You are on page 1of 18

The Surrogate Mother

T H R E E S H O T
Romance Story
The Surrogate Mother.

I'm Calvin Mijandres. 31 years old. One of the most hottest bachelor in town. May
ari ng Mijandres Group of Companies. Single parent.

"Didi! Where's Mimi!" Nagulat pa ako ng tapikin ako sa likod ng anak kong si Casey.
Six years old na ang anak ko.

"Anak baka naman nasa kwarto mo lang?"

"Didi! I can't find it! Waaah! My mom! Mommy! Nawawala ang mommy ko!" Pinatay ko
yung gas stove at hinarap ang nagmumuryot kong anak.

"Casey baby. Baka naman nawaglit mo lang kung saan. Alalahanin mo kung saan mo
huling nilagay! Hindi mo makikita ang mimi mo kung iiyak ka muna bago mo hanapin."

"Paano kung iniwan na ako ni Mimi? Didi *huk* Help me find my mom!" I sighed.

"Okay. Come hahanapin natin ang Mimi mo."

Casey is my only child. Twenty five ako noon ng humanap ako ng surrogate mother.
Yeah. Isang surrogate ang mommy ni Casey. May sakit noon si Mommy at tanging apo
ang hiling niya bago siya namaalam. Pinagbigyan ko siya pero hindi ko kayang
pakasal sa isang babae na hindi ko naman mahal at tanging anak lang ang habol ko.
I'm sure maraming magpiprisinta pero hindi ako sumubok. So I consult our family
doctor if possible na makahanap ng surrogate mother and within a week ay nakahanap
kami.

Kailangan ng babaeng nahanap namin ng pampaopera ng tatay niya kaya siya pumayag.
Nagkasundo sila ni Doc Enriquez sa ilang mga bagay kasama na dun ang hindi ko siya
makilala o makita man lang. Pati pangalan niya ay hindi ipinaalam sakin. Wala akong
alam sa ina ng anak ko dahil tanging si Doctor Enriquez lang ang nakakausap niya.
Bago mamatay si Mama ay ipinanganak si Casey. PinaDNA test pa namin siya para
makasiguradong anak ko nga ang bata. Hindi ko kahit kailan nakita ang mommy ng anak
ko pero nakasisiguro akong maganda siya. Hindi ko kamukha ang anak ko kaya malamang
na sa mommy niya siya kumuha ng traits.

She's beautiful. Maputi. Chinita. Napakagandang bata.

Ang nakakapagtaka lang ay simula ng dumating sa buhay ko si Cassey ay maraming


nagbago. Mas naging responsable ako at nawala sa bokabularyo ko ang mga babae. I
admit. I'm a womanizer but that was before. Nagbago ang lahat ng dumating sa buhay
ko ang anak ko.

"Didi I found it! Yehey! I found Mimi!" Kinalong ko ang anak ko at niyakap. Naaawa
ako sa anak ko. Sa edad niyang ito ay naniniwala siyang ang babaeng nasa litrato
ang mommy niya.

2 years ago. Nasiraan ako ng sasakyan at malakas ang ulan kaya napilitan akong mag-
bus nalang. Abala ako sa pagbabasa ng diyaryo ng may tumabi sa aking babae. Aaminin
ko maganda siya she's so attractive to the point na I can't take my eyes off her.
May kung anong humihila sakin para titigan siya. I swear! Nung ngumiti siya ay
parang natunaw ang puso ko! Her face was so angelic!

"Hi." Hindi ko napigilan ang sarili kong batiin siya!

"Hello." Yun lang at pumikit na siya. Hindi ko akalain na maeenjoy ko ng ganito ang
pagsakay sa pampublikong sasakyan. All along ay nakatitig lang ako sa kanya kaya
na-disappoint ako nung bumaba siyang bigla. Ni hindi ko natanong ang pangalan niya.
Pababa na din sana ako ng mapansin ko ang isang wallet.

"Shit! Sa babaeng-- ang ganda niya." Nahulog niya malamang. Kawawa naman baka wala
siyang pamasahe? Paano ko isosoli sa kanya ang wallet niya? Curiousity kills kaya
pinakialaman ko na yung wallet niya at nagulat ako ng tanging bente pesos ang laman
ng wallet niya! Tanging picture at ilang resibo lang ang laman ng wallet niya. Ni
walang ID para maidentify siya. I sighed. Paano ko ulit siya makikita?

"Hi Baby? How's your day?"

"Didi!"

"Yaya bakit umiiyak ang alaga mo?"

"Gusto niya daw makita ang mommy niya."

"I want my Mimi! My mimi! I want my Mimi! I miss my Mimi!" Kinarga ko si Casey. At
di sinasadyang nahulog yung wallet nung babaeng nakasabay ko sa bus kanina. Bumaba
ang anak ko at pinulot yung wallet.

"Is this her Didi? Nanlaki yung mata ko sa sinabi ng anak ko ayokong magsinungaling
at paniwalain siya sa kasinungalingan pero ayokong agawin yung ngiti sa mga labi
niya ngayon. "She's my mommy right? She's beautiful. Atin nalang to Didi? I want my
Mimi in my room!" Wala na akong nagawa ng kunin niya yung picture sa wallet.
Pinalagay niya pa sa frame yung litrato!

"Ingatan mo kasi si Mimi mo. Tingnan mo paano kung nawala yang picture ee di wala
ka ng Mimi?"

"Kailan ko po ba kasi makakasama ang Mimi ko? I want her. I want my Mimi." Sa edad
niyang ito ay parang matanda na siyang magisip. Matalino siguro ang surrogate na
kinuha ni Doc Enriquez? Pinilit ko rin namang alamin kung sino yung nagluwal sa
anak ko pero confidential daw yun kaya nabigo at plus lumipad na din ang family
doctor namin papuntang Canada para doon na manirahan.

*DINGDONG*

"Anak saglit lang. Baka nandyan na yung kapalit ni Yaya Meding mo."

"Really? I want to see her! Please?"

"Okay. Tara na. Baka malate ka pa sa school mo."

"Didi we have no class po for today dahil may meeting po ang mga teachers." Damn.
Ang hirap maging all in one. Kung bakit kasi ngayon pa nagresign ang Yaya ni Casey.
Ang tagal na niya sakin pero pinakiusapan siya ng anak na pumirmi na sa kanila at
alagaan nalang ang mga apo.

"Ganun ba? Sorry Baby. Hindi alam ni Daddy. Kung bakit kasi nagpaalam agad si Yaya
mo. Buti at may nahanap agad na kapalit."
"Sana po mabait din parang si Yaya." Kinarga ko si Casey pababa. Damn. Malelate ako
sa office.

"Hello Gretha. Cancel all my appointments. Masama ang pakiramdam ko. Baka hindi ako
makapasok."

"But sir."

"No buts. Bye."

"Didi may sakit ka po?"

"No baby. I'm okay. Excuse lang ni Didi yun para makasama ka ng mas matagal."

"Really? I love you Didi!" I kissed her forehead bago ko buksan ang pinto. But the
fuck! Nanlaki yung mata ko kung sino yung napagbuksan ko!

"Goodmorning po. Ito po ba ang bahay ni Mr. Calvin Mijandres? Ako po si Maxine
Serrano. Ako po yung pinadala ng agency kapalit ni Yaya Meding?" Para akong tinuka
ng ahas. Hindi ako makahinga ang lakas ng tibok ng puso ko hindi ako makagalaw!

"Mimi.."

"Mimi? Hi baby. Ako si Yaya Maxine."

"No! Ikaw ang Mimi ko! Mommy! Waaaah!!!! Mimi! I miss you! Bakit ngayon ka lang!"
Bumaba ang anak ko at niyakap sa hita ang babaeng kahit kailan ay hindi ko lubos
maisip na makakaharap ko pa!

"Sir nagkakamali po ata ang..."

"Pabayaan mo muna ang anak ko. Please magpapaliwanag ako sayo mamaya." She nod.
Damn. Her angelic face. Her sweet innocent shit! I can't believe this. Yung babaeng
nakasabay ko sa bus two years ago yung babaeng pinaniwalaan ng anak ko na mommy
niya KAHARAP NAMIN NGAYON AND SHIT magiging Yaya pa ng anak ko! Naghanda ako ng
miryenda. Halos mahabag naman ako sa anak ko. Tuwang-tuwa siya habang yakap si
Maxine. Maxine, napkagandang pangalan. Damn! What's happening to me?

"Mimi? Saan ka ba nagpunta? Bakit ngayon ka lang? Puro sa picture lang kita
nakikita." Hinalikan pa siya ng anak ko. Alam kong nagtataka na si Maxine pero
pagkatulog na ni Casey ko siya kakausapin.

"What do you mean baby? May picture ako dito?"

"Yes po! Lagi kong katabing matulog."

"Magmiryenda muna kayo."

"Didi? Hindi mo ba namiss si Mimi? Bakit di mo siya hug? Di mo siya kiniss?"

"Huh?" Hindi ako mapakali. Hindi ko matingnan si Maxine. Nahihiya ako--


kinakabahan. Damn. Parang ang laking krimen ng ginawa ko! "Ano mamaya nalang baby."

"Casey? Ang mabuti pa matulog ka muna. Mauusap kami ni Didi mo. Di ba DIDI?
Maguusap tayo?" Shit! She's sarcastic habang nakatingin ng masama sakin.

"Pero Mimi baka paggising ko wala ka na naman. Ayoko na pong mawala ka ulit. Don't
leave me Mimi. I want you here. Gusto kita makasama. Please?" I look away. Ayokong
umasa ang anak ko masakit para sakin na makitang nalulungkot ang anak ko pero wala
akong magawa.

"Hindi ako aalis. Paggising mo promise nandito pa din ako." I look at her. Seryoso
ba siya? Pero baka naman pinapaasa niya lang ang anak ko!

"Samahan mo ako sa kwarto? Tabihan mo po ako Mimi please?"

"Okay nasaan ba ang kwarto mo?" Naiwan ako ditong kinakabahan. Pagbalik niya ay
dala niya na yung litrato niya na laging katabi ng anak ko sa pagtulog.

"Mister Calvin Mijandres baka pwedeng ipaliwanag niyo sa akin ang mga nangyayari?
Bakit may picture ako sa bahay na ito? At bakit ang alam ng anak niyo ay ako ang
mommy niya? Bakit niloloko niyo ang anak ninyo? At ito? Paano kayong nagkaroon ng
litrato ko?!"

"Please sit down Maxine. Magusap tayo ng mahinahon."

"Fine! But please explain it fast dahil naguguluhan ako!"

"Two years ago ay nakasabay kita sa Bus." I look at her at halatang naguguluhan
siya. "Nahulog mo yung wallet mo at ako ang nakapulot. Hindi ko maisoli ang wallet
mo dahil walang ID. Tanging picture at 20 pesos ang laman ng wallet mo at ilang mga
resibo. Four years old noon si Casey at hinahanap na niya ang mommy niya. Nahulog
ko yung wallet mo at nakita niya yung picture mo. Inakala niyang ikaw ang mommy
niya. Sorry. Pero hinayaan ko ang anak ko na maniwala na ang babae sa picture ang
mommy niya. Sino ba naman ako para alisin ang ngiti sa mga labi ng anak ko? I'm
sorry na ginamit ko yung litrato mo pero nagawa ko lang yun para sa anak ko
patawarin mo ako Maxine."

"Pero mali na lokohin mo si Casey. Napakabait ng anak mo."

"I know. Pero wala akong choice."

"May choice ka at yun ang sabihin ang totoo sa anak mo na wala na siyang mommy!"

"Para ano? Para malungkot siya? Kung ikaw ang nasa kalagayan ko at isa ka ring
magulang malamang gagawin mo din ang makapagpapasaya sa anak mo kahit na lokohin ko
pa ang sarili kong anak!"

"Sorry. Nasabi ko lang yun dahil naaawa ako sa anak mo."

"Pasensiya na din. Napagtaasan kita ng boses. I'm a single parent Maxine.


Ipinanganak si Casey sa pamamagitan ng surrogacy."

"S-surrogacy? Si Casey?"

"Yeah. Yun ang hiling ng mama ko bago siya nawala. Isang apo. Pero hindi ko kayang
magpakasal na ang habol lang ay anak. Kung magpapakasal man ako ay dahil mahal ko
ang isang babae at hindi dahil sa gusto ko lang magkaanak. Ipinanganak si Casey
pero hindi ko kilala ang nagluwal sa kanya dahil ayaw ng surrogate mother ni
Casey." I look at her. Namumutla siya! "Hey-- okay ka lang? Tubig?" Tumayo ako at
kumuha ng tubig.

"A--ayos lang ako."

"Talaga?"

"O--oo."
"Maxine. I need your help. Please cooperate with me. Hayaan mong isipin ng anak ko
na ikaw ang mommy niya hanggang sa magkalakas ako ng loob na sabihin na bunga siya
ng surrogacy."

"Okay."

"Really? Shit payag ka talaga? Damn. Thank you!" Nagulat ako kaya nayakap ko siya.

"Ah ee sir bitaw na."

"So-sorry. Anyway salamat Maxine. Huwag kang magalala dadagdagan ko yung sahod mo."

"Wala namang problema sa sahod. Ginagawa ko ito para kay Casey. Mabait ang anak
ninyo." May binulong siya pero hindi ko na narinig.

"But please huwag mo akong Isi-sir sa harap ng anak ko. Calvin nalang. At huwag ka
ding maguuniporme. Maging casual ka lang. I owe you a lot Maxine. I promise. Kapag
nakahanap na ako ng tyempo ay aaminin ko na kay Casey ang totoo."

"Okay. Kailan ako magsisimula?"

"Pwede bang ngayon na?"

"Huh? Pero paano ang mga gamit ko?"

"Bibili nalang tayo bukas? Please? Sige na Maxine? Para kay Casey?"

"Psssh okay."

"Thank you. Kumain ka na ba? May niluto akong sinigang. Kumain muna tayo?"

"Sabay na kami ni Casey mamaya paggising niya." Siya habang abala sa pagtingin ng
mga pictures ni Casey sa paligid. Yeah. Oa na kung Oa pero punong-puno talaga ng
pictures ni Casey ang buong bahay. She's my princess anyway.

"Okay."

"So saan ako matutulog? Hindi naman tayo magkatabing matutulog tama?" I look at her
why this sudden heartbeat? This feelings two years ago nandito pa din. Her angelic
face oh sweet jesus!

"Magtataka si Casey kapag magkahiwalay tayong matulog. Sa kama ka sa sahig ako.


Okay lang ba?"

"Hindi mo naman siguro ako pagsasamantalahan di ba?" I cough.

"What? Of course not!"

"Good."

***

"Mimi hindi ka na po talaga aalis? Ikaw na po ba ang maghahatid sakin sa school?


Ikaw na po ang magluluto para samin ni Didi?" Damn. How can I take that beautiful
smile on my daughter's face? How? We're having our dinner. Medyo out of place na
nga ako dahil puro si Maxene ang kinakausap ng anak ko.

"Yes baby. I'm your mom right?"


"Bakit po ba kasi ang tagal mo pong dumating? Mommy you know I missed you. Akala ko
nga po nagsisinungaling nalang sakin si Didi." Napaubo akong bigla.

"Calvin okay ka lang?"

"Yes. I'm okay." Damn. Sorry Casey. Ang bad ni Didi. Pero sana kapag nalaman mo ang
totoo ay hindi mo ako kasuklaman. Tulog na ulit si Casey. It's 11 in the evening
and yet nandito pa din ako sa mini bar. Umiinom. Nagiisip. I'm really thankful for
Maxene sa pagpayag niya. Nakakapagtaka lang dahil bakit ang bilis niyang pumayag?
Oh maybe naaawa siya sa anak ko? Tulog na siguro siya. I mean si Maxene. Sa iisang
kwarto lang kami matutulog. Yes sa baba ako but still may babae pa ding matutulog
sa kwarto ko! And damn. She's so attractive na kailangan ko pang languin ang sarili
ko sa alak para agad akong makatulog! It's been a month since I had sex. At hindi
ako bakla lalong hindi ako manhid para hindi makaramdam ng pagnanasa sa babaeng
pumukaw ng atensyon ko two years ago.

Pumanik na ako at tiningnan si Casey sa kwarto niya bago ako matulog but to my
surprise. Nandoon si Maxene! Yakap si Casey habang tahimik na nakapikit at
hinahagod ang buhok ng anak ko. My heart squeeze big time. Parang dinudurog ang
puso ko para sa anak ko. Paano kung malaman niyang hindi naman talaga si Maxene ang
mommy niya? Paano niya tatanggapin ang katotohanan? I closed the door. Masama ba
akong ama dahil nagsisinungaling ako sa anak ko? But i'm doing this because I want
the best for her. Ayokong lumaki siya na walang kinikilalang ina. If only Dr.
Enriquez will come back and tell me who's Casey's mom! Damn it. Hindi din ako
makakatulog kaya bumalik nalang ako sa minin bar at uminom.

***

"Hmmm.." awww. My head! Damn. Napadami ata yung inom ko. I look at my watch and
damn! Napabalikwas ako ng bangon! It's already 10 am! I have a meeting with the
possible investors today! Fvck! "Teka. Paano ako nakarating.."

"Tss. Dinala kita dito sa kwarto mo." Si Maxene? My hearts skip a beat. She's
wearing a loose shirt and a pajama na medyo maluwag sa kanya but still I can feel
my hard on! Shit. What's happening to me? "Sino ba kasing nagsabi na magpakalasing
ka? May problema ka ba?" inilapag niya sa harap ko yung mainit na kape at pancake.
I shook my head at tumayo.

"Where's Casey?"

"Nasa baba. Naglalaro."

"Teka 10 na! May pasok siya!"

"Sabado ngayon."

"Shit I forgot! Napaupo nalang ulit ako sa kama at humigop ng kape. I look at her
ang sarap niyang magtimpla ng kape! "Masarap yung kape."

"Thanks. Ah Sir?"

"Calvin."

"Calvin ano kasi baka pwedeng umuwi muna ako. Wala kasi akong damit dito at damit
mo ang suot ko." Shit kaya pala.

"I'm sorry about that. Maliligo lang ako then we'll going to the nearest mall."

"Huwag na. May mga damit naman ako sa bahay. Samahan mo nalang ako pauwi?"
***

Nandito na kami sa bahay niya. So all this time ang lapit niya lang pala samin.

"Mimi is this your house?"

"Yes baby. Kukuha lang ako ng ilang gamit tapos gagala daw tayo sabi ni Didi mo." I
smiled. Para talaga silang magina. Shit ngayon ko lang din napansin may hawig nga
sila!

"Calvin are you okay?"

"H--uh? Yes. I'm okay." Ipinilig ko yung ulo ko. Imposible naman.

"Mimi is this Lolo?" I look at the picture frame na hawak ni Casey.

"Yes baby. That's Lolo Miguel. Kaso nagkasakit si Lolo. He had an operation six
years ago." She's about to cry pero pinahid niya agad yung mata niya. "Nakasurvive
si Lolo kaso iniwan niya din si Mimi. He passed away two years ago." I feel the
urge to hugged her.

"Mimi don't worry. I'll pray for lolo miguel."

"Thanks Baby."

"I love you Mimi."

"I love you too Casey." She kissed Casey on the forehead bago pumunta sa kwarto
niya.

To be continued...

The Surrogate Mother

Two months later...

Isinandal ko ang ulo ko sa swivel chair matapos kong ilagay sa sobre ang
pangalawang sahod ni Maxene. I sighed. Andito ako ngayon sa opisina at inaabala ang
sarili ko sa trabaho.

It's been two months!

Two months na naming kasama si Maxene sa bahay and shit. I can't control my
feelings for her. Yes. I fell at hindi ko alam kung paano ko pa pipigilan. Her
sweet angelic face. Her perfect smile. The way she laugh. The way she care for us
sino bang hindi mahuhulog sa kanya? Napakaalaga niya kahit sakin ang totoo ay para
kaming nakahanap ni Casey ng isang Ina at asawa sa kanya. Napakabait niya lalo na
sa anak ko. Inaalagaan niya si Casey na parang tunay niyang anak.

Mula sa paggising ng maaga sa umaga at pagluluto niya ng agahan namin sa


pagpapaligo at paggayak kay Casey maging sa isusuot ko. Damn. We are lucky to have
her. Kung manliligaw kaya ako ay papayagan niya? Pero paano kung kapag nalaman
niyang gusto ko na siya ay bigla niya kaming iwan paano si Casey? Paano ako? Hindi
ko na yata kaya pang mawala siya sa buhay ko sa buhay namin ni Casey. Mas
gugustuhin ko pang itago ang nararamdaman ko kesa iwan niya kami. Pero paano kung
gusto niya din ako? Pero wala akong nakikitang signs na gusto niya ako! Palaging na
kay Casey ang atensiyon niya.

I close my eyes.

Huminga ako ng malalim at kinuha yung phone ko. I look at her picture. Picture nila
ito ni Casey last month after naming umuwi sa bahay niya. Nasa loob kami noon ng
isang fast food chain ng kuhanan ko sila ni Casey ng litrato habang masayang
kumain. I zoom in the picture and kiss the screen of my phone. Fvck! Mukha akong
tanga! Para akong teenager na pinagpapantasyahan ang crush ko!

For the record. I am Calvin Mijandres. One of the hottest bachelors in town and yet
my love life was zero. My sex life. Tss. Fuck! It's been three months since I had
sex. I tried but palaging kapag nandoon na kami. Mukha ni Maxene ang nakikita ko in
the end ay napapahiya lang ako sa babaeng kasama ko kaya hindi ko na kahit kailan
sinubukan pang makipagdate.

"Sir may naghahanap po sa inyo."

"Who?" I ask my secretary.

"Didi!" I saw my daughter heading towards me while laughing. I smiled at kiss her
on the cheeks.

"Sorry Calvin. Naiinip daw kasi si Casey. Ano." She bit her lower lip. Oh heaven I
look away. Damn. This is torture! "Pinilit niya akong puntahan ka namin."

"Is that true baby? You missed me already?"

"Yes I missed you Didi."

"Oh I missed you too. Akala ko puro si Mimi nalang yung namimiss mo ee. Nagtatampo
tuloy ako." I pout. Geez. Nagpapacute pa ako kay Maxene?

"Aww Didi." She giggle. "Don't be jealous po. Bumabawi lang ako kay Mimi. Since
birth kasama na po kita. Si Mimi ngayon lang po."

"Are you busy? Pwede naman kaming maghintay sa labas."

"It's okay. Maghalf-day nalang ako." I smiled at her and I saw her blushing! Damn
parang tumalon sa 10th floor ang puso ko! I'm thirty one years old and yet parang
ngayon palang ako nagbibinata! Matapos nilang bumaba ay sumunod na din ako papasok
ng bahay. But to my surprise.

"HAPPY BIRTHDAY!"

"What the sinong may birthday?"

"Didi you forgot? It's your birthday today! Blow your candle Didi! Mimi and I
bought that kanina. Nagluto din si Mimi." I look at her and mouthed thank you. I
blow the candle and kiss Cassey on the forehead.

"Didi hindi mo po ba ikikiss si Mimi?"

"Huh? Of course!" Lumapit ako kay Maxene and kiss her cheeks. Automatically niyakap
ko siya. Fvck. I don't know. Matagal ko ng gustong yakapin siya atleast may reason
ako this time? "Thank you. Thank you for coming into our lives."
"W-wala yun. Kumain na tayo?"

"Ayiii! Ang sweet naman ng Didi at Mimi ko hihi." Kumalas ako at tumango sa kanya.
After naming kumain ay nagdesisyon akong igala naman sila. Lately ay puro ako sa
office dahil iniiwasan ko ngang makita si Maxene. Tulog na si Casey ng umuwi kami.
Kinarga ko siya at dinala sa kwarto niya.

"Gusto mo ba ng kape?"

"Okay lang ba?"

"Oo naman." Kinuha ko yung bag ko at hinanap yung sobre na naglalaman ng sahod
niya.

"Here."

"Thanks. Nga pala heto pala yung sahod mo."

"Ah salamat." Tiningnan niya yung laman ng sobre at nagulat ata siya.

"Calvin. Sobrang laki nito! Dose mil lang ang usapan natin na sahod ko? Bakit bente
mil ito?"

"Dahil sobra-sobra din naman ang naitulong mo saming magama. Save it Maxene. Malay
mo may mapaggamitan ka in the future? Hindi ka lang naman naging Ina kay Casey pati
sakin hindi mo na trabaho na asikasuhin ako pero ginagawa mo. Thank you."

"But we are pretending Calvin. Trabaho ko na asikasuhin kayo para lang hindi
makahalata ang anak mo. Here ito yung sobra hindi ko yan matatanggap." Nalungkot
akong bigla. Pretending. Ang sakit palang pakinggan. So lahat ng pinakikita niya ay
pagpapanggap lang?

"Alam ko namang nagpapanggap lang tayo pero ang sakit palang marinig na kunyari
lang ang lahat. Tss. Save it. Mahirap din namang umarte na nagmamalasakit ka saming
mag-ama."

"It's not what. Shit! Ano bang ibig mong palabasin huh? Hindi ako nagpapanggap lang
sa lahat ng pagaasikaso at pagaalaga ko sa inyo! Lahat ng ginagawa ko ay bukal sa
loob ko!"

"I'm sorry.."

"Kailan mo ba kasi aaminin sa anak mo na hindi naman talaga ako ang tunay niyang
ina?" Natahimik ako at humigop ng kape.

"I don't know. Hindi ko ata kaya. Ayokong tanggalin sa kanya ang kaligayahan na
ikaw ang kinikilala niyang Ina."

"Pero niloloko mo siya!"

Humarap ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. "Please don't tell me na aalis ka
na. Na iiwan mo kamim i mean si Casey. Please Maxene. I'm begging you."

"Calvin i'm not saying na aalis ako. Gusto ko lang aminin mo sa bata ang totoo."
Yumuko ako.

"Is that true Didi."


"Fvck! Casey?" She's crying at parang piniga ng mahigpit ang puso ko. No! Hindi
naman niya narinig ang lahat hindi ba? "Baby bakit gising ka pa!"

"Didi.."

"Baby." Inagaw ni Maxene sa akin si Casey at niyakap. Tumayo ako napasabunot nalang
ako sa buhok ko.

"Tell me Mimi ikaw ang mommy ko hindi ba?"

"Baby."

"Mimi! Ikaw ang Mimi ko! Bakit sabi mo hindi mo ako anak!" I hugged my princess.
Damn. Hindi naman sa ganitong pagkakataon ko gustong malaman ni Casey ang totoo!

"Baby bukas na natin pagusapan ito okay. Tara matulog ka na."

"No! You both lied to me. I hate you. I hate you Mimi! I hate you too Didi. Ang bad
niyo! I hate you! I hate you!" Yun lang at tumakbo na si Casey sa kwarto niya.
Hinabol namin siya pero nilock na niya yung pinto!

"Calvin nasaan ang susi ng kwarto ni Casey?"

"Nasa baba. Teka kukunin ko!" Shit. Hindi ko alam na makakaramdam ako ng ganitong
takot sa buong buhay ko. Binuksan ko agad yung pinto matapos kong makuha yung susi.

"Casey."

"Get out! I hate you!"

"I'm sorry baby. Please magusap tayo."

"Calvin iwan muna kaya natin siya?" I sighed. Nilapitan ko siya pero nagtalukbong
siya ng kumot.

"Tell me Maxene. Mapapatawad pa ba ako ng anak ko?"

"Oo naman. Kailangan lang nating maipaliwanag sa kanya ang lahat." I hugged her.
Damn. I want this hugged right now. I feel so weak. I am crying too. Paano ko
nagawang saktan ang anak ko? Akala ko maitatago ko pa pero wala talagang lihim na
hindi nabubunyag.

"Pasensiya na. I just needed a hugged right now. Pakiramdam ko nagiisa ako."
Nagulat nalang ako ng yakapin niya ulit ako. "Maxene."

"Tutulungan kita. Don't cry Calvin. Matalinong bata si Casey. I'm sure i'm sure
maiintindihan niya."

"Thank you Maxene. Salamat talaga." When I look at her. I don't know I feel so
magical. I cupped her face and trace her lips. I kissed her.

"I'm-- i'm sorry."

"Sorry?" Nagulat ako ng sampalin niya ako. Damn.

"Maxene.." I gasp when she kissed me too. Mainit. Mapusok pero nagpaparusa. She
kisses me harshly.

"Now we're even!" She left me here dumbfounded. She kissed me! Fuck! Napasabunot
nalang ako!

Kinabukasan...

"Maxene."

"Kumain ka na." I grabbed her wrist.

"Please magusap tayo."

"Kausapin mo muna si Casey. She's so aloof. Hindi niya ako kinikibo." Fuck! Inuuna
ko pa ang sarili ko kaysa sa anak ko.

"Nasaan si Casey?"

"Nasa garden." Tinakbo ko agad kung nasaan ang anak ko.

"Casey anak." She look at me pero ipinagpatuloy lang niya yung paglalaro. "Anak
sorry na bati na tayo?" I hugged her. Damn. I'm crying again. Ni hindi niya na ako
ulit tiningnan. Hawak pa din niya yung doll niya kahit yakap ko na siya. "Casey
naman. Kausapin mo na si Didi. Please baby? Nagaalala na ako anak." I look at her.
Damn. I get my phone at dinial ang number ng isang kaibigan kong doctor.

"Pare I need your help. Makakapunta ka ba? It's about my daughter."

"Pare naku pasensiya na. Nasa conference ako pero may kakikala akong doctor. Pwede
kitang irefer."

"Okay give me her number." Dr. Enriquez? Damn nakabalik na siya. Yung family doctor
namin na nagsagawa ng surrogacy for my daughter.

"Kamusta? Kinausap ka na ni Casey?"

"No. Hindi niya ako kinakausap. She look at me once tapos wala na. Maxene i'm
afraid."

"I told you from the start na sabihin mo na sa kanya ang totoo."

"Pwede ba huwag mo na akong sisihin."

"I'm sorry nagaalala lang din ako para kay Casey."

Wala pang isang oras ay may humintong sasakyan sa harap ng bahay kaya lumabas ako.

"Calvin!"

"Dr. Enriquez! Akala ko ay nagbibiro lang si Mark ng tawagan ko siya at irefer ka


sakin! Kailan pa kayo nakabalik?"

"Last week lang at trabaho agad ang inatupag ko. How's your daughter?"

"That's the reason why I need your help." Isinama ko siya sa garden at ikinwento sa
kanya ang mga nangyari kagabi. Hindi ko na din inilihim pa sa kanya yung about sa
pagpapanggap ni Maxene. "Doc. Dapat na ba akong kabahan sa pagkawalang kibo ng anak
ko?"

"Base sa mga ikinwento mo ay dumaranas si Casey ng depression. Hindi matanggap ng


mura niyang isipan na ang kinilala niyang ina ay hindi pala niya tunay na ina. I
suggest na huwag niyo muna siyang biglain. Iparamdam niyo sa kanya ang inyong
pagmamahal. May ibibigay akong mga gamot pero dalin niyo pa din siya sa clinic?
Kailangan nating magsagawa ng mga test. She needs therapy. Masyadong delikado ang
despresyon sa edad niya."

"Shit kung alam ko lang na magkakaganito dapat ay hindi ko na siya pinaniwala sa


isang kasinungalingan."

"Calvin tumatawag yung Secretary ni Dr. Enriquez?"

"Ms. Serrano?"

"Teka magkakilala kayo?"

"Why you didn't tell me na nagkakilala na kayo ng biological mother ni Casey? Small
world!"

"Biological si Maxene ang surrogate mother ni Casey?"

"I'm sorry. Hindi mo alam?"

"No! I told you. Pinagpanggap ko siyang mommy ni Casey but I didn't know that she's
the surrogate mother na.."

"Siya yung tinutukoy mong. Oh I'm sorry. I must go. Call me for your daughter's
appointment. Mukhang kailangan niyong magusap." Nakaalis na si Dr. Enriquez pero
tulala pa din ako.

"Calvin."

"Is that true?" I ask with a cold tone. Anong malay ko kung from the start ay alam
na niya?

"I didn't know ngayon ko lang nalaman na si Casey ang--- ang batang dinala ko sa
sinapupunan ko!" Lalapitan ko sana siya. Her hand was shaking. She's crying too.
Parang piniga yung puso ko fuck! Napaatras akong bigla ng humagulgol siya. "Kaya
ako pumayag na magpanggap na mommy ni Casey ay dahil sa guilt na nasa dibdib ko six
years ago! When you told me na surrogacy ang dahilan kung bakit nabuo si Casey
naalala ko ang pinagbuntis ko kaya pumayag agad ako but I didn't.." She cupped her
face while crying. "Shit that's why magaan ang loob ko sa kanya because she's my oh
God! Calvin! Si Casey she's my daughter!" Nung tumayo siya at nilapitan ako. Hindi
ko na napigil ang sarili ko at niyakap siya.

"Shhh. Let's go. Casey needs to know about this." Magkahawak kamay kaming pumunta
kay Casey. But I saw my daughter on the pool.

"Damn it! Casey!"

"Oh my. Calvin si Casey!" Tumalon ako sa pool at kinuha ang anak kong walang malay.
Hinawi ako ni Maxene at binigyan ng mouth to mouth si Casey.

"Please anak come on! Huminga ka! Baby please. No!" I get my phone and call an
ambulance!

"Mimi?" Fuck! When Casey open her eyes. Hindi ko alam na nakaluhod na ako habang
umiiyak. Hindi ko alam kung gaano ako katakot kanina. My knees was shaking. My lips
lips were trembling. Nanlalambot ako at hindi ako halos makahinga dahil sa takot na
hindi na magising ang anak ko.

"Thank god! Baby pinagalala mo ako!"


"Casey anak akala ko damn. Sobra akong natakot princess!" I hugged my daughter.
Damn. I am crying like hell!

"Didi? Bakit ka po umiiyak?"

"Masaya lang ako anak. Maxene thank you for saving our daughter's life. Kung wala
ka baka nataranta lang ako at baka-- baka nawala na sa atin ang anak natin!"

"Shhh buhay si Casey. Anak bakit ka ba kasi napunta sa pool?"

"Hinabol ko po kasi yung ball." Damn. Para akong maiihi sa takot.

"We need to tell you something baby." Kinuha sakin ni Maxene si Casey. Kumuha naman
agad ako ng tuwalya para ibalot sa anak ko.

"Really Mimi? You're really my mom? You're not lying?" Yan ang inabutan ko pagbalik
ko.

"Yes. I'm your real mom. Sorry about what you've heard last night. But believe. Ako
ang mommy mo okay? I will never leave you. I promise."

"I love you mimi."

To be continued...

The Surrogate Mother

"Tulog na si Casey?"

Kauuwi lang namin gaming hospital. Nung dumating yung ambulansiya ay sumakay kami
at dinala sa ospital si Casey para makasiguro na walang kahit anong nangyari sa
anak ko.

I feel relieved ng sabihin ng doctor na okay na ang anak ko.

"Oo."

"Maxene--- thank you. You save our daughter."

"You save her too. Ikaw ang tumalon sa pool para iahon si Casey. Parehas lang natin
siyang iniligtas."

Silence.

Walang kumikibo sa amin.

"Gusto mo ba ng kape?"

"Yes please."

Katahimikan ulit.

"Maxene--- may gusto akong itanong."

"Huh? Ano yun?"


"Bakit mo ginawa yun? Bakit ka pumayag na maging surrogate mother."

Natawa siya ng bahagya pero ginawa niya lang iyon para hindi tumulo ang mga luha
niya.

"Because of my father. May sakit sa puso si Papa. Siya na lang ang meron ako that
time. Wala akong kapatid at wala na din si Mama dahil naman sa komplikasyon sa
diabetes. Naibenta ko na lahat ng lupaing meron kami pero kulang pa rin yung perang
hawak ko para maoperahan ang Papa ko."

"Papaano mo nakilala si Dr. Enriquez?"

"She saw me at the lobby of the hospital kung saan siya nakaduty. Umiiyak ako noon
at wala ng magawa we only have three days para isagawa ang operation ni Papa kung
hindi baka ikamatay na ni Papa ang susunod na atake niya sa puso. Kinausap ako ni
Dr. Enriquez. Inalok niya ako na maging surrogate mother kapalit ng halagang
ipinangako niya sa akin. Nung una ay nagdalawang isip ako. I'm only twenty two that
time. Ni wala pa akong nagiging nobyo. And for fucking sake. Virgin pa ako!" She
laugh while crying. "Pero para kay Papa pumayag ako. I'm a pregnant virgin isipin
mo yun? Naoperahan si Papa at nagalit siya sa akin ng malaman niyang pumayag akong
maging surrogate mother. Habang ipinagbubuntis ko si Casey ay hindi niya ako
kinausap. Nung manganak ako at kunin ni Dr. Enriquez ang bata pakiramdam ko malaki
ang nawala sakin pero wala naman akong magagawa. Hindi akin ang bata. Noon kami
nagkabati ni Papa pero tumagal lang ang buhay niya ng apat na taon. Namatay siya
hindi dahil sa atake sa puso. Basta nakita ko nalang siya isang umaga na nakahiga
at hindi na huminhinga."

"I'm sorry.."

"Okay lang. Tanggap ko naman na wala na si Papa. Siguro masaya na siya ngayon
kasama ni Mama."

One week later...

On the way na ako pauwi sa bahay. Excited akong umuwi. Dumaan muna ako sa isang
sikat na flower shop bago ako umuwi. Bumili din ako ng cake para sa mag-ina ko.
Mag-ina. Damn. Pumayag kaya siya? Nakapagdesisyon na ako. I will court her. I love
her and dapat noon ko pa ito ginawa. Bago ko pa naman malaman na siya ang
biological mom ni Casey ay gusto ko na siya. I want her to be my wife. Inabutan ko
siyang nagwawalis habang abala si Casey sa paglalaro. I thank god dahil okay na si
Casey. Nakadalawang session lang siya ng therapy and it's a miracle na okay na ulit
ang anak namin.

"Hi." I kissed her cheek bago inabot sa kanya ang binili kong bulakalak. "For you."
She blushed. Fvck! I want to hugged her! She's so beautiful! And my heart was
beating so fast!

"Thank you. Bakit ang aga mo?"

"Hmm namimiss na kita ee." I winked at her na ikinapula na naman ng mukha niya. I
am smiling like an idiot!

"Didi? Is that a cake?!"

"Yes baby. For you."

"Wow! That's my favorite! A rainbow cake!"


"I know. That's why yan ang binili ni Didi!" Kinuha ko yung cake at dinala sa
kitchen.

"Calvin ako na!"

"No. Umupo ka muna. Magpahinga ka muna okay? Ako muna ang magsisilbi sa inyo ni
Casey." I sliced the cake. May kinuha ako sa bulsa ko at inilagay sa ibabaw ng cake
na para kay Maxene.

"Here's your cake Casey baby!"

"Yehey! Thank you Didi. You're the best!"

"Naks! Araw-araw ka atang may cake ah?" She giggle kaya natawa na din ako.

"And of course ito naman ang para sayo."

"Thank you." Susubo na sana siya ng mapangiti ako. She found it!

"Maxene."

"Calvin? Para saan ito?" Kinuha ko sa kanya yung singsing na hawak niya and kneel
down.

"Maxene I know it's too early to say this pero matagal na kitang gusto. Two years
ago ng makasabay kita sa bus ay nagustuhan na kita. Kaya siguro pumayag na din ako
na paniwalaan ng anak natin na yung babae sa picture ang mommy niya. Dahil umaasam
pa din ako na magkikita ulit tayo. Simula noon ay wala ng ibang babae na nakapukaw
ng atensiyon ko. But destiny gave it's way para magtagpo ulit tayo. Sino bang
magaakala na ang babae sa litrato na laging yakap ni Casey ang tunay niyang mommy?
Dumating ka sa buhay namin. Inalagaan at minahal mo si Casey kahit noon ay hindi mo
naman alam na siya ang pinagbuntis mo noon." she's sobbing kaya pinahid ko yung mga
luhang naglalandas sa mga mata niya. "I love you Maxene. Hindi ko masabi noon dahil
takot ako. Takot ako na iwan mo kami kapag nalaman mong mahal na kita kaya mas
pinili ko nalang na itago ang nararamdaman ko basta kasama ka namin ni Casey.
Everytime I look at you. I'm always mesmerized by your angelic face. My heart was
beating so fast when you're around. I can't help myself not to smile just looking
at you."

"Calvin.."

"Maxene mahal kita maniwala ka. Sa harap ng anak natin na halatang kinikilig."
Parehas pa kaming natawa kasi panay ang "iiih" ni Casey sa gilid namin habang talon
ng talon. "Papayag ka bang pakasalan ako? Will you let me love you? Care for you?
Papayagan mo ba akong palitan ang apelyido mo at maging Mrs. Calvin Mijandres?
Maxene Serrano the mother of my child. Will you be my wife? Will you marry me? I
promise to court you everyday. Just-- just please say yes!" She hugged me and cry
so loud. Iyak lang siya ng iyak habang hinahampas yung likuran ko.

"Nakakainis ka! Bakit pinapakilig mo ako? Bakit ngayon mo lang inamin?"

"You mean gusto mo din ako?"

"Matagal na!"

"Damn really? This is not a dream right? You like me?"

"I dont like you idiot! Because I love you!" With that I kissed her. I saw Casey. I
smile between our kisses dahil nagtakip pa talaga ng mata ang anak namin pero
nakalabas naman yung mata niya!

"Yes! Flower girl ako Didi di ba? Di ba? I'm so happy! My parents are getting
married! Yehey!"

"Teka princess. Hindi pa naman ako sinasagot ni Mimi." I sob kunyari at kinurot
naman agad ako sa tagliran ni Maxene.

"Para kang ewan! Of course it's a yes! I love you and I can't wait to be your wife.
And to be Casey's real and legal mom!"

"Thank you Maxene. Hindi ka magsisisi na pumayag kang pakasalan ako."

"Siguraduhin mo lang!"

It's been twelve years since ikinasal kami ni Maxene. Dalaga na si Casey. She's
beautiful like Maxene. Kaka-debut niya lang last month! Lumaki siyang mabait at
mapagmahal na anak at kapatid. Yes after our wedding, months later ay nalaman
naming buntis si Maxene. And to our suprised it's a baby boy! Pinangalan namin
siyang Cyrus Mijandres and he's so handsome like me. Aba! Saan pa ba magmamana ang
anak namin? He's eleven years old at mukhang nagmana pa ata ng charm sa akin
pagdating sa mga babae. Cyrus is a basketball player and I heard sikat siya sa
school. After two years after ipinganak si Cyrus ay nagdalang-tao ulit si Maxene
and this time kambal ang naging anak namin at parehas na babae ang kambal.
Cathalina and Cassandra Mijandres. Nine years old na sila. MakaDidi si Cassandra at
makaMimi naman si Cathalina. What more can I ask for? I have a perfect family!

"Hoy Calvin! Ipaliwanag mo nga itong lipstick stain sa polo mo?" Nangunot yung noo
ko ng ihagis sa akin ni Maxene ang polo na suot ko kahapon. She's forty and yet
still so beautiful. Sometimes may pagkainsecure siya but I love it. Natutuwa pa nga
ako sa mga tantrums niya at sa pagiging nagging wife niya. Because that only means
na hindi nababawasan ang pagmamahal niya para sa akin.

"Mahal."

"Huwag mo akong mamahal-mahal dyan! Sinong babae ang may gawa niyan!" I hugged her
from the back. Inilagay ko din yung mukha ko sa leeg niya.

"Mahal itanong mo kaya kay Cassandra."

"Anong kinalaman ng anak mo dito sa lipstick na ito?" Lumabas siya ng kwarto namin
at sinundan ko siya.

"Cassandra! Ikaw ba ang may gawa nito sa polo ng Didi mo?" Cassandra grin at us.
Tapos bigla siyang tumawa ng malakas. "Ang cute niyo po kasing magselos mimi hihi.
Ang cute din pong manuyo ni Didi kaya po nilagyan ko siya ng kiss mark sa polo
niya."

"Oh naniwala ka na? Mahal simula ng mahalin kita wala ng ibang babae na nagustuhan
ko dahil ikaw lang sapat na para sa akin. Kayo ng mga anak natin."

"Talaga?" I kissed her at yun lang at napangiti ko na siya.

"Ayiiie bati na sila Didi at Mimi."

"Ikaw Cassandra puro ka kapilyahan! Teka nasaan ang kakambal mo pati sila ate at
kuya mo?" I smiled at pinalabas ang mga bata!

"HAPPY ANNIVERSARY MIMI AND DIDI!"


"Tumatanda ka na mahal nakalimutan mong anniversary natin ngayon." Lumabi pa ako
para magpaawa sa kanya pero kinurot lang ako sa tagliran.

"Nakakainis kayo! Thank you Casey, Cyrus. Cathalina and Cassandra. Calvin salamat."

"Mimi huwag ka ng umiyak. Ikwento niyo nalang sa amin ang love story niyo ni Didi?
Please?" Here we go again. Wala silang kasawaan sa istorya ng lovestory namin ng
mimi niya.

"But you heard about it a hundred times!" Si Maxene na nakapamewang pa. Ang cute
lang.

"But that's our favorite bedtime story."

"Cyrus. Kambal ano ba kayo? It's their anniversary. Ako nalang ang magkukwento ng
lovestory nila Didi. Gagawa pa kasi sila ng baby brother natin."

"Casey? Saan mo natutunan yan!"

"Mom. I'm a nursing student. Syempre po alam ko na yun!"

"But." I laugh dahil ang pula na ng mukha ni Maxene! How lovely she is! "At ikaw
Calvin anong tinatawa-tawa mo dyan?" She walk out kaya sinundan ko siya sa kwarto.
Naririnig ko pa rin ang tawanan ng mga anak namin. Ang kulit lang nila!

"Mahal naman natutuwa lang naman ako huwag ka ng magalit." Inilabas ko yung regalo
ko para sa kanya. A diamond necklace. "Here Happy anniversary mahal. Mahal na mahal
kita." isinuot ko sa kanya yung kwintas at hinalikan siya.

"Mahal salamat."

"Ano ba yan. Nakalimutan mo naman na anniversary natin."

"But I have a gift and a surprise for you."

"Talaga?"

"I'm pregnant. Two months na ang tiyan ko." Minutes bago magsink in sa akin yung
sinabi niya!

"What the fuck! Totoo ba? Oh my God! Really? You're pregnant? Oh I love you Mahal!
This is the best anniversary gift ever! Magiging Didi na naman ako ng napakagandang
baby!"

"Pero mahal natatakot ako medyo may edad."

"So what? You're fit and healthy. Oh my. I'm so happy Maxene!" I kissed her.
Sobrang saya ko! Ano pa bang mahihiling ko? Sobra-sobra na yung kaligayahan ko. I
have my wife and my four kids plus may isa pang parating! Sa sobrang saya ko ay
inikot ko siya sa ere! "I love you Mahal."

"I love you too Calvin. Hindi ko pinagsisisihan na naging surrogate mother ako ni
Casey because I found you. I love you." I look at her and kissed her passionately.
Bubuuin ko muna yung baby parts ng anak namin.

T h e E N D...
STARTS: October 4, 2016
ENDS: October 5, 2016
Another story from clangCutie.

You might also like