You are on page 1of 7

(Oneshot) "Natakot ba kita?

"

Oneshot: "Natakot ba kita?"

© Filipina Wattpad 2015

(Author: Hindi ko po alam kung bakit putol sa website pero nagana po siya sa
mobile.)

* * *

"Boo!!!"

Busy ako sa paggawa ng mga isusubmit ko na due bukas nang maramdaman ko agad ang
presensya mo.

Gaya ng dati, tiningnan lang kita.

Tumawa ka ng tumawa, "Natakot ba kita?"

"May bakas ba ng pagkagulat ang mukha ko?" tanong ko kaya napanguso ka.

"Hindi ka na naman natakot!" naka-nguso mong sabi.

Dumiretso ako sa paggawa ng mga plates ko.

Ako nga pla si Darren Julian De Chavez. 3rd year Architecture student.

Busy ako talaga ngayon kaya hindi ko masyadong ma-entertain 'yung girlfriend ko.
Malapit na kasi 'yung finals namin kaya masyadong madami kaming tambak na gawain.

Tulad nitong plates na ginagawa ko. Bawal madumi (at maraming erasures) kaya
talagang iniingat-ingatan ko ang paggawa. Laki pa naman ng units nito kaya hindi
pwedeng binabasta.

Kung bakit ngayon ko lang ginagawa, e, last week ko pa 'to nasimulan at nasa pang
apat na plate na ako. Eh lima 'yung kailangang isubmit bukas kaya ayon.

Sadya ring umaabot ako ng matagal na oras sa paggawa kasi masyadong mataas 'yung
expectation sa mga gawa ko. Running for cum laude kasi ako tapos gusto kong sulit
'yung unong binibigay nila sa akin kaya as much as possible gusto ko deserving yung
mga grades na makukuha ko.

Si Dea nga pala 'yung girlfriend ko. Kami na nung 4th year highschool. Legal din
kami kaya nakakabisita siya sa aming bahay kung kailan niya man gustuhin.

Crush ko na siya simula pa lang grade 5. Tapos nung naging magkaklase kami nung 1st
year highschool, saka ko siya binigyan ng mga motibong crush ko siya.

Nung third year nga lang niya nagets kasi may pagka-manhid siya. Nagets niya lang
nang umamin na ako. Naglakas loob na ako kasi nabalitaan kong umaaligid 'yung
kapitbahay nila na may gusto sa kanya.

Nung 1st year college niya naman ako sinagot. Nursing 'yung course niya kaya
weekends lang kaming magkita (madalas kasing duty nila kapag weekdays).
Pero kahit ganon, masasabi kong hindi ko pinuputol at hinahayaang mawalan kami ng
communication. Parati ko siyang tinetext, ganoon din naman siya.

Matatakutin din nga pala siya habang ako naman ay poker face lagi. Kung kaya
mahilig niya akong biglain at takutin.

'Yun lang, sa tagal tagal niya nang pagbibigla't pananakot sa'kin, parating poker
face lang ang naibibigay kong tugon sa kanya.

Hindi naman dahil hindi at never talaga niyang nagawang takutin ako.

Sadyang alam ko na kung andun na 'yung presensya niya o wala (gawa nung pabango
niya). Kaya kahit anong pananakot at pambibigla niya, expected ko na. Malakas din
kasi 'yung pakiramdam ko. Ewan ko lang kung dahil destined at meant to be kami kaya
ganon. Haha. Basta, malakas pakiramdam ko sa mga bagay-bagay.

"Da, anong gusto mong regalo?"

Nakita kong lumapit ka sa akin habang iniinom mo 'yang binili mong frappe na
paboritong paborito mo.

"Hindi ba sa Monday na 'yung 2nd year anniversary natin?" sabi mo pa habang


kinukuha 'yung isa sa mga nagawa ko ng plate.

"H'wag mong hawakan 'yan, baka mabasa nung kamay mo," seryoso kong sabi habang
sinusukat ng ruler 'yung tamang sukat nung iguguhit ko.

Nakita ng peripheral vision ko na nilapag mo iyon sa dati nitong pwesto at lumapit


sa akin.

"Eh sagutin mo na lang 'yung tanong ko! Promise, di na kita bibigyan ng cheap,"
sabi mo habang inaalis mo 'yung taklob nung iniinom mo.

"De, h'wag na," sagot ko atsaka tumingin sa'yo.

"Ha?" rinig kong tanong mo.

May sasabihin pa sana ako sa'yo kaya lang... Imbis na makita ko 'yung mukha mo, ang
napansin ko ay 'yung frappe mong tumilapon sa may mga papel na isusubmit ko
bukas---

"THE F*CK?! PINAGHIRAPAN KO MGA 'YAN DEA!!!"

Sh*t sh*t sh*t!!! Paano ako bukas nito?!

Kinuha ko 'yung mga papel at pinunasan agad, thinking at hoping na mawala 'yung
pagkaka-brown nito pero walang epekto.

"Sorry..."

The f***?!

"ANO BA KASI ANG NAISIPAN MO AT DIYAN KA PA TALAGA NAGBUKAS NIYAN?!"

Hindi ka nakasagot. napatungo ka at tiningnan mo 'yung hawak ko.

Pinunasan mo 'yung table na may bakas ng frappe mo kaya napapikit ako at napamura
ng malutong.
"ALAM MO NAMAN KUNG GAANO 'TO KA-IMPORTANTE DI BA?!"

"Di ko naman kasi---"

Napa-facepalm ako at alam kong namumula na ako sa sobrang inis.

The F talaga!

Pinagkapuyat-puyatan ko 'to tapos mababasa lang?!

Nakatatlo akong ulit dun sa dalawa kasi puro erasures tapos ganyan?!

Kung sa computer lang sana 'to ginawa edi okay lang, may redo at undo!!! Pero wala
eh, wala!

Yung effort! Yung oras ko!!! Alam mo 'yun?!

Pinahinahon ko ang aking sarili at tiningnan ka, "Umalis ka na muna dito, please
lang."

Kita kong kumikislap ang mga mata mo, na tila ba paiyak ka na, "Pero---"

"UMALIS KA MUNA DITO OK?!!!"

Hindi ka gumalaw kaya ako na ang lumapit sa'yo at hinila ka papalabas ng kwarto.

Ayaw mo pa nga at talagang hinawakan mo pa 'yung cabinet para lang hindi ka mahila
papalabas.

"De, h'wag mo kong pahirapan, mainit ang ulo ko," seryoso kong sabi. "Final grade
ko ang nakasalalay dito! 10 units 'to, De! 10 units!!! Naiintindihan mo ba?!"

"Darren, hindi ko naman sinasadya ehh," naiiyak mong sabi kaya tumingala ako para
huminga ng malalim.

"Umalis ka muna at badtrip talaga ako," sabi ko ng mahinahon. "Alam mo naman kung
gaano ko 'yun pinaghirapan di ba?"

Tumingin ka lang sa akin at dahan-dahan mong inalis 'yung pagka-kapit mo sa may


cabinet.

"Pero pinaghirapan mo rin naman ako, hindi ba?"

Tiningnan lang kita at hinila ka agad papalabas kasi baka makahawak ka na naman ng
kung ano.

Sinarhan ko 'yung pinto at tinitigan 'yung mga plates na pinaghirapan ko ng sobra.

Ugh! Badtrip talaga.

Badtrip!!!

- - -

Umaga, nagising ako sa tunog ng phone ko.

Nagpuyat ako, mga 5:30 am na ako natulog.


Tapos makikita ko pang 9:20 am na pala. Absent tuloy ako sa kauna-unahang
pagkakataon sa first class ko.

Pagtingin ko sa laman ng messages ko, puro texts mo ang andon. Puro ka sorry, at
nakikiusap sa akin na magreply ako.
At dahil badtrip talaga ako, hindi kita nireply-an.

Naligo na lang ako agad kasi may dalawa pa kong plates na kailangang tapusin.

Hindi ko nga lang alam kung aabot iyon sa deadline. Madalas kasi 7-8 hours ko
natatapos ang isang plate. Matagal talaga kasi akong gumawa eh. Pangit kasi pag
rush.

Nang dumating ako sa room, dami agad nagtanong kung bakit ako absent. Hindi daw
sila makapaniwala na umabsent ako. Tinawanan ko na lang sila at sinabing may mga
panahon din ako na tinatamad ako.

Hays, kung alam lang nila.

Nang magklase na at natapos 'yon, agad kong kinuha 'yung mga gamit ko at tinuloy na
'yung plates ko.

"Pare, di ka kakain?" tanong nung isa kong kabarkada, si Aaron, habang inaayos ang
cap niya sa ulo niya, pamporma niya.

"Hindi e, tatapusin ko pa 'to," sagot ko na nakatingin lang sa ginagawa ko.

"Di kayo sabay ni Dea?" tanong pa niya.

Hindi ko siya sinagot.

Dire-diretso lang ako sa paggawa nang marinig ko ang boses ng isa ko pang
kabarkada, si Lloyd.

"O? Ba't nasa room pa si Ren?"

"Gumagawa! Nung kay Ser mababa magmarka!" rinig kong sagot ni Aaron.

"O? Bago 'yun ah? Kala ko ayaw mo ng cram?" may pagtapik pa sa'kin na sabi ni
Lloyd.

"H'wag mo kong guluhin," inis kong sabi.

"Ilan na lang ba 'yan?" tanong ni Jonas. "Ampupu h'wag mong sabihing kakasimula mo
pa lang?!"

"Hindi pero dalwa pa."

"Dalwa pa? Lagot ka kay ser."

"Oo na, ako na ang lagot, tsk," naiiyamot kong sabi.

"Bakit kasi ngangayon ka lang gumagawa?" tanong ni Lloyd.

"Last week ko pa 'tong ginagawa, kung alam niyo lang," mas naiinis kong sabi.
"Natapunan lang nung girlfriend ko nung kape niya. Badtrip nga e."

"O talaga? Edi sinigawan mo?" tatawa-tawang tanong ni Jonas.


"Oo, malamang," agad kong sagot. "Alam niyo namang tinuturing kong challenge ang
subject ni ser."

"Seryoso, sinigawan mo? Lul," sabi naman ni Lloyd.

"Onga, di ko nga nirereply-an texts niya eh, kainis e," sabi ko habang ina-analyze
kung tama ba 'yung angle na ginuhit ko.

"O? Di ba ngayon yata 'yung anniversary niyo?" pag-aalala sa akin ni Jonas. "Pa'no
yan, magkagalit kayo?"

"Baka next month ko na problemahin kung ano 'yung ibibigay ko."

"Harsh," komento ni Lloyd.

"T*ng*na pare?! Magkagalit talaga kayo?" tanong pa ni Aaron.

Sasagutin ko pa sana siya ng, "Oo nga, ang kulet?" kaya lang may sinabi pa siya.

"Baka mawala 'yon sa'yo, hala ka?"

Ewan ko kung ano bang nangyari, pero natigilan talaga ako sa ginagawa ko at
napatingin kay Aaron.

Para bang may kung anong dumapo sa akin at talagang nakaramdam ako ng kakaibang
pakiramdam.

Pakiramdam na takot at kaba? Tapos may mga what-if's scenarios pa na... Paano nga
kaya kung mawala siya sa'kin?

Tila ba bumagal ang mga galaw ng tao sa paligid ko. Wala na akong marinig masyado
kundi ang puso kong tumitibok ng mabilis dahil sa takot at kaba.

Tila natauhan ako at paulit-ulit na nagplaplay sa utak ko ang mga nangyari kahapon.

Yung pag let go ni Dea sa cabinet,

At yung sinabi niya bago ko siya pagsarhan ng pinto.

Napalunok ako at binitawan ko ang pencil na hawak ko.

Tumayo ako at lumabas ng room.

Naririnig ko pa nga ang pagtawag sa'kin nina Aaron at ang tanong nila kung saan ako
pupunta.

Pumunta ako sa room nila at sinilip siya.

Wala siya doon kaya ipinagtanong ko siya.

Walang nakakaalam kung nasaan siya kaya minabuti kong tawagan siya.

Nakaramdam ako ng takot nang hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Naka-14 akong
missed calls kaya tinext ko siya at tinanong kung nasaan siya.

Nanatili ako sa tapat ng room nila kasi andun 'yung bag niya.

Nakatitig lang ako sa phone screen ko nang makarinig ako ng tunog ng sapatos na
tumatakbo.
Naamoy ko rin 'yung pabango ni Dea kaya napalingon agad ako.

"BOO!" pambibigla niya habang hinihingal.

Bakas sa mukha niya na hindi niya alam na andito ako.

Tumawa siya, "Ba't andito ka?" sabi niya sabay lagay sa bulsa nang kung anong hawak
niyang maliit na box.

Tiningnan ko siya, "San ka galing?!"

Nabigla yata siya dahil may tono akong naiinis kaya hindi siya nakasagot.

"Nasaan 'yung phone mo?" tanong ko pa.

"Ah... Dala ko?"

"Tumatawag ako sa'yo, alam mo ba 'yon?"

Napalunok siya, "Naka-silent kasi..." at kinuha sa bulsa 'yung phone niya at


tiningnan kung natanggap niya mga calls at text ko.

Huminga ako ng malalim at tiningnan siya.

"Halika nga dito," sabi ko at pinalapit ko siya gamit ang kamay ko.

"Hindi ako galit," mahinahon kong sabi sa kanya kasi ayaw niya at natatakot yatang
lumapit.

Lumapit siya ng konti sa'kin at dahil malayo pa rin siya ng kaunti, ako na ang
lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

Kung alam niya lang na kanina ko pang gustong yakapin siya. Lalo na nang maamoy ko
'yung pabango niya at makita siya.

Matapos kong yakapin siya ay hindi ko hinayaang mawala siya sa mga bisig ko.

Tumingin ako sa kanya habang nakatingala siya sa'kin.

"Alam mo ba... Sa unang pagkakataon... Natakot ako."

"Ha? Natakot ba kita? Hindi ka naman nabigla e," nakanguso niyang sabi.

"Sobra akong natakot... Akala ko kasi mawawala ka na sa'kin."

Tinitigan niya ako, "Ha? Bakit naman ako mawawala sa'yo?"

Napakagat ako ng labi, "Kasi pinagalitan kita..."

Natawa siya, "Aaminin ko nagtampo ako. Pero alam ko namang importante 'yun sa'yo
eh... Teka? Tapos mo na ba?"

Umiling ako, "Hindi pa."

"Ha?! Tapusin mo, baka ma-cinco ka n'yan!"

"Break muna..." sabi ko at niyakap ulit siya, "Kailangan ko munang kumuha ng


lakas."
Tumawa siya, "Teka, may ibibigay ako."

"Ano, kiss?" natatawa kong sabi.

"Adik," agad niyang sabi at may kinuha sa bulsa.

"Happy 2nd anniversary, hihi," sabi niya sabay abot sa'kin nung box.

Siya na 'yung nagbukas 'non at may laman 'yun na relo. Siya na rin ang nagsuot nun
sa'kin.

Na-guilty ako. Wala kasi akong regalo sa kanya.

"Ayaw mo?" malungkot na tanong niya, "Pangit ba?"

"Hindi!" agad kong sabi. "... Wala kasi akong regalo..."

"Sus! Ayos lang 'yon. May regalo ka naman. Mas una mo pa ngang naibigay."

Tiningnan ko siya.

Ano kaya 'yung sinasabi niya?

Puso ko? Pagmamahal? Yakap ko? Or?

"Natakot na kita! Alam ko na itsura mo pag natatakot," nakangiti niyang sabi.

You might also like