You are on page 1of 3

ANG PALAKA AT ANG UWANG

PABULA NG KATAGALUGAN
Matahimik at masayang namumuhay sina
Palaka at Gagamba at susuhong sa lugar na iyon
nang

biglang

dumating

si

Uwang.

Bukod

sa

matakaw ito sa mga dahon at maingay pa nag kanyang ugong, sobra pa


itong mapanudyo. Kapag pinagbabawalan o pinagsasabihan, nagbabanta pa
itong mananakit o mamiminsala.
Isang araw, tahimik na nanginginain si Susuhong sa tabi ng sapa nang
bigla na lamang siyang suwagin ni Uwang. Nahulog siya sa agos at tinangay
siya sa dakong malalim. Mabuti na lamang at nakapangunyapit siya sa isang
yagit, kaya nakaahon siya sa pampang.
Minsan naman, gumawa si Gagamba ng isang napakagandang sapot.
Ipinagmalaki niya iyon kina Palaka at si Susuhong. Natuwa rin ang dalawa at
pinuri si Gagamba. Subalit kinabukasan, nang naghahanap ng makakain si
Gagamba, hindi niya alam na winasak ni Uwang ang kanyang sapot. Gayon
na lamang ang kanyang panlulumo habang si Uwang naman ay patudyong
nagtatawa.
Si Palaka man ay sinuwag ni Uwang ng mga sungay nito, isang araw na
nagpapahinga siya sa may batuhan. Namaga ang kanyang nguso ng ilang
araw. Kaya ang magkakaibigan ay nagpasya

isang

araw. Hahamunin nila sa isang paligsahan si Uwang.


Ang ilalaban nila ay si Palaka.
Payag ako, sabi ni Uwang nang mabatid ang
paligsahan. Kung kayo ay magwagi,lalayasan ko na
ang lugar na ito. Kung ako naman ang magwagi, kayoy magigiging sunudsunuran sa akin.

Nagpalutang sila sa isang

malapad na dahon sa

gitna ng sapa. Mag-uunahan

sina Palaka at Uwang sa

pagsakay roon.
Tiyak na ako na ang

magwawagi,

pagmamalaki ni Uwang dahil alam niyang mabilis niyang maikakampay ang


kanyang pakpak.
Sinimulan ang paligsahan. Pumaimbulog pa si Uwang habang si Palaka
naman ay mabilis nang lumangoy patungo sa dahon. Mula sa itaas, sumisid
si Uwang, patungo sa dahon na inaanod ng agos sa gitna ng sapa.
Ngunit nagkasabay sila ng pag-abot ng dahon. Kasabay ng pagsakay ni
Palaka sa dahon, dumapo din naman ditto si Uwang. Sa bigat nilang dalawa,
lumubog ang dahon at kapwa sila nahulog sa tubig. Ang nabiglang si Uwang
ay natangay ng agos.
Tulungan

mo

ako,

Palaka.

Hindi

ako

marunong lumangoy pakiusap ni Uwang


Hindi siya pinansin ni Palaka. Umahon ito sa
pampang

at

sinalubong

ng

magkaibigang

Gagamba at Susuhong. Mabuti na sa kanya,


sabi ni Palaka nang hindi matanaw si Uwang.
Mula noon ,nagbalik ang katahimikan at kasaysayan ng pamumuhay ng
tatlong pook na iyon.
THE END

You might also like