ako ng TV pero wala naman sa TV ang isip ko. Kinabahan ako na
naeexcite. Ang adik ko lang. Ganito ata talaga pag matagal mong di nakasama ang
mahal mo. Naeexcite ang buong pagkatao mo.

Pagkatapos niyang mag ayos umalis na kami at pumuntang mall. Nag ikot ikot kami
tapos nanood ng sine.  Bago maglunch, pumasok kami sa Department Store kasi may
bibilhin daw siyang damit pero nagulat na lang ako kasi bigla na lang niya akong
hinila at nagtago kami sa likod ng mga damit.

Shit! Nakakagulat si Charm.


“Baby.. madaming tao.” Atubiling sabi ko.  Alam kong miss niya ako at miss na miss
ko na rin siya pero ang daming tao sa mall.

“Alam ko. Wag ka ngang maingay.” Nagpalinga linga siya sa paligid. Nakatingin lang
ako sa kanya tapos tumingin siya sa akin. Hindi ako mapakali lalo pa at ang lapit
lapit namin. Feeling ko pinagpapawisan na ako ng malapot. Iniiwasan kong mapatingin
sa labi niya. Ampotek!

“Baby...” Bakit ba kasi bigla bigla na lang naghihila?

“Si Chelsea.” Mahina niyang sabi tapos napatingin sa kaliwa.

“Ha?’At nakita ko nga sina Chelsea kasama ang mga girlfriends niya. Saglit akong
kinabahan pero siguro panahon na rin para sabihin sa kanya.

“Bakit tayo nagtatago?” Tama! Sasabihin ko na nga kay Chelsea.

“Baka makita kasi tayo.” Lalo niya akong siniksik sa mga damit. Napahawak ako sa
bewang niya. Shit talaga!

“Eh di mabuti. Sasabihin ko sa kanya ang totoo.” Kesa naman ganito kami lagi.

“Wag! Nasa mall tayo. Baka magkaroon ng scene.” Napaisip ako sa sinabi niya. Tama
siya. Pag nagalit si Chelsea, malaking kahihiyan at ayaw kong mapahiya si Charm sa
harap ng madaming tao. Hinintay namin na makaalis sina Chelsea at tumalilis kami
palabas ng Department Store at palabas ng mall.  Sa labas na din kami naglunch.
Nakita kong malungkot siya habang kumakain kami. Kahit nakangiti siya, alam ko na
nag iba na ng mood. After naming kumain ng lunch nag yaya na siyang umuwi at
pumayag naman ako. Hinatid ko siya sa kanila.

“I’m sorry.”Sabi ko bago siya bumaba ng kotse ko.  Hindi ko alam kung bakit pero I
feel the need to ask her forgiveness. Dapat kasi date namin to pero nag iba na ang
atmosphere dahil parang nagtatago kaming dalawa. At hindi pwede ang ganito.

Tumingin siya sa akin tapos ngumiti ng tipid. “Pasok ka muna.” Lumabas na din ako
ng kotse at sumunod sa kanya. Umupo siya sa sofa at umupo din ako sa tabi niya.
Aaminin ko, ayaw ko pang umalis.

“Sam, hindi naman ako galit dahil sa ginawa mo. Hindi naman ako nagalit sayo. More
like nalungkot, nasaktan but never nagalit. But what happened a while ago made me
realize kung ano ako sa relasyon niyo ni Chelsea...” Shit!

“Baby...” Kinakabahan ako sa maaaring sabihin niya.

“Pag may nakakitang ibang tao sa atin, they would only think of one thing. Mang
aagaw ako, mistress, kabit, malandi...”

“Charm stop! Alam nating dalawa na hindi ka ganun.” Hinawakan ko ang kamay niya.
Ayaw kong makarinig ng mga salitang yan lalo na when it is directed towards her.

“Pero hindi alam ng ibang tao ang totoo and they would not understand. More so,
they would not be merciful with their judgement. Kaya Sam, hanggang may relasyon
kayo ni Chelsea, mas mabuti sigurong wag ka munang maging malapit sa akin.”
Nakayukong sabi niya.

“I will settle everything  with Chelsea  as soon as I can pero... ang hindi ako
pwedeng lumapit sayo? Charm...” Totoong nasaktan ako sa sinabi niya. Mahigit isang
taong kaming hindi nagkita, malapit isang taon kaming halos di magpansinan sa
campus tapos ngayong maayos na kami sasabihin niyang hindi ako lalapit sa kanya?
Hindi ba niya alam kung gaano kahirap ang hinihingi niya?

“Hindi mo na din pwedeng hawakan ang kamay ko.” Tapos inalis niya ang pagkakahawak
ko sa kamay niya.

“Hindi na tayong pwedeng magdikit.”  Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya.


Paksyet!

“Hindi mo na din akong pwedeng tingnan ng ganyan.” Seryoso pa ding sabi niya.
Nagbibiro ba siya? Pero ang seryoso ng mukha niya.

“Ano?” Takte naman! Pinaglalaruan ba niya ako? Hindi pwedeng tumingin sa kanya.

“At mas lalong hindi mo akong pwedeng  i-kiss at I-hug kahit tayong dalawa lang.”
Tiningnan niya ako at hindi ko na alam kung nag aasar lang talaga siya o seryoso
siya.

“Hindi naman ata pwede...”

“Pero...pwede akong lumapit sayo.” Tapos lumapit siya ng kunti sa akin.


“Pwede kong hawakan ang kamay mo.” Hinawakan din niya ang kamay ko.

“Pwede din kitang tingnan at I hug.” Pero hindi naman niya ako hinug. Inihilig lang
niya ang ulo niya sa balikat ko.  Akala ko nga gagawin niya eh. Sayang. Hahaha.
Parang alam ko na na nantsatsansing lang itong gf ko.  Pero may nakalimutan ata
siya.

“May nakalimutan ka ata?” I smiled tapos inakbayan na din siya. Ang kulit lang
niya.

“Ay! Oo nga pala. Gusto kong sabihin sayo na aagawin kita kay Chelsea. Baka kasi
mabigla ka.” Ngumiti na siya ng malaki at kinuha ang remote sa center table at
binuksan ang tv.

“Hindi yun.  Kung hindi kita pwedeng I-kiss, eh di iakw pwede mo akong  i-kiss.”

“Ay! Hindi din. Hindi pa naman kita naagaw at hindi ko pa naman nasimulan na agawin
ka. Wag kang ngang atat Samuel!”   Ang laki na ng ngiti niya. Napaghahalatang
pinagloloko niya ako.

“halimbawang naagaw mo na ako ngayon?”

“halimbawa lang naman yan.” Takte. Hindi makalusot?

“Eh di naagaw mo na ako ngayon.” Tiningnan niya ako ng seryoso tapos tumaas ang
kilay niya.
“Alam mo atat ka Samuel! Atat ka! At baka nakakalimutan mo na may girlfriend ka pa
Mister at kabit mo lang ako ngayon. Makipaghiwalay ka kaya muna?” Tapos pinisil
niya ang ilong ko. Hindi mahinang pisil. Masakit na pisil. Aaahhhh.. Kung hindi
lang kita mahal Charm Ming!! Putakte!

“Aray naman! Makikipaghiwalay na nga po Boss. Sa lalong madaling panahon po. Pero
hindi ba pwedeng mag advance kiss?” Baka lang naman makalusot. Pero mukhang hindi
kasi... humiwalay siya sa pagkakasandal sa akin at tiningnan ako ng seryoso. Her
brows furrowed and she looked at me intently. Kinakabahan ako sa tingin na ganyan.

“Samuel, bago ako umalis ng China, hindi ka naman ganyan.” Seryoso pa din ang
tingin niya.

“Anong ganyan baby?” Hala!

“Hmmmm... you are not aggressive and you are never bold.” Paksyet! Saan papatungo
ang usapang ito?

“Hala!” Yun na lang ang nasabi ko.

“Umamin ka nga sa akin Samuel!” At tumayo na talaga siya at nameywang at humarap sa


akin.

“Ng ano!?” Holy shit!


“Did you and Chelsea did it?” Tumaas ang boses niya.

“Hindi ah!” Biglang sagot ko naman.

“Hindi pa nga tapos ang tanong ko. Hindi kayo nagkiss?” Namula ako sa tanong niya.
Ano ba! Paano ko ba yan sasagutin? “Umamin ka!” Tapos piningot niya ang tenga ko. 
Bugbog na naman ako. Kahapon lang kami nagkabalikan niyan ha!

“Aray naman. Umupo ka nga muna.” Tapos hinila ko na siya paupo. Nakakaintimidate
kasi na nakatayo siya sa harap ko. “Oo na! Nagkiss na kami.” Alangan naman
magsinungaling pa ako. Hindi naman yan maniniwala. Tsaka iwas na rin sakit sa
katawan.

“How far?” How far?

“What do you mean how far? I k-kwento so sayo ang details?” Sumimangot siya.

“Eh wag na. Magseselos ako. Pero did you two already..you know...ahmmm... have
sex!” Biglang sabi niya. Feeling ko namula ang buong mukha ko sa sinabi niya. Ang
daldal naman.

“Charm! Hindi pa no!” Sabi ko agad. Ang awkward ng pinag uusapan namin. Bakit ito
ang topic na napili niya?

“Weh? Hindi nga?”


“Hindi nga!”

“Ayaw mo lang umamin. Pero umamin ka na!”

“Hindi nga!” Ang kulit. Tsaka alangan sabihin ko na muntik na kaso umepal ang siya.

“Umain ka na! Isa!” Ay ayaw talaga maniwala.

“Hindi nga! Ang kulit.”

“Hindi naman ako magagalit kung may nangyari na sa inyo ni Chelsea eh. Kay umamin
ka...mmmmppp!”

Hinalikan ko na. Ang kulit eh.  ;)

=================

31. Dahil ba sa kanya?

31.

Pagkauwi na pagkauwi ko sa bahay tinawagan ko si Chelsea para magkita kami pero


nasa labas daw siya kasama ang parents niya. Tinatanong niya ako kung bakit hindi
ko sinasagot ang mga tawag at text niya at sinabi kong may pinuntahan din kami ni
Daddy at naiwan ang cellphone ko sa bahay na totoo naman dahil sadyang iniwan ko sa
bahay ang phone ko.
Niyaya niya akong sumama sa kanila dahil pupunta sila ng Tagaytay kinabukasan but I
refused. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya sa harap ng buong pamilya niya kaya
pinili ko na lang na hindi sumama. Naisip ko na lang na sa Lunes ko na lang
sasabihin sa kanya.  Kaya lumabas na lang kami ni charm nung Linggo. Paksyet!
Feeling ko isa akong dakilang two timer. Ginagawa ko naman ito dati pero ngayon,
kinakain na ako ng kunsensiya ko.

Nung nag Monday maaga kong sinundo ko si Charm sa bahay nila at sabay na kaming
pumasok sa school kahit after Lunch pa ang pasok ko. May pasok kasi siya ng 7:30
and besides may pasok din si Chelsea ng ganung oras at tama lang na kausapin ko na
siya pag break niya.

Nakakainis lang kasi tinotoo ata niya na hindi ko siya pwedeng hawakan at halikan
hanggang hindi kami hiwalay ni Chelsea. Ayaw kasing magpaakbay habang naglalakad
kami sa hallway papuntang classroom niya at ayaw din magpahawak ng kamay. Kaya
kailangan talagang makipagbreak na ako kay Chelsea.

Pero ito namang si Chelsea, mukhang nananadya, hindi ba naman pumasok  nung umaga
at hindi daw nakagising ng maaga pero sabay daw kaming mag lunch. Pumayag na ako
kasi pagkakataon ko ng masabi sa kanya. Hindi ko nga lang alam kung papaano ko
sasabihin pero bahala na. Alangan naman na patagalin ko pa. Tinext ko na lang siya
na magkita kami sa rooftop dadalhin ko na lang ang lunch. Ayaw kong sa cafeteria
kami kumain.

Hinintay ko na lang matapos ang class ni Charm ng 10:30 tsaka na lang kami
maglalunch. Bibilhan ko na lang mamaya si Chelsea.

“Oh! Anong ginagawa mo dito? Akala ko mag uusap kayo?” Nagulat pa siya nung lumabas
siya ng room at nakita niyang naghihintay ako.

”Wala siya eh. Mamayang lunch kami mag uusap. Tara lunch na tayo. ” Sumabay ako sa
paglalakad niya. Napaptingin ang ibang classmates niya sa amin at nakikita kong
namumula ang pisngi niya.
“Akala ko maglalunch kayo mamaya?” Hindi siya makatingin sa akin habang sinasabi
niya yun.

“Hindi. Dadalhan ko lang siya ng pagkain pero tayo ang sabay na maglalunch.” Hindi
na siya nagsalita. Naglakad na lang siya papunta sa canteen. Putting distance
between us. Naiintindihan ko naman siya sa ginagawa niya pero hindi ko lang
maiwasan na mainis sa sitwasyon.

Nasa canteen na kami at pumipili na siya ng pagkain nung biglang may yumakap sa
akin mula sa likod. Nung lumingon ako, napamura ako sa isip. Bakit andito na si
Chelsea? Akala ko ba lunchtime?

“Namiss mo ako ano? Text ka ng text eh. Nagworry ka ba na hindi ako pumasok?” Tapos
hinalikan niya ako sa pisngi at kumapit sa braso ko. Takte! Napatingin ako kay
Charm na agad namang binawi ang tingin sa amin paglingon ko sa kanya. Pero nakita
ko pang parang naiiyak siya. Syet!

Tapos naglakad na siya papuntang cashier at nag order ng pagkain niya at binayaran.
Nalintikan na! Pero siguro maintindihan naman niya di ba? Bahala na! Mag eexplain
na lang ako mamaya pagkatapos naming mag usap ni Chelsea.

Hinarap ko na si Chelsea at nginitian tapos bumili kami ng pagkain at doon ko na


siya niyayang kumain sa rooftop. Kinakabahan ako habang kumakain kami at hindi din
maalis sa isip ko ang naging reaction ni Charm. Gusto ko siyang puntahan at
kausapin. Baka nag iiyak na yun.

“Ang tahimik mo ngayon love.” Komento ni Chelsea. Tapos na siyang kumain at ako, ni
hindi ko nakain ang binili ko. Ito na nga ata yun. Nakakanerbiyos. Takte! Hindi
madali ang makipagbreak lalo na kung wala namang kasalanan ang hihiwalayan mo.
Nakakakunsensiya.
“Chels.. may sasabihin ako sayo.” Napatingin siya bigla sa akin. Lalo akong
kinabahan. Sumeryoso na din ang mukha niya siguro nakita niyang seryoso ang mukha
ko. Hinintay niyang magsalita ako.

“Chels, I’m sorry, but...ayaw kong masaktan ka pero hindi ko maiwasan. I’m really
sorry.” Takte! Ang hirap talaga sabihin nito. Pinagpapawisan ako kahit hindi naman
mainit.

“Diretsahin mo ako.” Namumula na ang mga mata niya. 

“I want out.”  Napapikit ako nung makita kong tumulo ang mga luha niya. Langya
naman!

“Dahil ba kay Charm?” Sabi niyang humihikbi. Yumuko ako.

“Dahil ba sa kanya?” Tumaas na ang boses niya. May lumingon na iilang estudyante na
malapit lang sa amin. “Siya ba ang dahilan Heinz? Siya din ba ang dahilan kung
bakit hindi mo ako naalala simula Friday night hanggang buong araw ng Sabado at
hindi ka makakasama sa Tagaytay nung Linggo?” Pinahid niya ang luha niya at ngumiti
sa akin.

“Nakita ko kayo sa mall nung Saturday. Sa tingin niyo hindi ko nakita? Kaya ayaw ko
ring makipagkita sayo kasi alam kong the moment na magkausap tayo yan ang una mong
sasabihin. Dahil ba sa andito na siya kaya baliwala na lang ako?” Alam kong galit
siya kahit na walang tigil ang luha niya.

“Hindi sa ganun Chels..”


“Mahal kita Heinz. Mahal na mahal kaya ginawa ko ang lahat mapansin mo lang ako.
Nagpapakacheap ako at halos ako pa ang manligaw sayo para maging tayo. Tapos dahil
bumalik lang ang babaeng yun, mawawa la ang lahat ng pinaghirapan ko!? Hindi! Hindi
ako makakapayag Heinz.”

“Chelsea!” Ano na ngayon?

“Naging mabait naman akong girlfriend di ba?  At mahal mo naman ako di ba?” Panay
ang pahid niya ng luha niya. Sa totoo lang naaawa na ako sa kanya. Pero ano ang
magagawa ko.  Si Charm..ayy fuck!

“Please Heinz..please...wag kang makipaghiwalay sa akin. Hindi ko


makakaya..please...” Tapos yumakap siya sa akin. Hindi ko alam ang sasabihin at
gagawin ko. Dumadami na din ang nanonood na parang nasa telenobela kami. Potek!
Ayaw ko ng ganito eh.   Napabuntong hininga na lang ako.

Siguro kakausapin ko na lang siya ulit next time pag kumalma na siya.

=================

32. I'm Sorry

32.

Nahihirapan na ako sa sitwasyon. Ilang beses ko pang kinausap si Chelsea pero


everytime na babanggitin ko ang tungkol sa break up, umaalis siya bigla kung
magkaharap kami. Pag nasa phone naman, pinapatay niya agad at hidni nirereplayan
ang mga messages ko. Ang masama pa nito, hindi rin ako kinakausap ni Charm.

Tuwing gusto ko siyang kausapin, ang tanong niya sa akin...


“Break na ba kayo ni Chelsea?” at pag sinabi kong ‘hindi’ sasabihin niyang
makipagbreak daw muna ako. Alam kong may point siya na kailangan ko munang ayusin
ang sa amin ni Chelsea pero ang hirap kausapin ni Chelsea. Ang hirap kausapin ng
taong nagbibingi-bingihan. Takte namang buhay to!

Sumasakit na ang ulo ko.

Katulad na lang ngayon, magkaklase kami pero hindi niya ako pinapansin. Nasa
harapan ko lang siya at kanina ko pa sinisipa ang upuan niya pero parang wala
siyang napapansin. Nakakaasar. Ayaw na ayaw ko pa namang hindi niya ako pinapansin.
At para akogn sinisilaban sa pwet pag galit siya sa akin. Nakakabanas!

Pasimple kong kinuha ang phone ko at nagtext.

‘Baby naman. Kausapin mo naman ako please.’  Tapos sinend ko sa kanya. Nakita kong
tiningnan niya ang cellphone niya at naghintay ako ng ilang minuto para sa reply
niya pero wala. Hanggang sa binalik niya ang phone niya sa bulsa niya. Sinipa ko
ulit ang upuan niya.

“Sir! Pwede bang lumipat sa vacant seat? Umuuga kasi ang chair ko. Sira ata.”
Napatingin na lang ako sa kanya. Pumayag naman ang prof.  Lalo akong nainis. Kinuha
ko ulit ang cellphone ko at nagtext.

‘Hindi mo ba talaga ako kakausapin?’  K

Hindi ako nageexpect na magrereply siya. Naisip ko kung ayaw niya akong kausapin,
hahanap ako ng paraan pata kausapin niya ako. Kidnapin ko na alng kaya siya? Pero
nag vibrate ang cellphone ko.
‘Break na ba kayo ni Chelsea?’ Yan ang reply niya. Nainis ako lalo. At mas lalo
akong nainis nung paglabas ko ng room sinalubong ako ni Chelsea at agad na kumapit
sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Napatingin ako kay Charm at nakita kong
nakatingin siya sa akin na parang anumang oras papatayin niya ako.

Tapos nagvibrate ang phone ko. Dalawang words.

‘Rooftop. Now.’ Galing yun kay Charm. Tumingin ako ulit sa kanya at nakita ko
siyang paakyat na ng stairs. Hindi na ako nagpaalam na kay Chelsea. Tumakbo agad
ako at sinundan si Charm.  Naabutan ko siyang nasa 5th floor at paakyat na sa
rooftop.

“Baby...” Hindi siya nagsalita, diretso lang siya sa rooftop at pumunta sa may
bandang dulo. Sa lugar na walang masyadong pumupunta.  Naupo siya sa may bench at
tumayo lang ako sa harap niya.

“Charm, hindi ko alam na pupunta siya sa building.” Alam kong galit siya at alam ko
na nagseselos siya pero hidni ko naman kontrolado ang gagawin ni chelsea. Sinasadya
niya ata talagang pagselosin si Charm.

“May plano ka bang makipagbreak kay Chelsea?” Malamig na tonong tanong niya. Ito
ang nakakatakot sa kanya. Pag kalmado siya. Naalala ko nung makipaghiwalay siya sa
akin nung high school.  Napakakalmado din niya noon at nakakatakot pag ganyan siya
kais ibig sabihin seryoso siya.

“Oo naman. Sinabi ko na sa kanya..”She cut me off.

“Kelan?” Sabi pa din niya pero nakatingin lang sa kamay niya at hindi sa akin.
“Baby...sinabi ko na sa kanya. Ayaw lang niyang pumayag, naaawa ako sa kanya
kaya...”

“Kelan?” Sabi ulit niya.

“Kakausapin ko siya ulit. Promise..” Napatingin siya ulit sa akin. Namumula ang
pisngi at ang mga mata niya.

“Wag kang magpromise Sam. Kaya mo bang makipagbreak sa kanya? At kung kaya mo,
kelan?” Hindi ako makapagsalita.

“Kakausapin ko siya ulit.” Napayuko ako.

“Tinatanong kita kung kelan Samuel dahil dalawang linggo na akong naghihintay.
Dalawang linggo na akong nagmumukhang kabit at dalawang linggo ka ng two timer. I
may sound like a bitch forcing you to choose between us pero hindi p-pwede ang
ganito. Hindi pwedeng girlfriend mo ako at girlfriend mo rin siya. Kung hindi mo
kayang makipaghiwalay kay Chelsea, then fine. Let’s end this.” Nagulat ako sa
sinabi niya.

“Charm! No! Hindi ako papayag. Just give me time, please. Makikipagbreak na talaga
ako bukas. Hindi na ako maaawa. ” Kinakabahan talaga ako.  Paksyet! Tapos babalik
siya ng China?  No way!

Tiningnan niya ako ng seryoso ng mga ilang minuto tapos tumayo at  walang sabi
sabing hinampas ako ng bag niya. Narinig ko pa ang ‘pak’.
Ang sakit. Napahawak ako sa ulo kong natamaan ng knapsack.

“Pag bukas ng 7PM di pa kayo break, magkalimutan na tayo Samuel.” Aalis na sana
siya nung hawakan ko ang knapsack niya.

“Ano ba ang laman ng bag mo at ang sakit? Dumugo ata ang ulo ko.” Sabi ko pa habang
hinihimas ang ulo ko. Alam ko naman na hindi nasugat pero ayaw ko pang umalis siya.
Ngayon nga lang nya ako kinausap tapos aalis siya agad?

“Ha?” Mukhang nagpanic naman agad siya. “Patingin.” Tapos lumapit siya sa akin at
titingnan sana ang ulo kong natamaan ng bag niya pero niyakap ko siya.

“I’m sorry Charm.”  

=================

33. Nilandi ko?

33.

“Grabe super landi talaga niya.” Narinig ko ang sabi ng mga babae na nag uusap sa
library. Ano ba! Library ito tapos ginawang tsismisan.

“Oo nga! Akalain mo yun, alam niyang may girlfriend na yung guy tapos pinatulan pa
niya. Kung hindi pa malandi ang tawag dun, ewan ko na lang.” Sagot naman ng isa pa.
Narecognize ko na ang mga babae. Sila ang mga kabarkada ni Cheska. Hindi ko alam
ba’t di nila kasama si Cheska gayung palagi naman silang magkasama.

“At ito pa ha, hindi man lang inisip na may nasasaktan siyang ibang tao. Ang kapal
ng mukha di ba? Akala mo kung sinong anghel dahil maamo ang mukha pero demonyita
pala sa loob. Nakakagigil.” Pinagtitinginan sa sila ng ibang estudyante pati ng
staff ng library pero mukhang wala silang pakialam.

“Teka girls, sino ba ang pinag uusapan niyo? Di ata ako nakakarelate.” Sagot naman
ng isa pa na mukhang sinasakyan lang mga kasamahan niya. Tsk! Tsk! Mga babae
talaga. Makaalis na nga lang. Pati tuloy ako nagmumukhang tsismoso.

“Sino pa, eh di si Charm. Charm Ming.” Napatigil ako sa paghakbang at napatingin sa


grupo ng mga kaibigan ni Chelsea. What the fuck!   Susugurin ko na sana ang mga
kaibigan ni Chelsea nung biglang may humawak sa balikat ko.

“Hayaan mo na Heinz. Hanapin mo na lang si Charm.” Napatingin ako bigla kay Mike.
Narinig din ba niya ang lahat? Anong klaseng tsismis ang nagkalat sa buong campus?
I nodded at Mike at nagmamadaling lumabas ng library.

Ano ang magiging reaction niya pag nalaman niya ang balita?

Napansin ko na ang makahulugang tingin sa akin ng mga estudyante. So maybe kalat na


kalat na sa buong campus ang tsismis. Shit! Nasaan ka Charm?

Kinuha ko ang cellphone ko and dialled her number pero nagriring lang at walang
sumasagot. Habang tumatagal lalo akong kinakabahan.
Nakahinga lang ako ng maluwag nung makita ko siyang papasok sa cafeteria. Sumunod
ako sa kanya. Tatawagin ko na sana siya nung makita kong nakasalubong niya sina
Chelsea at ang dalawa nitong kaibigan. Nagkatinginan sila at nakita kong yumuko g
ulo si Charm.

“Well, well, well. Andito pala si Charm. Ang malandi at ang mang aagaw na si
Charm.” Sabi ni Chelsea na halos dinig sa buong cafeteria. Nakita ko ang pamumula
ng mukha ni Charm. 

“At may mukha pa talaga siyang iharap sa buong campus Chels. Kapal huh!” Sabi naman
ng isa pang friend ni Chelsea.

“Excuse me Chelsea. Anong pinagsasabi mo?” Tumingin na ng diretso si Charm kay


Chelsea. Nanininingkit ang singkit na mga mata at namumula ang buong mukha. Alam na
alam ko ang expression na yan.

“At nagmamaang maangan ang malandi. Hahaha.” Sabi pa ni Chelsea. “Gusto mo pang
ikalat ko sa buong campus na inagaw mo ang boyfriend ko? Nilandi mo at inagaw mo.
Ang kapal ng mukha mo. Akala mo kung sino kang mahinhin at mabait. Nasa loob pala
ang sungay mo!” Pulang pula na din ang mukha ni Chelsea. At mga lahat ng tao sa
cafeteria tumitingin na sa kanila.

Lalong naningkit ang mga mata ni Charm. Gusto kong pigilan sila pero alam kong sa
mga ganitong pagkakataon ayaw na ayaw ni Charm na pinapakialaman.

“Si Samuel Heindrick ba ang pinag uusapan natin dito Chelsea?” Taas noong sabi pa
niya. Hindi ko alam but I felt sa sense of pride dahil sa ginawa niya. At hindi ko
rin alam kung bakit nanonood lang ako. Siguro dahil gusto kong makita ang magiging
reaction niya.
“Sino pa ba? Unless may ibang lalaki kang nilalandi which is hindi na
nakakapagtaka.”

“Talaga? Nilandi ko? Inagaw ko?” Charm said full of sarcasm. “Sa pagkakaalam ko
kasi, unang araw ko pa lang sa school na to, hinabol na ako ni Sam. Sa loob ng
isang taon, wala na akong ginawa kundi iwasan si Sam. And as far as I can remember,
bago ako pumuntang China hindi kami nagbreak ni Sam.  And now, nagtataka ako, sino
ngayon sa  atin ang nanlandi at nang agaw?”

“So, pinanghahawakan mo ang mga panahon na ni hindi ka nagparamdam sa kanya and you
expect na kayo pa din after all those times? Kapal naman talaga ng mukha mo.”
Chelsea hissed at Charm.

“Of course dahil wala kaming formal break up. Hindi naman kasi ako katulad mo na
nakikipaghiwalay na sayo ang tao, ayaw mo pa din. Wala ka man lang bang self
respect na okay na sayo na napipilitan ang isang tao sayo dahil sa awa?”

“Sinungaling ka! Hindi nakipagbreak si Heinz sa akin.” Sumigaw na si Chelsea.

“Bakit hindi natin itanong yan kay Sam?” Napatingin si Charm sa akin. Pati si
Chelsea at ang lahat ng tao sa cafeteria. Napatingin ako kay Charm at yung tingin
niya parang gusto nya akong patayin. Umiwas ako ng tingin. Si Chelsea naman,
umiiyak na.

“Heinz!” Lumapit si Chelsea sa akin at kumapit sa braso ko. Inalis ko ang


pagkakapit niya sa akin.
“Chels, hindi mo dapat ginawa to. I’m sorry kung nasaktan man kita pero sinabi ko
na sayo ang lahat. Hindi ako nilandi o inagaw ni Charm. Ayaw nga niyang
makipagbalikan sa akin hangga’t hindi ko naayos ang sitwasyon natin. But you
refused to break up with me. I’m really sorry if nasaktan kita pero kung hindi ko
sasabihin sayo mas lalo ka lang masasaktan dahil mahal ko si Charm. I’ve lost her
once and I can’t afford losing her again. Hindi ko dapat sinasabi to sa harap ng
madaming tao but you leave me no choice.  Ayaw kong inieskandalo niyo si Charm at
pinagbibintangan ng mga bagay na hindi naman niya ginawa. I’m sorry.” Alam kong
masakit ang mga sinabi ko kay Chelsea. Alam ko ding sobra siyang napahiya pero wala
na akong magagawa.

Umiiyak na si Chelsea at hindi ako makatingin sa kanya o kahit sa ibang tao. Siguro
sa tingin ng lahat isa akong manloloko at walang kwentang lalaki pero wala akong
pakialam. Nagpapakatotoo ako ngayon lalo na sa babaeng mahal ko at wala akong
pakialam a magiging reputasyon ko sa school basta maipakita ko kay Charm kung gaano
siya kaimportante sa akin.

Napatingin ako sa kinatatayuan niya and I saw her turn her back at naglakad palayo
sa scene, palabas sa cafeteria.

“Charm!” Tawag ko sa kanya at nagmamadaling hinabol siya. Hindi ko alam kung hindi
ba niya talaga ako narinig o nagbibingi bingihan lang siya. Naabutan ko siya sa
labas. Agad kong hinawakan ang braso niya.

“Charm!” Tumigil siya sa paglalakad pero hindi pa din niya ako tiningnan.

“I’m sorry.” Alam kong kahit ang tapang niya kanina, alam kong nasasaktan siya at
ako na naman ang dahilan.

Napatingin siya sa akin at nagtama ang aming mga mata. When I saw her bigla kong
nabitawan ang braso niya. Her face is serious. She is not even crying pero hindi ko
maipagkakamali ang nakikita ko sa mga mata niya. Napalunok ako.
Disappointment.

I have disappointed her. Binigo ko siya.

And that’s the feeling I’ve dreaded na maramdaman niya towards me. 

=================

34. Sumusobra ka na!

34.

Pagkabitaw ko sa kamay niya, tumalikod na siya at naglakad palabas ng school. Hindi


ko siya nagawang sundan. Natatakot akong sundan siya. Natatakot ako sa maaaring
sabihin niya. Natatakot ako na makita ang expression na nakita ko kanina sa mukha
niya. Natatakot akong ipamukha nya sa akin kung paano ko siya binigo. Natatakot
akong manggaling sa kanya what a failure I am when it comes to her and to our
relationship.

Umuwi ako sa bahay sa pagtataka ng parents ko. Dumiretso ako sa kwarto at


nagkulong. Nag isip ako kung paano ko siya kakausapin, kung paano ko siya
iaaproach. Tinext ko siya at tinawagan pero hindi siya nagrereply at hindi
sinasagot ang mga tawag ko. Nung gumabi na, pumunta ako sa kanila pero patay lahat
ng ilaw sa bahay nila at walang nagbubukas ng pinto. Naghintay ako ng apat na oras
sa labas ng bahay nila. Nagbabakasakali na darating siya pero wala. Nanlulumo akong
umuwi sa bahay namin.

Kinaumagahan, maaga akong  gumising para sunduin siya sa kanila pero sabi ng
katulong nakaalis na daw siya. 6AM pa lang at 7:30 pa ang pasok niya. Iniiwasan ako
ni Charm. Dumiretso ako sa school at hinanap siya. Pumunta ako sa cafeteria pero
wla akong Charm na nakita. Nagpunta ako sa classrom nila pero wala pang tao sa
room.

Pumunta din ako sa rooftop pero wala siya doon. Hindi ko na alam kung saan siya
hahanapin.  Pabalik na sana ako ulit sa cafeteria nung makita kong may
nagkukumpulang mga estudyante sa may likod ng gym. Sa may locker room. Lumapit ako
para tingnan ang nangyayari. And I saw Chelsea na sinasabunutan si Charm habang
nagsisigaw.

“Malandi ka! Mang aagaw ka. Kakalbuhin kita!.” Wala man lang nagtangkang awatin ang
dalawa. Sumiksik ako para awatin sila lalo na at ni hindi lumalaban si Charm. Shit!

“Wag mo silang pakiaalaman.” Biglang may pumigil sa akin.  Napatingin ako at


nagulat ako nang makita ko si Jake. Pinsan ni Chelsea.

“Sira ulo ka ba? Binubugbog ng pinsan mo si Charm.” Tiningnan ko siya ng masama


pero hindi niya binibitawan ang braso ko.

“Kasalanan mo to. Wag kang makialam Heinz. Pag pinagtanggol mo si Charm mas lalo
mong sasaktan si Chelsea. At sobra sobra na ang sakit na naramdaman niya dahil
sayo. Hayaan mo siyang makaganti man lang.” Nag init ang ulo ko sa sinabi niya. So
hahayaan niyang mabugbog si Charm para makaganti si Chelsea? Potang Ina niya!

Aalisin ko na sana ang kamay niya nung makita kong sinampal ni Chelsea si Charm
pero ang ikinagulat naming lahat ay nung sinipa ni Charm si Chelsea kaya natumba
ito. Hindi basta basta ang sipa na yun. It was a roundhouse kick at nasapol si
Chelsea sa mukha. Mabuti na lang at hindi todo ang impact dahil na rin siguro sa
hindi tama ang porma ni Charm. Dahil pag nagkataon na nasa tamang porma siya, tulog
na ngayon si Chelsea.

Minsan ko ng natikman ang sipa niyang yun nung tinuturuan ko siya at nagdilim
talaga ang paningin ko. Sa panahon na yun parang nagsisi pa ako na tinuruan ko siya
ng taekwondo. Sabi ko dati para self defence niya pero sa ginawa ko para ko siyang
binigyan ng lisensiya para bugbugin ako.

Namumula ang mukha niya na nakatingin kay Chelsea. Nakatulala ang lahat ng nanonood
pati na ako. Si Chelsea, dumudugo ang labi.

Tatakbo sana si Jake pero pinigilan ko.

“Wag kang makialam.” Ano siya? Sinuswerte? Hahayaan niyang mabugbog si Charm pero
pag si Chelsea ang mabugbog tutulungan niya? Hindi ako makakpayag nun.  Subukan
lang niyang hawakan man lang kahit ang buhok ni Charm at ng makita niya ang
hinahanap niya.

“Walanghiya ka! Anong karapatan mong sabunutan at sampalin ako? Ikaw ang
nagpapakain sa akin? Kahit dulo ng buhok ko wala kang karapatang hawakan, punyeta
ka!” First time ko siyang narinig na nagmura ng ganyan na nagpapatunay na galit na
galit siya.

“Hindi ako ipinanganak para lang saktan mo! Tandaan mo yan. At kung ang ikinukulo
ng dugo mo ay si Samuel Heindrick, then iyong iyo na siya. Isaksak mo sa baga mo.
Mga leche kayo!” Tapos pinulot niya ang bag niya at naglakad papunta sa pwesto
namin.

“Tapos na ang show, pwede na kayong magsilayas.”   Sabi niya at tiningnan ang mga
tao na hindi makatingin sa kanya. Parang natatakot pa sila kay Charm. 

“Baby..” Napako ang tingin niya sa akin. Nagkatinginan kami tapos lumapit siya sa
akin. Yayakapin ko na sana siya when..

Pak!
“Aaawwww!” Chorus ng mga tao. Langya!

Sinuntok niya ako at nasapol ako sa mukha. Natumba ako dahil sa impact ng suntok
siya. Takte! Hindi ko nailagan yun. Ang bilis niya. Mas lalo kong pinagsisihan ang
pagturo ko sa kanya. Sinasabi ko na nga ba’t kapahamakan ko ang ginawa ko. Langya!

“Sumusobra ka na! I hate you!”

Tapos nagmamadaling umalis. Ni hindi man lang ako tinulungang tumayo. 

=================

35. Baliw!

35. 

Nagkagulo ang buong school dahil sa nangyari. Pinatawag sina Charm at Chelsea at
naghihintay na lang ako para ipatawag din pero nagtanghali na at lahat hidni pa din
ako napatawag. Tapos nalaman kong masususpend silang dalawa ng isang linggo.
Although hindi pa final ang desisyon pero malamang kung hindi expulsion, suspension
ang punishment nila.

Hanggang ngayon kinakausap pa sila sa DO at pinatawag ang parents nila. Pero si


Charm ang yaya niya ang pinatawag kasi wala naman ang pamilya niya dito.  Wala man
lang siyang karamay. Sana andun ako kahit may black eye ako ngayon. Pucha! Ang
sakit pa din hanggang ngayon. Pinagtatawanan na ako lalo na ni Mike kasi alam
niyang hindi ito ang unang black eye na natamo ko mula kay Charm. Ang sabi pa
niya..
“Way to go, tol!” bwiset talaga.

Nasa gazebo kami ngayon at nilalagyan ko ng icepack ang mata ko nung may dumating
sa SG officer.

“Samuel Heindrick Po, pinapatawag ka sa DO.” Sabi nung isang lalaking SG officer.
Kailangan talagang tatlo sila ang susundo sa akin? Ngumingiti ang isang SG officer
ng nakakaloko. Siya si Emir. Kilala ko kasi siya at naging kaklase ko nung first
year ako. Close din kami pero hindi kasing close kay Mike. Hidni siya nasali sa
barkada namin kasi may sarili din siyang barkada.

“Ang pogi mo talaga Heinz.” Tawa lang siya ng tawa.

“Anong mangyayari kina Charm.” Tanong ko sa kanya habang naglalakd kami.

“Suspension ata. Di pa sure.”

Suspension? Paano na yan? Hindi kami magkikita kasi may pasok ako? Kailangan ko
siyang makausap at paniguradong hindi niya ako kakausapin pag pumunta ako sa bahay
nila. Sa school lang ako may pag asang macorner siya.

Tapos bigla akong may naisip. Bahala na pero kailangang magkaayos kami ni Charm.
Humarap ako sa kay Emir at bigla na alng siya sinuntok. Napaatras siya at bigla
naman akong hinawakan ng dalawa niyang kasama.

“What the fuck Heinz?” Nagtatakang tanong niya. Ikaw ba naman biglang suntukin na
lang bigla ng walang kadahi-dahilan.  Ang ganda pa ng usapan namin kanina tapos
bigla na alng akong manununtok.

“Siguraduhin niyo lang na parehas kami ng punishment ni Charm.” Napatanga bigla si


Emir sa akin tapos ngumiti kahit na pinupunasan ang bibig na nagdudgo.

“Gago ka talaga! Baliw! Pagbabayaran mo ang ginawa mo.” Tapos kinaladkad niya ako
papuntang DO. Nangingiti na alng ako. Ako lang ata ang estudyanteng nakangiti
habang papunta sa DO. Baliw na nga ata talaga ako.

Nagulat ang lahat ng nasa DO nung dumating kami at nagdudugo ang labi ni Emir.

“Anong nangyari Emir?” tanong ng nagtatakang DO.

“Binugbog po ako ni Heinz.” Gago talaga to. Binugbog daw. Isang suntok lang naman
yun. “Pero mamaya na natin pag usapan yun Sir. Tapusin muna natin sila.” Ang
tinutukoy niya sina Charm. Wala na ang mga guardian ng dalawa. Baka pinauwi na.

Nag usap usap na kami. Tinanong nila ako at sinagot ko naman ng maayos. Napag
alaman na si Chelsea ang nagsimula ng gulo pero siya din ang may pinakamalaking
damage. Namamaga ang bibig siya. Samantalag si Charm, sumakit lang ata ang anit at
namula lang ang pisngi.

Sa huli pinagsabihan sila na hindi na dapat maulit ang nangyari. Hindi naman sila
maeexpel kasi unang beses pa lang naman nangyari ito kaya masususpend lang sila ng 
isang linggo. Araw araw pa din silang pupunta sa school para sa  2 hours
counselling at hindi sila pwedeng umabsent. Tapos pinalabas na sila.
“Oh kayo, anong nangyari. Bakit mo siya binugbog Mr. Po? Sumasakit ang ulo ko sa
inyong mga kabataan kayo.” Sabi ng DO na hinimas himas pa ang temple.

“Baliw kasi yan Sir. Bigla na lang nanununtok. Dapat isuspend din yan ng isang
linggo at I counselling din dahil baliw na yan.” Sabi pa ni emir pero nangingiti.
Maaasahan talaga to.

“Anong masasabi mo Mr. Po?” Mukhang pagod na pagod na ang DO. Kawawa naman.

“Wala po Sir. Kayo po ang bahala. Ano po ang oras ng counselling ni Miss Ming?”
Saglit na nagtaka ang ang DO tapos napangiti.

“Isususpend na lang kita ng isang linggo pero hindi na kita ipapacounsel. Pero
isschedule kita sa oras ng counselling ni Miss Ming.  Mga kabataan nga naman oh.
Umalis na kayo dito at sumasakit na ang ulo ko.” Pinagtabuyan na kami. Laking ngisi
ko nung makalabas kami sa office ng DO pero nagulat ako ng binatukan ako ni Emir.

“Sira ulo.” Ngumiti lang ako sa kanya.

“Salamat.” Sabi ko pa na nagpatawa sa kanya.

“Hays, baliw. Makaalis na nga. Pagbutihin mo at baka madagdagan yang black eye mo.”
Tapos umalis na siya. Naglalakad akong may ngiti sa labi.

=================

36. without your guard, you are nothing

36.
2PM ang schedule ng counselling ni Charm. 1:30 pa lang naghihintay na ako sa harap
ng Counsellor’s Office. Hindi naman sa masyado akong excited, medyo lang. Quarter
to two nung dumating si Charm. Napatigil siya sa paglalakad pagkakita sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at napasimangot siya. Suplada talaga. 

“Anong ginagawa mo dito?” Pasinghal na tanong niya. Kahit kailan talaga, under ako.
Huhu. 

“Nasuspend din ako kaya may counselling din ako.” I said cheerfully na nagpakunot
ng noo niya.

“Bakit parang masaya ka pa?” Nakasimangot pa ding tanong niya.

“Siyempre walang pasok.” Nakangiti pa ding sabi ko.

“Ako ngayon ang nakaschedule sa counselling, bakit andito ka din? Hindi pwedeng
dalawa.” Tumayo na ako at lumapit sa kanya. Nakaka ilang kasi na nakaupo ako tapos
nakatayo siya sa harap ko. Masyadong naiistress ang pagiging under ko.

“Nakaschedule din ako ngayon. 2PM. Hindi kaya nagkamali ang DO? Pinagsabay tayo?”
Tiningnan niya ako na nagdududa.

“Bakit sinuntok mo si Emir? Sinadya mo bang magpasuspend din?” Hindi ako tumingin
sa kanya. Hindi ko din siya sinagot. Tumingin ako sa relo ko.

“2PM na!” Sabi ko sa kanya. Ang laki pa ng ngiti ko na parang tuwang tuwa ako sa
counselling na mangyayari.

“Sam!” Naiinis na na sabi niya. Naaaliw ako. Hahhaa. Ang cute cute niya kasi pag
naiinis. 

“Ano?” Painosenteng tanong ko sa kanya.

“Grrrr!” Tumawa na lang ako at kumatok na sa pinto tapos pinauna ko siyang


pinapasok.  Naamoy ko pa ang buhok niya habang papasok siya sa office. Ang bango
lang, nakakaadik. 

Binati namin ang counsellor tapos pinaupo na kaming dalawa. Magkaharap kami ni
Charm sa harap ng table ng counsellor.

“Sabay po ba kaming kakausapin?” Tanong niya. Ang cute cute niya talaga. Ilang
beses ko na bang namention ang salitang cute? 

“Hija, hindi naman mag kacounselling si Mr. Po. Andito siya as your guardian kasi
nalaman namin na wala pala dito ang parents mo at wala ka ding kamag anak. We have
gathered that magkakakilala na kayo ni Mr. Po since highschool and he volunteered
na maging guardian mo.

Tiningnan ako ng masama ni Charm. Nginitian ko siya at kinindatan. Namula siya


bigla. Haha! Akala niya siya lang ang may charm ha. Ano ka ngayon?  Pero bakit
bigla bigla na lang akong naging guardian? Hahaha. Ang saya naman. Gusto ko tuloy
yakapin ang DO.

 Nag usap na sila ng counsellor at nakikinig lang ako. Minsan tinatanong ako minsan
din sumasagot ako kahit di tinatanong. Nung una  tinanong kung bakit nag away sila
ni Chelsea tapos nagadvice ang counsellor kung ano ang dapat gawin sa mga ganung
sitwasyon. Etc.. etc.. Kailangan ko pa bang isa isahin ang pina usapan nila? Wag na
alng. Kakatamad. 

In short, natapos ang counselling after 2 hours. Sumunod pa din ako sa kanya. Hindi
niya ako pinapansin. Itanan ko na lang kaya to? For sure di na yan makakapalag. 

“Baby...” Sabi ko nung naglalakad siya papuntang exit. 

“Bakit ka ba sunod ng sunod?” Singhal niya sa akin. Napapansin ko. Kanina pa niya
ako sinisigawan? Meron ba to ngayon? May PMS ata?

“Bakit ka ba naiinis sa akin?” Nakipagbreak naman na kasi ako kay Chelsea pero
bakit ganyan  pa din siya?

“Hindi ako naiinis sa’yo. Nagagalit ako sayo.” Seryosong sabi niya.

“Hindi ko maintindihan bakit ka pa galit? Wala naman na kami ni Chelsea.” Naningkit


lalo ang singkit niyang mata dahil sa sinabi ko.

“Alam mo kung bakit? Kasi hinayaan mo pang mangyari ang mga nangyari. Nung nag away
kami ni Chelsea yun ang araw ng deadline mo, tanghali na nun pero hindi mo pa din
siya kinausap ng maayos. Hinihintay mo pa bang mag 7PM? If only you’ve acted sooner
at naconvince mo si Chelsea na maghiwalay kayo hindi na sana kami gumawa pa ng
eksena at hindi na tayo humantong sa ganito. But you never exerted a lot of effort
para makipaghiwalay sa kanya. Hindi ko tuloy alam kung sinasadya mo ba talaga yun
kasi gustong gusto mong pag agawan ka ng mga babae.” Nakikita ko ang galit sa mga
mata niya at nahihiya ako. In a way tama siya. I didn’t tried hard enough para
makipagbreak kay Chelsea. Pesteng awa kasi yan eh. 

Nung hindi ako makapagsalita agad, naglakad na ulit siya palayo.

“Baby..” Hinabol ko ulit siya.

“Hindi mo ba ako titigilan Samuel?” Napangiti ako despite na nalungkot ako sa mga
sinabi niya.

“Hindi. Kasi ako ang guardian mo.” Pakapalan na to ng mukha. Ngumisi ako kaya
sumimangot na naman  siya. Natawa ako lalo.

“Eh ano ngayon?” Nakataas pa ang kilay niya. She don’t know how adorable she is
when she is doing that. Kahit ano ata ang expression ng mukha niya nagagandahan ako
sa kanya.

“Ano ang root word ng guardian?” Bigla kong tanong sa kanya.

“Guard!’ Bigla naman niyang sabi.

“See? Ako ang guard mo and without your guard, you are nothing. Kaya halika na,
pupunta tayo sa bahay nagluto si Mommy kasi sabi ko pupunta ka.” Hinawakan ko na
ang braso niya tapos hinatak papuntang parking. Wala na siyang nagawa kundi
sumunod. Pinasakay ko siya at saka ako umikot para sumakay sa kotse ko. Ang totoo
niyan, palusot ko lang yun. Hindi alam ni Mommy na pupunta si Charm at lalong wala
siyang niluto. Kaso pag umuwi ako malalaman niya na nasuspend ako. Pero pag kasama
ko si Charm hindi ako masyadong pagagalitan. 

Nung nakasakay na ako, and I saw her sulking. Huminga ako ng malalim.

“Charm, hindi ako nagpasuspend para lang sayangin ang isang linggo ng hindi tayo
nag uusap. Ng hindi tayo nagbabati, ng hindi naaayos ito. Sa totoo lang,  hindi ko
na alam ang gagawin ko para maayos ang relasyon na to, para maalis ang galit mo.
Pero kahit wala na akong maisip na paraan hinding hindi ko to isusuko.” Pumiyok ang
boses ko. Potang ina mo Sam, wag kang umiyak sa harap niya.

“Alam kong ilang beses na kitang nasaktan at wala ka ng narinig sa akin kundi
sorry. At hindi ko na alam kung ano pa ba ang gagawin ko para makita mo how sorry I
am for hurting you. Pero siguro mamahalin na alng kita habangbuhay para maipakita
ko sayo kung gaano ka kahalaga sa akin.” Narinig kong may humikbi. Napatingin ako
sa kanya. Nagpupunas na siya ng luha.

“Bakit ka umiiyak? Ano na naman ang nagawa ko?” Wala na ba akong gagawin na hindi
niya iiyakan?

“Nagdadrama ka kasi. Paanong hindi ako iiyak? Pwede mo namang itanong lang kung
bati na ba tayo pero ang dami mo pang sinabi. Di sana kanina pa tayo nagbati at
nagyayakapan dito.” Nagulat ako sa sinabi niya. Kanina naiiyak na ako pero parang
umurong ang luha ko.

Napangiti na lang ako ng malaki at niyakap siya. Niyakap niya din ako. Ang sarap ng
feeling. Parang gumaan ang dibdib ko. I can’t explain the feeling now that she’s
back in my arms.
“Bati na ba tayo? Tayo na ulit for real?” Tanong ko pa sa kanya. I heard her grunt.

“ Nakayakap ka na nga, nagtatanong ka pa!” Tapos humigpit ang yakap niya sa akin.
Napangiti lang ako lalo.

“Di pa kasi ako sure. Dapat ata kiss, para sure na sure?” tinulak niya ako bigla.
Namumula pa din ang pisngi at ilong niya sa kakaiyak. Tapos tiningnan niya ako ng
masama.

“Kailangan ba talagang sabihin mo ang mga gusto mong gawin? Bakit hindi mo na lang
gawin?” Napatawa ako sa sinabi niya. And of course ginawa ko nga ang gusto kong
gawin.

Hays,hindi talaga kita mabasa kahit kailan Charm Ming.

Pero kahit na, mahal na mahal pa rin kita. 

=================

37. Bukas gaganti ako.

Thanks for the wonderful cover sis. 

37.
“Oi! Singkit!” Napatingin siya sa akin. Lumapit ako sa kanya at tumabi sa upuan
niya.

“Hi! Singkit!” Ganting bati niya sa akin. Nagsimula lang ang tawagan namin ng
singkit nung minsang naasar siya sa akin tapos naniningkit na ang mga mata niya.
Tapos sinabi kong wag siyang maasar kasi naniningkit lalo ang mata niya. Tapos
sinagot niya akong ang lakas kong manlait eh singkit din naman ako. Kaya simula nun
naging constant na ang tawagan namin ng singkit. Nauungusan na ang baby. Pero
siyempre pagnaglalambingan kami  baby. Hahaha ang corny. Paksyet!

Okay na din kami. Natapos na ang suspension namin. Pero hanggang ngayon suspended
pa din ako sa bahay. Hindi ako pwedeng gumala.  Grounded ako kasi nalaman ni Mommy
na suspended ako. Kaya si Charm ang pumupunta sa bahay. Mas mabuti nga yun kasi
nagiging close lalo sila ni Mommy at Daddy. Yun nga lang pag nanonood kami ng movie
sa bahay may kasama kaming nakaupo sa sofa. Ni hindi ako makayakap o makahalik kasi
bantay sarado ako.

At oo nga pala, hindi na din kami ginugulo ni chelsea. Hindi ko alam kung natanggap
na ba niya dahil narealize niya na wala na talaga. Although naaawa ako sa kanya
kaya ayun, iniismiran ako tuwing nagkakasalubong kami.

“Malapit na ang debut mo singkit. Anong plano mo?”  Isang buwan na lang  at debut
na niya. Dalaga na talaga siya. Hinawakan ko ang kamay niya.

“Wala pa kasi di pa sure kung uuwi sila Mommy at Daddy. Pero kung uuwi sila
malamang may handa pero kung hindi okay lang din na wala.” Sabi pa niya
“Dapat kahit papano may handa ka kasi debut mo yun. Dalaga ka na. Hindi ka na
sipunin tulad nung highschool.” Seryosong sabi ko. Ni hindi ako ngumingiti. Bigla
siyang bumitaw sa paghawak sa kamay ko. Nagkunyari akong nagulat tapos tumingin sa
kanya. Ang sama ng tingin niya sa akin. Gusto ko ng tumawa. Asar talo talaga to.

“Anong sipunin? Kelan ako naging sipunin? Hindi ako sipunin nung highschool ha.”
Tumaas na ng kunti ang boses   niya. Bakit ba kasi sarap na sarap akong asarin
siya?

“O, easy lang. Nakalimutan mo na? Ako tandang tanda ko pa. Sa CR ng girls, ginamit
mo pa nga ang panyo ko dahil sinipon ka. At alam mo bang may naiwan pang sipon sa
polo ko nun?” Biglang namula ang pisngi niya. Hindi ko napigilan ang tumawa. For
sure naalala din niya ang scene na yun. Ang scene na nalaman ko na gusto din niya
ako. Kung ano ano kasi ang pinagsasabi habang nasa CR. Nabuking tuloy.  Hahaha.

Nung tiningnan ko siya hindi siya tumatawa pero naniningkit na naman ang mga mata
niya. Tumikhim ako para pigilan ang tawa ko

“Kyaaaaahhhh! Papatayin kita Samuel!!” Tapos bigla niya akong sinabunutan. Wala
siyang masabunot sa akin kasi manipis ang buhok ko. Pero hinawakan ko pa din ang
mga kamay niya para kumalma siya. Grabe. Pikon talaga.

“Teka! Teka! Behave.” Tawa pa din ako ng tawa sa nagiging reaction niya. 

“Anong behave? Anong akala mo sa akin? Aso?” Hahaha. Langya! Patay ako nito mamaya.

“Baby. Joke lang. Seryoso na.” Hahaha. Hindi ko pa din mapigilan ang tawa ko.
Napatingin ako ulit sa kanya at seryoso nga siya may kasama pang simangot. Umismid
pa sa akin. Cute.
“Sabi nina Mommy kung di daw uuwi parents mo, sa amin ka na lang mag debut.”
Napatingin siya bigla sa akin. Nawala na ang simangot niya.

“Anong sa inyo? Nakakahiya kaya ang ganun. Hindi naman nila ako anak.” Ito na naman
po kami sa issue ng hiya hiya. Bakit ba kasi hindi mawala wala ang hiya at ilang
niya sa parents ko? Mahal naman siya nina Mommy at Daddy pero ewan ko ba dito kay
Charm at nahihiya pa din.

Inakbayan ko siya at hinila palapit sa akin.

“Magiging anak ka na rin nila kaya wag ka ng mahiya.”Napatingala siya sa akin.

“Sam...”

“Charm, wag mo sabihing ipagkakait mo kay Mommy ang pagkakaroon ng isang anak na
dalaga na magdedebut?” Yumuko na lang siya at hindi na itinuloy ang ano mang
protesta.

“Sige na nga. Iinform ko kayo pag uuwi sila o hindi.” Nginitian ko siya at niyaya
ng umuwi.  Magpapaturo pa yan ng Calculus. If I know, alam naman na niya ang
Calculus pero gustong gusto lang talagang magpaturo sa akin.    Sa tagal ng
pagtuturo ko sa kanya, impossibleng hindi pa niya nakukuha. Memorize na nga ata
niya ang pasikot sikot ng subject na yun.

“Sam, di ako nakapasa sa quiz namin kanina sa Calculus.” Sabi niya nung  naglalakad
na kami papuntang parking. Nagulat naman ako. Parehas kami ng iniisip.

“Ha? Bakit? Tagal na kaya kitang tinuturuan doon.” Hindi ba ako magaling na turo?

“Hindi mo naman kasi ako tinuturuan. Tinititigan mo lang ako. Akala mo hindi ko
napapnsin na nawawala sa pag tinuturuan mo ako?” Haha. Napansin niya yun?

“Huh? Ganun ba? Di bali. Tititigan..este.. tuturuan kita ulit mamaya.” Sabi ko na
lang.

“Kailangan ko ng maipasa yung next quiz. Wag ka kasing adik pag nagtuturo.” Ako ba
naman ang sinisisi. Kungsabagay. May rason naman siya. Minsan nga natutulala lang
ako habang nakatingin sa kanya. Ang ganda kasi tingnan ng mukha niya. Di
nakakasawa. Nakakaadik pa nga. Tapos naaaliw ako sa mga expression niya pag nag
iisip.

“Hindi na nga.” Sabi ko na lang pero hindi ako sure kong kakayanin kong di
madistract habang nagtuturo ako sa kanya. 

Dumiretso na kami sa bahay namin kasi doon na siya kumakain. Gusto ni Mommy na doon
na kumain si Charm. Parang siya na nga ang anak at hindi ako eh. Pagkatapos naming
kumain. Tinuruan ko na siya. After ng tutorial namin may tumawag sa kanya.
“Hello Mom.” Napatingin ako sa kanya. Madalang pa sa madalang na tawagan siya ng
parents niya sa cellphone. Hindi namna ako nagtatanong kasi baka naman nag uusap
sila sa phone.

“Hai.... Yes Mommy.” She said curtly. Hindi ko alam pero parang biglang lumungkot
ang expression niya. Feeling ko nga mangiyak ngiyak pa siya.

“No.....I’m sorry.... Yes.” Yun lang ang narinig ko sa one sided conversation.
Tapos binaba na niya ang phone at nagligpit ng gamit. Tinulungan ko na siya.

“Baby...” Ramdam ko na ang tension sa katawan niya.

“Uuwi na ako Sam. Andoon sila Mommy sa bahay.” Sabi niya habang nagliligpit ng
gamit. Ni hindi siya tumitingin sa akin.  Anong problema.

“Okay ka lang Singkit?” Nag aalala na ako.

“O-Okay lang.” Pumiyok na siya. Hala! Bakit siya umiyak? Hinawakan ko na ang
balikat niya at pinaharap sa akin. Holy Shit! Umiiyak nga ang girlfriend.

“Anong problema?” Sabi ko habang pinapahiran ang pisngi niya. Peor umiling lang
siya.

“Wa-wala. Ma-masay lang ako na umuwi na din sila. Hatid mo na ako.” Pilit siyang
ngumiti pero nakikita ko pa din ang lungkot sa mga mata niya. O baka naman guni
guni lang niya yun at talagang masaya siya kasi umuwi na ang parentws niya.
Nagpaalam na kami kina Mommy at hinatid ko na siya sa kanila. On the way,
napapansin ko ang pagiging tahimik niya kahit nakikipag usap siya sa akin. Pag
sumagot siya, sobrang tipid, ganun din ang mga ngiti niya.

“Wag mo na akong ihatid sa may gate.” Usually kasi bumababa pa ako ng kotse tapos
magkkwentuhan pa kami pero ngayon nakapagtaka na ayaw niyang magpahatid sa gate.
Napnsin ko din na medyo madmaing kotse ang nakapark sa bahay nila. Andiyan na nga
ang parents niya at mukhang may bisita.

“May bisita ata kayo.” Napatingin siya sa may gate nila na tinitingnan ko.

“Oo nga. Sige Sam. Thank you. Bye. Ingat ka, Okay?” Tapos kiniss niya ako sa cheeks
like she used to do pag hinahatid ko siya at bago siya pumasok sa bahay nila.

“Okay Bye. Text later.” She nodded at binuksan na ang passenger door. Pero nagulat
ako sa sunod na ginawa niya.

Bigla na lang niya akong niyakap ng mahigpit.

“I love you Sam.” She said emotionally. Naguguluhan ako sa ginagawa niya. Hindi
naman siya ganito ka expressive. Hindi sa ayaw ko na ganito siya pero nakakapagtaka
kasi.

Tapos niyakap ko din siya.


“I love you too Charm.”  Pero nagulat lalo ako when she kissed my lips. I was
shocked. Ano ang nangyayari kay Charm? Pero hindi ko na nagawang magreklamo. Kung
ikaw ba naman halikan ng girlfriend mo sa tingin mo makakapagreklamo ka pa?   

Pero before I could answer her kiss, she pulled away. At hindi pa nga ako
nakakarecover sa halik niya lumabas na siya ng kotse.

Napailing na lang ako. Pambihira. Hindi man lang ako nakaganti. Ang daya talaga
nun.

Di bali bukas gaganti ako. 

=================

Chapter 38

38.

Ngayon na ang debut ni Charm. Kinakabahan ako kasi siyempre ako  ang escort. Nung
araw na bumalik ang parents niya, napagpasyahan na magdedebut siya.  Naghire na
lang ang parents niya ngparty planner kasi kinabukasan bumalik din sila ng China.

Ang daming bisita, mga kaklase namin nung highschool at college at mga  kakilala
siguro ng parents ni Charm.
“Kinakabahan ka tol? Hindi ka pa naman ikakasal ah.” Puna sa akin ni Mike. Ganun na
ba ka obvious ang kaba ko? Takte! Tama nga naman si Mike, mag eescort lang ako sa
debut, hindi naman ako ikakasal. Pero hindi ko alam kung bakit kinakabahan talaga
ako.

Pinatayo na ako ng party planner sa baba ng hagdan at kapag tinawag na daw si Charm
susunod na tatawagin ang name ko at susunduin ko si Charm sa hagdan at sabay kaming
bababa, saka ko siya ihahatid sa table.

Maya maya pa nagsalita na ang emcee na hindi ko naman maiintindihan kung ano.

“Let us all welcome our debutant, Miss Charm Ming.” Automatic na napatingin ako sa
taas and I almost held my breath upon seeing her. Ang ganda niya. Hindi ko na
maalis ang tingin ko sa kanya.

“And her escort, Mr. Lucky Yu.” Aakyat na sana ako ng hagdan nung hinawakan ni Mike
ang coat ko.

“Tol, hindi ikaw.” Malungkot na sabi ni Mike. Hindi ko na kasi pinansin ang
pangalang tinawag. Tumingin ako kay Mike na nagtataka pero hindi siya nakatingin sa
akin. Nakatingin siya sa lalaking paakyat ng hagdan para sunduin si Charm. Naikuyom
ko ang kamao ko.

Akala ko ba ako ang escort? Bakit ang Lucky na yan ang escort? Lokohan ba to?

“Pucha! Anong karapatan niya?” Pinanood ko sila habang pababa ng hagdan. Unti
unting naninikip ang dibdib mo. Ikaw ba naman makakita na iba ang escort ng
girlfriend mo sa debut niya.
“Easy lang Heinz.” Inaakbayan na ako ni Mike. Hindi ko alam kung para ba I console
ako o para pigilan ako sa anumang gawin ko. Pilit kong hinuhuli ang mga mata ni
Charm pero hindi siya nakatingin sa akin. Parang gusto kong isipin na umiiwas
siyang tumingin sa may gawi ko.

Diretso lang ang tingin niya at walang kangiti ngiti sa labi niya. Sinundan ko sila
ng tingin hanggang sa makarating sila sa table. Gusto kong lumapit pero masyadong
obvious kasi nasa pinakaharap sila ng venue. And worst katabi niya si Lucky sa
upuan kasama ang pamilya ni Lucky.

Naghintay ako sabuong ceremony at umupo na lang sa table nina Mike. Wala din
nagtanong sa mga katable namin dahil na rin siguro sa hiya or sa takot dahil sa
expression ko. Kailangan kong makausap si Charm. Ako ang last dance at kung hindi
yun babaguhin, may pagkakataon akong makausap siya.

Pero dumating ang last dance and to confirm my doubt, hindi nga ako ang last dance
kundi si Lucky. Gustong gusto ko ng magwala. Gustong gusto kong hablutin ang Lucky
na yun at bugbugin. Tiniis ko hanggang sa matapos ang last dance.

Ilang beses na akong niyayang umalis ni Mike pero hindi ako umalis. Kailangan kong
makausap si Charm. Gusto kong malaman kung bakit ganito ang nangyari. Ayaw kong
magalit sa kanya ng hindi ko nalalaman ang side niya. Tama na yung mahaba naming
pag aaway. Ayaw ko ng maulit ang ganung stage sa buhay namin. Kaya tiniis ko ang
sakit ng gabing yun sa pag aakalang pagkatapos nun ay makapag usap kaming dalawa at
magkaliwanagan. But it seems hindi pa tapos ang pasakit sa akin and it seems that
it would never end.

“Ladies and Gentlemen, before we open the floor to everyone and before you could
greet the debutante, Mr. and Mrs. Ming have a very important announcement to make.”
Tumayo na ang parents ni Charm and I prepared myself for the worst but my
preparation is not enough dahil hindi ko pa din napaghandaan ang sakit nung marinig
ko ang sunod na sinabi ng ama niya.

“We would like to gladly announce the engagement of our only daughter Charm to her
escort Mr. Lucky Yu, the only son of our dearest friends, Mr. Martin and Zenaida
Yu.” I gritted my teeth and clenched my fist. Pinipigilan ko na ding maiyak.

Napatingin ako kay charm and I saw her looking at me. Parang naiiyak ang mukha niya
niya. Ilang segundo kaming nagkatinginan at ako ang unang nagbaba ng tingin.

Walang sali-salita na tumayo ako at nagmamadaling naglakad palabas ng venue. Hindi


ko na alam kung saan ako papunta basta naghahanap ako ng pinto para lang makalabas
sa lugar na iyon. Luckily, exit naman ang nalabasan ko at hindi kitchen.

Wala akong sa sarili. Naririnig ko pang tinatawag ako ni Mike pero hindi ko siya
pinapansin. Dire diretso lang ako ng lakad hanggang sa makarating ako sa open
parking. Dito ko din pinark kanina ang kotse ko. Hindi ko nga alng matandaan ngayon
kung saan banda.

Pucha naman! Kailangan ko pa bang tandaan ang bagay na yun?  Paano ko matatandaan
yun kung wala ng ibang umuulupa sa isip ko kundi ang engagement ng girlfriend ko sa
ibang lalaki. Gusto kong magsisigaw at magwala pero hindi ko alam at bakit hindi ko
lahat ngayon mailabas ang emosyon ko. Para akong sasabog.

“Sam!” Napatigil ako bigla. That voice. Her voice. Buong gabi ko siyang hinintay.

“Sam!”Maya maya pa nasa harap ko na siya. Hindi ako tumingin sa kanya.

“Bakit ka umalis sa party mo? Baka hanapin ka ng fiancee mo.” Hindi ko maalis ang
pait sa boses ko nung sinabi ko yun. Oo nga at sinabi kong hindi ako magagalit sa
kanya habang hindi kami nagkakausap. Pero, hindi ko maiwasan. Hindi ko matanggap
that she’s engaged.
“Sam, I swear, hindi ko alam. Hindi ko alam na pinalitan nila ang escort ko. Ni
hindi ko alam na andito si Lucky ngayon. I’m sorry, pero hindi ko alam. Kung
nagulat ka, mas nagulat ako sa nangyari.” Nanginginig ang boses niya. Napatingin na
ako sa kanya and I saw her tears. My heart softened. Pero may isang bagay pa akong
gustong linawin sa kanya.

“Charm,   alam mo bang pinagkasundo ka kay Lucky?” I said almost choking my words
dahil sa pinipigil kong emosyon. Pilit ko siyang tiningnan at nakita kong lalong
tumulo ang luha niya tapos yumuko siya ang bite her lips. Then she nodded.

Parang sumabog ang puso ko.

“Kelan pa?” I still manage to say. Pinunasan ko na din ang luha na tumulo sa pisngi
ko. Paksyet! Pero ang sakit lang.

“The week before I returned to the Philippines.I’m sorry Sam. I really do... ”
Mahinang mahina sabi niya.  Sabay hagulgol. I clinched my teeth.

“Pero kasi...” Nanginginig na ang mga labi niya. She is hugging herself and I
couldn’t bring myself to comfort her.

“Save it.”

“Sam. I love you...Please...” Pumikit na lang ako para hindi ko makita ang
sitwasyon niya. I clenched my hand sa isang bagay na nasa bulsa ko. This was
supposedly my gift to her. Isang taon ko ding pinag-ipunan  pero mababaliwala lang
pala.
At sa galit ko hindi ko napigilang ibato sa tabi niya ang singsing na dapat sana
ibibigay ko sa kanya. Ginawa lang niya akong tanga. Pucha!

Tinalikuran ko na siya at naglakad papunta sa kung saan. Basta mapalayo lang ako sa
kanya. Naririnig ko pa ang iyak niya. Hinahayaang ko na ding tumulo ang mga luha
ko. Pucha! Ang sakit sakit talaga. Langya!

“Charm! stand up!” 

“No, Mom, I need to find his gift.” 

=================

39. We can't do that

39. 

“Sam...”

“Tara na Mike. Hindi na ata darating si Prof.” Nauna na akong naglakad kay Mike
palabas ng room.  Oo si Charm yung tumawag sa akin at hindi ko pinansin. Nakakagago
lang kasi talaga. Lalo na at dito pa nag enroll ang fiancee niya na parang stalker
kung makabantay sa kanya.
Ilang beses din niya akong tinawagan at tinext para mag usap kami pero para ano pa?
May fiancee na siya. Ikakasal na siya. Kung kelan man iyon wala na akong pakialam.
Nakakatanga lang kasi ang tagal na niyang alam na ipinagkasundo na pala siya sa iba
hindi man lang sinabi sa akin. To think na para akong gago na habol ng habol sa
kanya at suyo sa kanya para magkabalikan kami. Yun pala gagaguhin lang ako ng
ganito. Pucha! Bwisit na mga babaeng yan.

“Tol! “ Inakbayan ako ni Mike na nakahabol na pala sa akin.

“Kawawa naman si Charm. Hindi naman niya kasalanan yung sa debut niya.  Hidni naman
niya alam na pinalitan pala ang escort niya.” Tumigil ako sa paglalakad at hinarap
si Mike.

“Hindi din ba niya alam na pinagkasundo na siya sa ibang lalaki?” I retorted at


Mike na nagpatahimik sa kanya. Ako naman naglakad na lang ulit. Alam kong close si
Charm at Mike at ineexpect ko na ipagtatanggol niya ito.

Umakyat ako sa may garden at doon tumambay. Gusto kong mapag isa. Ngunit kung
kailan naman gusto kong masolo ang mundo saka naman darating ang mga epal.
Kalechehan na talaga.

“Kinarma ka ano?” Napatingin ako sa nagsalita. Si Chelsea. Papalapit siya sa akin


na may nakakalokong ngiti. Umupo siya sa tabi ko kahiy hindi ko naman niyayang
maupo. Bastusan na to.

“Yun ba ang babaeng pinagpalit mo sa akin? Ano ang feeling? Masakit? Yun din kasi
ang naramdaman ko nung pinagpalit mo ako. At least nakaganti ako sa’yo.” Pucha!
Kairita. Huminga lang ako ng malalim para pigilan ang sarili kong sapakin ang
katabi ko. Pumunta lang ba to dito para asarin ako?
“At least tayo nagtagal. Eh kayo? Hahaha.”  Tiningnan ko na siya na may pagtataka.
At narealize ko mabuti na lang pala hiniwalayan ko to. May tinatagong pagkamaldita
pala.

“Oo na Chelsea. Bitter ka na. Bitter din ako. Parehas tayo. Gusto mo mag apir
tayo?” I said sarcastically na ikinagulat niya. Ayaw ko namang mambastos ng babae
pero kapag ganitong mainit ang ulo ko, wag niya akong inaasar kasi malamang
papatulan ko siya.

Iniwan ko na lang siya sa garden at bumaba. Baka kasi pag hindi ko yun ginawa, baka
ano pa ang magawa ko sa kanya. Pero hindi pa nga ako nakakababa, sinalubong na ako
ni Charm.

“Samuel, mag usap naman tayo please.”  Pinadaanan ko lang siya ng tingin kasi ayaw
kong makipagtinginan sa kanya. Pero hindi nakaligtas sa akin ang pamamaga ng mga
mata niya na parang ilang araw ng umiiyak. Nakaramdama ako ng awa pero pilit kong
inalis ang damdaming yun.

“Nabasa ko naman ang lahat ng text mo. May hindi ka pa nasabi dun?” Basically, yung
sinabi niya sa akin sa party yun din ang explanation niya sa mga text messages
niya. Naiintindihan ko naman siya sa pagpapalit ng escort pero ang hindi ko lang
maintindihan ang hindi niya pagsabi sa akin na pinagkasundo na pala siya. At
matagal na pala.

“I didn’t tell you kasi akala ko magbabago ang isip nila. Na hindi na nila itutuloy
ang napagkasunduan. I hope you understand my point.” Unti unti na namang tumutulo
ang mga luha niya. Umiwas ako ng tingin.

“I do. Naiintindihan kong nagbakasakali ka na kapag hindi ka ikakasal kay Lucky at


least may reserba ka. At ako yun.” I said bitterly. I saw her flinch.
“Hindi yun ang intensiyon ko Samuel. You know that I love you kaya bumalik ako para
sa’yo. I could choose not to go back yet pinilit kung bumalik para sayo. My parents
won’t support my education here in the Philippines so I have to use all my savings
para lang makapag enroll dito. Para lang malapit ako sayo, because I didn’t want to
lose you.” Doon na lumambot ang puso ko.  Hinawakan ko na lang ang braso niya at
hinila paalis sa lugar na yun. Isa pa dumadami na ang taong tumitingin.

Dinala ko siya sa parking at pinasakay sa kotse. Binuksan ko lang ang aircon pero
hindi ko pinaandar ang kotse. At least dito may privacy kami kahit papano. Alam
kong hindi na kami pwedeng lumabas kasi may nagbabantay na sa kanya.

Ilang minuto ding tahimik sa loob ng kotse. She’s fumbling her fingers habang ako
nakatingin lang sa harap ko.

“I’m so sorry Sam.” Mahinang sabi niya. Hindi ako sumagot dahil hidni ko alam kung
kaya ko bang sabihin sa kanya ang naiisip ko. Hindi madali ang sitwasyon namin lalo
na at involve na ang parents niya.

“Charm, are you willing to defy your parents wishes para sa atin?” Natatakot ako sa
maaring isasagot niya. Natatakot ako sa magiging desisyon niya. Oo nga at ang lakas
ng loob kong magalit sa kanya pero parang hindi ko pa rin makakaya pag naghiwalay
kami. Pero wala na kaming choice. It’s either ipaglaban namin ang isa’t isa or
maghihiwalay kami.

At natatakot ako sa isasagot niya kasi kilala ko si Charm. I know how she was
brought up. Katulad ko, malaki ang respeto niya sa mga magulang niya.

“W-what do you mean Sam?” Napatingin na siya sa akin at tumingin na din ako sa
kanya.
“Break off your engagement and run away with me.” Nakita ko ang panlalaki ng mga
mata niya as if what I’ve just said is the most outrageous thing.

“Sam!  We can’t do that. Ang babata pa natin. How could we be able to support
ourselves? Nag aaral pa tayo pareho.” Alam ko ding may punto siya at kalokohan ang
pinagsasabi ko pero wala na akong maisip na paraan para hindi kami maghiwalay.

“We only have two choices Charm.  Ipaglaban natin ang relasyon natin or maghiwalay
tayo.” Hinawakan ko ang mga kamay niya. Alam kong nahihirapan siya sa sitwasyon
niya pero kailangan naming harapin ang siitwasyon.

“I don’t want to break up with you.” Napabuntunghininga ako.

“Then break off your engagement.” With tears in her eyes she looked at me.      

“I can’t disappoint my parents Sam. Hindi ko kaya. Hindi ko sila kayang saktan.”
Yumuko na lang ako. I know how hard it is for her. I’m pathetic to have ask her to
choose between me and her parents. 

“You can’t have both Charm. You just can’t.”  Binitiwan ko ang kamay niya at
lumabas ng kotse.  Hinayaan ko siyang umiyak sa loob ng kotse. Ako nakasandal lang
at hinayaang tumulo ang mga luha ko.

Siguro nga tama lang na ganito. Ayokong pilitin siyang magdesisyon dahil alam kong
mahirap sa kanyang gawin yun. At ayaw kong nahihirapan siya.  Dapat na nga siguro
akong makuntento kasi minahal niya ako. And because of her natutunan ko kung paano
magmahal.
Although masakit, pero sino ba ako para hingin sa kanya na saktan ang pamilya niya?

=================

40. I am asking when

40.

Simula ng araw na yun, pilit namin iniiwasan ang isa’t isa. Ang hirap lalo pa at
may iilang subjects na magkasama kami. Minsan nagkakahulihan pa kami ng tingin at
agad namang binabawi namin ang tingin. Obvious na obvious na nag iiwasan kami kasi
kapag magkakasalubong kami, isa sa amin ang lilihis ng daan. Para bang pag
nagkasalubong lang kami guguho na ang mundo.

Hindi na din ako naglalagi sa school para hindi ko siya madalas makita. Pero hindi
pala habangbuhay kaming mag iiwasan lalo na at ang liit ng mundo namin. Lalo na at
habang tumatagal nakikita ko siyang nahihirapan. Hindi ko kayang hindi man lang
siya sulyapan. Hindi ko maiwasang tingnan pag lunchtime na sa cafeteria kung kumain
na ba siya o hindi. O hindi matiis na hindi tanungin si Mike kung kamusta na ba
siya.

“Tol, kung gusto mo siyang kausapin, bakit hindi mo gawin? Kahit siya gusto ka din
niyang kausapin. Ano pa ang hinihintay niyong dalawa? Ang gumuho ang mundo?” Isang
araw na sinabi sa akin ni mike nung minsang tinanong ko siya kung bakit wala si
Charm.

“Hindi kasi ganun kadali yun Mike.” Malungkot kong sabi.

“Anong hindi madali dun? Itetext mo lang naman siya para itanong kung bakit wala
siya. Bakit kasi hindi na kayo magbalikan at ng hindi na ako nahihirapan?”
“May fiancee na siya Mike. Hindi na kami pwedeng magbalikan.” Yun ang masaklap.
Mahal pa namin ang isa’t isa pero hindi pwedeng maging kami. Kasi kung itutuloy pa
namin ang relasyon namin, sa huli masasaktan lang lalo kami.

“Itanan mo na lang kaya para walang ng ma say ang parents niya?” Umiling na lang
ako.

“Sinabi ko na yan. Ayaw niya.” Napatingin na lang si Mike sa akin at napailing.

“Hirap ng sitwasyon niyo tol. Tara, mag suicide na lang tayo.” Tapos inakbayan niya
ako at niyaya papuntang library. Pag sinabi niya kasing magsuicide, ibig sabihin,
mag aral ng Calculus. Kahit loko loko yang si Mike, seryoso yan sa pag aaral. Lalo
na at ang girlfriend niyan ngayon ay Dean’s Lister. Binigyan ata siya ng cut off
grade kaya pursigido mag aral.

Pero siguro nga kung loko loko si Mike, mas loko loko ang tadhana kasi tama ba
namang makasama ko si Charm sa grupo namin para sa finals? Kung sino pa ang nag
iiwasan sila pa tong pinagdidikit.   Nakakabadtrip.  At ako pa ang naatasan na
maging group leader.

Doon kami gumagawa sa bahay ng isa naming ka-group  kasi yun ang pinakamalapit sa
school at pinaka-accessible sa lahat. Tatlong araw na kaming nagmemeet pero ni
minsan hindi pumunta si Charm kung saan namin ginagawa ang project. Tinatanong niya
ang isa naming ka groupmate kung ano ang gagawin niya kaya binibigay ko naman ang
dapat niyang gawin. Pero napuno na talaga ako nung tatapusin na namin ang project
at wala siyang maibigay na input. Two days na lang at submission na at ang sa kanya
na lang ang kulang.

“Hannah, pakitanong nga kay Charm kung natapos na niya ang part niya.” Tiningnan
ako ni Hannah tapos nilapitan si Charm.
“Charm, okay na daw ba ang part mo ng project?” Hindi ko narinig ang sinabi niya
pero bumalik si Hannah sa akin.

“Hindi pa daw eh.” Babalik  na sana si Hannah sa upuan niya  nung nagsalita ako.

“Pakitanong naman kung kelan niya ibibigay. Sa kanya na lang ang wala.” Tiningnan
ako ulit ni Hannah pero nakasimangot na siya.

“Bakit kaya hindi na lang ikaw ang magtanong? Mukha ba akong messenger niyong
dalawa?” Tapos tinalikuran na ako. Huminga na lang ako ng malalim tapos tumayo at
lumapit sa kinauupuan niya.

“Kelan mo maibibigay ang part mo ng project.” Nakayuko lang siya at may dinodoodle
sa notebook niya.

“Hindi ko pa kasi tapos...”Hindi pa din siya nakatingin.

“I am asking when.” Medyo tumaas na ang boses ko. Naiinis kasi ako, kung ayaw niya
akong makasama sa project sana nagpalipat siya o kaya kahit hindi siya umattent sa
group meetings namin, sana man lang tinapos niya on time.

“Si-siguro bukas.” Mahinang sabi niya. Nakita kong humihigpit ang hawak niya sa
ballpen.

“Bukas? Two days from now submission na. Tapos na kaming lahat, ang sayo na lang
ang kulang tapos bukas mo pa ibibigay? Anong gusto mo, magmadali kaming lahat para
sayo? Kung gusto mong bumagsak dahil sa kapabayaan mo, wag mo kaming idamay!” Sa
inis ko, hindi ko na napigilan mapasigaw. Napatingin ang iba naming kaklase. Mabuti
na lang at walang professor.

“A-ako na lang ang tatapos ng lahat. Ibigay niyo na alng sa akin ang lahat ng
materials.” Mahinang mahina ang boses niya at yukong yuko siya.

“Ikaw ang tatapos? Ni hindi mo nga matapos ang part mo tapos ikaw ang tatapos ng
lahat? At ano ang alam mo gagawin kung ni hindi ka pumupunta sa mga meetings
natin!?” I shouted again. Hindi siya nagsalita instead I saw a drop of tear fall on
her notes.  Napapikit ako sa nakita ko. Parang biglang nanikip ang dibdib ko.

“Potang Ina!” Naibagsak ko ang hawak kong libro. I saw her flinch. Tumahimik ang
buong klase. Potang Ina talaga. Tang Ina. Gusto kong magwala.

“Wag mo akong daanin sa luha Charm! Hindi masosolusyunan ang lahat ng luha mo! Tang
Ina!” Hindi ko alam kung saan ko ibubunton ang galit ko. Bigla, para na alng akong
nag click at lumabas lahat ng galit na naramdaman ko. Lahat ng frustrations at
lahat ng sakit.

‘Heinz! Tama na!” Sumigaw na ang mga babae naming kaklase. Humahagulgol na si
Charm. Leche talagang buhay to!

Naramdaman kong  hinawakan ako ni Mike sa balikat.

“Tol! Tama na. Kumalma ka nga muna!” Pero inalis ko lang ang kamay ni Mike na
humahawak sa balikat ko at nagmamadaling lumabas ng classrom.

Ayoko na! Ba’t ba kasi ang sakit! Pucha!


A/N:

I have never asked for something like this before in any of my stories. But
sometimes I also got fed up by readers who demands as if I am their employee and
command me to update ASAP. It's okay if you're paying me to update but you're not,
so you don't have the right to demand such things from me. Let's have a truce then,
if you want an update asap, give me 5,000 likes for this chapter alone and 2000
comment for this chapter. If you can reach that number, I will update it ASAP. If
you can't reach that number then I am so sorry but no update will come even if I
have already finished this story. 

=================

You owe someone bigtime

This story will end tomorrow.

=================

41. Huli na talaga to.

Thank you so much fpr the wonderful story. 

A/N: I shouldn't have updated if not for my obsession with Baka Sakali of Jonaxx.
First time kong naadik sa isang story that I wanted the update on an hourly basis.
Ganun pala ang feeling ng naghihintay ng kasunod. Ng nabibitin. Now, I understand.

Yet, kahit ganun ang feeling ko, hinding hindi ako magdedemand sa kanya na iupdate
yun palagi. Hinding hindi ko siya uutusan na iupdate yun because it's her
prerogative as a writer. At alam ko kung gaano kahirap mag isip ng plot at magtype.
Naintindihan ko na isa lamang akong hamak na reader ng story niya and the hardest
thing that I could do is to be patient and to wait.  And give comments from time to
time. That's not very hard isn't it? Compared to the time and effort she's exerting
para may mabasa ako. Hindi pa kasama dun ang puyat.  Para mag enjoy ako. Para ma
arouse ang emotions ko dahil sa magaling niyang pagkakasulat.
I respect her so much as a writer that I wouldn't subject her to the pressure of
asking for updates to the point of rudeness as if I am paying her to write. She
doesn't deserve it and I wouldnt dare demand from her. I guess as a sign of
appreciation for her works,  the things that I could give her being her reader and
her fan are ADMIRATION and most of all RESPECT. 

Yes, you owe her big time dahil sa kanya naisipan kong iupdate pa ito. 

Starting tomorrow, when I update Chapter 42, an hourly update will be posted until
the Epilogue of this story. 

41.

Pinagsisihan ko ang araw na yun. Alam kong hindi ko napigilana ng emosyon ko at


nakapagsalita ako ng masama sa kanya. I wanted to say sorry pero hindi na ako
nabigyan ng pagkakataon. Simula nung araw na yun, hindi na siya pumasok sa school
maliban nung exam.  Pero siya pala ang tumapos ng project namin. Kinuha kasi sa
akin ng ibang kasamahan namin at ipinasa naman sa deadline. Huli ko na nalaman na
si Charm pala ang nagtapos. Nabanggit lang minsan ng kagrupo namin bago natapos ang
semester.

Hindi ko na din siya matawagan sa cellphone niya at wala na ding sumasagot sa bahay
nila at sa tingin ko wala namang tao kasi nung minsang pumunta ako, walang
nagbubukas.

Nung summer, nagpunta kaming Hawaii para magbakasyon kaya kahit papaano naaliw ako.
Pero hindi maiiwasan na hindi ko siya maalala at tuwing maalala ko yun, hindi ko
maiwasang malungkot na alam kong napapansin nila Mommy. Kaya wala akong nagawa
kundi ikwento sa kanila ang nangyari sa amin ni Charm. Tinanong pa nga nila ako
kung gusto ko daw ba lumipat ng school pero tumanggi ako. Kasi hindi ko naman na
sure kung babalik pa ulit doon si Charm.
Umuwi na lang kami ng Pilipinas nung enrollment na. Third year college na ako.
Parang ang bilis ng panahon. At hindi ko alam kung paano ko nakayanan ang mga
panahon na iyon.          

Dumating ang first day of school at hindi ko itinatanggi na hinahanap siya ng mga
mata ko. Na nageexpect ako na makita ko siya ulit. I am not denying the fact that I
missed her. Kahit siguro, ano pa ang gawing kong pag suppress ng nararamdaman ko sa
kanya, hindi ko pa rin maipagkakaila sa sarili ko na mahal ko pa rin siya. Parang
nakakagago nga eh. Siguro nga kinakarma na talaga ako dahil sa mga nagawa ko dati
dahil ang nag iisang babaeng pinakagusto ko, hindi pwedeng maging akin. Ang saklap
at ang sakit pero ano pa nga ba ang magagawa ko?

“Charm, anong oras matatapos ang klase mo? Susunduin kita dito.” Bigla akong
napalingon sa nagsalita. Automatic ang naging reaksiyon which I wish na hindi sana
ganun kasi nasaktan lang ako sa nakita ko.

I saw her with Lucky. Kumulo ang dugo ko. Ano ang ginagawa ng bwisit na yan dito sa
school?

“Mayang 5PM.” Mahinang sabi niya. Afte more than 2 months narinig ko ulit ang boses
niya. And as usual, boses pa lang niya parang naghahabulan na ang puso ko. Puchang
reaksiyon naman to.  

“Sige pupuntahan na lang kita dito.” And he kissed Charm on the cheek. Pakiramdaman
ko umakyat ang lahat ng dugo sa ulo ko. Naikuyom ko ang kamao ko. Kulang na lang
sugurin ko ang Lucky na yun at bugbugin. Takte!

Napalingon si Charm sa side namin at nagkasalubong ang tingin naming dalawa. I saw
her blush. Tiningnan ko lang siya ng masama hanggang sa umalis si Lucky at hanggang
sa papasok siya sa classroom. Hindi ko siya hinihiwalayan ng tingin. Pumasok lang
siya sa kwarto ng iniiwas ang tingin sa akin.
“Hi Charm!!” Mike greeted her. Tumingin lang siya saglit at ngumiti kay Mike tapos
umupo sa isang bakanteng upuan malayo sa amin.

“Tipid na tipid na ang ngiti ni Charm noh?” Komento pa ni Mike. Hindi ako
nagsalita. Tinitingnan ko ang likod ni Charm.

“Hindi na katulad ng dati na palagi siyang nakangiti at nakatawa. Nakakadrain ba ng


happiness ang pagkakaroon ng fiancee?” Tiningnan ko naman si Mike ng masama kaya
tumigil na siya. Natapos ang araw na iyon at ang mga sumunod pang araw at parang
ayaw ko ng pumasok. Nalaman ko din na nag enroll din pala sa school na yun si
Lucky.

Ikaw ba naman araw araw mong makita na sinusundo at hinahatid sa classroom ang
babaeng mahal mo ng ibang lalaki. Matutuwa ka ba na ibang lalaki ang bumibili ng
pagkain niya? Ang nagdadala ng gamit niya? At halos hindi ka niya tingnan? Parang
binubugbog araw araw ang puso ko.

Akala ko nung una, makakaya ko at masasanay din ako. Akala ko, eventually mawawala
din ang sakit na nararamdaman ko tuwing nakikita ko silang magkasama. Pero habang
tumatagal, lalong sumasakit. Tuwing nakikita ko sila, mas sumisidhi ang kagustuhan
kong bugbugin si Lucky. Parang nababaliw ako sa selos. Parang nilalason ako ng
paunti unti. Torture.

Sa mga panahon na yun, gusto ko ng utusan ang sarili kong iba na lang ang mahalin
ko. Na ibaling ko na lang sa iba ang atensiyon ko. Hindi yung para akong si gago na
minamanmanan ang lahat ng kilos ni Charm at ng fiancee niya.  Pero kasi hindi naman
ganun kadali yun. Hindi naman basta basta mangyayari yun. Madali ngang sabihin pero
ang hirap naman gawin. Kung madali lang ba bakit hindi? Sino ba naman ang may
gustong palagi na lang nasasaktan?

Kaya ito ako ngayon, pilit na kinakalimutan ang lahat. At saan pa ba ang puntahan
pag gustong makalimot? Siyempre sa inuman. Sa bar. Ang tagal ng hindi ako
nakakapasok sa bar. Ngayon lang ulit. Legal naman na ako kaya wala ng problema.
“Oi! Dahan dahan lang tol. May pasok pa tayo bukas.” Awat ni Mike sa akin. Sino pa
ba ang karamay ko sa mga panahon na ganito?

“Ang daya lang kasi Mike eh. Kita mo naman siya di ba? Mukhang masaya na siya kay
Lucky. Si Lucky na sobrang tanggap ng pamilya niya, si Lucky na ni hindi naghirap
manligaw sa kanya. Bigla na lang sumulpot and then BAM! Fiancee na siya ni Charm.
Ang unfair eh! Pucha!” Ininom ko ulit ang liquor na nasa harapan ko.

“Gusto ko na ngang kalimutan pero pucha! Hindi ko matanggap eh. Tuwing nakikita ko
sila, gusto kong makapatay ng tao. Alam kong bata pa ako. Marami pang babae dyan,
pero iba kasi ang nararamdaman ko kay Charm, sa kanya ko lang to naramdaman. Pero
masama, ni hindi niya ako magawang ipaglaban sa mga magulang niya. Ni hindi niya
magawang ipaglaban ang nararamdaman namin. Hindi ko alam kung saan kami nagkamali,
ba’t hindi pwedeng maging kami!?” Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.
Alam kong hindi pa ako lasing, pero dahil siguro sa alak kaya malakas ang loob kong
ilabas ang lahat ng hinanakit ko.

“Tol, hindi ko rin alam ang sasabihin ko. Nanghihinayang din ako sa relasyon niyo
ni Charm. Pero siguro kailangan nating tanggapin ang sitwasyon niyo ngayon. Kung
kayo talaga, magkakatuluyan kayo sa huli.” Napatingin lang ako kay Mike.    

“This song is dedicated to our drummer. Yes, kung hindi niyo nahahalata may drummer
kami. “ Tumawa ang babaeng vocalist ng bandang kanina pa kumakanta. Dalawa yung
vocalist ng banda. Isang babae at isang lalaki. Pero hindi yan ang nakakuha ng
atensiyon ko kundi ang sunod na sinabi niya.

“Cheer up, Charm .” Napabaling ang tinign ko sa drummer. Paksyet! Nakatalikod kasi
ako sa banda at nasa pinakasulok kami ng bar sa tabi mismo ng stage. Kitang kita ko
kung sino ang drummer na sinasabi niya. Kung ginagago ka nga naman ng pagkakataon
oh!
Tapos nagsimulang kumanta ang vocalist...

My morning starts to shine with teardrops in my eyes And here I am alone starting
to realize That my days would be brighter If I could learn to hide The feelings
that I have for you Keep hurting me inside Then my day begins with simple thoughts
of you Hoping that tomorrow will be me and you Sharing dreams with each other And
making them come true Holding one another Saying "all I need is you" But will you
say that you love me And show me that you care Say when I need you You will always
be there But if you go and leave me This I swear is true My love will always be
with you Now my nights would end with just one wish, that’s you To hold me in the
dark and help me make it through‘cause the pain that’s inside me Would simply melt
away If I had you here with me And promise me you’d stay

Nakatingin lang ako sa kanya habang kumakanta ang vocalist. Nakikita ko ang lungkot
sa mukha niya at parang may nakita akong kumislap sa pisngi niya. Hindi ko lang
alam kung luha ba yun o baka kung ano lang. Hanggang sa matapos ang kanta sa kanya
lang ako nakatingin. Hanggang sa bumaba sila sa stage at sinalubong siya ng isang
pamilyar na mukha.

He hugged her and kissed her lips. It was merely a smack but its enough para ipikit
ko ang mga mata ko. I never felt so helpless before. Parang nawalan ako ng lakas
kasi hindi ko pwedeng gawin ang gusto kong gawin.  Napahigpit ang hawak ko sa baso.

“Tol...” I saw Mike looking at them too and he looked at me with pity.

“Tol! Pangako. Huli na talaga to. Ito na ang huling iyak ko para kay Charm.” 

=================

42. Mag Ingat ka naman

42.

Grabeng sermon ang natanggap ko kay Mommy pagdating ko sa bahay.  Grounded ako ng
isang buwan at hindi ako pwedeng lumabas maliban sa school at bahay.  Sa tingin ko
mas mabuti nga ang ganun. Hindi ako nakapasok kinabukasan dahil sa sakit ng ulo
pero nakapasok naman ako the next day.
“Tol! Musta ka na?” Bati agad ni Mike sa akin pagpasok ko sa school. Ngumiti ako at
lumapit sa kanya.

“Okay na!” Ang laki ng ngisi ko sa pagtataka ni Mike. Siguro nanininibago lang sa
akin kasi hindi na ako masyadong nagngingiti ngayon. Pero nangako na akong
magmomove-on at tatanggapin na lang ang lahat.  At kasama sa pagbabago ko ang pag
alis ng lungkot sa buhay ko.

“Doon nga muna tayo sa labas! Ang boring dito sa loob ng room.” Yaya ko kay Mike. 
Sumunod naman siya at doon kami tumambay sa may corridor. Maya maya pa dumami na
kaming tumatambay at well...nanonood ng mga dumadaan.

Masaya na akong nakikipagkwentuhan sa mga kaklase namin. Tingin ng tingin naman si


Mike sa akin na parang nagtataka. Binatukan ko nga.

“Tigilan mo ako Mike!” Tumawa lang siya at kinamot ang ulo.

“Naninibago lang ako.”  Sabi pa niya.

“Bakit ka naninibago? Wala namang pagbabago sa akin. Ako pa din ang dating Heinz.”
Komento ko na lang.

“Hi Chels...” Napatigil si Chelsea sa paglalakad kasama ang mga kaibigan niya.
Kinindatan ko siya na nagpablush sa kanya. Pero agad din siyang nakarecover at
inismiran ako tapos naglakad na palayo.  Tinukso ako ng mga kaklase ko na basted na
daw ako na tinawanan ko lang. Mga loko to.
“Paksyet!” Biglang bulalas ni Mike. “Alam na alam ko ang ngiting yan. Parang awa mo
na tol! Wag ako! Wag mo akong biktimahin.” Nagkatawanan kami.

“Ulol!” Babatukan ko na sana pero nakatakbo siya at hinabol ko naman pero pagliko
na pagliko ko sa kabilang corridor, may nabangga ako.

“Mag ingat ka naman!” Narinig ko ang sabi ng kasama ng nabangga ko.

“Ay! Sorry! sorry!” Agad ko naman pinulot ang nahulog na notebook tapos binigay ko
sa nabangga ko. Nagulat ako saglit kasi sa lahat ba naman ng pwedeng mabangga si
Charm pa ang nabangga ko.  Pero agad naman akong nakarecover.

“Tol! Pasensiya na. Ahmmm... Charm pasensiya na.” Ngumiti ako sa kanya sabay abot
ng notebook pero nakatulala lang siya sa akin. Ni hindi niya tinitingnan ang
iniabot kong notebook niya. Sa mukha ko lang siya nakatingin. Napakamot ako ng ulo.

“ Charm!” Narinig kong tawag sa kanya ni Lucky.

“Ha?” Doon siya parang natigilan. Nakita ko ang biglang pamumula ang pisngi niya
tapos umiwas siya ng tingin at tiningnan ang notebook na inaabot ko.

“Sorry sa pagkakabunggo sayo. Ito ang notebook mo.” Tumango lang siya at parang
wala sa sariling kinuha  ang notebook.
“Charm, akala ko ba malelate ka na?” Napatingin siya kay Lucky at agad na lumapit
dito.

“Okay lang.” Baling niya sa akin saglit.

“Tara na.” Tapos nauna ng naglakad papuntang classroom namin. Napabuntunghininga na


lang ako at pinakawalan ang hangin sa lungs ko. Hay..buhay! Nakakagago lang! Haha!

Simula noon medyo nagpapansinan na kami ulit pero hindi nga lang katulad ng dati
katulad nung highschool kami na nagkukulitan. Pero at least ngayon, wala ng
masamang hangin tuwing nag uusap kami. Siyempre hindi ko sinasabing nakalimutan ko
na ang nararamdaman ko sa kanya, meron pa din pero pinipilit kong itago sa
pinakatagong bahagi ng isip ko.

Ayaw ko ng maulit yung sakit, yung depresyon, yung galit na naramdaman ko. ‘Ika nga
ni Bob Ong..

‘Ano namang mapapala mo kakaisip sa nakaraan at sa mga pwede pang mangyari? Wala ka
naman sigurong super powers para maibalik ang nakalipas na. Dapat matuto kang
pahalagahan ang mga nangyayari sayo sa kasalukuyan. Isipin mo yung ngayon. I-enjoy
mo lang ang buhay. Wag kang emo. Hindi ka talaga magiging masaya kung di mo
tutulungan ang sarili mo. Natural lang na makaramdam ng lungkot paminsan-minsan
pero ang pagiging miserable? Wag kang hibang choice mo yan.’

Tama nga naman. Desisyon ko kung gusto ko pang magpakamiserable at kung gusto ko
pang malungkot. At napagdesisyunan  kong tama na. Wala naman akong mapapala kung
itutuloy ko ang pagiging emo ko. Hindi ko na mababago ang katotohanan na hindi na
kami at may fiancee na siya. Kahit maglupasay pa ako sa gitna ng daan at
magpasagasa sa pison, hindi ko na yun mababago. Nakapagdecide na siya at panahon na
rin para magdesisyon ako.Kahit masasaktan pa kami sa desisyon na yun. Tutal
nasasaktan na rin naman ako, lubos lubusin ko na lang. Mawawala din naman to.  And
besides, baka nga hindi kami talaga para sa isa’t isa ni Charm. Baka talagang may
nakalaang ibang tao para sa amin kaya kahit anong pilit namin, eh hindi kaming
nagiging masaya. And besides, sabi ulit ni Bob Ong..
‘Paano mo makikita yung taong para sa’yo kung ayaw mo namang tantanan yung taong
pinipilit mong maging para sa’yo.’

Parang yun kasi ang nangyayari sa akin eh. Pinipilit ko na maging kami ni Charm. Eh
paano kung hindi kami talaga sa huli?

Kaya tatantanan ko na talaga itong nararamdaman ko para makita ko na ang nararapat


para sa akin.  Dapat hanapin ko na siya, simula ngayon. 

=================

43. Let me be one of them

43.

“Hindi nga tol? Bakit nung diniskartehan mo ba mahal mo agad? Wag mo sabihing unang
kita mo pa lang sa babae mahal mo na agad. Hindi ako maniniwala.” Sabi ng isang
kabarkada namin sa isa pa naming barkada. Andito kami ngayon sa cafeteria dahil
wala ang prof namin. Tawa lang kami ng tawa sa usapan namin. At siempre ano ba ang
pinag uusapan ng mga lalaki pag nagkakasama sila. Babae.

Totoo naman talaga yun, ang unang pumapasok sa isip naming mga lalaki pag may
nagustuhan kaming babae is how to get inside her pants. Huli na lang dumadating
yung pagmamahal na yan. Swear! Hindi ko alam kung paano gumana ang isip ng isang
babae pero ganun kaming mag isip na mga lalaki. We are wired differently. Kumbaga,
kung gusto naming bumili ng sapatos sa isang mall, didiretso kami sa bilihan ng
sapatos agad agad. Hindi na kami dadaan sa bilihan ng perfume, sa bilihan ng damit,
sa bilihan ng pinggan at baso, sa bilihan ng mga laruan, sa bilihan ng mga libro
para lang makabili ng sapatos. Kaya nga nakakainis sumama sa babae pag nagshopping.
Kasi sino ba ang lalaking gustong pasukin ang lahat ng boutique at ang
kasuluksulukan ng Department Store para lang makabili ng isang pirasong shirt?
Kaya ang hirap intindihan ng mga babae eh. Kasi ibang klase sila mag isip. Ang
gulo. Kaya hindi ko na sila iniintindi. Ngayon nga, sa lubos ng makakaya ko umiiwas
ako sa mga babae. Sakit lang sila ng ulo.

“Heinz!” Napalingon ako sa tumawag sa akin and I saw Aeda walking towards me. Ang
ganda ng ngiti niya at napasipol ang mga kasamahan ko sa table pagkakita nila kay
Aeda. Napangiti na din ako. Ikaw ba naman makakita umagang umaga ng babaeng
nakaminiskirt at naka spaghetti strap, with those legs that goes on forever and a
body to die for tingnan ko lang kung hindi ka mapapangiti.

Walang sabi sabing kumandong siya sa akin at ipinulupot ang kamay niya sa leeg ko.

“Hindi ka na tumawag. Sabi mo tatawag ka pagdating mo sa house niyo.”  Ahhh..


Clingy.

“Tumawag ako. Out of coverage ang phone mo.” Sabi ko na lang. Isa pa sa mga bagay
na nalaman ko tungkol sa babae. We can lie to them just to make them feel better.
Pag may sinabi kang gagawin mo at hindi mo nagawa wag mong aminin para hindi sila
magtampo kasi hahaba pa ang discussion kung aamin ka.

“I see. Baka nawalan ng signal. So, see you later?” Tumayo na siya but not before
kissing my lips.

“Sure.” Sabi ko na lang. Ito ang kaibahan ng college sa high school. Pag high
school madami pang limitation. Pag college na nababawasan na ang limitations at
nagsaskyrocket ang hormones. Ang mga girls sa highschool madaming reservations,
pero pag college na, may mga girls na wala ng reservations. Hahaha.  Alam niyo
naman siguro ang ibig kong sabihin.

Playboy na ba ako ulit? Hindi naman. More like, hinahanap ko lang ang babaeng para
talaga sa akin. It just so happened that habang hinahanap ko siya madami akong
nadadaanan.

“Hoy! Akala ko ba gagawin natin ang project natin? Anong ginagawa niyo dito?”
Biglang bigla nagpanting ang tenga ko dahil sa lakas ng boses ng kaklase namin.   

“Patay!” We chorused. Papunta na ang ibang girls na kaklase namin sa amin.

“Nagmemeryenda lang Giselle.” Sagot naman ni Mike. Si Giselle ang class president
namin kaya medyo takot kami sa kanya.

“Meryenda? Magdadalawang oras na kayong nagmemeryenda at hinayaan niyo kaming mga


babae na gawin ang project na yun!” napangiwi na lang ako sa lakas ng boses niya.

“At dahil napagod kami at nagrerelax lang naman kayo, ilibre niyo kami.” Sabay upo
sa mga upuan malapit sa amin.

“Mike ibili mo sila ng meryenda.Mamaya hindi pa nila tayo isali sa grades.” Sabi
nung isa naming kasamahan.

“Bakit ako? Sinuswerte kayo? Hati hati tayo.” Tapos nangolekta na si Mike para may
pagkain ang mga girls. Okay lang naman, sila naman ang gumawa ng project eh.  So
ayun nga binilhan namin ang mga kaklase namin ng meryenda. Kumakain na sila nung
dumating si Charm. At dahil wala ng maupuan at ang katabi ko na lang ang bakante,
doon na lang siya naupo.

Okay lang naman, ang tagal na kaya nangyari yung ano. Alam niyo na. Kaya baliwala
na lang kung magkakatbi pa kami kasi di naman maiiwasan, magkaklase kami eh.

“Tagal mo naman mag CR Charm. Ibili niyo din si Charm ng pagkain. Siya ang talagang
naghirap sa project na yun.” Sabi pa ulit ni Giselle.

“Ibili mo Heinz.” Sabi pa ni Mike. Loko talaga tong si Mike. Paminsan minsan
inaasar pa kaming dalawa ni Charm.

“Pera?” Inilahad ko ang kamay ko sa kanila at napakamot naman sila ng ulo at


ibinigay ang sukli kanina sa perang binigay namin.  Tumayo na kaagad ako at pumunta
sa bilihan. Binili ko din kung ano ang pinanlibre namin sa mga girls. Pabalik na
sana ako sa table nung may biglang humawak sa braso ko.

“Hi Heinz.” Hinalikan ako ni Chelsea sa pisngi. Naalala niyo naman si Chelsea di
ba? Okay na kami. As in OKAY na talaga kami.

“Hi Chels.”

“Ang sarap naman niyan.” Sabi niya na ang tinutukoy ay ang pagkain.

“Tara, ibibili kita.” Bumalik kami ulit at binili ko na din si Chelsea tsaka kami
bumalik sa table. Pinaupo ko na si Chelsea sa katabi ko kasi umalis na si Mike.
Nilapag ko sa harap ni Charm ang food niya at hinarap na si Chelsea.

“Ano kukunin mo this summer Heinz?” OO, tama kayo ng rinig, magsasummer na. Next
school year, fourth year college na ako. Ganun na katagal ang mga pangyayari kaya
wag na kayong magtaka kung bakit hindi na ako affected kay Charm.
“Hindi ako magsasummer.  Baka magbabakasyon lang kami.” Sabi ko kay Chelsea.

“Where naman?” Napakislot ako when Chelsea’s hand landed on my thighs and she
gently squeezed it. I told you, OKAY na kami. Takte.  Ke aga aga! Haha.

Humilig siya sa balikat ko at inakbayan ko naman siya. Girlfriend ko ba siya? Hindi


noh! OKAY lang talaga kami. Girlfriend ko din ba si Aeda? Hindi din.

“Baka sa province nina Mommy or baka dito rin lang sa tabi tabi.”

“I see!” Tapos kumuha na siya ng food at sinubuan ako. Napa-aawww ang mga kasamahan
ko.

“Ang tamis naman niyan.Iba na talaga pag pogi.” Natawa lang ako sa sinabi ng isang
barkada namin at si Chelsea mas lalo pang dumikit sa akin. Pero bigla na lang
natigil ang paglalambingan namin nung padabog na tumayo si Charm at iniwan kaming
lahat. Ni hindi nangalahati ang kinakain niya.

“Charm saan ka pupunta?” Tawag pa sa kanya ni Giselle pero hindi na siya lumingon.
Nagkatinginan kaming lahat dahil sa ginawa niya hanggang sa mapako ang tingin ng
lahat sa akin. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng guilt. Takte! Nakamove on na
ako di ba? Hindi na dapat ako nakaramdam ng guilt. At bakit naman ako magiguilty eh
wala naman akong ginagawa. Ay walanghiya naman.

Tumahimik ang lahat ng mga ilang segundo tapos nag usap usap ulit na parang walang
nag walk out. Bakit kasi kailangan mag walk out? At bakit kasi kailangan
maapektuhan ako sa pagwowalkout. Tinamaan na ng magaling. Pucha!

Nung hindi na ako nakatiis. Nag excuse na ako para umalis na din. Leche namang
buhay to. Bakit ko ba ginagawa to? Gusto ko ng iuntog ang sarili ko at gusto ko
ding itali ang sarili ko para hindi ko na siya masundan pero may sarili atang utak
ang mga paa ko.

Bakit pakiramdam ko ako ang may kasalanan? Bakit ganito ako kaguilty? Hindi ko
masagot ang mga tanong ko. Langya naman kasi!

Nakita ko siyang palabas ng CR ng girls at papunta sa exit ng school. Ano? Uuwi na


siya? May klase pa kaya kami.

“Charm!” Tawag ko sa kanya pero hindi siya lumingon. Diretso lang siya sa
paglalakad. Tinawag ko ulit pero ganun pa din. Eh napapatingin nga ang ibang mga
estudyante kaya malamang nagbibingibingihan lang siya.

Tumakbo na ako papunta sa kanya at basta na lang siya hinila sa braso. Parang
kinaladkad ko na siya papasok sa unang classroom na nakita kong bukas at walang
tao. Pagkapasok namin sa room, sinara ko ang pinto and trapped her between me and
the wall.

Tiningnan ko ang mukha niya at alam kong galing siya sa pag iyak.  There is this
sudden longing in me to touch her face, to comfort her, to kiss her. And that
longing is too strong for me to resist. So I kissed her. And she kissed me back.
But at the same time, she’s crying. 

I didn’t thought that it would still hurt like this. Masakit pa din na makita
siyang ganito. Akala ko nakalimutan ko na ang sakit at ang nararamdaman ko?
“Bakit ka umiiyak?” I broke off the kiss and looked at her? Iniwas niya ang tingin
niya sa akin.

“Why did you walk out?” Hindi pa din siya nagsalita. “Nagagalit ka ba? Nagseselos
ka sa mga babaeng lumalapit sa akin?” This time tumingin na siya sa akin. I saw a
hint of anger in her eyes.

“Oo! Nagagalit ako. Oo! Nagseselos ako. Ayaw kong nakikita ka na iba’t ibang babae
ang kasama at kalandian. Gusto ko ako lang. And it kills me everytime I see you
with other girls. I hate it pag  pinapaselos mo ako.” She told me through gritted
teeth.

“Hindi kita pinapaselos. It was not my intention but you also have to understand
that I need to move on Charm. “

“I don’t want you to move on. Alam kong ang selfish ko, pero ayaw kong may iba ka.
Gusto ko ako pa din ang mahalin mo. Gusto ko ako lang. They way we used to be.”
Napabuntunghininga ako. Charm... ano ang gagawin ko sayo?

“We cannot be what we used to be Charm. Hangga’t engage ka kay Lucky, hindi
maibabalik ang dating tayo. You cannot be mad at me dahil sa mga ginagawa ko at
wala ka na ding karapatang magselos sa mga babaeng kasama ko, the same way as me
having no rights to get jealous whenever you’re with your fiancee.”  Kung sana ako
na lang ang pinili mo. Hindi sana tayo magkakasakitan ng ganito.

Ilang saglit kaming nagkatinginan and she brush her tears and cleared her throat.

“Then let me be one of them. Let me be one of your girls Samuel.”  


=================

44. Akala ko nga din

44.

May mga desisyon tayo sa buhay na kahit matagal na nating ginawa, paulit ulit na
nagrereplay sa isip natin and the questions of what might have been kept haunting
us. Paano kong iba ang isinagot ko? Ano kaya ang mangyayari sa amin? Are we what we
are right now kung iba ang naging sagot ko sa sinabi niya? Magiging masaya kaya
kami? Minsan pinipilit ko na lang na iignore pag inaatake ako ng doubt. Pero may
mga panahon talaga na hindi maiiwasan lalo na kapag nakikita ko siya. Oo masakit
ang naging desisyon ko pero nung mga panahon na yun, yun ang tingin ko ang tama.
Kahit na hindi ko naman talaga ikinasiya ang desisyon na yun. Kahit na ang desisyon
na yun ay nagdulot sa akin ng sakit. Yet, it was my decision at kailangan kong
panindigan. Dahil alam kong yun ang tama.

At ngayon nga, dahil sa desisyon na yun, mag iisang taon na kaming di nagpapansinan
ni Charm. Oo, mag iisang taon na. Malapit na kaming mag graduate sa college. Ganun
kabilis ang panahon.  Ganun katagal na akong minumulto ng naging desisyon ko.

Nung araw na yun, I was tempted. No, I was very tempted to say yes. Na pumayag sa
sinabi niyang maging isa sa mga babae ko. Sino ba naman ako para tumanggi? Ang
tagal kong hinintay yun. Na piliin niya ako. Pero pinili nga ba niya ako ng mga
panahon na yun? Hindi rin, dahil alam kong pansamantala lang ang offer niya. At the
end of the day, si Lucky pa din ang papakasalan niya at hindi ako.

At ang hirap tanggihan ng sinabi niya especially when I saw how hopeless she is,
how grief-stricken. At mas masakit nung makita ko ang mukha niya nung marinig niya
ang sagot ko sa sinabi niya.

“No Charm, you will never be like them.”  Hindi dahil sa hindi siya karapt dapat sa
akin, kundi dahil kahit kailan hindi siya matutulad sa mga babaeng  masasabi nating
pampalipas oras or much worse pampaalis init lang. She would never be like them.

Nung mga panahon na yun, nung makta ko ang expression sa mukha niya, gustong gusto
kong bawiin ang sinabi ko. Gustong gusto kong pumayag sa sinabi niya. Pero naisip
ko, kaya ko bang gawin yun kay Charm? At tumatanggi ang buong pagkatao ko. I can’t
do to her what I did to the other girls.

Iniwan ko siyang umiiyak sa room na yun. Dahil baka pag hindi pa ako umalis, baka
hindi ko mapigilan ang sarili ko at pumayag ako. At dahil doon ito ngayon ang
kinahinatnan. Strangers kami sa isa’t isa. Hindi ko alam kung magbabago pa ba ang
sitwasyon namin.

Kaya iniisip ko, kung pumayag ba ako dati, mag iiba ba ang pakikitungo namin? Or
baka magiging katulad din siya ng mga naging flings ko na pag inayawan ko na, halos
isumpa na ako.

Bumuntong hininga na lang ako. Ba’t ba ako, nag eemo ngayon? Dahil ba nakita ko
siya kanina? Dahil ba nakita kong tumatawa siya kasama ng fiancee niya? Eh ano
naman ngayon? Naiinggit ako? Kaya bumabalik ako sa dati dahil iniisip ko na siguro
kung pumayag ako dati , ako ngayon ang kasama niya.  Ang pathetic mo Samuel
Heindrick.

“Aattend ka ba?” narinig kong tanong ng isang kaklase naming babae sa kasamahan
niyang kaklase din namin.

“Hindi ko nga alam. Biglaan naman  kasi. Akalain mo, the next day after graduation?
Hindi naman sila atat niyan?” Sagot naman ng isa. May hawak silang dalawa na parang
invitation.

Hindi ko alam kung dapat ko bang ikagulat ang nakasulat sa invitation.


Yu-Ming Nuptial.

Dapat hindi na ako naapektuhan ng ganito. Ang tagal tagal na eh. Dapat nakamove on
na ako. Dapat nakarecover na ako. Pero bakit ganun? Bakit sobrang apektado pa din
ako? Alam ko naman na ikakasal na sila di ba? Matagal ko ng alam. Matagal ko ng
tinanggap na hindi talaga kami para sa isa’t isa. Pero bakit masakit pa din? Bakit
naapektuhan pa din ako?

Agad akong tumalikod at nagmamadaling maglakad palabas ng room. Halos hindi ko


napansin si Mike na muntik ko ng mabangga.

“Oi Tol! Nagmamadali ka ata ngayon? May pupuntahan ka?” Pero hindi ko pinansin si
Mike. Nag iinit ang mukha ko. Pakiramdam ko, hindi tatagal iiyak ako. Pucha!

“Tol!” Sumusunod na si Mike sa akin. Ako dire-diretso lang papuntang parking. Hindi
na ako nagtaka nung pagsakay ko sa kotse, nakasakay na din si Mike. Hindi na siya
nagtanong kung ano ang problema ko. Nakikita naman niya siguro sa mukha ko.

“Dadamayan kita sa problema mo tol, pero utang na loob, ayaw ko pang mamatay kaya
ayusin mo muna ang pagdadrive mo.”  Yan lang ang sinabi niya nung napansin niyang
halos ibangga ko na ang kotse. Doon medyo natauhan ako kaya inayos ko ang
pagdadrive ko.

Nakarating kami sa condo ko na binigay sa akin nila Mommy nung nag 20 ako.  Pero
bago umakyat, dumaan muna kami sa convenience store ni Mike  at bumuli ako ng
maiinom.
“Mukhang mapapasubo ako.” Sabi pa niya pero tinulungan na din niya akong magbitbit
ng mga pinamili namin.

“Anong problema mo at kailangan nating magcelebrate?” Tanong ni Mike sa akin


habang  binubuksan ang isang bote.

“Ikakasal na siya.” Uminom ako mula sa bote. Wala ng baso baso.  Tumango tango lang
si Mike na parang naiintindihan na kuyng sino ang tinutukoy ko.

“Kakatanggap ko nga lang ng invitation Akala ko ba wala na sayo?” Tumayo siya at


kumuha ng yelo at baso. 

“Pucha! Akala ko nga din wala eh. Pero hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi
masaktan. Akala ko tanggap ko na pero hindi ko maintindihan kung bakit ganito ako
kaapektado eh matagal ko naman ng alam.” Inom ulit.

“Grabe talaga ang tama mo kay Charm tol. Yan na ata ang tinatawag na true love.
Nakakatakot pala. Nakakalasing.” Sabay lagok ng inumin niya na nasa baso. Uminom
din  ako. Kung ano ano pa ang napag usapan namin  hanggang sa makatulog si Mike
dahil sa kalasingan. Ako,  parang hindi tinatablan ng alak.  Nung maubos na ang
lahat ng binili namin, bibili pa sana ako pero naisipan kong sa labas na lang
ituloy.

Pumunta akong parking at sumakay ng kotse ko. Gusto kong malasing hangga’t sa wala
na akong maramdaman. Hanggang sa makatulog ako. Bahala na bukas pero sa ngayon,
gusto kong mawala ang sakit.

Palabas na ako ng parking ng condo nung makarinig ako ng busina. Napatingin ako sa
kaliwa and I was blinded by the light of the incoming vehicle. 
=================

45. Congrats

45.

“Samuel Heindrick!” Napangiwi ako pagkarinig ko sa boses ni Mommy. Kakagising ko


lang at alam kong nasa hospital ako. Nananakit pa ang katawan ko. 

“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Halos mamatay na ako sa pag aalala dahil sa
ginawa mo. ” Nakita ko ng umiyak si Mommy.

“I’m sorry Mom.” Yan na lang ang nasabi ko. Sa nangyari sa akin, parang natauhan na
din ako. Madami na ang naapektuhan dahil sa nangyari sa amin ni Charm. Ano na lang
ang mararamdaman nina Mommy pag napuruhan ako dahil sa aksidente? Pasalamat na nga
lang ako wala galos at gasgas lang ang natamo ko and no major damage.

“Kukunin muna namin ang susi ng condo mo Heindrick and also your car, as if you can
still use it. Sa bahay ka ng isang buwan and we don’t want to see something like
this again. In short, grounded ka. Hindi kesyo matanda ka na eh hindi ka na pwedeng
I ground.” At yun nga ang nangyari. Dalawang araw ako sa hospital at diretso na ako
sa bahay. At nung sinabi pala ni Mommy na grounded, talagang grounded kasi hindi na
niya ako pinapasok sa school. At dahil isang linggo na lang bago ang graduation at
tapos na din ang mga exams kaya pumayag na din ang school.

                                         

Bumalik na lang ako ng school nung graduation day mismo. Kinamusta pa ako ng mga
kaklase ko. Medyo magulo ang graduation namin sa dami ng tao. Pero hindi ko pa din
mapigilan ang sarili kong hanapin siya. Aattend kaya siya? Oo gagraduate din ngayon
si Charm. Hinabol niya ang ibang subjects para makagraduate kasabay namin. Yun nga
lang hindi ko alam kung mamartsa ba siya dahil bukas mamartsa ulit siya. Hindi na
para kunin ang diploma, kundi para makipag exchange ng wedding vows.
Nasasaktan pa din ako pag naalala ko ang katotohanang iyon. Hindi na ata yun
maiaalis sa akin. Mahal ko eh. Oo aaminin ko mahal ko pa talaga siya. Hidni ko na
pwedeng ikaila kasi hindi naman magiging ganun ang reaksiyon ko nung malaman kong
ikakasal na siya kung wala na akong naramdaman para sa kanya.

Pero, dahil din sa aksidenteng yun narealize ko ang madaming bagay. Hindi lang pala
kami ang naapektuhan sa mga nangyayari sa amin. Mas naapektuhan ang mga taong
nakapaligid sa amin lalo na  ang parents namin.

Siguro nga wala na talaga. Ilang taon na ba na ganito kami? Hindi ko nga alam kung
ano pa ba ang kulang? May hindi pa ba ako nagawa? May kulang pa ba? O nasobrahan
kaya? Bakit kahit anong effort ang gawin bakit hindi pa din kami ngayon? O baka
naman, I gave up too soon?  Or maybe we didn’t fight hard enough. Pero ano ba yung
enough? Hanggang saan ang enough?

Ang alam ko kasi, hindi naman ako naggive up agad agad sa relasyon namin. I’ve
tried to stick as hard  as I can. Pero ano pa ang magagawa ko kung ayaw akong
ipaglaban? Kailangan ko ba ipagsiksikan ang sarili ko? Sobra naman na ata yun.

Hindi ba dapat two-way ang isang relasyon? Pero bakit hindi ko man lang naramdaman
pinaglaban ako ni Charm? Nakakasakit lang ng loob. Pero hindi ko naman yun pwedeng
isumbat sa kanya. At kahit siguro masama ang loob ko sa nangyari at nasasaktan ako,
hindi ko kayang magalit sa kanya. At kahit siguro kasal na siya, mamahalin ko pa
din siya. Hindi ko alam kung hanggang kailan. Siguro in time makakamove on din ako,
makakahanap ng ibang mamahalin. Pero sa ngayon, alam kong hindi pa ako
nakakapagmove on. Masakit pa eh, naaapektuhan pa ako. But I know moving on takes
time, for how long, yun ang hindi ko alam. Pero takte lang. Sana naman madaliin
kasi ayaw kong maging miserable sa matagal na panahon.

Napabuntunghininga na lang ako dahil sa mga pinag iisip ko. Malapit ng matapos ang
ceremony. Pagkatapos nito, siguro ito na din ang huling pagkikita namin ni Charm.
Ikakasal na siya bukas at siguro doon na sila titira sa China. Ahhhhhhh.. kailangan
ko na talagang kalimutan na to. Kailangan ko ng tanggapin na hindi kami para sa
isa’t isa.
“Congratulations Heinz!” Napatingin ako sa nagsasalita. Tapos na ang ceremony at
nagbabatian na ang lahat. Nakisabay din ako pero may hinahanap akong isang pamilyar
na mukha. Nakita ko siya kaninang umakyat sa stage. Pumayat siya. Hindi ko alam
kung bakit ngayon ko lang napansin. Dahil siguro sa mga nakaraang buwan at taon
halos hindi ko siya matingnan. Pero kanina tiningnan ko siyang mabuti dahil baka
ito na ang huli naming pagkikita.

“Mamaya tol ha! Night out tayo.” Sabi pa ni Mike sa akin bago niya ako iniwan kasi
naghihintay na din ang parents at girlfriend niya sa labas. Sila Mommy naghihintay
na din. Naglalakad na ako palabas ng hall nung makita ko siyang papasok sa loob na
parang may hinahanap.  Kahit pumayat siya ang ganda pa din niya. Napahinga ako ng
malalim. Tapos tiningnan siya. Nagkatinginan kami. Parang naestatwa kami sa gitna
ng hall at nagtitigan lang.

Siya ang unang nag iwas ng tingin at doon ko lang napansin na kasama niya si Lucky.
Tried to hide the bitterness na naramdaman ko. Masama ang tingin ni Lucky sa akin
kaya tiningnan ko din siya ng masama. Ano pa ang ikinagagalit niya? Nasa kanya na
si Charm.

Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanilang dalawa at naglakad ulit. Hindi namin
maiwasan na magkasalubong. Hindi ko na sana sila papansinin pero bago kami
magkaharap nagsalita si Charm.

“Sam...congrats.” Mahina lang ang boses niya pero pakiramdam ko naging mute ang
buong paligid. I fight the urge to hug her dahil kahit hindi niya sabihin,
nararamdaman ko at dinig na dinig ko sa boses niya ang lungkot.  And because of
that parang nabalot din ng lungkot ang puso ko. Potek! Kasasabi  ko lang na
magmomove on na ako di ba? Pero bakit isang salita lang niya, at gustong gusto ko
na lang siyang hatakin bigla bigla at itakbo? Amputa talaga oh!

Tumingin ako saglit sa kanya at tinanguan lang siya tapos naglakad na ako at
hinanap sila Mommy. Pinilit kong kalimutan ang mga naramdaman ko. Umakto akong
normal habang kumakain ako kasama ang pamilya ko. Pagkatapos naming magdinner
dumiretso na ako sa bar kung saan kami magkikita nina Mike at ng iba pa naming
classmates para icelebrate ang pag graduate namin.
 Nasa gitna na kami ng kasayahan nung may nareceive akong text message from an
unknown number.

‘I know we didn’t end up well, Sam. I know that in the course of our relationship
nagkasakitan tayo. I am sorry for hurting you. For not being able to fight for you.
Tomorrow, I will be facing another stage of my life but I am hoping that there will
come a time that we could be able to face each other without  pain. I am still
hoping that we could be friends in the future. That’s the least I could hope for.
Again, I’m sorry.’

Hindi na kailangan ilagay kung sino ang nagtext dahil unang sentence pa lang alam
ko na kung sino. Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko. Ilang beses kong binasa
ang nakasulat. And everytime I did, lalong sumisikip ang dibdib ko. Ang pait lang
lang ng kinahantungan namin. When I could not take it any longer, I replied. This
time walang pagkukunyari. There’s no point na itago ko pa ang nararamdaman ko.

‘You know how I feel towards you Charm. Honestly, I am still willing to do
everything that you ask for and anything that could make you happy. And if you
think that you could be happy with him, I am willing to give you that happiness.
There is only one thing that I have to ask you, don’t ask me to be your friend
because I would be lying if I say that I am willing to be just a friend to you.’

I pressed send and turned off my cellphone and took the first liquor na nahawakan
ko and drink it buttoms up. 

=================

46. Huli na to

46.

“Sigurado ka ba sa gagawin mo Heinz?” Nag aalalang tanong sa akin ni Mike.


Napahawak ako sa ulo ko. Pucha! Ang sakit! Nasobrahan ata ako kagabi ng inom. Hindi
ko na nga namalayan kung paano ako nakarating sa condo ko. Malamang sina Mike ang
naghatid sa akin. Doon na ako ulit umuuwi sa condo. Graduation gift nina Mommy at
Daddy kasama ang bagong kotse kasi hindi na mapakinabangan ang dating kotse ko.

“Huli na to Mike.” Ipinark ko ang kotse ko sa medyo malayo sa simbahan. Oo, ngayon
ang kasal ni Charm at kahit hindi ako invited pumunta ako. Siguro nga masochist
ako. Gustong gusto kong masaktan. Pero kasi..gusto ko siyang makita sa huling
pagkakataon na hindi pa siya kasal. At least yun ang huling alaala na maiiwan niya
sa akin.

“Heinz...” Alam kong kinakabahan si Mike. Baka nga kung ano ang gawin ko sa kasal.

“Wag kang mag alala, hindi ako mageeskandalo. Ni hindi ako magpapakita sa kanya. I
just want to see her for the last time." Napabuntong hininga na lang si Mike tanda
ng pagsuko. Ayaw nga sana niyang pumunta sa kasal kaso pinilit ko siya.

Napatingin ako sa paligid. Nagsidatingan na ang mga bisita. Nasa loob na din ang
groom. Hinintay ko ang bridal car na dumating. 30 minutes itong late. Pagdating ng
bridal car, bumaba na ako ng kotse at sa gilid ng simbahan dumaan kung saan walang
masyadong tao para hindi masyadong pansinin. Then I entered the Church habang
inaayos ang entourage.

Habang papasok ako sa simbahan, bumibigat ang mga hakbang ko. Iniisip ko na
kalokohan itong ginagawa ko pero hindi ko kayang pahindian ang puso ko. I’ve
suppressed it for a long time at nagsusumigaw ito na kahit ngayon lang, for the
last time pagbigyan ko siya. And that’s exactly what I’m doing. For the last time.
Kahit gaano kasakit.

And when the wedding march started lalong bumigat ang dibdib ko. At mas nadagdagan
pa yun when I saw her.  She is so beautiful in her wedding gown yet parang
nagbavibrate sa buong simbahan ang aura niya. She  is not smiling. She is just
looking ahead pero nakikita na blangko ang paningin niya. Hindi ko alam kung ako
lang ba ang nakakapansin pero nagsusumigaw ang lungkot sa buong pagkatao niya.
Na parang any second from now tutulo na ang luha niya. O baka naman, napapansin ko
lang yun kasi yun din ang nararamdaman ko? Dahil malungkot ako ngayon kaya
pakiramdam ko malungkot din siya.

But then when she comes closer, I saw a glimpse of her face and despite her veil
nakita ko ang luha sa kanyang mga mata. God, she’s crying while she’s walking
towards the altar. Automatic na sumikip ang dibdib ko. Ano ba ang kapalit ng
pagpapakasal niya kay Lucky? Is it worth all the tears? Na kaya niyang isakripisyo
ang nararamdaman namin para sa isa’t isa? Na parang habang naglalakad siya ngayon,
its as if she’s walking her death walk.

Gustong gusto ko siyang lapitan at itakas na lang pero magugustuhan kaya niya kapag
ginawa ko yun? Ganito pala ang feeling pag wala kang magawa sa isang sitwasyon.
Ganito pala ang feeling pag pinapanood mo ang babaeng mahal mo na ikinakasal sa
ibang lalaki. Nakakagago, nakakatanga, at parang gusto ko ng mamatay sa sakit.
Ampucha! Tumingala ako para hindi tuluyang tumulo ang mga luha ko and I looked at
her again. I watched her every step towards the man she’s going to spend the rest
of her life with and unfortunately it’s not me. And it’s killing me.

Parang pinapatay na din ako sa ginagawa ko. Dahil bawat hakbang niya papalapit sa
altar, parang isang saksak sa puso ko. Ganito pala ang feeling ng paglelet go.
Paglelet go na alam mong hindi mo na kayang bawiin ang pinakawalan mo. Masakit pero
sino ako para pigilan siya sa gusto niya.

Yes Charm, hanggang sa huli, gagawin ko pa din kung ano ang gusto mo. Hanggang sa
huli. Because I love you.   I love you too much to let you go. Too much that I have
no choice but to  respect whatever decision that you make.

At bago pa siya ibigay ng Daddy niya kay Lucky, bago pa tuluyang tumulo ang mga
luha ko, lumabas na ako ng simbahan.

=================

47. This is goodbye


47.

Pagkadating ko sa kotse doon ko na lang hinayaang tumulo ang mga luha ko. Pucha!
Pero ang sakit sakit talaga. Kung dati kahit papaano, umaasa pa ako na magbago ang
isip niya. Na umatras siya sa engagement at sa kasal, ngayon, parang naglaho ang
mundo ko. Ang pag asa ko.

Napasuntok ako sa manibela at doon isinubson ang ulo ko. Hinayaan kong humikbi ako
kasi alam kong wala namang nakakarinig sa iyak ko.  Hindi ko alam kung gaano ako
katagal na umiyak sa loob ng kotse. Gusto ko na ngang umalis pero ayaw ko namang
magdrive na ganito ang estado ko. Baka mabangga ulit ako and this time mapuruhan
na. Hindi ko na uulitin ang ginawa ko. Tama na ang ilang taong na minahal ko siya.
Dapat tanggapin ko na ang katotohanan na ibang tao na ang nagmamay ari sa kanya.
At  sa paglabas ko kanina sa simbahan yun ang simbolo na hahayaan ko na siya sa
buhay niya.

Siguro naman hindi ako nagkulang sa kanya. Minahal ko naman siya ng buong puso at
ibinigay ko ang lahat ng kaya kong ibigay sa kanya. Ginawa ko ang lahat ng kaya
kong gawin pero talagang hindi ata kami para sa isa’t isa. Hindi lang ata parang,
talagang hindi kami para sa isa’t isa. Walang pag aalinlangan. Kasi kung para kami
sa isa’t isa bakit sa ibang lalaki siya ikinakasal ngayon?

Pinunasan ko na ang luha sa mga mata ko at umayos na ako ng upo.

This is goodbye Charm. I wish all the happiness. Kahit malungkot ako, gusto kong
maging masaya ka pa din.

Papaandarin ko na sana ang kotse nung may biglang magbukas ng backseat at biglang
sumakay.  Sisitahin ko na sana dahil akala ko carnaper nung mapansin kong
nakawedding gown ang sumakay.  Ilang beses kong tiningnan sa overhead mirror para
makasiguro na totoo ang nakikita ko.
Nakasubsob siya sa backseat sa may paanan banda. Pinagkasya niya ang sarili niya
para atang walang makakita sa kanya.

Parang nawala ang lahat ng hinanakit ko pagkakita ko sa kanya. Hindi ko alam pero
gusto kong matawa.

“Miss! Nagkamali ka ata ng kotseng sinakyan. Hindi ito ang bridal car.” Pinipigilan
ko ang sarili kong lumipat asa backseat at yakapin siya. 

“Kuya please...Ayaw kong magpakasal. Hindi ko kaya.  Please...itakas mo ako dito.”


Sabi pa niya na nanginginig ang boses.

Pinaandar ko na ang kotse at nagsimulang magdrive palayo sa lugar na yun. Hindi


maalis alis ang ngiti sa mga labi ko. Wala akong pagsidlan ng tuwang nararamdam ko.
She doesn’t want to marry Lucky. She run away from her own wedding. Ako man ang
dahilan ng pagtakas niya, wala na akong pakialam. Basta masaya ako na nakaya niyang
panindigan ang kagustuhan niya.

“Thank you po talaga Kuya.” Humihikbi siya habang sinasabi niya yun. Gusto ko
siyang patahanin pero hindi ko alam kung ano ang nag udyok sa akin para hayaan lang
siya sa sitwasyon niya. I was so overwhelmed at amused at her at the same time.

Siya nga si Charm. She’s different and unique. She’s spirited and brave.

“Sumusunod pa ba sila Kuya?” Maya maya ay tanong niya. Ni hindi man lang niya
naisip na umupo sa backseat. Nakasubsob pa din siya sa likod.  
“Oo Miss. Alam ata nila na dito ka sumakay. Naku papaano yan? Pati ako madadamay sa
gulo na ginawa mo? Tinakasan mo ata ang kasal mo eh.”  

“Pasensiya na po talaga Kuya. Pwede po bang  pakibilisan po?” Kung kanina humihikbi
siya, ngayon sumisinghot na lang.

“Saan ka ba pupunta? Ihahatid na alng kita doon?” Sabi ko pa.   

“Kahit saan po basta ilayo mo lang ako. Ayaw kong makasal!”

“Bakit ba kasi tinakasan mo ang kasal mo? Mukhang mayaman naman ang mapapangasawa
mo basi na din sa dami ng sasakyan sa simbahan at sa gara ng kasal niyo.” Gusto ko
ding malaman kung ano ang nag udyok sa kanya na umatras sa kasal niya.

“Hindi naman po sa yaman yan Kuya. Hindi ko po kasi siya mahal. May mahal po akong
iba. Ang tagal ko po siyang tiniis. Isinakripisyo ko po ang nararamdaman namin sa
isa’t isa kasi mahal ko ang mga magulang ko at ayaw ko silang saktan. Sinunod ko
ang lahat ng gusto  nila kasi akala ko dahil magulang ko sila alam nila ang mas
nakakabuti sa akin. Ayaw kop o silang suwayin kaya kahit nasasaktan na ako sinunod
ko pa din sila. Kahit sobrang nagalit po ang lalaking mahal ko tiniis ko kasi
magulang ko sila. Pero kanina... sa simbahan...hindi ko pala kaya.” Umiyak na ulit
siya. Naawa ako pero ayaw ko siyang pigilan. I wanted to know the truth. I wanted
to know what she feels. I wanted to know if I am still important to her. If she
still love me the way that I love her.

“Hindi ko pala kayang hayaang habang buhay diktahan nila ang buhay ko.  Hindi kop o
kayang maging malungkot habang buhay. And for once, I wanted to do the right thing.
I wanted to stand up for myself, for my feelings and for the guy that I truly
love.” Yung hikbi niya kanina, naging hagulgol na. Pati ako hindi ko din napigilang
umiyak.
Charm... kung alam mo lang. Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya ngayon. Alam
kong masama kasi marami ang nasasaktan dahil sa ginawa mo, pero hindi ko mapigilan
ang kasiyahan sa puso ko.

Hinayaan ko lang siyang umiyak ng ilang saglit.

“Sumusunod pa din Kuya?” Maya maya ay tanong ulit niya.

“Oo eh, alam ata talaga na dito ka nakasakay.”  I nearly chuckled at my reply.

“Bakit kasi kuya hindi tinted ang kotse mo? Tsaka bakit ganyan ang boses mo. Paos.”
At talagang nanlait pa. Pambihira!  Paano kung ibang tao ako? Lalaitin na lang niya
ang kotse at ang boses ng ganun ganun? Sasama na lang siya agad agad?

Gusto ko siyang pagsabihan kaso masyado pa akong nag eenjoy sa ginagawa ko. Bahala
na mamaya kung ano ang gagawin niya.

“Bago eh. Tsaka para sa isang runaway bride, ang daldal mo. Pero Miss inistorbo mo
ang lakad ko. Importante yun.”

“Babayaran kita Kuya.” Buong loob na sinabi niya. Napapangiti na lang ako at
pinipigilan ko ang tumawa ng malakas.

“Mahal ako maningil Miss. Mahal na ngayon ang gasolina.” Dagdag ko pa. Baka nga pag
nalaman niya kung sino ako, baka buhusan niya ako ng gasoline at sunugin ng buhay.
“Sayo  na tong engagement ring ko Kuya. Mahal to. Totoong diamond to Kuya may
emerald pa sa gitna.” Sabi pa niya at nung sinulyapan ko siya inaalis na niya ang
singsing sa kamay niya.

“Miss mas gusto ko ata ang singsing na nakasabit sa necklace mo.” Patay malisyang
sabi ko.

“Paanong...” Tapos napaupo siya bigla sa backseat at napatingin sa akin. Ang laki
ng ngisi ko lalo na nung Makita ko ang nanlalaki niyang mga mata.

“Samuel!”

=================

48. Ano nga ulit ang sinabi mo?

48.  

Ilang minutes siyang hindi nakapagsalita. Ngingiti ngiti lang ako.

“Baka may makakita sayo.” Sabi ko pa. She pouted at humiga na talaga sa backseat.
Tumawa ako ng mahina.  Nakikita ko siyang sinasabunutan ang sarili niya sa
backseat. Itinapon na din niya ang veil niya.

“Lumipat ka na dito sa front seat. Nagmumukha akong driver mo.” Sabi ko nung wala
siyang planong tumayo mula sa pagkakahiga niya sa upuan.

“Baka may sumusunod.” Tumayo siya kunti at sumilip para tingnan kung may nakasunod
nga sa amin.

“Kanina pa wala. Kaya nga hindi ko agad pinaandar kanina ang sasakyan para hindi
halatang kasabwat ako sa pagtakas mo.”

“Ibig sabihin kanina mo pa ako niloloko?” Napaupo na talaga siya bigla sa backseat.
“I hate you!” Pulang pula ang mukha niya dahil sa hiya. Tumawa lang ako ng malakas.

“Hindi yun ang narinig ko kanina. Ano  nga ba yun?” Tiningnan niya ko ng masama at
sinimangutan.

“Tumahimik ka nga!” At walang ka poise poise na lumipat mula sa backseat papuntang


front seat kahit umaandar kami. Napapalatak na alng ako sa ginawa niya. Partida,
naka wedding gown pa yan ha. Nung mapansin niyang nakatingin ako sa kanya,
inismiran niya ako. Napatawa naman ako.

Nung tiningnan ko siya, nakapikit siya at doon ko lang nakita na parang pagod na
pagod niya. Hindi ko na siya ginulo hanggang sa mapansin kong nakatulog na siya.
Buong byahe siyang tulog hanggang sa makarating kami sa resort namin sa Batangas.
Hindi pa din siya nagising kaya hinayaan ko na lang siya munang matulog.

Pinapanood ko lang siyang matulog and I found contentment just by watching her
sleep. Maya maya pa bumaba na ako para sabihan ang katiwala naming na ayusin ang
kwarto ko at ang guestroom namin. Gusto ko na sana siyang buhatin pero natatakot
naman akong baka magising siya. 
After kong masabihan ang caretaker, bumalik na ako sa beach front kung saan  ko
malapit pinark ang kotse. Nakatayo lang ako habang tinatanaw ang dagat at hindi ko
mapigilang ngumiti. Ang tagal bago ako nakangiti ng ganito.

“Sa kotse mo lang pala ako nakasakay pinagloloko mo pa ako!” Napalingon ako nung
marinig ko ang boses niya. Natayo siya sa likuran ko at nakasimangot pa din.
Napangiti ako lalo.

“Pinahiya mo pa ako sa sarili ko dahil kung ano ano pa ang ikinuwento ko. Gustong
gusto mo akong pinaglalaruan. Gustong gusto mong pinagtitripan ako.” Naglakad siya
palapit sa akin at nung napansin niyang nababaon ang sapatos niya sa buhangin,
iniwan na lang niya ito basta basta at nagyapak.

“Ohh..Nadudumihan  ang gown mo.” Biro ko pa kasi ang haba naman ng train ng gown
niya at ni hindi niya inaangat. Nadadala tuloy ang ibang sand.

“Wala akong pakialam.  I hate you!” Bulalas niya nung magkalapit na kami. Napakamot
na lang ako ng ulo.  

“You hate me? Sigurado ka? Baka nakakalimutan mo, kung hindi dahil sa akin, nasa
reception ka na ngayon ng kasal mo. O baka naman naghahoneymoon na kayo ni Lucky.”
Napangiwi siya dahil sa sinabi ko. Kahit ako, ayaw ko isipin ang eksenang yun. Pero
gsto ko lang siyang asarin. In fact, gusto ko lang siyang paaminin kahit ban a
narinig ko na ang lahat sa kanay kanina.  

“Bakit sa lahat ng kotse na andun,  sa kotse mo pa ako napadpad? Bwisit!”

“Aba malay ko.  Gusto mo ibalik kita doon para makapili ka ng ibang kotse para
gawin mong getaway car? Ikaw pa ngayon ang may ganang mag I hate you. Akala mo
gusto kong maging kasangkapan mo para makatakas ka?” Tiningnan niya ako ng masama.
As in masamang masama. Na pag siguro ginaw ako ang sinabi ko, papatayin na alng
niya ako.

“Ano ba kasi ang ginagawa mo sa simbahan na yun sa araw ng kasal ko? Nanood ka ba?”
Hmmm.... Fishing si Miss Ming.

“Hindi ah! Nagkukumpisal ako kaya ako andun. At ikaw bakit mo nga ulit tinakbuhan
ang ang kasal mo? Ano nga ulit ang sinabi mo sa sasakyan?” Bigla na lang siyang
namula at yumuko. Pero hindi nakaligtas sa akin ang pag irap niya. Napatawa na lang
ako. A loud and hearty laugh which I haven’t done for a long time.

“Bwisit!” I heard her mutter at tumalikod pabaik sa kotse.

“ Teka Charm! Saglit lang. Magkwento ka naman muna!”

Hinabol ko na.

Asar na eh.

=================

49. The right thing

49.

“Teka lang naman saglit!” Hinawakan ko ang braso niya. Hindi siya tumitingin sa
akin pero tumigil na siya sa paglalakad.
“Hiyang hiya na ako sa sarili ko Samuel. Kung pagtatawanan at iinsultuhin mo lang
ako, mas mabuti pang sa ibang lugar na lang ako pupunta.” Naguilty naman ako bigla
when I heard her cracked voice. Kalokohan mo kasi Sam.

“Halika na. Mag bihis ka muna tapos mag uusap na tayo.” Hinawakan ko na ang kamay
niya and she didn’t protest. Dinala ko siya sa resthouse naming at pinatuloy sa
guestroom. Pinahiram ko na din siya ng extra clothes ni Mommy na naiwan sa
resthouse kasi parang kasya naman sa kanya. Kaysa nakawedding gown siya.

Nagpahanda na din ako ng pagkain kasi alam kong gutom na siya. Nung maihanda na ang
pagkain, iniwan na kami ng caretaker sa resthouse. Tinawag ko siya para kumain.
Tahimik kami habang kumakain. Hinayaan ko lang siyang kumainalthough hindi naman
madami ang kinain niya. Nung tapos na kamign kumain niyaya ko siya para maglakad
lakad kami sa tabi ng dagat.  

Hinawakan ko ulit ang kamay niya and she didn’t protest. Nakakamiss ang ganito. Ang
tagal na rin simula nung huling kong mahawakan ng ganito ang kamay niya. Pero kahit
na ganun katagal it still felt so right. Wala pa ding nagsasalita sa amin habang
naglalakad kami. Parang kuntento na kami sa ganito. Just feeling each other’s
presence.  I squeezed her hand and she squeezed mine. Napapikit ako and silently
thank God for allowing her to be beside me at this time. Alam kung kabadingan pero
parang naluluha ako.

Tumigil ako sa paglalakad at tumigil na din siya. Nakaharap kami sa dagat and the
waves are touching our feet. The sea is prefect, the day is prefect, the breeze is
perfect but she’s more perfect. Perfect for me. Kahit ano pang skait ang naramdaman
ko dati lahat ng yun biglang nawala the moment I saw her crouching at the back of
my car.

Lahat ng hinanakit ko nawala at napalitan ng sobrang saya. 


“Charm, I would no longer embarrass you by asking so many questions and by seeking
so many explanations. What I’ve heard from you a while ago is enough. Though,
there’s one thing that I wanted to hear from you.” Tumingin siya sa akin at
nagkatinginan kami. Gustong gusto ko na siyang yakapin at halikan ng mga panahon
nay un. My emotions are overwhelming I just wanted to wrap her in my arms.

“Charm... I wanted to know if...” Pero hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil
inunahan na niya ako.

“Yes. I still love you Samuel. Mahal pa din kita. Hindi naman yun nawala. Kaya nga
hindi ko nakayang magpakasal kay Lucky because I cannot imagine my life na siya ang
kasama ko habang buhay!” Madramang sabi niya. Maluha luha pa siya. Pero nabunutan
ako ng tinik sa sinabi niya. Napangiti ako at sobrang saya ko.

“ Hindi naman yun ang itatanong ko sana Charm.” Lumaki ang ngiti ko.

“Ha? Ano pala?” Nagtataka ding tanong niya.

“Nakainom ka ba ng tubig kanina? Mukhang walang bawas kasi ang baso mo eh.” I saw
how her expression changed. How her faced turned from pink to red. And I saw her
clenched her jaw. Hahampasin na sana niya ako ng kamay niyang hindi ko hawak  pero
hinawakan ko ito and wrap her in my arms.

I hugged her tight. So tight na halos wala ng makadaang hangin sa gitna namin. God!
I missed her. I really, really missed her. Naramdaman kong niyakap din niya ako. We
just hugged each other for a while at naiintindihan na naming ang isa’t isa.
Hanggang sa maramdaman kong umiiyak na siya.

Inilayo ko siya ng kunti at pinunasan ko ang luha niya. We just looked at each
other tenderly.
“I love you too, baby. At kahit kalian, hindi ko nakalimutan kong gaano kita
kamahal.” Napapikit ako at hindi ko rin napigilan as a tear fall down from my eyes.
Masayang masaya ako na hindi ko akalaing sasaya ako ng ganito. We smiled at each
other.

“I love you too Sam.” I pulled her closed and kissed the trace of tears in her
cheeks and as I kissed her lips as the sun kissed the horizon.

“Baby, you have to call your parents.” Sabi ko sa kanya habang nakaupo kami sa
kaninang inuupuan ko nung karrating lang namin.

“Why? Paano kung paglayuin ulit tayo? And Sam, bakit ganyan ka? Despite sa ginawa
nila sa atin, you still manage to think about what they would feel. Dapat magalit
ka sa kanila di ba?” Kinuwento na niya sa akin ang rason kung bakit ipapakasal siya
kay Lucky. Dahil sa negosyo. Dahil mayaman sila Lucky at hindi kami ganun kayaman
na kayang palaguin ang negosyo ng pamilya nila  na nanganganib na malugi. Kung
iisipin malaking insult sa pagkatao ko at sa pamilya naming ang ginawa ng parent
sni Charm. Pero ayaw kong mag ipon ng sama ng loob. Ang mahalaga kahit na yun ang
nangyari, mahal pa din naming ang isa’t isa.

  

“Nung tumanggi kang makipagtanan sa akin, aaminin ko nagtampo ako sayo. Pero naisip
ko, hindi kesyo pakiramdaman natin na tama ay tama na talaga. Kahit saan mang
anggulo mga magulang mo sila at kahit magalit pa ako sa kanila it doesn’t change
the fact na magiging biyenan ko sila in the future. Tama ka sa naging desisyon mo
dati. If we feel streongly about something, it doesn’t mean that it’s the right
thing to do. We have to be sensible and reasonable. And I’m glad that you are a
sensible and responsible woman Charm. Nakakapag isip ka pa din ng matino despite of
what si happening around you.” At alam kong mahirap gawin ang bagay na yun.
Teenager pa kami noon at bilang teenager, we tend to follow our emotions. But Charm
made the right decision and I’m glad na ginawa niya yun.  

“Kung ganun ,  bakit ka galit sa akin sa loob ng dalawang taon?” I hugged her and
kissed her hair.
“Hindi ako galit sayo. Hindi ako kailanman nagalit sayo. Nagagalit ako sa
sitwasyon. Oo naging bitter ako. I have the right to be bitter because I am about
to lose the only girl that matters to me.  At hindi madaling gawin yun. Hindi
madaling tanggapin ang bagay na iyon.” O felt her hugged me tighter.

“And Charm, we are about to do the right thing.”

“And that is?” Napatingala siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya.

“Harapin natin ang parents mo. But this time hindi ko na hihilingin na ipaglaban mo
ako at ang relasyon natin. We’ll do it hand in hand. Tanggap man nila o hindi ang
relasyon natin, ang importante nagpaalam tayo ng maayos sa kanila.” 

=================

50. Take the whole body

50.

Nagstay pa kami ng isang araw sa resort. Ayaw pa niyang umuwi kahit na natawagan na
niya ang parents niya. Galit ang parents niya at gusto muna niyang palipasin kahit
isang araw lang ang galit ng mga to.

Nung pauwi na kami kinakabahan ako at alam ko ding kinakabahan din siya kaya
pinilit kong hindi ipakita sa kanya ang kabang nararamdaman ko. Alam nila Mommy ang
gagawin namin. Nung araw na andun kami sa resort alam nila na kasama ko si Charm.
Pasalamat na lang siguro ako at binigyan ako ng mga magulang na naiintindihan ako
palagi.
Halos ayaw niyang bumaba sa sasakyan nung tumigil kami sa harap ng bahay nila.
Hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit and squeezed it. Ang lamig ng kamay niya.

“Let’s go?” Yaya ko sa kanya. She looked at me nervously.

“Magtanan na lang kaya tayo Sam?” Napangiti ako sa sinabi niya. Naalala ko kasi
nung sinabi ko yun sa kanya. And her she is telling me the same thing.

“Baby, andito na tayo. Gawin na lang natin. Don’t worry, andito lang ako.” I
assured her kahit na kinakabahan din talaga ako. Niyaya ko na siyang lumabas ng
kotse.

Pinapasok naman kami ng guard sa gate nila pero nagulat na lang ako nung pagkapasok
na pagkapasok namin sa bahay nila sinampal agad siya ng Mommy niya.

Umiyak na lang siya at awang awa ako sa kanya. I covered her para hindi na siya
saktan ng magulang niya. Hindi ko alam ang irereact ko. Hindi ko akalain na may mga
magulang pa lang talagang sinasaktan ang anak nila.

“Mommy..! I’m sorry.” Todo iyak pa din siya. Gusto ko na siyang hilahin at lumabas
na lang kami sa bahay nila. Pero andito na kami. Payag man sila o hindi, ang
mahalaga nagbigay kami ng respeto na ipaalam sa kanila ang plano naming dalawa.

“How dare you Charm! Pinahiya mo kami ng Daddy mo! How could you do this to us?”
Sigaw pa din ng  Mommy niya.
“Alam mo ba dahilan sa ginawa mo nagback out sa merger ang mga Yu! What will happen
to our business? Ano pa ang matitira sayo kung tuluyan na tayong malulugi? Hindi mo
naiintindihan na ginagawa naming to para din sa kinabukasan mo Charm! Pero ano? Mas
pinili mo ang lalaking yan kaysa sa kinabukasan mo? Bakit ano ba ang kaya niyang
gawin para sayo? Mapapakain ba niya sayo ang pagmamahal na sinasabi mo!?” 

“I’m so sorry Mommy, Daddy.  Pero... hindi ko kayang maikasal kay Lucky. Si Samuel
ang mahal ko. Alam niyong ayaw ko makasal sa kanya  pero ayaw ko kayong masaktan. I
don’t want to defy both of you dahil mahal ko kayo. But please understand that I
wouldn’t be happy if I marry Lucky.  At hindi ko naman po kailangan na maging
sobrang  mayaman. Kaya naman po natin itayo ang business natin kahit wala ang mga
Yu. I don’t need a lot of money, gusto ko lang po maging masaya.”  Naninikip ang
dibdib ko sa nakikita ko at the same time a part of me was glad that she was able
to fight for me. To fight for what she feels.

“You are a disgrace Charm. We will disown you.” Mahinahon pero puno ng galit na
sabi ng Daddy niya.  Umiyak lang si Charm.  Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay
niya.

“Mahal ko po si Charm. Matagal na at alam kong mahal din niya ako. Hinayaan kong
makasal sila ni Lucky dahil yun ang pinili niya at yun ang desisyon niya na
kailangan kong respetuhin. Dahil ayaw niyang magalit kayo sa kanya . Pero ngayong
mas pinili na niya ako, wala ng rason para hindi ko siya ipaglaban. Kaya kahit
itakwil niyo siya, okay lang. Sasaluhin ko naman siya. Nagpapaalam po kami ng
maayos at sana po wag niyo naman ganituhin ng anak niyo!” Gusto ko lang naman na
magpaalam kami ng maayos. Gusto ko lang naman na bigyan sila ng respeto pero kung
ganito ang pakikitungo nila kay Charm, mas mabuti pa nga atang nagtanan na lang
kaming dalawa.  

“How dare you say that. You can’t even provide for her needs!” Hysterical na sabi
ng Mommy niya.  

“He can Mrs. Ming.” Napalingon kami bigla sa nagsalita galling sa front door.
Pumasok si Daddy at nakasunod si Mommy sa kanya. Oo sinabi naming na dadaan muna
kami kina Charm bago kami umuwi pero hindi ko inakalang pupunta sila dito.  
“ We may not be as wealthy as your family and the Yu’s but what we have is enough
to provide for both of them. If you cannot support your daughter’s happiness we are
always here  to support both of them. Anyway, even during their teenage years, we
already consider Charm as the daughter we never had.” Sagot naman ni Mommy. Tumabi
sila sa amin and agad na yumakap si Charm kay Mommy. Tinapik naman ako ni Daddy sa
balikat.

“ I’m sorry if we’re late Son. Anyway, if they can’t give her hand, take the whole
body. Anyway, hindi na nila pwedeng ilayo si Charm sayo kasi may karapatan ka na sa
magiging anak niyo. Let’s go.” Napatingin kaming lahat kay Daddy. Anong anak? Wala
pa ngang nangyari sa amin ni Charm, anak agad?

Nakita kong natulala ang parents ni Charm and I saw my Dad winked at us. Loko tong
si Daddy.   

Ni hindi na nakaimik ang parent ni Charm nung lumabas kaming apat sa bahay nila. 

=================

Epilogue

Epilogue.

Tok!

Bigla akong napaupo mula sa pagkakahiga ko. Napatingin ako sa bedside clock ko and
it’s already 1:52AM. Pucha naman! Nakaidlip na ako eh. Ang hirap pa naman makatulog
at kailangan kong matulog ng maaga.
Tok!

Napatayo na talaga ako at lumapit sa may pinto ng terrace kung saan nanggagaling
ang tunog.  Peste! Sino ba ang nambabato ng pinto ng terrace ng kwarto ko? Talaga
naman! Kapag nahuli ko yun, dila lang niya ng walang latay.

Tok!

Talaga naman!

Agad kong binuksan ang pinto ng terrace at natamaan ako ng kung ano sa mukha.
Pucha! Taena talaga!

“Tangna! Sino yan!” Hawak hawak ko na ang baseball bat ko na nakasandal sa likod ng
pinto ng kwarto ko.

“Sam! Tulungan mo akong makaakyat!” Bigla kong nabitiwan ang hawak ko na bat nung
marinig ko ang boses na yun. Napatingin ako bigla sa baba ng terrace at muntik na
akong himatayin when I saw Charm on top of the ladder. At siya yung kanina pa
nambabato ng pinto ng terrace? Anong klaseng trip to?

“Charm! Anong ginagawa mo dyan?” Bigla akong kinabahan. Paano kong mahulog siya sa
ladder? At ano ang pumasok sa isip niya na umakyat siya sa ladder? At bakit andito
siya sa bahay namin?  

“Tulungan mo muna akong makaakyat bago kita sagutin.” Lalong akong kinabahan she
she took a step upward. Tangina naman!

“Pucha! Charm Ming bumaba ka dyan! Baka mahulog ka!” Potek! Papatayin ba ako ng
babaeng to? Ano ba ang naisip nito? Tae! Hindi ko siya kahit kailan maarok.

“Bababain kita basta bumaba ka na dyan!” Nagmamadali akong lumabas ng kwarto at


bumaba ng bahay at pumunta sa may tapat ng kwarto ko kung nasaan ang pasaway kong
fiancée. Sa lahat ng kalokohan na ginawa niya, ito   ang pinakalala. Nakababa na
siya ng ladder  at nakaupo sa damuhan nung makarating ako.

“Bakit ka andito? Akala ko tulog ka na? Bakit ka umakyat ng ladder? Paano kung
nahulog ka? Charm naman! Anong oras na?” Kinamot lang niya ang ulo niya at kinagat
ang lower lips niya and she pouted. 

“Eh kasi naman Sam, hindi ako makatulog sa bahay.” Kahit na naiinis ako dahil
pinakaba niya ako sa ginawa niya hindi ko pa din maiwasan na matuwa kasi andito
siya. Pinapairal ko na lang ang inis ko pero ang totoo gusto ko na lang siyang
yakapin at dalhin sa kwarto at halikan at... Pucha! Wag kang magi sip ng ganyan
Samuel. Nakatiis ka ng mahigit isang taon, matitiis mo ang ilang oras pa.

“Pag umakyat ka ba ng ladder makakatulog ka?” Inis pa ding sabi ko. Nakita ko
siyang yumuko para itago ang ngiti niya.

“Nenenerbiyos kasi talaga ako. Ikaw ba hindi? Hindi ako makatulog. Naisip ko, baka
kung magkasama tayo, makakatulog ako. Kaya pumunta ako dito.” Napabuntunghininga na
lang ako.

“Hindi mo man lang ako tinext na pupunta ka dito? Kailangan mo pa tuloy umakyat sa
ladder. At bakit ka nga pala umakyat sa ladder eh pwede ka namang magdoorbell?”
“Ayaw ko kasing magising sila Mommy.” Dagdag pa niya. Hays... wala talagang kasing
cute ang mapapangasawa ko.

Napabuntughininga ulit ako at hinawakan na lang ang kamay niya at pumasok na kami
sa loob ng bahay. Ano ba ang gagawin ko sa babeng ito? Siya lang ata ang ikakasal
na naisipang akyatin ang groom sa gabi bago sila ikasal.

Oo, bukas ikakasal na kami. Isang taon kaming engaged. A week after namin umalis sa
bahay nila, pumunta ang parents niya sa bahay naming at humingi ng tawad sa amin at
lalong lalo na kay Charm.  Siyempre pinatawad namin. Nagpasalamat na lang kami na
sa wakas tinanggap nila ang relasyon namin. Inamin na din ni Daddy na hindi pa sila
magkakaapo. Eh sa wala pa talaga eh. I mean sobrang laki ng respeto ko kay Charm na
hindi ko kayang galawin siya ng hindi pa kami kasal. Kahit na ang hirap gawin kasi
minsan nadadala kami ng sitwasyon pero pinipilit kong magpakatatag. Naks
magpakatatag talaga. Pero naisip ko kasi, darating din kami sa puntong yun, kaya
gawin na lang namin ng tama.

Pero papano ko ba magagawa tama ang isang bagay kung ito siya ngayon, inaakyat ako
sa kwarto?

“Tabi na lang tayo para makatulog ako.” Sabi pa niya sabay upo sa kama ko.
Napalunok ako. Hoy Charm Ming umayos ka! Baka mauna pa ang honeymoon sa kasal.
Takte naman talaga.

“H-hindi ba magtataka sila Mommy na madatnan ka nilang wala sa kwarto mo bukas?”


Hindi ako umupo sa kama. Natatakot akong umupo at tumabi sa kanya. Baka hindi ko na
kayang kontrolin ang sarili ko.

“Sinabihan ko ang driver na sabihin kung nasaan ako pag hinanap nila ako.” Inayos
ayos na niya ang unan na hihigaan niya.
“C-Charm...”Aaahhhh. Ang hirap naman ng ganito.

“Tulog na tayo.” Pinagpag niya ang space sa tabi niya. Atubili akong lumapit sa
kanya.

“Bakit ba parang takot na takot ka?” Hindi ako nagsalita. Natatakot nga ako.
Natatakot akong baka biglang mawala ang control ko sa sarili ko.

“Charm, I think this is not a good idea.” Sabi ko pa na nagpakunot ng noo niya.
Tapos nanlaki ang mga mata niya na parang na gets na niya kung bakit takot akong
lumapit sa kanya.

“Hoy Samuel! Hindi ako pumunta dito dahil dyan sa iniisip mo ha! Gusto ko lang
naman makatulog!” Singhal niya sa akin. “Pero on the other hand, ikakasal na rin
naman tayo bukas kaya okay lang.” Dagdag niya na nagpalaki ng mga mata ko. Okay
lang? O-OKAY LANG? Napalunok ako.

“Pero sayo ko din natutunan Sam, na kung may gagawin tayo, bakit hindi pa natin
gawin ang tama? Di ba?”  I just nodded.

“Right.” Yun na lang ang nasabi ko.

“I’m sorry kung mahihirapan ka dahil sa pagpunta ko dito ngayon, but I just want to
hug my boyfriend for the last time because tomorrow  he’s gonna be my husband.” She
offered her hand and I took it. “I just want to hug you so I could sleep and could
have my beauty rest because I want to be the most beautiful bride for you tomorrow.
I want to give the best for you Sam, because you truly deserve it.” I saw  tears
forming in her eyes pero nakangiti pa din siya sa akin. Alam kong she’s crying
because of happiness and I am happy too. And like her, I want to give her the best
too.

“Maganda ka na para sa akin, kahit walang ka-effort effort. And stop crying,
mamamaga ang mata mo bukas. Sabihin nila pinaiyak kita.” I kissed her tears and
niyakap siya. Ang dami ng pinagdaanan and here we are, tomorrow wel’’ be facing a
new stage of our life. Alam ko madami pang trials ang darating but I am confident
that we can face it for as long as we stay together.

“Baby matulog na tayo. I don’t want a bride with a huge eyebags tomorrow.”
Napangiti siya and we both lie down on my bed. Sino ang mag aakalang magkatabi kami
sa gabi bago kami ikasal. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ng mga matatanda
bukas peor hayaan mo na sila, matatanda na sila. Basta alam naming ang totoo.

“Yes Mr. Samuel Heindrick Po. Payakap ha.” Bumuntong hininga na lang ako at kiniss
ang ulo.

“I love you Mrs. Samuel Heindrick Po.” I pulled her tighter at let her rest her
head on my arms.

“I love you din po, Mr. Sam  Po and thank you for loving me.” Napangiti na lang ako
sa sinabi niya.

How could I not love her?

She’s my Charm.

You might also like