You are on page 1of 11

Ang Buhay ni Neneng

ni Harvey Lyca Alcansis

Isang gabing madilim sa isang baryo umalingaw-ngaw ang tinig ng isang Inang buong sikap na kinaya ang sakit
at hapding nadarama, sa panganganak sa kanyang pangalawang sanggol. Eksaktong alas diyes ng gabi ay isa
nanamang munting tinig ang narinig ng mga taga-baryo, ang tinig ng kasisilang na batang sanggol na babae.
Buong pagmamahal na inaruga at analagaan ng butihing mag-asawa ang kanilang malusog na batang babae.
Pinalaki nila ito ng may takot sa Panginoon at magandang asal, ngunit kung minsan ay nakakalimutan ni
Neneng ang pagtitimpi.kung ka ya napapasumo ito sa away.Si Neneng ay pala-away ngunit iyakin, kilala ito sa
baryo na iyakin hanggang sa ito ay lumaki, iyakin parin ito. Lumala pa ang pagka-iyakin ni Neneng ng ang
kanyang tatay ay umalis at pumunta sa malaking ciudad dahil doon na destino sa trabaho. Hirap man sa buhay
ang pamilya ay naibigay parin ng mga magulang ni Neneng ang kanyang pangangailangan. Isang umaga, ng si
Neneng ay pagising palang para maghanda sa pagpasok ay bigla lang siyang pinigilan ng kanyang nanay,
nabigla si Neneng akala niya ay may lakad sila ng Nanay.

Nanay: Neneng! Anak, lumiban ka muna sa klase. Matulog ka muna, inaantok kapa kasi eh!

Neneng: eh paano po yung pasok ko nay?

Nanay : wala naman kayong eksam ngayon anak, lumiban ka muna at upang makagpahinga ka naman.

Neneng : (tuwang-tuwa sa desisyon ng Nanay) ah! Sige. Total inaantok pa po naman ako. ( patuloy na natulog)
Nang magisin g si Neneng ay tanghali na at nagugutom na siya. Matapos niyang mailigpit lahat ang kailangan
iligpit ay nagtungo ito sa labas ng bahay at hinanap ang kanyang Nanay.
Neneng : Nay! Nasaan ka na? (inikot ang buong bahay. Hanggang sa nakarating sa mga kapit-bahay ngunit di
parin nakita ang kanyang Nanay.)
Nay! Nay!
(paparating ang Nanay na may dalang dalawang pirasong pagkain)
Nanay : oh! Nasan na si kuya? Bat wala pa ditto? Pinauwi ko na yun kanina lang ah!!
Neneng : Ah! Eh! Andyan na oh!
`Nanay : hala sige pumanhik na kayo at para makakain na tayo.
Naghanda si Nanay ng mainit na tubig at nilagyan ng konting kape at asukal, sabay hapag sa dalawang piraso
na tinapay.
Nanay : hala sige at kumain na kayo…
Dali-daling kinuha ng kuya at ni Neneng ang dalawang tinapay. Nakita nilang walang tinapay si nanay kaya,
naisipan ng magkapatid na hati-an ang kanilang nanay, ngunit pinaubaya nalang ng nanay ang lahat ng pagkain
sa dalawa.
Kuya : Nay kulang pa eh! Nagugutom pa ako.
Neneng : Ako rin….
Nanay : wala na tayong pambili ng tinapay, di pa nagpapadala ang tatay.

Neneng: Nay! Papel nalang kasi tatanggap naman si Lola Erning ng papel basta may Lagda ninyo.
Nanay: di na tayo pauutangin nun, kasi di pa tayo nakakabayad sa kanila.
Kuya; ah… sige lang.
Buong araw na walang bigas ang mag-ina. Nagluluto nalang ang nanay ng saging upangpampatawid gutom sa
kanilang mag-ina. Nginit kinagabihan ay humingi ang dalawang bata ng kanin, walang magawa ang nanay, wala
silang bigas kaya ginawa nalang niyang remidyuhan ang panis na kanin. Hinugasan niya ng mabuti ang kanin at
ginawang lugaw para lang may makain ang kanyang mga anak. Ipinagdasal nalang ng nanay na sana ay hindi
ito makakasama sa tiyan ng kanyang mga anak. Pagkatapos maluto ang lugaw ay ginising ng nanay ang
kanyang dalawang anak at silang tatlo ay kumain.
Kinaumagahan ay dininig ng Diyos ang panalangin ng mag-ina. Di pa nakabangon ang mag-iina ay dumating
ang tatay ni Neneng at may dalang maraming pagkain.Dali-daling bumangon si Neneng at ang kuya upang
kumain, nakita ni Neneng ang pagtulo ng luha ng Nanay. Nagtaka si Neneng kung bakit? Naisip niya rin, siguro
dahil di lang nakayanan ni Nanay ang hirap ng buhay.
Magmula noon sa pangyayaring yaon ay hindi na naging pabaya ang tatay na maubusan sila ng bigas sa hapag-
kainan.Hikahos man sa buhay ay nakayanan naman nila ang mga pagsubok. Ngunit, isa pang dagok ang
dumating sa buhay ng ni Neneng. Isang gabing galling ang pamilya sa birthday party ng Lola ay biglang
nadisgrasya ang nanay na siyang naging dahilan sa pagkakaroon ng crack sa buto ng paa ng nanay. Naging
mahirap ang buhay nila Neneng. Isang araw na kinausap siya ng masinsinan ng kanyang mga magulang:
Tatay ; Neneng anak! Mula ngayon ay ikaw na ang gagawa sa gawain ng nanay, kasi di pa niya kaya.at si kuya
naman ay tutulong din sa gawain ditto.
Neneng : opo! Lahat po ba ng gawaing bahay?
Tatay; Oo!
Si Neneng ang lahat na gumagawa sa gawaing bahay- at kung minsan ay nagbabantay tuwing gabi sa pag-ihi ng
nanay kapag wala ang tatay. Doon naranasan ni Neneng ang hirap ng trabaho ni nanay sa araw-araw, minsan
ay napapaliban sa klase si Neneng kasi walang magbabantay sa nanay kasi may pasok din si tatay sa trabaho.
Sa pagkakataon ding yaon ay naranasan ni Neneng at nasaksihan ang hirap at pasakit ng tatay sa pag-aalaga sa
nanay.Gabi-gabi ay nagpapanata ang tatay at kung minsan ay umiiyak nagmamakaawa sa panginoon na naway
tulungan ang pamilya na makayanan ang dagok na naranasan. Umiiyak na lamang ng sekreto si Neneng dahil
ayaw biyang makita siya ng kanyang pamilya na umiiyak.
Hindi naman nagtagal ay dininig ng panginoon ang panalangin ng pamilya, at muli ay naging maayos ang
kondisyon ng nanay. Nakakalakad na ito, di katulad ng dati na humihiga lang ito sa kama. Nang tuluyan na
ngang gumaling ang nanay ay sunod-sunod na biyaya na naman ang natanggap ng pamilya.
Tatay ; Natransfer ako sa kompanyang mas malaki ang sahod kaysa sa dati.
Nanay : Talaga?

Tatay ; madadaragdagan na ng malaki-laki ang budget natin kung kaya ay makaluwag-luwag na tayo.
Nanay : Oo nga at malaki din ang matutulong ng dagdag mong sahod sa ikauunlad ng ating buhay.
Oo nga’t di masyadong malaki ang kinikita ng tatay ay naibibigay naman nito ang mga pangunahing
pangangailangan ng kanyang pamilya. Ang kuya ay nakapag-aral sa kolehiyo ngunit dalawang taon lang kasi
nakabuntis. Si neneng naman ay kasalukuyang nag-aaral at sana kaawaan ng Diyos na makapagtapos ng pag-
aaral. Si bunso naman ay nag-aaral din sa hayskul. Di man mayaman si Neneng sa mga magagandang ala-ala at
di man niya masyadong na eenjoy ang buhay ng bata ay di naman ibig sabihin ay habang buhay na siyang
maging malungkot. Darating din ang araw na siya ay magiging masayang-masaya.
BOTE AT PANGARAP
Ni Panjo

"Koo-leektor ka?" bungad sa akin ng lalaking sa palagay ko ay edad kuwarenta. Hindi na tuwid ang kanyang
pananalita dala ng kalasingan kahit wala pang alas dyes ng umaga. "Lahat ng koolektor dito ay nagbibigay sa
akin... sham-pong piisso.." patuloy niya habang senisenyasan akong magbigay ng pera sa kanya. Akala ko sa
pelikula lang ni FPJ nangyayari ang mga ganoong scenario. Wala pa naman akong kakilala sa lugar kaya medyo
may namuong takot sa akin.

"Hindi po. Hinahanap ko lang po ang bahay ni Alice... Alice Sanchez." Maliit lang ang bayan ng Rizal sa bayan
ng Laguna pero di ko ko agad nakita ang bahay na hinahanap ko dahil di ako pamilyar sa lugar. Hindi ko nga
alam na mayroon palang bayan ng Rizal sa mapa ng Laguna. Naging palatandaan ko lang ang Rizal Reacreation
Center na nakasulat sa sketch form ng loan application.

Tumayo ang isang lalaki at hinawi ang kamay ng lasing na sumalubong sa akin.. "Asawa ko po si Alice," sagot
ng lalaking kasama sa umpok ng nag-iinuman. "Ano pong kailangan?"

Bahagya akong nadismaya. Magsasagawa ako ng BI/CI investigation para sa asawa ng lalaking nasa inuman na
agad. Habang ang kanyang asawa ay nagkukumahog mangutang siya naman ay narito't nagpapasarap sa halip
na gumawa ng pagkakakitaan. Laborer ang nakasulat na trabaho ng asawa ni Alice. Ibig sabihin sa ngayon ay
walang trabaho ang lalaking kaharap ko. "Sa Microfinance po ako. Nag-apply po kasi ang asawa n'yo ng loan
baka po pwede makausap."

Nagpaalam muna ang asawa ni Alice na nagpakilalang si Roldan sa mga kainuman. Pumasok kami sa gate na
pula at kumanan pagsapit sa bahay na puno ng mga nanay na naglalaro ng bingo. "Pasok po kayo."

Bago ako naupo ay napansin ko ang mga medalyang nakasabit sa dingding bukod pa ang mga certificate of
merit na medyo burado na ang mga nakasulat. Tiningnan ko ang application, bata pa ang mga anak ni Alice
para humakot ng mga medalya. Pito at anim na taon pa lamang ang nag-aaral. Tumayo muna ako habang
hinihintay lumabas si Alice. Nagluluto pa daw ang pastilyas kaya di agad maharap dahil baka masunog.
Tinitigan ko ang mga medalyang lampas sa bilang ng aking mga daliri. Kay Alice pala ang mga iyon base sa mga
nakaukit na pangalan sa medalya.

Base sa criteria ng Credit Investigation ko, hindi papasa o sasapat ang asset sa bahay nina Alice. Electric fan
lang ang nakitang may kuryenteng gamit sa bahay. Hindi din ako matatakot maglakad sa gabi kahit walang ilaw
dahil walang gamit akong mababasag o mabubundol.

Ilang saglit pa ay lumabas na si Alice. Maganda ang kanyang ngiti habang pinupusan ang kamay gamit ang
laylayan ng suot na damit. "Magandang araw po," bati niya sa akin. "Anak sa labas ka muna," utos ni Alice sa
anak na noon ay bigla na lamang sumulpot mula sa kusina.

Ngumiti ako bilang tugon. "Dami n'yo naman medal. Sa akin best in attendance lang, ribbon pa," pagbibiro ko.
"Honor po kayo dati?"

"Valedictorian..." mahinang sagot niya.

"Wow! Bakit di po kayo nag-college?" Hindi naglalayo ang edad namin ni Alice kaya kung gagamitin niya ang
talino, malayo ang mararating niya.

"Eh, nakapag-asawa po agad. Ayaw nga po akong ipakasal agad dahil sayang ang scholarship ko noon kaso
buntis na e." Matagal bago nakapagsalita si Alice. Nakatingin din siya sa mga medalyang minsan ay nagpangiti
sa kanyang mga magulang. "Ayaw ko naman pong makasama ang anak ko sa madaming bata na walang ama.
Hindi ko na naman naituloy ang pag-aaral dahil maselan ang pagbubuntis ko."

Bakas sa mukha ni Alice ang panghihinayang. Siguro kung hindi siya naging mapusok noon ay mas maayos sana
ang buhay niya ngayon. "Aral na lang po ulit kapag may pagkakataon."

Sabi ng lolo ko noon, mag-aral ako ng mabuti bilang sukli na din sa pag-aalaga nila sa akin. Magsikap daw kahit
pabagsak-bagsak ako sa mga subject ko dahil di lang ang mga matatalino ang nagkakaroon ng maganda
trabaho. Sa kaso ni Alice tama si lolo. Hindi sapat ang talino lang para magkaroon ng maayos na buhay.
Kailangan din ng action. Kailangan isabuhay ang natutunan.

Kaninang umaga bago ako pumunta dito sa Rizal, nanood kami ng isang video tungkol sa sucess. Noong una
naging mahiwaga sa akin ang topic. Tinanong kasi ng speaker sa video kung ilang percent na ang naachieve ng
mga listener sa kanilang pangarap sa buhay o ilang percent na bago makamit ang success. Napaisip din ako.
Ilang percent na nga ba? Siguro 80% na. Pamilya na lamang ang kulang 100% na.

Habang tumatagal ang video, nawala na ang interes ko sa panonood. Hindi na ako sang-ayon sa sinasabi ng
speaker dahil ang pera at materyal na bagay na ang measurement niya ng pangarap at success. Kung pera din
lang at materyal ang sukatan, bakit may mga taong pilit nagpaparami ng pera kahit puno na ang kanilang
bulsa? Hindi pa ba sila successful kahit kaya na nilang bilhin lahat ng materyal na bagay? May mga tao ding
hilig magpadami ng titulong ikakabit sa kanilang pangalan kahit salat sa financial pero masasabi nilang naabot
na nila ang kanilang pangarap. May mga tao ding namatay ng walang pera pero nakuha pa nilang ngumiti dahil
naging maayos ang pagpapalaki sa kanyang mga anak. Gusto ko sanang tumutol sa speaker dahil mali ang
kanyang sinasabi kaso video lang siya.

Tulad nga ng hinala ko, walang trabaho sa ngayon ang asawa ni Alice. Matalino nga ba si Alice? Bakit niya pinili
ang isang taong wala man lang responsibilidad sa katawan? Siguro dala nga ng pagmamahal.

Paglabas ko ng bahay, alam ko na ang resulta ng CI/BI. Reject. Bagsak. Layunin ng microfinancing na tumulong
sa mga taong gustong magkaroon ng maliit na negosyo sa pamamagitan ng pagpapahiram ng halaga para
maging puhanan. Pero bakit nga ba di pumasa si Alice? Dahil ayaw kong mahirapan lalo si Alice. Maaring
mapahiram siya ng puhunan pero lalo siyang maghihirap dahil sa interes na dadagdag sa tuwing di siya
makakabayad. Naputulan pala ng kuryente sina Alice, ibig sabihin wala silang kakayanang mag-amortize ng
loan.

Bago pa ako nakasakay ng tricycle nakita kong ang isang batang namumulot ng basura sa tabing kalsada.
Pamilyar sa akin ang bata dahil iyon ang nasa bahay kanina ni Alice. Alam kaya ng magulang ang ginagawa ng
kanilang anak? Hindi ba nahihiya ang isang ama sa pagsisikap ng isang bata?

"Masipag talaga ang batang 'yan," sambit ng matandang nasa may karinderya nang mapansing nakatitig ako sa
bata. "Wala kasi pagkukunan ng baon kaya araw-araw ganyan 'yan. Matalinong bata kaya sayang kung di
makakatapos."

Tumango ako. Hindi dapat ako maawa sa bata dahil paghanga ang deserve niya. Gusto ko sana siyang abutan
ng pera para may panggastos kahit ilang araw lang pero hindi limos ang kailangan ng bata dahil marunong na
siyang magsikap. Kung masasanay siya sa limos maaring mawala ang determinasyon niyang magpatuloy..

"Isa nga pong mineral water." Mabilis kong ininom ang tubig at inihagis sa bata. Nagpalitan kami ng ngiti
pagkapulot niya sa bote ng tubig. Mas matamis nga naman ang tagumpay kung pinaghihirapan.
Hindi Laruan ang Puso
Ni Lorrayne Faye Dalida

Tila ang katanungan kay Binibining Shamcey Supsup Bb. Pilipinas - Universe na nanalo bilang third runner-up
ang maihahalintulad sa kuwento buhay pag-ibig ni Gina.
Sa patimpalak na Ms. Universe Pageant ay tinanong si Bb. Supsup ng huradong si Bb. Vivica A. Fox sa tanong
na "Handa ka bang baguhin ang iyong pan-relihiyong paniniwala para lamang pakasalan ang taong mahal mo?
Bakit?
At napakaganda ng naging tugon niya dito, " kung babaguhin ko ang aking paniniwalang pan-relihiyon, ay hindi
ko papakasalan ang taong mahal ko, dahil ang una kong mahal ay ang Diyos na lumalang sa akin, ako ay may
pananampalataya, paniniwala at prinsipyo at ito ay ako. At kung tunay niya akong mahal dapat ay mahalin din
nito ang aking Diyos".
Sa kasagutan niyang ito ay napahanga ang nakararami, maraming tumaas ang kilay ngunit mas marami sa
inam ang nagbiggay pugay dito. Sa kabilang banda, eto naman ay nagaganap sa tunay na buhay ating basahin
ang totoong buhay na kuwento ng pag-ibig na maitutulad natin sa naging tanong kay Bb. Shamsey.

"Ang kuwento ng pag ibig ni Gina"


Si Gina ay isang dalagang Katoliko at isang simple na OFW nag-ta trabaho sa isang kilalang opisina sa gitnang
silangan bansang Kuwait, natural ang ganda at hindi mo na kakailanganin pa ng anumang pintura para sa
mukha.
Si Ahmed ay ka-opisina nito isang lalaking tila pinakalooban na ng kumpletong pisikal na anyo, perpekto kung
tatagurian na natin. Siya ay isang Muslim, may asawa at anak, mayaman, mabuting tao, respetado, may
mataas na tungkulin sa Islam at kilala sa bansang Kuwait.
Iisang kumpanya lamang ang pinag-tatrabahuan nila. Halos madala sila dito nagkikita at nagkaka-usap kaya
naman nahulog loob ni Ahmed kay Gina.
Si Ahmed ay mabuting tao at kilala sa lipunang ginagalawan nito at nais nito ang makapag-asawa ng tatlo at
magkaroon ng tag-iisang anak mula rito. At si Gina nga ang napupusuan nitong maging ikalawang – asawa.
Maiging sinusuyo ni Ahmed si Gina para siya ay maging ikalawang asawa nito, sa batas ng Muslim ito ay
pinahihintulutan, lalo na kung ikaw may kakayahang makapag-bigay ng suporta sa iyong una at ikalawang
asawa o susunod pa.
Ang mga araw-araw pang pagkikita sa opisina ni Ahmed at Gina ay lalo pang pinag-igting ng sila ay maging
magkaibigan, habang patuloy na nanuyo si Ahmed para tanggapin ni Gina ang pagmamahal nito at gawin
siyang asawa. Nakikilala na ng lubos ang kagandahang loob nitong si Gina kung kaya naman hindi ito nag-
aatubuling kanyang aluking pakasalan siya.
Isa sa mga kondisyon ng pag-aasawa sa Islam ay mahigpit nitong ipinagbabawal ang pag-aasawa ng walang
pag-sang-ayon o sapilitang pagpapakasal.
At sa araw-araw naman ay ganito ang masasaksihan sa kanilang batian;
Ahmed: Salam!
Nakasuot ng puting disdasa, may dalang timplang tsaa para kay Gina habang nakangiti ng ubod ng lambing.
Gina: Salam!
Sabay pagtanggap nito ng maiinit na tsaa na hindi tumitingin sa mga mata ni Ahmed, ngunit walang balak
inumin sa kadahilanang sumasama ang tiyan nito sa ganitong inumin, ngunit ito ay hindi na lamang niya
tinatanggihan.
Ahmed : Sabah el kheer (magandang umaga) Gina!
Nakangiti nitong tugon kay Gina
Gina: Sabah el noor (magandang umaga na tugon sa paunang bati) Ahmed!
Ahmed: Kaifa halak? (kamusta ka na?)
Bumati habang yumukod ng konti sa mesa ni Gina para pagmasdan ang mukha nito.
Gina: Tamam Shokran, Inti? (Mabuti naman Salamat, ikaw?)
Ahmed: Alhamdulillah Zen! ( Mabuti din, Salamat sa Diyos)
Habang iniinom nito ang maiinit na tsaa
Palibhasa ay nakapag-aral na itong si Gina ng lenguahe ng Arabic kung kaya’t nakakapag-salita ng lengguahe ng
maayos at nauunawaan.
Kung iyong titingnan si Ahmed ay masasabi mo ng napaka-suwerte mo na tila kung ito ay mapa-ibig mo, na
hinahangad ng karamihang mga babae subalit si Gina ay may prinsipyo at pananaw sa buhay na hindi niya
maaring mahalin ang lalaking magpapago lamang ng kanyang pang-relihiyong paniniwala at buong pagkatao
na kung siya man ay magmamahal ay nararapat nitong kilalanin ang kinikilala nitong Diyos na walang pag-
aalinlangan sa kadahilanang ito ang kanyang mahal.
Nagdaan pa ang mga ilang araw at sa bawat araw ay nagiging maganda ang kanilang pagtitinginan bilang
magkaibigan.
Sa ilang araw, buwan at pagsasama nila ni Gina sa isang opisina ay lalong nagkakilanlan ang dalawa sa
katagalan at nasigurado na nito ang kanyang kalooban sa binibining nais mapakasalan. Dito na dumating sa
puntong nagbibigay paliwanag na si Ahmed tungkol sa kultura ng pag-aasawa ng Muslim partikular ang
polygyny na tanggap ang makatarungang pagkakaroon ng ilang asawa na kaya nitong suportahan ng pantay-
pantay sa lahat ng bagay. Sinabi din nito kay Gina ang mga plano nito kung sakaling pumayag itong maka-isang
dibdib at kung anuman ang suportang binibigay sa unang asawa ay siya rin nitong tatamasahin tulad na
lamang ng pag-tira sa Villa nito, pagkaroon ng sariling sasakyan at mga kadama.
Araw-araw ay binibigyan ng kaalaman ni Ahmed si Gina tungkol sa Islam at pagiging isang Muslima. Marami na
ding ibat-ibang klaseng aklat patungkol sa relihiyon nito at hijab ang binigay nito kay Gina upang lubusang
maunawaan nito ang relihiyong kinagisnan. Ang hindi malilimutan ni Gina na handog nito pagkatapos ng
Ramadan ay ang Hijab na may gintong burda sa paligid nito, agad niya itong sinauli ng ito ay kanyang makitang
ang pagkakatahi nito ay may gintong burda. Ilang beses na din lahat ito pinaliwanag kay Ahmed tungkol sa
paniniwala at pananalig ukol sa pagmamahal nito at pakilala sa Diyos, ngunit masuyo pa din si Ahmed na ito'y
maari niyang makumbinseng mag-suot ng Abaya at simulang kilalanin ang Islam.
Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, may umuusbong na ding pagmamahal si Gina sa lalaking ito, ang
pakiramdam na ito ay agad na pinapatay na paulit-ulit sa twing nararamdaman nitong ito ay nagsisimulang
yumabong dahil ang pag-ibig para sa kanya ay hindi tulad ng laruan lamang na maaring iisang tabi kung
sakaling ito ay pinagsawaan mo na at nalamang mali pala itong laruang nabili. Pinanindigan ni Gina ang
kanyang desisyon kahit anong buti pa at ganda ang paliwanag at pag-aakay ni Ahmed.
Nanindigan itong hindi mo kailangan magbago ng paniniwala upang mag-bigay daan sa pagmamahalan dahil
ang kinikilalang Diyos natin ay may nakalaang tamang tao para sa atin.
ANG DALAWANG MUKHA NG PAG-IBIG
Ni Joanna Calayag

May isang estudyanteng nagngangalang Edmond isa syang mataba, matangkad at kagiliw-giliw na estudyante
hindi sya kaguwapuhan pero sya ay pinagkakaguluhan ng mga kababaihan sa eskwelahan. Halos lahat ng
kalalakihan ay nagtataka kung bakit ganoon na laman ang atraksyon nya sa mga kababaihan. Isang araw
nasubukan ang katapan niya kay Aloida ang kanyang kasintahan . Si Aloida ay isang bungangerang babae,
matalino ito at maganda ngunit sa kabila ng kanyang pagkabungangera ay mapagmahal ito at maalaga kaya
minahal ito ni Edmond. Usap-usapan sa kanilang eskwelahan ang pambabae nito ni Edmond dahil nga sa
malakas ang hatak nya sa mga kababaihan ay hindi niya maiwasan matukso . Isang araw ay nagselos si Aloida
sa kanya at kinalmot , sinabunutan at hinampas-hampas niya ito ng libro, sa sobrang ines ni Edmond ay
nilayasan niya ito at umakyat sa kanilang klase sa pisika. Kinabukasan ay nakipag hiwalay na si Aloida
kayEdmond dahil sa nalaman nya na may isang babaeng napapalapit kay Edmond , siya ay si Beatrice.
Maganda , matalino at mayaman ang babaeng ito, gustong gusto nya si Edmond. Pero ano nga ba ang meron
kay Edmond na wala ang iba? Kinabukasan ay may bago nang nililigawan si Edmond , hindi maalis sa kanilang
dalawa ang mata ng mga kapwa nila estudyante. Habang sila ay naglalambingan ayang kanyang dating
kasintahan na si Aloida ay kasalukuyang umiiyak at ang tanging sinasandalan ay ang kanyang mga kaibigan.
Awang-awa ang kanyang mga kamag-aral sa kanyang sinapit dahil minahal nga niya ang ito ng lubusan tapos
kinabukasan ay may pinalit na agad sa kanya. Pero di naglaon ay nalaman din ang totoo nilang nararamdaman
sa isa’t- isa. Si Edmond pala ay may pagtinging parin kay Aloida , ni kahit isang tibok ay walang naramdaman
para kay Beatrice. Sobrang paghihinagpis at lungkot ang naramdaman ni Beatrice ,yun pala ay pera lang ang
habol ni Edmond sa kanya dahil sobrang lungkot at kelangan ng masasandalan ay nandiyan si Beatrice kung
baga ay nagging “panakip- butas lamang” siya .
ANG MATALIK NA MAGKAIBIGAN
Ni Manny Ison

Magkasabay na lumaki sina Efren at Gardo. Mula sa buhay mahirap ay kinaya nila lupit ng kapalaran. Hindi sila
nakapagtapos ng elementarya. Grade 2 lang si Efren at Grade 4 lang ang natapos ni Gardo. Naging magkasama
sila sa hanapbuhay, ang pagiging construction worker. Isang araw ay magkasama silang nag miminindal sa
pondahan ni Lucy. Nagkaroon sila ng pagtingin sa dalaga ngunit hadlang ang kanilang kahirapan sa buhay.

"lucy kung mapapangasawa kita, ibibigay ko lahat ng gusto mo" wika ni Efren

"naku di niyo ako kayang pakainin, e magkano lang ang kinikita niyo sa pagiging labor sa constuction"

"ako naman Lucy kahit maliit lang ang sweldo ko magiging masaya tayo basta magkasama lagi sa hirap at
ginhawa" wika naman ni Gardo

"tama na nga kayo, kung sino na lang ang magugustuhan ko sa inyo kalaunan, ay maswerte hi hi hi o lista kuna
nakuha niyo ha?"

"sige Lucy salamat sa uulitin hi hi" biro ng dalawang binata

Nag-usap ang dalawa kinagabihan matapos ang trabaho.

"pare balang araw di na ako maghihirap yuyuko ang lahat ng tao sa akin, magiging ganap akong kilala sa lugar
natin para me ipamukha ako kay Lucy" wika ni Efren

"ako naman e kung di niya ako gusto okey lang ang mahalaga yung mahal ako, balang araw titingalain din ako
ng mga tao" wika ni Gardo

"me trabaho ang pinsan ko, sumama ka sa akin mamaya kung gusto mo malaki ang kikitahin natin doon, alok
niya ito tiba tiba tayo"

"baka kung ano yan Efren, okey na sa akin ang trabaho ko marangal"

"bahala ka, patuloy tayong magdidildil sa tuyo kung mananatili tayo dito" wika ni Efren

"ano bang trabaho yun?" tanong ni Gardo

"dun na lang natin aalamin"

"pare ikaw na lang marami pa akong gagawin bukas ibig sabihin di ka papasok" tanong ni Gardo

"di na pare dun na ako magtratrabaho at sisiguraduhin ko sa sa mga taong lumalait sa trabaho natin yuyuko
sila sa akin at hihingi ng paumanhin"

"bahala ka pare basta ako magsisikap, balang araw titingalain naman ako nila he he he" biro ni Gardo

"ha ha ha ikaw talaga tara at matulog na tayo"


Lumipas ang isang linggo habang nagpipintura si Gardo ay sinigawan siya ng isang kaibigan.

"Gardo! alam mo na ba ang nangyari kay Efren!"

"ha! bakit ano nangyari!"

"mamaya pumunta tayo sa kanila!"

Patay na si Efren, nabaril habang nag-hoholdap ng banko sa bayan. Natupad ang kaniyang pangarap. Ang mga
tao ay isa-isang yumuyukod sa kaniyang harap sa loob ng isang kahon na may salaming bubog.

Tinitingala naman ng tao si Gardo sa pagiging isang pintor ng mga mural sa malalaking gusali na kaniyang
natutunan sa masikap na pagtiya-tiyaga at kumikita ng sapat para sa kanilang mga anak ni Lucy.
PROYEKTO
SA
FILIPINO

IPINASA NI:
MHIKEE CACDAC MADDELA

IPINASA KAY:
MA’AM JUDITH IQUIN

You might also like