0% found this document useful (0 votes)
158 views11 pages

Chapter 2

Uploaded by

Kylamay Garcia
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
158 views11 pages

Chapter 2

Uploaded by

Kylamay Garcia
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

2.

A good Place

Dahil sa sobrang busy ni nanay sa pasugalan ni mang Domeng ay hindi na pala niya napuntahan ang
pwesto nila aling Pasing para bawiin ang kulang na sukli sa aking pinamili kahapon kaya isinama ako ni
inay ngayong araw doon para may makapagpaliwanag kay aling pasing ng nangyari kahapon.

Naabutan naming sa pwesto nila si aling Pasing na nag-aayos ng kaniyang mga paninda.

“Oh! Gina, kayo pala. Anong atin?” inosenteng tanong ni aling Pasing kay inay.

“Pasing.. Iyang anak mong si Gerald ay kinuha ang sukli ng anak ko kahapon!” inis na sabi ni inay.

Nabitawan ni aling pasing ang mga gulay na kaning inialagay sa iba pang kauri nito.

“H-ha? Anong sukli ang sinasabi mo Gina? Nag kwenta ako kahapon ng benta, sakto lang naman sa
mga nabawas na paninda ko.”kalmadong pagpapaliwanag ni aling Pasing.

“Hinde! Ginoyo nitong anak mo ang anak ko Pasing! Ang sabi niya ay inilagay niya ang sukli ng aking
anak sa bayong kasama ng kaniyang mga pinamili!” nagsisimula ng magalit si inay.

Nanlaki ang mga mat ani aling Pasing. Marahil ay nagulat s’ya sa kaniyang narinig. Bakas din ang
pagtataka sa kaniyang itsura.

“Hoy Gina! Hindi porket dating manloloko at manggagantyo ang anak ko e hanggang ngayon ganoon
parin s’ya! Hinay hinay naman iyang bunganga mo at masyado ka kung makapang akusa!” pagalit na
tugon ni aling pasing.

Nanliit at lumisik ang mga mata ni nanay sa narinig mula kay aling pasing.

Hindi ho totoo iyan!!! Ang sinabi niya ay inilagay niya sa bayong ko ang aking sukli!
“A-ang sabi po n-ng anak nyo a-aling p-pasing, inilagay n-nya daw h-ho sa bayong n-na dala ko k-
kahapon” kabado at pautal utal kong sabi. Ninenerbyos ako ng sobra dahil baka magkasakitan pa si inay
at aling Pasing dahil sa kabobohan ko.

“Oh ayun naman pala e! inilagay naman pala ang sukli.” Sambit ni aling pasing.

Sandaling katahimikan ang bumalot sa aming tatlo. Si inay ay nanatiling galit ang reaksyon ng mukha, si
aling Pasing naman ay itinuloy ang pag-aayos ng kaniyang mga paninda. Ilang saglit pa ay bumalik s’ya sa
gawi naming.

“May kailangan pa ba kayo ng anak mo?” malumanay na tanong ni aling Pasing.

“Ibalik mo ang sukli ng anak ko Pasing!!!” muling singhal ni inay.

“Gerald!!! Gerald bumaba ka nga riyan! Halika ditto bilisan mo!” pagtawag niya sa kaniyang anak

Ilang saglit pa ay bumaba na ang lalaking nagbenta sa akin kahapon. Ang lalaking nanlait at nanloko sa
akin!!!

“S’ya ho iyon inay!! S’ya ho yung nagbenta sa akin kahapon! N-naaalala ko pa h-ho s-sinabihan n’ya
kong m-maganda p-pero b-bobo” umatake nanaman ang kanerbyosan ko habang nagsasalita.

Ngumisi ang lalaki nang marinig n’ya ang sinabi ko. Si inay naman ay galit pa din ang mukha.
Samantalang si aling Pasing ay napatitig sa kan’yang anak.

“Hahaha!! Tama naman ang sinabi ng anak ko Gina. E, diba talaga naming walang alam ‘yang anak
mo? Bat ako maniniwala d’yan e mas matalino pa ang limang taong gulang na anak ko kaysa riyan.
Baka naman nahulog ang sukli mo, baka sa sobrang katangahan niyan ay ang puwit ng bayong ang
hinawakan at hindi ang pansukbit na tali” Pambuburyong tugon ni aling pasing.

Lalong nagalit si inay sa kaniyang narinig kay aling Pasing.


“e isa ka rin palang tanga e! kung ang puwit ng bayong ang kaniyang bitbit… E’di sana wala na siyang
ibang nauwi maliban sa bayong! Ipababarangay kita Pasing! Magnanakaw iyang anak mo!! ” galit nag
alit na si inay. Halata ito sa kaniyang mga sinasabi.

Nagsimula nang dumami ang mga nakatingin sa amin dahil sa tumataas na tension sa pagitan ni inay at
aling Pasing.

“Andami mong sat-sat Gina,! Gawin mo nalang. Pero, sa tingin mob a e may maniniwala d’yan sa bobo
mong anak? Baka nga hindi lang bobo ‘yan. BAKA SINTU-SINTO NA RIN!” sabay pasarkastimong tawa ni
aling Pasing.

Nagtawanan na’rin ang mga tao sa paligid naming dahil sa sinabi ni aling Pasing.

“At sa kahit saang barangay pa tayo makarating wala akong ibabalik na sukli sa iyo! Dahil ang kita ko
ay sakto sa imbentaryo ko!” Pagtatapos na paliwanag ni aling pasing.

Marahil dahil na rin sa pagkapahiya ay hinila ako ni inay paalis sa pwesto ni aling Pasing at kinaladkad sa
malayo sa kung nasaan kami kanina.

“Hindi mo ba naihulog ang sukli mo?!” Singhal sa akin ni inay. “Baka naman patanga-tanga ka kahapon
maglakad kaya nahulog?!” dugtong pa ni inay.

Bigla kong naalalang chineck ko muna ang bayong kahapon bago umalis.

“Inay… t-tinignan ko h-ong mab-buti ang bayong n-na dala ko k-kahapon. W-wala po iyong b-butas o
kahit anong s-sira.” Sagot ko kay inay.

Lamamunin na ata ako ng kaba at nerbyos!!!

“Ipababarangay ko iyang pasing na’yan. May pinagmanahan pala ang kaniyang anak. Pareho silang
manggagantyo!” pasinghal na sambit ni inay.
“Iyan! Dahil sa katangahan mo e hindi ka na makakabili doon! Saan ka ngayon mamamalengke?!”
sambit ni inay, halong inis at irita ang tono ng kaniyang pananallita.

Pagtapos sanihin iyon ni inay ay may lumapit sa aming isang lalaki may katandaan na ito ngunit mukha
pa naming malakas.

“Ah… ale? Naghahanap kayo ng pamihilan?” Tanong ng lalaki sa amin ni inay.

“OO! Bakit?!” ‘di pa rin humuhupa ang galit ni inay, kaya maging ang lalaking kumakausap sa amin
ngayon ay sinusungitan n’ya na.

“Ah… Eh… Mayroon kasi doon sa kabila nitong palengke na ito. Mura at sariwa ang lahat g kanilang
itinitinda. Gulay, prutas, karne at k-” ‘di na natapos ng lalaki ang sasaihin n’ya dahil sa pagsabat ni inay.

“Talaga? Saan iyan?” galak na tanong ni inay. Nawala na ang inis sa kanya. Ngayon ay bakas na ang tuwa
sa kanyang tono ng pananalita.

“Diyan lang katabi ng palengkeng ito. Sebastian Market ang pangalan ng palengke nila. Pag-aari ng
Pamilya Sebastian. Mura iyon at sariwa dahil sila din mismo ang nagpoproduce ng mga itinitinda
doon.” Pagpapaliwanag ng lalaki.

“Kung gusto n’yo ay sasamahan ko na kayo papunta doon.” Maganang alok ng lalaki kay nanay.

“Ah, hindi ako itong anak ko ang sasama sa iyo.” Tugon ni inay sa lalaking kausap

“Oh Kleiy, heto ang tatlong daan bumili ka ng stock ng pagkain natin. Iyong masarap ha? At wag
kanang tatanga-tanga.”Utos sa akin ni inay. “Umuwi ka bago maghapunan. Uwi na’ko baka marami
nang kalaban kila Domeng.” Walang ano-ano’y umalis na nga si inay.

“Halika ineng sumakay na tayo sa L3 para mapadali ka na papunta doon” alok muli ng lalaki.
Bakas ang kaniyang pagiging masiyahin. Mula ng mag umpisa hanggang sa matapos ang pag-uusap nila
ni inay ay hindi nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi.

Habang patungo kami sa palengkeng sanasabi ng lalaki ay ‘diko maiwasang tumitig sa kaniya. Parang
naka glue ang kaniyang bibig hindi umalis sa mukha n’ya ang masayang ekpresyon.

“Manong, b-bakit ho kanina pa kayo nakangiti riyan?” sa sobrang pagtataka ay hindi ko na naiwasang
hindi magtanong.

Hay kleiy, malamang masaya! Masaya s’ya kaya s’ya nakangiti!. Pero, bakit s’ya masaya? Anong
dahilan kaya s’ya masaya?

“Ah, eto ba? Likas na sa akin ito ineng. Sino ba naming hindi matutuwa kung kasama ka sa porsyento
ng mamamayang Pilipino na hindi naghihirap o nagugutom. Utang ko lahat ng mayroon ako ngayon
kay Don Bernardo.” Pagpapaliwanag niya, lalong lumapad ang ngiti ngunit Nakita kong pinangingilidan
ng luha ang kaniyang mga mata.

“Paano hong utang kay Don Bernardo?” Tanong ko sa lalaki.

“Noon, ako at ang aking mag anak ay nangangalakal lang sa ilalim ng tulay. Isang araw habang
nangangalakal ako sa isang tambakan ng basura ay may isang magarang sasakyan ang tumigil sa likod
ko at binato ako ng basura nila. Ang nagbato ay nakilala ko kalaunan na si Aian, ang bunsong anak ng
matalik na kaibigan ni Don Bernardo. Siyan a ang nag alaga, nag aruga, nagpalaki at nagdisiplina sa
mga anak ni Don Mariano mula n-” naputol ko ang pagkukwento ng lalaki dahil sa sobrang kyuryosidad
na bumabalot sa utak ko

“Mula nung ano po?” pabulalas na tanong ko sa lalaki

“Mula nung namatay si Don Mariano”

“Bakit po namatay? Ano pong Ikinamatay?”


“May sakit sa puso, at may tubig naman ang bag ani Don Mariano dahil sa samu’t-saring bisyo niya.
Ang haka pa nga ng ilan ditto sa laguna e pusher da ng shabu iyong si Don Mariano. Kaya ang tatlong
mga anak n’ya ay lagiing binubully noon sa school nila. Napilitan tuloy si Don Bernardo na mag home
schooling na lang ang tatlo para hindi na mabully pa.” pagpapaliwanag ng lalaki.

“Tapos, ano pong nangyari?” tanong kong muli sa lalaki.

“Sa awa ng d’yos ay humupa ang issue at nakapag college ng maayos ang kaniyang mga anak.
Nakatapos silang lahat ng Cum Laude.” nakangiting tugon ng lalaki.

“Kayo po, paano kayo napalapit kay Don Bernardo?”

“Ah, oo nga. Hayun nga at binato ako ng bunsong anak ni don Mariano na si Aian. Nang Makita ni Don
Bernardo na may tinamaan si Aian ay agad a bumaba si Don Bernardo sa kanilang magarang sasakyan.
Agad akong nilapitan at tinanong kung may masakit ba sa akin.” Napapailing na sabi ng lalaki.

“Sobrang maalalahanin ni Don Bernardo. Likas na sa kaniya iyon. Sa sobrang matulungin niya, halos
lahat ng makikita mong manggagawa sa kanilang pamilihan ay dating mga pulubi sa lansangan.”
Sambit ng lalaki.

Namangha ako sa sinabi ng lalaki sa akin ngayon-ngayon lang.

“Lahat na yata ng Nakita n’yang pulubi at kapos palad ay tinulungan n’ya. Binibigyan n’ya ng bahay at
trabaho. Gaya ko isa ako sa mga tinulungan n’ya. Ang biro ko nga minsan e magpabato ka na ng
masura kung ang kasunod niyon ay grasya hahaha” natatwang sambit ng lalaki sa tabi ko.

“Muntik ko nang makalimutan. Ako nga pala si mang Isko, taga deliver ako ng mga prutas at gulay ni
Don Bernardo. Ihahatid ko dapat ang mga iyan sa kabilang bayan” sabay turo sa mga basket na may
lamang samut-saring mga prutas at gulay.

“Bakit ho hindi n’yo na nadala.” Tanong ko sa lalaki.

“Dahil sa’yo” umiiling ngunit natatawang sabi ni mang Isko.


Dahil sa akin??? Bakit nagging ako ang dahilan? “H-ho? B-bakit ho ako?” Nauutal na tanong ko kay
mang Isko.

“Iyon ay dahil sa ipinagmamaneho kita ngayon patungo sa pamilihan nila” nakangiting usal sa akinni
mang Isko.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng sinabi ni mang isko iyon. HALA OO NGA!! Nasa sasakyan pala nila
ako! Hala! Baka magalit si Don Bernardo pag nabulok at hindi naihatid ang mga prutas na iyon.

“Hindi magagalit ang Don kung iyon ang iniisip mo hija.” Sambit ni mang Isko na mukhang nahalata ang
ipinahiwatig ng pagtamihik ko.

Ilang saglit pa ay pumarada na ang L3 na sinasakyan naming kahilera ang marami pang kagaya nito.
Mukhang narito na kami. Hindi ako nagkamali dahil tinanggal na ni mang Isko ang kaniyang seatbelt
tsaka s’ya bumaba.

“Ah, hija… Narito na tayo halika at sasamahan kita sa pwestong lagi mong pagbibilhan. Alam ko kasing
sa isang pwesto ka lang namimili dahil dati na kita nakikita doon sa kabilang palengke.” Sabi ng
matanda.

“Bakit pala hindi ka man lang nagtitingin sa ibang pwesto? Balita ko e puro luma ang mga ibinibenta
ng aling Pasing na iyon kaya mura.” Dagdag pa nito

Tama naman s’ya. Gaya nalamang sa gulay, kung hindi bulok ang dahon e, hindi na kaaya aya ang amoy
o itsura nito. Sa prutas naman, kung walang butas ay lamog. Sa mga karne at isda ay hindi narin
maganda ang itsura maging ang amoy. Pero hanga ako kay inay sa kung paano n’ya iyon iluto dahil kahit
luma e napapasarap n’ya pa’rin na parang sariwa ang mga rekadong ginamit.

“Hija?...” Tawag ni mang Isko sa atensyon ko.

“ho?” Sagot ko sa kaniya.


“Bakit kako hindi ka man lang nagtitingin sa ibang pwesto para sana makakuha ka man lang ng mas
sariwa kaysa sa ibenebenta ni Pasing.” Pag-uulit niya sa tanong niya kanina.

“Ah… Eh… Kasi ho…” Sasabihin ko bang no read no write ako? Baka lokohin din ako nito. “A-ayokong
lang ho. Tinatamad ho kasi ako e. hehe” pagdadahilan ko sa matanda.

“Ah, ganoon ba? E bakit ka inaakusahang baliw ni Pasing kanina? Pasensya ka na ha. Nais ko lang
talagang malaman.”

Nagulat ako nang sinabi n’ya iyon Ngunit hindi ko nalamang ipinahalata. Hala narinig n’ya. Baka narnig
n’ya rin ang panlalait sa’kin ng Gerald na ‘yon.

“Ang totoo ho kase… N-no read no w-write ho ako.” Tapat na sagot ko kay mang isko. Para san pa na
magsinungaling ako kung narinig niya naman ang sagutan ni inay at aling Pasing kanina.

“Kung gayon ay hindi ka pala marunong bumasa at sumulat? Naku!ay papaano kang makakauwi niyan
magrereport pa’ko kay Don Bernardo ng patungkol sa mga hindi naihatid na prutas at gulay.
Napakarami nating nilikuan at walang sakayan ditto lalakarin mo pa hanggang parke, don pa lamang
may terminal ng jeep at tricycle.” Sabi ni mang Isko. Bakas sa kanyang tinig at mukha ang pag-aalala.

“Ah, mang Isko ayos lang ho ako. Sabi ho ni ate Jhehanne ko na isang nurse ay may Photographic
memory daw ho ako kaya mabilis kong naaalala ang mga bagay-bagay. Kaya ho walang dudang
makakauwi ako ng buo sa bahay.” Pabiro kong tugon kay mang Isko nang sa gayon ay mawala na ang
kaniyang pag-aalala.

“Ah, ganon na? kamangha-mangha. Ngunit, hindi ko maintindihan. Gayun pa man wala Nakong
maramdamang pangangamba dahil mukhang kayang-kaya mo nga ag sarili mo. Halika na at pumunta
na tayo sa pwestong sinasabi ko sa iyo.”

Nagsimula kaming naglakad papasok ng pamilihan. Unang tingin ko pa lang ay namangha na ako.
Napaka ayos at linis ng pamilihang ito! Sambit ko sa aking isip. Habang patuloy ang aming paglalakad ay
lalo akong humahanga sa pagkakaayos at organisa ng pamilihang ito. Talagang tinutukan ang
pagkakagawa.
Sa itaas ay may mga nakasabit na parang mgadrawing. May baboy, baka, manok, gulay, prutas, at mga
isda. Para iyong mga direksyon.

Diko namalayan na tumigil na pala sim ang Isko sa paglalakad. Nakatingala kasi ako kaya marahil hindi ko
s’ya Nakita. Sa sobrang pagkamangha ay nabunggo ko ng bahagya sim ang Isko na s’ya namang
nagpabalik saken sa wisyo.

“Oh, ineng hinay-hinay ka lamang d’yan. Baka sa sobrang titig mo sa kanila e bigla kang kausapin.
hahaha” pabirong sambit ni mang Isko.

“Ah, Eh… kasi ho angganda dito hindi ho mukhang talipapa.” Humahanga pa ring sambit ko.

“Ganyan talaga dito ineng.” Sambit ng tinderang tinigilan naming ni mang Isko. “Ayaw kasi ni Don
Bernardo na magkasakit ang kaniyang mga trabahador at tindera kaya lagging malinis dito sa
palengke. May sariling tagalinis ang pamilihang ito.” Dagdag pa ng ale.

Isa siyang matabang babae, hindi naman ganoon kataba. Nakapuyod at naka hairnet s’ya. Sa palagay ko
e kaedaran niya si inay.

“Ineng, eto si aling Dina. Dito ka mamimili pag nautusan kang mamalengke ha?” sambit ni mang Isko
sa akin.

“Oho! Maraming Salamat ho sa paghahatid.” Magiliw na tugon ko kay mang Isko.

“Osya maiwan na kita at pupunta lang ako kay Don Bernardo ha? Dina ikaw nang bahala riyan uuna
na’ko.” Pamamaalam ni mang Isko.

“Sige sige.” Tugon pabalik ni aling Dina.

“Ano ba ang sa iyo ineng?” tanong ni aling Dina sa akin.

Gaya ni mang Isko ay hindi rin maalis sa mukha niya ang pagiging masayahin.
“Ah… Eh… Wala h-ho kasing iniwang listahan si inay sa akin dahil sa hindi n’ya daw ho alam k-kung
anong mga itinitinda rito.” Paliwanag ko sa babae.

“Kung ganoon ay ano ang bibilhin mo?” Tanong muli ni aling Dina.

“Kahit ano raw ho na kakasya sa tatlong daan. At yung mukha raw pong masarap.” Tugon ko sa tanong
ni aling Dina.

“Ah, hayaan mo’t lahat ng itinitinda ko may masarap dahil nasa meat section ka” nakangiting sabi ng
babae.

Nagtaka ako sa sinabi ni Aling Dina. Hay umatake nanaman ang kabobohan ko.

“Ano ho ang m-meat section? Pasensya na ho kayo no read no write ho kasi ako.” Paliwanag ko kay
aling Dina.

Kita ko ang gulat at awa sa mga mat ani aling Dina. Hindi niya man ito ipahalata ay kita ko parin. Marahil
ay dahil sa ganon ako tingnan ng mga kapit bahay namin.

“A-ah… Ang meat section ay yung pwesto sa palengke na lahat ng itinitinda ay pawing mga karne.”
Pagpapaliwanag sa akin ni aing Dina.

“Kaya din siguro dito ka dinala ni Isko ay dahil ito ang dulong parte. Pag talikod mo e nariyan na ang
mga gulayan at ptutasan. Para madalian kanang mamili.” Manghang sabi ng babae.

“Pero ale, hindi ko ho alam kung paanong mamimili gayong ultimo listahan ni inay ay di’ko kayang
unawain.” Tugon ko kay aling Dina

“Huwag kang mag alala kung may listahan ka e kami na ang bahala doon lalagyan at pambayad na
lang ang poproblemahin mo. At isa pa walang manloloko sa’yo dito. Walang magnanakaw ng pera mo
dahil kaya naman itong ibigay ni Don Bernardo sa kanila. Mayaman ang Don kaya lahat ng nakikita mo
dito sa palengke ay kaniya. Ang mga tindera at trabahador ay nakatira sa iisang subdivision na
pinasadya niyang gawin para sa amin.” Pagpapaliwanag ni aling Dina.
Sa sinabi n’yang iyon ay lalo akong namangha kay Don Bernardo na tinutukoy nila.

Dahil sa hindi ko pa alam ang pasikot sikot sa loob ng pamilihan ay sinamahan at inalalayan ako ng
kapwa tinder ani aling Dina.

Nang maubos ko na ang tatlong daan na ibinigay ni nanay ay lumabas na ako ng pamilihan. Ngunit bago
pa ako makalayo sa pwesto ng gulay na binilhan ko ay may nabunggo akong isnag malaking lalaki.

Balot ito ng magandang kasuotan. Makintab ang sapatos. May magandang tungkod at naka sombrero.
Naaninag ko ang kaniyang mukha. May edad na ang lalaking ito. Sa mangha ko ay nakalimutan kong
nalaglag ang mga pinamili ko. Akmang pupukutin ko na ng nagsalita ang lalaki.

“Huwag mo ng pulutin iyan. Henry!” Tawag niya at may lumapit na lalaking nakasuot gaya ng kay mang
Isko.

“Yes don?” sagot ng tinawag niyang lalaki

DON?!!

You might also like